Followers

Monday, October 20, 2014

Playful Jokes -Chptr5




Athr'sNote- 


Hi guys :)) Magpapakilala naba ako? Tsk tsk, nakakahiya kasi eh. Pero.. ge na lang. Haha.


Anyway, maraming salamat sa mga nag-iiwan ng komento na lagi kong inaabangan at maraming salamat sa lahat ng nagbasa mula Prologue hanggang ngayong Chapter 5, ng Playful Jokes.

Kina.. (
-Marvs(maingay) -Alfred Of T.O -Blkwing -Esod -Anonymous101 -SJ -Franz -Macky -John Aries Sta.Mesa -hardname -jst -Angel -Tyler -Az -Machineman -Red08 -Kevin -Darkboy -Jay05 -RobertM94 -Ben(pasensya na po)

Mga nagkoment o nasiyahan mula Prologue hanggang chapter 4 ng Playful Jokes. Maraming Salamat po :]]
)

Simula ngayon, sisimulan ko nang replayan yung mga nagtatapon ng comments at susubukan ko na ring makipagkwentuhan sa inyo, gagayahin ko na si Kash na madaldal(kahit hindi halata) haha :))


Guys!! Basahin niyo muna yung laman ng Chapter5 tapos makikita niyo yung picture ko pagkatapos niyo magbasa.

Walang mag-eexpect ha? Hehe.

At guys, medyo mas lalong bibilis yung mga nangyayari, lalo na yung nararamdaman ni Kash. Be ready!

At sa mga nagko-comment na kapampangan diyan, may taga angeles ba? Mag- Tigtigan Terakan tayo :))



Happy reading :))




--



Point Of View

 - Nay Malia - (Kash'sMother)



 "Sigurado kabang ayaw mong bisitahin si Gabbo?"

Tanong ulit ni Myrna, mommy ni Seven at Chan.

Kaming dalawa, sanggang dikit na dati pa, mga panahong namamasukan pa ako sa ate niya. Kasama niya rin ako sa pagtakas, bata pa kasi kami nun.

 "Myrna, alam mo naman ang ipinakausap ni Gabbo sa akin diba?" mahinang sabi ko pa.

Narito kami ngayon sa magiging kwarto namin nila Tenten at Seven.

 "Sabagay." tonong pagsang-ayon niya.

 "Natutuwa ako sa mga nangyayari sa atin ngayon, kahit mga bata pa tayo nun, natuto tayong manindigan.. patungkol sa napakaaga nating pakikipagrelasyon." pahabol pa niya.

Napangiti na lang ako, sanggang dikit nga talaga kami.

 "Si Seven, kamusta na? Hindi ba niya naitatanong ang pagtrato sakanya ni Rayven?" naitanong ko na lang, patukoy sa ama ni Seven.

 "Kailangan pa ng oras ni Rayven, hanggang ngayon kasi.. hiyang-hiya parin siya sa anak niya. At si Seven naman, tahimik lang siya pero nakikita ko parin na naguguluhan at nasasaktan siya." balik naman nito.

 "Kaytagal na nun Myrna, hindi kaya masanay yung bata niyan at baka kalimutan niya si Rayven?" sabi ko naman.

 "Malabo yun, kilala ko si Seven, mapagmahal ang batang yan. Tignan mo nga at close na sila ni Karlo." tonong pagmamalaki pa nito, napatango na lang ako.

 "Teka, asan nga pala ang panganay mo? Hindi ba't nakapagluto kana at kakain na tayo niyan?" sabi pa niya.

 "Ayun nasa bahay parin." simpleng sabi ko.

Abala kaming dalawa ni Myrna sa pagtutupi ng mga damit, nagpatulong na ako.. tutal at pumasok narin siya rito.

 "Akala ko ba payag na siya?" agad na tanong niya.

 "Oo nga, may bisita lang darating kaya ayun." pagngiti ko pa.

Nagulat kasi ako na may kaibigan na kaagad itong si Karlo, ibig lang sabihin ay hindi siya mahihirapang mag-adjust rito sa Pampanga.

 "Ang galing naman at may kaibigan na kaagad siya rito. Malia mamaya ah? sasamahan mo ako kila ate, para narin makita ka nila." masayang sabi pa nito.

Tumango-tango na lang ako, mga panahong ipinagbubuntis naming dalawa ang aming panganay, ay hindi parin kami nagpapaawat sa galaan, kahit saan, minsan ay kasama pa namin ang ate niya.

Kung itrato nila ako ay parang hindi katulong, sadya nga lang siguro na likas sakanila ang kabaitan.

Malapit na kaming manganak nun nang kuhanin ako ni Papa, dinala niya ako sa Manila, kaya't nagkahiwalay kami nitong si Myrna.

Nang kuhanin ako ni papa, ayos pa sila ni Gabbo.. hanggang sa nagkaproblema ang dalawa.

Pero, natutuwa ako at nagkaayos rin ang dalawa, mga panahong si Tenten naman ang ipinagbubuntis ko.

Kasabay noon ay ang pagkamatay rin ni Papa, na kung saan naging dahilan ng pagkakakulong ng asawa ko, si Gabbo.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



 "Hi Kash." agad na sabi ko nang maabutan namin siya sa tindahan.

 "Oh nandyan na pala kayo, tara?" pagngiti nito.

Bumibili pala ito ng dalawang litro ng coke tsaka yelo.

 "Ge, tulungan na kita." balik ko at pagkuha doon sa dalawang coke.

 "Nakakahiya naman 'tong dala namin." biglang sabi ni Alex.

Tsk tsk, nagdala pa kasi ng alak eh. The Bar pa ang trip.

 "Hindi ako umiinom eh, pero sige pwede naman kayong uminom sa amin." balik naman ni Kash, napangiti na lang ako.

Napakainosente kasi ng dating ng mukha niya lalo na yung tono niya, pero sa totoo lang ay napakadaldal niya.. sobra.

 "Okay tara na sa loob." pagsingit pa ni Vince at yun na nga.

.....

 "Pasensya kana sa dalawa ah? Sugapal sa alak yan eh, buti nga at 'the bar lang ang trip nila ngayon." mahinang sabi ko kay Kash.

Nasa may sofa kami, yung dalawa abala sa kwentuhan, kami naman ni Kash narito sa may bandang dulo, malapit sa bintana.

 "Ayos lang, atlis komportable kayo." masayang sabi naman niya.

 "Nga pala, ano yung gusto mong sabihin?" naitanong ko na lang.

May ideya man, pero sige parin. Handa na ako sa maaaring marinig.

 "Ah.. w-wala yun." agad na sabi nito.

 "Nahiya kapa sa akin." sabi ko na lang.

Mas maganda na ito, atlis wala akong maririnig.

 "Asan pala si tisoy? yung kapatid mo? umalis ba sila ng inay mo?" biglang tanong ko.

Kanina pa kasi kami kumakain at nagkekwentuhan, at hindi ko pa nakikita yung mga kasama niya sa bahay.

 "Nasa kabilang bahay na, dun sa kasunod." balik niya.

Kabilang bahay? Kasunod?

 "Ano yun? Lumipat kayo?" agad na tanong ko.

 "Hmm.." posturang nag-iisip pa nito. "Parang ganun na nga?" pagtango-tango pa niya.

Lihim naman akong napangiti, nakakatuwa kasi siyang tignan.

 "Ah.." sabi ko na lang.

 "Diba diyan rin lang ang bahay niyo, edi kilala niyo si Seven?" bigla sabi naman niya.

Sabi na nga ba eh, si Seven ang babanggitin niya.

 "Yup. Kaso hindi namin siya kaibigan o ano man, nakikita lang namin siya, hindi rin kasi lumalabas yan eh." balik ko.

 "Ah, doon kasi kami lumipat.. sakanila." balik niya.

 "H-hah?" agad na sabi ko.


Then, speechless.

Hindi ko alam kung paano magrereact. Si Kash? doon kila Seven titira? Tapos may gusto pa siya kay Seven?

Ba yan, kaya ayaw ko talagang nagkakagusto eh, nasasaktan lang ako.

Crush palang, ang sakit-sakit na.

 "Maganda narin yun, para naman laging may kausap yung si Seven." tonong pagmamalaki pa niya.

 "Kash." agad na sabi ko.

Tumingin naman ito sa akin, malapit ang mukha namin sa isa't-isa.

 "Wag kang tumingin sa akin." pagtawa ko pa kunwari.

 "Pwede bang magjoke ako?" agad na sabi ko nang mag-iba siya ng tingin.

Tama, idadaan ko na muna sa ganito.

 "Oo naman, pero dapat galingan mo.. yung bang kahit na sasabihin mong joke ay mapapaisip parin yung taong pagsasabihan mo ng joke." tonong pagmamalaki naman niya. "Basta dapat, may impact." pahabol pa niya.


Impact?

Impact daw?

Hm..

Gusto niya ng impact ha?...
Tignan natin..


 "Kash, gusto kita." seryosong sabi ko, nakatitig lang sa mukha niya, sa mata.

Nakita kong napatingin ito sa akin at nang makita niyang nakatitig lang ako sakanya ay agad rin siyang nag-iba ng tingin.

Pansin ko rin na, parang bigla siyang nakaramdam ng.. uneasy? awkwardness?

Wala sa sarili na lang akong napangiti. Eto, eto ang impact. Haha!!

 "Joke lang, ikaw naman.. masyado kang nagpapadala sa jokes." pagtawa ko pa ng malakas.

 "Oy napano kayo?" agad na sabi ni Vince at paglapit pa ng dalawa.

 "Kash ba't namumula ka?" sabi pa ni Alex.

Lalo tuloy akong natawa, haha.

 "Sabi mo impact, oh ayan.." pagkiliti ko pa kay Kash.

Parang napatigil kasi ito, nahihiya siguro.

 "Pinagtitripan niyo ako ah?" sa wakas at pagtawa narin ni Kash. "Ikaw Jacob, ibang klase yung joke mo ah?" sabi pa niya.

 "Ano ba yung joke niya?" kunot naman ni Alex.

 "Oo nga Jacob, ano ba yun? ba yan parang kayo lang ang magkasama, isama niyo naman kami.." sabi pa ni Vince.

 "Nagjoke kasi siya, na gusto niya daw ako." sabi naman ni Kash.

Speechless

Naiwan akong..  (O_O)

Hanggang sa nakita ko na lang na napatigil yung dalawa, nakatingin lang sila sa akin. Maski ako napatigil.


Pati tuloy si Kash napatigil dahil sa katahimikan naming tatlo.



Katahimikan



 "Wuy?? B-bakit? M-may nasabi ba akong masama?" inosenteng tanong ni Kash.

Arrgghhh!! Ba't sinabi pa kasi ni Kash?

Arrgghh!! Nahihiya tuloy ako kay Vince at Alex!!

Pwede bang.. mag-invisible?

Nakakaramdam na kasi ako ng hiya kay Kash eh. Aaaassshhhhh!!!!!


-----



Point Of View

 - S e v e n -



Nasa hapag kami, at hindi ako makapagpokus sa pagkain.

Si Kash kasi eh! Yung sinabi niya kanina, hanggang ngayon parang naririnig ko parin.


 "Seven, parang gusto kita."

Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan.

Pero sa totoo lang, nang sabihin niya iyon, parang may kakaiba akong naramdaman.

Hindi ko lang masyadong pinansin dahil sa bago sa akin ang pakiramdam na iyon.

 "Ahm nay Malia, nasan po si Kash?" naitanong ko na lang.

Abala sila sa pagkekwentuhan, pero sumingit parin ako.

Wala kasi si Kash eh. Sayang unang hapagkainan sana na sabay-sabay kaming lahat.

 "Nasa bahay may bisita eh." rinig kong pagsagot nito.

 "S-sino po?" agad na sabi ko.

Parang may ayaw akong marinig mula sa isasagot ng inay ni Kash.

 "Si Jacob, tapos pati yung dalawa pa." pagsagot niya.




Speechless..


Wala akong naitugon.

Si Jacob, si Jacob nanaman ang kasama niya.

Sino ba kasi yang Jacob na yan?

 "Mommy tapos na po ako, pahinga na po ako sa kwarto." walang ganang sabi ko saka agad na pagtayo.

 "Ang bilis mo naman kumain anak, Chan hatid mo si kuya mo." rinig kong balik ni mommy.

 "Wag na po, kaya ko na." agad na sabi ko saka nagsimulang maglakad, dahan-dahan.. na may kasamang gigil.

Ahhh.. ewan ko ba.


----



Point Of View

- K a s h -



 "Bye." pagtulak-tulak ko pa ng mahina kay Jacob.

Palabas na sila ng bahay. Pauwi na sila.

 "Salamat Kash ah? Next time ulit.." pagharap pa niya sa akin nang nasa labas na kami.

 "Ge. Basta kayo." pagngiti ko pa sakanilang tatlo.

Hindi ko alam pero para talagang gumaan ang pakiramdam ko kila Vince at Alex, lalong-lalo na kay Jacob.

Gusto niya daw ako? Kaso joke?

Adik rin 'to eh, lakas makagawa ng impact. Haha.

Nang malaman kong nagkakagusto si Jacob sa lalaki, parang naramdaman ko na pwede rin pala ako sa ganun, na parang si Seven kaagad ang naisip ko.

Ay ewan?

 "Next time hindi na magjojoke si Jacob." biglang sabi naman ni Alex.

 "Yup! Next time magseseryoso na siya." dagdag pa ni Vince.

Napailing na lang si Jacob sa sinabi ng dalawa, maging ako.

Minsan talaga, medyo wala sa wisyo yung mga sinasabi ng dalawa, minsan ay maiiling o matatawa kana lang sakanila.

 "Okay, ingat kayo. Salamat ulit." pagtulak ko pa sakanila paalis habang pangiti-ngiti pa.

At nakuha pa naming magsipaalaman at magsikawayan.

Nakakahiya man sa mga ibang mga naglalakad o nagtatambay, ge parin.

Eh sa magkakaibigan at masaya kaming apat eh.

Lalo pa't, pinagtripan pa talaga ako ni Jacob kanina, pajoke-joke pa siyang nalalaman.

Pero, medyo nadaganan nga ako nung impact ng joke niya, tsktsk.

Erase!

.....



 "Wuy?" mahinang sabi ko nang malapitan si Seven.

Nasa labas siya, nakaupo lang sa may damuhan. Gabing-gabi na pamo.

 "Anong ginagawa mo diyan? Siguro nag-iisip karin ng mga jokes noh?" sabi ko pa at pagtabi ko sakanya.

Teka..

Ba't yun ang nasabi ko? Tsk tsk, sira talaga yang si Jacob.

Pagtingin ko sa mukha ni Seven, parang may iniisip ito na napaka-ilalim.

Parang gusto ko tuloy siyang yakapin.

Eh kasi.. siguro naiisip nanaman niya yung problema niya, yung sa daddy niya o kaya naman ay yung sa hindi siya nakakakita.

Subukan nating isipin yung sitwasyon, especially yung puntong hindi tayo nakakakita.. ang hirap diba? masakit rin diba?

 "I love you.. mahal na mahal kita."

Nakuha ko pang magulat sa biglang sinabi niya. Agad akong nag-iba ng tingin.

H-hah? I.. I love you daw? Mahal na mahal?

 "Alam mo ba yan ang laging hinihintay ko mula kay daddy." sabi pa niya.

Napa-"HAY" na lang ako sa kaloob-looban ko. Yun lang pala, akala ko kung para kanino na eh.

 "Sa tuwing aalis siya at sa tuwing babalik siya... yan ang gusto kong marinig mula sakanya."

Napatingin na lang ulit ako sakanya sa muling pagsasalita niya.

Seryoso ito, pero nakangiti.. yung bang siguro'y pinipigilan niya ang maiyak.

Ayaw ko man 'tong nararamdaman ko pero naaawa talaga ako sakanya.

Ang hirap talaga ng sitwasyon niya. Hindi mo lang talaga ito mahahalata dahil sa katatagan niya.

Lalong-lalo na sa pagtatago niya sakanyang matatamis na ngiti.

Pag ngumiti kasi siya.. at napagmasdan mo ito.. yun talaga ang impact!

 "Pero wala, walang wala." sabi pa niya at pagyuko pa.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na inakbayan ito, at dahan-dahang inilapit sa akin.

 "Alam mo Seven, ganyan talaga ang buhay. Minsan hindi natin maintindihan, lalo pa't minsan ay pumapasok na yung salitang.. unfair o hindi patas. Pero wala eh, ganyan talaga, magulo, mahirap intindihin.. kaya naman, sakyan na lang natin, kahit na.. mahirap at nakakatawa man kung titignan." mahinang sabi ko, habang patuloy lang sa pagtapik-tapik sa balikat niya.

Saglit na namayani ang katahimikan.
Malamang, napaisip si Seven sa mga sinabi ko.

 "Sakyan? Kahit na medyo hindi na nakakatuwa at masyado nang nakakasakit?" biglang sabi niya.

 "Oo, kasi kung masyado tayong magpapadala sa mga nangyayari, wala eh.. wala talagang mangyayari sa atin at patuloy lang tayong masasaktan, ng sobra.. sobra-sobra." balik ko. "Pero syempre, alam mo dapat kung saan ka titigil, kung ipagpapatuloy mo lang ang pagsakay mo sa pamamagitan ng pagiging tahimik o kung magsasalita kana at pipilitin mong iparating yung nararamdaman mo." pahabol ko pa.

 "Ang gulo ko noh?" pagtawa ko pa.


Katahimikan


Kahit kailan talaga, medyo magulo ako magsalita. Eh sa ganun talaga eh.

 "Salamat."

Rinig kong biglang sabi ni Seven, napakasimple pero alam kong may kahulugan.

 "Wala yun, kumain kana ba? Tara sabay na tayo?" tonong pag-aalok ko.

 "Hindi nga ako nakakain ng maayos eh, dahil sa'yo." sabi naman niya.

Literal akong napa..

 "Hah?"

 "Joke lang, kaw talaga." pagsiko-siko niya pa sa akin.

Tsk.. akala ko pa naman kung ano na.

Tumingin na lang ako sa kalangitan, ipinagdadasal ko na sana huwag nang magjoke si Seven. Dahil ako'y nadadaganan, haha.

 "Kash.." biglang sabi naman niya.

 "Hm...?" pagtugon ko, naka-akbay parin ako sakanya.

 "Parang gusto narin ata kita?"

Wala sa sarili akong napa-alis mula sa pagkaka-akbay ko sakanya at agad na napatayo.

 "Joke lang, ikaw pala 'tong mabilis mauto." agad na sabi at pagtawa pa niya.

Pakiramdam ko tuloy ay namula ako. Nakakahiya!

Pangalawang beses na ito, pangalawang beses na akong napahiya.

Aaarrggghhh!! Nakakahiya talaga.

 "Tara na nga sa loob." sabi pa nito at pagtayo.

Nakakaloko yung tono niya, lalo na yung dating at ngiti niya. Naiisahan ako nito ah.

 "Pwedeng patulong?" nakangiting sabi pa nito.

Ahh talagang.. ang lakas makatrip nitong si Seven ah?

 "Ang sarap mong sipain." inis na sabi ko.

Mas lalo naman itong natawa.

Aba... talagang pinagtitripan ako ni Seven? Kanina ang drama-drama tapos ngayon eto at pinagtatawanan niya ako.

 "Tara na nga lang." inis na sabi ko at padabog itong hinawakan sa kamay at sa balikat.

Rinig kong patawa-tawa pa ito.

Babawi na lang ako. Tama, babawi na lang ako.

Impact. Oo tama, ipapakita ko sakanila ang tunay na kahulugan ng salitang impact.

Kay Seven at kay Jacob! Palalamunin ko sila ng Impact!!


-----



Point Of View

 - Rayven - (Seven'sDad)



 "Rayven, hanggang kailan kaba magiging ganyan? Maawa ka naman kay Seven, nagmumukha kalang masama sa bata eh." sabi pa ni Malia.

Siya ang natatanging malapit sa asawa kong si Myrna, at kaibigan ko rin ang asawa niyang si Gabbo.

Mga panahong patago kaming apat na gumagala, mga panahong patakas-takas pa kaming apat para lang makalabas. Doon nabuo ang barkada naming apat.

Si Malia ay dating namamasukan sa ate ng asawa ko, si Gabbo ay kalapit-bahay naman namin.

 "Hindi pa ako handa eh, natatakot ako sa anak ko." mahinang sabi ko. "Na baka lumayo ang loob niya sa akin kapag nalaman niya ang totoo." dagdag ko pa.

 "Mas lalo lang malalayo ang loob sa'yo ng anak niyo Rayven. Myrna ikaw, natatakot karin ba?" agad na sabi naman ni Malia.

Hindi na talaga ito nagbago, siya talaga ang boses ng barkada, sakanya umiikot ang desisyon, kilala namin siya eh at alam namin ang mga kaya niyang patunayan at gawin, kaya malakas ang tiwala namin sakanya.

Pero paano ko nga ba sasabihin sa anak ko? Paano ko ipapaalam ang totoong dahilan kung bakit nawalan siya ng kakayahang makakita.



 "Kasalanan ko 'to eh, h-hindi dapat ako nagpumilit na sumama kayo, Myrna patawad, patawarin mo ako.."

Naaalala kong paghagulgol ko at paghingi ng tawad sa aking asawa.

Dalawang taong gulang palang si Seven, at dahil sa akin.. dalawang taon palang siya ay nawalan na siya ng kakayahang makakita.

Kasalanan ko 'to eh.

Mag-gagabi nang pilitin ko silang sumamang maglibot, gamit ang motor na itinakas ko mula kay kuya.

Ang sunod na nangyari ay ang bagay na nagpabagsak sa akin, ang bagay na lubusang nagpahina sa akin.

Nabangga kami.. dahil sa akin.

Ang mahal na mahal kong anak ay nadamay, sa murang edad nito ay hindi na siya muling nakakita, dahil sa aksidente, dahil sa akin.

Wala namang nagalit sa akin dahil aksidente raw ang nangyari, maging ang asawa ko ay hindi galit sa akin.

Pero ako at heto, patuloy na humihingi ng tawad at nagsisisi, hindi ko rin magawang kausapin ang aking anak na si Seven, dala ng nahihiya ako sakanya.


Paano nga ba?



-----


Point Of View

 - J a c o b -



 "Sigurado kana ba sakanya?" tanong ni Alex habang naglalakad kami pauwi.

 "Oo nga, sinabi mo na kasi sakanya na gusto mo siya, though may joke kapang binanggit." dagdag pa ni Vince.


Ano ba isasagot ko? Eh sa alam kong walang pag-asa eh.

 "Gusto ko siya, oo. Pero malabo eh, mukhang hindi ako ang gusto niya." sabi ko na lang.

 "Osiya, salamat sa pagsama.. bukas ulit... goodnight." pagpapaalam ko sakanila nang makalapit narin kamin sa harap ng bahay namin.

Yung dalawa ay sa pagkatapos pa ng isang tindahan.

 "Ge, goodluck." pagngiti pa ni Alex.

 "Suportado ka namin." pahabol pa ni Vince.

Napatango na lang ako at nagsimulang maglakad papasok nang maisara ang gate.

 "Sayang.." patukoy ko sa mga panghihikayat nila.

Eh sa hindi naman kasi ako ang gusto ni Kash.

Eh kung mag-move on na lang ako kaagad?

Para hindi na maulit yung dati?

Move on na ba?




Itutuloy


Ano kayang dapat gawin ni Hakob? Ano ang sa tingin niyo?

Eh si Seven, joke lang ba talaga yung sinabi niya?

Eh si Kash? Pareho naba niyang gusto yung dalawa? Ang bilis naman. tsktsk.



12 comments:

  1. hahahahahahaha #kash ka pala. kahit may disclaimer ka na basahin muna story, scroll down agad ako eh. tsk tsk paasa. hahaha gawa ka narin ng group mo sa fb. ;-) Anyway, grabe si author maingay daw ako, di kaya. haha Dapat ipursue ni Jacob feelings nya dahil walang mangyayari kung di nya itrtry, supporter nya ako eh. haha Si Seven... katahimikan at speechless... hahaha At si Kash, magpaputi na sya, joke haha. Uhmm ayoko sya pangunahan pero sana magparamdam na si Jacob para maexplore na ang feelings ni Karlo. Grabe yang picture ha ganda ipellet gun haha Next chapter! Marvs

    PS: kumain ka madami, payat mo. haha :-P

    ReplyDelete
  2. hahahahahahaha #kash ka pala. kahit may disclaimer ka na basahin muna story, scroll down agad ako eh. tsk tsk paasa. hahaha gawa ka narin ng group mo sa fb. ;-) Anyway, grabe si author maingay daw ako, di kaya. haha Dapat ipursue ni Jacob feelings nya dahil walang mangyayari kung di nya itrtry, supporter nya ako eh. haha Si Seven... katahimikan at speechless... hahaha At si Kash, magpaputi na sya, joke haha. Uhmm ayoko sya pangunahan pero sana magparamdam na si Jacob para maexplore na ang feelings ni Karlo. Grabe yang picture ha ganda ipellet gun haha Next chapter! Marvs

    PS: kumain ka madami, payat mo. haha :-P

    ReplyDelete
  3. Nabitin na naman po kami...salamat sa update...Sa susunod pakihaban naman please please please? Thank you. God Bless

    ReplyDelete
  4. NICE AUTHOR BITIN na naman.. pati picture mo bitin .hahaha sana tinakpan mo na lang yung mata mo para mas kita. ang cute mo author.. pls sana habaan mo yung mga susunod na chapter. and thanks sa update TEAM SEVEN AKO.


    MACHINEMAN

    ReplyDelete
  5. nice,kash-seven is heart heart.ahaha

    cute siguro si author :v

    ReplyDelete
  6. Pogi ni mr author!!! Totoo yung sinabi ni seven hindi yun joke! Hahaha more seven and kash moments pls!!

    -jst

    ReplyDelete
  7. grabeh bitin! team seven din ako..mr author

    ..sana gawa kana ng group sa fb..:-):-)


    -Jex

    ReplyDelete
  8. Nyc1 author..galing galing tlga!,:-):-)


    -jamesL

    ReplyDelete
  9. Mas gusto ko si jacob at kash mas bagay silang dalawa mas nakakakilig eh.....pero bhala si author kung sinu sa dalawa...

    Kaso bitin ung picture ni author

    Jay05

    ReplyDelete
  10. waaaaaaahhh! ano kaya yun, picture ba yun! jookee!
    ok lang yun , kung tango ang feezzzzz!
    Pero konting push pa ng pagkain para mag ka laman pa ng konti...
    he....he....he....
    SEVEN.....SEVEN....SEVEN....
    oooohh! SEVEN..
    plssss! Pede konting Hans pa ng chapter medyo natin freenndd!

    red 08

    ReplyDelete
  11. kuya I think nakita na kita.. haahaha.. hahanapin kita kuya hahanapin kita kuya..
    jokee.. tambay ka naman harap HRP kuya para makita kita. hihihi
    Nice and cute story nga pala po with bungisngis face
    #teamkashven nga pala hahaaha

    -nagatatagongGeo

    ReplyDelete
  12. ha ha ha, nag post nga ng pix tinakpan aman ang face! joker ka din pala Mr. Author, he he he. but eneweys , i got ur point. Reasonable aman pala. continue with ur work and goodluck!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails