Athr'sNote-
O.O
Pasensya na po mga mahal kong mambabasa, napatagal po ng sobra yung update.
Aaminin ko po, napabayaan.. hindi ko po napansin na hindi ko na naaasikaso. Pero heto, babawi ako para sa inyo :))
Guys, heto na, #mr.BEAN :] walang mababadtrip ah? Hehe
Enjoy..
--
Point Of View
- K o b e -
"Kobe?"
Nang marinig ko ang pagtawag na yun, palihim akong napangiti. Tagumpay ang plano, haha
Rinig ko na ilang beses pang may kumatok sa pinto, alam ko si Christian na 'to.. pero hinayaan ko lang.
Nang matunugan ko ang pagbukas ng pinto, parang biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko.
Kinakabahan ako. Tsk
Saglit na namayani ang katahimikan. Grabe, kailangan kong magpakanormal.
"A-ano kasi Kobe.. akala namin.."
Nang marinig ko siyang magsalita ay nag-angat na nga ako ng tingin at deretso siyang tinignan.
Kita ko yung pagbabago ng dating niya, alam kong medyo ninenerbyos siya.
Namiss ko siya, oo. Sino ba naman ang hindi?
Si Christian, si Chan.. etong height niyang hanggang dito nalang ata talaga.. yung tingin niya.. yung presensya niya.
Nang makitang magsasalita na siya'y agad na nga akong nagsalita.
"Kailangan ko paba talagang mag set-up ng ganito para lang makita kita ng malapitan?"
Seryosong sabi ko.
Kanina lang namin naisip 'to nila Az at Dennis, mabuti at nakisakay si tita Sen.
"K-Kobe.."
"Talaga tititigan mo nalang ako? Hindi mo ba ako namiss? Chan?" malungkot kong tono.. gustong-gusto ko na siyang yakapin.
Tuluyan na nga akong bumigay, sabi na eh.. kapag talaga nagkaharap kami, mapapadrama ako.
Napatayo naman ako nang makita yung pagbabago ng ekspresyon niya, yung dating niya.
T-teka, tama ba 'tong nakikita ko?
Yung buong nararamdaman ko parang napalitan, ng takot at kaba.
"Ako? Hindi mo man lang ba tatanungin yung naramdaman ko nung umalis ka?"
Nang marinig ang sinabi niya, nakita ko na lang ang sarili na mabilis na pinunasan yung mga luha na talaga namang mabilis na
Oo nga pala noh? Kasalanan ko nga pala.
"Oo ikaw pinunta ko rito, pero hwag na lang.. hindi na lang siguro. Akala ko okay na tayo eh, pero nung nakita kita tapos naalala ko yung nangyari dati.. ne-ver-mind na lang. Nagbago kana na eh."
Tuluyan na nga akong napaiyak, hinayaan ko na lang na pumatak yung mga luha ko.
Anong nangyari kay Chan?
"Chan, a-ako parin 'to si Tenten. Chan, miss na miss na kita."
Nahihiya man akong umamin pero.. ngayon ay nagmamakaawa ako sakanya.
Siya na lang ang meron ako. Wala na si inay, malayo si itay.. at wala narin ang kuya Kash ko.
"Talaga? Miss na miss mo na ako? Kung ganun.. bakit hindi ka man lang umuwi? Ni hindi ka nga bumalik o nagparamdam eh."
"Chan.." ang agad na sabi ko nang makitang umiiyak narin siya.
"Chan sorry.."
"S-sorry? Halos pitong taon yun.. sorry lang? Tapos eto, set-up lang pala.. nag-alala pa ako, wala man lang palang kwenta kahihinatnan nung pag-aalala ko."
'Speechless
Siya ba talaga 'to? W-wala akong masabi. Para bang takot na takot na ako sakanya ngayon. Parang, h-hindi na siya yung Chan na bestfriend ko.
"Chan?.." nahihirapang sabi ko na. "Paano mo nasasabi yang mga yan? A-ayaw mo naba talaga sakin? Chan?.." halos pahagulgol ko nang sabi.
"Pasensya na. Oo eto na ako, iba na ako. Pasensya na."
Napapikit at napa-upo na lang ako nang makita na siyang mabilis na tumalikod at umalis.
Ang sakit. Oo ang sakit, sobra.
Parang, para bang.. wala na talaga akong halaga sakanya.
Ganun ba kasama ang ginawa ko? D-diba ang gusto ko lang naman ay ang sundan niya, yung bang para maramdaman ko lang na may nagmamahal pa sa akin. Wala na si inay at kuya Kash eh, tapos si itay.. hindi ko alam pero nagtatampo nanaman ako sakanya dahil wala siya rito kasama ko, nasa ibang bansa kasi siya eh.
Kay kuya Seven, ilang beses niya akong pinuntahan para sunduin na pero ayoko na sakanya. GALIT ako sakanya, dahil sa kanya kaya wala na ang kuya Kash ko. Dahil sakanya, nawalan ako ng kuya.
"F*CK!!!!!!"
Gigil na pagsigaw ko at pagsipa pa sa kaharap kong lamesa.
Mag-isa nanaman ako, pati si Chan ayaw na sa akin.
Tangna, ang sakit!!
-----
Point Of View
- Third Person's -
"A-anong nangyare? B-ba't ka umiiyak?"
Ang agad na tanong ni tita Sen nang masalubong niya si Chan sa may daan, sa 'di kalayuan sa bahay ni Kobe.
Nagulat na lang si tita Sen nang yakapin siya bigla ni Chan.
"Tita Sen.. s-sorry.." pabulong na sabi niya.
"Ano bang nangyari?"
"H-hindi ko po mapigilan eh, naalala ko po yung mga nangyari dati t-tapos.. t-tita Sen..." ang umiiyak nanamang sabi ni Chan.
"Tapos ano? A-ano bang nangyari sa inyo? Nagka-usap naman kayo diba?"
"Opo tita Sen pero, napagtaasan ko po siya ng boses eh.. umiiyak po siya dahil sa akin.. tita sorry po.." tonong pakiki-usap ni Chan.
Napatahimik na lang si tita Sen. Aaminin niya, nahihirapan siya sa sitwasyon ng dalawa.
Saglit na namayani ang katahimikan..
"Akala ko ba kaya ka pumunta dito kasi dahil sakanya? Na miss mo na siya? Na gusto mo ulit makasama yung bestfriend mo dati?" pagbasag ni tita Sen sa katahimikang namamayani.
Kahit nakayakap sakanya si Chan, ramdam niya yung agad na pagtango nito mula sa tanong niya.
"Ba't yun ang nangyari? Ano ba talaga?" muli niyang pagtatanong.
"Tita Sen.."
Maayos na nasabi ni Chan at pagkawala na sa yakap. Hinarap siya nito.
"Pasensya na po sa nagawa ko, pwede po ba na puntahan niyo siya? B-baka po kasi anong gawin niya eh, please?"
Napatango na lang si tita Sen sa pakiusap ni Chan, naiintindihan niya ito.
"Osige sige, ako na muna ang bahala sakanya. Magpahinga kana muna.. nag-aalala rin sa'yo yun, panigurado." sabi ni tita Sen.
Agad na umiling si Chan.
"Hindi po tita Sen. Galit niyan po sa akin si Kobe.." mahinang sabi ni Chan.
"Hindi. Kilala ko si Kobe, kahit na galit yun.. hindi ganoon katigas ang batang yun.. kilala ko siya." tonong paninigurado ni tita Sen, pinapanatag rin nito ang pakiramdam ng isa.
Tinitigan lang siya ni Chan, na tila iniisip nito kung totoo ang sinabi niya.
Totoo naman, alam niya yun dahil pamangkin niya at nakasama niya ito ng ilang taon.
"Sige po tita Sen, p-puntahan niyo na po siya.." kalaunan ay sabi nito.
"Ikaw? Ayos ka lang? O magiging ayos kaba?"
Ngumiti si Chan, yung ngiting naninigurado't panatag.
"Opo tita Sen.. ako na po bahala sa sarili ko, tita.. puntahan niyo na po si Kobe." sabi nito, tumango lang si tita Sen at naglakad na nga palayo sakanya.
Nang mawala na sa paningin niya si tita Sen ay agad siyang naglakad-lakad kung saan para makahanap ng masasakyang tricycle.
Hindi muna siya uuwi, kailangan niya ng magpapangiti sakanya, kailangan niya ng magpapaalis ng sakit at lungkot na nararamdaman niya.
Isa lang naman ang kilala niyang talagang nakakagawa nun sakanya eh.
Si poste :)
-----
Point Of View
- C h a n -
"Jaydon...."
Isang napakahinang pagtawag ko.
Argh
Hindi ko alam kung kakatok ba ako o ano? Gabi na eh, mang-iistorbo lang ang dating ko nito.
1...
2....
3........
"I got this.."
Matigas ko nang sabi at pag-ayos na sa sarili.
Kailangan ko 'tong gawin. Alam ko na kapag makita ko yung ngiti niya.. magiging ayos na ang lahat. ANG LAHAT.
Kakatok na sana ako nang bigla akong mapatigil.
Bumukas yung pinto, at nakita ko ang dalawa..
"Oh Chan kaw pala?"
"Gabi na ah?"
Napalunok pa ako.
Paano 'to?
"Hi Jap.. Clark." pilit na pagngiti ko. "Si Jaydon?" patanong na sabi ko pa.
"Ah siya?" sabay na sabi ng dalawa, alanganin naman akong tumango.
Nakakahiya kasi eh. Oras na eh, mga 11 na siguro ng gabi?
"Ayun sa loob. Medyo nakasumpong ata eh." pagturo pa ni Clark sa may pintuan ng kwarto ni Jaydon.
"Payong kaibigan lang Chan ah?.. hm.. medyo ingat ka ha? iba yung mood niya eh, mukhang kumakain ng tao."
Muli, napalunok ako.
Badtrip ata? Dahil sa biro ko kanina? Nakakahiya talaga.
"Ahm.. ge, puntahan ko. Salamat." pagngiti ko, ngumiti din sila at binigyan ako ng daan papasok.
"Dito ka muna ah? Alis lang kami saglit, may bibilhin lang." tumango agad ako sa sinabi ni Jap.
"Basta, ingat ah? Medyo sensitive ngayon yan." pahabol pa ni Clark at umalis na nga sila.
At dahan-dahan na nga akong hunarap sa may pintuan ni Jaydon.
Nakuha ko ring maglakad ng dahan-dahan papunta rito.
Ninenerbyos talaga ako eh, parang papasukin ko ang kwarto na may naghihintay na halimaw.. posteng halimaw?
Saglit akong napatigil nang marinig ang boses ni Jaydon, may kausap siya?
Inilapit ko pa ng kaunti ang aking tainga para mapakinggan ito.
Bale parang spider man ang dating ko ngayon, yung dalawang kamay ko na parang nakadikit sa pintuan na mukhang gagamba lang ang dating, isama pa na nakadikit yung tainga ko sa may pintuan. Eavesdropping?
Tsk, ano ba 'tong ginagawa ko? Bahala na..
"Hello? Paki cancel nalang po, paki-inform yung school na hindi na ako tutuloy. Salamat."
Nagulat naman ako sa narinig.
Kung tungkol sa sabado yung tinutukoy ni Jaydon sa kausap niya, ibig sabihin?.. kasalanan ko talaga?
Argh
Ang sama ko talaga. Ang bait-bait sa akin ni Jaydon tapos ganito lang ang ginawa ko?
Eh nagbibiro lang naman ako eh.
At sa nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pinto at wala sa sarili akong napabagsak sa..
Napabagsak sa..
NAPABAGSAK SA?....
A-a-a.. a.. ano ba 'to? NAKAKAHIYA!!
"Sorry." ang nasabi ko at agad akong tumayo ng tuwid at pilit na inayos ang sarili.
Napakapit ako sa katawan ni Jaydon, tsk nakakahiya.
Tapos ba't ba kasi wala siyang suot na pang-itaas na damit? Tsk
P-pero.. ang dulas nung balat niya.. ang lambot, t-tapos ang bango.
Tsk, ano ba 'tong nasasabi ko?
"Jaydon." ang nasabi ko na lang.
Nakatingin lang siya sa akin, blangkong ekspresyon.. pero papunta sa parang pagkainis yung dating ng mukha niya.
"Jaydon galit kaba? S-sorry na.." agad na sabi ko at paghawak pa sa magkabilang pisngi niya.
"Hwag ka namang sumimangot ng ganyan.. uy, nagbibiro lang ako."
Parang batang sabi ko pa at pagtapik-tapik ko pa sa magkabilang pisngi niya.
"Sorry na? Sasama naman kasi talaga ako, binibiro ka lang.. walk out ka kagad." sabi ko pa nang mawala na yung simangot niya.
"Babawi ako. Pramis." pilit na pagngiti ko pa, sinamahan ko pa ng peace sign tsaka ngiti.. haha
Sabi kasi ni yaya Cindy na eto ang pantapat sa mga taong masusungit ang dating eh. Yung bang mga taong hindi malapitan dahil sa nakakatakot nitong dating.
"Wala na eh. Nasabi ko na na hindi na ako makakasama."
Nawala naman yung mga ngiti ko dahil sa sinabi niya, kasalanan ko talaga.
"Sorry. Paano na niyan?" medyo nahihiyang sabi ko.
"Babawi ka?" tanong niya kagad.
"Oo. Pramis." pagngiti ko ulit, tinaas ko pa yung kaliwang kamay ko.
At sa naramdaman ko nalang ang paggaan ng pakiramdam ko.
Heto ang tinutukoy ko, pag nakita ko na yung ngiti niya.. talaga namang gumagaan talaga pakiramdam ko.
Yung ngiti kasi ni Jaydon, parang abot sa langit eh :)
Yung bang hanggang tainga, hanggang mata.. basta buong ekspresyon o mukha niya, nakangiti.
Tsaka, yung ngiti niya kasi ang lakas ng dating. Alam niyo ba yung ngiti ng medyo makapal yung labi? Tapos, hindi hadlang kasi lilitaw yung napaka-ayos at linis na mga ngipin niya, isama pa yung ngiti na talagang bagay na bagay sakanya.
Tsk, napapa-OA tuloy ako. Haha
"Adik ka talaga sa labi ko noh? Kapag ngingiti ako.. napapatitig kana lang eh."
Nawala naman kagad yung ngiti ko, yung kunwari nawalang-interes ako bigla dahil sa sinabi niya.
"Alam mo singkapal talaga ng mukha mo yang labi mo." pabirong pagsampal ko pa sakanya. "Oh ano na? Babawi ako, anong gusto mo?" dagdag ko pa at paglakad ko papunta sa may higaan niya saka ako naupo.
Parang mayaman talaga ang dating ni Jaymon, mula sa kanya..
"Hm..." posturang nag-iisip pa niya.
Saglit ko siyang napagmasdan, napapangiti talaga ako kapag siya na ang nakikita ko.
Humingi na kaya ako ng sign? O kaya hwag muna, nevermind. Haha
"Yung dare pala. Oo tama, yun na lang."
Agad ko namang natakpan yung labi ko at napaatras pa ako dahilan para makaakyat na ako sa kama.
"Jaydon, tumigil ka nga. Kadiri ka talaga." simangot ko.
"Chan.. may dare tayo. Talo ka, yung premyo ko.."
Halos mapangiwi nalang ako sa ginagawa niya, paano ba naman.. dahan-dahan siyang lumalapit tapos talagang nang-aakit na tono pa.
"Jaydon, bata pa tayo?"
Nakuha ko nang matawa sa sinabi ko, ganun rin siya.
"Jaydon naman kasi eh, iba na lang." sabi ko habang nasa kalagitnaan lang kami ng pagtawa.
"Bata? Niyakap mo nga ako eh, yan tuloy.. nag-iba pakiramdam ko." sabi niya.
"Jaydon naman eh.." naiinis na natatawang sabi ko.
"Dali na kasi yung dare.. akala ko babawi ka?" pagngiti ulit niya, yung pamatay na ngiti na talaga niya.
Ba't naman kasi pumayag ako eh? Arrrrgghhhhhh!!!!
Pero bahala na, dare eh.
At sa inalis ko na nga yung kamay ko sa may labi ko.
"Kagat lang ah?" tonong naninigurado ko pa.
"Oo nga, oh game na?" sabi niya at pagtabi niya pa sa akin sa may higaan, bale naka-upo kaming dalawa.
"Sige." sabi ko at pagpikit ko na. "Game." sabi ko ulit.
Isa....
Dalawa.....
Tatlo...
"Pero Jaydon bata pa tayo ah? Ayusin mo, baka kung saan tayo mapunta." natatawang sabi ko habang nakapikilit lang.
"Oo. Alam ko naman yun." rinig kong sabi niya. "Pout mo yung lower lip mo." pahabol pa niya.
Sinunod ko lang.
Nako po. Patawarin niyo po kami sa trip namin, sorry.. sorry.
At sa ilang segundong namayani ang katahimikan. Hinihintay ko lang na may kumagat sa labi ko.
Hanggang sa.....
-----
Point Of View
- K o b e -
"K-Kobe? A-anong ginagawa mo?"
Si tita Sen, hindi ko na pinansin at pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko.
Napatigil naman ako nang ibalik niya yung mga damit na nilalagay ko sa bag ko.
Binabalik niya ang mga ito sa lalagyanan ko ng mga damit.
"Anong ginagawa mo?" galit na sabi niya, tita ko nga talaga siya.
"Ayoko na." mahina nguni't seryosong sabi ko.
"Aalis ka nanaman? Gagawin mo nanaman yung dati?" sabi niya, kita ko yung pagsalubong ng dalawang kilay niya.
Nakapagdesisyon na ako, kanina pa.
Tumango ako, yung pasimple.
"Oo. Ayoko na eh. Nasasaktan lang ako." madiin na sabi ko at muli kong pinagpatuloy yung paglalagay ng nga damit ko sa may bag ko, padabog pa ito.. pagpapahiwatig na walang makakapigil sa akin.
Nagulat na lang ako nang..
"Kobe nagtatanga-tangahan ka nanaman eh."
Agad akong napahawak sa may kanang pisngi ko.
Napatigil na lang ako. A-ang sakit ng sampal ni tita Sen.
"Tita?" ang nasabi ko.
"Ge umalis ka. Kapag umalis ka, talagang hindi na kayo magkakalapit ng kaibigan mo. Magpakatanga ka lang, Kobe."
At sa nakita ko na lang na mabilis na siyang umalis.
Naiwan akong tulala.
"Mali nanaman ako?" ang nasabi ko at muli.. naiyak nanaman ako.
Parang solong-solo ko 'tong sakit na nararamdaman ko. P-parang ako lang ang nakakaranas nito, g-grabe.
Tangna!
----
Point Of View
- J A Y D O N <3 - (whehehe)
Saglit kong pinagmasdan si Chan.
Heto siya, nakapikit.. nakapout yung lowerlip lip niya.. pero hindi nawawala sa ekspresyon niya yung bang ngiwi? haha, yung bang pasimpleng umiiwas siya na nakakatuwa talagang pagmasdan.. batang-bata lang.
Ewan ko pero hindi mabura-bura yung ngiti ko, naturingan pa naman akong medyo makapal ang labi.. pero hindi naging sagabal.. nagpadagdag pa sa appeal, haha
Hanggang sa dahan-dahan ko nang inilapit ang aking mukha sa mukha ni Chan.
Paano kaya kung hindi pagkagat ang gawin ko? Angkinin ko na? Haha
Bahagya ko pang inilapit, nais kong iparamdam sakanya na malapit na yung mukha ko sa mukha niya.
1..
2...
3....
At sa nakita ko na lang na napamulat si Chan sa ginawa ko.
Binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti, napangiti rin siya.
"Salamat. Napapagaan mo talaga loob ko." nakangiting sabi niya.
Hinalikan ko siya sa noo, mabilisan.
Masyadong inosente yung dating ni Chan habang nakapikit siya kaya hindi ko kayang gawin yung dare.. nahihiya ako, at baka rin mamaga yung labi niya kapag kinagat ko ng dahan-dahan.. haha
"Salamat din." magaan na sabi ko.
"Ayos na tayo ah? Kaya uwi na'ko.. oras na eh. Nagtext na si tita." sabi niya habang sa akin lang rin ang tingin.
Agad lang akong tumango.
"Hatid na kita sa sakayan, tara?" alok ko at kumuha na nga ako nang damit ko.
"Ge, para naman matahimik ka." rinig kong sabi niya, tumango-tango naman ako.
.....
"Diba Jaydon hindi na tuloy lakad mo sa saturday?"
Biglang tanong ni Chan habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.
"Oo. Bakit?" tanong ko at pagtingin ko sakanya.
"Gusto mo sumama kana lang sa akin? Aalis ako eh."
Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.
"S-sige. San ba?" excited na sabi ko.
"Sa Pampanga, uwi ako sa probinsya namin. Isang araw lang naman, sama ka?"
Nakuha ko pang magbigay ng nagtatanong na tingin.
Isasama niya ba talaga ako sa probinsya nila?
Ang sarap sa pakiramdam.
"Sasama mo talaga ako?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Hindi nga?" pahabol ko pa.
"Oo nga. Bakit ayaw mo?" pagtigil pa niya sa paglalakad.
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita hanggang sa..
"Syempre gusto ko." tuwang-tuwang sabi ko saka ko na siya inakbayan at muli na nga kaming naglakad.
Ang sarap talaga sa pakiramdam, hindi ko maipaliwanag.
Eto naba? :)
Itutuloy
Sa aking mga minamahal na readers, commentators at sa mga BAGONG PANGALAN.. waaaah!! medyo dumami na kayo :)) haha
-johnrey, new name :)) nakakamiss sila Kash at Seven noh?
-jharz, hwag na po kayo magdemand.. alam niyo naman po realacc ko eh, hahahaha
-yeahit'sJM, ewan ko sa'yo.. maghanap ka ng kausap mo, hehe
-az, hwag kang mag-alala, magkaka-eksena ka :)) darating ang araw na mabubugbog ka ni Kobe, o kaya ni Jaydon. Haha
-markRoxas, pinanganak po akong loyal, kaya dito na ako tatanda sa pagsusulat :)) haaha (pesteng loyal yan, kaya hindi ako makapag move on eh, tangna) hahahaha
-meloh, pota ating mate eh.. lawen tane mu :))
-bernie, new name :))
-alfredTO, ten thumbs up !! Hehe
-valintin, new name :))
-jess, salamat at heart catching ang story ko.. totoo ba? Hehe
-michito, walang pang extra rice eh :( hahaha
-gilrexL,
-bharu, dare? eto dare.. :))
-Angel, :))
-44, mag #ChanDon kana rin? dalawa na tayo :))
-ferdinand,
-leandro, new name :)) please.. pumanig po kayo sa #ChanDon, para hindi po ako nag-iisa :) hehe
-dave, wala eh hanggang dito na lang, payat. Haha
-shai™, hindi na po ako ampalaya :)
-jodeyz, new name :))
Sa mga nagsasabing payat ako.. haha wala tayong magagawa :)) gusto ko talaga na ganito katawan ko eh, hehe
Mas masarap ang payat sa panahon ngayon (ako ang proweba) whehehehe :))
Pero guys, maraming salamat talaga sa pagsuporta. Maraming maraming salamat! Hindi ko alam kung paano makakabawi eh, paano nga ba? Gusto ko talagang bumawi, hm.. anong gusto niyo? street food? Hahaha
Kaya guys, bawal ang ampalaya. OA-laya na muna tayo ngayon :) haha
Ingat guys :))
- Prince Justin
salamat sa update, di tuloy ako makapagcomment, nabalde ako ni madera habang nagbabasa nito haha. baka after chinese new year na ako magcomment. busy sila lahat, samatalang ako busy sa pagbabasa haha.
ReplyDeletebharu
Naku naman. Papano na yung manok ko? Kawawa naman. Hehehe. Sino pala yung nagyayakapan sa cover. Tahnks sa update. Take care. God Bless.
ReplyDeleteWahaha. Tinatingnan ko pa ang dalawang panig. Kininilig ako sa dalawang team eh. Hahaha. Aabangan ko yung mga susunod na chapter :D
ReplyDeleteKudos author :D
-leandro
Ang sarap tirisin ni Chan ang arte ehh....
ReplyDeleteYaaaas. Okay lang kahit late update author. Better late than never. Hahaha
ReplyDeleteUyyyy. Inaabangan ko talaga yung teaser. Hmpt antagal.
- Michito
Ps. Magpataba ka. Ots masarap kumain ng may laman. Ooops hahahaha
Complicated naman Mr. Prince...
ReplyDeleteGetting more intense pah.. .. Who will win the heart of chan... Well nakaka tangal stress naman ang part nato...
I realy love ur art Mr. Prince.... Thumbs up
T. C.
Jess
Aw..Yun na yun? Kobe-Chan moment na yun? Teka, naguluhan ako sa story na ito. Ang akala ko kay Kobe at Christian ito dahil sa prologue sila naman ang pinakilala bat parang naging Christian at Jaydon na?..Akala ko ba kay Optimus Prime at Bumble Bee ito..Bat ganun?..nalungkot naman ako dito. Kaya ko pa naman binabasa to kasi dahil sa kanilang dalawa. Hayst. Goodluck na lang din sa ChanDon.
ReplyDelete- Lantis
Pano na si Tenten?
ReplyDeleteHai kobe... make your move na wag mag drama nang mag drama.... yun lqng hinihintay ni chan
ReplyDeleteGrabe naawa ako kay Kobe akala ko pa naman may moment na sila at babalik na sila sa dati hindi paren pala. :(
ReplyDeleteChan naman kasi magBATI (haha) na kayo ni Kobe para naman may #mr.BEAN moment na.
Infairness kinikilig na ako sa #ChanDon lalo na sa kiss sa noo excited naren ako sa pag-uwi nila sa probinsya baka may ganap!!! Hahaha
love you mr. Aurthor galing mo talaga! Ikaw na! Sana mahaba yung update sa saturday pls pls pls !!! Haha
-44
Kawawa nma' n si kobe k. Chan nman ka asar ka gusto na nga makipag ayos si kobe ko tapos pakipot. ka pa hay buhay je je je tnx kua prince justin. Sa up date more more update pa po ha ha God bless p.
ReplyDeleteJuss
thanks po... libangan ko po ito after ng work ang pagbasa sa iyon mga istorya...
ReplyDeletepota. arte neto ni chan. chix ka? ge magsama kayo ni jaydon.
ReplyDeletewale sarree ngayon.. medyo busy.. perks of being a grad. student -_-
ReplyDeletesana sinabihan mo ko para natour man lang kita sa hau at di ka naligaw aha
kung me nakita kang nka pink uniform nung gabi ako yun :D
-PERO bat puro chandon? walang Kochan? haha
-nagtatatagongGeo
Kawawa naman si kash :(
ReplyDeleteAsan ang hustisya! Lol
Keep it up author! :)
Nice update Chandon na to. Paano na si Kobe niyan?
ReplyDeleteParang gusto ko na din mag #CHANDON hahhaa.. Siguro inspired ka ngayon cheesecake ... Kilig over load tong story eh.. Ako ba yan ah..?? Aminin mo na.. Hahahah jk✌️✌️ Ang kulit kinilig nanaman ako.. Hahah okay lang kung hanggang jan lang katawan mo pogi ka pa din hahaha.. Nice update na agad .. Pero mas gusto ko pa din c kobe kahit medyo oa parang c red lang hahah .. Good job !! -dave
ReplyDeleteSorry guys di author kasi natin inlababo eh kys tuloy pati si chan inlove na rin jaydon at ndi na ky kobe....kawawang kobe naman
ReplyDeleteihhhhhhhh 😔😔 wawa naman si kobe 😔 tapos ang iksi pa hmmmmm .. next chapter na po please :) galing ni author 👍👍👍
ReplyDelete-kevss
Guys sa mga #mr.BEAN dyan manalig lang tayo sa kanila ah #mr.BEAN all the way! Hahaha
ReplyDelete-44
sayang di ako nakapag comment last chapter ehehehe
ReplyDeleteman yan si author chandon
ihh chanbe moments naman ihh anragal hehehe
-Mr.MA
Hahahaha ganun :)... Masaya na tayong lahat heheheheh
ReplyDelete"Chan arte ahhh,,,...anu yin hugot!.. Panu n yon misyon mo n magkabati kau ehhh kaw mismo ng walk.out... Baka mainlove ka kay GORI nyan inlove p nman yan sau... :)
Shai™
Luh. Anyare. Naiwan kana kuyabg author ng mga kasabay mo chapter 9 na sila. Haha. Btw wala lang baka busy ka lang. Take your time lang. Haha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Okay #ChanDon ako. Haha
ReplyDeleteGrabe ewan ko kung ako lang pero super laki ng improvement mo sa pagsusulat. Ang galing! As promised done reading all the chapters.
Naku madidisappoint nanaman ako. Mahirap ang kalaban. Si tenten na pu pinanganak ng 10:10 haha
Marvs :P
Ayytt, wala pa rin po bang update? Haixxt, nakakamiss na masyado si CHAN, KOBE at JAYDON ...
ReplyDeletesyempre, lalong-lalo na si AUTHOR! ...
CHAPTER 8 na please!
Mr.author When ang sunod aupdate miss ku na toNg story na to
ReplyDelete