Followers

Thursday, April 16, 2015

Loving You... Again Chapter 13 - Wheel of Fortune




  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Salamat din pala sa pagsuporta sa akin, sa mga ilang tao sa Bluerose group (Kasi wala naman akong group at walang balak na gumawa), sa mga SILENT READERS, Anonymous Commenters, Heyters (Where na you guys, dito na me), and EVERYONE, thank you. Ashigawa, Trebb, Alex, 44, Lantis, Alfred, Junrey, Jharz, Jhunnel, Gilrex, Spectrum, Mher haha thanks at SA IBA PA.

At muli, salamat po sa pagsubaybay sa kwento na ito... na matagal ng matapos haha. 20th chapter ko na ito YEY! At lalong-lalo na sa pag-suporta po sa Side Story ko na FAST BREAK nila Marcaux at Keith. At dahil diyan, baka magkaroon sila ng appearance sa mga susunod na chapter. At saka about doon sa bench sex, napanood ko kasi iyun sa... alam niyo na. Wala na pong ganoon sa susunod... para sa akin. So heto na po ang Chapter 13. :)













Chapter 13:
Wheel of Fortune

































Ren's POV



          Naalala ko naman na dapat kong hugasan ang mga baunan namin ni Kei. Pumunta ako sa sala saka kinuha ang baunan mula sa bag ko at bumalik sa kusina para simulan ng hugasan ang mga ito.



          "Ren, baunan mo ang mga iyan?" tanong ni Harry.



          "Yeah. Mga baunan ko ito." sagot ko.



          "Dami naman. Pati ba iyang asul na baunan? Parang iyan din iyung baunan ni Kei ahh." Agad na kinabahan ako sa sinabi ni Harry. Teka, ano ba ang dapat na palusot ko?



          "Coincidence lang iyun siguro na magkaparehas kami ng baunan." palusot ko.



          "Ganoon ba? Sa bagay." saad ni Harry... na mukhang hindi ko nakumbinsi sa palusot ko. "Dami mo namang baon. Nakapagtataka naman na hindi ka tumataba Ren."



          "Ganoon talaga."



          Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko... dahil sa kaba. Nabuko na ba kami? Naghihinala na ba si Harry sa amin? Sabi ni Kei ay dapat isipin nila Harry na parang acquaintance level lang ang pagkakaibigan namin. Pero ano ang gagawin ko? Mukhang nagdududa si Harry. Huwag kang mag-alalaa Ren. Keep calm and act normally!



          "Alam mo ba Ren, kamukha mo iyung kababata ko." biglang wika niya. Natigil naman ako sa paghuhugas dahil sa narinig.



          "Huh? Kababata mo?" tanong ko.



          "Umm... parang ganoon na nga. Actually, kababata namin ni Kei."



          「"Opon! Opon!" sigaw ng barker.



          Kasama ng mga kaibigan ko at si kuya Lars, pupunta kami sa isang mall. Umupo naman si kuya Lars sa isa sa upuan ng multicab.



          "Harry? Dito ka na kumandong sa akin." yaya ni kuya Lars sa kaniya.



          "Pero gusto kong kandungin si Ren." reklamo ni Harry.



          "Huwag ka ng magreklamo Harry." ani Kei na naka-upo na din. "Ren, dito ka na kumandong."



          Lumapit naman ako kay Kei at kumandong. Nakasimangot naman na kumandong si Harry kay kuya Lars. Habang nakakandong kay Kei, pasimple naman akong niyakap nito.



          "Huwag kang mag-alala Ren. Safe ka sa akin." wika nito.



          Ginantihan ko naman ito ng ngiti. Binaling ko naman ang tingin ko kay Harry. Hindi ko alam pero bakit nanlilisik ang mga mata niya kung tingnan kami ni Kei?」



          「"Kei, iyung kababata mo, kababata din ba ni Harry?" tanong ko.



          "Ahh... hindi. Sa bahay lang lagi si Harry noong mga bata pa kami." sagot ni Kei. Nagsasabi siya ng totoo. "Bakit mo naman naitanong?"」



          「"Bakit Mr. Lion? May problema ba kapag may relasyon kami ni Kei?" seryosong tanong ko.



          "Sabihin mo. Sa ilang buwan na nagkakilala kayo ni Kei, sandali nga, Keifer pala. Gaano mo siya kakilala?"



          "Meron siyang pamilya na magulo na kapag nalaman na bakla ang isa ay papatayin ang pamilya ng lalaki at-"



          "Naniniwala ka doon?" pagputol ni Mr. Lion.



          "Oo naman."



          "Paano mo nasabing totoo iyun?"



          "D-Dahil naramdaman ko na totoo iyung sinasabi niya. Nag-usap kami ng masinsinan."



          "Paano mo naman nasabi na totoo lahat iyun gayung wala ka doon sabihin mo nga? Hindi mo ba alam na sa korte Ren, hindi malakas na ebidensya ang mga hearsay."



          "Wala kami sa korte nung nag-usap kami kaya hindi na iyun kailangan." pagdadahilan ko.



          "A valid reason. Not bad. Pero paano kung sabihin ko sa iyo na hindi lahat na sinasabi ni Keifer tungkol sa pamilya niya ay totoo? Or more precisely, hindi lahat ng mga sinabi sa iyo ni Keifer ay totoo?"



          "Bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga bagay na ito?" Gusto ko siyang sapakin. Hindi totoo ang mga sinasabi niya.



          "Alam mo, binabawi ko na ang sinabi ko sa iyo noon na kaya mong kumilatis kung ano ang totoo at hindi. Alam mo bakit? May mga kasinungalingan na nakalampas."」



          Bigla akong kinabahan. I-Ito ba ang isa sa mga kasunungalingan ni Kei na nakalampas na sinasabi ni Mr. Lion?



          Tinigil ko muna ang paghuhugas at hinarap siya. "Ang kababata niyo bang ito Harry ay... patay na?" naitanong ko.



          Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya nang sinabi ko iyun. "P-Paano mo nalaman?"



          Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ko pala dapat sinabi iyun na alam ko ang nangyari tungkol sa kababata nila. Pero teka? Dapat ko bang sabihin na kay Kei ko iyun nalaman? Shit! Ano ba ang mga nangyayaring ito?



          Agad na nilingon ko ulit ang hugasan at pinagpatuloy ang gawain. "Hula ko lang." kinakabahan kong saad.



          "Pero ang tono ng pananalita mo kanina ay parang alam mo na patay na itong kababata ko?" nanghihinala niyang tono.



          Natawa na lang ako ng payak. "Tigilan mo nga iyan Harry. This is really ridiculous. Walang biro. Hula ko lang talaga."



          Hindi naman ito sumagot sa mga sinabi ko. Kulang ba sa kumbiksyon ang sinasabi ko? Damn! Kailangan galingan ko pa ang pagtatago ng mga bagay-bagay.



          Habang naghuhugas ay naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Harry ng mahigpit mula sa likod ko. A-Anong ginagawa niya? Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaba ba ito o...



          "H-Harry?"



          "Alam mo Ren, hindi ako naniniwala na patay na itong kababata ko. Noong una nga ehh hindi ako makapaniwala. Pero napagtanto ko na paano kung hindi naman talaga siya namatay? Paano kung nabuhay lang siya sa ibang katauhan?" saad ni Harry.



          "Nabuhay sa ibang katauhan? Anong ibig sabihin mo doon?" tanong ko.



          Muli ay hindi na naman siya sumagot. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na nilubog ni Harry ang mukha niya sa balikat ko at humikbi. Binitawan ko ang aking hugasan at hinarap ko naman ito saka niyakap. Base sa reaksyon ni Harry, mahal na mahal nito ang kababata niya. Ganitong lungkot din ang naramdaman ko kay Kei noong ibinalita niya sa akin na patay ang kababata nilang ito. Ganoon ba kahalaga sa kanila ang kababata nilang ito? Bakit nagsinungaling si Kei na kaibigan din ni Harry ang kababata niya? Anong dahilan?



          Hindi ko na lang namalayan na sinisimulan na palang halikan ni Harry ang balikat ko.



          "Harry? Anong ginagawa mo?" gulat ko.



          "Ren."



          Akmang lalaban ako nang pinatid niya ang paa ko dahilan upang mawala ang balanse ko. Tinulak naman niya ang katawan ko sa gilid dahilan upang matumba ako. Bago matumba ay inalalayan niya ang ulo ko para hindi mauntog. Pagkatapos ay pinatungan niya ang mga paa ko at inilagay ang mga kamay ko sa bandang ulo gamit ang isang kamay niya. Nako! Naloko na!



          "Ren." malambing niyang tawag sa akin.



          "Harry. Tumigil ka." pakiusap ko.



          Tiningnan ko ang mga mata ni Harry. Mas lalo pa akong kinabahan dahil walang buhay ang mga mata nito nang tinitigan ko. Wala si Harry sa sarili niya. Sinubukan ko namang pakawalan ang mga kamay ko pero bale wala ito. Hindi ko makaya ang lakas ng paghawak ni Harry sa mga kamay ko.



          "Ren."



          Nilagay naman nito ang isang kamay niya sa tiyan ko at kasabay noon ay ang paghalik niya sa leeg ko.



          "Harry! Pakiusap! Ahh!" iyak ko.



          Shit! Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa katawan ko nang ginawa niya iyun. Hindi pwede. Ayoko! Ito ang isa sa mga downside kapag namuhay kang mag-isa. Kahit sumigaw ako ng tulong ngayon, walang makakarinig. Literal na magagahasa ata ako ngayon ni Harry.



          Narinig ko naman na bumukas ang pintuan ng bahay ko. Si kuya Jasper kaya iyun?!



          "HOI! TIGILAN MO IYANG GINAGAWA MO!" sigaw ng isang boses. Si Edmund! Sino siya? Malalaman niyo mamaya.



          Agad naman tumakbo ito para saklolohan ako. Sinipa niya agad si Harry sa tagiliran at natinag naman ito. Pagkatapos ay hinawakan ito at ihinagis papalayo sa akin. Nawalan ng balanse si Harry dahilan para matumba ito. Tinulungan naman akong makatayo ni Edmund.



          "Okay ka lang ba master?" tanong nito.



          "HUWAG NGAYON EDMUND!" naiinis kong saad.



          Kinuha naman ni Edmund ang phone niya. "Jasper. Yeah. Okay na. Ako na ang bahala dito. Salamat." rinig kong mga sinabi niya saka ibinalik sa bulsa ang phone. "Sino ba iyan? Boyfriend mo na naman? Aray!" tanong pa nito. Agad na tinapakan ko ang paa niya dahilan para mapa-aray ito.



          Si Harry naman ay dahan-dahang bumangon at maya-maya'y umiyak. "Pasensya na." hagulgol pa niya.



          "Pasensya na? Muntikan mo na siyang ginahasa kanina? Pasensya na?!" si Edmund.



          "Tumigil ka nga Edmund!" saway ko dito.



          "Pasensya na talaga Ren sa nagawa ko." muli pang sabi ni Harry.



          Agad na tumayo si Harry at kinuha ang mga gamit sa sofa saka dire-diretso siyang lumabas.



          "Edmund, pagbuksan mo ng gate." utos ko.



          Sinunod naman nito ang utos ko at lumabas habang ako naman ay naiwan sa kusina. Nasapo ko na lang ang ulo ko saka umupo sa isang upuan doon. Bakit niya ginawa iyun sa akin? Anong dahilan? Dahil ba sa sobrang kalungkutan at pagka-miss niya sa kababata nilang ito kaya nagawa niya iyun? Iniisip ba ni Harry na ako iyung kababata niya? Paano kung ako talaga ang kababata nila? Ano ang gagawin ko? Naguguluhan na ako.



          Maya-maya ay bumalik sa loob si Edmund. Si Edmund ay isa sa mga katulong sa mansyon nila ninong at may naka-assign na trabaho sa akin... at nakaka-asar siya.



          "Naka-labas na siya ng bahay master." bungad nito.



          "Huwag nga ngayon Edmund." naiinis na saad ko dito.



          "Okay." kibit-balikat niya. "So ano? Wala ba akong makukuhang thank you sa ginawa ko? Thank you Edmund dahil kung hindi ka dumating ehh tuluyan na akong nagahasa? First question ko nga pala, sino iyun?" sunod-sunod na tanong niya.



          "Si Harry iyun. Kaibigan at pinsan ni Kei." wala sa huwisyo kong sagot.



          "Ohh! Complicated." natatawa niyang saad.



          "Pwede ba Edmund. Huwag ngayon."



          "So I assume na iyung grocery day natin ngayon ehh bukas na natin gawin?"



          "Yes."



          "Sabi mo ehh. Sige. Kita na lang tayo bukas." paalam ni Edmund saka lumabas ng bahay.



          Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Kei iyung nangyari kanina. Dapat ko bang sabihin?



Harry's POV



          Nagda-drive naman ako pauwi sa apartment namin ni Kei habang iniisip ang nangyari kanina kila Ren. Bakit ko ginawa iyun? Ang tanga tanga ko! Maling-mali ang ginawa ko!



          Ihininto ko naman saglit ang sasakyan saka inuntog ang ulo ko sa manibela. Argh! Hindi siya si Garen! Bakit ganoon kasi? Sa tuwing nakikita ko talaga si Ren, naaalala ko si Garen sa kaniya. Ugh! Dahil ba sa hindi ko talaga matanggap na wala na si Garen kaya ako ganito?



          Humugot ako ng buntong-hininga at itinuloy ang pagda-drive pauwi. Pagkarating ko sa apartment, nadatnan ko na lang si Kei na nag-aaral sa sala kasama si Janice.



          "Oi Harry. Nandito ka na pala. Nasa labas lang ng kwarto mo ang mga bagong punda at mattress." saad ni Kei habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pag-aaral.



          Hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretsong pumunta sa kwarto ko at inayos ko ang aking higaan. Paano na ako nito? Ano ang gagawin ko kapag nagkita ulit kami ni Ren?



          Nakarinig na lang ako ng katok sa aking kwarto. "Harry, kumain ka na ba?" tanong ni Kei.



          "Yeah Kei. Kumain na ako." sagot ko.



          "Okay. Saan ka nga pala galing?"



          "Umm... sa school library ulit. Mas maganda pala kapag doon ka nag-aaral. Mas madali akong natututo." pagsisunungaling ko.



          "Ganoon... ba? Okay."



          Narinig ko na lang ang mga yabag nito na paalis marahil ay para ituloy ang pag-aaral. Hindi pwede malaman ni Kei ang nangyari kanina. Hindi naman siguro close si Ren at Kei at malamang hindi nito iyun malalaman. Ugh! Kailangan kong ayusin ang gusot na ginawa ko kay Ren.



Keifer's POV



          Kasalukuyan akong nag-aantay ng tawag ni Ren. Ano kaya ang nangyari? Sabi ni Harry na pumunta siya sa school library para mag-aral. Nagsisinungaling kaya si Harry kung saan ba talaga ito pumunta? May nangyari ba kaya hindi siya natuloy kay Ren? That was a lame excuse of Harry. Nararamdaman ko talaga na may nangyari dahil ang weird ni Harry pagka-uwi niya.



          Maya-maya ay tumunog na ang phone ko at sinagot ito.



          "Hello Kei." halos walang emosyon niyang bati sa akin na hindi gaya ng dati.



          "May nangyari ba?" agad na tanong ko dito.



          "Wala naman." sagot ni Ren. Huh? Wala?



          "Sigurado ka bang wala? Hindi ba kayo natuloy ni Harry kanina na turuan ka ng self-defense?"



          "Yeah. Hindi kami natuloy kanina."



          Nakapanghihinala ang mga sagot ni Ren. Sa totoo lang, hindi ko masabi kung nagsisinungaling siya sa akin over the phone. Pero kapag kaharap ko siyang kinakausap, nalalaman ko talaga kapag nagsasabi siya ng totoo. Mahirap ito. Ang sabi ng intuition ko, lalo pa siyang idiin para magsabi ng totoo.



          Pero parang ayokong gawin. Kapag diniin ko ba siya ay iisipin niya na hindi ko siya pinagkakatiwalaan? Ayokong mag-isip siya ng ganoon. Pero binabagabag pa rin ako doon sa naunang bagay na hindi niya sinasabi sa akin. Sino iyung taong nagluto sa kanya ng misua na may gulay sa kanya noon? Kung sinabi niya na si Edmund iyun, maniniwala pa ako. Sino si Edmund? Malalaman niyo iyan mamaya.



          "Sabi mo ehh. Ehh di ibig sabihin pala niyan, full course kitang matuturuan ng self-defense niyan?" pilyo kong saad.



          "Oi, tigilan mo nga iyang utak mo." nahihiyang tono.



          "Nako Ren! Strikto ako kung magturo. Dapat ehh lahat ng atensyon mo ay sa akin."



          "Paano si Janice? Siguradong kasama siya."



          "Huwag kang mag-alala. Ipa-marathon mo sa kaniya ang isang western show. Download mo iyung mga episodes ng Pretty Little Liars. Favorite niya iyun."



          "Wow. Planado talaga. May binabalak ka ano?"



          "Siyempre. So ano, bukas?"



          "Umm... hindi pwede Kei. Bibili kami ng mga grocery ni Edmund bukas. Hindi kasi kami natuloy ngayon dahil biglang sumama ang pakiramdam ko." paliwanag ni Ren. Ay! Sayang!



          "Okay ka na ba ngayon?" nag-aalala kong tanong.



          "Oo naman. Ako pa. Salamat pala sa pag-aalala Kei."



          "Sige. Sa susunod na lang. Mag-antay ka ulit doon sa parking lot at ako ang pakiusapan mo na magturo sa iyo okay."



          "Yeah. Sige."



          "I love you Ren."



          "I... love you din Kei." saka binaba agad ang phone.



          Ikinagulat ko naman ang ginawa ni Ren. Ibinaba niya agad ang phone? Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Harry kanina? Damn! Hindi ako makagawa ng sapat na aksyon para dito. Kailangan makahanap ako ng paraan para maka-aksyon.



Edmund's POV



          6am ng umaga. Sa oras na ito, ako'y nagigising. Upang maisagawa ang aking gawain. Teka, sobra ng isa ahh. Di bale na.



          Bago ang lahat, sasagutin ko na muna ang mga katanungan ng mga tao kung sino ba ako. Ang pangalan ko? Ako nga pala si Edmund Miles. 28 years old. Lalaki kung hindi halata sa pangalan. Nagsisilbi bilang katulong sa mansyon ng mga Schoneberg at... nagsisilbi sanang butler ni Ren... pero ayaw niya. May taas na 5'8", may magandang pangangatawan, matangos na ilong, magagandang mga mata at... medyo pinkish na labi at lalaking-lalaki kapag kumilos. Okay! At some point, I am not a full member of the association kasi wala pa akong... boyfriend... at para naman sa akin, kailangan may boyfriend ako para sa full membership ko sa association. So hayan. Kilala niyo na ako... at wala akong kapatid na Jake Rey ang pangalan.



          Alam kong nagtataka kayo kung bakit may sumulpot na bagong tauhan sa kwento na ito na kung hindi dahil sa akin ay tuluyan ng nagahasa si... master Ren. Ehem! Dapat tigilan ko na nga muna ang pagtawag sa kaniya na 'master' at tawagin siya sa given name niya.



          Okay. Actually, matagal na dapat akong lumabas sa kwento na ito. Noong mga Chapter 14 at bago pa noon nga dapat ehh. Pero there's a perfect time for everything and this is that chapter na kailangan kong magkaroon ng appearance. Magmumukha lang daw kasi akong filler character kapag lumabas pa ako noon. Monthly ako pumupunta sa bahay ni Ren para tulungan siya sa kanyang mga grocery. Hindi kami masyadong close kasi naaasar si Ren sa akin. Pinipilit ko kasi siya na kunin niya ako bilang household member... balang araw. Dagdag pa ang pagtawag ko ng 'master' sa kanya. Kaya magnumukha talaga akong filler character noon.



          Dalawang beses ko ng nakasalamuha ang boyfriend ni Ren na si Keifer. Umm... sige. Ilalahad ko sa inyo ang ang kwento noong school break kung saan nagmumukha lang akong filler character... sa unang pagkikita namin ng boyfriend niya.



          「2 months ago...



          Pagkababa ko sa sasakyan sa tapat ng bahay ni Ren, agad ko na lang pinindot ang kung anong numero ang mapindot ng aking mga daliri sa keypad. Magpapadala kasi ito sa kanya ng babala na may tao sa labas ng bahay sa phone ni Ren. Sigurado naman kasi ako na hindi naka-save ang cellphone number ko sa taong iyun dahil naaasar siya sa akin. Pero hindi ako susuko. Kukumbinsihin ko siya na kunin niya ako bilang household member niya balang araw.



          Pagka-unlock ng gate, dire-diretso naman akong pumasok sa bahay ni master at nadatnan... ang isang binata... maliban sa kaniya... na naka-upo sa sofa na pang-isahan. Ito ba ang sinasabi ni madam Veronica na boyfriend ni master? Napagsabihan kasi ako ni madam na may boyfriend na rin daw si Ren... at kailangan ilihim ko ito kay sir Simon Schoneberg. Well since my loyalty is for everyone, itatago ko.



          "Sino ka?" kinakabahan niyang tanong.



          "Magandang hapon." magalang na pagbati ko... na may mabagal na yuko effect. "Ako nga pala si Edmund Miles. Ako ang naka-assign na butler sa kaniya para tulungan si master sa mga gawain niya ngayon."



          "Ganoon ba? Butler ka lang?"



          Napangiti naman ako ng maluwang. "Huwag kang mag-alala..."



          "Keifer Salvador." mabilis na pagpapakilala niya sa kanyang sarili.



          "Keifer. I am not into guys that is younger than me."



          Kumunot naman lalo ang noo niya. "Banta."



          "Bakit naman? Hindi ako banta. Matagal ko ng pinagsisilbihan si Ren. Hindi ba patunay iyun na matagal ko ng pinipigilan ang sarili ko na magahasa siya sa.... ooops. Maling salita." pilyong saad ko.



          "Agh! Isa kang banta sa relasyon namin!" sigaw pa nito.



          Nako. Mukhang hindi ata alam ng taong ito. Ang pamilya namin ay matagal ng naninilbihan sa pamilya Schoneberg. Ako nga ehh minana ko pa ang trabaho kong ito sa tatay ko. Medyo close din kasi kami sa pamilya Schoneberg at patong-patong naman ang utang na loob namin lalong-lalo na kay sir Simon.



          Lumabas naman si master galing sa CR at naglakad papunta sa sala.



          "Magandang hapon din master." magalang na pagbati ko dito.



          "Tigilan mo nga iyan Edmund." naiinis niyang... pagsagot sa bati ko. Never mind.



          Agad naman na sinunggaban ito ni Keifer at binigyan ng isang mapusok na halik... sa harapan ko. Nakakatuwa naman ang mga kabataan na ito ngayon. Naghahalikan pa sa harapan ko na isang single. Sige. Tuloy niyo lang.



          Maya-maya ay pinahiga ni Keifer si Ren sa sofa. Aba! Mukhang magni-niig pa ang dalawa talaga sa harapan ko... at sa sofa.



          Marahan namang itinulak ni master ang kapareha. "Kei, a-ano ba?" nahihiyang wika ni master. Bakit mo siya pinipigilan? Halata namang gustong-gusto mo ang ginagawa niya sa iyo.



          "Hindi ko alam na may butler ka pala na katulad niya. Mukha kasi siyang magiging banta sa relasyon natin. Nakaka-asar pa iyung pag-ngiti niya na parang nay binabalak." si Keifer. Aba! Mukhang na-develop na niya ata ang kanyang boyfriend intuition.



          "Ikaw naman Keifer. Wala akong binabalak. Maliban lang sa pilitin ko si master na kunin ako bilang household member niya sa hinaharap."



          "Household member?"



          "Iyung mga utusan, muchacha and likes. Pero I prefer household members."



          "Ahh! Iyun ba ang meaning nun? Pero hindi pa rin! Ren, tanggihan mo na siya."



          "Ginawa ko na iyan ng maraming beses pero persistent siya."



          "Yeah." pagsang-ayon ko sa sinasabi ni Ren. "Ang pamilya namin ay hindi basta-basta sumusuko sa mga bagay-bagay na gusto naming makuha... teka? Tama ba ang sinasabi ko? Di bale na nga. So ano, magni-niig pa ba kayo diyan or bukas na lang tayo mag-grocery?"」



          Sa kasamaang palad... para sa akin, nag-niig sila. At hindi lang iyun ang nangyari. Sa supermarket naman, si Kei na rin ang kumukuha ng mga kailangan na grocery ni Ren at na set aside ako. Pakiramdam ko tuloy noon ay napaka-useless ko. Well wala akong magagawa. Bigyan ko na ng chance ang mga ito na magmahalan... at dalawang beses nangyari iyun. Noong wala pa itong si Keifer, hindi naman ako masyadong kinakausap ni Ren dahil kinukulit ko talaga siya noon na kunin niya ako bilang household member. So ayan. Na-explain ko na kung bakit isa akong walang kwentang character kung noon pa ako nagpakita. Pathetic lang.



          Going back to the present reality, kasalukuyan kong dinidiligan ang mga alagang halaman sa hardin ng mansyon ng mga Schoneberg. Aba bilang isang maatapat na katulong, kailangan mapanatili ko ang kagandahan ng hardin... at dahil medyo boring ngayon sa mansyon nila. Ang nandito lang sa loob ay si Jasper at si Madam Veronica. Sila Daryll at sir Simon ay nasa Hong Kong. Kailangan ko pa bang sabihin kung bakit nandoon sila? Kung matatandaan niyo, doon na si Daryll nag-aaral kasama ang boyfriend nito na si Franz.



          Ahh! Naalala ko tuloy iyung Franz na iyun. Kung hindi ko bigyan iyun ng isang masamang tingin, malamig na pakikitungo, hindi ako titigilan. Naging biktima ako ng pagdakot ng taong iyun sa... alam niyo na... noong nalaman nito na may gwapong katulong dito. Ha! Ayoko sa mga taong ganoon. Ito ata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single ako. Well, I'm proud that I am single anyway. Pahabol, si sir Simon naman ay may binubuksang bagong business doon.



          Pagkatapos ng aking gawain sa hardin, bumalik ako sa quarters ko para magbihis. Ngayon naman ay para samahan si Ren bilang butler niya na bumili ng mga kailangan na grocery sa supermaket. Kung iniisip niyo na ang isang katulad ko na butler na nagsisilbi kay Ren ay nagsusuot ng tuxedo, coat and inner vest, nagkakamali kayo. Nagsusuot lang ako ng casual na damit. Agaw atensyon iyun kapag nagsuot ako ng ganoon sa labas. Halatang mayaman. At baka alam niyo na. Mahigpit na utos sa akin ni sir Simon na huwag masyado mag-attract ng atensyon para sa kaligtasan ni Ren. Hindi ko alam kung bakit pero susundin ko na lang.



          Nang ayos na ang bihis ko, lumabas ako ng quarters at nadatnan si madam Veronica sa sala ng mansyon.



          "Magandang araw po madam Veronica." magalang na bati ko dito.



          "O Edmund. Lalabas ka?" tanong nito.



          "Opo. Hindi po kasi kami natuloy ni Ren na mag-grocery kagabi sa kadahilanang napagod ito sa kung saang bagay na hindi ko alam." paliwanag ko.



          Pumalakpak naman si madam Veronica ng isang beses. "Tamang-tama lang pala. Antayin mo nga ako dito Edmund at may ibibilin ako sa iyo."



          "Masusunod po."



          Dali-dali naman itong umakyat papunta sa kwarto niya si madam Veronica habang ako ay napa-upo naman sa isa sa mga sofa na nasa sala. Ano? Sasabihin ko kung ano ang suot ni madam Veronica? Huwag na. It's just a waste of space. We all know naman na wala siyang sense of fashion. Walang bago. Seryoso.



          Maya-maya ay bumalik naman ito si madam Veronica na may dalang papel. "Ito nga pala Edmund. Para yan sa birthday ni Ren sa darating na susunod na katapusan." sabay abot nito ng papel na kinuha ko.



          "Masusunod po madam. Meron pa po ba?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay sinusuri niya ang kabuuang ayos ko mula talampakan hanggang sa ulo. Anong meron? "May problema po ba madam Veronica?" muling tanong ko.



          "Matanong ko lang Edmund. May kinalaman ka ba kaya naging 'ganoon' ang mga anak ko at pati na rin si Ren? Isa ba itong nakakahawang sakit o ano?" Whoah! Nagtanong talaga siya.



          "Mawalang galang na po madam Veronica pero wala talaga akong kinalaman diyan. (Besides na debut POV ko ito sa chapter na ito... wala naman akong kinalaman.) Bago po ang lahat, gusto ko pong sabihin sa inyo na ang mga susunod na sasabihin ko ay base lang sa paniniwala ko at hindi base sa pangkalahatang paniniwala ng mga taong nasa asusasyon. Kasi sigurado naman ako na marami ang hindi sasang-ayon sa sasabihin ko kasi iba-iba kami. Ang masasabi ko lang po ay ang maging 'ganoon' ay choice pa rin ito ng kaluluwa na nagmamay-ari ng aming katawan. Hindi po ako nage-encourage, advertise and likes sa kanila at kung naging ganoon sila, dahil ata kay love sa kaso nila Daryll at Ren. At 100% sure ako na siguradong-sigurado na ganoon ang nangyari. Ewan ko nga lang sa iba dahil iba ang kwento nila sa kwento ng mga... taong naganggit ko." mahabang paliwanag ko. "May issue pa po ba kayo sa mga katulad namin?"



          "Just wanna make sure na wala kang kinalaman sa mga nangyayari sa bahay."



          "Iyung ayaw po lumapit si Franz sa akin? I'm 100% sure po na may kinalaman ako doon."



          "Ganoon ba? Eitherway, paano na ang pamilya namin? Wala ng magtutuloy ng lahi namin?" she asked like she is in a distress.



          "Hindi na po dapat mabuhay ang lahi ninyo madam Veronica." bulong ko.



          "Anong sabi mo?" naiinis na tanong ni madam Veronica. Narinig?!



          "Ang ibig ko pong sabihin, huwag po kayong mag-alala. By that time, sigurado ko pong naisip na iyan ng mga matatalinong tao na tinatawag nating nerd scientist ang mga problema na ganyan. Magiging responsableng mga ama ang mga anak ninyo at matutuloy na ang inyong lahi. Masaya po hindi po ba? Everybody happy." confident na paliwanag ko. "Pero iyung lahi niyo lang talaga ay huwag na dapat matuloy." bulong ko pa sa sarili.



          "Ano iyun?!" nagagalit na naman nitong tanong. Bakit naririnig niya iyung bulong ko?!



          Tumikhim naman ako. "Wala po madam Veronica."



          "Alam ba ng mga magulang mo na 'ganoon' ka?"



          "Madam Veronica naman. Sigurado akong hindi pa nila alam dahil wala pang pruweba. Noong isang beses, nagbiro po ako sa nanay ko na 'ganoon' ako. Tapos ang daming sinabi. Sabi niya na alam na alam niya iyun matagal na dahil nakikita niya na nilalandi ko iyung mga lalaki sa lugar namin. Grabe. Kina-usap ko lang iyung mga lalake sa lugar namin ehh malandi na agad ako. Pero sigurado akong sasabihin ko sa tatay ko ang totoo... at siguradong mapapatay ako ng tatay ko... Teka nga? Matagal na palang patay ang tatay ko." mahabang paliwanag ko. "NBSB o NGSB nga po pala ako."



          "Teka, bisexual ka?" gulat na tanong niya.



          Napa-isip naman ako. "I'm not sure?" hindi ko siguradong sagot. "Sige po madam Veronica. Mauna na po akong aalis." saka nagsimulang lumakad papalabas.



          "Alagaan mo ang inaanak ko ha." pahabol niya.



          "Dapat sinabi niyo rin po iyan sa mga anak ninyo!" sigaw ko.



          "ANO?!" nagagalit na sigaw niya.



          Tumakbo na lang agad ako papalabas. Pinuntahan ko naman ang isang sasakyan na pinahanda ko kaninang umaga pa at umandar na ito papunta sa bahay ni Ren. Ilang minuto ang lumipas, at nakarating na din ako sa wakas. Pagkababa ko ay agad ko lang ginawa iyung karaniwan kong ginagawa sa keypad ng bahay niya. Ilang segundo naman ay bumukas na ang pintuan at pumasok ako. Binuksan ko naman ang gate mula sa loob at pinapasok ang sasakyan... na hindi ako ang nagmamaneho. Nang nasiguro ko na sarado na ang gate, pumasok na ako sa bahay niya at nadatnan si Ren na kumakain ng agahan sa hapag-kainan habang umiinom ng mainit na gatas.



          "Magandang umaga Ren." masigla kong bati.



          "Magandang umaga." walang buhay nitong bati sa akin. "Bakit hindi master ang tawag mo sa akin?! At saka bakit kailangan mo pa akong istorbohin kung alam mo naman pala kung paano pumasok sa bahay? Paano ka nga pala nakapasok?" Grabe naman. Daming tanong. Baka mawala ako sa kwento na ito kapag master ang itawag ko sa iyo.



          "Paano nakapasok? Magandang tanong."



          「1 day ago...



          Nasa sasakyan ako papunta sa bahay ni Ren dahil oras ng bumili ng mga grocery. Kausap ko naman sa phone si Jasper. Medyo close kami.



          "Oo nga pala. Malapit na ang birthday ni Ren. Ano kaya ang magandang iregalo sa kaniya?" naitanong ni Jasper.



          "Bakit ka sa akin nagtatanong? Hindi kami close nun kaya hindi ko alam ang nga gusto nun. At saka, himala ito Jasper ahh. Bati na kayo ng tuluyan?"



          "Yeah. Bati na kami ng tuluyan. Naliwanagan ako kung bakit ganoon ang trato ni papa sa kaniya."



          "Mabuti naman."



          Nakarating na ako sa wakas sa bahay ni Ren at bumaba. Agad ko na lang ginawa ang karaniwan kong ginagawa kapag pumupunta dito.



          "Pero Edmund, mag-suggest ka naman kung ano ang magandang regalo para sa 18th birthday niya."



          "Mas maganda kung imbitahin niya ako sa 18th birthday niya."



          Natawa naman ito sa kabilang linya. "Kinukulit mo pa rin ba siya na maging household member ka niya?"



          "Siyempre naman. Kailangan niya ang mga katulad ko pagdating ng panahon. Mapagkakatiwalaan ako."



          "Yeah. Katulad ka nga talaga ng tatay mo Edmund. Mapagkakatiwalaan." saka tumawa ulit ng payak sa kabilang linya.



          "Hindi mo ata siguro alam iyung..." Napansin ko naman na hindi pa bumubukas ang maliit na gate ng bahay ni Ren.



          "Hindi ko alam siguro ang alin?"



          "Jasper, hindi pa binubuksan ni Ren ang bahay niya. Hindi ito normal. Karaniwan na nagbubukas ang pinto niya ay mga isa't kalahating minuto pagkatapos kong magpadala ng alarm dito sa labas."



          "Hindi kaya may nakapasok? Pero imposible iyun. May paparating ba na mga pulis diyan sa paligid?"



          Tumingin naman ako sa paligid. "Wala namang paparating na mga pulis o kung ano. Teka nga? Paano mo ba nasabi na ganoon ang mangyayari kapag may nakapasok sa bahay ni Ren?"



          "Hmm... one time, diyan ako nag-stay sa bahay ni Ren. May magnanakaw na nagtangkang pumasok sa bahay niya. Ilang segundo ang lumipas, may pulis na dumating sa bahay."



          "Nako Jasper! Nag-aalala na ako. Kailangan kong makapasok ngayon din sa bahay. Tatlong minuto na ang nakalipas." kinakabahan kong wika.



          "Sige. Ganito. Sabay mong pindutin ang 1, 3, * at # sa keypad at bubukas ang gate. Balitaan mo ako kung may masamang nangyari kay Ren at ako na ang bahala para tumawag ng pulis."



          "Sige."



          Sinunod ko naman ang sinabi ni Jasper at bumukas nga ang maliit na gate. Dire-diretso akong pumasok sa bahay at nadatnan na may nakapatong na lalaki kay Ren at sa tingin ko, ginagahasa siya. Teka, hindi ito si Keifer.



          "HOI! TIGILAN MO IYANG GINAGAWA MO!" sigaw ko.



          Agad naman ako tumakbo para saklolohan si Ren. Sinipa ko agad ang taong nakapatong kay Ren sa tagiliran nito. Nagawa ko itong saktan at pagkatapos ay hinawakan at ihinagis papalayo sa kaniya. Nawalan ng balanse ang tao dahilan para matumba ito. Tinulungan ko makatayo si master.



          "Okay ka lang ba master?" tanong ko.



          "HUWAG NGAYON EDMUND!" naiinis na saad ni Ren.



          Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Jasper. "Jasper."



          "Nakapasok ka na?" nag-aalalang tono ng pagtanong ni Jasper.



          "Yeah."



          "Si Ren? Okay lang ba?"



          "Okay na. Ako na ang bahala dito. Salamat." saka ibinalik sa bulsa ang phone ko.」



          "Okay." walang emosyon na reaksyon ni Ren.



          "Tumatanggap pa rin ako ng thank you kahit kalahating araw na oras na ang nakalipas simula nang niligtas kita." pagpapa-alala ko.



          Humugot naman ito ng buntong-hininga. "Salamat Edmund."



          "Okay na. Masaya na ako."



          "Antayin mo na lang ako matapos sa agahan ko at aalis na tayo."



          "Sure. You have all the time in your world Ren."



          Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Ilang minuto rin ang inantay ko at... hindi pa rin siya lumalabas? Nakikita ko naman na naninigarilyo na rin ang driver ng sasakyan namin. Ilang minuto na ba ang hinintay ko? Tumingin ako sa relong pambisig. 11am na. Teka?! Dalawang oras na pala akong naghihintay sa labas? Ang bilis naman lumipas ng oras.



          Bumalik ako sa loob at nakita ko naman si Ren na nakabihis na kaswal at nakahiga sa sofa. Nakatingin ito sa kisame ng kanyang bahay at malalim ang iniisiip.



          "Master Ren, kailangan na natin mag-grocery." pagpapa-alala ko... at sinasadya ko talagang banggiting iyung salitang 'master' at baka may reaksyon. Hindi naman ito umimik ni sinaway ako na patigilin sa pinagbabawal niyang salita. Mukhang may malaki siyang problema?



          Humugot ako ng buntong-hininga sa nakikita ko ngayon. Hindi ito ang karaniwang pangyayari na nakikita ko sa limang taong serbisyo ko sa kaniya. Ito ang pinakauna na nakikita ko siyang ganyan. Dahil kaya ito sa nangyaring tangkang paggahasa sa kaniya kagabi? Sandali lang? Hindi ko naitanong. Noong dumating ba ako ay natapos na siyang gahasain or bago pa lang siya gagahasain? Isa pa, ganda naman ng love story ni Ren. Magpinsan ang may gusto sa kaniya. Ano kaya ang sikreto ni Ren at nagustuhan siya ng magpinsan na iyun? Tapos ako, single pa rin. Nako! Siningit ko pa!



          Muli ay humugot ulit ako ng buntong-hininga. Makakarami ako nito sigurado kapag hindi gumalaw si Ren. Agad ko na lang hinawakan ang kanyang dibdib. Mabilis naman niyang hinawakan ang kamay ko at nanlilisik na tumingin sa akin. Pero ang reaksyon ng mga mata ni Ren ay natatakot sa maaari kong gawin... na hindi naman talaga. Hmm... Attempted rape pa lang iyun. Paano kaya kung tunay na?



          "Edmund, anong ginagawa mo?!" gulat niya.



          "Gising ka na ba? Buti naman. Bibili pa tayo ng mga groceries kung hindi mo alam."



          Inalis ko na ang kamay ko at lumabas muli. Mukhang nag-aalala na ako sa behaviour ni Ren. Sabihin ko na kaya ito kay sir Simon? Kaya lang, yari si Jasper, si madam Veronica, at higit sa lahat, si Ren. Sa totoo lang, malambot lang si sir Simon kila Daryll at Jasper. Pero kay Ren, hindi ko alam.



          Bilang isang tao na matagal ng naninilbihan sa pamilya Schoneberg, marami akong sikreto na alam... maliban lang kung sino ba talaga itong si Ren. Ang sabi lang naman sa akin ni sir Simon ay anak-anakan nila. Maliban doon, alam ko iyung tungkol sa mga rules na dapat sundin niya gaya ng wala dapat siyang Keifer.



          Sa wakas ay narinig ko ang mga yabag ng paa ni Ren na lumalabas sa bahay niya. Pumasok naman ito sa sasakyan na nakaparada. Tumingin ako sa relong pambisig ulit. 12pm na?! Wow grabe! Isang oras?!



          Pagdating sa supermarket, mukhang nawala na naman ulit ang uliran ni Ren. Nako!



          "Alam mo Ren, magtanong ka nga ng mga bagay na tungkol sa mga kinaiinisan mo na nangangailangan ng sagot nang sa ganoon naman ay magkaroon ng ilang kalinawan diyan sa utak mo." diretsong tingin ko dito... at hindi nga niya narinig ang sinabi ko. I then made a flicking sound in front of him and he snapped. Good!



          "A-Anong sabi mo Edmund?"



          "Copy paste. Ang sabi ko, magtanong ka nga ng mga bagay na tungkol sa mga kinaiinisan mo na nangangailangan ng sagot nang sa ganoon naman ay magkaroon ng ilang kalinawan diyan sa utak mo." Pinagpatuloy ko naman ang ginagawang pagkuha ng mga grocery na nakasaad sa listahan ni Ren... at may presyo pa talaga ang mga ito... habang hinihintay siyang magtanong.



          "Bakit ka nga pala desidido na maging household member ko?"



          "Ui! Magandang tanong. Siguro naaalala mo pa ang pangakong binitawan mo kay sir Simon?"



          "Yeah. 3 years from now, hindi na niya ako susustentuhan financially. Magtatrabaho ako at kikitain ko ang pera ko mula doon. Pero ano ang kinalaman doon ng pagiging household member mo? Sa tingin mo ba ehh magkakaroon ako ng budget para swelduhan ka Edmund? Wala."



          "Matagal ko na iyang pinag-isipan. Sa totoo lang, pwede mo akong hindi na lang swelduhan bilang household member. At saka loyal akong tao."



          Huminto siya saglit sa pagtulak ng cart at nagpatuloy. "Ikaw? Loyal? Ngayon pa lang ehh kinekwestyun ko iyang loyalty mo. At anong hindi swelduhan? Pwede ba iyun?"



          "Oo. Pero may kapalit."



          "Kapalit? Parang hindi magandang pakinggan."



          "It's a good trade Ren. At sigurado akong makikinabang ka dito. Hindi ba merong kang mga arcades at board games doon sa bahay mo? Naisip ko na bumili ng lupa dito sa atin at magtayo ng Hobby shop. Dahil dito, parehas tayong magkakapera kahit hindi gumalaw. As long as hindi pa nalulugi ang negosyo." mahabang paliwanag ko. Wala naman akong nakuhang unnecessary reactions sa kaniya. Binaling ko naman ang tingin ko sa kaniya... at hindi na naman siya nakinig. "Ren! Nakikinig ka ba?" untag ko.



          "3 years from now huh..." bulong niya. Ahh! Nag-iisip lang siya ng malalim.



          Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko... na karaniwan ay siya ang gumagawa.



          "Edmund, hindi ba masama ang magsinungaling?" walang buhay niyang tanong.



          "Para sa akin depende." sagot ko.



          "Bakit depende?"



          "Di ba nga, maraming uri ng kasinungalingan. Lahat ba ng uri ng kasinungalingan ay masama? Hindi. Kahit sabihin nila na masama ang magsinungaling, it's not entirely true. Bakit mo pala naitanong? Did Keifer lied to you about something?"



          "Yeah. For the 2nd time. Magiging hipokrito ako. Ayokong-ayoko sa lahat ay mga taong sinungaling. Gusto ko na totoo ang mga tao sa akin dahil totoo din ako sa kanila."



          "Tanggalin mo nga iyang expectations mo na ganyan. At saka ang sakit mo naman magsalita Ren. Hindi mo ba alam na ang daming natamaan sa sinabi mong iyan? Ako, si ninang mo at si Jasper."



          "Bakit kayo natamaan? Nagsinungaling ba kayo sa akin?"



          "Hindi kami sa iyo nagsisinungaling. Kay sir Simon, oo. We are considered as liers na din kahit hindi kami sa iyo nagsisinungaling kasi nga nagsisinungaling pa rin kami sa ibang tao. So ano ba itong kasinungalingan na nalaman mo kay Keifer?"



          "About sa kababata niya."



          Kumunot ang noo ko sa narinig. "At ano ang kinalaman ng kababata niya sa iyo?"



          "Umm... dati kasi, nagtanong ako kay Kei kung kaibigan din ba ni Harry iyung kababata niya. Ang sinagot niya sa akin, hindi. Pero nitong kagabi, nagtanong naman ako kay Harry. Ang sabi niya, oo."



          "At ano ang kaso? Oo nga pala? Pwede ko bang malaman kung ano ang unang kasinungalingan na sinabi niya?"



          "Dati kasi, sinabi nilang dalawa na matalik lang silang kaibigan. Nitong pasukan ko lang nalaman na magpinsan pala sila kung hindi lang nadulas si Harry. Kaya pala siya nagsinungaling dahil..." Natigil siya sa pagsasalita at nag-isip.



          "Dahil ano?"



          "Nag-aalangan akong sabihin."



          "Ay grabe! Sabihin mo na."



          "Hindi kasi ako komportableng pag-usapan. Ni isipin ko nga ay ayaw."



          "Subukan mo ako. At saka kung anong sikreto iyan, hindi makakalabas."



          Humugot siya ng buntong-hininga... at isa pang buntong-hininga.... at isa pa... "Nag-aalangan talaga ako."



          "Sabihin mo na kasi."



          Pang-apat na buntong-hininga. "Iyung mga magulang kasi ni Harry, pinatay ang halos buong pamilya sa side ng nanay ni Kei."



          Habang kumukuha ako ng produkto mula sa stand, natigil ako dahil sa narinig. Iyun ba iyung bagay na ayaw sabihin ni Ren? Kwentong barbero niya lang kaya ito? Agad ko na lang nilagay sa cart ang kinuha ko.



          "Sinabi ni Keifer sa iyo?" Tumango siya. "At naniniwala ka naman doon?"



          "Yeah."



          "Ridiculous!"



          "Iyan din ang reaksyon ko noon."



          "Okay. Balik tayo sa pangalawang kasinungalingan." Nasabunutan ko na lang ang aking sarili dahil sa narinig at ipinagpatuloy ang paghahanap ng mga produkto na nasa listahan na kanina ko pa hawak. "God! I'm starting to doubt this country. May mga ganoong ka-twisted na tao pa pala sa mundong ito. What do I expect anyway? Going back sa kababata nila, ano ang kaso sa iyo?"



          "Baka ako kasi iyung kababata nila."



          "Paano ka nakakasiguro?"



          "Edmund, dahan-dahan ng bumabalik ang ala-ala ko. Isa dito ay may kaibigan ako noong bata pa ako na ang mga pangalan ay Kei at Harry. At uunahan na kita. Akala ko nga ehh coincidence lang."



          "Kahit naunahan mo na akong sabihin na coincidence lang iyan, sasabihin ko pa rin. Coincidence lang iyan. Wait, dalawang beses ko na palang sinabi."



          "Pero ang sabi ni Kei, patay na iyung kababata niya. Umiyak siya sa akin noon matapos niyang matanggap iyung balita. Ramdam ko iyung kalungkutan niya dahil kahit ako ay parang nalulungkot para sa kaniya."



          "See. Coincidence nga lang." kibit-balikat ko.



          "Pero kasi, parang tugma ang kwento ng buhay ng kababata niya sa akin. Namatay lahat ng mga magulang ko sa hindi malamang dahilan kung bakit. Dahil sa epidemya daw ayon kay ninong pero wala naman akong nahanap na balita o article na nagpapatunay na nagkaroon nga talaga ng epidemya noon. At isa pa, iyung mga pumatay sa kababata ni Kei ay magulang din ni Harry. Na-disregard ko siya dahil akala ko ehh coincidence lang iyun. Prior to that, alam mo ba iyung nangyari noong Valentine's Day sa Schoneberg Academe?"



          "Yeah."



          "Sinabi niya na kamukhang-kamukha ko daw talaga ang kababata niya kapag ganoon ang ayos ko. May agam-agam talaga ako noon na baka ako iyung kababata nila. Nawala lang ito noong sinabi niya na patay na daw ang kababata niya. Pero si Harry, iba ang sinasabi niya. Naniniwala siya na buhay pa ito."



          "Ha! Kaya ka ba niya ginahasa dahil doon?" sarkastikong tanong ko. "May nakapagsabi na ba sa iyo na baka hindi lahat ng sinasabi ni Keifer ay totoo o baka ako lang?"



          "Paano mo nalaman?" gulat niya.



          "So meron nga."



          "Yeah."



          Huminto naman ako at hinarap siya. "Huhulaan ko. Ang sasabihin mo ay nawawalan ka na ng tiwala kay Keifer dahil sa dalawang kasinungalingang iyun." Nag-iwas siya ng tingin habang tinitingnan ko siya ng diretso. "Bigyan mo naman siya ng benefit of the doubt. Don't jump to conclusions. Malay mo ehh may rason siya. At isa pa, kung sino man iyang tao na iyan na nagsasabi na hindi lahat ng sinasabi ni Keifer ay totoo, malamang maniniwala ako. Itong mga naririnig kong ridiculous na kwento niya na inubos ng mga magulang ng pinsan niya ang pamilya ng nanay niya, baka hindi ko siya bigyan ng benefit of the doubt. Teka nga? Meron nga ba siyang rason doon sa mga kasinungalingan na sinabi niya? Iyung sa nauna?"



          "Para hindi magbago ang pagtingin ko kay Harry."



          "Ohh ngayon, nagbago na ba ang pagtingin mo sa pinsan niyang si Harry? Ginahasa ka lang niya kagabi." saka muling itinuon ang atensyon ko sa paghahanap ulit ng mga produkto na nasa listahan.



          Hindi siya umumik. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad.



          "Truth will set you free sabi nga nila. Isa na namang kasabihan na hindi din totoo. Parang iyung sinabi sa isang TV channel na ang paggawa ng kabutihan ay hindi magbubunga ng masama. Masama ang magsinungaling. Iyan din! Alam mo Ren, siguro aware ka naman iyung sa ninang mo. Palagi tayong nagsisinungaling sa style ng pananamit niya. Kung ganoon pala ehh masamang tao na agad tayo. Bakit nga ba tayo nagsinungaling? Para lang naman mapasaya siya. Dahil kapag sinabi natin ang totoo, God knows kung ano ang mangyayari sa susunod. Baka tamaan si madam Veronica ng depresyon. Nakakamatay na ang depresyon ngayon Ren."



          "At ano na naman kaya ang idadahilan niya kapag nagtanong ako?"



          "So you assume na magsisinungaling siya sa iyo? Matanong ko lang. Itong tao ba na nagsabi sa iyo na hindi lahat ng sinasabi ni Keifer ay totoo, kelan ka sinabihan? Noong kayo na or bago?"



          "Umm... noong kami na."



          "Hindi ba kahina-hinala ang bagay na iyun? Sinabi lang kung kelan masaya kayo?" pakumpas kong saad.



          "Ikaw be Edmund sa tingin mo, dapat ko pa bang ituloy ang relasyon ko sa kaniya kahit na may mga sinasabi siyang kasinungalingan?"



          "At first I want this ship to sink... or baka dahil bitter lang ako. Ngayon, ayoko. Kapag nag-break kayo ng Keifer na iyan, it's not worth the lie. Kailangan i-settle niyo iyan. At saka ang pagsisinungaling, andyan na iyan. Normal lang iyan. As long as hindi nakakaapekto sa relasyon ninyo ang mga kasinungalingan na iyan, everything is gonna be okay. Be positive!"



          "Tama ka nga doon Edmund." masaya niyang wika at ngumiti naman siya.



          "Maniwala ka sa mga sinasabi ko lalo na't 28 years old ako at hindi na masasabihan na wala akong alam sa mundo dahil bata pa lang ako."



          Nagpatuloy naman kami sa aming grocery day. Sana naman ay natulungan ko si Ren na malinawan ang isip niya. At ano ba kasi itong pamilya ni Keifer? Para talagang hindi kapani-paniwala. Hay nako! Hayaan ko na muna si Ren. Aaksyon na lang ako when things gets out of hand. Sa ngayon ay ang dapat kong isipin ay ang maghanap ng boyfriend... or girlfriend... iyun ay kung makakahanap ako. Huwag na nga lang.



          Nasa linya kami sa isang counter na may mapansin akong kakaiba sa linya. Hindi ito gumagalaw at may kung anong kaguluhan sa harapan. Ano kaya ang meron?



          "Wow. Tama ba itong nakikita ko? Isang lalaki na nakaluhod... sa isa pang lalaki. OH MY GOD! Katapusan na ba ng mundo?" anang isang babae sa harapan namin.



          "Anong meron sa harapan Edmund?" tanong ni Ren.



          Napatingin naman ako sa harapan at kitang-kita ko naman iyung sinasabi ng babae na nasa harapan namin. "Umm... may isang persistent na foreigner na lalaki na nakaluhod at nagmamaka-awa doon sa isa pang lalaki." paliwanag ko. "Gusto mong makialam ako?" baling ko sa kaniya.



          "Makialam?"



          "Command me at makikialam talaga ako."



          Nakitingin naman si Ren. "Huwag na. Hayaan mo sila. Teka, kilala ko iyang taong niluluhuran ahh? Iyan ata si Gerard. Iyung top 1 din sa klase namin aside kay Allan. At iyung nakaluhod, iyan ata si William Smite. Iyung gwapong kano na librarian sa eskwelahan."



          Tiningnan ko naman ng mabuti ang mga taong binanggit ni Ren. Bakit parang masyado naman atang matanda iyung niluluhuran niya? At ang cute niya. Parang may ora siyang... loyal na tagasunod ng isang pamilya. Mas bagay kami. At iyung kano, masyado pang bata.



          "Dito ka nga lang Ren. Kahit hindi mo ako utusan, I will do this in my own accord." saad ko saka tumungo sa kaguluhan. Tumayo muna ako doon at nakinig.



          "Please go out with me again Gerard please!" pakiusap nung kano... at brittish accent ba iyun?



          "William, I am telling you. I don't wanna date you ever again." sagot nung Gerard. Yeah. Don't date him. Mas bagay tayo. Oh my God! Ito na ba ang tao para sa akin?



          "Then tell me the reason why you don't want to date me again. Don't do this to me. I loved you very much." pagmamaka-awa pa nitong kano.



          "Ano ba namang-" sabat pa sana ng katabi kong babae na agad ko na lang tiningnan ng masama at nakahanda na para sampalin ito.



          "Manahimik ka bitch!" banta ko dito.



          "William, I am telling you. I am the problem. I can't tell you because you will not understand. Please don't embarrass yourself in front of these people. And take note. I am speaking your language so you should understand it by now."



          "I will not stand here. Not until you tell me the reason why." matapang na saad ng kano.



          "Don't do this William. I will really leave you here crying so please. Accept it. I am incapable of loving again someone right now. I'm sorry." nalulungkot na wika nung Gerard. Naantig naman ako sa sinabi nito.



          Tama! Try me. Kahit NBSB or NGSB, sisiguraduhin kong magkakaroon ako ng puwang sa puso mo. Teka nga? Ni hindi pa nga kami magkakilala ahh? Kailangan kong magpakilala pero kelan ang tamang oras?



          Ilang minuto rin ang nakalipas at hindi pa rin umaalis. Kung hindi niyo naitatanong, maraming tao ang nasa supermarket ngayon. Hindi naman maisip nitong katabi ko na lumipat ng linya dahil siya na ang susunod. Ang mata ng mga tao sa paligid ay nakatingin sa dalawa. Wari'y nahinto ang operasyon ng supermarket dahil sa dalawa. Nagsilapitan na din ang mga gwardya ng supermarket. Tumingin naman ako sa relong pambisig. 1pm na at oras ng tanghalian. Kailangan na itong gawan ng aksyon at tapusin ang kalokohan ng kanong ito.



          Humugot ako ng buntong-hininga at inipon ang kapal ng mukha ko saka lumapit doon sa dalawa. Wait, bakit kailangan ko ng kapal ng mukha? Di bale na.



          Hindi ko naman namalayan na tinitingnan na din ako ng mga tao at ng dalawang... nagtatalo. Awkward. Shit! Ano nga ba ulit ang gagawin ko?



          "Ui, love triangle ohh?" rinig kong bulong-bulungan ng mga tao.



          "What are you doing here?" tanong ng kano.



          Tumikhim muna ako. English Edmund. English. Anong accent pala ang gagamitin ko? Di bale na. "Pardon my intrusion love birds in disdain whose ship will eventually sink for I will get your guy." ingles ko sa kano.



          Kumunot naman ang noo ng kano sa ingles ko. "What did you say?"



          "Never mind what I said. You see, you guys are quite a nuisance here in the supermarket. Look around you. It seems like the whole supermarker operation just stopped because they are interested in thy quarrel with this guy beside me."



          "Kanina ko pa nga sinasabihan iyan ehh. Ayaw makinig." bulong nung Gerard.



          "I love him that's why I am doing this. Am I wrong? I am just doing this for love." persistent na wika ng kano.



          Nasapo ko na lang ang ulo ko. Persistent itong kanong ito. "Yes. You are not wrong. You are just doing this for love. Okay. I understand. So to end this conflict..." Kinabig ko papalapit sa akin iyung Gerard at hinawakan ang bandang puwitan niya. Nice ass. Akin lang to! Rawr! "To tell you the truth, I am the reason why he doesn't love you. He actually likes a man near his age. Not a childish one like you." Nagulat si kano sa sinabi ko. Kapani-paniwala talaga itong ginagawa ko.



          "Hey, umm... anong ginagawa mo?" bulong ni Gerard.



          "Nandidiri ako kung hindi mo lang alam. Just act realistically para matapos na itong kaguluhan na sinimulan ninyo." gigil na bulong ko. And I lied.



          "Is this true Gerard?" naiiyak na saad ng kano. Wow! Umiiyak na si kano.



          "You don't believe it?" natatawang tanong ko. "Well now, you will."



          Agad ko namang pinaharap ang mukha ni Gerard sa akin at hinalikan ng mapusok sa harap ng kano. Niyakap ko pa ito ng mahigpit. Ang sarap sarap naman lalo na't nakatingin ng mabuti sa amin si kano at unti-unting tumutulo ang luha. Bata ka pa boy!



          Ramdam ko naman na sumasagot din sa halik ko si Gerard. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Sarap na sarap to sigurado. Grabe! Tinitigasan ako! Ramdam ko din ang katigasan niya. Iuuwi ko nga itong taong ito.



          Maya-maya ay tumigil kami at hinarap si kano. Gusto kong tumawa dahil sa tabas ng mukha nito. Hindi pa rin ito makapaniwala at patuloy na tumutulo ang luha.



          "Are you still not convinced? Do you want us to make love in front of you for you to believe?" nang-aasar na tanong ko dito.



          Hindi naman nakatiis si kano at tumayo. Masama na kung makatingin ito sa akin. Teka? Susugod ito.



          Agad na pinatabi ko si Gerard dahil na-predict ko ang pagsugod ng kano. Ginamit ni kano ang kanyang kanang kamay sa pagsuntok sa akin.



          Nahawakan ng kanang kamay ko saglit ang kamao ng kano at pinatulay ito papunta sa braso dahilan para masunggaban ang kanyang pulsuhan. Talo ka na kano.



          "You are a persistent little brat. I thought that dick is the only thing that is big in your race. Well it is true. He doesn't even like you so don't be a big dick!" ngiting demonyo kong wika.



          Hinatak ko ang pulsuhan niya sa kanan ko at pinatid gamit ang kanang paa ko dahilan para mawalan ito ng balanse. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at kinorte ito na parang palakol. Buong lakas kong tinamaan ang kanyang batok dahilan para bumagsak si kano at mawalan ng malay. Nagulantang at namangha ang mga tao sa nasaksihan at pumalakpak.



          Hinarap ko naman ang mga ito at yumuko. "Salamat po sa panonood. There's nothing to see here anymore. The fiasco is over. Ipagpatuloy niyo na po ang mga buhay ninyo people. Good afternoon."



          Sa wakas ay nagpatuloy na din ang buhay ng mga tao sa paligid. Lumapit ang gwardya sa aming pwesto at dinampot ang kawawang kano na natulog na dahil sa ginawa ko. Binalingan ko ng tingin si Gerard... na natulala. Dahil kaya ito sa ginawa ko?



          Nilapitan ko naman ito habang ngumungiti. At hindi talaga ako nito napapansin dahil nakatulala lang talaga ito. Anong nangyari? Nahulog na agad iyung loob niya sa akin? Wala pa nga akong ginagawa? Wait, meron na pala akong ginawa.



          Inangat ko ang kanang kamay ko at pumitik ng isang beses malapit sa kanyang mata. Para namang nagising ito mula sa isang panaginip at nasapo ni Gerard ang kanyang ulo.



          "Okay ka lang?" tanong ko.



          "Yeah. Yeah. Okay lang ako." nagpa-panic niyang sagot. "I have to go." at dali-daling umalis sa lugar.



          Sinundan ko lang ito ng tingin. Seriously! Parang si Ren lang. Hindi na naman ako napasalamatan. Pero okay na rin since natsansingan ko. Pero mas maganda kung pasalamatan niya ako at bigyan niya ako ng oral sex sa CR dito sa mall. Top kaya siya or bottom? Ay utak! Parang hindi ako virgin.



          Oo nga pala. Si Ren. Bumalik naman ako sa kaniya at... pinalitan niya ang pagiging nuisance nung dalawang nauna dahil nakatulala... din siya? Seriously? Anong nangyayari sa mundo?



          "Pasensya na po. Gigisingin ko lang." paghingi ko ng dispensa sa kasunod ni Ren.



          Gaya ng ginawa ko kay Gerard, inangat ko ang isa kong kamay at pumitik malapit sa mata nito para magising.



Ren's POV



          "Anong meron sa harapan Edmund?" tanong ko.



          Napatingin naman ito sa harapan. "Umm... may isang persistent na foreigner na lalaki na nakaluhod at nagmamaka-awa doon sa isa pang lalaki." paliwanag ni Edmund. "Gusto mong makialam ako?" baling pa niya sa akin.



          "Makialam?"



          "Command me at makikialam talaga ako." Anong meron kay Edmund ngayon?



          Nakitingin naman ako para makita ang kaguluhan na nangyayari. "Huwag na. Hayaan mo sila." Namukhaan ko naman ang mga taong nag-aaway sa harapan. "Teka, kilala ko iyang taong niluluhuran ahh? Iyan ata si Gerard. Iyung top 1 din sa klase namin aside kay Allan. At iyung nakaluhod, iyan ata si William Smite. Iyung gwapong kano na librarian sa eskwelahan."



          "Dito ka nga lang Ren. Kahit hindi mo ako utusan, I will do this in my own accord." saad ni Edmund saka tumungo sa kaguluhan.



          Kita ko naman na nakatayo lang ito pagdating doon at nakikinig sa usapan. Maya-maya'y lumapit din ito at kinompronta ang dalawa. Habang nagkakagulo sila, nakita ko na naman ang pigura ni kuya Lars na kasamang naglalakad sa mga lupon ng tao at nakatingin... hindi sa akin? Heto na naman? Lately, palagi na akong nagkakaroon ng hallucinations at nakikita ko laging nagmumulto si kuya Lars.



          Hindi ko namalayan na pinitik ni Edmund ang kamay niya malapit sa mga mata ko.



          "Nakatulala ka. Bilis. Punta na sa counter." untag ni Edmund.



          "Ahh! Oo."



          Dali-dali ko naman inilagay sa counter ang mga pinamili namin. Nasapo ko naman ang aking ulo sa mga nangyayari. Get you shit together Ren.



          "Wow. Ang daming pinapamili natin ahh!" saad ng isang nakaka-iritang boses sa kabilang counter. Si Allan. "Kumusta Ren."



          "Sino siya?" tanong ni Edmund.



          "Iyan si Allan na top 1 sa klase namin." sagot ko. "Parang ikaw, hindi marami ang pinamili mo ahh." saad ko matapos makita na may anim na supot na plastik... na nakalagay sa floor.



          "Oo nga ehh. Asaan na ba kasi iyung kuya ko? Iniwan ba naman ako." reklamo nito.



          "Pwede kong buhatin iyan para sa iyo. May sasakyan ba kayo or anything?" offer ni Edmund.



          "Ahh yes! Nasa parking lot ang sasakyan obviously." pagpayag ni Allan.



          Kinuha ni Edmund ang ilan sa mga plastic bag nito. Hindi ba nag-iisip itong si Allan? Pwede naman ilagay sa shopping cart. Ay bahala na si Edmund diyan.



          Nakarating naman kami ng parking lot. Naghiwalay kami ng landas ni Edmund dahil naka-park sa ibang lugar ang sasakyan ni Allan. Dumiretso naman ako sa sasakyan. Pagkarating ko ay agad na tinulungan ako ng driver namin sa mga pinamili kong grocery. Pumasok na ako sa kotse at naghintay kay Edmund. Ano kaya ang pinapahiwatig ng mga hallucinations ni kuya? May mga ibig sabihin kaya iyun?



Edmund's POV



          Pagkarating sa parking lot ay naghiwalay kami ng landas ni Ren. Tinungo ko naman ang sasakyan nung Allan na nasa ibang lugar. Pagkarating ko sa sasakyan ay may isang lalaki na nandoon at naninigarilyo.



          "Hoy Larson! Nandito ka lang pala." asik agad dito ni Allan.



          Tinapon ng lalaki ang sigarilyo at tinapakan pa... para makasigurado... at kinuha ang mga plastic bag na hawak ko saka ipinasok sa sasakyan... at pumasok na rin ito sa kotse. Teka lang? Parang pamilyar sa akin ang taong ito. At biglang nakaramdam ako ng inis sa ora ng taong ito. Bakit kaya? At mukhang magkasing-edad din kami ng kuya niyang ito.



          "Anong pangalan mo?" tanong ni Allan.



          "Edmund Miles." sagot ko.



          "Ako nga pala si Allan Mercer. Iyung kuya kung iyun ay si Larson Mercer. Pwede pakisabi kay Ren na salamat sa paghiram ko sa iyo. Akala ko ehh suplado talaga ang taong iyun."



          "Ahh! Ginawa ko ito na naaayon sa kagustuhan ko at hindi sa kagustuhan niya. Wait, amo ko pala siya. Makakarating." magalang na saad ko.



          "Salamat ulit." ngiti pa nito.



          "Matanong ko lang. Nagkita na ba tayo dati Larson?" tanong ko sa kuya niya.



          "This is the first time." sagot ni Larson.



          Pumasok na rin agad si Allan sa kotse at humarurot paalis ng lugar. Para talagang nakita ko na iyung kuya niya. First time daw? Baka nga. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pakiramdam ko na naiinis ako kapag nakikita siya. Love din ba ito? Oh my God! Kay Gerard lang ako. O baka naman dahil kaya ito sa pag-iwan niya sa nakababatang kapatid sa supermarket?



          Nagkibit na lang ako ng balikat at bumalik sa sasakyan namin ni Ren. Naabutan ko ito na naka-upo sa likod ng sasakyan at umupo na din ako. Nagsimula na din umandar ang sasakyan paalis.



          "Salamat daw sabi nung Allan." panimula ko.



          "Bakit sa akin magpapasalamat ehh ikaw lang naman ang gumawa nun?"



          "Siyempre. Bilang butler mo, ang glory ko ay glory mo na rin. Ang glory mo ay glory mo lang."



          "Ewan sa iyo Edmund."



          "Kaya kunin mo na ako bilang household member mo balang araw. Hindi mo ba alam na ang pangalan na Edmund ay tagapangalaga ng mga kayamanan? Sisiguraduhin ko na pangangalagaan ko ang iyung mga ari-arian Ren."



          "Pag-iisipan ko pa iyan Edmund."



          "Mabuti naman. Siya nga pala, kanina sa supermarket... nakita mo ba ang ginawa ko?" tanong ko.



          "Ha? Anong ginawa mo? Nagbuhat ng mga grocery natin?" sarkastikong pagsagot na patanong ni Ren.



          "Seryoso ka ba sa sagot mong iyan Ren? Hindi mo nakita kung paano ko pabagsakin iyung kano?"



          "Umm..."



          "Never mind. I-kwento ko na lang sa iyo. At least itong kwento ko ay hindi kasing ridiculous ng kwento ng boyfriend mo. So saan banda ka nawala?"



          "Hindi ako makikinig diyan Edmund. Summarize mo na lang."



          Humugot muna ako ng buntong-hininga. "May gusto ako doon sa Gerard. Umiibig na din ako finally."



          "Good for you?"



          "Yeah. It's good for me. Congratulations to me!" saka tumawa ng payak. "Kaya ikaw Ren, bantayan mo siya. Balitaan mo kung may boyfriend na naman siya at eeksena ako para matsansingan siya."



          "Bakit ko naman babantayan? Mas marami pang problema akong kinakaharap Edmund kung alam mo lang." Ay! Hindi makakatulong.



          "Di bale na nga lang." walang emosyon kong saad.



          Mag-aalala ba ako na baka may umuna doon sa future husband ko na si Gerard? Pakakasalan ko agad iyun kung may budget ako papuntang Thailand. Sigurado naman akong walang magiging ka-match iyung taong iyun dahil sigurado ako na ako ang para sa kaniya. Pero bakit nga ba siya incapable na nagmahal ng iba ngayon? Lalabas ba ako ng mansyon para lang mabantayan ang taong iyun? Mukhang ganoon na ata. Kailangan ko itong trabahuin. Hindi dapat ako magpapetiks-petiks lang at baka mamaya ehh mag-iba ang ihip ng hangin... at may umuna talaga doon kay Gerard.



          "Alam mo Ren, mukhang maraming beses tayong magkikita nito." saad ko... pero nakatulog na pala. Ano ba iyan?



          Pero ang love life ni Ren, makikialam pa ba ako? Mukha kasing ridiculous talaga iyung mga kwento nung boyfriend niya. Hindi kapani-paniwala. Pero paano kung may hindi magandang mangyari kay Ren? Yari ako nito kay sir Simon kapag nagkataon. Ahh! Alam ko na! Magsasagawa ako ng sariling imbestigasyon kung sino talaga ang boyfriend niya para naman makatulong ako.



          So my priority is Ren before Gerard. Sensya na talaga Gerard. Pero susubukan kong matapos ito para turn mo naman. Turn ng love story natin... or isisingit kita.



Allan's POV



          Pagkasakay ko sa sasakyan, humarurot na kami agad paalis.



          "Muntikan ka na doon ahh." saad ko kay Larson habang nagmamaneho.



          "Ayan ha! Hindi ko sinasadya na muntikan na kaming magkita ng kapatid ko okay?" sagot niya habang nasa manibela nakatingin.



          "Oo na. Pinapatawad na kita. Buti na lang at mabait iyung alalay nun at tinulungan ako sa mga pinamili natin. Pero alam mo, napansin ko kanina na huminto ka noong humarap ka doon sa mga nag-aaway na lalaki sa harapan. Teka lang, nag-aaral iyung dalawa sa school namin ehh. Try ko lang alalahanin kung sino ang mga taong iyun saglit. Hmm... iyung kano ay si William Smite at ang isa ay si-"



          "Gerard Faustiano." pagputol ni Larson dito.



          Nagulat ako at kilala niya iyun? "Kilala mo iyun?" tanong ko.



          Umiling ito. "Makakalimutin ka ba? Hindi mo ba alam na nabanggit mo siya sa akin noong isang beses? Sabi mo na siya iyung taong kasingtalino ng kapatid ko." paliwanag niya.



          "Nabanggit? Well hindi ako doon nagtataka kasi sigurado ako na nabanggit ko siya pero hindi ang facial features niya. Paano mo naman nalaman na si Gerard iyung taong niluluhuran ng kano?" seryosong tanong ko.



          "Hula." agad na sagot ni Larson.



          "Hula? Seriously? Ano ka? Si Marcaux? Nalaman niya ang bahay ni Keith gamit ang panghuhula daw na hindi naman totoo kasi humingi talaga siya ng impormasyon?" sarkastiko kong saad.



          "Pwede ba Allan? Siguro naman ay nakikita mo din iyan sa Facebook page ng Schoneberg Academe iyung usap-usapan doon na dine-date nung kano. Doon ko nakilala si Gerard."



          "Kahina-hinala."



          "Ano ba? Bakit naman ako kahina-hinala? Nakilala ko lang kung sino iyung niluhuran nung kano ehh." reklamo ni Larson.



          "Alam mo bakit kahina-hinala? Kasi sinabi mo noong una na hula lang. Tapos sinabi mo naman ngayon na nakita mo sa facebook page ng Schoneberg Academe. Ano ba talaga? Kahina-hinala." paliwanag ko. "Kilalang-kilala mo iyung Gerard na iyun ano?"



          "Hindi nga."



          "Sinungaling."



          "Ayts! Tigilan mo nga ako Allan. Magsisimula na naman ba tayo ng away kung kilala ko iyung taong iyun o hindi?"



          "Sabihin mo na kasi ang totoo." Umiling si Larson. "Larson, simula't sapul, wala akong kaalam-alam sa buhay mo. Hindi ko alam kung sino ang mga nakasalamuha mo noon and this and that. Ang alam ko lang, itong si Ren ay kapatid mo at galit na galit ka sa kaniya. Other than that, wala na."



          "Ano naman ang magiging benefit nito sa iyo kung kilala ko iyung taong iyun o hindi?"



          "That guy is getting in my nerves lately." naiirita kong wika.



          "Ha? Bakit?"



          "Kakompetensya ko sa pagiging top doon sa school."



          "Ohh... Well it's not my business." Ano ba namang taong ito?! Nagsisinungaling pa rin siya kahit may alam naman talaga.



          "Alam mo, para kang rosaryo. Punong-puno ng mga misteryo." patula kong saad.



          "Ay. Yan pala ang gusto mo? Sandali lang. Hmm... Hindi porket tumutula ka na ay tama ka. 'yan ang sinabi kay Chris Brown, galing kay Rihanna." sagot ni Larson sa tula ko.



          Namangha naman ako sa sagot niya sa tula ko. "Ang mamahal naman ng mga salitang ginamit mo."



          "Hindi ko naman binili iyun. Alam mo Allan, ganito lang iyan. Antayin mong magkamali ang tao. Kapag nagkamali siya, iyun na ang pagkakataon mo. Ehh di ba nga, doon ka magaling? Exploiting an opportunity?" advice niya.



          "Sa bagay Larson. Tama ka. Antayin ko siyang magkamali. Na ewan ko kung magkakamali ba talaga siya. Kaya kung may alam ka sa taong iyun Larson, pakiusap. Share it with me. Makakatulong ka ng malaki sa akin."



          Nanahimik na lang si Larson hanggang makauwi kami sa bahay. Hindi talaga ako sanay na may dalawang top 1 sa klase namin. Alam ko naman na si Ren ang dahilan kaya naging top 1 ako pero nagiging kahina-hinala ang mga aksyon nung Gerard kung alam niyo lang. Sa tuwing ina-announce ng teacher namin kung sino ang pinakamataas sa quizzes... na siguradong ako at si Gerard lang naman, masama ito kung makatingin kay Ren at hindi sa akin. Iyung mga tingin pa naman niya ay pamatay at parang... may masama itong binabalak laban kay Ren. Alam kaya niya? Wala pa namang masamang nangyayari kay Ren. Pero iba ang sinasabi ng kutob ko. Bakit kaya?



Ren's POV



          Kasalukuyan naman akong naghihintay dito sa parking lot kung saan ay yayain ko sila Kei na pumunta sa bahay ko at para maituro niya sa akin... ulit... kung paano dipensahin ang sarili. At para malaman din mula sa kaniya kung bakit nagsinungaling siya sa akin noon na kaibigan din pala ni Harry iyung kababata niya. Hindi ako makapaniwalang big deal ito para sa akin. Kelan pa naging equivalent and deal sa issue? Hay ewan! Pero gusto ko talagang malaman kung bakit.



          Sa wakas ay dumating naman ang sasakyan ni Harry. Gaya ng dati ay agad namang bumaba si Janice mula dito at umangkla sa akin. Bumaba din ang dalawa at si Harry naman ay iniwasan ako ng tingin.



          "Janice, huwag ka ngang umangkla sa kaniya." reklamo ni Kei.



          "Takot ka ba Kei na agawin ko ang fiancee mo?" tanong ko sa kaniya... kahit na nagbibiro lang ako.



          "Hay ewan!" habang dahan-dahan na lumapit sa amin.



          "Ren, invite mo naman ako sa bahay mo ngayon." request ni Janice.



          "Ay oo nga pala. Iniimbitahan ko pala kayong lahat sa bahay ko."



          Tuwang-tuwa namang sumabit sa akin si Janice. "Salamat sa pag-imbita Ren! YAY!"



          "BUMABA KA DYAN JANICE!" asik ni Kei.



          "Hindi ako makakasama." pagtanggi ni Harry.



          Natigil naman ang lahat sa pagtanggi ni Harry. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyung ginawa niya. Sa totoo lang, napatawad ko na siya dahil miss niya lang naman ata itong kababata ni Kei. Kababata nila na hindi ko alam kung bakit gustong solohin lang ni Kei.



          Tumigil si Janice sa pagsabit sa akin at lumapit kay Harry. "Harry, sumama ka na. The many, the merrier." masiglang wika ni Janice.



          "Pasensya na Janice pero marami pa akong gagawin. Diyan na kayo." malamig na tugon ni Harry saka umalis.



          "Pero kanino kami sasakay pauwi?" reklamo ni Janice.



          "May nangyari ba sa inyong dalawa?" mahinang tanong ni Kei sa akin.



          "Huwag kayong mag-alala. Tatawag ako ng driver para ihatid kayo pauwi mamaya." iwas ko sa tanong ni Kei. Kitang-kita ko ang talim ng titig na binigay ni Kei sa ginawa ko.



          Humarap si Janice sa amin. "Well sige. Sasama na ako at si Kei. Hindi naman pala kawalan si Harry ehh." Umangkla naman agad ito kay Kei ay hinatak ito. "Una na kami Ren. Kita na lang tayo mamaya."



          "Sige Ren. Humanda ka sa akin mamaya." malahulugang saad ni Kei habang nakangiti.



          "Anong humanda? Bakit?" rinig kong tanong pa ni Janice.



          Iniisip ko pa rin kung sasabihin ko kay Kei ang nangyari sa pagitan namin ni Harry... o hindi na lang. Magbabago kaya ang relasyon ng dalawa sa pagitan nila kapag sinabi ko?



          Bakante ang oras ko ngayon bago matapos ang huling klase namin. Patuloy pa ring umiiwas si Harry sa akin. Hindi naman sa sinusundan ko ang tao pero... napapansin ko lang. Tinigil ko ang pagsunod sa kaniya dahil naisip ko na siya na lang ang mismong lumapit sa akin kung handa na niya akong kausapin. Papatawarin ko naman siya. Pero ano ang mauuna? Ang masabi ko kay Kei ang tungkol sa nangyari o ang ipaalam ko sa kaniya na napatawad ko siya sa nangyari?



          Pero will it make a difference ba kapag naunang nag-sorry si Harry kesa malaman ni Kei ang totoo? Ang naisip kong gawin ay sasabihin ko ang nangyari sa pagitan namin ni Harry at sasabihin ko pagkatapos na nag-sorry na siya at napatawad ko na. Pero hindi ako sigurado sa magiging aksyon ni Kei dito.



          "Hi Ren." untag sa akin ng isang lalaki na may kasamang isa pang lalaki.



          Kasalukuyan pala akong nag-aaral... kuno sa library. Okay. Sinusundan ko pa rin dito sa library si Harry. Mga tatlong mesa ang layo namin sa isa't isa.



          "Umm... Marcaux. Ikaw pala." Umupo naman ang mga ito sa tapat ko... at naharangan na ng paningin ko kay Harry.



          "Sino siya Ferdinand at magkakilala kayo?" kunot noong tanong ng kasama niya. Ferdinand? Ang alam ko ehh Marcaux ang pangalan niya.



          "Hindi mo ba siya kilala Choco? Siya si 'Mystery Man'." sagot ni Marcaux.



          Tiningnan naman ako ng kasama ni Marcaux na ang pangalan... ay Choco? "Ohh..." tanging nasabi na lang nito.



          "Umm... okay lang ba na ipakilala kita Ren?" tanong ni Marcaux sa akin.



          "Yeah. Sige." pagpayag ko.



          "Ren, si Keith Bernardo. Choco, si Ren Castillo Severin." pagpapakilala sa amin ni Marcaux sa isa't isa. Keith? Choco? At oo nga pala. Si Keith Bernardo, ang Vice President ng Journalism Club. Then si Marcaux pala ay si...



          "Nice to meet you Keith?" hindi ko siguradong saad.



          "Ikaw din Ren." masiglang sagot ni Keith?



          "Umm... bakit ang tawag niya sa iyo ay Ferdinand at ang tawag mo naman sa kaniya ay Choco?" tanong ko.



          "Endearment namin." sagot ni Marcaux. Ohh. Endearment pala.



          "So siya iyung boyfriend mo?"



          "Yeah. Siya nga. Kakaiba ba iyung endearment namin? Actually kasi itong si Keith, paminsan-minsan o palagi-lagi, naguguluhan kung paano i-pronouce ang pangalan ko. Minsan ang tawag niya ay Markox o kaya Marcos. Then bigla kong naalala si Ferdinand Marcos. Nag-decide ako na iyun na lang ang itawag niya sa akin. Iyung sa kaniya, iyung ala-ala noon na hindi ko nakain iyung tsokolate na ginawa niya sa akin noong una." mahabang paliwanag ni Marcaux. "Ano pala ang ginagawa mo dito sa library?"



          "Nag-aaral?"



          "That's weird Ren. Paano ka nakakapag-aral na baliktad ang libro?" pagpansin ni Keith sa librong hawak ko.



          "Huwag mo na lang pansinin Keith." saka inayos ang libro.



          Naglabas naman ang dalawa ng ilang mga libro at notebook. Nag-aaral sila ng sabay. Ang sweet naman. Teka? Matanong ko kaya si Marcaux sa bagay na iyun?



          "Umm... Marcaux, pwede ko ba kayong ma-istorbo? May itatanong lang ako sa iyo?"



          "Sure. Ano naman iyun?" pagpayag ni Keith.



          "Umm... think of this as a make-up scenario. Halimbawa si Keith, ginahasa siya ng lalaking pinsan mo. Pero hindi naman natuloy. Walang pasukan na nangyari at ganito ganyan. Napigilan sa madaling salita. Ano ang gagawin mo?" mahabang tanong ko. Kinuyom ni Marcaux ang kanyang mga kamao at pinatunog. Sa tingin ay nakuha ko na ang aking sagot.



          "Bakit naman Ferdinand? Hindi nga natuloy hindi ba?" tanong ni Keith.



          "Yeha. Hindi nga natuloy. Pero muntikan na. Baka mangyari na naman ulit at sa susunod ay tuluyan ng magahasa." sagot ni Marcaux.



          "Pero paano kung humingi ito ng tawad... agad at napatawad din naman ito... ni Keith agad? Halimbawa lang." muli kong tanong.



          Kinuyom muli ni Marcaux ang kanyang mga kamao at pinatunog ulit. "It is still not an enough reason for me to stop punching my scumbag pinsan for attempting to rape my significant other. Furthermore..."



          "Ouch." mahinang wika ni Keith.



          "Akin lang ito at ayoko ng may kahating pumapasok dito." dagdag pa ni Marcaux. Ano ba iyung tinutukoy niya?



          "Ferdinand." namumulang reklamo ni Keith.



          "Good thing na pinaalala mo sa akin iyan Ren. Meron kasi akong pervert na pinsan na hindi ko alam kung bisexual or really gay at baka madiskitahan itong si Choco. And I've never heard of him ever since namatay ang tatay niya."



          Hindi kami nakapagsalita ni Keith sa sinasabi ni Marcaux. He seems agitated about sa pinsan niya. At sa tingin ko ay maling tao ata ang pinagtanungan ko. Mukhang lalo akong naguluhan kung kailangan pa bang malaman iyun ni Kei.



          "Umm... pasensya na guys. I just had a bad memory about sa pinsan kong ito."



          "Muntikan ka ng nagahasa ng pinsan mo?" gulat na tanong ni Keith.



          "No. Hindi ako ang nagahasa niya. Iyung isa ko pang pinsan actually. Bakit ka nga pala nagtanong ng ganoon Ren? Huwag mong sabihin na muntikan ka ng ginahasa... ng pinsan ng boyfriend mo?" Actually, oo.



          "Umm... actually, nanghingi lang ng advice iyung isa kong kaibigan tungkol sa bagay na iyan." pagsisinungaling ko.



          "Sinong kaibigan? Si Keifer, Harry, Paul, Jonas, Blue, Joseph o si Ethan?"



          "Isa pang kaibigan Marcaux."



          "Ohh... I see."



          "Kadalasan daw sa mga sagot na nanghihingi raw ng advice para sa isang kaibigan, iyung nagtatanong mismo ang nagtatanong actually." wika ni Keith.



          "Hindi naman laging ganoon Keith."



          "Sa bagay."



          Nagpatuloy naman sila sa pag-aaral. Ugh! Naiingit ako sa dalawang ito. Buti pa sila. Lantaran na naglalandian habang nag-aaral while keeping their voices down. Malaya. Napag-usapan naman namin ang pagiging bise ko sa Music Club at naging magkasundo kami ni Keith sa bagay na iyun. Ang pakiramdam na maging espesyal na miyembro ng club. Halos wala kaya akong ginagawa sa Music Club... aside sa pag-assist kay kuya Blue kapag kailangan.



          "Dapat kasi sa bahay na lang tayo nag-aaral Choco. Wala si mama and papa mamaya." pilyong wika ni Marcaux.



          "Ano ka ba Ferdinand? Kapag sa bahay naman tayo nag-aral ehh wala tayong napag-aaralan kung hindi ano ehh..." reklamo ni Keith. Ano daw?



          "Pasensya na Ren at ang harot namin." pagdispensa ni Marcaux. "Siya nga pala, asaan ang boyfriend mo?" biglang tanong niya.



          "Umm... it's complicated ang status ko ngayon... sa kaniya." sagot ko. Kung alam niyo lang kung gaano ka-kumplikado ang relasyon namin.



          Nakita ko naman na tumayo na si Harry sa kinauupuan niya. Napatingin naman ako sa relong pambisig. Oras na nga pala para sa huling klase namin.



          "Sige guys. Alis na pala ako. May klase pa ako." paalam ko sa magkapareha.



          "Bye at ingat." sabay na saad pa ng dalawa.



          Nakangiti akong umalis sa lugar na iyun. Buti naman at naging kaibigan ko pa ang dalawa... at sinusubukan ko namang habulin si Harry pero hindi ako nagpapahalata. Ang bilis niya maglakad. Bakit ko nga ba ginagawa ito? Ayokong lang naman kasi magkagulo. Ugh! I am really a pathetic person.



          Nakarating na kami nila Kei at Janice sa bahay sakay ng sasakyan na tinawagan ko para ipahatid kami. Agad kong sinaulo ang numero na kailangan para mai-unlock ang maliit na gate at para hindi na ako kulitin ni Janice. Pagkababa ay dire-diretso ako sa maliit na gate nai-unlock ito agad.



          "What's with the rush?" tanong ni Janice habang bumaba kasama si Kei.



          "Nothing. Pasok na agad kayo." pag-imbita ko.



          Pagkapasok nila ay kinausap ko naman ang driver na umalis at bumalik kapag tinawagan ko. Sumunod na akong pumasok sa sarili kong bahay at nasa labas pa lang ay rinig ko ang pagkamangha ni Janice.



          "Welcome sa bahay ko."



          "Thank you best friend for inviting me." natutuwang saad ni Janice.



          "Ha? Best friend?"



          "Janice, behave ha. At saka nakapunta lang tayo dito sa bahay dahil tuturuan ko si Ren ng self-defense." pagpapa-alala ni Kei.



          "Aixt! Ano ba naman iyan?" ngiwi pa ni Janice.



          "Alam mo Janice, may Pretty Little Liars Season 1 to latest season iyang TV. Manood ka habang tinuturuan ako ni Kei."



          Napangiti naman si Janice sa narinig. "Ohh... wala palang downside ang pagpunta ko dito. Okay!" saka binuksan ang TV.



          "So saan kita tuturuan? Sa kwarto mo?" pilyong bulong ni Kei.



          "Tumigil ka nga. Kumuha ka muna ng tsitsirya at mga inumin para diyan kay Janice habang magbibihis muna ako sa taas at ilalatag ko iyung soft mat sa likod-bahay."



          Papunta na ako sa taas nang sumimple si Kei na tapikin ang puwitan ko.



          "Tigilan mo nga iyan. Makita tayo ni Janice." nahihiyang reklamo ko.



          Pinatunog na lang ni Kei ang dila niya at pumunta sa kusina saka sumimple pa ng isang tapik sa puwitan ko. Grabe naman ito si Kei. Nananamantala habang hindi nakatuon ang atensyon ng fiancee niya sa amin. Mukhang may matututunan ata ako mula kay Kei... kahit naituro na ni Harry iyung iba.



          Umakyat na ako kwarto ko at nagbihis ng pambahay na damit at humugot ng buntong-hininga. Bumaba na ako at dumiretso na sa likod bahay. Pagkalatag ng soft mat, lumabas na rin siya at hinubad ang pang-itaas niya. Ano kaya ang matututunan ko dito?



          "Tara Ren. Magsimula na tayo. Hubarin mo na iyang pang-itaas mo at tuturuan na kita." Sana naman ehh self-defense talaga ang ituro ni Kei.



          Sinunod ko na lang siya at naghubad din. Magdamag niyang itinuro sa akin ang mga bagay na natutunan ko na mula kay Harry. Siguro naman ay hindi niya mahahalata na alam ko na kung paano iyung ginagawa niya. Ang alam niya ay isa akong fast learner at madali akong matuto.



          "Magaling ka na pala ehh. Sino ang nagturo sa iyo?" biglang tanong ni Kei.



          "Umm... mabilis lang naman akong matuto Kei. Alam mo na." pagdadahilan ko. "Sige. Break na muna tayo at magtitimpla ako ng ating inumin."



          Paalis na ako nang biglang hinawakan ni Kei ang kamay ko at kinabig papalapit sa kaniya. Pinatid niya ang paa ko para mawalan ako ng balanse at napahiga ako sa soft mat. Agad niyang inilagay ang aking mga paa kahilera ng aking katawan saka ako'y dinaganan at hinawakan ang aking mga kamay dahilan para hindi ako makagalaw... at ang awkward ng pusisyon namin. Ramdam ko ang tumitigas niyang ari sa puwitan ko na naging dahilan para maapektuhan ako sa nangyayari. Mapusok niya akong hinalikan at gumanti din ako. Ano ba itong ginagawa niya at baka mamaya ay mahuli kami ni Janice?



          Ibinaba niya ang halik papunta sa leeg ko dahilan para mapa-ungol ako.



          "Shit! Tumigil ka Kei. Mamaya ay makita tayo ni Janice." nahihiyang saway ko.



          Tumigil siya sa paghalik at nagkatinginan kami. "Huwag kang mag-alala. Kaya kong lusutan ang pangyayaring ito kung sakaling makita niya tayo."



          "Ano naman ang idadahilan mo?"



          "Basta. Nakaka-turn on ba?" pilyong paliwanag niya. Ay shit! Ano ba itong nararamdaman ko?



          Napatingin na lang ako sa pintuan ng likod bahay at baka sakaling nakikita kami ni Janice... at wala siya. Shit talaga! Sibubukan ko namang makawala kay Kei pero masyadong mahigpit ang pagkaka-lock niya sa akin.



          Pinaharap ni Kei ang mukha ko sa kaniya. "Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Ano ang nangyari talaga sa inyo ni Harry?" seryosong tanong niya. Nako po! Heto na ang tanong na iniiwasan ko. "Kapag hindi mo sinagot ang tanong ko Ren, hahalikan kita ng mapusok hanggang sa makita tayo ni Janice, magalit ito at ipaalam sa pamilya namin ang nangyaring ito at mapapahamak ang mga mahal mo sa buhay. Ano? Gusto mo iyun?" banta niya.



          Teka? Teka? Ano ba itong pinagsasabi ni Kei? Seryoso kaya siya? Inilapit niya ang mukha niya sa labi ko at muli na naman niya akong hinalikan. Inilagay pa niya ang dalawang kong kamay sa bandang ulo ko at hinawakan ang mga ito gamit ang isang niyang kamay lang. Ginamit naman ni Kei ang isa pang kamay saka hinawakan ang pundilyo ng shorts ko. Ang sarap ng ginagawa niya. Pero hindi ito ang oras para gawin namin ito? At saka ang hirap ng pusisyon ko. Nakakangalay.



          Sa wakas ay tumigil na kami sa paghalik nang naubusan na kami ng hangin sa ginagawa.



          "Kaya mo pa ba akong tagalan Ren? Isang buwan na din simula nang hindi na natin ginawa iyun. Baka mahuli tayo dito ng wala sa oras ni Janice." pilyong wika ni Kei.



          Hinahabol ko naman ang aking hininga. Ang init ng katawan at pakiramdam ko sa ginagawa niya. Parang gusto kong payagan siya sa kanyang mga gagawin. Pero hindi dapat.



          Pinasok na ni Kei sa short ko ang kanyang mga kamay at hinihimas ito. Shit! Seryoso talaga siya. Gusto niya talagang malaman kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Harry. Mamaya ehh bugbugin niya ito kapag sinabi ko ang totoo gaya ng sinasabi ni Marcaux.



          "Kei, tumigil ka." pagpapatigil ko na kulang sa kumbiksyon.



          "Just answer my question at titigil na ako. Ano ang nangyari talaga sa inyo ni Harry?"



          "I-Ipangako mo muna sa akin na hindi mo bubugbugin si Harry kapag nalaman mo ang totoo." pakiusap ko



          "Huh? Bakit ba-"



          "Ipangako mo!"



          Humugot na lang ito ng bumuntong-hininga. "Sige. Nangangako ako kaya sabihin mo na. Kahit ano pa iyan, hindi ko bubugbugin si Harry." nakangiti niyang pagsang-ayon.



          "T-Talaga?"



          "Hindi ka ba naniniwala sa akin? Kung ganoon..."



          Muli na naman niya akong hinalikan ng mapusok at wala akong magawa kung hindi ang magpaubaya. Sana lang ay hindi kami mahuli ni Janice sa ginagawa niya. Pambihira!



          "Ren." tawag sa akin ng isang boses mula sa loob ng bahay.



ITUTULOY...

10 comments:

  1. Maganda sana itong story mo. Kaso sandamakmak abg povs at medyo nakakalito, nakakapagod basahin at medyo nakakairita, esp. yung kay Edmund. Sana di mo masamain angvkomento ko.

    -Kid Kulafu

    ReplyDelete
    Replies
    1. I do admit na nakakairita talaga ang maraming POV na halos malilito na kayo kung sino ang mga characters. But then again, iyan kasi iyung kailangang elements ko sa story. Alam ko naman na mga readers dito ehh hindi masasanay sa gawa ko kasi nga iba ang pagkakagawa. Mostly focus on two or three or more person in the story then BLAH! BLAH! BLAH! and so on and so on. Kaya nga gusto kong i-drop itong series na ito ehh. But then again, kailangan kong tapusin kahit alam na natin ang magiging ending nito. LOL! So kaya ganito para hindi na kayo magulat kung paano nangyari iyun this and that later on. More on mystery kasi ang genre so... please bear with it... and thank you for reading. Sorry.

      Delete
    2. No. Don't get me wrong. Hahaha. Naaliw ako sa mga stories dito na may mga connection sa isa't isa. Kahit iba iba mga authors. Tama ka kailangan mo tapusin to . Di mo kailangan magsorry. Mambabasa mo lang ako. And thank you sa mga stories mo. Ako nga walang maisulat ni isa. lol. Keep it up and God bless.

      - Kid Kulafu (avid reader ng mga gawa ni Seyren) ;-)

      Delete
  2. Waaaaaaaah si kie talaga o ang libog,,,

    ReplyDelete
  3. ano ba yan dami ng lumalabas na tauhan sa mantalang un kay larson di parin inilantad... nakakairita na nakakapagod basahin daming checheburitse...

    -silent reader

    ReplyDelete
  4. Sobrang grabe ang libog ni kei ...... Tlaga lng gagawa ng way para lang malaman

    ReplyDelete
  5. Nkakakkilig ako

    Jharz

    ReplyDelete
  6. Anyways, another nice work Ren Kun.

    But seriously another KEI MODE? hahaha ANG LIBOG MO KEI HOY.

    Give Harry a chance please? Anyways, Edmund's POV is kinda intriguing and it's kinda bugging me you know the style like "you will know it later". Stuffs. But anyways, I still love this series.

    HEhehehee. I want more I guess? hahaha!

    ReplyDelete
  7. sino kaya ang estorbo sa dalawa? bakit may pagbanta na ang tinig ni Kie ngayon? Parang rosary nga ang story na to. hehehe. Thanks sa update. Take care.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails