Followers

Sunday, February 8, 2015

Me & My Rules -04




Athr'sNote-

Guys, ating idaan ang chapter na ito. Haha

Pagpasensyahan na..

Guys, yung manok naninipa. May magpapatunay, maya-maya. Haha

Kokokokokokoko :))

Enjoy parin.. :)



--

Point Of View

 - Third Person's -



 "S-sir.. m-may problema po ba?"

Alanganing pagtatanong ng isang guard sa kanyang amo na biglaang dumating.

 "Stop. Hwag niyo na muna akong pakialaman."

Walang emosyong balik ni Jaydon nang mapansin na magtatanong pa ang isa sa mga nagsisilbing tagabantay ng bahay nila.

Agad lang itong dumeretso sa loob ng bahay, gusto niyang magpahinga.

 "Oh Jaydon anak? Napa-uwi ka?"

 "Nang, mamaya na po kayo magtanong, magpapahinga muna ako." balik niya rito at dumeretso na nga siya sakanyang kwarto.

Nakakapagod ang halos tatlong oras na biyahe, mula sa inuupahan niya sa manila hanggang dito sa bahay nila sa Cavite.

Si Jaydon Feliciano, 16 years old.. 5'9 na taas, slim built, basketball player. Sa maniwala kayo o sa hindi, isa siya sa mga taong naniniwala sa tadhana, sa pagkakataon.. sa magic.

 "May problema ba?"

Napa-angat siya ng tingin nang magsalita ang kanyang nanang, ang tumayong inay niya sa bahay na ito.

 "Ang sakit po nang eh." ang tanging nasabi niya, masyadong magaan ang pakiramdam niya sa kanyang nanang kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na sabihin ang nararamdaman.

Yumuko lang siya, tahimik.. napakatahimik.

Naramdaman naman niyang umupo sa tabi niya ang kanyang nanang.

 "Anak akala ko ba.. kaya mo na? Hindi ba't para sa kapatid mo kaya ka muling magsisimula? Kaya nga nag-aaral kana ulit diba?"

Sunud-sunod na sabi ng kanyang nanang at paghaplos pa sa likod niya.

 "Malapit nang umuwi ang daddy mo.. hindi ba't matagal mo nang hinihintay iyon? Diba sabi m.."

 "Nang, hindi po yun eh." ang pagsabat na ni Jaydon.

Aaminin niya. Nawala ang lungkot na nararamdaman niya, dahil sa nanang niya.

 "Oh ba't ka tumatawa? T-teka, nilalagnat kaba?" agad na sabi ng nanang niya at pagtingin nito sa leeg niya.

 "Nang naman, nagdadrama ako tapos eeksena kayo bigla.. mali yung pasok niyo nang eh.." naiinis na natatawang sabi naman ni Jaydon.

 "Nako bata ka, edi anong problema?"

 "Nang.."

Muli, pagseseryoso ni Jaydon.

Nakuha naman ng nanang nito na nais niyang makipag-usap ng seryoso rito.

Sa tuwing magkasama ang dalawa, puro kulitan at kwentuhan. Alam kasi ng nanang niya na ulila siya sakanyang mga magulang.. kaya naman ginagawa nito ang lahat magampanan lang ang pagiging magulang rito.

 "Nang.. hindi ko na po maintindihan mga nangyayari sa'kin eh."

Tonong nahihirapan na ni Jaydon.

Masyadong maraming bagay na ang nangyari sakanya. Mula sa pamilya niya.. sa pansariling buhay at heto na nga, sa isang bagong kaibigan niya.

 "Nang.." alanganing tono ni Jaydon.

Marahan lang tumango ang nanang niya, mga tingin na nagpapahiwatig ng pagpapanatag.

 "Nagkakagusto na po ako. Ay mali, nagkagusto na po ako, nang." seryosong sabi niya.

May tono rin ito na humigingi ng tulong, na parang naghahanap ng sagot.

Agad namang napangiti ang nanang niya.

 "Sir 'di nga?"
 "Nako sir Jaydon, s-sino po?"
 "Grabe sir, masaya kami para sa'yo."

Napapikit nalang si Jaydon sa narinig, nariyan nga pala yung makukulit nilang katulong.

 "Sino ba Jaydon anak? Maswerte siya.." nakangiting sabi ng nanang niya, sa tono niyo'y halatang masaya ito para sa anak-anakan.

Tumingin siya sa kanyang nanang, naghihintay ito ng kanyang sagot.. sunod niyang tinignan yung mga katulong nila, ganun rin at excited pa ang mga ito sa kanyang isasagot.

 "Nang.." pagharap niya sakanyang nanang.

 "Totoo nga po talaga, bigla nalang pong darating yung taong ihuhulog kayo sa pagkatao niya.." ang nasabi niya.

Nagdadalawang-isip man, naroon parin yung pakiramdam na sabihin sa mga ito ang totoo.. lalo pa't etong mga ito ang kasama niya, sa simula't-simula.

 "Sino po ba sir?"
 "Sir, sabihin niyo na po kasi."

Saglit na namayani ang katahimikan.

Nakayuko lang siya, iniisip kung sasabihin ba ang totoo.. hanggang sa..

 "Lalaki po, sa lalaki po ako nahulog. Sa maputi po, sa matalino po, sa mabait po, sa makulit po.. at, sa pandak po."

Ang nasabi niya. Nag-alangan pa ito sa huli niyang sinabi.

 "Ang kaso po, hindi siya naniniwala sa magic eh.. sa mga kwento."

Ang malungkot na pahabol pa niya.



-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Tangna.."

Pag-iling ko.

Papasok ba ako o ano?

Ewan pero parang nahihiya akong magpakita kay Chan.. tsk.

Kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng entrance ng school namin.

Sa totoo lang, nakita ko na si Chan na pumasok eh.. buti hindi kami nagkasabay, kaya ayun at nakaatras pa ako.

At dahil kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng entrance na parang tanga lang.. heto at kanina pa ako pinagtitinginan.

Tae naman kasi eh, bakit kasi ang tangkad ko? Yan tuloy pansin na pansin ang kagwapuhan ko, haha

Pero, ba't naman kasi ako nahihiyang magpakita kay Chan? Tsaka, parang tanga lang talaga ako.. pwede naman kasi akong gumalaw para makaalis pero hindi ko magawa eh. Kainis talaga, tsk

Nababaliw na ata ako?




-----


Point Of View

 - C h a n -



 "Oh kuya?"

Agad na sabi ko pagkasagot ko sa tawag.

Si kuya Seven.

 "Chan? K-kamusta na? Si Tenten? Ano nang nangyari sa inyo? Ayos naba kayo? Nagkausap na? O nakita mo naba siya?"

As expected, sunud-sunod na tanong niya.

 "Kuya naman eh, nasa school ako tapos iistorbo ka pa."

 "Ganyan ah? Parang kinakalimutan mo na ako."

Saglit akong napatigil.
Miss ko na kuya ko, sa totoo lang.

 "Umuwi kana kasi, ilang years kana diyan kuya. Miss narin kaya kita.." medyo malungkot na sabi ko.

 "Pauwi na'ko. Matagal ko naring hindi nabibisita yung isa mong kuya, yung taong mahal na mahal ko."

Napangiti naman ako, yung bang tuwa.. hanggang ngayon, mahal na mahal parin niya si kuya Kash.

Pinagmamalaki nga niya na yung puso niya.. ay puso ng taong mahal na mahal niya.

 "Alam mo kuya natutuwa ako. Ang swerte mo eh, kasi alam ko kung gaano ka kamahal ni kuya Kash." magaang sabi ko.

 "Chan, tama na.. naiiyak nanaman ako, magagalit yun.."

Sa tono palang ni kuya, alam ko na... na umiiyak na siya, hindi niya lang pinapahalata.

Maswerte talaga si kuya, kahit na mag-isa siya ngayon.. atlis maipagmamalaki niyang may isang taong totoong nagmahal at patuloy pang nagmamahal sakanya.

Kaso nakakainis si kuya Kash eh, yan tuloy nagkalayo kami ni Tenten sa isa't-isa.

 "Kuya Kash, kapag hindi kami nagka-ayos ni Tenten, susugurin talaga kita diyan."

Natawa nalang ako sa naisip.

Nabalik ako sa wisyo nang marinig si kuya, umiiyak na nga ito.

 "Kuya, iyak ka lang, diba ikaw na nagsabi.. kapag gusto mong umiyak.. umiyak kana. Para sa susunod, hindi na ganoon kalakas yung impact." tonong pagpapanatag ko.

 "Chan hindi kasi ganun kadali yun eh. Ang hirap kasi kalimutan ng kuya Kash mo."

Naiintindihan ko naman siya. Kapag nga talagang mahal mo yung tao.

 "Kuya, sige lang.. iiyak mo yan. Masaya ako dahil si kuya Kash ang iniiyakan mo, kasi totoo siya eh.. na mahal ka niya." ang nakangiting nasabi ko pa.

 "Osiya kuya, may klase pa ako. Umuwi kana ah? Sana agahan mo, sana mapadali. Ingat diyan kuya.. byee, love you.."

Pagbaba ko ng tawag.


Muli akong naglakad papunta sa room. Habang naglalakad..

Pasimple kong pinunasan yung mga namuong luha sa mata ko.

Sana nga ayos na si kuya, mahal niya talaga si kuya Kash eh.

At miss ko narin siya, sana mapadali ang pag-uwi niya.

 "Napapahugot ka nanaman ata?"

Napatingin ako sa nagsalita at ngayon ay naka-akbay na sa akin.

Nakuha ko pang mapapikit nang mapansin ko yung suot niyang bag.

 "Patay, si spongebob." ang naisaisip ko.

 "Chan? Hwag mong sabihin humuhugot ka parin?"

Agad naman akong napamulat.

Chan ang tinawag niya sakin?

 "Talagang Chan ang tawag mo sakin ah?" pabirong sabi ko at nagsimulang maglakad.

 "Para shortcut, ang haba naman kasi ng pangalan mo eh." sabi niya, with peace sign pa.

 "Ang haba? Chris-tian.. o two syllables lang eh. Tanga ah?" natatawang sabi ko.

Napatigil naman ako.

Nabanggit ko ba yung tanga? A-argh!!

 "Tanga talaga ah?" rinig kong tonong nagtatampo niya.

 "Uy wala yun, syempre komportable na'ko sa'yo.. kaya naman makikilala mo na yung ako. Yung Christian." tonong paninigurado ko.

Totoo naman eh. Ganun talaga ako.

 "Komportable kana sa'kin? So close na tayo? Aren't we?"

Napatigil naman ako mula sa paglalakad.

Maski siya, na parang may narealize.

 "Nag-eenglish ka pala eh? Two words, pero isang beses mo lang binigkas.. accent ah?" manghang sabi ko.

Kita ko na nag-iba siya ng tingin.

 "Yun lang memorize ko. Lam mo na.. 'art of balance." tonong pagmamalaki niya at pagtingin ulit sa akin.

Naka-akbay parin. Close na daw eh.

 "Tara na nga. Badtrip yang 'art of balance' mong yan. Pandak talaga?" inis na sabi ko habang naglalakad na ulit kami.

 "Gwapo nga. Matalino nga. Pandak naman."

Rinig kong natatawang sabi niya.

Agad akong tumigil at humarap sakanya.

Mas lalo naman siyang natawa nang makita yung naiinis kong ekspresyon.

 "Tara? Bili tayo McFries, may malapit na mcdo dito.." pagtaas-baba pa ng mga kilay niya.

Agad akong napangiti.

 "Tara tara.. hindi naman tayo male-late, tara." excited na sabi ko at paghila na sakanya palabas.

 "Sabi ko na eh, pagkain katapat mo. Buti na lang niyaya kitang mag-pizza dati. Alam ko na kahinaan mo kapag naiinis."

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. frenchFries O.O kreybinggg @.@

 "Chan mamaya na lang.. male-late tayo tange.."

Biglang sabi niya nang malapit na kami sa labasan.

Kita kong natatawa pa ito.

Pano ba naman kasi, halos hinihila o tinutulak ko na siya.

 "Hayaan mo, tara na dali.." tonong pamimilit ko pa.

 "Nag-iiba ka pala kapag nililibre ka, hmm.. araw-araw ililibre kita sige. Nakakatuwa ka kasing tignan kapag ganyan eh.. para kang bata." nakangiting sabi pa niya.

 "Talaga?" agad na sabi ko. "Araw-araw ah?" nakangiting sabi ko pa.

 "Oo nga. Basta ba, kapag kailangan kita nandyan ka palagi ah?" pagtigil pa niya mula sa paglalakad.

 "Oo sige. Tara lakad na." pagmamadali ko ulit.

Nakuha rin naming magtawanan, bakit ba kasi ang takaw ko?

T-teka, hindi ba halata? Hehe

 "McFries ah? Mga... tatlong large size?" sabi ko nung saktong nasa palabasan na kami ng school.

 "Kobe!"

Wala sa sarili naman akong napatigil nang marinig ang pangalang Kobe.

Napalingon ako sa pinanggalingan.

Kita ko sila Az at Dennis, at paglingon ko naman sa nilalapitan nila.. si Kobe.

 "Kobe." ang naisa-isip ko.

Nakatingin pala siya sa akin.

Parang ngayon ko lang siya napagmasdan ng maayos.

Napag-iwanan na nga ako sa height. Siguro kasing-tangkad niya 'tong ngayong nanghihila sa akin, si Jaydon.

 "Oy tara na? Chan?.." rinig kong sabi ni Jaydon, hindi ko na pinansin.

Alam niyo yung dating ng isang maangas na istudyante? Yung bang simpleng tayo at tingin, simpleng nakapamulsa, tapos yung ekspresyon na nagpapahiwatig ng walang kaintere-interes sa mga bagay bagay sa paligid niya.

Yan, ganyang 'tong si Kobe.

Miss ko na talaga siya.

Nawala ang atensyon ko sakanya nang bigla akong kilitiin ni Jaydon.

Nakuha pa naming magtawanan, kahinaan ko talaga ang kiliti eh.

 "Excuse us."

Natigil naman kami sa tawanan nang may magsalita.

Pagtingin ko, si Kobe pati yung dalawa. Pare-pareho sila ng ekspresyon.

 "Sorry." ang nasabi ko.

 "Tara na kasi Chan, ang kulit mo pa kasi." paghila na sakin ni Jaydon, napasunod nalang ako pero kay Kobe parin ang tingin.

Ang bango niya ah? Hayop na naliligo? Haha

Nang lingunin ako nung dalawa, si Az at Dennis.. tinanguan ko naman sila. Bilang pasasalamat nadin sa tungkol sa kahapon.



-----


Point Of View

 - K o b e -



Pagkaupo ko sa pwesto ko sa classroom ay halos sipain ko yung bakanteng upuan sa harap ko.

 "Kapal ah? Chan tawag niya kay Christian?" ang naibulong ko, nakuha ko pang mapa-irap.

Tangna, magbestfriend nga siguro.

Kanina nakita ko yung mukhang paa pati si Chan, nagkukulitan sila. Naiinggit ako? Oo, sobra.

 "Ba't ganyan mukha mo? Kagabi bago ka namin iwan, ang ganda ng mood mo. Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Moody?"

 "Tumahimik muna kayo. Mainit ulo ko, baka kayo masapak ko." simangot ko sakanila.

 "Okay." simpleng sabi ni Dennis.

 "Nga pala, si Christian yung kanina diba? Mukha naman palang mabait eh, tinanguan niya tayo."

 "Ang kaso, magbestfriend sila nung mayabang na.."

 "Na mukhang paa."

Pagtuloy ko sa sinasabi ni Az.

Oo, mukhang paa.


...



Halos isang oras narin ang nakalilipas pero wala parin si mam Ordesa.

Abala panigurado yun, may sport event kasi kami next month eh.

 "A-ayan na sila."
 "Uyyyy, yan na yung si maliit at si matangkad oh. Yung magbestfriend."

Nakuha naman ng mga kaklase ko ang aking atensyon.

Lumingon ako kung saan sila nakatingin.

Kita ko naman na papasok sila Chan at yung mukhang paa.

Tangna naiinis talaga ako.

Naiinggit talaga ako. Na-i-ing-git. Argh!

 "Oh eto, kapag nasalo mo 'to may limang piso ka sakin."

Sabi nung mukhang paa tsaka naman niya inihagis yung frenchfries.

 "Masasalo ko na eh, ang daya.. nangingiliti ka nanaman." pagsimangot ni Chan matapos siyang kilitiin nung mukhang paa.

Teka, ba't ko ba sila pinapanuod?

 "Ikaw kaya, tinulak mo pa nga ako kanina nung nasa hagdan. Palibhasa mahal mo yung bente mo."

Tsaka naman sila nagtawanan.

Ganyan na ba talaga sila kaclose? Sa maliit na biruan ay nagtatawanan sila?



-----

Point Of View

 - Third Person's -



Alas-otso na ng umaga pero wala parin si mam Ordesa, teacher nila Kobe.

 "Buti talaga wala pa si mam."

Pag-uulit ni Jaydon nang maka-upo sila.

Kanina pa sila nagkukulitan ni Christian, magdamagan.

Hanggang ngayon, kulitan parin.

Pinagtitinginan na nga sila dahil sa tawanan at kulitan nilang dalawa.

Hanggang sa isang napakalakas na ingay ang siya talagang nagpatigil sa lahat ng nasa loob ng classroom.

 "Tae ang iingay niyo. Tumigil nga kayo."

Iritadong sabi ni Az.

Heto at napatahimik nanaman ng tatlo ang lahat.

 "Yan talaga ang paraan ng pagpapakilala nila." bulong ng ilan sa mga nasa loob, na nakaklase na nila dati.

 "Chan tara tambay muna tayo sa labas? Nakaka umay dito eh."

Pagputol ni Jaydon sa katahimikan at pagtayo, napasunod naman si Christian.

 "Tangina mo ang angas mo ah?" biglang sabi at pagtayo rin Dennis.

 "Ako ba kausap mo?" walang emosyong sabi ni Jaydon pagharap niya rito.

Agad namang hinawakan ni Christian yung braso nito, tanda na pinipigilan niya si Jaydon.

 "Gago ka ba?" simpleng sabi ni Az at pagtayo narin.

Biglang nag-iba ang atmospera sa loob ng classroom.

Tahimik ang mga kaklase nila, na wari'y natatakot sa pwedeng mangyari.. o mas magandang sabihin na alam nila ang mangyayari.

 "Minura kita?" inis na sabi ni Jaydon at paglakad na, para lapitan ang dalawa.

 "Jaydon, hwag kanamang makipag-away.." bulong ni Christian dito at pagsunod narin.

Pinipigilan niya ito nguni't sadyang matigas ito dahil sa minura siya ng kung sino lang.

 "Jaydon may problema kaba sa'min?"

Mahinahong tanong ni Kobe at simpleng pagtingin niya rito, nakaupo lang ito na para bang hindi siya interesado sa nangyayari.

 "Kausapin mo 'tong dalawang kaibigan mo ah?" balik ni Jaydon.

 "Ahmm Dennis, Az..  pasensya na sa kaibigan ko.." pagsabat na ni Christian nang makita niya yung mga tingin ng dalawa.

 "Jaydon tara na.. please?" pakiusap niya kay Jaydon at paghawak ulit sa braso nito.

 "Hwag niyo akong minumura ah? Hindi niyo ako kilala, pasalamat kayo may kasama ako.." deretsong tingin ni Jaydon sa dalawa at agad naring pagtalikod.

Inakbayan niya si Christian. Gamit ang isang kamay ay walang hirap niyang kinuha yung dalawang bag nila ni Christian tsaka na sila lumabas.

Ang dalawa naman ay pikon na pikon na, gusto na sana nilang suntukin si Jaydon nguni't hindi nila magawa. Sinenyasan kasi sila ni Kobe na hayaan na lang.

 "Nakakabadtrip yun ah? Kobe ba't mo naman kami pinigilan?" inis na sabi ni Az nang makaupo.

Hindi na sumagot si Kobe.

Sa totoo'y ayaw niyang magalit sakanila si Christian kung sakaling masaktan nila si Jaydon.

Ang alam niya kasi'y ayaw sa lahat ni Christian ay nasasaktan ang mga kaibigan niya. Kaya naman ayaw niyang masaktan ni Az at Dennis si Jaydon, kung sakali'y baka layuan siya ni Christian.

Hindi niya gusto yon.



-----

Point Of View

 - J a y d o n -



 "Uy sorry na nga.. eh minura kasi nila ako eh."

Panunuyo ko kay Chan. Nasa cafeteria kami ng school.

Nagagalit eh, nakipag-away raw kasi ako.

 "Paano kung napa-away ka? Masasaktan ka? Tapos, magagalit pa sila sa'yo."

Sa wakas at nagsalita narin siya. Yun naman pala, nag-aalala.

Ang sarap sa pakiramdam.

 "Sorry na nga. Minura kasi nila ako. Sa bahay hindi ako minumura eh, mga pinsan ko hindi rin ako minumura." mahinang sabi ko.

Hindi siya kumibo.

Ahh!! alam ko na :)

Agad ko lang kinuha sa bag yung dala kong chocolate mula pa sa amin sa Cavite.

 "Uy.. ngingiti na yan.." nakangiting sabi ko habang pinapakita ko yung chocolate, at dahan-dahang inilalapit sakanya.

Padala pa ni dad 'to.

 "Pasensya na."

Biglang sabi niya at pagngiti pa saka kinuha yung chocolate sa kamay ko.

Sabi na eh. Pagkain talaga ang kahinaan niya.

 "Ayaw ko lang naman kasing napapa-away mga kaibigan ko, ayaw ko kasi silang nasasaktan." sabi pa niya.

 "Ganun ba? Osige sige, hindi na ako makikipag-away.. para sa'yo, Chan." seryoso nguni't nakangiting sabi ko.

Itinaas ko narin ang aking kaliwang kamay tanda na ako'y nangangako.

 "Pramis?" pagngiti niya at pagtaas niya rin ng kaliwang kamay.

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang aking phone.

 "Saglit lang.." pagpapaalam ko kay Chan at agad akong lumayo.

 "Hello?" agad na sabi ko pagkasagot ko.

 "Sir Jaydon, may sasabihin lang po sana ako.."

 "Go ahead." simpleng sabi ko.

 "May nagpadala po ng letter sa inyo, galing po sa isang skwelahan."

 "Letter? A-anong sabi dun?"

 "Hindi po namin binuksan sir eh, buksan na po ba namin?"

 "Sige tignan niyo na, paki text nalang sakin kung ano yung laman ng sulat. Salamat." sabi ko at binaba na nga ang tawag.


 "Chan? Papasok paba tayo?" agad na tanong ko kay Chan nang matabihan ko na siya.

 "Oo naman. Basta hwag kang makikipag-away ah?"

 "Oo nga. Kinakain mo na pala yan.. pakagat naman.." pagpansin ko dun sa kinakain niyang chocolate.

Wala atang kabusugan si Chan.

 "Oh.." paglapit niya pa sa akin nung chocolate.

 "Dito ako kakagat? Hindi ka naman pala maarte eh.." natatawang sabi ko.

 "Parehas naman tayong gwapo, wala nang arte-arte.. kagat na.." natatawang sabi rin niya.

Kaya naman nakikagat na'ko dun sa chocolate.

 "Yan oh, pinagtitinginan tuloy tayo." bulong niya habang kumakagat dun sa chocolate.

 "Yaan mo, mamatay sila sa inggit." pagngiti ko.

Agad kong inubos yung chocolate na nasa bunganga ko, para makahinge pa sakanya. Kagatan na, xD

 "Pakagat pa, last na lang." pagngiti ko, sumimangot naman siya at agad na nilayo yung chocolate.

Pilit ko naman itong inaabot habang nakamuwestra ako ng pakagat.

 "Ba Jaydon, binigay mo nga sakin diba? Tumahimik ka nga, akin na lang 'to.." parang batang sabi niya habang pilit na inihaharang yung siko niya.

Pareho kaming natatawa sa aming inaasta, masarap talaga siyang kasama.



-----

Point Of View

 - C h r i s t i a n -



 "Jaydon.. naka-ilang kagat kana eh.." sabi ko at pilit na pagharang sa kanya gamit ang siko ko.

Inaabot kasi ni Jaydon yung kinakain kong chocolate.

Kanina pa kami nagkukulitan. Kahit pinagtitinginan kami ay ayos lang, masarap siyang kasama eh.

 "Last na lang. Marami pa naman sa bahay, pagdadala nalang kita bukas." tonong naninigurado pa niya habang natatawa sa ginagawa namin.

 "Ayoko nga, ang kulit lang ah?" natatawang sabi ko pa.

Habang pilit niyang inaabot yung chocolate sa nakalayong kaliwang kamay ko ay halos magkadikit na yung pisngi namin. Kapag kami talaga ang magkasama kahit na bago palang kaming magkaibigan, parang magbestfriend na nga kami sa aming inaasta, tawanan.. kulitan.

Nang medyo makalapit pa siya ay agad ko nang kinagat yung chocolate, INUBOS ko na kaagad.

Nagtaka naman ako nang tumigil siya sa pangungulit.

Pagbaling ko sakanya ay nakatingin na siya sa may uniform niya.

Nagulat na lang ako nang makita yung polo niya na basa na pala.

 "Oops, sorry."

Napatingin ako sa nagsalita. Yung tatlo, sila Kobe.

 "Sorry ulit." tonong pang-iinsulto ni Dennis.

Bakit ganyan ugali ng mga kaibigan ni Kobe?

Muli kong tinignan si Jaydon.

Nakatingin lang siya sa polo niya at base sa mukha niya, alam kong iritado o inis siya.

 "Jaydon.." mahinang sabi ko.

Tinignan naman niya ako.

Nagulat ako nang mawala yung inis sa mukha niya.

 "Tara? Alis na tayo?" nakangiting sabi niya.

Napangiti naman ako.

 "Tara." sabi ko at ako na nga ang humawak sa kamay niya.

 "Hwag na lang tayo pumasok. Bili mo pa'kong mcfries dali.." excited na sabi ko pa at tuluyan na nga kaming nakaalis.

Nakakatuwa dahil imbis na patulan niya sila Dennis, ay hinayaan na lang niya.

Alam ko inis parin siya, pero ngumiti parin siya.

...


 "Ba't naman kasi dito kapa naghubad? Tignan mo tuloy.."

Patukoy ko sa mga istudyanteng nakatingin kay Jaydon. Wala pa siguro silang teacher kaya nasa labas sila.


 "Hubarin mo na kasi yang polo mo. Kakasya naman sakin yan, basa kasi 'to eh. Hindi ako komportable." balik ni Jaydon.

Shirtless, tanging fitted-slacks lang ang suot niya. Yan tuloy, pinagtitinginan kami.

Paano pa kaya kapag ako ang nag-alis ng pang-itaas ko? Edi lalo silang maglalaway? Haha

Agad ko nang inalis yung suot kong polo. Wala kasi siyang pampalit eh.

 "Ba't naman kasi ganyan katawan mo.. dami tuloy naglalaway." pagtawa ko pa.

 "Basketball heartrob kasi eh, yan ang resulta." tonong pagmamalaki naman niya.

 "Oh suotin mo na 'tong polo ko dali.. mahangin masyado." patukoy ko sa sinabi niya, haha.

Pero totoo naman.

Maya-maya'y umalis na nga kami.

Bale ako naka whiteshirt, siya naka-polo lang.

 "San tayo?" agad na sabi ko nang makalabas na kami ng school.

Buti walang guard! Haha

 "Sa inuupahan ko, para naman alam mo na kung saan ako nakatira. Yung sa inyo kasi alam ko na eh."

Saglit akong napatigil.

Oo nga pala. Yung tungkol sa kahapon.

 "Jaydon, may tanong pala ako." sabi ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.

 "What?"

Agad akong napatingin sakanya.

 "Oh ayan nanaman yung accent mo. Marunong ka talaga mag-english eh." tonong pamimilit ko.

 "Yun lang alam ko." sabi naman niya.

Kahit tagalog yung pagsasalita niya, napapansin ko talaga yung accent niya. Pinagtitripan ata ako nito eh?

 "Ano nga ulit yung tanong mo?" pagtingin na niya sa'kin, nag-iwas naman ako.

 "Kahapon. Anong ginagawa mo sa may dagat, dun sa parang ilog.. ay basta." tanong ko.

Hindi ko alam kung ilog, dagat, sapa, o ano yun eh. Basta napakalawak na kaharian ng tubig, hehe

 "N-nakita mo ako dun?" kunot niya. "Diba nasa bahay ka? Nagbabasa kayo ng story ng pamangkin mo diba?"

Napatigil naman ako.

T-teka paano ba ako makakalusot? T-teka...


(
flashback


 "Jaydon.."

Paulit-ulit na pagbulong ko.

Saan ba pumunta yun?

O siya ba yung nakita ni tita?

Kanina ko pa siya hinahanap, kaso wala eh.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili sa may malawak na tubigan, seaside.

 "J-Jaydon?"

Ang napalunok na sabi ko.

Siya nga ata yung nakita ni tita?

Nakapayong, matangkad, higit sa lahat.. spongebob na bag.

E-edi, siya makakatuluyan ko?

Hindi na ako lumapit pa, agad na lang akong tumakbo pabalik sa bahay.

 "Siya? Si Jaydon?" halos mapangiwi ko pang sabi habang tumatakbo.

 "T-teka.."

Ang nasabi ko nang may bigla akong marealize.

Ako pa mag-iinarte kung sakali? Eh si Jaydon Feliciano kaya yun, matangkad.. basketball player.. maputi.. mabait, masarap kasama, kwela, kengkoy, makulit, mabango.

Ako pa mag-iinarte?

 "Jaydon."

Ang nasabi ko nang mapahinto ako mula sa pagtakbo.

Napangiti ako.

Hanggang sa,

Muli..

 "Hah?"

Napangiwi na lang ako sa naisip.

Erase, erase!

end
)



-----

Point Of View

 - K o b e -



 "Mam Ordesa.."

Agad na sabi ko nang salubungin ko siya sa may pinto ng room namin.

 "Oh mr. Hernandez, bakit?"

 "Mam pwede po bang pa-excuse na muna? Parang nanghihina po kasi ako eh.." pakiki-usap ko.

 "Sige sa clinic, pwedeng dun ka muna."

Agad akong umiling.

 "Mam, gusto ko po muna umuwi. Please?" mahinang sabi ko.

Marahan namang tumango si mam, napangiti ako.

 "Sige. Kayong tatlo ah? Nang-aabuso kayo, sige.. sige uwi na kayo. Pero mamaya may meeting ang sports club, gusto ko kayong makita. 4pm, sharp."

Sabay-sabay kaming tumango nila Az at Dennis at umalis na nga kami.

Habang naglalakad kami sa may hallway, napunta ang tingin ko sa may basurahan.

Hanggang sa..

 *BAANNNGGGGGGG!!!*

isang malakas na pagsipa ang ginawa ko. Na siya talagang pumangibabaw sa tahimik na hallway.

 "Gago ka Kobe, baka mapag-initan nanaman tayo niyan ng mga teachers." rinig kong agad na sabi Az.

 "Wala akong pakialam. Itali ko pa sila eh.." inis na sabi ko.

Kita ko naman si Dennis na inunahan ako sa paglalakad at itinabi yung madadaanan naming basurahan.

Kilala na nga talaga nila ako.

 "Ba't ba kasi badtrip ka nanaman bigla? Tae, hindi mo na nga kami hinayaang sapakin yung mukhang paa na yun eh." inis ni Az.

 "May araw rin yun. Hinihintay ko lang siya na banggain ako eh, tangna.. makikita talaga niya hinahanap niya." balik ko.

 "Tuesday ngayon diba?"

Ang pahabol ko pa nang mapansin yung naka-bukas na pinto ng isang classroom sa may 'di kalayuan.

 "Oo, bakit?"

Nang sumagot si Dennis, tumahimik na muna ako.

Hinintay ko lang na madaanan namin yung Room B12. Kapag tuesday, walang klase dun eh.

At nang tuluyan na kaming makalapit dito...


 *BAAANNNNGGGGGGG!!!*

isang napakalakas na sipa ang muli kong ginawa. Mas malakas kumpara sa kanina, nakaka-gigil.

Ang sarap talaga kapag bakal ang mga pinto ng classroom.. may katapat yung kanang paa ko, pangsipa.

 "Tae naman Kobe eh, umayos ka nga. Ano ba kasing problema."

Tumigil naman ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Az.

Hinarap ko silang dalawa.

 "Gusto mo malaman?" simpleng tanong ko.

 "Ano ba kasi?" agad na sabi ni Dennis.

Saglit akong pumikit bago nagsalita..

 "Yung sinasabi niyong maliit na transferee na napansin ko. Si Christian, si Christian David."




Itutuloy




Again, sa mga minamahal kong readers, commentators at new names..

44,
jekJek01 :)
mr.alfredTO,
az, O.O kapampangan?
gilrexL,
marlonMacario,
yeahit'sJM, haha nagcha-charot ka pala xD
jap,
juss,
bharu, gusto mo bang makita si Jaydon? :)
joey,
shai™, pandak si Chan.. crush mo? :)
michito, hwag po kayong mapikon please? Haha
angel, ikaw na matagal kong hinintay na magcomment.. sa wakas, hehe
mr.MA, ipabugbog si Chan! Haha
nagtatagongGeo, pst.. tang putubumbung ku? nokarin neh? :)
dave, oh riel? natutuwa ako napapabisita ka sa story ko :)

Guys, salamat at patuloy kayong nag-iiwan ng comments, ginaganahan ako pramis! Kaya kahit sa trabaho, nakukuha ko nang magsulat.. para makapag-update na kaagad.

mr.alfredTO
bharu
jharz05 - absent
yeahit'sJM
red08 - absent
44 :))

- guys salamat at nandyan parin kayo, sana hanggang sa huli makita ko mga pangalan niyo :)
- yung mga absent, magpaliwanag sa akin! mag-pm kayo sa facebook!! haha

Nga pala, habang sinusulat ng author niyo 'tong pasasalamat na 'to.. BITTER. Oo, bitter ang author niyo ngayon. Haha

Ang hirap mag-move on -.- iniisip ko palang na kakalimutan ko na siya, nasasaktan na'ko. First time kasi -.- Crush na lang nagkakaganito pa'ko. Tsk

Argh! Pakipatay na nga lang ako!



 - Prince Justin

18 comments:

  1. Ahhhhhh....itutuloy na nman bakit laging my ganun kung kilang kasarapan mag basa uhmmm.....joke Lang bakit po ang galing gling nio ang nice nice talaga ng story good job kua prince justin keep up the good work.........good luck said pag.move on ha ha love u po



    Juss

    ReplyDelete
  2. Present. Haha. Di na nga ako magchacharot. Chot nalang. Haha. Ang cute ni chan parang bata na laging gutom. Hahaha. Have a great day kuyang author. 😊😊😊

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  3. Kawawa pala ang magaling na author natin, may pinagdaanan na masakit. I wonder how you manage between heartache and writing. I admire you. Keep smiling. Take care. Maganda ang takbo ng story. Keep the juice flowing.

    ReplyDelete
  4. Grabe pinaka una ako sa list of names parang maiiyak ako sa saya!!!! Salamat kay mr. Prince Justin!! Hahahahaha.

    Di paren sila nagkakausap pero feeling ko malapit na malapit na talaga haha nakakainis mang sabihin pero kinilig ako kay chan at jaydon kanina nung hindi nya pinansin na tinapunan sya ng tubig nina az sinunod nya talaga si chan. Pero #TeamChan&Kobe paren!! Sana masundan agad!

    -44

    ReplyDelete
  5. eka migaganaka. ene man milalako itang mamisaling putu bumbung keta wale haaha.
    Pero love story ng dalwang bata to a? ay atat lang pala. wala pas kasi yung moment nila haha. meron nmn dba wale?

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  6. Ahhhhhhhhhhh ka bitin namn... mr author update na please.... woooooh kobe selos mode hahahaha

    ReplyDelete
  7. Koyaaaaaa! Masyado kang pasabik! Hahahaha kelan ba sila magkaka ayos? :) ang tagal naman mangyari nung nasa teaser hahaha

    - Michito

    ReplyDelete
  8. Kakalurkey nman tong si Kobe....... kinabog ako sa mga sipa..... hahaha

    ReplyDelete
  9. I really love reading from the start... Ingat mr. Author... T. C.

    Jm. .

    ReplyDelete
  10. Keep up then good work Mr author. I do believe you can surpass all the challenges you're encountering right now. Update na po. Haha BTW, thanks for an awesome story.

    Jap

    ReplyDelete
  11. Sige lang ng sige Mr Author, malalampasan mo din yan kaya nga pinagdadaanan ih.. Di ba may kasabihan na ... behind the clouds is another clouds....

    ReplyDelete
  12. Uy ndi Aq absent last chapter ng comment naman aq.....sobrang bitin ung story mo naman eh

    ReplyDelete
  13. kainis naman...galing mambitin ni author...next agad plz.....kakainlove at kakakilig...:)

    ReplyDelete
  14. naiklian ako sa update haha. ayoko po makita si Jaydon, at khit sino sa kanila, para excited at mganda imahinasyon ko hehe.

    nakakainis lang, dipa nagkakausap yung magbespren. lagi nalang sila chan at jaydon. ang kulit nilang dalawa. naaliw ako sa kanilang mga eksena. salamat.

    bharu

    ReplyDelete
  15. Waaahhhhh ! Nakkabitin aha..

    Opu tubong pampanga ku pu. Aha.

    Yang pinagddaanan mo daanan mo nalang wag mo ng tambayan para mka proceed ka na papuntang happiness ehe. Stop being bitter,start being better. Yaka yan ! Laban... ehe

    Az

    ReplyDelete
  16. rheehe nice nice hehe kagaling naman talaga ehh heheheee more updates

    -m®.MA

    ReplyDelete
  17. Oo naman red cheesecake .. Isa ka kaya sa idol ko dito.. Actually lahat naman kayo.. Hahaha.. Simula pa kaya nung story ni kash reader mo na ako.. Kaso di lang ako nagcocoment.. Hahhaha the best to promise... Thanks red!! - dave

    ReplyDelete
  18. Patay nahuhulog na loob ni chan ky jaydon, gumawa ka na ng paraan kobe wag kanang matakot lalong mawawala sayo si chan.....

    Author alam ko ng msg aq last chapter at pm sa fb mo ah


    Jharz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails