GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 8
AUTHORS NOTE: thanks sa patuloy na suporta hehe.. Dami ko ng utang sa inyo hehhe.. Babawi ako promise..this week.. Super busy lang talaga.. Salamat s alahat ng nagbabasa.. Mwuahugs.. At lahat ng nakakaintindi.. Mwuah... Babawi ako .. Thats for sure.! Hindi ko kaya iiwan don't worry.. Yan ang sigurado.! ,wuah..sali kayo sa group.. More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..!
Or add me sa fb
SI GEO
" si chris mahal ko sya kaya wag ka ng umasa... Porket break na kayo ng girlfriend mo lalandiin mo na ko.. Layuan mo ko paul hindi kita type." lalo lang syang natawa sa sinabi ko.
" hoy hindi kita nilalandi.."
" ano tawag mo sa ginagawa mo..?"
" nangaasar.. Laki ng difference nun huh.."
" nakakaasar ka..? Yan ba gusto mo sabihin ko.. Fine.. Naasar ako.. Ngayon gusto ko na pumunta kay chris.. Pwede ba dalhin mo na ko sa kanya..?"
" haixt sabi ko nga.." ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.. Badtrip na ngiti yan oh.. Pagdating namin sa bar na tinutugtugan ni chris nilibot ko lang yung tingin ko sa lugar.. Ang ganda.. Mukha ngang sosyal. " wait.." pigil sakin ni paul ng aktong bababa ako ng kotse,
" why..?" simangot ko.
" navaccine ka na ba..?"
" huh.?" kunot ang noong saad ko.
" bawal kasi hayop jan baka mangagat ka eh..?" asar niya nilapit ko naman yung mukha ko sa mukha niya saka sya gigil na tiningnan.." what..?" hamon niya na hindi iniwas yung mukha niya.. Shet.. " gusto mo ng kiss..?"
" fuck you..!" saad ko pero nagulat ako ng biglang maglapat yung labi naming dalawa ilang sandali akong parang naging estatwa.. Putekkkk..waaahh Ano to.. Agad lang akong humiwalay sa kanya saka sya nagtatakang tinitigan pero isang ngiti lang yung binigay niya.
"masarap ba..?" tanong niyang may matamis na ngiti sa labi.
" aaiiixx shit!!!" gigil na saad ko saka bumaba ng kotse niya.. Tambling!! Napapakit lang ako.. Damn it! First kiss.. Sa lalake..? Si paul.. How come para kay chris dapat yun ah! Gigil lang akong naglakad papunta sa entrace do or die.. Dapat makiss ko si chris ngayon.. Naa! Hindi ako papayag.. Hindi!! Malapit na ko sa pinakaentrace ng makita ko si chris na palabas.. Tumigil naman ako sa paghakbang.. Ikiss ko na ba sya.. Magisa lang naman sya eh.. Aixt.. Ngayon na ba.. ? Galaw geo..ano ba.,
"geo..?" tawag ni chris sakin.. Hindi naman ako nakagalaw ng lumapit sya sakin.. Aytt.. " ano ginagawa mo dito.?" tanong nito.
"uhm eh ah chris.." tarantang saad ko.
"manunuod ka..?" ngiti niya nakagat ko naman yung labi ko saka tinitigan yung lips niya.. Aixtt Im sorry.. Pero aaahhh bahala na..! Natigilan lang ako ng makitang nakatingin sya sa likod ko.. Napalingon naman ako. " paul..? Magkasama kayo.?"
" yeah.." nakangiting saad ni paul.. Sinamaan ko naman sya ng tingin.. Damn it..! " magsisimula na ba kayo..?"
" yeah.. So papanuorin mo kung pano kami tumugtog..?" ngiti ni chris.
" parang ganun na nga.. Ok lang ba..? Well napanuod na kita nung high school tayo wala namang duda sa ganda ng boses mo..just want to know kung nagimprove ka ba or may nagbago ba .? You know stuff like that.. Ok lang naman di ba."
" ok lang bro.. Enjoy the night.." saad nito saka tumingin sakin. "ang gwapo mo ngayon ah..?" saad niyang nakatitig sa mata ko..tangna! Nakakatunaw yung tingin niya.. Hindi naman ako ice cream pero feeling ko nagmemelt ako ng mga oras na yun!
" matagal na kong gwapo.." pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" namiss kita.. Di lang kita matyempuhan sa park eh.." saad niya napatitig naman ako sa mukha niya.. Namiss niya ko..? Totoo..? Shet ang sarap pakinggan nun..
" chris..uhmm.." naman oh gusto ko sya ikiss.. Buset na paul kasi to kinuha yung first kiss ko.. ! Nakakainis talaga.!
" what..? May problema ba.?" kunot ang noong tanong niya.
" wala yang problema tol.. Tara na geo.. Magsisimula na sila." hila sakin ni paul papasok sa entrance agad ko naman tinangggal yung kamay niya..nang lingunin ko si chris nakatalikod lang sya.. Haixt namiss niya ko! Muli lang akong hinila ni paul papasok.. haixt
" I hate you..!" gigil na bulong ko sa kanya pagkaupo namin sa pangdalawahang mesa..
" why..?" ngiti nya.
" Para kay chris yun eh.."
" ang alin..?"
" yung first kiss ko..! Badtrip ka kung alam ko lang na hahalikan mo ko hindi na ko pumayag na samahan mo ko dito."
" ang big deal naman sayo ng kiss na yun.."
" first kiss nga eh.. Ang tanga mo talaga noh..?" simangot ko natawa naman sya,
" tingin ko naman nasarapan ka sa kiss na yun.. Tama ba ko.?"
" gago hindi.. Kainis..! Gustong gusto kita patayin.. Alam mo ba yun.?! Lumayo ka sakin baka bigla nalang kayo magkita ni satanas. Paull!! Nakakainis ka.." simangot ko sa kanya.
" di ka man lang masaya na ako yung first kiss mo..?"
" hindi.."
" owss.."
"paul hindi nga kita gusto bakit ba ang kulit mo.. busted ka na di ba.?"
" anong busted hindi naman kita nilagawan ah.. Feeling chicks ka talaga eh noh..?"
" hindi kita gusto kaya please.."
" hindi rin naman kita gusto ah.."
" eh bakit mo ko kinukulit..?"
" uhm wala lang.. Bored..?"
" eh kung ihampas kaya kita sa blackboard.. Kainis talaga oh." inis na saad ko napabuntong hininga naman sya.. Ilang sandali lang kaming walang imikan haixt kung pwede ko lang gawin yung nasa isip ko.. Malamang ilang beses na syang pinaglamayan..!
" sorry.." mahinang saad niya na sa ibang dereksyon nakatingin..
" huh..?"
" sabi ko sorry.."
" wow.. 8888 ka ba..?" ngiwi ko.
" huh..?" kunot ang noong saad niya.
" sabi ko 8888 ka ba..? Kasi sa panahon ngayon 8888 nalang ang marunong magsorry may kasama pang explanation..!"
"ewan ko sayo.. Basta sorry.. Hindi ko sinasadya.. I know mali yung ginawa ko."
" mali talaga..!"
" kaya nga sorry di ba.. First kiss mo ba talaga ko..?"
" unfortunately.fuck!"
" Sorry..maniwala ka sa hindi.. Kainis.. First kiss din kita sa lalake eh.." napapakamot na saad niya.. Natitigan ko naman yung mukha niya.. Aixtt shet. . Ang gwapo..
" first kiss..?"
" first and last.. Hinding hindi na ko manghahalik ng lalake.."
" straight ka ba..?"
"oo naman.. Hindi maganda sa pakiramdam yung kiss kanina.. Aixt sorry.."
" hoy kapal mo.. "
" I mean hindi ko naman sinasabi na hindi masarap yung lips mo.."
" you mean nasarapan ka sa lips ko..?"
" no..!"agad niyang tanggi.." awkward.. First time ko naramdaman yun eh.."
" eh gago mo kasi..paul.. Seryosong usapan.. Gusto mo ba ko.?"
" hindi nga.. Straight ako geo.. Ok.. so hinding hindi ako magkakagusto sayo..yung kiss kanina wala sa plano ko yun aasarin lang dapat kita eh kaso dumikit yung lips ko eh."
" kailangan ko makiss si chris ngayon.."
"huh..?"
" gusto ko ikiss si chris ngayon.."
" hindi ka pa nakuntento sa lips ko huh.?"
" aixt badtrip ka kasi.. Gusto ko lang maramdaman yung pakiramdamn ng kiss niya.."
" ano ba naramdaman mo nung nagkiss tayo kanina..?" kunot ang noong tanong niya.. Umiwas naman ako ng tingin. " what..?"
" ewan.. Wala.. Walang dating.." simangot ko natawa naman sya.
" namumula ka.." ngiti niya.
" fuck you ka kasi first kiss ko yun eh.."
" ok.. Namiss ka daw niya ano ibig sabihin nun.?" saad niya napalingon naman ako sa stage nakita ko lang si chris na kausap yung mga kabanda niya.
" narinig mo yun..?"
" yeah.. Kung tingin mo may gusto sya sayo.. Malabo yun.." sarkastikong ngiti niya saka tinaas yung kamay para tawagin yung waiter.
" bakit malabo..? Ano yun parang tv na walang antena ganun.. Uso na po cable ngayon.?"
" OO paran kang tv na walang antena.. Ang sarap mo patayin." simangot niya.
" ikaw ang masarap patayin.. Ang kapal mo!"
"Alam mo... si blue lang ang mahal niyan eh."
" people change..?"
" pero ang love hindi.. Yeah.. Nagbabago ang tao.. Pero ang puso kapag tumibok yan..no choice.. Sometimes it takes a lifetime para mabago mo yung nararamdaman ng tao.." seryosong saad niya lumapit naman yung waiter. " isang bucket ng beer.. Fries .. What do you want..?" untag niya sakin ng mapansin na nakatitig ako sa mukha niya.
" kahit ano.."
"meron ba kayong kahit ano dito..?" tanong niya sa waiter.. Sinimangutan ko naman sya.
"nachos. cheeze." ismid ko..
" ok nachos..cheeze May gusto ka pa..?"
" wala na.."
" ok..yun lang." saad niya sa waiter.
" ok sir." saad nung waiter saka umalis.. Napabuntong hininga naman ako,
" ano nagustuhan mo kay chris.. I know gwapo sya pero aware ka naman na may mahal na yan di ba.?"
" uhmmm bakit mo tinatanong..?"
" wala lang.. Bawal ba tayo magkwentuhan..?"
" gusto ko sya.. Kasi.. Ewan basta i like him..at wala akong pakialam sa past niya mas may pakialam ako sa fuuture naming dalawa." seryosong saad ko umiwas naman sya ng tingin..
" alam mo ang wierd talaga ng kiss natin kanina.."
"bakit..?"
" ah wala nevermind.." iling niya.. Napalunok lang ako ng mapagmasdan yung lips niya.. Ano nga ba naramdaman ko dun sa kiss..? Tumigil ang earth..? Nagkaroon ng dambuhalang tambol sa dibdib ko..? Aixxt kainis.. Bakit parang gusto ko ulit maramdaman yung kiss na yun.. " what..? Wag mo ko titigan..?" natatawang saad niya.. Natauhan naman ako.. Shet kainis.. Ang sarap niya naman kasi titigan.. Erase... ! Naman oh.
" hindi kita tinitigan noh..?"
"ows.. Dun ka kay chris tumingin.. Di tayo talo.. At hindi kita papatulan.."
" haixt..! Lakas mo mang badtrip grabe.!" inis na saad ko saka nilingon si chris.
" buo na yung gabi ko.."
" bakit sira ba kanina.. Anong akala mo sakin mekaniko..?"
" naasar ka na kasi sakin.. Achievement yun.."
" ano ako medal..? Gago ka ah.."
" ang cute mo grabe.. Sarap mo ipalapa sa aso.." ngiti niya.. Nginitian ko naman sya pero tinitigan niya lang ako sa mata.. aixt
" ang gwapo mo.. Ang sarap mo -- " naputol lang yung sasabihin ko ng itaas niya yung kamay niya.
" opps.. Gwapo na..masarap pa.. Wala na dapat kasunod yun.."
" yuck..!"
" hoy geo pag natikman mo ko for sure.. Hindi lang si chris makakalimutan mo.. Pati sarili mo."
" hindi kita titikman noh.. Mukha ka kasing panis." sarkastikong ngiti ko sa kanya.
" kung mukha akong panis.. Amoy kaning baboy ka naman." huh ano daw.. ? Inamoy ko naman yung damit ko.. Mabango naman ah. " ay tanga naniniwala.!" natatawang saad niya.. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
" aiixt ayoko na wag mo na nga ako kausapin..!" inis na saad ko skaa tinuon yung tingin ko sa stage.. Badtrip lakas niya mangasar..! Pilit binubuo ni chris yung gabi pero ang walang hiyang to.. Hindi lang sinisira.. Putek winawasak pa! Damn it! God bigyan ako ng napakaraming pasensya.. Baka bigla nalang lumabas ang kyubi sa loob ko..! Haha
SI CHRIS
Hindi ko lang mapigilan tingnan si paul at geo habang nagkukwentuhan sa di kaluyan sa stage.. Haixt pano kung sila..? Aixt hindi pwede.. Tama si mommy pano kung maunahan ako. Si geo nalang ang pagasa ko.. Sya nalang..
" Kilala ko yun ah..?" untag sakin ni brax na nakatingin sa dereksyon na kinauupuan nila geo. " Its paul.."
" yeah.. Kilala mo sya.?"
"oo naman drummer sya ng the antagonist di ba..."
"yeah..and schoolmate ko sya nung high school"
" eh bakit sya nandito.. Teritoryo natin to ah."
"hayaan mo na.. Brax palitan natin yunng opening song huh.." saad ko saka kinuha yung guitara ko.
"palitan.. Why..? Ano ipapalit mo..? Braken hearted song na nga yun ah.. Ano pa gusto mo..? itong bar na to pugad na ng mga taong sugatan ang puso dahil sayo.. Mga opening statement na about moving on..magpapamisa ako pag tumugtog tayo ng party song.?" simangot niya.
" look yung kasama ni paul.."
" sino naman yun..?"
"It's geo.. And I like him.." seryosong saad ko kita ko naman na natigilan sya saka mariing tinitigan si geo mula sa malayo. " brax I'm serious..gusto ko sya.. Gustong gusto.."
" Ano uli sabi mo..?" kunot ang noong tanong niya. " I mean narinig ko pero.. Seryoso talaga..?" ngiti niya.
" yeah.." pilit na ngiti ko.
" wow.." iling niya . " guys .. Theo, devin..papalitan ang mga songs tonight." saad niya sa dalawa pang kabanda namin.. Kita ko naman yung pagtataka sa mukha nila. " wala ng tanong tanong ok.. Si chris.. May bago na.."
"Wag kang maingay."
" shut up.. Congrats..Welcome back chris.. Sana ito na yun.. Sana bumalik ka na..BUmalik na yung pinakaastig na vocalist na nakilala ko.." ngiti niya pinilit ko naman ngumiti saka tumango.. Tinapik niya naman ako sa braso saka tumuloy sa pwesto niya.. Muli lang akong napalingon kala geo.. You'll be mine.. Akin ka geo..
Pagkatapos naming ayusin yung mga kanta ay pumuwesto na kami.. Halos puno narin yung bar ng mga oras na yun.. Mga taong hindi nagsasawang pakinggan yung boses ko..boses ng nasaktan, nadapa at ngayon babangon..
" Goodevening guys..!" masiglang bati ko. "let me introduce myself.. Im chris.. Im the vocalist And here are my bandmates si brax para sa drums.. Devin lead guitar.. And theo para sa bass and we are The Gravity.! Hope you all enjoy this night and thank you for comming.." ngiti ko saka nagsimula tumipa sa guitarang hawak ko... Umayos lang ako ng upo saka pilit nilagyan ng ngiti yung labi ko.. Nang lingunin ko si geo kita ko lang yung titig niya sakin.. Those eyes.. Haixtt.. "Minsan sa buhay natin nagmahal tayo.. nagmamahal tayo ng taong alam natin na hindi naman talaga para satin.. tao na alam mong kahit kailan hindi magiging sayo..taong alam mo na kahit kailan hindi ka mamahalin." saad ko habang tinitipa yung mga unang nota ng kanta..tumungo lang ako.
"I know mali na minahal kita.. i know mali na umasa ako na someday magiging tayo.. mali na maniwala ako na pwede pa kita uli makasama... mali.. maling mali na sinasayang ko yung buhay ko loving you.. sinasayang ko yung mga oras na pwede ako magmahal at mahalin sinasayang ko yung oras na pwede akong maging masaya.. Pero mahal kita eh.. At pinagsisihan ko na minahal kita.. youre not my favorite mistake...coz now.. youre just my simple regret..regret.. yun nalang.. At isa lang yung hiling ko.. to wake up one morning with amnesia.. mawala lahat ng memories mo dito.. sa utak ko.. at higit sa lahat sa puso ko.. Or sana...sana..." hinanap lang mata ko yung kinauupuan ni geo... Ngumiti lang ako sa kanya.. " Sana may taong dumating para tanggalin lahat ng sakit, pagalingin lahat ng sugat..kalimutan lahat ng luha.. at higit sa lahat turuan yung puso ko na muling magmahal, sumaya at magsimula uli... this is song is dedecated to all the people out there.. mga taong gusto na uli magmahal at kalimutan lahat ng sakit ng nakaraan..kaya sa taong nakalaan para sakin.. Take good care of my heart and you know you do..geo..enjoy the night guys.." saad ko saka nilingon yung lead guitar namin at tinanguan..
Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama
Nabalot ng musika na nagmumula sa guitara yung lugar na yun... Kasunod yung malumanay na tunog ng drums.. Para tong nanunuot sa buo kong pagkatao. Bawat beat sa paligid ko ay sumasabay sa bawat tibok ng puso ko.. Pinilit ko naman ngumiti sa mga nanunuod I know mas mali tong gagawin ko.. I know.. hindi naman moving forward ang kailangan para makalimot minsan its stepping backward.. balikan yung bagay na dahilan kung bakit hindi ka makahakbang pasulong.. Balikan yung taong umiwan sa puso mo into pieces.. Balikan yung mga nangyare na nagdala sayo ng sakit.. Stepping backward to fix everything .. To fix what is not meant to be.. Babalikan ko si blue hindi para muli syang ikulong sakin..babalikan ko sya para palayain yung sarili ko na nakulong simula ng iwan niya ko. Sasaya ako at muling magmamahal.
Di na ako muling mag-iisa
Ngayon ikaw ay nandito na
Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo
Ako'y iibig pang muli
Para lang sayo
SI GEO
Ako at si chris.. Kami lang.. kami lang nasa lugar na yun.. Yun ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan si chris habang kumakanta sa stage na yun... Bawat salita ng kantang yun at bawat letra na nagmumula kay chris..para tong nanunuot sa bawat himaymay ng buo kong pagkatao sa bawat buka ng bibig niya sa pagbigkas ng lyrics ng kanta para akong naisailalim sa mahika.. A magic of love.
" para sayo ang laban na to.. Oh oh oh..di ako susuko.."rinig kong kanta sa gilid ko.. gigil lang akong lumingon kay paul.
" joke.." ngiti niya humugot lang ako ng malalim na hininga saka muling nagpokus kay chris..chris.. Please let me love you.. Please.. Bulong ko.
SI PAUL
Halos magaalasdose na nun ng sabay kaming lumabas ni geo ng bar na yun kung saan tumutugtog si chris at yung mga kabanda niya.
" are you ok..?" untag ko kay geo ng makitang wala syang imik.
" ah eh what..?" tulirong saad niya natawa naman ako.
" hindi pa sila tapos di ba..? Kainis naman si kuya aldred eh.." simangot niya.
" late na.. Gusto mo sunduin ka dito ni aldred..para makita niya si chris ang pinuntahan mo..?"
" gusto niya ko di ba.. Gusto ako ni chris..?"
" uhmm gusto niya subukan.. Yun ang nakikita ko.. I think alam niya na.. Na gusto mo sya."
" gusto niya ko.. Hindi niya na mahal si blue.." nagkibit naman ako ng balikat. " alam mo kaya sya lalong hindi makamove on kasi yung mga taong nasa paligid niya hindi rin makamove on.."
" ano kinalaman ko sa kanya..?"
" wala.. Hindi ko sya nakiss nakakainis.."
" siguro naman makikiss mo na sya since ang obvious na susubukan niya buksan yung puso niya para sayo.."
" sana nga.."
" alam mo ba kung ano alam ni aldred bakit tayo magkasama ngayon..?"
"ano..?"
" nagdate tayo..?" natatawang saad ko.. " even in my wildest dream hindi ko naimagine yung sarili ko nakikipagdate sa lalake.. Kalokohan."
" hoy gwapo ako.. Dapat nga maproud ka pa eh.."
" wehh.. Kahit gwapo ka.. Pag sinabing date ng dalawang lalake.. Tingin sa inyo ng mga tao.. Ang dumi dumi niyo na.. Well kahit pabalik baliktarin ang mundo hindi na mababago yun.."
" then ignore.. Bakit sila blue and kuya aldred.."
" yung relasyon ganun.. Kailangan ng balde baldeng tapang.. Belib nga ako dun sa pinsan mo eh.."
" tapang.. Courage.. Balde balde din ang naipon ko nun kaya wag ka ng kumontra.. Hinanda ko na yung sarili ko para kay chris."
" geo..!" sabay lang kaming napalingon ng marinig yung pagtawag na yun.. Nakita ko lang si chris na may baong ngiti sa labi humugot naman ako ng malalim na buntong hininga saka nginitian si geo.
"tawag ka.. Una na ko sa sasakyan. Bilisan mo sabihin ko nalang kay aldred dadaan muna tayo sa motel.." saad kos a ibang dereksyon nakatingin.
" gago ka..!" inis na saad niya natawa naman ako.
" joke lang.. Sige na I hope totoong gusto ka niya para magkaroon naman sya ng inspiration .. Nakakawalang gana kasi pag lumaban sya sa battle of the band na bitter parin." payak naman akong natawa..
"better not bitter.... At tatalunin niya kayo.." sarkastikong saad niya saka naglakad papunta kay chris.. Nagkibit naman ako balikat at nagsimulang humakbang papunta kung saan nakapark yung kotse ko.. Aktong bubuksan ko na yung pinto ng muli akong lumingon kala geo.."Goodluck.." bulong ko saka pumasok sa kotse.
SI GEO
Paglapit ko kay chris sinalubong niya lang ako ng ngiti. Hindi ko naman mapigilan titigan yung mukha niya.. Shet.. Perfection
" Nagenjoy ka ba..?" ngiti niya.
"sobra,.. Ang ganda boses mo.."
" Salamat.. Pasensya na hindi ako nakajoin sa table niyo ni paul.. Hindi kasi ako komportable sa kanya saka ayaw din ng mga kabanda ko.."
" Uhm sayang." napapakamot sa ulong saad ko.
" geo.."
"uhmm..?"
" ahm kasi..."
" what.. ?" nakagat ko lang yung labi ko.. Go chris.. Sabihin mo na you like me.. Putek ang obvious mo..!
" geo.. I hope makabalik ka dito.. Yung magisa ka lang.." ngiti niya..
" why..?"
"uhmm gusto kita makilala...?"
" makilala..? Im geo.. Kilala mo na ko ah.?" ngiti ko.
"no hindi ganun.. gusto kita kilalanin.. Geo... Uhmmm..kasi uhm geo tingin ko kasi..pano ba.."
" chris you like me..?"
"huh.. Ahm eh pano mo nalaman.?" kunot ang noong saad niya napangiti naman ako.. " sinabi ba sayo ni brax..? Or ni theo.? Or si devin..? Mga gago yun ah.."
"no.. Chris Naramdaman ko lang..so you like me..?" ilang sandali naman syang nakatingin lang sa mukha ko.
"ah eh.. Yeah.." pilit na ngiti niya.
" sabi na eh..!"
"uhmm ok lang ba sayo..? I know straight ka at ang astig mo.. Hope wag kang mailang..hindi naman porket na sinabi ko na gusto kita dapat gustuhin mo na rin ako.. Geo maiintindihan ko.?"
" tingin mo ba gusto din kita.?"
"don't know.. Malabo eh..?"
" pano kunng malinaw..?"
"look geo.. Kaya sinasabi ko sayo to.. Kasi kanina nung nakita ko kayo ni paul.. Naisip ko baka maunahan nanaman ako kung di ko pa sasabihin.. Gusto ka ba ni paul.?"
"yeah.." ngiti ko..
"talaga..?"
"yeah. Pero hindi ko naman sya gusto." natatawang saad ko. " Chris I like you.. Basta I like you.." ngiti ko sa kanya. Kita ko naman na natigilan sya habang nakatitig sa mukha ko. " hoy chris Sabi ko I like you too..pero ligawan mo muna ako."
"geo..?" kunot ang noong saad niya.
" I like you nga."
" really..?"
" yeah.. Pero ligawan mo muna ako.." ngiti ko.
" seryoso ka talaga..? Geo hindi ako nagjojoke na gusto kita.."
" Chris.. Im serious..gusto mo patunayan ko..?" saad kong nakatitig sa mata niya.
" huh..?" saad niya hinila ko naman sya sa likod ng isang kotse saka sya sinandal dito.. " wait geo.."
" papatunayan ko sayo na gusto kita."
" pero.. Wait..wag.." awat niya sakin ng aktong ilalapit ko yung mukha ko. " baka may makakita satin.?"
" wala yan." ngiti ko habang nakatingin sa lips niya.. Humugot naman sya ng malalim na hininga saka tumango napangiti naman ako.
" but let me do it.." seryosong saad niya nakagat ko naman yung labi ko.
" chris.." saad ko.. natigilan lang ako ng bigla niya kong halikan sa labi parang biglang nawala ako sa sarili.. Shet.. Feeling ko ng mga oras na yun humiwalay yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko.. Oh my insidious..! Ayoko makakita ng mga parasites! Haha Shet baka ba ayaw magresponse ng mga senses ko.. Haixxt!! Ang lambot ng lips niya.. Masuyo yung halik na yun at ang lambot talaga! Nanatili lang akong nakatulala hanggang matapos yung kiss na yun..
" geo.." untag niya sakin.. Natauhan naman ako.
" chris...hinalikan mo ko..?"
" yeah.. Geo Kailangan ko na bumalik sa loob.. Kita tayo sa park tomorow 5pm.. Ok.." ngiti niya.
" chris.."
"ingatz ka sa paguwi.." saad niya saka tumalikod.. naiwan naman ako dun na wala sa sarili.. Nagkiss na kami..!! At tama nga ako na gusto niya ko.! Oh my hollywood..! Wait kailangan ko makarecover.. Ano ba..! Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kotse ni paul.. Damn it.. Parang drugs yung lips niya. Heaven! Pagtapat ko sa kotse ni paul binuksan ko lang yung pinto saka nakangiting pumasok.
"nakiss mo..?" untag sakin ni paul ngumiti naman ako sa kanya saka tumango.
" passionate..paul.. Ang sarap!!" sigaw ko saka hinila yung damit ni paul pilit naman niyang tinatanggal yung kamay ko.
" ano ba susuntukin kitang gago ka!!" amba niya sakin..
" hinalikan niya ko..!"
"o ikaw ang nanghalik..?"
" sya.. Sya ang humalik sakin..!"
" talaga..? Naamoy ko pa naman yung hininga mo kanina.. Ang baho..?" natigilan naman ako saka inamoy yung hininga ko.. Hindi naman eh panira talaga tong bwiset na to.
" hindi naman ah..!"
" baho.." saad niya saka pinaandar yung kotse niya.
" mabango..!" simangot ko.
" kiss mo din ako.. Check ko.." nakangiting lingon niya sakin..
" ano..?"
" kiss mo ko..?"
" kiss kita.. Gusto mo talaga ko noh..?"
"di pa ko tapos.. Kiss mo ko.. Sa paa..!"
"kadiri.!" simangot ko sa kanya..haixt kahit anong gawin ng paul na to hindi niya na masisira ang gabi ko.. Buong buo na ang taon ko dahil sa halik na yun haha.. Shet christian castillo..? Kissed me..? That was so fucking awesome!! pagdating ko sa bahay naabutan ko lang si kuya aldred na nanunuod ng tv habang natutulog haixt wala ako sa mood para manggising haha.. Dumeretso lang ako sa kwarto saka pabagsak na nahiga sa kama..saka "waaaaaaaaahhhhhhhhh." sigaw ko.. Shet! Npaabalikwas lang ako ng biglang bumukas yung pinto.. " kuya aldred..!"
"nakauwi ka na..?"
"paalis palang ako.." saad ko saka tumayo..
"gago.. Kanina ka pa ba.?"
"kahapon pa.. Tulog ka kasi ng tulog eh..?"
"nagmotel pa kayo noh..?"
"nino..?"
"ni paul..?"
"ah hindi..?"
"eh bakit sabi niya sa text..?" saad niya habang hawak yung phone niya..lumapit naman ako dito saka kinuha yung cellphone sa kamay niya. " so nagmotel pa kayo..? Kayo na ba..?" binasa ako naman yung text.. -pare si geo gusto dumaan sa motel..hope hindi ka magalit. Basa ko sa text.
" gago talaga yan.. Hindi kami nagmotel noh..!"
" umayos ka geo huh."
"maayos ako.. Yang paul na yan ang hindi maayos..!"
" ows.. Hindi ka na virgin noh..?" ngiti ni kuya aldred.. Sinimangutan ko naman sya..
"labas !" tulak ko sa kanya saka sinira yung pinto..bubutasin ko talaga gulong ng kotse nun! Haixt.. Teka..ayoko .. Tangalin sa utak ko si paull.. Si chris.. Sya lang.. Kami na ba ni chris.. He likes me.. I like him too. So meaning pwede na maging kami..? Shet..! Pink helmet..I told ya.. Natigilan lang ako ng marinig yung katok sa pinto.. Nakasimangot ko naman tong binuksan. " kuya..?"
" wait sigurado ka na ba kay paul..?" tanong niya.
"kuya ano ba.. Hindi ko nga sya gusto.."
" nagdate nga kayo eh....?"
"ah eh. Basta..!"
"si Irene.. Uuwi na.."
" sino..?" kunot ang noong tanong ko.. Si irene..? Seriously..?
ITUTULOY
Hay anu ba yan nag kaaminan na kaso bakit babalik ang bruhang Irene na yun? Sana Hindi na siya makigulo.
ReplyDeletehmm.. ang kulet ni geo at paul.. bagay talaga sila .. <3
ReplyDeletesino si irene.,, ? may eepal na naman .. - ansley
weew nadala aq sa kanta na "PARA SAYO" :'( may naalala n nmn ako.... god job idol :-)
ReplyDelete