Author's note...
Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Salamat din pala sa pagsuporta sa akin, sa mga ilang tao sa Bluerose group (Kasi wala naman akong group at walang balak na gumawa), sa mga SILENT READERS, Anonymous Commenters, Heyters (Where na you guys, dito na me), and EVERYONE, thank you. Ashigawa, Trebb, Alex, 44, Lantis, Alfred, Junrey, Jharz, Jhunnel, Gilrex, Spectrum, Mher, Kid Kulafu, Ylden, haha thanks at SA IBA PA.
And ohh... ayokong magsalita haha. I'm sure na ginawa ko na ang lahat ng mga discouragement sa inyo na huwag na itong basahin dahil alam niyo na. Hindi kayo... masasanay sa style ko haha... and that is expected like a thousand times. Well, heto na ang Chapter 15.
And ohh... ayokong magsalita haha. I'm sure na ginawa ko na ang lahat ng mga discouragement sa inyo na huwag na itong basahin dahil alam niyo na. Hindi kayo... masasanay sa style ko haha... and that is expected like a thousand times. Well, heto na ang Chapter 15.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14
Chapter 15:
Art of Literature
Ren's POV
Natagpuan ko na naman ang sarili ko kung saan pumasok ako
sa bahay na pinasok ni kuya Lars sa panaginip ko. Hindi ko alam pero
paikot-ikot lang ata ako sa bahay na pinasok ni kuya at lagi-lagi ko na lang
siyang hinahabol. Lagi-lagi ko na itong napapaginipan simula noong nakita ko na
naman si kuya Lars na nagpapakita sa eskwelahan. Hindi ko alam kung bakit lagi
akong nananaginip tungkol kay kuya Lars.
Sa hallway nung bahay, nakita no naman si kuya na nakahinto
at nakatalikod sa akin. Dahan-dahan akong lumapit dahil kapag lumalapit ako,
nawawala siya at hahanapin ko na naman. Grabe namang panaginip to. Pero parang
pamilyar ang nangyayaring ito sa akin.
Nang nakalapit na ako kay kuya, gaya ng dati ay nawala na
naman siya. Ginala ko ang tingin ko sa medyo madilim na bahay na iyun. Nakita
ko naman si kuya sa isa sa mga hallway. Pero nung lumapit ako, nagpakita na
naman sa akin ang maitim na babae. Nakakatakot.
"Kuya..." tawag ko sa kaniya sa panaginip at kung
sakaling marinig niya ako.
Pero tuloy-tuloy pa rin siya. Ang babae naman na
nakakatakot ay dahan-dahang lumapit sa akin. Aatras sana ako nang hindi ko na
maigalaw ang paa ko. Bwisit! Sana magising na ako sa panaginip ko.
"Ren, gising!" tawag sa akin ng isang boses.
Sa wakas ay dumilat na ang mata ko. Sino ba iyung gumising
sa akin?
"Mr. Lion." gulat ko habang hinahabol ang aking
hininga at pinupunasan ang aking pawis.
"Nagising ka din sa wakas." wika ni Mr. Lion saka
tumayo at pumunta sa pintuan ng kwarto ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Para kausapin ka." sagot niya. "18th
birthday mo ngayon hindi ba?"
"Oo."
"Halika. Doon tayo sa likod bahay mo."
Nauna naman siyang umalis. Kinusot-kusot ko ang aking mata
at baka sakaling panaginip na naman ito. Nasapo ko ang ulo ko dahil sa sakit na
nadarama dulot ng panaginip ko. Maya-maya'y tumayo na ako at agad na tinungo
and likuran ng bahay. Naabutan ko naman siya na naka-upo sa isa sa mga upuan na
naroon. Mukha siyang nakatingala sa langit. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa
buwan, nakikita ko na suot pa rin niya ang dati niyang attire. Ano kaya ang
meron at pinuntahan niya ako sa 18th birthday ko ngayon?
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at umupo din sa isa
sa mga upuan na naroon.
"Sakto at bilog ang buwan ngayon no?"
paglalarawan ni Mr. Lion langit.
Tumingala din ako. "Oo nga. Ang ganda ng kalangitan
dahil sa liwanag na binibigay ng bilog na buwan. Pero may mas maganda pa
diyan."
"Mas maganda pa diyan? Ano naman iyun?"
"Hindi mahalaga iyan ngayon." iling ko.
"Balik tayo sa dahilan kung bakit ka nandito ngayon Mr. Lion."
"Since lagi kasing pumupunta ang mga kaibigan mo sa
bahay mo lately, hindi ako nakakapunta. Maingat ako. Hindi ako katulad niyo ni
Kei na gumagawa ng kababalaghan dito sa likod bahay habang nasa loob ang
fiancee niya one time. Ang mga pasimple niyang pagsampal sa puwet mo. Ngayong
tatlo na kayo, mas mahirap na pero nakakagawa pa rin kayo ng paraan. Tanong
lang. Nag-iingat nga ba talaga kayo?" Hindi naman ako makasagot.
"Alam mo naman ang mga posibleng consequences kapag nalaman ng fiancee
niya ang relasyon niyo ni Kei hindi ba? O alam mo nga ba?"
Hindi na ako nagulat na alam niya pati iyun. Stalker ko
talaga siya. "Yeah. Alam ko. Sinabi sa akin ni Kei."
"Pero bakit lagi niyong ginagawa? Mga pasaway."
pagalit niyang saad. "Pero at least. Itong boyfriend mo ehh hindi ka
dinidiin kung sino talaga iyung nagluto nung misua noong isang buwan. Kelan mo
sasabihin iyon sa kaniya?"
"Wala akong balak. Pinagkakatiwalaan niya ako at
pinagkakatiwalaan ko siya." diretso kong sabi.
"Magaling. Parang ano ba ang pakialam ko sa
pagtitiwala niyo sa isa't isa. Bueno, muntikan ko ng makalimutan kung bakit ako
naparito. Dahil kaarawan mo ngayon, may ibibigay ako sa iyo."
Tumayo si Mr. Lion at lumapit sa akin. May nilabas naman
ito na maliit na kahon.
"Happy 18th birthday Ren Castillo Severin." bati
ni Mr. Lion saka inabot sa akin ang kahon at kinuha ko.
"Kailangan ba talaga na buong pangalan ko ang
sasabihin mo sa pagbati ng kaarawan ko?" reklamo ko. "Teka, ano nga
ba ito?"
"Buksan mo."
Dahan-dahan kong binuksan ang maliit na kahon. Isang krus
ang nakita ko.
"Isang kwintas na krus?" tanong ko.
"Hindi. Isa iyang kwintas na hugis dodecagon."
pagbibiro ni Mr. Lion. 12-sided polygon iyun ehh. Teka nga pala, 12-sided
polygon din pala ang krus.
"Kwintas na krus." pamimilit ko.
"Sige na. Krus na kung krus. Para sa akin, isang
kwintas na dodecagon iyan."
Kinuha ko ang kwintas mula sa kahon at inangat.
Nakabaliktad ito.
"Huh? Bakit nakabaliktad? Krus to hindi ba?"
pagtataka ko.
"Kaya sinabi kong dodecagon kasi nga, baka kung anong
isipin ng mga tao kapag sinabi kong nakabaliktad na krus iyan." Alam ko
naman ang sinasabi niya.
"Pero bakit nga ba nakabaliktad? Teka..."
"Mukhang alam mo na kung bakit."
"Oo. Ngayon ko lang naalala. Si Peter na isa sa mga
disipulo ni Jesus, ipinako siya sa krus sa Roma. Dahil ayaw niyang matulad kay
Jesus kung paano siya pinako, hiniling niya na ipako siya patiwarik. Ang ginawa
niya ay simbolo ng kababaang-loob."
"Nakuha mo. Hindi iyan alam ng karamihan. Sa panahon
natin ngayon, ang simbolo ng baliktad na krus ay simbolo ng satanismo. Ito ang
karaniwang interprerasyon dito ng mga satanista kuno. Tapos pinagmamalaki pa
nila." pakumpas na saad ni Mr. Lion.
"Bakit ito ang ibinibigay mo sa akin?"
"Hindi ka ba humble Ren at ayaw mo na ito ang regalo
ko sa iyo?"
"Umm... hindi naman sa ganoon. Pero nagising ka ng
maaga para lang ikaw ang maunang magbigay sa akin ng regalo?"
Nakapagtataka. Ano na naman kaya ang binabalak niya?
"Obvious ba? Akin na nga at isusuot ko sa iyo."
Kinuha ni Mr. Lion ang kwintas sa kamay ko. Isinuot niya
naman ito sa akin.
"Bagay sa iyo. Huwag nga lang sabihin sa eskwelahan na
satanista ka kapag napansin iyan ng mga tao. Pero sino ba nga ba ang
nakakapansin sa iyo kung hindi ang mga kaibigan mo?"
"Salamat Mr. Lion. Ikaw, kelan ang kaarawan mo para
bibigyan din kita ng regalo sa kaarawan mo?"
"Salamat na lang pero hindi ako deserve na bigyan mo
ako ng regalo. Ni hindi mo nga alam kung kakampi mo ako o kaaway."
pagtanggi niya.
"Sa bagay." ngiwi ko.
"Isang bagay nga pala. Ingatan mo ang mga taong
nakapaligid sa iyo." makahulugan niyang saad. Ingatan ang mga taong
nakapaligid sa akin? "Ohh siya. Matulog ka na ulit."
"Sigurado ka bang makakatulog pa ako nito? Ginising mo
ako ng maaga." reklamo ko.
Lumakad naman si Mr. Lion papunta sa likod ko. "Ako na
ang bahala. Happy birthday ulit Ren Castillo Severin." muling bati niya.
"Loving You... Again, Mr. Lion."
Pagkatapos sabihin ni Mr. Lion ang catchphrase niya,
nandilim ang paningin ko at...
"Ren, okay ka lang ba?" tanong ng boses... ni
kuya Lars. Nananaginip na naman ako.
Natagpuan ko na naman ang sarili ko sa hallway ng isang
malaking bahay kung saan naputol ang panaginip ko kanina. Abusadong portion to
ahh. Lagi na lang ganito ang panaginip ko.
Si kuya naman ay nasa kalayuan... na naman at malungkot na
nakatingin sa akin. Maya-maya'y ngumiti siya. Tumalikod na naman siya at
nagsimulang maglakad.
"Hmmmm... hmmm... hmmm... hmm... hmm... hmmmm..."
haginit na naririnig ko sa panaginip ko.
Pumikit ako sa panaginip na iyun at pinakinggan ang haginit
na naririnig. Nagpatuloy ito nang nagpatuloy hanggang sa...
"KRIIIIING!"
Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock. Huh? Nasa
kwarto na pala ako. Hindi na ako nagtaka dahil natatandaan ko pa na kinausap
ako ni Mr. Lion kanin.
Kinusot-kusot ko ulit ang mga mata ko at walang buhay na
bumaba. Agad ko lang binuksan ang kompyuter at kasabay nun ay gumawa ng
paghahanda para pumunta sa eskwelahan. Nagbilin si Edmund na huwag daw magluto
para sa hapunan ko dahil magkakaroon ng salo-salo sa bahay ko.
Nahagip naman ng mga mata ko ang kwintas na baliktad ang
krus na binigay sa akin ni Mr. Lion. Itim ang kulay nito. Nice choice of color
ahh? Iisipin talaga ng makakakita sa akin na baka kasapi ako ng satanismo. Pero
sino ba ang makakapansin sa akin? Wala naman siguro maliban lang sa iilan kong
mga kaibigan.
Pero iyung sunod-sunod na bangungot ko tungkol kay kuya
Lars, pinoproblema ko. Sabi ng mga tao ay kadalasan sa mga bangungot ay may
kahulugan. Kadalasan naman daw sa iba na ang kahulugan ay baliktad. Pero ang
mas nakakapagtaka ay nagpapakita si kuya Lars sa akin
"Hmmmm... hmmm... hmmm... hmm... hmm... hmmmm..."
haginit ko naririnig ko sa aking panaginip. Ang ganda ng haginit na iyun.
Nagpatuloy pa akong humaginit hanggang sa makarinig ako ng
ingay mula sa phone ko. Agad kong tiningnan ito at nakita na may pumapasok sa
loob ng bahay. Si kuya Jasper... at may dala itong scooter.
Lumabas agad ako ng bahay para salubungin si kuya Jasper.
"Ren, Happy 18th Birthday." bati ni kuya Jasper
sa akin habang bumababa.
"Salamat kuya Jasper." Napansin ko naman ang
motor scooter na pinarada niya. "Bago mong... motor kuya?"
"Hindi. Hindi ko motor iyan. Motor mo iyan. Regalo
mula sa amin ni papa."
Hindi naman ako makapagsalita dahil sa wakas ay may motor
scooter na ako. At galing pa ito kay ninong... at sa kaniya.
"Salamat kuya Jasper." masayang wika ko saka
lumapit para tingnan ang scooter.
Simpleng scooter lang ito na may kulay light blue.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo kuya. Pwede ko na bang sakyan?"
"Sige."
Sa wakas. May scooter na ako. Ito pa naman ang hinihiling
kong regalo mula kay tito para sa kaarawan ko. Actually, noong isang taon ko pa
hiniling ito pero who cares about that? Finally, meron na akong scooter.
"Ren, gusto ko nga palang mag-sorry sa iyo."
biglang nasabi ni kuya Jasper habang ine-enjoy ko pang sakyan ang bagong
scooter ko.
"Huh? Mag-sorry sa iyo? Para saan?"
"Nasabi sa akin ni Erika noong isang araw na alam mo
na si Joseph talaga ang pinili ni Franz noon at ginamit mo iyun pam-blackmail
kay Erika na huwag magsumbong kay ninong."
"Yeah. Alam ko. Alam mo pala iyun kuya Jasper?"
"Oo. Ang totoo niyan, ako ang puno't dulo nun."
Napatigil na lang ako sa narinig. "A-Anong ibig
sabihin mong sabihin doon kuya Jasper?"
Lumapit sa akin si kuya Jasper. "Ang ganda naman ng
kr- teka? Bakit baliktad?" tanong niya habang hinawakan ang kwintas.
"Umm... sign of humility. Umm... kailangan ko bang
i-explain kung bakit?" ninenerbyos kong sagot.
"Ahh. May explanation ba? Hindi bale na lang. Sino ang
nagbigay?" Ayan na nga ang tanong na ayaw kong marinig dahil
magsisinungaling na naman ako.
"Umm... birthday gift sa akin ni... Kei."
pagsisinungaling ko. Lumusot ka.
"Naalala ko. Ito ang sign na hinihingi ni Franz noon.
Hindi iyung pabaliktad haha. Kung sino daw ang magbibigay sa kaniya nito ay ang
pipiliin niya na makasama. Iyun ang sinabi sa akin ni Erika. Nakita ko sila na
bumibili sa isang jewelry shop. Kaya nagtanong ako kay Erika kung ano ba daw
iyun at nalaman ko ang sign na hinihingi ni Franz. Nang nalaman ko iyun,
nag-suggest ako kay Daryll na bumili ng krus as soon as possible at ginawa
niya. Noong araw na iyun na pinapili si Franz kung si Joseph ba o si Daryll,
originally, si Joseph ang pinili niya. Pero dahil may oras pa at siguradong
masasaktan si Daryll sa gagawin niya, pinapunta ni Erika si Franz kay Daryll
muna para sabihin na tapos na sila. Pero hindi iyun nangyari. Paalis na si
Franz nun at sinabi na niya na hindi si Daryll ang pipiliin niya nang ibigay sa
kaniya ni Daryll ang sign na hinihingi niya. Nagbago bigla ang takbo ng mga
pangyayari at si Daryll ang pinili niya imbes na si Joseph." kwento niya
saka bumitaw sa kwintas.
"Hindi po ba ito alam... ni Daryll?" tanong ko.
"Hindi niya alam iyung tungkol sa sign. Kaya kung
hindi dahil sa akin, hindi siya pipiliin ni Franz."
"Bakit niyo po nagawa iyun kuya Jasper?"
"Dahil mahal ko ang kapatid ko. Ayoko siyang masaktan
gaya ko. Second choice. Alam mo naman iyun kung bakit hindi ba? Ayokong
maranasan ni Daryll iyun. Mukhang magiging joke pa sa pamilya namin iyun.
Pamilya ng mga second choice. Ginawa ko iyun dahil, mahal ko si Daryll. Mahal
ko siya bilang kapatid niya."
I have no objections. Was it really all for love? "Alam
mo kuya Jasper, hangang-hanga ako sa ginawa mo. Alam kong masama ang ginawa mo
sa mata ng ibang tao. Pero gaya ng sabi mo, ginawa mo lang iyun dahil sa
pagmamahal mo sa kapatid mo na si Daryll. Naiinggit ako sa inyong dalawa kuya
sa totoo lang."
Inggit? Iyun ba ang dahilan kaya lagi kong napapanaginipan
si kuya Lars? Dahil ba doon? Na-miss ko ba siya?
Hindi ko na lang namalayan na may luhang tumutulo sa aking
mata.
"Ohh bakit ka umiiyak?" gulat niya.
Pinunasan ko na lang ang mga luha ko. "Alam mo ba
kuya, lagi kong napapanaginipan iyung kuya ko at laging nakikita ko kahit na
alam kong patay na siya. Mukhang miss ko lang ata ang kuya ko. Naghahanap lang
ata ako ng pagmamahal gaya sa isang kapatid. Sana buhay pa ang kuya ko. Alam mo
iyun. Para maranasan ko iyung pagmamahal na binibigay mo kay Daryll. Ewan ko
ba." magulong paliwanag ko.
"Ganoon ba? Halika nga at yayapin kita. Baka sakaling
mapawi ko ang pagka-miss mo sa iyung kuya."
Nagyakapan naman kami ni kuya Jasper. Tama nga ako. Miss ko
lang ang kapatid ko kaya napapanaginipan ko siya at nakikita.
Allan's POV
Napahikab na lang ako sa kahihintay kay Larson dito sa
labas ng bahay. Umalis na naman siya kagabi ng walang paalam tapos iyung motor
ko pa ang gamit.
May narinig naman akong tunog ng motor pero hindi ko motor
iyun kung hindi motor ni Aldred. Siyempre, alam na. Binibisita si Blue na
katapat ko lang ng bahay. Ano ba naman kasi itong si Larson at ginamit pa
talaga ang motor ko? At bakit umalis pa rin siya? Bago kasi siya umalis ay kinuha
ko iyung paborito niyang lucky charm na ulo ni Mr. Lion.
Pero hindi ko naiintindihan. Bakit nakaalis pa rin siya?
Napapansin ko kasi na lagi niyang dala iyun kapag umaalis siya. Walang trabaho
si Larson kung hindi sa internet shop na malapit dito. Kaya saan kaya siya
pumupunta sa mga alanganing oras?
Sa wakas ay narinig ko na rin ang tunog ng motor ko na
hiniram ni Larson. Naka-itim na naman siyang jacket at dala-dala niya ang
kanyang malaking bag.
"Hay salamat. Nandito ka na rin Larson." bungad
ko.
"Yeah. Nandito na ako. Kahit na kinuha mo iyung lucky
charm ko."
"Ha? Anong sinasabi mo?" maang ko.
Pagkababa ni Larson ay may kinuha naman ito sa malaking bag
niya. Pinakita niya sa akin ang ulo ni Mr. Lion. Meron pa pala siyang reserba?
Teka? Baka nalaman niyang kinuha ko sa bag niya at binawi niya ito kung saan ko
tinago?
Agad akong pumasok sa loob ng bahay diretso sa kwarto ko.
Narinig ko naman na tumawa ng payak si Larson. Hindi pwede. Paano?
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad na tiningnan ko ang isang
parte ng aparador kung saan ko tinago iyung lucky charm niya. Nagulat ako dahil
nandoon iyung ulo ni Mr. Lion. Paano?
Agad na lumabas ako ng kwarto at naabutan ko siya sa kusina
na naghahanda ng agahan namin.
Pagkakita niya sa akin ay tumawa ng payak. "Gulat ka
ano? Ulol ka Allan."
"Fine. Inaamin ko na. Kinuha ko iyang pinakamamahal
mong lucky charm na ulo ni Mr. Lion."
"Buti na lang at may reserba pa akong isa. Paano ba
iyan?"
"So saan ka nga pumupunta maliban sa shop natin?"
seryosong tanong ko.
"Gumagala." agad na sagot niya. "Bakit?
Bawal?"
"Gumagala daw." sarkastiko kong saad.
"Heto. Agahan mo. Kuha ka na lang ng kanin sa rice
cooker." paglagay ni Larson sa mesa ng niluto niyang sunny side-up at
nagpatuloy magluto.
Tumayo ako at kumuha ng plato saka naglagay ng kanin at
bumalik ulit sa mesa. Inabot ko iyung ketsup at nilagyan ang pagkain ko nun.
"Allan, napanood mo ba iyung anime na Yosuga no
Sora?"
"Yosuga no Sora? Iyung incest na anime?"
"Yeah. Alam mo, ang ganda nun."
"Hindi ko inaasahan na sa tanda mong iyan, nanonood ka
pa rin ng anime."
"Walang pinipiling edad ang mga audience ng anime. Uri
ng tao, oo. At tsaka ano naman? Relate na relate ako sa storya nun ehh?"
"Umm... aling storya doon? Apat iyun pagkaka-alam
ko." maang ko at baka hindi iyung storya ng magkapatid ang tinutukoy.
Incest kasi iyun ehh at bakit naman siya makaka-relate? Sumubo naman ako ng
isang kutsara.
"Iyung storya ng magkapatid." Biglang nasamid ako
sa kinakain ko. Ano?! Doon siya nakaka-relate?
Agad na kumuha si Larson ng tubig at ibinigay sa akin na
ininom ko agad. Hinagod pa niya ang likod ko. Bakit naman siya makaka-relate sa
storya nung magkapatid?
Tiningnan ko na lang si Larson at binigyan ako ng matamis
na ngiti nito. Anong meron ngayon talaga sa kaniya at nakakapag-salita ng
ganitong bagay?
"Alam mo Allan, aaminin ko na sa iyo ang lahat. May
pagtingin ako sa iyo at mahal na mahal kita." Ano daw?! Teka, teka, teka?!
Bakit ako?! Unang-una, hindi kami magkadugo at hindi kami magkapatid? Alin ang
incest doon sa amin?
"Larson, sabihin mo na lang na pinalawak mo ang date
ng April 1 para sumakay ako diyan sa joke mo?"
Kinuha pa nito ang kamay ko at hinalikan. "Huwag kang
mag-alala. Ako ang sasakay sa iyo at promise. Magiging gentle ako." Ano?!
Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Akmang ilalapit ni
Larson ang mukha niya sa mukha ko para bigyan ata ng isang halik. Anong gagawin
ko? Anong gagawin ko?
Napapikit na lang ako habang sinusubukang umiwas sa
ginagawa ni Larson sa akin.
"Wow. Umagang-umaga at magkasundo kayo ha." sabat
ni mama.
Natigil si Larson at lumapit kay mama saka humalik sa
pisngi. "Magandang umaga po mama." bati niya dito.
"Magandang umaga din po mama." bati ko din nang
hindi lumalapit sa kaniya. Pinagpatuloy ko na naman ang pagkain.
"Magandang umaga din mga anak." bati sa amin ni
mama saka umupo sa isa sa mga upuan sa mesa.
Bumalik si Larson sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto.
"Heto po ang agahan niyo mama." wika pa niya habang nilagay sa mesa
iyung pagkain ni mama. "Gusto niyo po ba ng kape?" offer pa nito
habang pinagsisilbihan si mama. Naglalagay naman ito ngayon ng kanin sa plato.
"Salamat Larson. O ikaw anak? Bakit nakasimangot ka
habang kumakain?" baling ni mama sa akin.
"Umm... ma, hindi niyo po ba nakita iyung scene namin
kanina ni kuya Larson?" sarkastiko kong tanong. "Muntikan na kaming
maghalikan."
"Binibiro ko lang po siya kanina mama." magalang
na sagot ni Larson nang i-serve na sa mesa ang kape ni mama at bumalik sa
kusina para ipagluto ang sarili.
"Binibiro ka lang naman pala ehh." si mama.
"Ma, kapag po ba nagkatuluyan kami ni kuya Larson,
okay lang po ba sa inyo?"
Salit-salitan na tiningnan kami ni mama. "Bakit
hindi?" sabay higop ng kape.
"Seryoso ka diyan ma?"
"Okay lang po ba talaga iyun mama?" tanong din ni
Larson.
Tumawa ng payak si mama. "Okay lang iyan Larson. You
have my blessings."
"Kumalat na ba iyung April 1 virus dahil ang alam ko
ehh katapusan ngayon ng July? Meron nga bang April 1 virus in the first
place?"
Inilagay na ni Larson ang agahan niya saka kumuha na din ng
kanin. Pinagpatuloy ko naman ang pagkain.
"Larson, natapos na ba ang pinapagawa ko?" tanong
ni mama.
"Opo mama. Natapos ko na." sagot ni Larson.
"Ano po ba ang pinapagawa niyo sa kaniya mama?"
sabat ko. Ito ba ang dahilan kaya umaalis ng biglaan si Larson?
"Hindi mo na iyun concern anak."
"Ang dadaya niyo. Hindi niyo ako sinasali."
"Para sa iyo ang ginagawa namin Allan." si Larson
habang kumakain.
"Para sa akin? Paano ko naman i-appreciate kung hindi
ko alam?"
"Hindi naman importate iyun anak hindi ba
Larson?"
"Sumasang-ayon po ako sa inyo mama." si Larson.
"Siya nga pala Larson? Seryoso ka bang may gusto sa
anak ko?"
"Mama, pwede po bang huwag natin pag-usapan ang
pagiging into incest ni Larson?"
Natawa na lang silang dalawa ng payak. Grabe si mama. Ako
ang tunay na anak mo at hindi si Larson. Nawalan naman ako ng pagdududa nang
sinabi ni mama na utos niya ang mga pinaggagawa ni Larson. Okay. Pero ano kaya
iyun?
Ren's POV
Ren entered the room...
MarcoH: Happy Birthday Ren!
MarcoS: Happy Birthday Ren!
Yuuhi: Happy Birthday Ren!
Ren: Thank you guys.
Yuuhi: *gives a cake*
Ren: Wow? For me?
MarcoS: I bought it for you.
MarcoH: Whatever floats your
boat S.
Ren: Umm... salamat. :)
Yuuhi: Ano ang wish mo Ren?
Ren: Siyempre. Good health for
us and maging good pa tayo sa ibang bagay.
MarcoS: Subukan mong maging
best support ko forever Ren. :D
MarcoH: Forever talaga S?
Yuuhi: Huwag ka nga S? Ako ang
pakakasalan ni Ren.
MarcoS: Pero may asawa ka na.
Yuuhi: Kabit ko na lang si
Ren.
MarcoH: Tumigil kayo. Maghanap
na lang kayo ng makakasama niyo habang buhay. Baka nasa labas lang.
MarcoS: Oo nga pala. May Keith
ka na.
Lately, nalaman ko na si MarcoH at si Marcaux Pascual na
captain ng Basketball Club sa Schoneberg Academe ay iisa. Sa totoo lang, alam
ko na iyun the moment na pinakilala niya sa akin si Keith sa akin. Nag-PM naman
kami sa isa't isa na huwag namin ipagkalat ang identity namin.
Yuuhi: Everyone, baka may
trabaho kayo or pasok, late na kayo.
MarcoH: Yeah. Pasok na tayo
haha.
MarcoS: Ako din. Laro tayo Ren
gaya ng dati?
Ren: Pasensya na. Baka
magkaroon ng salo-salo sa bahay. Pero subukan ko.
Yuuhi: Aasahan namin iyan.
MarcoS: Oo nga pala. May
bagong recruit ako. Laro tayo ng ranked team mamaya.
MarcoH: Bagong recruit?
Magaling ba iyan?
MarcoS: Yeah.
Ren: Anong role?
MarcoS: Ummm... support.
Yuuhi: ...
MarcoH: ...
Ren: Adjust haha.
MarcH: Sure ka diyan Ren?
Yuuhi: S, siguraduhin mo lang
na mas magaling si Ren diyan.
Ren: Magaling naman ako mag AP
mid ehh.
MarcoS: Pasensya na talaga
Ren. Pero kapag duo tayo, promise. Support kita.
Yuuhi: Well wala tayong
magagawa. Kung talent talaga ng recruit mo ang support, ehh di go.
Ren: O sige na guys. Aalis na
ako.
MarcoS: Ako din.
MarcoH: Kita na lang tayo guys
mamaya.
Yuuhi: Bye.
Yuuhi has left the room...
MarcoS has left the room...
MarcoH has left the room...
Ren has left the room...
Excited na lumabas ako ng bahay at sinuot agad ang helmet
para makita ang aking pinakabagong sasakyan. Isang motor scooter na bigay nila
ninong at kuya Jasper! Thank you po sa inyo. Ako ngayon si MASKED RIDER REN!
SPD EMERGENCY! Okay. Wrong catchphrase. Power Ranger iyung isa ehh.
Pagkalabas ng sasakyan, wooh! Ang sarap sa feeling. Mas
masarap nga lang ang feeling ko noon kapag iyung sasakyan ni Allan ang gamit
ko. Pero may sarili na akong motor. Woohoo!
Ngayon ay huling araw ng Hulyo at ito daw ang araw ng
kapanganakan ko. Thank you God sa pag-extend ng buhay ko! At sana mas lalo pang
tumagal!
"WOOHOO!" sigaw ko.
Allan's POV
Paalis na ako para pumunta ng eskwelahan.
"Allan." tawag sa akin ni Larson.
"Bakit?" baling ko dito.
May inabot naman itong sobre sa akin at kinuha ko.
"Birthday ni Ren ngayon alam mo ba?"
Nanlaki ang mata ko.
"Ohh. Birthday pala niya. Sa totoo lang, matagal ko ng alam kung alam
mo."
"Di bale na nga." iling niya. "Ibigay mo kay
Ren. Huwag mo lang sabihin na galing sa akin. At huwag na huwag mong bubuksan
iyan."
"Mamaya Larson ehh mapahamak ako nito. Ano to?"
seryoso kong tanong.
"Hindi iyan. Sige na. May pupuntahan pa kami ng mama
mo."
"Sigurado ka ha?" paniniguro ko. "Saan pala
kayo pupunta ni mama?"
"Sa shop. Sige na. Alis na." tulak niya.
"Buksan mo kaya ang gate? Gagamitin ko ang motor
ko." utos ko sa kaniya habang nilalagay ko ang sobre na bigay niya sa bag
ko.
Sinunod naman nito ang utos ko. Pagkasuot ng helmet ay
sumakay na ako sa motor at pinaharurot. Ano kaya ang laman ng sobre na bigay ni
Larson? Pero sigurado naman akong hindi magpapakilala si Larson bilang kapatid
ni Ren. May galit iyun doon ehh.
Keifer's POV
Napahikab ako dahil hindi ako makatulog. Kahapon kasi ay
naghanap kami ng panregalo ni Ren matapos i-bring up ko sa kanila noong isang
araw na kaarawan niya ngayon.
「2
days ago...
"Kelan nga pala ang kaarawan mo Ren?" biglang
naitanong ko kahit alam ko na ang kaarawan niya. July 31.
Kasalukuyang naglalaro kami ng uno sa sala kasama sila
Janice at Harry.
"Oo nga pala? Kelan?" tanong din ni Harry sabay
tapon ng isang baraha na kulay pula."
"UNO!" hysterical na wika ni Janice matapos
itapon nito ang huling baraha at nanalo siya sa larong ito.
"Umm... ang galing mo naman Janice." puri dito ni
Ren na iniiba ang usapan.
"So kelan ang birthday mo Ren?" angkla dito ni
Janice. Nako! Ang babaeng ito.
"Hoy Janice?!" saway ko.
"Sabihin mo na or ha-ha-li-kan-ki-ta." malanding
wika pa ni Janice. AKIN LANG ANG LABI NA IYAN!
"Tumigil ka Janice. Mamaya ehh pumayag ako at magalit
ang fiance mo sa akin." sagot pa ni Ren. Itong taong ito. Susunod na
mag-ano tayo Ren, tatadtarin kita ng dirty talk. Iyung tipong erotic novel na
to.
"Janice, huwag." saway din ni Harry habang
kinukuha ang mga baraha dahil siya ang talo sa larong ito. Siya kasi ang may
pinakamaraming baraha.
"Umm... sa katapusan ng buwang ito." sagot ni
Ren.
Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ni Ren. Dalawang araw na
lang at kaarawan na niya.
Kinabukasan ay hindi kami pumunta sa bahay niya at naghanap
ng ireregalo sa kay Ren. Kasama si Janice ay nag-isip kaming dalawa kung ano
ang magandang i-regalo sa kaniya. Naisip ni Janice na bilhan siya ng damit. Ako
naman ay ang sarili ko. Joke haha. Pero seryoso.
Nang napunta kami sa simbahan, naisip ko na bumili ng
rosaryo para sa kaniya. Para lagi siyang bantayan ni God. Si Harry? Ewan ko.
Huwag lang sarili niya ang i-regalo haha.」
Bago lumabas ng kwarto ay handa na ako para sa plano ko
mamaya. Sabi kasi ni Ren ay magkakaroon ng konting salo-salo sa bahay niya.
Gagamitin ko ang magandang pagkakataon mamayang gabi.
Pagkalabas ko ng kwarto, lumabas din si Harry at napahikab.
"Hindi ka din nakatulog?" tanong ko.
"Yeah." agad na sagot niya.
"Anong binili mo para kay Ren?"
"Secret."
"Secret talaga?"
"Malalaman mo din iyan mamaya."
"Baka mamaya niyan ehh parehas tayo ng binili? Sige na
at baka kung magkaparehas iyung iniisip natin, papalitan ko agad ang regalo
ko."
"Hindi na iyun kailangan Kei. Tara. Maghanda na tayo
papunta sa eskwelahan."
Nitong mga nakaraang araw, parang nay nag-iba sa ugali ni
Harry sa akin. Siguro ako lang ang nakakapansin nun. Kahit na mga simpleng
sikreto ehh hindi niya sinasabi sa akin. Gaya nito. Ano kaya ang ireregalo ni
Harry kay Ren?
Allan's POV
Katatapos lang ng quiz namin sa isang subject. As usual ehh
perfect na naman ako. Pagkatanggap ng mga papel namin, sumabay naman na umihip
ang hangin sa silid na iyun.
"As usual students, sila Allan at Gerard na naman ang
naka-perfect ngayon. Let's give them a round of applause."
Pumalakpak naman ang buong klase sa amin. Binaling ko ang
tingin ko sa karibal ko na si Gerard. Masama ito kung makatingin sa akin.
Nag-ring na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Agad na
tumayo si Gerard dala-dala ng maraming libro. Walang duda na matalino siya
dahil nag-aaral ng mabuti.
Tumigil na ang pag-ihip ng hangin at sigurado ako na
bumalik na sa world si Ren.
"Tara Allan. Sabay na tayo sa gym." yaya ni
Alexis.
"Mauna ka na Alexis. May gagawin pa ako."
"Ano naman?"
"Basta. Mauna ka na."
"Ehh si sabayan na lang kita?"
"Not now Alexis. Kahit perfect ang score ko sa quiz
ngayon, may chance na magagalit ako ngayon sa iyo dahil ang kulit mo."
seryosong saad ko habang ginugulo ang buhok niya. "Kaya mauna ka na okay?
Susunod ako."
"Okay. Ingat ka." paalam niya sabay naglakad
paalis ng silid.
Bumaling ako sa kaliwa at sakto naman na nagliligpit pa ng
gamit si Ren. Oras na para ibigay ang pinapabigay ni Larson dito.
"Hey Re-"
"Hey Ren." untag ng isang boses na palagay ko ay
si Harry. Naunahan ako.
Bumaling naman si Ren sa direksyon namin. "Harry...
and Allan. Tinatawag... niyo ba akong dalawa?" naguguluhan tanong ni Ren.
"Obviously we are." agad na sagot ko.
"Umm... anong kailangan mo sa kaniya Allan?"
tanong ni Harry.
"None of your business unless you are...
interested?" baling ko kay Harry.
"Umm... Allan, please?" si Ren na mukhang
nagmamakaawa.
"Fine." irap ko kay Harry. Napansin ko naman...
ang kwintas na krus... na baliktad sa leeg ni Ren. "Isang tanong, isang
sagot dahil hindi ito multiple choice, miyembro ka ba ng Satanista Ren?"
"Huh? Anong pinagsasabi mo Allan?" tanong ni
Harry.
Nahawakan naman ni Ren ang kwintas. "Umm... regalo ng
kaibigan ko. At hindi ako miyembro ng satanista. Kailangan ko pa bang
magpaliwanag?" salaysay ni Ren.
Tiningnan ko naman ng mabuti ang kwintas niya. Regalo ng
isang kaibigan huh? "At ano naman ang dapat mong ipaliwanag? Ipapaliwanag
mo sa amin kung paano ka sumali sa mga satanista?"
"Harry, alam kong gusto mo siyang batukan. Pakiusap
wag." wika ni Ren.
"Dapat di ka na lang nakiusap sa akin para naituloy
ko." si Harry.
"Whatever Ren. Continue."
"Okay. So kilala naman natin siguro lahat ang mga
disipulo ni Jesus. Isa na rito ay si Peter na isa sa mga disipulo ni Jesus.
Ipinako siya sa krus sa Roma. Dahil ayaw niyang matulad kay Jesus kung paano
siya pinako, hiniling niya na ipako siya patiwarik. Ang ginawa niya ay simbolo
ng kababaang-loob. Alam ko na sa panahon natin ngayon, ang simbolo ng baliktad
na krus ay simbolo ng satanismo. Ito ang karaniwang interprerasyon dito ng mga
satanista kuno. Tapos pinagmamalaki pa nila. Para sa iba pang impormasyon,
bisitahin mo si Google." mahabang paliwanag ni Ren.
"Okay. Satisfied ako sa sagot mo. Copy-paste mo na
iyan sa clipboard at sigurado akong sasabihin mo din iyan sa mga kaibigan
mo." Binuksan ko naman ang bag ko at nakita din sa wakas ang sobre na
pinapabigay ni Larson. "Here. Happy Birthday." bigay ko dito na
tinanggap niya.
"Umm... salamat? Ano ito?" Akmang bubuksan niya
ito.
"Hep? Sandali lang." pagtigil ko. "Huwag
mong buksan. Saka mo na lang buksan kapag nasa malayo na ako. Shy type kasi ako
ehh." pagdadahilan ko saka kinuha ko na ang aking gamit.
"Umm... sabi mo ehh." naka-kunot niyang
saad."
"Sige. Happy 18th birthday sa iyo Ren." muli kong
bati sa kaniya sabay umalis ng silid.
Ren's POV
Nagulat ako sa pagbati ni Allan sa akin. Paano niya nalaman
na 18th birthday ko ngayon? Sinabi ko ba sa kaniya? Hindi. Hindi ko kahit
kailan sinabi sa kaniya ang kaarawan ko ni edad ko.
"Ren, okay ka lang?" untag sa akin ni Harry.
"Yeah. Okay lang ako."
"Kaibigan mo ba iyung Allan na iyun? Bakit mo naman
pinagtatanggol?"
"Basta Harry. Hayaan mo na iyung taong iyun at huwag
na huwag mong papatulan." Kita ko lang na nakatingin pa rin siya sa
kwintas ko. "May problema pa rin ba sa kwintas ko? Bagay na hindi mo pa
rin maintindihan? May kailangan pa bang eksplanasyon mula sa WikiPedia?"
sunod-sunod ko na tanong.
"Wala naman." iling niya. "Tara na nga at
lumabas na tayo dito."
Kita ko na sumimangot siyang umalis sa silid na iyun. May
problema ba?
Agad na niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay ang sobre
na binigay sa akin ni Allan sa loob ng bag ko saka hinabol si Harry. Sinundan
ko na lang siya kung saan pupunta.
"May problema ba Harry?" tanong ko.
"Wala naman." ngiti niya.
"Umm... hindi ako naniniwala dahil nakita kitang
sumimangot kanina."
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "May
problema kasi."
"At saan naman?"
"Sa regalo ko."
Napatigil ako sa sinabi ni Harry. "Bakit mo naman
pinoproblema iyun?"
Natigil din siya nang tumigil ako. "Iyang kwintas mo?
Gustong-gusto mo ba iyan? Sino nga pala ang nagbigay?" sunod-sunod niyang
tanong.
"Bigay ng benefactor ko." agad na
pagsisunungaling ko.
"Umm... ganoon ba?" Parang malungkot siya nang
sinabi niya iyun. "Oo nga pala, mamaya pa matatapos ang klase nila Kei at
Janice. Tambay na muna ako sa library para mag-aral." pag-iiba niya sa
usapan.
"Umm... sige. Kita na lang tayo mamaya."
Pagkatapos niyang kumaway ay tinahak na niya ang daan
papunta sa library. Mukhang nay problema si Harry sa kwintas ko. Ano kaya ang
mangyayari kung alisin ko itong kwintas na ito? Pero sinisimbolo kasi nito ay
ako kaya parang ayokong alisin. Kung ano naman ang ireregalo nila ay
tatanggapin ko naman.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at pumunta sa Music
Room. Naabutan ko na lang ang banda na may pinag-uusapan. Dire-diretso naman
akong umupo sa sofa at ipinikit ang mata.
"Hoy, huwag kang matulog. Mamaya ehh kapag ako ang
gumising sa iyo tapos habang binabangungot ka ehh may mangyari na namang masama
sa akin." saway sa akin ni kuya Joseph. Narinig ko na lang na tumawa iyung
iba.
Hindi ko na lang siya pinansin. Narinig ko naman na may
yabag na lumapit sa kinauupuan ko.
"Ano to Ren? Bakit pabaliktad? Miyembro ka na rin ba
ng relihiyon ni Satanas?" tanong ni kuya Joseph.
"Malapit ba ang mukha mo kuya Joseph? Kapag dumilat ba
ako ehh mauuntog na naman tayo sa isa't isa?" ngiwi ko.
"Gago. Sagutin mo na lang ako."
"Bigay ng kaibigan ko kuya Joseph. Para sa 18th
birthday ko ngayon."
"Whoah! Birthday mo pala ngayon Ren? Hindi ko alam
iyun ahh. Happy birthday bro." bati ni kuya Ethan.
"Happy Birthday din Ren." rinig kong bati nila
kuya Paul at kuya Joseph.
"Salamat guys."
"Hoy, iyung tanong ko?" masungit na pangungulit
pa ni kuya Joseph.
"Okay. So kilala naman natin siguro lahat ang mga
disipulo ni Jesus. Isa na rito ay si Peter na isa sa mga disipulo ni Jesus.
Ipinako siya sa krus sa Roma. Dahil ayaw niyang matulad kay Jesus kung paano
siya pinako, hiniling niya na ipako siya patiwarik. Ang ginawa niya ay simbolo
ng kababaang-loob. Alam ko na sa panahon natin ngayon, ang simbolo ng baliktad
na krus ay simbolo ng satanismo. Ito ang karaniwang interprerasyon dito ng mga
satanista kuno. Tapos pinagmamalaki pa nila. Para sa iba pang impormasyon,
bisitahin mo si Google." mahabang paliwanag ko.
"Ganoon ba? May paliwanag pala iyan."
"Siyempre. May paliwanag sa lahat ng bagay. Kung bakit
ganito ang nangyari, ganito ganyan, may kaakibat na eksplanasyon iyan."
"Alam mo rin pala ang kuwento ng baliktad na krus huh?
Sabihin mo Ren? Ilang tao ang nagtanong diyan tungkol sa kwintas mong
iyan?" sabat na tanong ni kuya Ethan.
"For the record kuya Ethan, tatlo. Pang-apat na kung
pati si kuya Blue ehh magtanong din." sagot ko.
Naramdaman ko na lang na gumalaw ang sofa. Pagkadilat ko,
umupo pala si kuya Joseph sa kabilang dulo ng sofa at nag-iisip... sa nangyari
marahil doon sa pagpili ni Franz.
Naalala ko kanina na pinaliwanag sa akin ni kuya Jasper ang
nangyari kung bakit si Daryll ang napili ni Franz kahit na si kuya Joseph
dapat. Nakokonsensya ako. Parang gusto kong sabihin iyung alam ko. Pero naalala
ko iyung mga sinabi sa akin ni Mr. Lion noon.
「"Pasensya
na pero hindi ako ang dapat magsabi sa iyo niyan. Hindi ko sikreto ang bagay na
iyan."」
Hindi ko ito sikreto kung hindi sikreto nila kuya Jasper.
Hayaan ko na lang sila. Sila lang naman ang may pakana nun.
Pinikit ko ulit ang aking mata. Maya-maya ay narinig ko na
bumukas ang pinto.
"Blue, sorry na." rinig kong paghingi ng tawad ni
kuya Aldred kay kuya Blue. Huh? Bakit?
"Aldred naman kasi. Ang cute mo kapag nagseselos ka.
Kaya lang ngayon, sumobra ka. Sinabi na nga niya sa iyo na wala talaga siyang
intensyon kasi straight na straight siya." reklamo ni kuya Blue.
"Anong staight na straight? Maniwala ka sa akin Blue.
May gusto iyun sa iyo. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko na sinabi niya na
may gusto siya sa iyo."
"Pero hindi pa rin tama iyung ginawa mo."
"Sige na nga. Kasalanan ko na. Tanggapin mo na itong
peace offering ko sa iyo. Please." sabay abot ng isang box kay kuya Blue
habang nakaluhod.
"Blue, birthday pala ni Ren." sabat ni kuya
Ethan. Teka, tama ba iyung sumabat siya sa usapan nila?
Kinuha naman ni kuya Blue ang box na binibigay ni kuya
Aldred at lumapit sa akin. "Happy Birthday pala Ren. Regalo ko."
"Hoy Ren! Huwag mong tanggapin iyan! Para kay Blue
iyan!" sigaw ni kuya Aldred.
"Tanggapin mo Ren. Regalo ko ito sa birthday mo."
nakangiting saad ni kuya Blue.
Nag-aalangan naman ako kung tatanggapin ko iyung regalo...
ni kuya Aldred o hindi.
"Bubugbugin kita Ren kapag tinanggap mo iyan!"
banta ni kuya Aldred.
"Hindi kita pauuwiin ng maaga dahil kaarawan mo kapag
hindi mo ito tinanggap ang regalo ko sa iyo." banta ni kuya Blue.
Bakit sila nag-aaway ngayon? Bakit ngayon pa? Tapos ako pa
iyung nasa gitna. Dapat tinutulungan ako ng banda. Pero ano ba ang aasahan ko
sa kanila ngayon? Wala. Ang totoo niyan, nagpupustahan na sila kuya Ethan, kuya
Jonas at kuya Paul kung sino ang susundin ko. Kahit sino ang sundin ko sa
dalawa, may downside. Bahala na!
Kinuha ko na lang ang box na binigay ni kuya Blue. Binuksan
ko ito para makita ang laman at naglalaman ito ng mga tsokolate. Lumungkot
naman ang mukha ni kuya Blue nang nilabas ko ito para ipakita sa kaniya.
"Okay lang Ren. Regalo ko na iyan sa iyo." aniya
na malungkot. "Sige na Aldred. Pinapatawad na kita." baling niya kay
kuya Aldred.
Tuwang-tuwa si kuya Aldred sa narinig pero malungkot si
kuya Blue. Tumayo si kuya Aldred at niyakap si kuya Blue. Agad ko na lang
ibinigay ang mga tsokolate sa kaniya.
"Seryoso ako Ren. Regalo ko na iyan sa iyo."
"Hindi kuya Blue. Natanggap ko na ang regalo ko."
"Huh?"
"Ang totoo niyan, yung kahon kasi ang kailangan ko.
Alam mo iyung sinasabi sa Spongebob? Kapag wala kang mairegalo, para makatipid
ay kahon na lang ang ibigay."
Kinuha na ni kuya Blue ang tsokolate. "Ganoon ba? Sabi
mo ehh. Salamat." ngiti niya. Mukhang paborito niya ata iyun. Ano nga ba
ang gagawin ko sa kahon na nakuha ko? Malalaman niyo iyan mamaya.
Lumipas ang ilang minuto at nagpapahinga pa rin ako sa
sofa. Inaantay ko si Edmund ni dumating. Susunduin niya ako para sa surprise ni
ninang... na hindi na surprise. Baka iyung suot ni ninang ehh ma-surprise na
ako. Sila kuya Blue at kuya Aldred at nagkakamabutihan na at nag-aaral sa isang
banda sa may mesa. Hindi pakiramdam ng banda ngayon na mag-ensayo. Aba't
araw-araw ba naman?
"Umm... guys, yayayain ko sana kayo sa bahay ko mamaya
para mag celebrate ng 18th birthday ko?"
Gulat. Iyan ang reaksyon nilang lahat matapos marinig ang
sinabi ko. Nag-uusap pa silang apat kung pauunlakin nila ang paanyaya ko... o
hindi.
"Umm... kung may lakad kayo guys, pwede naman kayong
tumanggi. Hindi lang naman kasi ngayong taon ang kaarawan ko. May susunod pa
naman. Tutal ehh kasalanan ko kasi hindi ko sinabi kung kelan ang kaarawan
ko."
"Pasensya talaga Ren." pagdispensa ni kuya Jonas.
"Oo nga pala Ren. Ano ang regalo na gusto mong makuha
galing sa amin? Halimbawa ako." tanong ni kuya Paul habang nagpapatugtog
ng drum.
"Bigyan mo ako ng better attitude kuya Paul at tigilan
na natin ang pag-aasaran."
Natawa naman si kuya Joseph. "Better na ang attitude
ngayon ni Paul no. Sa katunayan nga, in love iyan ehh."
"Oo nga Joseph. Bakit hindi mo na lang iregalo kay Ren
ang better attitude mo sa kaniya?" wika ni kuya Jonas.
"Anong sabi mo Jonas?" asik ni kuya Joseph.
"Kuya Jonas, napaka-imposible naman iyang iniisiip mo.
Tanggap ko ang ugali ni kuya Joseph. Hindi nakakasanay kapag bumait iyan."
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ko.
"Ngayong 18 ka na pala, anong ireregalo sa iyo ni
Kei?" biglang tanong ni kuya Aldred.
"Bago iyan Aldred, ang magandang hilingin kay Ren ehh
tigilan niya ang maglagay ng prefix sa pangalan natin." si kuya Blue.
"Prefix sa pangalan natin? Ano naman iyun?" kunot
noong tanong ni kuya Ethan.
"Ang pagtawag niya sa atin ng kuya." Heh? Bakit?
Issue ba iyun para kay kuya Blue?
"Ahh! Ngayong nasabi mo iyan. Naiirita talaga ako
kapag tinawag niya akong kuya Joseph. Kala mo naman ehh matanda ako sa kaniya
ng limang taon ehh halos magkasing-edad lang tayo rito." reaksyon ni kuya
Joseph.
"Mukhang ito ang unang beses na magkakasundo kami sa
isang bagay ni Joseph." si kuya Jonas.
"Huh? Hindi masarap sa tenga ang pagtawag sa inyo ng
kuya?" tanong ko.
"Hindi." full force na sinabi nila sa akin. Ang
sakit naman sa damdamin.
"Pero feeling ko kasi ehh nirerespeto ko kayo kapag
tinawag ko kayong... kuya."
"Mali ka diyan Ren. Hindi naman nadadaan sa salita ang
pagpapakita ng respeto sa isang tao. Meron namang ibang paraan besides sa
pagtawag sa amin ng kuya." paliwanag ni... kuya Aldred.
"Maipapakita mo din ang respeto mo sa isang tao gamit
ang kilos mo or aksyon. Actually, magandang gawain iyan na tinatawag mo kaming
kuya dahil nirerespeto mo kami. Pero sa iba kasi, hindi masarap pakinggan na
pino-'po' ka o tinatawag na kuya kasi ang magiging pakiramdam ng kinakausap mo
ehh matanda na sila ng mga... sampung taon sa iyo. Advice ko lang sa iyo na
tigilan mo na iyang prefix sa pangalan namin at tawagin mo na lang kami sa
pangalan lang namin. Okay?" mahabang paliwanag ni kuya Blue. So ganoon
pala iyun.
Nakakasakit na pala ako ng damdamin sa kanila every time na
tinatawag ko silang kuya. Okay. So susubukan kong.... hindi na sila lagyan ng
prefix sa pangalan. Salamat sa advice Blue.
Edmund's POV
I am madly in love to Gerard. Let me define madly in love.
Ito ang state ko kung saan gustong-gustong-gusto ko ang isang tao na
nararamdaman ko ngayon kay... Gerard. Bakit? Basta! Noong sa supermarket
talaga, may nagtulak sa akin na gawin ang gusto ko para tapusin ang conflict ng
mga taong nag-aaway o gumagawa ng kaguluhan na sila Gerard at William. At
nawala ba ito? Ewan ko. Inisip ko na lang na baka assumptions ko lang to. And
ngayon, I confirmed it. I am madly in love to Gerard.
Lahat kaya sa asusasyon ay nakakaranas ng pakiramdam na
nararamdaman ko ngayon? Hay nako! Ganito kaya ang mga tao kapag tumatanda?
Nagiging desperado na din humanap ng love life? Aba malay ko naman kasi. Ehh sa
ngayon ko lang nahanap talaga ang tao na sa tingin ko ay para sa akin ehh. Ano
ba ang magagawa ko? Dahil siguro na picky ako sa mga taong gusto ko kaya
ganito. Pero sa totoo lang, lalaki man iyun o babae, mamahalin ko siya ng
sobra-sobra. Sisiguraduhin kong kikiligin siya araw-araw dahil sa mga bisig na
babalot sa kanyang katawan... araw-araw, gabi-gabi, magkatabi. Nonsense.
Nandito ako ngayon sa Schoneberg Academe para sunduin si
Ren dahil magkakaroon siya ng surprise birthday party mula sa ninang niya... at
alam kong hindi na surprise birthday party iyun para kay Ren dahil sigurado
akong inaasahan na ni Ren iyun. Taon-taon kasi ginagawa ni Madam Veronica iyun
para sa kaniya ehh.
Sabi ni Ren kanina, susunduin ko siya sa Music Room ng
eskwelahan niya. Nagtanong ako sa guard kung asaan ang Music Room at tinuro
nito sa akin ang daan. Habang tinatahak ang daan ay nakita ko ang tinitibok...
kasi baka sa mga susunod na panahon ehh wala, ng puso ko na si Gerard.
Actually, hindi ko siya nakita kung hindi ay nabangga. Marami siyang dalang
libro at nahulog lahat iyun nung bumangga kami sa isa't isa.
"Bakit kasi hindi tumitingin sa dinadaanan?"
pabulong na reklamo niya sa sarili. "Pasensya na sa ginawa ko."
paghingi pa niya ng dispensa sabay sinimulang kunin ang mga nahulog na libro.
Hindi niya ako nakikilala?
"Tulungan na kita."
Pinulot ko ang mga libro na nahulog at napansin ko na ang
mga libro niya ay puro sa Java Script, C+, C++ at kung ano-ano pa tungkol sa
computer codes... at How to Get Away with Murder? May ganitong libro pala sa
eskwelahang ito? May balak ba si Gerard na pumatay ng tao at nagbabasa siya ng
librong ito?
"Mukhang masipag kang mag-aral... at mukhang papatay
ka." kumento ko habang pinupulot ang mga libro saka ibinigay sa kaniya.
"Kailangan. Pasensya na." aniya saka tumuloy sa
paglalakad. Kailangan niya talagang pumatay? What?
Nakatayo lang ako dahil sa mga nasabi at ginawa niya... sa
puso ko. Ouch! Nasaktan naman ako sa ginawa niya. Ni hindi niya nga ako naalala
o namukhaan man lang. Ang sakit. Ganoon lang ba iyun Edmund? Ngayon, tutuloy ba
ako sa Music Room o susundan si Gerard?
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at tiningnan ang
pambisig na relo ko. 1:57pm pa lang naman pala. Eksaktong 3 o'clock kasi ang
surprise party ni madam Veronica para sa kaniya ay kailangan ehh 3:30pm pa lang
ay dapat tapos na dahil iimbitahin ni Ren ang mga kaibigan niya. Siyempre,
kailangan hindi nila malaman na si Ren ay may ugnayan sa pamilya ng Schoneberg.
May oras pa naman.
Wala akong sinayang na oras at sinundan ang daan na tinahak
ni Gerard. Bago nun ay nag-set ako ng alarm na kailangan kong puntahan si Ren
ng mga 2:15pm. Mukhang pupunta siya sa library para isauli ang mga libro.
"Gerard." tawag ko sa pangalan niya.
Huminto naman ito humarap sa akin. "Paano mo nalaman
ang pangalan ko at bakit?"
"May ID ka kaya imposibleng hindi ko makita o malaman
ang pangalan mo. Unless kung itago mo ang ID mo sa loob ng damit mo. O baka
naman ang tamang sagot ay dahil nagkita na tayo noon." paliwanag ko.
"Nagkita... na tayo noon?" kunot noong tanong
niya. Wow. Ang sakit. Hindi niya talaga ako maalala?
"Hindi mo talaga ako maalala? Kahit spark man lang ba,
wala?"
"Spark? Bakit naman kailangan mo pa ng spark? Isa ka
bang tao na naghahanap ng spark na manggagaling sa ibang tao? Babalik ka na ba
sa langit kapag nakahanap ka ng ganoon?"
"Spark na manggagaling sa ibang ta- teka? Pwede ba?
Hindi mo ba talaga ako naalala?"
Humugot siya ng buntong-hininga at sa palagay ko ay
nag-isip ng malalim. "Hindi ko talaga maalala."
Hindi ko talaga maalala? Grabe. Nasaktan naman ako sa mga
sinabi niya talaga. Hindi ko talaga maalala. Great!
Hindi na ako nakatiis at nilapitan siya. "Ngayon,
siguradong maaalala mo ako."
"At ano naman ang gagawin mo? Hahampasin mo ang ulo ko
nang sa ganoon ay maalala kita? Ganoon?"
"Worst than that."
Agad na hinawakan ko ang mga malalaking braso ni Gerard at
buong lakas na tinabig... because seriously, hindi ganoon kahina ang mga braso
niya at sigurado akong nangangailangan iyun ng maraming puwersa, sa pader ng
library at mapusok na hinalikan... plus sa harap pa ng mga ibang estudyante ng
eskwelahan. Itinulak ko pa ang sarili ko sa kaniya para hindi siya makaalis.
Muli ay nadismaya ako dahil hindi nito sinagot ang mapusok kong halik at
nararamdaman na ng katawan ko na pumapalag siya sa ginawa ko.
Nang naramdaman ko na bumagsak ang mga librong hawak ni
Gerard, agad na kumalas ako sa kaniya. Gaya ng inaasahan, sinubukan ako nitong
itinulak ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa pagkalas ko ng maaga. Agad na
kinuyom ni Gerard ang kamao niya at sinugod ako para suntukin sa kaliwa ko
habang umaatras pa ako dahil sa pagkalas ko sa kaniya. Ang bilis ng reaksyon
niya! Interesante.
Nang nakabalanse na ako, agad na sinalo ng kaliwang kamay
ko ang suntok niya at naramdaman ko ang lakas ng suntok niyang iyun. Sana
ganoon din kalakas ang pag-ibig niya sa akin.
Binawi agad ni Gerard ang kamao niya at nag-iwan ng konting
distansya mula sa akin saka... mabilis na umikot pa kaliwa niya? Swabe iyung
pag-ikot niya ahh. Hindi na ito simpleng away na suntukan lang ahh?
Nagpakawala si Gerard ng isang malakas na suntok ngayon
mula sa kaliwa niya. Sa ginawa niyang pag-ikot kanina, sigurado na malakas ang
magiging pwersa ng suntok niya kapag tumama... sa ere? Malas niya lang dahil
nakita ko na iyung gagawin niya nung umikot pa lang siya. Pasensya na sa medyo
detailed na fight scene ha?
Inilagan ko na lang ito ng walang kahirap-hirap at agad na
pumunta sa likuran ni Gerard saka hinawakan ang magkabilang leeg niya. Natigil
naman siya sa wakas dahil sa gagawin ko... na hindi sana kasi ayokong gawin.
"Seryoso ka ba sa susunod mong gagawin?" agad na
tanong niya.
"Depende iyan kung naalala mo na ako hindi?"
muling tanong ko.
"Sinasabi ko nga sa iyo. Hindi kita naaalala."
giit pa ni Gerard. And that is the third time. Sakit.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. "Fine. Kung
iyan talaga ehh hindi mo matandaan, fine." nasabi ko na lang saka inalis
ang mga kamay sa leeg niya. Denied ako ng tatlong beses fine.
"Alam mo pre, kapag sinabi talaga ng tao na hindi ka
niya natatandaan, huwag ka ng makulit. Malay mo ehh ikaw pala iyung maling tao
na nakuha." dahilan pa niya at sinimulang kunin ang mga libro.
Ang mga tao naman sa paligid ay nakiki-tingin at
nagbubulungan sa ginagawa namin. Seriously?
"And please people? If you got a business to run,
better do it first kasi hindi nakikipagtsismisan ang grades sa mga professors
niyo." sigaw ko para umalis ang mga estudyante at salamat naman, isa-isa
na silang nagsi-alisan.
Tinulungan ko naman siyang kunin ang mga librong nahulog.
Rinig ko naman na paulit-ulit niyang minumura ang sarili habang pinupulot ang
libro. Sa totoo lang, hindi talaga ako naniniwala na hindi niya ako
natatandaan. Ganito ba ang mga taong laging nag-aaral sa eskwelahan?
Makakalimutin na? Puwes, siguro ay oras na para baguhin ang educational system
ng bansa.
Nang napulot na namin lahat ang mga libro, binigay ko na sa
kaniya ang mga libro. "Pasensya na talaga sa nagawa ko. Alam mo,
interesante kang tao sa... galaw ng katawan mo kung paano ka lumaban."
Hindi na lang siya nagsalita at agad na nagpatuloy sa paglalakad pero huminto
din.
"Hey? What are you guys doing? What's the
confrontation all about?" tanong ng isang pamilyar na boses at accent...
na palapit sa aming kinatatayuan. Ang kano na si William Miles. At mabuti naman
ay nandito ka. Saan na ba iyung english dictionary ko?
"Ohh hi there dick. Remember me?" tanong ko agad.
"Yes I remember you." pagkumpirma niya. "You
are Gerard's current boyfriend now aren't you? What are you guys doing a while
ago punching each other?"
"Well you see-"
"That's how we bond." biglang sagot ni Gerard na
biglang umangkla sa akin. AHA!
"Yeah. That's how we bond right Gerard?"
sarkastikong wika ko habang nakatingin sa kaniya. Sabi ko na nga ba at naaalala
niya ako.
"Could you please refrain in making unnecessary
confrontation here in the hallway? Especially in the front of the
library?" pakiusap ni kano.
"Since when you care about that? Since I got your
boyfriend from you?" pang-aasar ko dito.
"Treasurer ng Student Supreme Goverment iyan."
bulong ni Gerard.
"Ohh I don't care babe. Or maybe I should if you were
his boyfriend again then I will get you, the treasure in front of him that is.
Would you mind returning the books now to the library? I am itching to give you
something in my pants."
Pumasok na si Gerard ng library at ngumiwi si kano.
Seriously huh? Ito ang ex ni Gerard? May katawan nga pero lalampa-lampa. At
higit sa lahat, malaki ang age difference nila.
Nilampasan ako ni kano at pumasok din sa loob ng library.
Kasabay nito ay lumabas din ang... long lost pinsan ko kasama ang isang lalaki.
Boyfriend niya?
"Ohh. What do we have here pinsan? It's been a long
time." bati ko.
"Pinsan. Nagkita din tayo sa wakas. Sa totoo nga lang
ehh ayokong magkita tayo." sarkastikong wika ni Marcaux.
Tiningnan ko naman ang kasama niyang lalaki na nanlaki ang
mata nang makita ako at bumulong kay Marcaux.
"Yeah. Siya nga. Pero virgin pa iyan at walang
karanasan." rinig kong sinabi ni Marcaux. Tama bang sabihin niya iyun?
"So kumusta ka na Edmund? Ang tagal nang wala kaming balita sa pamilya
mo."
"Ayos lang naman. Since nakita mo na ako ehh finally,
may balita ka na mula sa pamilya ko... finally right? I'm itching to ask this
pero ito ba ang boyfriend mo?"
"Yeah. Siya nga ang boyfriend ko." matapang na
sagot niya. Wow. Threat talaga ako mula sa pinsan kong ito. "Edmund, si
Keith, boyfriend ko. Keith, si Edmund, ang nawawala kong pinsan."
pagpapakilala niya sa amin. "At sana mawala na ng habang buhay."
rinig kong bulong niya. Ang hard naman nito.
"Umm... kinagagalak ko po kayong makilala." wika
ni Keith.
"Ako din." magiliw na saad ko.
Tiningnan ko ng maiigi ang boyfriend niya. Medyo maliit ang
diperensya ng body mass index niya kay Marcaux pero ang cute. Si Marcaux naman
ay masama pa rin kung makatingin sa akin at biglang kinabig papalapit sa kaniya
ang katipan na ikinagulat naman nito.
"May problema ba Edmund?" medyo pagalit na tanong
ni Marcaux.
"Chill lang pinsan. Hindi na ganoon ang mga tipo ko.
Tsaka purong biro lang naman iyung ginagawa ko sa mga pinsan natin. Ano ka
ba?"
"Kahit na. Hindi pa rin."
Sa wakas ay bumukas na ang pintuan ng library at niluwa
nito ang makakalimutin na si Gerard. Hindi daw natandaan huh?
Agad na kinabig ko papalapit sa akin si Gerard.
"Pinapakilala ko sa inyo ang boyfriend ko pala. Gerard, si Marcaux, pinsan
ko, si Keith, boyfriend niya. Marcaux at Keith, si Gerard. Boyfriend ko."
pagpapakilala ko sa mga ito.
"Kumusta kayo." malamig na bati ni Gerard.
"Kumusta din." mukhang ninenerbyos na bati ni
Keith.
"Excuse us pinsan and his boyfriend. May importanteng
bagay lang kaming dapat pag-usapan nitong boyfriend ko."
"Uhmm... sure pinsan. Sige."
Aakbayan ko na sana si Gerard nang sinusubukan niya itong
alisin. Subalit lumabas naman si kano mula sa library... ulit at pinahintulutan
na niya ako. Lumakad kami ng sabay at makikita mo sa paligid ang tingin ng mga
estudyante.
"Saan mo ako dadalhin?" gigil na bulong niya.
"Basta."
Dumating na din kami sa wakas sa isang comfort room ng mga
lalake sa building na iyun.
Agad namang kumalas si Gerard sa akin. "Pwede ka ng
tumigil."
"Ako ang titigil o ikaw ang titigil?
"Ano ba ang kailangan mo sa akin? At bakit dito pa
tayo sa comfort room mag-uusap?"
"Bakit ayaw mo na dito tayo mag-usap? Kailangan pa
bang nating maging discreet dahil sigurado ako na lahat naman sa Academe ay
alam kung... ano ka talaga? Kahit nga siguro ipagsigawan ko kung ano ka talaga,
patuloy pa ring magkakandarapa sa iyo ang mga babae? At tsaka wala tayo sa
nakaraang panahon na kung saan malaman lang ng tao ehh papatayin na agad tayo
at kailangan magtago. Nasa panahon na tayo na kung saan wala ng nagtatago...
pero meron pa ring iilan, at wala ng papatayin dahil diyan... pero meron pa
ring iilan. What's the difference anyway?"
"Sino ka nga ulit at ilang taon ka na?" biglang
tanong niya.
"Oh wait, hindi mo pa pala ako kilala. Hi. I'm Edmund
Miles. And I'm 28 years old." pagpapakilala ko.
"Sa tingin mo na tama na pag-usapan natin iyan dito
kung saan labas-pasok ang mga lalake dito at magsisigawan pa tayo? Mas matanda
ka pa pala sa akin and I hope na mas matanda kang mag-isip kesa sa akin."
"Ohh. I get your point."
Ilang minuto ang lumipas, lumipat kami sa lugar na malaya
naming sabihin ang gusto naming sabihin na walang makakarinig. Talaga. Sa
rooftop ng building. Mahangin sa mga oras na ito at natatakpan ng mga ulap ang
araw kaya hindi masyadong mainit. Dagdag pa rito na katapusan na ng Hulyo at
hindi masyadong mainit.
"May susi ka sa rooftop ng building na ito?"
gulat na tanong niya habang pumapasok.
"Incidentally, ito ang pinakapaborito kong lugar sa
campus na ito. By the way, dito ako nag-aral at dito rin ako nakapagtapos sa
paaralang ito." paliwanag ko habang pumapasok sa rooftop at pinakiramdaman
ang malakas na hangin na umihip.
"So, ano ang pag-uusapan natin?"
Humugot naman ako ng buntong-hininga. "Pwede bang
nalaman kung bakit itinanggi mo na kilala mo ako ng tatlong beses?"
seryoso kong tanong.
Nag-iwas siya ng tingin at hindi makasagot. "Pasensya
na. Ayoko lang talaga malaman kung sino ka. Ganoon lang. Akala ko naman ehh
tumutulong ka talaga para makipag-hiwalay na ako sa boyfriend kong iyun."
"Actually, totoo iyun na tinutulungan kita na
makipag-hiwalay sa kanong iyun sa sarili kong kagustuhan. At tsaka ang sakit
naman ng ginawa mo. Sabi ko na nga ba at umaakto ka lang. Para kang dating
classmate ko nung nag-aaral pa lang ako sa eskwelahang ito na gagamitin lang
ako kung kailangan."
"Akala ko ba umaakto ka lang talaga? Bumulong ka pa sa
akin na nakakadiri ang ginagawa mo para sa akin kaya ginalingan ko na din ang
pagpapaggap. At saka iyung kanina, act mo din ba iyun dahil nakita mo si
William hindi ba?" seryosong paliwanag niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng taong ito at sa tono
ng pananalita niya. Wala ba siyang pakialam sa mga nangyayari?
"Hindi ko gusto ang tono ng papanalita mo."
"Hindi na bago sa akin ang mga salitang ganyan. Teka
nga? Ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Gerard.
Ikaw. Iyun agad ang gusto kong isagot sa kaniya. Pero
nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang mga salitang iyun. Ano ba ang
isasagot ko? Magpaligoy-ligoy pa kaya ako?
"Hindi ka pa nagpapasalamat sa ginawa ko sa iyo noong
isang buwan at iyung ngayong araw pa." sagot ko.
"Salamat kung ganoon."
"Hindi ko tinatanggap ang pasasalamat mo."
"Ang gulo mo. Akala ko ba gusto mo akong magpasalamat?
Tapos ngayon, tatanggihan mo pa?"
"Gaya ng sabi ko, hindi ko tinatanggap ang pasasalamat
mo. Since naka-isang buwan na iyung pagpapasalamat mo sa akin, isang pabor na
lang."
"At ano naman iyun?" matapang na tanong niya.
What the fuck?! Seryoso ba siya? Wala ba siyang pakialam
kung ano ang lalabas mula sa bibig ko? Ganito ba ang ugali ni Gerard?
"Suck this." sabay turo ko sa pundilyo ng
pantalon ko.
"Ha! Iyun lang naman pala. Sige ba." wala man
lang pag-aalangan na wika ni Gerard. Seryoso?!
Agad na tinulak ako ni Gerard hanggang sa napasandal ako sa
pader. Wala lang akong ginawa kung hindi tingnan ang mga gagawin niya... sa
ngayon. Agad na lumuhod siya at hinalik-halikan ang pundilyo ng pantalon ko.
Nagkaroon ito ng kakaibang sensasyon sa birhen na katawan ko nang ginawa niya
iyun. Napapikit ako sa sarap ng ginagawa niya at agad akong tinigasan. Bumilis
din ang tibok ng puso ko dahil sa excitement na ginagawa namin. Ganito pala ang
pakiramdam. Hindi ko pa nararamdaman ang ganitong sarap dahil nga birhen pa ang
katawan ko sa ganito pero handa naman ako.
Sinimulan na niyang hubarin ang pantalon ko at sinusubo na
agad ang tarugo ko kahit na nasa loob pa rin ito ng brief. Doble ang sarap ng
naramdaman ko kanina sa pagkakataong iyun na halos mapahawak ako sa buhok ni
Gerard para idiin pa iyun sa mukha niya at napatingala pa ako sa langit. Paano
kaya kung iyung pagkalalaki ko na talaga ang sinusubo niya? Masarap ba talaga
iyun? Ano kaya ang pakiramdam?
Aktong huhubarin na ni Gerard ang brief ko subalit
hinawakan ko ng maiigi ang buhok niya para ilayo siya dito at pinatingala.
"Anong problema?"
Humugot ako ng buntong-hininga at umiling. "Itigil mo
iyan." utos ko sa kaniya.
"Pero-"
"Itigil mo!" pagputol ko sa sasabihin niya na may tonong nag-uutos.
Tumayo siya at lumayo sa akin habang ako naman ay inaayos
ang pantalon ko at inayos ulit.
"Bakit mo ako pinatigil? Hindi mo ba nagustuhan?
Unless, hindi siguro iyun ang gusto mo dahil iba ang gusto mong ipagawa sa
akin?" walang emosyon niyang tanong.
"Tama ka. Hindi iyun ang gusto ko. Sa totoo lang,
gustong-gusto ko iyung ginagawa mo kanina. Excited nga ako kung iyung tarugo ko
na iyung sinusubo mo. Sa tingin ko ehh masarap talaga lalo na iyung ginagawa mo
kanina. Magaling ka. Iyan ba ang gusto mong marinig mula sa akin?"
sarkastikong paliwanag ko. "At gaya ng sinabi ko, hindi nga iyun ang gusto
ko dahil iba ang gusto ko. Gusto kita."
Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang ngiti at tumawa
ng payak. "Ako? Gusto mo? Fine. Ngayon pa lang, sinasagot na kita."
Hindi magandang pakinggan. Ang bilis naman.
"Wow. Parang ayoko maniwala diyan sa sinasabi mo na
tayo na. Baka tayo ang gay version ng isang linggong pag-ibig."
"Bakit? Ayaw mo ba? Binigay ko na ang lahat ng gusto
mo. Ano pa ba ang kailangan mo?"
"Wait, seryoso ka talaga? Ehh di ibig sabihin nito ehh
sa oras na ito, tayo na?"
"Oo. As long as nakikita kong ginagamit mo ako gaya ng
iba, walang problema. Ganoon naman kayo hindi ba? Pero kapag nagkaroon ka ng
feelings para sa akin, asahan mong hindi ko masusuklian iyan. Narinig mo naman
ako noong isang buwan hindi ba? I am incapable of loving again someone right
now."
"Alam mo bang with feelings ang pagkagusto ko sa
iyo?"
"Wala akong pakialam doon. Mukhang gusto mo akong
gamitin para sa ibang bagay. Gusto mo ituloy natin iyung ginawa ko sa iyo
kanina ehh."
"Ganoon ba talaga ang tingin mo sa ibang tao?
Manggagamit talaga?"
"Ano ba magagawa mo kung iyun talaga ang paniniwala
ko?"
Wala na akong masabi at humugot na lang ng buntong-hininga.
Useless na kausapin ko pa ang taong ito. Sigurado akong hindi ito makikinig sa
akin. At sigurado din ako na hindi din ito ang talagang siya na kinakausap ko.
Para siyang isang tao na nagsusuot ng maskara. Ano kaya kung laruin ko ang laro
niya? Gagamitin ko siya sa paraan na gusto ko. Baka sakaling manumbalik ang
tunay na siya at mamahalin ko na siya forever?
Sa totoo lang, ugali pa lang niya is a big no for me. Yes,
gustong-gusto ko siya pero itong siya na ngayon, hindi ko gusto. Hindi ba
kadalasan sa mga tao ay may pamantayan pa sa magiging future
boyfriend/girlfriend nila? Na mafo-fall sila sa ganitong tao, this and that,
BLAH! BLAH! BLAH! Pero karaniwan ba sa mga iyun ay nasusunod? Ewan ko. Ako
kasi, walang pamantayan. Basta na-fall na lang ako dito kay Gerard. Pero gaya
ng sinabi ko, itong ugali niya, BIG NO!
I can't love him in this state of him. I want him to change
for the better and not to change for myself.
"Okay. Since tayo na, susundin mo ang mga gusto ko
hindi ba?" seryosong tanong ko.
"Sa abot ng aking makakaya. Pero may mga bagay na
hindi ko talaga kahit kailan gagawin." diretsong sagot ni Gerard.
"Gaya ng?"
"Love me, love me, say that you love me. Dahil
sigurado ako na kapag nagsabi ako ng mga salitang ganoon, walang laman."
Kakanta ba siya kanina ng kanta ni Justin Bieber?
"Sige. Walang problema sa akin. Ngayon ang gusto ko ay
huwag ka ng tatanggap ng ibang boyfriend maliban sa akin. Malinaw ba?"
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako two timer kagaya ng
ibang tao diyan." Sayang naman ang faithfulness ng taong ito.
"At isa pa. Hindi ikaw ang magdedesisyun kung
maghihiwalay na tayo. Ako. Huwag kang mag-alala. Sigurado naman ako na
magsasawa din ako sa iyo pagdating ng panahon."
"Payag ako." sabay lumapit sa akin. "Ngayon,
pwede bang ituloy na natin ang natigil kanina?"
"Anong-"
ANG FIRST KISS KO! Agad na hinalikan niya ako ng mapusok sa
labi. Ugh! Sa totoo lang, ayokong manggaling ang unang halik ko sa kaniya
ngayon. Wala na akong nagawa. Gusto ko sana na sa mga ilang buwan na maging
kami, saka ko na siya hahalikan. Ngayon, wala na. Hinalikan na niya ako ehh.
Hinalikan na niya ako ehh. Ay sandali lang, second kiss ko na pala ito at
hinalikan ko siya kanina.
Ayoko sanang sagutin ang halik niya kaya lang, tinayraydor
ako ng sarili kong katawan. Gumanti ako. Ang sarap niyang humalik grabe. It
will be a shame kapag hindi ko ginantihan hindi ba?
Hindi ko na lang namalayan na inaalis na niya pala ang
butones ng polo ko. Bumaba na ang halik ni Gerard sa leeg ko. Shit! Bwisit na
virgin na katawan ito. Traydor sa hindi ko gusto kong gawin.
"Ahh... shit! Sige pa." ungol ko.
Nang napunta na siya sa utong ko, agad niyang sinipsip ito
na parang sa babae na may lalabas na gatas. Napahawak pa ako sa ulo niya dahil
sa sarap na nadarama ko.
Bumaba pa siya lalo ng halik hanggang sa mapunta na sa
pundilyo ng pants ko. Ginawa ni Gerard ang ginawa niya kanina.
"Ang laki." rinig kong sinabi pa niya habang
hinalik-halikan pa ito habang nasa loob lang ng brief. Malaki ba? Hindi ko alam
Ang sarap talaga ng ginagawa niya. Pero hindi. Kailangan ko
siyang pigilan sa ginagawa. Hindi ko magawang sabihin ang mga salita na dapat
kong sabihin. Masyado akong nadala sa ginagawa ni Gerard. Ang mga halik niya,
sabik na sabik. Gagawin ko ba sa kaniya o hindi? Gusto kong gawin iyun sa
kaniya. Kaya lang, hindi iyun ang gusto ko. Ano ba? Edmund, magdesisyun ka na.
Aktong bubuksan na talaga niya ang brief ko dahil nagwawala
na ang pagkalalaki ko nang biglang...
"KRIIIIING!"
Nag-alarm ang phone ko na nagpatigil sa kaniya. Ha! Buti
naman.
"Huwag muna." nasabi ko din sa wakas.
Binitawan ni Gerard ang brief ko saka tumayo at naglakad
papalayo sa akin habang ako naman ay inaayos ang sarili. Grabe. Muntikan na
talaga ako kanina.
"Peste." rinig kong mura pa niya.
"Pasensya na. May dapat pa akong asikasuhin."
nasabi ko na lang habang hinahabol ang hininga.
"Okay lang." harap niya sa akin. "Sigurado
naman ako na mas importante iyan sa akin hindi ba?"
"Oo. Ganoon na nga. Time sure flies fast when you are
having fun. I mean it." sarkastikong tono ng pagsasalita ko. "Marahil
ay sa susunod na lang. Basta tuparin mo ang mga sinabi ko sa iyo."
"Oo naman. May isa akong salita. Bitch mo ako, puta mo
ako, alipin, kahit ano. Itawag mo sa akin."
"Bahala ka. Wala akong sinabing ganoon. Ikaw ang
nagsabi niya sa sarili mo. Siya nga pala, may phone ka ba?"
Naglabas siya ng phone sa bulsa niya at pinipindot-pindot
saka binigay sa akin. Parang smartphone ito na katulad sa ginagamit na model ni
Ren. Hay! Ano ba ang pakialam ko sa bagay na iyan?
Gamit ang phone niya ay tinawagan ko ang sarili kong phone
at nag-miss call. Nang natapos na ay agad ko na itong binalik sa kaniya.
"Alam mo ba iyung Knockout Gym?" tanong ko sa
kaniya.
"Oo."
"Kelan ka available?"
"Lagi."
"Ganoon ba? O sige. Ite-text ko na lang sa iyo ang
araw kung kelan tayo magkikita doon. Magdala ka ng damit mo, this and that at
huwag kang magpapahalata na bitch kita or something." Wala lang. Kailangan
ko lang sabihin ang mga specific na bagay.
"Walang problema."
"Kita na lang tayo ulit. Bye. Tsaka isarado mo ang
pintuan na ito ng maigi pagkaalis ko."
Umalis na ako sa lugar na iyun. Hay nako! Muntikan na
talaga iyun. Buti na lang at nag-alarm iyung phone kung hindi, baka kung ano na
ang nangyari sa amin doon. Para mabago siya ay kailangan kong laruin ang laro
niya. Slave and master huh? Sarap pa naman niyang humalik.
Napa-isip naman ako kung bakit siya naging ganoon. Ano kaya
ang dahilan? Ano ang nangyari sa kaniya? Lahat naman siguro ng tao ay may rason
kung bakit naging ganoon ang ugali nila. There's obviously a story behind it.
At gusto ko iyung malaman. Ang tanong, malalaman ko ba mula sa kaniya? Haixt!
Patuloy kong tinahak ang daan papunta sa Music Room kung
saan naghihintay sa akin si Ren. Sa ngayon ay huwag ko munang isipin si Gerard
dahil ewan ko ba at tinitigasan ako tuwing iniisip siya ngayon. Ahh! Iyung
bibig niya na humahalik sa aking buong katawan ay kaaya-aya.
Sinampal ko naman ang sarili ko habang naglalakad.
Napatingin ang mga estudyante na nakakita sa aking ginawa. Ngayong lang kayo
nakakita ng taong sinasampal ang sarili? Ina-admit ko kasi ang aking
pagkakasala na sa tuwing iniisiip ko si Gerard, tinitigasan ako. Kailangan
maiwaksi ko siya sa utak ko ngayon na... for now.
Sa wakas ay narating ko din ang aking destinasyon. Ang
Music Room. Tiningnan naman ako ng mga tao sa loob nitong silid. Ahh! Ito ang
mga miyembro ng 'The Antagonist'. Kilala ko silang lahat at ewan ko lang kung
kilala nila ako. Si Paul, Ethan, Jonas... Joseph... ang tinatawag na elepante
ni Franz, ang president nila na si Blue, ang kasintahan niyang si Aldred... at
bakit ko nga pala pinapakilala ang mga taong ito ehh kilala niyo na sila?
"Good afternoon people." bati ko sa kanila.
"Umm... Ren, tara na. Late na tayo." sabay turo ko sa relong pambisig
ko.
"Sige guys. Alis na ako." paalam ni Ren sa mga
ito at tumayo.
"Ooops!" pagpapahinto nung Ethan kay Ren na
huminto din. "Bago ka muna umalis, ipakilala mo muna kami diyan sa...
kaibigan mo?"
"Umm... hindi na iyun kailangan."
"Pasensya na pero may bagay kasi kaming
pinag-uusapan..." si Jonas.
"Umm... Ed-"
"Huwag niyo po munang ipakilala ang sarili ninyo
please." pakiusap nung Jonas. Okay.
"Hindi ko alam kung ano ang nilalaro niyo pero dalian
niyo."
Humugot na lang si Ren ng buntong-hininga. "Umm...
guys, si Edmund. Edmund, si k-Aldred, k-Blue, k-Ethan, k-Jonas, k-Joseph at
k-Paul." pautal-utal na pagpapakilala ni Ren sa akin at sa buong tao sa
kwarto. Anong meron doon sa 'k'?
"Nice to meet you guys."
"Mas nakakairita." masungit na kumento ni Joseph.
"Okay lang iyan Ren. Siguro mahirap iyan sa umpisa.
Pero masasanay ka din." wika ni Ethan.
"Salamat kuya Eth- I mean Ethan." si Ren.
"Mukhang matatagalan pa na masanay si Ren na tanggalin
ang prefix sa mga pangalan natin." iling ni Paul.
"Isang kuya, isang batok. Ganoon." masungit na
namang kumento nung Joseph.
"Hayaan mo na iyan si Joseph Ren. Happy birthday nga
pala." bati ni Blue.
"Happy Birthday ulit Ren." bati nung iba.
"Sorry na hindi kami makakapunta sa birthday party mo.
Siguro sa susunod na lang." si Jonas.
"Okay lang guys. Aalis na ako. Bye." paalam ulit
ni Ren na may ngiti.
Lumabas na kami ni Ren at tinahak ang daan papuntang
parking lot.
"Ano iyung ginagawa niyo doon kanina?" naitanong
ko.
"Pinapatanggal kasi nila iyung pagtawag ko sa kanila
ng kuya."
"Ohh... Ginagawa mo pa pala iyun sa mga taong mas
matanda sa iyo? Teka, magkasing-tanda lang kayo ng mga taong iyun ahh?"
"Nirerespeto ko sila kaya ganoon ang tawag ko sa
kanila."
"Ohh! So ako, hindi mo nirerespeto?"
"Change topic." pag-iiba niya sa usapan.
"Okay. Naiintindihan ko. Alam ko naman kung bakit
hindi mo ako nirerespeto." natatawang wika ko. "Moving on, balita ko
ehh masungit talaga iyung Joseph na iyun. Hindi ka ba sinusungitan,
binabatukan, sinasaktan, sinusuntok o kung anong bayolenteng bagay na ginawa sa
iyo?" tanong ko.
"Sa tingin ko ehh ginawa na niya iyun lahat sa akin
maliban lang doon sa sinusuntok." sagot ni Ren.
"Ganoon ba? Mabuti naman at naging kaibigan mo ang mga
taong iyun sa eskwelahang ito. Aside sa personal mong kaibigan na sila Keifer,
Janice... at ang taong gumahasa sa iyo na si Harry."
"Tigilan mo nga iyan Edmund. Magkaibigan na kami at
ayos na ang lahat sa pagitan namin. Huwag na nating balikan ang mga bagay na
iyun."
"Sure thing. Pero tandaan mo Ren. Ang bagay na nagawa
ng isang beses ay maaaring magawa pa ng ilang beses."
"At naniniwala naman ako sa second chances. Ano ka
ba?"
"Bahala ka. Ang bait mo naman masyado." May
kinuha naman akong blindfold mula sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya. "Heto
Ren. Isuot mo iyan pagkasakay mo sa kotse."
"Okay. Teka, paano iyung scooter ko?"
"Anong scooter?" gulat ko.
"Iyung regalo sa akin nila ninong at kuya
Jasper."
"Ooh." Napansin ko naman ang krus na pabaliktad
sa leeg niya. "At ano iyang kwintas mo? Regalo din ba iyan? Bakit
pabaliktad? Miyembro ka na ba ng ngayon ng relihiyong satanista?"
sunod-sunod na tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "Magpapaliwanag na naman ako
sa pang-apat na beses. Well, hindi iyun nakakapagod. Okay. So kilala naman
natin siguro lahat ang mga disipulo ni Jesus. Isa na rito ay si Peter na isa sa
mga disipulo ni Jesus. Ipinako siya sa krus sa Roma. Dahil ayaw niyang matulad
kay Jesus kung paano siya pinako, hiniling niya na ipako siya patiwarik. Ang
ginawa niya ay simbolo ng kababaang-loob. Alam ko na sa panahon natin ngayon,
ang simbolo ng baliktad na krus ay simbolo ng satanismo. Ito ang karaniwang
interprerasyon dito ng mga satanista kuno. Tapos pinagmamalaki pa nila. Para sa
iba pang impormasyon, bisitahin mo si Google." mahabang paliwanag niya.
"At kanino galing ang regalo na iyan?"
Hindi na umimik si Ren. Bigla itong natahimik. Wow?
Sumusobra na ba ako sa pagtatanong? Well, huwag ko na nga lang siyang kulitin
at hayaan na lang sa mga dapat niyang gawin.
Nang nakarating na kami sa parking lot, nagpasya siya na
gamitin na lang ang kanyang motor scooter pauwi. Pagdating sa bahay, sinuot ni
Ren ang kanyang piring. Magkukunyari siya ngayon na hindi alam ni Ren na may
surprise birthday party para... sa kanilang dalawa ng ninang niya at siyempre,
kasama ako. Kapag kasi hindi magkukunyari na nasumpresa si Ren ay madedepres
itong si madam Veronica... at kay Ren lang... if you know what I mean.
Nagsimula na ang birthday party ni Ren featuring Sir Simon
na nasa Skype. Napansin ko naman habang nagkakasiyahan kami ay itinago ni Ren
ang kuwinstas niya sa mga ito... para hindi mapansin sigurado. Pero hindi ganoon
ang nangyari.
"Ren, ano iyang nasa leeg mo?" biglang naitanong
ni Sir Simon sa kaniya.
"Huh? Anong kwintas?" tanong din ni madam
Veronica.
Dahan-dahan nilabas ni Ren ang kuwintas niya.
"Ano iyan Ren? Bakit baliktad?" si madam
Veronica.
"Umm... regalo po ito sa akin ng kaibigan ko. Si Kei
po. Iyung binabanggit ko po sa inyo dati." sagot ni Ren.
"Ganoon ba? Maalala ko nga pala. Hindi mo pa siya
naipapakilala sa akin."
"Darating po siya ngayon ninong. Iyun nga lang po ehh
pagka-alis niyo ni ninang, saka pa lang po sila darating. Hindi ko po kayo
maipapakilala ng personal. Okay lang po ba na malaman nila na kayo po ang
mga... parang guardians ko?"
"Wala ng kaso sa akin iyun. Ang kailangan ko ehh
makilala sila at magpapasalamat na din dahil sa may kaibigan ka maliban sa
Music Club." natutuwang wika ni Sir Simon. "Sayang nga lang at may
importante pa akong meeting sa mga oras na iyun."
"Teka? Pwede bang malaman kung bakit nakabaliktad ang
krus na iyan? Hindi ka naman siguro miyembro ng mga satanista Ren hindi
ba?" sunod-sunod na tanong ni madam Veronica.
"Sigurado po ako na napapagod ng sagutin ni Ren iyang
mga tanong niyo po madam Veronica. Hayaan niyo po na ako ang sumagot
niyan." sabat ko. "Okay. So kilala naman po natin siguro lahat ang
mga disipulo ni Jesus. Isa na po rito ay si Peter na isa sa mga disipulo ni
Jesus. Ipinako siya sa krus sa Roma. Dahil ayaw niya pong matulad kay Jesus
kung paano siya pinako, hiniling niya na ipako siya patiwarik. Ang ginawa po
niya ay simbolo ng kababaang-loob. Alam ko po na sa panahon natin ngayon, ang
simbolo ng baliktad na krus ay simbolo ng satanismo. Ito ang karaniwang
interprerasyon dito ng mga satanista kuno. Tapos pinagmamalaki pa nila. Para sa
iba pang impormasyon, bisitahin niyo po si Google." mahabang paliwanag ko.
Copy-paste ko pa.
"Umm... salamat sa paliwanag Edmund." si Ren.
"Ahh! Ganoon ba? Mukhang... meron kang mga
kakaibang... kaibigan diyan Ren huh?" pakumpas na wika ni Sir Simon.
"Opo ninong. At saka mababait din po sila." ngiti
ni Ren. Yeah right. Mababait at kakaiba. Isang taong muntikan siyang gahasain,
isang taong mahilig... alam niyo na kung anong ibig sabihin nun, at ang fiancee
niya.
"Siya nga pala Ren, nagustuhan mo ba iyung biniling
motor scooter na binili para sa iyo ni kuya Jasper?"
"Opo ninong. Salamat po sa regalo. Hindi na ako
mahihirapan pumunta pa sa eskwelahan nito." ngiti ni Ren.
Ren's POV
Ilang minuto ang lumipas at 3:30pm na. Oras na para
magpaalam nila ninang at ninong sa akin. Umalis na sila ninang at Edmund sa
bahay ko. Kinabahan ako ahh. Siguro ay nakaka-agaw atensyon talaga ang kwintas
sa mga kaibigan ko. Baliktad na krus ba naman? At tsaka sa totoo lang, sa lahat
ng mga regalo na ibinigay at ibibigay pa lang sa akin, ito na ang pinakagusto
ko... at galing pa talaga kay Mr. Lion. Ano kaya ang ire-regalo ni Kei sa akin?
Gusto kong malaman. Excited na akong malaman.
Muli ay sinubukan kong itago ang kwintas sa leeg ko. Maya-maya
ay nakarinig ako ng busina ng kotse. Mukhang sila Kei na iyun.
Pagkabukas ko ng gate, pumasok agad ang kotse. Agad namang
bumaba si Janice at umangkla din sa akin. Magiliw nila akong binati ng
maligayang kaarawan.
"Guys, dala niyo ba iyung ilang damit ninyo?"
tanong ko sa kanila.
"Oo naman." sabay-sabay nilang sagot.
"Okay. Pasok na tayo." saka sabay na kaming
lumakad papasok. Magkakaroon kasi kami ng isang night pool party.
"Janice, bitawan mo si Ren." reklamo ni Kei.
"Ayoko nga. Birthday niya ngayon." nguso ni
Janice.
"Hayaan mo na siya Kei. Takot ka talagang agawan ni
Ren ng mapapangasawa ano?" dagdag pa ni Harry.
"Umm... oo nga." gatong ko.
Wala namang nagawa si Kei at bumuntong-hininga. Talo siya sa
boto na 4-1.
Natapos na kaming magkainan ng sinabi ni Janice na oras ng
magbigay ng regalo para sa akin. Nauna si Janice at binigyan ako ng isang kulay
asul na t-shirt. Ang dalawa naman ay...
"Mauna ka na Harry." saad ni Kei.
"Hindi. Ikaw na Kei." wika ni Harry.
"Umm guys, bakit nagtuturuan pa kayo kung sino ang
unang magbibigay ng regalo? Hindi pwedeng sabay na lang?" tanong ni
Janice.
"Wala lang. Gusto ko lang na mauna si Harry."
sagot ni Kei.
"Wala namang kaso sa akin kung mauna ka Kei kaya mauna
ka na." pag-insist pa ni Harry.
"Umm... guys."
"Ganito na lang guys. Sabay na lang kayo."
naiiritang tono na wika ni Janice.
"Hindi. Si Harry na nga muna." pagpipilit ni Kei.
"Ano ba Kei? Mauna ka na?" halos pasigaw na tono
ni Harry. Nagulat kami sa sinabi niya.
"Sabay or sampal?" mas naiiritang wika ni Janice
saka itinaas ang kanyang kaliwang. Mukhang mag-aaway pa ata sila.
"Ano ba Janice? Gusto ko nga na-" mas lalong pagalit
na saad ni Harry subalit sinampal ito ni Janice kaya naputol ang kanyang
sasabihin.
"Isang pang salita at isang sampal ang matatanggap
ninyo. Ikaw Kei, gusto mo?" nakukunsuming saad ni Janice.
"Ikaw!" nagagalit na sigaw ni Harry at itinaas
kanyang kamay.
"Guys, pwede bang tumigil kayo?!" sigaw ko.
Natigil silang lahat. Bakit ba sila nag-aaway kung sino ang
unang tao na magbibigay sa akin ng regalo?
"Pwede bang sabay na kayong magbigay ng regalo tutal
kaarawan ko naman. Huwag kayong mag-away please?"
Nagtinginan ang magpinsan at binaling ulit ang tingin sa
akin.
"Pasensya na. Sabay na lang namin ibigay ang regalo
mo. Hindi ba Kei?" mahinahon na wika ni Harry.
"Yeah. Payag ako. Ibigay na natin." pagsang-ayon
ni Kei.
Sabay nilang binigay sa akin ang mga regalo nila... at
nagulat kami ni Janice. Magkaparehas ang regalo ng dalawa. Parehas na rosaryo.
Kaya pala naiilang kanina si Harry sa kwintas ko. Nagulat na din ang dalawa sa
nakitang regalo. Oh my GOD!
"Sigurado bang magpinsan lang kayo at hindi kambal na
magkapatid?" tanong ni Janice.
"Umm... salamat sa inyo. Napakabuti niyo namang... mga
kaibigan... at parehas na rosaryo pa ang... regalo ninyo... ang kaso."
paputol-putol kong saad saka nanahimik.
"Bakit?" tanong ni Janice.
Inilabas ko na lang ang kwintas na bigay sa akin ni Mr.
Lion kaya hindi ko maisusuot ang mga regalo nilang kwintas.
"Wow... Kaninong regalo iyan? At bakit
nakabaliktad?" tanong ni Kei.
"Bigay ng benefactor ko at nagustuhan ko naman."
pagsisinungaling ko. "At sa kwintas ko naman... umm... magpapaliwanag na
naman ako. So kilala naman natin siguro lahat ang mga disipulo ni Jesus. Isa na
rito ay si Peter na isa sa mga disipulo ni Jesus. Ipinako siya sa krus sa Roma.
Dahil ayaw niyang matulad kay Jesus kung paano siya pinako, hiniling niya na
ipako siya patiwarik. Ang ginawa niya ay simbolo ng kababaang-loob. Alam ko na
sa panahon natin ngayon, ang simbolo ng baliktad na krus ay simbolo ng
satanismo. Ito ang karaniwang interprerasyon dito ng mga satanista kuno. Tapos
pinagmamalaki pa nila. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ninyo si...
Google." Nakakapagod ng mag-explain huh.
"Ganoon ba? Okay lang. Maganda nga ehh hindi ba
Kei?" ngiti ni Harry.
Kinuha ko na rin ang mga regalo nila. Si Kei naman ay
parang pinipilit ang ngiti. Nadismaya siguro dahil hindi ko maisusuot ang bigay
niyang regalo. Ang ganda ng regalo nila kung tutuusin.
Pinagpatuloy namin ang pagsasaya sa likod bahay at naligo
sa pool. Medyo matagal kaming nagsaya nun dahil sa wala kaming klase sa susunod
na araw... at dapat lubus-lubusin na nila dahil malapit na ang impyernong
darating sa mga buhay nila. Ang major exams.
"Guys, inom kayo ohh." pagprisinta ni Kei ng mga
inumin. Dalawang inumin lang ito. Kulang para sa aming... apat.
"Ano ba iyan Kei? Bakit dalawa lang?" tanong ni
Janice na umahon mula sa pool suot-suot ang kanyang bikini. Well at least
bagal.
"Sino ang unang kukuha? Ikaw na lang Ren tutal
kaarawan mo." mungkahi ni Harry habang kinakamot ang ulo.
"Umm... kayo na guys. Huwag na kayong mahiya sa akin.
Mga bisita ko kayo."
"Ganoon ba? Sige." magiliw na wika ni Janice saka
kumuha ng isang baso. Kumuha na rin si Harry ng inumin.
"Kung ganoon, gagawa pa ako ng inumin para sa ating
dalawa Ren." saad ni Kei saka bumalik sa loob.
"Salamat Kei."
Tumingala ako sa langit. Magkakaroon kaya ng ganoon sa
kaarawan ko ngayon? Bakit ko ba hinahanap iyun ehh sobrang imposible na
magkaroon ng ganoon dito.
Ilang minuto ang lumipas, bumalik na din si Kei na may
dalang inumin. Kumuha ako ng dala niyang inumin at sumama siya sa kanila
pagkatapos kong kumuha. Maibibigay niya kaya iyun? Hay nako Ren. Ano ka ba?
Sobrang imposible nun.
Ilang minuto ulit ang lumipas, biglang nakaramdam ng
pagka-antok sila Janice at Harry. Umahon na ang dalawa at nagpa-alam sa amin na
matutulog sa pangalawang palapag. Dito kasi sila matutulog ngayong kaarawan ko.
Kami naman ni Kei... ay gising... pa rin. Nasa pool pa rin kami at... hindi pa
rin ako... nakakaramdam ng... pagka-antok... at pati siya. Weird.
Nagulat ako ng umupo si Kei sa likod ko at biglang niyakap
saka humalik-halik sa leeg... ko.
"Kei." namumula kong saad.
"Hindi ka makatulog no?" malambing na tanong niya
saka humalik pa sa leeg ko. Nakakakiliti.
"Y-Yeah. H-Hindi ako makatulog. Kei, ano ba?
Nakakakiliti talaga. Baka magising sila Janice at Harry at baka makita nila
tayong dalawa."
Tumawa siya ng nakakaloko. "Imposible iyun."
"Bakit naman imposible?"
"Ren, hindi ba isa akong doktor?"
"Yeah. Kaso, hindi ka pa tunay na doktor. Aspirant
doctor ka pa lang." Biglang nakuha ko ang sinasabi ni Kei. "Nilagyan
mo ng gamot?" gulat ko.
"Nakuha mo."
"Baka naman makahalata sila?"
"Makakahalata ba ang mga iyun kung tulog na sila? At
saka pinag-aralan ko ng mabuti ang paghalo para hindi sila makahalata.
Pinag-aralan ko na din kung hanggang kailan tatalab ang gamot."
"Sabi mo iyan ha?"
"Ren, napansin kong nakatingala ka palagi sa langit
kanina. Anong iniisip mo habang nakatingala?"
Tumingala ako sa langit. "Umm... ang pinakagusto kong
birthday gift na makuha... kung sakali."
Tumingala din si Kei. "Isa bang ano... ano ba iyun?
Parang natural na bagay na nangyayari sa langit?"
"Yeah."
"Pwede bang hulaan ko?"
"Huwag na. Hindi naman kailangan. At saka masaya na
ako sa piling mo... sana. Habangbuhay."
"Ako din. Ren, huwag tayo dito. Doon tayo." turo
niya sa lounger... kung saan kami nag-niig noon.
"Kei, may binabalak ka ahh?" nguso ko.
"Kung may binabalak ako, nagawa ko na iyun Ren."
"Huh?" Nag-isip ako ng malalim. "Huwag mong
sabihing nilagyan mo din ng gamot ang inumin... natin kanina?"
"Tama ka." ngiti niya. "Kaya hindi ka
makakatulog ng basta-basta ngayon Ren." bulong ni Kei sa tenga ko at
kinagat ito. Shit! Napapikit ako sa ginawa niya.
"Nagbabalak ka ba na may counterpart iyung ginawa
natin noong isang buwan?"
"Obvious ba. Tara, dali. May ilang oras na lang tayo
na sigurado akong makakatulog ang mga iyun."
"Pero grabe. Dito na naman sa labas. Ngayon, malamig
nga lang."
"Ano ka ba? Papainitin kita. Gamit ng ano ko, sa ano
mo, tapos mag-aano iyung ano natin, at ano." pilyong saad niya.
"Ano ba iyang ina-ano mo sa mga salita mo at ano ka ng
ano?"
"Sinusubukan kong mag-dirty talk sa iyo. Kaso bigla
akong nagbago ng isip. Huwag na lang. Kanina mo pa kasi ako pinapaselos
ehh."
"Kei, pwede bang... huwag muna?" tanong ko.
"Umm.... pwede naman. Kaya lang... well kung gusto
mo." nag-aalangan niyang sagot.
"Disappointed ka ba kasi hindi natin gagawin iyun
gayong pwedeng-pwede naman?"
"Ang hipokrito ko nun kapag sinabi kong hindi ako
disappointed. Pero para sa iyo, gagawin ko. Hindi lang naman sa pagse-sex natin
maipapakita ang pagmamahal ko sa iyo hindi ba? Pero gusto ko pa rin ang mag-sex
tayo."
Natawa na lang ako. "Tara na sa lounger."
"Kala ko ba wala tayong gagawin?"
"Yakapin mo lang ako."
"Ahh. Ganoon ba?"
Lumipat kami sa lounger ni Kei at humiga. Nagyakapan na
lang kaming dalawa. Nakahiga ako sa ibabaw niya. At dahil sa nilagyan niya ata
ng cocaine iyung inumin ko, iyung pampagising na gamot, hindi nga ako
makatulog. Maliwanag pa rin ang buwan ngayong gabi dahil sa bilog na ito. Sana
ang gabing ito, hindi matapos.
"Happy 18th birthday sa iyo Ren." rinig kong bati
ni Kei.
"Salamat."
Sa buong gabing iyun, nag-usap lang kami tungkol sa mga
pangarap namin sa hinaharap at marami pang iba. Naging totoo siya sa sinasabi
niya. Hindi niya ako ginalaw ni nagtangka man lang. Masayang-masaya ako.
Umaga na at gising pa rin ako. Nakahiga naman si Kei sa
sofa at may kausap siya sa phone niya. Naalala ko naman na nangako ako sa mga
kaibigan kahapon na maglalaro kami ng first ever team rank. Kaya nasa harap ako
ng PC at naglog-in sa chatbox.
Ren has entered the room...
Yuuhi: Morning Ren. -_-
Ren: Ikaw din... Yuuhi... at
may problema... ka ba? @_@
Yuuhi: Not just me. Everybody
does.
MarcoH has entered the room...
Ren: H, welcome back. \(o.o)/
MarcoH: Morning. -.-
Ren: ... bad mood ba kayong
lahat? Sensya na at hindi ako nakalaro kagabi. Busy... sa ibang bagay.
Yuuhi: You guessed it right.
Bad mood kaming lahat.
Ren: Pwede ko bang malaman
kung bakit?
MarcoH: Umm... kasi Ren, iyung
bagong salta na pinakilala sa amin ni S, MarcoY pala ang pangalan niya,
hindi... kasinggaling... mo.
Ren: MarcoY... ohh. Bakit may
'Marco' iyung pangalan ng bago nating kaibigan?
Yuuhi: Bakit sinisisi mo naman
kay Y iyun H? Sisihin mo din kaya ang sarili mo? Wala ka sa sarili na naglaro
kagabi.
Ren: Calm down... guys?
MarcoH: Puro bad game kami
kagabi Ren kung alam mo lang. How can we calm down?
Ren: Guys, laro lang iyun.
Huwag naman kayong... seryoso.
Yuuhi: Yup. Laro lang iyun
Ren. Ang kaso, iba ang definition namin ng laro. Iyung mag-eenjoy kami sa laro
ba. Iyung dikit ang laban na hindi mo malalaman kung sino ang mananalo. Pero
pucha, iyung recruit ni S, walang dating.
Ren: Grabe naman kayo. Huwag
naman kayong ganyan. Gagaling din iyun balang araw.
Yuuhi: Ang tanong nga lang ehh
kung kelan pa?
MarcoS has entered the room...
MarcoS: Good morning everyone.
Yuuhi: -.-
MarcoH: ._.
MarcoH has left the room...
Yuuhi has left the room...
Ren: Ergghhmmm...
MarcoS: Anong nangyari sa mga
iyun?
Ren: Backread...
MarcoS: ... bad mood talaga
sila kagabi huh? Let's not talk about it for now. So kumusta ang birthday mo
kahapon?
Ren: Umm... okay naman. And
what's with your sudden concern to me S?
MarcoS: Wala lang. Masama ba?
c(o.oc)
Ren: Hindi naman.
Nakakapanibago lang.
MarcoS: Natural lang iyan.
Kapag ang tao ay nagbabago, ang tao sa paligid niya ay maguguluhan, maninibago,
or the worst, mag-iisip ng mga masasamang bagay.
Ren: Basta ako, nasa
naguguluhan lang.
Napahikab ako bigla. Hindi pa ako nakakatulog kagabi dahil
sa cocaine na pinainom sa akin ni Kei. Inaantok na ako. Buti at wala na ang
epekto ng cocaine. Si Kei naman ay nakahiga at natutulog ngayon sa sofa. Tulog
pa rin sila Janice at Harry. Balak kong matulog pagkatapos nilang maka-alis sa
bahay.
MarcoS: Ren, one game duo tayo
ngayon.
Ren: Pasensya na S. Hindi pa
ako nakakatulog.
MarcoS: Huh? Gising ka
magdamag sa kaarawan mo?
Ren: Obviously?
MarcoS: Ganoon ba? Sayang
naman. Gusto kong makipaglaro sa iyo kasi wala kang kasinggaling.
Ren: Mas magaling ako kay Y?
MarcoS: Obviously. Ano ba
iyan? Nakakalungkot naman.
Ren: Bakit hindi mo na lang
turuan... si Y?
MarcoS: ...
Ren: May problema ba?
MarcoS: ... sa totoo lang,
walang kasinggaling ang pag-support mo sa akin. Noong unang beses mong naglaro,
kitang-kita... ang potensyal mo. Si Y kasi, erghmm...
Ren: Gagaling din iyan. Tsaka
huwag naman kayong ganyan. Masyado kayong negative na hindi siya gagaling.
MarcoS: Well, kung hindi siya
gagaling, bakit hindi na lang tayo ang gumaling?
Ren: Yan nga ang sinasabi ko.
MarcoS: Hmm... okay.
Ren: Sige S. Sa uulitin na
lang okay?
MarcoS: Aasahan ko iyan ahh.
Bye. :D
Ren has left the room...
Naghahanda na ako ng agahan naming lahat. Diretso uwi kasi
ang mga ito dahil nga mag-aaral pa sila sa nalalapit nilang major exams. Unang
bumaba si Harry na humikab.
"Magandang umaga guys. Kumustaaa... ang gabi...
ninyooo?" tanong ni Harry sa amin ni Kei.
ITUTULOY...
Kawawa naman si Kei haha walang birthday sex na naganap hahaha. Happy 18th Birthday Ren!!!
ReplyDelete-44
Sobra hot na nakakabitin yun eksena ni edmund at gerard..... Parang ang sarap ulitin ang bagay na iyon na minsa ko na nagawa hehegege pilyo lang po----- devon
ReplyDeleteWow super haba... aba mai incest dito ,, baka si larson c mr lion, na may lihim na pagtingin sa kapatid nyang c ren... 0_0
ReplyDeletePaki tapos napo to... Wala na pong kwenta ung story mabagal masyado diko nga binbasa..tumigil ako sa pagbasa ng chapter 17...sana kumuha ka ng idea sa ibang story kada post may nasasagot na tanong dun sa story... Ung story mo wala... Paikot ikot lang anung chapter kana wala pa din...
ReplyDeleteUhh medyo slow pace nga... I was expecting Harry to move it up.
ReplyDeleteBiglang ganun? Change of attitude lang si Gerard. lolz...
Tigang si Kie. Salamat sa update.
ReplyDeleteAng sakit naman mag salita yung isang nag comment.
Why
ReplyDelete