Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan(?)... at kay sir Ponce(?)
(Still not sure) sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
Sa mga friends ko sa FB, sa group ni kuya Carlos, silent readers, commenters, salamat po sa pagbabasa at sana matapos na iyan haha. Ilang chapters na lang pala to. Mga tatlo o apat, matatapos na iyung kwento ni Ren pansamantala. Pagkatapos nito ay ang story ni Aulric under the same name and BLAH! BLAH! BLAH! Geh guys. Medyo busy pa ako kaya have fun guys. :D
Sa mga friends ko sa FB, sa group ni kuya Carlos, silent readers, commenters, salamat po sa pagbabasa at sana matapos na iyan haha. Ilang chapters na lang pala to. Mga tatlo o apat, matatapos na iyung kwento ni Ren pansamantala. Pagkatapos nito ay ang story ni Aulric under the same name and BLAH! BLAH! BLAH! Geh guys. Medyo busy pa ako kaya have fun guys. :D
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19
Chapter 20:
Star-Crossed
Ren's POV
Maraming namamatay sa maling akala. Mahirap ang magbintang
lalo na't wala kang konkretong ebidensya. Makabintang naman kasi tayo, akala
natin na alam ang lahat. Iyun pala, hindi ganoon ang nangyari. Iyun pala, ang
taong iyun ay ang hindi natin inaakala. Ang mga salitang binibitiwan pa naman
natin ay halos kasingsakit ng pisikal na sakit. Pwede rin itong maging kutsilyo
na tutusok sa ating pagkatao. Halimbawa na lang ay iyung nalaman mo ang mga
masasamang sinasabi ng mga kaibigan mo habang nakatalikod ka. Biruin mo, kapag
nakaharap ka, ngiti sila ng ngiti at nagsasabi ng mga salitang gustong marinig
ng tenga natin. Pero kapag nakatalikod pala, grabe makapanira. Palibhasa kasi,
hindi mo naririnig. Kampante sila na hindi mo iyun maririnig habangbuhay.
Sabi pa nga nila, may tenga ang lupa, may pakpak ang
balita. Malalaman at malalaman mo din ang masama nilang sinasabi sa iyo. Tapos
kapag nabisto mo, sila pa ang galit. Aba! Ang tapang! Nakakagalit. By the way,
nagsasalita ako base sa nababasa ko sa mga posts at statuses ng mga kaibigan ko
sa Facebook. And I'm doing it again na akala mo ay maraming alam sa mundo. Pero
hindi ko maitatanggi na bata pa rin ako kahit 18 years old na ako.
Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Papunta
ako sa Music Room para sagutin na agad ang mga assignment na pinapagawa sa
amin. Pagpasok ko sa Music Room, naabutan ko lang si Jonas na may iniinom na
kung ano.
"Ren. Inom tayo,“ yaya niya.
"Anong iniinom mo?“ tanong ko habang naglalakad
papunta sa sofa.
"Kape. Gawa ni Nicko,“ sagot ni Jonas. "Nag-text
siya sa akin na may hinanda siyang kape para sa akin at iniwan lang niya dito.“
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng Music Room at niluwa
nito si Nicko.
"Hi Ren. Hi Jonas,“ bati sa amin ni Nicko habang
lumalapit sa kanyang kapareha.
"Nicko. Nandito ka na pala. Salamat nga pala dito sa
kape.“ Niyakap niya si Nicko saka hinalikan sa noo.
"Ha? Anong kapeng pinagsasabi mo?“ maang pa ni Nicko.
"Ito naman si Nicko. Tinatanggi pa iyung magandang
bagay na ginawa mo kay Jonas.“
"Nag-text ka sa akin na may kape kang iniwan dito sa
Music Room. Hindi mo ba natatandaan?“ wika ni Jonas.
"Right. Meron nga,“ mabagal na tugon ni Nicko.
"By the way people, just to reminds you guys na huwag
na muna kayo gagawa ng kababalaghan gaya ng pagkain ng ice cream... at alam
niyo na kung ano ang tinutukoy ko. Kailangan ay ayos kayong lahat dahil sa gig
natin 3 days later. Sigurado ako na panonoorin tayo ng taga-ibang school.“
"Ikaw naman Ren. Tigilan mo nga iyan. Tsaka sige.
Hindi nga kami gagawa ng kababalaghan ni Nicko.“ Hinawakan ni Jonas ang buhok
ko at ginulo.
"Sabi niyo iyan ha. Aasahan ko iyan.“
"At kumusta na kayo ni Kei?“ biglang naitanong ni
Nicko.
Natahimik ako ng ilang segundo. "Okay pa naman ang
lahat sa amin sa tingin ko. May mga bagay nga lang na kailangan talagang
ayusin. Especially kapag nalaman mo na may kamag-anak pala dito si Christian
Castillo sa school natin pero hindi sila parehas ng apelyido.“
"Sino? Ikaw?“ pagbibiro ni Jonas.
"Tigilan niyo nga iyan pwede ba? Ilang beses ko bang
sasabihin na hindi ko nga kamag-anak iyun,“ medyo naiirita kong saad.
"Basta guys, alam niyo na iyung sasabihin ko. Kailangan, matakot ang
kalaban natin habang hindi pa ginagamit ni Joseph iyung boses niya.“
"Oo na! Gets na namin iyun,“ ngiti ni Nicko.
"Tara na Jonas. Alis na tayo.“
Ngumiti si Jonas. "Okay.“
"Mag-ingat kayong dalawa.“
Araw na ng gig ng 'The Antagonist' sa mall ngayon. Nasa
mall na kami ngayon at naghahanda sa gagawing performance ng banda.
"Umm... guys, may problema tayo,“ rinig kong saad ni
Paul.
"Huh? Ano namang problema?“ tanong ni Blue.
"Hindi makakakanta ng maayos si Jonas. Mukhang may
sore throat siya,“ sagot ni Ethan. Nako po!
Nasapo ko ang ulo ko. "What? Hindi pwede iyan. Jonas,
bakit ngayon pa?“
"Parang may laman iyung lalamunan ko. Hindi ako
makakakanta ng maayos nito,“ saad ni Jonas.
"Paano kung i-cancel natin ang show?“ mungkahi ni
Blue.
"Hindi natin pwedeng gawin iyan. Hindi rin naman natin
pwedeng pakantahin si Joseph dahil iyun ang huling baraha natin.“
"Blue, Ren, kakanta ako,“ pagprisinta ni Joseph.
"Okay Joseph. So kakanta ka nga. Ano naman ang
sasabihin nila kapag hindi kumanta si Jonas?“ saad ni Blue.
Kinuha ko ang laptop sa bag ko. "Paano kaya kung mag
lip synch si Jonas? Ngayon lang naman natin gagawin ito.“
"At paano natin iyun gagawin Ren?“ tanong ni Blue.
Sinimulan ko na ang binabalak ko. "May mga video ako
dito ng mga performance natin sa Music Room. Pwede kong i-edit ang mga boses na
lumalabas sa video. Pero kailangan hindi tayo magpahalata. So kakanta nga si
Joseph sa ayaw at sa gusto natin. Jonas, magha-highlight ako ng mga linya na
kailangan i-lip synch. Joseph, bibigyan din kita. Kailangan ay magawa niyo ito
ng tama. Walang dapat makahalata na nagli-lip synch kayo okay?“
"Okay. Sige,“ pagsang-ayon ni Joseph.
Madali kong na-highlight ang mga dapat linya na dapat
nilang kantahin ni Jonas at Joseph. Pagkatapos nilang sauluhin ang mga linya,
kumanta na sila sa stage. Nahagip naman ng mga mata ko ang isa sa mga miyembro
ng 'The Gravity' na nanonood sa amin. Si Devin. At ang mga karibal naming
banda. Nasapo ko na lang ang ulo dahil hindi nasunod ang plano namin ni Blue.
Nais kasi naming sumpresahin ang mga kalaban sa galing ni Joseph para
masigurado ang pagkapanalo namin. Baka naman kasi kapag kumanta si Joseph,
mag-back out ang mga kalaban namin. Isa sa mga ayokong mangyari.
Marcaux's POV
Nasa kalagitnaan kami ng date ni Keith ngayon sa mall nang
madaanan namin ang banda ng aming eskwelahan. Natigil kami para pakinggan at
panoorin ang performance ng banda. Ang galing naman talaga nila lalo nang
kumanta si Joseph.
"Ang galing talaga ng banda ng eskwelahan natin,“
pamumuri ko.
"Umm... oo nga. Ang galing-galing talaga ni Joseph,“
pagsang-ayon ni Keith na medyo nag-aalangan.
"May problema ba? Bakit parang hindi sigurado sa
sinasabi mo?“
"Tingnan mo si Jonas.“ Tinuro niya ang tao. "Kung
papanoorin mo ng mabuti si Jonas, maya't maya siyang humahagod sa kanyang
lalamunan. At parang walang boses siya kung kumanta. Mukhang nagli-lip synch
lang ata. Baka may problema siya sa kanyang lalamunan.“
Tiningnan ko nga si Jonas ng mabuti. Napansin ko nga din na
maya't maya nga itong hagurin ang kanyang lalamunanan. May mga pagkakataon
naman na sumisimple siya para hindi mahalata.
"Napapansin mo na?“ tanong ni Keith.
"Oo,“ pagsang-ayon ko. Napapansin ko nga. Nako! Kapag
napansin ito ng ibang eskwelahan, gagawa iyun sigurado ng issue.“
Habang nanonood, napansin ko ang isang lalaki na nakatayo
lang doon sa hindi kalayuan. Naka-polo ang taong ito at jeans. Nakalagay ang
mga kamay nito sa kanyang bulsa habang nakangiti. Ito iyung boyfriend ng pinsan
kong si Edmund. Mukhang napansin ng lalaki na nakatingin ako sa kaniya at
lumapit sa kinatatayuan namin.
"Ohh! Ikaw iyung pinsan ni Edmund hindi ba? Kumusta
kayo?“ tanong ni Gerard sa amin.
"Ahh! Oka-“ Naputol ang pagsasalita ko dahil
naramdaman ko na biglang umangkla sa kamay ko si Keith. Nararamdaman ko pa ang
panginginig ng kamay niya.
"Ohh! Bakit parang natatakot sa akin ang boyfriend mo?
Nangangagat ba ako kaya takot ka sa akin?“ tanong ni Gerard kay Keith.
Umiling si Keith. "Hindi naman sa ganoon. Gusto ko
lang na malapit sa boyfriend ko kaya ganoon.“
"Ang sweet mo naman pala,“ nakangiting saad ni Gerard.
"Umm... ikaw Gerard? Kumusta ka? Ano naman ang
ginagawa mo dito?“ tanong ko.
"Ah-“ Naputol naman ang pagsagot, marahil, sa akin ni
Gerard at umubo. Pagkatapos ay ngumiti ulit. "My bad. Pasensya na. Nandito
kasi ako sa mall para bumili ng ilang materyales para sa school project namin.
Napadaan lang ako dito dahil narinig ko na tumutugtog pala dito ang 'The
Antagonist'. Ang galing ng vocalist nila lalo na iyung guitarist nang kumanta.“
"Tama ka. Ang galing nila,“ pagsang-ayon ko.
"Sige. Mauuna na ako sa inyong dalawa. Aalis na ako.
Sa uulitin ulit,“ paalam ni Gerard.
"Ingat.“
Naglakad na ito paalis ng lugar na iyun. Nararamdaman ko pa
rin ang panginginig ng kamay ni Keith.
"Bakit? Anong problema at nanginginig ka?“ tanong ko
sa kaniya.
Umiling si Keith. "Wala naman. Hindi lang kasi ako
komportable na kausapin ang taong iyun.“
"Bakit? May ginawa bang masama si Gerard sa iyo?“
"Wala din. Basta Ferdinand. Hindi talaga ako
komportable. O baka pakiramdam ko lang iyun.“
"Nako! Boyfriend pa naman iyun ng pinsan ko. Dapat,
makapalagayan mo iyun ng loob.“
Natapos na din ang performance ng 'The Antagonist'.
Masayang-masaya ang mga tao na umalis sa lugar na iyun. Kasabay ng pag-alis ng
mga tao ay umalis na dim kami at nilisan ang lugar na iyun.
Ren's POV
Matagumpay namang naisagawa ang gig namin sa mall.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa service namin pabalik sa Schoneberg Academe.
Nang makarating kami sa Music Room, pinatawag ko si Nicko para pumunta. Umuwi
na si Ethan at Paul para magpahinga. Naiwan na lang kami nila Joseph, Jonas at
Blue. Bumukas ang pintuan ng Music Room at niluwa nito si Nicko.
"Umm... Ren, bakit nandito si Nicko?“ tanong ni Jonas.
"As you know Jonas, kayong dalawa ni Nicko ang
nangunguna sa klase kahit na hindi kayo magkaklase. Nagtataka lang ako kung
paano ka nagkaroon ng sore throat ngayon. Nagkainan na naman ba kayo ng ice
cream kagabi?“ seryoso kong tanong.
"Umm... hindi. Wala kaming ginawa kagabi,“ sagot ni
Nicko.
"Pero paano pa rin siya nagka-sore throat? Sore throat
na naging daan para magkaroon siya ng
laryngitis. Imposible naman na basta-basta lang magkakaroon si Jonas ng ganoon
dahil ang mga doktor ay laging malinis sa katawan at nakikita ko naman iyun
everyday. So ang tanong, tsumupa ba si Jonas o hindi?“
"Ren, sumusobra ka na! Hindi pa sila doktor kung
natatandaan mo!“ sigaw ni Joseph.
"Guys, kalma lang,“ pagpapatigil ni Blue.
"Paano ako kakalma Blue? Ayan! Napakanta nga natin si
Joseph ngayon. Wala ng surprise para sa kalaban natin dahil tiyak na magdadasal
na lang sila na pumiyok itong dalawa, at mawala sa beat si Paul. O patuloy
silang mag-ensayo pero alam naman natin siguro na mananalo talaga tayo ngayong
taon na ito. Moving on, bakit ngayon pa? Bakit mo hinayaan si Jonas?
Sinasabutahe mo ang plano namin Nicko.“
"Sobra na talaga itong naririnig ko.“ Si Joseph.
"Hindi nga namin ginawa iyun,“ insist ni Jonas na
medyo nawawalan na ng boses.
Tumungo na lang si Nicko. Maya-maya ay nag-angat ng tingin
at gigil na tumingin sa akin. "Baka naman ikaw talaga ang nananabutahe
dito Ren? Alam niyo, hindi ba kayo nagtataka noong isang araw kung bakit
pumunta siya sa SAU at URS? Baka naman kamag-anak ka talaga ni Chris? Iniisip
ko nga, sumali ka sa Music Club na ito para masiguro ang pagkapanalo ng
kamag-anak mo na si Chris? Paano kaya nagkaroon ng sore throat si Jonas? Baka
naman dahil sa mga pinapainom mo kaya nagkaroon siya ng sakit sa lalamunan?“
"Tumigil ka Nicko!“ singhag ko dahil sa galit na
nararamdaman ko sa sinasabi ni Nicko na hindi naman totoo. "Mukhang
masarap ata ang magpatsu-“ Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Isang malakas na
suntok ang natanggap ko mula kay Jonas.
Nasapo ko na lang ang parte na sinuntok ni Jonas. Ang
sakit.
"Wala kang alam Ren sa relasyon namin kaya manahimik
ka!“ galit na saad ni Jonas sa mababang tono.
Hinawakan ni Jonas ang kamay ni Nicko at umalis sa Music
Room.
"Aray! Nasuntok ni Jonas. Ako din. Pasuntok.“ Tumayo
si Joseph at aktong lalapit sa akin.
"Joseph, tumigil ka na muna at lumabas ka na lang,“
utos ni Blue.
Nagkibit na lang ng balikat si Joseph at lumabas. Ako naman
ay nanatili na lang nakaupo sa sahig at walang emosyong tinitingnan ang pintuan
ng Music Room. Lumapit naman sa akin si Blue. Ito iyung unang beses na nasuntok
ako sa buong buhay ko. Mali ba ang ginawa ko? Mali ba ang hinahangad ko? Mali
ba ako?
"Bakit ganoon sila? Gusto lang natin na matupad ang
mga plano natin dahil hindi tayo ang makikinabang kung hindi sila? Bakit ako pa
ang lumabas na masama?“ saad ko.
"Ren, mali kasi ang mga salitang binitawan mo. At
hindi ko ito sinasabi dahil kumakampi ako kay Nicko. Alam ko kung sino ka
talaga kaya mali din si Nicko. Pero ang gusto ko kasing sabihin, sa susunod
naman, piliin mo ang mga salitang bibitawan mo. Mahirap bawiin ang mga salitang
binitiwan na natin. At saka, huwag ka ng magalit kung-“
"Ayoko na,“ pagputol ko. "Kung ganoon lang pala
ang iniisip ni Nicko sa akin na ako ang sumasabutahe sa atin, mas mabuti pang
hindi na lang ako papasok sa Music Club. Siguradong ganoon din ang iniisip sa
akin ni Jonas. Siyempre, kanino naman siya maniniwala kung hindi sa minamahal
niya.“
"Ren, tigilan mo ang pag-iisip ng ganyan!“
"Ayoko na!“ sigaw ko.
Tumayo na lang at kinuha ang mga gamit ko saka dali-daling
lumabas sa Music Room. Dati, gustong-gusto kong makipag-usap sa mga tunay na
tao. Magkaroon ng mga pisikal na kaibigan at hindi puro sa internet lang. Pero
na-realize ko ngayon, mas maganda talaga kung mag-isa na lang ako.
Edmund's POV
"Edmund, pwede ka ba ngayong sabado? Mag-grocery na
tayo ngayon.“ basa ko sa text ni Ren.
Bumuntong-hininga na lang ako pagkatapos mabasa ang mensahe
ni Ren. Siguro ay wala talaga akong magagawa kung hindi pumunta. Hindi daw kasi
kami makakalabas ni Gerard dahil sa may sore throat siya. May ginawa na naman
kaya siyang kababalaghan kaya nagkaroon siya ng sore throat? Pero sigurado ako
na wala siyang ginagawa na hindi ko nagugustuhan. Maliban lang sa lagi-lagi
niya akong niyayaya sa banyo para gumawa ng kababalaghan kasama siya. Itong
traydor ko namang utak, ang sabi ay patulan na siya. Hindi naman kasi masama at
siguradong masasarapan ako. I know.
Balik sa reyalidad, laktawan ko lang iyung mga ilang
pangyayari na hindi mahalaga ngayong araw na ito. Nasa grocery store na kami ni
Ren at kinukuha niya ang mga nakasulat sa listahan... na hawak niya. Ako naman
ang tagatulak ng shopping cart. Yes, hindi ito karaniwan. Ginagawa niya ang
trabaho ko. Pansin ko naman ang mukha niya na walang emosyon hahang kumukuha ng
mga bagay na nasa listahan.
"Hoy, anong nangyari sa'yo? Trabaho ko iyang ginagawa
ko,“ tanong ko.
Nilingon niya ako. "Bakit? Ayaw mo ba na ginagawa ko
ang trabaho mo? Ayaw mo na nakatayo ka lang diyan? Ayaw mo? Pero at least ikaw
ang nagtutulak ng shopping cart,“ walang emosyon pero mabilis niyang
pagkakasabi.
"To be honest, gusto ko. Pero hindi ako sanay na ang
amo ko ang gumagawa ng mga trabaho ko.“
"Ohh! Well I think siguro, masanay ka.“ Nagpatuloy
naman siya sa kanyang ginagawa.
"Hey, may problema ka ba?“ tanong ko habang tinutulak
ang shopping cart.
"Wala,“ mabilis na sagot niya nang hindi nakatingin sa
akin.
"Okay. So kumusta pala iyung performance ninyo ng 'The
Antagonist' sa mall? Balita ko ehh, sa performance niyo doon, nagparating kayo
ng mensahe sa mga karibal ninyong eskwelahan na kayo ang mananalo dahil
pinakanta niyo din si Joseph,“ natatawa kong saad.
"Anong music club?“ walang emosyon niyang tugon habang
patuloy na kumuha ng isang item sa isang stand.
Napahinto ako sa sinabi niya. Okay. Sa buong buhay ko ulit
ng paninilbihan sa kaniya, hindi ko pa siya kahit kailan ginagalit. Marahil,
iniirita ko lang pero hindi to the extent na halos kinakalimutan- SANDALI NGA
LANG! Kinalimutan niya ako sa mga bandang simula ng kwentong ito kung saan
nagulat ang ibang tao kung bakit nag-eexist ako dahil kung hindi dahil sa akin,
matutuluyan na magagahasa si Ren. So huhulaan ko kung bakit ganoon ang sagot ni
Ren sa akin ngayon. GALIT SIYA NGAYON SA MUSIC CLUB AT SA AKIN NOON?!
"Umm... ano ba ang nangyari sa Music Club at umaakto
ka na ang isang bagay ay parang biglang nabura sa buhay mo?“ tanong ko.
"At kung malaman mo, ano? Isusumbong mo ako kay
ninong? Fine. Isumbong niyo ako,“ walang emosyon pa rin niyang tugon habang
hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa. Mukhang hindi siya hihinto para sa
isang masinsinang usapan.
Tinulak ko ang shopping cart para makagawa ng distansya na
halos malapit lang sa kaniya. "Hindi. Bakit ko naman gagawin iyun?
Nangungumusta lang naman ako. Hindi ko naman dapat nire-report ang mga bawat
galaw mo, although iyun ang utos sa akin ni sir Simon, hindi ko iyun palagiang
nasusunod. Kaya sabihin mo naman sa akin kung ano ang nangyari.“
"Napakanta namin si Joseph kahit hindi kinakailangan
dahil tsumupa si Jonas at hayun! Nagkaroon ng sore throat dahilan para
magkaroon ng laryngitis at hindi makakanta ng maayos. Hindi na lang inamin na
tsinupa talaga niya si Nicko, nasira tuloy ang plano namin na hindi pakantahin
si Joseph,“ mabilis niyang saad pero ramdam mo ang intensidad ng kanyang mga
sinasabi.
Napatigil ako sa pagtulak ng shopping cart. "Okay,
sandali lang? Calm the hell down there, tumigil ka at pag-usapan natin ito
dito. Like, ngayon na.“
Huminto naman siya at hinarap ako. "What for? Tapos na
iyung pangyayari Edmund. Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari. Hindi na
namin maa-undo ang performance namin sa mall. Sira na ang plano!“
"Ano ba ang pinaglalaban mo? Ano ngayon kung nasira
ang plano ninyo? Hindi ba mas maganda iyun na napakanta ninyo si Joseph para
masindak ang mga kalaban nating eskwelahan? At ano ba ang pakialam mo kung...
kung... basta! Kung ano ba ang tawag sa paraan na iyon na nilalagay lang ang
hotdog sa bibig at hindi kinakain. Kagustuhan nila iyan. At huwag mo ngang
gamitin ang explicit na salitang iyun. Nandito tayo sa supermarket at maririnig
ng mga tao ang sinasabi mo.“
"Tss! Wala akong pakialam. Hindi naman ako kilala ng
mga taong iyan. At hindi rin ko naman sila kilala.“ Naglakad na naman siya ng
ilang metro at lumipat sa ibang section.
Sumunod ako. "Okay! Fine. Ngayon naman, pag-usapan
natin kung bakit ang numero uno mong dahilan kaya nagka-sore throat si Jonas ay
dahil... ginawa niya ang bagay na iyun with Nicko. Paano ka nakakasiguro na
iyun talaga ang dahilan?“
"Aspiring doctor siya kaya halos malinis siya sa
katawan. Mukha ngang dalawang beses kung maligo si Jonas at Nicko sa isang araw
sa sobrang linis. Tapos makakalusot ang sore throat sa kanila? Pwede ba iyun?“
"Mr. Assuming, ikaw ba iyan? Ang alam ko ay nasa
kabilang kwento ka.“
Humarap siya sa akin na nakakunot ang noo. "Anong sabi
mo? Anong nasa kabilang kwento?“
"Ang unang part ang dapat intindihin mo kasi ganoon
ka. Nag-assume ka lang na porke't top 1 sa pag-aaral ng Medicine sila Jonas at
Nicko, iniisip mo na naliligo na sila ng dalawang beses sa isang araw sa
sobrang linis nila. Oh! Come on!“
"Assuming ka rin pala ehh.“
"Nope. I am just stating the obvious facts about this
conversation. Ang assumption mo kasi ay si, or silang dalawa in their case, na
perpekto sila. Walang perpektong tao. Sure na sinabi ni God na perpekto tayong
mga tao dahil perpekto ang naglalang din sa atin. Pero masasabi ko na tayong
mga tao ay hindi pa rin tayo perpekto. Alam mo kung bakit hindi tayo nagiging
perpekto? Dahil ginagamit natin ang puso at utak natin. Pero hindi tayo
mabubuhay kung hindi natin ginagamit ang utak at puso natin. Case close! Walang
taong perpekto sa mundo,“ mahabang litanya ko. "Now going back to Jonas
and Nicko, paano ka talaga nakakasiguro na dahil sa BJ, naging dahilan ito ng
sore throat ni Jonas? Sino ang nagsabi sa iyo? Si internet?“
"Yeah. May nabasa akong dahilan na nagiging cause iyun
na maapektuhan ang boses,“ sagot niya.
"Pero hindi sore throat ang magiging epekto tama ho
ba?“
Nag-iwas siya ng tingin at naglakad ulit saka kumuha ng mga
ilang grocery sa isang stand.
Sumunod ako. "Tingnan mo. Kahit ikaw mismo ay hindi
sigurado. Bakit? Nagawa mo na ba iyun kay Keifer? May experience ka na ba sa
bagay na iyun? Ang mga bagay at impormasyon sa internet ay parang tao lang
dahil tao lang din ang gumagawa sa kanila. May nature ang mga tao na
sinungaling. Kaya asahan mo na may mga impormasyon din sa internet ang hindi
totoo. Sure nga na may maglalabas diyan na mga facts sa internet. Pero hindi
ibig sabihin na may tag na 'facts' ay totoo na iyun. Bwisit ng mga words iyan,
sinungaling din. Kaya pro tip, hindi lahat ng nasa internet ay totoo. Kasi
hindi naman human-free, na mga sinungaling, ang internet gaya ng sinasabi ko sa
iyo kanina. Alam mo ba ang tawag diyan? Media manipulation. Tapos ikaw pa naman
na laging naglalagi diyan sa internet, prone ng mga kasinungalingan.“
"So ano ang tingin mo sa akin? Hindi ko bine-berepika
ang mga facts sa internet?“ wika niya na patuloy pa rin sa ginagawa.
"Bigyan kita ng halimbawa. May lumabas na balita sa
internet na namatay daw si Gerard. Ano ang gagawin mo?“ tanong ko.
"Hindi maniniwala at aalamin ko ang totoo... mula sa
iyo,“ sagot ni Ren. Good one.
"Ay? Mula sa akin? Grabe. Tama! Si Gerard ngayon ay
nasa bahay dahil may sore throat daw siya. At isa pang issue iyun. Hindi mo pa
naman alam ang nangyari kung paano nagka-sore throat si Jonas tapos ganito
gagawin mo.“ Tumikhim ako para ibahin ang boses ko at humarap sa ibang
direksyon na kunyari ay may kausap. "Pare, may sore throat ka? Tsumupa ka
siguro kaya nagkaroon ka ng ganyan.“
Natigilan na lang ako dahil may kaharap akong lalaki... at
masama ang tingin nito sa akin. Base sa pananamit ng taong ito, galing ito sa
malayong eskwelahan. Bourbon Brothers University ata ang pangalan ng
eskwelahang iyun. May kasama naman itong babae na natulala dahil sa nasabi ko.
"Ano ba ang pakialam mo pare kung nagka-sore throat
ako sa kakatsupa sa boyfriend ko?“ tugon ng kaharap kong lalaki. Umubo naman
ito ng ilang beses saka hinagod ang lalamunan. Wrong timing dude.
"Aulric, hindi nga?“ gulat ng kasama nitong babae.
"Tsinupa mo si Zafe? Asdfghjkl! Akala ko ba... Nangako ka pa nga sa sarili
mo na kahit kailan, hinding-hindi mo hahayaan ang sarili mo na gumawa ng
makamundong hangarin kay Zafe. God! Gaano kalaki best? At kailan mo pala siya
naging boyfriend? Pero iyung pangatlong tanong ko ang sagutin mo. Gaano
kalaki?“
"Manahimik ka nga Shai! It's none of your business,“
retort ng Aulric sa kasama. Napansin ko na naiirita ito magsalita dahil may
sore throat siya.
"It's my business. Best friend mo ako. Imagine, si
Zafe, kinain mo ang kanyang ano? Ay!“ kinikilig na saad nung Shai.
"Magtigil ka nga Shai. Magpapakamatay na ako dahil sa
nangyaring iyun. Bwisit!“
"Pare, pinalala mo lang ang sitwasyon. Hindi kita kausap,“
sabat ko.
"Nakaharap ka sa akin? Hindi mo ako kau-“
"Aulric, tell me more about your experience with your
crush? Nasarapan ka ba?“ kinikilig na pagputol ng babae saka umangkla doon sa
Aulric at naglakad paalis.
Binaling ko ulit ang atensyon ko sa shopping cart. Nandoon
pa rin. Pero si Ren, nawala. Hinawakan ko na lang ang shopping cart at hinanap
siya hanggang sa makita ko siya sa isang section. Dali-dali akong lumapit dito.
"Kita mo! Ultimo iyung Aulric na iyun, nag-admit na
tsinupa niya ang boyfriend niya kaya nagkaroon siya ng sore throat. Case
closed,“ natatawang saad ni Ren habang nilagay niya sa shopping cart ang kinuha
niyang grocery. Ay nako! Tumaas na ang pagkabilib ni Ren sa sarili. Lahat ng
sasabihin niya ay tama. Bad trip naman talaga ang Aulric na iyun oo.
"Teka nga, hindi mo pa ba nagagawa ang bagay na iyun
kay Keifer?“ tanong ko.
Huminto siya at nag-isip. "Hindi pa. Ginawa iyun ni
Keifer.“ Bingo!
"Nagkaroon ba siya ng sore throat pagkatapos noon?“
"Wala,“ sagot niya.
"Okay! Argument invalid!“
"Magaling kasi siya,“ pagdadahilan pa niya.
"Tumigil ka! Hindi mo maidadahilan sa akin ang bagay
na iyan na magaling si Keifer. Hindi ko alam kung saang lupalop ng internet mo
nakuha ang mga facts na kapag hindi ka maayos 'gumanoon' ay magkakaroon ka ng
sore throat, or gumanoon ka ay magkakaroon ka ng sore throat, pero ito lang ang
masasabi ko. Tigilan mo iyan at sasapakin na kita. At isa pa nga, huwag mo
ngang basta-basta gamitin ang salitang T-S-U-M-U-P-A na parang normal mo lang
na sinasabi ang salitang iyan? Hindi lahat ng tao ay natutuwa kapag nakarinig
ng salitang iyan. Ito nga ba ang sinasabi ko na epekto kapag ang isang bata ay
nawalan ng magulang.“
"Okay! Panalo ka na! Pero hindi pa rin nga, na kanina
ko pa sinasabi, maibabalik iyung nasirang plano namin. Ayoko na. Ayoko ng
makisalamuha sa mga tao at babalik na lang ako sa bula ko.“ Nagpatuloy ulit
siya sa ginagawa. Naglakad ulit siya at lumipat na naman sa isang section.
Wala naman akong magawa kung hindi sumunod. "Bata ka
pa nga talaga. Hindi lahat ng gusto mo sa mundong ito ay madali mo lang
makukuha.“
Tumigil ulit siya at hinarap ako. "Alam mo ba, malinaw
na malinaw ko iyang naiintindihan dahil gusto ko na bumalik ang magulang ko sa
akin. Kaya lang, ano ba ang magagawa ko? Patay na sila. Ni hindi ko nga alam
kung saan sila nakalibing para bisitahin. Kaya ngayon, gusto kong mapag-isa na
lang at i-revert ang buhay ko noong hindi ako lumabas sa shell. Kaya heto!
Tinigil ko ang pagpunta sa Music Room. Tinigil ko ang pakikipagkaibigan ko kay
Harry. Tinigil ko ang makipag-usap sa boyfriend ko and soon-to-be my ex dahil
makikipag-break na ako sa kaniya. Hindi natin mare-reset ang buhay. Pero ang
relasyon natin sa mga tao, nare-reset. At ngayon, anong magandang nangyayari
ngayon sa buhay ko? Wala!“
"Nakuha mo ang gusto kong sabihin. Pero hindi iyun ang
gusto kong iparating. Hindi tulad ng sinasabi mo na gusto mo pa makita ang mga
magulang mo, ang relasyon mo sa mga tao, nare-remedyuhan pa. At least iyun,
naibabalik pa habang buhay pa sila at nakikinig sa iyo.“
"DUH~! Sa akin? Makikinig ang mga iyun? Si Harry na
nga lang, ayaw makinig. Ako pa rin ang gusto kahit sinabi ko na ayaw ko na sa
kaniya. Sila Nicko at Jonas, I wonder kung makikinig sila pero mukhang hindi.
May nakakabit kasing Castillo sa akin kaya wala ng tiwala sa akin ang mga
iyun.“
"Tapatin mo ako? Naglalaro na ba tayo ng sisihan dahil
sa mga nangyayari sa iyo? Sinisisi mo ba si sir Simon dahil ang middle name mo
ay Castillo na nagkataon pa na Castillo naman ang apelyido ng magiging karibal
niyong eskwelahan?“
"Wala akong sinasabi na sinisisi ko si ninong.“
"Ganoon din iyun. Nawalan ka ng incentives na manatili
sa Music Club dahil iniisip mo iyang middle name mo ang dahilan. Aba't ang
babaw naman ng mga taong ito. Halos common na nga ang pangalang Castillo tapos
iisipin na bawat Castillo na makikilala nila ay magkakamag-anak.“
"Alam mo, tigilan na natin ang pag-uusap na ito sa
supermarket at tapusin na natin ang ginagawa nating ito. Hindi bagay pag-usapan
dito ang bagay na iyan.“
"HA~! Hindi. Pag-usapan natin iyan dito. Ayoko
magdahilan ka na wala ka namang magulang na nagtuturo sa iyo ng tamang asal. At
hindi ko sinisisi sila sir Simon at madam Veronica dahil parehas na busy sila.
Lumang tugtugin na iyan dahil sa ayaw at gusto mo, tuturuan kita kung paano
mamuhay sa mundong ito dahil hindi habangbuhay, nasa loob ka lang ng bula mo,“
seryosong saad ko.
"Ano bang alam mo sa pagiging magulang? Bakit? May mga
anak ka na ba Edmund?“
"Hindi required na magkaroon ka muna ng mga anak bago
ka magturo sa iba ng tamang asal.“
Humugot si Ren ng buntong-hininga. "Ganito Edmund.
Bakit kaya hindi mo muna ako hayaan mag-isa dahil mas gusto ko na mag-isa lang
muna ako?“
"Isolation? Makakatulong talaga iyan,“ sarkastiko kong
saad. "Tandaan mo Ren. Hindi ka kahit kailan na naging introvert. Isa ka
lang bata na inutusan lang ni sir Simon na magpaka-introvert. Hindi na
makakatulong sa iyo ang pag-iisa.“
"Hindi. Isa talaga akong introvert.“
Bigla na lang niyang iniwan ang listahan sa akin saka
umalis ng lugar na iyun. Hindi na ako nag-aksayang habulin siya. Marahil
makakatulong pa iyung saglit na pag-iisa niya para makapag-isip. Saglit lang.
Pero ano ang gagamitin niya pauwi? Ay! Siguradong gagamitin niya ang sasakyan
pauwi. Bahala na nga siya!
Kinuha ko na lang ang listahan na iniwan niya at
pinagpatuloy ang normal na ginagawa ko kapag nandito sa supermarket. Nang
binayaran ko na ang lahat ng mga pinamili namin... nang binayaran ko ang mga
pinamili namin. Bwisit! Nabawasan pa ang pera ko. Dapat, singilin ko siya.
Noong nag-18 si Ren, ibibigay ko na sa kaniya ang pera na pang-grocery namin at
bahala na siya sa kung ano ang gagawin at bibilhin niya sa pera. Pero okay sana
kung siya ang nagbabayad kung hindi ako!
Nilagay ko muna sa shopping cart ang mga pinamili ko, dahil
umalis si Ren kaya mga pinamili ko, at tinulak ang cart papunta sa parking lot.
Wala nga doon ang sasakyan. Humugot na lang ako ng buntong-hininga at pumunta
na lang sa paradahan ng taxi. Nang nakasakay na ako, naalala ko na sariling
pera ko na naman ang magagastos. Nagsabi na lang ako sa driver ng taxi na
bigyan niya ako ng resibo. Pati itong pambayad ko sa taxi, sisingilin ko din
siya. Ilalagay ko pa sa pagmumukha niya itong resibo.
Kinuha ko na lang ang phone ko at tinawagan si Gerard.
"Bakit Edmund?“
"Hello Gerard. Kumusta ka na?“
"Ha! Okay lang. Medyo masakit pa ang lalamunan ko
dahil sa pesteng sore throat na to.“
"Nabilhan mo na ba iyan ng gamot?“
Umubo siya ng isang beses. "Nabilhan ko na. Magiging
ayos din ang pakiramdam ko at makakapag-date tayo sa susunod na Sabado. At
gagawa tayo ng kababalaghan sa CR.“
"Hay nako! Tumigil ka na. Kaya siguro nagka-sore
throat dahil sa kasasabi mo sa akin ng ganyan. Sumuko ka na. Tatanggi at
tatanggi ako hanggang sa kaya ko pa.“
Natawa siya ng payak sa sinabi ko. "Pero sigurado ako
na bibigay ka din. Ikaw Edmund. Kumusta ka na?“
Napatingin ako sa labas ng taxi. "Eto. Okay pa naman.
Dahil sa hindi natuloy ang date natin, nag-grocery ako kasama ng bata kong
amo.“
"Oi, bakit mo naman tinawag na bata ang amo mo?“
"Ehh, totoo naman. Pinagsabihan ko lang ng mga ilang
bagay na dapat sinasabi ng mga magulang sa kaniya. Kaso, nag walkout naman.
Bata talaga. Wala na kasing magulang ang bata kaya hindi naturuan marahil.“
"Alam mo, dapat hindi ka ganyan sa bata mong amo. Amo
mo pa rin iyan.“
"Wow! Concerned ka pala sa amo ko. Siya nga pala, ikaw
ba, naturuan din mga magulang mo noong bata ka ng tamang asal?“
"Oo naman.“
"Bakit sexual active ka?“
"Ano ka ba? Hindi na sakop ng magulang natin iyan.
Desisyon na natin ang bagay na iyan.“ Umubo siya ng ilang beses.
Naalala ko naman iyung pinag-usapan namin ni Ren kanina.
"Ayokong itanong ito sa iyo pero na-curious ako since sigurado ako na lagi
mo itong ginagawa.“
"Huwag kang mag-alangan na magtanong sa akin kung
kelan ako available sa private nating appointment sa isa't isa. Promise.
Masasarapan ka.“
"Hindi ito tungkol doon. Tumigil ka nga. Ang itatanong
ko ay nagka-sore throat ka na ba dahil sa...“ Ay nako! Nag-aalangan talaga ako
na sabihin ang salitang iyun.
"Dahil sa?“
"Alam mo na. Iyung... kumain ng hotdog,“ pakumpas kong
saad.
Tumawa siya ng payak saglit. "Iyun lang ba? Hindi pa.
Grabe ka naman. Unless kung madumi ang hotdog o may mikrobyo, hindi ko iyun
kakainin. Pero paano naman magkakaroon ng mikrobyo ang hotdog kung lulutuin mo
muna ito bago lutuin?“
"Lutuin?“ nagulat kong saad. "Teka, teka, ibang
hotdog ang tinutukoy mo. Literal kasi ang iniisip mo. Ang iniisip ko ay iyung
ibang uri ng klase ng hotdog.“
"Ganoon ba? Iyung tsumupa ba ang tinutukoy mo?“
"TUMIGIL KA!“ naiiritang asik ko.
"Bakit?“ pa-inosenteng tanong pa niya.
"Pwede bang maging sensible naman kayo sa pagsasabi ng
mga salitang iyan?“
"Sensible? Bakit naman? Ikaw lang naman ang kausap
ko.“
"Kahit na. Masakit sa tenga kapag nakakarinig ako ng
ganyan.“
"Sabi mo ehh. Ohh, well. Balik tayo sa tanong mo.
Hmm... sa totoo lang, hindi pa naman. Pero ang pagkakaalam ko, hindi naman
kahit kailan nagiging cause iyun ng sore throat ang gawaing iyun. Siguro kung
hindi sanay ang bibig mo sa ganoon, magkakaroon ng kumplikasyon sa bibig mo,
pero hindi naman magre-resulta sa ganoong kalalang kumplikasyon. Sore throat?
Grabe,' mahabang paliwanag niya. "Gusto mo mag-experiment tayo? Tara dito
sa bahay.“
"Salamat sa sagot mo at hindi. Ngayon, alam ko na tama
ako.“
"Tama ka? Ahh! Alam ko na. Iyan ba ang pinag-awayan ng
amo mo?“
"Hindi naman,“ pagtanggi ko. "Gaya nga ng sinabi
ko kanina, curious lang ako. Mahirap kasi magsalita sa ibang tao lalo na't
hindi ko naman talaga alam ang mga bagay na iyan. Kaya humingi ako ng
impormasyon sa eksperto.“
"Eksperto?“ Natawa ng payak si Gerard sa kabilang
linya. "Nakaka-flatter na compliment na iyan. Halika-“ Naputol ang
sasabihin niya at umubo ng ilang beses.
"Oi, okay ka lang? Baka hindi na iyan sore throat kung
hindi flu na iyan? Magdadalawang linggo na iyang sore throat mo. Baka ibang
sakit na iyan. Mag biogesic ka kaya?“
Tumawa siya ulit ng payak. "Oo na John Lloyd na may
abs. Sige. Siguro ay dapat magpahinga na ako.“
"Pagaling ka ha. Gusto mo bang pumunta ako diyan at
dalhan ng prutas?“
"Sige. Sige,“ excited na saad niya. "Magdala ka
ng prutas dito. Tapos diretso ka sa kwarto ko at gumawa tayo ng milagro.“
"Nagbago na ang isip ko. Huwag na lang. Mukhang
magaling ka na nga ehh. Ibababa ko na ang phone. I love you.“
"Salamat sa pag-aalala.“
Tinapos na niya ang tawag. Gaya ng dati, hindi nga siya
sumagot ng 'I love you too'. Okay lang. Ang honest niya masyado.
Huminto na rin sa wakas ang taxi sa tapat ng bahay ni Ren.
Pagkatapos bayaran ang taxi, ibinigay din nito sa akin ang resibo. Ginamit ko
ulit ang override command ng gate saka binuksan agad. Bukas na bukas para hindi
magawang sarhan ni Ren. Dire-diretso na lang akong pumasok sa bahay niya. Sakto
at nasa harapan lang siya ng kompyuter.
"Hoy, salamat sa pag-iwan mo sa akin sa supermarket.
Salamat din at iyung pera ko ang nagamit para bilhin ang mga grocery. Kung
maaari, bayaran mo iyung ginastos ko,“ naiirita kong saad pero kalmado.
Hindi nagsalita si Ren at kinuha ang pitaka na nakalagay
lang sa center table. Kumuha lang siya ng dalawang tig-iisang libo dito at
nilagay sa mesa. Kinuha ko na lang ang pera habang siya naman ay bumalik sa
harapan ng kompyuter at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Pag-iisa. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam. Nasanay
ako na may kasama, noong kasing-edad ko itong si Ren. Umm... hindi naman ako
isang tao noon na naghahanap ng atensyon. Ang totoo niyan, tao ang lumalapit sa
akin para makipagkaibigan. May mga naging kaibigan lang ako noon pero hindi ko
na sila nakakausap ngayon dahil sa magkaiba na ang sari-sariling naming
interes. Pero kahit ganoon, napalitan.
Ang mga katrabaho ko sa mansyon, pero hindi naman mga importanteng tao iyun sa
storya.
Dapat ko bang sermunan ang taong ito tungkol sa mga ilang
bagay na base sa karanasan ko? Kaya lang, magkaiba ang perspektibo naming
dalawa. Hindi kami masyadong magkakaintindihan. May mga instances na masasaktan
ko siya sa ilang bagay na sasabihin ko at baka lumala pa ang sitwasyon. Kung
hindi ako nagkakamali, diyan nagsimula ang ilang gera sa mundong ito.
Magkakaibang perspektibo.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at umupo sa sofa.
Nagpasya muna ako na samahan si Ren. Baka mamaya, may sasabihin siya. Tama. Mas
maganda na siya muna ang magsalita.
"Bakit nandito ka pa rin?“ biglang tanong niya sa
katahimikan na bumalot sa amin ng mga ilang segundo. "Binigay ko na sa iyo
ang bayad hindi ba?“
"Gusto lang kitang i-console sa mga nangyayari
ngayon,“ sagot ko. "Since nandito lang din ako, bakit hindi ko na gawin?
Mag-aantay pa ba ako na may pupunta sa bahay mo ngayon at pag-uusapan ang mga
nangyayari ngayon sa buhay mo? Kelan pa iyun? May sari-sariling buhay ang mga
taong nakakakilala sa iyo. Hindi counted si Keifer since sabi mo ehh, hindi
dapat malaman ng iba niyo pang kaibigan ang relasyon ninyo. So, nandito lang
ako para pakinggan ka.“
Hindi siya muling nagsalita at patuloy pa rin sa paglalaro
ng... Heroes of the Storm. Maya-maya ay may nakapaskil na salitang 'Victory' sa
kanyang screen. Ibinaba na niya muna ang headset... at humarap sa akin. May
suot nga pala siyang headset. Baka nagsasalita lang ako dito na parang tanga.
Narinig niya kaya ang mga sinabi ko kanina? Copy-paste na ba ang gagawin ko?
"Nagsisisi ako na lumabas ako sa shell ko. Sa kabilang
banda naman, hindi ako nagsisisi,“ saad niya. Tumingin naman siya sa labas ng
bahay niya. "Hindi ko alam kung paano papakisamahan ang mga tao sa labas
ng mga pader ng bahay ko. Kung maayos ko silang napapakisamahan, iniisip ko na
swerte lang. Akala ko, kagaya sila sa mga nakakausap kong cyber friends. Noong
isang linggo, sinigawan ko si Nicko at ganoon din siya. Sinisisi ko siya sa
pagkakaroon ng sore throat ni Jonas nang mag-perform ang banda namin sa mall.
Sinabi ko kung bakit pinayagan niya si Jonas na T-S-U-P-A-I-N siya.“ Huwag na
natin sabihin pero spelling, pwede. "Si Nicko naman, tinatanggi ang
paratang ko. Tapos ako naman, idinidiin talaga na kasalanan niya iyun. Pagkatapos,
nagalit si Nicko. Sinabi niya baka ako naman talaga ang traydor sa Music Club.
Ako kasi ang nagbibigay ng mga inumin sa kanila at baka dahil doon, nagkaroon
ng sore throat si Jonas. Paano naman mangyayari iyun? Hindi ako iyung traydor.
Pagkatapos, sinuntok ako ni Jonas. Bakit ayaw nilang aminin ang pagkakamali
nila?“
"Ikaw Ren? Aamin ka ba sa isang kasalanan na hindi mo
naman ginawa?“ tanong ko.
"Hindi,“ sagot ni Ren.
"Ay! Mali. I mean, may mga tao kasi na kahit nakita mo
na, o nahuli mo na ngang nagkakamali, hindi sila kahit kailan aamin.“
"Iyung ginagawa at sinasabi ko kasi, para sa kanila
iyun. Hindi naman para sa akin. Para kay ninong to be exact. Para sa glory ng
school.“
"Ilang beses kang sinuway ni Jonas sa tingin mo?“
Nag-isip siya saglit. "Isang beses pa lang naman kung
tama ang pagkaalala ko.“
"Sa tingin mo, gusto bang manalo ni Nicko sila Jonas
sa paparating na Battle of the Bands?“
"Gusto.“
"Then bakit sila susuway sa iyo? Para matalo? Sa
tingin ko naman, hindi. Ren, huwag mong ipagtulakan sa kanila na perpekto
silang mga tao. Yes, mga top students sila sa Medisina nila Nicko, pero hindi
ibig sabihin nun na awtomatikong perpekto sila, naliligo ng dalawang beses sa
isang araw, hindi sila ganoon immune sa sakit sa mundong ito. Tao pa rin sila.
Nagtanong ako sa experienced kong kaibigan tungkol diyan. Hindi kahit kailan
nagkakaroon ng ganoong kalalang sakit ang mga taong gumaganoon.“
Natawa si Ren ng hilaw at tumingin sa akin. "So
magkamali nga ako. Great! Ayoko na ngang lumabas sa lungga ko.“
"Sa anong dahilan kaya ayaw mo ng lumabas ng lungga
mo?“
"Sa tingin ko, tama na iyung pagkakamaling iyun. Ayoko
ng makagawa ng iba pang mali. Ayoko ng magkagulo.“
Napansin ko naman ang baliktad niyang krus na kwintas.
"Maalala ko. Ano ngang ibig sabihin ng kwintas na suot mo?“
Nahawakan ni Ren ang kwintas niya. "Si Peter na isa sa
mga disipulo ni Jesus, ipinako siya sa krus sa Roma. Dahil ayaw niyang matulad
kay Jesus kung paano siya pinako, hiniling niya na ipako siya patiwarik. Ang
ginawa niya ay simbolo ng kababaang loob.“
"Kung wala ka palang kababaang loob, bakit nasa iyo pa
iyang kwintas na iyan? Mukhang hindi na tuloy bagay iyan sa iyo. Humingi ka ng
tawad sa mali na nagawa mo kung bagay ba talaga sa iyo ang kwintas na iyan.
Mapapatawad ka pa naman ng mga taong iyun. At tsaka, huwag mong gawing dahilan
ang pagkakamali mo sa isang bagay kaya babalik ka na sa lungga mo. Ang
pagkakamali, lagi na iyang andyan. Ang magagawa mo na lang ay tanggapin iyun.
At kung magkamali ka, humingi ka ng tawad sa ginawan mo ng mali. At kung
napatawad ka, ehh di maganda. Ganoon din ang dapat mong gawin sa mga taong
nagawan ka ng mali. Patawarin mo din. Pero ibang usapan na sa mga taong abusado
sa paggawa sa iyo ng mali.“
Nabalisa siya bigla. Sana naman, iniisip ng mabuti ang
kanyang mga ginawa. Sana naman, nakatulong ako sa kaniya. Nako! Bigla ko tuloy
na-miss ang mga kapatid at ang nanay ko. Okay lang kaya sila? Kumusta na kaya
sila? Siguro, bibisita ako bukas.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at tumayo para
umalis. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya. Hindi ko na lang siya iistorbohin sa
kanyang malalim na pag-iisip. Mamaya at kapag ginulo ko, gugulo din ang buhay
niya.
Keifer's POV
Mag-iisang linggo na. 10 o'clock na ng gabi. Nag-aalangan
na ako kung dapat ko ba siyang tawagan. Miss na miss ko na siya. Napapansin ko
kasi sa eskwelahan na masama ang ora niya. Mukhang ayaw niyang kumausap ng tao.
Si Harry naman ay wala ding sinasabi. Kagaya ni Ren, masama din ang ora niya. Ayaw
din makipag-usap sa ibang tao. Bahala na nga. Tatawagin ko na lang si Ren.
Bumuntong-hininga na lang ako at pinindot ang call button
sa tapat ng pangalan ni Ren. Ilang beep lang ang narinig ko at sinagot agad ito
ni Ren.
"Hello?“ malumanay na bati ni Ren.
"Oi! Hello. Buti naman at sinagot mo,“ excited kong
saad. "Umm... okay ka lang ba? Hindi mo sinasagot ang tawag ko nitong mga
nakaraang araw.“
"Yeah. Pasensya na. Gusto ko lang kasi mapag-isa muna
at mag-isip.“
"Dahil ba ito kila Jonas at Nicko?“
Mukhang medyo nagulat siya sa sinabi ko. "Sinabi ni
Nicko sa iyo?“
"Oo. Sinabi niya.
「Some days ago...
Tapos na ang klase namin ni Janice. Habang nagliligpit ng
gamit, papalapit na naglakad sa akin si Nicko. Medyo nakangiti siya.
"Tara na Kei,“ yaya ni Janice.
"Umm... Kei, pwede ba kitang makausap? Nang sarilinan
lang?“ tanong ni Nicko.
"Janice, mauna ka na. Pupunta ako sa clubroom
pagkatapos nito.“
"Sige,“ kibit-balikat ni Janice at umalis.
"Tara. Sa school park na lang tayo mag-usap. Andito na
iyung susunod na klase.“
Pumunta naman kami sa school park at umupo sa isa sa mga
upuan doon.
"May balita ka ba kay Ren?“ panimulang tanong ni
Nicko.
"Nako! Ang totoo niyan, wala. Hindi sinasagot ni Ren
ang tawag ko sa kaniya nitong mga nakaraan,“ nakangiwing sagot ko.
"Ganoon ba? So hindi pa pala niya sa iyo sinabi.“
"Sinabi? Ang alin?“
"Noong weekend, nag-away kami ni Ren. Nag-away kami
dahil sa pinagbintangan niya ako na pina...“ Tinuro ni Nicko ang ari niya.
"Pinasok?“ hula ko.
"Hindi pinasok. Iyung...“ Inilagay naman ni Nicko ang
kamay sa bibig niya.
Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. "Okay. Nakuha
ko.“
"Napuno ako. Pinagsabihan ko siya ng nga masasakit na
salita. Pinagbintangan ko pa siyang traydor at kakampi ni Christian Castillo ng
'The Gravity'. Na kaya lang sumali siya sa Music Club ay para isabotahe sila
Jonas. Pero na-realize ko na mali ang ginawa ko. Hinusgahan ko ata siya. Hindi
ko pa naman kilala si Ren. Sabihin mo Kei. Kilala mo ang mga tunay na pamilya
ni Ren hindi ba?“
"Yeah. Kilala ko. Pero kung sasabihin ko kung sino,
hindi ko nga lang sasabihin. Hindi pa dapat ipagsabi.“
"Hindi naman niya kamag-anak sila Christian Castillo
hindi ba?“
"Hindi ko alam. Hindi ba may amnesia si Ren? Baka
kapag bumalik na ang mga ala-ala niya, mamaya kamag-anak talaga niya. Pero
ngayon, wala siyang koneksyon sa mga taong iyun. Nakakasiguro ako doon.“
Natawa siya ng bahagya. "Pasensya na. Hindi ko alam
ang magiging reaksyon ko kung sakaling kamag-anak nga niya iyung mga taong
iyun. Pero iyung nagalit ako kay Ren, mali iyung ginawa ko. Hindi ko pa naman
siya lubusang kilala. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kaniya. Kaya lang hindi
namin siya mahanap ni Blue.“
"Ha? Bakit?“
"Hindi na siya pumupunta sa Music Club. Hinanap na
namin siya kahit saan pero hindi namin siya mahanap sa eskwelahang ito. Mukhang
magaling si Ren maglaro ng tagu-taguan. Kaya kinausap kita para humingi ng
tulong sa iyo. May alam ka ba kung saan siya makikita?“
Mukhang bumalik ata sa dati si Ren. "Nako Nicko. Kahit
boyfriend niya ako, hindi ko alam kung saan siya naglalagi. Hindi ko kasi siya
na-oobserbahan dito sa eskwelahan masyado.“
"Ganoon ba? Pero Kei, kung may pagkakataon ka,
pakisabi kay Ren na gusto kong makipag-ayos sa kaniya,“ pakiusap ni Nicko.
"Iyun ay kung kakausapin niya ako. Sige Nicko. Ako na
ang bahala kung sakali.“
Lumuwag ang ngiti ni Nicko. "Salamat Kei. Aasahan ko
iyan. Sige. Alis na ako.“」
"Gusto na niyang makipagbati sa iyo. Magpakita ka na
daw sa kanila.“
Wala akong nakuhang sagot mula kay Ren. Ni hindi siya
umiimik.
"Hey? Nakikinig ka pa ba sa akin? Okay ka lang ba? Ano
ba ang problema? Pwede ko bang malaman?“ sunod-sunod kong tanong.
"Naririnig kita. Malinaw na malinaw,“ walang buhay na
sagot niya. "Sige na Kei. Ibababa ko na ang phone. Tumawag lang ako para
hindi ka mag-alala. Baka sumugod ka sa bahay ko kapag hindi ako nagparamdam.“
"O si-“ Ibinaba na ni Ren ang phone niya.
Kalungkutan. Nararamdaman ko na naman ito ngayon. Akala ko,
kaya kong hindi pakawalan si Ren sa tago naming relasyon. Pero lumalabas na si
Ren ang unang aayaw. Pero hindi pa naman niya sinasabi na ayaw na niyang
ipagpatuloy ang tagong relasyon namin. Kailangan maniwala ako na hindi siya
bibitaw... o ako.
Keith's POV
Mag-isa akong pumunta sa library. May klase pa kasi si
Marcaux at naisip ko na hintayin na lang siya dito sa library. Sa pagpasok ko,
nahagip ng mga mata ko si Ren. Teka? Napapansin ko. Nakikita ko siya sa library
ng isang buong linggo. Pero kapag umalis sa library, dumideretso siya sa
parking lot at umuuwi marahil. Dumadaan pa rin kaya siya sa Music Club? Hindi
ko naman siya makausap dahil sa mukha niya na ayaw kumausap ng tao. Nakakunot
kasi ang noo niya habang nagbabasa ng libro. Kung kasama ko naman si Marcaux,
pinipigilan niya akong lumapit sa kaniya. May problema kaya siya?
Kumuha muna ako ng mga kailangan kong libro sa library.
Pagkatapos ay bumuntong-hininga na lang ako at lumapit sa tapat niya at umupo.
Nilatag ko ang kinuha kong libro sa mesa pati ang mga gamit ko.
"Keith, ikaw pala iyan,“ saad niya nang mapansin ako.
"Kumusta Ren? Medyo matagal na din nang huli tayong
mag-usap,“ tugon ko.
"Si Marcaux?“
"Ahh! May klase.“
"Ganoon ba?“
Nanahimik siya ulit at itinuon ang pagbabasa ng libro.
Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.
"Oo nga pala Ren. May gusto akong sabihin sa iyo. May
kinalaman ito kay Jonas.“
Bigla na lang nagising ang kaluluwa ni Ren sa sinabi ko at
tumingin sa akin. "Anong may kinalaman kay Jonas?“
Bumuntong-hininga ako. "Noong isang araw, bago ang gig
niyo sa mall, naglalakad ako at nadaanan ko ang Music Room. May nakita naman
akong pumasok na tao na may dala-dalang isang plastic cups na parang sa
lalagyan ng mga mamahaling kape kape.“
"Okay? Tao na may dalang kape? Ngayon, kilala mo ba
kung sino ang lalakeng ito?“
Kinabahan na ako sa tanong niya. Kumakabog ang dibdib ko sa
sasabihin ko sa kaniya. Dapat niya talaga ito malaman.
Magsasalita na sana ako nang napansin ko si Marcaux at
Aldred sa pintuan ng library. Nakatalikod si Ren sa pintuan kaya hindi niya ito
nakita. Kita ko naman na may dalang malaking sako si Aldred. Nang makita ako ni
Marcaux, tinapik niya si Aldred at tinuro kami. Sumenyas naman si Marcaux sa
akin na huwag magpahalata.
"Sinong tinitingnan mo? Siya ba iyung lalaki na
sinasabi mo?“ untag ni Ren. Bumaling ang ulo ni Ren kung saan ako nakatingin.
"Kilala mo ba iyung ex ni William Smite? Si Gerard
Faustiano? Siya ang nakita ko,“ bigla kong sinabi. Binalingan niya ulit ang
atensyon sa akin.
"G-Gerard Faustia- HOI! ILABAS NIYO AKO DITO!“
Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa amin si
Aldred at isinilid si Ren sa sako. Nag-ingay si Ren at patuloy na
nagpupumiglas. Nakuha nito ang atensyon ng librarian at pinagalitan si Aldred.
Lumabas naman kaming tatlo habang si Ren ay nakasilid sa sako at buhat-buhat
patiwarik ni Aldred. Naglakad kami at marahil, pupunta kami sa Music Room.
"Salamat sa inyo Marcaux at Keith. Maaasahan ka
talaga,“ wika ni Aldred.
"Wala iyun. Magkaibigan naman tayo. At ang mga
magkakaibigan, nagtutulungan,“ tugon ni Marcaux.
"Keith, alam mo ba ang planong ito?“ tanong sa akin ni
Ren.
"Pasensya na. Ang totoo, hindi ko alam,“ paghingi ko
ng dispensa. "Iyung sako, may butas ba iyan? Makakahinga ba ng maayos si
Ren?“
"Hindi ba may natural na butas ang mga sako? Magiging
okay lang siya,“ sagot ni Aldred.
"Mas magiging okay kung ibababa niyo na ako at ayusin
ang pagbuhat sa akin. Mamamatay na ata ako nito. Wala akong nakikitang butas sa
sako at palagay ko, mahihimatay na ako dahil hindi ako makahinga,“ wika ni Ren.
"Butas lang pala ang problema.“ Lumapit si Marcaux sa
sako at binutasan ng pagkalaki-laki sa bandang likurang ulo ni Ren. "Ayan!
Siguro, okay na iyan.“
"Saan niyo ba ako dadalhin? Sa huling hantungan ko?“
tanong ni Ren.
"Sa- Ohh! Nandito na pala tayo.“ Huminto kaming tatlo
sa tapat ng Music Room. "Salamat ulit sa tulong niyo Marcaux at Keith.“
"May kinalaman ka ba talaga dito Keith?!“ tanong ulit
ni Ren.
"Aldred, huwag mo akong pasalamatan. Wala akong
kinalaman dito.“
Binuksan na lang ni Aldred ang pintuan ng Music Room at
pumasok. Naglakad naman kami ni Marcaux paalis ng lugar na iyun.
"Ferdinand, akala ko ba may pasok ka?“
Natawa ng payak si Marcaux. "Pasensya na Choco.
Nadaanan ko kasi si Aldred na may dalang sako. Akala ko, may isa-salvage siya.“
"Hindi. Actually may isa-salvage nga talaga si Aldred.
At kapag sinabi mong salvage, iyung ililigtas. Hindi iyung papatay na meaning.“
"Ang talino mo Choco. Pa-kiss nga.“ Binigyan ako ng
mabilis na halik ni Marcaux sa noo.
"Hey Ferdinand, paano kung may mga kaaway tayo na
hindi pa natin alam?“ naitanong ko.
"Kaaway na hindi natin alam? Pwede ba iyun?“
"Iyung mga kaaway na hindi natin alam kung paano natin
nagawan ng masama. Iyung basta na lang nagalit sa atin.“
"Adik ang tawag doon. Nagagalit na lang basta-basta.
At kung meron nga, ehh di ayusin natin iyun. May solusyon naman para sa lahat.
Imposible namang wala.“
Napangiti ako sa sagot ni Marcaux. "Tama ka
Ferdinand.“
Ren's POV
Hindi na lang ako pumalag at hinayaan si Aldred na bitbitin
ako patiwarik. Ang sakit sa ulo sa totoo lang. At ganoon lang ba ako kagaan at
nabubuhat ako ni Aldred? Pero di bale na. Para mawala na lang ang sakit ng ulo
ko, ipikit ko na lang ang mga mata ko.
Hindi kalaunan, naramdaman ko na lang na ibinaba na ako ni
Aldred sa isang upuan. Inalis na rin ni Aldred ang sako at ang una kong ginawa
ay huminga ng malalim. Nang binuksan ko ang mata ko, nakita ko pa sa harap ko
sila Blue, Jonas, at Nicko.
"Hello guys. Magandang hapon?“ bati ko. "Gusto
niyo maglaro ulit tayo ng tagu-taguan?“
"Yeah bakit hindi? Dahil pinahirapan mo kami sa
kahahanap sa iyo, ikaw naman ang taya,“ seryosong saad ni Blue. "Look,
Ren, gusto kang kausapin ni Jonas at Nicko. Pag-usapan niyo ang mga hinanakit
niyo sa isa't isa nang sa ganoon ay maayos na iyang pinag-aawayan ninyo. No
vulgar words please.“
"Ako na ang magsisimula,“ saad ni Nicko.
"Hindi. Ako na ang mauna,“ pagtutol ko.
"Hindi. Ako na,“ pag-insist pa ni Nicko.
"Isa pang pagtutol at sasapakin ko na,“ sabat ni
Aldred.
"Ehh di ba nga, ako ang nauna? Kaya dapat lang na
mauna ako.“ Inambahan naman ako ni Aldred. "Sige na Nicko. Mauna ka na.“
"Teka? Kung magsisimula na kayo, aalis na muna kami ni
Blue,“ pagpapatigil ni Aldred. Hinawakan naman ni Aldred ang kamay ni Blue at
lumabas sa Music Room.
"Pasensya na pala sa mga sinabi ko sa iyo. Alam kong
hindi dapat ganoon ang mga sinabi ko sa iyo. Dapat, naghinay-hinay ako. Dapat,
inisip ko muna ang mga salitang nanggaling sa bibig ko.“ Nagsimulang tumulo ang
luha ni Nicko. "Hindi ko dapat pinagsalitaan ng ganoon ang taong nagligtas
talaga sa akin.“
Nagulat ako sa sinabi ni Nicko. "So sinabi na ni Erika
sa iyo?“
"Yeah. Sinabi na niya,“ saad ni Jonas.
「2 years ago...
Pagod na pagod na umuwi si kuya Jasper sa bahay ko galing
sa isang lakad. Pansamantala siyang naninirahan dito dahil sa tinatakasan niya
si ninang. Kung saan siya pumupunta, alam ko.
Sa isang tagong website, may mga pinapaskil na mga babae't
kalalakihan para arkilahin ng isang gabi. May presyo pang nakalagay at schedule
ang mga taong ito. Sa website, may pinakapaborito siyang arkilahin. Ang
pangalan niya ay John Nicko Alcantara at Nicko ang palayaw niya sabi ni kuya
Jasper.
Alam kong illegal ang ginagawa niyang ito. Kabilinbilinan
pa sa akin ni kuya Jasper, huwag ko daw sasabihin ang ginagawa niyang ito kung
gusto ko pang makipag-ayos sa kaniya kaya sumusunod ako sa nais niyang gawin.
"Ren, may pagkain ba diyan?“ tanong ni kuya Jasper.
"Meron kuya. Kaluluto ko lang. Kuha ka lang diyan,“
sagot ko.
Pumunta ako sa harapan ng kompyuter habang siya ay
dumiretso sa kusina para kumain. Habang inaantay ko na bumukas ang kompyuter,
tumunog bigla ang telepono ko. Sinagot ko ito.
"Hello?“
"Hello Ren? Andyan ba si kuya Jasper mo?“ tanong sa
akin ng boses sa kabilang linya. Si ninong.
"Wala po siya dito ninong,“ pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba? Asaan na kaya ang batang iyun? Oo nga
pala. May ipapagawa ako sa iyo. May hinahanap na isang tao ang kapatid ko at
gustong hanapin mo siya kung nay makukuha kang impormasyon.“
"Po? Sige po. Anong pangalan po?“
"John Nicko Alcantara.“
Napatigil ako sa binangit na pangalan ni ninong.
Magkaparehas iyung pangalan nung Nicko sa website.
"Ninong? Pwede po bang humingi sa inyo ng litrato ng
Nicko na ito at baka nagkaroon po ng amnesia ang taong ito at nagpalit ng
pangalan. Malay niyo po.“
"Sige. Ipapadala ko na ang litrato niya sa phone mo.“
Tuluyan ng bumukas ang kompyuter ko at tumunog na naman ang
phone ko. Isang itong picture message mula kay ninong. Nang nakita ko ang
litrato, mas lalo pa akong nagulat. Iyung John Nicko na pinapahanap sa akin ni
ninong at ang John Nicko na nasa website na pinipili ni kuya Jasper ay iisa.
"Na-receive mo na ba Ren?“ tanong ni ninong.
"Umm... opo. Nakuha ko na po,“ sagot ko. "Siya
nga po pala ninong. Bakit at sino po ba talaga ang nagpapahanap sa kaniya?“
"May tinuturing na kapatid ang taong iyan. Ang
pangalan niya ay Johny Celerez. Dahil sa ilang mga pangyayari, aksidenteng
nabangga ni Erica ang taong ito at na-coma. Nang makita siya ni Erika, pinilit
niya ang daddy niya na mag-aaral siya sa London kung isasama niya si Johny
doon. Ginawan to ng paraan ng daddy niya at naidala si Johny sa London. Nang
magising, may pinaghahanap siyang tao. Ang pangalan niya ay Nicko.
Pinaimbestigahan naman ng daddy ni Erika ang taong ito at nalaman namin na
magkapatid at magkasintahan silang dalawa. Hanggang ngayon, wala pa kaming
nakukuhang impormasyon tungkol kay Nicko maliban sa isang naka-file na police
report. Pinaghihinalaan na na-kidnap siya ng kanyang stepmother na
nagnga-ngalang Michelle Tolentino.“
"Salamat po sa impormasyon na ibinigay niyo sa akin
ninong. Sisimulan ko na po ang paghahanap.“
"Yeah. Salamat. Ibababa ko na.“
Ibinaba ko na ang phone. Hindi ko maalis sa isip ko kung
ano ba ang dapat kong gawin. Hindi nila alam na nakita ko na siya agad. Pero
ibibigay ko ba ang ang impormasyon o hindi?“
Rinig kong humikab si kuya Jasper. "Matutulog na ako
sa taas Ren,“ saad niya habang naglalakad paakyat.
"Umm... kuya Jasper, sandali. Lang.“
"Bakit? May problema ba?“
"Si Nicko, pinapahanap siya sa akin ni ninong. May
naghahanap sa kaniya na Johny Celerez ang pangalan.“
Biglang bumuka ang mata niya saglit. "Jonas ang palayaw
niya. So buhay pa nga talaga siya. Aixt! Kung minamalas ka nga naman. Asaan na
daw iyung Jonas?“
"Nasa London sabi ni ninong. Si ate Erika ang nagdala
sa kaniya doon.“
"Ganoon ba? Kung ganoon, wala na pala akong panahon.“
nasabi nito sa sarili.
"Ibibigay ko ba ang mga impormasyon sa kanila o
hindi?“ tanong ko.
"It's now or never then. Sige. Ibigay mo na kay papa
ang mga impormasyon,“ sagot ni kuya Jasper. "Kung dumating na si Jonas
dito sa bansa at hindi pa maging akin si Nicko, mukhang kailangan tanggapin ko
na ata na hindi siya magiging akin.“
Tumuloy si kuya Jasper na umakyat sa 2nd floor. Sa mga
sinasabi ni kuya Jasper, hindi ko iyun naiintindihan. Gusto niyang ariin si
Nicko? Pero isang bagay lang ang naintindihan ko.
Binaling ko ulit ang atensyon ko sa kompyuter at nag-encode
ng mga impormasyon tungkol kay Nicko. Nang natapos na ako, pinindot ko lang ang
send para ipadala ito sa e-mail ni ninong.」
"Hindi Nicko. Kahit ako ang nagligtas sa iyo, hindi
dapat kinukunsinte ang ugali kong ganoon sa iyo.“
"Alam ko. Hindi naman iyun ang tinutukoy. Ang
tinutukoy ay iyung binibintang ko sa iyo na traydor ka!“ bulalas niya.
"Ngayon, alam ko na. Kaya ganoon ka umasta dahil para ito sa ikakapanalo
ng school. Pasensya na Ren. Pasensya na.“
Bigla na lang akong niyakap ni Nicko habang humahagulhol.
Nako. Mukhang naungkat ko na naman ang kanyang nakaraan. Hangga't maaari, ayoko
sanang ipaalala sa kanya ang nangyaring iyun.
"Tumahan ka na Nicko. Hindi ba, tapos na iyun? Huwag
ka ng umiyak.“
Tumahan naman siya at kumalas sa akin. Pinunasan pa niya
ang kanyang luha. "Luha ito ng kaligayahan Ren. Salamat talaga sa ginawa
mo noon.“
"Pero iyung pagsuntok ko sa mukha mo, hindi ako
magso-sorry doon,“ sabat ni Jonas.
"Okay lang Jonas. Patawarin niyo rin ako Nicko. Kung
inaalisan ko kayo ng mga bagay-bagay para gumanda ang pagsasama ninyo, pasensya
na talaga.“
"Teka? Ren, iniisip mo ba na ginagawa talaga ni Jonas
iyun?“ biglang tanong ni Nicko.
"Yeah,“ sagot ko. "Hindi ba dahil doon kaya naaapektuhan
ang boses ni Jonas?“
"Ano ka ba? Dahil iyun sa hindi niya inaalagaan ang
boses niya. Nagpupuyat kasi palagi sa gabi.“
"Pero Nicko, kung may sasabihin ka pa, okay na. Ang
totoo, alam ko na kasi kung paano nagka-sore throat si Jonas.“
Nilapit ni Nicko ang mukha niya. "Ang totoo niyan,
hindi talaga niya ginagawa iyun sa akin kahit kailan,“ pabulong na saad ni
Nicko habang nakatingin kay Jonas. At ito ang isa sa mga bagay na maling-mali
talaga ako. Hindi pala kahit kailan ginagawa iyun ni Jonas.
Kumunot ang noo ni Jonas. "Hoy, Nicko, ano iyang
sinasabi mo kay Ren?“
"Umm... wala.“
Naging maayos na rin kaming tatlo noong mga oras na iyun.
Finally, naayos na ang isa sa mga pinoproblema ko. Humingi na rin ako ng tawad
kila Ethan, Joseph, at Paul sa pagkawala ko sa Music Club ng mga ilang araw. At
nagpatuloy ulit ang buhay namin.
Natapos na ang rehearsal namin ngayong araw. Umuwi na agad
sila Joseph kasama si Erika, Paul at Ethan. Natira kaming apat ni Blue, Jonas,
at si Nicko na nasa Music Room pa rin.
"Oo nga pala Ren. Anong sinasabi mo kanina na alam mo
na kung paano ako nagka-sore throat dahilan para magkaroon ako ng laryngitis?“
tanong sa akin ni Jonas.
Kasalukuyan kong tinitingnan ang CCTV footage sa palibot ng
aming clubroom, mga ilang araw bago ang gig namin sa mall na sinabi sa akin ni
Keith. Pero nasira ang mga records ng tatlong camera na nasa clubroom namin.
Hindi ko naman mahanapan ng konkretong ebidensya na si Gerard nga ang gumagawa
nito.
"Kanina kasi, nakausap ko ang kaibigan ko. Ilang araw
bago daw ang performance natin, may taong pumasok sa clubroom natin. May dala
daw itong isang plastic cup ng kape.“
"Teka? Ibig sabihin, iyung kapeng ininom na akala ko
galing kay Nicko?“ gulat na hula ni Jonas.
"Yeah. Hindi talaga galing sa akin ang kapeng iyun.
Sinabi mo pa nga Jonas na nag-text daw ako para sabihin na galing sa akin.
Akala ko, niloloko mo lang ako,“ saad ni Nicko.
"Pero totoo. Nag-text ka talaga sa akin. Teka lang ha?
Hindi ko pa binura iyun ehh.“ Kinuha ni Jonas sa bulsa niya ang phone at
pinakita sa amin ang kwestyonableng text ni Nicko.
"Hindi ako ang nag-text niyan,“ pagkumpirma ni Nicko.
"Teka, maalala ko. May isang tao na nagbalik sa akin ng phone ng mga oras
na iyan dahil naiwan ko daw ito sa kung saan. Pero tandang-tanda ko na hindi ko
iyun naiwan.“
"Saang parte iyun Nicko?“ tanong ko. "Titingnan
ko sa CCTV ng school.“
"Palagay ko, sa bandang cafeteria ng school. Kausap ko
kasi ang mga dati kong kaibigan na sila Mark at Sophie,“ sagot ni Nicko.
Binuksan ko ang laptop ko at kumonek sa security system ng
school. Hinanap ko ang CCTV ng cafeteria sa school. May record nga.
Tinuro naman sa akin ni Nicko kung saan siya nakaupo.
Pinanood namin ng mabuti ang CCTV. Maya-maya ay nakita namin na tumayo si Nicko
at nagpaalam sa kanyang mga kaibigan at naghiwalay. Pinanood naman namin ang
footage sa hallway sa labas ng cafeteria. Habang naglalakad si Nicko sa
hallway, may humabol sa kaniyang lalaki at inabot nito ang phone ni Nicko. Si
Gerard ang nasa footage. Teka?
Bumalik ako sa CCTV footage sa cafeteria. Si Gerard din
pala ang nasa likuran ni Nicko. Tumingin naman ako sa ibang anggulo ng kamera
ng cafeteria at baka makita ko kung paano kinuha ni Gerard ang phone ni Nicko.
Pero bigo ang ginawa ko. Natatabunan ang kamay ni Gerard.
"Teka? Hindi ba, si Gerard Faustiano iyan? Ang ex ni
William Smite?“ tanong ni Blue.
"At kaklase mo ang taong iyan Ren hindi ba?“ tanong ni
Nicko.
"Yeah. Kaklase ko,“ sagot ko.
"So paano ako nagkaroon ng sore throat dahil sa kap-
sandali lang. Kadiri,“ saad ni Jonas.
"Paanong naging kadiri Jonas?“ tanong ni Nicko.
"Hindi ba, nakakahawa daw ang sore throat? Pwede kang
manghawa gamit ang laway,“ paliwanag ko.
"Tama. Sa laway. Malamang, nilagyan ng taong ito ng
laway niya ang kapeng nainom ko,“ paliwanag ni Jonas.
"Kadiri nga,“ sabay na saad ni Blue at Nicko.
"Pagkatapos mainom ni Jonas ang kape, maii-incubate
ang mga bacteria sa lalamunan niya ng mga ilang araw dahilan para magkaroon
siya ng sore throat.“
"At sumakto naman sa araw ng gig namin na mahawaan na
ako ng tuluyan. Ang nahawaan pa naman ng sore throat ay mas grabe ang
mararanasan kesa original na nagkaroon ng sakit. Pagkatapos kasi ng gig na iyun
ay nagkaroon ako ng mainit na mainit na lagnat,“ paliwanag ni Jonas.
Namangha sa paliwanag ni Jonas. "Wow! Pero kadiri pa
rin.“
Ngayon, tinitingnan ko kung sino talaga ang nakapasok sa
clubroom natin noon. Pero nawala ang record. May nagbura o nag-alis nito.
Malamang siya? Sinubukan ko namang i-recover ang CCTV footage... pero
imposible. Hindi ko ma-recover. Paano niya nagawa iyun? Bakit ganoon? Parehas ang
paraan ang paraan na ginagamit ni Mr. Lion at siya. Wala talagang maiiwanan na
bakas sa CCTV feed.
Kapag ang isang file o parte ng isang video ay nabura, may
pag-asa pang makukuha mo ang mga parteng iyun. Mag-iiwan kasi iyun ng bakas sa
disk o lalagyan.
Tumigin naman ako sa ibang parte ng CCTV ng school. Kita ko
naman ang pagdaan ni Gerard papunta sa Music Room... at si Keith na sinusundan
si Gerard. Nakatago siya habang pinagmamasdan, sa tingin ko, si Gerard.
Nakapagtataka. Naguguluhan ako. Bakit hindi na lang niya binura lahat? Dahil ba
sa mahahalata siya masyado kung binura niya lahat? At sigurado naman na nakita
na ito ni Gerard kung magbubura siya. Bakit hindi niya pinatahimik si Keith?
Sinasadya niya bang makita?
"Ano naman kaya ang dahilan kung ginagawa niya ito sa
atin?“ naitanong ni Blue.
"Hindi ko alam. Pero ako ang bahala dito Blue. Kaya ko
na to,“ sagot ko.
Nasa bahay na ako at nakaharap sa kompyuter. Ina-access ko
ang computer database ng school. Nalaman ko na isang transfer student si Gerard
mula sa Saint Ambrose University. Teka lang? Si Leonhart96776 nga pala na
nag-hack sa security system ng bahay ko. Akala ko, si Leonhart96776 ay si Mr.
Lion. Pinadalhan ko siya ng virus para masira ang PC niya at bumili siya ng
bagong motherboard. Galing din siya sa Saint Ambrose University. Hindi kaya
siya si Gerard? At kung siya nga si Leonhart96776, naghihiganti kaya siya dahil
sa ginawa ko? At ako ang talagang target niya?
Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway papunta sa una kong
klase. Gaya ng inaasahan ko, sumabay na naman sa akin si Harry. Naalala ko
naman na magkakilala sila ni Gerard.
"Alam mo, kung makikipagkaibigan ka sa akin at
nag-aantay ka pa rin sa bagay na inaantay mo, mas maganda na hindi na lang tayo
maging magkaibigan,“ diretsong saad ko.
"Gusto ko pa ring makipagkaibigan sa iyo,“ tugon ni
Harry.
Pumunta naman ako sa gilid ng hallway at tumigil. Ganoon
din ang ginawa niya. Gusto mo pa ring makipagkaibigan I see.
"Okay. So how about this? Makikipagkaibigan ako sa iyo
dahil sa may kailangan ako sa iyo? Okay lang ba sa iyo?“ tanong ko.
"Wait? Ano? Parang baliktad ata. Hindi ba dapat, ako
ang may kailangan sa iyo?“ nagugulat na tanong niya.
"Things have changed Harry. Ako ang may kailangan sa
iyo for now.“
"Well, okay. Payag ako. Ano ba ang kailangan mo?“
tanong niya.
"Hindi ba sabi mo, kakilala mo si Gerard? Gusto ko
siyang makausap ng sarilinan. Ngayon. Sa school park ng school. Bandang uwian.“
"Okay. Fine,“ pagpayag ni Harry. "So magkaibigan
na tayo?“
"Yeah. Ngayon din.“
"Pero itong feelings ko sa iyo? Alam mong hindi ito
basta-basta mawawala lang.“
"Yes. I am still aware na may nararamdaman ka pa rin
sa akin. Pero ngayon, magiging heartless ako. Pwede kitang samahan sa mga gusto
mong puntahan, pwede mo akong yayain para kumain sa labas, pwede mo akong
bigyan ng regalo kung umabot ka sa ganoon. Pero just to make myself clear,
hinding-hindi ko masusuklian ang ginagawa mo.“
Pagkatapos ng usapang iyun, nagpatuloy na ulit ako sa
paglalakad papunta sa unang klase ko. Sa sinabi kong iyun, nagmukha akong
masamang tao. Pero gagawin ko pa rin ang nararapat. Si Kei ang mahal ko.
Harry's POV
Nabigyan na naman ako ng pagkakataon ni Ren na makalapit sa
kaniya. I will keep this distance intact hanggang sa dumating na ang araw na
iyun.
Natapos na rin ang huling klase namin sa araw na ito.
Nakakapagtaka para sa akin kung bakit kailangan makipag-usap ni Ren kay Gerard.
Hindi naman sinabi sa akin ni Ren kung bakit. Ano ba ang kailangan niya kay
Gerard? Dahil kaya ito kay Edmund?
Balita ko kasi, lumalabas sila Edmund at Gerard. Nabalitaan
ko iyun habang nakikipag-usap si Gerard sa mga kaibigan niyang babae. Hindi ko
alam kung ano ang kwento kung paano nagkakilala ang dalawa. Pero 'di bale na.
"Gerard,“ tawag ko.
"Ano iyun Harry? May kailangan ka?“ tanong niya habang
nagliligpit ng gamit.
"Umm... yeah. Gusto kang makausap ng kaibigan kong si
Ren,“ tugon ko.
"Talaga? Bakit naman daw?“
"Hindi ko alam ang dahilan. Iyan sana ang itatanong ko
sa iyo. May nagawa ka ba kay Ren?“
"Wala naman. Sino nga pala siya? Kaklase ba natin
siya? Asaan siya sa klase na ito?“ Lumingon-lingon pa siya para hanapin si Ren.
"Ang totoo, umalis na siya. Katabi siya ni Allan
actually. Nakaupo siya doon.“ Tinuro ko pa sa kaniya ang pwesto ni Ren na
malapit sa bintana at ka-row lang niya ito ng upuan.
"Ohh! Siya pala iyun? Hindi ko alam. So kelan daw?“
"Mamayang uwian. Sa school park.“
"Okay,“ pagpayag niya. "Pwede bang samahan mo ako
dahil ikaw lang ang nakakakilala sa kaniya? Baka mamaya, bigla akong magtanong
sa kung sino-sinong nakaupo doon sa school park dahil hindi ko siya nakikilala
o namumukhaan. Baka kahit iyung fire hydrant, tanungin ko.“
"Sige ba. Teka nga pala. Hindi ba, pupunta ka pa sa
library para magpalipas ng oras? Turuan mo na rin ako sa assignment natin
ngayon.“
"Okay. Tara na.“
Ren's POV
Uwian na ng mga estudyante sa eskwelahan. Kasalukuyang
nag-aantay ako sa school park ng school para makipagkita kay Gerard. Oo nga
pala. Hindi ko pa nasasabi kay Edmund na kokomprontahin ko ang boyfriend niya.
Pero dapat pa ba akong magpaalam? Boyfriend pa lang naman sila hindi ba? At
kung sabihin ko ang mga bagay na ito kay Edmund, matatanggap niya kaya na
kaaway ko ang boyfriend niya?
Nakita ko naman sa hindi kalayuan na papalapit sa akin ang
dalawang lalaki. Sila Harry at Gerard.
"Kumusta? Ikaw ba ang Ren na tinutukoy ni Harry?“
paunang salita ni Gerard.
"Yeah. Ako nga po,“ pagkumpirma ko. "Harry, pwede
bang iwanan mo muna kami?“
"Okay.“ Nagkibit na lang ng balikat si Harry at iniwan
kami.
"Leonhart96776, ikaw po iyun hindi ba?“ diretso kong
tanong.
Ngumisi siya. "At kung ako nga, ano naman, Ren?“
"Ano po ba ang kailangan mo sa akin? Bakit mo po
hinawaan ng sore throat si Jonas?“
"Pwede bang tigilan mo ang pagsasabi ng 'po'? Alam
kong mga anim na taon akong mas matanda sa iyo pero pwedeng tigilan mo?“ medyo
naiirita niyang pakiusap habang nakangiti.
"Sure,“ pagsang-ayon ko. "Ginagamit ko lang naman
ang 'po' sa mga taong nirerespeto ko. At mukhang para sa iyo, hindi
karapat-dapat na sabihin ang salitang iyun.“
"So balik tayo sa sinasabi mo kanina na ginawa ko daw
sa kaibigan mong si Jonas. May ebidensya ka ba na ako ang gumawa?“ confident
niyang tanong.
"Yeah. May nakakita sa iyo. Sapat ng ebidensya iyun.“
"Talaga? Pero paano kung hindi naman totoo ang sinabi
ng kaibigan mo? Paano kung gawa-gawa niya lang iyun?“
"Paano magiging gawa-gawa lang? Nakakapasok ka sa
security system ng eskwelahan. Binubura mo ang mga bakas mo para wala kaming
magamit na ebidebsya laban sa iyo? Okay, ganito. Sabihin mo na hindi mo na
gagawin iyun at hahayaan kita.“
"Alam mo bata, delikado iyang paraan mo. Mabilis lang
para sa akin na sabihin ko ang mga salitang gusto mong marinig.“
"So ibig sabihin, gagawin mo ulit?“ seryoso kong saad.
"Hindi mo ata kilala kung sino ako? Kung ano ang kaya kong gawin?“
Natawa siya saglit. "The feeling is so mutual. Hindi
mo rin ako kilala. Hindi mo rin alam ang kaya kong gawin.“
"Ano to Gerard? Pahigitan lang?“
"Hindi naman. Binabalaan at sinasabihan lang naman
kita. Pero iyung offer mo, maganda. Sino ba naman ako para hindi tanggapin ang
generous mong offer.“
"Good. Buti at naintindihan mo.“
Umalis na ako sa lugar na iyun at lumayo. Guminhawa nga ang
pakiramdam ko nang marinig ang mga salitang iyun mula sa kaniya. Pero isang
parte ng pagkatao ko, nag-aalala. Nagsasabi na huwag siyang pagkatiwalaan dahil
hindi siya nararapat na pagkatiwalaan. Kailangan kong makasigurado.
Sisiguraduhin ko na hindi na niya ako aagrabyaduhin.
Habang naglalakad papunta sa parking lot, nasalubong ko si
Allan na mukhang hinihintay ang kasama niyang si Alexis.
"So ano ang ginawa mo?“ agad na tanong niya.
"Pwede bang huwag mo na lang akong pansinin at
ipagpatuloy mo na lang ang pag-aantay sa kaibigan mong si Alexis?“ masungit na
saad ko.
"Ahh! Si Alexis ba? Huwag kang mag-alala dahil umalis
na siya.“
"Ehh bakit ka nandito na parang may inaantay?“
"Ikaw naman talaga ang hinihintay ko. Narinig ko ang
pag-uusap nila Marcaux at Keith na kilala mo na kung sino ang sumabutahe sa
inyo. At si Gerard nga talaga.“ Umiling si Allan at pinatunog ang kanyang dila
ng ilang beses.
"Yeah. Alam ko.“
"So ano ang ginawa mo at nakipag-usap ka pa? Binantaan
mo ba siya ng kung ano? Dapat, sinumbong mo na sa kinauukulan iyan para hindi
na umulit.“
"Hindi na kailangan. Hindi naman dapat umabot sa
ganoon ang pag-aaway namin ng taong iyun.“
Natawa ng bahagya si Allan. "Talaga? Ano ba ang
pinag-awayan niyo?“
"Nilagyan ko ng memory-resident virus ang kompyuter
niya. Ayun. Nagkataon naman na dito na siya nag-aaral at nahanap ako.“
"Pero hindi ba iyun kahina-hinala? Natagpuan ka niya?
Sigurado naman ako na ginawa mo ang lahat ng paraan para hindi ka niya ma-trace
kung binigyan mo nga siya ng memory-resident virus. Pero paano ka niya nahanap?
Paano ka niya nakita? Despite na invisible ka sa klase, sigurado ako na
nakikita ka niya. Malamang, alam na ata niya ang kung sino ka talaga.“
Natigilan ako sa sinabi ni Allan. "Alam na niya talaga
kung sino ako?“
"Mukhang ganoon na nga. Hindi mo ba alam? Noong major
exam natin, ikaw naman talaga ang puntirya niya. Kung ano ang dahilan ng
pagligpat niya sa school natin, baka ang paghigantihan ka.“
"Pero bakit? Kung aabot siya sa ganito ng paghihiganti
sa ginawa ko, anong meron doon sa kompyuter niya?“
"Aba, malay ko. Hindi ko alam,“ kibit-balikat ni
Allan.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyaring masama nitong
mga nakaraang araw. Ang muntikan ng pagkakabangga sa amin ng isang sasakyan na
hindi namin matukoy kung sino, ang pagkakabugbog kay Ethan, at ang pananabutahe
kay Jonas?
"Allan, pwede kaya na siya ang may gawa ng mga
masasamang bagay na nangyayari sa Music Club?“
"Hindi ako sigurado. Pero pwede din. Pwede ding hindi.
Anything is possible. Pero kung sa tingin mo ay sinunod-sunod ka na niya, alertuhin
mo iyung mga natitirang hindi pa naaaksidente. Alertuhin mo na sila Joseph at
Paul. Wala pa namang ideya ang mga iyun sa mga nangyayari diyan sa buhay mo.“
Umayos siya ng tayo at naglakad paalis.
"Umm... Allan, salamat sa mga sinabi mo.“
"Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat. Kung ikaw pa,
tatanggapin ko pa.“
"Huwag ka ng umasa. Alam mo naman na si Kei lang ang
mahal ko.“
"Okay lang.“ Kinaway lang niya ang isang kamay habang
paalis ng lugar na iyun.
Kahit pala hindi ko siya pinapansin nitong nga nakaraang
araw, tinutulungan pa rin ako ni Mr. Lion. Ganoon ba talaga niya ako kagusto?
Kung siguro totoo ang susunod na buhay at wala si Kei, baka siya ang piliin ko.
Iyun ay kung mas mauuna siyang dumating sa buhay ko kesa kay Kei. Pero, totoo
kaya ang susunod na buhay? Parallel worlds lang naman ang pinaniniwalaan ko.
Hindi bale na nga.
"Ren, ikaw ba iyan?“ untag sa akin ng isang boses sa
likod. Si Harry.
Hinarap ko ito. "Harry? Bakit nandito ka pa rin?
Kanina ka pa ba diyan?“
"Kararating ko lang. Nasa malayo ako nang maaninag ko
kayo ni... si Allan ba iyun na kausap mo kanina?“
"Yeah. Si Allan,“ pagkumpirma ko. Nilakasan ko ba ang
pagsabi ko na si Kei lang ang mahal ko? "Ikaw, bakit nandito ka pa rin sa
school?“
"Naiwan ako ni Gerard. Sabay kasi kaming umuuwi dahil
sa iisang apartment building lang kami. Nag-text pa nga siya sa akin ng
maraming beses na uuwi na kami. Ehh, saka ko lang natanggap at nabasa ang text
niya, sakto naman na wala pa akong load, binigay ko pa sa kaniya ang susi ng
kotse ko, ang malas ko.“
"Kawawa ka naman.“
Natawa siya ng payak. "Kawawa talaga.“
"Sila Kei at Janice pala?“
"Well, nauna nang umalis. Umm... alam ko naman na
hindi maayos itong relasyon natin. Hatid mo naman ako Ren.“
Bumuntong-hininga na lang ako. "Sige. Since ginawa mo
naman ang sinabi ko.“
Pinagpatuloy na lang namin ni Harry ang paglalakad
papuntang parking lot. Kinabahan ako saglit doon ahh. Mukha namang hindi niya
narinig ang sinabi ko kay Allan na si Kei lang ang mahal ko. Teka nga? Hindi
ba, pinagpapawisan lang siya kapag nagsisinungaling? Hindi naman siya
pinagpapawisan. Pero kapag nalaman talaga niya, isa akong malaking sinungaling.
Edmund's POV
Natapos na din sa wakas ang trabaho ko sa araw na ito. Nasa
quarters na ako nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. Tiningnan ko lang
kung sino ang tumatawag. Si Ren lang pala.
"Hello?“ sagot ko sa tawag.
"Edmund. Mabuti naman at sinagot mo ang tawag. Kanina
pa ako tumatawag sa iyo,“ mabilis na saad ni Ren.
"Umm... oras ng trabaho ko kanina. Bawal ang phone.“
"Kahit diyan kila ninong?“
"Umm... oo... at ako lang. Gusto ko kasi na nasa
trabaho lang ang atensyon ko.“
"Ang sipag mo naman.“
"Napatawag ka?“ tanong ko. "Dalian mo at gusto ko
ng maligo.“
"Umm... tungkol ito kay Gerard,“ nag-aalangang sagot
niya.
"Huh? Ano namang meron?“
"Nalaman ko na siya ang sumabutahe kay Jonas.“
Kumunot ang noo ko sa narinig. "Huh? Paano naman niya
sinabutahe si Jonas? Hinawaan? Paano naman niya hinawaan? Hinalikan lips to
lips?“
"Umm... parang ganoon na nga. Pero ayon sa hyphothesis
ko, mukhang, hindi naman niya hinalikan si Jonas. Ganito kasi iyun. Nilagyan ni
Gerard ng laway niya ang isang inumin ni Jonas ng kape,“ kulang-kulang niyang
paliwanag. Bigla naman akong na-furious sa narinig ko. Hindi nga lang sapat ang
bilis para gumawa ng pelikula.
"May ebidensya ka ba na siya talaga ang gumawa? Hindi
mo kasi naipaliwanag sa akin ng maayos.“ Rinig ko lang na may tinitipa si Ren.
Nasa harap ng kompyuter siya marahil.
"Bakit hindi ka kaya pumunta sa pinakamalapit na
kompyuter diyan sa mansyon? Sa kompyuter ni Jasper.“
"O sige, sige.“
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Jasper. Kumatok ako ng
ilang beses. Walang sumasagot. Wala siguro siya marahil.
Ginamit ko ang susi na binigay sa akin ni Jasper at
binuksan ko ang kompyuter niya. Nagbukas lang ako ng ilang applications ayon sa
sinabi ni Ren. May nakuha naman akong nga video files at binuksan lahat. CCTV
footage ito ng eskwelahan. Sinabi sa akin ni Ren kung anong file o video ang
dapat kong panoorin dahil mahalaga iyun para sa paliwanag ni Ren. Kitang-kita
ko ang mga sinasabi ni Ren na ginawa ni Gerard at nagpaliwanag ulit siya kung
paano sinabutahe ni Gerard si Jonas.
"Pasensya na,“ paghingi ng dispensa ni Ren.
"O? Bakit ka humihingi ng dispensa?“
"Umm... para malaman mo, wala naman akong gustong
ipahiwatig sa pagsasabi ko sa iyo nito. Gusto ko lang na malaman mo kung anong
klaseng tao iyang minamahal mo. At saka, baka kapag naging kayo, dadalhin mo
din siya dito sa bahay pagdating ng araw?“
"H-Huwag kang mag-alala. Hindi naman sa dahil dito ay
hihiwalayan ko na siya. Mabuti nga iyun at sinabi na may ganito siyang ugali.
Siguro naman ay nay dahilan siya at susubukan ko namang alamin kung bakit. At
iyung tungkol sa pagdala ko sa kaniya diyan, pinag-iisipan ko pa.“
"Anyway, nagsimula iyun nang sinubukan niyang i-hack
ang system ko dito sa bahay. Hindi naman siya nagtagumpay sa ginawa niya. Dahil
doon, gumanti ako sa kanya. Nagpadala ako ng isang memory-resident virus na
magiging dahilan niya ng pagkainis sa akin. Hassle para sa kanya iyung ginawa
ko. Iyun ang naisip kong dahilan at kinumpirma niya kaya sinabutahe ni Gerard
si Jonas,“ paliwanag ni Ren.
"Ganoon ba? Hayaan mo. Aalamin ko kung may mas malalim
na dahilan kaya umabot siya sa ganoon... kung kaya ko.“
"Umm... alamin mo na rin Gerard kung siya ba ang may
pakana sa mga nakaraang aksidenteng nangyayari sa banda namin.“
"Oi, oi, oi. Sobra-sobrang pagbibintang naman iyan.
Tandaan mo, wala ka pang ebidensya kung siya ba talaga ang gumawa ng mga bagay
na iyun. Saan mo ba napulot ang ideya na iyan?“
"K-Kay Mr. Lion. Parang posible kasi dahil sa mga
ilang bagay na pinaliwanag niya.“ Hay nako! Iyung misteryosong taong leyon na
naman.
"Ohh sige. Susubukan kong alamin kung kaya ko. Bye.“
Binaba ko lang agad ang phone ko. Ano ba iyan? Hindi ko pa
nga siya nadadala sa bahay ni Ren, may gulo na agad sa pagitan nila. Pero
malinaw na malinaw sa mga video na binigay ni Ren na ginawa talaga niya.
Magagamit ko kaya ang advantage ko as a boyfriend niya daw para malaman ko kung
bakit niya ito ginagawa sa kaniya?
Ilang araw na ang lumipas at day-off ko na naman.
Magde-date ulit kami ni Gerard. Nalaman ko na magaling na siya mula sa kanyang
sakit. Nag-text ako sa kaniya na magpunta sa sinehan dahil sa manonood kami ng
pelikula. Kasalukuyang naghihintay ako sa mall suot ang paborito kong plain na
manipis na asul na polo at jeans. Naaninag ko naman si Gerard na papalapit sa
akin at... magkatulad kami ng suot?“
"Psychic ka ba? Bakit magkaparehas tayo ng suot?“
tanong ko.
"Baka ikaw ang psychic. Iyan nga din ang gusto kong
malaman mula sa iyo,“ tugon ni Gerard.
"Halika na. On time tayo,“ yaya ko.
"Sinehan. Ang wild at daring mo naman at napili mo na
sa sinehan ang una nating pagni-niig,“ saad ni Gerard. Hanggang dito ba naman,
iyan pa rin ang iniisip niya? Hay! Ano ba ang bago?
"Alam mo, gusto ko lang mapanuod ang pelikula na ito
kaya nandito tayo.“
"Fast and Furious huh? Alam mo, pwede naman tayo
manood sa bahay ko niyan. Pwede akong mag-download ng encoded na version ng
pelikulang iyan. Medyo mabilis ang internet sa bahay kaya makakatapos tayo ng
isang round ng kalokohan. Anong masasabi mo?“ may paglandi sa boses na saad
niya. Nako! Nakakatuwa at nakakairita.
"Well, gusto kong suportahan ang mga artista na
gumanap sa paraan ng panonood ng legit sa sinehan.“
"Wow! Napaka-suportive mo naman sa mga paborito mong
artista. Nagbibiro ka lang hindi ba? Ano ka ba? Ang suporta mo, barya na lang
sa kanila iyan. Dapat talaga, sa bahay na lang tayo nanood. May condom akong
nakahanda doon kung nag-aalinlangan ka na makipagtalik sa akin.“
"Tumigil ka at tara na sa loob.“
Bago pumasok ng sinehan, bumili muna ako ng ilang popcorn
para makain namin. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sinehan. Sakto
naman na pagpasok namin ay naka-play na at nasa bandang opening credits pa ang
pelikula. Pumwesto naman kami sa bandang gitna. Medyo konti lang ang mga taong
nanonood ngayon.
Naging ayos naman ang mga unang minuto ng panonood namin.
Pero nung mga bandang kalagitnaan na, nararamdaman ko na tumutulay ang kamay ni
Gerard sa hita ko papunta sa pundilyo ng pantalon ko. Kahit na aware ako kung
saan naman talaga pupunta ang mga kamay niya, hinayaan ko na lang hanggang sa
tahasan niyang pinapapunta sa bandang ari ko. Paulit-ulit niyang ginagawa iyun
habang nanonood kami ng pelikula. Tumingin lang ako sa bandang likuran at gilid
namin kung may taong nanonood. Wala naman. Karamihan ay nasa baba at tutok na
tutok sa pinapanood.
"Tumitingin ka ba sa paligid para kung sakali na gawin
natin iyun dito sa sinehan, walang makakaalam?“ tanong ni Gerard.
"Tumigil ka. Ilang beses na kitang ni-reject.
Experienced na nga ako sa ginagawa mo. Kaya uulitin ko para malinaw pero
mukhang hindi naman malinaw para sa iyo. Hindi natin gagawin iyun.“
"Talaga Edmund? Interesante.“
Ilang minuto ang lumipas, walang ginagawa si Gerard. Tutok
na tutok din siya sa pinapanood. Nasisiyahan naman ako at wala siyang ginagawa.
Pero may binabalak kaya siya? Sana naman ay wala dahil masayang manood ng
pelikulang ito kung walang asungot. Hay nako! Ako nga pala ang nagdala sa
kaniya dito. Pero, biglang may nangyari na hindi inaasahan.
Biglang nagkatinginan ang bida at ang iyung leading lady
marahil. Tumayo si Gerard at umupo sa kandungan ko na nakaharap sa akin.
Pagkatapos ay mapusok niya akong hinalikan. Hindi ko namalayan na inayos ko ang
sarili ko para makaupo ng maayos si Gerard sa itaas ko. Nanonood ang isang mata
ko sa pelikula at ang isa kay Gerard. Hindi ko napigilang sumabay sa ginagawa
nung bida sa pelikula at hinawakan ang puwitan ni Gerard. Nararamdaman ko na
rin ang epekto nito sa baba ko at ganoon din siya. Dahan-dahan na tinanggal ang
butones ng polo niya at pinaghahalikan siya sa leeg, pababa sa utong niya.
Hinawakan pa niya ang batok ko para mas lalo kong pag-igihan ang ginagawa.
"Sige lang,“ mahinang ungol niya tenga ko.
Naramdaman ko naman ang kamay niya na dahan-dahang inaalis
ang butones ng polo ko at gumanti ng halik sa leeg ko. Pero nawala ang saya na
iyun ng bumalik ang uliran ko't tinulak ng marahan si Gerard. Iba na ang scene
ng pelikula. Tiningnan ko lang ng seryoso si Gerard para bumalik ito sa kanyang
upuan at ginawa nga niya ito. Grabe! Nakakahiya ako.
Bumuntong-hininga si Gerard. "Ano ba iyan? Dapat
pinagpatuloy mo. Sayang,“ nayayamot na saad niya.
"Iba na ang scene at kailangan na tumigil na tayo,“
pagdadahilan ko habang umayos ng upo at binabalik sa ayos ang aking polo.
"Sino ba ang direktor ng pelikulang iyan? Napakawalang
kwenta namang pelikula iyan. Kung pinahaba lang ang love scene at mas lalong
explicit, ehh di siguro, tuloy-tuloy din ang saya natin,“ nakangising saad ni
Gerard habang nakatingin sa akin. "Siguro, tigas na tigas ka pa rin. Tara
sa banyo o dito na lang. Solusyunan natin iyang problema mo.“ Nilaagay niya
ulit ang kamay niya papunta sa pundilyo ng pantalo ko subalit nahawakan ko ito
agad.
"Huwag,“ mas seryosong saad ko kanina.
Nagpatuloy na lang ulit kami sa panonood ng pelikula.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa namin at dahan-dahan na itong kumakalma.
Muntikan na naman bumigay ang birhen kong katawan sa ginagawa niya. Tapos dito
pa sa sinehan. Talagang sinusubukan ako ni Gerard para makuha ang gusto niya.
Subok lang siya ng subok hanggang sa makakita siya ng pagkakataon na umatake.
"Kapag ba nakuha mo na ang gusto mo sa akin, iiwan mo
na ako?“ naitanong ko.
"Heh? Anong klaseng tanong iyan? Hindi mo ba naaalala
na ikaw ang magpapasya kung maghihiwalay tayo pagdating ng panahon o hindi?“
pagpapaalala niya sa akin. "Pero para sagutin ang tanong mo, hmm...
Depende. Pero gaya ng sinabi ko, sa lahat ng lalake na nilandi ko, ikaw pa lang
ang nakakatagal. Mukhang masarap ka kapag naipasok mo na ang iyo sa butas ko.
At kapag nangyari iyun, tutumbasan ko kung ilang beses mo ako tinanggihan. Teka
nga? Nabilang mo ba kung ilang beses iyun?“ Ang bibig talaga ng taong ito.
"Hindi ko mabilang. Pero sigurado akong maraming beses
na.“
"Ahh! Mukhang papagurin at papagurin kita. Sa totoo
lang, hindi ko din mabilang. Pero kung ganoon, malamang, may chance ka sa akin.
Given the fact na mahal mo ako, mas maganda. More passionate sex for me.
Malamang, manggigigil ka sa akin dahil mahal mo ako.“ Natuwa ako sa parteng
sinabi niya na may chance ako. Pero dapat ba akong matuwa sa ibang parte na
sinabi niya?
"Ganoon... ba?“
Natapos na ang pelikula at nagpasya ako na kumain kami sa
isang fast food restaurant. Sa masayang bubuyog. Nag-order lang ako ng ilang
pagkain para sa aming dalawa.
"Edmund, pwede bang isubo mo sa akin ang hotdog na
iyan?“ request niya habang tinuturo ang hotdog na kakainin ko sana.
"Gerard, nasa isang pambatang restaurant tayo. Mukha
kasing hindi kaaya-aya sa paningin ng mga bata ang gagawin mo sa hotdog. At
saka, ang daming tao sa paligid.“
"Hindi naman iyung hotdog sa ibaba mo ang tinutukoy
ko. Ang tinutukoy kong hotdog ay iyung kinakain mo. Bakit? Ibababa mo ba ang
pantalon mo sa harapan ko at ipapakain mo sa akin ang hotdog mo habang nanonood
ang mga tao sa atin? Ang wild mo naman. Exhibitionist ka pala. Sa bagay at okay
lang para sa akin kung gagawin mo iyun,“ maang niya. For starters, aware ako na
ang taong ito ang mahal ko.
"Alam mo ang tinutukoy ko!“ naiirita kong saad.
Kinain ko na lang ang isang buong hotdog at nginuya.
"Remind me na hindi ko ipapasubo itong hotdog ko sa
iyo,“ kumento pa niya.
"Pwede bang tumigil ka?!“
Ngumiti at tumawa siya saglit. Naisip ko, paano kung ang
relasyon namin ng taong ito ay hanggang ganito lang? Sex jokes, patahimikan
siya, mag-uusap ng kaswal, sex jokes ulit at patatahimikan siya, and then balik
ulit sa pag-uusap ng kaswal, at sex jokes ulit, and so on. Pero to be honest,
gusto ko ang relasyon namin ngayon kahit paulit-ulit lang na nangyayari sa mga
date namin. Napapangiti ko siya ng natural, hindi gaya ng mga pagkakataon na
nagsasabi siya ng sex jokes. Malayong-malayo. Magsasawa kaya ako sa relasyon
naming ito balang araw? Kelan ito titigil? Malulungkot ba siya kapag dumating
ang araw na iyun? Ano ba talaga ang dahilan kaya ng ugali niyang ito?
"Alam mo, may narinig akong bagay mula kay Keith.
Sinabutahe mo daw iyung vocalist ng banda ng school nila na si Jonas. Totoo ba
iyun?“
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at
bumuntong-hininga. "Totoo,“ tipid na sagot ni Gerard.
"Bakit mo ginawa iyun?“
"Para maghiganti sa ginawa nung Vice President nila na
si Ren Castillo Severin.“ Lumaki lang ang mata ko sa narinig. Ito na ang sagot
na hinihintay ko.
"Bakit? Anong ginawa ng tao na iyun sa iyo?“ muli ko
pang tanong.
"May ginawa siyang malaking kasalanan sa akin. Nitong
summer, naisip ko na mang-hack ng kahit sino. Habang nagba-browse sa isang
forum, may nakita akong isang request board. Sakto naman na online siya at
nagpadala ako ng request. Agad naman niya itong ginawa. Pero ang hindi niya
alam, pinapasok ko na ang system niya. Pero wala naman talaga akong ginawa sa
system niya. Wala lang. Para lang manakot? Nang natapos na niya ang request ko,
naging okay na ako sa ginawa ko. Hinayaan ko lang na bukas ang kompyuter ko
dahil sa may mga malalaking files ako na dina-download via torrent at inaasahan
ko na matatapos ang mga iyun bago ang pasukan. Aalis kasi ako at uuwi sa amin.
Dumating na ang araw na malapit na ang pasukan at bumalik na ako. Naabutan ko
lang na nakapatay ang PC. Pagkatapos, hindi ko na ito nabuksan. Nagulat ako.
Wala na ang mga files sa drive ko. Kasama doon ang isang bagay na kahit kailan
ay hindi ko na maibabalik. Ang picture ng namatay kong boyfriend. Bumangon ang
galit sa puso ko dahil sa gumanti pala siya sa ginawa ko. Isinumpa ko sa sarili
ko na gagantihan ko siya. Ang kaso, may problema na agad ako. Nang binalikan ko
ang request board, j wala na ito. Natandaan ko naman ang username ng taong iyun
subalit, nag-deactivate din ito ng account. Wala ng paraan para malaman kung
sino. Siguro, hahanapin ko na lang siya sa pamamagitan ng gut feeling ko. Isang
araw, nagkaroon ng exam sa subject namin. May nakita akong isang anomalya sa
klase namin. Isang estudyante na kumokopya sa isa pang estudyante. Ang isang
estudyante ay nagngangalang Allan Mercer at ang kinokopyahan niya ay si Ren
Castillo Severin. Bigla kong naalala na Ren ang username ng taong pinagtripan
ko. Inobserbahan ko pa siya at napatunayan sa sarili ko na siya iyun kahit hula
ko. At napatunayan ko nga noong isang araw dahil kinompronta niya ako at
nalaman niyang ako si Leonhart96776. Well, hindi ko naman tinanggi dahil nahuli
na niya ako at tapos na ako sa mga balak ko. Balik naman doon sa litrato ng
namatay kong boyfriend, nag-iisa lang ang mga iyun at wala ng katulad. Wala pa
akong kopya ng mga litratong iyun. Parehas naman nating alam na ang mga litrato
ay maraming salitang sinasabi. Bagamat malinaw pa sa utak ko ang mga litrato
namin, iba pa rin kapag nakikita ko iyun. Parehas kaming masaya, walang
inaalalang kung anong bagay. Isang magandang ala-ala. Pero ngayon na nabura ang
mga larawang iyun, parang unti-unti itong nawawala sa utak ko. Napapatanong
tuloy ako sa sarili ko kung ano nga ba ang kulay ng background namin, ng dahon
noong araw na iyun, kung asaan kami, kung ano ang ginagawa namin,“ mahabang
kwento niya.
"Ibig sabihin ba nito, hindi mo pa pinapakawalan sa
loob mo ang namatay mong boyfriend? Kaya ba ayaw mo muna magmahal ng iba? Pero
ano ang kinalaman nito sa pagiging... adik sa-“
"Hindi. Isa lang akong enthusiast,“ pagputol ni Gerard
sa sinasabi ko. Enthusiast pala huh? "Tama ka sa sinasabi mo na hindi pa
ako nagle-let go sa kaniya. Kulang na lang, mag-marijuana ako para makita siya.
Nang nabura na ang litrato namin, bigla ko lang naisip, ito na ba ang hudyat
para mag-move on? Iyung iba naman ang mahalin ko. Pero naisip ko, hindi pa pala
ako tapos.“
"Anong ibig mong sabihin na hindi ka pa tapos?“
Tumingin siya ng diretso sa akin at ngumiti. "Edmund,
antayin mo sana ako pagdating ng panahon na iyun. Malapit na ako matapos.“
Maliwanag. Iyan ang masasabi ko ngiti niya habang sinasabi
ang mga salitang iyun. May laman at may halong damdamin ang mga sinasabi niyang
salita. Habang sinasalaysay niya sa akin ang tungkol sa litrato ng dati niyang
namatay na boyfriend, hindi siya nalulungkot at tuloy-tuloy niya pa itong
nasasabi. Kung iba iyun, baka umiyak na. Maghintay daw ako. Ibig sabihin ba
noon, may nararamdaman talaga siya sa akin? Pero ano ang sinasabi niyang bagay
na matatapos? Moving on? Iyun ba ang matatapos? Pero bakit hindi ngayon? Isa ba
iyun sa dahilan kaya hindi siya nagbibitaw ng salitang 'I love you'? Dahil ba
gusto ni Gerard na kapag binitawan niya ang mga salitang iyun, sigurado na
siya?
"At saka, humanda ka ng kumain ng maraming balut
Edmund. Papagurin ko iyang katawan mo sa kakabayo mo sa akin.“ At sinira na
naman niya ang napakagandang moment namin.
"Hay nako! Ganda na ng moment! Umayos ka naman at
magbasa ng mood sa paligid!“ singhag ko.
"Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan,“ ngisi ni
Gerard.
"Tara na. Uwi na tayo. Gagawa na tayo ng kalokohan
pagkauwi natin sa inyo?“
Kumunot ang noo ni Gerard. "Totoo? Gagawin na natin?“
"Asa ka pa! Kung ano man iyang ginagawa mo, sana
matapos mo iyan Gerard. Kakagatin ko iyang sinasabi mo na maghintay.“
Tumayo na kami at umalis sa lugar na iyun. Habang
naglalakad, tumatalon ang puso ko sa saya. Akala ko, ako lang pala ang
nagmamahal. Akala ko, naghahabol lang pala ako para sa wala. Iyun pala, may
mabigat pa pala siyang dinadala kaya ayaw niya. Pero ngayon, alam ko na. Mahal
niya din ako pero hindi pa ang panahon para sa amin.
Gabi na nang nakauwi na ako sa mansyon. Tumutugtog pa rin
sa isipan ko ang aking paboritong glory song. Hindi ko namalayan na napapaindak
ako sa tugtog.
Everybody sing like it's the
last song you will ever sing
Tell me, tell me, do you feel
the pressure now?
Everybody live like it's the
last day you will ever see
Tell me, tell me, do you feel
the pressure now?
"Edmund, sinaniban ka ba ng masamang espiritu?“ tanong
ng isang boses. Si Jasper pala. Nasa labas pa lang ako ng pinakapintuan ng
mansyon.
"Pasensya na Jasper. Masaya lang,“ tugon ko.
"Gaya ng alin? Hindi ka na virgin?“
"Hindi. Virgin pa rin ako. At saka, masaya ako ngayon
dahil nalaman ko na siya rin pala ay may nararamdaman para sa akin. Mahal niya
din ako pero hindi pa niya masabi ang mga salitang iyun. Pero kahit ganoon,
masayang-masaya ang puso ko. Pero ang tanong, kelan kaya iyun?“
"Baka naman maging katulad ka sa akin na naghihintay
pa rin?“ pagbibiro ni Jasper.
Kumunot ang noo ko sa sinabing bago ni Jasper. "Huh?
Naghihintay? Katulad sa iyo? Hindi ko alam iyun ahh. Sinong hinihintay mo?“
"Nako! Wala iyun.“
"Ay! Ganyanan talaga Jasper.“
"Pero sa iyo, mukhang may pag-asa. Sa akin, mukhang
wala na talaga.“ Kahit na nakangiti siya habang nagsasalita, bakas pa rin sa
mukha nito na malungkot.
"Teka? Huwag mong sabihin na si Joseph iyan?“
Tumawa siya ng payak. "Hindi. Ano ka ba? Hindi siya
ang taong iyun.“
Pumasok na lang ulit sa mansyon si Jasper habang ako ay
dumiretso sa quarters ko. Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Ren.
"Hello?“ medyo masayahing sagot ni Ren.
"Parang tatawa ka sana kanina ahh. Tumawa ka kaya
muna?“
"Kausap ko si Kei ngayon. Miss ko na siya kaya
nagkwentuhan kami ng mga nakakatuwang bagay. At marami siyang baon.“
"Masarap ba?“ pabiro kong tanong.
"Anong sinasabi mo?“ Mukhang kumunot ang noo niya sa
tanong kong iyun.
"Huwag mo ng intindihin iyun. Siya nga pala. Nakausap
ko nga kanina si Gerard tungkol doon sa pananabutahe niya. Inamin niya iyung
ginawa niya sa akin. Tungkol naman sa dahilan kaya ginawa niya ang bagay na
iyun, nabura mo kasi iyung mga nag-iisang kopya nung litrato ng kanyang... namatay
na boyfriend,“ paliwanag ko.
"S-Sandali lang? Mga nag-iisang kopya ng litrato ng
boyfriend niya? Naniniwala ka doon?“
"Huh? Oo naman.“
"Mukhang nagsisinungaling siya sa iyo Edmund. Madali
lang gumawa ng kopya ng files. Ctrl+C lang, tapos pindot, pindot, lipat ka ng
folder, Ctrl+V. Ganoon lang kadali. Pwede mo pang gawin ng maraming beses.“
"Baka naman napaka-sentimental niya at gusto niya lang
na isa lang ang kopya ng mga litratong iyun? Mukha kasing mahal na mahal pa
niya ang namatay niyang boyfriend.“
"Edmund, alam mo kung bakit hindi kapani-paniwala ang
sinabi niya? Dahil kung ganoon nga, sigurado ako na may backup files siya ng
mga litrato. Kung ayaw mong mawala ang isang mahalagang bagay na nakalagay sa
kompyuter mo, siguradong may backup ka. Wala naman sigurong tao na YOLO pa rin
sa mga mahahalaga niyang files sa kompyuter.“
"Malay mo. Masyado pa rin siyang nasaktan dahil mahal
pa nga niya ang namatay niyang boyfriend, hindi na niya nagawa iyun. Hindi mo
pa alam lahat kung ano ang epekto kapag ang isang tao ay namatayan ng mahal sa
buhay. Naranasan ko na iyan sa nanay ko na nagkakamali na sa kanyang mga
araw-araw na gawain sa bahay.“ pagde-defend ko kay Gerard.
"Sigurado ka?“
"Trust me tagabundok. Alam ko iyan. Sinabi pa nga niya
sa akin na baka mamahalin na niya ako kapag natapos na siya sa kanyang
ginagawa.“
"Anong ginagawa? May kinalaman ba ako doon?“
"Well, sa tingin ko naman, hindi. Basta! Hindi ko nga
lang alam kung ano iyung ginagawa niya.“
"Umm... salamat sa impormasyon Edmund... at pasensya
na rin.“
"Wala kang dapat ihingi ng pasensya. Sige na. Ibababa
ko na ang phone at pagod na pagod ako ngayon.“
"Okay. Magandang gabi.“
Ren's POV
Binalik ko ulit ang linya kay Kei. Kausap ko kasi siya bago
tumawag sa akin si Edmund at nagpapalitan kami ng mga nakakatawang nangyayari
sa buhay namin sa mga panahon na hindi ako nagpaparamdam sa kaniya.
"Hello? Andyan ka pa ba?“ tanong ko.
"Yeah. Nandito pa ako,“ sagot ni Kei.
"Umm... Kei, matanong ko lang. May mahahalaga ka bang
mga kung anong bagay diyan sa kompyuter mo?“
"Yeah. Mga mahahalagang files ng pag-aaral ng ilang
scientist tungkol sa gamot, etc, etc. Bakit mo naitanong?“
"May backup ka ba sa mga files na iyun?“
Natahimik siya sa kabilang linya ng mga ilang segundo.
"Ngayong sinabi mo iyan, wala pala.“ Narinig ko na lang na parang tumayo
siya sa kanyang hinihigaan o kinauupuan. "Buti naman at nasabi mo ang
bagay na iyan sa akin. Sobrang mahahalaga pa naman ang mga files na ito. Mahirap
hagilapin. Kaya kapag may nangyaring masama sa kompyuter ko, iyak ako.“
"Umm... ganoon ba? Okay.“
"Pasensya na Ren. Pero pwede na ba nating tapusin ang
tawag na ito? Gagawan ko na ng mga backup files itong drive ng kompyuter ko at
baka ma-depress ako ng habang buhay dahilan para bumagsak ako sa subject namin
at masira na ang buhay ko,“ natatawa niyang saad.
"Sige. I love you Kei.“
"Hey, bago ko sagutin iyan, salamat nga pala at
nag-reconnect ka sa akin ngayon. Miss na miss talaga kita nitong mga nakaraang
araw na hindi ka nagpaparamdam sa akin. Alam kong nahihirapan ka na sa
pagtatago ng relasyon natin sa ibang tao. Pero Ren... I love you too.“
Binaba na agad ni Kei ang tawag. Parang may nakatagong
meaning ang mga sinasabi niya. Pero si Gerard, grabe. Napakamalas naman niya.
Wala siyang backup sa mga litratong nabura ko. Ang dali-dali lang naman kasi
mag-Ctrl+C, pagkatapos Ctrl+V. Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Kailangan
magtanong ako sa iba.
Ren has entered the room...
MarcoH: Ohh! You're here Ren.
Yuuhi: Welcome back Ren.
\(*_*)/
MarcoS: Welcome back.
MarcoY: WB!
Ren: WB myself. XD
MarcoH: Ano? Maglalaro na ba
tayo ngayon?
Ren: Umm... sure. Pagkatapos
ng isang tanong.
Yuuhi: What question?
Ren: May mga backup files ba
kayo sa mga kompyuter niyo?
MarcoS: Meron ako.
MarcoH: ...
Yuuhi: ...
MarcoY: Ako din, meron.
MarcoH: ...
Yuuhi: ...
Ren: Kayong dalawa Yuuhi at H,
wala?
Yuuhi: Anong backup files? May
ganoon ba?
MarcoH: Oo nga. Meron bang
ganoon?
MarcoS: You guys must be
joking. Wala kayong backup files?
MarcoY: YOLO?
Yuuhi: Well, ako, wala. Kasi
hindi naman kailangan. Wala namang mahahalagang files sa kompyuter ko.
MarcoH: Umm... ako naman,
hindi ko alam na may ganoong bagay. Pwede bang turuan niyo ako kung paano
mag-backup ng mga files?
Ren: So may mga tao pa ngayon
na walang backup sa mga files nila?
MarcoY: Parang ganoon na nga
Ren. Para kasing hindi pa common knowledge ang bagay na iyun sa ibang tao.
MarcoS: Kapag may backup files
ka kasi, iwas hassle iyan. Halimbawa, iyung mga paborito niyong Online Games na
umaabot ng 23GB ang size. Hassle iyun kapag nabura lahat iyun dahil sa isang
unexpected na pangyayari. Biruin niyo, 23GB tapos nabubura lang. Hindi pa
mapupunta iyun sa recycle bin. Kung iniisip niyo naman i-recover ang mga files,
good luck na lang. Sa dami ng mga files, ewan ko lang kung hindi ka tamarin.
Kung ida-download mo naman, hello? 23GB? Matagal sa Pilipinas iyan. Tayo nga
ang pangalawa sa may pinakamabagal na internet sa southeast Asia. Tapos kung
may backup ka, mga isang oras lang ang copy-paste process.
Yuuhi: Ang mahabang sermon ni
S.
MarcoH: Anong araw ba ngayon?
Backup Awareness Day?
MarcoS: Pasensya na.
Na-trigger ang panenermon ko matapos makakita ng mga taong walang backup sa
kanilang drive.
MarcoH: Drive? Kailangan mo ba
ng backup para bumayo?
Ren: WTH WITH THAT JOKE! That
is so lame H.
Yuuhi: So lame you'll crash
while driving.
MarcoS: Bakit ka nga pala
nagtanong tungkol sa mga backup files Ren?
Ren: Well, nagpadala kasi ako
ng isang memory-resident virus sa isang kaaway ko. And then nabura daw ang
tanging litrato ng namatay niyang katipan.
MarcoS: ...
MarcoH: ...
Yuuhi: ...
MarcoY: Ang malas naman ng
taong iyun. Nawala pa ang ilan sa mga kanyang mga mahahalagang ala-ala.
Ren: May problema ba guys?
MarcoS: I just backread and
that damn thing is really ridiculous!
Yuuhu: I agree to S. Isa sa
mga imposibleng mangyari.
MarcoH: Isa lang ang masasabi
ko. Nagsisinungaling ang kaaway mo.
Ren: Oh, right! Ngayong sinabi
niyo iyang bagay na iyan, bumabalik na sa utak ko lahat ang mga nalalaman ko.
MarcoY: Hindi ko ma-gets.
Anong sinasabi ninyo?
MarcoS: Iyung tungkol sa
memory-resident virus. Sinisira lang naman ang OS at hindi iyun kahit kailan
magbubura ng mga files.
MarcoY: Ahh! Ganoon ba iyun?
Ren: Salamat ulit guys for
telling me the facts.
Yuuhi: Oh, wait! Maglalaro pa
naman tayo hindi ba?
MarcoH: Ay oo! Bago ka tumakas
Ren, one game muna tayo.
Ren: Okay guys. Laro na tayo.
Clearly, nagsinungaling si Gerard kay Edmund sa mga ilang
bagay. Bakit hindi ko naisip iyun na isa sa mga imposibleng mangyari? Ang dami
ng laman ng utak ko at mukhang kailangan kong mag-unload ng ilang bagay.
Ngayon, sino kaya ang susunod kung may binabalak pa siya? Baka siya talaga ang
may pakana ng lahat ng mga masasamang nangyayari sa amin? Si Blue, Keith,
Ethan, at ngayon, si Jonas. Ang natitira na lang ay si Joseph, o kaya si Paul.
Kailangang mahanapan ko siya ng matibay na ebidensya na magtuturo sa kaniya na
siya talaga ang may kasalanan sa mga nangyayari. Isa pang problema ay iyung mga
sinabi ni Gerard kay Edmund. Totoo kaya lahat iyun? Kasama na dito ang pagsasalayay
ni Gerard tungkol sa namatay niyang boyfriend at ang pag-aamin daw ni Gerard na
mahal niya si Edmund? Sasabihin ko ba sa kaniya?
Nakatapos na kaming lima na makatapos ng isang game. Panalo
kami.
Ren has entered the room...
MarcoS has entered the room...
Yuuhi has entered the room...
MarcoH has entered the room...
MarcoY has entered the room...
Yuuhi: Nice game guys. Ang
galing niyo.
Ren: Ang galing mambuhat ni S.
MarcoH: Lagi naman.
MarcoY: Siyempre. Magaling ang
support.
MarcoS: Nako naman. Magaling
nga din iyung MID natin. Pro.
Ren: Haha. Salamat sa papuri.
Anyway guys, aalis na ako. Salamat ulit sa laro.
MarcoH: Sa susunod na lang
ulit Ren. Magandang gabi.
Yuuhi: Magandang gabi.
MarcoY: Nice game po.
MarcoS: Ingat.
Ren has left the room...
Pagkatapos kong patayin ang kompyuter, sakto naman na
tumunog ang phone ko. Tumatawag si ninong sa akin.
"Hello po ninong?“
"Ahh! Hello Ren. Buti at sinagot mo ang tawag. Kumusta
ka na?“ tanong ni ninong.
"Umm... okay naman po. Bakit po kayo napatawag ninong?
May kailangan po kayo?“
"Gusto ko lang na ikaw muna ang unang makakaalam sa
sasabihin ko. Malapit nang magbukas ang bago kong business dito sa Hong Kong at
naisip ko na pumunta ang 'The Antagonist' dito at mag-perform sa opening day.“
"Talaga po ninong. Congratulations po. Teka? Kelan po
ba pupunta ang banda diyan?“
"Iyun nga ehh. Baka kasi sa mga ilang linggo bago ang
Battle of the Bands diyan sa inyo. At tsaka kasi, may mga fans din ang 'The
Antagonist'. Siya nga pala Ren. Hindi ka pa pala nakakalabas ng ibang bansa
hindi ba? Dapat, sumama ka sa banda. Sasagutin ko kasi ang expenses ninyo at
ako na rin ang gagawa ng paraan para i-excuse kayong lahat. At isa pa, para
makipagbati ka na kay Daryll,“ paliwanag ni ninong.
"Teka lang po ninong? Hindi po ba, nandyan din iyung
ex ni Joseph na si Franz? Baka po lalong magkagulo at dumagdag pa ako.“
"Napag-usapan na namin iyan ni Daryll kanina.
Nag-aalala pa rin siya na baka mahal pa rin ni Franz si Joseph. Well, kailangan
magtiwala ni Daryll kay Franz na hindi ito magbago ng isip kapag nakita ng tao
si Joseph. Ang mga kabataan ngayon at ang problema nila. Buti ka pa Ren. Hindi
mo pa mararanasan ang mga bagay na iyan dahil tiwala ako na susundin mo ang
sinabi ko na wala munang syota syota na iyan. Kailangan makapagtapos ka na muna
ng pag-aaral bago kita payagan.“ Nako ninong! Hindi niyo pa pala talaga alam
ang relasyon namin ni Kei.
"Opo ninong. Susundin ko po ang sinasabi ninyo. Sabi
nga po nila, parents knows best. Pero ninong, titingnan ko pa po muna ang
schedule nila at makiusap kay Blue na mag-clear na muna kami ng ilang schedule
sa mga panahong iyan.“
Tipid na natawa ng payak si ninong. "Good. Tamang-tama
na tinawagan kita. Pakisabi na antayin ni Blue ang tawag ko para bigyan kayo ng
hudyat na pupunta na kayo dito. Well Ren, sa tingin ko ay malalim na ang gabi
na diyan and have a good night.“
"Good night din po ninong.“
Sumunod na araw, nasa clubroom ako at patuloy pa ring
nag-iisip kung sino kila Joseph at Paul ang susunod na gagawan ni Gerard ng
masama kung sakali.
"Ren, bakit ka nakatingin sa schedule natin?“ untag sa
akin ni Blue.
"Umm... Blue.“ Inayos ko ang aking sarili. "Oo
nga pala. Kagabi, tumawag si ninong sa akin at sinabi na tutugtog ang banda sa
Hong Kong.“
Hindi nakagalaw si Blue ng ilang segundo at natulala.
"Wow! Hong Kong? Hindi nga? Totoo ba iyan Ren?“
"Oo? Dahil si ninong mismo ang nagsabi?“
"Wow! Tutugtog ang banda natin sa Hong Kong. Hindi ako
makapaniwala!“ manghang saad niya.
"May binuksan kasing bagong business doon si ninong at gusto niya na sila
ang tutugtog sa opening ng bagong business niya. At isa pa, may fans din pala
sila doon. Antayin mo na lang daw ang tawag niya. And then, go. Kaya ayusin na
natin ang schedule,“ malumanay na paliwanag ko.
"Wait, alam mo ba kung kelan daw?“
"Mga ilang linggo daw bago ang 'Battle of the Bands'.“
"Anong meron sa mga oras na iyun? Anong pinag-uusapan
ninyo diyan?“ sabat ni Paul.
"Ahh! Paul. Magpe-perform ang banda natin sa Hong Kong
sa mga oras na iyun,“ sagot ni Blue.
"Hong Kong huh?“ reply ni Paul na parang hindi
nasisiyahan sa narinig at umalis.
Kumunot ang noo ni Blue. "Anong nangyayari sa mga tao?
Hindi ba dapat ay natutuwa kayo sa balitang ito? Pati ikaw Ren, may problema
ba? Medyo malumanay iyung pagbabalita mo sa napakagandang balitang ito. Tandaan
mo na kasama ka din sa mga pumili sa kanila kaya may karapatan kang matuwa.“
"Wala naman. Ano... para kasing hindi ako natutuwa.
Hindi sa hindi ko gusto ang napakagandang balita ito para sa atin. May mas
malalim lang akong inaalala. Pero siguro, late reaction lang ito. Mamaya,
matutuwa din ako sa balitang iyan.“
"Sabi mo ehh. Pero hey, kung ano iyang problema mo,
kaya mo iyan. Huwag ka lang susuko.“ Napaka-inspirational naman niyang
magsalita. Nakalimutan kong naging crush ko si Blue.
Napangiti lang ako. "Salamat Blue. Naalala ko tuloy na
naging crush pala kita noon. Dati, hindi kita malapit-lapitan dahil bakit ba
naman ako lalapit kung para lang ipaalam ko sa iyo na crush kita. Ngayon,
binibigyan mo ako ng inspirational advices.“
"Talaga? Hindi nga? Alam mo Ren, lahat naman ng tao,
kayang sabihin ang salitang 'Huwag sumuko'.“
"Pero para sa akin, iba talaga kapag galing sa mga
kaibigan at kinahahangaan kong tao. Mas lalo tuloy akong ginanahan na lumaban.“
"Basta Ren, kaya mo iyan.“
"Yeah. Kakayanin ko ang mga problema ko.“
Alex's POV
Nakauwi na ako sa bahay ko nang may nakita akong tao na
nakatayo sa bahay ko. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa madilim.
"Hoy? Sino ka? Anong kailangan mo?“ agad kong tanong
dito.
"Alex Unidad? Ikaw iyun hindi ba? Ang taong galit kay
Paul?“
May pinakita naman itong maliit na pakete na parang shabu.
Nalaman ko iyun pagkakita ko dahil maraming beses ko na itong nakita at natikman.
"Gusto mo ito hindi ba?“ Marahang tinapon niya lang
ito sa harapan ko na agad kong kinuha.
"Salamat ha,“ natutuwa kong saad. "Hindi mo naman
siguro ito ibibigay sa akin ng libre hindi ba? May kailangan ka ba?“
"Yeah. At siguradong matutuwa ka sa ipapagawa sa iyo.
Gusto kong magsama ka ng ilang tao at bugbugin niyo si Paul Unidad.“
"Hindi na masama. Gusto mo ba iyung halos makikita na
niya ang kabilang buhay?“
"Bahala kayo. Desisyun niyo na iyun kung gusto mong
patayin ang tao. Wala na sa akin iyun. Basta ang mahalaga ay mabugbog niyo
siya. Ganoon lang ka-simple.“
Maluwag naman akong napangiti. "Payag ako diyan.“
"Kung ganoon, antayin mo na lang ang tawag ko. At siya
nga pala, dahil sa pumayag ka sa ipapagawa ko, may bonus ka pang shabu sa
loob.“
Agad na pumasok ako sa loob ng bahay at may nakita pang
ilang pakete ng shabu. Meron nga. Lumabas ako para pasalamatan ang misteryosong
tao. Subalit wala na siya nang bumalik ako. Bahala siya. Basta ako, mabubugbog
ko lang si Paul, masaya na ako. Pasensya na Irene. Mukhang mababali ko ang
pangako ko sa iyo.
Ren's POV
Kasalukuyang nasa bahay ko sila Kei, Harry at Janice.
Naglalaro ulit kami ng UNO gaya ng dati kanina. Tuwang-tuwa naman ulit si
Janice na pumayag ako na bumisita ulit sila sa bahay ko. Pumunta naman sa game
room ko sila Kei at Harry para maglaro ulit ng Ghost Squad. Kasama ko naman si
Janice sa sala at nanonood ng Pretty Little Liars.
"Ano ba kasi ang nangyari kaya ayaw mo kaming bumisita
nitong mga nakaraang araw?“ tanong sa akin ni Janice.
"May problema lang ako sa sarili ko. Ganoon,“ sagot
ko.
"Ganoon ba? Pero sana, kinonsulta mo naman din kami.
Kami nila Harry.“
"Ano ka ba Janice? Tapos na ang problema kong iyun.
Salamat na rin sa pag-aalala.“
"Sabi mo ehh,“ nguso niya. "Oo nga pala. Asaan si
Edmund? Pupunta ba siya dito?“
"Bakit?“
"May sasabihin lang ako tungkol sa nirereto ko sanang
tao sa kaniya. Sasabihin ko sana na hindi na available iyung nirereto ko sa
kaniya. Mukhang seryoso na siya sa kanyang minamahal.“
"Umm... ganoon din ata si Edmund... sa tingin ko. Pero
sayang naman kung sakali para kay Edmund. Iyung tao kasing dine-date ni Edmund
ngayon, nalaman ko na mukhang nagsisunungaling ata sa kaniya. Hindi ko pa
sinasabi kay Edmund at baka sabihin na sinisira ko ang relasyon niya doon sa
tao. Mukhang mahal talaga niya.“
"Well, ganoon talaga kapag nagmamahal. Paano naman
iyung mga taong wala lang. For show lang. Siya nga pala. Malapit na akong
ikasal kay Kei,“ malungkot niyang saad. Sumakit bigla ang puso ko sa narinig na
balita kay Janice. Ikakasal na sila ni Kei?
"Umm... congratulations? Pero bakit habang binabalita
mo ang bagay na iyan, malungkot ka?“
"Hindi ko alam pero, ang sweet talaga ni Kei sa akin.
Pero hindi niya binibigay sa akin iyung mga bagay na... kailangan talaga... ng
katawan... natin... Ano ba 'to? Paano ko pa sasabihin? Sex?“ pakumpas niyang
saad. "May iba kaya siyang mahal?“
Natamaan ako sa sinabi niya at inipon ang aking composure.
"Baka naman wala. Nako! Karaniwan lang siguro sa mga babae iyan. Malay mo.
Nirerespeto ka lang niya bilang isang babae,“ palusot ko. Tapos ako, binabastos
niya ako bilang isang lalake.
"Ikaw Ren? Bakit ayaw mong magkasyota?“ tanong niya
ulit.
"Hindi ba nga? Sabi ko, utos ng mga magulang ko? Bawal
daw ako magkaroon ng syota hanggang hindi pa ako nakakapagtapos,“
pagsisinungaling ko.
"Ahh! Naalala ko na. Napakamasunurin mo namang anak.“
Lumungkot ulit ang mukha ni Janice. "Pero paano kung malaman ko na may iba
pala si Kei? Ano kaya ang gagawin ko? Sasabunutan siya? Ipapatapon? Ipapapatay
ko sa mga tauhan ng magulang ko?“ Tamang desisyon nga na hindi mo dapat malaman
ang relasyon namin ni Kei.
"Anong klaseng mga tanong iyan Janice? Masama iyang
gagawin mo.“
Ngumiti ulit siya ng napakatamis. "Wala. Joke lang.“
Parang hindi joke para sa akin.
Tumunog naman ang phone ni Janice at tiningnan ito.
Kumunot ang noo niya. "Oo nga pala. 5pm na. Aalis na
pala kami Ren ng maaga.“
"Ano ba iyan Kei. Hindi ka pa rin magaling umasinta,“
rinig kong nang-uuyam na saad ni Harry.
"Duh! Hayaan mo na!“ rinig kong naaasar na tugon ni
Kei.
"Kei, Harry, tara na at alis na tayo,“ yaya ni Janice.
Bumaling ulit siya sa akin. "Alis na kami Ren sa uulitin ulit.“
"Bye!“ tipid na paalam nung dalawa.
Hinatid ko muna sila papalabas ng bahay ko.
"Ako lang ba? O parang pamilyar sa akin ang sasakyan
na iyan?“ nagtatakang tanong ni Janice na nakatingin sa inabandonang sasakyan
nung bumangga sa amin nila Blue at Keith. Naka-park pa rin kasi ito sa bakuran
ko.
Napatingin naman si Kei sa tinitingnan ni Janice.
"Teka. Oo nga no. Ngayong sinabi mo iyan.“
"Saan mo nakuha iyan Ren?“ tanong ni Janice.
"Iyan iyung sasakyan na bumangga sana sa kanila noong
isang linggo,“ sagot ni Harry.
"Huh? By any chance? Kilala niyo ba iyung may-ari ng
sasakyan na iyan?“ tanong ko.
May ibinulong naman si Janice kay Kei. "Huh? Ano ka
ba? Sabi niya, nadispalko na iyun,“ saad ni Kei.
"Pero nahuli na iyung may kasalanan sa nangyari,
right?“ tanong ulit ni Janice.
"Ahh! Oo nga pala,“ kinakabahan kong saad.
"Iyun naman pala. Tara na guys at tumuloy na tayo,“
yaya ni Janice.
Isa-isa silang pumasok sa kotse. Huli namang pumasok si Kei
at nginitian pa ako bago pumasok. Binuksan ko ang gate para sa kanila at
kinawayan sila habang paalis. Sinara ko na lang ulit ang gate at tiningnan ulit
ang abandonadong kotse na naka-park pa rin sa bakuran ko. Bakit pamilyar para
kila Janice at Kei iyung kotse? Kahit si Harry noon, parang pamilyar sa kaniya
ang kotse na ito? May hindi pa ba ako nalalaman sa mga taong ito?
Alex's POV
Nasa isang tapsilogan ako malapit sa highway. Nakaupo lang
ako sa motor ko habang tinitingnan si Paul na bumubili ng ulam marahil.
Pinapwesto ko naman ang aking mga tauhan malapit sa kotse ni Paul. Humanda ka
ngayon sa akin Paul. Gaganti ako sa ginawa mong pagsapak sa akin.
Nakita ko lang na nakasakay na si Paul sa kotse niya.
Pinaandar niya ang sasakyan niya pero naghiwalay na agad ang mga tauhan ko para
humarang. Bumusina pa ang kotse. Kita ko naman na bumaba na din si Paul sa
kotse niya.
"Anong problema niyo huh?“ rinig kong sigaw ni Paul sa
kanila.
"Well, naghahanap lang kami ng mapagtitripan. Sakto,
nakita ka namin,“ saad ng isa kong tauhan.
"Kilala niyo ba ko, huh? Mga gago pala kayo eh?!“
sigaw pa ulit niya.
"Hindi. Pero si Alex, kilala ka,“ anang kasama ko.
"So inutusan kayo ni Alex? Hayop talaga yun. Ilabas
niyo siya. Tang ina niya!“
Pumasok naman ako malapit sa kanila mula sa likod.
"I'm here pinsan.“ Nakita ko lang iyung napakagandang kotse niya.
"Ganda ng kotse mo tol. Gagasgasan lang namin. Ok ba?“ ngiting saad ko.
"Duwag ka talaga ehh?“ sarkastikong saad ni Paul.
"Hindi ka talaga makalapit sakin kapag mag-isa ka lang. Kung hindi mo
kasama yung girlfriend mo, itong mga panget na to yung dala mo. Napakaduwag mo!
Subukan mo kaya kumain ng balot para naman tumibay-tibay yang tuhod mo!“ sermon
ni Paul.
Narindi na lang ako sa pinagsasabi niya at pinasapak siya
sa kasama ko. Nagtawanan na lang kami dahil bumagsak siya at sinusubukang umupo
sa kalsada.
"Duwag na kung duwag. Ang importante makaganti ako
sayo. Sige boys kayo na bahala dyan. Wag niyong papatayin huh. Siguraduhin niyo
lang na pagpapawisan yung doctor na gagamot sa kanya.“
"Gago bakit hindi ikaw ang lumaban sakin?“ paghahamon
ni Paul sa akin.
Natawa na lang ako ng payak. "Huwag na tol,“ pagtaggi
ko. "Sa mga yan palang, kawawa ka na. Alis na ko. Dadalawin nalang kita sa
ospital.“ Tumawa ulit ako ng payak saka pinaandar ulit ang motor ko.
"Hayop ka alex! Bumalik ka dito!“ rinig ko pang sigaw
ni Paul.
Hininto ko naman ang motor ko sa hindi kalayuan. Narinig
kong nagtawanan na ang mga kasama ko. Pagkatapos ng ilang pakikipagtalakan ni
Paul, nagsimula na silang magsapakan. Siyempre, talong-talo si Paul dahil sa
apat ang kalaban niya at nag-iisa lang siya. Tapos naka-droga pa sila. Tinupad
ko ang pangako ko kay Irene na hindi na gagamit ng droga. Hindi naman bawal na
iyung iba na lang ang gagamit hindi ba?
Nang nakita ko na nag-abutan na ng baseball bat ang mga
kasama ko, nakatanggap ako ng picture message mula sa kasamahan ko na
bumubugbog kay Paul. Kinuhaan nila ng litrato si Paul. Kawawa naman. Bugbog
talaga ang aabutin niya sa mga kasama ko.
Pinadala ko lang ito na may mensahe sa isang numero na
binigay sa akin ng misteryosong lalaki. And, send!
Ren's POV
Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa isang hindi
kilalang number. Nang binuksan ko ito, litrato ito ni Paul na nabugbog. May
mensahe pa ito na dinukot nila si Paul at pumunta sa isang address mag-isa.
Hindi maaari.
Kinuha ko lang ang mga kailangan kong gamit saka
dali-daling umalis. Pagkalabas, nakita ko ang sasakyan na mukhang service ni
Edmund.
"Ren, saan ka pupunta?“ tanong pa nito sa akin.
Hindi ko na ito pinansin at tuloy-tuloy na pinuntahan ang
lugar na pinagdalhan kay Paul. Sana okay lang siya.
Nakarating na din ako sa lugar na nakasaad sa address.
Pamilyar sa akin ang lugar. Dito natagpuan sa lugar na ito ang kotse na
bumangga sa amin at kay Keith.
Umakyat ako sa pangalawang palapag para hanapin sila. Pero
mukhang walang tao. Hindi. May isa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may isang
tao na umaaligid. Nagulat na lang ako nang may sumugod sa akin na may hawak na
kutsilyo. Hindi ko nakikilala ang tao dahil sa naka-bonnet at may suot pa itong
sunglasses sa mata. Buti na lang at nailagan ko. Pero sino ba ang taong ito?
Kinuha ko ang sarili kong kutsilyo at nakipagsaksakan. Pero
base sa galaw ng kalaban ko, sanay na sanay ito at talagang mas magaling kesa
sa akin. Matatalo ako.
Nang makahanap ako ng tamang tiyempo para sipain siya,
sinipa ko siya agad sa tiyan at nagmamadaling tumakbo pababa. Wala sila Paul
dito. Patibong ito para sa akin.
"Ang galing mo,“ saad ng isang boses.
Napalingon lang ako sa taong nakalaban ko dahil kilala ko
ang boses na iyun. Si Gerard?
"Gerard, ikaw ba iyan?“ tanong ko.
"Huh? Sinong Gerard? Ayoko ngang umamin,“ tugon niya.
"Pero kilala ko ang boses na iyan. Tandang-tanda ko
ang boses mo dahil isa iyan sa mga bagay na hindi ko dapat makalimutan.“
Hindi siya sumagot. Sa halip ay sumugod na lang. Ang bilis
ng tibok ng puso ko at focus na focus ako sa nangyayari. Kapag nasaksak ako ng
kutsilyo niya, mukhang katapusan ko na ito. Mamamatay akong hindi nalalaman ang
aking tunay na pagkatao. Kung sino ba talaga ako. Pero hindi ako makakapayag.
Nilabanan ko pa rin siya kahit alam kong matatalo ako. Pero
wala namang masama kung susubukan ko hindi ba? Pero hindi pala talaga ako
ganoon kagaling.
Nang mapigilan ko ang isang atake niya dahilan na magtuos
kaming dalawa gamit ang mga lakas namin, nagawa niya akong talunin dahilan para
mawala ako sa balanse. Makaka-recover pa sana ako kaya lang, agad niyang
pinatid ang paa ko dahilan para matumba ako. Kita ko naman na dahang-dahang
lumapit si Gerard sa akin. Sinubukan ko namang umatras pero hindi ko magawa.
Biglang nangibabaw sa akin ang takot. Palapit pa siya ng palapit sa akin.
Papatayin ba niya ako dahil sa alam ko na siya si Gerard? Katapusan ko na ba?
"Ren!“ sigaw ng kung sinong boses. Si Edmund.
Napalingon kami ni Gerard sa kaniya. May binato naman si
Edmund kay Gerard pero nailagan pa nito. Sinugod ni Edmund si Gerard.
"Ren, ikaw ba iyan? Ayos ka lang ba?“ tanong naman ng
isang boses na papalapit sa akin. Si Harry.
"Oo. A-Ayos lang ako. Masakit lang ang katawan ko. Si
Edmund, kalaban niya si Gerard,“ wika ko.
"Sige. Tutulungan ko siya.“
Tumayo naman siya at tinulungan si Edmund na kalabanin si
Gerard. Sinuri ko ang aking sarili kung nasugatan o may napinsala sa akin. May
mababaw akong hiwa sa bandang kamao ko. Napakadelikado talaga kapag
nakipaglaban ka sa taong nay kutsilyo tapos kutsilyo din ang gamit mo. Buti
naman at tinuruan ako nila Kei at Harry.
Bigla na lang lumalabo ang paningin ko at nanghihina.
Pambihira! Mukhang nasobrahan ang adrenaline ko. Masyadong mahina ang katawan
ko sa mga pisikal na gawain. Kaya siguro nanghihina na ako sahil sa kanina pa
ako nakikipagbunuan doon kay Gerard.
"Ren! Hindi!“ sigaw ni Edmund.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Bakit sumigaw
si Edmund? Ano ba nangyari? At sino ba itong yumayakap sa akin?
"Ren? Okay ka lang?“ tanong ng isang boses. Si Kei.
"Kei? Anong nangyayari at niyakap mo ako?“ tanong ko.
"Grabe. Ang sakit pala masaksak ng kutsilyo sa likod.
Ganito ba ang pakiramdan kapag sinasaksak kita sa likod?“ nagbibiro niyang
tanong. Nasaksak? Sa likod?
Hinabol ko na lang ang aking hininga. Bigla ko na lang
niyakap ang kadiliman na bumabalot sa akin.
Harry's POV
"Harry! Harry! Gising!“ saad sa akin ng isang boses.
Si Edmund.
Nagising ako at naramdaman na masakit ang batok ko.
"Anong nangyari? Asaan na iyun?“ tanong ko pagkagising.
"Nakatakas siya,“ tugon ni Edmund. "Dali!
Bumangon ka na diyan at iuuwi na natin si Ren sa bahay niya.“
Bigla akong napabangon. "Si Ren? Anong nangyari sa
kaniya?“
"Hindi ko alam. Basta nahimatay na lang siya,“ sagot
sa akin ni Kei.
"Hoy, iyung saksak mo sa likod? Ayos na ba?“ tanong ni
Edmund kay Kei.
"Ayos lang. Tara. Iuwi na natin si Ren.“
Bibuhat naman ni Edmund si Ren pasakay sa kotse niya.
"Kei, ikaw na lang ang sumama para iuwi si Ren sa
bahay niya. Uuwi lang ako para balitaan sila Janice.“
"Sige, sige. Ako na ang bahala dito,“ tugon niya.
Sumakay si Kei sa kotse nila Edmund habang ako ay
naglalakad papunta sa parking lot na pinag-iwanan ko ng kotse namin. Tinatamad
kasi kami ni Kei magluto para sa hapunan namin at naisip na lumabas na lang at
bumili ng ulam sa isang fast food na gusto ni Kei. Habang bumibili ay nahagip
namin si Ren na humaharurot sa kung saan.
「Few minutes ago...
"Teka Harry, si Ren iyun hindi ba? Dali! Sundan natin
kung saan siya pupunta,“ saad ni Kei.
Bigla na lang ako napatakbo ng mabilis sa direksyon na
pinuntahan ni Ren at iniwan si Kei. Sa hindi kalayuan, huminto siya. Teka? Iyun
iyung lugar kung saan nakita namin iyung kotse na bumangga sa isang Keith at
kila Ren.
Napatago ako saglit kung ano ang ginagawa ni Ren dito.
Maya-maya ay may isa pang kotse na huminto dito at nakita kong patakbong
pumasok dito si Edmund. Pumasok na lang din ako at nadatnan si Ren na
sinusubukang tumayo.
"Ren, ikaw ba iyan? Ayos ka lang ba?“ tanong ko habang
lumalapit.
"Oo. A-Ayos lang ako. Masakit lang ang katawan ko. Si
Edmund, kalaban niya si Gerard,“ tugon ni Ren. Ano? Si Gerard?
"Sige. Tutulungan ko siya.“
Pinuntahan ko lang si Edmund at naka-pose na ito pati ang
taong nakatakip ang mukha na pinangalanan ni Ren na si Gerard.
"Mabuti at nandito ka. Dalawa laban sa isa. Lugi ka,“
saad ni Edmund sa misteryosong lalake.
Hindi tumugon ang misteryosong tao, na si Gerard daw sabi
ni Ren, at naka-pose na rin at nakahanda sa kung sino ang aatake sa aming
dalawa.
Una akong sumugod at binigyan ang taong ito ng isang side
kick pero nasalagan niya ang atake kong iyun. Pagkatapos ay agad na hinawakan
ng misteryosong tao na si Gerard daw, ang paa ko at hindi ko ito maibalik.
Hinatak pa niya ito papunta sa kaniya at nawalan ako ng balanse kaya nahila
niya ako. Nawalan naman ako ng malay pagkatapos.」
Pero pamilyar sa akin ang istilong iyun. Si Gerard lang ang
naiisip kong nay ganoong istilo. Mali siguro na paa iyung ginamit ko sa unang
atake. Tama nga si Ren na si Gerard iyun.
Nang nakarating na ako sa parking lot, pinaharurot ko lang
ang kotse pauwi sa apartment namin. Nandito pa iyung kotse ni Gerard. Pero
hinding-hindi ako magkakamali. Si Gerard talaga ang nakalaban ko kanina.
Umakyat lang ako papunta sa apartment nila Janice at
kumatok. Bumukas naman ang pintuan at niluwa si Gerard. Gigil ko lang itong
sinuntok pagkalabas niya at natumba ito.
"Hey! Ano ang nangyayari?“ tanong ni Janice. Lumapit
agad ito sa labas.
"Gerard?! Ano iyung ginawa mo kanina? Alam kong ikaw
iyung taong iyun na nakalaban ko kanina. Ano ba ang ginawang masama sa iyo ni
Ren at ginawa mo iyun sa kaniya?!“ gigil na tanong ko.
"Huh? Anong nangyari kay Ren?“ tanong ni Janice.
"Ano bang sinasabi mo na ako ang nakalaban mo kanina?
Nandito lang ako sa apartment at sinasamahan si Janice manood ng Arrow,“ sagot
ni Gerard.
Gigil ko lang na tiningnan si Janice. "Janice? Totoo
ba ito?“
"Yeah! Kanina pa kami nanonood dito ni Gerard dito ng
Arrow,“ sagot ni Janice. "At ano ba ang nangyari kay Ren? Asaan pala sila
Kei?“
"Nagsisinungaling ka ba sa akin Janice?“
"Bakit naman ako magsisinungaling? Ano naman ang
dahilan ko? Totoong kanina ko pa itong kasama si Gerard na nanonood ng Arrow
dito sa bahay. Tapos pagbibintangan mo pa siya na nakalaban mo kanina. At iyung
tanong ko kanina, pwede mo na bang sagutin?“
"Paano ka naman nakakasiguro na ako nga iyung taong
iyun? May pruweba ka ba? Nakita mo ba ang mukha?“ tanong ni Gerard na tumayo
na.
"Si Ren. Sabi niya sa akin, na ikaw daw ang taong
nakalaban niya kanina.“
"Papaniwala ka naman? Alam kong may galit din ang
taong iyun sa akin pero wala kayong katibayan na ako ang taong iyun. Narito si
Janice at nagsasabi siya ng totoo. May testigo ako.“
"Wait Gerard, anong sinasabi mo na may galit si Ren sa
iyo? Hindi ko iyun alam,“ sabat ni Janice.
Hindi nga ba talaga si Gerard ang taong iyun? Sabi naman ni
Janice, nandito lang siya sa bahay magdamag at kasamang nanonood ng Arrow. Hay
nako! Kung siguro ay napuruhan ko man lang iyung misteryosong tao na iyun.
Malamang, malalaman ko kung nagsasabi ng totoo sa akin si Janice o hindi. Wala
naman kasing dahilan si Janice para magsinungaling sa akin.
"Nasa bahay na niya. Sige. Susunduin ko na si Kei.
Pumunta lang ako dito para kumpirmahin ang bagay na to.“
Umalis na lang ako sa lugar na iyun at pumasok ulit sa
kotse para pumunta sa bahay ni Ren. May tinatago sila sa akin. Pero kapag
malaman ko lang ang totoo, humanda kayo sa akin.
Edmund's POV
Nakatulala lang akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Ren at
iniisiip ng mabuti ang nangyari matapos ko siyang ipasok sa kanyang silid. Ang
taong nakalaban ko kanina. Pamilyar na pamilyar talaga sa akin. Hindi ako
maaaring magkamali. Sa bawat suntok niya, sa bawat sipa niya, alam ko na siya
iyun.
Naglakad ako pababa sa sala at sinalubong ni Keifer.
"Okay lang ba siya?“ tanong niya agad.
"Okay na siya,“ sagot ko. "Ikaw, okay lang ba
iyung saksak sa likod mo? Kailangan mong pumunta sa ospital.“
"Hindi na Edmund. Okay lang naman ako. At saka,
nabendahan mo na. Lilinisin ko na lang ang sugat ko pagkabalik sa bahay.“
Narinig na lang namin na may bumusinang kotse mula sa
labas. Binuksan ko na lang ang gate mula sa loob at pinapasok siya.
"Kumusta na siya?“ tanong din ni Harry pagkalabas pa
lang ng kotse.
"Please, Harry. Si Keifer ang nasaksak at hindi si
Ren. Siya dapat ang inaalala mo dahil ayaw niyang pumunta sa ospital,“
sarkastiko kong saad.
"Hindi ko naman concern ang sinungaling na iyan,“
sagot ni Harry.
Kumunot ang noo. "Anong sinasabi mo?“
"Wala,“ iling na lang niya.
Mula sa loob ay naglakad palabas si Keifer.
"Umm... guys, salamat sa concern sa inyong kaibigan. I
will take it from here. Makakauwi na kayo.“
Nagkibit ng balikat ang dalawa at pumasok sa kanilang
kotse. Umalis na sila pauwi marahil. Bumalik lang ako sa kwarto niya at
inaantay siyang magising. Habang nag-iisip ay hindi ko talaga iwasan na lagyan
ng mukha ang taong kaharap ko kanina. Paano kung siya nga talaga? Bakit? Bakit
niya gagawin ang mga bagay na ito kay Ren? Ano ba talaga ang dahilan?
Nataranta namang bumangon si Ren.
Tumayo ako at pinakalma siya. "Hey, kalma lang. Nasa
bahay ka na.“
"Si Kei, ayos lang ba siya?“ nag-aalalang tanong niya.
"Ayos lang siya. Hindi pa siya patay. Umalis na sila
kanina pa,“ paliwanag ko.
"Umm... Edmund si-“
"Alam ko,“ pagputol ko sa sasabihin niya. "Check
mo nga ang mga kamay at paa mo? Pwede ka bang iwanan dito? Magpapadala ako dito
ng ilang katulong kung maaari.“
Bumangon naman si Ren at naglakad-lakad ng konti habang
ginagalaw niya ang kanyang mga kamay. "Umm... yeah. Mukha namang mabubuhay
pa ako nito.“
"Okay. Balik lang ako sa mansyon. May date pa kami.“
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis.
"Teka lang? Edmund? Okay ka lang ba? Tatanungin mo ba
siya?“ tanong ni Ren habang sinasabayan ang lakad ko.
"Dapat lang. Truth will set us free. At sana lang,
sabihin din niya ngayon ang totoo.“
"Edmund, sa mga narinig ko sa kaniya mula sa iyo,
hindi ka niya mahal.“
Napahinto lang ako sa sinabi niya at hinarap siya.
"Well, I am. I loved him. Umaasa pa rin ako.“
Agad lang akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse pauwi
sa mansyon. Pagkauwi ko lang sa mansyon ay dumiretso na agad ako sa quarters ko
at naligo. Kinuha ko na agad ang mga ilan kong kailangan na gamit at umalis na.
Magkikita ulit kami sa gym.
Habang nasa gym, sinusuntok-suntok ko lang ang punching
bag. Pero mukha na naman niya ang lumalabas sa isip ko.
"Edmund,“ untag ni Gerard na may tapik pa sa balikat
ko.
Pinilit ko namang ngumiti at hinarap siya. "Ohh!
Nandito ka na pala. Susubukan mo na naman bang magbiro about making out here?“
nagbibiro kong tanong.
Ngumiti din siya ng maluwang. "As always. Bakit naman
hindi. Tara sa banyo.“
Natawa na lang kami ng payak sa sinabi niya. Pero halatang
mukha akong tanga dahil hindi maitatago ang aking nararamdaman at napalakas ang
aking pagtawa. Tiningnan lang kami ng ilang mga tao doon.
"Umm... sorry folks. Tuloy niyo lang.“
Bigla na lang tumunog ang phone ko mula sa bag ko na nasa
bench. Tiningnan ko naman ito at si sir Simon lang pala.
"Sorry. Work related. Gusto mo bang makinig?“ tanong
ko sa kaniya.
"Nagbibiro ka lang hindi ba? Makikinig ako sa work
related mong tawag? Sige lang. Go on.“
Lumayo muna ako sa lugar na iyun at sinagot ang tawag.
"Sir Simon? Bakit po?“ agad na tanong ko.
Medyo hindi ko napakinggan ng buo ang tawag ni sir Simon
dahil sa lumilipad pa ang utak ko kung saan. Pero naiintindihan ko naman ang
punto ng tawag. Ang ihanda ang mga bagay para makaalis ang banda ng Schoneberg
Academe.
Pagkatapos ng tawag, ipinasa ko na lang sa isa ko pang
kasamahan ang mga bagay-bagay na ipinapagawa ni sir Simon. Pagkatapos ng tawag
ay bumalik na ako kay Gerard. Pawis na pawis ang katawan niya at bumabakat pa
ito sa suot niyang sando. Nakapag-warmup na siya.
"Hey, tapos na iyung mga gumagamit ng ring. Tayo
naman,“ untag ulit niya sa akin.
Walang salita akong tumuntong sa ring at nagsimula na naman
kaming mag-sparring. Sa laban namin, imbis na siya ngayon ang naiisip ko, iyung
tao sa nakalaban ko kagabi ang lumalabas sa mga mata ko.
Wala ang isip ko sa laban at narinig ko na lang na nag-ring
ang bell. Napatumba pala ako ni Gerard.
"Hey, okay ka lang?“ Nilahad ni Gerard ang kamay niya
para itayo ako.
"Yeah. Okay lang ako.“
Lumabas na lang kami ng ring.
"Masakit ba ang pagkakasuntok o pagkakasipa ko? Ayos
ka lang ba?“ usisa niya.
"Ayos nga lang ako. Wala lang sa isip ko sa mundo.
Mukhang lumipad ata.“
"Mukhang pinepwersa mo ata ang sarili mo. Alam mo,
umuwi na tayo. Inom-inom din ng tubig para malagyan ng tubig ang utak mo.“
Nagsimula na akong magligpit ng gamit ko at uminom ng
tubig. Lumabas na agad si Gerard at pagkalabas ko, may taxi agad itong nakuha.
Sumakay lang kami sa likod nito. Walang sinabing lugar kung saan kami pupunta
ni Gerard pero umandar agad ang taxi. Habang nasa byahe, may napansin ako sa
driver namin. Parang kilala ko siya. Bigla na lang uminit ang pakiramdam at
nanghihina ako. Anong nangyayari sa akin?
Tiningnan ko naman si Gerard at nakangiti lang siya.
Naramdaman ko na lang na huminto ang taxi sa isang lugar. Binuksan ni Gerard
ang pintuan ng taxi at inalalayan niya ako papalabas. Sinubukan kong nilingon
ang lugar kung nasaan kami. Ito iyung lugar kung saan namin natagpuan si Ren.
"Mukhang masyadong marami ka ng nakikita Edmund,“ saad
ni Gerard. Iniupo naman niya ako sa upuan. Pagkatapos ay kumuha pa siya ng
upuan sa malapit at umupo.
"Iyung tubig, anong nilagay mo doon? Bakit iyung taong
iyun, nasa taxi? Bakit mo ginagawa ang bagay na ito kay Ren? Ano ang dahilan
mo?“ sunod-sunod na tanong ko.
Tipid na tumawa siya. "Hindi mo na kailangan malaman
ang bagay na iyun. Masyado ka na ngang maraming nalalaman. Ayokong mabulilyaso
ang plano ko. Since marami ka na ngang nalalaman, sasabihin ko na ang lahat sa
iyo. Iyung nangyari kila Blue, Ren, at Keith, ako ang may-gawa. Iyung nangyari
doon sa kabanda niyang si Ethan, ako ang may pakana, ako din ang nagligtas sa
kaniya. Siyempre, alam mo naman na ako din ang may gawa sa nangyari doon sa
vocalist nilang si Jonas. At iyung nangyari sa kabanda niyang si Paul, ginawa
ko iyung pain para lumabas siya ng bahay at... wala lang.“ Teka? Ano daw? Iyung
nangyari kay Ethan?
"Anong layunin mo? Bakit mo pa dinamay ang boyfriend
ng pinsan ko? Bakit iyung taong nasa taxi, kasama mo? Bakit nagsinungaling ka
sa akin nang kinausap kita kung ano ba talaga ang dahilan mo at nagalit ka kay
Ren? At iyung nangyari kay Ethan, ikaw ba si Mr. Lion?“
"Teka. Isa-isa lang pwede ba. Sasagutin ko naman iyun
lahat. Okay. So magsimula tayo doon sa boyfriend ng pinsan mo. Well, buti na
lang kamo at nakapag-brake pa ako at baka may nangyari ng masama doon. Ang
masasabi ko lang, matatawag ko siya na isang unfortunate collateral damage. Next
question, kasabwat ko kasi siya. Basta! Kailangan ehh. Next question ulit,
kailangan din ehh. At sa huling tanong mo kung ako ba si Mr. Lion? Pwedeng oo,
pwedeng hindi.“
Great! May nakuha nga akong nga sagot mula sa kaniya. And
it makes sense to me. Sabi ni Ren, magaling daw sa kompyuter ang Mr. Lion na
iyun at pati si Gerard. Wala ngang duda na makukumpirma naming dalawa na siya
talaga si Mr. Lion. Haha! Kung kami ngang dalawa ang nakarinig. Hinang-hina
talaga ang katawan ko. Kung makakalaban pa sana ako.
"Parang alam ko na ang gagawin mo sa akin since parang
sinabi mo na sa akin ang lahat. Ha! Pero isang huling tanong na lang. Minahal
mo ba talaga ako o kasama ako sa mga plano mo?“
Hinagkan niya ang mukha ko. "Nope. I never told na
mahal kita, pero sinabi ko ngang hindi kita mahal. I really mean na gusto
kitang matikman. Pero kung kasama ka sa mga plano ko, hindi. You are such an
unfortunate man.“ Grabe! Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero ano kaya ang mas
masakit? Ang sinabi niyang ito, o ang gagawin niya sa akin?
Kumuha lang siya ng isang malaking kutsilyo mula sa bag
niya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko tanggap na katapusan ko na
nang hindi ko sinasabi ang mga nalalaman ko kay Ren.
Naramdaman ko na lang may bagay na tumusok sa tiyan ko.
Hindi ko na lang namalayan na niyakap ko siya. After all, mahal na mahal ko si
Gerard.
ITUTULOY...
Wow! Ibang iba na yung way of writing mo kesa dun sa mga naunang chapters tumatagos na yung story. Rhatz author!
ReplyDeletePero mamatay ba si edmund dito? Wag naman sana. Haha ano ba talaga planu ni gerard kay ren? Hhhmmmm..
Cant wait sa next chapters.. Kudos! 👌🏻👌🏻👌🏻👌🏻👌🏻👌🏻
From the beginning sinubaybayan ko na ang istorya, hayyysss matatapos na pala tong story mo but indeed nagremarks sakin yung ibang plot kase talaga nga naman na totoong nanyayare sa buhay. Sabi nga nung first comment eh ibang iba talaga sa mga nauna mong chapters, gustong gusto ko talaga yung flow ng story mo. Kudos author!
ReplyDeleteNice update Kuya syren..... any kaya plano no Gerard para idamay lahat ng kaibigan ni ren kung Alan n jiya pagkatao ito...kawawa naman si Edmund mamatay Lang xa
ReplyDeleteJharz
"Patawarin mo ako Nicko." xUnlimited with mocking voice. HAHAHHA
ReplyDeleteOh well... Great ... mag cliclimax na siguro. Goodluck. :)
Boyalente ang storya.
ReplyDeleteBoyalente ang storya.
ReplyDeletesyempre ang mali ang nakikita hehe! ang oras ng hongkong at pinas ay parehas lang. so, pano nangyari na malalim na ang gabi dyan? kailan ba matatauhan si ren? amnesia, amnesia, puro nlang amnesia haha.
ReplyDeletebluetooth