Followers

Friday, October 17, 2014

Playful Jokes -Chptr4




Athr'sNote-

Guys! Late update! Sorry!!

Maraming salamat sa lahat ng hindi nagsasawang magtapon ng komento!!

Marvs!! Tumigil-tigil ka nga sa kaingayan mo!!!! baka mamaya masanay ako at hanapin ko yang mga comments mo, haha :))

Medyo wala wala 'tong chapter na ito. Nilalakad ko kasi mga requirements ko para sa trabaho eh tapos sobrang busy!! kaya guys.. pasensya na sa mga maiinip sa chapter na ito.

Hintayin niyo yung 'chapter 5, espesyal yun dahil magpapakilala na ako :)) guys!! makikita niyo na ang itsura ng author na si Prince Justin
(--,) walang kikiligin ha?(kapal ko ba?) Hehe!!

Excited na ako!! Kayo ba? Haha!! :))


Happy reading!

--



Point Of View

 - J a c o b -



Message: Goooood morning :)) Kash, pasensya na sa mga nakwento ko kahapon.. medyo nadala lang ako.

Agad na text ko pagkagising ko.

Magbabago kaya tingin ni Kash sa akin?

Message: Sana matapos mong nalaman yung pagkatao ko, ganun parin tayo sa isa't-isa.

Pagtext ko pa.

Arrgghh!

Ang drama ko kasi kahapon eh, dami ko tuloy nasabi.

 "P-paano? y-yu-..yung pinagsamahan natin? a.. anong ibig sabihin nun? a-akala ko ba.."


 "Tama na!!" agad na pagsigaw ko nang maalala yung mga katangahan ko dati.

Ayoko na. Ayoko nang maulit pa yun, sa pagkakataong ito, mag-iingat na ako.


The Gifted Minute?

Wala na akong interes diyan.

 "Hayy, makapaghimalos na nga lang." nasabi ko na lang saka na tumayo mula sa kama.

Hanggang sa..

 "May nagtext, may nagtext.." oa kong sabi saka ulit patalon na dumapa sa kama nang marinig na tumunog ang aking cellphone.

Agad kong kinuha yung mumurahing cellphone ko at binasa ang text..

Message: Good morning din! Nako makapagsalita ka naman, open-minded naman ako. Huwag mo nang isipin yun, pero salamat ah? nagkwento ka eh, ang daldal ko rin naman kasi.. pasensya narin.

Laman ng text, galing kay Kash.


Open-minded?

Sa panahon ngayon, 25 over 100.. yan ang sa tingin kong populasyon ng mga taong nakakaintindi at may panintindihan.

Magrereply na sana ako nang magtext pa siya.

Message: Maraming salamat nga pala sa cake! :) Si tenten, gustong-gusto niya.

Text niya.

 "Kash kung alam mo lang, nabawasan yung iniipon kong pera, kaya pasalamat ka na lang dahil..."

Napangiti na lang ako sa aking nasabi.


Message: Kash, punta kami sa inyo. Makikikain kami nila Alex at Vince.

Agad na pagtext ko sakanya at agad nang tumakbo papunta sa banyo, ligo time.

Pagkapasok ko ng banyo ay wala sa sarili na lang akong napatigil.

Ganitong-ganito ako dati, masaya, excited at hindi na makapaghintay na makita yung taong gusto ko.

Pero ang nangyari? Yun nga, kalokohan, kahihiyan.

Katulad ng dati ay ganun rin kaya ang mangyayari ngayon? Mauulit ba? Lolokohin rin ba ako ng taong nagugustuhan ko?

 "Tama na, napa-paranoid ka lang." pilit na pangungumbinsi ko sa sarili.

Iba si Kash, ramdam ko yun.

Kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagligo.

Habang nasa kalagitnaan ng pagligo, ano kayang nireply ni Kash?

Excited na ako.

Kapag pumayag siya, agad kong pupuntahan yung dalawa.

Kung kinakailangan, manggigising ako. Kahit may hangover pa sila, haha.

Pero teka, teka.. may nasabi ba akong gusto ko si Kash?

Wala naman diba?


DIBA?


-----



Point Of View

 - K a s h -



Message: Mamayang gabi na lang. May pupuntahan kami ng kapatid ko eh.

Reply ko kay Jacob.

Aalis rin naman si inay mamayang gabi, wala kaming kasama ni Tenten kaya ayos narin na pumunta sila.

Bago pa man ako nagtext, nagpaalam na ako kay inay, pumayag naman siya.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta, sabi ko nga ay hindi ako mausisa pagdating sa mga bagay na sa tingin ko ay hindi dapat pinapakialaman, sabi ko nga.. naghihintay lang ako.

 "Kuya tara na po." rinig kong sabi pa ni Tenten.

Tsk tsk, excited makipaglaro.

Sabi ko kay Jacob may pupuntahan kami, pero sa totoo lang.. dun kila Seven punta namin.

Teka.. nga pala.

Kamusta na kaya si Seven? sana naman hindi na nahihiya sa akin yun.

...

 "Nasan si kuya mo?" mahinang sabi ko kay Chan pagkalapit ko sakanilang dalawa ni Tenten.

Kanina pa naglalaro yung dalawang bata, pinapanuod ko lang sila.

Kanina ko pa kasi hinihintay si Seven, sabi na eh.. nahihiya pa yun.

Wala tuloy akong kakwentuhan. Naiinip na ako, arte naman ni Seven.

Tapos natatakot pa ako dun sa daddy nila, padaan-daan lang.

Hindi man nakasimangot pero parang nakakatakot talaga eh? O siguro ay dahil sa alam kong ayaw niya si Seven?

 "Ahhh ate.." agad na pagpansin ko sa katulong nila nang dumaan ito.

 "Po?" balik nito.

 "Saan po ang kwarto ni Seven? puntahan ko po sana siya." nahihiyang sabi ko pa.

...


 "Oooops.." napakahinang sabi ko nang maisara ang pinto ng kwarto ni Seven.

Buti na lang hindi niya narinig. Tahimik, napakatahimik na pagpasok ang ginawa ko, ninja moves hehe.

At dahan-dahan na nga akong lumapit kay Seven, nakaupo lang ito sa may higaan niya.

Saglit kong nilibot ang aking paningin, ayos yung kwarto niya, medyo peaceful yung dating.

Muli kong tinignan si Seven, ano kayang iniisip niya?

Dahan-dahan kong nilapit ang aking mukha sakanya.

Nakangiti kong pinagmamasdan yung mukha niya. Lakas maka-inosente ng dating eh.

 "Hi Seven." magiliw kong sabi.

Nagulat pa ito.

 "Kash? n-nandyan ka pala?" tonong hindi makanipawala niya.

Sa nakikita kong reaskyon niya, nahihiya pa nga ito patungkol sa kahapon.

 "Oo pasensya na kung hindi na ako kumatok, kanina pa kasi kita hinihintay lumabas eh, wala tuloy akong kakwentuhan." tonong naninisi ko pa.

 "G-ganun ba? Kasi, a.. ano kasi eh.." hindi matapos tapos niyang sabi.

 "Kung yung kahapon ang iniisip mo, huwag kanang mag-alala dahil wala nga yun sakin, tara labas na tayo?" sabi ko na lang.

At tumayo na nga ako.

 "Pwede bang dito na lang tayo magkwentuhan?"

Napaupo na lang ako dahil sa sinabi niya.


 "Okay." simpleng sabi ko.



Katahimikan..



 "Magsalita kana.. nahihiya kapa eh.." paniniko ko pa sa tagiliran niya.

 "Pwede bang idescribe mo 'tong kwarto ko? Para malaman ko kung talagang sinunod nga ni mommy yung request ko." biglang sabi naman niya.

 "Hmm.." tonong nag-iisip ko habang nililibot ang aking paningin sa loob ng kwarto niya.


-----



Point Of View

 - S e v e n -


 " .. oo tapos medyo light yung dating tapos.. yung mga sapatos mo nakahilera banda sa may pinto, ang gaganda nga eh..tapos... "

Katulad ng dati, ay nakangiti lang ako habang nagkekwento siya.

Ang sarap niyang pakinggan, tuloy-tuloy, walang preno, derederetso.. yung pagsasalita niya. Halatang masaya pa siya habang nagkekwento.

 "Kash.." pagputol ko sa pagsasalita niya.

 "Bakit?" agad naman niyang sabi.

 "Parang sumobra naman ata sa kagandahan at kaastigan yung kwarto ko dahil sa mga sinabi mo." natatawang sabi ko.

 "Uy Hindi Ha!! Tignan mo kaya oh, tapos dun nga may salamin ka tapos nakikita mo yung labas eh samin nga bintana lang tapos yun lang..." agad niyang sabi, tonong pagmamalaki pa.

 "Paano ko titignan?" pagngiti ko pa.

 "Oo nga noh,.. hmm teka.... edi ba nga sinabi ko na yung itsura? kaya kahit wag mo nang tignan, ba yan paulit-ulit naman eh." tonong nabubusit pa niya.

Lihim akong natawa, nakukulitan rin pala siya. Eh sa siya nga ang makulit magkwento eh, haha.

 "Kash, may sasabihin ako.. seryoso." mahinang sabi ko.

 "Ano yun? bigla bigla ka namang nagseseryoso." agad na balik niya.

 "May napag-usapan pala sila mommy pati si nay Malia." paninimula ko.

 "Papasok kasi ng trabaho si inay niyo sa amin, okay lang ba sa'yo yun?" mahinang sabi ko.

Medyo nahihiya kasi ako, na baka syempre hindi niya magustuhan yung offer ni mommy.

Nanatili lang kaming tahimik. Hinihintay ko siya magsalita pero walang kibo eh, pero ramdam ko parin na nariyan lang siya.

 "Ahm Kash, wag kang mag-alala.. sinabihan ko naman si mommy na wag masyadong papagtrabahuin si inay niyo eh, pero.. pero kung ayaw mo okay lang naman kasi.."

 "May sinabi ba akong ayoko? wala naman kaya.. tsaka.. desisyon parin kasi ni inay yan eh, kaya okay lang." pagputol niya sa sinasabi ko.

 "Talaga? N-nasabi naba niya yung tungkol sa pagtira niyo dito?" agad na sabi ko, nakangiti, excited, masaya.

 "H-hah?" biglang sabi niya. "Ah.. ehhh... o-oo nasabi na. Pinag-iisipan pa namin."

Sa sinabi niya, lihim akong napa-Yes! Atlis, pinag-iisipan na, haha.

 "Seven anak?"

Agad akong napatayo sa narinig.

Si mommy, kumakatok.

 "Po?" pagsagot ko.

 "Si daddy mo aalis, sa Manila ulit." balik ni mommy, narinig kong nabuksan na nito ang pinto.

 "Karlo nandyan ka pala, pakitulungan si Seven, salamat." rinig kong sabi pa ni mommy, at nagmamadali atang bumaba.

 "Mommy?" agad na sabi ko.

 "Nakaalis na, tara sa labas." biglang sabi naman ni Kash.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa kamay at balikat.

 "Kahit memorize mo na yung mula sa higaan mo hanggang sa pinto palabas, hayaan mong alalayan parin kita." rinig kong sabi pa niya, napatango na lang ako.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Yan, maiwan na muna kita." pagbulong ko kay Seven nang maiupo ko na ito sa sofa.

Nandoon yung mommy at daddy niya.

Agad narin akong nagpaalam sa mga magulang niya, nakakahiya.. mukhang seryoso ang atmospera eh.

Habang naglalakad ay napansin ko yung dalawang bata na sa labas na pala naglalaro, sa mga damuhan.

At nilapitan ko na nga sila.

 "Pasalamat kayo hindi maaraw." sabi ko na lang saka pag-upo sa may malapit sakanila.

Patuloy lang sila sa paglalaro, mga robot ang pinagkakaabalahan nila.

Hanggang sa nakuha ko pang magulat nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko.

Kanina pa 'to eh, habang kakwentuhan ko si Seven.
Hindi ko lang matignan dahil abala ako sa pakikipag-usap kay Seven.

 "5 texts." sabi ko nang tignan ito. "Lahat kay Jacob?" pagkunot ko pa.

Message: Kash!! Text muna tayo!!
Message: Uyy!!
Message: Kash!!!!!!!
Message: Madaldal!! Tara text text muna tayo!!
Message: Woy Kash?


Text niya, nang-insulto pa eh.

Ang kulit rin nito, sinabi na ngang aalis ako pero patuloy parin sa pagtext.

Message: Oh bakit? Ang ingay mo!

Reply ko na lang.

Text text na muna kami, habang hinihintay ko si Seven.

Agad naman itong nagreply.

Message: Busy kaba? Daya naman, kanina sabi mo text text tayo.

Pagbasa ko sa text niya, oo nga pala at kanina ay ako ang nangungulit sakanya.

Message: Ba't ang kulit mo muna? Ang ingay mo, natutulog yung cellphone ko eh.

Siguro mga ilang segundo ko palang naisend yung reply ko ay nakapagreply na nga siya.

Message: Ewan ko nga sayo. Basta mamayang gabi ah? Pupunta kami sa inyo, wala ng baiwan yan. :)

Napailing na lang ako sa nabasa.

Anong ipapakain ko sakanila? Nakakahiya kung wala akong maihanda, arrgh!! Bahala na.

Basta kahit ano na lang!

 "Chan alis na si daddy."

Napatingin na lang ako sa nagsalita, daddy nila.

 "Bye po daddy, bye.." sabi naman ni Chan pero sa paglalaro parin ang pokus.

 "Kiss na nga lang." magiliw pang sabi ng daddy nila saka hinalikan yung bata sa noo.

Eto ba talaga yung tatay na sinasabi ni Seven na hindi siya mahal?

Sa nakikita ko, napakabait ng daddy nila. O sadyang kay Chan lang? Edi kung ganun.. kawawa naman si Seven.

Pero, kahapon kasi pagkadating ng daddy nila, nung habang may kotseng papasok na sinabi ko at nung saktong pagbaba nung daddy nila, kay Seven siya agad tumingin.

Tapos nga nung may hinanap ang paningin niya, at napadapo ito kay Seven.. ngumiti siya eh.

Pero nung kinausap siya ni Seven, hindi naman siya tumugon, basta na lang siyang umakyat.

Ano ba talaga? Ang gulo!

 "Karlo diba?"

Wala sa sarili akong napatango nang bigla niya akong lingunin.

 "O-opo.." pahabol ko pa.

 "Salamat."

Simpleng sabi at pagngiti pa niya saka na umalis.

Napa-"HAH?" na lang ako sa isip ko.

Nge? Nge?


Nge?

Nge talaga!

Nge parin.?!


At literal naman akong napa-"NGE?" nang makita si inay.

 "Gamit?" kunot ko pang sabi nang makitang yung mga dala niya.

 "Nay..!" pagsigaw ko pa saka siya mabilis na nilapitan at tinulungan.

 "Ano po itong mga 'to?" simpleng tanong ko.

 "Lilipat na tayo." masayang sabi niya.

 "Hah? Nay naman.."

 "Diba kagabi pumayag kana?" agad na pagputol niya, napatango na lang ako.

Kagabi pagkahatid sa akin ni Jacob, yun ang pinag-usapan namin ni inay.

 "Nay Malia ano ba yan? Diba sabi ko patulong ka kay manong?" agad na sabi ng mommy ni Chan at pagtulong rin sa amin.

 "Tumigil tigil ka ah? Pumayag na ako sa gusto mo kaya hayaan mo ako." balik naman ni inay.

Tumatawa lang yung mommy nila Chan. Sa nakikita ko, close talaga 'tong dalawa.

Habang papasok kami ay napatingin ako sa may bandang hagdan nila pataas.

 "Seven?" nasabi ko na lang sa aking isipan nang mapansin ito.

Umaakyat siya mag-isa, dahan-dahan.

Sasabihin ko sana kay tita pero naisip ko na baka pagalitan siya.

Nasa gawing gilid ito mula sa amin kaya siguro hindi siya nakikita ni tita.

Nang mailapag na namin ang mga gamit ay patago akong tumakas, para agad na malapitan si Seven.

 "Wuy? baka naman mahulog ka." agad na sabi ko nang maalalayan ko ito.

 "Kaya ko na." agad naman na sabi niya, hinila niya rin ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.

Kung titignan, kaya nga naman niya, nakahawak rin naman kasi siya.

 "Kaya ko na, kaya ko. Ginagawa niyo naman akong lumpo." medyo may inis na tono niya.

Paano niya nasabi yun? Eh nag-aalala lang naman ako.

 "Yun ba ang sa tingin mong tingin ko sa'yo?" mahinang sabi ko, habang nakatingin sa hakbangan at pagsabay lang sa bawat hakbang niya pataas.



Katahimikan



 "Si daddy kasi eh."

Wala sa sarili akong napatigil mula sa paghakbang nang marinig yung sinabi niya, yung tono niya.. tonong naiiyak, na para bang nagsusumbong.

Nanatili lang akong tahimik.

Kapag ka kasi ganito, hindi ko alam kung ano ang mga dapat sabihin.

Natatakot rin kasi ako na mabigo ko yung tao, na baka yung mga bibitawan kong salita ay hindi makatulong sa problema, o baka naman ay magpabigo at magpalala lang lalo sa sitwasyon.

.....

 "Ganun ba talaga kahirap na tanggapin ang isang katulod ko?"

Biglang sabi ni Seven.

Ngayon ay narito kami sa kwarto niya, tahimik, sobrang tahimik hanggang sa eto at nagsalita siya.

 "Siguro nga oo, ayaw ako ni daddy eh. Mahirap nga siguro akong mahalin, dahil sa ganito ako."

Maya-maya'y sabi pa niya, tonong sumuko na at tuluyan nang nawalan ng pag-asa.

 "Makapagsalita ka naman.." nasabi ko na lang.

Hindi siya mahirap mahalin, alam ko yun at siguro ako dun.

 "Sinabi mo sa akin kanina na kung itrato ka namin ay parang lumpo ka lang.. eh sa ikaw nga mismo ang nagtatrato sa sarili mo ng ganun eh, base kasi sa mga sinasabi mo ngayon.. ay parang ibig lang sabihin na ganun at mababa na ang tingin mo sa sarili mo." mahabang sabi ko pa.

 "Tsaka ang kulit mo, sinabi ngang hindi ka mahirap mahalin eh." tonong naiinis at pamimilit ko pa.

 "T-talaga? Yan ka nanaman eh, tapos joke nanaman." pag-iba na ng tono niya.

Medyo balik na sa dati, nakangiti narin siya.

 "Hindi joke yun noh, totoo naman eh. Lahat naman ng tao hindi mahirap mahalin, minsan ay talagang nasa taong nagmamahal lang yan. May malamig, at may sobra rin kung magmahal, depende ba." paninigurado ko.

 "Sa tingin mo.. san si daddy sa dalawa?"

Sa tinanong niyang yun ay saglit akong napaisip.

Ano nga ba? Malamig? o sobra kung magmahal?

 "Hindi ko alam, pero syempre mahal ka niyan.. tatay mo siya at anak ka niya." sabi ko na lang.

Hindi ko rin kasi alam, naguguluhan rin ako eh.

 "Oh tama na ang iyakan ha? Ngumiti kana kaya ituloy-tuloy mo na." pahabol ko pa saka ito sinisiko-siko sa may tagiliran.

Naadik na ako sa pagsiko sa may tagiliran niya, napapangiti kasi ako sa reaksyon niya eh.

 "Kash may gagawin kaba niyan?" biglang sabi niya.

Saglit akong nag-isip sa tanong niya.

 "Ahmm... wala naman, bakit?" agad na balik ko.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



 "Grabe ka Jacob, talagang tinext mo yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Alex.

Tumango lang ako.

 "Nakakahiya kay Kash, ang kapal talaga ng mukha mo." sabi pa ni Vince.

 "Ewan ko nga sa inyo, syempre nakikipagkaibigan tayo sakanya kaya yun." simangot ko pa.

Nasa jeep kami ang ingay-ingay nila.

Papunta kami sa astro, makikipaglaro lang ng volleyball sa mga kakilala ni Alex.

Ang init-init pamo, tsktsk.

Ayaw kong maging kakulay ni Kash!

Dark lv.9999 version 1.23 yung kaitiman nun eh.

Hehe.

 "Ken namu pu lele..." pagpara ni Vince.

At agad na nga kaming nagsibabaan.

 "Rampahan nanaman sa salakot oh.." agad na sabi ko nang mapadako ang tingin ko sa may salakot.

Narito kami ngayon sa Astro Park.

Sa tuwing pumupunta kami dito, kung hindi mga adik sa skateboard, o kung hindi mga nagpapraktis ng sayaw ay mga rehearsal patungkol sa modeling or pageants.

Sa totoo lang, ang Angeles kasi ay capital pagdating sa paghahanap ng mga aspiring models.

(
Athr'sNote- Guys, totoo yan, ang mga taga-Angeles.. isa sa mga nangunguna kapag dating sa industriya ng modeling or mapa-fashion shows pa yan :)) alam ng mga kapwa kapampangan kong fanatic ng Runway Fashion Shows yan!! :))

Sa katunayan, nag-attempt narin ako, sumali ako sa isa mga gumagawa ng Runway Fashion Shows dito samin :)) kaso sumuko ako, kulang pa sa experience at mga gamit.. especially yung Combat Shoes :)) pangarap ko yun!! Haha. Mahirap talaga maging mahirap!! Whoo!!

Okay.. going back..
)

 "Pustahan daw, tatlong litro ng coke." biglang sabi ni Alex habang sa cellphone nito nakatingin.

 "Tatlo palang tayo oh, Vince nasan yung mga kaibigan mo? san mga kateam natin?" inis ko naman.

 "Ba yan ba't ang high blood mo?" balik kagad ni Alex.

 "Ayaw niyo kasing sumama sa bahay nila Kash eh." tonong pagtatampo ko pa.

 "Nakakahiya naman kasi kay Kash, diba Vince?" agad na sabi nito, tumango naman si Vince.

Napailing na lang ako, tsk.

 "Ano bang klaseng mga kaibigan kayo." pag-iling ko ulit, saka na naglakad ng mabilis.


-----



Point Of View

 - A l e x -



 "Ayan tama yan, dapat talaga at mainis siya." pabulong na sabi ko kay Vince, ngumiti naman ito.

Alam namin ang dapat gawin para manalo kami sa laban.

Si Jacob, kapag napipikon yan.. medyo nagiging wild.

Kaya kapag volleyball, nako.. sobrang nakakatakot yan kapag mag-spike, tsktsk sorry na lang sa susubok na harapin yung bolang paliliparin niya.

 "Kunwari lang yung hindi natin pagsama ah?" sabi naman ni Vince.

 "Oo naman, kunwari lang talaga na hindi natin siya sasamahan kay Kash, syempre para medyo uminit ulo niya at maging hayop nanaman mamaya sa laban." pagngisi ko naman.

 "Gusto ko rin makilala pa ng lubusan si Kash, lam mo na.. crush ng kaibigan natin eh." patango-tangong sabi ko pa.

Si Jacob? nako! May gusto kay Kash yun, hundred percent!!

Maganda narin yun, patunay lang na moved-on na siya, mula sa nangyari sakanya dati.


-----



Point Of View

 - S e v e n -



 "Oh yan ah, pinagbigyan na kita kahit napaka-init pa." rinig kong sabi ni Kash.

Kasalukuyan kaming narito sa Astro Park.

Kinwento kasi ni mommy na dito daw sila nagkakilala ni daddy kaya na-curious ako.

At si Kash ang naisip ko, ipapakwento ko sakanya yung itsura ng park na ito.

 "Start na." nakangiting sabi ko, excited.

 "Galing ah? ginawa mo talaga akong dakilang tagapagsalita." tonong mala-makata pa niya.

Natawa pa ako, kaya naman hindi agad ako nakapagsalita.

 "Alam mo ba Kash, dito nagkakilala sila mommy at daddy. Kaya naman pakiramdam ko.. dito ko rin makikilala yung taong magmamahal sa akin." mahinang sabi ko, nakangiti lang.

Hindi na muna ako nagsalita pa, hinihintay ko kasing magsalita si Kash pero hindi ito tumugon.


Katahimikan


 "Kash?" agad na sabi ko nang makalipas ang halos ilang minutong katahimikan.

 "Seven, alam mo tama ka." biglang sabi niya.

Magsasalita na sana ako nang magsalita kaagad ito.

 "Mas maganda nga na nakikita mo yung taong mahal mo, yung bang hindi puro pakiramdam lang."

Sa sinabi niyang iyon, tumahimik na lang ako. Maybe, he's just pointing.. something?

 "Lalo na kapag one-sided feelings lang, yung ikaw lang ang nagmamahal.. na kahit hindi niya matugunan, ay sapat na sa iyo na nakikita mo siya, na masaya siya.. na nagkakasya ka na lang sa tingin." seryosong sabi pa niya.

 "Kash, m-may problema ba?" nahihiyang sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ganun yung mga sinasabi niya, kung bakit napunta dun.

 "Seven may tanong ako, anong mas masakit kapag dating sa one-sided? yung nakikita mo yung taong mahal mo o hindi?" biglang tanong pa niya.

Saglit akong napaisip.

Ano nga ba ang mas masakit?

One-sided?

Yung bang, mahal mo siya pero hindi ka niya mahal? o mas magandang sabihin na ikaw lang ang nagmamahal?, tapos anong mas masakit? ang patuloy mong nakikita ang taong mahal mo na kailanman ay hindi ka mamahalin? o ang hindi mo na lang makita ang taong mahal mo? para unti-unti, makalimot ka?

Arrgghh!! Ang gulo ni Kash!!

 "Parang mali ako sa sinabi ko dati, parang mas masakit na nakikita mo siya.." nasabi ko na lang.

 "Kung ihahalintulad ko kasi sa sitwasyon ko, mas maganda talagang hindi mo na lang siya nakikita.

Katulad ng sa daddy ko.

I love him, he's my dad. Pero hindi niya ako mahal, at ayaw niya sa akin.

From my point of view, mas natutuwa ako na hindi ko siya nakikita.

Na hindi ko nakikita yung pagtrato niya sa akin, na hindi ko nakikita na mahal niya ako at higit sa lahat, na hindi ko nakikita kung gaano niya kamahal si mommy pati si Chan." napakahabang sabi ko.

 "Ang sama ko noh? Pero wala eh, nasasaktan kasi ako, na dahil sa baka lalo akong mahirapan.. dahil sa inggit." sabi ko pa.

 "Sorry." biglang sabi niya.

 "H-hah?" agad na sabi ko.

 "Dahil sa kadramahan ko, nasabi mo yan, pasenysa na." balik niya.

 "Wala yun, magkaibigan naman tayo eh, okay lang na magdramahan minsan." tonong paninigurado ko pa.


-----



Point Of View

 - K a s h -



Nahihiya tuloy ako kay Seven, nasabi niya tuloy ang mga iyon.

Siya naman kasi eh, ako 'tong biglang nagdadrama tapos bigla-bigla rin siyang magseseryoso, ba yan!!

Pero kahit papaano, ayos na rin yun. Baka kasi kung ano pa masabi ko kapag hinayaan niya pa akong magsalita.

Pero teka, magkaibigan na daw kami? Edi? Edi..

Hanggang sa may naisip ako bigla..

 "Talaga magkaibigan na tayo?" tanong ko kagad.

 "Oo nga, mabait ka naman eh, masarap pang kakwentuhan." pagngiti pa niya.

Hindi ko na talaga maisip ang nararamdaman ko, siguro nasisiraan lang ako ng bait kaya yun lagi ang naiisip ko?

May ideya naba kayo sa nais kong iparating?

 "Magkaibigan na tayo edi okay lang na magsabihan ng secret?" tanong ko pa.

 "Oo nga, ganun ang tunay na magkaibigan eh, walang lihiman." tonong paninigurado ulit niya.

 "Edi okay rin na sabihin ko sa'yo kung sino yung taong bigla kong nagustuhan?" tanong ko ulit.

 "Nasa sa iyo, kung magtitiwala ka.. makikinig ako." napakagaan niyang sabi.


Katahimikan


Paano ba 'to? Gawin ko ba? Tama ba 'tong naiisip ko?

Nanatili lang akong nakatitig sakanya.

 "Seven, parang gusto kita, o gusto na ata talaga kita.. bigla."

Wala sa sarili kong nasabi, mahina, sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig.

Nakita kong nagulat ito, nabigla? walang masabi, hindi makapaniwala.

 "Pero Kash.."

 "Joke lang, ikaw talaga Seven ang dali mong mauto." agad na sabi ko.

Nang matunugan na ang sasabihin niya, ay agad ko na siyang pinutol.

Ayoko, ayokong mapahiya, ayoko.

Pero yung mga sinabi ko, totoo nga ba yun? A-ano bang nangyayari sa akin?

Si Jacob, k-katulad ko na ba siya?
Nababaliw naba ako?

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Aaassshhhhh!!!

Pero, pero ba't.. ba't wala pa man ay nasasaktan na ako? O mas magandang sabihin na agad akong nasaktan nang matunugan ang kanyang sasabihin.

Teka.. t-teka.. parang may mali.

Mali. Oo mali ito, wala lang itong nararamdaman ko, mali. Mali.


-----



Point Of View

 - A l e x -

(Bahay, 5pm)



 "Tae ka naman Alex eh, dapat hindi mo na sinabi sakanya yung narinig natin." inis na sabi ni Vince sa akin pagkalapit niya.

Narito kami sa maliit na sala namin, kwentuhan, habang si Jacob, ayun sa kwarto ko at sinabing gustong magpahinga.

 "Hindi naman natin sinabi lahat, yung una lang, at hindi alam ni Jacob na joke lang ni Kash yung unang sinabi niya." naiinis ko pang sabi.

Ang kulit kasi ni Vince.

Pero naiintindinhan ko siya, nag-aalala lang kasi siya kay Jacob, ako rin naman eh.

 "Gusto na ata kita."

Yan lang naman ang sinabi ko kay Jacob na sinabi ni Kash eh.

Tapos yung linya ni Kash na "Joke lang" ay hindi ko na sinabi, gusto ko lang naman kasi makumpirma kung may gusto talaga 'tong kaibigan namin kay Kash.

At ayun, kumpirmado nga!
Pagkasabi ko, back-out ang kinalabasan niya.

 "Paano niyan tayo makakapunta kila Kash? Baka ayaw na ni Jacob." biglang tanong ni Vince.

Teka paano nga ba?

 "Text mo si Kash, ayan yung cellphone ni Jacob oh, dali kunin mo number ni Kash." pagmamadali ko pa sakanya.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



 "Tol! May nagtext sa'yo, si Kash ata!!"

Agad akong napatayo sa sinigaw ni Vince.

At nang nasa pinto na ako at palabas na ay wala sa sarili akong napatigil.

Ba't ako nagmamadali? Kaibigan lang naman si Kash ah.

Arrrgghh, nababaliw na talaga ako.

 "Oh ano daw?" walang ganang sabi ko pagkabukas ko ng pinto.

 "Jacob, hintayin ko kayo sa amin ha? Mga bandang 7, dun kayo pumunta." pagbasa naman niya sa text at pag-abot sa akin ng cellphone ko.

 "Pupunta ba tayo?" biglang sabi naman ni Alex.

Tumango lang ako.

 "Ge, pahinga muna ako, iglip ako saglit." sabi ko na lang saka muling pumasok sa loob.

Ano bang nangyayari sa akin?

 "Gusto na ata kita."

Yan! Yan ang sinabi ni Kash kay Seven, arrgghh.. pilit ko mang itanggi, parang naiinggit ako. Aaarrgggh!!!!

Eto talaga ang ayaw ko eh, kapag nahuhulog ako, lagi na lang walang sumasapo.

Ayoko na, hanggang kaibigan lang. Pwede na yun, sapat na.

Message: Kash.

Pagtext ko sakanya, ewan pero parang gusto ko na itext lang sakanya yung pangalan niya, plain.

Agad naman itong nagreply.

Message: Oh bakit? Mangungulit ka nanaman noh? :))

Nang mabasa ang laman ng text niya ay napapikit na lang ako.

Tsk. Ba't kasi ganyan siya magreply, nakakadala kahit napakasimple lang.

Message: Jacob, may gusto sana akong sabihin sa'yo mamaya, alam ko kasi na ikaw ang makakatulong sa akin.

Sa muling pagtext niya, wala sa sarili akong napaupo mula sa pagkakahiga.


Arrrgghh!! Natutunugan ko na 'to. Yung gusto niyang sabihin!

Alam niya kung ano ako, at alam ko na kung ano ang itatanong niya.

Pupunta paba ako sakanila? Wag na lang kaya? Eh sa mukhang alam ko kung ano ang sasabihin niya eh, tapos masasaktan lang ako.

Si Seven, panigurado patungkol sa nararamdaman niya kay Seven.

Pero.. pero magmumukha naman akong masama nun kung tatanggihan ko yung pakikipag-usap niya.

Ay ewan!

Message: Ge, mamaya usap tayo.

Reply ko.

Muli, napapikit na lang ako.




Itutuloy


Guys, hintayin niyo yung picture ko ha? Para sa inyo, magpapakilala ako!! Haha :))

10 comments:

  1. NICE TAray ni kash.. gusto ko makatuluyan nya c seven..... parang mas bagay sila.... hahaha pero mas intersting yung picture ni author...cgurado to kamukha ni seven to. Hahaja update agad... plssss... eto talaga inaabangan ko dito eh... kasi iba ang plot ng story..... good job.... ang thank you sa yo.... more stories to come.


    MACHINEMAN.... ^__^v

    ReplyDelete
  2. Ok yan para makita naman namin ang author namin kahit pic lang. Salamat pala sa update.

    ReplyDelete
  3. weeeee! Di nga sure ka!
    mag po post ka ng picture mo.....
    ha...ha..ha..... joke lang sige wait namin....
    go.... sevennnn kaya mo yan..

    red 08

    ReplyDelete
  4. Wow model pala tong si author eh. sabi na eh kamuka mo si kurt at nicollo. hahaha Grabe naguguluhan parin ako kung si Jacob or Seven.. pero Jacob padin ako as of now. siguro mga 3 chapters pa at meron na akong susuportahan hahaha. Oi prince wag ka, totooyung sinabi ko. pero nakakatuwa pag nagdidisclaimer ka na bland o boring yung story ahaha. pa humble. Oh may bago na Nge? at walang speechless sa chapter na to. tsk hahaha Akala ko may work ka na? hanap ulit. Good job ulit at makikita naman ang prinsipe. haha :-P Marvs

    ReplyDelete
  5. Naku kyutan ako sa story mo author. Lght lang tas nakakakilig. Hahah

    -Kevin

    ReplyDelete
  6. Ga panenayan meya ing picture mu hahaha...



    Darkboy

    ReplyDelete
  7. Cute yan sa personal si author prinze.....next chapter agad mganda n takbo eh

    Jay 05

    ReplyDelete
  8. Sana si Kash at Seven na. Nakakakilig hahahahaha.

    ReplyDelete
  9. nice chapter again! he he he. wow! cge, para masilayan namin ang author nito.

    ReplyDelete
  10. Maganda ang story, ang di ko lang gusto ay yung madalas na topic nila Kash at seven tungkol sa Love at relationship to think na napakababata pa nila, di pa nga nila nararanasan na mainlove at mabigo pero sa dicussion nila kala mo nas late 20s na ang edad nila. at their age usually ang mga topic at crushes at type pa lang di ba? But nice story, iwill be looking forward for the coming chapters.

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails