Followers

Friday, October 24, 2014

Ang Aral Ng Gamugamo [2]



By Michael Juah
email: getmybox@hotmail.com
fb: https://www.facebook.com/mikejuha

*********************************

Chapter 2:

Sa sumunod na mga araw ay pansin ko na ang pagkamasayahin ni Dennis. Kapag nagkita kami ay palagi kaming naghaharutan, nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at hindi namin nalilimutan ang aming handshake na may kasamang yakap kapag ganyang nagkita kami o maghihiwalay na. Kapag nasa bahay naman kami, may mga texts pa, kung hindi man ay tawag. Pati sa klase ay nagsusumikap na rin siya, sumasali sa group activities, recitations, pati na rin sa clubs. At nakikita sa resulta ng mga tests niya na magaling siya. Sa extra-curricular activities naman, ang sinalihan niya ay ang singer’s club. Sa totoo lang hindi ako makapaniwalang iyon ang kanyang sinalihan. Pero dahil kaibigan ko siya, sumali na rin ako kahit hindi ako masyadong marunong kumanta. “Matuto ka rin, ako ang magturo sa iyo.” Ang sabi niya. Kaya dahil gusto kong ipakita rin sa kanya na confident ako sa aking sarili kahit pa pagtawanan ako kung pakakantahin man, sumali na rin ako. Doon ko nakita ang galing niyang kumanta nang isa-isang pinakanta ang mga members at ang kinanta niya ay ang “All of Me” ni John Legend.


What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

My head's under water, but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me, loves all of you, love your curves and all your edges
All your perfect imperfections, give your all to me, I'll give my all to you
You're my end and my beginning, even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me, and you give me all of you, ohoh

Humanga ang mga miyembro ng club sa ipinakita niyang galing. At ang pagkanta niyang iyon ay parang isang mabangis na wildfire na mabilis kumalat sa buong campus. Lahat sila ay nagandahan sa kanyang version. Lalo na dahil may nag-video at ina-upload sa Youtube. Mas marami pa ang humanga sa kanya.

Isang araw ay naisipan ng club na mag fund raising para sa mga nasalanta ng bagyo. Nag mini-concert kami, syempre ang pinakanta ay ang may magagaling na boses, support lang kami. Pero si Dennis ay isa sa kumanta. Dinumog ang aming mini-concert ng mga estudyante. Pati taga-labas ng school ay nanuod din.

Dahil sa sumikat ang mga singers namin, gumawa rin kami ng pakulo para makadagdag sa aming fund. At ang naisipan ng grupo ay ang magtambay ang aming mga singers sa student center at magpayakap. Isinali na rin nila ako. Nagbotohan kasi ang members at ang criteria ay iyong magaling kumanta kundi man ay may “kilig” factor daw. Hindi naman sa pagmamayabang, marami rin naman ang nagkakaroon ng crush sa akin. Iyan ang sabi nila. Maputi rin naman ako, magkasing tangkad kami ni Dennis. Medium-built ang katawan, at sabi nila, may maipagmamalaki rin namang hitsura. Kaya isinali nila ako dahil pasok daw ako sa “kilig factor” na sinasabi. Basta kayang tumayo sa gitna ng student center, kayang magpayakap sa mga gustong yumakap, mabango, iyon na. Sa wall naman ng student center naman ay may malaking backdrop na nakapaskil, “Hug For a cause: Fifteen seconds = 10 pesos. Free selfie”

Nakakatawa pero iyon ang aming ginawa, kakaiba. Mas nagustuhan pa naminiyon dahil walang ganoong preparations, at halos walang gastos, walang kailangang practice. Bale apat kaming lahat na lalaki ang kasali at apat ring babae. Sobrang exciting na hindi ko mawari. May takot din na baka hindi papatok at mapahiya lang kami. Ngunit dahil full support sa sa ginawa namin ang presidente mismo ng unibersidad, game na game pa rin kaming sumipot. Nang nagsimula nang mag-announce ang aming emcee, doon na kami natuwa dahil biglang nagsigawan at nag-uunahan sa pila ang mga estudayanteng babae at mga bakla sa linya kung saan kami naka-assign. Ang mga lalaki naman ay doon sa mga babaeng kasama naming kasali.

Pumatok ang fund raising namin na iyon. At ang may pinakamaraming yumakap ay sino pa nga ba, si Dennis. May nagbayad sa kanya ng 100 pesos, 200 hundred para raw mas matagal na yakapan, may humiling na kumanta siya habang kayakap ang babae. Pumapangalawa naman ako na halos may ganoon ding nagbayad at nagpakanta bagamat di kagandahan ang boses ko. Nakakatuwa lang.

Iyon ang simula kung saan ay nakita ko ang panunumbalik ng kanyang sigla at confidence sa sarili. Mas lalo pang dumarami ang mga nagkaroon ng crush sa kanya. Nakikita kasi nilang sobrang mabait at accommodating si Dennis, at game na game kumbaga sa mga pinapagawa ng sumali sa fund-raising.

Ngunit kung nanumbalik na ang normal na buhay ni Dennis, tila kabaligtaran naman ito sa nangyari sa akin. Pakiwari ko ay out of place na ako sa kanya. Parang naging ironic ang lahat. Siya ang best friend ko ngunit may selos akong nadarama lalo na kapag may naghahanap sa kanyang babae. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Para akong natakot na mawala siya sa akin at makahanap siya ng ibang best friend. Doon na nagsimula ang aking pagkatuliro. Palagi ko siyang iniisip, palaging hinahanap. Parang ayaw kong mawala siya sa aking tabi. Walang oras o minuto na hindi siya sumasagi sa aking isip. Kung dati ay masaya na akong kasama siya, sa pagkakataong iyon ay parang kulang pa ang pagsasama namin, kulang pa ang pagiging mag-best friends namin. Parang gusto kong magiging pag-aari ko ang buong pagkatao niya.

Alam ko, mahal ko na siya. Ngunit hindi ko alam kung mahal din niya ako. At dahil pareho kaming lalaki, ito ang nagpatindi pa sa aking pagkatuliro. Noon ko pa lang kasi naranasan ang ganoong pakiramdam sa kapwa lalaki. Inaamin ko, dati ay may crush akong babae halos pareho rin ang aking nararamdaman sa naramdaman ko kay Dennis. Niligawan ko ang babae, at sinagot naman niya ako. Naging mag-syota kami. Ngunit hindi nagtagal ang aming relasyon. Marahil ay ganyan talaga kapag hindi lubos ang pagmamahal. May kulang. Ngunit sa nararamdaman ko para kay Dennis, ramdam kong mas matindi ito. Para akong mababaliw. Parang gusto ko na lang na saksakin ang aking sarili upang huwag ko nang maramdaman sakit. At ang isa pang nagpatindi sa sakit na aking nadarama ay wala akong mapagsasabihan, at hindi ko siya puwedeng ligawan. Pakiwari ko ay hindi ko matanggap sa aking sarili na hayan, nanliligaw ng kapwa lalaki. Hindi ko ito tanggap. Kaya ang ginagawa ko ay ang pagdarasal na lamang. Religious kasi ang pamilya ko at pinalaki ako ng aking mga magulang na marunong magdasal at magsimba. Kaya kapag ganyang nagsisimba ako o nagdarasal, ang aking hinihiling ay na sana, kung hindi man nararapat ang pagmamahal ko ay pawiin na lang niya ang sakit na aking naramdaman, at na sana, mawala rin ang pagmamahal ko sa kanya. At nanghingi ako ng sign kung ano ang dapat kong gagawin.

Isang araw, naisipan naming mamasyal sa zoo ng aming bayan. Maliit lang ang zoo ngunit maganda ang ambiance dahil sa malalaking puno at malamig na simoy ng hangin. Naupo kami sa harap ng enclosure ng iba’t-ibang klaseng ibon. Parang isang heganteng hawla ang enclosure na iyon na pati iilang malalaking puno ng kahoy ay nasakop sa loob nito.

Habang seryoso kaming nakaupo sa sementong bangko at kumakain ng sitserya napansin niya ang isang pares ng puting swan na ang mga tuka ay may kulay dilaw at itim. Magkaharap ang mga ito at habang tila naglalambingan, ang kanilang leeg at tuka ay napopormang puso. Nilapitan niya ito at kinunan ng litrato mula sa kanyang cell phone. “Ang ganda, di ba?” ang tanong niya nang bakabalik na siya sa aming inuupuang bangko.

“Oo nga.” Ang sagot ko. Na-capture kasi talaga sa kanyang kuha ang dalawang swan na napormang hugis-puso ang nagdugtong nilang mag leeg at ulo.

“Alam mo bang ang mga swan ay monogamous?” dugtong niyang tanong.

“Mayroon bang ganyan? Di ba kapag napisa na ang itlog ng babae ay iiwanan na siya ng lalaki upang maghanap naman ng ibang makakapartner?” ang tanong ko naman.

“No-no-no-no. Mali ka. Long-term, kung hindi man lifetime ang samahan nila. Kaya ako ay bilib sa kanila. Kapag nagmahal sila, wala nang atrasan. Pinapanindigan nilang sila, hanggang kamatayan...”

“Wow! Ang galing pala! Sana ganyan ang lahat nang pag-ibig.” Ang nasabi ko.

“Kahit sila hayop ay marami pa ring tayong natututunan sa kanila.”

“G-ganyan ka rin ba kapag nagmahal?” ang tanong ko.

Tiningnan niya ako, napangiti. “Oo... kapag ako ang nagmahal, pinapanindigan ko. Pati sa kaibigan.” Sabay akbay sa akin.

Napangiti na rin ako. Sa kaloob-looban ko ay may kilig akong nadarama. “Observant ka rin pala sa mga hayop.” Ang nasambit ko na lang.

“Oo... at bilib ako sa mga hayop na monogamous, kagaya ng swan. Kaya paborito ko silang tingnan. Kapag nakapunta ako ng zoo, hindi ako papalyang panoorin sila. Ang sarap kasing tingnan nila. Sweet. Di ba?”

Tumango ako. “Alam mo, may hinahangaan din akong hayop.”

“Talaga? Ano?” ang excited niyang tanong.

“Gamugamo...”

Kitang-kita ko naman sa kanyang mukha ang biglang tila pagkadismaya. Siguro ay inakala niyang nagbibiro ako. Syempre, maliliit na hayop na kung iisipin ay tila walang silbe. “Totoo nga!” ang paggiit ko pa.

“Gamugamo? Ano iyon? Iyong maliliit na parang mga paruparo na lumilipad sa gabi?”

Tumango ako. Doon ko na ikinuwento sa kanya ang mga na-oobserbahan ko simula noong bata pa ako, pati na ang paggawa ko ng mga frames sa mga namamatay na gamugamo.

“At ano naman ang nagustuhan mo sa kanila? Bakit mo sila hinahangaan?”

“Martir sila. Kaya nilang ibigay ang kanilang sarili, pati ang kanilang buhay makamit lamang ang isang bagay na hinahangad nila. Atsaka, dumadaan din sila ng cycle o iyong tinatawag na metamorphosis bago sila magiging ganap na gamugamo. Tapos, iyan. Ang iba sa kanila ay mamamatay lamang sa apoy. Di ba nakakaantig?”

“E, ako pala kung gusto kong mag suicide, ok lang din pala, hahangaan mo pa rin pala ako?” Ang sambit niya.

Bigla naman akong napatingin sa kanya. Tama nga naman siya. Bakit ko hahangaan ang isang buhay na kikitilin lang pala. Napaisip ako nang sandali. Ngunit nakahanap din ako ng paliwanag. “Ang mga gamugamo ay walang intensyon na kitilin ang buhay nila. In fact, ang buong akala nga nila ay nakakatulong ang ilaw sa kanila, nagustuhan nila ang sinag nito. Pinapanindigan nilang nakabubuti ito sa kanila. Ang malungkot lang ay nasasaktan sila at namamatay in the process. Ngunit kagaya lang sila sa mga sundalo. Kahit alam nilang maaaring mamamatay sila sa pagsagupa nila sa mga kalaban, haharapin pa rin nila ang mga ito, dahil ito ay makabubuti sa bayan. Hinaharap nila ang kalaban. Ngunit ang mga taong kumikitil sa kanilang sariling buhay ay tinatakasan ang mga kalaban, ang mga problema. Iyan ang kaibahan. Ang mga sundalo at gamugamo ay matatapang. Ang mga taong nagpapakamatay ay mga duwag.”

Natahimik siya.

“Di ba... dapat natin silang tularan?” ang tanong ko.

Tahimik siyang tumango.

“May mga tao ring nakikipaglaban dahil sa kanilang paniniwala, sa kanilang paninindigan, sa kanilang relihiyon, sa kanilang minamahal.” Ang dugtong ko pa.

“Ikaw ba ay kaya mong ialay ang buhay mo dahil sa pag-ibig?” ang tanong niya.

Bahagya akong natahimik. Napaisip kasi ako sa kalagayan ko, na nagmahal sa kanya ngunit hindi ko kayang sabihin o ipadama man lang ito sa kanya. “Sana... P-pero madaling sabihin. Kapag ikaw ay nasa actual na kalagayan na, baka mahirap.”

“Sabagay...” ang pagsang-ayon niya. “Sana... ganoon din ako, handang harapin ang lahat, kahit buhay ay iaalay, kahit isang ilusyon lamang ang pagkamit sa mithiin.” Dugtong niya.

Napatingin ako sa kanya. “Uy... malalim iyan ah.” Ang biro ko. “Bakit? Ano ba iyang ilusyon na mithiin na na iyan?”

“Wala, theoretical lang.” ang sagot niya.

“Woi, in-love ang best friend ko ah!” ang pang-aasar ko pa.

“Hindi ah! Baka ikaw in-love ka. Madalas kaya kitang napapansing nakatunganga.” Ang biro din niya. Ewan kung may laman ang sinabi niyang iyon.

Napangiti na lang ako. “In love ako sa kanya, pero siya, hindi in love sa akin. Kumbaga, hindi karapatdapat na ipaglaban, hindi karapat-dapat na pag-alayan ng buhay.”

Natawa siya. “Sino nga iyan, tanginaaa! May tinatago sa akin ang best friend ko!” ang biro niya na tila nainis na nagpaparinig lang ako.

“Theoretical nga lang din, ano ka ba!”

Sa tagpo naming iyon ay hindi ko talaga inamin na totoong may mahal na ako.

Isang araw, nag text sa akin si Dennis na may emergency meeting daw ang Singer’s Club. Tinanong ko siya kung ano ang problema dahil wala man lang pasabi, at gabi pa, alas 7. May balak din kasi akong imbitahan siya sa bahay-kubo, para sa isang selebrasyon. Doon kami kakain at mag-inuman. Ngunit hindi rin daw niya alam ang tungkol sa emergency na iyon. Basta magkita na lang daw kami sa harap ng Room 102 ng main building. Iyon daw ang venue ng meeting.

Tumalima ako. Nang nasa harap na ako ng nasabing room, hinanap ko si Dennis. Hindi ko kasi siya nakita roon. Nagtext ako sa kanya ngunit walang sumagot. Nang tinawagan ko naman ay naka-off ang kanyang linya. Wala rin naman akong nakitang members na pumasok o dumaan. Ngunit dahil naisip kong baka late na ako at nasa loob na si Dennis, tinumbok ko na lang ang pinto at binuksan ito upang papasok na sana. Ngunit laking gulat ko nang madilim ang buong kuwarto at walang katao-tao.

Ibabalik ko na sana ito sa pagsara upang umuwi na lang nang bigla namang sumindi ang ilaw sa loob ng kuwarto at namangha ako sa nakita. May balloons, may mesa sa harapan na may nakapatong na cake at mga pagkain at sa harapang dingding ng stage ay may streamer at ang nakasulat ay, “Happy 18th Birthday Juan Carlos!”

“Surprise!!!” ang sigaw ng lahat na members na nasa loob. At naroon din si Dennis. Agad niya akong nilapitan. Iniabot niya sa akin ang kanyang gitnang daliri para sa aming handshake atsaka niyakap niya ako. Habang ineskortan niya ako na naglakad patungo sa platform kung saan ay naroon ang upuang naka-reserved para sa akin, tinanong ko siya. “Ginulat niyo naman ako!” ang sabi ko sa kanya. Nakasanayan ko na kasi na hindi mahilig magparamdam o mag-announce ng birthday. Para sa akin, ang lihim napagcelebrate nito sa pamamagitan ng pagsisimba ay tama na. Iyan kasi ang natutunan ko sa aking mga magulang. Hindi raw mahalaga ang pagpapakain o maluhong gastos sa birthday. Sapat na ang magpasalamat na nakakabuo ng isa pang taon sa buhay. Kaya ang planong i-sorpresa ko siyang imbitahan sa bahay-kubo sa gabing iyon dahil birthday ko ay nabaligtad. Ako ang na-sorpresa. 

“Ganyan ka ka-espesyal sa akin.” Ang sagot niya.

Touched ako, syempre. “Ikaw ang nagpasimuno nito?” ang tanong ko.

Tumango siya. At sa pag-amin niyang iyon ay pabiro ko siyang binatukan. “Di mo ako tinimbrehan.”

“Surprise nga eh!”

Nang nakaupo na ako sa silya sa gitna ng platform na nagsilbing stage, kinantahan nila ako ng Happy Birthday. Hinipan ko ang kandila pagkatapos kong mag-wish. Sumunod naman ang mga alay nilang kanta, limang pinakamagaling na singers ng grupo. Ngunit ang pinakahuli sa kanila at doon ako napaiyak ay ang pagkanta sa akin ni Dennis –


 I always thought you were the best, I guess I always will
I always felt that we were blessed, and I feel that way still
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Sometimes the world was on our side, sometimes it wasn't fair
Sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care
'Cause when we were together, it made the dream come true
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Someone who understands me, and knows me inside out
Helps keep me together, and believes without a doubt,
That I could move a mountain, someone to tell it to
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Sobrang touched talaga ako sa kanta niyang iyon. At nang kinanta pa niya ang kantang kantang nagpasikat sa kanya, doon na ako naturete.

What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

My head's under water, but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me, loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me, I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you, ohoh

Ewan kung talang nag-ilusyon lang ako o nangarap ba o nanaginip, ngunit sa porma ng pagkanta niyang iyon, tila buong puso niyang iniaalay iyon sa akin, at ang mga kataga nito ay ang siya ring mensahe niya para sa akin.

Syempre, kahit kanino man mangyari, sobrang nakakaantig kapag kinantahan ka ng taong lihim mong minamahal. Nakakakilig. Nakaka-touched. At talagang isinaisip ko, na para talaga sa akin ang kantang iyon, at kinanta niya iyon sa akin dahil gusto rin niya ako, na may nararamdaman din siya para sa akin. Inangkin ko talaga ang pag-iilusyon ng kanyang pagmamahal.

Nang matapos na ang maiksing program, nagrequest sila na magbigay ako ng maiksing speech. Pinaunlakan ko naman. Nagpasalamat ako sa lahat, natuwa ako, naiyak at nagulat, hindi inaasahang mag-effort pa talaga silang bigyan ako ng sorpresa. Natawa sila, nagpalakpakan. Itinuro nila si Dennis na siyang may pakana ng lahat. Nang narinig ko iyon, sinagot ko ito ng, “I would like to request my best friend, Dennis to stay beside me here.”

Tumalima si Dennis. Umakyat sa platform at nang nasa harap ko na siya, iniabot ko ang kamay ko para sa aming unique na kamayan atsaka niyakap siya. “Thank you best friend” ang sambit ko.

Ngunit may pabirong sumigaw ng “Kiss!”

Tinitigan ako ni Dennis, ang bibig ay pigil sa pagtawa. Ngunit may sumigaw uli. Doon na niya ako hinalikan, sa pisngi nga lang.

Nagpalakpakan ang lahat. Nagtawanan. Siguro ang iba ay kinilig. Ngunit sa kanilang lahat, ako ang halos ay walang mapagsidlan ng matinding saya. Feeling ko ay pulang-pula sa magkahalong hiya at tuwa ang aking mukha. Feeling ko ay isa akong babaeng nilapastangan ng lalaking minahal, sa pamamagitan ng isang napakasarap na paraan.

Pagkatapos ng kainan ay nagsiuwian kami. Sabay kaming naglakad patungo sa bahay-kubo. “Ipinagpaalam na kita sa Tita mo na dito ka matulog dahil birthday ko...” ang sambit ko sa kanya nang nakarating na kami sa bahay-kubo. Pareho kaming nakaupong naka ekis ang mga paa sa papag na kawayan.

“Sinabi nga niya sa akin... Kaya heto, nagdala na ako ng mga gamit ko.” Sabay bukas sa kanyang knapsack at may hinugot. “Ay bakit nandito pa ito sa bag ko? Shitt!” ang sambit niya habang hawak-hawak ang isang tube ng malaking Toblerone na may nakalagay pang pulang ribbon. Tapos may hinugot uli siya, isang kumpol naman ng mapupulang rosas at may card pang nakadikit. “Patay ako nito!!! Pagagalitan ako ng Tita ko! Nadala ko pala ang ipinabili niyang rosas at chocolate!” dugtong pa niya kamot-kamot ang ulong nakatingin sa akin.

Ako naman ay naturete sa nakitang pagngiwi ng kanyang mukha. Pero hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdesisyon kung ano ang kanyang gagawin sa nadalang rosas at chocolate.

“Ikaw na nga lang ang magtago niyan! Bukas na natin ibibigay.” Sabay abot niyong nang padabog sa akin.

Natulala akong tinanggap ang tsokolate at ang mga rosas. Nang nasa kamay ko na ang mga ito, binuklat ko ang card na nakadikit sa na card sa bulaklak. May nakadikit na litrato ng swan, iyong hugis puso nilang leeg, iyon iyong kinuha niyang litrato sa zoo.

Napangiti ako at tinitigan siya, di makapaniwalang para sa akin pala ang mga iyon at nag-effort pa talaga siya nang ganoon para sa birthday ko.

“Basahin mo...” utos niya.

Binasa ko ang dedication. “To my best friend, Juan Carlos. On your 18th birthday, I hereby swear to be your one true friend for life. Remember the swan? I purposely brought you there to let you see the meaning. Like them, my friendship with you is monogamous.” Tiningnan ko ang ibaba noon. May nakasulat na “One Friend” ang pamagat ng kantang kinanta niya sa akin. Sa ibaba pa noon ay may nakasulat din. “All of Me” ang pangalawang kanta niya. Sa painakababa ng card ay naroon ang pangalan niya “Dennis”.

Doon na ako napaiyak. Tila kunektado ang dalawang kanta at ang mensahe nito. “Salamat...” ang nasambit ko. Niyakap niya ako. Tila panaginip lang kasi ang lahat. “Alam mo, ngayon lang ako nakaranas ng birthday na ganito. Noong bata pa ako, nagpapakain kami pero simula ng 11 years old na ako, puro simpleng selebrasyon na lang kasama ang inay at itay. Ang saya ko kanina na may nakisalo sa birthday ko, may nag-greet. At heto ngayon, regalo mo sa akin, sobrang happy ko.”

“Huwag ka ngang umiyak! Ampangit-pangit mo. Kakagatin na kita eh!”

“Sige lang, kagatin mo lang ako.” Ang biro ko.

At kinagat nga niya ang aking pisngi, iyong pabiro na tila nanggigil.

“Aray ko! Nilawayan mo naman ako eh!” sabay kalas ko sa pagkayakap niya atsaka pinunasan ang aking bibig na nilawayan niya.

Tumawa naman siya nang malakas.

Tahimik. Naging seryoso ang kanyang mukha. “Hindi pa iyan sapat sa ginawa mo sa buhay ko. Nang dahil sa iyo, muling nanumbalik ang pagtitiwala ko sa aking sarili at sa ibang tao. Muling lumakas ang aking loob. Muling nagkakulay ang aking mundo at muling nabuhay ang aking mga pangarap. Ako ang dapat na magpasalamat sa lahat na naitulong mo para sa akin. Pati ang Tita ko ay tuwang-tuwa dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin.” Nahinto siya sandali at muling may hinugot sa kanyang knapsack. “Heto pala ang regalo ng Tita ko sa iyo” sabay abot naman sa akin ng isang box na nakabalot pa sa isang asul na gift wrapper. 

Binuksan ko ang box. Lumantad sa aking paningin ang isang asul na sweatshirt na may stripes na green at yellow.

“Mayroon din ako niyan. Para raw uniform tayo, sabi ni Tita.”

“Wowww!” ang sigaw ko. “Pakisabi kay Tita na salamat ha?”

“Dalawin natin siya sa bahay isang araw.”

Kagaya ng mga nakaraang tagpo namin sa bahay-kubo, nag-inuman uli kami. Ngunit sa pagkakataong iyon, may isang nakaririmarim na plano ang naubo sa aking isip. Feeling ko kasi ay naka-set na ang lahat. Pakiramdam ko ay may naramdaman din siya sa akin. Sa lahat ng ipinakita niyang concern, sa mga ibinigay niyang regalo, ramdam kong mahal din niya ako at naghintay lang ng tamang pagkakataon. At syempre, birthday ko sa araw na iyon kaya sa isip ko ay iyon na siguro ang tamang pagkakataon na may mangyari sa amin. Kaya sinadya kong dayain siya sa pag-inom upang una siyang malasing kaysa sa akin.

At base sa plano ko, unang nalasing si Dennis. Nagsusuka at nang hindi na talaga niya makayanan ay nahiga na lamang sa papag ng bahay-kubo, tila nakatulog. Excited ako na maisakatuparan na ang aking binabalak. Dali-dali kong tinungo ang lampara na siyang ilaw namin sa bahay-kubo. Akmang hihipan ko na ang ilaw nang napansin ko ang dalawang gamugamo na umaaligid dito. Nahinto ako, napangiti. Sa isip ko ay ito ang sagot sa sign na hiningi ko sa aking panalangin. Ramdam kong may mensahe iyon. Huwag akong matakot na panindigan ang nais kong makamit...

Hindi ko na itinuloy pa ang pagpatay sa ilaw ng lampara. Hinayaan ko na lang na ang munting ilaw na naggaling doon ay siyang magsilbing saksi sa gagawin kong pag-angkin sa pagkalalaki ng best friend ko. Hinayaan ko na lang din ang mga mumunting gamugamo na nagsisi-unahang mag-alay ng kanilang buhay sa ilaw ng lampara.

Hinubad ko na lang ang aking t-shirt atsaka isinunod ang aking pantalon. Brief ko na lang ang natira. Umupo ako sa papag, pinagmasdan si Dennis na inosenteng-inosenteng nakahiga roon. Nang nagsawa na akong pagmasdan ang kanyang mukha, sinimulan ko na siyang halikan sa bibig.


(Itutuloy)

3 comments:

  1. Sana hindi maging tragic iyo in the end. Thanks sa update Mr MikeJ

    ReplyDelete
  2. mapapasama lang sya kasi posibleng
    dahilan ng pagkamatamlay at walang gana sa buhay ni dennis ay pwedeng di magandang karanasan maaaring sa stepdad nya..kya
    ayaw na nyang balikan tapos ngayon bumalik na ung sigla nya mngyyari nman un..matinding away to..

    ReplyDelete
  3. Sir mike.wag mo hayaan gawin jc ang binabalak nya.pleaseeeee.waggggg.

    Eddie boy..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails