Followers

Saturday, October 25, 2014

Ang Aral Ng Gamugamo [3]


By Michael Juha
email: getmybox@yahoo.com
fb: https://www.facebook.com/mikejuha

WARNING
This post contains scenes which may not be suitable for readers under 18.

***************************************

Wala akong narinig o ni napansin na pagtutol niya sa aking ginawa. Wala rin akong naramdamang sukli niya sa aking mga halik. Himbing na himbing siya, at lasing na lasing.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na kalampag sa aking dibdib. Iyong pakiramdam na may kaba, may takot, ngunit nag-uumapaw ang excitement na matikman siya.

Hinila ko pataas ang kanyang t-shirt upang ito ay matanggal at libre kong paliguan ng halik ang kanyang katawan. Nang matanggal ito, iginapang ko ang aking mga labi sa kanyang leeg, pababa hanggang sa kanyang tiyan, idinaan ko ang aking pagdila sa mga balahibong pusang nakahilera mula sa kanyang pusod patungo sa butones ng kanyang pantalon na lalo pang nagpaigting sa nararamdaman kong pagnanasa.

Mistula akong isang gutom na hayop sa aking ginagawa. Agresibo, mainit, nagmamadali, nanggigigil, at atat na atat na matikman ang inaasam na pagkalalaki ng aking best friend.

Dali-dali kong binuksan ang kanyang pantalon. Ibinaba ko ang kanyang zipper at nang lumantad na sa aking paningin ang bukol ng kanyang pagkalalaki, mas lalo pa akong na-excite sa aking nakita. Suot-suot niya ang brief na ipinagamit ko sa kanya noong una naming tagpo sa bahay-kubo. Iyon ang lalo pang nagbigay sa akin ng lakas ng loob upang tuluyan ko nang hubarin ang kanyang pantalon, kasama na ang brief.

Nang nahubad na ang mga ito, pinagmasdan kong muli ang hubad niyang katawan. Lalo akong humanga sa ganda ng hubog nito. At lalo pang tumindi ang aking pagnanasa.

Agad kong isinubo ang kanyang pagkalalaki. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong gumawa ako ng ganoong bagay. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama. May guilt, may sarap, may kiliti, at higit sa lahat, sobrang nalilibugan. Kahit na iyon ang una kong pagkakataon, sarap na sarap ako sa aking ginawa. Malinis ang ari niya, mabango, masarap laruin sa bibig.

May tatlong minutong sinusubo ko ang kanyang ari nang naramdaman kong unti-unti itong tumigas. At maya-maya lang ay sintigas na ito ng kahoy at napansin kong umunat si Dennis. Tiningnan ko ang mga mata niya kung nagising na siya. Ngunit nakapikit pa rin ito.

Hindi ko alam kung nagising siya. Ngunit ang hindi niya pagtutol sa ginawa kong iyon ay lalo pang nagpaigting sa aking pagnanasang ituloy ang aking balak.

Muli kong hinalikan siya sa bibig. Sa pagkakataong iyon, bagamat hindi niya ako niyakap gawa marahil ng matinding kalasingan, ay narinig kong umungol siya. Tinagalan ko pa ang paghalik sa kanyang bibig. Maya-maya ay nilawayan ko na ang aking ari at itinaas ang ang kanyang dalawang paa at isinandal ang mga iyon sa aking balikat habang pilit na pinasok ko siya sa kanyang likuran.

Napansin kung umigtad siya nang nakapasok na ang ulo ng aking ari sa kanyang butas. Nakita ko ang kanyang bibig na ngumiwi bagamat sa sobrang kalasingan ay hindi na niya magawang kumilos o tumutol.

Ngunit naalipin na ako sa kamunduhan. Itinuloy ko ang pagkadyot hanggang sa makapasok ang kabuuan ng aking pagkalalaki sa kaloob-looban ng kanyang likuran. Hindi ko lubos maisalarawan ang sarap na natamasa ko sa pagpasok ng aking pagkalalaki sa kanyang kaloob-looban. Iyon ang pinakaunang karanasan ko sa ganoong klaseng sex. Nagsimula akong umulos, pilit na pinatagal ang pagnamnam ng sarap. Hanggang sa hindi ko na natiis ang sarili at binilisan nang binilisan ko na ang aking pag-ulos at pinakawalan ang buong puwersang bugso ng aking pagnanasa sa kanyang kaloob-looban.

Hindi ko na alam ang sunod pang nangyari. Nakatulog na ako.

Ang buong akala ko ay okay lang ang ginawa ko kay Dennis. Kasi nga, nakikita naman sa mga kilos niya. Walang dudang mahal din niya ako. Ngunit sa paggising ko kinabukasan, wala si Dennis sa aking tabi.

Dali-dali akong bumalikwas at hinanap siya sa labas ng bahay-kubo. Wala. Pinuntahan ko ang aming bahay na nasa dulo lang ng taniman ng mais. Wala rin siya roon.

Bigla akong kinabahan sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Tinawagan ko ang kanyang numero. Ngunit naka-off ang kanyang cell phone. Tinawagan ko ang kanyang Tita ngunit wala rin daw sa bahay. Ako pa tuloy ang napagtanungan. “Bakit bigla siyang nawala?”

“Ah, eh... baka narito lang pala sa sa ilog Tita at naligo” ang pag-aalibi ko na lang.

Dali-dali akong nagtungo sa school. Ngunit lumipas na lang ang buong maghapon ay wala akong Dennis na nakita.

Gabi, tinawagan ko siyang muli, ngunit patay pa rin ang cell phone niya. Sobrang nag-alala na talaga ako. Dahil alas 10 na ng gabi iyon at naisip kong nasa bahay na siya, tinawagan ko ang kanyang Tita. “Nandito sa kuwarto niya. Gusto mong kausapin?”

“P-puwede po Tita?”

“Sandali lang JC...” narinig ko ang mga yabag ng Tita niya. Maya-maya, “Dennis, nandito sa linya si JC. Gusto ka niyang makausap!” Ngunit ang isinagot sa aking ng kanyang Tita ay, “JC, pagod daw siya, eh. Bukas na lang daw sa school kayo mag-usap.”

Wala na akong nagawa. Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog. Nagsisi ako sa aking ginawa. Alam ko, isang malaking kasalanan ang nagawa ko sa kanya. Ngunit ang hindi ko rin maintindihan ay kung bakit siya nagalit. Noong birthday ko lamang ay sobrang close niya sa akin, na halos liligawan na lang niya ako. Parang hindi ako makapaniwalang palabas lang iyon? Para saan iyon? Kung para sa mag best friends lang iyon, bakit may chocolate? Bakit may rosas? Bakit may ganoong mga mensahe sa kanyang kanta?

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagtungo kaagad ako sa eskuwelahan. Ngunit natapos na lang ang buong umaga ay wala pa rin akong nakitang Dennis.

Bigla kong naisip ang inabandonang grandstand. Pagkatapos na pagkatapos ng lunch, tinungo ko ang nasabing lugar. Hindi na ako pumasok pa sa sunod kong subject.

Nang nakarating ako sa lugar, doon ko na naman nakita si Dennis. Sa ganoong lugar pa rin. Nakahiga sa papag ng pinakamataas na baitang ng grandstand at sa baba ng kanyang hinigaan ay may mahigit sampong bote ng beer.

“Ba’t ka nandito???” ang sigaw niya sa akin nang nakita niya kaong papalapit sa kanya, halata sa kanyang boses na medyo lasing siya.

“Tol... mag-usap tayo, please.”

“Tangina mo!!!” ang sigaw niya. “Wala kang pinagkaiba sa mga taong sakim, manyak, manggagamit! Pare-pareho lang kayooo! Walang mapagkakatiwalaan sa inyooo!!!”

Nabigla ako sa lakas ng kanyang pagsisigaw. Mabuti na lamang at kaming dalawa lang ang naroon. Nilapitan ko pa siya. “Tol... sorry na please. Aaminin ko, nagkamali ako. H-hindi ko dapat sinira ang tiwala mo. Patawarin mo na ako, please!”

“Umalis ka kung ayaw mong saktan kita!”

Ngunit mas lalo pa akong lumapit sa kanya.

Bigla niya akong sinuntok sa bibig. Natumba ako. Nang hipuin ko ang aking labi, may dugong dumaloy dito. Ngunit tumayo muli ako at lumapit sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay pinaulanan niya ng suntok ang aking mukha. Hilong-hilo akong natumba. Nang tiningnan ko siyang muli, nakita kong dinampot niya ang may isang metrong haba na dos por dos na kahoy na nakatiwang-wang sa gilid ng grandstand at may nakausli pang malalaking at kinakalawang na mga pako. Dali-dali siyang lumapit sa kinababagsakan ko, ang mga mata ay tila nanlilisik sa galit. Nasa ganoon akong ayos na nakatihaya nang nakita kong inangat niya ang dos por dos upang ipalo sa aking ulo.

Halos hindi ko na naramdaman ang kaba sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Nang narinig ko ang malakas na paghambalos niya sa dos por dos, akala ko ay patay na ako. Nang iminulat ko ang aking mga mata, sa gilid ng aking hinihigaan ko pala nya ito ipinalo.

Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang kanyang panginginig. Hindi na rin ako nakaimik. Doon na ako nakaramdam ng takot.

Maya-maya, tumalikod siya at nagtatakbong pababa ng grandstand. “Arrrrgggghhhhhhh!!!” ang sigaw niya.

Dali-dali akong tumakbo at sinundan siya hanggang sa nakaabot kami sa gitna ng lumang track and field na tinubuan na ng makakapal na damo. “Tol... hintay! Tolll!!!” ang sigaw ko habang patuloy ko siyang hinahabol.

Ngunit hindi pa rin siya huminto. Pinilit kong bilisan pa ang aking pagtakbo hanggang sa nahawakan ko na ang kanyang t-shirt at nilundag ko siya dahilan upang matumba kaming dalawa.

Nagpagulong-gulong kami sa damuhan habang yakap-yakap ko siya. “Sorry na Tol. Sorry na please...” ang pagmamakaawa ko.

Pilit siyang kumawala sa aking pagkayakap. Ngunit marahil ay napagod dahil hindi ko siya pinakawalan, huminto rin siya. Nakatihaya siya at ako namana ay nakapatong sa kanyang katawan at mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. “K-kung gusto mo, saktan mo pa ako. Suntukin mo ako, ‘Tol, hindi ako gaganti. Patawarin mo lang ako please...” ang pagmamakaawa ko pa rin, dinig na dinig ang habol-habol naming paghinga.

Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya. nas ganoon kaming pagtitigan nang napansin kong may pumatak na mga dugo sa kanyang mukha, galing sa sugat ko sa bibig sanhi ng kanyang pagsuntok. Bumitiw ako sa pagyakap sa kanya. Pinahid ko ang dugo na pumatak sa kanyang mukha. Pinahid ko rin ang dugo sa aking bibig atsaka tumihaya sa kanyang tabi.

Doon ko narinig ang kanyang paghagulgol. “Pare-pareho lang kayo. Ikaw, ang step-father ko na paulit-ulit akong ginahasa, ang mga pulis na humuli at umabuso sa akin, p****-ina ninyo!!!”

Mistulang may sumabog na isang malakas na bomba sa aking narinig. Tila hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Nilingon ko siyang tila natulala pa rin ako sa narinig habang patuloy naman ang kanyang paghagulgol.

“S-sorry talaga ‘tol... Hindi ko alam.” Ang sambit ko.

Bumalikwas siya at naupo sa damuhan. “Kaya huwag mo na akong kaibiganin. Hindi ako katulad ninyo. Marumi ako! Dapat sa akin ay parausan lang ng mga katulad ninyo! Wala akong silbi! Wala na akong maipagmamalaki! Sira na ang pagkatao ko! Sira na ang buhay kooooo! Sinira ninyong lahat! P**** ina ninyoooo!!!”

Tumagilid ako at niyakap siya. “Hindi Tol.... Hindi totoo iyang sinabi mo! Bata ka pa. Malaki pa ang pag-asa mo sa buhay. Huwag kang mag-isip nang ganyan. Huwag mong isipin na ang mga nangyari sa iyo ay hadlang sa pagkamit mo sa kung ano man ang mga pangarap mo. May pag-asa pa ‘Tol1”

“Paano ko kakamtin ang letseng mga pangarap na iyan kung pati ikaw na itinuturing kong best friend ay sinalbahe ako? Paano mo ipaliwanag iyan???”

Tila hinataw naman angaking ulo ng isang matigas na bagay. “Oo, nagkasala ako. Nagkamali sa aking best friend. Kaya nanghingi ako ng tawad sa iyo. Ngunit sino ba ang hindi nagkakamali, ‘Tol? Lahat ng tao ay nagkakasala. Lahat ng tao ay nadadapa, nabibiktima. Ngunit ganoon pa man, hindi humihinto ang takbo ng buhay kahit nagkasala o nadapa tayo. Magpapatuloy pa rin ito, ‘Tol... habang may buhay pa tayo. Kaya dapat ay matuto tayo sa ating mga pagkakamali, matuto tayong magpatawad sa mga taong nagkasala at nanghingi ng tawad sa atin. Magsimula tayo, Tol.”

Hindi siya kumibo. Nagpatuloy pa rin siya sa paghikbi.

“Atsaka, huwag kang malungkot may mga tao pa rin namang nagmamahal sa iyo, di ba?”

“Wala nang taong nagmamahal sa akin. Itinakwil na ako ng aking inay dahil mas pinaniwalaan niya ang kanyang demonyong asawa na walang ginawa kundi ang magsamantala sa akin habang wala siya sa bahay.” Ang sagot niya na medyo bumaba na ang boses.

“Ang Tita mo, di ba mahal ka naman niya? At... ako. Maaaring nagkamali ako sa aking ginawa sa iyo ngunit mahal na mahal kita.” Nahinto ako nang sandali, “...b-bilang kaibigan, bilang best friend.”

Tahimik.

Bumalikwas ako at tumayo. Nang nakatayo na, iniabot ko sa kanya ang aking kamay upang tulungan siyang makatayo. Tinanggap niya ang aking kamay at nang makatayo na kaming dalawa, inakbayan ko siya. “Promise ko sa iyo Tol... hindi na mauulit pa ang ginawa ko sa iyo. Kaya patawarin mo na ako please...?”

Hinawi niya ang aking kamay na nakaakbay sa kanyang balikat. Halatang may galit pa rin siya. Dahil dito, humarap ako sa kanya at lumuhod. “Please?” ang pagmamakaawa ko sabay abot sa aking kanang kamay kung saan ay inunat ko ang gitnang daliri para sa aming handshake.

Tinitigan lang niya ako. Pagkatapos ay tiningnan naman niya ang aking kamay. Maya-maya ay inabot na rin niya ang kanyang gitnang daliri at naghandshake na kami. Doon na ako tumayo at niyakap ko siya nang mahigpit. “Salamat best friend...” ang bulong ko sa kanya.

Iyon, nagkabalikan kami at nalaman ko ang kuwento ng buhay niya. Kaya pala siya napunta sa Tita niya ay dahil minolestiya siya ng kanyang step-father, niri-rape kapag wala ang kanyang ina dahil nagtatrabaho ito sa isang factory na paminsan-minsang naaassign ng panggabi. “Labing-tatlong taon lang ako noong nagsimula ang panghahalay sa akin ng aking step-father. Noong unang nangyari iyon ay wala ang aking inay dahil panggabi ang kanyang assignment. Tinwawag niya ako sa kanilang kuwarto. Masahehin ko raw siya. Ako naman ay sumang-ayon. Ni-lock niya ang pinto at nang halos limang minuto ko na siyang minasahe, hinubad niya ang kanyang brief at inutusan akong laruin ang ari niya. Gusto kong tumutol ngunit nagpumilit siya. Hanggang sa inutusan na niya akong isubo iyon. Nang tutmutol ako, kinuha niya ang patalim na nakatago sa kanyang drawer at itinutok ito sa aking leeg. Wala na akong nagawa. Hanggang sa pinahubad niya ako sa aking saplot at pagkatapos ay tinalian ang aking mga kamay, at binusalan ang aking bibig. Pagkatapos noon ay pilit na ipinasok niya sa aking likuran ang kanyang pagkalalaki. Para akong mamamatay sa sakit sa kanyang ginawa. Pakiwari ko ay nabiyak ang aking katawan. Nang matapos na siya, binalaan niya akong huwag magsumbong kahit kanino kung ayaw ko raw na kaming dalawa ng aking inay ay mapapatay niya. Nang naglalabing-anim na taon na ako, doon ko na naisip na lumaban. Nagkunwari akong ok lang sa kanyang ipinagawa. Hindi na niya ako tinalian. Iyon ang pagkakataon na hinintay ko. Sinaksak ko siya. Mabuti na lang at naabutan kami ng aking inay dahil kung hindi, tadtad na sana siya sa saksak. Ang masaklap, imbes na ako ang papanigan ng aking inay, ipinakulong niya ako. Ang isa pang masaklap, isa sa mga pulis na dumampot sa akin ay ang anak na lalaki ng aking step-father sa una niyang asawa. Upang makaganti siya ay pinagsamantalahan din nila ako bago nila ako dinala sa DSWD. Sa loob naman ng DSWD ay nangyari uli ang panghahalay sa akin ng isang pinagkakatiwalaang namamahala na nagkagusto sa akin. Hindi ako nakatiis at lumayas ako, nagpalaboy-laboy sa lansangan. Doon na ako natutong magbenta ng katawan, sa patambay-tambay ko sa mga mga lugar na dinadayo ng mga bakla. Hanggang sa nalaman ng aking Tita ang aking kinasasapitan at ipinahanap niya ako. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao. Natatakot ako... Nakaukit sa aking isip na ang lahat ng tao ay hindi dapat pagkakatiwalaan.”

Doon ako mas lalo pang tinablan ng awa sa kalagayan niya. Hindi pala basta-bastang karanasan ang dumaan sa buhay niya. Doon ko na rin naisip na sobrang napaka-selfish ko. Ang buong akala ko ay halos perpekto na ang buhay niya bilang isang Dennis na hayop sa porma, sa pagkanta, hinahangaan ng marami. Matindi pala ang sakit na dulot ng kanyang nakaraan. Niyakap ko na lang siyang muli at nangakong rerespetuhin ko ang kanyang pagkatao at na walang ibang makakaalam sa kanyang sikreto.

Iyon ang ginawa ko. Bagamat mas lalo pang tumindi ang pagmamahal at awa ko sa kanya dahil sa nalaman kong karanasan niya, pinilit ko na ang aking sariling huwag magbigay ng motibo, o kahit pananatsing. Kumbaga, kinalimutan ko na ang lahat. Iginiit ko na lang din sa aking isip na imposible na talagang magiging kami pa. Kaya bagamat patuloy pa rin ang aming pagiging mag best friends, hindi na ako umaasa.

Isang araw, may ipinakilala sa akin si Dennis. “Best friend! Si Chona, girlfriend ko.”

Mistulang gumuho ang aking mundo sa aking narinig. Pakiramdam ko ay ilang beses na sinaksak ang aking puso sa sobrang sakit. Ngunit hindi ako nagpahalata. Ipinakita ko pa ring masaya ako para sa kanila. Pinilit kong ngumiti, sumabay sa agos . “Ay talaga! Congrats sa inyo, best friend! Ang ganda niya ha?” ang sagot ko.

Ngunit hindi ko nakayanan ang tagpong iyon. Dali-dali akong nag-alibi na may gagawin pa kung kaya ay dapat na iiwan ko muna sila. Tinumbok ko ang CR ng eskuwelahan at doon sa loob ng cubicle ay umiyak ako nang umiyak. “Ang sakit...” ang bulong ko sa aing sarili.

Maya-maya lang ay lumabas din ako at pilit na pinalakas ang sarili, iginiit sa isip na kaya ko ang lahat at na hindi ako dapat maapektuhan dahil wala naman kaming relasyon ni Dennis at dapat nga ay maging masaya ako para sa kanya, suportahan siya upang magiging normal muli ang buhay niya.

Sa paglipas ng mga araw, halos nahati na rin ang panahon ni Dennis sa akin at sa girlfriend niya. Bagay na ikinalungkot ng puso ko. Ngunit inisip ko na lang na sa ganoong paraan ay maaaring unti-unti ko siyang malilimutan. At isinspuso ko pa talaga iyong love quote na, “If you love someone, set him free, if he comes back to you, then he is yours; but if not, he was never meant to be...”

Ngunit tila mahirap gawin ang mag-move on. Habang nakikita ko sina Dennis na sweet na sweet, nag-aakbayan, naghoholding hands, nagyayakapan, parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Lalo na dahil naging sikat silang dalawa sa campus bilang maggaling kumanta, ang tawag sa kanila ay “Campus love birds,” palaging kasali sa program ng school at tinitilian. Mas lalo pa akong nasaktan, nagseselos... Feeling ko ay ako ang ininggit nila sa kanilang ka-sweetan. Hanggang sa dumating ang puntong parang ayaw ko nang makita pa sila, na ayaw ko nang pumasok pa sa school, na gusto ko nang umalis doon.

Isang gabi sa aming paghahapunan, nagsalita ang itay. “Ang kapatid kong madre, nagtatanong na kung sino raw ang sasalo sa pagmamadre o pagpapari sa henerasyon ng mga anak natin. Ang mga anak ng mga kapatid ko ay wala raw ni isang interesado. Mukhang mapuputol ang tradisyon ng aming kanuno-nunuan na sa bawat henerasyon ay may papasok sa kumbento o sa seminaryo...”

Hindi ko alam kung ako ang pinaparinggan niya. Ang side kasi ng itay ko, sa mga Castro, ay may tradisyon. Sa panahon daw kasi ng giyera laban sa mga hapon, pinag-initan ang aming angkan dahil lider sila ng mga guerilla fighters. Nagbitiw ng pangako ang aming lolo sa mahal na birhen na kapag naisalba ang buhay niya, bawat henerasyon ng lahi namin ay may magpapari o magmamadre. Napaslang ng mga hapon ang lahat ng kamag-anak namin, maliban sa aking lolo. Kaya itinuring niya itong isang milagro at pagdinig ng birhen sa panalangiin niya. Naniwala siyang ang Birhen ang nagprotekta sa kanya laban sa mg akalaban. Kaya tinupad niya ang kanyang pangako. Bawat henerasyon simula noon, naging devout Catholic na ang lahi namin. Sa bawat henerasyon na dadaan ay may nagpapari, kung hindi man ay nagmamadre, minsan ay may dalawa o tatlo pa. Kaya marami kaming kamag-anak na pari at madre. May obispo, may mga pari, at may mga madre. At sa henerasyon ng itay, ang kapatid niyang babae ang sumalo sa tradisyon. Isa na siyang mother superior ng kanilang order sa Iloilo. Dahil siya ang pinakahuling pumasok sa kumbento, siya ang magi-sponsor naman sa pagpapari o pagmamadre ng susunod na henerasyon, at iyan na ang henerasyon ko. Parang isang sistema na talaga ang tradisyon ng aming lahi na ito. Bagamat hindi nakasulat, alam ng lahat ang alituntunin.

“Ikaw JC, wala ka bang plano na magpari?” ang tanong ng inay.

Mistula naman akong binatukan sa ulo na narinig. “Po?”

“Wala ka bang balak na pumasok sa seminaryo?” ang pag-ulit ng inay sa tanong.

“W-wala po... wala po.” Ang sagot ko. “B-bakit po ang mga anak nina Tito Mario, sampu lahat sila, wala bang ni isang interesado?”

“Wala nga raw.”

“Eh, bakit ako. Nag-iisang anak na nga lang ako, tapos sa atin pa kukunin ang magpapari?”

Hindi na umimik ang aking mga magulang. Siguro rin ay naisip nilang tama naman ako.

“Ano po ba ang mangyayari kung walang papasok sa aming magpipinsan?”

“Mapatid ang binitiwang pangako ng inyong kanunu-nunuang lolo. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari.”

Iyon ang issue sa aming pamilya na hindi nabigyan ng kasagutan ng itay at inay.

Pagkatapos na pagkatapos naming maghapunan, nagtungo ako sa bahay-kubo. Naisipan ko lang na doon matulog. Hindi ko kasi maintindihan ang aking sarili sa sandaling iyon. Malungkot na malungkot ako. Maraming bumabagabag sa aking isip. Parang gusto kong mapag-isa, gusto kong magmuni-muni.

Nang nakarating na ako sa bahay-kubo, gumawa kaagad ako ng apoy gawa nang gabi na iyon, walang buwan at maraming lamok sa paligid. Pagkatapos kong magawa ang dalawang apoy sa magkabilaang dulo ng bangko, naupo ako sa gitna nito, isinandal ko pa ang aking likod sa sandalan habang patuloy naman na tumutugtog ang FM radio na inilatag ko sa aking tabi. Nakaharap din ang bangko sa ilog kung kaya ay magkahalong ingay ng kanta na nanggaling sa FM at ragasa ng daloy ng tubig ng ilog ang aking naririnig. Nariyan din ang ingay ng kuliglig at mga panggabing hayop na tila nagsasaya sa sandaling iyon. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa pabugso-bugso nilang pagdampi sa aking balat. Bagamat madilim, maganda ang panahon.

Wala akong ginawa sa sandaling iyon kundi ang magbalik-tanaw sa aking isip sa mga nangyayari sa aking buhay. Simula noong maliit pa ako na akala ko ay iyon na talaga ang mundo, puno ng saya, walang problema, puro laro lang, kain at pagtulog ang inaatupag. Hanggang sa nag high school ako. Masaya pa rin, kasa-kasama ang mga kaibigan at ka-klase. Sa panahong iyon ay nagkaroon ako ng girlfriend. Bagamat hindi kami tumagal ay hindi ko naman masyadong pinoproblema. At nang nag-college ako biglang dumating si Dennis, at doon na naging kumplikado kahit maliliit na bagay sa aking buhay. Marami akong katanungan, kagaya na lang kung bakit  naramdaman ko sa kanya ang dapat na maramdaman ko lamang para sa isang babae. Kung bakit labis ang pagkaawa ko sa kanya. Kung paano ko siya iwaglit sa aking isip. Kung ganoon din ba ang nararamdaman niya para sa akin. Nanumbalik din sa aking isip ang masasayang sandali namin sa bahay-kubo na iyon; ang araw kung saan ay naging magbest friends kami, at... iyong ginawa ko sa kanya na muntik ding ikinasira ng aming magandang samahan. Ang lahat nang iyon ay nangyari sa bahay-kubo na iyon.

Sumingit din sa aking isip ang sinabi niyang pangarap; na sana ay maging normal ang buhay niya sa kabila ng hirap na kanyang dinanas, na magkaroon din siya ng asawa’t anak, ng masaya at buong pamilya. Bagamat nais kong matupad ang mga ito para sa kaibigan ko, may matinding sakit itong dulot sa akin dahil mahal ko siya, at hinding-hindi maaaring magiging akin siya.

Hindi ko rin maiwasan ang hindi mag-isip tungkol sa aking kinabukasan, bilang isang bakla. Sa totoo lang, gusto ko ring magkaroon ng pamilya. Ngunit hindi na matutupad iyon. Iisipin ko pa lang na magkakaroon ako ng girlfriend, parang mahirap na. Parang lokohan na lang ang mangyayari. Nakakaawa para sa babae. Kaya, siguradong sa pagtanda ko ay mag-iisa lang ako. Wala naman kasing lalaki-sa-lalaking relasyon na tumatagal. Wala pa akong nakita. Ang mga bakla ay parausan lang kundi man hinuhuthutan. May mga matatandang bakla sa lugar namin ngunit lahat sila ay tumandang nag-iisa, walang nagmamahal. Minsan ay kasa-kasama rin nila ang iba pang mga bakla, ngunit walang lalaking tunay na nagmahal. May kapitbahay kaming baklang matanda, kaibigan ng inay, nakakaawa dahil kahit matanda na, siya pa rin ang naghahanapbuhay para sa sarili, naglalako ng kung anu-ano. Wala man lang ni isang kapamilya na nariyan upang tulungan siya. Hanggang sa nagkasakit siya, at namatay na hindi namin nalaman kaagad. Ang saklap. Hindi ko tuloy maiwasan na maihalintulad ko ang sarili sa kanya. Nakakalungkot. 

Habang nasa ganoon akong pagmumuni-muni, biglang tumugtog sa FM ang kantang –

I always thought you were the best, I guess I always will
I always felt that we were blessed, and I feel that way still
Sometimes we took the hard road, but we always saw it through
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Sometimes the world was on our side, sometimes it wasn't fair
Sometimes it gave a helping hand, sometimes we didn't care
'Cause when we were together, it made the dream come true
If I had only one friend left, I'd want it to be you

Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga. “One friend... hanggang doon na lang talaga ako sa kanya, isang kaibigan. Oo, masuwerte ako na naging best friend ko siya. Ngunit sa ngayon lang iyan. Kung mag-aasawa na siya at magkaroon ng mga anak, kanya-kanya na kami ng buhay, at maaaring hindi na rin magkita. O, baka rin ay tuluyan na niya akong malimot. Ang best friend ay magiging bahagi na lamang ng nakalipas; maaring bahagi ng buhay, ngunit hindi bahagi ng pangarap.” Ang bulong ko sa sarili.

Nang napagod na ako, pumasok ako sa bahay-kubo. Naisipan kong doon na matulog. Sinindihan ko ang lampara upang ihanda na ang aking tulugan. Napabuntong-hininga na naman ako. Muling nanumbalik sa aking isip ang bagay na iyon na ginawa ko kay Dennis sa lugar na iyon nang gabing nalasing siya.

Nang nilingon kong muli ang lampara, may nakita akong tatlong gamugamong umaaligid sa ilaw. Mistulang nag-freeze ang lahat sa aking paligid at sumakay ako sa time machine pabalik sa aking kabataan kung saan ay manghang-mangha akong nagmamasid sa mga gamugamong umaaligid sa lampara. Sa panahong iyon, natalinghagaan ako sa kanila. Kahit sila ay napapaso, pilit na lilipad at lilipad upang lalapitang muli ang apoy, hanggang sa hindi na nila makayanang lumipad at tuluyang mamamatay sa ibabaw ng mesa. Napangiti ako sa aking sarili. Naalala ko kasi ang sagot sa akin ng inay noong kinukulit ko siya kung bakit nagpapakamatay ang mga gamugamo sa apoy ng lampara. Sinabi ko kasing bobo ang mga gamugamo, kung bakit sila isinilang kung magpapakamatay lamang sa apoy. Marahil ay nakulitan na siya kung kaya ang isinagot niya sa akin ay, “Anak, ang lahat ng bagay sa mundo ay may katuturan. Kahit ang pagkamatay ng isang gamugamo ay may aral...” Sa panahong sinabi ng inay iyon, hindi ko pa nakuha ang ibig niyang sabihing aral. Ngunit nagiging klaro na sa aking isip ang lahat. Naihambing ko ang aking sarili sa kanila. Nagdurusa ang aking puso at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko kagustuhan ang magmahal isang kapwa ko lalaki na kailanman ay siguradong hindi rin magiging akin. At kagaya ng mga gamugamo, para rin akong namamatay nang paunti-unti dahil sa sakit na nararamdaman ng aking puso. Nang tingnan ko uli ang gamugamo, nakita kong ang isa ay nasa ibabaw na ng mesa, lugmok at hindi na nakayanan pang lumipad.

Napabuntong-hininga na lang ako. Naisip kong parang si Dennis at Chona ang dalawang gamugamong lumilipad pa, samantalang ako ay iyong lugmok na at hindi na makakalipad. “Bagay na bagay sila. Lahat ng mga estudyante ay kilig na kilig sa kanila at gustong-gustong sila ang magkatuluyan. Samantalang sino ba ako para sa kanya? Hindi ako bahagi sa kung ano man ang makapagbibigay sa kanya ng ligaya o katuparan ng pangarap. Parang isa lang akong malaking biro, isang panggulo.” Ang naibulong ko sa aking sarili.

Hindi ko namalayang hating-gabi na pala iyon. Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ang alam ko lang ay tuliro ang aking isip at tila isang sagot sa aking mga katanunga ang pagsulpot ng mga gamugamo at ito ang nagbigay liwanag sa aking isip. Ang ginawa ko ay umuwi ng bahay at dumiretso sa kuwarto nina itay at inay. Kumatok ako.

“Ano ka ba naman, JC... Gabing-gabi nambubulabog ka?” ang himutok ni inay na kuskos-kuskos pa ang mga mata.

“Nay, nariyan po ba si Itay. Puwede bang mag-usap tayo?” ang sambit ko.

Ngunit hindi pa man nakasagot si inay ay nasa likod na pala niya si Itay. “Anong problema?”

“Tay... magpapari po ako. Ako na ang tutubos sa tradisyon ng ating lahi sa aming henerasyon...”

Kitang-kita ko sa mukha ng itay ang matinding kagalakan. At pati ang inay ay niyakap ako. “Anak, proud na proud ako sa desisyong binitiwan mo. Magaling, anak. Suportado ka namin ng itay mo.” Ang sambit ng inay.

Dahil isang linggo na lang at matapos na ang second semester, nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga gamit. Tinawagan na rin ng itay ang kanyang kapatid na mother superior sa Iloilo. Doon kasi ang roots namin. At doon papasok sa pagkamadre o pagkapari ang sino man sa aming lahi ang gustong pumasok sa pagkarelihiyoso.

Nang nagpaalam ako kay Dennis, dinala ko siya sa bahay-kubo. Habang hinihintay naming maluto ang mga inihaw namin na huling alimango at isda sa mga bitag ng itay, nakaupo kaming paharap sa ilog. Seryoso ako sa sandaling iyon. Sumagi sa aking isip na iyon na siguro ang huli naming pagpi-picnic sa bahay-kubo.

“Tol... pagkatapos ng semester na ito, aalis na ako patungong Iloilo. Doon ako papasok sa pagkapari...” ang malungkot kong sabi.

Pansin ko ang bigla ring paglungkot ng kanyang mukha. “Hindi ba puweding ituloy mo na lang ang kurso mo, tapusin mo muna, ‘Tol? Huwag ka nang magpari. Ma-miss kita eh.”

“H-hindi na eh. Kasi... n-nakapaghanda na ang mga magulang ko. Excited na nga si Itay na pumunta ng Iloilo upang ihatid ako roon. Proud na proud kasi siya na ako ang sasalo sa tradisyon ng aming henerasyon.” Ang sagot ko bagamat tama siya, puwede kong tapusin muna ang kurso ko bago ako pumasok sa seminaryo. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya ang tunay na dahilan. Kaya sinarili ko na lang ito.

“Hindi mo ba ako mami-miss?” ang tanong niya.

“Anong hindi? Kung alam mo lang...” ang sagot ko.

“So paano tayo? Mawawalan na ako ng best friend?”

“May Chona ka naman, di ba? Kahit wala na ako, magiging masaya at inspired ka pa rin.”

Napangiti siya ng hilaw, hindi sinagot ang sinabi ko. Hindi ko alam kung nakuha niyang may bahid na pagseselos ang aking sinabi. “Bakit gusto mo palang magpari?” ang paglihis niya sa usapan.

“Sa tingin ko ay iyan ang ‘calling’ ko.”

“Dahil ba iyan sa gamugamo na sinabi mo minsan na siya mong gagawing inspirasyon?”

“Oo...” ang sagot ko bagamat gusto ko sanang dugtungan ito ng, “...dahil sa gamugamo at dahil sa iyo”

“A-alam mo, hindi ako naniniwalang may Diyos.”

Bigla akong napalingon sa kanya. “Ha??? Bakit?”

“Di ba... sa lahat nang nangyari sa buhay ko, paano ako maniniwalang mayroon ngang Diyos? Ang iba ay masaya sa buhay, may mga magulang, halos ang lahat ay nasa kanila na. Ngunit tingnan mo ako, wala. At ngayon. Nandito ka na sana, aalis ka rin pala, at ito ay dahil sa kanya. Aggawin ka pa ba niya sa akin?”

Inakbayan ko siya. “Hindi naman ako mawawala eh. Nariyan pa rin ako. Iyon nga lang, hindi na iyong kagaya ngayong libre tayo para sa isa’t-isa. Pero kungtitingnan mo naman ang kabuuan, marami akong matutulungan. Ganyan naman talaga, di ba? Naniniwala rin akong hindi tayo nabubuhay para sa sarili, kundi para rin sa iba. At ako, handa kong ibigay ang sarili ko para sa kapakanan ng marami.”

Natahimik siya.

“Atsaka, hindi naman din tayo magsama sa habambuhay, di ba? Darating din ang araw na tatahakin mo rin ang daan patungo sa iyong mga pangarap, sa kung ano man ang mithiin mo sa buhay. At kapag dumating na ang araw na iyan, iiwan mo rin ako, para sa mas mahalagang bagay na makakapgdulot sa iyo ng ligaya, o para sa katuparan ng iyong pangarap. Magkalayo rin tayo... di ba?”

Hindi pa rin siya umiimik. Hindi ko alam kung ano ang nasa kanyang isip.

“Pero iyang sinabi mong hindi ka naniniwala sa Diyos, hindi kita masisisi d’yan. Pero isipin mo na lang siguro na buhay ka, nakakapag-aral, at higit sa lahat ay bata pa, marami pang pagkakataong magsimula, baguhin ang takbo ng iyong buhay. Kapag dumating na ang araw na iyan, alam ko, ma-realize mo rin na may Diyos...”

“Sana...” ang sagot niya. “Pero baka sa pagkakataong iyan ay patay na rin ako.” Ang dugtong niya.

“Bakit naman?” ang tanong ko.

“E, malalim ang dulot na sakit sa mga pangyayari sa buhay ko eh. Hindi ko pa lubos na natanggap ang mga ito. Hindi ko pa rin napapatawad ang mga taong naging sanhi ng pagkasira ng buhay ko. Hindi madali ang lahat... Baka hanggang sa pagpanaw ko sa mundong ito ay babaunin ko pa rin ang sama ng loob ko sa kanila, at sa sinasabi mong Diyos.” ang sagot niya.

Hindi na ako kumibo. Hindi ko naman kasi naranasan ang kanyang pinagdaanan. Hindi ko alam kung gaano kasakit ito.

Gabi bago ang aking pag-alis. Hindi na naman ako makatulog. Ang plano ko sana sa gabing iyon ay imbitahan siya sa bahay-kubo upang kahit papaano ay may despedida bonding kaming dalawa. Ngunit hindi na ako nag-open pa nito sa kanya. Una, ayaw kong matukso muli. Pangalawa, may Chona na siya na siguradong kasama niya sa gabing iyon, dahil ang balita ko ay aalis din siya, uuwi sa kanilang siyudad sa parehong araw ng aking pag-alis. Syempre, hindi na ako ang priority niya. Atsaka, kung gusto rin talaga niyang makasama ako sa huling araw ko, dapat ay siya ang nagyaya sa akin, hindi ako. Nakakahiya kung magyaya ako at may ibang plano pala sila ng girlfriend niya. Kaya kahit sa pagtext o pagtawag ay hindi ko na lang ginawa. Para sa akin, makabubuting simulan ko nang turuan ang akig sariling huwag umasa, kitilin ang nararamdamang pananabik. Ang ginawa ko ay ang gumawa ng sulat. Isang malaking desisyon ang nabuo sa aking isip. Ibubunyag ko sa kanya sa sulat ang aking naramdaman. Makaalis man ako, at least naibunyag ko sa kanya ang aking nararamdaman.

Kinabukasan sa pier, nang nasa loob na ng barko ang aming mga dala at naroon na rin si itay. Ang mga kapitbahay at kaibigan na gustong mag well-wish sa akin ay nakaalis na rin. Ngunit nasa pier pa rin ako, naghintay, umaasang darating si Dennis upang sa huling pagkakataon ay magkausap ko siya at kahit papaano ay mayakap sa huling pagkakataon.

Ngunit 30 minutos na lang bago ang takdang pag-alis ng barko ay walang Dennis na sumipot. Narinig ko na ang unang puwera-bisita ng barko. Lumipas pa ang labing-limang minuto ay wala pa rin siya. “JC, anak, umakyat ka na, tatanggalin na nila ang hagdanan ng barko!” ang sambit sa akin ng inay na nanatili pa rin doon gawa nang hinintay niyang makaakyat ako ng barko.

Nilingon ko ang hagdanan ng barko at nakita kong sinimulan na nga nilang tanggalin ang mga malalaking lubid na naka-anchor sa pier. “S-sige nay, aakyat na po ako.” Ang malungkot kong sagot ko sabay yakap sa kanya.

“Magpakabait ka roon anak ha? Mag-iingat ka palagi. Ipanalangin kita.”

“Opo nay...” ang sagot ko, hindi namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Nang kumalas na ako sa aming yakapan, iniabot ko sa kanya ang sulat para kay Dennis, kasama ang souvenir frame na gawa ko, iyong mga preserved na gamugamo. “Nay, mukhang hindi na darating pa si Dennis. Pakibigay lang po sa kanya. Importante lang po.”

Tinanggap ng inay ang aking ibinigay. “Oo anak. Sige na umakyat ka na at malapit nang matanggal ang hagdanan.”

Nagtatakbo akong tinumbok ang hagdanan at nang nasa itaas na, nanatili pa rin ako sa may railing ng barko, inisa-isang sinuyod ng aking paningin ang mga tao sa pier, hinanap kung naroon si Dennis. Nang wala akong nakita, sinundan ko na lang ng tingin ang aking inay na naglalakad palabas ng pier. Doon ko nakitang nakasalubong niya si Dennis, kasama ang girlfriend niyang si Chona. Nakita kong inabot ng inay ang envelope ng sulat ko at ang nakabalot na souvenir frame sa kanya. Nakita ko ring itinuro ng inay ang barko sa banda kung saan ako nakatayo.

Nagtatakbo silang dalawa patungo sa pinakadulo ng pier. Nang nakarating na sila roon, sumigaw si Dennis habang nakatingin sa akin. “Tol! Happy Trip! Palagi kang mag-ingat doon Tol! Ma-miss kita!” Ngunit dahil may kalayuan na ang barko, halos hindi ko na narinig ang mga isinigaw niya. Hindi ko na siya sinagot pa. Kumaway na lang ako. Nang napagod na, nanatili akong nakatayo, tiningnan silang dalawa na nakatayo na lang din, hawak-kamay na kumakaway sa akin. Sariwa pa sa aking isip ang sinabi niya noong nagpunta kami sa zoo, sa harap ng isang pares ng swan, “...kapag ako ang nagmahal, pinapanindigan ko ito.”

Mistulang tinusok ng maraming sibat ang aking puso. Tila mamamatay ako sa eksenang nakita. At mas masakit ang tanawing habang palayo nang palayo ang barko at unti-unti silang naglaho sa aking paningin, sila naman ay nakikita kong tila masaya sa isa’t-isa. Halos hindi ko namalayang tumulo ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang ang mga ito. Kahit gusto kong humagulgol ay pinigilan ko ang aking sarili. Tila isa akong kandila na unti-unting naupos sa sa aking kinatatayuan. Ngunit gusto kong ipakita sa kanila na matatag ako, na habang nakatayo ako sa railing na iyon ng barko at tinitingnan ang unti-unti nilang paglaho ay wala silang nakikitang mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata.

Naalala ko pa ang laman ng sulat na ginawa ko para sa kanya nang nakaraang gabi –

“Dear Dennis. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat na binigyan mo ako ng isa pang pagkakataong maging kaibigan ka, sa kabila ng ginawa ko sa iyo. Sobrang napakabait mo. Sa kabila ng naranasan mo sa kamay ng mga taong umabuso sa iyo, pinatawad mo ako. Lalo akong bumilib sa iyo. Hindi mo lang alam, ina-idolize kita dahil sa kabila ng mga nangyari sa nakaraan mo, natuto ka pa ring tumayo, pilit na ituwid at gawing normal ang buhay. Proud ako na naging best friend kita. Aaminin ko, ikaw pa lang ang nag-iisang best friend ko. alam mo ba na noong unang tinawag mo akong ‘best friend’ tila maglupasay ang puso ko sa sobrang tuwa. Hindi matawaran ang sobrang pasasalamat ko na dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang din ang nakakapagbigay sa akin ng sobrang saya at inspirasyon. Totoo iyan. Sa mga ginawa at ibinigay mong effort at panahon na mapasaya ako, sobrang naappreciate ko iyon. Ngunit may isang bagay akong aaminin. Sana ay huwag kang magalit... Simula nang naging magkaibigan tayo, may naramdaman na ako para sa iyo. Ito ang nagtulak sa akin upang gawin sa iyo ang isang bagay na pinagsisihan ko, ang bagay na muntik naang sumira sa ating pagkakaibigan, dahil nabulag ako sa matinding nararamdaman ko para sa iyo. Simula noong pinatawad mo ako, pinilit ko ang aking sarili na ilayo sa iyo, upang sana ay matutunan kong limutin ka at iwaglit sa aking isip at sistema itong aking nararamdaman. Ngunit bigo ako. Sa bawat araw na dumadaan, naging patindi pa nang patindi ang aking pagmamahal sa iyo. Hindi ko alam ang aking gagawin. Litong-lito ang aking isip. Bagamat nakikita mong ngumingiti ako at tumatawa sa bawat pagbibiruan at paghaharutan natin, sa loob-loob ko ay tila sasabog ang aking puso sa sobrang pagnanais na maging akin ka, na mahagkan ka at mayakap. Nang ipinakilala mo sa akin si Chona, doon ko na naramdaman ang pinakamasakit na katotohanan sa buhay; na hindi ka maaaring magiging akin. Pakiwari ko ay bigla akong namatay, pakiramdam ko ay biglang nawalan ng saysay ang aking buhay. Parang ayaw ko nang bumalik pa sa paaralan. Parang ayaw ko nang makita pa ang mga lugar na pinupuntahan natin. Kasi, kapag nakita ko ang mga iyon, naaalala ko ang masasaya nating tagpo. Sobrang sakit. Ngunit pinilit ko pa ring ipagpatuloy ang buhay, ang pagkukunwari na ok lang ang lahat sa kabila ng pagdurugo ng aking puso. Wala akong magagawa. Kaya nang kinausap ako ng itay na magpari, bigla kong naisip na baka iyon na ang para sa akin. Lalo na nang isang beses habang nag-iisa ako sa bahay-kubo, nakita ko na naman ang gamugamo, ang dalawa ay lumilipad pa habang ang isa ay lugmok na. parang ako iyong lugmok, at kayo ni Chona ang lumilipad pa. Doon ko naisip ang simbolismo nila sa buhay; na parang ako rin, halos mamamatay sa sakit nang pagmamahal sa iyo. Doon ko na rin nakita ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng interest sa kanila; dahil katulad nila, ganoon din ang mangyayari sa buhay ko. Parang dumaan din ako sa isang metamorphosis o pagbabago. Tapos, heto, isa nang ganap na gamugamo. Ang seminaryo na pupuntahan ko ay simbolismo ng ilaw. Masasaktan ako sa pagpunta roon, dahil mapalayo sa taong mahal ko. Ngunit ang pagpunta ko naman doon ay ang magiging daan upang mamatay o mapawi ang pag-ibig ko sa sa kanya. Doon ko rin narealize na sa buhay, hindi lahat ng tao o bagay na gusto nating maangkin ay magiging atin; hindi lahat ng kaligayahan ay pangmatagalan. Siguro ay maigi na rin ang ganito dahil siguradong kapag nasa seminaryo na ako at maging ganap na isang pari na, sa puso ko ay mananatiling ikaw lamang ang nag-iisang taong minahal ko. Sa pag-alis kong ito, baon-baon ko ang masasaya nating alaala. Sa pag-alis kong ito, hangad ko ang kaligayahan mo, ninyo ni Chona. Huwag kang mag-alala, Tol. Kahit nasa loob ng seminaryo na ako, palagi kitang ipapanalangin, kayong dalawa ni Chona. Mag-iingat ka palagi, ‘Tol. Sana ay hindi ka galit sa ibinunyag kong lihim. Sana ay mapatawad mo ako. Ang iyong best friend. -JC-.

(Itutuloy)

7 comments:

  1. Grabe ang ganda ng story puno ng aral

    Boholano blogger

    ReplyDelete
  2. Sobrang ganda ng storyang ito. May mapupulot ka na aral. Hindi puro libog lang. Sana maging happy ending.

    ReplyDelete
  3. BAKIT GANUN?
    ANG SAKIT

    NICE 1

    ReplyDelete
  4. As always tagos sa puso at may aral!
    Kudos sir Mike

    EurArch

    ReplyDelete
  5. Ang sakit nakakalungkot at nakakaiyak :'( sobrang dama ko yung mga scene :'( grabe ang galing nyo po magsulat :) dami kong natutunan

    ReplyDelete
  6. hmmm, what else can i say mike! he he he. totally hands up sa iyung kagalingan sa pagkukwento. thanks a lot sa mga aral na ibinabahagi sa iyung mga kwento, always yngat.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails