Followers

Sunday, November 3, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 11



318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph


Authors Note:

Guuuyyss! Sabi ko nga babawi ako hihi ^_^ Kaya heto pinabilis ko ang update. Uhhhmm, sorry kung medyo magulo ang flow guys, hindi na ako nag-proofread haha :D enjoy reading guys.

Oo nga pala, malapit na matapos tong story na to. Pero, wala akong sasabihing number of episode sa ending para may twist at ma-surprise kayo hihi..

Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.

PS: Sana wag kayong magalit sa akin for this chapter hehe, start na po ako ng climax. Pa-add din po sa facebook kung inyo mamarapatin XD hihi! Salamat! https://www.facebook.com/niel.isyours



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.




ENJOY READING =)



Chapter 11

Trina’s Point of View:



Haha! After all, my plan succeeded. Napasaakin din si Xander this night. Oh, mali because that was just my partial plan. Actually my whole plan is to redeem Xander as mine from that faggot named Colby. But, paano ko makukuha si Xander? Kung sa bawat ungol nitong si Xander ay si Colby ang binabangit nya?! Kanina pa to e. Kung pwede ko nga lang sana hampasin ng malakas para matauhan e, but hindi pwede. I’m sure magagalit sya once na malaman nyang pwersahan ko syang ginalaw.


Actually, dati ko pa crush itong si Xander, hanggang sa yung simpleng crush na yun ay umabot na sa puntong na-obsessed ako sa kanya. I don’t know kung bakit ganto ang klase ng pagiisip ko, kontrabida na kung kontraba, maldita na kung maldita pero Xander will be mine, soon  I think.


Sa tuwing nakikita ko sila ni Colby, nasusuka ako. Ano bang meron sa baklang yun na wala ako?! Look, I have the body, I have the face, and marami talagang nagkaka-crush sa akin since may itsura naman talaga ako at running pa ako for being honor student. Actually, naririnig ko na valedictorian daw itong si Xander noong high school, well mas maganda mas naattract ako sa lalaking matalino, gwapo at medyo bad boy.


Actually, 9th honorable mention ako noong high school. Noon ay yung mga oras kung saan talagang subsob ako sa pagaaral. But now, ewan ko ba haha! Ngayon ko lang naramdaman na masaya din palang bumarkada at gumimik tulad ng ginagawa ko. But, syempre kailangan pa rin mag-aral or else lagot ako kay daddy.


And speaking of daddy, buti na lang ay nakapagtake ako ng pills dahil nakalimutan naming gumamit nito ni Xander ng protection haha! Nako! What if kaya hindi ako nakapag-take ng pills during that night? I’m sure magkakaruon na ng apo si daddy at lagot ako dun! Tiyak! Tigil ako sa pagaaral nito kung nagkataon.


Heto naman kasing si Xander, masyadong aggressive haha! But I don’t like the way he moan! Akala nya kasi ako si Colby?! Duh?! Mukha ba akong bakla? At mas maganda at sexy naman ako dun noh?!


Kinabukasan, maaga talaga ako gumising upang hindi ako maabutan ni Xander ng pagising nya. Ayokong bulyawan nya ako at ayokong malaman nya na nag-take advantage ako sa kanya during his drunk hours.


“Simula pa lang to Xander, mapapasakin ka din..” Bulong ko sabay dampi ng labi ko sa labi ni Xander na himbing na himbing pa sa pagtulog. Nakangiti akong lumabas sa kwarto nila Zeke (isa sa mga classmate namin na kinuntsaba ko). Nadatnan ko doon ang kaibigan ko – si Angel.


“How’s the night with him Trin?” Pagtatanong nya.


“Awesome!” Maligalig kong sagot sabay wink sa kanya.


“Haha! Kerengkeng ka talagang babae ka!” Sabi nya pa.


“I know! Haha!”


“So? May nangyari nga talaga sa inyo?” Pagkukumpirma nya.


“Uhuh!”


“Nako! Kwento mo dito girl! Dali!”


“Later dear, I have to go. Ayaw kong maabutan nya ako dito, baka kung anong isipin nun..”


“Oh sya! Kami na lang ang bahala magpaliwanag haha! Gora na!”


“Bu-bye!”


“Bye girl!”





Xander’s POV:


Hanggang sa panaginip ko ba naman si Colby pa rin ang nasa isip ko? May nangyari daw ulit sa amin and in that moment, mas dama, mas mainit at punong puno ng emosyon.


Pagkagising na pagkagising ko ay damang dama ko pa rin ang sakit ng ulo. Uminom nga pala kami last night. Pero, bakit nandito sa kwarto na hindi ko alam kung kanino?! A-at bakit?! Wala akong suot?!! Agad akong tinayuan ng balahibo at biglang bumilis ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba.


Agad kong sinuot ang damit kong nakakalat pa sa may sahig ng kwartong yun at lumabas ng kwarto. Kwarto pala to ng bahay ng classmate ko kung saan kami nag-inuman. Naratnan ko sa sala si Angel at ang boyfriend nya na may-ari ng bahay na to. Hindi ko sila masyadong ka-close dahil mga kaibigan sila ni Trina kaya naman kahit nahihiya ay nagtanong pa rin ako.


“Ahhmm! Excuse me Angel? May kasama ba ako dito kagabi?” Pagtatanong ko sa kanila.


“Uhmm.. Wala naman Xander..” Sabi nya. Nagkatinginan sila ng boyfriend nya. Parang may tinatago?


“Oo pare! Wala kang kasama dyan kagabi. Suka ka kasi ng suka kagabi kaya hinubaran ka namin upang mapunasan na din.” Sabi sa akin ni Zeke.


“Ganun ba? Si Trina nasaan?” Tanong ko sa kanila. Natatakot kasi ako na baka nandito si Trina kagabi. At 
ang mas kinakatakot ko pa ay baka may nagawa kami noong wala ako sa katinuan.


“Ahhh..Ehh, umuwi na kagabi pa. Pinauuwi na kasi sya ng daddy nya ng mas mas-maaga e..” May pag-aalangang sagot sa akin ni Angel.


“Ganun ba?” Nasagot ko na lang. “Ahh, uuwi na pala ako..” Nasabi ko sa kanila sabay kuha ng bag at nagsuot ng sapatos.


“Okay sige, mag-iingat ka Xander..” Ang nasabi na lang ni Angel.


Habang nasa daan ako pauwi, gulong gulo ang isip ako sa kakaisip kung bakit nga ba ako nakahubad? Parang may kaunting detalye sa utak ko kung saan natatandaan ko na may nakita akong babaeng naka-bra at pantaloon lang kagabi. Natatakot tuloy ako na baka si Trina yung babaeng yun. Shit! Wag naman sana.


Gulong-gulo akong umuwi ng bahay. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nadatnan ko kanina pagising ko at ang problema sa amin ni bes. Para akong mababaliw! Miss na miss ko na sya and at the same time natatakot ako nab aka nga nandoon si Trina. Para kasing kahina-hinala ang mga sagot sa akin nila Angel e. Parang may tinatago. Nako! What if, nandoon nga si Trina at paano kung pinagsamantalahan nya ang kalasingan ko? Paano kung?! Shit! Wag naman sana!


Hindi! Napa-paranoid lang siguro ako! Hindi naman siguro. Ang dapat kong gawin ngayon ay ang ayusin ang problema namin ni bes. Hindi kami dapat makulong sa ganitong sitwasyon, mahal ko sya, mahal nya ako kaya ayokong ganito na lang kami.


Dumating ang araw ng lunes. Ang araw ng play namin..



Colby’s Point of View:


Monday. Walang pinagbago. Still ganun pa rin si mommy sa akin, pero napapansin ko na napapanbuntong hininga sya kapag nakikita nya na walang kagana-gana ang mukha ko. Parang pilit lang ang lahat. Alam ko nahihirapan si mommy, pero heto ang nararamdaman ko e pure loneliness, inexpress ko lang.


Nandito kami ngayon sa auditorium, pinapanuod ang play ng bawat college sa amin. Andito kami para i-cheer ang representative ng college namin, hindi ko pa man kaya pero kailangan e, additional grade din to sa art apre namin.


Natapos na ang halos lahat ng mga colleges including our college pero hindi pa nakakapag-play ang college nila bes. Sila kasi dapat ang pang-apat kaso may technical problem sa sound system nila kaya hinuli na lang sila.


Maganda ang kwento ng play nila bes, isang couple na mahal nila ang isa’t isa ngunit hindi sila pinahintulutan ng tadhana. Si bruhang Trina ang gumanap na leading lady at si bes naman ang leading man. Kilala ko si bes pagdating sa play, focus yan kung focus pero napapansin kong tila may mga eksenang nawawala sya sa sarili. I know, what is happening to us, badly bothering him. Kaya naman kahit sa pamamagitan na lang ng presensya at ng mga tingin ko mapalakas ko ang loob nya.


Hanggang sa isang eksena sa play ang hindi ko kinaya. Ang paghalik ni bes kay Trina. Hindi ko alam kung talaga bang naglapat ang kanilang mga labi, pero sa nakikita ko sobra akong nasasaktan. Buti na lamang ay katabi ko si Nerrisse at sumandal na lang ako sa balikat nya. Doon tumulo ang luha ko. Pinipigil kong wag gumawa ng ingay ngunit hindi ko maiwasang hindi mapahikbi sa nakikita ko. Ang hirap pala kapag nakikita mo ang mahal mo na nakikipaghalikan sa iba noh? Oo, play lang yun. OA na kung OA, pero masakit kasi e. Hindi ko lang mapigilan.


Niyapos lang ako ni Nerrisse, alam nyang ayaw kong gumawa ng eksena kaya hindi nya ako niyakap. Pinunasan ko na rin ang luha ko at binalik ang tingin sa play.


Sa huli ay nag-second place lang sila Xander. Alam ko, okay na okay na yun kay bes dahil sya lang naman ang tinanghal na best actor buti na lang at hindi nanalo na best actress ang bruha! Ang OA nya lang kasi, hindi bagay sa kanya yung role.


Pagkatapos ng play, umuwi ako sundo ng driver ng kotse ni mommy. Simula kasi noong malaman nya ang tungkol sa amin ni Xander, lagi nya na lang ako pinapasundo.


Pagka-uwi sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko upang as usual, magmukmok. Shit! Miss na miss ko na si Xander tapos ganun na lang ang makikita ko?!


Sa sobrang lungkot ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.  Pagkagising ko, laking gulat ko noong makita ko si mommy sa tabi ko, umiiyak at tila niyayakap ako.


“Mom?” Sabi ko habang nagkukusot ng mata.


“Nak, gising ka na pala..” Sabi ni mommy sa malambing na paraan? Anong problema? Parang hindi sya yung mommy na nakilala this past few days? Anong nanyare?


“Bakit mommy?” Tanong ko sa kanya.


“Anak, sorry sa lahat ng nagawa ko. I realized na masyado na akong nagpapabigat sayo..” Maiyak-iyak na sabi ni mommy. Syempre, nagulat ako. Panaginip lang ba to.. “Nagawa ko lang naman yun, dahil..dahil ayokong matulad ka sa daddy mo..” Daddy? What?!! Bakla si daddy?”


“Si Daddy? Hindi naman po sya tulad ko mom ah?”


“Yan din ang akala ko noong una anak, noong mga oras na hindi na regular ang paguwi ng daddy mo noong bata ka pa. Akala ko noon dahil lang sa dami ng ginagawa nya. Ngunit..” Naputol sa pagpapaliwanag si mommy at napaluha. “Laking gulat ko noong makita ko sila isang beses sa isang restaurant ng lalaki nya. Ang akala ko nga noong una ay kaibigan o ahente nya lang ngunit noong matapos silang kumain laking gulat ko noong sumakay sya sa sasakyan nung lalaking kasama nya. Sinundan ko sila at mas lalo akong nanlumo noong..” Naluha ako sa kwento ni mommy. Mas lalo naming lumakas ang pag-iyak nya habang nagke-kwento. “Noong makita kong bumaba sila sa isang hotel. Sinundad ko sila hanggang sa kwarto nila ng hindi nila nalalaman. At mas nagulat ako noong makita ko silang naghahalikan bago pa sila pumasok sa kwarto nila..” Sabi ni mommy. Nagulat naman ako sa kwento nya, nakaramdam ako ng matinding awa kay mommy. Shit! Alam ko kung gaano kasakit mapagtaksilan. Proven na naman siguro yung nakita ko noon kay Tristan at Rafael. “Hindi ako nakapagpigil nak, sinugod ko sila. Nagwala ako. Pero imbis na maawa ang daddy mo, sa huli yung lalaking iyon pa rin ang pinili nya. Pinilit ko lang na ikubli ang lahat sa inyo upang hindi na lumaki pa lahat. Napagalaman ko na pinagbubuntis ko pa lang si Grace noong nakiki-apid na sya sa lalaking yun, may mga asawa’t anak din ang lalaki. At dahil sa sobrang sama ng loob ko, kaya ako naghihigpit sayo ngayon. Actually, hindi naman talaga ako galit sa mga bakla noon. Pero noong sinaktan ako ng daddy mo, mas naging mailap ako sa kanila. Kaya naman sobra akong nasaktan sa nalaman ko tungkol sayo..” Pagpapaliwanag ni mommy. Umiiyak pa rin siya. Kaya naman niyakap ko sya, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang pala kung magalit sa akin si mommy.


“Mom, sorry..” Sabi ko sa kanya.


“Hindi son, ako dapat ang manghingi ng tawad sayo.. Masyado kitang nasaktan sa mga nagawa ko. Naging masyado akong self-centered.” Sabi sa akin ni mommy habang nakayakap pa. Kumalas sya at nagpatuloy. 

“Kanina while I was on my way home, may nakita akong mga bata. Mga maliliit pa pero kumakapit na sa patalim. Nakita ko silang nanghahablot ng mga valuables ng mga dumadaan. Napagisip kong, napaka-swerte ko kasi hindi kayo naging ganun at napalaki ko kayo ng maayos. Doon ko napag-isip isip na kailangan na kitang tanggapin kasi ikaw yan, napagisip isip ko din na hindi naman krimen yang ginagawa mo at na-realize ko din na hindi ko naman kailangang maging bitter dahil iba naman yung kaso mo sa papa mo, hindi ko kailangang makialam dahil nagmamahal ka at wala ka namang nasasagaang iba..” Pagpapaliwanag ni mommy, hindi ko na rin napigilang hindi mapaluha. Sa sobrang saya ko dahil sa wakas natanggap na rin ako ni mommy ay niyakap ko sya at nagpasalamat ako..


“Mommy, salamat ulit. At sorry..” Sabi ko sa kanya habang nakayakap.


“Wag ka sa akin magpasalamat, magpasalamat kay rin kay Gracia dahil hindi rin ako tinigilan nung babaitang yun!” Sabi sa akin ni mommy. Napatawa naman ako ng bahagya.


“Ang saya-saya ko mom, salamat..” Sabi ko kay mommy. Niyakap nya na lang ako bilang tugon.


Agad kong tinawagan si bes na pumunta sa amin, syempre tuwang tuwa ang mokong na yun sa nalaman. But, sa tipo ng boses nya kanina, I smell something fishy, para kasi syang matamlay kahit na nalaman nya. Hmm? Napaparanoid lang siguro ako, siguro dahil lang sa ilang araw naming pagiiwasan kaya sya ganun.
Sa gabing yun ay pumunta si Xander sa bahay. Sabay sabay kaming kumain ng dinner, kaming apat sa pamilya at si Xander. Syempre, inintroduce ko muna si Xander sa kanilang lahat.


“Mom, Ate, Karen, si Xander pala Boyfriend ko..”


“We already knew..” Mataray ngunit pabiro na sabi ni Ate Gracia.


Sa gabing yun, pinagpaalam ko na kung pwede doon muna si Xander sa kwarto ko matulog. Na-miss ko kaya ang mokong na to. Syempre, na-miss kong yakapin tong lalaking to.
Habang nasa kama kami noon ni Xander at naglalandian, hindi ko maiwasang hindi maramdaman sa kanya na para may something na gumugulo sa kanya, kaya nagtanong ako.


“Bes, may problema ba?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Ahhh wala naman..” Agad nyang sabi sabay halik sa labi ko.
Hinampas ko naman sya agad sa kanyang dibdib. Pumupuntos ng hindi nagpapaalam?! Pero syempre, kinilig naman ako dun.


“Bes, anong naramdaman mo noong wala ako..” Tanong ko sa kanya habang magkayakap kami.


“Syempre, pakiramdam ko hindi ako kumpleto. Lagi akong wala sa sarili, walang concentration, ikaw kasi ang lakas ko e. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, hindi ko kayang hindi kita makita sa isang araw.” Sabi nyang ganun. Syempre, kinilig naman ako agad sa narinig ko. “Uhm, paano mo pala nakumbinsi si Tita?”


At kinwento ko na nga kung paano lumambot ang puso sa akin ni mommy. Ikinagulat rin nya noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ama ko. Pero, hindi na kami nagtagal pa sa usapan na yun. Ang importante ay balik na ulit kami sa dati, ngunit iba ngayon. Mas masaya, wala na akong dapat itago pa kay mommy.


“Ang ganda nung play nyo ah? Bagay na bagay kayo ng bruha! May pa-halik halik pa..” Sarkastiko kong sabi.


“Scripted naman yun e. Saka no-string attached yun bes.” Sabi nya sa akin.


“Maniwala, parang gusting gusto mo nga e.” I doubted.


“Ano ka ba bes, sa labing to lang ako nasasarapan, sa labing to lang ako na-seseduce. Alam mo ba yun? Malambing na sabi nya sabay hawak sa mga labi ko. Hanggang sa dumagan sya sa akin at unti-unting lumapit ang labi nya sa labi ko. May naramdaman ako something dun sa baba nya hihi! Uh-oh! Paktay!
Sa gabing yun, pinagsaluhan namin ni Xander ang aming pagmamahalan. Ang sarap sana i-detalye kaso wag na! Haha! Basta isa lang ang masasabi ko, masaya at punong puno ng pagmamahalan.


Sa school, balik kami ni Xander sa dati. Sweet, hatid-sundo, sabay mag-lunch at kung may time at hindi busy ay papasyal kami sa mall at sa mga paborito naming lugar. Nakakatuwa dahil hindi lang bumalik sa normal ang lahat, pakiramdam ko kasi mas higit pa to sa hinihiling ko.


Hanggang sa dumating ang buwan ng april, syempre magbabakasyon na. Sa wakas! Malapit na rin kami mag-second year college. Ambilis ng panahon, parang kelan lang noong high school graduation namin, ngayon magse-second year college na kami. Syempre, masaya ako dahil bukod sa maganda naman ang outcome ng studies ko, andyan pa si Xander upang suportahan at mahalin ako.


Monday, vacation na sa wakas. Hayahay na ang buhay naming for almost 2 months. Nakakalungkot lang dahil heto yung time kung saan mababawasan yung mga bonding moments namin ni bes. Pero, natutuwa naman ako dahil sinabi nya na hindi daw kami mawawalan ng bonding at lambingan moments kahit na bakasyon na.


Ngayon ang aming fourth monthsary, maagang gumising dahil ide-date nya daw ako. At dahil sa sobrang excitement ay maaga pa lang gising na ako.


Alas-9 noong umalis kami ng bahay, pumunta muna kami sa mall upang maglaro ng arcade, kumain, at mamili. Habang nasa arcade kami ay nagpresinta ako kay bes na bumili ng mga tokens. Pumayag naman sya at naghintay doon sa may bench. Bumili ako ng 30 tokens, enough na siguro upang magsawa kami kakalaro mamaya. Pagkabili ko ay napahiyaw ako dahil muntikan na ako madulas dahil madulas pala yung lugar na nilakaran ko, bagong map kasi. Ayan! Nahulog tuloy yung mga tokens ko. Habang nagpupulot, napansin kong may lalaking pumulot din ng mga tokens na nahulog ko at sabay abot sa akin. Napatingin sya sa akin, napatingin din ako sa kanya. Parang kilala ko sya, hmm? Familiar kasi yung itsura nya. Sa tingin ko, nakita ko na siya e. Somewhere na magulo kaya siguro hindi ko maalala. Pero, may itsura yung lalaki. Hindi ko na lang sya masyadong in-entertain dahil baka magselos yung mokong. Napansn kong napatitig sa akin yung lalaki sa akin, siguro nakita nya na rin ako dahil familiar din sya sa akin.


Alas-5 ng hapon noong pumunta kami sa isang private restaurant. Dito nya ako niyayang mag-date. Nakakatuwa dahil talagang pinagiipunan ni Xander ang bawat magaganap ng monthsary namin, syempre nakakaguilty din dahil ako tong may kaya pero sya pa ang laging nangti-treat. E ayaw nya naman kasing gumastos ako e, kaya mas lalo akong naiinlove sa lalaking to e. Hindi kasi sya nagpapadaig sa mga material na bagay.


Sa halos tatlong-oras na stay naming sa restau na yun, wala kaming iba ginawa kundi mag-reminisce, maglambingan at mag-kwentuhan, hindi alintana kung may mga mapang-husgang matang nakamasid sa amin.
Alas-9 na ng gabi noong hinatid ako ni bes sa bahay.


“Sige na una ka na bes..” Sabi ko sa kanya.


“Ayaw mo na ba akong mag-stay?” Malungkot nyang sabi. Kanina pa kasi to nangungulit na mag-stay ng hanggang alas-12. Hindi ko na pinayagan kasi nga sobrang gabi na. Kaya naman pinauwi ko na lang sya at sinabing bumalik na lang dito ng umaga kinabukasan.


“Bukas na lang bes, masyado nang gabi kung uuwi ka pa mamaya..”


“E di dyan na lang ako matutulog..”


“E sabi ko kanina hinahanap ka ni tito di ba? Magpakita ka muna dun at bukas na lang ikaw matulog dito..”


“Hmmm, sige na nga..” Sabi nya na parang natalo sa isang laban


“Ba-bye..” Pagpapaalam ko.


“Ba-bye lang?” May pagtatampo nyang sabi sa akin. Sinadya ko talagang wag mag-I love you haha! Ang cute nya kasi pag nagtatampo e.


Nilapit ko sa kanya ang labi ko at hinalikan ko sya sa labi. “Okay na? I love you!” Sabi kong ganyan.


“Isa pa..” Hiling nya. Aba! Umabuso?!


“Che! Sige na babye na..” Pagpapaalam ko. At umuwi na rin sya..


Dumaan ang isang oras noong umalis si Xander. Nasa sala ako at nagbabasa ng binili kong libro sa book store kanina ng biglang.


“Ding dong..” Pagtunog ng door bell. Sino naman kayang matinong tao ang bibisita sa amin sa ganung oras? Kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka nanloloko lang yun. Ngunit nagsunod-sunod ito. Kaya naman lumabas na ako upang tignan kung sino ba yung nagdo-doorbell.


Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin ay biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Si-si Trina?? Bakit sya nandito? At b-bakit parang may tutulong luha sa mga mata nya?!




I T U T U L O Y


Saturday, November 2, 2013

Less Than Three- Part 36

NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Sorry po talaga kung every saturday lang ako nakakapg update. Haixt. Busy talaga. At isa pa di na umuusad yung kwneto. Hahahah. Di pa suya nadadagdagan kaya konting hinay lang po ha. Hope you;ll understand.



---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 36

(Explosion...)


Friday, November 1, 2013

DATI 11

by aparadorprince


Author’s Note:
                Hi everyone, Undas na! Pero hindi pa ako magpapaawat sa pag-update. Sana nagulat kayo sa last part, kasi ako din nagulat eh. Haha J Anyway, enjoy reading and you can backtrack previous chapters to catch up with some of the scenes na maoopen dito sa part na to. Mas magiging masaya to diba?
**aparadorprince

  Part 1    Part 2    Part 3    Part 4    Part 5    Part 6    Part 7    Part 8   Part 9   Part 10
DATI 11

Halos hindi makapaniwala si Arran sa takbo ng pangyayari mula nang umuwi siya. Kaharap niya ngayon si Biboy – ang tunay na Biboy. This could mean one thing, Robert is not his childhood friend. That explains why he didn’t remember Arran as a kid. Kung bakit parang malayo ang childhood ni Robert sa kanya – dahil hindi siya ang kababata nito. Ngunit paano nangyari ‘yun? Hindi ba’t Robert din ang pangalan ni Biboy? Nahihilo na siya sa mga tanong at sagot na umiikot sa isip niya.

Nanatili naman si Biboy sa harap ni Arran, at bahagya nitong niyugyog ang balikat ng natahimik na kababata. “Are you okay? Hindi ka makapaniwala ‘no?”natatawang banggit ni Biboy. He motioned Arran to sit down.

Nakatulala pa rin si Arran matapos makaupo. “Kung ikaw si Biboy, sino yung nakatira sa bahay ninyo sa Laguna?” tanong niya.

Ngumiti si Biboy sa tanong ng kalaro, “I’m sorry if I didn’t tell you what happened after your family moved to Manila. We migrated to the States and stayed there for almost twenty years. Pero bago kami umalis, nagdecide si mama na ibenta na lang yung bahay sa probinsya since she’s not coming back here. Nabili ng pamilya nila Robert yung bahay, and I met them for almost a week before we went abroad. Coincidence nga ‘no, parehong Robert pa ang pangalan nung anak ng bumili ng bahay namin.” Sunod-sunod na paliwanag nito.

Tumango na lamang si Arran sa sinabi ng kababata. Magkaibang tao talaga si Robert at Biboy, that’s why Robert was distant at first. Kasi hindi naman talaga nito kilala si Arran to begin with.

Dumating naman si Rina at may dalang orange juice at kape. “Biboy, natataandaan ko pa na orange juice talaga ang paborito mo ‘nung bata ka pa. Anak, hetong kape oh.” Nakangiting turan nito. Nagpasalamat ang dalawa at agad na bumalik si Rina sa kusina.

Uminom si Biboy ng juice bago nagsalita, “So you mean, doon ka nagstay sa bahay namin dati sa Laguna? Buti pinayagan ka ‘nung owners.” Tanong nito.

“Personal issues. Mom arranged everything, I got into a car crash last week and felt like I had to take a break. So naisip ko lang pumunta sa Laguna. Mabait din naman yung nakatira ‘dun. Teka, bakit ka nga pala umuwi sa Pilipinas?”

“After graduating from college, gusto ko sanang magkaroon ng career dito sa Pilipinas. And besides, I made a promise to someone that we’ll meet again…” nakatingin si Biboy sa mata ni Arran, at tila na-conscious naman ang huli. Biboy’s eyes were pitch black in contrast to Robert’s auburn eyes. “As you can see, hindi ako naging astronaut. I took up Visual and Graphic Arts. Ikaw, anong nangyari sa’yo?”

Medyo nagsisink-in na rin ang lahat para kay Arran. “I took up Broadcasting, but didn’t pursue it. Applied to a call center and worked there up until today. Hindi ka naging astronaut, edi hindi ka nagkaroon ng Bio Particles?” nakangiting sagot nito.

Napakamot ng ulo si Biboy, “Oo nga eh, pero hindi ka rin naman nakakuha ng Birdonic Waves ah! But seriously after all these years, I still think Bioman is way better than Jetman.”

“Let’s try not to argue about that anymore, you know Jetman always wins.”

Biboy let out a hearty laugh. “You know, you never changed. Jetman fan ka pa rin. At mas matangkad pa rin ako sa’yo. Naalala mo pa ba ‘nung sinabi mong hindi mo na ako papansinin kapag tumangkad ka kaysa sa akin? That will never happen now.” Saad nito. Nagsimula na rin tumawa si Arran sa tinuran ni Biboy. His childhood friend still is as cheerful as before, no wonder he didn’t realize Robert could be the opposite at times.

Tumigil si Biboy sa pagtawa, at ipinatong ang kamay sa hita ni Arran. “Isa pa, meron akong mga pangako na dapat tuparin hindi ba?” seryosong turan nito. May kinuha si Biboy mula sa kanyang bulsa at inilagay sa kamay ni Arran. Ang kanyang Tamagochi at isang singsing na kulay orange. “Iningatan ko yung mga binigay mo noon, Ran-ran.”

Tiningnan ni Arran ang mga laruan sa kamay niya. Naalala niya ang mga ito, ang mga gamit na ibinigay niya kay Biboy bago sila lumuwas ng Maynila. Hinawakan niya ang kulay berdeng Tamagochi, halos hindi ito nagasgasan, at may plastic na nakasuksok sa gilid nito. Hinila niya ang plastic at nagulat siya sa nangyari.

“The Tamagochi is still working, iningatan ko talaga ‘yan. Kaso namatay na si Brownie.”

Napangiti si Arran sa ipinakita ng kababata, he did not expect that Biboy would cherish what he gave him, just like he treasured his share. “Sandali lang…” ang sabi ni Arran bago nagmamadaling umakyat sa kwarto.

Bumaba siya at iniabot kay Biboy ang susi ng sasakyan niya. “Sorry, ginawa kong key chain yung paboritong Matchbox mo.” Napangiti si Biboy sa ipinakita ni Arran. “Wow, nasa ‘yo pa pala ‘yan!” natutuwang sambit nito, at agad na pinagmasdan ang laruang kotse.

Ngumiti si Arran. “May isa pa…” he continued, and opened his other hand. Hawak naman niya ang singsing na kulay berde, ang singsing na ibinigay ng kalaro niya noon.

Narinig niyang tumawa si Biboy, at nagulat si Arran nang bigla na lamang siyang yakapin nito. “Thank you Ran-ran, hindi mo ako nakalimutan.” He heard him say it silently, and gently sobbing. Umiiyak si Biboy. Niyakap din ni Arran ang kababata ang hinagod ang likod.

“Hey, don’t cry.”

Nagpunas ng luha si Biboy, at natatawa ng bahagya. “I’m sorry, na-overwhelm lang ako. Akala ko kasi makakalimutan mo na ako, Ran-ran.”

“I never did. Makakalimutan ko ba ang hero ko?”

Ngumiti si Biboy sa narinig, at tiningnan ang oras sa wristwatch. “Hey, it’s kinda late. I better go. Di’ba may trabaho ka pa bukas?”

Tumango lamang si Arran, at nagpaalam na si Biboy sa kanya. Sinabi nitong babalik na lamang siya sa ibang araw dahil may mga business presentations din siyang gagawin bukas.

“I’ll see you soon.” Ang maikling sambit ni Biboy bago niya pinaandar ang kotse niya. Kumaway lamang si Arran sa kanya at pumasok na sa bahay.

Umupo si Arran sa labas ng bahay nila at napabuntong-hininga. He never expected that this day would have a really weird twist. Nagtataka siya kung bakit hindi sinabi ni Robert na hindi siya ang kalaro nito dati. Siguro ay hindi rin naman siya nagtanong. He just assumed.

Ilang araw din na naging busy si Arran sa opisina dahil natambakan siya ng mga paperworks. Hindi naman siya pinabayaan ng kanyang mga kaopisina at tinulungan siya sa trabaho. Kakalabas lang ni sa building nang biglang may bumusina sa harap niya. Tiningnan niya kung sino ang tao sa kotse, at unti-unting nagroll-down ang bintana…

Si Robert.

“Hop in.” he said, opening the door.

Agad na sumakay si Arran, at sa pagsara ng pinto ay agad na ginagap ni Robert ang kanyang kamay. “This is quite a surprise, how did you find me?”

“It’s called Facebook, Arran.” Maikli niyang sagot. “I hope you’re free today.” Dugtong pa ni Robert habang nagsimulang magmaneho ng Itim na Mitsubishi.

                Napanguso naman si Arran. “Saan tayo pupunta?” Nabigla talaga siya nang makita si Robert sa harap ng opisina nila. Hindi niya alam na may stalker abilities pala si mokong, at siya naman ay open sa lahat ang Facebook account.

                “We’re gonna have dinner later. But first, I wanna show you something.” Sagot naman ni Robert habang nakatuon ang atensiyon sa pagmamaneho. Halos dalawampung minuto silang nagbiyahe hanggang marating nila ang isang nakasarang puwesto sa may Taguig.

                “I just bought this space, mag-eexpand na ako ng business.” Ang simula ni Robert nang makababa na sila sa kotse. Alam ni Arran na may printing press si mokong ngunit hindi niya alam na magtatayo na rin siya ng branch dito sa Manila. “Some of my clients are from Manila, and I want to cater to printing newsletters and probably some books. Bahala na.” dugtong pa nito.

                Tahimik na nagmamasid lang si Arran sa kanya, hindi pa kasi niya nakikita si Robert na nag-aasikaso ng negosyo niya.  

                “Ano pala ang buong pangalan mo?” Wala sa sariling tanong ni Arran. Tutal nalaman naman niyang hindi pala si Robert ang kababata niya, he thought it would be fair to know who he really is. Tiningnan lang siya ni Rob at tila nagtataka.

                 “Robert Mendoza, bakit?”

                “Wala naman. Nalaman ko kasing hindi pala ikaw yung kababata ko.”

                “Hindi nga. Nakalimutan ko yatang sabihin sa’yo.” Sagot naman ni Robert at napakamot sa ulo. “I thought it wasn’t that important to know.” Dugtong pa nito.

                  Tumango lamang si Arran, dahil alam na rin naman niya ang totoo. This revelation gave way to a new set of questions racing on his mind. Kung nagfafall na siya para kay Robert, is it because he was thinking that he was Biboy? Did he really fall for Robert, or is it Biboy? Litong-lito na siya habang iniikot siya ni Robert sa lugar. “Hindi pa tapos ang construction, but I expect it to be done in three months.” Tuloy na paliwanag ni Robert, while Arran was drifting away because of his unanswered questions.

                Napansin na lamang niya na seryosong nakatingin sa kanya si Robert. “What are you thinking?” he asked. Napailing si Arran, “W-wala. Medyo busy lang sa trabaho.” Palusot niya.

                “You should not think about work when you’re outside the office, especially with me.” Seryosong sagot naman ni Robert. Nanatiling nakatingin ito sa mata ni Arran, which made the latter feel uneasy. Mabilis siyang nadidistract kapag tinitingnan na siya ni mokong.

                “And here you are, giving me a tour in your soon-to-be office. Hindi yata patas ‘yun.” He snickered. Nagulat na lamang si Arran nang agad na hinawakan ni Robert ang kamay niya, and flashed his winning smile.

                Pinisil ng marahan ni Robert ang palad ni Arran. “I just want you to be a part of my plans. Become a part of my future.” He said, smiling.

                Pinamulahan naman ng pisngi si Arran, at agad na hinila palayo ang kamay niya. “H-hey, don’t say silly stuff.” Depensa niya, habang tinatakpan ang mukha. Nahihiya na siyang harap-harapan siyang kinikilig.

                Tumalikod si Robert kay Arran at nagsimulang maglakad. “Just stating some facts, hindi naman siguro masamang mag-share.” Ang sabi niya. Hindi maiwasang mapangiti si Robert sa ikinikilos ni Arran. Halatang attracted na ang binata sa kanya, just like how attracted he is to Arran. Hindi naman niya pinaglalaruan ang feelings ng binata, gusto lang niya malaman kung hanggang saan na ang pagtingin nito sa kanya. He’s hoping that Arran will really become part of his future, since he’s starting to plan his future with him as early as now.

                Sinundan naman siya ni Arran papuntang kotse, at nagdinner sa isang Japanese restaurant pagkatapos. Bago umuwi si Robert sa inuupahang apartment sa Legarda ay inihatid nito si Arran sa kanilang bahay. ginawaran niya ng isang masuyong halik sa labi ang binata bago ito tuluyang makababa.

                “I hope that’s enough sign that I like you.” Mahinang usal ni Robert matapos halikan ang binata. Ngumiti lang si Arran. “I know. And I hope that kissing you back is enough for me to say that the feeling is mutual.”

                “Oh siya, bumaba ka na ng kotse. I might take you home if you don’t.” warning ni Robert habang pinapaandar muli ang sasakyan. Tumawa lang si Arran at bumaba na nga ng kotse. Kinawayan pa niya  si Robert habang papalayo ang Mitsubishi.

                Napansin ni Arran na nakagarahe na ang kanyang asul na kotse, napangiti nang malamang naayos na si Brownie. Nag-doorbell si Arran, expecting that her mom is home but he was shocked to see her sister to open the door for him. Ashley became obviously upset and looked apologetic.

                “Kuya, sorry na talaga. Please, wag ka na magalit.” Ang pagsusumamo ng dalaga sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Arran. “Hindi na ako galit, ano ka ba.” Ngiti niya. Matapos ang kanyang pagbabakasyon ay tila gumaan na ang nararamdaman niya para sa kapatid. Siguro, kahit anong galit ang itanim niya para kay Ashley ay nangingibabaw pa rin ang katotohanan na kapatid pa rin niya ito. Even though she could be a total bitch.

                “Basta huwag mo nang uulitin.” Dugtong ni Arran. Ashley tried to stifle her tears and hugged his brother. “Salamat talaga kuya, at sorry.” Paumanhin uilt nito.

                Matapos ang eksena nilang magkapatid ay umakyat na ito sa kanyang kwarto. Naikwento na ng kanyang mommy na matapos na magkaalamang buntis si Ashley ay halos hindi na ito lumalabas ng bahay upang gumimik, at inaalagaan na rin ang kanyang kalusugan.

                Nagtext na rin si Robert sa kanya na nakauwi na siya. Humiga na si Arran sa kanyang kama ngunit maya-maya ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa pinto. “Kuya Arran, may naghahanap sa’yo.” Narinig niyang sabi ni Ashley mula sa labas ng pintuan.

                Napakunot ang noo niya dahil kakatext lang ni Robert kanina. Baka naman isosorpresa na naman siya? Dali-dali siyang bumaba at nagulat nang hindi si Rob ang nakaupo sa sofa kundi ang kanyang kababatang si Biboy.

                Napansin naman ni Biboy na pababa na siya at napangiti ito. Tiningnan ni Arran ang isang box ng chocolates na kalapit ng kanyang kababata, at isang asong stuffed toy na kulay gray.

                “Hi Ran-ran, binili ko para sa’yo. Para naman maalala mo si Brownie. Di’ba ikaw nga ang nagsabing hindi brown si Brownie.” Natatawang sambit ni Biboy.

                Nagpasalamat naman si Arran sa natanggap na regalo. “Hindi ka na pala dapat nag-abala pa. Pero salamat.” ang nahihiyang sagot niya.

                Umupo si Arran sa upuang katapat ni Biboy. Hindi niya alam ang sasabihin sa dating kalaro, sa mga binigay niya kasi eh parang… nanliligaw ito sa kanya.

                “Napansin ko pala yung blue na kotse dun sa labas, kamukha nung Matchbox na ibinigay ko dati.” Ang masayang banggit ni Biboy. Napakamot lang ng ulo si Arran. “Ah, eh.. Oo nga. Brownie nga din tawag ko sa kotse.” Pag-amin niya

                Lalo namang napangiti si Biboy sa narinig. “Wow! So talagang hindi mo ako nakalimutan.” Tumango lang si Arran bilang pagsang-ayon. “Teka, bakit ka pala napadalaw?” ang naitanong ni Arran sa kalaro.

                Agad namang natigilan si Biboy at tila hindi alam ang sasabihin. “I just want to tell you something, and I hope it doesn’t offend you…” pasimula niya. Kinabahan naman si Arran sa biglaang pagseryoso ng mukha ni Biboy.

                “The truth is, I have been thinking about this for a while now. And I want us to be more than childhood friends. Ran-ran, I might have been in love with you ever since we were kids.” Ang pag-amin ni Biboy, pinamumulahan ito ng pisngi.

                Arran was taken aback with what he heard. Gusto siya ni Biboy? Paano si Robert?

                “I asked your mom and she gave me the permission to court you, so ikaw na lang ang kulang.” Nagsimula nang ngumiti si Biboy, now that he was able to get it off his chest.

                Kinakabahan si Arran sa takbo ng pangyayari. Hindi pa naman opisyal na magkarelasyon sila ni Robert, pero no-brainer na may pagkakaunawaan sila. Ngunit napapaisip siya kung nag-fall siya kay Robert dahil naiisip niya na si Biboy ito. Ngunit nagkamali siya. And now here’s Biboy, laid his cards on the table and told him he liked him. Nakakabaliw isipin.

                “I… I don’t know what to say, Biboy. Really.”

                Ngumiti lang si Biboy. “It’s fine, I guess I have to show you how serious I am. Anyway, I have to go but I’ll be back in a couple of days. Client meeting. I hope you understand.” Ang sabi ni Biboy at tumayo na mula sa kanyang pagkakaupo. Tumayo na rin si Arran upang ihatid ang bisita sa pintuan.

                “I just came here to tell you how I feel, Ran-ran. I’ll see you soon?” ang sabi ni Biboy. Tumango si Arran. “Yeah, see you soon.”

                Biboy gave Arran a quick kiss on the cheek. “Sorry for being too straightforward.” He said, blushing. Nagsimula nang maglakad si Biboy palayo ng bahay nila.

                Isinara na ni Arran ang pintuan at napasandal ito. He let out a sigh. Nagulat na lamang siya nang makita ang kanyang kapatid na lumabas mula sa kusina, may dalang isang basong gatas at isang mug ng kape. “So, a suitor…” ang simula nito.

                Naisip ni Arran na magsisimula na namang mang-asar ang kapatid. Pinagmasdan lamang niya ito habang umupo sa sofa. “Pwedeng humingi ng chocolates mamaya?” nakangiting tanong ni Ashley. “Come here, lalamig na kape mo.” Dugtong pa nito.

                Naglakad si Arran papunta sa sala at lumapit sa kapatid. Nagsimulang inumin ni Ashley ang kanyang gatas. “So, kuya Biboy finally had the strength to tell you he likes you. Nakakakilig.” Ang natatawang sambit ng kapatid. “Actually, ilang beses na siyang nag-open up kay mommy saka sa akin habang nagbabakasyon ka. So kuya, what’s the score?” ang sunod-sunod na sabi pa nito.

                Humigop ng kape si Arran. “Sa totoo lang, hindi ko alam eh.” He started thinking about Robert. Is he already cheating? Kahit ang sarili niyang mga tanong ay hindi niya masagot.

                “I thought you like him too, considering you kept all the toys he gave you when you were kids.”
Tugon ni Ashley habang hinahalo ang gatas sa baso. Ininom niya ito pagkatapos, bottoms-up.

                Napabuntong-hininga si Arran. “See, that’s the problem…” pasimula niya. Ikinuwento niya ang nangyari sa kanyang bakasyon, ang tungkol kay Robert at sa mistaken identity nito. Napakunot naman ng noo si Ashley matapos marinig ang kwento.


                “Kuya, problema nga ‘yan.”

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails