AUTHOR'S NOTE (PLEASE READ!)
Sabay kong ipopost ang Chapter 4 and 5. Maiksi lang talaga kasi ang sakop nito pero sinabay ko na para walang magreklamo na maiksi.
SPECIAL MENTION!:
1. Zefyr - Maraming salamat sa pagsubaybay sa akin simula noong umpisa akong magsulat hanggang ngayon dito sa "Dear Stranger". Honestly, I need more of your feedbacks kasi nasabi mo nga sa comment mo noong nakaraan na alam mo na ang style ko. I need your help to improve my craft.
2. AR - Medyo naguluhan po ako sa comment niyo noong nakaraan. What do you mean pong "nakakamiss"? And regarding sa name ni Rome, bakit po kayo napa-react? Curious lang. :-) Gusto ko po malaman feedback niyo. And I hope magcomment po kayo. Or better message niyo po ako sa FB, nandito naman po ang link ng FB ko. I will wait for your reply po.
3. (next time na yung iba, ang bagal ng net ko baka 'di ko pa ma-post ito)
MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
"DEAR STRANGER" (BOOK 2)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER FOUR
ROME:
“If you don’t mind me asking Mr. Kyou, sino po yung lalaking pumasok sa room kahapon?” alanganin kong tanong. I’m curious kung ano ang trabaho mo rito. Napansin ko rin na mukhang malapit kayo ni Mr. Kyou.
“Why?” maiksi niyang tanong sabay inom ng red wine.
“Ah... Eh...” nautal kong sabi. “Kasi narinig ko na sinabi niyo sa kanya na dapat pinagkakatiwalaan niya ang company namin. Na-receive ko rin kagabi ang profile niya, I want to know how successful he is since sa amin pala siya nag-apply noon para makapasok sa Japan.” Palusot ko.
Ngumiti si Mr. Kyou, bakas sa mga ngiti niya na para siyang may alam na hindi ko mawari. Kinuha ko ang wine glass at uminom ng red wine.
“Why don’t you ask him? As a matter of fact, I want you and Ray to know each other. I think magkakasundo kayo.”
Medyo nasamid ako sa sinabi niya at muntik ko nang mabuga ang wine na iniinom ko.
“Sorry.” Sabay punas sa bibig ko gamit ang puting table napkin na nasa aking lap. Hindi ko magawang tumingin ng diretso kay Mr. Kyou, I hope hindi siya na-offend sa nangyari. Bahagya kong inikot ang mga mata ko sa paligid ng VIP Room restaurant ng kanyang hotel. Maliwanag at nakaka-relax ang aura. Kapansin-pansin ang kumikinang na mga swarovski crystals na naka-sabit sa ceiling, may ilaw na nagrereflect dito kaya mas maganda ang kinalabasan.
“Ohayou gozaimasu Shachou.” Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Nakita ko ang kamay niya at inabot ang isang itim na folder kay Mr. Kyou. Tiningnan ko ang lalaki at hindi ako nagkamali, nakita kita.
“Ohayou Ray.” Sabi ni Chichi sabay buklat sa itim na folder na binigay mo sa kanya. “I have a meeting in 15 minutes. Ray, Why don’t you join Mr. Parrilla?” sabi ni Mr. Kyou sabay tingin sa iyo.
Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata mo. Hindi ko napigilang ngumiti. Biglang nabuhay ang dugo ko sa narinig. Pilit kong tinatago ang excitement na makausap ka. After one year ay makakausap na rin kita.
Mabilis na ang sumunod na pangyayari, nagpaalam si Mr. Kyou at nagmamadaling naglakad palabas ng VIP Room ng restaurant. Dahan-dahan kang umupo sa cream na couch sa harap ko. Lumapit ang isang waiter at lininis ang mga pinagkainan ni Mr. Kyou, pinalitan ito ng bagong plato, baso, glass wine, tinidor, at kutsilyo. Kahit nakaharang ang braso ng waiter sa gitna natin ay hindi ko maalis ang tingin sa iyo.
Umalis ang waiter. Kinain tayo ng katahimikan. Rinig ko ang tunog ng mga plato at tinidor sa kabilang lamesa gawa ng sobrang katahimikan. Narinig ko rin ang mahinang soft music na tumutugtog sa nakatagong speaker na hindi ko alam kung saan nakalagay.
Dahan-dahan mong tinaas ang iyong tingin, nagtama ang ating mga mata. Nakita kong tinatamaan ng makintab na liwanag mula sa swarovski crystals ang iyong mukha, nagdulot ito ng glow sa aking paningin. Ngumiti ako, isang ngiting pilit ang binitiwan mo. Naiintindihan ko, siguro ay dahil masama pa rin ang loob mo sa nangyari sa atin. Nandito ka ngayon sa harap ko, ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong ipaliwanag, pero hindi ko alam kung papaano. This time I want to give you an assurance sa nararamdaman ko para sa iyo, pero gusto ko ring malaman mo na kailangan ako ng pamilya ko and I’m willing to wait for both of us.
Lumunok ako. Pinilit kong magsalita.
“Ray...” mahina kong tawag sa iyo.
Hindi ko pa nababanggit ang kasunod na salita ay isang matangkad at mestisong lalaki na mukhang amerikano ang lumapit sa iyo.
“Good morning!” sabi ng lalaki sabay halik sa ulo mo.
Hindi ako nakakibo. Parang may bombang sumabog sa ulo ko. Biglang gumapang sa katawan ko ang isang emosyong hindi ko maintindihan kung ano, selos ba ito? Galit? Ewan ko, pero napakabigat sa dibdib. Unti-unti ang emosyong ito ay nagdulot ng matinding sakit sa aking puso, nadurog ako. Sa sobrang sama ng loob ay gusto kong maglaho na parang bula.
Tumingin ka sa kanya. Bakas sa mata mo ang pagkailang. “Bae.” Sabi mo.
Hindi ko na kinaya ang narinig. Doon pa lang alam ko nang kayo, alam ko na may mahal kang iba. Kung sa bagay isang taon na rin, maaaring kinalimutan mo na ako dahil sa sobrang sama ng loob na naidulot ko sa iyo.
“Excuse me. May aasikasuhin lang ako.” Sabi ko sabay tayo at mabilis na naglakad palabas sa ng restaurant.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung dadalhin ba ako nito sa isang lugar kung saan hindi kita maiisip at hindi ako masasaktan, pero impossible ata iyon, dahil nasaktan na ako sa aking nakita at patuloy pa rin akong nasasaktan. Napakasakit pala na may ibang taong nandyan na para sa iyo. I feel worthless. I feel insignificant. Napansin ko na lang na basa ng mainit na luha ang aking mga mata. Tahimik akong umiyak.
Isang tunog ang gumising sa tuliro kong utak, tunog ito ng aking cellphone, hindi ko ito pinansin. Napansin ko na lang na nasa isang park pala ako ng Osaka at nakaupo sa isang kulay black bench. Nasa ilalim ako ng isang punong walang dahon, kagaya ba ito ng pagmamahal mo sa akin? Pagmamahal mong naglaho at lumipas na? Siguro nga. Ramdam ko ang lamig ng hangin ng winter, kasing lamig ng puso ko ngayon.
Muling tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito. Nakita kong nag-message si Jess sa messenger.
“URGENT!” sabi sa preview ng chat niya. I unlock my iPhone at nabasa ang buong message.
“Someone wants to see you. Nandito siya sa Japan.” Kasunod na message niya sa akin.
“Who?” maiksi kong tugon.
Ilang segundo ang lumipas at nabasa ko ang pangalan ng taong naghahanap sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naisip kita, naalala ko ang paghalik sa iyo ng lalaking iyon. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Naalala ko ang mga goals at plano ko sa lugar na ito.
“That person might be the answer to my problem. That person can help me forget you. And by doing that, I can achieve my goals.” Bulong ko sa sarili ko.
Nagreply ako kay Jess.
“Papuntahin mo siya sa hotel. Now.”
“Sigurado ka Pare?”
“Yes.”
***
ROME:
Naka-upo ako sa malaking gray na bato sa labas ng hotel. Ramdam ng mukha ko ang malamig na halik ng hangin. Napakabigat pa rin ng dibdib ko sa nakita ko kanina. Ilang saglit pa’y nakita ko ang isang taxi. Bumukas ito, linuwa nito ang taong ineexpect kong makita. Dalawang taon na ang nakaraan nang huli ko siyang makita, maganda pa rin siya. Humarap siya sa kinauupuan ko. Dahan-dahan niyang tinanggal ang shades. Nakita ko ang bilugan niyang mga mata. Dinako ko ang tingin ko sa mapula niyang labi. Ngumiti siya at nag-umpisang maglakad, narinig ko ang pagtama ng takong ng kanyang boots sa sementadong sidewalk.
Tumayo ako. Tahimik. Sa sobrang katahimikan ay narinig ko ang pagsayaw ng mga halaman sa paligid. Narinig ko ang kanyang paghinga, kilala ko siya, alam kong ninenerbyos siya.
“How are you? It’s been two years.” Bakas sa boses niya ang panginginig.
Nagsalubong ang aming mga mata. Pilit kong hinanap ang dati kong nararamdaman, ang alam ko lang ay sa kabila ng lahat ay na-miss ko siya. Hinanap ko sa puso ko ang pagmamahal ko sa kanya, pero ikaw ang nakita ko. Ikaw lang Ray. Huminga ako ng malalim, nakita ko na naman sa aking utak ang paghalik sa ulo mo ng lalaking iyon.
“I miss you Rome... I’m sorry...” hindi ko siya pinatapos. Mabilis akong lumapit sa babaeng nasa harap ko at hinalikan siya sa labi. Gumanti siya ng halik.
(END OF CHAPTER 4)
PLEASE VOTE MY STORY ON WATTPAD! YOU CAN VOTE EVERY CHAPTER. JUST CLICK HERE, MAY MAKIKITA PO KAYONG STAR DOON, CLICK NIYO PO IYON. THANKS! :-)
CHAPTER FIVE
RAY:
Naglalaro sa tenga ko ang soft music ng VIP Room ng restaurant. Inikot ko ang mga mata ko, kaunti ang mga tao ngayon pero rinig ng tenga ko ang kanilang boses. Kanina pa kasi walang nagsasalita sa amin ni Bae. Matulis ko siyang tiningnan, nakayuko ito.
“Why did you do that!?” gigil kong sabi kay Bae na ngayon ay naka-upo sa kaninang inuupuan ni Rome.
“Hindi mo ba nagustuhan na wala na siya rito?”
“Gusto ko rin naman siyang makausap.”
“For what Ray!?” bakas sa boses niya ang inis. “Sasaktan ka lang niya uli!”
Hindi ako nakakibo. Tama si Bae, pero gusto ko kasing makausap si Rome, hindi ko rin alam kung bakit pero gusto ko talaga siyang makausap.
“Yes I hate him, but I can’t deny that I still love him. He’s a stranger, but I want to see the stranger behind his face. I want to dicover the real man behind his name.” Sigaw ko sa isip ko na hindi ko masabi kay Bae.
“May mga gagawin pa ako Bae.” Sabi ko sabay tayo, tinumbok ko ang kulay brown na double door. Hinawakan ko ang bakal na doorknob, tinulak ko ito at lumabas. Hindi na niya ako sinundan pa.
***
RAY:
Tumunog ang elevator, ito ang gumising sa tuliro kong utak. Isang oras ang nakalipas pero lutang pa rin ako. Kaka-check ko lang ng schedule ni Chichi, pero bukas pa ulit ang appointment niya kay Rome. Bumukas ang elevator, naglakad ako palabas. Binaybay ko ang kahabaan ng malawak na hallway. Narinig ko ang halik ng swelas ng sapatos ko sa carpet na linalakaran ko. Ang hallway na binabaybay ko ay may napakataas na celing na nasa 20-30 feet at may mga mamahalin at magagandang artworks na nakasabit sa magkabilang dingding. Ilang saglit pa’y narating ko ang front desk.
“Sumimasen.” Sabi ko sabay patong ng dalawang braso ko sa desk na gawa sa marble. Lumapit ang hotel staff. Tinanong ko kung saan naka-check in si Rome. Bumalik ito sa kinatatayuan niya kanina at nag-umpisang kalikutin ang computer sa kanyang harapan.
Inikot ko ang mata ko, linibang ko ang sarili ko habang naghihintay. Malawak ang hotel lobby, may mga sofa rito na kulay itim at puti habang may mga granite namang naka-attach sa ilang parte ng dingding na nagbibigay ganda sa lugar. Sa ‘di kalayuan ay may paikot at mataas na staircase, kadalasang ginagamit ito pag may party o ‘di kaya ay pictorial ng isang event na ginaganap sa hotel, sa gitna ng staircase ay may nakasabit na malaki at maliwanag na chandelier siyang nagbibigay liwanag sa buong lugar.
Nasa ganoon akong pagtingin nang maagaw ng atensyon ko ang isang lalaking naka-upo sa labas ng hotel. Nakita ko ito dahil sa malaking window glass pane sa ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko. Tumayo ang lalaki, bahagya kong nakita ang gilid ng kanyang mukha, si Rome ito! Napansin ko ang isang babaeng palapit sa kanya.
Tinitigan ko ang babae, nagtanggal ito ng shades. Natigilan ako. Bumigat ang paghinga ko. Nabalot ng kadiliman ang puso ko, kasabay nito ang panginginig ng buong kalamnan ko. Napansin ko na lang na naka-sarado ang magkabilang kamao ko, nanginginig ito, gusto kong sapakin ang babaeng nakita ko. Simula nang magpakilala sa akin si Rome sa sulat noon sa Tokyo isang taon na ang nakalipas, muling naging malinaw sa utak ko ang lahat, pati ang mukha ng babaeng iyon. Ever since that day, hindi ko na rin nalimutan ang mukha ng hayup na babaeng iyon. Kahit pangalan niya ay kinasusuklaman ko, ang babaeng ito ay si Gel.
Nakita kong nagsalita si Gel. Hindi nagtagal ay kitang-kita kong hinalikan ni Rome ang babaeng iyon. Nadurog ang mundo ko kasama ang pagkatao ko.
Hindi ko kinaya ang nakita ko. Tumalikod ako at tumakbo ako pabalik ng elevator, pinindot ko ang switch, agad na bumukas ito at pumasok ako. Pinindot ko ang palapag kung saan ang kwarto ko. Sumarado ang elevator.
Hinilig ko ang likod ko sa salamin na siyang dingding ng elevator. Sa puntong ito, naalala ko ang lahat-lahat. Naging sariwa sa isip ko ang bawat sampal, sabunot, sipa, at mura ng babaeng iyon. Nagmakaawa ako, lumuhod, umiyak, pero hindi siya nakinig, kaibigan niya ako pero hindi man lang siya naawa sa akin. Bagkus ay lalo pa niyang inapakan ang pagkatao ko, pinahiya niya ako ng sobra-sobra na noong oras na iyon ay gusto ko na lang mawala na parang bula. Kaunting awa ang hiningi ko, pero hindi niya binigay sa akin. Wala siyang awa. Kahit konting respeto ay wala siyang tinira sa akin.
Isang boses ang umecho sa utak ko. “Stop it Gel! He’s... He’s just a stranger!” sigaw ni Jerome sa kanya noong inaawat niya ito.
Isang mahinang hagulgol ang pinakawalan ko. Pumikit ako. Napa-upo ako, hindi ko napigilang akapin ang sarili ko.
It’s seven fucking years pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Akala ko okay na ako, pero hindi pa pala, hanggang ngayon masakit pa rin. Iyon ang unang beses akong namatay, noong tinakwil ako ni Jerome sa harap ng maraming tao, ngayon para na naman akong namatay. Ang sugat na naghilom sa puso ko ay muling nabuklat, walang tigil ang pagdudugo, sagad sa buto. Hindi ko mawari kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon.
“Ray! What happen?” isang sigaw ang gumising sa patay kong pagkatao. Nakabukas na pala ang elevator. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng boses, nakita ko si Bae, tinatamaan ng dilaw na liwanag mula sa ceiling ang kanyang mukha. Nakaluhod siya sa harap ko.
Hindi ako makapagsalita, puro hagulgol ang lumabas sa bibig ko. Yinakap ako ni Bae. Hinilig niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Dito ko linabas ang lahat ng galit sa puso ko.
“Ang sakit pa rin... Ang sakit-sakit pa rin...” pautal-utal kong sabi habang hinahabol ang paghinga. Dumiin ang pagkakayakap ko kay Bae, napansin kong bumaon ang kuko ko sa kanyang likuran. I can’t help it, the pain is too much. “Tangina nila!” sigaw ko.
“Ray. I’m here, I won’t leave you.” Bulong niya sa akin habang hinihimas ang likod ko.
“Matatanggap ko pa kung yung babaeng iyon lang eh. Pero pati siya, pati siya pinagkanulo ako. Hayup sila! Tangina nila!” Wala na akong ibang nagawa kundi magsisisigaw at humagulgol. Sobrang tindi ang sumasabog sa dibdib ko, para akong kinakain unti-unti hanggang sa wala nang matira sa akin. Hindi na ako makahinga. Dumilim ang paningin ko.
ITUTULOY
Thanks for reading in advance!
ReplyDeleteYeah I know, may magsasabi na maiksi, but I think it's enough for now. Ang dami nang nag-PM sa akin sa FB na naglabas ng sama ng loob nila. Hahahahaha. Okay lang natutuwa ako na affected kayo guys (kahit warm-up ko pa lang ito at 'di pa ako tumutodo ng hugot unlike dati noong sa una kong story). It means na-attach na kayo kila Rome at Ray. Peace! ^_^V
Exciting ang next chapter. Stay tuned! :-)
Umatake na si whitepal, level 4 pa lang iyan kung baga humihikab pa lang. Back to the story. Honestly I don't see Gel as a threat because she and Rome's relationship is bound to end in the first place. We all know that Ray is Rome's Present and Future love. Gel is the perfect definition of REBOUND. Talo na siya agad.
ReplyDeleteNakakawa si Ray sa dito. Seriously, tumulo luha ko. I never experience what Ray had been through but heck, no one deserves that! Galit din ako kay Rome but somehow I understand him, he's still a man at alam natin na madalas pag nasaktan ang isang lalaki ay maghahanap ito ng panakip butas. Ito ang ginawa niya through Gel. Bad Rome.
Short but great chapter! Bigat.
Salamat sa pagbabasa Zefyr. Take care!
Deletesobrang sakit naman. author bakit ganito? ganda at sobrang kaiyak ang kwento.
ReplyDeleteThanks for reading. :-)
Deletewaaah...nakakainis sino ba ang babaeng yon?
ReplyDeleteSi Gel. Ex ni Rome. Binanggit siya sa "Love, Stranger" and nasa flashback siya ni Ray.
DeleteThanks for reading. :-)
waaah...nakakainis sino ba ang babaeng yon?
ReplyDeleteEwan ko sayo Gab! Hahaha
ReplyDeleteK. Hahahaha. :) lagyan mo ng mukha itong profile mo para alam kong ikaw ito. Tagal-tagal mo na sa MSOB eh picture lang sa blogspot 'di pa lagyan. Joke! Hahahahaha! :-)))))
DeleteThanks for reading at minarathon mo pa talaga ito ah. Hehe. Sana kinomment mo na rin yung mga rants mo sa akin sa fb. Hahaha.
And the vengeance begins...
ReplyDeleteAng sakit ba naman yun....
Sorry for ray...
#LSDee
Vengance po agad? Hehehe.
DeleteThanks for reading. :-)
Ray
ReplyDeleteRome and
GEL
😀
nice story!!!
kailan next chapter?
-ar
Hi AR, magpapagaling muna ako. Kaka-opera ko lang eh. Mga Thursday-Sunday po ang update. Maraming salamat po.
DeleteAdd niyo po ako sa FB. I want to keep in touch with my readers. :)
Bkt biglang balik eksena yung higad na yun. At kay Rome nmn, bkt nmn nya ginawa yun, ngunit ba nasaktan sya sa ginawa ni Bae.
ReplyDeleteAyan tuloy mukhang magagalit lalo si Ray. :(
-RavePriss
I like ur story mo kuya Gab, grabe the best ka kuya.
ReplyDelete"Jun cavite"
Thanks for reading! Comment lang po kayo. :)
Delete