Followers

Monday, October 27, 2014

Starfish [Chapter 17]

 
 
 
Starfish [Chapter 17]
 
 
 
by: crayon
 
 
 
 
 
 
 

****Lui****
 
 
 
 
 
 
 
3:00 am, Thursday
September 21
 
 
 
 
 
 
He was sound asleep on his side of the bed while I still lie naked and troubled about what just happened. My head is spinning, ramdom thoughts crossing my head, mostly unhappy thoughts. I feel a straining press on my chest, even breathing is a struggle. I only get comfort when I let myself cry in silent. I wanted to sob and cry like a kid but I don't want to wake him up. I don't want him to see me crying. I don't want him to know how affected i was. I don't want him to see me like this, so weak and fragile. I don't want him to see me hurt. I don't want him to know that I love him and that what he did tore me to a gazilion pieces.
 
 
 
Fool? Pathetic? Dumb? I think those are understatements. I can't even find the exact word to describe how i feel right now. I have never felt this worthless, not even when Kyle dumped me or when my parents treat me like a toy soldier.
 
 
 
 
I remember him locking me down as he forcefully enter me from behind. I refused and tried to push him away. Or at least half-heartedly refused and tried to stop him from what he wants to do. But i know then and there that it was just for show, a fruitless attempt to stop him. My heart and mind are in contrast. Part of me wants to ease his pain by surrendering myself, the other half keeps on reminding me to keep a little pride for myself.  I know that it will do me no good to agree or to indulge with what he wants. He was simply drunk and high last night that's why he wants to have sex with me. He's still mad at me for lying that i'm going to help him win Kyle back. He didn't talk to me for weeks because of that. I just ignore him hoping that he'll get over it. Of course I've tried to talk to him now and then but he will just swat me away like a fly.
 
 
 
After that night where we watched Brokeback Mountain, Renz changed drastically. He went back on making his life miserable. He only smiles when Kyle is around, he even fakes his laugh so that Kyle would not notice anything amiss.  I felt guilty as I saw him turn his life from bad to worse, probably same kind of guilt Kyle felt when he chose Aki over Renz.
 
 
 
I can't help but wonder if he had planned this all along to get back at me, to make me pay for what i did to him. What have I done anyway? Was it really that offending? Was he hurt? Or was it just his ego and pride making him want to revenge? I admit that I am at fault but does it merit this kind of treatment from Renz? That he had to rape me?
 
 
 
Rape. The word struck me like lightning. Tears started to fall again. I wanted to make my eyes stop but whenever I try I feel like I'm stopping my heart from beating. Maybe I just have to let myself cry because there's so much pain. I feel a hollow part inside me, like something has been taken away from me and I know that I can't have it back anymore. I don't know if i'm more sorry for my lost 'virginity' or my broken heart. I just really feel awful, i just want to stop feeling anything.
 
 
 
Am I overreacting? I can't help but ask myself that question. How am I suppose to act anyway? It's not everyday that a guy, who went to the gym thrice a week, gets raped. I don't know how or what I should feel. I had to take another deep breath.
 
 
 
I made the mistake of looking at Renz's side.  I started to cry more. Damn it! Damn you Renz! Damn me for loving you! I wanted to throw all the blame at him. I want to hit him. I want to get on top of him and get even. But my body won't move.
 
 
 
"I like you.", I remembered him whispering those three words while i'm struggling to get free from his embrace. Three words and i lose all my defenses. Three words and I traded all that I have just to make those words seem real. Three words and I knew that i had badly fell in love with him. Three words that fuel my tears now. Three words that made up the biggest lie in my life. Three words that i will never forget but wished i never heard.
 
 
 
Ang galing ko magpayo kay Kyle tungkol sa relasyon nila ni Aki pero sarili ko nga hindi ko maayos. Para akong tangang napangiti habang patuloy na umiiyak dahil sa aking naiisip. Muli kong sinulyapan ang nahihimbing na si Renz. Masakit, oo, pero may mas lalala pa ba sa nangyari kanina? Wala naman nang mawawala sa akin kaya hinayaan ko na lang ang aking mata na pagmasdan siya habang walang patid ang tulo ng aking mga luha.
 
 
 
Gusto ko nang matulog at umasang paggising ko ay magagawa kong kalimutan ang mga nangyari. Alam kong imposible pero wala naman sigurong masama sa umasa.
 
 
 
 
"Tanga ka talaga no?! anung walang masama sa umasa?! wala ka bang natutunan sa nangyari sa'yo?!?", bulong ng kontrabidang tinig sa aking isip. Mula kanina ay ngayon ko lang muling narinig ang aking konsensya.
 
 
 
May punto nga naman siya. Hindi pa ba ako nadala sa mga nangyari? Katangahan ba ang umasa? Mali ba ang umasa? O baka hindi lang siya applicable sa pag-ibig. Hindi ko alam ang sagot at wala din akong pakialam kung malaman ko man ito. Aanhin ko pa iyon kung hindi ko naman na maibabalik ang nawala na sa akin.
 
 
 
"Pwede bang ibalik mo sa akin yung mga kinuha mo?", bulong ko sa natutulog na si Renz. "O kaya kahit yung puso ko na lang.", dagdag ko pa.
 
 
 
Naiinis ako dahil hindi nananaig sa akin ng mga sandaling iyon ang galit. Hindi ba dapat napopoot ako sa aking katabi dahil sa kanyang ginawa? Nakakaramdam ako ng inis pero hindi sapat para makalimutan kong mahal ko siya. Mas lamang yung sakit dahil sa pakiramdam ko ay game over na para sa akin yung nararamdaman ko kay Renz.
 
 
 
"I like you Kyle.... I like you Kyle... I love you...."
 
 
 
Parang kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa aking dibdib ang mga salitang iyon kanina. Habang nagpapakaligaya siya sa paggamit ng aking likuran ay ibang tao ang kanyang iniisip at hindi siya nahihiyang iparinig sa akin ang pangalan ng taong kanyang ini-imagine na katalik. Mabuti pa nga ata yung ibang hinalay kasi sila ginahasa dahil nakursunadahan talaga sila. Eh ako? Para lang akong fleshlight na ginamit para makaraos habang pinapantasya ang kanyang crush.
 
 
 
Lalong lumiit ang tingin ko sa aking sarili. Lalo lang akong naawa sa aking kalagayan.
 
 
 
"Sana sinapak mo na lang ako kung galit ka sa akin. Sana minura mo na lang ako sa tuwing nakikita mo ko para mabawasan yung inis mo sa akin. Sana ipinakulong mo na lang ako kung sobra talaga yung nagawa kong kasalanan. Sana...", medyo humihikbi ko nang bulong kay Renz.
 
 
 
"Sana hindi na lang kita nagustuhan. Sana hindi na lang nagkrus yung landas natin." Marami pa sana akong gustong sabihin pero tumigil na ako dahil lumalakas lang yung paghikbi ko. Gusto kong mawala yung bigat sa dibdib ko.
Ilang oras pa akong umiyak. Kung anu-anong masasakit na bagay pa ang pumasok sa isip ko bago ako tuluyang nakatulog. Kung tulog mang matatawag ang ginawa ko. Kahit kasi sa pagpikit ng aking mata ay si Renz pa din ang laman ng panaginip ko. At hindi iyon nakatulong para kahit sandali ay makalimutan ko yung mga nangyari.
 
 
 
 
 
 

**********************************************************************************
 
 
 
 
 
 
 
Maaga ako nagising kasi hindi rin naman ako napayapa sa aking pagtulog. Pagtingin ko sa aking cellphone ay maga-alas sais pa lamang. Pinasya kong maligo at magbihis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero gusto ko muna umalis kahit sandali. Habang nagbibihis ay noon ko lamang naalala na wala na nga pala sa aking yung relo ko. Isusuot ko sana ito para matantya ko ang oras, hindi ko na kasi nagawang magcharge pa ng cellphone kagabi at pa-lowbatt na ako. Bahala na, magtatanong na lang ako ng oras sa kung sinumang makasalubong ko mamaya. Nag-iwan lamang ako ng note para kay Kyle. Mukhang tulog pa kasi ito ng mga sandaling iyon.
 
 
 
Palabas na sana ako ng pinto ng may bigalng tumawag sa aking pangalan.
 
 
 
"Kuyang may balbas! Saan ka pupunta ha?", masungit na bati sa akin ni Andrei na pupungas-pungas na lumalabas ng kwarto ni Kyle.
 
 
 
"Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko.", palusot ko sa bata dahil hindi ko pa din naman talaga alam kung saan ako patungo. Agad naman itong lumapit sa aking at napakarga sa akin para halikan ako sa pisngi na lagi na nitong ginagawa simula nang magkasundo kami.
 
 
 
"Sama ako.", hiling nito.
 
 
 
"Hindi pwede.", malungkot kong sabi. " Hindi ka pa nga kumakain eh."
 
 
 
"Hindi aman ako anggugutom eh.", sagot nito.
 
 
 
"Eh amoy tulo laway ka pa", biro ko ditto
 
 
 
"Hindi ako magpapa-amoy sa mga kaibigan mo para hindi nila mayaman.", pangungulit nito.
 
 
 
 
"Hindi talaga pwede, bawal kasi bata dun sa pupuntahan namin."
 
 
 
"Ayaw ko maiwan dito. Ang lasing na naman si Kuya Renz eh.", malungkot na sabi ni Andrei. Labis naman akong nahabag sa bata dahil mukhang nagkaka-phobia na ito kay Renz lalo na kapag umuuwi ito ng lasing.
 
 
 
"Andyan naman si Kuya Kyle eh. Dun na lang kayo maglaro ng ate mo sa kwarto mo para hindi nyo makita si R-renz.", tila may malaking batong nakabara sa aking lalamunan at hindi ko magawang banggitin ang pangalan ni Renz.
 
 
 
"Ang iiyak ka ba? Niaway ka ba nya? nayiyinig kita kagabi eh.", malungkot na tanong ng bata habang mahigpit na nakayakap sa aking leeg na tila pinapagaan ang aking loob. Sa isang iglap ay bumalik ang lahat ng sakit, parang gusto ko na naman na magngangawa dahil sa tanong ni Andrei.
 
 
 
"Hi-hindi bunso. O-okay lang ako.", medyo may hikbi kong sabi kay Andrei habang dali-dali kong pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa aking mata para hindi makita ng batang nakasubsob ang ulo sa aking leeg.
 
 
 
"Sabihin mo kapag niaway ka nya ah? Ang susuntok ko sya!", matigas na sabi ni Andrei.
 
 
 
"Di ba sabi ko sayo bad yung nanununtok?", pangaral ko sa bata. Hindi naman ata maganda na turuan ko itong magtanim ng galit at isali pa sa gulo namin ni Renz.
 
 
 
"Ang tatago ko na lang yung sapatos niya para di nya na magamit. Tingnan mo di na yun makakainom.", mayabang na suhestyon ng tanging kakampi ko ng mga sandaling iyon.
 
 
 
"Bahala ka, sige na dun ka na muna sa kwarto ng Kuya Kyle mo o gusto mong pagluto muna kita ng pagkain?", tanong ko rito habang binababa ko siya mula sa aking pagkakabuhat.
 
 
 
"Wag na, alis ka na. Manunuod na lang ako ng tv sa kwarto ni Kuya Kyle.", sabi nito saka nagtatatakbong bumalik sa kwarto nila ni Kyle.  "Ba-bye Kuya! Close mo yung door ha?", bilin nito bago tuluyang sinara ang pinto ng kwarto ni Kyle. Napangiti na lamang ako sa munting anghel namin sa bahay.
 
 
 
 
 
 

**********************************************************************************
 
 
 
 
 
 
 

Hindi na ako nagdala pa ng sasakyan dahil wala ako sa wisyo para mag-drive sa halip ay sumakay na lamang ako ng jeep patungong EDSA. Nakarating ako sa Makati, sa Ayala Triangle. Pinasya kong maupo sa isa sa mga benches roon at pinanuod ko ang mangilan-ngilan pang taong naglalakad sa parke. Hindi na ako nagabala pang mag-almusal dahil wala din naman akong gana na kumain. Sa halip ay bumili lamang ako ng taho sa tinderong nadaanan ko kanina.
 
 
 
Ano nang gagawin ko ngayon? Iyon ang malaki kong tanong sa aking sarili. Matapos ang nangyari sa amin ni Renz ay tila naging napakasikip ng bahay ni Kyle para sa amin. Hindi ko alam kung paano ang gagwin kong pag-iwas sa kanya na hindi nakakahalata si Kyle. Nakikitira na nga lang ako sa kanya, ayaw ko naman na maging sakit pa ako sa ulo. Hindi ko na dapat siyang bigyan pa ng problema.
 
 
 
Kung bumalik na lang kaya ako sa amin? Hanggang ngayon ay wala pa akong trabaho at hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng trabaho. Paubos na din talaga ang pera ko. Kalaunan ay aasa na ako kay Kyle sa lahat ng pangangailangan ko. Pakiramdam ko ay napaka-inutil ko na kapag nangyari iyon. 
 
 
 
Kailangan ko din talagang lumayo na kay Renz. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Gusto ko siyang makalimutan. Gusto kong ibalik ang sarili  ko sa dati. Yung hindi ko kinakaawaan ang sarili ko, yung hindi ako nanliliit, yung may tiwala ako sa sarili ko at may dignidad pang pinanghahawakan.
 
 
 
Susuko na ba ako? Ni hindi man lang tumagal ng isang taon ang ginawa kong paglalayas. Tiyak na tatawanan lang ako ng aking mga magulang kapag umuwi agad ako sa amin. Pero ano bang pagpipilian ko? Wala na akong ibang matatakbuhan. Sino pa bang maaring kong lapitan at hingan ng tulong?
 
 
 
Napatingala na lamang ako sa dami ng tanong na bumabagabag sa akin. Hindi ako nasilaw sa araw dahil sa lilim na hatid ng mga dahon mula sa punong malapit sa bench. Ilang bagyo na kaya ang dumaan sa buhay ng punong ito? Ilang beses na kaya siyang sinubukang padapain ng hangin? Gaano karaming nakakalasong usok na kaya ang sumubok na pumatay sa kanya? Sana ay singtatag ako ng punong ito. Sana kayanin kong tumayo sa kabila ng dami ng problemang kinakaharap ko.
 
 
 
"Mas gwapo ka kapag ganyang seryoso at payapa lang ang mukha mo. Ang asim mo tingnan sa tuwing nagsusungit ka eh.", masayang bati ng isang babaeng boses mula sa aking kanan. Walang paalam itong umupo sa aking tabi.
Minasdan ko itong maigi dahil medyo namumukhaan ko ito. Tila nililok ng isang bihasang iskultor ang mukha ng dalaga. Matangos ang ilong, nangungusap ang mata, mahaba at kaakit-akit ang kanyang mga pilikmata, ang kanyang mapupula at maninipis na labi ay nakaporma sa isang ngiti. Simple lamang ang pagkakaayos niya, walang make up at nakapusod lamang sa likod ang buhok. Nakasuot lang siya ng t-shirt at jogging pants. Mukhang tumatakbo siya rito sa park na ito tuwing umaga.
 
 
 
"Kamusta ka na?", nakangiti nitong tanong. Tuluyan namang nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko naman siya kilala.
 
 
 
"Do I know you?", taka kong tanong sa aking katabi. Agad naman ako nitong pinukpok ng hawak na mineral bottle sa ulo. Napakamot na lang ako sa parte ng ulo ko na yumupi sa boteng hawak niya.
 
 
 
"Tadyakan kaya kita! Matapos mo akong sungitan nung date natin, tatanungin mo ko kung kilala mo ko?", mataray niyang sagot.
 
 
 
"I've dated many girls miss, I don't recall you being one of them.", maangas kong sabi sa katabi ko dahil nagfi-feeling close na ito. Nagawa pa akong hampasin ng bote sa ulo.
 
 
 
"Kaya pala hinahanap ka pa ng parents mo ng proper date?", natatawang pamababara nito. Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabi niya. Shit! naka-date ko nga yata talaga ang isang ito ah.
 
 
 
"Oh ano? Di ka makasagot no!?", aliw nitong pambubuyo sa akin.
 
 
 
"Sino ka ba kasi?", naiinis ko ng tanong dahil sa dami ng aking iniisip ay hindi ko maalog sa utak ko ang pangalan ng aking kaharap.
 
 
 
"Jane Dizon. You're bride-to-be.", higit lalong lumapad ang pagkakangiti nito sa akin.
 
 
 
"You wish.", maiksi kong tugon. Sa totoo lang ay nagulat ako sa sinabi nito. Ang babae kasing nakadate noon ay sopistikada at halatang anak mayaman, makapal ang suot na make up, at masyadong flirt ang dating. Ang kausap ko ngayon ay simple lang, as in simple. Parang tomboyin pa nga eh. Pero habang pinagmamasadan ko siya ay saka ko nakikita ang resemblance. Muli akong pinukpok nito ng bote sa ulo dahil sa aking sagot.
 
 
 
"Ang kapal ng mukha mo, feeling  mo talaga gustong-gusto ko makasal sa'yo no? Gwapong-gwapo ka sa sarili mo no?", reklamo nito sa akin.
 
 
 
"Bakit hindi ba?", maangas kong sagot. Nakita ko namang bahagya siyang natigilan sa aking sinabi. Marahil ay nahipnotismo na siya ng aking kakisigan.
 
 
 
"Mas gwapo yung aso ko sayo no!", hirit pa nito.
 
 
 
"Talaga lang ha?", duda kong sagot.
 
 
 
"Oo! Saka bakit ka ba bigla na lang nawala ha? Alam mo namang abnormal yung mga magulang natin eh tapos iiwan mo kong mag-isa sa kanila? Kung iniisip mo na tinigil nila yung engagement dahil naglayas ka, nagkakamali ka. Masyadong confident ang parents mo na uuwi ka din sa kanila kaya hayun ako ang naiwang makinig sa mga plano nila para sa engagement party natin. Anyway, pupunta ka ba?", usisa niya. Namangha naman ako sa mahaba at tuloy-tuloy niyang pagsasalita. Gusto ko sanang itanong kung kapatid niya si Gloc 9  pero tumahimik na lang ako dahil baka hatawin na naman ako nito ng bote sa ulo. Sa halip ay binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon at nagpanggap na lang na walang kasama. Masyado na akong maraming iniisip ngayon. Ayaw kong dumagdag pa ang isang ito sa mga aalalahanin ko.
 
 
 
"Bakla ka ba?", walang anu-ano nitong tanong sa akin ng hindi ako magsalita. "Kung bakla ka sabihin mo lang, alam ko namang mahirap sayo  ang makasal sa babae kung lalaki din pala ang gusto mo. Don't worry hindi naman kita huhusgahan, madami akong mga pink friends.", dagdag pa nito. Tingnan ko lamang siya ng masama at hindi na nagsalita.
 
 
 
"Hmmm, may iba ka na bang mahal? Siya ba ang gusto mong pakasalan? Baka pwede mo nang buntisin para hindi na matuloy yung kasal natin.", sa pagkakasabi niya noon ay napagtanto kong hindi lang ako ang may ayaw sa arranged marriage na ito.
 
 
 
"Ano bang problema mo at ako ang ginugulo mo ha?", nayayamot kong sabi kay Jane.
 
 
 
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina eh? May patingin-tingin ka pa sa langit. Naisip ko baka malapit ka na mag-suicide kaya naawa ako, kinausap na kita.", natatawa nitong sabi sa akin.
 
 
 
"I really think you need some medical attention. You need it more than I do.", pambabara ko saka walang paalam na iniwan ang babae sa bench. Kapag minamalas ka nga naman, gusto mong makapagmunimuni pero panay ang sulpot ng mga mamemerwisyo sayo.
 
 
 
"Alam mo napakapikon mo. Binibiro lang naman kita eh.", tawag sa akin ni Jane habang pilit na sumasabay sa aking paglalakad.
 
 
 
"Tara mag-breakfast muna tayo. Huwag ka mag-alala hindi na kita iinisin.", imbita niya sa akin.
 
 
 
"There's no way I'm going on another date with you.", maasim kong sabi.
 
 
 
"Very much conceited, huh? This is not a date! We'll just have breakfast that's all.", pamimilit ni Jane.
 
 
 
"NO."
 
 
 
"My treat! Anything you want.", suhol niya.
 
 
 
"No, and I can pay for my breakfast if I want to eat."
 
 
 
"Fine. Maybe I'll just call your  mom and tell them where you are.", pananakot niya. Sa sinabi niyang iyon ay napatigil ako sa paglalakad at binigyan ang aking kausap ng isang nagbabantang tingin.
 
 
 
"What part of the word 'NO' is so hard for you to understand?"
 
 
 
"Why do you have to be so difficult Mr. Lucas Willard Salviejo?", ganting tanong ni Jane.
 
 
 
"Are you a lackwitt or what? Don't you get it? Ayaw kitang kasama.", prangka kong sagot.
 
 
 
"I know that. We're clear on that, crystal. Kaya nga gusto kita kasama eh, nabubuwisit ka kasi sakin.", nakangisi nitong sagot. Sa huli ay ako ang sumuko sa kaabnormalan ng kausap ko. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi ito pinansin.
 
 
 
"Hello Tita good morning!", malakas na sabi ni Jane. Nang lingunin ko ito ay nakadikit ang tenga nito sa tangang cellphone. Agad ko namang hinablot ang hawak niyang cellphone at ibinaba ang tawag. Hindi ko akalaing seseryosohin nito ang pagtawag sa aking magulang. Alam ko naman na kahit sabihin niya sa magulang ko na nagkita kami sa Makati ay hindi ako madaling matutnton ng mga ito. Pero ayaw ko pa rin na magka-ideya ang mga ito sa kinaroroonan ko. Mahirap na.
 
 
 
"You're such a bratt. Let's go and be done with this damn breakfast.", isang tagumpay na ngiti ang isinukli sa akin ni Jane saka ako inakay patungo sa aming kakainan.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

****Renz****
 
 
 
 
 
 
 
 
10:07 am, Thursday
September 21
 
 
 
 
 
 
 

Pilit kong kinukulong ang aking sarili sa makapal na comforter ng aking kama. Giniginaw ako at gusto ko nang patayin ang aircon pero tinatamad akong tumayo para gawin iyon. Sino ba kasi ang nagbaba ng temp ng aircon?
Wait. Hindi ata dahil sa aircon kaya ako giniginaw. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, saka ko nakumpirma na wala akong suot na damit. Mabilis kong idinilat ang aking mata at sinilip ang aking kahubdan para siguruhing tama ang aking hinala.
 
 
 
 
Sabay ng paggising ng aking diwa ay ang pagsakit ng ulo ko at iba pang parte ng aking katawan. Kumikirot ang ilang bahagi ng aking mukha hanggang sa bandang tyan ko. Anu na naman ba ang nangyari sa akin kagabi?
 
 
 
Pilit kong inalala ang mga kaganapan ng nagdaang gabi. Natatandaaan kong lumabas ako para uminom. NakIta ko ang ilan kong bagong kabarkada at inalok ako ng mga ito Ecstasy sa murang halaga. Sa ganda ng offer ay napa-oo agad ako sa kaibigan kong nagbebenta sa akin kahit na wala naman talaga akong perang pamabayd. Ang gusto ko ay mairaos lang basta ang paglalaway ko sa naturang droga. Nang oras na ng bayaran ay wala akong mailabas na pera. Nagulat na lamang ako ng mag-iba ang timpla ng mood ng aking mga kasama. Literal nila akong kinaladkad palabas ng bar at isinikay sa kotse ko na ibinenta ko sa kanila. dinala nila ako isang madilim na bahagi ng BGC. Kasalukuyan pang ginagawa ang building sa tapat ng kinakaparadahan ng kotse kaya wala gaanong tao sa lugar na iyon. Hinila nila ako palabas ng sasakyan at pilit na kinapkapan para tingnan kung may naitatabi pa akong pera. Tanging limang daang piso lang ang nakuha nila sa akin. Sa inis siguro nila ay pinagtulungan nila akong bugbugin. Hindi na ako nakalaban pa dahil sa dami nila at sa pagka-high ko na rin sa droga.
 
 
 
Natatandaan ko na dumating si Lui at kinausap ang mga kaibigan ko. Hindi ko na gaanong maalala ang naging takbo ng kanilang usapan dahil sa iniinda kong sakit ng katawan. Basta kapag tapos silang kausapin ni Lui ay umalis na ang mga ito.
 
 
 
Ang sumunod na eksenang pumasok sa aking isip ay nasa kwarto na ako. Alam kong katabi ko si Lui ng nagdaang gabi pero hindi ko maalala kung bakit nawalan ako ng suot na damit. Siguro ay pinunasan na naman ni Lui ang buo kong katawan tulad ng lagi niyang ginagawa kapag umuuwi akong lango sa alak.
 
 
 
Hindi na ako nag-abala pang alalahanin ang iba pang detalye dahil hindi ko naman siya patatawarin sa mga nagawa niya sa akin kahit na sabihin pang iniligtas niya ako sa pambubugbog ng mga kasama ko kahapon. Sa halip ay inipon ko ang aking lakas at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. Nakakaramdam ako ng matinding gutom at gusto kong tingnan kung may makakain sa ref.
 
 
 
Paglabas ko sa kwarto ay dinatnan ko sila Kyle at ang mga bata sa harap ng TV. Nagtatawanan ang mga ito habang nanunuod. Natigil lamang ang kanilang kasiyahan ng mapansing gising na ako.
 
 
 
"Good morning!", masaya kong bati kay Kyle na nakagawian ko ng gawin sa tuwing aabutan ko siya sa bahay. "Wala kang pasok?", tanong ko rito, medyo tanghali na kasi pero nakasuot pa din siya ng pambahay.
 
 
 
"What the hell have you done this time Renz Angelo Razon?", halong galit at pag-aalala ang naulinigan ko sa boses ni Kyle. Agad pumasok sa isip ko si Lui. Bwisit talaga ang isang iyon. Mukhang nakapagsumbong na siya kay Kyle sa ginawa ko kagabi.
 
 
 
"What? Nothing.", maang-maangan ko. Hindi ako magpapahuli kay Kyle. Mas gusto kong pagmukhaing sinungaling na lang si Lui kesa malaman ni Kyle ang kahiya-hiyang inabot ko kagabi sa bar.
 
 
 
"Tell that to your face.", galit na sabi nito. Ano bang meron sa mukha ko? Pasa! Bulong ng aking isip. Shit! Malamang sa puno ng pasa ang mukha ko kaya ganoon na lang ang reaksyon ni Kyle. At least he still care about me. "Kids, dun muna kayo sa kwarto mag-uusap lang kami ni Kuyang lasing slash basagulero.", turan ni Kyle sa mga bata na nakikinig sa aming pag-uusap. Mukhang aani ako ngayong umaga ng full blow na sermon mula sa aking bestfriend at kinailangan pa niyang papasukin ang mga bata sa kwarto. Agad namang sumunod sila Andrei at Sandy sa utos ni Kyle.
 
 
 
"Don't mind the bruises. It doesn't hurt anyway.", pagsisinungaling ko. Ayaw kong palakihin pa ang issue. Napapansin ko na din kasi na nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagsita sa akin ni Kyle. Lagi niyang inaalam ang mga ginagawa ko, pinupuntahan ko, sino ang kasama ko at kung anu-ano pang bagay na hindi naman niya dating inuusisa. Marahil ay sinusulsulan siya ng kanyang kaibigang may pitong sungay. Epal talaga ang isang iyon kahit na kalian.
 
 
 
"Are you nuts? You're face looks like shit! What did you do this time to earn a good beating?", sa tanong na iyon ni Kyle ay hindi ko na sigurado kung concerned nga ba siya sa akin o kung gusto niya lang malaman ang mga pinaggagagawa ko.
 
 
 
"Kyle please! Just for five minutes, can you stop acting like my mom?!", sarkastiko kong sagot. Wala ako sa mood para makinig ng mga pangaral kahit na mula pa ito sa pinakamamahal kong bestfriend. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Kyle at hindi agad nakasagot. Sa sandaling pagkabigla ni Kyle ay dumiretso na ako sa ref at kumuha ng unang pagkaing nakita ko at bumalik sa aking kwarto.
 
 
 
"Renz!", malakas na tawag ni Kyle pero nakasarado na ang pinto ng kwarto ko. "We're not yet done! Open this damn door!", rining kong hiyaw niya habang kinakalabog ang pinto. Hindi na lang ako sumagot at hinayaan na lang siyang magsisigaw sa labas. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko kung ngayon ko kakausapin si Kyle. Ibinaling ko na lang ang aking pansin sa nadampot kong pagkain.
 
 
 
Anak ng tokwa! sa dinamirami ng pagkain sa ref, mansanas pa  ang nadampot ko. Hindi mapapawi ang gutom ko dito. Ayaw ko namang lumabas uli para kumuha pa ng ibang pagkain dahil tiyak na uulanin na naman ako ng inis ni Kyle. Pagtyatyagaan ko na lamang ang mansanas, pwede na din naman itong pantawid gutom. Kumagat ako sa mansanas saka inayos ang comforter ng kama. Masyado kasing magulo. Nang iangat ko ito ay agad naman akong natigilan.
 
 
 
Dugo? Bakit may dugo? Hindi naman ako nireregla at lalong wala naman akong almoranas. Baka si Lui, meron. Pero parang imposibe. Para namang isang CCTV footage na nag-play sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko maalala kanina lang.
 
 
 
Ang paghalik ko sa leeg ni Lui. Ang pagbulong ng mga katagang 'I like you'. Ang pag-uutos ko sa kanyang dumapa. ang pagpupumiglas niya habang marahas akong dumagan sa kanyang likuran. Ang walang seremonya kong pag-angkin sa kanyang likuran. Ang paulit-ulit na pagtawag ko sa pangalan ni Kyle habang binababoy ko ang kasama ko sa kwarto.
 
 
 
Wala sa sariling nabitawan ko ang kinakain kong mansanas. Nanghina ang aking mga tuhod at napasalampak ako sa sahig ng aking kwarto. Rinig ko sa labas ang patuloy na pagtawag sa akin ni Kyle pero parang may bulak na nakabara sa aking tenga. Mas malakas ang tunog ng kabog ng aking dibdib kesa sa mga sigaw ni Kyle. Parang isang mantsa na naiwan sa aking mata ang mapulang bahagi ng kama na may dugo ni Lui. Parang isang sumpa na nararamdaman kong muli sa aking katawan ang pagpupumiglas niya habang nakadagan ako sa kanya. Maging ang braso ko ay ramdam muli ang nakapangingilabot na pag-agos ng luha ni Lui habang pilit kong tinatakpan ang kanyang bibig para hindi siya makagawa ng ingay. Unti-unting pinipiga ang aking dibdib, habang naaalala ko ang mga nangyari ay lalong bumibigat ang aking pakiramdam hanggang sa mahirapan na akong huminga.
 
 
 
 
Rapist.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

****Kyle****
 
 
 
 
 

10:58 am, Thurday
September 21
 
 
 
 
 
 
 

Nangawit na ang braso ko sa kakakatok sa pinto at nanakit na rin ang lalamunan ko sa kakasigaw pero hindi binuksan ni Renz ang pintuan. Nagulat ako ng bigla na lang nya ako sinagot kanina ng pabalang na para bang walang kwenta ang mga bagay na sinasabi ko sa kanya. Hindi nya iyon dating ginagawa sa akin. Kung sabagay napakarami naman nang mga bagay ang hindi niya ginagawa dati na hindi niya na maalis sa sistema nya ngayon.
 
 
 
Magkahalong inis at pag-aalala ang naramdaman ko kanina ng makita ko ang pasa-pasang mukha ng aking matalik na kaibigan. Minabuti kong papasukin na muna ang mga bata sa kwarto dahil tiyak na mahabang argumento ang mangyayari sa pagitan namin ni Renz. Pero mali ang aking akala. Mukhang may sapi pa ng espiritu ng alak si Renz dahil wala ito sa mood na pakinggan ang aking mga sasabihin. Naiwan tuloy ako ngayong nag-iisip at nanghuhula kung ano ang nangyari sa kanya kagabi. Sa ilang beses na nakipag-away si Renz sa mga bar na pinupuntahan niya ay bihira lamang siyang madehado. Sa pagkakataong ito ay malinaw na siya ang talunan sa away na pinasok niya. Para ngang pinagtulungan pa siya kung ibabase ko lang sa pinsalang inabot niya sa mukha.
 
 
 
 
Malapit na. Malapit na talaga akong sumuko sa aking kaibigan. Pakiramdam ko ay kahit anong gawin o sabihin ko sa kanya ay hindi ko siya mapapatino. Kabaligtaran pa nga ata ang nangyayari parang lalo pa siyang lumalala. Nung minsang pag-awayan namin siya ni Aki ay nagpakita siya ng senyales na baka magbabagong buhay na talaga siya pero wala pang isang linggo ay balik na namn siya sa dati niyang gawain. Maging ang mga bata ay napagbubuntunan na niya ng kanyang inis. Ang hindi ko lang maintindihan ay parang si Lui lamang maliban sa akin ang hindi niya binabalingan ng kanyang galit. O baka hindi ko lang siya inaabutan na sinisinghalan din si Lui?
 
 
 
Ngunit kapansin-pansin din ang hindi pagpapansinan ng dalawa. Alam kong hindi sila magkasundo mula pa lang nung una siyang dumating dito sa bahay pero kahit na ganoon ay nagpapansinan sila. Kahit na madalas ay pang-aasar ang ginagawa nila sa isa't-isa. Ngayon ay kahit ang alaskahan ay wala na. Para bang hindi nila nakikita ang isa't-isa. Naguguluhan man ay hindi ko naman magawang magtanong kay Lui o Renz dahil baka mali lamang ang aking akala. Baka naman nagiging OA lang ang aking obserbasyon sa dalawa.
 
 
 
Hayyyyy. May pagkawirdo din talaga ang mga nagiging bestfriends ko. Pinasya kong mag-yosi na lang muna sa veranda habang nag-iisip. Nitong mga nakaraang araw kasi ay labis na akong nai-stress kay Renz. Namomroblema ako sa kanya dahil labis na ang aking pag-aalala sa kanyang mga ginagawa. Ngayon ko naiintindihan kung bakit minsang tinangka ng ina ni Renz na ipadala ito sa rehab. Hindi ko inakala nung una na ganito na pala kamiserable ang ginagawa niya sa kanyang sarili.
 
 
 
Sa sobrang pag-aalala ko ay daig ko pa ang isang bungangerang asawa sa paguusisa sa mga ginagawa, pinupuntahan at kinakasama ni Renz sa kanyang bawat lakad. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya mailalayo sa maling landas na kanyang tinatahak. Hindi naman ako pwedeng tumigil na lang sa trabaho at siya na lang ang atupagin ko. Isa pa ay magiging malaking issue yun kay Aki kapag nagkataon.
 
 
 
Hiningi ko na rin ang tulong ni Lui pero mukhang lalo lamang naging maasim ang relasyon nilang dalawa ni Renz. Wala na akong ibang matakbuhan para hingan ng tulong. Hopeless case na ba ang kaibigan ko? Ayaw kong isipin na ganoon na ang kaso ni Renz dahil labis ang guilt na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko kung bakit siya nagkakaganyan.
 
 
 
"I'm afraid that you're hair would turn white before mine does. What's with the so serious face? Are you trying to figure out how to extinguish all the evil in the world?", nakangiting pahayag ng aking nobyo na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. May sarili naman kasi itong susi kaya malaya siyang nakakalabas masok ng aking condo. Napangiti na lang ako sa pagbati niya sa aking malalim na pag-iisip. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.
 
 
 
"No, it's nothing.", pagkukubli ko sa mga bagay na tumatakbo sa aking utak.
 
 
 
"Or are you thinking of how you're going  to take the evil out of your bestfriend?", tumatawa niyang dugtong. Hindi ko naman alam kung paano siya sasagutin. Simula kasi ng mag-away kami ni Renz ay siniskap kong hindi namin mapag-usapan ang huli dahil wala pa akong matinong plano kung anong gagawin ko sa aking bestfriend. Si Aki naman, bilang isang napakamaunawaing boyfriend, ay hindi na din binanggit pa ang tungkol sa pagtira ni Renz sa condo ko.
 
 
 
Natatandaan ko pa yung araw na sinabi niyang mag-cool off muna kami. Parang gusto ko na lamang tumalon ng mga panahon na yon mula sa roof deck ng aming condo. Hindi ko naman kasi akalain na hahantong sa ganoon ang paglilihim ko sa knaya ng pagpapatira ko kay Renz sa bahay.Umuwi ako noon sa Bulacan kasama ang mga bata para makilala rin sila ng aking mga magulang pero halos hindi din nila ako makausap dahil palagi akong nakatulala. Makalipas ang dalawang araw ay hindi rin ako nakatiis at ako na mismo ang gumawa ng paraan para magkaayos kami ni Aki.
 
 
 
Kapag dating na pagdating ko pa lamang sa condo ay agad na akong dumiretso sa bahay nila Aki. Kinuntsaba ko ang kanyang mga magulang para makapagluto ako sa kanila. Nang umuwi kinagabihan si Aki ay labis itong nabigla nang makita ako sa bahay nila. Sabay-sabay kaming kumain ng kanyang mga magulang at tinuloy ang noong naudlot naming kwentuhan. Matapos iyon ay para akong isang batang naglulupasay na umiyak kay Aki sa kanyang kwarto para mapatawad niya ako. Literal na nagmakaawa ako para lang hindi kami tuluyang maghiwalay. Napukaw ko naman ang damdamin niya at nalusaw ang selos na nararamdaman niya nung gabi ding iyon. Sa huli ay humingi din siya ng tawad dahil mali raw ang ginawa niyang paraan para maayos ang aming hindi pagkakaunawaan. Ayon sa kanya ay nagkulang siya sa pagi-intindi na sa tingin ko ay taliwas naman sa kanyang mga ginawa. Sa totoo lang kasi ay labis na pag-uunawa at pagpaparaya na ang ginawa ni Aki para lang madamayan ko si Renz nung mga panahong sobra na ang pagkalulong nito sa kalungkutan.
 
 
 
"O, di ka na nakasagot. If you think that you can lie to me about what runs in your head, you're wrong. I know you too well Kyle. I know when you're hiding something. And my intuition tells me that you're thinking about Renz.", malumanay niyang sabi habang binabalot ako ng yakap na lagi naman niyang ginagawa.
 
 
 
"No. ", medyo defensive kong sagot. Mabilis akong hinalikan ni Aki sa pisngi.
 
 
 
"I know that you've been avoiding mentioning Renz whenever we talk and i'm sorry that i have made him an awkward topic for us but I swear i'm not going to be mad this time. So tell me what is it about?", pangungumbinsi sa akin ni Aki na magkwento. Gustong-gusto kasi nito na nagkekwento ako sa kanya ng kahit na ano, kahit na ang mga walang kakwenta-kwentang bagay na nangyayari sa akin.
 
 
 
"I just don't know what to do with him.?, pag-amin ko.
 
 
 
"What do you want to happen anyway?", curious na tanong ni Aki habang nakatingin ng diretso sa akin.
 
 
"I want him to change. I want him to stop all the nasty things his doing to himself."
 
 
 
"Because?", page-enganyo sa akin ni Aki na magpatuloy.
 
 
 
"Because he's my bestfriend and I care about him.", kalkulado kong sagot. Ayaw kong may masabi na makakasakit o makakapagpabalik sa selos na naramdaman noon ni Aki.
 
 
 
"Is that the only reason?", duda niyang tanong habang lalong hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin mula sa aking likuran.
 
 
 
"Yeah, what else do you think?", marahan niya akong hinarap sa kanya.
 
 
 
"Guilt?", kibit balikat na sabi ni Aki. Hindi naman galit ang kanyang ekspresyon at kita ko sa mata niya na sinsero ang kanyang pagnanais na pag-usapan namin si Renz. "I just thought that maybe you want Renz to be normal again so you can get rid of that guilt you have there.", paliwanag ni Aki habang tinuturo ang aking puso.
 
 
 
"So I'm being selfish now?"
 
 
 
"Maybe, are you?", natatawa niyang pagbabalik ng tanong sa akin. Hinampas ko na lang siya sa noo dahil parang hindi naman pala niya sineseryoso ang aming pag-uusap.
 
 
 
"What? You can't tell me i'm wrong. You are this guy who wants to always do the right thing, to always be on he right side. So I know that you're doing what you could to help you're bestfriend because that is the right thing to do. But deep inside you're also doing this because you want to be free of guilt. Same guilt that's gonna cause your hair to turn white. Same guilt that's causing you too much stress and sleepless nights.", parang propesor na pagle-lecture sa akin ni Aki.
 
 
 
"What exactly are you driving at?", naguguluhan kong tanong. Kung tutuusin ay tama naman ang sinasabi ni Aki. Gusto ko din talaga mawala yung guilt na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong nagiging patapon ang buhay ng aking bestfriend.
 
 
 
"What I'm saying is, it's not your fault that he's like that. You don't have to feel guilty. I understand you want to help him but its not right to blame yourself of what has become of him. It's really not your fault.", kalmadong paliwanag ni Aki.
 
 
 
"It's not as easy as that Aki. When I chose Renz over you before, didn't you blame me for all the hurt you have to go through?", seryoso kong pahayag na lalo lamang nagpalapad sa ngiti ni Aki. Alam kong nakorner ko siya sa argumentong iyon.
 
 
 
"No.", pagkakaila ng aking nobyo.
 
 
 
"Shut up! So you just decided to be so cold and arrogant the next time we met but you never blamed me for anything? not even for a millisecond?", natatawa ko nang sabi habang naaalala ang mga pinagdaanan namin.
 
 
 
"No, I just thought it would be cool to have an aura of  a terror boss in the office, that's all. ", pagsisinungaling nya.
 
 
 
"Yeah, right! Tell that to Lyka.", bwelta ko naman.
 
 
 
"Hahaha, fine. I get your point. I just really don't want to see you always blaming yourself for everything that has happened.", pagsuko ni Aki. Bahagya naman akong kinilig sa kanyang mga sinabi. Sa tuwing kinakausap niya ako ng ganito ay hindi ko maiwasang manlambot ang aking mga tuhod dahil pakiramdam ko ay ako na ang pinaka-espesyal na tao sa buong mundo.
 
 
 
"We're all in a difficult situation that time. Renz and I both love you. You had to make a choice and you can only choose one. When you made that choice, obviously someone would get hurt. There's nothing you, or me, or Renz can do to prevent that from happening. Fate played a cruel jape on us before it let us be together. It was never easy for anyone, you know that. We all had our shares of sadness. It was Renz's turn this time.", pagpapatuloy ni Aki.
 
 
 
"But shouldn't I be doing something?"
 
 
 
"You've done well for a bestfriend Kyle. You were there for him when everyone else has given up hope on him. You never turned your back at him. You let him in here. And up to this point you're still trying to figure out what else you can do to help. Maybe, it is not you who'll be able to fix him. Maybe someone else is destined to do that job. So please don't be too hard on yourself." pakiusap ni Aki sa akin. Sobra ko namang na-appreciate ang payo niya at hindi ko na napigilang ang sarili ko na mapayakap na lang sa kanya. Sa paraan ng pananalita niya ay hindi mo aakalain na kailan lang ay pinag-awayan namin ang pagtira sa bahay ng aking bestfriend.
 
 
 
"Ambango mo naman. Namimiss na kita.", bulong sa akin ni Aki habang mahigpit pa din akong nakayakap sa kanya. " Palabasin muna kaya natin yung mga bata sa kwarto mo, gawa muna tayo ng sarili nating baby.", pilyo nitong biro sa akin.
 
 
 
"Hahaha! Umayos ka nga! May lakad pa tayo ng mga bata.", nakaplano na kasi kaming lumabas ngayon ng mga bata kasama si Aki para mapalapit ang loob ng mga ito sa aking nobyo.
 
 
 
"Paano naman ako?", lungkot-lungkutan nitong sabi. Hindi na kasi singdalas ng dati ang nagiging pagsasalo namin sa kama dahil lagi naming katabi ang mga bata sa tuwing sa bahay natutulog si Aki.
 
 
 
"Punta na lang tayo sa condo mo mamaya.", pilyo ko ding sagot.
 
 
 
 
 
 
 
 
 

****Renz****
 
 
 
 
 
 
1:21 PM, Thursday
September 21
 
 
 
 
 

Nalipasan na ako ng gutom. Hindi ko na nagawa pang maligo o gumawa ng anumang bagay. Para akong isang estatwa na nakasalampak lang sa sahig ng kwarto. Ni hindi ko makuhang palitan ang bed sheet na may mantya pa ng dugo ni Lui. Kung saan-saan naliligaw ang aking pag-iisip. Pilit inaarok ng aking utak kung paano ko nagawang gumawa ng ganoong kasamang bagay.
 
 
 
Wala na nga ata talagang nakakaalam kung sino nga si Renz Angelo Razon. Hindi na ako kilala ng aking dating mga kaibigan, maging ang mga taong nagpalaki sa akin ay hindi na ako maunawaan, ang tanging bestfriend ko na naging sobrang importanteng tao sa buay ko ay nangangapa na rin sa kung sino ang taong nakakasalamuha niya sa araw-araw. Matapos ang mga nagawa ko kay Lui ay hindi ko na din kilala kung sino nga ba ako.
 
 
 
Gusto kong maawa sa sarili ko dahil sa kinahinatnan ko pero alam kong mas dapat akong malungkot para sa mga  taong aking  nasaktan o na-agrabyado. Ang mga kaibigan ko na pinilit kong itaboy, ang mga magulang ko na pinili kong suwayin, ang matalik kong kaibigan na ilang beses ko ng pinasakitan, at kay Lui na nagawan ko ng napakalaking kasalanan.
 
 
 
Si Lui.
 
 
 
Kahit ako sa aking sarili ko ay hindi maatim ang ginawa ko sa kanya. Alam kong sa mga sandaling ito ay kasama na ako sa guest list ng mga pupunta sa impyerno dahil sa laki ng kasalanan ko. Ano nga ba ang nagtulak sa akin na gawin ang mga bagay na iyon sa kanya? Droga? Galit? Lungkot?
 
 
 
Dahil ba sa droga kaya ko nagawa iyon kay Lui? Droga na sumira sa lahat ng bagay na mayroon ako. Droga na naglayo sa akin sa lahat ng taong mahalaga sa akin, kaibigan, pamilya, pati na ang taong pinakamamahal ko. Droga na naghahatid sa akin ng pansamantalang kasiyahan saka maniningil ng sobra-sobra. Droga na muntik nang maging dahilan ng kamatayan ko kagabi kundi lang ako nasagip ni Lui.
 
 
 
O baka nagawa ko iyon kay Lui dahil sa galit at pagnanais na maghiganti? Galit dahil sa pag-aakalang may taong nakakaintindi sa akin. Galit dahil pakiramdam ko ay pinaglaruan ako at pinagkatuwaan. Gusto ko bang maghiganti dahil sa galit? O gusto ko lang na may iba namang makaramdam ng sakit na araw-araw kong iniinda.
 
 
 
Di kaya dahil sa labis na lungkot at pananabik? Lungkot dahil hindi na ako magawang mahalin pa ng taong sobra kong mahal. Lungkot na naghahatid sa akin ng labis na pananabik at pag-aasam. Pananabik na nagtulak sa aking humalay ng ibang tao at isiping siya ang taong mahal ko. Pananabik kay Kyle na hindi ko mapunan dahil hindi na ako ang gusto niya, kaya mas pinili ko na lang na ibang tao ang gawing pamatid uhaw sa aking pag-aasam.
 
 
 
Tama nga ata ang aking magulang na dapat na akong dalhin sa rehab dahil wala na ako sa tamang pag-iisip. Hindi ko na kayang gabayan ang aking sarili at walang sinuman sa aking mga kaibigan o kakilala ang makakatulong sa akin maliban na lang sa mga propesyunal sa larangan ng medisina.
 
 
 
Sa tuwing mapapadako ang aking tingin sa parte ng bed sheet na may bahid ng dugo ay awtomatikong rerehistro sa isip ko ang mga pagdaing ni Lui. Hindi ko mapigilang isipin kung ano ang tumatakbo sa isip niya noong mga sandaling binababoy ko siya. Saan kaya siya napunta ngayon? Pumunta kaya siya sa pulis para magsumbong? Bumili kaya siya ng lason na mailalagay niya sa pagkain o inumin ko para makaganti siya sa akin? O taimtim niyang ipinagdarasal na sana mamatay na lang ako? Kung tutuusin ay nababagay lang naman na mangyari sa akin ang mga iyon dahil wala naman talagang kapatawaran ang mga bagay na nagawa ko.
 
 
 
Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at tinungo ang closet ng kwarto. Mula sa isang bag roon ay kinuha ko ang aking swiss knife saka bumalik sa aking pagkakaupo. Alam kong matalim pa ang kutslyong iyon dahil madalang ko naman itong gamitin. Hindi ko nga alam kung bakit nag-abala pa ako noon na bumili nito. Pinagmasdan ko ang talim ng kutsilyong hawak ko sa aking kamay. Marapat lang siguro na ako na ang tumapos sa aking buhay. Bakit ko pa hihintayin si Lui na gumawa noon para sa akin?
 
 
 
Wala na din namang mangyayari pa kung hahayaan ko pa ang sarili ko na mabuhay. Habang patuloy akong humihinga at nababalot ng lungkot ay patuloy kong masasaktan ang mga taong nagmamalasakit sa akin. Baka hindi lang si Lui ang magawan ko ng ganoong kasamang bagay. Ayaw kong hintayin na dumating ang araw na maging si Kyle ay magawa kong pagsamantalahan. Hindi sa kanya nababagay ang ganoon matapos ang lahat ng bagay na naitulong niya sa akin.
 
 
 
Si Kyle. Alam kong kahit papaano ay iiyak siya kapag nawala ako. Ilang buwan din siguro siyang magiging malungkot dahil sa pagkawala ko pero sigurado akong nandyan naman si Aki para suportahan siya at kapag laon ay makakalimutan din niya ako.
 
 
 
This may cause a major heart attack for my parents but i'm sure they'll get over it. Nandyan naman yung mga kapatid kong babae na pwede nilang pagbalingan ng atensyon kapag sobrang lungkot na nila.
 
 
 
My friends. I'm not sure if I still have any other than Kyle. Will they mourn for me? I don't know.
 
 
 
Si Lui. I hope he forgives me. I hope what I'll do will make things even. I hope he would feel that justice has been served. I hope he finds the person he deserves. Wait. Why would I even say that?
 
 
 
Wala sa sariling napasilip akong muli sa bed sheet ng aming kama.
 
 
 
I know that he loves me or he likes me. Honestly, i'm not really sure. I just know that there are nights that he would whisper to me when he thought i'm already sound asleep. I know that like Kyle, he somehow cares for me. To what extent? I don't know. I guess that does not matter now. If he felt anything for me, I'm sure as hell that those were lost last night.
 
 
 
Napabaling ang tingin ko sa cellphone ko ng bigla itong umilaw. May message ako mula kay Kyle. Pinapakain niya na ako ng tanghalian. Kusa namang umangat ang sulok ng aking bibig para sa isang ngiti. I'm glad that he's not really mad at me. I guess that will make my passing easier.
 
 
 
Binalik ko ang aking tuon sa kutsilyong hawak ko. Ilang sandali na lang at matatapos na din ang lahat. Ang kwento. Ang drama. Ang kamiserablehan. Ang sakitan. Ang kalungkutan. Siguro nga ay tinakasan na ako ng lahat ng pag-asa sa mundo dahil sa wakas ay nagawa ko na ding sumuko. Sa wakas ay nagpatalo na din ako sa pagod. Sa unang pagkakataon ay isang napakagandang tugtugin sa pandinig ang salitang wakas. The end.
 
 
 
Sa isang banda ay nakakalungkot na matatapos ang lahat ng ganito. I could picture a thousand different endings for me. But I guess not everybody gets to pick how they want their stories to end. Especially when you're just a minor character in a story. A minor character with an overly complicated background. My ending is one that will be scarcely noticed.
 
 
 
Huminga ako ng malalim kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Pansamantala ay nakaramdaman ako ng katahimikan sa aking paligid. Kapayapaan sa aking kalooban. Sa napakahabang panahon ay ngayon lang muli ako nakaramdam ng ganito. Yung pakiramdam na wala na akong inaalala, wala na akong pinoproblema, wala na yung mabigat na bagay sa aking dibdib. Kusang tumulo ang luha sa aking mata. Marahil dahil sa kasiyahan. Kasiyahan dahil kahit ang katawan ko ay pagod na at gusto na ring mamahinga.
 
 
 
Inilapat ko ang kutsilyo sa aking pulso. Ramdam ko ang pagtibok nito sa malamig na bakal na humahalik sa aking balat. Handa na nga ata ako. Dahan dahan kong idiniin ang talim sa aking balat. Ninanamnam ang unti-unting pag-ibabaw ng sakit. Hinihintay masilayan ang paglitaw ng kulay na pula mula sa aking balat. Marahil ang huling kulay na masisilayan ko sa mundong ito. Lalo kong diniinan ang talim sa aking balat para umabot ito sa ugat na karugtong ng aking pusong pagal na pagal na sa pagtibok. Konti na lang. Malapit na
 
 
 
 
 "Kuuuuuyyyyyyaaaaa!!!!!", awtomatiko kong nabitawan ang kutsilyong hawak ko sa malakas na pagsigaw ni Andrei habang kumakatok sa pinto. "Kuyaaaaangggg lasiiiinggg!!! ang kain ka na daw sabi ni Kuya Kyle!", pagpapaalala nito sa akin.
 
 
 
"Ma-mamaya na.", parang may bara ang aking lalamunan at hindi ko magawang bigkasin ang mga salitang iyon. Hindi naman na sumagot pa si Andrei at sa tingin ko ay bumalik na ito sa kanyang paglalaro. Nanatili lang akong nakatingin sa pinto  at hindi makagalaw.
 
 
 
Naputol lang ang aking pagkatulala ng maramdaman ko na ang sakit dala ng hiwa sa aking kamay. Napatingin ako dito at kita ko ang walang tigil na pagdaloy ng dugo. Hindi ko alam kung umabot sa ugat ko yung kusilyo bago ako nagulat sa pagtawag ni Andrei. Mauubusan kaya ako ng dugo dahil sa sugat na ito? Dapat ko pa bang laliman ang sugat? Kinuha kong muli ang kutsilyo. Kapansin-pansin ang panginginig ng kamay ko. Natatakot ba ako? Bakit hindi ko naramdaman ang ganito kanina?
 
 
 
Nanatili akong nakatitig sa nakabukas na sugat sa aking kamay at sa kutsilyong tangan ko? Pilit kong pinapakilos ang aking kamay para laliman pa ang sugat pero ayaw nitong gumalaw. May pumipigil sa akin na gawin ang nais ko. Sa ikalawang pagkakataon ay nabitawan kong muli ang kutsilyo.
 
 
 
Duwag. Naduduwag ako. Hindi ko magawa ang magpakamatay dahil bigla akong nakaramdam ng karuwagan. Pakiramdam na wala naman kanina lang. Nangingibaw sa akin ngayon ang bagay na yon kaya dali-dali akong tumayo at kumuha ng malinis na bimpo sa closet. Idiniin ko iyon sa aking sugat para tumigil ang pagdurugo.
 
 
 
Pinili kong manatili sa loob ng kwarto at daanin na lang sa pagdidiin ng bimpo sa sugat ang first aid ko. Ayaw kong lumabas ng kwarto at magpakita kay Kyle. Alam kong magpapanic siya oras na makita ang dumurugo kong kamay. Kasabay ng pagkukulong ko sa kwarto ay ang pagbalik ng pagbigat ng aking dibdib. Bumabalik ang lungkot. Bumabalik ang problema. Ang pakiramdam ng kawalang pag-asa.
 
 
 
 
I'm such a failure. Kahit sa pagpapakamatay ay palpak ang plano ko. Sa susunod ay tatalon na lamang ako sa roof deck ng condo nila Kyle para siguradong wala ng atrasan.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
****Lui****
 
 
 
 
 

8:32 pm, Thursday
September 21
 
 
 
 
 
 
 

"You dated a man almost thrice your age?!", hindi ko makapaniwalang sambit kay Jane. Ang imbitasyon niya para mag-agahan ay na-extend na hanggang sa hapunan. Okay, I was wrong to snob her before. She may not be exactly nice but she's fun to be with. Simula nang maging komportable kami sa isa't-isa ay wala na kaming tigil sa kwentuhan at tawanan. Parang matagal na kaming magkakilala kung magtanong sa isa't-isa.
 
 
 
"Yes!", walang arte niyang sagot sa akin. "I was 16 and he was 44, but no one can really say that he was already on his forties. I mean he's totally hot. Handsome face, gym fit, stylish lifestyle, you really wouldn't know.", dire-diretsong pagkekwento ni Jane. "So we dated for at least 3 or 4 months. His wife died two years before we met and he has 3 kids, you see. Everything was just okay until he introduced me to his kids, the eldest was a year older than me. Then I started to feel awkward. Like I can't imagine how is it going to be like if we would get married. Plus the fact that i was a minor and i figure that it's going to be so complicated. So decided to let go.", masaya niyang pagkekwento. Mukhang may tama na din siya mula sa wine na iniinom namin.
 
 
 
Kasalukuyan kaming umiinom ng mga sandaling iyon sa condo niya sa Makati. Nagpadeliver lamang kami ng pagkain kanina saka niya ako inimbita na uminom saglit bago ako tuluyang umalis. Hindi naman na ako tumanggi dahil nag-eenjoy naman ako sa aming usapan. Mula kaninang umaga ay hindi na niya binanggit pa ang anumang bagay tungkol sa engagement namin o sa aking pamilya na ipinagpapasalamat ko naman.
 
 
 
Hindi pa kami natatapos na tumawa mula sa kanyang kwento pero may kasunod na naman siyang kwento para sa akin. Hindi ata napapagod mag-monologue ang isang 'to. Habang nagsasalita siya ay nakangiti lamang ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya. Ni hindi ko namalayan na ini-imagine ko na pala kung ano ang magiging buhay naming dalawa kung sakaling makasal nga kami.
 
 
 
Hindi naman ganoon kasama ang mga bagay na pumasok sa aking isip. Sa katunayan ay nailarawan ko ang aking sarili na masaya kasama siya at ang aming mga anak. As much as I hate to admit it, my mom might be right about Jane. Hindi na rin siguro masama kung susundin ko sila sa kanilang nais. It looks like they've finally found a beautiful, kind, and sensible woman for me.
 
 
 
"Am I really such an awful guy for a husband?", wala sa sarili kong tanong kay Jane. Huli na para bawiin ko iyon dahil napatigil na siya sa pagkekwento at matamang nakatingin na lamang sa akin. Akala ko ay hindi niya ako narinig pero bigla siyang bumunghalit ng tawa. Bigla namang nag-init ang mukha ko dahil sa pagkapahiya.
 
 
 
"Forget that I said that.", nahihiya kong sabi. Bakit ko ba kasi sinabi pa iyon eh una pa lang sinabi na niya sa akin na hindi din naman siya masaya sa arranged engagement na ito.
 
 
 
"No, it's okay. I was just surprised. I thought you were so full of yourself then that question just came out of the blue.", sabi niya habang pilit na pinapatigil ang sarili sa pagtawa na parang tambay lang sa kanto.
 
 
 
Hindi na ako nagsalita. Sa halip ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo para umalis. I have already overstayed at Jane's place and i don't want to do anything that might embarass me further.
 
 
 
"I should go now, Jane. I appreciate the whole day's meal. Thank you.", nakangiti kong paalam.
 
 
 
"O-okay.", medyo gulat nitong sabi saka ako hinatid papunta sa pinto. Humalik ako sa kanyang pisngi bago tuluyang lumabas. Hindi pa ako nakakalimang hakbang mula sa pinto ng tawagin ni Jane ang aking pangalan.
 
 
 
"No.", sabi nito sa akin ng lingunin ko siya.
 
 
 
"Huh?", naguguluhan kong sabi.
 
 
 
"My answer to your question is no. I think you're really nice, smart, and cute for a husband.", nakangiti nitong sabi sa akin. Sinuklian ko naman siya ng isa ding ubod ng tamis na ngiti saka nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa elevator.
 
 
 
Nang makasakay sa lift ay kapansin-pansin ang gaan ng pakiramdam ko. Noon ko lang din napagtanto na hindi halos pumasok sa isip ko si Renz habang magkausap kami ni Jane. Her for a wife is no longer a terrifying idea as it was before. Mukha akong tanga habang mag-isang nakangiti sa loob ng elevator. Siguro nga ay dapat na din akong umuwi sa bahay. This could be the sign I've been waiting for. The universe is finally helping me see what i have to do. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng lift.
 
 
 
Sumakay na lamang ako ng taxi pauwe. Habang nasa sasakyan ay pumasok na naman sa isip ko ang taong iniiwasan ko ng buong araw. Masyado akong naaliw sa company ni Jane. Nakalimutan ko ng planuhin kong paano ko haharapin si Renz.
 
 
 
Will he talk to me? If no, I don't mind. It might actually be easier for me. But what if he had the guts to talk to me? What will I tell him? Should I pretend that I don't remember a thing? Should I act as if it did not affect me? Or should I punch him straight on the face?
 
 
 
Bahala na. Bakit ba sarili ko ang pinapahirapan ko? Anyway, paalis naman na din ako sa bahay ni Kyle. Hindi ko na siya kailangan pang pakisamahan o intindihin. I'll just put everything behind, and make sure our paths never cross again.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Dumating ako sa condo ni Kyle pasado alas nuwebe na. Madilim ang paligid dahil nakapatay ang mga ilaw. Mukhang wala ang mga bata dahil wala akong naririnig na ingay. Noon ko lamang naisipan na tingnan ang aking cellphone. Buong araw kasi itong nakapatay para siguruhing walang makakaistorbo sa akin sa aking pagmumuni-muni.
 
 
 
Mayroon akong isang mensahe gaing kay Kyle. Nandoon daw sila ng mga bata sa condo ni Aki at baka doon na daw sila magpalipas ng gabi. Mabuti naman at walang mangungulit sa akin though nakakatuwa din naman minsan ang pangungulit ng malambing na si Andrei at ng maasikasong si Sandy. Anu kaya ang magiging reaksyon ng mga bata oras na umalis na ako sa bahay?
 
 
 
Mukhang wala din si Renz sa bahay dahil sobrang tahimik. Uminom na naman kaya iyon kahit basag-basag pa ang mukha?
 
 
 
"Why do you fucking care?!!", galit na sermon ng boses sa aking utak na nanahimik din maghapon habang  magkasama kami  ni Jane.
 
 
 
Nagkibit-balikat na lamang ako at tumungo sa aming kwarto para makapag-palit ng damit. Sa kwarto na lang siguro ako ni Kyle matutulog. At least safe ako doon umuwi man ng lasing si Renz. Damn! daig ko pa ang dalagang takot na takot sa masasamang loob! Napailing na lang ako at pinihit ang seradura ng pinto.
 
 
 
Madilim sa loob ng kwarto. Mukhang wala nga si Renz. Tumungo ako sa aking closet at kumuha ng damit. Hindi na ako nagbukas pa ng ilaw at ginamit na lamang ang aking cellphone para mangabay. Palabas na ako ng kwarto ng may marinig akong kumaluskos sa aking likod.
 
 
 
"Kumain ka na ba?", para naman akong nag-ice bucket hallenge dahil nanlamig ang aking buong katawan. Akala ko ay mag-isa lamang ako sa kwarto. Hindi ko inaasahan na nandito pala siya. Anak ng pating nga naman kapag minamalas ka. Pilit kong pinahahakbang ang aking mga paa palabas ng kwarto. Parang slow motion ang lahat ng bagay, pati ang paglabas ko ng kwartong iyon ay parang inabot ng isang oras. Narinig kong bumuntong hininga si Renz bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
 
 
 
Dali-dali akong pumasok ng banyo. Dumiretso agad ako sa ilalim ng shower at madaling binuksan ito. Hinayaan kong mabasa ng maligamgam na tubig ang aking ulo. Ni hindi ko na nagawa pang maghubad. Para akong sira ulong naligo ng may damit. Nakatukod ang aking dalawang kamay sa may pader habang nakayuko ang aking ulo at inaaugusan ng tubig.
 
 
 
Pumikit ako at parang pelikula kong pinanood muli ang mga nangyari kagabi kahit na labag sa loob ko. Kasabay ng pagpatak ng tubig mula sa shower ay ang pagtulo na din ng aking luha. Lahat ng masasakit na bagay na tinakasan ko maghapon ay kusang bumalik sa akin ng kausapin ako ni Renz kanina.
"Kumain ka na ba?"
 
 
 
That's all he managed to say after what he did. He might as well shut his mouth, it would've been better.
 
 
 
"Tangina ka Renz!", tiim bagang kong bulong habang nahihilam ang aking mata sa sarili kong luha.  "Tangina ka talaga!"
 
 
 
Naghahalo na ang sakit at galit. Kung kagabi ay hindi ko maramdaman ang galit, ngayon ay parang lason na itong bumabalot sa aking dibdib. Sinuntok ko ang pader ng banyo ni Kyle. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kamao kong nakadikit sa pader. Kung galit ako, bakit hindi ko pa din mapigilan ang umiyak?
 
 
 
"Kasi mahal mo pa. At may mas malalim siyang sugat na iniwan sayo na hindi mo mapapagaling sa loob lang ng isang araw kahit na sabihin mo pang napupuno ka ng galit.", awtomatikong sagot ng aking isip.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

****Renz****
 
 
 
 
 
 

9:43 PM, Thursday
September 21
 
 
 
 
 
Kumain ka na ba?
 
 
 
Bullshit.
 
 
 
Buong hapon kong pinag-isipan kung anong gagawin ko oras na magkita kami ni Lui, tapos ang nagawa ko lang kanina ay tanungin siya kung kumain na ba siya. Naubos na ata talaga ng bisyo ko ang lahat ng braincells ko sa utak. Mabuti na lamang at nalinis ko na kahit papano ang kwarto bago dumating si Lui. Nalampaso ko na ang dugo sa sahig, napalitan ko na ang bedsheet, at napahina ko na din ang pagdurugo ng pulso ko.
 
 
 
Kahit na medyo nahihilo pa ay pinilit kong tumayo mula sa kama at tumungo sa sala. Kailangan kong kausapin si Lui kahit na hindi ko naman alam kung anung sasabihin ko. Dapat lang siguro na kahit na ang salitang 'sorry' ay mabanggit ko sa kanya. Kahit na alam kong walang kalaman-laman at saysay ang salitang iyon.
 
 
 
Napasalampak ako sa sofa, dahil bigla akong naliyo at akala ko ay mabubuwal na ako. Rinig ko ang pagpatak ng tubig mula sa banyo. Pinasya kong hintayin na lamang na matapos maligo si Lui. Sinilip ko ang aking kamay para siguruhing hindi pa basa ng dugo ang bimpong ibinalot ko sa aking sugat. Ilang sandali lang ay lumabas na din ng banyo si Lui. Nakasuot na ito ng damit at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi ko naman siya masisisi. Ako man ang nasa kanyang posisyon ay hindi ko makakayang tingnan ang taong bumaboy sa akin.
"Lui can we talk?", pilit kong pinalakas ang boses ko kahit na nanghihina ako. "Pleasse?", Hindi ako nilingon ni Lui pero tumigil siya sa paghakbang papasok ng kwarto ni Kyle. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang ekspresyon. Malamang ay nagtatagis ang kanyang mga ngipin at magkasalubong ang kilay dahil sa galit.
 
 
 
 
"I'm sorry.", dalawang salita pero hirap na hirap akong bigkasin. Dalawang salita na hindi ko alam kung may magagawa para kahit papaano ay mabura ang aking mga maling ginawa. Nagulat ako ng biglang humarap sa akin si Lui. Taliwas sa aking inaasahan ay maaliwalas ang kanyang mukha na tila natatawa sa aking sinabi.
 
 
 
 
"Sorry for what?", nakangiti niyang sabi na tila ba wala siyang alam sa mga pinagsasabi ko.
 
 
 
"For what I did last night.", maiksi kong sagot. Gusto ko pa sana magsalita dahil alam kong hindi pa sapat ang mga nasabi ko para kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
 
 
 
"Last night? We just had sex right? It's really no big deal. You don't have to be sorry." natatawa nitong sabi sa akin. Maniniwala na sana ako sa mga sinasabi niya kundi lang dahil sa kanyang mga mata. Mga matang hindi makuhang ngumiti sa akin. Mga matang alam kong nagpipigil ng luha ng mga sandaling iyon. Mga matang pilit nagkukubli ng sakit at galit.
 
 
 
 
"Stop pretending like you don't care, cause I know you do.", medyo malakas kong sabi kay Lui. Gusto ko na magalit siya, gusto ko na gumanti siya sa akin. Gusto kong mabawasan ang guilt na nararamdaman ko. "I know that you hate me. I know that you want to strangle me this very moment. I know that what i did is beyond anything that can be fixed by my fucking apologies. I know that i'm an asshole!", hindi sumagot si Lui. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Pero wala na ang ngiti sa labi. Unti-unti ay nalulusaw ang pader na humaharang sa kanyang tunay na nararamdaman.
 
 
 
"Call me Shit! Call me whatever you want! Hit me if you must! Just don't stand there and do nothing. I don't deserve that kind of treatment. Do me something worse!", sigaw ko kay Lui. Hindi dahil galit ako sa kanya kundi dahil galit ako sa sarili ko. Nahihiya ako sa nagawa ko.
 
 
 
"Ma-maybe you're right. I should hit you, curse you, or maybe kill you. But I'm not like you. You want me to get even? Do me a favor then. Let's keep on pretending that it never happened!", galit na wika ni Lui. Ang kaninang luhang pilit na pinipigil ay isa-isang pumapatak sa kanyang pisngi. "Let's pretend that we never knew each other! That we never once lived on the same house and shared the same room. I just don't want to do anything with you anymore. I don't want to hear you name. I don't want to ever see you again! Then maybe, maybe i'll forget that I loved you!", malakas na wika ni Lui saka tumalikod sa akin at pumasok sa loob ng kwarto ni Kyle.
 
 
 
Tama ba ang narinig ko?
 
 
 
Did he say that he loved me?
 
 
 
 
Or am i imagining it?
 
 
 
 
 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
 
 

Nagising ako kinabukasan na masama pa din ang pakiramdam at labis akong nanghihina. Hindi ko alam kung dahil ito sa nawalang dugo sa akin o sa kakulangan ng tulog dahil sa dami ng aking iniisip. Pinasya kong lumabas muna ng kwarto para uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako.
 
 
Paglabas ko ay agad kong narinig ang pag-iyak ni Andrei.
 
 
 
"Ang pupunta ka pa din dito ah? Ang gagalit ako sayo kapag indi.", umiiyak nitong sabi habang nakayakap sa isang lalaki. Kita ko naman na umiiyak din si Sandy at nakayakap kay Kyle. Halata ang lungkot sa mukha ng aking matalik na kaibigan.
 
 
 
"What's going on here?", walang kaalam-alam kong tanong sa kanila.
 
 
 
"Lui's leaving today. He just waited for us to say goodbye.", malungkot na sagot sa akin ni Kyle. Muling bumaling ang aking tingin sa lalakig yakap ni Andrei sa may pintuan. Noon ko lang napansin ang maleta sa may pintuan. Nang maghiwalay sila Andrei at Lui ay saglit na tumingin sa akin si Lui.
 
 
 
Hindi ako makapag-salita. Gusto ko siyang pigilan pero sa anong dahilan? Dapat ba akong makialam? O dapat ko ba siyang pagbigyan sa nais niya na pagpapanggap na hindi kami magkakilala?
 
 
 
"I'll see you as soon as I can.", sagot ni Lui kay Andrei. "I have to go now. Bye Kyle! I'll message you when I get home.", tumango lamang sa kanya si Kyle. Muling tumingin sa akin si Lui. Nagtagpo ang aming mga mata at pinagmasdan namin ang isa't-isa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay sinusubukan ko pa ring humingi ng kapatawaran sa aking mga kasalanan. Mataman siyang nakatingin sa akin pero hindi ko malaman kun anong tumatakbo sa kanyang isipan. "Bye.", iyon lang ang nasabi niya sa akin bagot tuluyang lumabas ng pinto. Ni hindi niya kayang sabihin ang pangalan ko.
 
 
 
Narinig kong pinapatahan ni Kyle si Andrei at Sandy. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako mula sa aking pagkakatayo. Pinilit kong bumalik sa aking kwarto. Gusto kong magkulong na lang at mapag-isa. Parang gusto kong laslasin naman yung kabilang pulso ko. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.
 
 
 
Habang tumatagal ay lalong nagiging magulo ang lahat ng bagay para sa akin. Buong gabing hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi sa akin ni Lui. Ngayon naman ay hindi mawala sa isip ko ang mga titig niya sa akin kanina. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Siguro ay gusto niya akong murahin. He should have said it cause I deserve it.
 
 
 
Parang sa isang iglap ay naging napakalaki ng kwartong pinahiram ni Kyle para sa akin. Parang naging napaka-hollow ng lugar na iyon. Parang may isang napakalaking frniture ang tinanggal at ngayon ay labis ang paninibago ko.
 
 
Napatingin ako sa kama at nababakas ko pa din ang bahid ng dugo roon sa aking isip. Isang mantsa na hindi na kailanman mawawala pa sa aking alaala. Isang sugat na iniwan ko kay Lui na alam kong hindi na magagamot pa. Isang kasalanan na alam kong habang buhay kong dapat pagbayaran.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
...to be cont'd...

 
 
 
Author's Note:
 
 
 
 
Okay! I guess I should be sorry kasi ang tagal ko nawala at hindi nagparamdam. Pasensya na po. Sa lahat nang naghihintay, nag-message sa akin na hindi ko nareplyan, mga silent readers na nagche-check palagi kung may update na, pasensya na po talaga. I know this update is quite short relative to the time that i have missed to give you guys an update. But honestly, this is all I managed to update. Peace! Anyway I will try to post a chapter soon but please don't expect it to happen next week but I'll make sure it won't take another month. Pasensya na kung may mga typo.
 
 
 
Maraming salamat din sa mga sumuporta ng kwentong ito kahit na mabagal pa sa pedicab ang usad ng mga updates. Sa mga nagco-comment, nagmemessage sa akin at mga silent readers thank you! thank you! Malapit nang matapos yung kwento, don't worry tatapusin ko ito come what may.
 
 
Ayun lang, wala na ako masabi, inaantok na naman ako hahaha. Maraming salamat sa mga magcocomment. Sa mga may hinanakit, reklamo, kritisismo, hiling, puna, o kung anu pa man yan. Malaya po kayong mag-iwan ng mensahe. Binabasa ko po lahat kahit yung masasakit. Hahahaha joke lang. Wag kayo mahihiya magsabi.
 
 
 
P.S. Sa mga paulit-ulit na nagbasa nung huling chapter. Sorry talaga, nahihiya tuloy ako sa inyo. Sorry po.

 
 
 
 
----crayon :)
 
 
 
 
 
 
 

20 comments:

  1. Yayyyy! May update na :) Ilang linggo ko tong inabangan

    ReplyDelete
  2. Well what can I say, as usual your writing style is sublime. Good job! This chapter made up for the waiting. Now I'm dying to know how Lui and Renz's love story will evolve. I hope the update will be sooner, surprise us. hahaha Marvs. :-D

    ReplyDelete
  3. "Pwede bang ibalik mo sa akin yung mga kinuha mo?", bulong ko sa natutulog na si Renz. "O kaya kahit yung puso ko na lang.", dagdag ko pa.

    Ito talaga yun e! Miss the feels. But I want both of them to be happy tho. :(
    -dilos

    ReplyDelete
  4. nice crayon.. welcome.. saya naman ng umaga k.. :)

    ReplyDelete
  5. Hi crayon!
    This is my first time to post a comment here and i can't help it...i want you to know that i've been your avid fan since i discovered this site...i've read all your works and you never failed to amaze me. Based from your works i can see that you are a person of substance. Keep up the good work and please update us soon. Thanks

    ReplyDelete
  6. im happy ur back Mr.Crayon..,ang tagal kong inintay ito...,sana lagi kana uli magupd8 ang ganta kasi ng story...,

    ReplyDelete
  7. Super ganda talaga ng story na to crayon. Hayyy full of emotions! Grabe di ko kinaya.

    -44

    ReplyDelete
  8. No matter how long it will take for you to update the story..... I'll be waiting for it because I know it will make me cry.....

    OMG I LOVE IT!!!

    ReplyDelete
  9. Parang mas marami na kong nawalang dugo dahil sa English mo pre. And coz of that you owe me another bucket of beer. Welcome back! Cheers! - kr!s

    ReplyDelete
  10. Im glad that your back Mr. Crayon!
    thank you for this wonderful story.
    sana magising na rin yung ibang authors na di na nag update ng mga stories nila.

    seanm1669

    ReplyDelete
  11. finally. thanks for the update. it is worth the wait. na miss kita. :)

    ReplyDelete
  12. "Pwede bang ibalik mo sa akin yung mga kinuha mo?", bulong ko sa natutulog na si Renz. "O kaya kahit yung puso ko na lang.", dagdag ko pa.
    Wala akong masabi. Winner ang linyang to.

    -hardname-

    ReplyDelete
  13. Antagal! Pero worth naman yung update! Sana wag na ulit mahihinto ng matagal 8( ~Ken

    ReplyDelete
  14. wala pa rin po ba ang kasunod nito...,

    ReplyDelete
  15. hhmm... mukang aabutin nnman to ng isang buwan or higit pa bago pa masundan... october 27 to na update, november 15 na, 12 days n lng tapos isang buwan na... hahahah.. sana ma update agad to kuya crayon, sbi mo kc ndi aabutin ng month bago msundan.. sana nga.. hays... nag aantay pa din ako..


    -kinsler

    ReplyDelete
  16. Oh pang isang buwan na to... wla pa ding update.. maaga pa nman tho, sana may update na mmya.. pg mmya or bukas wla pa din update.. hays.. ewan.. haha!! umaasa p din ako n mg kaka update n to mmya

    --kinsler

    ReplyDelete
  17. UPDATE NA PLS :((((

    ReplyDelete
  18. december na, wla pa ding update... isang buwan na ang nkalilipas pero wla pa ding update, ano na kuya author? sbi mo u'll make sure that it won't take another month pra ma update to? hays... nkaka sabik pa nman ung story mo kuya author.. kaso sobrang bitin na ko... ndi na ko mkpag hintay ano na mangyayari kay renz at lui sa susunod na chapter...

    -- kinsler -- matagal mo nang mambabasa

    ReplyDelete
  19. update NA PO pls hehehehe

    ReplyDelete
  20. Namatay na ata ang author nito ,haixt .xorry kun my maglit man o my mpik0n . .yun lang :(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails