Followers

Friday, October 24, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 29: The Final Sonata



The Tree, The Leaf, and The Wind

Chapter 29

“The Final Sonata”

By: Jace Page

https://www.facebook.com/jace.pajz






Author’s Note:

Tapos na siya! Sa wakas. Grabe no? Ang kupad ni Jace! 8 months ko siya natapos. Hahaha. Pero sana magustuhan nyo pa rin ang ending nito. At sana, pagpasensyahan nyo na. Ayoko lang kasi ng masyadong KESO at CONVENTIONAL na ending. Yun ang estilo ko eh.

Andami kong gustong pasalamatan sa walong buwan na pagkakasama natin. Unang-una, ang mga kapatid kong sina Ken, si Hao Inoue, si Jorge, at si Mr. CPA. Ang iba ko pang mga Kuya at kapatid sa ibang Tatay, sina KuyaRye Evangelista, si Vienne Chase, si Kuya Bluerose Claveria, Kuya Red Ian, Kuya Nards, at si Nhie Cas. Sa mga readers natin, grabe andami ninyo. Di ko na kayo iisa-isahin, pero please remember na taos-puso akong nagpapasalamat at nagmamahal sa inyo. Sa inyong lahat, I love you guys!

At higit sa lahat, ang tao at ang pinaka-inspiration ko sa lahat ng ito, ang partner kong si Dan. Babe, thanks for everything. I love you. And this is for you.

O siya, nagda-drama na po ako. Eto na ang huling kembot ng TLW natin. I present to you the grand finale of The Tree, The Leaf and The Wind. Enjoy! To GOD Be the Glory!




======================================

== The WIND ==

Byernes. Thank God it’s Friday!

Huling araw ng Final Exams sa school. Huling araw ng pangalawang Semester. Huling araw na magiging busy si Yoh ko!

Excited na akong ma-solo siya mamaya sa hinanda kong dinner date sa pagse-celebrate ng bakasyon.

Time check. 3:55PM. Nagtext ako kay Yoh.

“Yoh, tapos na ba exam mo? I’ll be there to come and pick you up. Let’s celebrate! I love you.”

“Am on my way Yoh. Antayin mo ako sa may tambayan natin pagkatapos mo ah? May dinaanan lang ako.”

“Good luck sa exam Yoh. I love you ;)”

Ganyan na ako magtext kay Yoh ko ngayon. Tulad ng dati, nananadtad pa rin ako ng text. Sabay-sabay. Ang kaibahan nga lang, mas matapang na ako ngayon na nag-aadvance at pinaparamdam sa kanya ang aking nararamdaman.

Para lang akong tanga na pangiti-ngiti habang nagda-drive at sumasabay sa kanta na tumutugtog sa stereo ng kotse ko. Our song. Endlessly.

“Yeah, the ink may stain my skin, and my jeans may all be ripped. I'm not perfect, but I swear, I'm perfect for you. And there's no guarantee, that this will be easy. It's not a miracle ya need, believe me. Yeah, I'm no angel, I'm just me, but I will love you endlessly. Wings aren't what you need, you need me.”

Habang kinakanta ko ang pinakapaborito kong kanta, inaalala ko yung unang beses na kinanta at inalay ko kay Jayden ang kantang iyun.

Nung panahong yun, ako nagkaroon ng ideya na may namumuong koneksyon kay Alfer at Jayden. Nagkaroon din sila ng engkwentro nun ni Tito Miguel, na hindi naging maganda ang kinalabasan. Kaya ayun, uminom kami sa balkonahe ng kwarto niya. Dun ko kinanta sa kanya ang kantang ito.

Naaalala ko pa ang naging komento niya noon ng matapos kong sabayan ang kanta, na siyang nagpakilig sa akin ng grabe.

“Hanep Yoh! Kung ako babae, tas kinantahan  mo ko nyan, kow. Hindi lang panty ko ang malalaglag, kundi lahat ng saplot ko sa katawan! Hahahaha.” Ang sarap lang niyang titigan nun habang magkamatay sa kakatawa dahil sa biro niyang iyon.

“Grabe Jayden! Mababaliw na ako sa kakaisip sayo!” Hindi ko mapigilang maibulalas.

Ilang minuto pa ang nakalipas at pinapasok ko na ang campus ng dati kong eskwelahan. At maya-maya pa’y nilalakad ko na ang daan mula sa parking area ng campus papunta sa may fountain area. Ang tambayan namin ni Yoh ko dati.

The feeling is so nostalgic when I was walking around. Nakikita ko ang mga sandaling pinagsaluhan namin ni Yoh sa buong campus.

Sa may isawan malapit sa may gate kanina, kung saan ko siya unang nilibre ng meryenda noon.

Sa may building ng College of Business Administration kung saan ko siya nabangga nung unang beses.

At lalong lalo na sa may fountain area kung saan kami tumatambay tuwing wala kaming klase at tuwing hapon kung saan kami naghihintayan para sabay umuwi. Nangingiti talaga ako habang nagre-reminisce sa nakaraan.

Nililibot ko pa ang aking mga mata, habang papalapit na sa may mga benches sa may fountain area. Hanggang sa nahagip ng dalawa kong mga mata ang dalawang taong magkayakap.

Hindi ko gustong paniwalaan ang nakikita ko, pero iyon na nga ang tunay na nangyayari.

Tila naging estatwa lang akong nakatayo sa kanilang harapan habang nagluluksa ang puso sa nakikita.

Eto na ata ang kinatatakutan mong mangyari Yukito. Wala na. Okay na sila.

Balik ka na naman sa dati mong katauhan sa pelikulang ito. Ang dakilang best friend.

Sila na ulit. What else can you do?

“Kahit ma-friendzone pa rin ako sa bandang huli, maghihintay ako sayo Yoh. Mahal na mahal kita, at kontento na ako dun. Sa lahat ng mga nangyari, natutunan kong mas okay na sa akin na hindi maging tayo, basta’t di kita nakikitang sinasaktan ng iba.”

Remember that? You sealed your heart with those words, and now that you are here in this shitty situation, what else can you do?

Game over.





===================================



== The LEAF ==


“Alam kong hindi sapat ang mga sasabihin ko sayo ngayon para bawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pero kasi, wala na akong maisip na mas mabuting paraan para ipakita sa iyo kung gaano ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko sa iyo, kundi ipakita sa iyo mismo ang sinsiridad ko nang harapan.” Paninimula niya.

Nanatili lang ang mga mata ko sa lupa habang naghihintay ng iba pa niyang sasabihin. Umaasa na sana, pagkatapos ng usapang ito, maaayos na ang lahat.

“Sorry kung hindi ko napanindigan ang lahat ng mga naging pangako ko sayo. Sorry kung mas pinili kong pansinin ang pride at ego ko. Sorry kung naging makasarili ako. Binago ko ang persepyon mo ng pag-ibig, pero hindi ko pa pala nababago yung persepsyon ko. Patawarin mo ako kung dahil sa akin, nasasaktan ka at nahihirapan.”

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng direcho, pero naririnig ko na na mahina siyang humihikbi habang nagsasalita. Oo, masakit ang palaging bumalik sa nakaraan, pero kailangan namin itong harapin sa ngayon upang maisaayos ang gusot ng kasalukuyan.

“I was a jerk. I was a fool to let go of someone as special as you, Jayden.” Ibig sabihin…?

I lifted my head and met his eyes. “A-ayaw mo na ba t-talaga?” Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot.

“Naaah.” Iling niya. “I know he’s here to stay. At alam kong he’ll be a better man for you Jayden. I already failed you, and I know that you don’t deserve someone like me.” Ang sakit. Parang sinaksak ng libo-libong punyal ang puso ko.

“P-pinapamigay mo na a-ako?” Malungkot kong tanong. Kahit masakit, tatanggapin ko ang magiging sagot niya.

“Hindi naman sa ganoon Jay. It’s just that I have this too many issues with myself na kailangan ko pang ayusin bago ko masabing someone really deserves me. Ayokong maging unfair sayo, at lalo na kay Yui.” Ngiti niya sa akin, pero halatang nasasaktan din sya sa mga nangyari.

“Alfer.” I guess this is it. Game over.

Nakatingin siya sa malayo. “Don’t think na pinamimigay kita Jayden kasi di ka naman isang bagay. You are one of the most special people in my life right now. But unfortunately, I fucked up. And this is what I get for my actions, consequences.” Ibinalik niya ang tingin sa akin. “I ‘m sorry.  I am very sorry Jayden.”

I guess this is really it. I just have to accept that what we had was real, but due to some personal issues we have with our own, we just can’t make it together. Ayoko namang ipilit ang sarili ko kay Alfer.

Hindi lang ako ang nasasaktan sa sitwasyon naming ito. Syempre, kailangan ko ding isipin na hindi lang ako ang involved dito.

Oo, masakit. Masakit na pakawalan ko si Alfer. Mahal ko siya. Pero di ko naman siya gustong ikulong sa relasyong ako lang ang masisiyahan.

Kahit ano naman sa dalawang daan ang tatahakin ko, masasaktan pa din ako. Ang pakawalan si Alfer, o ang ipilit ko ang sarili sa kanya.

“Make up your mind Jayden.” Anang boses sa isipan ko.

“I’m trying.” Sagot ko dito.

Siguro eto na nga ang hinahanap kong kapanatagan ng puso’t isipan ko.

Siguro eto na yung hinihingi kong senyales upang maging masaya.

Siguro hanggang dito na lang talaga kami.

Tumayo ako at pinatayo ko siya. Kasama ang isang malalim na buntong-hininga, inilabas ko ang isang ngiti at inilahad sa kanya ang kanang kamay.

“Friends?” Ngiti ko sa kanya.

Tinanggap naman niya iyon. “Friends.” At hinatak ako nito palapit sa kanya. For the last time, my Babe hugged me.

Yes. Nung niyakap niya ako, naramdaman kong nabunutan ako ng libu-libong tinik sa dibdib.

Masarap pala sa pakiramdam na kahit anong unos ang dinaanan nyo, nagkaka-unawaan pa rin kayo sa bandang huli. Hindi bilang mag partner, kundi bilang magkaibigan ulit.

Closure. Eto yung tawag dun. Maayos at isang mapayapang pagtatapos ng lahat.

Masakit sa kung masakit, pero atleast, hindi na masyadong mahirap magmove-on kasi natapos ng maayos.

“Yoh?” Kumalas agad ako sa pagkakayakap sa kanya ng marinig ko ang boses na iyon. Tumalikod agad ako at hinarap ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

Nakita ko si Yui na parang nalugi sa nakita. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang sakit at pait sa nakitang pagkakayakapan namin ni Alfer.

“Y-yoh.” Bakit parang nasasaktan ako sa nakita kong itsura ni Yoh na nasasaktan? Akmang lalapitan ko na ito nang hawakan ni Alfer ang aking kamay at pinigilan ako.

“Let me talk to him first.” Ngiti sa akin ni Alfer.

Nang ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Yoh, tila nalilito ito. Pero nginitian ko lang ito, habang ginigiya siya ni Alfer sa may malayo upang makapag-usap sila.

Mag-iiba na naman ang takbo ng buhay ko nito. Pero pasalamat ako’t naging maayos ang lahat sa amin ni Alfer bago kami tuluyang magpaalam sa isa’t isa bilang mag-Babe. Mahal ko siya, pero sa mga nangyari napagtanto kong tama yung sinabi sa kanta. "Sometimes, love just ain’t enough."

A perfect closure. And I knew, I couldn’t ask for more. Atleast di ako masyadong magiging bitter nito at mag eemo-emohan na naman. Not bad.

At si Yoh?

Alam kong nagseselos siya kanina nang makita kaming magkayakap ni Alfer. Kitang-kita yun sa kanyang mga mata kanina.

Pero di ko alam kung bakit ako nangingiti sa isiping nagselos nga si Yukito sa amin kanina.

Si Yukito. Siya ang droga ko. Dahil sa kanya, nakakalimutan ko ang sakit at bigat ng mga pinagdadaanan ko. Siguro, bonus na talaga sa akin na mahal ako nito.

Pero ano nga ba ang nararamdaman ko para dito?

“Bahala na si Batman! Malalaman sa susunod na kabanata.” Sigaw ko sa aking loob.




===============================




== The WIND ==



“Yui.” Tawag sa akin ni Alfer. Naguguluhan, nasasaktan, at di ko alam ang sasabihin at gagawin sa pagkakataong iyon nang giniya ako ni Alfer palayo sa kinalalagyan ni Jayden para kausapin.

Pero isa lang ang nababasa ko sa mga mata miya. Magkahalong saya at lungkot.

“Wag kang mag-isip ng kung ano sa nakita mo kanina dude.” Panimula nito.

“Ano pa nga ba ang dapat kong isipin sa nakita ko? Klarong-klaro naman sa dalawang mata ko eh!” Gusto ko sanang isatinig ang nararamdaman ko ngunit napagtanto kong wala naman pala akong karapatan na mag-reklamo. Saling-pusa lang ako sa larong ito. Tsk!

“What you saw was..” Bumuntong-hininga ito. “What you was a closure.” Napamuglat ako sa narinig ko. Ano daw?

“H-ha?”

“Y-you heard me right. And you were right. I should and had let go of him Yui.” Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-amin ng kanyang mga pagkakamali. Ibig ba sabihin nito…?

Di ko magawang magsaya ng tuluyan. Alam kong nasasaktan si Alfer, at pati na rin ang pinakamamahal kong si Jayden.

“Masakit talaga Dude. Pero alam ko namang kasalanan ko eh. Kaya sana, ako naman ang pagbigyan mo sa hihilingin ko.” Nangingilid na ang luha niya sa mga mata. “Sana, ikaw na muna ang bahala kay Jayden. Alagaan mo siya. Wag mo siyang hahayaang saktan ng iba. Gawin mo ang mga bagay na sana ako ang gumagawa.”

Nilapitan ko ito at tinapik ko ang balikat nito. Umiiyak na siya. Ngayon ko lang nakita na ganito kahina ang isang Alfer Samonte.

Magkaribal kami sa iisang tao, pero di yun rason para di ko maramdaman at maintindihan ang hinagpis nito.

“S-sigurado ka na ba jan sa desisyon mo A-Alfer?”

“Oo dude. Mas mabuti na’ng ganito. Alam ko, magiging masaya si Jayden sayo.” Pinahid niya ang mga luha niya at ngumiti. “Basta wag ko lang malalaman na iniwan mo na naman si Yoh mo ah? Uupakan kitang gago ka!” At sinuntok pa ako ng mahina sa braso at saka tumawa.

“M-makakaasa ka Dude.” Ngiti ko sa kanya sabay lahad ng mga kamay.

Hindi bagay si Jayden na ipinamimigay. Alam naming pareho yan. Pero alam din namin na pareho naming iniibig ang isang tao.

Si Jayden. Si Jayden na mahal ko.


…….


“Bakit ka nangingiti jan? Nauulol ka na ba Yoh?” Pagbasag ng katahimikan ni Jayden habang lulan na kami ng aking kotse.

“Wala naman. Masaya ako para sa inyo.” Ngiti ko lang.

“Y-yoh. Baka iba iniisip mo. N-nasabihan ka na ba ni A-alfer?”

Tumango lang ako. Pagkatapos, isang ilang-segundong katahimikan ulit ang namayani. “A-are you okay, Yoh?” Tanong ko sa kanya na tinapunan pa sya ng tingin sa may passenger’s seat.

“Y-yeah.” Tumango pa sya. “All’s well that end’s well, ikanga.” Ngumiti siya.

Oo. Alam kong medyo may kurot pa yun sa mga puso nila, pero atleast, mas mabuti na din yun kesa patuloy nilang nasasaktan ang kanilang mga damdamin sa katahimikang pupwedeng mangyari sa kanilang pagitan.

Tinapik ko siya sa balikat niya.

“Hey. Kaya mo yan. Fighting!” At itinaas ko pa sa ere ang nakakuyom kong kamao.

“Fighting!” At ginaya na din ni Yoh ang ginawa ko. “A-alam ko, di magiging madali ang kalimutan ang mga nangyari Yoh, pero alam ko ding anjan kayo para sa akin.”

Gamit ang peripheral vision ko, alam kong nakatitig lang sya sa akin na may mga luhang nagbabadya na namang umagos mula sa mga mata nito.

“Lalo ka na. Salamat. Maraming salamat, Yoh.” At hinilig nito ang ulo sa balikat ko. Ilang milli-second lang, nakaramdam ako ng pamamasa sa balikat ko. Umiiyak siya.

“Ayan! Dyan tayo magaling eh. Ang mag-emo.” Alam kong kelangan nya ang panahon na ito para ma-ilabas lahat ng mga yun ngayon. Siguro, minahal niya talaga si Alfer. At nirerespeto ko iyon. Iniiba ko lang ng konti ang hangin. Medyo mabigat na eh. “Uwi muna tayo, Yoh. Bukas nalang tayo mag-celebrate.”

“N-no.” At pinahid niya ang kanyang luha at inayos ang pag-upo. “S-sorry Yoh. Nagpa-reserve ka na d-diba? Ngayon nalang. S-sayang eh.”

“Naaah, that’s okay Yoh. Pwede ko namang tawagan para i-cancel eh. Ang importante, ikaw. Alam kong kelangan mo munang ihinga yan.” Ngiti ko sa kanya.

“S-sigurado ka Y-yoh? Ayoko namang s-sayangin ang effort mo.”

“Sus. Para namang ngayon mo lang ako nakilala. Anything for you, Yoh.” Gusto ko siyang pasayahin, pero sa ngayon, aayusin muna namin ang puso niyang nawasak mula sa nakaraang unos ng buhay. Pagkatapos nun, saka ako eentra dun. Ayokong umepal at mag take advantage sa sitwasyon.






=======================


== The LEAF ==


Mayo. Ang buwan ng mga bulaklak at ng kaliwa’t kanang pyesta.

Dalawang buwan matapos tanggapin ang pakikipagkalas ni Alfer.

Dalawang buwan ng pagbangon at pagtanggap sa lahat.

Hindi naman mahirap na tanggapin ang pait ng nagdaang kahapon. Siguro, nakatulong talaga ang naging closure sa pagitan namin ni Alfer sa moving-on process naming dalawa.

At ang suporta ng mga kaibigan at ng pamilya ko. At syempre, ang nag-iisang ilaw at gabay ko sa isa sa mga madidilim na parte ng aking buhay…

Si Yui.

Si Yukito.

Si Yoh.

Ang dakilang bestfriend ng buhay ko.

Dahil sa kanya, naging madali sa akin ang tanggapin ang lahat. Masakit kasi minahal ko si Alfer, pero ang mga ngiti at hirit niya ay parang nagsasabi na “Ayos lang yan. Magiging okay din ang lahat.”

Alam ko naman na may natatangi itong pagtingin sa akin. Pero kahit kelan, sa dalawang buwan na lumipas, hindi niya ipinaramdam na nagte-take advantage siya sa sitwasyon. Isa iyon sa mga nagpapangiti sa akin.

“Anak, hanggang kelan mo paghihintayin yang si Yukito ha? Aba, anong petsa na?” Napukaw ang pagmumuni ko sa mga banat na tanong ni Nanay. Tinapunan ko ito ng isang nangingiting tingin. “Kelangan ko ng sagot anak. Hindi yang mga titig mong nagpapa-cute.”

Kasalukuyan kaming nasa may hardin ni Nanay at naka-upo sa may bench habang nakatanaw sa malayo, kay Yukito na nagdidilig ng mga halaman isang Sabado ng hapon.

“Naaawa na nga ako kay Yukito at halos dito na tumira para lang masamahan ka at magbigay ng serbisyo sa pamilya ng nililigawan eh. Aba! Ngayon pa lang ako nakakita ng ganyang klaseng manliligaw sa kasalukuyang panahon, anak. Akala ko nga wala na eh.” Haaay. Si Nanay talaga. Talagang botong-boto ito si Nanay kay Yukito. Numero unong miyembro ng Jay-Yui Loveteam. Nihahaha

“Nay naman. Ano na naman yan?” Kunwaring iritadong tanong ko. “Nagmamadali ka Nay? Eh di kayo na lang mag-boypren nyang si Yui, Nay kung gusto mo talaga.” At sabay hagalpak ng tawa. Kinurot naman ako nito sa may tagiliran. “Aray! Nay!”

“Umiiwas ka ha?” At natawa na rin si Nanay. Maya-maya pa’y itinuon ulit ang mga paningin kay Yukito. “Pero seryoso anak, walang biro. Ano ba ang tunay na iskor ni Yui sayo?” Hot seat ulit. Grabe. Iniiwasan ko pa naman ang ganitong klaseng mga tanong sa ngayon.

“Nay. Alam nyo namang kakagaling ko pa lang sa isang sawing relasyon diba? Ayoko na munang isipin ang mga ganyan sa ngayon. Magte-third year na ako sa pasukan at siguro,mamaya nalang yang lablyp-lablyp na yan.” Pero sa totoo lang, alam kong iba na ang sinasabi ng puso ko. Hehehe.

“Anak. Maaaring nasaktan ka at pumangit ang pananaw mo sa pag-ibig sa una. Pero hindi naman ibig sabihin nyan, hindi ka na iibig pang muli.” Seryosong saad ni Nanay.

Natatawa talaga ako dito kay Nanay. Lakas humirit ng mga pamatay na mga payo. “Oh, anong sunod Nay? Paki-explain, Labyu?! Yan nakukuha nyo sa kakanuod ng Bubble Gang at kay Donya Ina eh.” At natawa na naman ako.

“Yoh! Halika dito. May ipapakita ako sayo, dali!” Sigaw ni Yui na ikinalingon ko naman. Dali-dali akong lumapit sa kinatatayuan nito. “Yun oh!” Tiningnan ko naman ang direksyon kung saan nakaturo ang daliri nya. Sa isang sanga ng puno ng bayabas.

“Wow!” Namangha ako sa nakikita. Isang cocoon ng isang papasilang na paruparo ang nakikita ko na unti-unting gumagalaw. Final metamorphosis na nito. “Ang galing Yoh!”

“I know!” Si Yui na hindi rin mapigil sa kakangiti sa natatanaw na kagandahan ng pagbabagong nagaganap sa munting nilalang na iyon. Maya-maya pa’y unti-unti ng lumalabas ang bagong silang na paruparo mula sa cocoon nito.

“Whoa! Isang Monarch Butterfly!” Ngayon pa lang ako nakakita ng ganoong eksena sa tanang buhay ko.  Ang ganda niya!

Napakaganda pagmasdan ang pakpak nitong unti-unting lumalaki at naghahanda na sa paglipad. Mula sa pagkakabitin sa isang sanga ng bayabas sa hardin ni Nanay, unti-unti na nitong winawagaswas ang mga pakpak nito.

Ilang sandali pa at tuluyan na nitong nilisan ang sanga ng puno at sa unang pagkakataon, tinamasa ang kalayaan at ang sarap ng paglipad sa alapaap. Habang nakatingala ako sa kalangitan at sinubaybayan ang unti-unting pagkalaho ng paruparo, naramdaman kong umakbay sa akin si Yui.

“Ganyan ang buhay Yoh. Minsan, pakiramdam mo, isa kang pangit na uod. Pero dahil sa mga pagbabagong magaganap sa buhay mo, isisilang ka bilang isang magandang paruparo. Kaya kapit ka lang sa sanga at ng hindi ka liparin ng hangin sa panahon ng mga pagbabagong yun ha?”

“H-ha?” Napalingon naman ako sa kanya na nagtataka ang mga mata. San naman nanggaling yun?

“Kaya ikaw, munting paruparo...” At kinurot niya ang ilong ko at ngumiti. “…lumipad ka lang at damhin ang kagandahan ng buhay. Lipad Yoh, lipad ka lang.”

Eto na naman ang balon ko ng karunungan. “Opo, sir!” At sumaludo pa ako dito habang nakaakbay na din ako sa kanya.

Alam ko ang pinupunto nito.

Gusto niyang ipahiwatig sa akin na katulad ng pagbabagong naganap sa uod na siyang bumago sa buhay nito, may mga pagbabago din sa ating mga buhay na pupwedeng bumago sa hinaharap natin.

Katulad ng pagkawasak ng puso ko nung tinapos namin ang lahat sa pagitan namin ni Alfer. Darating din ang panahon kung kelan maghihilom ang lahat ng sugat na tinamo ko noon at magiging mas matatag na tao ako.

“Some bad things are meant to convey good thing in the future”, ikanga. Yan ang mga aral na natutunan ko kay Yui sa mga nagdaang buwan. At tama siya.

Hindi natin maaappreciate ang kasiyahan kung hindi natin naranasan ang kalungkutan.

Di natin matatamasa ang saya ng pagiging isang kampyon, kung di natin napagdaanan ang pagiging talunan.

At di tayo magiging matatag, kundi tayo dumaan sa pagiging mahina.


…..


“Sigurado ka bang kaya mo na?” Tanong sa akin ni Yui nung kinagabihan habang naghahanda na kaming dalawa para sa isang muling pagkikita-kitang mga magbabarkada. “Kaya mo na ba talaga siyang makita?”

Tinapik ko ang balikat nito. “Okay na ako Yoh.” Ngiti ko. “Hindi ko sila yayayain lahat, kasama na si Alfer kung hindi pa ako okay. Don’t worry Yoh. Ayos na ako.” Nakita ko naman itong naglagay ng isang pilit na ngiti sa mga labi nito.

“S-sigurado ka ha?” Alam kong nag-aalala pa rin itong si Yui sa akin. Hindi nya lang siguro maiwasang kabahan sa gagawin kong pakikipagkitang muli kay Alfer.

“Uh huh.” At nginitian ko lang siya at kinurot ang ilong nito. “Tara na! Baka naghihintay na sila sa atin.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating na kami sa isang seafood restaurant kung san namin idadaos ang aming get-together pagkatapos ng ilang buwang pananahimik sa mga sari-sarili naming mundo.

Halos magkasabay lang kaming dumating nina Kira at Karin, na noon ay papasok pa lang sana sa may pinto ng restaurant. Agad akong niyakap ng kambal pagkakita nila sa amin.

“Kumusta Bro? Sorry ah, medyo busy lang sa council. Alam mo naman.” Paunang saad ni Kira. Antagal ko tong di nakita, ilang linggo din.

“Ayos lang Sis. Anjan naman si Karin para saluhin ka eh.” Tapik ko sa balikat ni Kira.

“Aba! Gumagwapo tayo ngayon Yukito ah? Anyare ba?” Si Karin. Sa tuwing nalalagi kasi ito sa bahay, di kasi sila nagpapang-abot ni Yukito. Kaya ganun na lang nito namiss ang best friend ko.

“Inspired at in love eh.” Ngiti nito na nakatingin lang sa akin. Halata namang nagulat si Kira sa narinig.

“Wait, so you mean..?” Si Kira na di natapos ang sasabihin sa sobrang kabiglaan.

“Alam na ba niya?” Bulong ni Karin kay Yoh pero narinig ko.

Tumango ako. “Matagal na.” Ngiti ko.

“Hoy, malanding lalaki! Papano ka nakakabingwit ng hindi lang isa, kundi dalawang HOT na mga lalaki, ha?!” Here comes the exagerrated reaction of Kira’s. Nagkatawanan nalang kaming tatlo.

Oo. Alam ko na na alam din ni Karin ang tunay na nararamdaman ni Yui para sa akin. And five minutes ago, kami lang tatlo nina Yui at Karin ang may alam ng lahat. Kaya hindi ko mapigilang mapatawa pag nakikita kong pabirong matalim ang tingin sa akin ni Kira.

Papasok na kami ng restaurant ng binulungan ulit ako nito. “Hindi naman siguro kaya ka nakipagkalas kay Alfer ay dahil..?” Nang-iintrigang tanong nito.

“Hoy!” Tinampal ko ng mahina sa balikat si Kira. “Grabe to! Wag ka nga. Hahahaha.”

“Loko lang kapatid.” Tumawa na rin ito. “Pero, hindi nga? Seryoso?”

“Ay! Ewan ko sayo. Daming tanong. Ayan kasi, ayaw magpakita. Kaya ngayon, nganga sa kwento. Katampo ka!” At nginitian lang ako nito ng ngiting-aso.

“Good evening ladies and gentlemen. Your table is this way please.” Magalang na sabi nung waiter na sumalubong sa amin.

“Nandito na ba sila?” Tanong ni Yui.

“Oo. Kanina pa. Nagtext sa akin si Paul. Magkasama na sila ni Samonte.” Kaswal na sagot ni Karin. At nung napansin nitong natahimik ako sa narinig na pangalang binanggit sa huli, lumingo ito sa akin. “Okay ka lang ba talaga sa ganito, Jayden?”

Parang gusto kong ihakbang pabalik ang aking mga paa. Kung bakit ba kasi naisipan ko pa tong gimik na ito? Kung bakit ba kasi madali lang planuhin at isipin ang muli naming pagkikita, pero mas mahirap pala kaysa inaasahan mo? Awkward!

“A-ah. O-o-oo.” Nangingig na sagot ko sa kanila na nakatingin lang sa akin.

“Yoh?” Tiningnan ako sa mata ni Yui. At inakbayan ako. “Tara na.” Ngiti nito sa akin. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa assurance na nakatago sa mga ngiti ni Yui. Iba talaga to.

Naglalakad na kami patungo sa may dulo ng restaurant na nasa may gilid ng dalampasigan, nang makita ko si Paul na nakaupo sa isang malaking lamesa kasama ang bulto ng taong kilala ko din.

Nakalapit na kami sa lamesa nang hindi ko mapigilang mapatingin sa malayo ng biglang napatayo si Alfer nung nakita ako.

“H-hi. J-Jayden.”

Shit! Ang boses na yun. Natulala naman ako. “Ano ba tong pinasok-pasok mo Jayden?! Hindi mo naman pala kaya eh! Weak!” Sabi ng isipan ko.

Lahat sila ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Alfer. Ako naman ay parang bibigay na sa sobrang kaba sa mga nangyayari.

Kaya ko na ba talaga?

Kaya ko na ba talagang umusad?

Kaya ko na bang makipagkaibigan ulit sa kanya?

Naputol ang katahimikan ng lahat ng naramdaman kong inakbayan ako ulit ni Yui at mahigpit na hinawakan ang buto sa aking kanang balikat.

“Alfer. Kumusta?” Nung napatingin ako sa nagsalitang si Yui, nakangiti ito kay Alfer.






======================


== The WIND ==

“Kayanin mo to Yoh. Ito na ang huling pagsubok sa proseso na pinagdadaanan mo sa nakalipas na dalawang buwan. Kayanin mo to.” Kinakausap ko lang si Jayden sa pamamagitan ng aking isip, na alam ko namang hindi niya maririnig.

Pero sana, makuha niya ang nais kong ipahiwatig sa pag-akbay ko sa kanya.

“Ito na ang huling pagsubok na pagdadaanan mo Yoh bago ka maging isang ganap na paruparo. Kapit ka lang sa sanga, at wag magpatangay sa hangin. Lumipad ka munting paruparo, lumipad ka!” Dagdag ko pa sa aking isipan.

“Alfer. Kumusta?” At ngumiti sa aking kaibigan. “Long time no see ah?”

“B-busy lang sa pagba-basketball dude.” Sagot nito. “U-upo na tayo lahat.”

“Awkward.” Biro ni Kira. “By the way..” biglang bawi nito sa pangangantyaw. “…kumusta na kayong lahat? Tagal na nating di nagagawa 'to ng magkakasama ah?”

“Oo nga eh. Nakakapanghinayang nga eh. Summer na summer, pero tutok kami nitong si Alfer sa training namin.” Sagot ni Paul. “Kayo, kumusta?”

“Ako, I’m busy with my Internship. Pero nakakagala naman minsan kela Jayden. Si Kira naman, busy sa pagiging Council Secretary ng school nyo.” Si Karin na sya na ring sumagot para kay Kira.

“For my share of the story, just the usual stuffs. Wala pa ring bago.” At natawa na din ako.

“Hindi na kami magtataka Yukito. Buti nga at di ka na naman umalis papuntang Japan.” Si Paul.

“Naaah. Mas gusto ko pa rin dito.” Sabay tingin sa nakatungong si Jayden.

Maya-maya pa’y dumating na ang order namin. Baked scallops, nilasing na hipon, calamares, at iba pa. Alam kong paborito ni Yoh ang seafood kaya dito namin napagkasunduang magkita-kita.

“I-ikaw J-jayden. Kumusta ang b-bakasyon?” Si Alfer na sinusubukan ang lahat ng makakaya upang hindi sila maging ilang ni Jayden sa isa' isa.

“Yoh, sana naman humupa na yang kaba mo. Kaya mo to!” Pakiusap ko sa kanya sa aking isipan, habang kinalabit siya upang sumagot at magsalita naman.

“A-aah, e-ehh, ayos n-naman.” Halatang nanginginig pa rin ito. “Ikaw ba A-alfer?”

“Aaah, nakwento na yan ni Paul kanina Bro. Okay ka lang ba?” Tanong ni Kira kay Yoh.

“G-ganun ba? Pasensya n-na.” Nakatungong saad ni Yoh. Epic fail.

Diyos ko po! Tulungan Nyo naman po sana ang kaibigan ko.

“A-anyways, tara guys. L-let’s eat!” Pilit na din ang ngiti na nasa mga labi ni Alfer. Siguro ramdam din nito ang awkwardness ng sitwasyon.

“M-maghuhugas lang ako ng k-kamay.” Excuse ni Jayden at tumayo at pumunta sa wash area ng resto na yun. Ganun kasi ang estilo dun, parang boodle fight. Kaya mas masarap ang kain.

“Sama na kami. Kira, tara!” At tumayo na din ang dalawang babae. Pati na rin si Paul.

Ibig sabihin, kami lang dalawa ni Alfer ang nandun sa lamesa at hinihintay silang apat na bumalik.

Katahimikan. Sampung segundo ng katahimikan. Hanggang sa pinutol ito ng taong nasa harapan ko.

“S-so, dude. H-how is Jayden?” Nag-aalangang tanong ni Alfer.

“Ayos naman siya dude. He’s trying to cope up, at kaya ako nandun para sa kanya.” Tumango naman ito. “Pero dude, wag mo sanang iisiping umeepal ako ah? Okay naman tayo diba? At andun ak0 bilang isang kaibigan. Sana wag mong ma-misinterpret.”

Umiling ito. “No, dude. Dapat pa nga akong magpasalamat sayo dahil kung wala ka, baka iba ang magiging kinalabasan ng ginawa kong katarantaduhan. Oo, okay tayo. Wag kang mag-alala.”

“Dude. Wag mo nalang isipin yun. Alam ko namang napatawad ka na noon nung makita ko kaya sa may fountain ng school eh. Siguro, kinakabahan lang si Jayden. Pagpasensyahan mo na muna ha?”

“Oo naman dude. Kasalanan ko din naman.” Nginitian ko nalang ito.

“Sige dude. Una muna ako dun ah? Huhugas din ng kamay.” Tumango lang ito at tumayo na ako para sumunod sa may Wash Area, pero nung dumaan ako sa likod ni Alfer, binigyan ko ito ng tapik sa balikat.

Papalapit na ako sa patutunguhan ng makasalubong kong pabalik na sa lamesa namin sina Paul, Karin at Kira. Nang marating ko ang wash area, nandun si Jayden na kakalabas lang ng CR at naghuhugas na din ng kamay.

Nakatayo lang ako sa likod nito at nakikita ko ang mukha nito sa salaming nasa harapan ng tatlong lababo ng wash area.

“Yoh.” Tawag nito sa akin ng mapansin ako nito sa kanyang likuran.

“Okay ka lang ba?” Direchahang tanong ko sa kanya. “Nagsisisi ka na ba at naisipan mo to?”

“Y-yoh. K-kasi..” Nakatungo lang ito habang pinadadaanan ng tubig ang dalawang kamay.

“Mahal mo pa ba siya Yoh?” Kaswal na tanong ko dito.

Alam kong nagiging mapangahas na ako. Pero kadalasan kasi, hindi tayo nakakagawa ng magandang plano. Kung nakakagawa man tayo, hindi din natin ito nasusunod kapag nasa totoong sitwasyon na tayo.

Minsan, may mga sitwasyon sa buhay kung saan hindi tayo handa at hindi natin inaasahang darating. Sa mga pagkakataong ito, ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala sa iyong sarili. Trust your instincts. Trust in what your heart and mind will say. And expect the unexpected.

“S-sa totoo lang Y-yoh, at sana ay maniwala ka sakin..” At bumuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. “…nung kinapa ko kanina ang aking pakiramdam, wala na.”

Ting! Umilaw ulit ang puso at ang pag-asa ko. “Y-yun naman pala eh. Bakit ilang na ilang ka kanina?”

“Haay Yoh. D-di mo din naman ako masisisi, diba? I mean, hello! Pagkatapos makamove-on, magkikita agad kayo.”

“You wanted this diba?” Pano kaya kung mahal pa talaga niya si Alfer? “Yoh, kung totoong wala ka ng nararamdaman sa kanya, harapin mo sya ng maayos. Wag kang magpaapekto. Patunayan mo sa sarili mo na tapos ka na sa kanya. Kung hindi ngayon, kelan pa kayo tuluyang magkakaayos diba?”

Isang malaking kasinungalingan kung sasabihin ko na di ko inaasam na sana ay talagang tapos na silang dalawa. Pero ang mas mahalaga ay silang dalawa, sa ngayon.

This meeting is not about me, being comfortable and secured with my position in Jayden’s heart, but this is about them, putting an end to everything, once and for all.

“S-sige Yoh. S-salamat sa paalala. Kakausapin ko sya mamaya.” Ngiting pilit nito sa akin.

Hinawakan ko naman ito sa magkabilang balikat nito. “You can do this Jayden. Kaya to. Fighting!” At marahan ko pa siyang niyugyog.

“Fight!” Ngumiti na din ito sa akin na hindi pilit.

“Kaya mo yan Jayden.” Panalangin ko sa loob ko.

Lahat kami ay nakaupo na at pinagsasaluhan ang isang masaganang hapunan sa iisang mesa. Tulad ng dati. Namiss ko din to kahit papaano.

At gaya ng sinabi kanina ni Jayden, medyo nawawala na ang pagka-ilang nito sa aming mga kasama, at kay Alfer. Dumadaldal na din ito.

Minsan ay napapansin ko silang nagngingitian na ni Alfer. At sa t’wing binabasa ko ang mga mata nito, di ko maiwasang wag kabahan sa magiging kahihinatnan ng usapang mangyayari mamaya sa pagitan ng dalawa.

“Wag kang selfish Yui. Do this for him. Kung anuman ang mangyayari sa susunod na kabanata, tanggapin mo. Ang importante, masaya si Jayden. Yun ang tunay na pagmamahal.” Paalala sa akin ng aking isipan.

Antagal naming umupo sa lamesang iyon. Ineenjoy ang mumunting reunion ng aming barkadahan. Puro kulitan, asaran, at sandamakmak na kalokohan lang naman ang ginagawa namin, as usual.

Pagkatapos ng ilang sandali, nilisan na namin ang Seafood Resto na yun at napag-usapang dumirecho nalang kina Jayden at dun na tumambay para tumoma.

Kami ni Jayden at ni Karin ang dumaan sa may convenience store at bumili ng alak habang sina Paul, Alfer at Kira ay naghanap ng mapupulutan.

“Bro, kumusta na puso natin? Anong lagay nyan?” Pang-uusisa ni Karin kay Jayden habang nasa daan na kami pauwi sa bahay nina Yoh.

“A-ano ba namang t-tanong yan Sis? Hindi ka pa lasing nyan ha, pero maka-bomba ka ng tanong, wagas-wagasan!” Napansin kong namumula si Jayden sa tanong na yun ng kapatid.

“Bakit ba? Bawal na bang mag-share ng secret sa kapatid ngayon, ha?” At binatukan si Jayden. “Come on Jayden, spit it out.” Utos pa nito.

“Ehh.” At tinapunan ako ng tingin ni Jayden habang ako ang nagmamaneho sa kotse.

“What?” Tanong ko dito na nagpipigil ng tawa.

“Ahh, so nahihiya kang umamin kay Sissy kasi andito si Yoh. Ganun?” Sabat ni Karin.

“No fair! Dapat sabihan mo din ako Yoh.” Pagdadabog ko. “Bestfriend mo ako, diba?”

“Tumahimik ka jan Yukito. Involve ka dito, so di pwede ang pinaglalaban mo jan. Shut up and drive.” At humagalpak ng tawa ang magkapatid sa tinuran ni Karin.

“Haaay. Ewan ko sa inyo. Bakit ba kanina ko pa nararamdaman na nasa hot seat ulit ako. Yung totoo, ha?” Yamot ni Jayden. “Hoy! Andito na tayo. Baba na dali.” Utos ni Jayden ng itinigil ko na ang sasakyan sa may tapat ng gate nila. Andito na rin ang tatlo.


…….


“Oh! Games tayo? Kakasawa na mga kwento nyo eh!”  Reklamo ni Paul. Nakaupo na kami sa may damuhan sa garden nila Jayden nun, kasama ang ilang bote ng beer at samo’t saring pulutan.

Patay! Bakit ba ako biglang kinabahan sa suhestyon ni Paul. Tengene ka Paul!

“Ano na namang game yan Paul? Naku, sinasabi ko sayo, dapat magugustuhan namin yang pinaplano mo ha?” Si Kira.

“Truth or Drink!” Bulalas ni Paul.

Oh for Pete’s sake! Not that game.

“Whut?!” Nanlaki naman ang mata ni Karin. “Nung una at huling beses na nilaro natin yan…” Di na natuloy ni Karin ang sasabihin ng ma-realize na nasa medyong sensitibong sitwasyon pa ang dalawang kasamahan namin.

“Game!” Napalingon lang kaming apat nina Kira, Karin at Paul nang sabay at pareho pa ng sagot sina Alfer at Jayden. Palipat-lipat sa dalawa ang tingin namin.

“This will be exciting.” Mahinang saad ni Paul.

“Jusko, Jayden! Lasing ka na ba at pumayag ka sa larong iyon? Umayos ka nga.” Bulong ko dito.

“Wag kang mag-aalala Yoh. Nagpapalakas lang ako ng loob. Kaya ko na to!” Tinapik pa ako nito sa balikat, sabay bitaw ng isang matamis na ngiti. Ang tapik na yun ay tumuloy sa aking likod at ilang beses na humimas dun.

Nabigla ako sa inaktong iyon ni Yoh. Oo, masarap, pero baka naman kasi lasing lang ito.

“Yoh. Don’t be so tensed. Tagay ka oh! Makakatulong yan para wag ka na masyadong praning jan. Here!” At inabot nito ang isang baso ng beer. “Everything’s gonna be okay Yoh.” Mahinang sambit nya habang pinagmamasdan sina Paul na nagpe-prepare sa larong iyon.

“Everything’s gonna be okay Yoh.” Nag-echo naman ang mga katagang iyon sa isipan ko. “Sana ang okay na sinasabi mo Yoh, ay ang okay na nasa isipan ko. Sana, Yoh. Sana.” Sabi ko sa loob ko, huminga ng malalim, at ininom ang beer na inabot nito.







========================================


== The LEAF ==


Truth or Drink.

Ang laro na bumago sa buhay ko dati.

Ang laro na naging daan para hayagan kong makilala ang sarili ko dati.

Ang laro na naging mitsa ng maraming pagbabago sa buhay ko dati.

Dati.

Pero ngayon?

May magbabago kaya?

May magiging masaya kaya pagkatapos ng gabing ito?

O baka naman may malulungkot at uuwing talunan?

Kailangan ko ng pumili.

Pero kailangan ko pa ba?

Panu kung sabihin kong nakapili na ako?

Ahhhh! Bahala na si Batman.

Tangina! Ano ba tong pinagsasabi ko? Hahaha. Lasing na ako. Pasensya na.

“Oh, paikutin mo na Samonte.” Utos ni Karin kay Alfer.

Naka-ilang ikot na ang bote. At sa bawat tao na natatapatan nito, puro Drink ang pinipili. Dahil tequilla ang iniinom namin, lahat kami ay lango na sa alcohol at sa espirito ng kalasingan.

Wala pang nangahas na pumili ng Truth. Pakshet! Masyado silang pa-playsafe! Ano ba yan?!

“Game!” Sigaw ni Alfer at pinaikot ang bote at tinapunan ako ng isang titig na may halong ngiti.

Kanina pa ito tingin ng tingin sa akin. At sa t’wing napapansin ko ang pagtitig nito, natatawa nalang ako at napapa-iling. Minsan sinusuklian ko din ito ng isang tipid na ngiti. Pero nung medyo tipsy na ako, nakikipaglabanan na ako ng titigan sa kanya.

Bakit? Kasi gusto ko.

“Oooh!” Narinig kong nasambit ng kambal. Nang tingnan ko kung kanino natapat ang bibig ng bote, napalunok ako nung makitang sa akin iyon nakaturo. Shet!

“Jay! Truth or Drink?” Nanghahamong tanong ni Alfer sa akin.

“Tss. Drink na naman yan? Pwedeng truth na naman? Kanina pa tayo pumipili ng Drink eh. Just to spice things up.” Sabi ni Paul na halatang lasing na lasing na.

“Fine!” Pagkikibit-balikat ko. “Then Truth it is! Shoot.” Pagbigay-permiso ko na magtanong na sakin.

“Siguraduhing mabuti ang mga itatanong at ang mga isasagot ha? Tandaan, bawal ang mga pikon, at lalong-lalo na, ang mga Bitter Ocampo sa larong ito.” Paalala ni Karin.

“Don’t worry Sis. Ako pa?” At tinapik ko ang balikat nito sabay kindat. “O, baka naman may plano kang magtanong na Alfer?”

“Excited huh. Kahit anong tanong?” Pangpo-probe nito sa akin.

“Eh, ano bang tawag sa larong to? Malamang kahit ano.” There goes the sarcasm in me. Nakita ko naman itong namula sa sinabi ko.

“Here goes nothing.” Bumuntong-hininga siya. “T-talaga bang n-naka move-on ka n-na sa lahat ng n-nangyari?” Jusko! Akala ko kung ano na itatanong nito, yun lang pala. Wala na bang mas mahirap sa tanong na yun? Chicken Mami.

“Yes.” Direchahang sagot ko at direchong tumitig sa mga mata nito. “Do you want me to elaborate more on my answer?” Panghahamon ko pa. Ang aggresssive ko talaga pag nalalasing. Woah, grabe!

“P-please.” Mahinang pakiusap ni Alfer.

“Sure. Pero teka.” Ngiti ko at kinuha ang isang shot glass, naglagay ng tequilla dito at agad na sinunggaban ang alak. Pampalakas ng loob ba.

Nang madako ang mata ko sa kinaroroonan ni Yui, nakita ko ang mga mata nitong nag-aalala para sa akin. Pero gamit ang mga titig at ngiti, ipinahiwatig ko sa kanya na ito na ang panahon para lumipad ang isang bagong-silang na paruparo.

“I’ll be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ako nahirapan na tanggapin ang lahat ng nangyari sa atin Alfer. Alam mong minahal kita, at hindi ako ang klase ng tao na ganun kadali makalimot. Oo, hindi madali, pero hindi naman ibig sabihin na imposible ang bumitaw.”

Lahat sila ay nakamasid at nakikinig lang sa lahat ng sinasabi ko. At sa totoo lang, gusto ko talagang magpasalamat sa alak dahil binibigyan ako nito ng ekstrang kakapalan ng mukha at tibay ng loob para gumawa ng mga ganitong klaseng speech. Hanep!

“Di ba nga, nung huling araw ng Finals Week, nag-usap na tayo? Nung araw na iyon, at sa mga ilang araw at linggo na sumunod, masakit. Pero kanina nung makita kita na okay naman at mukhang maayos ang naging adjustment mo, tinanong ko ang sarili ko, magpapatalo ba ako sayo? Syempre, competitive as I am, hindi at ayoko magpatalo.”

“J-jay, di rin naging madali sa akin ang lahat.”

“I know. At hindi naman ako kasing Bitter tulad ng dati na. Tanggap ko na Alfer. Talagang hanggang dun lang tayo. What I meant was that, you tried your hardest to reach out to me earlier, and yet, there I was. Basking in the light of that awkwardness between us two. And I’m so sorry for that. Sorry for not returning your effort.”

“Ayos lang J-jay. Sorry din sa lahat ng nangyari.” Napatungo si Alfer.

“Naaah. Okay na tayo diba? B-balik sa dati. F-friends?” At inabot ko ang mga kamay sa dating katipan.

“F-friends.” Pagtanggap ni Alfer sa aking mga kamay.

“Yooohoooo!” Sabay-sabay silang nagsigawan, at sinugod kami ng yakap at bati.

Masaya ako. Masaya ako at naging okay din ang resulta ng gabing ito.

Kasiyahan. At hindi pait ng kahapon.

Pagkakaibigan. At hindi ang mga masasakit na alaala.

Huling yumakap at bumati sa akin si Yukito.

“Congrats Yoh! Finally. Malaya ka na.” Tinapunan ko siya ng isang nagtatanong na titig. “I-i-I mean, m-malaya ka na at tuluyan ng n-nakapag move-on.” Sa hiya, nakamot ni Yui ang ulo.

Niyakap ko ulit ito. “Salamat Yoh.” Ang saya-saya ko lang.

“Lumipad ka na munting paruparo.” Bulong nito sa aking tenga.

“Hindi ako isang paruparo Yoh.” At kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “Isa akong dahon.” Nginitian ko ito.

“H-ha?” Nalilitong tanong nito.

“Wala. Tagay pa more Yukito!” At kinindatan ko nalang ito.


………


Tatlong araw matapos ang munting reunion ng barkada.

Martes ng hapon. Nasa may gate kami ng school. Naglalakad papunta sa paborito naming stall na nagtitinda ng kwek kwek.

Kakatapos lang namin magpa-enroll ni Yui.

Masaya ako at bumalik na siya sa pagiging estudyante. Makakasama ko na naman ang dakilang bestfriend ng buhay ko.

But I’m afraid, on this fateful day, his role in this romantic flick will be changing. Hihihihi. Teka, pahiram ng linya ni Ted Failon. “You know what I’m saying?” Hahaha!

Hahawakan ko na sana ang kamay ni Yukito, pero iniwas niya ito.

“Hoy! Wag ka nga.” At talagang tinampal pa ako nito sa pisngi ng mahina.

“What?” Ngiti ko sa kanya. Can this man gets any denser than he is? My gad! Ilang araw na akong nagpaparamdam, kaso siya tong hindi nakakakuha ng clue!

“Ehh, baka mamaya nyan, maniwala ako. Paasa ka din pala Yoh no?” Biro niya.

“Hoy! Grabe lang. Ewan ko sayo.” Haaay! Tanga ka nga talaga Yukito! Ewan ko nalang sayo. Sarap hambalusin eh. Hahaha.

Syempre ayoko namang sabihin agad sa kanya no? Ano to? Masaya lang? Eh siya nga, ilang buwan akong tiniis eh. Kaasar! There’s no way na bibigay ako ng ganun ganun na lang!

“Manong, dalawang tig-tatatlong kwek kwek in a stick po…” At inakbayan ko si Yui at nagpose ng pogi sign. “…para sa amin ng boyfriend ko!” Nagulat naman ang tindero pati si Yui sa sinabi ko. “Ang gwapo po namin ano, Manong?”

“Naku Manong! Binobola lang kayo nitong si Jayden para makahirit ng isang libreng kwek kwek sa inyo. Wag nyo pong pansinin.” Grabe! Tanga na nga, pakipot pa. Sus! Maria Clara ang peg.

“Ewan ko sa inyo mga bata kayo, oo!” Sabi ni Manong Kwek Kwek.

Hahaha!Bahala ka Yui. Kahit magkamatay ka na jan, di ako aamin na palihim na kitang nililigawan.

Akala mo nagmomove-on pa rin ako? Matagal na akong tapos hoy!

Pero dahil tanga ka, kawawa ka. Get a clue, Yoh!


………


Isang linggo matapos ang eksenang iyon sa may Kwek Kwek Stall na suki namin ni Yukito. Hunyo na.

Ewan ko kung sadyang pakipot lang si Yui o ano.

Pero seriously, hindi ba talaga siya nakakaramdam sa mga pinapahiwatig ko sa kanya simula pa last week? Grabe!

Pakshet talaga eh! Ayokong umabot ang lahat sa puntong ito. Pero kung hind ko siya makukuha sa santong dasalan, dadaanin ko ang lahat sa santong paspasan!

Unang araw ng klase.

Maaga akong pumasok sa eskwelahan at nagprepara para magawa ang plano ko. Tinext ko si Yoh.

“Yoh, nalimutan ko ang ipod at headphones ko jan sa kwarto mo. Pakidala please. At isuot mo yung headphones pagpasok mo ha?” Text ko sa kanya.

Agad siyang nag reply. “Bakit ko kailangan isuot?”

“Pag sinabi kong isuot mo, isusuot mo, okay? -_-"

“To naman. Galit agad. Yes sir! See you later.”

7:30am. Parehong 9am pa ang unang klase namin. Pero napagkasunduan naming magkita sa school nang maaga. Syempre, para sa plano ko.

Nagmukha tuloy akong stalker na inaantabayan sa dilim ang susunod kong biktima na pumasok sa gate. Ilang minuto pa, na-ispatan ko na siya.  Nihahaha!

Nagmamadali siyang naglalakad na hindi man lang tinitingnan ang dinadaanan. Siguro kampante kasi wala pa masyadong tao sa campus. Iyon na ang panahon para isagawa ang maitim kong binabalak.

Mabilis akong naglakad at sinadyang banggain ito. Nahulog naman ang hinahawakan nitong mga libro at ang headphones na suot nito, at dali-daling pinulot ang mga iyon. Just like when we first met. Pero, baligtad nga lang kami sa pagkakataong iyon.

“Sorry, nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na talaga.” Panggagaya ko sa sinabi nito sa akin nuon. At yumuko na senyales ng paghingi ng tawad sa kanila sa Japan.

Nung nakatayo na ako pabalik, halatang nagulat ito ng ako ang nakita niyang bumangga sa kanya. Nakakunot lang ang noo nito. Nagtataka sa aktwal na pagbabalik-tanaw namin sa una naming pagkikita.

“Hey, ok ka lang ba? Pasensya na talaga dude.” Ginagaya ko talaga hanggang sa abot ng aking makakaya ang lahat para lang maging kapana-panabik ang aming eksena.

“Y-yeah. O-okay lang.” Ewan ko kung nakikiride-on lang sya sa trip ko, o sadyang coincidence lang na pareho din ang sagot niya sa sinagot ko noon sa kanya.

Pinulot ko ang nahulog na headphones na nakasukbit sa kanyang leeg bago ko siya binangga. “Sorry talaga ah? Sayo ba to?” At inabot ko sa kanya iyon. Nakangiti na ang dating nakakunot-noo na si Yukito.

“Malamang. Wala ka naman sigurong headphones nung binangga mo ako, diba?” Sinasakyan nya talaga ang trip ko. Hanep! Kabisadong-kabisado niya ang linya ko noon. Yan pala gusto mo ha? Fine!

“Funny ka pala no? Anyways, I’m Jay Denzel Gonzales. Jayden nalang for short.” Ngumiti at inabot ko ang kamay ko para makipag-kamay. Tulad noon.

“We-wait! Yoh, ano to?” Natatawa na siya. Siguro, nararamdaman niyang nagmumukha na kaming tanga sa ginagawa namin.

Pinandilatan ko siya ng mata. “Umayos ka Yui. Effort na ako dito. Wag mong sayangin.” Natawa naman siya. “Balik tayo.”

Tumango siya. “Okay.”

“Funny ka pala no? Anyways, I’m  Jay Denzel Gonzales. Jayden nalang for short.” Nakalahad ulit ang kamay ko.

Inulit ko ang sinabi ko na siyang sinabi niya rin dati.

“I’m Jayden. And I am…. your boyfriend!” At ginamit at pinalabas ko ang pinakamatamis kong ngiti.

“W-what?” Parang nalugi, na parang najejebs, na parang nagsisimula ng maguho ang mundo niya sa itsura ni Yui, habang nakaawang ng malaki ang bibig. Ang cute lang. “A-ano ba s-sinasabi mo?”

“You heard me.” Nakatulala lang sya na naguguluhan. “Nangangalay na ang kamay ko Yoh.”

“W-what?” Arrrgh! This is enough!

Agad ko siyang hinablot papalapit sa akin. Niyakap ng mahigpit at sinakop ng aking mga labi ang kanyang mga labi.

Sa una’y nanlaki ang mga mata niya sa sobrang pagkabigla, pero kinalaunan ay tumutugon na siya sa halik ko. Ang pinakamasarap na halik na naranasan ko. Even way better than Alfer's. Oooops. Hahahaha!

Kese hodang maraming tao ang nakakakita sa amin, wala akong pakialam! At oo. Mahal na mahal ko ang taong hinahalikan ko ngayon!

“S-seryoso ka ba dito, Y-yoh?” Nanginginig pa rin ang boses ni Yui.

“Hahalikan ba kita kung hindi? Parang ayaw mo ata eh!” Pagdadabog ko. “Pakshet ka Yukito ah! Akala ko ba ako ang nililigawan mo, bakit ang tagal mong maka-gets? Isang linggo na akong nagpapahiwatig sayo.”

“T-t-talaga?” Nagmumukha na siyang kamatis sa itsura niya ngayong namumula.

“Anong talaga? Gusto mo halikan kita ulit, ha?!” Dahan-dahan siyang tumango.

Hinalikan ko agad siya ng buong pagmamahal. Naririnig kong nagpapalakpakan na ang mga tao at mga estudyante sa paligid namin.

Hindi alam ng mga tao na nakapalibot sa amin kung gano ako kahirap na nagpipigil na wag tumuloy sa kung saan man ang halikang iyon.

“M-mahal mo talaga ako Y-Yoh?” Saad ni Yui nang bitawan ko ang mga labi niya

“Enough with the stupidity Yoh! Oo nga, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kitaaa-” At sumigaw pa ako para lang ma-gets talaga niya.

Agad niyang tinakpan ang aking bibig. “Oo na, sinasagot na kita.” Ngiti niya.

“Wow Yoh, ah? Kapal ng mukha mo!” Kurot ko sa tagiliran nito.

“Arekop!” Napasigaw naman siya. “Di bale ng makapal. Mahal mo naman ako eh. And I love you so much more Yoh.” Ngiti sa akin ni Yoh at niyakap ako ulit. Nagpalakpakan naman ulit ang mga nakasaksi sa mga pangyayaring iyon.

Hindi naman talaga ako isang paruparo. Bakit? Maraming rason.

Una, hindi naman talaga ako kasing pangit ng uod para maging isang paruparo. Ayoko kaya maging isang uod.

Pangalawa, ang sabi sa akin ni Yoh noon, espesyal na ako. So that means, hindi ako dumaan sa pagiging isang uod.

At ang pangatlo, yung mga pagbabago sa aking buhay at sarili, hindi ko yun makukuha ng ako-ako lang. Kinailangan ko ang suporta ng mga kaibigan ko, lalo na ang best friend ng buhay ko.

With the reasons stated above, I therefore claim that I am not really a butterfly.

For I am a Leaf.

A special being that doesn’t need to fit in, when I know that I am capable of standing out, through whatever situations I am in. Iyon ang pinaramdam sa akin ng buhay, at ng karanasan ko kasama si Yoh.

Isa akong dahon na pinilit kumapit sa pinanggalingang punong-kahoy dahil sa takot na malagas at mamatay sa oras na bumitiw ako.

Isang dahon na sinubok ng bagyo kung hanggang saan ang kapasidad kong wag bumitiw sa aking puno. Sayang nga lang, at ang punong iyon ay hinayaan lang akong malagas mula sa sanga nito.

Pero di na bale. Sa ngayon, ako na ang dahon na nalagas sa sanga ng punong-kahoy. Pero ang importante ay sinalo naman ako ng hangin para dalhin sa ibang parte ng kagubatan. Para makita pa ang kagandahan ng mundo.

Hinayaan man ako na malaglag ng aking puno, pero nagpapasalamat pa rin ako at nandiriyan ang hangin na walang sawang naririyan sa aking tabi.

Ako, ang dahon.

At si Yui, ang hangin.

Alam kong hindi ako papabayaan ng aking Yoh. Alam kong mamahalin ako nito. Mahal na nga ako nito nung mag bestfriend palang kami, ano pa kaya ngayon?

Life is unfair and the worst bitch the world had ever seen. I know. I’ve been there, and I’ve done that.

Pero kahit anong unos ang ating pinagdadaanan, makakaya nating lagpasan ang lahat ng iyon.

Ang mga taong naririyan sa lahat ng anggulo ng buhay, masaya o malungkot, ang siyang makakasama mo sa panghabang-buhay.

Tulad namin ni Yoh. Through ups and downs, kahit nag-iba ng landas ang isa mula sa isa, at kahit nung iniwan niya ako, naririyan pa rin ang pagmamahal namin para sa isa’t isa.

Si Yui. Ang kapatid at ang bestfriend ko.

Si Yoh. Ang minamahal ko.



- WAKAS -

13 comments:

  1. Pleasedo watch out sa susunod kong serye, The One That Got Away. sana nagustuhan nyo pa rin ang ending. God bless you guys.

    ReplyDelete
  2. Wow nice. Naalala ko dati the title really caught my attention. Mga 20 chapters na nun ng umpishan kong basahin, I had to read those 20 chapters in one sitting because it was that good. Tas medyo naging matumal update hanggang medyo nalimutan ko yung story. But I have to say your writing style is great. I love the ending. Alfer talaga rin ako nung una then eventually si Yui na nung lunod scene. haha I think I never commented sa mga stories mo kasi feeling ko delayed na ako nung inumpisahan ko tong basahin haha Anyway, Im looking forward to your next story. :-D Marvs

    ReplyDelete
  3. Shit! Ang ganda ng story.


    Boholano Blogger

    ReplyDelete
  4. I love the ending. Thanks for the story. God Bless you.

    ReplyDelete
  5. Punyemas! Grabe! Ganda talaga! Kabado p ako na baka c alfer piliin nya.. galing mo author _jm

    ReplyDelete
  6. Jace,

    censya ka na ngayon lang ako post ng comment...... finale pa...

    pero maraming maraming salamat sa napakagandang story mo..

    sinubaybayan ko ito.... hehehe

    abaangan ko next story mo.... patok na naman sure ako...

    joe......

    ReplyDelete
  7. Kinikilig ako!!!! Ang ganda ng ending! ~Ken

    P.S. Aabangan ko na yung susunod!

    ReplyDelete
  8. Nice ending kuya jace..... kyln mo ipost next story mo.....

    Jhay 05

    ReplyDelete
  9. Jace humanda ka.. bakit mo tinapos humanda ka pag.nagkasalubong tayo sa univ hahaha.. di joke lang :D

    Wtf wahhhhh.. gikilig ko dahhh.. chadaa bayy.. :D

    Big Bang of applause jace ��������


    -geologzjames/geologystud

    ReplyDelete
  10. Ang galing.. 2 thumbs up. Keep up mr. Author. Abangan ko yung sunod mo.

    -tyler

    ReplyDelete
  11. waaaaah! ang ganda ng ending kuya Jace. akala ko pa naman di aayon sa gusto ng karamihan ang magiging ending ng mag-Yoh. napapaihi ako sa sobrang kilig sa ending nito. haah. Aabangan po namin ang kasunod Kuya Jace, ako at sampu ng mga taga-hanga mo. thanks for sharing such a wonderful story! God bless you kuya Jace. :)

    ReplyDelete
  12. Kinikilig ako kay Yui palagi lagi. Hahaha. Kakatapos ko lang basahin to simula lahapon. Ang gandaaaaa. Naiinis ako kay Alfer masyadong mataas yung ego. Sarap sapakin. Haha. Wala manlang nangyare kay Yui at Jayden. Hahaha. Gandaaaaa story neto. :) wala kana bang sinulat na story pa kuyang author? Have a nice day.


    -yeahitsjm

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung The John LLoyd Diary po. hehehe. sana suportahan din nyo yon. :)
      - Jace

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails