GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 11
Author's note: ooppss Im here again hehe.. Kalma na guys.. Konti nalang makakapagfulltime na ko sa pagsusulat.. Hopefully haha.. Salamat sa lahat ng nagbabasa at nakakappreciate.. Mwuah mwuah sa inyo..
Sa mga co-RA's ko sa msob. Salamat sa suporta.. Kay viene (beat of my heart.) kay rye. ((love is.) kay cokie cutter (gapangin.. PM ! Hehe..) kay prince justin ( plyful jokes.) kay crayon (strafish.). Suportahan din po natin sila hehe.. Ang astig nila.. At syempre yung story ni Sir mike juha. (aral ng gamo gamo..)
Yung story ni joseph.. Relax lang konti nalang ipopost ko na yung teaser niya hehe.. Chilax.sali kayo sa group.. More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..!
Or add me sa fb
SI GEO
" geo..sana wag ka agad susuko sa anak ko huh.." nakangiting saad ng mommy ni chris.
"mommy.!" inis na saad ni chris saka tumayo.
" What I mean is.. Yung love niyo wag niyo basta isusuko.. Madaming pagsusubok na dadating sa inyo.. Basta fight lang.. Ok fight fight..?" ngiti ng mommy niya. Kita ko lang yung pagiling ni chris.
" tita.. Fighter po ako.. Never surrender.. Laban kung laban..!" ngiti ko saka sumubo ng ice cream. Haixt... Mamahalin mo rin ako chris.. At maghihintay ako.. Kahit matagal.
"lets go geo.."
"saan..?"
"sa kwarto ko.. Just want to show something." saad ni chris saka humakbang papunta sa living room.. Napatingin naman ako sa mommy niya.
"sige na.. I like you geo.. Please.. Tulungan mo sya..tulungan mo syang mahalin ka."
" tita..?"
"please.." seryosong saad nito marahan naman akong tumango saka nagbigay ngsimpleng ngiti.
" opo tita.."
" geo lets go..?" inis na saad ni chris tumayo naman ako saka sumunod kay chris. Haixt.. Kung hindi ko lang sya mahal.. Sinapak ko na sya haha. Naabutan ko lang syang inaantay ako sa hagdan.. " wag mo pansinin si mommy.. Parang ewan eh." seryosong saad niya.
" ok lang.."
" geo I like you.. Uulit ulitin ko ba..?" saad niya ngumiti naman ako saka umiling.
" you like me.. and I like you.. Don't worry chris.. Lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ko... Mahal kita." saad kong nakatitig sa mukha niya nakita ko naman na umiwas sya ng tingin.
" tara.." saad niya saka nilahad yung kamay niya sakin..tinanggap ko naman yun.. Magkahawak lang kaming umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya..
" ano papakita mo.?" tanong ko ng makapasok kami sa kwarto niya.. Ang linis grabe. Nasa ayos lahat parang bawal magkalat..haha.. Nang lingunin ko si chris nakita ko lang na hinubad niya yung tshirt niya. Napalunok naman ako.. Oh my..
" Gano mo ko kagusto geo..?" nangaakit na ngiti niya. "Gano mo ko kagusto..?"
"uhm Chris..?"
" Gusto mo ko di ba.. Tell me.. You want me..right.?"
" I like you.. I love you.. And of corse I want you.." seryosong saad ko. Eh shet napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi ko sya gusto.. Or hindi ko sya pinagpapantasyahan sa gabi haha Lumapit naman sya sakin saka hinaplos yung mukha ko..napalunok lang ako habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Haixt.. Ayos geo.. Umayos.
" Geo.." ngiti niya habang humahaplos sa pisngi ko.. Aiixtt aktong ilalapit niya yung mukha niya ng iniwas ko yung mukha ko.
" Pero chris.. ?" saad ko kumunot naman yung noo niya.
" Pero ano.?"
" Alam mo ba yung saying about band aid.?" pilit na ngiti ko marahan naman syang umiling. " hindi mo kailangan lagyan ng band aid ang sugat kapag dumudugo pa.. Parang love.. Hindi mo kailangan maghanap ng panakip butas.. Kung alam mong mahal mo pa sya."
" Geo hindi ko na sya mahal.."
" sino..?" ngiti ko. " wala naman akong sinabing pangalan ah.?"
" si blue.. Hindi ko na sya mahal.. Pwede ba ibaon nalang natin sa limot yun..?"
" Bakit kayamanan ba yung memories niya kaya kailangan ng ibaon sa limot..? Hindi naman kailangan kalimutan yun eh.. Kasi Chris masaya ka nun.."
" hindi lahat ng memories namin masaya.."
"pero hindi rin lahat malungkot..?"ngiti ko umiwas naman sya ng tingin. "chris I love you Badtrip nga eh Basta I love you di ko alam kung bakit, Hindi ko alam pano nangyare pero wala eh ganun eh... Di ko alam bakit kinikilig ako kapag nakikita ka.. Di ko alam bakit di ka mawala sa utak ko.. Di ko alam bakit gustong gusto ko makita na masaya ka.. Di ko alam bakit gusto kita tulungan.. Tulungan kalimutan sya.. Chris.. Alam ko masasaktan ako.. Pero gusto ko sumugal.." ngiti ko sa kanya. " gusto ko sumugal.. Kasi I love you.. Bahala na si batman..o si superman.. Or kahit sinong superhero basta gusto ko.. Gusto ko subukan."
" Geo.."
" gustong gusto kita halikan.. Pero.. Alam ko maalala mo lang sya." tumalikod naman sya saka pabagsak na naupo sa kama dinampot ko naman yung tshirt niya saka binato sa kanya.. Bumuntong hininga lang sya saka to muling sinuot.
" Geo bakit ganun.."
"anong bakit ganun..?"
" bakit ang hirap niya kalimutan.." napabuntong hininga naman ako saka umupo din malapit sa kanya.
" hindi sya mahirap kalimutan.. Ayaw mo lang talaga.." ngiti ko kinuha ko lang yung unan niya saka niyakap.. Haixt ang sarap yakapin.. Ang bango..haha
" gusto ko.. Ang tagal na di ba.."
" Kung gusto may paraan.. Kung ayaw may dahilan..di mo ba alam yung saying na yan..?"
" ginagawa ko naman lahat ng paraan eh.. Lumayo na ko.."
" 4 + 3.?"
" huh..?"
"sagutin mo nalang..?"
"7.?" nakakunot ang noong sagot niya.
" 2 + 5.?"
"7.?"
" the point is the way you do things is not always the way to do them..Maraming way para kalimutan sya chris..hindi lang isa.. Hindi lang dalawa..madami.. Pero ano ginagawa mo..? Lagi kang bumabalik sa square 1.. ? pano mo sya makakalimutan kung lagi mo sya iniisip.. Maybe lumayo ka pero si blue hindi mo sya inalis jan sa utak mo.. Kaya yung puso mo.. Yun paulit ulit na nasasaktan, sadista ka eh sa sarili mong puso." napabuntong hininga naman sya ilang sandali lang walang nagsalita samin.
" marami ngang paraan.. Pero minsan kahit anong gawin mong way.. You'll always go back to one..paulit ulit.."
" then magstart ka sa number 2..?" ngiti ko. " wala na atang sense sinasabi ko.." natatawang saad ko.." let me love you chris..Until you learn to love yourself.." ngiti ko sa kanya natawa naman sya.
" kanta yan eh..?" napapakamot na saad niya. Haixt yung ngiti niya.. Kailan kaya magiging totoo yun.
" Minsan chris.. Hindi lang dapat puro boses mo yung pakinggan mo...Kaya kong rin kumanta para sayo.. para mabago yung tono ng buhay mo."
" Geo.."
" Look.. Pano mo sya makakalimutan.." tumayo lang ako saka kinuha yung picture na nakalagay sa side table ng kama niya. " ang cute niyo dito ni blue."
"aixt ang alam ko binalik ko yan sa cabinet eh.? sorry." pilit na ngiti niya.
"first step para makalimot.. Tanggalin lahat ng mga bagay na pwedeng makapagpaalala sa kanya." lumapit lang ako sa trash can saka ngumiti sa kanya.
" wag..?"
" why..uhmm kakalimutan mo na sya di ba..?"
" Oo pero.. Please wag..?"
"kung gusto may paraan..? Right.. So ayaw mo pa sya kalimutan.? Sasapakin kita.?" banta ko sa kanya habang nakangiti.
"gusto.. Gusto na..?"
"edi itapon na to.?"
" pero kasi.. Ang tagal kong tinago yan eh.."
" chris.. Sinasabi mo na yung mga tao sa paligid mo yung hindi makapagmove on.. Hello ikaw kaya..? si blue at kuya aldred mahal nila ang isa't isa eh.. Hayaan mo na sila..?hindi masarap sa feeling maging ekstra.. Try mo kaya maging bida..maging bida Sa sarili mong kwento."
" pero."
" wala ng pero pero.." ngiti ko saka binagsak sa trash can yung picture frame.
"geo..?" gulat na saad niya saka tumayo para sana pumunta sa trash can pero agad akong humarang.
"subukan mong kunin.. Hahalikan kita.?" banta ko sa kanya natigilan naman sya. " di ako nagbibiro hahalikan talaga kita.?"
" Geo bakit mo tinapon.. Aixxt."
" now tell me bakit last night ayaw mong halikan kita.. Bakit gusto mo ikaw ang hahalik..?"
" uhmm.."
" ano..?"
" yung picture.. Kunin mo..?"
" chris tayo na.. Kaya wala ng secret secret..?"
" uhmm.. Geo naman eh..?"
"sasapakin kita..?" sumimangot lang sya saka umiwas ng tingin.. Natawa naman ako ng payak. " Chris.. Ikaw nagsabi na tayo na di ba.. So magdusa ka. So tell me.. Ano yung tungkol sa kiss.?"
" kunin mo na yung picture.. Tatago ko nalang sa cabinet.. Promise di mo na makikita yun..?"
" Sasabihin mo ba... Or makikipagsapakan ako sayo.?"
"huh.?"
"seryoso ako..?"
"aixt.. Nung kami ni blue mas gusto niya na ako yung humahalik sa kanya.." iwas niya ng tingin.
"ah tange ka pala eh.. Malamang hindi ka niya mahalikan kasi naalala niya si kuya aldred.."
"may amnesia sya nun.."
" edi hindi ka niya magawang halikan kasi alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga niya ginagawa yun..?"
" Kunin mo na yung picture please..?"
" ayoko..?"
" geo..kunin mo..?"
" ayoko nga.." ngiti ko saka lumapit sa kanya.. " gusto mo ba maramdaman yung kiss..yung Kiss na para talaga sayo..?"
"huh..?" iwas niya ng tingin.
" let me help you chris..? Let me help you get over him.." saad ko saka umupo sa tabi niya..
" geo hindi kasi ako sanay na ako yung hinahalikan eh.."
" dapat sanayin mo yung sarili mo na ikaw yung minamahal.. Hindi yung ikaw lang ang nagmamahal.. Chris.. Hayaan mong mahalin ka.. Hayaan mong sumaya ka..?"
" Pero."
" pero nanaman...close your eyes.." umiwas naman sya ng tingin.
"Alam mo ba nung nahuli kami ni aldred before.. Blue asked me to close my eyes.. Then he kissed me.."
" really.. Then open you eyes.." ngiti ko..
" geo.. You don't have to do this..?"
" Gusto kita ikiss.. Ang KJ mo naman eh..!"
" Ako nalang..?"
" ayoko.. Gusto ko ako.." nguso ko.. Napakamot naman sya sa ulo.
" fine.. " saad niya saka pinikit yung mata..
"open your eyes nga.. Para ako ang makita mo hindi si blue..?"
" gusto ko eh..?"
" sapak..?"
" geo naman eh.."
" tayo na di ba.. Reklamo ka pa.. Kung gusto mo sumaya at makalimutan sya . Susunod ka sakin.."
" damn it..! Break na tayo."
" eh kung yung buto mo ibreak ko..? May basbas ako ng mommy mo kaya shut up." ngiti ko saka hinawakan sya sa magkabilang pisngi kita ko naman na napalunok sya.
"geo.." awat niya sakin.
" wag ka nga makulit.. Gagamitin mo din lang naman ako para kalimutan sya.. Edi magpapagamit na ko todo di ba..I'll be useful anyway..mahal kita eh." ngiti ko sa kanya saka dahang dahang nilapit yung mukha ko.. Kita ko lang yung titig niya sakin. Pilit niyang tinatanggal yung kamay ko sa mukha niya pero hindi ko sya hinayaan.. Hanggang maglapat yung labi namin.. Naramdaman ko lang na hindi sya nakagalaw.. Masuyo ko lang syang hinalikan saka dinama yung labi niya.. Sheeeettt! Pabor na pabor sakin to hahaha.. Shet ramdam ko ung init na dumaloy sa bawat himaymay ng laman ko.. Dahan dahan ko lang pinikit yung mata ko hanggang maramdaman ko yung pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko.. Hinayaan niya lang ako.. Yung lips niya.. Shet.. Hanggang maramdaman ko yung pagsagot niya sa halik na yun.. Natauhan naman ako..
Dahan dahan lang akong humiwalay sa kanya.. Napangiti lang ako ng makita na nakatitig lang sya sakin. " masarap ba..?" ngiti ko natauhan naman sya saka tumayo.
" uhm geo.."
" magteacher nalang kaya ako chris..?"
" huh..?"
" tuturuan kitang mahalin ako.."
" uhmm.." iwas niya ng tingin. " di ba sabi ko nga i like you..?"
" oo nga.. Alam ko naman yun.. Tingin ko nga mahal mo na ko dahil sa kiss na yun eh." natatawang saad ko.
" uhmm..."
" aminin mo.. Iba naramdaman mo di ba.?"
"anong iba..?"
" Basta I can feel it..gusto ko sana ng sex.. Pero mahalin mo muna ako..?"
" ok lang naman sakin na magsex tayo eh.. Yun talaga yung plano ko kanina.."
" I know.. Ano tingin mo sakin.. Tigang..? Sex before mariage kaya ako..?" natatawang saad ko.. Kita ko naman na natawa sya. " hoy seryoso ako tanga.."
" hindi ako tanga ah.."
" ows ang gwapo mo.. Tanga naman...Please labas na tayo dito..?"
" bakit.?"
" uhmm.. Baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko makipagsex sayo eh.. Ang sarap ng lips mo grabe..!" iling ko.
" gusto mo halikan kita..?"
" ayoko.. From now on.. Bawal mo ko ikiss.. Ako lang ang pwede humalik.."
" uhm pano kung gusto kita halikan.?"
" so you like to kiss me..?" ngiti ko umiwas naman sya ng tingin. " sa sarap ko tong chris.. Tanga lang ang tatangi sa lips ko." tawa ko.
" kapal.."
" deny ka pa.."
" fine.."
" ok case close.. Kung gusto mo ikiss kita.. Juts ask for it ok.?"
" haixt kakaiba ka talaga."
"I know right..tara labas na tayo.. Ang init dito sa kwarto mo.."
" gusto mo lakasan ko yung aircon..?"
" What I mean.. Ang hot mo.." simangot ko tumayo naman ako saka lumapit sa pinto. " let's go..?"
" ok.. Dito ka magdinner huh..?" ngiti niya.
" uhmm say please..?"
" geo naman eh.."
" say please chris.."
" please.."
"ooyy mahal niya na ko.." asar ko sa kanya. " Don't be afraid to jump chris.. I'll do whatever it takes just to catch you.." ngiti ko sa kanya saka lumabas ng kwarto.. Para namang nabunutan ako ng tinik .. Hahah shet .. Super control..! Haixt gusto ko sya isex pero geo kalma.. Mahalin mo rin yung sarili mo sabi nga ni paul.. I'll make sure na mahal niya ko bago ako pumayag.. Pero.. Uhm bahala na shet. God please.. Bigyan niyo ko ng maraming self control haha..
SI CHRIS
" Gusto niya magswim..?" untag sakin ni mommy..nasa likod kami ng bahay nun.. Nakatayo lang ako habang nakatanaw kay geo na nakaupo malapit sa swimming pool habang hawak yung guitara ko.
" gabi na daw eh." pilit na ngiti ko.
" I like him.."
" I know.."
" Eh ikaw..?"
" I don't know.." maikiling saad ko napalingon lang ako kay mommy ng marinig yung mahinang tawa niya. " why mom..?"
" kasi before.. Sure ka na hindi mo sya gusto.. Bakit ngayon Idon't know na.. Magaling ba sya sa kama.?"
" mommy..?" ngiwi ko.
"nagtatanong lang eh.?"
" walang nangyare samin..nagusap lang kami sa kwarto."
"owss..magdedeny ka pa ba sakin.?"
" mom wala talaga.. Well plano ko talaga yun.. Kaso.. Ayaw niya eh.."
" really..?" kunnot ang noong tanong niya.
" yeah..really.. Sa pagkakasabi sakin ni Cj tingin niya daw patay na patay sakin si geo.."
" at yun di ang tingin ko.."
" Pero kanina.. Tumanggi sya.. Ibibigay ko na nga yung gusto niya eh..pero umayaw sya."
" Well.. " kibit ng balikat ni mommy.
" Mom.. Yung picture namin ni blue nasa trashcan sa kwarto ko.. Pakuha niyo kay yaya baka matapon eh."
" yung alin..?"
" yung picture sa side table ng kama ko.. Si geo kasi tinapon eh."
" eh bakit kukunin pa..eh basura na yun ah..?"
" mom picture namin ni blue yun..?"
" edi magpapicture kayo ni geo..para may bago.. Luma na yun eh."
" mommy..?"
" chris.. Ano tutunganga ka lang ba jan.?" sigaw ni Geo.. Napalingon naman ako sa kanya.. Kita ko lang yung ngiti sa labi niya.. Haixt yung kiss niya kanina.. Bakit ganun.. Nakakainis.. Ngayon ko lang naramdaman yun..
" sige na.. Puntahan mo na sya."
" mom yung picture..?"
" Oo sige na.."
"kunin mo huh.?"
" ayoko hanapin mo sa basurahan kung gusto mo.. Papatapon ko na kay edna yun.."
" mommy naman eh .. Si blue yun eh.."
" whatever.." tulak sakin ni mommy.
" chris.. Ano na..?" muling sigaw ni geo.. Napabuntong hininga naman ako saka lumapit dito. " syota mo kaya ako.. Bakit ayaw mo lumapit sakin..? Natatakot ka ba.?"
" bakit naman ako matatakot lumapit sayo..?"
" malay ko.. Natatakot kang mafall ka na talaga sakin noh..?" ngiti niya..
" hindi ah.."
" You know what i like about you chris..?"
"what..?"
"lumalaban ka.. Hindi ka natatakot.." umurong naman si geo para makaupo ako.." alam mo yun.. Talo ka na pero lumalaban ka parin." saad niya. Humugot lang ako ng malalim na hininga. Bakit ba habang tinitingnan ko yung mukha niya feeling ko tumatatak to sa utak ko. "IKaw ang pinakagwapong tanga na nakilala ko."
" Lesson learned.. Ayoko maging duwag tulad ni mommy.." saad ko saka tumingala sa langit. " Sinuko niya si daddy.."
"really..? Malay mo.. Sinuko niya yung daddy mo dahil naramdaman niya na wala ng pagasa..?"
" Nope.. Nakausap ko si daddy.. Mahal niya si mommy.. The thing is sumuko agad si mommy.. Biggest regret niya yun.. Kung sana lumaban sya before edi sana buo yung family namin."
"kaya ayaw mo sukuan si blue.?"
" parang gaun.."
" Nakakatawa ka chris." natatawang saad niya. Kumunot naman yung noo ko.
" why.?"
"di naman lahat ng story parehas.. You have your own.. Iba sa story ng mommy mo.."
"pero parang ganun din naman di ba.?"
"iba.. Hindi ka naman mahal ni blue eh.?" umayos lang ako ng upo saka tumanaw sa swimming pool. " di ba..?"
" I know.."
" minsan you have to choose your battle.. Ilang beses ka na natalo.. Halos naitaya mo na lahat di ba.. Hindi naman masama sumuko eh.." lumingon naman ako sa kanya saka mariin pinagmasdan yung mukha niya. Aixt.. I know.. Gagamitin ko lang sya para makalapit kay blue.. Pero pano kung matulungan nga niya ko.. Matulungan niya ko kalimutan lahat.. Kalimutan lahat ng sakit. " chris.. Akala ko.. Only heat can melt things.. But now.. Even your eyes can do that shit." Pilit na ngiti niya. " wag mo nga kasi ako titigan.. Please.. Yung mata mo parang Nagbabagong apoy.. Nakakapanghina.."
" Geo.. Help me.." seryosong saad ko..naigilang lang sya. Sumeryoso naman yung mukha niya. Tumungo lang ako. " please..?"
" Sigurado ka na ba jan.?"
" Yeah.."
" Ok.." ngiti na niya.
" what do you mean.." kunot ang noong saad ko.. Binaba niya lang yung guitara sa damuhan saka tumayo. "why.?"
" Hold my hand." lahad niya ng kamay sakin. " just hold my hand chris.."
" Geo.. Pano kung hindi ko kayang maghold on ng matagal.."
"hindi kita bibitawan..kahit bumitaw ka pa.." ngiti niya.. Napabuntong hininga naman ako saka tinanggap yung kamay niya at tumayo. Ngumiti lang sya saka dahang dahang nilapit yung mukha niya. Pinikit ko naman yung mata ko. " open your eyes chris..?" umiling naman ako.
"ayoko geo.."
" open your eyes..hindi kita hahalikan sige.?" dumilat naman ako. " ooyy.. Gusto mo talaga ng kiss ko noh.?"
"Im not asking you to kiss me.?'
" but umaasa ka na hahalikan kita di ba..?"
"uhm.. " iwas ko ng tingin. Haixt gusto ko lang maramdaman yung naramdaman ko kanina sa kwarto.. Bakit ba kasi ganun naramdaman ko.
" di ba sabi ko pag gusto mo.. Just ask for it.. ?"
" sinabi ko ba na gusto ko..?"
" hindi pero nararamdaman ko na yun ang gusto mo..? Now tell me.. You want me to kiss you right.?"
" uhmm.."
" ano.."
" fine.. Kiss me please..?" simangot ko.. Natawa naman sya.
"mahalin mo na kasi ako.. Kainis.. I want to kiss you here." turo niya sa lips ko.." there.." turo niya sa leeg.. " down there.." pinaglakabay niya lang yung daliri niya pababa sa dibdib ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya pababa sa puson. Napangiti lang ako ng makagat niya yung labi niya
" how about down there..?" ngiti ko.
" oyy kiss lang usapan eh." hila niya sa kamay niya. " tigang na tigang ka na chris huh..?"
" hindi ah.."
" ows..?"
"kiss me na..?" iwas ko nalang ng tingin.
" fine.."
" ayaw mo ba.?"
" gusto..? Gustong gusto.. Pero gusto ko magmakaawa ka muna.? Luhod.?"
" fuck you.? Tara na nga hatid na kita." simangot ko aktong tatalikod ako ng pigilan niya ko. " what.?" maang ko sa kanya pero nagulat ako ng bigla niya kong halikan.. Hindi naman ako nakagalaw.. Ito yun. Ito nanaman.. Ito nanaman yung pakiramdam na parang na parang.. Shit bakit hindi ko maexplain.. Para akong nakalutang.. Dahan dahan ko lang pinikit yung mata ko.. Saka sinagot yung halik niya naramdaman ko na natigilan sya .. Pero muli din sumagot..hanggang humiwalay ako..
" sarap ba.?" ngiti ko saka tumalikod at naglakad. Chris.. Kainis.. Yung kiss na yun.. Pano ba niya nagagawa yun.. Hindi pwede to eh..
"chris..?" tawag niya sakin lumingon naman ako.
"hahatid na kita.. Let's go.."
" uhm.. Kainis..!" simangot niya. Natawa naman ako.. That kiss.. ! Kung hindi ako humiwalay baka mahila ko sya sa kwarto.. Haixt.. Bakit ba kasi ganun ang epekto niya sakin.. Damn it.
Lumipas yung linggo na yun na lagi kaming magkasama ni geo..minsan pumupunta kami ng mall.. Minsan sa bahay lang.. Minsan kasama si Cj, minsan kaming dalawa lang. Haixt bahala na.. Bahala na May iba akong nararamdaman kay geo hindi ko alam kung ano.. At lalong hindi ako sigurado kung baki at paano.. Basta! Aixt
" Kamusta yung plano..?" bungad sakin Ni Cj pagpasok niya sa kwarto ko.
" may kamay ka naman siguro pangkatok di ba.?" simangot ko sinarado ko lang yung laptop ko.. Haixt baka makita pa ni Cj na tinitingnan ko yung poicture ni.. Shet picure ni geo...
" Ay sorry.."
"pano kung naabutan moko nakahubad..?"
"wala.. Paki ko.. Uhm ano yung plano.. Mukhang masaya ka naman kay geo ah.?"
"masaya..? What do you mean.?"
" Pag magkasama kayo.. Iba yung ngiti mo..?"
" wala lang yun.. Plastik ako eh."
"ows.. Chris.. Ang plano mo lang makalapit uli kay blue.. Then what..? Babawiiin mo sya.? Ang imposible nun bro."
" Hindi ko naman pipilitin mahalin ako ni blue eh.."
"eh ano..?"
" uhmm.. Gusto ko lang uli sya maging kaibigan."
"gago.. Kalokohan mo..!"
" yun nga lang CJ.. Ano pa ba..?"
"eh kung yun lang naman...bakit hindi mo nalang bigyan ng chance yung sa inyo ni geo.. Mahal ka nung tao ah.?"
" hindi ko sya mahal..?"
" Pagaralan mo..?"
" uhm.. Hindi naman ganun kadali yun eh.."
"edi padaliin mo.. Ang bait kaya ni geo..Nagsex na ba kayo.?"
" bakit interesado ka.?"
"eh di ba aakitin mo sya.. Bumigay na ba.?" marahan naman akong umiling. " why..?"
" mahalin ko daw muna sya eh.?" walang emosyong saad ko saka nilagay sa cabinet yung laptop. Natawa naman si CJ.
" Kakaiba.. Alam mo konting pacute mo lang dun.. Pakita ng balat im sure bibigay din yun.."
"tingin mo..?"
"bakit gusto mo na ba may mangyare sa inyo.?" ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.. Haixt oo gusto ko.. Gustong gusto.. Yung mga tingin ni geo.. Yung mga ngiti niya.. Kapag dumidikit yung balat niya sakin para syang apoy na nagdadala ng kakaibang init sa katawan ko.
" hindi noh." tanggi ko natawa naman sya.
" 1st day na bukas.. Susunduin mo ba sya.?"
" Yeah.. Gusto mo sunduin din kita.?"
"no thanks..kaya ko pumasok magisa noh.. Si geo nalang.. Tapos deretso kayo sa motel.?"
" hahaha.. Nakakatawa.." sarkastikong saad ko.
" chris alam mo di ko alam kung sino ka na ba ngayon.. Ikaw pa ba si chris na seryoso. Yung bihira ngumiti..? O Ikaw na yung chris na masaya kapag kasama mo si geo.. Yung may ningning yung mata.?"
" Cj touch me.." ngiti ko sa kanya. Umiling naman sya.. Sumimangot lang ako saka kinuha yung kamay niya at nilagay sa braso ko. " how was it.?"
" ano.?"
" plastik na ko Cj.. Wag ka ngang paranoid.. Pag kasama si geo nagpapanggap ako na masaya.. Nagpapanggap ako na ok.. Pero Hindi totoo yun.. Hindi.. Oracan ako eh." natawa naman sya saka hinila yung kamay niya.
" mas mukha kang plastik kapag kaharap kita. Pag magkausap kayo ni geo mas nakikita ko yung totoong ikaw.." ngiti niyang baka titig sa mata ko umiwas lang ako ng tingin. " hindi mo ko maloloko christian castillo.. tandaan mo ikaw ang Nagsimula ng laro kaya wag mo hayaang ikaw ang paglaruan.." saad niya saka lumapit sa pinto.
" Umalis ka na nga.!" simangot ko.
" Bye chris and goodluck..?" saad pa niya skaa lumabas ng pinto.. Haixt.. Ginulo ko lang yung buhok ko.. I hate you geo.. Hate you.. Tumayo lang ako saka hinalungkat yung cabinet ko.. Asan na ba yung picture namin ni blue..aixt asan na ba.!
"mom!!!!" sigaw ko ng hindi makita yung picture. " mommy!!" ilang sandali pa kong nagantay ng pumasok si mommy.
" what happened.?" wala sa sariling saad nito.
"asan na nanaman ba yung picture namin ni blue.?!" gigil na saad ko kita ko naman na natawa sya. " asan nga.?"
" kinuha ni geo.."
" kinuha ni geo.."
" what.?"
" sinabi niya sakin na pag hinanap mo daw sabihin ko na sa kanya.?"
" mom naman eh.?"
" Wala na tayong magagawa.. Na kay geo na eh.."
" mommy..!"
SI GEO
Hindi ko lang mapigilan mapangiti habang hawak yung picture ni blue at chris na nasa picture frame..haha magwawala yun si chris kapag nalamang wala sa cabinet niya to haha. Natigilan lang ako ng marinig yung katok sa pinto.. Agad ko lang nilagay sa ilalim ng unan ko yung picture frame.
Bumukas yung pinto..
" Kuya aldred why..?"
" Bakit sabi ni mommy lagi ka daw umaalis. San ka pumupunta.?"
" uhm.. Ano gusto mo.. Buruhin ko yung sarili ko dito kuya.? Ano ako alak.?"
" san ka nga pumupunta.?" simangot niya saka pabagsak na nahiga sa kama.. Haixt baka makita niya yung picture kainis naman..
" wala lang kung saan saan lang.? May sariling buhay yung paa ko kuya.. Kung saan saan ako dinadala."
" sabi ni mommy you looks so happy..?"
"lage naman.?"
" may pinupuntahan ka noh..?"
" wala nga ang kulit mo.. Bakit ka ba nandito.? May problema ka noh.?"
" huh.?" iwas niya ng tingin.
"ah meron nga noh.."
" hoy gago ikaw ang topic.. Bakit iniiba mo ang usapan.?"
"ano problema mo kuya.. Tungkol ba sa pera..? tatawagan ko si mommy.?"
" hindi ah..?"
" eh ano..?"
" ikaw ang problema ko at sa kung saan ka pumupunta..?"
" owss.. Ano nga kuya problema mo.. Tungkol ba kay blue..? Nagaway ba kayo.?"
" owss.. Ano nga kuya problema mo.. Tungkol ba kay blue..? Nagaway ba kayo.?"
" hindi..?"
" eh ano nga..?"
"wala nga..? Ang kulit mo.?"
" sabihin mo na kasi.. Or pupuntahan ko si blue.?"
"wag.."
" why.?" tanong ko napabuntong hininga naman sya. " nagaway ba kayo.?" marahan naman syang umiling. " eh ano.?"
" Si irene kasi.. Nakauwi na.." seryosong saa niya.
" and..?"
" Pano kung may plano nanaman sya.? Geo di ba you like her..? Ligawan mo kaya sya para matahimik na ko.. Baka kasi pag nagkalovelife yung babaeng yun tumino na talaga eh."
" huh bakit ako.?"
" eh kasi nga you like her di ba.?"
"dati! Past tense..?"
" maganda naman sya.?"
" eh bakit hindi ikaw ang manligaw.?"
" gago ka..aixt please.. Ngayon lang ako makikiusap sayo hindi mo ba ko pagbibigyan.? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo.. Ang liit na bagay nito."
" ah sumbatan..? Eh gago ka pala kuya.. Pamangkin ni satanas yung kapatid ni blue eh..? Eh kung sapakin kita ng nagbabaga kong kamao.?"
" aixt natatakot kasi ako eh."
" ano ba move on..?"
" geo halos mamatay ako sa ginawa niya.. Tingin mo ba matatahimik ako.?"
" sabagay..? Ingat ka kuya baka pag sinumpong nanaman yun sa kabilang buhay niyo na matuloy yung forever niyo ni blue."
" fuck you!"
" joke..! Ang duwag eh."
" sige na kasi..?"
" ano.?"
"ligawan mo sya.?"
"ayoko nga.. Hindi ko sya gusto.. May gusto na kong iba kaya wag kang epal kuya."
" sino..?"
" secret.."
" Si paul.?"
" uhm oo sya.." ngiti ko haixt matahimik lang sya.. Badtrip eh.. Papaligawan pa sakin yung demonyang kapatid ni blue hahhah.. Never noh..
" sigurado ka na ba jan.?"
" oo kuya.. Si paul.. I really like him.. Ang gwapo kaya niya." napabuntong hininga naman sya.
" kayo na.?"
" Oo..? Magiisang linggo na kuya."
"talaga.?" gulat na saad niya..
"yeah kuya kaya wag kang epal."
" gago yun ah.. Di man lang sinabi samin ni blue.. Eh galing kala blue yung nung nakaraan eh.?"
"basta wag kang epal kuya.. Lumabas ka na nga.?" sabay lang kaming napalingon ng may kumatok sa pinto. " pasok.?" saad ko bumukas naman yung pinto.
" why mom.?" saad ni kuya aldred ng makita yung mommy niya.
" Si irene.. Nasa labas.."
"si Irene.?" nagtatakang saad ko.
"kasama si blue mom.?" marahan naman tong umling.
" sya lang.. Lumabas na kayo."
" huh bakit pati ako.?" saad ko.
"hinahanap ka din niya eh.. Sabi ko dito ka na nakatira." nang tingnan ko si kuya aldred nakangiti lang sya sakin.
" oh bakit kuya.?"
" wala lang tara." saad niya saka tumayo at hinila yung kamay ko.
" wait kuya ayoko.!"
" fuck you ka.. Para sa lovelife namin ni blue.. Isasangla kita sa demonyo." natatawang saad niya.
" kuya.!" simangot ko hanggang makalabas kaming kwarto..aixt nakasanla na ko kay chris .. Hindi na pwede haha.. Naabutan lang namin si Irene na nakaupo sa sofa.. Tumayo lang to ng makita kami.. Shet lalo syang gumanda..!
"hi aldred.." ngiti nito.
"uhm hi.." sagot ni kuya kita ko naman na sakin naman sya tumingin.
" Geo.?" ngiti nito.
"yeah.. Naalala mo pa ko.?" pilit na ngiti ko.
"Oo naman.. Ikaw yung pinsan ni aldred namay gusto sakin right.?" saad nitong may matamis na ngiti.
ITUTULOY
"ancute ng #ChrEo<3 dito, sana nga makamove on na si christian castillo! pero ba't umepal nanaman si Irene? aixt kainis... more ChrEo scenes pa kuya Blue!!! nga pala Sira tlga si Geo sabhin bang sila na ni Paul.aixt nako..cute din ang #PaGe, PERO. CHREO NANAMAN AKO NGAUN!!! GO GEO KAYA MO YAN..
ReplyDelete-Jex
Team #PaGe ako. Epal si Chris...joke lang... thanks sa update bluerose...:-)
ReplyDeleteMahuhulog ka din eventually. Patience is the key. #chreo. Maiksi padin Chabs. haha Marvs :-P
ReplyDeleteAy naku bakit babalik na naman si Irene? Siya ba ang makakagulo sa team Chreo? Wag naman sana author sana makapag- update na kayo agad.
ReplyDeleteakala ko may boom booman na magaganap XD hakhak
ReplyDeletebiguu na ba ang team PaGe? hihihi.. oh well, deep well,, marami pa naman pedeng mangyare eeh. kaya ipupush ko pa ren ang team PaGe :) hart hart :)
-yelsnA
nuon akala ko epal c Geo...but now I began to like his character. .happy go lucky na parang npaka dali sa knya ng lahat...mas exited ako pag nalaman nya na ung totoo :)
ReplyDelete