Followers

Monday, October 28, 2013

DATI 10



by aparadorprince


Author’s Note:
                OMG Eto na guys!!! Fanboy lang. Wala akong masabi, salamat talaga sa pagbabasa, I love you all. Hahaha. Para sa mga hindi pa nababasa ang previous chapters, may links po para di na kayo mahirapang magbrowse.

P.S. Tapos na ang thesis defense, and it was good. Even better than expected. Haha salamat! Anyway, tulad nga ng note ko sa Part 9, wala na tong flashback. At malalaman nyo kung bakit... Hmm :)
**aparadorprince


                           Part 1    Part 2    Part 3    Part 4    Part 5    Part 6    Part 7    Part 8   Part 9

DATI – Part 10

                Nang dumating ang alas diyes ng gabi ay tila hindi na mapakali si Arran mula sa pagkakaupo sa sofa. Umalis kasi si Robert dahil may aasikasuhin sa printing press nila, at sinabing babalik mamayang gabi. Naroon na rin si Nanay Luisa at nakaupo din sa single seater, nanunuod ng TV. Aligaga si Arran dahil malapit na naman ang oras na kailangan niyang matulog – beside Robert.

                Kinakabahan si Arran na baka maulit ang pangyayari kagabi, and may even lead to something else if he fails to hold back. Ngunit mas kinakabahan siya dahil pagkatapos ng halik ni Robert sa kanya ay tila hindi na na-open up ito buong araw. Parang walang nangyari.

                Is he trying to deny what happened? Naiisip niya, nakakunot ang noo.

                Napansin naman ni Nanay Luisa ang pananahimik ng binata sa likuran. Nilingin nito si Arran upang kausapin nang mag-commercial. “May problema ba ‘nak? Kanina ka pa tahimik at mukhang balisa ka pa.” usisa nito.

                Naputol naman ang pag-iisip ni Arran at napalingon sa matanda. “Ayos lang po ako, marami lang pong iniisip kasi luluwas na po ako sa Maynila sa isang araw.” Natatawang sabi niya. Ayaw niyang ipahalata kay Nanay Luisa na preoccupied siya sa pag-iisip kay Robert.

                “Matagal n’yo na po bang kilala si Robert?” Tanong ni Arran kay Nanay Luisa. Napatingin ulit ang matanda sa kanya bago marahang nagsalita. “Aba oo, mula pagkabata ay nasubaybayan ko ang paglaki niya. Lumipat kasi kayo sa Maynila noon kaya wala na akong balita sa inyong mag-iina.” Nakangiti niyang sagot. Tumango lang naman si Arran at tumahimik nang natapos ang commercial break. Habang patuloy na nanuod si Nanay Luisa ng TV ay tila lalong naguguluhan si Arran.

                Gusto ba siya ni Robert? He suddenly became bipolar after they kissed – mabait ngunit biglang nagiging masungit sa isang iglap, tapos nagiging mabait ulit. Komplikadong intindihin ang utak ni mokong. May posibilidad na gusto nga siya ng binata, why on earth would he kiss him if he didn’t?

                May gusto ba siya kay Robert? Hindi maitanggi ni Arran na tila natatameme siya kapag kaharap ang matangkad na binata. Intimidating si Robert – maiilang kang tingnan siya. But he loved his auburn eyes – he’d love to get lost in those brown eyes. He liked Robert’s cooking too, except sa parte kung saan pinakain na pala siya ng gulay nang hindi pa niya nalalaman. Robert can be caring and warm too, basta wala siyang sumpong sa araw na iyon.

                Naalala niya noong unang araw niya sa pananatili sa bahay, umalis si Robert upang tingnan ang negosyo niya at nang bumalik ay may dala na siyang pearl shake. Mahilig kumain ng matamis si Arran ngunit hindi naman niya hilig ang chocolate. Si Robert naman ay may dalang maraming junk food. Masaya silang kumain nang araw na iyon at naramdaman niyang unti-unting nag loosen up ang binata sa kanya, at siya rin dito.

                Robert likes junk food, a lot. Just like Biboy – his childhood friend. This leads him to his most important question, iisa lang ba si Biboy at Robert? Arran could not lay a finger on it, but he’s unsure if Robert really is. Maraming similarities ang binata sa kanyang kaibigan, ngunit marami ring pagkakaiba. Biboy was kind, while Robert can be arrogant and rude at times. Hindi na niya matandaan ang detalye sa kanyang kaibigan kaya hindi naman niya maipagkumpara sa physical features ng binata.

                What made him unsure was the fact that Robert isn’t able to remember him – his best friend. After all, it’s been almost 20 years. Marami nang nagbago, matagal na silang nagkalayo kaya hindi na rin niya alam kung ang Biboy na kilala niya ay pareho pa rin ang ugali hanggang ngayon. Things could make him change.

                Either way, he still is not done thinking if Robert is actually Biboy.

                Naputol na naman ang taimtim na pag-iisip niya nang bumukas ang pinto, at pumasok si Robert sa bahay. May dala siyang dalawang plastic bag. “Nanay, Arran, bumili ako ng sinaing sa gata. Kain tayo.” Alok nito habang itinataas ang dala-dala.

                Tumayo si Arran upang tulungan si Robert na maghanda ng mga mangkok sa kusina. Naiilang pa rin siya sa presensiya ng binata, kaya hindi niya ito tinitingnan. Halatang affected pa rin siya sa pag-iisip kanina.

                “Arran…”

                Hindi nag-angat ng tingin si Arran, “Bakit?”

                “Tatlo lang tayo sa bahay, apat na mangkok ‘yang nilagay mo. Don’t tell me may third eye ka?” natatawang tanong ni Robert. Pinamulahan naman ng mukha si Arran at agad na iniligpit ang sobrang mangkok. Nagsalin si Robert ng sinaing sa gata sa mga mangkok. Pumunta naman si Nanay Luisa ngunit kumuha lamang ng isang mangkok at bumalik sa harap ng TV. Natawa si Arran sa inasal ng matanda.

                “Ganyan talaga si Nanay Luisa, hindi mo maiaalis sa harap ng TV kapag paborito niya ang artista. Daig pa niya ang teenager kung kiligin.” Paliwanag naman ni Robert matapos umupo. Nagsimula na siyang humigop ng mainit na tsokolate. Umupo na rin si Arran at sumandok ng malagkit na sinaing sa mangkok. He somehow felt comfortable that moment, maybe because Robert wasn’t acting weird as well. Ngumiti siya sa kaharap.

                “Young at heart si Nanay, hayaan lang natin siya. Sabi nga nila, do whatever pleases you. Nakakawala ang stress kapag araw-araw mong nakikita ang taong gusto mong makita.” Wala sa sariling komento ni Arran. Bigla siyang natigilan sa huli niyang sinabi, na-realize niya lang ito nang biglang tumingin sa kanya si Robert – although he cannot read his expressions. Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain.

                “You’re right. I love looking at the person that I want to look at.” Narinig niyang sagot naman ni Robert. He tried to hide a smile, but he cannot hold it back. “I wish I could do that everyday.” Dugtong pa nito.

                “You mean Kristine, right?”

                Tumawa ng malakas si Robert. Hindi na niya napigilang mag-angat ng tingin sa kausap. “She’s married, and I’m not interested. Besides, I’m eyeing someone else.” Nakangiti nitong turan. This man is driving him crazy!

                Mabilis na inubos ni Arran ang pagkain at bumalik sa sala. Hindi na niya kaya ang nararamdaman niya para sa binata. Sa lahat ng tanong niya sa isip, isa ang nasagot dito – he likes Robert. He just have to make sure that he likes him too.

                Tinapos na rin ni Robert ang pagkain at sinamahan sina Nanay Luisa at Arran sa panunuod ng TV. Umupo siya kalapit ni Arran. While Nanay Luisa was so immersed in what she’s watching, Arran seems to be thinking about other things. Pinilit ni Robert na huwag nang pansinin ang kinikilos ng kalapit. He has a clue on what Arran is feeling, because he actually feels the same way. Mas naging maingat lang siya upang hindi siya mahalata.

                Nag-inat si Robert at dahan-dahang ipinatong ang braso sa likod ni Arran. Lalo namang napayuko ang huli. Robert chuckled, and pulled Arran close to him. “Hey, loosen up.” He said, smiling. He gently shook Arran’s shoulders. The guy smiled.

                “How old are you?” naisip niyang itanong kay Arran.

                “26.”

                Tumango lang si Robert. “I’m 29. You know what, you could pass for 18. And you got the behavior of a seven-year-old.” Komento niya. Siniko naman siya ng marahan ni Arran. He just laughed and pulled him even closer, almost embracing him.

                Arran could smell Robert’s cologne. It was intoxicating, he just wanted to sink in this man’s embrace. Ngunit inalis ni Arran ang pagkaka-akbay sa kanya ni Robert before his emotions could betray him. Nanatili siyang tahimik habang nanunuod ng TV, at hindi na naman kumilos nang kakaiba ang kalapit niya.

                Napagpasiyahang umakyat ni Arran sa kwarto matapos ang palabas. Naiwanan naman si Robert at Nanay Luisa sa sala habang nanunuod ng documentary. Humiga si Arran at agad na niyakap ang isa pang unan na ginagamit ni Robert. Dalawa lang kasi ang unan sa kama nito, at hindi rin naman niya magamit ang unan sa isang kwarto dahil basa pa rin ito.

                Gumulong-gulong si Arran sa kama. He buried his face in the sheets and screamed. Nakakalito ang feelings niya. Para siyang teenager sa nararamdaman niya para sa gwapong binata. Nasa ganitong ayos siya nang maabutan siya ni Robert. Napatigil siya nang maramdaman na may ibang tao, at agad na nag-indian sit na tila walang nangyari.

                “Tell me if you're done humping my pillow.” Maikli nitong komento bago isinara ang pintuan. Pinamulahan naman ng mukha si Arran, hindi niya alam ang sasabihin. Dumirecho si Robert sa harap ng tukador niya at nagsimulang magbihis.

                Napalunok si Arran when Robert removed his polo shirt, exposing his sturdy back. Lalo namang nanlaki ang mata niya nang isinunod ng binatang hubarin ang kanyang pantalon. Robert was wearing a blue boxer briefs. Napapikit na lang si Arran sa magandang tanawin sa harap niya.

                Nakita naman ni Robert ang nakapikit na binata at napangiti. He was sure that Arran is acting weird, at tila naaayon naman ito sa kanyang plano. Nais niya kasing makita kung may epekto ba ang kanyang ginagawa sa binata – at tila tama naman siya. Arran’s feelings betrayed him.

                Umupo na sa gilid ng kama si Robert. Hindi naman sigurado si Arran sa dapat gawin kaya naisipan niyang humiga na at nagkumot. Robert turned off the lights, leaving the dimlight on. Agad din siyang nahiga kalapit ng binata.

                Kinakabahan si Arran sa mga susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng mokong, adding up to his worries. Narinig niyang nagsalita si Robert, “Nilalamig ka ba, samantalang maalinsangan ang panahon ngayon.” Beads of sweat were forming on Arran’s forehead, so he decided to remove the blanket from him.

                “Tell me what you feel right now.”

                “I – I’m nervous.” Pagtatapat ni Arran. Hindi pa rin siya lumilingon kay Robert. Ano ba ‘to?

                “Then let’s play a game. I’ll ask a question, then you must answer back with another question. Kung sino ang hindi sasagot ng patanong ay talo. Ready?” tuloy-tuloy na hamon ni Robert. Napaisip siya, at napagdesisyunang sakyan ang trip ni mokong.

                “Why are you making me feel awkward?” unang tanong agad ni Arran, glad that he was able to get it off his chest.

                “Bakit, affected ka ba sa ginagawa ko?” si Robert.

                Bumaliktad na si Arran sa pagkakahiga, ngayon ay kaharap na niya si Robert. “Hindi pa ba halata sa kinikilos ko?”

                Robert smiled, challenged. “Malalaman ko ba kung anong nararamdaman mo ngayon kung hindi mo sasabihin?”

                “Ikaw ba, anong nararamdaman mo ngayon?” Pinilit ni Arran na iwasan ang tanong na iyon, dahil sigurado siya sa isasagot niya. I might be falling for you, dumbass.

                “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong masaya ako kasi kaharap kita?” nakangiting tanong ni Robert pabalik sa kanya. Unti-unti nang kinakabahan si Arran, nauubusan na kasi siya ng tanong. Distracted siya sa pagtitig sa kanya ni Robert.

                “Bakit mo ako hinalikan kagabi?” direktang tanong niya. Natigilan saglit si Robert, pagkatapos ay ngumiti ulit siya.

                “Nagustuhan mo naman hindi ba?” Robert said, and winked at Arran.

                Sumimangot si Arran. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha ni mokong. Pero, oo he liked it. He liked Robert’s kiss so much.

“Hindi ah!”

Lalong napangiti si Robert. Huli na nang marealize ni Arran na hindi isang tanong ang isinagot niya. He let out a low ‘Tsch’ sound.

“Talo ka.” Robert said victoriously. Napasimangot naman lalo si Arran sa sunod niyang narinig. “Plus you’re a really bad liar. You liked the kiss.”

“Baliw ka.”

“And since I won...” Maikling tugon ni Robert at agad hinalikan ang labi ni Arran. Napamulat si Arran sa ginawang paghalik ni Robert. He tried to break away from the kiss but Robert was holding his back. It was too late, unti-unti na siyang nahuhulog sa malambot na labi ni Robert. Their kiss deepened, and there was no turning back.

Robert removed his clothes and Arran’s. Napasinghap si Arran nang unti-unting bumaba ang halik ni Robert sa kanyang leeg, patungo sa kanyang katawan. This is ecstasy, he thought.

Robert caressed him gently, like a fragile figurine. Arran traced the outlines on Robert’s firm body as they made love. He cannot believe this is happening. All of it. Both of them were consumed by their emotions. Dalawang tanong na ni Arran ang nasasagot. He now was sure that Robert liked him as much as he did. Robert liked him too.

Arran slept after what happened, he got exhausted making out with this astonishing man. He slept while hugging him, while Robert wrapped his arms around the guy he values so much.

Umaga na nang magising si Arran, naisip niya na huling araw na niya sa probinsya. He looked around and saw Robert beside him, staring at him. Ngumiti si Arran, “Good morning.”

“Morning. Kamusta?” tanong naman ni Robert habang nakapatong ang ulo ni Arran sa braso nito.

Napabuntong-hininga si Arran. “It was wonderful, to be honest. I didn’t expect tha-“ hindi na niya natapos ang dapat niyang sabihin sapagkat naunahan na siya ni Robert.
 “I hope you know now that I like you, Arran. A lot.”

Ngumiti siya. “Alam ko. And yes, I like you too. I mean, I wouldn’t share the night with you if I didn’t.” he said, chuckling.

Nagbihis na sila matapos ang ilang minuto, at sabay na bumaba. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya si Robert, hindi siya talaga makapaniwala sa lahat ng nangyari.

They ate breakfast together, and talked a lot. Kahit si Nanay Luisa ay nagtataka na biglang naging close ang dalawa. Little did she know that they were a lot closer last night.

Kinakailangang puntahan ni Robert ang printing press dahil dagsa ng bagong orders. Naiwanan naman si Arran sa bahay, ngunit bago umalis ang binata ay ipinangako na may pupuntahan sila pag-uwi niya.

Alas-onse na ng umaga nang tumawag ang boss ni Arran. Kailangan na niyang bumalik sa trabaho bukas ng umaga. He felt sad but agreed to come to work nonetheless. “Badtrip naman,” nasabi niya pagkatapos ibaba ang telepono. Just when things are getting interesting, saka naman siya papaalalahanang kailangan na niyang bumalik sa Maynila. Agad niyang tinext si Robert upang sabihin na luluwas na siya mamayang hapon.

Dumating si Robert bago mag alas-singko ng hapon. Agad niyang niyaya si Arran sa labas, at may pupuntahan daw sila ayon dito. Nagtataka man si Arran ay sumunod na rin siya, dala-dala ang bag niya na kakatapos lang i-empake.

Dinala siya ni Robert sa isang playground malapit sa bahay. Naalala niya na dati itong bakanteng lote noong bata pa siya.

Walang tao nang dumating sila sa playground. “Nagdesisyon na kasi yung may-ari ng compound na i-convert na ‘to bilang park, total ay marami namang mga bata ang naglalaro dito. I used to play here too.” Ang kwento ni Robert habang naglalakad sila, his hands clasped with Arran’s.

Nagdala si Robert ng junk food at softdrinks. Tahimik silang umupo sa swing, habang binubuksan ni Robert ang Chippy na dala niya. “Do you really have to go?” tanong nito. Tumango lamang si Arran, downcast. Ayaw man niyang lumuwas ay kinakailangan na niya ito. He was lucky that his boss gave him quite a long vacation. Ngunit mas ayaw niyang malayo sana kay Robert, pero kailangan. Nagbukas siya ng isang in-can at lumagok ng Sprite.

Tila napansin naman ni Robert ang pagkabalisa ni Arran. “Hey, cheer up. We’ll see each other soon. Di’ba bibisita ako sa inyo. Para naman makilala ko ang family mo.” Sabi nito. Pinilit lang ngumiti ni Arran sa narinig.

Matagal din silang tahimik habang nakaupo sa swing.

“I’m really happy that I met you, Arran.”

“Me too. You made me realize a lot of things.” Mahina niyang sagot. Mukhang tama nga ang kanyang mommy. Marami talaga siyang na-realize sa munting bakasyon niya. It was a trip that gave him memories. With Robert.

They locked lips shortly, and ring on Arran’s phone was a signal that he has to go back to Manila. Hinatid siya ni Robert hanggang sa terminal ng bus.

“Ingat ka, I’ll see you soon.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Hindi rin ito nahiyang yakapin siya kahit may ibang taong naroon. Wala na ring nagawa si Arran kundi yumakap kay Robert.

Umandar na ang bus na sinasakyan ni Arran matapos ang ilang minuto. Nais man niyang tanawin si Robert na kumakaway sa kanya ay unti-unti itong lumiliit sa kanyang paningin habang patuloy ang pag-andar ng bus. Napabuntong-hininga na lamang si Arran nang hindi na niya matanaw si Robert.

                He never expected that things would turn out this way.

                Saglit lamang ang byahe niya dahil hindi masyadong traffic. Mabagal siyang naglalakad patungo sa bahay nila nang salubungin siya ng kanyang mommy. Humalik si Arran sa pisngi nito, at si Rina na ang nagdala ng mga gamit niya. He texted Robert that he’s almost home, but he didn’t reply.

                “Kamusta ang bakasyon, anak?” masiglang tanong ni Rina. Ngumiti lang si Arran. “It was wonderful, mom. I’m glad I took a break.”

                “Good. Siya nga pala, may bisita ka ngayon. Ilang beses na siyang nagpabalik-balik dito habang nasa Laguna ka.” Saad ng kanyang ina. Napakunot ang noo niya, sino naman ang magtitiyaga na magpabalik-balik sa bahay nila? Pwede naman siyang tawagan sa cellphone.

Could it be Uno?

Naunang pumasok ang kanyang ina sa bahay, at agad naman siyang sumunod. Nakatalikod ang kanyang bisita habang nanunuod ng TV, his tousled hair a shade of brown. Medyo maputi din ito at lean, halos magkasing-katawan sila. Sigurado si Arran na hindi siya si Uno.

“Nandito na si Arran, hijo.”

Agad na tumingin ang lalaking nakaupo sa kanilang direksyon. Bilugan ang mata, matangos ang ilong at manipis na labi. The guy’s smile widen when he saw him, definitely pleased with his arrival. Lalong nagtaka si Arran nang tumayo ang bisita. The guy was taller than him by an inch or two. He was wearing a white shirt and brown chinos. Agad siyang mahigpit na niyakap nito.

“Ran-ran! I missed you so much!” masiglang saad ng kanyang bisita. Napilitan din siyang ngumiti dito.

“Hindi mo na ba ako natatandaan?” tanong ng binata. Nakangiti man si Arran ay marahan siyang umiling. He never saw the man before. But judging from his gestures, Arran felt like the guy knew him so well.

“Ran-ran, si Biboy 'to!”

44 comments:

  1. Galing ng Twist ah...for all we know c Robert at Biboy ay iisa ryt ? Its getting more exciting than I expected :))

    Sana ako una nag comment ^__^

    Thanks prince

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi raffy. Oo ikaw ang unang nagcomment. Haha :)

      Masyadong predictable kung iisa lang si Robert at Biboy. Haha :) enjoy reading!

      Delete
  2. PLOT TWIST! :)))) NICE AUTHOR!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello kuya anon! Oo plot twist nga! Haha :) salamat..

      Delete
  3. Hahhaah ang ganda ng story. Akala ko si biboy si robert. Hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello kuya anon (2). Haha yan din ang akala ni Arran. Salamat sa pagbabasa!

      Delete
  4. All I thought that Robert is Biboy but it turned out na they're two different people. Love the plot twist!

    Author, anong panglilito ito? Paki-explain nga. Lab u!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan din ang akala ng mga readers. Hehe. Hello ken, hintay lang ng sunod na update :)

      Delete
  5. super antok na ako. mamayang hapon na ako magcocomment, matulog muna ko. thanks sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige lang 0309 tulog muna. Hintayin ko ang mala-nobela mong comment
      Lol :)

      Delete
    2. My goddie! napa smile naman ako sa sinabi mo. hehe! Nagkataon lang siguro na napahaba ang comment ko. Pero sabi ng friend ko, pag mahaba daw yung comment, e damang-dama daw yung kwento. At araw-2 e nagaabang ng update.

      Kilig na kilig ako sa mga eksensa ni Aran at Robert. KJ naman ng boss ni arran, Nabitin tuloy ako sa lambingan ng 2 lalo na sa loob ng kwarto. Panira ng eksena. haha.

      Subalit bigla naman akong napaisip sa bisita ni Arran nung umuwi na sya. Nalito ko dun ah. sya naba talaga ang tunay na Biboy? Pero napaisip naman ako na di nman vegetarian si biboy nung araw. Malamang sya nga ito.

      Pano yan Arran, nagkagustuhan na kayo ni Robert. Pano kung may gusto din sayo si Biboy at gusto mo rin sya. Natutuwa ako, nakarekober ka agad sa pinagdaanan mo. pero ang gulo ah. naisip ko din na yung age e medyo tugma naman. W8 ko na nga lang yung nxt update. Sana dala ni Biboy yung Tamagochi para dina ko malito. haha. Thanks sa update.

      0309

      Delete
    3. Hobooo ng comment. Pero nakakatuwa nman kasi damang dama mo yung eksena 0309. Haha

      Lahay ng tanong mo masasagot next update. Pramis lol :)

      Every 4 days ang update ko, so nov 1 ang sunod. Lol

      Delete
  6. oh my... sino yong Robert na yon sa province nila!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Jasper. Ibang robert yung nasa province. Ang saya diba? :)

      Delete
  7. Kuya Aparador Prince;

    Galing talaga! Idol! Grabe! Hindi ito katulad ng ibang stories na predictable! It turned out na iba si biboy...

    Ano nanamang pasabog to?! Pakiexplain! Labyu!


    LOL....


    -cj ^________________^v

    ReplyDelete
  8. omg!
    sumakit bigla ang ulo ko sa twist sa dulo.
    kala ko si robert na si buboy?

    kakaexcite lalo ang kasunod neto!

    galing!

    ReplyDelete
  9. Kung c Robert ay c Biboy. Cno ang taobg bumisita kay Arran? Interesting to know update po agad pls. Tnx

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe turns out magkaibang tao si robert at biboy. Haha :)

      Delete
  10. What?! So sino si robert?????? Waaaaaaaaah. Love triangle??? But im really starting to like robert for arran.....very much :'(

    - gavi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello gavi, si Robert ay... haha malalaman mo rin next chapter.

      Delete
  11. Oh my! magkaibang tao sina robert at biboy??? Hmmmmmmmmm...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  12. Huwat?! Teka lng. Anong kaguluhan to? Anong nangyayari? I thought robert is the old biboy? So who the hell is this new guy? Twist lng ba to? Sa dulo eh malalaman din talga na c robert ay si biboy naman talaga?

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala hardname nagpapanic ka naman.. masasagot lahat ng katanungan mo next update. Pramis

      Delete
  13. Ridiculously good kilig vibes. Haha. The let's-play-a-question-game part is the highlight! Haha. :)
    -dilos

    ReplyDelete
    Replies
    1. I love that part too! Magawa nga yung game na un. Lol.

      -hardname-

      Delete
    2. Hello dilos. Kinikilig din ako kpag binabasa ko yun. Hohoho :)

      Delete
  14. Shittttt nakakilig naman masyado hahahaha... Hala sino si robert kung may ibang biboy??? Yan talaga ang hilig ng mga author ang mambitin :-/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe. Sorry naman PJ, kailangang mambitin para abangan ng readers. Haha sabay tayo kiligin.

      Malalaman mo kung sino si robert next update :)

      Delete
  15. hehe mas gusto ko si Robert from Laguna. Kakakilig although nakakalito.hehe.galing mo po kuya author!

    --->Just

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay si Just eh Team Robert na! Malay ntin mabago yan next chapter
      Lol

      Teka panong nakakalito? Yung pagnanarrate ko yung nakakalito?

      Delete
  16. And the plot thickens! Is the new guys really Biboy? 'Yan ang aabangan ko! Wooohooo! Thanks Aparador Prince! Til next time!:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Rico. Yup, si Biboy talaga yan. Maniwala ka. Haha :)

      Delete
    2. At na-OC naman daw ako sa typo sa last comment ko. Guy lang dapat 'yun at di guys. Hahaha.:)) Can't wait for the next update.:)

      Delete
  17. tsk tsk tsk... what else can i say? .... the sequencing of the story was indeed good.. may twist, may kilig, may comedy... all in one nah... ikaw na talaga Jrae Javier Comandante... promise... hehehe... napa nganga nalang ako ng malaman ko na itutuloy na naman pala... hahahaha... how dare you na bitinin kaming mga readers mo... tahahahaha joke lng po... kaw kasi,,, bkt ba ugali nyong mga writers ang mambitin? ayan tuloy,,, i cant wait for the next update,, weeeewww... no comment muna ako for this chapter... medyo question mark pa kasi ehh... and to answer my queries, i need to read the succeeding chapter... cant wait,,, another thumbs up and more claps para sayo... :D God bless...

    -hyun jae lian

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oy bakit naman buo pangalan ko. Haha. Pramis sasagutin yang mga tanong mo next update.

      Salamat sa pagbabasa!

      Delete
  18. Ai ganda sayang kailangan na maghiwalay ng dalawa kala ko pa naman si binoy na si robert ganda na sana biglang twist hindi pala haist kaloka. Hehe pero ganda thanks sa update. :-) :-). More ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi marc. Yun din akala ng lahat. Lol :) salamat sa pagbabasa!

      Delete
  19. Waaaaaaaaaaaaaaaa.. Ang galing ng twist kuya Prince.
    That's the most unexpected thing in this story. Galing. #TwoThumbsUp

    I'm starting to like this, even love this. Atsaka, nakakatuwang habang nagbabasa ako ee pangiti-ngiti lang. HAHA. Kinilig ee. :">

    TY kuya. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Coffee Prince, yup predictable kasi masyado kung iisang tao si Robert at Biboy.

      Things will be interesting, at syempre ginagawa ko ang best ko para pakiligin kayo. Haha

      Delete
  20. ei sino yung robert na yun iisa ba ? asking whaha

    ReplyDelete
  21. kala ko si robert bumisita. Haha masaya to kasi unexpected.

    - Poging Cord

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails