Previous
Chapters:
A/N: Feeling
better now, siguro nga hindi kami para sa isa’t isa. Ok we still remain friends
pa rin. OO SUPER SUPLADO AKALA MO GWAPO HINDI NAMAN.
And luckily I
found someone who really help me to regain my old self :) masayahin na medyo
masungit ayan ang nagustuhan ko sa kanya, yung mga jokes niya :) lahat.
Salamat #ngets HOPE to share more laughers together in the future :)
PASENSYA po sa
matagal na update :) try to update faster.
Hi Regimar,
Eros,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy Cookies (Super Friend kami), Kuya Er
win, Parekoy!, Brother :), Joey :|, Kuya Erickson aba move on na hahaha :P,
Neil :) Randsmesia, baru, Kuya Rome Tama ata basta lahat ng readers :)
PUSH KO PA RIN YUNG CHATMATE :) MAY MASAMA AKONG BALAK EH :p ABANGAN
Hi K-Feds :)
Sa mga naging kaibigan ko maraming
salamat :)
- g!o Yu - :|
You can also give your
comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu at kapag nakakita kayo ng gwapo
ako yun :P kapal lang ng muka ko.
Ito po ang unang story na ginawa ko sana
magustuhan nyo :)
Final
Requirement 21
Thank god at binigyan din ako ng Author nito nag maglabas ako ng sama ng loob hahaha! Charot lang! Ako si Alexa Madrigal ang pinaka magandang babae sa mata ng aking magulang hahaha pero seriously maganda ako no, magandang maganda! Ako kaya ang Miss Computer Studies sa School namin nila Andrei last year at kung pwede pa ulet ako sumali, taob pa din ang bagong Miss Computer Studies ngayon, sa ganda kong ito I can actually conquer the world hahaha.
“I believe that beauty is not everywhere, because beauty can only be seen in me not in you, me! I thank you” < --- Ang winner kong sagot sa Pageant
Yung pageant din ang nagbigay daan upang makilala ko si Andrei, siya kasi ang kumanta ng theme song ng aming pageant na “Eye of the tiger” ay grabe ang ganda ng boses niya nakaka-inlove. Doon ako magsimulang magka-crush kay Andrei, opo crush lang kasi ayokong maging hadlang sa love team nila ni Papa Richard.
Ang balak ko sana ay lalasingin ko si Andrei tapos may mangyayari sa amin tapos after a week or two malalaman kong buntis ako tapos sasabihin ko kay Andrei tapos ipapakasal kami tapos lalabas ang anak naming maganda ang lahi hahaha! Oh diba Perfect! PERO hindi kasi ako ang kontrabida dito kaya wag kayong magalit sa akin, BEST SUPPORTING ACTRESS ako dito at pang FAMAS pa ang level of acting ko sa istoryang ito.
Ok tamana sa introduction ko maayos na ang aking pakiramdam at nabigyan ako ng POV ng Author.
Ok ang aga ko sa School may gad! Ang init init tapos wala pa sila Papa Andrei and friend’s nakakainis kaya sumama muna ako sa mga girlfriends ko. Lately hindi ko masyado nakakasama si Papa Andrei. Pakiramdam ko may hindi magandang ginagawa ang mga yun.
“Aba ang bruha hindi kasama ang dalawa kong Papa” < --- Baklang nagpaparinig at ang dalawang papa na sinasabi nila ay si Andrei at Richard
Hindi ko na lang sila pinansin hindi ako bababa sa level nilang pang grade one, at hindi carry ng beauty ko makipag-away no!
“Alexa!” < --- Betty
“Betty la pango! Haha kamusta na?!” < --- Ako
“Pango ka dyan bruhang ito, oh tara gala tayo sa Mall with the girls, puro kasi sila Andrei ang kasama mo eh” < --- Betty
“Tara namiss ko din kayo mga bruha tara dali, actually hinahanap ko sila Andrei eh mukang wala sila dito kaya tara gora na tayo sa mall” < --- Ako
Ok gora kami sa Mall tinext ko na lang si Jet na nasa mall ako baka kasi hanapin nila
ang beauty ko, hindi ko naman kasi alam kung nasaan sila. Kaya eto gala na lang kami sa mall rampa hanap ng fafa.
Sumakay kami sa
tricycle, at ang sama ng mga to sa Charity ako pinaupo! Ang sama talaga ng
dalawang to palibhasa hindi mga kagandahan hahaha joke.
Pero ang inet sa
charity umupo ah! Mainet baka magkaroon ng discoloration ang pwet ko hindi na
ako makakasali sa Bikini open!
I swear kapag ito
umitim hinding hindi ko sila mapapatawad unless sila magbayad ng expenses ko
kay Belo!
Pagkadating namin
sa mall derecho agad kami sa department store.
“Aba oo nga no! ayun may tester tara dali make up-an natin si Betty la Pango!” < --- Ako
“Bruhang to makapango I hate you!” < --- Betty
“Tara doon aayusin ko yang ilong mo” < --- Ako
“Hard mo girl” < --- Sandy
"Iba ang hard
sa nagsasabi ng totoo" < --- Ako
"Tse!"
< --- Betty
Bruhang to may
tampo tampo pang nalalaman eh nagsasabi lang naman ako ng totoo. Natawa na lang
ako nagpunta sa tester ng mga make up haha bruha talaga.
Naalala ko tuloy si Andrei nung proposal defense namin kasi nagpajombag ba naman sa mga Tambay ayun Panda ang peg.
Flashback --- >>>
“Papa Andrei lagyan natin ng make up yang mga pasa mo para hindi halata” < --- Ako
“Ha?! ayoko nga at tingnan mo nga yan kulay pink!” < --- Andrei
“Gagi! madami akong kulay na available dito oh mamili ka, Blue para muka kang Avatar! Oh Green para Hulk ang peg mo. Oh pink para Pink Panther oh diba Bongga” < --- Alexa
“Ayoko nga! Tumigil ka sa kaka make up mo muka ka nang Pastillas” < --- Andrei
“Tse! I hate you Papa Andrei lagi mo na lang sinasaktan ang Feeling ko!” < --- Ako
“Sinasabi ko yan sayo para bawasan mo kaka-make up mas maganda ka kapag simple lang” < --- Andrei
“Sabi na may pagtingin ka din sa akin eh” < --- Ako
“Wag kang assuming baka masaktan ka lang” < --- Andrei
“Aray naman, bahala kayo sa defense mamaya basta maganda ako hmmmp!”
"Hindi naman
kailangan ng ganda doon" < --- Andrei
"Tse!"
“Galingan mo sa
english ah” < --- Andrei
“Tse!!! Ang yabang
mo I hate you so much!” < --- Ako
“Hahahaha biro lang
eto matampuhin” < --- Andrei
End >>>
Tamang windows shopping lang ang peg naming lahat hindi naman kasi magaganda ang mga labas ng damit ngayon ang chaka, kaya hunting na lang kami ng boys pero bakit lahat ng gwapo bakla?! Yung iba naman taken! May nakita akong dalawang gwapo pero may gad! nagholding hands confirm itech! Yung iba feeling gwapo dinadaan sa ganda ng damit, may nakita naman ako ang gwapo pero ang bata pa. . . I want to blame my mom kung bakit niya agad ako pinagbuntis.
Pagkatapos ng epic
fail na paghahanap ng boys, sumuko na kami and we decided na kumain na lang ng
Pasta sa Spaghetti House.
Ang gwapo ng waiter
dito oh my gee! Pero naamoy ko yung pabango waley. . . Confirm! Suko na talaga
ako ayoko na huuhuhuhuhuhu! Ang ending kumain akong dismayado kasi naman ang
gwapo tapos . . . Nevermind.
Umuwi na din
pagkatapos, pero ako bumalik pa ako sa School because I have a feeling na
makikita ko na sila doon.
Malas pa ng
nasakyang jip, puro panget at manyak ang laman tsk. Kung makatingin para akong
hinuhubaran tapos yung driver ang bagal magpatakbo mga 5 km/day.
"hi Miss"
< --- manyak 1
"Hi" <
--- walang tinginan aba nakaka-badvibes ang muka niya
"May stiff
neck ka?" < --- Manyak 2
"Ayoko lang
magkasala"
"Bakit miss
pinagnanasaan mo ba ako?" < --- Manyak 1
"Bunganga mo
naman kuya, ang lakas naman ng loob mo at SAYO pa talaga nanggaling yang
salitang yan! Ayoko tumingin kasi pintasera ako, pero dahil nagpanting ang
tenga ko sa sinabi mo ang kapal mo kasi, I mean look at you? Hay nako Para na
po!"
Bumaba na ako
malapit nanaman sa school. Kapal ng muka ng ulikbang kwagong yun.
Naglakad na lang
ako since malapit nanaman ang school.
Pagkadating ko
pumunta agad ako sa may likod kasi doon madalas maglagi si papa Andrei at mga
tropa ni Chard.
Hindi nga ako
nagkamali, I see papa Andrei, bakit lasing itey? Ay! Gegewang gewang.
“Papa Andreeeeeiiiii!!!” < --- Habang tumatakbo papunta sa kanya
“Andreeeeiii?!” < --- Ako parang hindi niya ako narinig
Pero parang may mali sa kanya bakit ba pasuray suray to?
Ay! Natumba na?!
Eeee! May dugo may gash ang dami bakit ba naman may bato doon at doon pa napasaktong umuntog ang ulo ni Papa Andrei EEE!
“TUUUULOOOONG!!!” < --- Ako Sigaw kong abot hanggang Mars
"A-andrei
Andrei! Andrei! Gumising ka! G-gumising ka please! TUULOOONG!"
Naglabasan ang mga tao sa kanilang bahay, ang mga estudyante ay tinulungan ako isakay si Andrei sa tricycle at fly fly kami sa Ospital.
Eeee! Ayaw tumigil ng pagdurugo anu ba kasing nangyari dito at naglasing.
"A-andrei
w-wag kang susuko please . . . Eto na dadalin na kita sa Ospital please kumapit
ka"
Ang lakas ng kabog
ng dibdib ko, first time ko makaencounter ng ganitong sitwasyon, sana ok ka
lang Andrei. Sana walang masamang mangyari sayo.
Sinubukan kong tawagan sila Tita pero,
“Sorry you don’t have enough prepaid load to make a call” < --- operator
Anu ba yan nakainan nanaman ako ng load! Nakakainis hindi ko tuloy macontact sila Tita para malaman agad nila ang nangyari kay Andrei.
Dali daling isinugod sa Emergency Room si Andrei para masuri ang malaking sugat na natamo nito mula sa pagbagsak niya kanina, ang laki laki kasi talaga nakaka bother. Yung damit ko halos mapuno na ng dugo sa dami tapos lalong akong nabahala kasi kanina pa siya walang malay.
Sinamantala ko ang
pagkakataon habang nasa ER si Andrei.
Nagpaload na ako at tinawagan si Kuya Kian.
“Hello? Alexa? Bakit ka napatawag?” < --- Kuya Kian
“Si Andrei po kasi nasa Ospital” < --- Ako
“Haa?!” < --- Kuya Kian
K i a n --- >>>
Haiiiist nakakapagod naman dito sa kompanya ni tatay ang dami daming ginagawa dahil sa expansion na binabalak nila, mabuti na lang at uwian na at makakapag-pahinga na din ako sa wakas, actually suggest ko na mag-expand kasi dumadami na ang clients so we have to cope up with the demand. Akala ko naman kapag anak ka ng boss ng kompanya wala nang gagawin, hindi naman sa tamad ako eh ayun kasi napapanood ko sa mga TV shows.
Gusto ko magrelax makahanap na nga lang ng hotspring, Sauna or kahit ano just to relieve my stress.
Then I see this
advertisement over the internet, astig siya ang gagawin ay ilulubog ka sa
mainit na putik then after may massage gamit pa din ang putik na nilagyan ng
extract ng iba't ibang klaseng prutas.
May kalayuan pero
parang gusto ko subukan I find it very neat, kaya naman nag-ayos na ako ng
gamit, bumaba sa parking lot kinuha ang kotse ko at binaybay ang south Luzon
expressway para makarating sa Mud SPA.
.
. .
“Welcome to Mud SPA sir”
After 30 minutes nakarating din ako sa Mud SPA at eto nag-peprepare na ako sa pag-lubog sa putik.
RULE NO 1: NO CLOTHES WHILE ON THE MUD
Nakakainis naman yung unang rule! Hindi kasi ako sanay maghubad ng ganyan lalo na sa public place, pinagkakagulahan kasi tsk.
Madami ang gustong kumuha sa akin na gawing model ng mga kilalang clothing line dito sa Pilipinas pero ayoko ng kasikatan, hindi na magiging pribado ang buhay ko kapag nangyari yun palagi may camera sa paligid ko at hindi na ako magiging malaya sa mga bagay na gusto ko gawin, sa Facebook na nga lang kapag nagpost ako ng #Selfie umaabot sa 1000+ likes agad.
Anyway hubad ng damit.
“Sir, Ay! So-sorry po labas po muna ako, pakitapis po muna yung towel” < --- Assistant
-_____- Anubayan instant boso yung babae ah . . . nakangiti pa sinasadya ata tsk.
Sumunod ako sa kanya sa Mud pool kung saan ako ilulubog.
Pagkapasok ko ay may 3 customer din na nandoon, at lahat sila natulala.
“Ah sir tara na po, wag na po kayo mabigla kasi ang gwapo nyu naman po kasi talaga” < --- Assistant
Kahit na, kung
makatingin naman kasi, manipis na towel na ngalang nakatapis sa akin kung
makatingin para akong hinuhubaran.
Humiga ako, unti unting binubuhos ang mainit na putik sa akin, Aaaaah ang sarap nakakarelax ng katawan, parang nawawala ang pagod ko.
Nagstay ako dito for almost 30 minutes and I must say epektibo ang mainit na putik sa pag-aalis ng pagod sa katawan.
Ok nagtapis ulit ako at pumunta sa massage room para sa massage session.
“Ah sir may natawag po sa Phone niyo” < --- Assistant
“Ah akin na”
“toot toot” < --- Calling Alexa
Bakit kaya natawag to?
“Hello? Alexa? Bakit ka napatawag?” < --- Ako
“Si Andrei po kasi nasa Ospital” < --- Alexa
“Haa?!” < --- Ako
“Nakita ko po siya pasuray suray maglakad tapos biglang nawalan ng malay eh umuntog po sa bato ang ulot ang dami nga pong dugo” < --- Alexa
“Saang Ospital?” < --- Ako
“Sa CMC po” < --- Alexa
“Ok sige papunta na ako”
End Call
“I have to go saan ang wash room niyo?”
“Ah this way sir”
.
. .
Shit! Anu naman kayang nangyari doon sa kapatid ko? Bakit naman kaya naglasing yun? Haist Eto namang si Chard nasaan ba ang kumag na yon? Makakatikim talaga sa akin yun hindi inaalagaan ang kapatid ko. Aaaarg! Akala ko naman makakapagpahinga na ako sayang yung massage session eh.
Tinext ko na din si Nanay at Tatay na sumunod na lang sa CMC at tulad ko nabigla sila sa kanilang narinig lalo na si tatay kasi gusto pa niya bumawi kay Andrei.
.
. .
Pagkarating ko sa CMC ay humanap agad ako ng parking lot at tumakbo papuntang ER at doon ko nakita si Alexa nakayuko, puro dugo ang damit
"Alexa kamusta kapatid ko?"
"Kuya mabuti dumating ka na, k-kailangan na daw po kasi ni Andrei ng dugo medyo madaming dugo po kasi ng nawala m-medyo delikado din po kasi ang lagay niya" < --- Alexa
"Bakit ba kasi
nangyayari to nasaan ba si Chard?" < --- Ako
“H-hindi kop o alam
eh” < --- Alexa
"Ah excuse me? Sino ang kamag-anak sa inyo ni Mr. de Dios?" < --- Doctor
"Ako po doc kapatid niya ako" < --- Ako
"Kailangan natin siyang salinan ng dugo kaso walang stock sa Ospital ngayon, since kapatid ka niya for sure match dugo niyo, and we need it now kasi kritikal ang kalagayan ng kapatid mo weve done x-ray and it seems may maliit na crack sa skull ng kapatid mo, which is very dangerous and maraming nawalang dugo sa kanya dahil malaki ang naging sugat ng kapatid mo"
Naman! Nakakainis takot pa naman ako sa karayom tss.
"Ok po dok saan po ba pwede magpatest?" < --- Ako
"Punta ka sa nurse station sabihin mo doon that you are Mr. de Dios brother alam na nila ang gagawin, excuse me aayusin pa namin ang operating Room" < --- Doctor
Kahit takot ako sa karayom ay tumuloy na ako sa nurse station upang malaman kung saan kukuhanan ng dugo.
.
. .
Pinahiga ako sa
kama at inassist ako ng lalaking nurse na mukang kalahi ng kapatid ko, para
hinuhubaran ako kung makatingin nakaka-alibadbad tuloy.
"Ok sir just
relax, take a deep breath sa una lang po ito masakit" < --- Nurse
Ayan na tinutusok
na yung karayom. . . Bakit ang laki?!
"Ah sir wag ho kayong kabahan pansin ko na may takot kayo sa karayom" < --- Nurse
"Sorry can't help it" < --- Ako
"Sige po hinga
ng malalim. . . Ayan" < --- Nurse
Araaay, masakit ah
pagkatusok ng karayom ay mabilis na dumaloy ang dugo papunta sa container.
Habang tumatagal
para akong kinukuhanan ng lakas nakakahilo, haay bunso para sayo basta gumaling
ka.
"Ah sige po sir tapos na po yung shift ko eh tawagin ko lang
po yung kapalit ko" < --- Nurse Nakakapanghina naman ito pakiramdam ko mawawalan ako ng malay maya maya.
Pumasok ang isang nurse, maputi, maganda at napakaamo ng muka.
.
. .
"Hi sir, aalisin na po natin ang karayom sa inyo" < --- Nurse
Ang ganda niya yung tipong habang naglalakad siya may mga naiiwan na kung anung bagay na nakinang. glitters ata ang tawag doon, yung smile niya nakakahawa at yung mga biloy sa pisngi sobrang nakakaakit.
"Sir?" < --- Nurse
"Ha eh anu yon ganda? Eh este nurse" < --- Ako
"Naku sir mukang nahihilo na kayo magpahinga po muna kayo" < --- Nurse
"No, no hindi na kailangan nasa OR ang kapatid ko kailangan niya ako" < --- Ako
"Ah ok po sir basta make sure na kaya nyo po ah, ganito na lang alalayan ko na lang po kayo ok?" < --- Nurse
"Much better
thank you" < --- Ako
.
. .
Kahit nanghihina pa ay dumerecho ako sa may OR, doon ko nakita si Nanay at tatay kasama si Alexa.
"Nung nakita ko po kasi si Andrei pasuray suray na siya maglakad mother tapos ayun po natumba na lang po bigla" < --- Alexa
"Kian anak, ok ka lang?" < --- Tatay
"Ok lang po ako tay kamusta na po si Andrei?" < --- Ako
"Tinatahi pa yung sugat" < --- Tatay
"Bakit ba naglasing yang batang yan oo" < --- Nanay
"Sa tingin ko
po hindi nag-inom si Andrei kasi wala naman po siyang problema eh hindi naman
po yan mahilig uminom" < --- Alexa
"Nasaan nga ba si Richard?" < --- Tatay
"Kanina ko pa po tinetext hindi po nasagot" < --- Alexa
"Tawagan ko na" < --- Ako
.
. .
"Hello?" < --- Ako
"K-kuya" < --- Chard
"Nasa Ospital ngayon si Andrei! Nasaan ka ba?!" < --- Ako
"Papaanong?! sige po papunta na kami, mamaya ko na po ikukwento nangyari" < --- Chard
End Call.
"Papunta na daw po siya" < --- Ako
"Ah excuse me gusto ko po makausap ang magulang ni Mr. de Dios" < --- Doktor
"Kami po" < --- Nanay
"Kamusta ho ang lagay ng anak ko?" < --- Tatay
"Well he's fine now pero hindi natin alam ang magiging epekto ng pagkakauntog niya, that fracture in his head could lead to Amnesia" < --- Doktor
"Wag naman po sana" < --- Nanay
"And one more thing, Theres a trace of drugs sa may baga niya, he probably inhaled it kaya nawalan siya ng malay" < --- Doktor
"Nagddrugs ho ang anak ko?" < --- Tatay
"Well it can be a yes but can also be a no, why dont you ask him kapag nagising po siya" < --- Doktor
"Ah kelan po ba siya magigising?" < --- Ako
"Probably 1-3 days depende sa recovery ng patient" < --- Doktor
“What if magka-amnesia kapatid ko Doc? Babalik pa po ba ang ala-ala niya?”
“Well Oo but it will take time, pero may scenario na hindi talaga bumabalik ang memory ng patient but that’s the worst scenario majority naman naalala nila, ok excuse me at may ooperahan pa ako” < --- Doc
“Thank you po doc” < --- Tatay
“W-wag naman sana mawalan ng ala-ala ang anak natin diyos ko” < --- Nanay
“Maging matatag tayo para kay Andrei, kung magkaroon man siya ng amnesia ay nandito tayo para ipaalala ang mga nawala niyang ala-ala at kasabay non ay gagawa din tayo na mga bagong masasayang ala-ala kasama siya” < --- Tatay
“Tama si Tatay nay, at hindi pa naman po magigising si Andrei ng ilang araw ipadasal na lang po natin na wala siyang amnesia” < --- Ako
“Oo nga naman I’m sure hindi magkakaroon ng amnesia ang anak natin malakas kaya yan” < --- Tatay
What if magkaroon nga ng amnesia si Bunso? Magiging lalaki na kaya siya? hindi sa ayaw ko kay Chard, well alam ko masaya sila sa isa’t isa pero kung mangyari man yun papano si Chard? I know how he loves my brother.
"Athan drug addict ba ang anak natin?" < --- Paghihinagpis ni Inay
"Nay imposible yan, tanungin natin si Richard mamaya tingnan nyo naman si Andrei ayan ba ang mukang nag-aadik?" < --- Ako
"Tama si Kian wag muna tayo gumawa ng konklusyon masyado pang maaga para sa ganyang haka haka" < --- Tatay
"Bakit ba ang tagal ni Richard" < --- Ako
.
. .
Nilipat na ng kwarto si Andrei syempre ang gusto ni tatay ay sa maayos kaya kinuha ng Private room si Andrei yung deluxe pa.
Matapos ang halos isang oras na pag-iintay ay dumating din si Richard kasama sila Jet, Nik at Ronie.
"A-anu pong nangyari kay Andrei?" < --- Mangiyak ngiyak na tanong ni Chard
"Nakita ko siya sa gilid ng School pasuray suray tapos biglang nawalan ng malay, anu bang ginawa mo kay Andrei ha?!" < --- Alexa
"Ha? Ba-bakit naglasing ba siya? Hindi naman kami nag-away eh" < --- Chard
"Sabihin mo nga sa akin Chard, nagdodroga ba kayo?" < --- Ako
"H-hindi po kuya, kahit kalian hindi ko po yayakagin si Andrei na mag-droga, bakit anu po bang findings kay Andrei?" < --- Chard
"Kasi may nakitang trace ng drugs sa baga niya kaya nawalan siya ng malay at nauntog sa bato, worst magka-amnesia si Andrei dahil sa bato tumama ang ulo niya worst is magkaroon siya ng amnesia" < --- Ako
"Hi-hindi, magiging ok si Andrei m-magiging maayos siya, h-hindi, k-kasalanaan ko to! K-kung sana sinamahan ko siyang bumili ng inumin niya kanina" < --- Chard iyak na ng iyak
“Chard, ginawa mo ang lahat ok wala kang kasalanan” < --- Jet
“Tama si Jet Pards” < --- Nik
R i c h a r d --- >>>
Shit! Hindi hindi magkakaroon ng amnesia si Andrei, hindi ko kaya mahal na mahal ko siya hindi ko alam kung isang araw magising siya ng hindi ako kilala parang hindi ko kaya. Pero kung sakaling magkaroon siya ng amnesia, ipapaalala ko sa kanya lahat lahat, happy moments, yung mga tampuhan namin, mga pinagdaanan namin sa mga taong nagnanais na makuha siya sa akin, yung mga nangbugbog sa kanya basta lahat para maibalik lang ang bawat piraso ng ala-ala na nawala sa kanya.
Isang tao lang ang may kasalanan nito eh.
“Saan ka pupunta Chard?” < --- Alexa
“May kakausapin lang ako”
Lumabas muna ako ng kwarto ni Andrei at tinawagan ko ang isang taong alam kong may kagagawan nito, kahit alam ko na wala akong kahit anung ebidensya para akusahan siya.
"Hello!" < --- Ako
"Nakita mo na siya Mr. Alvarez?"
"Oo nasa ospital siya" < --- Ako
"Ha Bakit?!"
"Hindi mo alam ha? Hindi mo alam! H@yop ka sabihin mo anung gamot ang inispray mo ha! t@ng !n@ wag ka magpapakita sa akin Jake Alcarde kapag lang talaga nagkaroon ng amnesia si Andrei humanda ka talaga sa akin, sisiguraduhin ko na masisira ka!" < --- Ako
“T-teka hin….” < --- Jake
Ayoko na siya makausap kaya pinatay ko na agad ang tawag.
“Pards kalma lang wala pa tayong proweba kung may kinalaman si Jake dito” < --- Nik
“Oo nga pinsan, wag muna tayong padalos dalos sa mga sinasabi natin, paano kung hindi pala si Jake tapos nasabi mo sa magulang ni Andrei, and you know Tito Athan kaya niyang gawing miserable ang buhay ni Jake” < --- Jet
“Alam ko naman yun pero hindi ko lang mapigilan ang sarili ko eh somehow malakas ang pakiramdam ko na isa siya sa dahilan” < --- Ako
“Hoooy Sino ang may gawa nun kay Andrei ah?!” < --- Biglang dating ni Alexa
“Hindi pa kami sigurado eh, pero maraming maraming salamat Alexa sa pagliligtas mo kay Andrei” < --- Ako
“Ano ka ba hindi mo kailangan ipagpasalamat yan, friendship kami nan ni Andrei no, eh teka nakit hindi mo sinasagot mga text ko?” < --- Alexa
“mahina kasi signal doon kaya wala ako marecieve tapos noong nagkaroon sunud-sunod dumating ang text mo sabay tawag ni Kuya” < --- Ako
Kanina nung pauwi kami ay bigla na lang inantok si Jet simula nung pumasok sa kotse ni Jake at sabi niya ay may naamoy daw siya dun sa may upuan. At sa parehong lugar ay nakita ang cellphone ni Andrei ito lang ang isa sa tingin kong dahilan kung bakit nahilo si Andrei at nawalan ng malay.
.
. .
"Tito tita may suspect na po ako kung sino po ang salarin pero gusto ko po muna marinig ang panig ni Andrei paggising niya" < --- Ako
“Sabihin mo na Chard” < --- Tito Athan
"Sige anak gusto namin malagot ang taong yun hindi tama ang ginawa niya sa anak ko dapat siyang maparusahan" < --- Tita
“Tulad nga po na sabi ko wala pa po akong matibay na ebidensya, pangako po paggising ni Andrei sasabihin po ko sa inyo” < --- Ako
“Sige aasahan ko yan” < --- Tito Athan
"Sorry p-po kung hindi ko natupad ang pangako ko na p-protektahan si Andrei" < --- Ako
"Ok lang yun iho wala kang kasalanan at wag kang umiyak paniguradong ayaw ka makita ni Andrei na nagkakaganyan" < --- Tito
“Tama ang asawa ko Chard, ikaw nga dapat ang nagpapakatatag kasi alam namin kung gaano mo kamahal ang anak ko” < --- Tita
“K-kasi po ayoko Makita siya sa ganyang lagay eh” < --- Ako
“Kahit kami naman, kaya kailangan nating maging malakas para sa kanya” < --- Kuya Kian
Pumunta ako sa tabi ng kama ni Andrei at hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Babe, patawarin mo ako, hindi kita naprotektahan, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ka nagkaganyan" < --- Maluhaluha kong sabi kay Andrei
"Shh . . . wala kang kasalanan Chard, alam namin yun kahit hindi pa namin alam ang buong kwento" <--- Kuya Kian
“hindi ko lang po maiwasan na sisihin ang sarili ko kuya kung mas naging maalaga lang ako kay Andrei hindi niya dadanasin to” < --- Ako
“Hmm I know how you feel ok? Basta tandaan mo walang sumisisisi sayo” < --- Kuya Kian
"Salamat kuya, tinext ko na po pala sila Daddy papunta na daw po sila dito" < --- Ako
“Good to hear” < --- Kuya Kian
"Papa Chard una na kami nila Jet, Nik at Ronie" < --- Alexa
"Ah eh sige ingat kayo ah" < --- Ako
"Pards gagaling din si Andrei tiwala lang" < --- Nik
"Salamat, sorry hindi ko kayo maihahatid ah, kayo na bahala kay Alexa" < --- Ako
Babe 2 to 3 days ka pa daw matutulog, gumising ka na namimiss ko na ang boses mo agad, yung minsan mong pagsusunget, Yung paghiga mo sa braso ko at mga banat mong tagos puso.
Anu ba yan naiiyak nanaman ako, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari eh kung sana nasa tabi mo ako bago ka nawalan ng malay sana ayos ka lang ngayon.
Babe gumising ka na oh.
.
. .
Dumating si Daddy at Kuya Adam
"Kamusta si Andrei?" < --- Daddy
"Medyo ok naman Sam pero after 2 to 3 days pa siya magkakamalay" < --- Tito Athan
"Tol ayos ka lang?" < --- Kuya Adam
"Ayos lang ako kuya pe-pero si Andrei . . . Nakakainis kung nandoon lang ako sa t-tabi niya eh hindi to mangyayari" < --- Ako
"Anu ka ba tol wala kang kasalanan, kung gising si Andrei sasabihin din niyang wala kang kasalanan" < --- Kuya Adam
“Tama anak, walang sumisisi sayo aksidente ang lahat” < --- Daddy
Nagtagal din sila daddy at kuya dito nakikipag-kwentuhan kila Tito at Tita, samantalang ako nandito lang sa tabi ni Babe pinagmamasdan ko. Hindi nila ako makausap ng matino wala akong ginawa kung hindi hawakan ang kamay ni Babe maparamdam ko lang sa kanya na nandito ako, na wag siyang susuko kasi gusto ko pa siya makasama ng mahabang panahon at magkasabay naming tutuparin ang mga pangarap namin.
.
. .
"Chard sumabay kana sa muna sa daddy mo, kami muna ang magbabantay" < --- Kuya Kian
"Pe-pero" < --- Ako
"Tama si Kian, magpahinga ka muna, tingnan mo itsura mo you loom lifeless" < --- Kuya Adam
“Ok lang po ako, kaya ko pa naman po” < --- Ako
“Chard sige na kailangan mo din magpahinga tingnan mo sarili mo muka kang pagod” < --- Tito
“Oo nga tol baka ikaw naman ang magkasakit nan at hindi ka pa makapunta dito” < --- Kuya Adam
"s-sige na nga po. Babe uwi muna ako ah, wag ka aalis dyan ako magbabantay sayo bukas ok? Magpagaling ka ah mahal na mahal kita" < --- Ako
.
. .
Umuwi na kami nila Daddy at kuya, may sinasabi sila sa akin nung pauwi pa lang kami pero wala na ako naintindihan, walang laman ang isip ko kung hindi si Andrei ayoko na nasa ganyan siyang kalagayan hindi ako mapalagay, pagkatapos hindi pa nila ako pinayagang magbantay.
Hindi ko alam kung makakatulog ako.
Pagpasok namin sa bahay derecho agad ako sa kwarto, tinatawag ako ni mommy pero ayoko muna makipag-usap kahit kanino. Narinig ko na lang na sinabi ni papa na hayaan na lang muna ako.
.
. .
Hindi ako makatulog tsk. Tama nga ang sabi ni Andrei nung may lagnat ako dati, hindi ka makakatulog ng ayos kapag hindi maayos ang kalagayan ng taong mahal mo.
“aaaaargh!”
Hindi ako mapalagay dito nakakainis
Naalala ko nasa akin pala ang cellphone ni Babe binuksan ko ito.
Bumulaga sa akin ang picture ko na natutulog nakanganga at tulo ang laway, adik talaga to si babe,
Napansin ko yung maliit na caption dun sa Picture.
"He's my life now <3 RA-21"
Nakakainis to si Babe, hindi ko mapigilang maiyak.
Binuksan ko ang Photo Gallery at doon ko nakita ang mga picture namin ni babe. napansin ko yung picture na may drawing ako sa muka.
Flashback -- >>
Pumunta ako sa banyo para maghilamos.
O___O
"Babe! Anu nanaman to!" < --- Ako
Binalikan ko si Andrei sa kama at nagtutulugtulugan pa din, kaya pala nakangiti tss
"Bakit mo naman ginawa drawing board ang muka ko ah!" < --- Ako
Doon na hindi nakapagpigil ng tawa si Babe.
"hahaha! Sorry Babe ang tagal mo kasi magising eh!" < --- Andrei
"Lakas trip mo ah, kapag ako unang nagising lalagyan ko ng mapa ng Pilipinas buo mong katawan" < --- Ako
"Teka babe hindi lang sa muka mo may drawing" < --- Andrei
"Ha? Saan pa?" < --- Ako
"Wait" < --- Andrei
"Oi oi oi anung ginagawa mo?" < --- Ako hinuhubad kasi ni Andrei Boxer ko.
"Timang nandito yung Obra Maestra ko" < --- Andrei
Nakita ko ang ari ko may mata at may pangil sa dulo =___=
"Ang cute oh hahaha!" < --- Si Andrei habang dinudutdot.
Eh unti unting Lumaki X)
"Ayan Babe nag mala-Hulk na ginalit mo eh" < --- Ako
"Masyado namang pikon yan dinudutdot ko lang" < --- Andrei
"Ayan naglaway" < --- Ako
"Tara na bangon na tayo" < --- Andrei
"May pinasasabi siya sayo babe" < --- Ako
"Hindi ako interesado tara na dali" < --- Andrei
"Pinasasabi niya na LAGOT KA DAW SA KANYA YIEEAAAH!" < --- Ako at dinaganan ko si Andrei at kiniliti
"Wahahaha! Ayoko na hahaha! Tigil na hahaha!" < --- Andrei
"Dahil Bad boy ka . . ." < --- Ako
"Hinde! Ayoko! Umagang tapat!" < --- Andrei
"Kaya nga naka flag ceremony oh" < --- Ako sabay nguso sa brief ko
"Iih dami mong nalalaman! Ayoko nga idedemanda kita ng Sexual harassment!" < --- Andrei
“Human rights ko to Babe, tayo kaya, at ayon sa family code normal lang ang ginagawa ko at walang law ang naviviolate” < --- Ako
“Anong Family code naman yang binasa mo hahahaha tamana! Hahaha” < --- Andrei
Nagpangbuno kami ni Andrei sa kama, masyado akong ginaganahan dito kay Babe eh.
KABLAG!
Dahil sa sobrang gaslaw naming dalawa nahulog kami sa kama.
“Aray . . . .”
End of Flash back -- >>
Sa isang litratong yon, punong puno ng ala ala, hindi ko mapigilang umiyak.
Nagtingin tingin pa ulit ako at nakita ko naman yung picture ng sirang side mirror ng sasakyan ko.
I still remember that . . . just like it happened yesterday.
Flashback -- >>
Isang araw wala kaming magawa ni Babe, nakahiga lang kami sa kama ko at nakatingin lang sa kisame. Nakahiga siya sa tiyan ko.
“Babe ang boring” < --- Andrei
“Oo nga eh, gawa tayo Baby?” < --- Ako
“Ayoko mainit Babe, ang hilig mo talaga” < --- Andrei
“Buksan natin aircon para malamig” < --- Ako
“Ayoko pa din” < --- Andrei
“Eh anu gusto mo gawin?” < --- Ako
“Punta tayong Enchanted kingdom” < --- Andrei
“Ok lang tara?” < --- Ako
“Hmmmm wag na nga lang tinatamad ako eh” < --- Andrei
“Ok” < --- Ako
“Alam ko na, turuan mo na lang ako mag-maneho” < --- Andrei
“huh? Ikaw eh natutulog ka lang naman sa biyahe eh” < --- Ako
“hmmmp ayaw mo lang ako turuan eh” < --- Andrei
"Why do you
want to learn?"
“Para naman kapag pagod ka na sa pa-dadrive ako naman” < --- Andrei
“Alam mo Babe kahit mapagod ako basta para sayo, ganyan kita kamahal ayoko na napapagod ka” < --- Ako
“Thankyou Babe ang keso mo ngayon ah . . . pero turuan mo na ako dali” < --- Andrei
“Sige na nga” < --- Ako
.
. .
Nandito kami sa hindi mataong part ng subdivision I have a feeling na hindi magiging madali turuan to si Babe eh and teaching him was a bad idea.
"Ayan ah
naturo ko na yung mga function ah now you try it" < --- Ako
"Ok hehe eto
na" < --- Andrei
"Aaaah babe
chill! Wag mo masyadong tapakan yung gas bibilis"
"Ang bagal
eh" < --- Andrei
"Nagpapractice
pa lang tayo Babe at take note driving ang tinuturo ko hindi racing" <
--- Ako
"Ay anu to? Ay
ang cute may lumabas na tubig tapos ni wiwipe ng wiper hahaha" < ---
Andrei
"Ay
naglaro?"
"Sunget
naman" < --- Andrei
“ok po” < ---
Andrei
“Waaaaah preno!”
< --- Ako
(SCREEEEEEEEECH!!!!!!!!)
“S-sorry Babe” <
--- Andrei
Lumabas ako at
nakita ko na tumama yung side mirror ko sira, tumama sa poste, basag.
“Ayan, I told you
to be gentle!” < --- Ako
“Hindi ko naman
sinasadya eh sorry na” < --- Andrei
“Hindi naman ako
doon nagagalit eh ok lang masira mo yan madali lang yan palitan eh ang
kinagagalit ko lang masyado kang nagmamadali, tingnan mo masyado ka mabilis
magnameho paano kung naaksidente tayo?”
“Eh sorry na nga
po” < --- Andrei
*KISS
“Sorry
na ah” < --- Andrei
“Ok
sige na” < --- Ako
“Ok na
daw nakasimangot ka pa hmmm” < --- Andrei
“Oh
ayan . . .” < ---- I gave him a sarcastic smile
“Muka
kang ewan wag mo nang gagawin yan ulet” < --- Andrei
“Ah
ganon?” < --- Ako
“Oo! Wahahaha”
< --- Si Andrei nagtatakbo
“Halika
dito!”
“Asa ka
naman na mahhabol mo ako” < --- Andrei
“Oo
naman hindi ka naman mabilis tumakbo eh, magaling ka lang magtago”
Naghabulan
kami ni Babe sa Buong subdivision, walang kapaguran para kaming mga batang
nakawala sa hawla.
Biglang
bumuhos ang ulan.
Patuloy
pa din kaming naghahabulan.
“Huli
ka!” < --- Ako
Niyakap
ko siya, tumingala sa langit at sabay naming dinamdam ang bawat pagpatak ng
ulan sa aming mga mukha.
“Alam
mo dati hindi ko naapreciate ang ganitong mga bagay, pero kapag kasama kita
kahit gaano kasimple nagkakaroon ng maraming masasayang ala-ala”
“Ako
din, sana sa mga sumunod na araw ganito pa din tayo, parang bata” < ---
Andrei
“Oo
naman”
Hinalikan
ko siya sa gitna ng kalsada sa kasagsagan ng ulan walang pakialam sa
nakakakita, kami ang nagmamahalan dito, hindi sila.
Binuhat
ko siya at inikot ikot.
“Wooooh!
I love you Andrei de Dios!!!”
“I love
you too Richard Alvarez!!!”
End of Flashback -- >>
Walang
tigil ang pagtulo ng luha ko, lahat kasi ng mga litrato sa phone ni Babe may
mga istorya sa likod nito.
“S-sana maging maayos k-kana Babe miss na miss na kita, masyadong tahimik ang buhay ko kung wala ka”
Wala akong ginawa magdamag kung hindi umiyak ng umiyak, yung mga luha ko walang pagkaubos Oo ayos na ang kalagayan ni Babe ngayon pero ayokong nakikita siya sa ganoong itsura kung sana mas naging alerto ako ng mga oras na yon hindi mangyayari to sa kanya.
Sa labis na pag-iyak ay hindi namalayan na nakatulog na pala ako.
Itutuloy >>>
Comment :)
Di pa rin tinantanan ni jake si andrei..alam namn niyang bawal ang teacher-student relationship..haissst
ReplyDeleteHi kuya george michael hahaha a.k.a kuya bear chubby ek ek, haha babasahin ko na po, support ako lagi syo kuya bear, walang iwanan! from your ngets :P
ReplyDeleteWawa naman :(
ReplyDelete-Uh
San.na next chapter?:-(
ReplyDeletei cant wait for the next :))
ReplyDeleteMORE MORE :)
Harrassment iyong ginawa ni jake kidnapping pa.Felony case.
ReplyDeleteAww nabitin ako
ReplyDeleteSoon po yung Update :)
ReplyDeleteMaraming salamat po :)
-Gio Yu
San n next chapter? Ung book2 ng gapangin mo ako kelan llbas?
ReplyDelete