Followers

Tuesday, December 31, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 18]


 

 GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO.

Chapter 18

Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 9 10 11 12 13 14 15 | 16 17

"Paano mo malalaman ang totoo kung lahat ng pintuan na binubuksan niya para kausapin ka, sinasara mo?!"


-Dimitri Salviejo

---




Mangangalahati na ang semestre, ngunit hindi pa rin nagawang magkausap nina Angelo at Gio. Ramdam pa rin ni Angelo ang pandidiri at galit ni Gio sa kanya. Kung magkakasalubong sila, umiiwas si Gio. Andiyan ang lilihis siya ng daan pakaliwa, o pakanan, para hindi lang makausap si Angelo. Kung magkakasabay sila sa elevator ay hindi sumasakay si Gio at ginagamit na lang ang hagdanan, at andiyan ang kung magpapalitan na ng classroom para sa sunod na subject, hindi tumutugon si Gio sa bati ni Angelo. Araw-araw nasasaktan si Angelo, ngunit araw-araw na niya ring tinatanggap na baka wala na talagang pag-asang magkabati pa sila ng bestfriend niya dahil sa isang pagkakamali. Iiyak na lang siya o hindi kaya ay hahanapin si Dimitri at magpapagaan ng loob.

Ramdam naman ni Dimitri ang panlulumo ni Angelo. Ang hinahangaan lang ni Dimitri ay kahit may malaking problema na pinapasan ang kanyang "boyfriend" ay nagawa pa rin ni Angelo ang makakuha ng matataas na marka na parang nag-aaral pa rin siya nang mabuti. Ang totoo kasi, hindi na masyadong nakakaaral si Angelo dahil sa lungkot at lumo, at minsan hindi na siya masyadong nakakatulog o nakakakain dahil masyado niyang iniisip si Gio.

Isang araw, habang nasa dorm room si Dimitri dahil wala na siyang pasok sa ilang subject, pinili niyang magpahinga muna at sunduin si Angelo mamaya. Habang natutulog siya, nagising siya sa magkasunod na malalakas na dabog sa kanilang pintuan.

"ANO BA YAN! HINAY HINAY LANG!" Kahit naka boxers lang siya ay binuksan niya parin ang pintuan.

"Ano??" Naiiritang tanong ni Dimitri nang mabuksan na niya ang pintuan.

"Dimitri! Dimitri! Si Angelo..!" Naghihingal na sigaw ni Gabby na nataranta. Nag-iba ang pakiramdam ni Dimitri sa narinig. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

"Bakit ba tol?"

"N-Nahimatay! Nasa clinic siya ngayon. Mataas ang lagnat!"

Parang nabuhusan ng asido si Dimitri nang marinig niya iyon. Agad-agad niyang inabot ang t-shirt at sinuot ito at tinakbo ang clinic, bahala nang nakaboxers siya, hindi na niya ito pinakialaman at hindi na niya rin pinansin ang mga malalagkit na tingin ng mga tao sa gitnaang bahagi ng katawan niya.

Nang makaabot na sila sa clinic, nakita ni Dimitri si Angelo, pulang-pula at parang mamamatay sa hina.

"ANGELO! ANGELO! SHET JACK WAG MO AKONG IWAN! SABI KO NAMAN SA'YO EH KUMAIN KA NANG PAMINSANAN! KAINIS KA!" Malakas na sigaw ni Dimitri sa clinic.

Hindi niya mapigilang maiyak sa kalagayan ni Angelo. Isa lang ang may kasalanan nito - si Gio! Nagmamatigas pa ang gago, akala niya gwapo siya? Putang ina niya! Sa isip ni Dimitri.

"Gab, nasaan si Gio?" Tanong ni Dimitri sabay tapon ng masamang tingin. Nanlamig ang lalamunan ni Gab at hindi niya alam ang sasabihin.

"Ah.. eh... Sinabihan ko na siya, pero ayaw niya raw puntahan si Angelo. Hindi niya pa kaya."

"Nasaan siya ngayon?! Hindi ko tinanong kung bakit wala siya rito! Sabi ko, nasaan ang gago ngayon!?"

"Ah... wag mo na siyang puntahan sa canteen. Baka bubugbugin mo lang siya." Takot na sagot ni Gab habang hindi makatingin kay Dimitri.

"Exactly. Salamat sa suggestion." At dali-dali siyang tumakbo patungo sa canteen at nakita niya si Gio na sarap na sarap sa kanyang pagkain. Hinahabol naman siya ni Gabby at tinatawag-tawag si Dimitri at hinihila siya.

"Bitawan mo nga ako Gab! Hoy gago ka!" Sabay kuwelyo kay Gio at tapon ng isang malutong na suntok. Nadapa si Gio sa sahig. Nagulat siya sa pagsuntok ni Dimitri sa kanya. Hindi naman kasi palaging nanununtok si Dimitri eh kahit malaki ang katawan nito. Alam niyang hindi marunong makipagsuntukan ito. Ngunit sa pagkakataong ito, malutong na malutong ang suntok na tinapon niya kay Gio.

"GAGO KA! BAKIT MO GINAGANITO SI ANGELO HA?!" Sigaw ni Dimitri. Nagulat na rin ang mga tao sa canteen at nakiusosyo sa kanilang paghaharap. Galit na galit na tinuro-turo niya si Gio.

"BAKIT DI MO SIYA MATAWAG NA BOYFRIEND MO? AT SAKA BAKIT BA? KARAPATAN BA NIYA IYON?"

"WOW! SARAP MO TOL! NAGPAPAPRESYO KA PA, NAHIMATAY NA NGA YUNG TAO! GWAPO KA, HA?"

"OO SIYEMPRE, DAHIL PINAGSAMANTALAHAN AKO NG BOYFRIEND MO TOL!" Pambarang sagot ni Gio. At sa puntong ito, isang malakas na naman na suntok ang pinakawalan ni Dimitri.

"GAGO KA! DI MO ALAM ANG TOTOO!"

"Mga tol, pwede wag dito? Doon tayo sa likod. Please." At hinila ni Gab ang dalawa patungo sa likod ng canteen. Nagpahila naman ang dalawa sa masukal at walang katao-taong bahaging likuran ng canteen nila pinagpatuloy ang kumprontasyon. Gusto lang iwasan ni Gab makita ang paggagawa ng eksena ng dalawa.

At nagsimula nang umiyak si Dimitri. Humihikbi na siya at sinuntok na niya naman si Gio.

"Putang ina mo Gio! Pinapahirapan mo si Angelo! Alam mo namang nasaan siya ngayon, di ka man lang gumawang bumisita at harapin siya!!" Nang makuntento sa pagsuntok kay Gio, tumalikod ito at hinampas ang dingding habang tumutulo ang kanyang luha.

"Dimitri, suntukin mo man ako ng suntukin, hindi mababago ang katotohanan na pinatos ako ng boyfriend mo! Chinupa niya ako kahit alam niyang ako iyon! Dimitri, may respeto ako sa iyo. Magkaibigan tayo kahit kung minsan ay nagkakainitan tayo dahil kay Angelo. Pero sinasabi ko sa iyo ngayon na huwag na tayong mag-away. Ito na ang desisyon ko. Sana naman tol respetuhin mo ako. Nabastos ako!"

"GAGO! BOBO! Hindi! HINDI! Okay? Uuwi sana ako galing sa Prague at inaantay ako ni Angelo sa kwarto namin! Ngunit nag connecting flights ako, matagal akong nakauwi! Nang magising siya noong gabing iyon, madilim, akala niya ako iyon. Kaya sinunggaban ka niya ng halik. Hinalikan ka niya dahil sa akala niya ako ang nasa kama, at kung alam niya man na ikaw iyon, hindi ka niya hahalikan! Gago ka! Pinapahirapan mo iyong tao eh! Simpleng bagay lang naman iyon! Hindi niya sinadya, at oo, nagsisisi siya! Gusto ka niyang kausapin, pero hindi mo siya pinapansin, iniiwasan mo siya! Paano mo malalaman ang totoo kung lahat ng pintuan na binubuksan niya para kausapin ka, sinasarado mo?!" At nakita ni Gio ang emosyon ni Dimitri. Nag-aalala pala ito para sa kay Angelo.

Natigilan naman si Gio sa kanyang narinig. Hindi siya naniniwala kay Dimitri.

Katahimikan. Titigan.

"Bakit ba Dimitri, mahal mo ba talaga ang bestfriend ko?" Mahina ngunit makahulugang tanong ni Gio.

"Bakit, ano bang pinapalabas mo?" Nagbago ang mukha ni Dimitri. Parang nababalisa at hindi makatingin ng diretso.

"Sa tingin mo hindi ko alam?" Ngumisi si Gio, tinutukso niya si Dimitri.

"Huwag mong ibaling sa akin Gio. Patawarin mo na si Angelo. Please..." Patuloy sa pag-iyak si Dimitri.

"Nagdrama ka pa diyan. Huwag na tol. Hindi mo na ako mababago. Alam ko kung anong nangyari dahil alam ko, nandoon ako. At bakit niya naman itutuloy kung ikaw iyon? Ganoon ba kayo kababoy sa isa't isa? Hindi na ako lumalapit sa kanya, hindi lang dahil doon, kung hindi dahil malibog na siya! Hindi naman iyan ganoon dati eh! Tangina mo! Isa ka pa! Kasalanan niya lahat nang ito! Gumawa pa kayo ng kwento na galing ka sa Prague, pinagtatakpan mo pa ang kalaswaan niyo! Mga bakla! Teka, bakla ka nga ba talaga? Tol maililigtas mo pa ang sarili mo. Magpakatotoo ka na kay Angelo. Sobra sobra na itong kasinungalingang ginagawa mo. At wag ka na rin maniwala sa kasinungalingan niya. Tol?"

Nag-init si Dimitri sa kanyang narinig. Kaagad niyang sinuntok si Gio ulit.

"ANO BA IYANG SINASABI MO GIO? HINDI SIYA NAGSISINUNGALING! AT ANONG KASINUNGALINGAN BA IYANG SINASABI MONG GINAGAWA KO?"

"SIGE! SUNTUKIN MO PA AKO! SUNTUKIN MO PA AKO NG SUNTUKIN! HINDI PA RIN MABABAGO ANG KATOTOHANAN NA MGA MALILIBOG KAYONG TANGINA KAYO! KUNG IYAN ANG GUSTO MO, SIGE MAGSINUNGALING KAYO SA ISA'T-ISA! ALAM KO DIMITRI. HINDI KA BAKLA! BALANG ARAW MALALAMAN NIYA RIN ANG KATOTOHANAN."

"Anong klaseng kaibigan ka Gio? Sa halip na ayusin mo ang mga bagay bagay at unawain mo lahat ng mga pagkakamali ninyo, ginugulo mo pa lahat! Sagutin mo nga ako, bakit ka naman nagpaubaya na pwede mo namang pigilan lahat? Ha??"

"Hindi mo naiintindihan ang libog ng isang lalak-"

"Bobo ka talaga Gio. Mapalalaki, babae, bakla, tomboy, pare-parehong libog lang iyan! Mapipigilan mo iyan, at alam mo iyon. Ang tanong ko sa'yo, bakit di mo pinigilan? Ginusto mo kasi! At saka, bakit nasa kwarto ka nga pala namin? Ha? Sagutin mo nga ako? Sinong pakay mo sa kwarto namin? Malayo naman siguro ang 619 at saka 513 di ba? Bakit, pati utak mo natabunan na ng libog kang gago ka?"

"Hindi tayo dapat ang mag-usap nito."

"Mabuti naman at alam mo Gio! Noon ka pa gustong kausapin ni Angelo, magdadalawang buwan na lang tapos magtitigas-tigasan ka diyan alam mo namang may pagkakamali ka rin? Umayos ka! Magpakalalaki ka! At kung ayaw mo nang kaibiganin si Angelo, mabuti! Sabihan mo siya! Diretsuhin mo siya! Wag ka nang pasuyo diyan, para kang babae!"

Tumalikod si Gio. Hindi nagsalita si Gio at umalis. Naluluha na siya. Naiwan si Dimitri at Gab, nakatulala.

Tinignan ni Gab si Dimitri, at nilapitan niya ito.

"Dimitri, anong kasinungalingan ba ang sinasabi ni Gio?" Tanong ni Gab kay Dimitri.

"Mas mabuti nang wala kang malaman Gab." Mahina ngunit malungkot na sagot ni Dimitri. Tinapik ni Dimitri si Gab at lumakad na sa kabilang direksyon na nilakaran ni Gio.

Naiwang nagtataka si Gab sa mga pangyayari.

-----------------------

Kinabukasan, pinalipat na ni Dimitri si Angelo sa kwarto nila mula sa clinic. Gusto niyang siya na lang ang mag-alaga kay Angelo. Nakakagising naman si Angelo at nakakakain na. Dahan-dahan na ring bumabalik ang dating lakas niya at ang kanyang sigla. Totoo na rin ang kanyang mga tawa at nakikita ni Dimitri na dahan-dahan nang natatanggap ni Angelo na hinding hindi na sila magkakaunawaan pa ni Gio. Kung hindi man siya matatanggap pa muli ni Gio, okay lang. Titiisin niya na lang. Kasalanan niya naman kasi, sinisisi niya ang sarili niya.
"Okay ka lang ba Jack?" Tanong ni Dimitri kay Angelo.

"Okay naman Jack. Dahan-dahan na akong naaayos. Siguro tanggap ko na hindi na talaga kami magiging magkaibigan."

"Sigurado ka na ba talaga diyan Angelo?"

"Oo. Eto na iyon eh. Nangyari na. Tatanggapin ko nang maluwag sa pus-" Sasagot na sana si Angelo nang bumukas ang kanyang pintuan. Si Gio.

"Anong ginagawa mo rito? Papahiyain mo na naman ba si Angelo? Kung ganoon, umalis ka putang ina ka, di ka namin kailangan." Hindi na lumingon si Dimitri, alam niya naman kasi kung sino iyon.

"Ah... eh.. Hindi. Kakausapin ko lang sana si Angel-"

"Hindi pwede." Matigas na utos ni Dimitri.

"Salviejo?" At tinitigan ni Angelo si Dimitri, seryoso ang mga tingin niya.

"Jack! Iinsultuhin ka lang niyan!"

"Salviejo?" Nangungusap ang mga mata ni Angelo.

"Sige. Coffee shop lang ako, dadalhan lang kita ng kape." At umalis na si Dimitri sa kwarto. Bago siya umalis ay binigyan niya ng "fuck you" sign si Gio.

Nang makaalis na si Dimitri, dahan-dahang lumakad si Gio patungo sa kanya.

"Kamusta ka na Angelo?" Nakangiting tanong ni Gio.

"Diretsuhin mo ako Gio." Matigas na sabi ni Angelo at hindi na nilingon si Gio pa.

"Gusto ko malaman mula sa'yo Angelo, ang totoo." Diretsong wika ni Gio.

Humiga si Angelo mula sa pagkakaupo niya sa kama, tinalikuran ang direksyon ni Gio.

"I don't think I have anything more to say Gio. I did my best to tell you, to meet you. Nasabi ko na sa'yo. Nasabi na rin siguro ni Dimitri sa'yo. I think mas gusto ko marinig ang desisyon mo. Kung sasaktan mo ako, ayos lang. Kakambal ng saya ang sakit. Minsan rin kitang naging kaibigan at rerespituhin ko ang pasya mo." At tumulo na ang kanyang luha. Hindi ito nahalata ni Gio dahil nakatalikod sa pagkakahiga si Angelo.

"I don't know what to believe in Angelo"

"I'm not asking you to believe in me Gio. I'm done with that part. Hindi ko intensyon na gawin iyon sa'yo. I told you. Gio, did you really think all this time pagsasamantalahan kita? Honestly, did you ever doubt my friendship with you, that it meant much more, to the point I might do something really unacceptable to our friendship?" Humarap si Angelo kay Gio.

Tumulo ang luha ni Gio at tumango si Gio. Nasaktan si Angelo. All this time, pinag-iisipan pala siya ng masama Gio.

"Until now?"

Tumango pa rin si Gio.

"Do you still want me to be your best friend?" At humahagulgol na si Gio, yumuko siya.

Nasaktan na ng todo si Angelo. Ibig sabihin, ayaw na ni Gio makipagbestfriend kay Angelo.

"I'm sorry Angelo. Galit na galit ako sa'yo hanggang ngayon. I never thought na magagawa mo iyon sa akin. Gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang ibasura. I don't like you anymore. Hindi dahil sa binaboy mo ako, pero dahil ayokong may kaibigan akong baboy, malandi. I'm sorry. I sure do hope it's alright with you." At umiyak si Gio.

"Thanks for the friendship Gio. Thanks. Wala akong magagawa kung hanggang dito na lang ako sa buhay mo. Always remember na I stand by what I believe in, it was unintentional. Alam kong nandidiri ka sa akin, but maybe that's just it. And I never regret anything in our friendship, sa buong labing apat na taon na nabubuhay ako, isa kang mabuting kaibigan. Whether you think I was not a good friend to you or otherwise, it depends on you. Ingat ka na lang palagi." At malapit nang tumulo ang luha ni Angelo. Pinilit niyang huwag maiyak sa pagpuputol ni Gio sa friendship nila.

"Angelo, I'm so sorry. I want you to know na hindi ako nandidiri sa'yo. It's just that iba ka na. Very different from the Angelo I liked before. Okay lang naman na mahilig ka sa sex, fine. Pero ginawa mo sa akin iyon eh, and I don't think I can be around with a faggot like you. No, sorry. I lied. Nandidiri ako sa'yo. Alam mo naman na wala pa akong experience sa mga ganyan, sa mga homosexual intercourse, pero tinalo mo pa ako tol! Pinatos mo ang bestfriend mo! Di mo man lang chineck kung sino ang katabi mo, basta tuloy ka lang sa paghalik. Nakakadiri ka! Iba ka na!"

"Thanks for being honest Gio, pero I would never change who I've become. Proud ako rito. Kung ayaw mo maniwala na aksidente lang lahat, fine! Suit yourself."

"Hindi mo naman kasi naiintindihan Angelo eh. I wanted a person to talk to. Kaya nandoon ako. Alam mo kung bakit? Tol... tinanggal na ako sa banda. Alam mo kung bakit? Puro sariling buhay ko na lang ang inaatupag ko. Alam mo noong panahon na naospital ka? Break na sana namin iyon, ngunit pinagpalit na nila ako. Kaya hindi sila nakapunta sa akin dahil tinatanggal na nila ako. Tiniis ko lahat nang ito Angelo para sa'yo! Look who you are right now!"

"Gio, alam mo na nasa loob ako? Alam mo na kwarto namin ang pinasok mo? Sinisingil mo na ba ako sa ginawa mong kabutihan sa akin?"

"If it can be monetized Angelo, I'll ask for the refund kahit isang sentabo lang iyon." Mistulang sibat ang mga salita ni Gio. Konting konti na lang at tutulo na naman ang mga luha ni Angelo.

"Ang sakit mo naman magsalita Gio."

"This is the truth Angelo. I have to be honest with you."

"Thanks."

"Not just that. Hiniwalayan na ako ni Amy... Dahil sa'yo! Dahil nakikita niyang magbestfriends tayo, at ayaw niya raw sa mga bakla, o sa mga taong homosexual. Sinaktan niya ako tol, dahil sa'yo! Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ako naglasing noon! Dahil sa'yo, ang lahat ng bagay na nangyari sa akin, nawawala! Ang pagsikat ko sa banda, ang girlfriend ko! Ano pang gusto mong kunin? Ha?!" Sigaw ni Gio habang nag-iiiyak na nakaupo sa sahig.

"Nagsisisi ka bang nakilala ako Gio? Nagsisisi ka ba na naging ganito ako? Na lalaki ang minahal ko?"

"Bakit ba naman kasi Angelo? It was perfect! Dahil sa kabaklaan mong iyan, nasakripisyo ko ang sarili ko. Maybe it was my time to do what I want as well, di ba? But too late, you ruined my career, you ruined my lovelife. And galit ako sa'yo ngayon. Sana hindi na lang kita nakilala Angelo. Sana hindi ka na lang nainlove sa Dimitring iyan! Sana, may banda ako, may girlfriend ako. At ikaw, dean's list, sikat dahil matalino, maraming chicks." At tuluyan nang bumigay si Angelo. Tumulo na ang kanyang mga luha.

"But sadly Gio, hindi nangyari ang iyon maliban sa dean's list. Hindi ko naman kasi ginusto ito Gio eh, sadyang nangyari lang. Kung ang puso ang nagmahal, walang kasarian itong nakikilala. I'm sorry for being your friend. I'm sorry for being gay. I'm sorry for ruining your career. I'm sorry for ruining your lovelife. But you should know na I never needed to be hospitalized, I think Dimitri can take care of me. I'm not saying na kasalanan mo bakit ka nagkakaganyan, pero you should have kept your career sa banda kung hindi mo ako dinala di ba? But it was you who brought me, so you can't blame me. Hindi ko hiniling na saluhin mo ako. Okay lang nga sa akin na iniwan mo na lang akong patay. And with your girlfriend, I'm sorry. I'm sorry kung nandidiri siya sa akin. Pero you should know that she was never faithful to you to start with, was she? And now, you're covering for her. How ideal. Then you blame me? I'm sorry, I guess I'm not your friend after all. Go find another set of friends, yung straight, yung hindi ka huhusgahan. But mind you Gio, I never judged you the way you judged me. This is the second time you judged me. But I can't get the point why should I be mad at you. You will never find a friend like me."

"Because you never had the right to do so, Angelo. I needed someone with me, to listen to me. Kaya uminom ako. I went to your room, but I was never drunk. Nakita kitang natulog, so I decided na baka matulog na lang din ako roon. Kaya naghubad ako, wala namang malisya sa atin iyon di ba? We always do that. Pero nagulat na lang akong hinalikan mo ako, tapos chinupa mo pa ako. You should have known better Angelo, hindi ka ganyan noon. You should have asked kung sino ang katabi mo. And honestly, I don't know who you are right now. You caused all the sadness and frustrations in my life Angelo. Amy was the only thing I had, but she had to leave because of you. Damn it! Why does it have to be you? Bakit ikaw pa? Bakit naging bakla ka pa?"

"So what do you want to do now Gio?"

"I want us to not see each other again. I'm dumping you as my bestfriend. Let's not talk, or see, or even greet each other. If possible kahit wag mo na akong titigan okay lang. Bakla ka na Angelo, not the same Angelo. Nandidiri ako sa'yo. Ingat na lang kayo ni Dimitri."

"Alam mo Gio. Ang sakit. Masakit. But if that's what you want, fine. I won't talk to you, I won't even greet you anymore. And yes, you can throw me out of your life, I don't care. But if you want me again, if you want somebody to talk to, I'm just around."

"I don't know about that. I'm going. Thanks Angelo. I wish you the best, kayo ni Dimitri." Sabay yakap kay Angelo. Hindi ginantihan ni Angelo ang yakap ni Gio. Nasasaktan siya sa sinabi ni Gio. All this time pala, masama ang tingin ni Gio sa akin. Naging mabait si Angelo kay Gio, at lalapastanganin niya lang si Angelo.

"I guess you know what this means right?" Sabi ni Gio sabay hablot sa dog tag ni Angelo na nangangahulugan ng kanilang pagkakaibigan.

"And oh, by the way. Dimitri doesn't love you. He never did. Don't fool yourself. Goodbye Angelo." Matigas na sabi ni Gio habang pinipigilan ang maiyak pa.

Nasaktan si Angelo sa puntong iyon. Nanatiling nakatulala si Angelo. Nanigas siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ibig sabihin, binabawi na ni Gio ang pagkakaibigan nila ni Angelo.

Kumalas si Gio at lumabas.

So tinatakwil ako ni Gio dahil sa pagiging bakla ko, at hindi sa kung ano ang nangyari sa amin. Ang gulo, ang gulo gulo ni Gio.

Kung alam niyang nasa kwarto ko siya, bakit niya ako sinabunutan? Bakit niya ako pinilit na chupain siya? Sinadya niya ba na may mangyari sa amin upang may dahilan siyang layuan ako? Dahil bakla ako?

At ano iyong sinasabi niyang tungkol kay Dimitri? Malamang hindi totoo iyon. Mahal na mahal ako ni Dimitri, ramdam ko iyon. Kung hindi ako matanggap ni Gio, bahala na.

Siguro pagsubok lang ito.. Kailangan malasap ko ang pakiramdam ng pagkawala ng mga malalaking bagay para di ko makalimutan ang pakiramdam ng pagkakaroon ng maliliit na bagay.

I guess this is goodbye.

Nang makalabas na si Gio, pumasok naman si Dimitri.

"I bought you chocolates Jack." Umupo si Dimitri sa paanan ni Angelo.

At humahagulgol na si Angelo. Lumilindol ang kanyang mga balikat.

"And yes Angelo, I heard. Gab was outside. Malamang naghihintay kay Gio. Don't worry. I'm here. I hope you don't dump me because I became your boyfriend. I will always be your friend when time comes."

"No Dimitri. Hinding-hindi ko iyan gagawin. Kung hindi niya ako matanggap, fine. Tinanggap nga tayo ng tatay mo, tinanggap nga tayo ng nanay, siya pa ba na kaibigan ko? No, best friends."

"Exactly. Meaning, he cannot be your bestfriend anymore. Are you alright with that?" Nakapilit na ngiti si Dimitri kay Angelo. Nagsesenyales ng awa.

"I am alright with that Dimitri. I can live with that. Pero ayaw ko siyang pag-isipan ng masama. Hindi naman sa kakalasin kita dahil lang sa kanya, kasi unang-una, desisyon kita. Desisyon ko maging tayo. Ibig sabihin, kung makikipagbreak ako sa'yo dahil sa kanya, para na ring pinagsisisihan ko ang desisyon ko, ang sarili ko. But no, hindi. So hindi kita iiwan. I hope you are the same to me."

"Y-Yes. I-I guess I'll try. Here's to make you happy." Nauutal na wika ni Dimitri at iwinawagayway ni Dimitri ang dalawang stick ng snickers.

"You really know how to make me happy." Inabot ni Angelo ang dalawang snickers sabay pilit na ngiti.

"Ops! May nakalimutan ka?" Sabay bawi ni Dimitri sa mga chocolates.

"Naman oh! Nasasaktan na nga ang tao pagsasamantalahan mo pa! Sige na nga!" At hinalikan ni Angelo si Dimitri sa labi. Binigay din naman ni Dimitri ang chocolates. Niyakap ni Dimitri si Angelo nang mahigpit.

"I'm always here for you. Wag ka lang mangangaliwa! At sana mapatawad mo ako." Malungkot na sabi ni Dimitri.

"Huh? Bakit?"

"Malaki ang kasalanan ko sa'yo tol eh. Sana wag mo akong bigyan ng rason na ikasakim ko sa iyo."

"Anong kasalanan ba iyan? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nagtatakang tingin ni Angelo.

"Malalaman mo rin. Pero sana mapatawad mo ako."

Naguluhan si Angelo sa sinabi ni Dimitri.

"Ang gulo mo. Baka pakulo mo na naman iyan."

Tawanan.

"Are you okay now?" Tanong ni Dimitri.

"I am, Jack. I just waited for him to tell me that. I can accept that. If that's what he wants, why not. He's still my bestfriend, well at least for me."

"That's the good thing about you Angelo. Matapang ka emotionally. Handa ka magparaya. You make me fall in love with you more and more every day. Sana maging matatag ka sa hinaharap."

"Huh?"

"Gwapo mo."
"I love you Dimitri." Sweet na tugon ni Angelo habang inakbayan si Dimitri.

Hindi sumagot si Dimitri. Nakatingin lang siya kay Angelo. Tapos bigla niyang niyakap si Angelo.

Tatanggapin ko na iyan bilang I love you too. Ngumiti si Angelo habang nilalasap ang yakap ni Dimitri.

-------------------------------

"Did you really mean that Gio?" Tanong ni Gab kay Gio habang nagpapahinga sila sa kanilang silid.

"Oo. I hate him because he is gay. Noong una tinolerate ko. Inunawa ko siya. Pero pinatos niya ako Gab!"

"Hep hep. Teka lang. Nalilito ako Gio. Akala ko ba alam mo na nasa silid ka ni Angelo at akala ko ba siya ang chumupa sa'yo? So papaanong magagalit ka sa kanya ganong alam mo naman palang si Angelo ang katabi mo? Bakit di ka nanlaban? May hindi ka ba sinasabi sa akin Gio? May wala ba akong alam?" Mariin na tanong ni Gab habang hinaharap si Gio sa kanilang munting mesa para kainan.

Bago nagsalita si Gio, nagbuntong hininga siya at tumulo ang kanyang luha.

"Nang tinanggal nila ako sa banda Gab, at nang nakipagbreak si Amy sa akin, naglasing ako. Oo sinadya kong puntahan si Angelo. Nang napansin kong hindi nakalock ang pintuan niya, hindi na ako kumatok pa. Pumasok ako kaagad at naghubad. Humiga ako sa tabi niya. Palagi na namin iyong ginagawa na matulog na magkatabing nakahubad. Madilim eh, tas lasing pa ako. Ngunit hinalikan niya ako. Nalibugan ako. Take note, lasing ako. Kaya pinilit ko siya dahil sa libog. Hindi ko na makontrol eh."

"So nagsinungaling ka pala sa aming lahat. Tol, kahit lasing ka, alam mo naman na si Angelo iyon. Ilang beses na rin akong nalasing ngunit nakagagalaw pa rin naman ako eh. Bakit di mo pinigilan? Bakit di ka nanlaban? Bakit ka nagpaubaya?"

Natigilan si Gio sa tanong ni Gab. Tama naman si Gab. Lasing si Gio, hindi siya baldado. Kaya bakit?

"Baka siguro Gab.. ah eh.."

"Nagustuhan mo? Kagustuhan mo iyon di ba?" Tinitigan ni Gab si Gio. Yumuko si Gab at pumatak ang kanyang mga luha.

Nag-angat ng tingin si Gio at tumango kay Gab.

"Bakit Gio? Hindi ka ba naaawa kay Angelo na tinatakwil mo siya dahil sa kasalanan na pareho kayong may kagagawan?"

"Eh... kasi Gab, mas malalim pa diyan ang dahilan ko eh. Ayaw ko talaga sa mga bakla. Ewan kung bakit. Hindi ko matanggap noong una na umamin siya na bakla siya at mahal niya si Dimitri. Ngunit dahil bestfriend ko siya, hinayaan ko siya. Pero iba na ngayon eh. Biktima na ako."

"Alam mo naman pala na bakla si Angelo, bakit tumabi ka pa sa kanya? Bakit hinayaan mo siya? Wag mo sabihing libog, hindi iyan ang dahilan. Alam ko ginusto mo kahit alam mong si Angelo, pero bakit?"

Umiling si Gio habang patuloy siya sa pagluha.

"Iyan ang tanong na hindi ko masasagot Gio. Kahit si Angelo na matalino di yan kayang sagutin. Ikaw lang ang makakakita ng kasagutan niyan Gio. Bakit mo hinayaan ang sarili mo kay Angelo? Bakit mo kinusa? Ayaw mo na ba kay Angelo? Bakit mo tinutulak si Angelo? Bakit mo pinapalabas na pinagduduhan mo siya sa pagkakaibigan niyo? Bakit mo siya tinatakwil? Bakit ka nagsinungaling? Dahil ba sa bakla siya, o baka dahil may mas malalim pang dahilan? Ano ba talaga ang ikinagagalit mo sa kanya?"

Katahimikan. Mga iyak lang ni Gio ang namutawi sa silid.

"Ahh.. Gio? May tanong pa ako. May sekreto ka bang nalalaman tungkol kay Dimitri?"

Pinunasan ni Gio ang mga luha at tumayo.

"Mas mabuting hindi mo alam Gab. Masasaktan ka lang." Tumayo si Gio at lumabas ng silid.

Huh? Tanong ni Gab sa sarili.

-------------------------------

Sa sumunod na araw, napabalitang nagdisband din ang banda na minsang sinalihan ni Gio. Dahil ito sa poor leadership ng manager nila. Si Gio naman, si Gab na ang bagong bestfriend, sabi ni Gio. Oo, nasasaktan si Angelo sa tuwing nakikita niya na ginagawa nila ni Gio at Gab ang mga gawaing magbestfriend nila ni Angelo noon. Para bang pinagpapalit na siya. Alam niyang sinasakyan lang ni Gab ang pang-aalaska ni Gio, kaya hindi siya nagalit kay Gab. In fact, Gab is still talking to Angelo, and they're doing just fine, no tension.

Matapos ang dalawang linggo, tapos na ang kanilang 2nd sem. Napag-isipan ni Angelo at Dimitri na umuwi sa probinsya at doon na magbakasyon. Dahil wala namang kasama si Dimitri sa malaking bahay nila sa probinsya, doon na sila nanatili para sa summer vacation kina Angelo. Ngunit most of the time natutulog sila sa bahay nila ni Angelo. Masaya naman si Aling Martil dahil nagkakalaman ang kanilang bahay. May buhay. May ligaya. Dagdag pa ng pamangkin ni Aling Martil na ampon na si Angela, matalino at masipag, dagdag pa ang magandang bata palibhasa anak ng amerikano, ngunit hindi pinanindigan.

Isang summer night, nanonood sila Angelo at Dimitri ng TV nang nakita nila si Gio sa TV. Oo, artista na si Gio. Nadiscover siya ng isang manager nang palipat-lipat siya ng bar matapos ang away nila ni Amy. Matagal na siyang inaalukan ng showbiz opportunity ngunit hindi niya ito tinatanggap sa pag-aakalang maibubuhay pa nia ang kanilang banda - ito ang kuro kuro sa kanyang paaralan.

Ang role ni Gio ay isang kapatid ng bida. Mayaman sila kuno sa istroya.

At ani sa mga interviews, "Rising Star" daw si Gio sa showbiz industry, dahil sa gwapong mukha niya at star quality niya. Dahil dito, nagtagal ang summer vacation, mas dumami pa ang kaniyang mga shows, interviews, at guestings sa TV. Hindi naman ito pinapalampas ni Angelo, bawat isa ay pinapanood niya. Para saan pa ang magbestfriends sila, at least noon.

"Jack! Jack! Si Gio o, nasa TV!" Sigaw ni Dimitri na nakahiga sa sofa. Sa panahon kasing iyon, si Angelo ay nagluluto ng sinigang kaya maraming kailangang gawin. Ngunit tinigilan niya muna ang pagluluto at sumulyap sa telebisyon.
 
"Everyone, ang rising tiger star ng showbiz industry, Gio Gabriel Santos!" Sigaw ng host. Lumabas naman si Gio mula sa stage at kumaway sa mga tagahanga niya.

"Sige, upo ka diyan Gio. Let's talk about your history. How did you become a star, how did your manager find you?" Tanong ng babaeng host.

"A-Ah? It's different from the rumors you hear. It started when I settled a problem with my bestfriend, ex bestfriend actually. I was crying back then so sumakay ako ng taxi. Di ko na tinignan kung may tao ba o wala, nang nakasakay na ako, may tao pala! Ang manager ko po ngayon, si Ma'am Arlene. 18 years old pa lang po siya so pwedeng-pwede ligawan."

Tawanan.

"Back to my story, so ayun nga, nakasakay siya sa taxi at nagsisisigaw siya na modus daw, sabi ko "I'm sorry. I'm sorry. I just need a fast cab. I mean no harm." Tapos patuloy sa pagtulo ang luha ko. So she consoled me when she realized I was crying, I told her my problem and ayun, she asked maybe I could act. Gwapo raw ako sabi niya, so I have a big chance." At ngumiti si Gio. Malaki na talaga ang pinagbago rin ni Gio. Puting puti na ang kanyang balat at mala-artista na kung manamit. Mamahalin na siyang tingnan.

"Oh, that was interesting. Undeniably, gwapo ka naman talaga Gio eh. But let's talk about this problem of yours you had. What was it? And how did it make you decide to call your bestfriend back then your "ex-bestfriend"?" Tanong ng host.

Natigilan si Gio at dahan-dahan iniangat ang microphone.

"Uhh.. Well.. This person was a bad person. Actually, he was gay. He took advantage of me. I got so infuriated, he was a different person after all. He changed. I can't stand being with him. He's a really, really bad person. I mean, yeah. Nasasakim ako sa kanya. Don't get me wrong, I'm not afraid or against gay people, pero he was different. It wasn't because of him being gay the reason I left him, it was more personal, bottom line, it was his fault. I don't know why I hate him so much."

"Thank you for that honest answer. Pero if you will be given the chance to talk to him again, what would you like to tell him? Was he really a bad person?"

"I-I... I don't know, I guess I don't want to see him ever."

Napaluha si Angelo sa kanyang narinig. Inaalo siya ni Dimitri at hinahagod ang kanyang likod. "Yabang naman oh! Porke't naging artista na, mayabang na! Putang ina niya! Malalagot siya pag magsimula ang pasok, yayariin ko siya."

"Wag na Dim-"

"Hindi!"

"Wag mo na patulan Jack. Magagalit ako sa'yo?" Sabi ni Angelo habang pinapahid ang kanyang luha.

"Naku naman! Bakit ka ba nagpapasakit? I can't stand him insulting you, in front of national television! God! Napakamasokista mo naman Jack!"

"I'm okay with that. Masokista na kung masokista. Masasanay din ako. It's not our time to prove him wrong Dimitri. We will have our time."

"Okay Jack. Tell me when will that be." Sabay yakap kay Angelo. "Huwag ka nang umiyak. Gusto mo mag-Jack tayo para iiyak ka sa sarap?" Sabay pilyo na halik sa pisngi ni Angelo.

"Hahahahahaha. Wag! May bata baka makita pa tayo. Sa bahay mo na." Sabay palo sa pwet ni Dimitri. Nagyakapan sila.

"Teka Jack. Naguguluhan ako. Akala ko ba tinakwil ka niya kasi bakla ka. Bakit sabi niya "he has nothing against gay people"?" Kumalas sa pagkakayakap ni Angelo si Dimitri.

"Eh. Artista eh. May image. Baka mawalan siya ng fans." Bumalik si Angelo sa pagluluto.

-----------------------------

Mabilis na dumaan ang dalawang taon. In fact, mas nagiging maganda ang relationship nila ni Angelo at Dimitri, sa tingin ni Angelo. Mas lalong tumatatag habang tumatanda sila. At ang kanilang pagiging love team ay hindi na masyadong pinapansin ng mga tao. Mas nagiging normal na lang ang tanggap ng mga tao sa kanila at mas mabuti naman ito sa kanila, hinintay lang talaga nila na walang nakamasid sa kanila.

Si Dimitri ay dahan-dahan nang nakikilala bilang isang magaling na "Art Prodigy". Gumagawa na siya ng pangalan hindi lang sa Pilipinas, pati na rin abroad, dahil sa kanyang galing sa pagpinta. Ang kanyang mga painting ay umaabot sa 50 million ang bentahan dahil sa ganda, at pinakamaliit na ang 2 million.

Natuto na ring makipagsuntukan si Dimitri, dahil tinupad na niya ang pangako niya kay Angelo na mag-aral ng kickboxing. Dahil dito, mas humubog ang katawan ni Dimitri at sumali na rin siya sa basketball team ng university nila. Dahil sa kanyang tangkad at galing sa basketball - magaling siyang magbasketball kasi ginagawa niya itong pampalipas oras. Hindi lang iyan, pagkatapos nang magfirst year siya, sumali siya sa basketball team nila, at naging promising player siya sa kanilang batch.

Si Angelo naman, gumagawa ng pangalan sa speech at debate. Noong tumuntong siya ng second year, nag-try out siya sa debate society ng paaralan nila. Sa nagdaang taon, maraming beses na niyang napanalunan ang mga championship. Exceptional ang kanyang galing sa pakikipag-debate. Sa larangan ng speech, nanalo siya sa World's Category. At ang SEAU ay tinaguriang "Champions of the East" nang buong mundo. Lahat ng paaralan na may debate society sa buong mundo ay tinitingala ang SEAU. At dahil sa galing ni Angelo, pinasa niya ang kanyang galing sa debate at speech, nagtrain siya ng mga neophytes at maganda rin naman ang kinalalabasan.

Sweet na sweet pa rin silang dalawa, hindi nawawala ang kanilang romance. Maliban sa nagsesex sila nang mahigit five times sa isang buwan, in love na in love pa rin sila sa isa't-isa, sa tingin ni Angelo. Naghahatiran pa rin at nagsusunduan ang dalawa, katabing matulog, at dinidepensahan ang isa't-isa. Hindi nawawala ang holding hands, ang nakaw na kiss, ang patagong akbay, ang pilyong biro ni Dimitri at ang drama ni Angelo. Dahil hindi na sila kilala bilang hottest love team, tinitingala na sila ng mga tao bilang idolo sa pagmamahal. Kasi nagtagal sila kahit may mga nagbabago sa kanila.

Ngunit dahan dahan itong nawawala habang tumatagal, lalo nang tumuntong sila ng second year. Iniintindi na lang ni Angelo dahil mas busy na si Dimitri.

Ang nagbago kay Dimitri ay mas gumanda pa ang maganda niyang physique. Mas naging maskulado siya, at mas gumwapo siya. Maliban diyan, gumagawa na rin siya ng pangalan sa basketball kasi siya na ang team captain sa senior year niya sa pag-aaral. Kada laro, nandiyan palagi si Angelo sa pinakamalayong parte ng audience, at nakikita siya palagi ni Dimitri. Mas gusto ni Angelo na nasa malayo siya para hindi magpakitang gilas si Dimitri at mas gaganahan siya sa laro dahil sa laro at para hindi magpaimpress. Maliban diyan, hindi na rin lalampa-lampa si Dimitri, marami na siyang nakakasuntukan pero si Angelo lang ang hindi pinagbuhatan niya ng kamay, sa ngayon.

Si Angelo naman, nagbago ang pangangatawan. Dahil sa chocolates at snickers na binabaha ni Dimitri sa kanya, mas tumaba at lumaki ang katawan ni Angelo, ngunit nawala ang kanyang abs. Hindi naman talaga siya masamang tingnan, at di naman siya masyadong tumaba pero siguro isipin niyo na lang si Dingdong Dantes na walang abs. Payatot kasi si Angelo noon. Maliban diyan, pumuti naman siya, kaya mas gumwapo siya.

Tumangkad na rin sila ng ilang pulgada. Kung si Dimitri ay 6' at naging 6'5", si Angelo naman ay mula sa 5'7", naging 5'8" ang height. Kakaiba ang pinagbago ng height nila dahil sa dalawang taon na nagdaan. Kaya mas lumaki ang agwat ng height nila. Kahit hindi masyadong tumangkad si Angelo, pansin naman ng mga tao ang gwapong mukha niya, mas naging attractive ito dahil nadagdagan na ng laman ang kanyang mukha.

Maliban sa mga achievements nila Angelo at Dimitri, gumagawa sila ng pangalan sa pagiging pinakamatalinong gwapong couple. Si Angelo na ang nangunguna sa buong university with an average of 1.023 at si Dimitri naman ay nasa 1.173. Napapansin na ang kakaibang talino ni Angelo at tinagurian na siyang Einstein of all time ng SEAU. Hindi niya naman pinaabot sa utak ito at naging humble pa rin. Maliban na lang sa talinong angkin niya, nagustuhan din ng mga tao ang kanyang kakaibang kabaitan at humility. Ayon ito sa huling tally noong 3rd year na sila, 2nd sem.

Si Gio naman, sumikat na. Mas dumarami ang mga fans at hindi na siya makagagalaw. Roommates pa rin sila ni Gab at patuloy pa rin siya sa pag-aaral kahit maraming projects. Ang nakakatawa, mas tumangos ang kanyang ilong, lumapad ang kanyang jawline, mas lalo pang pumuti at tumangkad hanggang sa 6' dahil sa kanyang walang humpay na pag-gi-gym. Malaki at maganda na ang kanyang pangagatawan at siya ang pinakasikat na estudyante sa SEAU simula nang maging artista siya. At sa huling pagtally ng grades, siya ang pumapangatlo with an average of 1.236.

At kagaya ng huling napag-usapan ni Angelo at Gio, hindi sila muling nag-usap. Kung magkakasalubong sila sa hallway, hindi na sila nagpapansinan. Hindi na rin tinitignan ni Angelo si Gio, ganoon din naman si Gio. Nakadikit naman palagi ang kanyang manager slash girlfriend na si Arlene. Mas matanda ng dalawang taon si Arlene kaysa kay Gio. Pinutol na ni Angelo at Gio ang kanilang ugnayan at hindi na sila nag-usap pa muli. Parang hindi na sila magkakakilala. Nakamove on naman si Angelo at si Gio. At oo, naging magbestfriends nga pala si Gio at Gab mula noong dalawang taon and counting. Tanggap na rin ito ni Angelo. Mabait naman si Gab.

Si Laurel ay lumipat na ng state university. Hindi na niya kasi makayanan ang pressure ng working scholar. At saka nahihirapan na rin siya sa mga gastusin, hindi kasi full ang scholarship. Hindi na masyadong nakikita ni Angelo si Laurel dahil busy na ito sa pag-aaral.

Si Maryanne naman, lumipat na ng paaralan sa Amerika. Napagdesisyunan ng mga magulang niya na sa Amerika na siya papaaralin ng kolehiyo dahil mas mabuti ang kanyang future doon.

Si Corina, sila pa rin ni Gab. Masakit pa rin ang loob niya kay Angelo at bitter na bitter siya na pinahihiya niya si Dimitri at Angelo sa lahat ng tao, ngunit walang naniniwala na sa kanya. Hindi na kasi siya pinagkatiwalaan ng sorority, at pinalayas na siya roon. Isa na lang siyang normal na estudyante ng paaralan. Napapansin na rin ang pagtabang ng kanilang relationship ngunit inaayos ito ni Gab palagi. Magkateam din pala sila ni Dimitri at Gab sa basketball team.

Si Riza naman, lumipat ng SEAU. Si Riza ang naging bestfriend ni Angelo kahit bestfriend niya na rin si Dimitri. Nagdorm na rin sila, at kung wala si Dimitri ay si Riza ang laging kasama ni Angelo maliban sa kanyang mga tropa. Matapos ang first year ng pasukan ay nagtransfer kaagad si Riza.

Ngunit bago sila tumuntong ng fourth year college, hindi na nagpapansinan si Riza at Dimitri. Nang minsan tinanong ni Angelo kay Riza kung bakit, ito lang ang sagot niya: "May mga bagay na dapat malaman sa takdang panahon lamang." Nahihiwagaan si Angelo sa sagot ni Riza kaya hindi na niya ito kinulit pa.

Lalaking-lalaki pa rin gumalaw ang dalawa, ngunit mahal na mahal ni Angelo si Dimitri.

Dahil sa magkadikit dikit na GWA nina Angelo, Dimitri, at Gio, tinataguriang "Golden Age" ng SEAU ang pagkuha sa tatlong ito. Magaling ang performance ng university at nalahok ito sa top 10 na pinakamagaling na paaralan sa buong mundo.

Dahil sa medyo busy na si Dimitri at Angelo sa isa't-isa, hindi mo sila mapaghihiwalay kung magkasama sila. Naghahanap talaga ng panahon si Angelo para magkasama silang dalawa. Ang kakaiba lang ay palaging nagtetext si Dimitri at wala na siyang focus masyado kay Angelo.

At hindi rin nakakalimutan ni Angelo ang kanilang Anniversary - January 14 (Take note), na dalawang beses nakalimutan ni Dimitri.

Si Angela naman ay nasa first year high school na, pinapaaral ni Aling Martil sa isang pampublikong high school. Nakatungtong siya ng high school sa edad na 9.
Si Aling Martil naman, masayang-masaya para sa kanyang anak. Maliban sa matalino ito, gwapo, mataba, at maputi na, tsaka mukhang mayaman na, mukhang tao na rin kung manamit si Angelo at kakaiba na talaga ang dating ni Angelo. Natutuwa si Aling Martil at siya ang palaging kasama ang anak, ngunit wala si Dimitri sa mga bakasyon. Paminsanan ring umuuwi sila Angelo sa papag nila.

Napakaepokreto naman kung sasasbihin natin walang balakid sa pagmamahalan nila Angelo. Bago nga sila magsecond year, may alitan si Angelo at Dimitri dahil sa pagpunta ni Dimitri sa Prague. Ilang araw bago matapos magsisimula ang pasukan, nasa second year na sila Angelo, may nakitang card si Angelo na ganito ang laman.

My love Dim,

Thanks for the time!

-Si Ji

(One world hotel)

Depensa ni Dimitri, kaibigan daw iyon ng papa niya na dumalo nang gallery. Ngunit mahal ni Angelo si Dimitri, hindi na niya pinahaba ang kwento pa.

Nang mag-4th year college na sila, mas lumakas ang panlalamig ni Dimitri kaysa sa noong nagsimula ang panlalamig niya kay Angelo noong second year pa sila. Kagaya nang hindi pagdalo ni Dimitri sa nakalipas na dalawang birthdays ni Angelo. Nakakalimutan ang anniversary o monthsary. Kung naalala, late kung dumating. Minsan, hindi preparado si Dimitri. Kesyo busy daw sa team kaya kailangan imiss ang mga selebrasyon, o di kayay may plate na ginagawa, at kung anu-ano pang dahilan. Tinatanggap na lang ito ni Angelo.

Napapansin na rin ni Angelo na hindi na masyadong touchy si Dimitri. Umiiwas na ito ng hawak sa kamay o kiss o yakap man lang. Wala na ring focus si Dimitri kung magakasama sila ni Angelo. Palaging nagtetext. Kung ginugulo naman ni Angelo, madaling nagagalit. Kailangan pang suyuin ni Angelo si Dimitri para patawarin siya.

May mga iba't-ibang love notes na rin na natatanggap si Angelo na para kay Dimitri. Depensa ni Dimitri galing ito sa mga fans nila... ngunit kakaiba ang nararamdaman ni Angelo dahil sa sulat ng isang pamilyar na tao... Si "Si Ji". Minsan niyang tinanong kay Dimitri kung sino si "Si Ji" ngunit magagalit si Dimitri at sasabihing nagkacrush lang ito sa kanya na insik. At dahil mabilis mag-init ang ulo ni Dimitri, hindi na ito kinukulit ni Angelo pa.

Maliban diyan, kung mag-aayos ng gamit si Angelo, napapansin niyang nagdadala na ng condom si Dimitri palagi. Nasa bulsa, o di kaya nasa wallet. Ngunit ginagamit naman daw ito ni Dimitri para kay Angelo. Isang araw, umuwi ng lasing sa hatinggabi si Dimitri, at naamoy ni Angelo ang bango ni Dimitri... parang perfume ng babae. Pinag-awayan nila ito ngunit nagsorry din naman si Dimitri at sinabing nag-bar lang siya sandali. Madalas din nagigising si Angelo na wala si Dimitri sa kanyang tabi kung matutulog sila sa gabi. Hinahanap niya ito ngunit hindi niya ito makita. Kaya matutulog na lang siya ulit at magugulat na lang na katabi na niya naman si Dimitri sa paggising sa umaga.

Ang pinakagumulantang kay Angelo ay nang mabasa niya ang isang mensahe galing sa isang unknown number mula sa cellphone ni Dimitri.

From: 0932xxxxxxx

Hi babe. I missed you. When do we do our plans? I'm excited. I love you. :*

Sinave ni Angelo ang numero ng unknown number sa pangalan na "X". Nag-away sila dito ngunit si Angelo naman ang nagpakakumbaba. Siya ang nagsorry kay Dimitri at siya ang sumuyo kay Dimitri. Tinanggap ito ni Dimitri at nagdepensang "hindi kilala ang may-ari ng numero" at baka "may nagplanong paghiwalayin silang dalawa". Sikat naman kasi si Dimitri at maraming babae ang nahumaling sa kanya kaya hindi malayong mangyari iyon. Binili naman ito ni Angelo at nanatili ang kanilang relasyon, kahit ang lamig lamig na.

Isang sabado, napag-isipan ng dalawa na tumambay sa garden ng dorm. Paborito nilang tambayan ang malabong na puno ng acacia. Uupo lang ang dalawa at magkukuwentuhan. Sa pagkakataong ito, may naisip si Angelo.

"Jack. May picture ka ba sa atin?" Tanong ni Angelo kay Dimitri habang hawak hawak ang isang jewelry box. Lumingon naman si Dimitri at tumango. Kinuha niya ang kanyang wallet at hinablot ang litrato nila noong unang napanalunan nila ang National Math Competition. Batang-bata pa ang kanilang mga mukha at dala-dala nila ang trophy at suot suot ang mga medalya, magkadikit ang kanilang mga mukha at malalawak ang ngiti. Nakaakbay si Dimitri kay Angelo at nakasandal naman si Angelo kay Dimitri at pawis na pawis ang kanilang mga mukha.

Ngumiti si Angelo nang makita niya ang litrato. "Nasa sa'yo pa ito?"

"Siyempre." Matipid na sagot ni Dimitri habang patuloy sa pagtetext.

Agad agad hinablot ni Angelo ang jewelry box na regalo sa kanya ni Dean Realoso, ang tumatayong nanay niya sa SEAU. Pinasok niya sa loob ng box ang litrato nila ni Dimitri at gumawa ng butas malapit sa puno.

"Hoy? Anong ginagawa mo?" Tanong ni Dimitri nang mapansin niyang naghuhukay si Angelo.

"Ililibing ko tong box na may litrato natin. Remembrance na kahit sa apat na taon natin dito, may memory tayo. I love you Dimitri." Yumakap si Angelo kay Dimitri.

Lumingon sandali si Dimitri at kinurot sa mukha si Angelo. Tapos bumalik sa pagtetext.

Nang makagawa na ng hukay si Angelo, pinasok niya sa hukay ang jewelry box na may larawan nilang dalawa at tinabunan itio ng lupa.

"Hindi na ba mawawala iyan?" Tanong ni Dimitri.

"Siyempre! Dito lang ito hahaha." Humiga si Angelo sa kandungan ni Dimitri.

-------------------

Isang gabi...

"Jack? Pupunta ako sa Singapore next week. Singapore Debate World's Open." Pagpapaalam ni Angelo habang nasa kama sila, nanonood ng TV.

"Ano ba naman iyan Angelo? Kailan ba iyan? Nakakatampo na ha." Pagmamaktol ni Dimitri sabay talikod kay Angelo.

"Sa September 12 ang alis ko. Sa 13 ako darating, at sa 14 ang competition namin." Sabay yakap kay Dimitri.

Humarap si Dimitri kay Angelo.

"Sige na nga. Alam ko namang ilang beses mo na akong inuunawa sa mga laro ko. Palagi ka ngang nasa bleachers eh. Naalala mo ba noong pinili ko ang team buffet kasama ang team kaysa sa monthsary natin?"

"Oo, at nagalit ako sa'yo. Nakakainis!" Sigaw ni Angelo.

"Exactly. Huhu. Ingat ka roon ha?"

"OA mo naman. Minsan nga lang ako mawawala tapos magdadrama ka pa diyan Jack."

"E kasi hindi kita maihahatid eh, 6AM - 11 PM ang practice ng team maliban sa class time."

"Oo. So quits na tayo sa pagtatampo kasi hindi mo ako ihahatid."

"Daya! Pagdating mo doon ha, magskype ka!"

"Sus bolero! Bago iyon ah! Marami ka ngang babae diyan eh. I love you Dimitri." Hahalikan na sana ni Angelo si Dimitri nang umiwas si Dimitri at kinurot sa pisngi si Angelo.

------------------------------

Dumating ang araw na nakarating na siya at ang mga kasama niya sa Singapore. September 13 na nang makaabot sila roon, umaga at masarap ang simoy ng hangin. Ang unang ginawa ni Angelo pagpunta roon sa Singapore ay nagpaconnect sa internet at nakipag-skype kay Dimitri. Hinihintay ni Angelo si Dimitri na mag-online, pero walang Dimitri. Isang oras, dalawang oras, tatlong oras, walang Dimitri na nag-online.

"Angelo... Di ka ba sasama sa amin? Gagala kami sa harbour." Alok ng kasama ni Angelo.

"Ah. Di na lang muna siguro. May hinihintay ako eh." Napabuntong hininga si Angelo.

"Sige bahala ka. Ingat ka." At lumabas ang kasama niya sa kwarto. Tinext at tinawagan ni Angelo si Dimitri, ngunit walang Dimitri na nag-online. Naghintay na naman siya ng isa pang oras, wala pa rin.

Baka busy... Gagala na lang ako.

"Jack. Gumala ako. Tagal mo kasi! Text ka na lang. Bye!" 

 Ang text message ni Angelo kay Dimitri.

Lumabas na lang mula sa five star hotel sila Angelo at inaya ang baklang kaibigan na debater rin na kasama niya na gumala. Mahilig makipagkuwentuhan ang bakla at masayang-masaya siya kasama. Kaya natutuwa siya kapag kasama niya ang bakla.

Kung anu-ano ang tinatanong ng second year na debater na bakla kay Angelo, kung paano sila nagkakilala ni Dimitri, at kung anu-ano pa. Crush na crush kasi ng bakla si Dimitri. Sikat na kasi talaga si Dimitri bilang isang hot basketball player, kaya babae, binabae, lalaki, at palalaki, pinaguusapan siya.

Nasa downtown na sila ng isang district nang nararamdaman ni Angelo na may sumusunod sa kanya. Kanina pa nararamdaman ni Angelo nang palakad-lakad sila na may dalawang lalaki ang sunod nang sunod sa kanila. Nagsimula na siyang kabahan.

"Ellis, pagkasabi kong takbo ka, takbo ka, okay?" Bulong ni Angelo sa baklang kaibigan niya.

"Bakit ba kuya? Ano bang meron? May hottie ba sa Singapore? Sinusundan pa ako? Magpapabuntis ako sa kanya promise!" Sabay lingon sa paligid.

"Gaga! Kanina pa kasi ang mga lalaking iyan na nakasunod sa atin. Be alert lang okay?"

"Gwapo ba Kuya Angelo?"

"Sasapakin na talaga kita Ellis."

"Joke lang kuya. Ikaw na lang bumuntis sa akin. Gwapo ka rin naman. Maniniwala ako sa'yo, fine, puta mo ako kuya wag mo lang akong sapakin kasi malaki pa naman ang braso mo. Masarap, nakakahorny."

Hindi na ito pinansin ni Angelo. Hindi kasi perperktong panahon para sa pagbibiro ang oras na iyon.

"Ellis! Bilisan mo ang lakad mo. In 20 seconds, kung nasa maraming tao na tayo, tumakbo ka. Nakakatunog na ako, grabe na iyan. At dalawa pa sila."

"Ay kuya, bet ko yan! One for you and one for me! If ayaw mo naman, akin na lang kuya ha? Trip ko ang gangbang."

"Ellis! Umayos ka nga!" Naiiritang sigaw ni Angelo.

"Opo kuya, sorry na."

"20 seconds? Now." At pabilis ng pabilis ang lakad ng dalawa. Nararamdaman ni Angelo na bumibilis din ang lakad ng dalawang lalaki. Hindi lang iyan, naging lima pa sila.

Lumipas ang 20 seconds at tumakbo na si Angelo at Ellis. Pagtakbo nila, sampung lalaki na ang nakasunod sa kanila, na tumatakbo!

"Kuya! Anong gagawin natin! Sampu na sila!" Natatarantang sigaw ni Ellis.

"Ellis, takbo ka lang! Kailangan natin makaabot sa maraming tao. Huwag dito, walang tao dito. Walang nakakita sa atin."

"Oo Kuya! Walang makakakita na hinahabol ang princess at ang kabayo!"

"Ginawa mo pa akong kabayo! Gaga! Takbo ka lang!"

"Siyempre kuya! Ang bilis mo ngang tumakbo oh! Guwapong kabayo naman! Kuya, mahuhuli na nila ako, nanghihina na ang mga tuhod ko! Princess ako eh!"

"Takbo ka lang Ellis. Please. Delikado to! Mamaya na biro please." Naghihingalo na si Angelo.

At nakaabot na sa kanto patungong highway si Angelo. Nakuha ng mga lalaki si Ellis. Tatakbo na sana ulit si Angelo, ngunit biglang may humintong van sa harap niya at may mga lalaking dumampot sa kanya. Tinamaan siya sa batok at nahimatay ang dalawa. Ang huling nararamdaman ni Angelo ay piniringan siya at tinali na siya sa kamay. Sunod niyang narinig ay ang pagsisisigaw ni Ellis ng tulong.

"Let's take them to the boss. He'll take care of everything!" Sabi ng isang lalaki na halatang insik ang accent ng pag-eenglish.

"Wooh. I'm very excited.. How do these Filipinos taste?" Tanong ng isa pang insik na kakaiba ang accent.

Taste? Shit! Mamatay na ba kaming dalawa dito? Kakatayin ba nila kami? Lord parang awa niyo po!! Sa isip ni Angelo. Kinakabahan siya. At nang maramdaman ng isang insik na humihinga pa si Angelo, binatukan siya ulit at tuluyan na siyang nahimatay.
--------------------

"So, pinasundan mo raw siya sa Singapore?" Tanong ni Corina sa taong nasa kabilang linya.

"Yes. I like this. Eto na Corina. This is it. Nagsisimula na tayo."

"For good three years! More than three years mo akong pinaghintay! Bakit ba kasi?" Tumawa si Corina.

"Hinintay ko lang na umasim ang kaniyang lovelife. Napapabalita na eh. Genius ba?"

"Kaya pala! I love this! Hindi makakatagal ang boyfriend niya sa kanya. Sabi na nga ba at hindi bakla iyang si Dimitri eh. Ang lalaki, lalaki talaga. Ilusyunadang bading! Hahahahaha, kailan ba natin siya papatayin?"

"Hindi natin siya papatayin. Papahirapan lang. Gusto ko siya mismo ang papatay sa sarili niya. Don't do anything, okay?"

"Tsk. Naman oh! Sige na nga. Pero kailan ba tayo matatapos?"

"By second sem Corina... Graduation. I'm sure burado na siya sa mundo dahil sa trauma. Hahahaha!"

"Lemme hear your plan..." Tumawa si Corina.

"Malalaman mo rin. Let's not see each other. Baka may makahalata."

"Pero..!"

Tooot.. toooot..

Itutuloy...



Gapangin mo ako. Saktan mo ako.


14 comments:

  1. Putragis talaga yang mga kontrabida mga yan.

    Boholano travel blogger

    ReplyDelete
  2. Ano ba naman yan!? Kawawang kawawa na c angelo ah. Pati ba nman c dimitri! Angelo wag ka kasing magpakatanga. Naturingan kpa man ding matalino.tsk.

    ReplyDelete
  3. hi po wala papu bang chapter19? ang gapangin mo ako..saktan mo ako?

    ReplyDelete
  4. Ang ganda nito. Sana may update agad. Exciting. Sana wag na lang si dimitri ang love team ni angelo. Maging mag isa ka na lang angelo. You are strong enough para sa mga pagsubok. You can stand your own. Haha. Manloloko silang lahat at mang iiwan.

    ReplyDelete
  5. Mr. Author, tanggalin mo na lang si dimitri sa kwento. Nakakainis sya. Sya talaga ang karakter ng isang lalaki, manloloko at sinungaling. Haha. I guess sya talaga yung tinutukoy na manloloko at si gio ang mandirigma. Si gio na lang sana ang para kay angelo. Wag nyo sasaktan si angelo, thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  6. I smell something fishy sa convo nila Gio and Gab. Things are getting excited. I'm a straight guy but I dunno why I feel something aching inside me while reading this part. Anyway, I'll just keep posted on it. Sobrang ganda ng story :) Keep it up Mr. Author ;)

    ReplyDelete
  7. At si Gab ang nagmamahal hihi

    ReplyDelete
  8. I still believe in the saying that you cannot put a good man down..I hope in the end angelo will triumph over the seemingly insurmountable odds. life is full of trials but stories are meant to inspire the readers, to give hope to some. tragedies may happen along the way but the bottomline is there is hope to the protagonists..bakit kailangang patayin ni corina si angelo? walang values..haisst

    ReplyDelete
  9. haha alam na kung cno

    ReplyDelete
  10. baka naman yung ms. ji eh si corina? pero no.. bakit masasaktan si Gab? gulo ko haha

    ReplyDelete
  11. and katulad nga po sa mga previous chaps na sabi ko NAIINIS AKO SA UGALI NI ANGELO SOBRANG BAIT!!
    -Dino

    ReplyDelete
  12. Gusto ko talagang malaman ang totoo tungkol kay Dimitri. Ang totoong pakay nya kay Angelo. Kung may nlalaman si Gio tungkol kay Dimitri ay bakit hndi nya cnabi kay Angelo? Ano ang totoong nararamdaman nya kay Angelo? Kailangan kong mlaman!!!!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails