Starfish
[Chapter 19]
by: crayon
****Lui****
9:32 am, Monday
March 18
“Shit happens, dre.”,
yan ang paboritong linya ng isa sa mga kabarkada ko. Iyon din ang mga katagang
agad na pumasok sa isip ko ng bumukas ang pinto ng unit ni Kyle at iniluwa nito
si Renz. Kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan lahat ng ayaw mong mangyari
ay pwedeng magkatotoo.
“Anong meron?”, parang
tangang tanong ng aking dating roommate.
‘Wala naman,
nagkakasiyahan lang kami kaso dumating ka. Wala na badtrip na. Panira.’, yun
sana ang gusto kong sabihin sa utak sabaw na kaibigan ni Kyle pero pinili ko na
lang manahimik. Wala naman akong mapapala sa pambabara ko sa kanya. Isa pa ay
mas mabuti na yung maramdaman niya na hindi ko siya gustong makausap.
“Oh Renz? Anong
ginagawa mo dito?”, gulat na sabi ni Kyle. Mukhang maging siya ay hindi
ineexpect ang biglang pgalitaw ng kaibigan.
“Kuyang mabait!”,
tawag ni Andrei kay Renz habang nagpupunas ng luha.
“Hello. Wala naman
naisipan ko lang pumunta. Aalis ba kayo?”, takang tanong ni Renz. Tila noon
lamang niya ako napansin na nakatayo sa likod ni Kyle. May nais pa yata siyang
sabihin dahil naiwang nakabuka ang kanyang bibig pero hindi na niya naituloy
ang pagsasalita ng magtagpo ang aming mga tingin.
Halatang nabigla siya
sa pagkakakita sa akin. Bahagya pa siyang namutla na para bang nakakita ng
multo. Ilang segundo lang naman na rumehistro ang pagkagulat sa kanya. Nang
makabawi ay hinarap niyang muli si Kyle.
“Oo, magbabakasyon
kami ni Aki ng isang lingo sa Zambales eh. Dito muna si Lui para bantayan yung
mga bata. Dito ka na ba uli matutulog?”, tanong ni Kyle habang binababa mula sa
pagkakabuhat si Andrei.
Hindi naman sumagot
agad si Renz, sa halip ay muli nitong ibinaling ang tingin sa akin. At dahil
nasa dugo ko ata talaga ang pagiging tanga, nahuli niya ako na nakatingin sa
kanya. Sana pala ay nagpakilala ako sa kanya noon na banlag ang aking mata para
at least may excuse ako kung bakit sa direksyon niya nakabaling ang aking mga
tingin ng mga oras na iyon. Lucas Willard! Umayos ka! Utang na loob!
Balewala naman kay
Renz ang mga tingin na ibinabato ko sa kanya. Hindi siya natinag at nanatili
lang sa pagkakahinang ang aming mga mata. Ako ang hindi nakatiis at saglit
akong tumingin sa direksyon ni Kyle. Pero parang may rubber band ang aking leeg
at kusa itong bumalik sa pagkakatigin kay Renz.
Sa pagkakataong iyon
ay ako naman ang pansamantalang natigilan. Pakiramdam ko kahapon ay napakatagal
na panahon na mula ng magkakilala kami ni Renz. Halos hindi ko na nga maalala
ang mga bagay na pinagsamahan namin, yung tawa niya, yung ngiti niya, yung
pagkunot ng noo, at pagsasalubong ng kilay niya. Lahat ng detalyeng iyon ay
isang malabong alaala na lamang para sa akin kahapon. Ngunit nang mga sandaling
iyon ay parang binubuhay ng aking isipan ang lahat ng alaalang iyon.
There’s something
about the way he stares that makes me feel and remember things that are
supposed to be forgotten. Damn!
Bakit mo ba ako
tinitingnan ng ganyan? Ano ba ang gusto mong mangyare? Suntukan ba ang hanap
mo? Pakshet ka talagang abnormal ka! Wag mo akong tingnan ng ganyan.
“Bakit
ba ang arte mo?!? Para tinitingnan ka lang eh!”, galit na sagot ng aking isip.
Ayaw kong tinitingnan
niya ako. Wala siyang karapatan. Isa pa, paano niyang nasisikmura ang tingnan
ako ng diretso sa mata matapos ang mga ginawa niya? Hindi ba dapat makaramdam man
lang siya ng kahit konting hiya matapos ang mga nangyare? Parang ako pa nga ang
mas naiilang ngayon kahit na ako naman ang walang sala. Mali siguro talaga ang
takbo ng isip ng isang ‘to kaya malayo ang mga ginagawa niya sa mga dapat gawin
ng isang matinong tao.
Pucha! Hindi ba
humahapdi ang mata ng isang ‘to? Wala man lang kurap eh.
“Pero
aminin mo mas gwapo siya ngayon.”,
sulsol ng aking utak.
What the hell!?! Anong
gwap… hindi ko na natapos ang aking iniisip dahil awtomatikong ininspeksyon ng
mata ko ang kabuuan ni Renz. Medyo nadagdagan ang timbang niya, hindi naman
mataba. Fit pa din ang kanyang pangangatawan sa katunayan ay mas gumanda pa ang
hubog nito kumpara noong huli kaming magkita. Yumayakap sa kanyang malamang
braso at matikas na dibdib ang navy blue na polo shirt na suot niya. Bagay din
sa kanya ang khaki shorts na pang-ibaba niya. Nagmukha siyang malinis at
katakam-takam. Nawala na din ang humpak sa kanyang pisngi, maging ang itim sa
ilalim ng kanyang mata. Bumalik na din yung magandang kutis ng kanyang balat,
well, maganda naman yung kutis niya dati pero iba yung ngayon eh. Hindi yung
maputi na maputla dahil hindi lumalabas sa araw. May kakaibang glow sa kanyang
pagkaputi ngayon. Sa madaling sabi ay hindi mo aakalain na galling ang taong ito
sa pagkalulong sa iba’t-ibang bisyo at depresyon.
“So
love mo na siya uli?”,
walang prenong tanong ng boses sa aking isipan.
Anak ng makating gabi!
Makasalanan talaga ang mata ng tao. Bakit kailangan pa titigan ang ma hindi
dapat na tingnan? Huminga ako ng malalim at pilit na ibinaling ang aking tingin
at atensyon kay Kyle. Napakunot naman ang aking noo ng mapagtantong nakatingin
ito at si Aki sa akin.
“So tapos na ba ang
eye-to-eye conversation nyo ni Renz? O baka nakakaistorbo kami? Pwede naman kaming
pumasok muna sa kwarto para hindi kayo maabala, text ka na lang kapag tapos na
kayo.”, nang-iinis na sabi ni Kyle. Kita ko naman na nahahagikgik din si Aki sa
sinabi ng nobyo.
Shet! Halata ba
masyado? Matagal ba kaming nagkatinginan? Kasalanan ‘to ng kulang-kulang na
bespren ni Kyle eh.
“Ah sorry. Nagulat
lang ako na nandito si Lui. May kukunin lang ako sa gamit ko tapos aalis na din
ako mamaya.”, sagot ni Renz nang hindi ako umimik kay Kyle.
MAMAYA!?! Bakit hindi
pa ngayon? Bakit kailangang mamaya pa? Anak naman ng ano oh!
“Okay, sige. Nandoon
pa din naman sa kwarto yung mga gamit mo eh, nilagay ko lang sila dun sa isang
cabinet. Makihanap na lang kasi andun din yung ibang gamit ng mga bata. Dun na
kasi sila natutulog eh.”, tumango lamang si Renz bilang sagot.
“Oh siya mauna na kami
baka gabihin pa kami sa daan.”, paalam ni Kyle. Muling bumalik sa pagsinghot at
pag-iyak si Andrei. Hinalikan ng magkasintahan ang dalawang bata bilang
pamamaalam.
“Magpakabait kayo ha?
Wag nyong pasakitin ang ulo ng Kuya Lui nyo. Andrei, behave ka okay?”, habilin
ni Kyle bago sila tuluyang lumabas ng pinto ni Aki.
Kinarga ko naman si
Andrei dahil ayaw nitong bumitaw kanina kay Kyle. Nagpatuloy lamang sa pag-iyak
ang bata sa aking balikat. Maging si Sandy ay pinatatahan ni Renz.
Matapos ang halos
isang oras na paghikbi ng magkapatid ay nakatulog din ang mga ito. Inihiga ko
ang dalawang bata sa dati kong kwarto sa unit ni Kyle. Nang lumabas ako ng
kwarto ay dinatnan ko si Renz na nakaupo sa sofa. Nakayuko ito habang nakadantay
ang dalawang siko sa magkabila nitong tuhod.
Wala sa sarili na
napa-sign of the cross na lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman
ko na ang malaking kalbaryo na kahaharapin ko. God help me!
****Renz****
11:12 am, Monday
March 18
When something
unexpected happens, you’ll either be happily surprised or horribly dumbfounded.
On my case though, it’s a mixture of both.
Nang makapasok ako
kanina sa unit ni Kyle ay una kong nabungaran ang mahigpit na pagyayakapan nila
Kyle at ng mga bata. Napatanga lamang ako dahil hindi ko agad na-gets ang mga
nangyayare. Nang ipaliwanag ni Kyle na aalis sila para magbakasyon at maiiwan
ang mga bata sa pangangalaga ni Lui ay noon ko lamang napansin ang kanilang
bisita.
Agad na hinanap ng
aking tingin si Lui. Nakita ko siya sa likuran ni Kyle at wala akong ibang
nagawa o nasabi kundi ang pagmasdan lang siya.
Wala akong nagawa
kundi ang tumingin dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong nasa plano ko
ang makita muli si Lui para muling humingi ng kapatawaran sa mga nagawa ko pero
hindi ako handa na makita siya ng ganitong kaaga. Ni hindi ko pa napagplanuhan
kung anong sasabihin ko sa kanya o anu ang una kong gagawin. Dapat ba akong
umakto ng kaswal lang na parang walang nangyare sa amin o dapat na manliit ako
sa hiya at magmakaawa ng nakaluhod sa kanyang harapan.
Hindi ko rin inaasahan
ang pagbalik niya ng bawat titig ko sa kanyang mata. Matapang niyang
sinasalubong ang aking mga mata, walang
bahid ng pagkailang o hiya. Anu kaya ang tumatakbo sa kanyang isipan ng mga
sandaling iyon?
Shit talaga! Bakit
ngayon pa kami nagkita? Hindi ko magawang magsalita. Ang dating tuloy ay parang
wala akong pakialam sa kanya. Ni hindi ko magawang sabihan siya ng ‘hi’ o ‘hello’.
Tila sinasakal ang aking lalamunan at walang tunog na lumabas mula rito.
Sa kabila ng aking
pagkataranta at kapipihan ng mga sandaling iyon ay may nararamdaman akong saya
sa aking dibdib. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikatuwa pero ramdam kong
magaan ang isang parte ko kahit na papaano.
Hindi ko na napigilan
pa na pagmasdan ng mabuti ang itsura ni Lui. Ganoon pa din naman ang ayus niya,
kagalang-galang, malinis tingnan, mukhang nakaaangat sa buhay, at tiyak na
lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan. Katulad pa din nung huli kaming
nagkita ang Lui na kaharap ko. Maliban sa isang bagay. Ramdam ko na masaya siya
ngayon, siguro may pagka-psychic talaga ako pero malakas ang pakiramdam ko na
masaya siya ngayon. Yung saya niya ngayon ang nakakapagdagdag ng aliwalas sa
kanyang hitsura. Dati kasi ay halata mo na marami siyang bagay na iniisip, pero
ngayon iba talaga ang dating niya.
Muntikan nang hindi
matapos ang aming titigan na dalawa kung hindi pa kami batiin ni Kyle. Matapos
iyon ay nagpaalam na ang magkasintahan sa mga bata. Matagal din na umatungal ng
iyak ang dalawang chikiting bago ito mga napagod at nakatulog. Marahil may
naiwan paring trauma sa kanila sa tuwing may isang malapit sa kanila ang
magpapapaalam. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam ko ang kwento ng
pagkakaiwan sa kanila ng kanilang ina sa simbahan.
Naiwan akong nakaupo
sa sofa ng sala nila Kyle habang inaayos ni Lui ang mga bata sa kama.
Biglang lumakas na
naman ang kabog ng dibdib ko. Kami na lang ni Lui ang naiwan sa unit ni Kyle.
Ano na ang dapat gawin ko? Dapat ko na ba siyang kausapin tungkol sa nangyare?
O baka mas gusto niya na huwag na lang kaming mag-usap? Anu ba ang mas tama? Yung
humingi muli ako ng tawad o yung pagbigyan ko na lang siya sa nais niya na wag
kaming magpansinan?
Kung pagbibigyan ko
siya sa gusto niya ay habang buhay na lang na ganito ang magiging pakikitungo
namin sa isa’t-isa. Kung hihingi naman ako ng tawad ay may ga-alikabok na
tsansa na maging maging magkaibigan kaming muli.
Napayuko na lamang ako
dahil nahihirapan ako na magdesisyon. Ang hirap ng ganito. Mahirap palang
humingi ng tawad kapag ikaw mismo ay hindi mo pa napapatawad ang sarili mo sa
mga kasalanang nagawa mo.
“E-eehhheeemmm…”,
muntik na akong mapatalon ng marinig ko ang tunog na yun mula kay Lui. Nakatayo
siya sa may pinto ng dati naming kwarto at pinagmamasdan lang ako. Pinapaalis
niya na ba ako? Dapat na yata akong tumayo at magpaalam.
“H-H-hi?”, kinakabahan
kong sabi. Mabilis pa sa kidlat na nagsalubong ang kilay ni Lui nung magsalita
ako. Ano bang mali sa sinabi ko? ‘Hi’ lang naman yun ah.
“Anung ‘hi’? Kanina pa
tayo nagkita.”, masungit nitong sabi. Wala naman akong narinig na galit o poot
sa boses niya. Parang yung tono niya lang ng pang-aasar nung unang araw akong
pumunta dito sa unit ni Kyle.
“Pero hindi pa kasi
tayo nag-uusap.”, alinlangan at nahihiya kong sabi. Kahit kasi ako ay hindi
kumbinsido na may sense yung sinabi ko. Lalo namang kumunot ang noo ni Lui sa
sinabi ko.
“At bakit tayo
mag-uusap?!?”, higit na masungit na sabi ni Lui. Napayuko na lang akong muli sa
sinabi niya. Obvious naman na ayaw niya na akong makausap pa. Hindi siguro
maganda na kulitin ko pa siya ngayon.
Napansin kong umupo
siya sa sofa na nasa kabilang side ng sala malayo sa akin saka niya binuksan
yung tv. Tahimik lamang siyang nagpapalipat-lipat ng channel at hindi ako
tinatapunan ng tingin. Para naman akong batang may ADHD na hindi mapakali sa
aking inuupuan. Hindi ko din malaman kung saan ko ibabaling ang aking tingin?
Kung paano ang tamang upo na dapat kong gawin? Saan ko ba dapat ipatong ang
kamay ko? Dapat ba nakayuko ako o nakatingala? Bawal ba akong ngumiti kahit
konti kahit na nakakatawa na yung palabas? Pwede ko ba siyang tingnan ng
panakaw o mas maganda kung ipipikit ko na lang yung mata ko? Siguro dapat hindi
na lang ako gumalaw para wala akong magawang ingay baka maistorbo siya sa
pinapanuod niya?
“Anak ng mongoloid oh!
May langgam ka ba sa brief!?! Bakit hindi ka mapakali dyan sa inuupuan mo!?!”,
muling reklamo sa akin ni Lui. Hindi ko alam na napapansin na pala nya yung
pagkabalisa ko. “Hindi ako makapag-concentrate sa pinapanuod ko eh.”, dagdag pa
niya. Napatingin naman ako sa TV at di ko na mapigilan ang mapangiti.
“Phineas and Ferb?
Paborito mo ba talaga yan?”, natatawa kong tanong nang maalala ko ang unang
beses na sinita ko siya sa panonood ng pambatang palabas na iyon. Halata namang
nagulat si Lui dahil agad siyang napabaling sa TV para kumpirmahin ang sinabi
ko. Kita ko ang unti-unting pamumula ng kanyang pisngi. Lalo naman lumapad ang
aking pagkaka-ngiti dahil ang cute niyang tingnan.
“Bakit ba nangingialam
ka? Eh sa trip ko manuod ng mga taong triangle ang mukha eh.”, masungit nyang
katwiran sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at sinamahan siya sa kanyang
pinapanuod. Hanggang sa matapos ang palabas ay wala nang nagsalita pa sa aming
dalawa. Nanatili lamang kaming nakatingin sa TV. Hindi naman talaga ako
nanunood, nagpapanggap lang. Sa gilid ng aking mga mata ay si Lui ang
tinitingnan ko. Nag-iisip din ako kung paano ba ang dapat na maging approach ko
sa kanya. Yung tipong hindi niya na ako susungitan o kaya babarahin.
****Lui****
12:23 pm, Monday
March 18
Natapos ung anak ng
taong triangle na palabas sa tv pero wala akong naintindihan. Paano ka naman
kasi makakapag-focus sa pinapanood mo kung may tingin sayo ng tingin. Akala
siguro nitong kiti-kiti na ‘to eh hindi ko napapansin yung pagtingin-tingin
niya sa akin. Kung sakaling iniisip uli nito na pagsamantalahan ako, handa na
akong makipagbasagan ng mukha ngayon. Kung nung huling beses na pilitin niya
ako ay pinairal ko ang katangahan ko, sa pagkakataong ito ay kamao at braso na
ang gagamitin ko. Subukan lang talaga nitong pinsan ng higad na to na magpakita
ng kahit anong motibo at magkakabali-bali ang buto niya sa akin.
“Akala
ko ba hindi ka na galit sa kanya?”,
bulong ng isip ko.
Oo nga pala. Sabi ko
noon naka-move on na ako kasi wala na akong kinikimkim na galit para sa tukmol
na to. Eh bakit ngayon pakiramdam ko lahat ng dugo ko umaakyat sa ulo ko sa
tuwing nakikita ko o naririnig kong magsalita etong bespren ni Kyle?
Ah basta, bahala na!
Mas mabuti na siguro yung ganito na puro pambabara na lang ang gawin ko sa
kanya. Mahirap na. Baka mamaya isipin niya pa na may gusto pa ako sa kanya
hanggang ngayon.
“Kumain ka na ba ng
lunch?”, biglang tanong ni Renz. Anak ng bonak naman oh! Mahina ata talaga ang
ulo ng isang ‘to. Hindi niya ba napapansin na ayaw ko siyang kausap? Bakit kailangan
pa uli magsalita? At kung magtanong pa parang close na close kaming dalawa.
“Hindi pa. Sa labas na
lang ako kakain.”, tipid kong sagot. Mabuti na yung close-ended yung mga sagot
ko para wala na siyang maihihirit pa.
“Paano yung mga bata?
Hindi ka ba magluluto?”, pangungulit nito. Tataas ata ang BP ko ng wala sa oras
dahil sa abnormal na ‘to.
“Eh di sa labas na
lang kami kakain lahat mamayang paggising nila.”, inis kong sagot.
“Hindi maganda kung
puro sa fastfood mo papakainin yung mga bata, baka maging sakitin yung mga
yun.”, hirit na naman ni Renz. Sinusubukan talaga ng isang ‘to ang pasensya ko
ah.
“Sa likot at kulit ni
Andrei kahit bacteria at virus magdadalawang isip na lumapit sa kanya. Pero
kung health ang inaalala mo, sa restaurant na puro organic lang ang food kami
kakain, okay na ba? Pwede na bang tahimik na lang uli tayo?”, bara ko kay Renz.
Kita ko naman ang paglungkot ng mata niya, malamang ay hindi niya inaasahan ang
biglang pagsigaw ko sa kanya. Parang maiiyak pa ata sya. Sandali kaming
natahimik na dalawa. Ibinalik ko ang aking tuon sa tv at pilit na hindi
pinanasin si Renz.
“Alam ko na, magluluto
na lang ako para hindi na kayo ma-hassle na lumabas!”, masayang sabi ni Renz
saka dali-daling tumayo at tumungo sa kusina. Wala na akong nagawa pa kundi
mapapikit na lang.
‘Lord,
bigyan niyo po ako ng pasensya na singhaba ng pila sa MRT kapag rush hour.
Hindi ko po ata matatagalan ang isang to’, lihim kong dasal.
Hindi ko na
pinakialaman pa si Renz dahil nagsimula na itong magtrabaho sa kusina. Lalo lang
hahaba ang diskusyon namin kung kokontrahin ko pa sya. Nanunood na lang ako
muli ng tv hanggang sa makatulog ako.
Hindi ko alam kung
gaano ako katagal na nakatulog. Nagising na lang ako ng may humila ng remote
control sa kamay ko. Agad naman akong napadilat dahil sa pagkagulat. Bumungad
sa akin ang malungkot pa ding mukha ni Andrei. Bahagya pang namumugto ang mata
nito dahil sa pag-iyak at kita ang pagkamatamlay nito.
“Spongebob na kuya,
manunuod ako please?”, malungkot na pakiusap nito sa akin ng mapansing
nakatingin lang ako sa kanya. Tumango na lamang ako bilang sagot. Nakakaawa din
pala talaga ang isang ‘to kapag nagpa-puppy eyes. Teka marunong na ba tumingin
ng oras ang isang ‘to? Bakit alam niya na kapag Spongebob na ang palabas? Nakita
kong kinatikot nito ang remote at inilipat sa Nick Jr. At sakto nga nagsisimula
na yung paborito niyang palabas.
Naupo ito sa harap ng
tv pero nanatili pa din itong matamlay.
“Paano mo nalaman na
Spongebob na?”, labis kong takang tanong sa bata.
“Ni-alarm ni Daddy
Kyle yung phone ni Ate eh. Ang tutunog yun lage kapag Spongebob na tsaka
Avatar, kaya nga ako nagising eh.”, paliwanag nito sa akin nang hindi
tinatanggal ang tingin sa tv. Napatanga na lang ako sa batang kausap ko. Mana
din to ng pagka-weird kay Kyle. Sinamahan ko lang siya manuod ng tv. Nang
patapos na yung palabas ay lumabas na din ng kwarto si Sandy at naupo sa sofa.
“Kuya Lui, ang gugutom
na ako.”, sabi ni Andrei.
“Tara kain tayo sa
labas.”, masayang aya ko sa mga bata para mawala naman yung katamlayan nila.
“Ayaw ko lumabas.”,
reklamo ni Andrei saka humiga sa carpet sa sala. Anu ba ‘to? Nagta-tantrums ba
‘tong batang ‘to? Para kasi itong pusang nag-iinat sa sahig eh.
“Nami-miss ko na si
Daddy Kyle.”, malungkot na sabi ni Andrei habang dumadapa ng higa.
“Kids, tara na kakain
na tayo.”, biglang singit ni Renz na kakagaling lang sa kusina. Nandito pa pala
itong isang to. At talagang nagluto siya ng tanghalian ha.
“May cordon byu? Yung
chicken rolls na may ham, na may cheese, na may carrots, na nisasaw sa masrap
na sauce Kuya?”, usisa ni Andrei. Napakunot naman ang noo ko sa tanung ni
Andrei. Parang nagpa-order lang sa restaurant ang isang to ah.
“Kuya Renz, may
buttered veggies po tsaka fish fillet?”, tanong naman ni Sandy. Napataas na
talaga ang kilay ko sa magkapatid na to. Iba na ang trip nila ngayon sa
pagkain. Akala ata nila nasa handaan kami kung makapagtanong ng ulam.
“Syempre meron nung
mga yun. Tara na, tumayo na kayo dyan.”, hindi ko alam kung gaano naging kalaki
yung mata ko sa sinagot ni Renz. Siguro sobrang laki kasi natawa siya sa akin
nung makita yung reaksyon ko.
Tumayo na ang mga bata
at tumungo sa dining tabke para kumain. Ayaw ko sanang tumayo para kumain pero
naisip ko na kailangan kong alalayan ang mga bata sa pagkain kaya napilitan na
din akong sumunod sa kanila.
Nang makarating ako sa
lamesa ay nakangiting nakatingin sa akin si Renz.
“Hindi ako kakain.
Susubuan ko lang ang mga bata.”, masungit kong sabi dito. Marahil ay iniisip
nito na excited akong matikman ang niluto niya kaya ganoon na lang kalapad ang
kanyang ngiti.
“Kaya ko naman kumaing
mag-isa eh.”, biglang singit ni Andrei.
“Kumain ka na lang
kasi. Wala naman lason yung niluto ko.”, dagdag pa ni Renz saka sila nagsimula
lahat na kumain. Katulad nang sinabi ni Renz ay nandoon nga ang mga paboritong
pagkain ng mga bata. Maganang kumain sila Andrei at Sandy habang parang baliw
na ngingiti-ngiti si Renz habang sumusubo ng pagkain.
Anak naman talaga ng
pating oh! Bakit ba ganito ka-weird ang pakiramdam na manood sa mga kumakain
lalo na kapag alam mong masarap yung kinakain nila? No! It’s not gonna
happen.There’s no way I’m goin’ to let him have fun watching me enjoy eating
what he cooked. Kung inaakala niyang mate-tempt niya ako sa ganitong diskarte,
nagkakamali siya! Hindi ako ganoon karupok para makuha lang sa isang masarap na
pananghalian. By masarap na pananghalian I mean a golden fried chicken roll,
crispy on the outside, juicy on the inside, that comes with a savory looking
white sauce, plus my favorite fish fillet with tartar sauce and a appetizingly
colorful buttered veggies.
“Cheat
day ko naman ngayon sa diet ko di ba?”, tanong ko sa aking sarili.
Shet! No! Ano ngayon
kung cheat day ko sa diet today?!? Kakain na lang ako sa labas! Magpapaka-sawa
ako sa pizza o kaya fries pero hindi ko kakainin tong niluto nang kumag na ‘to.
“Mas masarap yang kung
titikman mo at hindi lang titingnan.”, puna sa akin ni Renz. Nakatingin ba ako
sa pagkain? Hindi naman ata.
“Wag ka na ang hiya
kuya Lui. Ang kain ka na oh.”, singit ni Andrei saka walang paalam na naglagay
ng pagkain sa plato ko mula sa kinakain niya. Nilagyan niya ng slice ng chicken
roll yung plato ko saka nilagyan ng sangkaterbang sauce. Ginaya din siya ni
Sandy at nilagyan naman ng veggies at fish fillet yung pinggan ko. Syempre
magpapatalo ba ang sinto-sintong pasimuno ng lahat ng ito? Si Renz na ang
naglagay ng napakaraming kanin sa kakainin ko. Wala na akong nasabi dahil
nagulat ako sa ginawa nila.
“Ang ubos mo yang Kuya
Lui ha?”, natatawang sabi ni Andrei sa akin.
“Hindi naman kasi ako
nagugutom.”, sagot ko sa bata.
“Basta ang ubos mo
yan, sabi ni Daddy Kyle bad daw yung nagsasayang ng pagkain.”, pangangatwiran
ni Andrei.
“Don’t be a bad
example.”, nakangising sulsol ni Renz. Binigyan ko lamang siya ng isang
masamang tingin. Anak ng timawa! Nagulat akong kusang gumalaw ang kamay ko at
inabot ang kutsara’t tinidor. Gutom na ata talaga ako kasi tinatraydor na ako
ng katawan ko. Nakita ko ang lalong paglapad ng ngiti ni Renz ng magsimula na
akong kumain. Pinasya kong palampasin na lang muna ito. Okay 1-0 ang score
namin pero sisiguruhin kong hindi na uusad pa ang puntos niya sa akin.
Matapos kaming makakain
ay kusang niligpit ni Renz ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga plato.
Inasikaso ko naman ang mga bata. Halatang medyo malungkot pa din ang mga ito.
Tinatanong ko sila kung gusto nila lumabas pero ayaw daw nila dahil tinatamad
daw sila at mas gusto daw nilang manuod na lamang ng tv sa kwarto ni Kyle.
Hinayaan ko na lamang sila sa kanilang gusto, siguro naman bukas ay hindi na
ganito ang kanilang diposisyon.
Habang nanonood ang
mga bata sa kwarto ay pinasya ko munang manuod na lang din ng tv sa sala.
Dinatnan ko doon si Renz na nagbabasa ng magazine. Hindi ko ito pinansin at sa
halip ay binuksan ko na lamang ang tv at naghanap ng magandang palabas.
Inilapag ni Renz ang kanyang binabasa at sumulyap-sulyap na naman sa akin.
“Ano
ba talaga ang problema ng isang ‘to?!?”, bulong ko sa aking sarili. Kanina pa siya tingin ng
tigin sa akin. Ano ba ang gusto niyang mangyare?
****Renz****
2:42 pm, Monday
March 18
Alam kong kanina pa
naiilang sa mga tingin ko si Lui at malamang ay kanina niya pa din ako gustong
sapakin. Gayunpaman, ay hindi ko naman mapigilan ang aking mga mata na huwag
siyang tingnan. Daig ko pa ang matandang baklang naninilip sa urinal ng MRT sa
pagdiskarte na makakuha ng patagong sulyap kay Lui.
Kanina ko pa din siya
gusto kausapin ng seryoso pero nahihiya ako. Kusang umuurong ang dila ko sa
tuwing tatangkain kong magsalita. Hindi ko pa din kasi naiisip kung anong dapat
kong sabihin sa kanya.
Kanina niya pa din ako
binabara at sinusungitan. Obvious na obvious na ayaw niya ang presensya ko sa
paligid. Kung nasa matino akong pag-iisip ay dapat kanina ko pa siya
pinagbigyan at umuwi na lang sana ako sa bahay pero ayaw naman kumilos ng paa
ko patungo sa pinto.
Pinasya kong ipagluto
silang tatlo ng mga bata ng tanghalian sa pagbabakasakali na lumambot ng kaunti
ang puso ni Lui pero lalo lang ata itong nainis sa ginawa ko.
Aaaaarrrgggghhh!!!!!
Hindi ko na alam
talaga ang gagawin ko. Wala din ako maisip na hingan ng tulong. Alangan namang
istorbohin ko pa sila Kyle sa kanilang bakasyon. Hindi din naman ako pwedeng
humingi ng tulong sa iba kong kaibigan kasi tiyak na mapipilitan akong
magkwento tungkol sa mga nangyare sa amin ni Lui na hindi ko naman handa o
gustong gawin.
“Eeehheeeemmm.”, para
naman akong nagising sa isang panaginip sa ginawang pag-ehem ni Lui. Napatagal
ata ang pagtitig ko sa kanya.
“Pe-p-pww-pweede ba
tayong mag-usap?”, kinakabahan kong tanong. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa
aking noo kahit na malamig naman sa loob ng unit ni Kyle.
“Hindi. Busy ako sa pinanonood
ko.”, agad na pagtatapos ni Lui sa aming usapan. Hindi na ako nakaimik pa. Ano
pang laban ko dun e binara na ako agad nagpapaalam pa lang ako makipag-usap?
Napasandal na lang ako
sa aking kinauupuan. Shet! Mahirap pa tong suyuin kesa kay Kyle ah.
Matapos iyon ay hindi
ko na uli kinausap si Lui dahil tinablan na ako ng pagkapahiya pero hindi pa
din ako umuwi. Naiwan ako para ipagluto sila ng hapunan. Pagkatapos naming
kumain ng sabay-sabay ay ako muli ang naglinis ng aming pinagkainan habang si Lui
ay nilinis ang mga bata para ihanda ito sa pagtulog.
Late na ng mapatulog
ni Lui ang mga bata. Pasado alas-diyes na ata ng lumabas si Lui mula sa kwarto
ng mga bata. Kita kong nagulat pa ito ng datnan akong nakaupo sa sala. Marahil
ay iniisip nito na naka-uwi na ako.
“Saan ka matutulog?”,
masungit na tanong nito sa akin.
“H-ha?”, ako naman ay
nagulat na kinausap ako nito.
“Pambihira. Saan ka
kako matutulog?”, pag-uulit niya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba
iyon o may hint ng takot akong nakita sa mga mata ni Lui. Siguro ay iniisip
nito na tatabi na naman ako sa kanya at may kung ano na naman akong gagawin.
“Uuwi ako sa bahay.”,
tugon ko. Biglang nag-iba ang timpla ng pakiramdam ko. Ganito pala ang feeling
kapag may taong nangingilag na sa’yo dahil nagawan mo sila ng masama. Sa isang
iglap ay bumalik lahat sa akin yung mga alaala ng mga ginawa ko kay Lui at yung
mga panahon na nilamon ako ng guilt sa rehab sa tuwing naaalala ko ang mga
iyon.
“Hinintay ko lang na
makatulog ang mga bata.”, dagdag ko pa. Hindi ko na hinantay pa na magsalitang
muli si Lui sa halip ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang pinto
palabas.
Tiningnan lamang ako
ni Lui habang naglalakad ako palabas. Ramdam kong nawala ang kaninang tensyon o
takot na nabanaag ko sa kanya. Muli ay may kumurot sa aking damdamin. Halimaw
na ata ang tingin sa akin ni Lui. Kung sabagay ay hindi ko naman siya masisisi
na ganoon ang maging trato sa akin.
“Good night Lui.”,
hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi kong iyon bago ako tuluyang lumabas.
Hindi ko na tiningnan pa ang kanyang naging reaksyon dahil baka hindi ko lang
magustuhan ang makikita ko.
Nag-drive ako pauwe sa
bahay sa Mandaluyong. Medyo wala ako sa sarili dahil iniisip ko pa din ang
maghapong nangyare sa unit ni Kyle. Parang nakapinta na sa aking isipan ang
lamukos na mukha ni Lui sa tuwing nakikita o kinakausap ko. Napa-buntong
hininga na lamang ako.
Paano ko gagawing
humingi ng tawad sa kanya, eh yung kausapin nga ako o tingnan ng diretso sa
mata ay parang ayaw niyang gawin?
Sulatan ko na lang
kaya siya? Old school pero at least doon hindi niya na kailangan pang tiisin
ang makita ako. Hindi! Malayong basahin niya yung isusulat ko oras na malaman
niyang sa akin galing yung sulat, malamang sa punitin niya agad iyon kapag
nalaman niyang sa akin nanggaling yung sulat.
Eh kung kay Andrei ko
na lang kaya ipasabi yung message ko? Matalino naman si Andrei kaya niya siguro
matandaan lahat ng sasabihin ko sa kanya. Pwede din naman akong magpatulong kay
Sandy, gagawa ako ng sulat tapos ipapabasa ko sa kanya kay Lui. Sa ganoong
paraan ay mapipilitan na makinig si Lui sa sasabihin ng mga bata. Bwiset! Hindi
din pala pwede yung Plan B ko. Tsismoso nga pala si Andrei tiyak na tatanungin
ako nun kung bakit ako nagso-sorry kay Lui. Hindi man ako nun tanungin tyak na
magkekwento yun kay Kyle at si Kyle naman ang mangungulit sa akin. At kapag
nalaman ni Kyle yung ginawa ko, panibagong gulo na naman yun. Dalawa pa sila ni
Lui na magiging kaaway ko.
Pambihira! Mukhang
wala akong choice kundi harapin ito ng mag-isa. Kailangan ko sigurong tiisin na
lang ang pagsusungit, pambabara, at pang-aasar sa akin ni Lui hanggang sa
dumating sa point na kaya niya na akong kausapin. Hindi pala. Kailangan ko pala
tong magawa bago pa bumalik sila Kyle. Dahil oras na makabalik sila Kyle ay
tiyak na magtatago na muli si Lui at hindi na magpapakita pang muli sa akin.
Hindi ko na namalayan
na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Matapos igarahe ang sasakyan ay
dumiretso na ako sa aking kwarto para magpahinga. Kailangan ko ng lakas para
bukas. Haaaayyyy.
****Lui****
6:02 am, Tuesday
March 19
“Kuya
Luuuuiiiiii!!!!! Ang gising ka naaaaaa!!!!”, malakas na bulahaw ni Andrei sa
mahimbing kong tulog. Ano bang problema nang batang ‘to?!? Hindi ba siya napapagod
na sumigaw?
“Andrei,
maaga pa. Mag-sleep ka pa para tumangkad ka.”, pang-uuto ko sa bata. Hindi kasi
ako sanay na gumising ng ganito kaaga lalo na at hindi ako masyadong nakatulog
kagabe.
“May
school ako kuyaaa!!! Ang gising ka na, lagot tayo kay Daddy Kyle kapag na-late
ako sa school.”, pangungulit nito habang nagtatalon sa kama. Unti-unti naman
akong nahilo dahil parang lumilindol yung hinihigaan ko dahil sa pagtalon ni
Andrei.
“Hindi
ka male-late akong bahala. And can you please get off the bed?”, pakiusap ko
rito.
“Daliii
naaa!!!! Ang luto na ng pagkain si Kuya Renz eh! Ang kakain na daw tayo. Ang
bangon ka na dyan!”, bigla namang nag-switch on ang utak ko at nawala ang lahat
ng antok ko sa katawan.
“Anu namang ginagawa dito ng tukmol
na yun ng ganito kaaga!”
“Sabihin
mo sa Kuyang Lasing mo umuwi na sa kanila.”, utos ko kay Andrei saka muling
nagtalukbong ng unan at dumapa ng higa. Masyado pang maaga para masira ang araw
ko. Pipilitin ko na lang na matulog muli. Alas nwebe pa naman ang pasok ng mga
bata.
“Hindi
na siya ang lalasing no! Kuyang mabait na uli siya.”, dinig kong sagot sa akin
ni Andrei bago bumaba ng aking kama at lumabas ng kwarto. “Kuya Renz, ayaw ang
gising ni Kuya Lui.”, pagsusumbong pa nito kay Renz. Hindi ko na lang sila
pinansin at muling sinubukang matulog.
Mahihimbing
na sana uli ako ng tulog at mananaginip nang may maramdaman akong basa sa
pisngi ng aking pwet hanggang sa naging masakit.
“Aaaarrrgggghhh!!!”,
napabalikwas ako ng bangon sa kama dahil doon. Kita ko naman na nakaupo sa
aking paanan si Andrei at tawa ng tawa.
“Ahahahahaha!
Ang gising ka na! Good morning!”, nang-aasar na bati sa akin ni Andrei.
“Anong
ginawa mo?”, medyo inis kong sabi sa bata pero balewala lang ito kay Andrei at
nagpatuloy sa pagtawa.
“Sabi
ni Kuya Renz kagatin daw kita sa pwet para magising ka na eh.”, nakangisi
niyang sabi.
Bwiset
talaga ‘tong kumag na ‘to. Tinuturuan pa
ng kalokohan ang bata. Humanda talaga sa akin ‘tong Renz Angelo Razon na
‘to.
“Tawa-tawa
ka pa dyan! Masakit kaya! Tara na, kumain na tayo.”, wala na akong nagawa kundi
tumayo sa kama dahil alam kong nawala na talaga ng tuluyan ang antok ko sa
ginawa ni Andrei. Nauna nang lumabas ng kwarto si Andrei at sumunod naman ako.
“Kuya
Renz, ang gising na si Kuya Lui. Ang galling mo talaga!”, papuri pa ng bata sa
pasimuno ng kalokohan. Inabutan ko si Renz at Sandy na nakaupo na sa may lamesa
at nagsisimula nang kumain. Nakangisi pa si Renz nang makita akong lumabas ng
kwarto. Marahil ay narinig niya ang pagsigaw ko mula sa kagat ni Andrei.
“Good
morning Kuya Lui.”, bati sa akin ni Sandy.
“Good
morning Sandy!”, sagot ko sa bata saka binalingan si Renz. “Ikaw ba nag-utos
kay Andrei na kagatin ako?”, naninindak kong sabi sa kanya.
“Oo.”,
kalmado niyang sagot. Anong nakain nito? Kahapon lang ay halos magkabuhol-buhol
ang dila niya sa tuwing kakausapin ako tapos ngayon parang siya naman ang
maangas.
“Ikaw
ang bantay ng mga bata tapos ikaw pa ‘tong huling bumabangon sa kama. Umupo at
kumain ka na nga dyan, papaliguan mo pa yung mga bata. Alam mo namang may pasok
sila ngayon eh.”, sermon sa akin ni Renz. Sa halip na sindakin siya ay ako ang
nagulat sa naging asta niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita at napaupo na lang
sa tabi ni Sandy na kumakain na ng pancakes.
Wait
lang ano bang nangyare? Di ba dapat ako yung galit at nagsusungit? Bakit
biglang ako ang nasermunan?
“Bakit
ka ba andito?”, sinubukan kong bumawi mula sa pagkapahiya ko.
“Dito
ako nakatira. Nakalimutan mo na bang pinatira ako dito ni Kyle noon? Roomate pa
nga tayo dati di ba?”, dire-diretso niyang sagot sa akin habang titig na titig
sa aking mata.
“Pero
--- “, hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil nagsalita na naman si
Renz.
“Pwede
bang kumain ka na lang kasi baka ma-late pa yung mga bata.”, naiinis niya sabi
sa akin. Nagulat na lang ako na naglalagay na ako ng pancakes sa plato ko at
nagsisimula nang kumain.
Shit!
Nanaginip pa ba ako? Di kaya nakainom na naman tong si Renz? Wala talaga sa
katinuan ang isang ito. Kung kahapon ay hiyang-hiya siya sa akin ngayon naman
ay para walang anumang nangyare sa amin. Parang bumalik kami sa unang araw
naming dalawa dito sa unit ni Kyle. Nandoon nang muli yung angas sa boses niya
at nagagawa niya pa akong sagut-sagutin ngayong umaga.
Ang
aga-aga sira na ang araw ko. Mukhang 2-0 na ang score sa pagitan namin nitong
siraulong ‘to ah.
Pagkatapos
namin kumain ay inasikaso ko na ang mga bata. Pinaliguan ko na ang mga ito at
binihisan. Ngayon ko naiintindihan ang sinabi sa akin ni Kyle bago siya umalis.
Para nga akong nag-gym sa pag-aalaga kay Andrei. Grabe ang kakulitan ng batang
‘to. Nagpahabol pa sa akin ng mga sampung minuto bago ko napaliguan sa banyo.
At nung naliligo naman ay ayaw nang magpaawat. Gusto pa daw niyang maglaro sa
banyo. Pati sa pagbibihis ay sumakit ang ulo ko sa kanya. Ayaw daw niya nung
mga pinipili kong damit ang gusto daw niya ay yung spongebob na shirt na binili
sa kanya ni Kyle na hindi naman namin mahagilap kung nasaan.
“Kuya
Luuuiiii!!! Gusto ko yung spongebob! Favorite ko yun eh. Sige na po
pleassseee!!! Ang hanap mo na yun.”, maktol ni Andrei sa akin habang ako ay
nakaupo sa sofa dahil napagod na ako sa kahahanap nung lintik na t-shirt na
sinasabi niya.
“Hindi
ko nga makita kung nasaan yun Andrei.”, pikit mata kong sagot sa bata. Hindi
naman ito ganito kakulit nung huli ko siyang alagaan.
“Andrei,
magbihis ka na male-late ka na.”, ma-awtoridad na utos ni Renz.
“Kuya
Renz, ayaw ko nung damit ko. Gusto ko si Spongebob.”, reklamo niya sa kausap.
“Baka
nasa labahan pa si Spongebob mo. Bibili na lang tayo ng bagong Spongebob na
tshirt pagkagaling mo sa school. Dali na magbihis ka na.”, panunuya ni Renz.
“Yeheeeeyyy!!!!”,
sigaw naman ni Andrei. Lalo naman akong napapikit sa matinis nitong boses.
Ilang beses ba sa isang araw sumigaw ang isang ‘to? “Kuya Lui, akin na yung
pinapasuot mo na t-shirt.”, wika nito sa akin.
“Akala
ko ba ayaw mo nun?”
“Eh
wala si Spongebob eh.”, kibit-balikat nitong sabi.
“Yun
nga ang sinasabi ko sa’yo kanina pa di ba?”, naiinis kong pakikipagtalo kay
Andrei.
“Hindi
mo naman nisabing wala eh, ang sabi mo lang di mo ang kita.”, pangangatwiran
nito.
“Magkapareho
lang ang ibig sabihin non.”, singhal ko.
“Hindi
kaya! Magkaiba kaya yun, di ba Kuya Renz?”, paghingi nito ng saklolo kay Renz.
“Oo,
magkaiba yun. Dali na Lui, bihisan mo na yan baka ma-late na sila.”, utos naman
sa akin ni Renz. Napakunot na lang ng todo ang noo ko sa dalawa na nagsanib
pwersa pa talaga para pagtulungan ako.
“Bihisan
mo mag-isa mo!”, asik ko kay Renz sabay bato sa mukha nya nung isusuot na t-shirt
ni Andrei. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinungo ang kwarto para tulungan na
magbihis si Sandy. Narinig ko ang tawanan ng dalawa sa aking likod habang
papasok ako sa kwarto. Pakiramdam ko ay magkakuntsaba pa sila para pahirapan
talaga ako ngayong umaga.
Nang
makagayak na ang mga bata ay lumabas na kami ng unit ni Kyle. Nagulat pa ako ng
sumama sa amin si Renz at nagpumilit na kotse na lang niya ang gamitin papunta
sa papasukan ng mga bata. Tumutol ako pero wala na akong nagawa nang sa kotse
ni Renz piniling sumakay ng mga bata. Sinusubukan talaga niya ang pasensya ko
ngayong umaga.
Una
naming inihatid sa klase niya si Sandy, pagkatapos ay si Andrei naman ang
hinatid namin. Bilang sobra sa pagka-bibo si Andrei ay kinulit pa niya ang
teacher niya na makilala kami. Wala na kaming nagawa ni Renz nang hilahin ni
Andrei palapit sa amin ang isa sa facilitator nang klase nila.
“Teacher
Lucy, meet Kuyang Mabait”, sabay turo ni Andrei kay Renz. “tsaka si Kuyang may
balbas.”, anak ng bigote! Malamang ako yung tinutukoy niya. Bakit ba kasi hindi
maalis sa isip nitong kolokoy na to yung balbas na hindi niya dapat nakita?
“Hi,
I’m teacher Lucy. Nice meeting you both!”, masayang bati nung babae sa amin.
Nakipagkamay naman kami ni Renz sa kanya.
“Pasensya
na ho kayo sa kakulitan nyang alaga namin ha.”, wika ni Renz.
“Nako
wala iyon, mabait naman ‘tong si Andrei. Tsaka marunong naman siyang sumunod
kaya okay lang. Nasaan pala sila sir Kyle at Aki?”, tanong nung guro.
“Ah
nagbakasyon sila, kami ang naiwang bantay ng mga bata.”, paliwanag ko naman.
“Gwapo
naman pala ng mga bantay mo Andrei eh.”, biro ng kausap namin.
“Gwapo
talaga yang si Kuyang may balbas!”, nakangiting sabi ni Andrei.
“Wala
naman siyang balbas ah?”, naguguluhang tanong nung guro.
“Meron
po!”, sigaw ni Andrei. “May balbas po siya sa to---“, agad kong tinakpan ang
bibig nung bata bago pa man siya may masabing uubos nang natitira kong
kahihiyan sa katawan. Ang kasama ko naman na si Renz ay halatang nagpipigil sa
pagtawa.
“May
balbas kasi ako dati.”, alanganin kong palusot. Mukhang naniwala naman yung
babae.
“May
balbas ka ba dati Kuya?”, naguguluhang tanong ni Andrei sa akin nang tanggalin
ko ang kamay ko sa bibig niya.
“Oo
meron!”, sarkastiko kong sagot. “Sige na pumasok ka na. Aalis na kami. Sunduin
na lang namin kayo ng ate mo mamaya.”, paalam ko kay Andrei.
“Okay!
Ba-bye!”, paalam sa amin ni Andrei saka humalik sa pisngi namin ni Renz.
“Sige
po ma’am, mauna na po kami.”, paalam ni Renz sa teacher ni Andrei.
Pagkabalik
namin sa kotse ay tinanong ako ni Renz kung saan kami pupunta.
“Malay
ko sa’yo kung saan ka pupunta. Ako gagala muna ako.”, sagot ko. Feeling niya ba
ay gusto kong magpalipas oras ng kasama siya? Masyado naman atang
nagpapaka-komportable ang isang ito.
“Saan
ka sasakay?”, tanong nito habang nakangiti. Pucha! Planado pala niya ‘to eh.
Kaya ayaw ako pagdalin ng sasakyan para mahirapan akong humiwalay sa kanya
kapag nahatid na namin yung mga bata.
“Magta-taxi
ako.”, mabilis kong sagot.
“Madalang
ang taxi dito.”
“Maghihintay
pa din ako.”
“Bago
ka, makasakay nang taxi nakalabas na uli si Andrei.”
“Eh
di okay lang, uuwi na kami.”
“Andito
na uli ako nun, sa sasakyan ko na uli ikaw sasakay nun.”
“Bakit
ba ang dami mo pang sinasabi? Umalis ka na nga!”, pagtataboy ko sa kanya dahil
naubusan na ako ng isasagot.
“Hahahaha!
Tara na kasi. Ang arte mo para kang babae.”, sagot naman ni Renz sabay hila sa
kamay ko papasok sa sasakyan niya. Hindi ko na nagawang mag-protesta dahil
kinaladkad na niya ako sa loob ng sasakyan.
Pumunta
kami sa isang malapit na mall at doon namin piniling magpalipas ng oras. Hindi
kami gaanong nag-uusap na dalawa. Nang mainip sa paglalakad ay hinila na naman
ni Renz ang kamay ko.
“Bitawan
mo nga yung kamay ko.”, reklamo ko.
“Ayaw
ko nga.”, nang-iinis niyang sabi.
“Saan
ba tayo pupunta kasi?!?”
“Manonood
ng sine. May oras pa naman eh.”, maangas niyang sabi.
“Ayaw
ko namang manuod ng sine e. Ikaw na lang.”, sagot ko.
“Hindi
pwede, gusto ko samahan mo ko.”
Bakit
ba parang hari ‘to umasta? Akala mo walang atraso sa akin kung makapagutos.
Wala na ba siyang nararamdaman na kahit na konting hiya sa akin?
Nang
makrating kami sa cinema ay agad na bumili ng ticket si Renz. Bumili din siya
ng popcorn at maiinom saka kami sabay na pumasok sa loob ng sinehan. Sa may
bandang dulo kami ng sinehan pumasok. Wala masyadong tao ng mga oras na yon.
Halos puro mga maiingay na bata nga ang naroon sa loob ng sinehan.
“Ano
bang panonoorin natin? Hindi ko napansin kanina sa labas eh. Parang hindi naman
maganda, wala masyadong nanunuod.”, komento ko.
“Basta
maganda yan, magugustuhan mo.”, maiksi niyang sabi bago nagsimula yung palabas.
Akala
ko ay isang romantic na cheesy na palabas ang pinili ni Renz. Nagulat na lang
ako ng makita na cartoons pala ang napili niya. How to train your dragon 2.
Matagal na mula nang mag-showing ang movie na ito kaya pala wala na masyadong
tao sa loob. Aaminin ko naman na nag-enjoy ako sa palabas. May ilang ulit ko
ding sinaway ang aking sarili dahil nakangiti ako habang nanunuod. Ayaw kong
isipin ni Renz na masyado akong nag-eenjoy sa pinili niyang palabas. Ramdam ko
din na sa halip na sa malaking screen siya nakatingin ay ako ang pinagmamasdan
niya. Hindi ko na siya sinaway pa dahil naaaliw na ako sa aking pinapanuod.
“Nagustuhan
mo ba yung palabas?”, tanong nito sa akin ng makalabas kami ng sinehan.
“Okay
lang.”, simple kong sagot. “Ikaw naintindihan mo ba yung kwento?”, paninita ko
dahil alam kong hindi naman siya halos nanuod dahil busy siya sa pagtitig sa
akin.
“Oo
naman. Ang ganda nga nung story eh.”, mayabang niyang sagot sa akin.
“Ah
talaga?”, sarkastiko kong sagot. “Ano ngang nangyare nung ending? Hindi ko kasi
masyadong na-gets.”
“Ha?!
Basta tungkol sa dragons. Syempre nung ending friends pa din sila nung dragon
niya.’, alanganing sagot sa akin ni Renz.
“Parang
hindi naman ganun yung nangyare,”
“Alam
mo tara na! Baka hinihintay na tayo nung mga bata.”, tarantang niyang sagot
saka ako hinila palabas ng mall.
“Wait
lang ikwento mo muna sa akin yung nangyare.”, pangungulit ko habang naglalakad
kami.
“Alam
mo nay un. Nandun ka naman di ba?”
“Eh
hindi ko nga masyadong naintindihan.”, natatawa kong sagot.
“Panuorin
na lang uli natin next time.”, medyo inis nang sabi ni Renz.
Sakto
namang pagdating namin sa eskwelahan ng mga bata ay ang paglabas ng mga ito.
Dahil pinangakuan kanina ni Renz si Andrei na ibibili siya ng panibagong
Spongebob na t-shirt ay nangulit ito na dumaan kami sa mall.
Doon
na rin namin piniling mananghalian na apat. Katulad ng inaasahan ay inatake na
naman ng pagiging hyper si Andrei nang magpunta kami sa toys section. At kapag
minamalas ka nga naman ay ako pa ang naiwang bantay nito habang sinasamahan ni
Renz si Sandy na pumili ng sarili nitong laruan.
“Kuya
Lui ang bilisan mo naman maglakad.”, sabi sa akin ni Andrei.
“Bakit
ka ba kasi nagmamadali?”, reklamo ko dahil kanina pa ako sunod ng sunod sa
kanya. Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ni Andrei dahil biglang tumunog
ang aking cellphone. Tumatawag si Jane.
“Hello
babe!”, masaya kong bungad sa aking kasintahan.
“Hi
babe! I miss you already.”, paglalambing nito sa akin.
“I
miss you too. How’s your family getaway?”, usisa ko.
“It’s
fun! I wish you were here. I’m sure you’re gonna love this place.”
“Well,
we can go there together some time, yung tayo lang na dalawa.”
“Hahaha
ang sweet naman ng babe ko. Anyway, how’s your babysitting? You think we can
have babies na?”, pilya niyang tanong sa akin.
“Hahahaha
Sure! Ikaw lang naman ang pakipot eh matagal ko nang sinasabi sa’yo na unahin
na natin ang mga apo nila mama bago yung kasal, ayaw mo lang eh.”
“We’ll
get there soon. Nasaan ba yung inaalagaan mo? Pakausap nga.”, hiling ni Jane.
Hinanap ko ng tingin si Andrei pero hindi ko ito makita. Naglakad ako patungo
sa direksyon na nilalakad ng makulit na bata kanina pero hindi ko siya
matagpuan dahil sa kapal ng tao.
“Hello
babe? Are you still there?”, tanong ni Jane.
“Babe,
let me call you back okay? I gotta go. I love you, bye!”, dire-diretso kong
sabi saka ibinaba ang tawag. Bumilis ang aking lakad para abutan ko si Andrei.
Saan naman kaya nagsuot ang kiti-kiting iyon?
“Andrei?”,
tawag ko sa pangalan ng bata. Pero walang sumasagot. Sinubukan kong balikan
yung mga pinanggalingan namin kanina pero wala din doon si Andrei. Dalawang
beses ko na ding naikot ang toys section na pang-lalaki pero hindi ko talaga
siya matagpuan.
Sinubukan
kong pumunta sa girls section dahil baka kasama na nila Renz si Andrei. Maging
sila Renz ay nahirapan akong hanapin. Makalipas ang halos dalawpung minutong
pag-iikot ay nakita ko din sila Renz at Sandy.
Habang
papalapit sa kanila ay nagsimula na akong makaramdam ng kaba at panic. Kanina
ay pinipilit kong maging kalmado pero ngayon ay di ko na mapigilan ang pagkabog
ng dibdib ko habang iniisip ang mga maaaring nangyare kay Andrei.
“Hey.”,
tawag ko sa atensyon ni Renz.
“Oh?
Tapos na kayong mamili ni Andrei?”, tanong sa akin ni Renz. Hindi naman ako
nakasagot agad dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na nawawala yung
binabantayan ko.
“Ahhh,
ano kasi..”
“Wait.
Nasaan si Andrei?”, para akong nabingi sa tanong na iyon.
“Na-aaaa-aaa-
yaaa.”, hindi ko sigurado kung naintindihan ni Renz yung sinabi ko dahil
pakiramdam ko ay boses pokemon yung lumabas sa bibig ko.
“Ha?
Hindi kita maintindihan.”
“Nawww---aaa---aaalll----aaaahhh.”,
anak ng peter piper! Nagkabuhol-buhol na talaga yung dila ko.
“Ano?
Hindi talaga kita maintindihan. Ano bang nangyayare sa’yo?”
“Nawawala
daw po ata si Andrei, Kuya Renz.”, kalmadong sabi ni Sandy na parang hindi yung
kapatid niya yung pinag-uusapan namin.
“What?!
Nawawala si Andrei?”, gulat na sabi ni Renz. Napatango na lang ako saka yumuko.
Wala kasi akong mukhang maiharap sa kanya. Naramdaman ko naman ang paglapat ng
kamay ni Renz sa balikat ko.
“Sorry,
nagulat lang ako. Makikita din natin yon. Saan mo ba siya huling nakita?”,
tanong ni Renz. Sinamahan ko sila sa huling lugar na pinagkitaan ko kay Andrei.
“Okay.
Sandy dito ka lang muna okay? Hahanapin lang namin si Andrei. ‘Wag kang aalis
dito. Babalik din kami.”, bilin ni Renz kay Sandy.
“Okay
po Kuya.”, kalmadong sagot ni Sandy.
“Alright,
I’ll look fo Andrei this way. You go that way.”, sabi ni Renz. Tumango lang ako
at nagsimula na kaming maghanap na dalawa. Makalipas ang fifteen minutes na
pag-iikot ay binalikan na namin ni Renz si Sandy.
“Mag-report
na kaya tayo sa security? May isang oras nang nawawala si Andrei eh.”,
suhestyon ko.
“Sige
tara.”, nagsimula na kaming maghanap ng guard ni Renz ng may tumawag sa aking
pangalan.
“Kuya
Lui!”, matining na sigaw ni Andrei. Paglingon ko ay nakita ko itong nakapila sa
counter at may bitbit nang laruan. Napatakbo naman kami ni Renz palapit dito.
“Asan
ka ba ang punta Kuya? Kanina pa ako ang kapila dito eh.”, reklamo nito sa akin.
Hindi ko naman malaman kung maiinis o matatawa ako sa kalikutan ng batang ito
pero at least nakahinga na ako ng maluwag.
“Ateng
maganda, siya po ang babayad nito. Thank you!”, wika ni Andrei sa kahera habnag
nakaturo sa akin.
“Kayo
po ba ang kasama nitong batang ‘to?”, tanong sa aking nung kahera.
“Ah
oo, pasensya na. Sige, babayaran ko na yan.”, sagot ko.
“Saan
ka ba nagsuot Andrei?”, tanong naman ni Renz.
“Kanina
pa nga po yan dito sir eh, may isang oras na din.”, singit naman nung babaeng
bagger. “Tinanung namin siya kung nawawala siya, hindi naman daw. May kausap
lang daw yung Kuya niya sa cellphone.”
“Ang
sabi ko naman kay Kuya Lui ang kita na lang kami sa counter kasi may kausap pa
siya sa phone kanina eh.”, sagot naman ni Andrei kay Renz. Napangiti na lang
ako ng hilaw dahil obvious naman na may kasalanan din ako.
“Okay,
basta next time wag mo na lang basta iniiwan si Kuya Lui mo. Alam mo naman na
hindi yan nagpupunta dito sa mall baka mawala yan. Kanina nga muntik na siya
umiyak nung nakita namin eh.”, pangaral ni Renz sa bata na tatango-tango lang.
Pinagmukha niya pa akong tatanga-tangang caveman. Hindi na lang ako sumagot
dahil alam kong mababara niya lang ako dahil sa nagawa ko.
“Sorry,
Kuya Lui. Hindi ko alam na di ka pa nikakapunta dito sa mall. Next time ang
sasamahan na talaga kita promise.”, pang-aalo sa akin ni Andrei. Nagtawanan
naman sila Renz at yung kahera.
Umalis
na kami sa toys section. Pauwe na sana kami kaso naalala ni Andrei na hindi pa
siya naibibili ni Renz ng Spongebob na t-shirt kaya wala kaming nagawa kundi
ang tumungo sa kids section ng mga damit. Habang naglalakad naman ay
nile-lecturan ako ni Andrei sa mga dapat gawin kapag nawala ako sa mall.
“Ansabi
ni Daddy Kyle, kapag ang wala daw ako sa mall ang lapit lang daw ako sa
secuyity guard. Tapos ang sasabi mo ang name mo tsaka ang pangalan ng kasama
mo. Dapat alam mo din ang number ng Kuya Kyle tsaka ang niitirhan namin.”,
dire-diretsong sabi ni Andrei. Tumatango na lang ako at hindi na
nakipag-argumento pa. Okay na magmukhang tanga sa harap ng batang ‘to kesa
naman mapatay ako sa sakal ni Kyle kung sakaling nawala at hindi ko na nakita
yung alaga niya. “Tsaka ang sabi ni Daddy wag kang ang kakausap ng di mo
kilala, sa guard lang ikaw ang lalapit.”
Kita
ko naman na kanina pa nagpipigil na humagalpak ng tawa si Renz. Marahil ay
tuwang-tuwa siya sa sitwasyon ko. Gusto ko sana na magalit sa kanya pero
pinigilan ko ang sarili ko. Naalala ko kasi kanina nung sinabi kong nawawala si
Andrei ay hindi ito nagpakita ng anumang klase ng galit sa akin sa halip ay
kinalma ako nito at agad na tinulungan na mahanap si Andrei.
Pagkabili
naming ng damit ni Andrei ay umuwi na kami. Kinumbinsi ko sila na sa bahay na
lang kami kumain ng dinner. Pakiramdam ko kasi ay habang nasa labas kami ay
mawawalang muli si Andrei.
Kinagabihan
ay tumawag si Kyle para kumustahin ang mga bata. Syempre para na namang
pinakain ng isang kilo ng asukal si Andrei sa sobrang kulit nito ng marinig ang
boses nila Kyle at Aki. Katulad ng inaasahan ay hindi nagmintis si Andrei na
sabihin kay Kyle ang nangyare kanina. Ayon dito ay ako pa daw ang nawala sa
mall.
Inabot
sa akin ni Andrei ang cellphone dahil nais daw akong makausap ni Kyle.
Kinakabahan man ay kinuha ko ang cellphone mula sa bata.
“Hello.”,
alanagan kong sabi kay Kyle.
“Okay
ka lang ba? Kaya pa?”, bahagya akong nagulat nang marinig na kalmado pa ang
tono nito sa akin. Inaasahan ko na na maghi-hysterical ito oras na malaman na
naiwala ko si Andrei sa mall.
“Oo,
okay lang ako. I’m sorry about what happened to Andrei.”, nahihiya kong sabi.
“Hey,
don’t stress yourself about it. It’s not something unusual. Every once in a
while nawawala talaga yang batang yan. May tatlong beses na din ata naming
naiwala yan ni Aki sa mall.”, natatawang pagkekwento ni Kyle. Hindi naman ako
nakapagsalita dahil sa reaksyon sa akin ng aking kaibigan.
“Next
time wag mo na lang aalisan ng tingin ang isang yan dahil sobra kasi talaga ang
likot niya. Anyway, I’s let you sleep now. You must be bone-tired now.”, dagdag
pa ni Kyle.
“Okay,
you guys enjoy yourselves there. Don’t worry much about us, we’ll try to keep
away from the malls as much as possible.”, natatawa ko na ding sabi.
Nagpaalam
na si Kyle sa akin. Nilinisan ko naman ang mga bata saka inihanda sa pagtulog.
Pasado alas-diyes na nang makapahinga ako sa sofa ng sala ni Kyle. Pakiramdam
ko ay sobra ang nadarama kong pagod dahil sa nangyari kanina. Ipinikit ko
saglit ang aking mata para ma-relax naman ang aking katawan. Mntik na sana
akong makatulog ng marinig ko ang boses ni Renz.
“Uhmmm,
Lui. Uuwi na ako. Balik na lang ako uli bukas para samahan kang ihatid yung mga
bata sa school.”, napadilat naman ako sa pagsasalita ni Renz. Nakalimutan ko na
nandito pa nga pala siya sa bahay. Masyado akong nabalisa dahil sa nangyare kay
Andrei kaya ayaw gumana ng maayos ng utak ko.
“Ha?
Gabi na masyado ah.”, hindi ko maitatangging may bahid ng pag-aalala sa naging
tono ko. Huli na para bawiin ko pa ang aking sinabi dahil kita ko ang
dahan-dahang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Renz para maging isang
napakatamis na ngiti.
“Hehehe,
Don’t worry about me. I can still drive myself home safely.”, masaya nitong
sagot sa akin. Maaliwalas ang kanyang mukha marahil ay nagagalak ito na muli ko
na siyang kinausap ng maayos. Kung tutuusin ay mula ng magkita kaming muli ay
parang ngayon ko lang muli siya pinakitaan ng maayos na pakikitungo.
“I
know.”, pinigil ko na ang sarili ko na magsalita pa baka may masabi pa ako na
pagsisihan ko sa huli. Muli lamang akong binigyan ng isang matamis na ngiti ni
Renz saka na ito naglakad patungo sa pinto. Nang marinig ko na binubuksan na
nito ang pintuan ay bigla akong napatayo sa aking kinauupuan at nagpalingon
naman kay Renz. Mataman lang itong nakatingin sa akin, malamang ay hinihintay
ako nito na magsalita.
“Ah,
uhmmm.”, bakit ba ako natataranta sa mga titig niyang iyon. May kung anong
kumikiliti sa aking mga daliri sa paa at kamay. Parang gusto rin bumaliktad ng
aking sikmura sabay ng pagbilis at paglakas ng kabog ng aking dibdib.
“Good
night! Take care.”, The fuck!?! What the hell?!? Anong pinagsasabi ko?!
“Good
night??? Did you just say good night?”, natatawa at di makapaniwalang sabi sa
akin ni Renz. Agad naman nag-init ang aking mukha ta alam kong nagsisimula na
akong magkulay kamatis sa harapan niya. Bago pa man niya mapansin ang pagbabago
ng kulay ko ay gad na akong tumalikod at naglakad patungo sa kwarto ni Kyle
para iligtras ang aking sarili mula sa kahihiyan.
Papasok
na ako ng kwarto ni Kyle ng muling magsalita si Renz.
“Good
night Lui.”, halos pabulong niyang sabi sa akin pero naiwan sa aking mga
pandinig ang tatlong kataga na iyon. Hindi ko na matiis ang nararamdaman ko
para akong naiihi na nadudumi na namimilipit sa saya. Saya? Bago ko pa
ma-analisa ang nagyayare sa akin ay kusa nang humarap ang aking katawan sa lalaki sa may pinto na halos
nakalabas na ng unit ni Kyle.
“You
can just stay her for the night if you want.”, wala sa sariling sabi k okay Renz.
Agad naman napahakbang pabalik si Renz dahil sa aking narinig. Muli itong
ngumiti at halatang nagpipigil ito ng tawa. Marahil ay naaliw ito sa aking
reaksyon dahil alam kong halos lumuwa ng mga sandaling iyon ang aking mga mata
dahil sa realisasyon sa ibig sabihin ng mga katagang binitiwan ko sa kanya.
Gusto ko sanang mainis sa kanya pero may isang damdamin ang nanaig sa akin at
binabalot nito ang inis na namumuo sa aking isip.
“Sure!”,
masayang sagot ni Renz.
Shit!
…to
be cont’d…
Author's note:
Alright, I know this isn't long enough to cover for the uber delayed update of this story but this is all I managed to come up with. I'm sorry. I just want to set everyone's expectation that after this chapter i may not be able to update the story for a very long time, like longer than my usual late updates. I have to prioritize a few things right now and there's no way i can squeeze in time for writing. As I have promised before, if my promises mean anything to you guys lol, I am going to finish this story. When and How is still a big question mark but nonetheless I am gonna finish it. I will do my best to inform everyone when the next chapter will be out. I 'might' start posting updates again once i have completed the story so there will be less frustrating time for waiting.
Again I will reach out to you guys either on twitter or Facebook. I am so sorry that everyone has to wait a zillion years again, hope you guys understand. Anyway, thank you all for supporting me despite that from LSI to STARFISH, and i am so looking forward to everyone when i get back. Also I appreciate all the friendship that happened while I was writing my story. Thanks to ichigoXD, dilos, peejay bherdz, and of course Kris/Deo, who introduced me to the wonderful people of BED in Greenfield! (I'm afraid i won't be able to join you and Mac for the early parties of 2015. see you soon my friend. aka Cara Delevingne! LOL) and to all those i forgot to mention (sorry, i can't get names out of my partially working brain right now).
And oh! Happy New Year everyone!
---- crayon :))
thank you crayon.. ganda.. bitin na bitin ako.. cute ni renz at lui.. sana makapagupdate k next month ulit.. wag naman masyado matagal.. hehe
ReplyDelete-j
thank you crayon.. ganda.. bitin na bitin ako.. cute ni renz at lui.. sana makapagupdate k next month ulit.. wag naman masyado matagal.. hehe
ReplyDelete-j
sulit sa paghihintay.... PINASAYA MO ARAW KO^^ thank you MR. crayonbox -PEN10
ReplyDeleteThank you very much sa long awaited update. Take care. Hope everything sorts out on your end.
ReplyDeleteNakakainis ka na sir crayon ah.. Delay ang updates tapos nakakabitin pa yung story.. Anyway napakaganda talaga ng bawat chapter.. Well appreciated.. Can't wait for the next update.. Sna naman ASAP (demanding lang?) Haha.. Other than that nauunawaan Kita crayon.. Unahin mo muna ug mga priorities mo.. Makakapaghintay naman name eh.. (Sanay na) Haha.. Joke.. Anyway take care god bless!..
ReplyDeleteI guess time doesnt matter anyways as long as its worth it as this one. You never fail to make us feel great about this story. Just take all the time all you need and finished everything that you need to do.. Love love love. Plus with andrei and sandy it males it more fun.. Kudos.. Thanks.. ☺️☺️☺️☺️
ReplyDeleteThank you po sa update!
ReplyDeletetnx may update nah.,sana yung mga susunod n update wag sobrang tagal Mr.Author...,hehehehe
ReplyDeletetnx may update nah.,sana yung mga susunod n update wag sobrang tagal Mr.Author...,hehehehe
ReplyDeleteAng tagal kong hinintay to medyo nakalimutan ko na nga yung story haha pero nakakakilig talaga si Renz at Lui sana naman maging sila na!!
ReplyDelete-44
Buti nalang nag update din. Sa wakas. Haha. Ang cute cute ni Andrei, natatawa ako kay Andrei lalo nung nakita na nya si Lui at tinawag sa counter. Peste. Haha. Sana mas mabilis yung update Kuyang Author para masaya naman ang readers. Keep up the good work Kuyang Author. Di mo manlang ako na-mention ako yung may mahabang comment na binasa ko ulit yung lsi keme. Haha. Feeling close naman pala ako. Haha. Have a great day Kuyang Author.
ReplyDelete-yeahitsjm
Darn it, Kevin. May ganung mention? Nagbagong buhay na kaya kami kaya sana ikaw din and you know exactly what I mean by that. LOL. Anyway, yeah, unahin mo muna yung dapat mo unahin. We'll see you soon, my friend :) - Kris
ReplyDeleteKilala mo pla ung author...pwede ko ba xa makita?... Gustong-gusto ko xang makita nang personal eh... Cguro nman mapapaunlakan mo ko... Hindi ko alam.... Pero sana hindi nya malaman na gusto ko xang makita... Pero if ever na mapagbigyan nyo ko na makita ko xa ng personal na di nya alam na makikita nya ko... Tatanawin kong malaking utang na loob yun sau... I just wanna see him....
DeleteYeyyyy..may update na :) .. Worth it naman yung pag aantay.. At sna po mr. Crayon wag masyadong mtgal ang mga next chapter ...hehehe..but over all SUPERB ganda ng mga stories mo.. Naniniwala akong matatapos mo ang story na to.. Tiwala lng...
ReplyDeleteYou didn't fail us to amazed your story..two thumbs up sayo :).. Hart hart hart <3..
Kinikilig ako eeee......
ReplyDeleteganda talaga story nito
ReplyDeleteNice.. Muntik nnman akong maiyak.. Haha!! Yung feeling na ayaw ng taong yun kausapin ka, ilag n ilag sya sayo.. Ouch! Dama ko yun.. Anyway thnx sa chapter kuya crayon.. Gano kaya katagal next chap? Anyway sanay na ko dun... Priorities muna unahin, ok lng nman kmeng readers dito
ReplyDelete-- jayjay
Galing.,tagal kong hinintay to
ReplyDeleteWag naman sobrang tagal ng update.,
Salamat po author.
Breaille lance
my tiwala ako sayo crayon dahil inumpisahan mo sa maganda ang story na ito..,mata2pos mo rin to ng maganda..,gudluck Crayon
ReplyDeleteSana bukas may update nah pero kung talagang busy pA ang author makakapghintay PA nman ako...,hehehe
Sana hindi na mapagkunwari tong dalawa sa naramdaman nila sa isat isa
ReplyDeleteSana ipost na kasunod nito. ..,
ReplyDeleteSana ipost na kasunod nito. ..,
ReplyDeleteMr.Crayon wala pa rin po bang bagong update....?
ReplyDeleteHala Mr crayon.. Over 1 month na since your last update.. Post mo na agar yung kaaunod please ASAP!!
ReplyDeleteHala ka sir crayon.. Nasaan na yung update? Ang tagal naman po... :(
ReplyDeletecrayon update na pls
ReplyDeleteIt has been almost 2 months and still no update. How disappointing! I've been waiting for the update since the week after this post. *sigh*
ReplyDeleteupdate na pls
ReplyDeleteguys paki intindi na lang po si mr.author, nag bigay nman po sya sten ng note, stating that he will be very busy and do his priorities first... mas lalong matatagalan pa daw ung update ng story kase nga uunahin nya ung dpat unahin, ... we can wait right? so please guys, bear with mr.author...
ReplyDelete--kinsler
miss k na si lui
ReplyDeletemag kakaroon p poh b ng ending itong kwento ni lui at ni renz
ReplyDeleteme authoe, update na pls.. 😞
ReplyDeletenkakamiss pla sila lui at renz, hays.. kelan kaya mkkpag update si sir author.. matagaln din pla since his last update, etong chap na to.. :( kuya, tapos na ba?. d kna po ba busy? miss ko na story mo, gsto n nmin mlman ano na mangyayare.. thnx!
ReplyDelete--kinaler
Wth. Grabi ang tagal lang ng update mr. Author :( Nakailang balik na ko dito para i-check kung may updates na :( Advice lang po sana. Wag pong masyadong matagal yung updates Lol. Nakakalimutan kase namen yung story eh :(
ReplyDeleteEto lang kase yung favorite kong story dito sa MSOB. Good job po sa mga previous chapters mo :) Silent reader lang sana ako kaso di ko na matiis Lmfao! Hahahaha! Tagal kase eh Lol. Demmanding naba? Sorry.
-zacharry.
update na po kau crayon.. kailangan k ng closure nito
ReplyDeleteupdate na pls. eto talaga inaantay k dito
ReplyDeletemark
Pabalik-balik po ako sa dito to check for update. :(
ReplyDeleteSana po magkaroon kaw ng time to update this story. I'll be waiting. :)
-Ms.C
Hi, Crayon! Hindi naman sa pine-pressure kita ano, pero konting-konti na lang ay ipapahanap na kita sa mga Unsullied kong tropa dahil sa sobrang pambbitin mo sa amin. Baka pasunurin ko pa si Drogon kapag nagkataon. LOL!
ReplyDeleteAnyway, take your time, we can wait naman eh. :)
--BOOM
P.S. The North remembers. Hahaha!
-mr.crayon hanggang dito nlang po b ang kwento ng starfish..,muka kasing nawala ito s mga story ng MSOB..,
ReplyDeletemag iintay p rn ako s bago mong update Mr.Crayon...,
sir crayon.... yohoooo! where na you? marami na kaming naghihintay ng karugtong, pati LSI nag hihitay pa kami ng book3
ReplyDeletekylie.bog2
Wala pa din Ba? Hahaha
ReplyDelete-yeahitsjm
hi crayon. kindly finish the story please.. para may closure to your readers
ReplyDeletemark
wala pa rin po bang bagong update ang kwentong ito...,Mr.Crayon asan kana....?
ReplyDeleteupdate na po pls crayon
ReplyDeleteAno bayan mg sasampung buwan na wala pa din update? Baka nalunod na ung author sa priorities nya at nkalimutan ng may kwento pa pla sya, o bka nman kinalimutan na nya tong kwentong to. Anyway nakaka disappoint, mauunawaan sana nmin kung may reply ka s mga comment nmin dito na "pasensya na po busy pa po kasi ako, may mga priorities pa kasi akong dapat gwin etc etc." eh ang kaso wala, ni ha ni ho walang pasabi author dito.. Naglaho na ata ng parang bula. Sorry sa mga salita ha, pero tagal na kasi eh, tulad ng ibang kwento s ibang site na inabot na din ng 1yr wala pang update hanggang ngayon. Baka matulad tong kwentong to sa mga kwentong yun. Kulang na lang amagin na tong kwentong to kasi hindi na nagagalaw. Sorry talaga sa mga salita ko, nawawala na kasi patience ko, every week every month akong naghihintay kung may update na ba o wala, to the point na gusto ko ng hindi na lang abangan tong kwentong to dahil halos wala na talagang update eh, at the same time nanghihinayang din ako kapag di ko na to binasa ulit. Nagkakaron ako ng battle sa mind ko. Tssss...
ReplyDelete--Patience--
Marami na siguro comment dito, di lang na aaprubahan. Naaalala ko nag comment ako dito noon eh, twice pa ata sa una kong comment. Pag tingin ko di pa sya visible sa comment section dito. Ayaw ata paaprubahan lahat ng comments eh. Ayaw bang makita ng lahat na may mga nag rereklamo na sa sobrang tagal ng update dito? Wahahaha!!!
ReplyDelete>>>Prank.18<<<
Bagal talaga update dito
ano ba yan hanggang ngayon wala pa ring update toh..,Mr.Crayon buhay kapa bah....?
ReplyDeleteSa january 20 pang 1 yr ng wlang update itong kwentong to.. Kelan kya mg uupdate ikaw sir crayon? :( sana nman pg nag update ka ung tipong isang bgsakan na lhat, ung lhat n ng chapters s isang update... Pra nman medyo ka compensate s sobrang tgal ng pg update.. Hahaha!!!
ReplyDelete- kinsler
patapos ng story pls para may closure..
ReplyDeletemark
crayon.. pakitapos pla. eto pa naman favorite k dito sa msob na story. gusto k malaman ano nangyari kay renz and lui.. ☺️
ReplyDeletemark
Bakit wala na yatang update nito? Huhu antagal ko ng hinihintay yung bagong chapters nito di ko n nakita :'(
ReplyDelete-Ken
wala parin update? Author we're still waiting for the next one, sana masundan na.
ReplyDeleteIt's been a year and seven months since the last update. Ganun katagal ko na hinihintay ang closure ng kwentong ito. Sino nakakakilala sa author? Hehe. Pakisabi naman may naghihintay sa update nya. Salamat.
ReplyDeleteAlmost 2 years since the last update.
ReplyDelete😰😥😥
Mr. Author, ano nga po pala username niyo sa facebook at twitter?
Or anyone na may idea tungkol dito?
Hindi kopo kasi kayo mahanap ee. Tnx po.
- MAKI 🔒
Almost 2 years since the last update.
ReplyDelete😰😥😥
Mr. Author, ano nga po pala username niyo sa facebook at twitter?
Or anyone na may idea tungkol dito?
Hindi kopo kasi kayo mahanap ee. Tnx po.
- MAKI 🔒
saan next chapter nito?
ReplyDeleteStill waiting for the next chapter. Palagi ko po itong binibisita kung may update na....
ReplyDeletemr.crayon till now still waiting po para s next chapter ng love story ni Lui at Renz..,sana ituloy mo ito..,di ko matandaan kung ilang beses ko n tong nabasa simula LSI hanggang d2 s star fish kaya umaasa po ako n itutuloy mo ito..,
ReplyDeleteStill waiting
ReplyDeleteSame here still waiting hehehe. Usta na author where ever you are.
ReplyDeletepls finish the stoty. im begging you
ReplyDelete