AUTHOR'S NOTE
Next update will be on Wednesday or Thursday.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
"DEAR STRANGER" (BOOK 2)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER SEVEN
RAY:
"Calm down Ray.” Malakas kong sigaw sa lalaki sa salamin. Bahagya kong hinawi ang bangs ko, tinaas ko ito. “Ay ewan, nakakatamad mag-ayos. Bakit ba ako nag-aayos eh si stranger lang naman ang pupuntahan ko?” sabi ko. Inirapan ko ang lalaki sa salamin at pagkatapos ay kinuha ang Toshiba laptop ko kasama ang yellow transparent folder. Agad kong tinumbok ang pinto at lumabas. Hindi ko pa man nasasarado ang pinto ay may narinig akong isang boses mula sa aking kaliwa.
“Nandito na pala ang teacher ng boyfriend ko.” Sabay pamewang at ngisi. Lumingon ako, nakita ko ang bruha. Malakas kong hinatak ang pinto, kumalampag ito, hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanya. “Ano? Uumpisahan mo na bang turuan ang boyfriend kong maging baklang kagaya mo?”
Hindi ko napigilang tumawa ng malakas sa narinig. What an ignorant stupid bitch.
“Ang aga-aga mo namang nagkakalat ng katangahan mo. Pwede ba sa susunod paki-dala ang utak at huwag iwan sa Pinas. ‘Wag kang ignorante. Ang pagiging bakla ay hindi natututunan. Pinanganak kaming ganito. Parang ikaw pinanganak kang babaeng mahilig sa lalaki. If you know what I mean.” Sabay dilat ng mata at ngiti. Tumalim ang kanyang tingin.
“At least ako, may hinaharap at matres, eh ikaw?” malutong ang tono ng kanyang boses.
“Hindi ko kailangan niyan. In fact ayoko maging babae. Hindi ko trip magkaregla at manganak, hindi ko kakayanin eh. Masaya akong katawan ko ay lalaki. Tsaka ngayon pa nga lang na lalaki ako pero hinahabol na ako ng boyfriend mo.” Bakas sa tono ng boses ko ang pang-iinis. Nanlaki ang mata niya sa narinig. Linapit ko ang mukha ko sa kanya. “Paano pa kung babae ako? Saan ka na kaya nun?” sabi ko sabay ngisi at naglakad papunta sa katabing pinto ng kwarto ko na siyang kwarto ni Rome. Dinaan ko siya, sinadya kong iwasan ang madikit sa kanya.
“What did you say!?” sigaw ni Gel sabay hablot sa braso ko, ramdam ko ang pagbaon ng matulis niyang mga kuko. Masakit, parang nagasgasan ako. Malakas ko itong tinabig, tumalsik ang kamay at braso niya.
“Don’t touch me! You heard what I said.” Sabay himas sa braso kong nagasgasan.
“Liar!” sigaw niya.
“Then ask him. Kahapon ng madaling araw nagkita kami sa park. Itanong mo sa kanya kung anong ginawa niya.”
“Kahit ano pang sabihin mo, ako ang pipiliin niya. Babae ako, at lalaki si Rome! At wala akong ginusto na hindi ko makukuha.”
“Okay... Hindi naman ako nakikipagkumpetensiya sa iyo eh. Sinasabi ko lang ang totoo. Ikaw, nagsasabi ka ba ng totoo? O delusional ka na?”
Kinain kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lahat ng lumalabas sa bibig ko, alam kong minahal naman siya ni Rome, nakita ko ‘yun dahil iniyakan niya ito noong nasa Tokyo kami pero hindi kasi ako kumbinsido sa relasyon nila ngayon base sa nakikita ko. Napansin ko na lang na tumalikod si Gel at mabilis na naglakad palayo. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
“Salamat lumayas na rin.” Sabi ko sabay doorbell sa pinto sa tapat ko. Wala pang isang segundo ay bumukas ito, nakita ko siya. “Ang bilis naman. Excited ka bang makita ako? Para siguro mainis mo na naman ako ano?” sabi ko sabay ngisi.
“Kanina pa ako sa pinto. I heard everything.” mahina niyang sabi.
“Chismoso ka rin pala. Papapasukin mo ba ako o babalik na ako sa kwarto ko para makapagpahinga ako?”
Hindi siya kumibo. Sinubukan niyang kunin ang hawak kong laptop at folder pero mabilis ko itong linayo sa kanya.
“Ako na, kaya ko.” Matigas kong sabi. Tumango siya at gumilid. Pumasok ako. Sinarado niya ang pinto.
Tahimik. Ilang segundo ang lumipas ay binasag niya ito.
“Ray, hindi naman sa ano pero sana ‘wag mo naman ganunin si Gel.” Mahinahon niyang sabi.
Natigilan ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Lumingon ako sa aking likod. Nagtama ang aming mga mata, may pinapahiwatig ito na hindi ko mabasa. Napansin kong napakalapit pala niya sa kinatatayuan ko; mga three inches siguro. Naiilang ako. Hindi ako makahinga ng maayos, hindi ko alam kung dahil ito sa sinabi niya o dahil sa masyado kaming magkalapit. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
“Ano bang ginawa ko sa kanya?” bakas sa boses ko ang inis.
“You’re disrespecting her since yesterday.”
“Bastos kasi siya! Taklesa na nga malandi pa!”
“Babae ‘yun, respetuhin mo pa rin kahit papaano.”
Malamig man dahil winter ay ramdam ko ang biglang pag-init ng tenga ko sa narinig. Ramdam ko ang nakakapasong init na umiikot sa ulo ko.
“Putanginang pagkababae niya!” sigaw ko sabay bato ng laptop at folder ko, bumagsak ito sa kama niya. “Bakit? Rinespeto niya ba ako noon ha!? Kahit babae siya, wala siyang karapatang ganunin ako!” sigaw ko sa kanya. Gumapang ang magkahalong init at lamig sa buto ko, para itong tumutusok sa bawat dulo ng ugat ng katawan ko, nag-umpisang manginig ang kalamnan ko. “Nandoon ka noong ginanoon niya ako at wala kang ginawa. Hinayaan mo siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin, kaya hayaan mo ako ngayon sa mga gagawin ko dahil wala kang karapatang sabihin sa akin kung paano ko siya tatratuhin!” napansin kong dinuduro ko ang mukha niya gamit ang nanginginig kong hintuturo.
“I’m sorry.” Yumuko siya. Binaba ko ang daliri ko at tinago ito sa aking likuran. Huminga ako ng malalim, pilit pinakalma ang sarili.
“Let’s finish this shit para makapagpahinga na ako.” Sabi ko sabay kuha ng mga gamit ko sa kama niya at sinet-up ito.
“Okay. Ray tulungan na kita.”
“Sensei... ‘Yan ang itawag mo sa akin simula ngayon.” Mataray kong sabi sabay tingin sa kanya. Tumango siya na parang isang batang maamo.
***
“I suggest mag-advance study ka ng mga lessons. May libro ka naman pala, I think that will do. Para naman masmabilis ang phasing natin at matapos tayo agad.” Dire-diretso kong sabi na walang bahid ng emosyon. Tumango lang siya. Kaunting basic nihongo lang ang alam ni Rome, sa pagkakaalam ko rin ay wala siyang alam tungkol sa Japanese culture na isa sa mga aaralin din namin sa mga susunod na araw. Goodluck sa akin, mukhang matatagalan ang pagtitiis ko sa kanya.
"Sensei I have a question.”
“What?”
“Ano kaibahan ng AISHITERU sa DAISUKI?" tanong ni Rome na wala naman sa lesson namin. Tumaas ang kilay ko. Siguro ay pag nalaman niya ang pagkakaiba ng dalawa ay sasabihin niya ang isa doon kay Gel. Both words are way of expressing your emotions, hindi lang basta emotions kundi deep romantic emotions. Pero kahit ganoon ay wala akong naramdaman na kahit na ako kahit alam kong gagamitin niya ang malalaman niya sa landian nila ni Gel.
"Intindihin mo muna ang lesson natin ngayon bago ka lumandi sa girlfriend mo." sabi ko sabay irap sa kanya habang inaayos ang gamit ko.
"Nagtatanong lang ah. Bawal ba 'yun?" sabay hawak sa gamit ko, hindi naiwasang magkadikit ang aming kamay. Ngayon na lang ulit nagdikit ang aming balat. Gaya dati, nagdulot ito ng kuryente sa akin. Kung dati ay nagdudulot ito ng ngiti at saya sa akin, ngayon ay inis at sama ng loob ang aking nararamdaman. Malakas ko itong tinabig.
“Stop pestering me.” Sabi ko sabay hugot ng charger ng laptop at binilog ito. I need to get out of this room now.
“Gusto mo bang tawagan ko si Mr. Kyou at sabihing hindi mo ginagawa ang trabaho mo?” tumigas ang tono ng kanyang boses, nagkaroon ito ng angas, lalaking-lalaki.
"Fine! Daisuki is I like you a lot. Aishiteru is I love you. Okay na?" mataray kong sigaw, hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Aishiteru din Ray ko." malambing niyang sabi. Parang umikot at nayanig ang mundo ko sa narinig. Nakakabingi. Nakakakilabot, ang kilabot na ito ay nagdulot ng matinding kirot sa puso ko, naramdaman ko ang init dito na hindi ko kanina nararamdaman, gumapang ito sa ugat ko at umikot sa buong katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Naging irregular ang aking paghinga. Putangina ano na naman ito?
Tumingin ako sa kanya, nagsalubong ang aming mga mata. Muli kong nakita ang kislap nito na nakikita ko lang sa tuwing tinitingnan niya ako. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pupwede ito.
“Aishiteru... Kahit ganyan ka na ngayon... Mahal pa rin kita.” Ang kanyang mga mata ay may dalang pang-aamo. Nakakapanlambot. Nakakatunaw. Pero bakit ganoon? Ang tigas-tigas pa rin ng puso ko? Hindi pa rin ako bumibigay? Muli kong naalala ang lahat ng mga pinagsamahan namin. Parang may gera sa utak at puso ko ngayon, pero paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga ko ang salitang “Aishiteru” at “Mahal pa rin kita”. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal na muli kong naramdaman ngayon. Hindi ko na kaya, unti-unti akong natunaw.
Gumising sa tuliro kong utak ang isang napakahigpit at napakainit na yakap, sobrang init na hindi sapat ang lamig ng hangin ng winter sa Osaka para muling palamigin ang puso’t pagkatao ko. Pumikit ako. Dinamdam ko ang mainit niyang brasong nakabalot sa akin, naramdaman ko ang pagapang ng kanyang kamay sa aking likuran pataas. Narinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso, narinig ko ang akin. Naging isa ang kanilang boses, para silang nagduduet na may sinasabayang musika na sila lang ang nakakaintindi.
Naramdaman ko ang paglapit niya ng kanyang bibig sa aking tenga, bahagyang dumikit ito sa aking balat. Nagdulot ito ng kiliti sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang hinga, para akong naging estatwa. Huminga ako ng malalim. Napatayo ang balahibo ko at nanginig ang aking kalamnan nang marinig ko ang sunod niyang sinabi...
“Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.”
ITUTULOY
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAlam ko pong maiklian ang iba rito, pero ito lang talaga ang cover ng Chapter 7. Bumawi naman si Rome sa inyo ah... Hehehe.
ReplyDeleteTHIS WEDNESDAY AND THURSDAY ANG CHAPTER EIGHT.
Thanks for reading po! ^_^
Cute ang scene na to although its a bit short. Thanks sa update.
ReplyDeleteYan lang talaga cover niyan eh, without putting unecessary fillers. In short, "Pag-amin ni Rome".
DeleteThanks for reading!
kilig portion aman now! he he he. keep up the good work mr. author!
ReplyDeleteThanks for reading! :-)
DeleteKuya gab grabe ang sweet ng ginawa ni rome para kay ray...... Nakakaingit ito grabe sana ako lang si ray...... Sarap ng feeling pag alam mo na ang pagmamahal ay nasusuklian ng tamang pagmamahal din.....
ReplyDeleteJharz
Natameme si Ray eh, 'di nakakibo. Hehehe. Thanks for reading! :-)
DeleteKilig mats .. ! ! !
ReplyDeleteThanks for reading! ^_^
DeleteGrabe ang sweet naman Rome,.... Sana ako nalang!....
ReplyDeleteThanks for reading! I hope nagustuhan mo.
DeleteNice,kilig
ReplyDeleteThanks for reading! :-)
DeleteOmedeto! Nabasa ko na Rey...galing.. Bumawi nga c Rome, bitin naman... hahaha...
ReplyDeleteKi otsukete Reyrey chan...
Thanks for reading! Wait sino si Reyrey chan?
Deleteomg..kilig to the highest level...thanks sir...👏👏👏👏
ReplyDeleteThanks for reading! Ako rin kinilig nung sinusulat ko ito. Hehehe. :-)
DeleteNapasigaw ako when Rome said Aishiteru. Sobrang kilig kasi! Sa wakas umamin na si Rome! Solve na linggo ko!
ReplyDeleteBy the way, Ray reminds me of Gab/Erick from whitepal's first story: "Love Me Like I Am". The difference is Ray is mature and human; I mean kita ang pagiging tao niya at consistent ang character niya. Rome is somewhat Jared pero gustong-gusto ko ang pagiging tao niya dahil sa dami ng flaws, unlike Jared he's not perfect but it's his imperfection that made him human and attractive. I might not know his full story kung bakit nandyan si Gel but one thing is for sure... Mahal na mahal ni Rome si Ray at ipaglalaban niya ito. That alone is enough for me to believe that there's a happy ending in this story.
Salamat sa pagbabasa at sa walang sawang pagcomment every chapter! Hahaha! ^_^
DeleteWaaaah.. napangiti ako ng wagas..
ReplyDeleteThanks po for reading! Kung alam niyo lang ngiting-ngiti ako nung sinusulat ko ito. ^_^
Deletesuper kilig !!!!!!!!
ReplyDeletesana may update na agad ^^
Mamaya or bukas po ang update. Hopefully matapos ko.
DeleteThanks for reading!
Unpredictable! Di ko akalaing aamin na agad si Rome dahil nagkabalikan sila ni Gel. Ano gagawin mo ngayon Ray?
ReplyDeleteAbangan. Thanks for reading. :-D
DeleteThis is it... sna magtuloy tuloy na yung mgandang relationshio nla,imean break na muna sa kalungkutan.
ReplyDeleteAbangan po sa next chapter. Bukas po ako mag-update. :-)
DeleteThanks for reading!
Yaahhh! Bibigay na ba uli si ray kay Rome. Sana wag muna tagal tagalan muna nya....
ReplyDeleteHe...he...he...
Red 08
Next chapter po ang sagot. Bukas po ang Chapter 8.
DeleteThanks for reading! :-D
Nakakakilig talaga si Rome haha, kaya lang parang umiikli n yung mga chapters. Anyway thanks po sa update.
ReplyDelete-RavePriss