Followers

Friday, December 6, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 11]






Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 9 | 10

Note

1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 11. Abot-langit pa rin ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng mga komento dito sa mga kabanata ng kwento na ginawa ko. Pati na rin sa mga silent readers, salamat po talaga! (Sorry po kung hindi ako tumutugon o nagrereply sa mga comments tsaka hindi ko po kayo na special mention kasi puputol-putol ang internet namin, parang tanga lang, nakakawarla.)


2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3 


3. Ang updates ko po ay every Tuesday at Friday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito.


4. Humihingi po ako ng paumanhin para sa mabagal na pag-update. Hindi na po mauulit. Hindi po ako nakapag-update noong Friday last week dahil sa emergency. May naospital po sa pamilya ko and kailangan ng doble kayod sa part-time. Sorry na po talaga. Patawarin niyo sana po ako.

Enjoy!

Disclaimer:


1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.


2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.

3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook accountwww.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!

---



Chapter 11

Dimitri, sorry...

Oo, kitang-kita niya ang walang malay na si Dimitri. Kay Dimitri pala ang sasakyan na iyon. Hindi pa niya nakita ang ganoong uri ng sasakyan na ginamit ni Dimitri kahit kailan. Mas nataranta si Angelo. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, nanginginig siya at hindi siya makapaniwala na heto ang kanyang taong nagpahirap sa kanya. Hindi nga niya alam kung matutuwa ba siyang naaksidente si Dimitri o maaawa.

Kahit binitawan na niya si Dimitri, may sumusundot pa rin sa kanyang puso. May bahagi pa rin sa kanya ang naaawa kay Dimitri. Pagmamahal, o pakikipagtao? Hindi natin alam. Basta ang nasa isip niya, kailangan matulungan si Dimitri.

Pero paano naman si Gio? Sigurado, maghihintay iyon at magagalit sa pang-iiwan ni Angelo. Sinubukan niyang itext si Gio pero hindi ito umaandar. Kung kailan kailangan niyang makausap si Gio ay doon naman magkakaroon ng sayad ang cellphone niya. Hindi niya rin kabisado ang numero ni Gio. Patay, bahala na. Sana maiintindihan ako ni Gio.

Habang naghihintay sa pagdating ng ambulansya, naaamoy niya ang leeg ni Dimitri. Amoy alak. Naglalasing tapos di kayang makadrive. Naku, ginagago talaga ang sarili oo. Gusto na yatang mamatay eh.

Pinulsuhan ni Angelo si Dimitri. Nang pakiramdaman niya, may pulso pa si Dimitri. Matapos ang sampung minuto ay dumating na ang ambulansya. Kinuha na si Dimitri at pinapasabi na lang ng mga nurse na sumunod na lang siya sa Provincial Hospital na nasa bayan lang nila.

"Kailangan pa ba po talaga? May lakad pa kasi ako." Nag-aalangan si Angelo. Mas kailangan niyang puntahan si Gio.

"Hindi naman sir. Pero mas mabuti iyong may makakabantay sa pasyente para may mapagsabihan kami kung anuman po ang mangyayari." Pumasok na ang nurse sa loob ng ambulansya at humarurot na ito.

Nasa gilid lang si Angelo nag-iisip kung ano ang nararapat gawin. Kailangan may magbantay kay Dimitri. Baka kung mapano pa iyon at walang makakapagsabi kay Tito Jun. Pero paano si Gio? Lord tulungan mo ako! Sigaw ni Angelo sa isip habang umiiyak.

Sunod na dumating ang mga pulis matapos ang dalawampung minuto. (Palaging late talaga, leche.) Pinatawag siya bilang saksi sa insidente at kinuwestyon. Iniinterrogate si Angelo at ang mga taong nakakita sa aksidente. Sinabi rin ni Angelo na kaibigan niya si Dimitri at kung anu-ano pa.

Matapos ang tatlumpung minutong pag-iinterrogate. Pumadyak na naman si Angelo patungo sa hospital. Mas kailangan ako ni Dimitri ngayon. Sorry Gio. Sana maunawaan mo ako. Walang tigil ang kaniyang pag-iyak habang tinatahak ang daan. Dala-dala niya pa ang kakainin sana nila ni Gio. Nang nakarating na sa ospital, nagtanong siya sa information desk kung saan ang room number ni Dimitri at binigyan naman siya ng room number. Kaagad naman siyang sumakay ng elevator at tinungo ang silid ni Dimitri.

Pagbukas ng pintuan, nakita niya si Dimitri na may brace sa leeg at isang nurse na sinasabit na ang IV fluid. Isang kalunus-lunos na imahe para kay Dimitri. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito.

"Ay Sir Salviejo, andito na po pala iyong taong nakakita sa inyo. Ayos na po ang pasyente, mabilis po siyang naaksyunan ng team." Ngumiti ang nurse at umalis na. Nasa gilid lang ng silid si Angelo at minamasdan ang taong minsan niyang inibig.

Natahimik si Dimitri. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Nagtitigan silang dalawa. Dahan-dahang lumalabo ang paningin ni Dimitri dahil sa luha.

"Oh, Dimitri? Kamusta ka na?" Chill na bati ni Angelo habang umuupo sa kama. Nakangiti na si Angelo. Wala na ang sakit na dinulot ni Dimitri sa mga nakaraang araw.

"H-How did you f-find-" Nauutal si Dimitri at hindi niya inaasahan na ang magliligtas sa kanya ay ang taong sinaktan niya.

"Nagbike kasi ako sa kahabaan ng highway nang sa di kalayuan ay bumangga ang kotse mo sa poste. Nataranta ako kasi iilan lang kaming witness eh. Kaya ayun binasag ko ang bintana ng kotse mo, binuksan ang lock, nilabas ka, at pinahiga sa kalye." Umisa ang kilay ni Angelo at ngumiti. Pinanatili niya ang cool niyang ugali at pinilit na huwag madala sa nakaraan.

"Oh. Ok. Aren't you mad at me?" Yumuko si Dimitri habang pumapatak ang mga luha. Nagulat si Angelo sa tanong ni Dimitri. Nginitian niya ito at tinapik sa balikat.

"No. I was never mad at you. Somebody told me that I should learn to be cool, to learn to forgive others and myself, to not be too aggressive and to not blame everyone else." Nakatingala siya sa taas at iniisip si Gio.

"I-I thought-" Nag-angat ng ulo si Dimitri at kitang-kita ni Angelo ang mala-anghel na mukha nito na umiiyak. Sa di inaasahang pagkakataon ay parang kumabog ang kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ni Angelo sa nangyari. Hindi pwede 'to.

"Dami mong satsat. Wala nga. Hindi ako galit sa'yo. Sapakin kita diyan." Tinatanggal ni Angelo ang pagkailang at iniba niya ang paksa ng pag-uusap.

"Thanks Angelo. You saved me again." Humahagulgol na si Dimitri.

"No. I didn't. I found you during the time you were almost dead." Iniiwasan ni Angelo na tingnan ang mukha ni Dimitri.

"Pareho lang iyon. Thank you talaga!" At tuluyan nang bumigay si Dimitri sa bugso ng kaligayahan. Bumubuhos ang kanyang mga luha at niyakap niya si Angelo. Hindi niya alintana ang higpit ng brace sa kanyang leeg. Sa puntong iyon, mas bumibilis ang tibok ng puso ni Angelo. Nagpaubaya siya ng yakap, ngunit may alam siyang isang bagay: Hindi pa pala talaga. Mayroon pa rin talaga.

"Wala iyon. Ano ka ba. Kaibigan pa rin naman tayo eh." Kumalas si Angelo sa pagkakayakap at pinilit ang tumawa.

Katahimikan.

"Angelo?" Tinignan ni Dimitri sa mata si Angelo. At parang may kilig na naramdaman si Angelo. Nailang si Angelo at umiwas siya ng tingin.

"Hm?"

"Hindi ka ba nagalit sa mga sinabi ko the last time we saw each other?" Natigilan si Angelo. Hindi niya akalain na mas mapapaaga ang tunggalian nila ni Dimitri. Bahala na, sasabihin ko na lang ang katotohanan!

"Nabigla, yes. Nagalit, no. And if ever magagalit man ako, maybe to myself. I just let go. Let go ka na rin. Wala na iyon. Ano ka ba." Hilaw na ngiti ang binato niya kay Dimitri.

"Thank you Angelo ha. I can never express how thankful I am." Isang sinserong ngiti ang nakita ni Angelo habang ang luha ni Dimitri ay dahan-dahang gumagapang sa kanyang pisngi.

"Don't mention it. Siya nga pala, bakit ka naglalasing?" Paglihis ni Angelo sa topic.

Natahimik si Dimitri.

"I mean, I'm sorry. Maybe we can not talk about it." Sabi ni Angelo nang maramdaman niya ang pananahimik ni Dimitri.

"Actually Angelo, Maryanne broke up with me." Nagulat si Angelo. Parang may saya siyang nararamdaman sa puso, at lungkot dahil sa pagkabigo ni Dimitri. Tuloy-tuloy na ang pag-iyak ni Dimitri.

Pagkabigo nga ba talaga o dahil alam kong hindi ako ang iniiyakan niya?

"O, tapos?" Pinilit niyang blangkuhin ang mukha niya.

"She said she's tired to see me like this. Ikaw kasi. Bakit ka umalis ng dorm room?" Pinunasan ni Dimitri ang kanyang luha at hinampas sa balikat si Angelo. Deep down parang kinilig si Angelo at nararamdaman niyang meron pa talaga siyang nararamdaman.

"A-Ah. Wala! Kailangan ko lang lumipat kasi may project kaming gagawin." Nagdadahilan si Angelo habang lumilipad ang tingin.

"Talaga? Bakit hindi mo ako kinikibo days before?" Ngumiting aso si Dimitri.

"Bakit, may reason ba naman ako para kibuin ka those past few days?" Nagtataray si Dimitri ngunit mas lalong tumatawa si Dimitri.

"It was sad Angelo. I mean, how could she break up with me? I did everything I can. We even had sex, I never have sex with anyone anytime! I thought she was the love of my life."

Narinig lahat iyon ni Angelo. Pero parang wala lang sa kanya. Hindi na masakit pa ang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Maryanne, kasi nakapagmove on na siya. Okay na siya, at malungkot siya para sa kaibigan niyang nabroken hearted. Pero ala, niyang may nararamdaman pa talaga siya.

Nag-iiiyak na si Dimitri sa kwarto. Ramdam na ramdam ni Angelo ang sakit na nadarama ni Dimitri, hindi naman kasi siya makapaniwala na hiniwalayan siya ni Maryanne. Okay naman si Dimitri, wala namang alam na third party itong si Angelo. Bakit naman sila naghiwalay?

"Bakit naman siya nakipagbreak?" Seryosong tanong ni Angelo.

"Kasi, hindi raw siya para sa akin. I was petrified! Masakit! Tangina! I will never fall in love with sorority girls anymore." Tumutulo na naman ang kanyang luha habang nakalabas ang nguso.

"Naman, wag mong igeneralize. Subjective naman iyang case mo eh." Tumawa si Angelo.

"Tumawa ka pa. Halika nga dito Angelo. Payakap naman." Nagulat si Angelo sa request ni Dimitri. Nag-aalangan siya ngunit sa huli, nagpaubaya na lang siya. Lumapit si Angelo at niyakap siya ni Dimitri. Ramdam ni Angelo ang bawat luha na pumapatak mula sa mga mata ni Dimitri. Bumabasa ang kanyang balikat dahil sa patuloy na pag-agos ng kanyang luha.

"WHY DID SHE DO THIS TO ME ANGELO? I LOVED HER MORE THAN I LOVED MY OWN!" Sigaw ni Dimitri, habang hinahampas ang likuran ni Angelo.

Naaawa si Angelo sa kanyang kaibigan. Gusto niya itong pasayahin pero alam niyang masyado pang sariwa ang sugat.

"Ssssssh, Dimitri. Everything's going to be alright. Everything's going to be alright." Pag-aalo ni Angelo. Tumahan nang bahagya si Dimitri at kumalas sa pagkakayakap kay Angelo.

"So, how are you Angelo?" Sabay pahid ng mga natira niyang luha.

"Don't change the topic Dimitri. Harapin mo iyan. Learn to be strong." Matigas na wika ni Angelo.

"I will Angelo. Someday. How are you nga?"

"I'm fine. Rumaracket ulit kami ni Gio. Balik ala-ala lang kasi wala na namang ganito when classes start."

"Yeah. Right. Gio..." Umirap si Dimitri.

"Dimitri?"

"Yeah?"

"When did you break up?" Tanong ni Angelo.

"After the day you left."

Natigilan si Angelo. Naalala niya kasing si Maryanne na tumawag sa kanya noong gabing umuwi sila ni Gio sa probinsya. Then the next day, nakipagbreak si Maryanne, bakit? Tatawagan ko siya mamaya. Pero may lakas ba talaga ako?

"Wow, parang bad luck naman ako." Naiilang na tawa ni Angelo.

"No, that was the only day that I can remember. Gago ka kasi sinaktan mo ako!" sabay batok kay Angelo. Tawanan.

"Bakit ba, ano bang ginawa ko?" Napaliyad si Angelo at nakataas ang kilay.

"Di ba sabi ko sa'yo ayaw ko maging mapag-isa! Ayaw kong maging loner! Gusto ko ng atensyon mo! Lumalayo ka eh! Tapos lumayas ka pa! Hm!" Nakatupi ang kanyang mga braso at nakanguso.

"Tumigil ka diyan Dimitri ha, baka ginagamit mo na naman ako para sumikat ka." Pinakitaan niya ng kamao si Dimitri.

"No. Okay, let's say that's another topic. Pero personally, bakit ka lumayo?" Seryosong tanong ni Dimitri. Nataranta si Angelo at kaagad siya nag-isip ng dahilan.

"I-I just got busy." Nauutal na sabi ni Angelo.

"Wala ka man lang time para sa akin! Naging loner tuloy ako. Walang kaibigan." Sumandal si Dimitri sa kanyang kama habang nakalabas pa rin ang nguso.

"Bakit ka naman magiging alone. Marami ka namang kaibigan." Kumunot ang noo ni Angelo.

"'Kaibigan' Angelo, hindi 'kasama' o 'kaklase'" Hinampas ni Dimitri si Angelo sa braso.

"May girlfriend ka naman? Bakit kailangan andiyan pa talaga ako? May ginagawa naman akong iba?"

"Iba yung girlfriend ko! Kaibigan ang hinahanap ko hindi girlfriend!"

"So nabobored ka sa mga taong nagmamahal sa'yo, ganon?"

"Kulang eh! Walang kaibigan."

"Mukha mo. Malay ko ba gagamitin mo naman ako. Sarap mong sapakin."

"Naging miserable tuloy ako dahil wala akong makakausap noong nagbreak kami ni Maryanne." May sundot sa puso na naramdaman si Angelo.

"Ginawa mo pa akong psychologist!"

"Thank you Angelo ha at palagi kang nandiyan. I only felt a friend in you. Alam mo ba most of my life is very down and lonely. Sorry kung minsan nakukulitan ka sa akin. Kasi, I only wanted a baby brother. That's all. But my mom died so soon. I ask questions about mom kay dad, but he wants me not to ask about it. He says mom is a bad person, even though she died, she didn't choose us. She chose his another man. Masakit. And iyan din ang sabi ng yaya namin. See, dad doesn't want to get married again. So everytime dad works, I'm all alone. Kaya medyo KSP ako. And I know you're strong, I know you can handle me. That's why I always want to be with you. Masarap ka kasing kasama. Even though I'm older than you, you are more mature. Kung pinagtabi nga tayo, ako nga iyong nakatatanda, ikaw naman ang mas matanda mag-isip." Napabuntong hininga si Dimitri. Nakatingin lang si Angelo sa kanya.

"Sure, mayaman kami. Sure may bahay, ari-arian, kotse, pera, lahat. But I don't have a family. Dad may be my family, but he's always away. So I never really felt a family in him. I know he's always away because he has to work, but thinking na single parent na nga siya, workaholic pa talaga siya. I need a father, he gave me babysitters. I really don't need people to take care of me, I need people to understand me. Actually, si yaya na lang nga ang matuturing kong pamilya. Then I met you. I knew that you will be different. I know that at some point of my life, you will be important. And yes, you are important to me. You're a family to me. I never felt the sparks of family before I met you. You are such an amazing guy. You are a brother to me, and at the same time, you are a father to me. That was why I was so down when you started not talking to me. I thought, okay, baka busy ka lang. But when it got longer, nasasaktan ako. I can't help but think, nasaan ba ako nagkamali para iwasan mo ako."

"Sure, I had friends, but in my life, I don't really need friends. I need a family. I need you. Call me selfish, but I can't help but think you have a special space in my life. Even dad cannot afford to take care of me for a very long time, but you did. And I wanted to feel that again."

"Mas lalong sumakit nang umalis ka. When we were not talking, it seemed like parang may alitan lang tayo. Parang bro fight. But you left me. Umalis ka. At that point, inisip ko na baka wala na akong pamilya? Baka hindi mo nararamdaman ang pangangailangan ko sa'yo? You are one of the people who can read me and can understand me. But umalis ka. Masakit."

Nagiiyak na naman si Dimitri. Walang magawa si Angelo kung hindi ang yakapin siya.

"I'm sorry Dimitri. Sa akin naman, I felt like hindi mo ako kailangan sa buhay mo. I felt parang pampagulo lang ako. I never knew that's how you saw me. I hope you forgive me. The reason I left the dorm is nasasaktan ako." Sabi ni Angelo.

Wait? Nasasaktan ako? Bakit ko sinabi iyon! SHIT! I'm fucked! Baka malaman niyang minahal ko siya!

"Nasasaktan?" Naguguluhang tanong ni Dimitri.

"A-Ah, o-oo! N-nasasaktan! Di mo rin kasi ako kinakausap eh. Kaya akala ko galit ka rin sa akin."

"Ahhh, ganon pala." Sabay simangot si Dimitri na parang hindi kumbinsido sa sagot ni Angelo.

"Pero don't worry Dimitri. I'll bring that back up. Ako ang magiging tatay mo, magiging baby bro mo, magiging uncle mo, at kahit ano pa man. Okay?" Ngumiti si Angelo. Tama na siguro iyong masakit ang puso. Kailangan ko nang tanggapin ang mga nangyari.

Ngumiti si Dimitri sabay pahid sa kanyang luha.

"Thanks Angelo. You're the only person I have." Sabay yakap.

"Pero can I say one thing?"

"Yes?"

"Can we stop the bromance thing? Awkward kasi. Tsaka I trust you, kaya ayaw kong gamitin ako at ayaw ko ring isipin mo na ginagamit kita. Basically, that's not why I'm in school for. I hope you understand." Ngumiti si Angelo.

"I'm sorry about that too. Gusto ko lang naman na hindi ka umalis. And never I knew, nagamit na pala kita upang sumikat ako. Until then, nauunawan mo pa rin ako. I can never ask for more." Tinapik niya sa pisngi si Angelo.

"Thank you. If we trust each other, we should go back to zero. And let's build a better foundation of love." Nagulat si Dimitri sa sinabi ni Angelo. Natigilan siya.

"Love?"

Shit! Bakit ko sinabi iyon. Hindi na naman ako kinilig at hindi na masakit. Right now, I feel nothing for him. I moved on. And I don't want Gio to be disappointed. It's okay, I'll talk to him about it. Maiintindihan niya rin naman siguro ako. Nataranta si Angelo at hindi mapakali ang isipan sa susunod na sasabihin.

"N-no. I mean love, friendly love, as a friend. Trust. Hehe." Nakataas ang kilay niya at pabirong tumawa.

"Correct. I'm sorry. Angelo, thanks for understanding me. Simula nang binully kita noong first sem, hanggang sa ginamit kita. I hope you still forgive me. Hindi na kita sasaktan muli." Sinserong mala-anghel na ngiti ang nakita ni Angelo. Gumaan ang kanyang pakiramdam sa narinig.

"No need. Tapos na iyon." Masaya naman si Angelo dahil at least, wala na siyang bigat sa puso.

Nasa masaya silang pag-uusap nang nag-ring ang cellphone ni Angelo. Nagulat siya kasi kanina hindi umandar ang cellphone niya ngunit ngayon nagring na ito.

"Teka lang Dimitri ha. Sagutin ko lang to." Pamamaalam niya kay Dimitri. Tumango naman si Dimitri.

"Hello?"

"Hoy! Ugok! Nasaan kana? Biyente-sais na uy! Mag-aala una na!" Sigaw ni Gio sa kabilang linya. May tonong inis at galit ang kanyang narinig.

"Ay putek! Sige wait lang. Papunta na ako diyan." Sagot ni Angelo. Pinatay niya na ang tawag.

"Dimitri. Kailangan ko nang umalis. May lakad pa kasi ako." Tumayo si Angelo at nag-ayos ng gamit. Hindi maipinta ang takot sa kanyang mukha dahil sa taranta.

"Wait. Can't you stay for an hour?" Nakiusap si Dimitri sabay hawak sa kamay ni Angelo. Hindi na nagpadala si Angelo at hinawi kaagad ang pagkakahawak ni Dimitri.

"No. Importante kasing lakad to."

Bubuksan na sana ni Angelo ang pintuan ng biglang bumukas ito. Nakita niya si Tito Jun.

"Hoy! Saan ka pupunta Angelo, uuwi ka na?" Si Tito Jun.

"Yes po. May lakad."

"Huwag na muna. Dito ka na muna. Halika." Hinila niya si Angelo pabalik sa kinauupuan niya.

"Bakit nandito ka pala Angelo?" Tanong ni Tito Jun.

"Actually dad, he found me." Sagot ni Dimitri.

"Talaga? Sana hinayaan mo na lang si Dimitring mamatay para naman matuto. Lasinggero. Paano iyan di ka na makakadrive?" Sabay batok sa kanyang anak.

"I can. Pero matatagalan siguro. Binawi kasi nila iyong license ko. And I'm still not yet 18."

"See? Suffer. Ako na bahala. I wouldn't want this to happen again."

"I'm sorry dad."

"Learn from your mistakes."

Tuloy tuloy ang mag-ama sa pagkuwento. Paminsan-minsan namang nagpapaalam si Angelo na aalis na ngunit hindi talaga siya pinapayagan.

Hindi na makapagsalita si Angelo kasi kailangan na niya talagang umalis. Dalawang oras nang naghihintay si Gio sa kanya. Sunod sunod na pagvibrate ang natanggap niya sa kanyang cellphone. Ngunit hindi na niya muna ito pinansin.

From: Gio Sent: 1:02 AM
Nasaan ka na? Ala-una na. Okay lang kahit hindi masarap dalhin mo. Dali na.

From: Gio Sent: 1:04 AM
Tol? Nasaan ka na? Puntahan na lang kita sa inyo?

From: Gio Sent: 1:21 AM
Tol? Saan ka na? Nasa labas ako ng bahay niyo.

From: Gio Sent: 1:35 AM
Nasaan ka na? Okay ka lang ba? Babalik ako sa pantalan okay?

From: Gio Sent: 1:50 AM
Dito lang ako. Nakakatampo ka na ha.

From: Gio Sent: 2:00 AM
Alas-dos na zzzzzz

From: Gio Sent: 2:30 AM
Bahala ka nga diyan!

Sa puntong ito. Hindi na nagpaalam si Angelo. Kaagad na siyang tumakbo at binuksan ang pintuan. Mabilis siyang tumakbo kasi baka pigilan na naman siya ng mga taong hindi niya kayang ayawan.

Pagkababa niya, sumakay siya sa kanyang bisekleta at pumapadyak papuntang pantalan. Medyo mahaba-haba ang padyakan kasi malayo-layo na kasi ang pantalan mula sa hospital.

Alas tres na nang makaabot siya sa pantalan. Sinuyod niya ang kahabaan ng coastline at pantalan pero wala siyang makitang Gio. May nakita siyang isang carpet sa may damuhan na pinatungan ng coke litro at basket, ngunit wala si Gio.

Patay, nagtampo na iyon. Baka nasa bahay. Argh! Ang tanga tanga!

Agad namang kinuha ni Angelo ang basket at coke at inilagay sa basket na nasa likod niya. Agad siyang sumakay sa kanyang bisekleta at nagmamadaling makaabot kina Gio.

Hindi pa nag aalas kwatro ay nakaabot na siya kina Gio. Ngunit nakasara na ang kanilang bahay at naupo na lamang siya sa bangko. Hinila niya ang kanyang bike at pinadlockan ito sa isa sa mga bakod ng bahay nila ni Gio.

Baka natutulog na, hihintayin ko na lang na bumukas ang bahay nila.

Sa kahihintay ni Angelo, di niya namalayan na nakatulog na pala siya sa bangko. Antok na antok na rin kasi siya.

------------------------

"ANGELOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Gising na! Mag-almusal ka na!" Tili ng isang babae mula sa baba.

Tita Criselda? Binuksan ni Angelo ang kanyang mga mata at nasa isang kwarto pala siya. Nakahiga sa isang kama at kinapa-kapa kung sino ang katabi niya.

Si Gio.

Nang maramdaman ni Gio ang kamay ni Angelo, winakli niya ito, bumangon mula sa kama at bumaba na. Galit ang mukha nito at parang hindi nag-eexist si Angelo.

Galit pa rin ba siya?

Hindi niya rin naman masisisi si Gio. Alam niyang galit na galit pa rin ito sa kanya dahil sa hindi niya pagsipot sa usapan nila kaninang madaling araw.

Dinig na dinig niya ang padabog na pagbaba ni Gio.

Wala siyang nagawa kung hindi ang manahimik. Tumayo na siya at inayos ang hinigaan nila ni Gio. Tapos, marahan siyang bumaba ng hagdanan.

"Tita, si Gio po?" Mahinang tono ni Angelo.

"Ay naku. Nasa banyo nagtotooth brush. Bakit nasa labas ka nga pala ng bahay? Bakit di ka kumatok kaninang madaling araw hijo? Nag-alala tuloy si Gio sa'yo!" Nagulat siya sa narinig kay Tita Criselda. Parang lumiwanag ang kanyang mukha.

"Naku, baka maistorbo ko po kayo." Nahihiya niyang sambit.

"Ikaw naman. Ayos lang. Parang anak ka na nga namin eh. Hinihintay na lang naming ipamigay ka ng nanay mo. Sus, suwerte kaming may dalawang anak kaming gugwapo, matatalino pa. Naku, excited na kami sa magiging apo namin kung kayo ang magiging anak namin." Ginulo ng babae ang buhok ni Angelo na ikinatawa ng dalawa.

"Kayo naman po. Andiyan naman po si Gio eh."

"Kaya nga kuntento na kami. Pero kung ipamimigay ka ni Mareng Martil, tatanggapin ka namin. Kaya maupo ka na at mag-almusal."

Naupo na si Gio at kaharap niya si Tito Vergel na nauna nang kumain. Lumabas naman ng banyo si Gio at naupo sa tabi ni Angelo. Nakatuwalya lang ito at hindi man lang makatingin kay Angelo. Masayang nakipagkuwento si Gio kay Tito Vergel at Auntie Criselda, ngunit ramdam ni Angelo na hindi siya kinakausap ni Gio. Baka naman siguro galit pa talaga itong si Gio. Pahuhupain na lang muna niya.

Nang matapos nang kumain si Gio, nagpaalam siyang aakyat muna siya at matutulog ulit.

"Toy, nag-away ba kayo ni Gio?" Tanong ni Tito Vergel.

"Naku Verge, hindi naman. Ayos naman kami. Bakit?" Pekeng tumawa si Angelo.

"Hindi kasi kayo nag-uusap eh. Nakakapanibago." Tumaas ang kilay ni Vergel.

"Talaga itong si Vergel oo. Hindi porke't hindi nag-uusap ay nag-aaway na." Sabi ni Tita Criselda

"Pero alam mo Angelo, si Gio ang nakakita sa'yo sa labas. Siya na rin ang nagbuhat sa'yo pataas sa kwarto niya. Parang mag-asawa kayo tingnan. Kung magiging bakla si Gio okay lang basta't ikaw."

"Naku sir, may girlfriend po iyan. Pero iyong sa pagtulong sa akin.. Ganoon po ba? Sige, pasasalamatan ko siya. Tapos na po akong kumain."

Tumayo na si Angelo at nilagay sa lababo ang pinagkainan niya. Umakyat na kaagad siya sa kwarto at nakita niya si Gio na nakatihaya at nakadilat.

"G-Gio? Salamat pala sa pagbuhat sa akin kanina ha."

Hindi nagsalita si Gio. Umupo sa gilid ng kama si Angelo.

"Gio, sorry talaga kung pinaghintay kita ng maraming oras. May aksidente kasi eh." Yumuko si Angelo.

Hindi pa rin nagsalita si Gio. Nag-aayos siya ng gamit.

"Please naman oh, magsalita ka."

"Lalabas muna ako. Kakainis ka." Nagbihis si Gio at lumabas ng bahay.

Nasasaktan si Angelo. Nag-iiiyak siya sa kwarto ni Gio. Hindi siya makapaniwala na nagkamali siya. ANG TANGA TANGA KO TALAGA!

-------------------------

Umuwi si Angelo para makapaligo at kung anu-ano pa. Napag-isipan niya na tumambay na lang sa plaza para malabas lahat ng hinaing niya.

Nagbike na siya papuntang plaza at bumabalik na naman sa kanyang mga ala-ala ang unang dating nila ni Gio mula nang galing sila sa Maynila hanggang sa pag-indian niya sa lakad nilang Gio kanina.

Naisip niya ang pantalan. Naglakad siya patungong pantalan nang makita niya si Gio sa may batuhan, halatang malalim ang iniisip at hindi mapalagay. Hinahagis niya ang mga bato at sumisigaw sa hangin: "ARGH! PUTANG INA MO DIMITRI!!" Nakatingin lang siya sa dagat.

Lalapitan na sana ni Angelo si Gio nang magsalita ito.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo ako nakita?" Tanong ni Gio na hindi man lang lumingon kay Angelo.

"Hindi mo pa nga ako nilingon alam mo nang ako ito." Tumabi si Angelo kay Gio. Katahimikan.

"Bakit ka ba nakipagkita sa kanya?" Tinignan ni Angelo ang mukha ni Gio at lumuluha na ito.

Naguguluhan si Angelo. Alam ni Gio na nagkita sila ni Dimitri? Paano?

"S-sino?" Nauutal si Angelo.

"Si Dimitri. Alam ko Angelo. Tinext niya ako na nasa bayan daw siya at nakipagkita ka sa kanya. Leche naman Angelo oh, akala ko ba okay na ang plano natin?!" Sabay tapon ni Gio ng bato sa dagat.

"I'm sorry Gio." Yumuko si Angelo at umiyak.

Gustong aluin ni Gio si Angelo ngunit nagagalit pa rin ito sa kanya. Gusto niyang maunawaan ni Angelo ang kanyang gustong ipahiwatig.

"Bakit kasi? Iniwan ka niya di ba? Pinaasa ka niya di ba? Bakit hahabul-habulin mo siya ulit? Naku naman Angelo, di ka na natuto. Pati ako ginago mo! Ayaw kitang makitang masaktan ulit, best friend kita tapos ikaw mismo ang gumagago sa sarili mo! Kalimutan mo na kasi siya! Bakit ba kasi! Ano bang meron sa kanya? Angelo, ginagawa ko lahat, lahat!!" Sumigaw si Gio habang tumutulo ang mga luha.

Iyak pa rin ng iyak si Angelo.

"Bakit ba, ha? Ano? Bakla ka na ba sa kanya? Paninindigan mo ba iyang kabaklaan mo? Yan ba gusto mo, bakit ba? Nakailang rounds na ba kayo? Nakantot ka niya na ba? Masarap ba? Mahaba ba ang titi niya? Gusto mo ba siyang chupain? Bakla ka!" Tinulak ni Gio si Angelo at napaliyad ito sa batuhan. Nagpintig ang mga tenga ni Angelo at tinignan sa mukha si Gio.

"Gio, alam mong hindi iyan totoo!" Nag-crack ang boses ni Angelo.

"Bakit iba ang pinapakita mo?! Bakit?!" Pinunasan ni Gio ang kanyang mukha.

"MAKINIG KA MUNA KASI!" Sigaw ni Angelo.

"Bumibili ako ng pagkain para sa picnic natin. Nagbike ako sa highway para mas madaling makaabot dito. Tapos may sasakyang bumangga sa poste sa isang intersection. Iilan lang kaming nakakita. Tinulungan ko. Si Dimitri ang driver, at siya lang mag-isa. Tinulungan ko. Binisita ko sa ospital. Tumawag ka. Paalis na sana ako nang pinigilan ako ng tatay niya." Hinahabol ni Angelo ang kanyang hininga.

"Ahhh, so ano? Kasal na kayo? Pati tatay niya naki-threesome? Ha?!" Iyak lang ng dalawa ang namutawi.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin Gio? Akala ko ba... bestfriend kita?" Natigilan si Gio at hindi siya makagalaw. Parang natali ang kanyang dila. Nahihiya siya sa narinig mula kay Angelo.

"Ipakita mo kasi ng maayos!" Galit na galit na sigaw ni Gio.

Natahimik si Angelo. Tuloy siya sa pag-iyak. Tinitignan lang siya ni Gio. Naaawa na si Gio sa kanya.

"Mahal mo pa ba siya?" Mahinang tanong ni Gio. Napaurong si Angelo. Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Ayan sana ang sasabihin ko eh."

"Wag mong sabihing-" Tumulo ang mga luha ni Gio habang iling ng iling.

"Ayun na nga eh! Nag-usap kami, pero wala akong naramdaman. Wala na. At least di kagaya noon. Nakamove on na ako! Tapos, hinuhusgahan mo ako! Ginagawa mo akong malansang bakla! Ano masaya ka na? HA?!" Nanggalaiti sa galit si Angelo. Hindi makagalaw si Gio sa sinabi ng kaibigan. Siya pala ang nagkamali. Gusto niyang mayakap ang kaibigan dahil nguiguilty siya sa mga paratang na binigay dito.

"Angelo, I'm sorry." Pinilit na yakapin ni Gio si Angelo pero pilit na pumipiglas si Angelo.

"Tapos na Gio. Nahusgahan mo na ako." Tinatanggal niya ang pagkakayakap ni Gio.

"Please, I didn't know. Pwede namang mapag-usapan natin ito." Binitawan ni Gio si Angelo at mas lalo pa siyang umiyak.

Tumayo na si Angelo at aakmang lumakad.

"Please Angelo?"

Hindi humarap si Angelo kay Gio.

"Ang salita ay parang takbo ng oras. Kung anong nawaldas mo, hinding-hindi mo na ito maibabalik pa. Gio, ikaw ang nagturo sa akin ng peace of mind. Tinuruan mo akong wag maging brusko at kalmado lang. Sana ikaw rin. Kung alam mo na paanong hindi humusga ng tao, tsaka mo na ako kausapin."

At lumakad na paalis si Angelo.

Dumaan ang mga araw at hindi nagkita sina Gio at Angelo. Binibisita ni Gio si Angelo sa kanilang bahay ngunit palagi itong wala. Sabi ni Aling Martil, nagraracket daw mag-isa dahil may dinaramdam. Kesyo nasa bayan, kesyo nasa syudad, kesyo nasa kabilang barangay. Ngunit kung pupuntahan naman ni Gio, wala si Angelo. Umalis na raw, lumakad na, o naunang umuwi.

Alam ni Gio na hindi naman talaga workaholic iyang si Angelo, pero panay ang pagtatrabaho niya ngayon. Baka masama talaga ang pakiramdam niya sa sinabi ko? ANG TANGA TANGA KO TALAGA! Bakit ba nasabi ko iyon? Angelo... please...

Araw-araw naman siyang nagtetext kay Angelo. Pero kahit isang reply ay wala. Gabi-gabi niya naman itong tinatawagan, ngunit hindi rin tinatanggap ni Angelo ang mga tawag ni Gio.

Magbabagong taon na lang, ngunit hindi pa rin sila magkabati ni Angelo. Eksaktong Enero 1, 2015 ay dumaan si Gio sa bahay nila ni Angelo. Nakita niya si Angelo na masayang nanonood sa mga kapitbahay na nagpapaputok.

Gusto niya sanang lapitan at kausapin, pero masyadong maingay. Siguro mamaya na lang.

Nagpahinga si Gio matapos ang selebrasyon. Nakagising siya ng alas siyete ng umaga. Agad siyang bumangon at pinuntahan si Angelo sa kanila. Bahala na kung magalit siya... tatanggapin ko.

"Magandang umaga po!"

"Uy, Gio, ikaw pala iyan. Si Angelo ba ang hinahanap mo?" Si Aling Martil

"O-Opo. Andiyan po ba siya."

"Naku hijo, wala na." The usual reply.

"Rumacket na naman po ba?"

"Hindi. Wala na, bumalik na ng Maynila." Tumigil ang mundo ni Gio at hindi siya makapaniwala na aabot sa ganitong punto ang pagdaramdam ni Angelo.

"Ano po raw ang sabi?" Hindi mapakali si Gio.

"Huwag ko raw ipagsabi sa'yo kasi baka mapagod ka pa." Inosenteng tugon ni Aling Martil.

"Okay. Sige po. Alis na po ako."

"Sige hijo."

Agad na tumakbo pauwi si Angelo at nag-impake ng gamit. Matapos mag-impake, nag-iwan na lang siya ng sulat sa kanyang inay at itay na bumalik na siya ng Maynila. Kailangan niyang mahabol si Angelo. Kailangan niyang makausap si Angelo. Nang maghahapon na, nakarating na siya sa Maynila. Agad siyang sumakay ng jeep papunta sa school nila.

Hindi na siya nalilito kung saan makikita si Angelo, alam na niya - kina Laurel.

Agad siyang bumaba sa school nila at nag-log-in sa dorm. Iniwan niya lang muna ang kanyang gamit sa baggage counter at kailangan niya talagang makausap si Angelo.

Dahil alam niya naman kung saan nakatira si Laurel, madali lang niya itong natunton. Nakita niya si Angelo mula sa bintana, mag-isa at nagbabasa ng libro.

"Tao po?" Pambungad niya.

"Sandali lang. Andiyan na!" Sigaw ni Angelo.

At bumukas ang pinto. Nagulat si Angelo sa nakita.

"Anong ginagawa mo rito? Ako lang ang tao rito at wala pa si Laurel."

"Hindi. Ikaw naman talaga ang pakay ko eh. Maaari ba akong pumasok?"

Tumalikod si Angelo at nakatingin lang kay Gio. Hindi na niya ito sinagot.

Hindi nakapagsalita si Gio. Naduduwag siya at nahihiya sa kanyang ginawa kay Angelo.

"Gio. Oo. Galit ako sa'yo ngayon. Sinabi mo sa akin na kahit anong mangyari. Hindi mo ako iiwan. Kahit anong mangyari, hindi mo ako huhusgahan, at kahit magkagalit man tayo, mapapatawad mo ako. Pero anong nangyari?" Seryosong tono ni Angelo na mistulang sibat na tumutusok sa puso ni Gio. Nanlalabo ang mata ni Gio at naluluha na.

"Kaya nandito ako Angelo upang manghingi ng sorry."

"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang sinabi mo sa akin? Ayaw mong maging bakla ako, pero hindi ka man lang nakinig sa akin? Putang ina, nagagalit ako sa'yo ngayon!" Sabay suntok sa dingding. Humahagulgol si Angelo. Naantig naman ang puso ni Gio at gusto niyang lapitan si Angelo ngunit nabahag ang kanyang buntot.

"It's okay. Tanggap ko."

"Masakit Gio!" Umiyak na si Angelo at hinahampas ang dibdib.

"Sorry, araw araw akong hihingi ng sorry sa'yo Angelo." Sinubukan niyang awatin si Angelo.

"Tapos, para saan? Para husgahan mo na naman ako? Ang bobo mo Gio, andun na eh! Naka-move on ako, wala na akong naramdaman kay Dimitri, wala lang lahat. Okay na ako. Tapos babastusin mo ang pagkatao ko! Para ka lang si Dimitri!"

"Para ka lang si Dimitri!"

"Para ka lang si Dimitri!"

"Para ka lang si Dimitri!"

"Para ka lang si Dimitri!"

Nagpintig ang mga tenga ni Gio. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Angelo. Walang anu-ano ay isang malutong na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ni Angelo. Natapon sa sahig si Angelo. Pumutok ang labi ni Angelo at umaagos pababa sa kanyang baba ang dugo. Nakahiga si Angelo sa sahig.

Naalimpungatan si Gio. Hindi siya makapaniwala sa kanyang ginagawa. Nasuntok niya si Angelo dahil lang sa pinareho siya kay Dimitri.

Ngunit mas matimbang pa rin ang kanyang pagmamahal bilang kaibigan kay Angelo.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may babaeng tumili.

"GIO! ANONG GINAWA MO KAY PAPA ANGIE! BAKIT MO SIYA SINUNTOK!" Si Laurel, tili-tiling parang nasunugan. Mabilis na tumakbo patungo kay Angelo.

"I'm sorry Angelo, hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, hindi ko sinadyang suntukin ka." Sabay abot ng kamay niya kay Angelo. Sinubukan niyang alalayan si Angelo pero hindi ito tinatanggap ni Angelo.

Ngunit winaksi ni Angelo ang kanyang kamay at tumayo siya mag-isa.

"Angelo, pasok ka na sa loob. Ako na ang bahala rito." Seryosong tugon ni Laurel na malayo sa pagiging kengkoy niya. Sinunod naman ito ni Angelo.

"Laurel, I'm sorry." Sinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.

"Gio, magkaliwanagan nga tayo rito. Ideya mo naman ang makamove on siya kay Dimitri di ba? Andun na, natanggap na niya. Tapos, tinulungan niya lang ang taong ayaw mo, huhusgahan mo lang siya? Putang ina ka Gio! Naging mabait si Angelo sa'yo! Inabuso mo siya! Sinunod niya lahat ng mga payo mo!" SPLAK! Sinampal niya si Gio sa mukha.

"Kaya nga ako naririto upang humingi ng sorry. Payagan mo na ako, please." Umiiyak si Gio.

"Hindi Gio. Tapos na. Hindi mababawi ng sorry mo ang pagsabi mo sa kanya na isa siyang malanding bakla na chupa lang ang habol kay Dimitri. Hoy, para malaman mo, hindi bakla iyang si Angelo! Nainlove lang siya sa lalaki! Nagkataon lang iyon sa kaibigan natin! Alam mo bang noong magkatabi kami, niyayakap ko siya at tinitigasan pa rin siya? Ang sarap niya, pero that's not the point. Lalaki pa rin siya! Kaya wag na wag mong babastusin ang kaibigan natin. No, kaibigan ko. Kasi tinakwil mo na siya."

"I'm sorry." Paghihinagpis ni Gio. Napaluhod ito sa harap ni Laurel at binabaon ang mukha sa mga tuhod ni Laurel.

"Just give me one more chance, please Laurel. Nagsisisi ako." Pilit tinutuhod ni Laurel si Gio pero hindi ito bumibitaw.

"Pwes, magsisi ka pa. Kahit ako si Angelo, hindi na kita tatanggapin habang buhay. Sa paghusga mo kung sinong anong hindi niya gusto, para mo na rin siyang itinakwil. Magsisi ka pa. Pero mapapatawad ka pa siguro ni Angelo, matagal nga lang. Sakit kasi ng ginawa mo! Mas masakit pa sa ginawa ni Dimitri. Isipin mo, all this time na magkasama kayo, ganyan lang pala ang iniisip mo sa kanya? To think best friend ka pa naman niya? Mag-isip ka! Alis ka na muna rito, hayaan mo munang mapanatag si Angelo. Alis!" Bumitiw si Gio. Nakaluhod siya habang iyak siya ng iyak.

"LAKAD NA!" Sigaw ni Laurel.

Walang nagawa si Gio kung hindi ang umalis sa bahay nilang Laurel. Totoo naman ang pinagsasabi ni Laurel eh. Naging mabait si Angelo, at ang ginawa lang naman ni Angelo ay tulungan si Dimitri, no strings attached. Tapos, ganito pa ang sinabi ni Gio. Tapos, nasuntok niya pa si Angelo. Dobleng sakit ang kanyang nabigay.

Parang nalugi sa lottong palakad-lakad pabalik sa dorm si Gio. Siguro kailangan na rin niyang matanggap na mahaba-habang panahon pa ang kailangan ni Angelo para mapatawad siya. Nagawa ko lang naman iyon eh kasi... ayaw kong mawala ka, Angelo...

-----------------------

"Angelo, magiging okay ka ba?" Tanong ni Laurel. Nag-aalala kasi siya. Bagong dating palang nga niya galing sa duty, tapos ganito na ang mga pangyayari sa bahay niya.

"I will be fine." Matipid na sagot ni Angelo na nakahiga sa kama. Patuloy sa pag-buhos ang kanyang mga luha. Tinabihan naman siya ni Laurel.

"Mapapatawad mo pa ba si Gio?" Tanong ni Laurel sabay yakap kay Angelo.

"Ewan ko. Alam ko naman na oo. Kaibigan ko pa rin naman siya kahit papaano. Di lang siguro sa ngayon. Masakit pa eh. Mahapdi."

"Okay lang iyang babe." Sabay higa sa dibdib ni Angelo.
"Gawa na lang tayo baby, gusto ko buntisin mo ako."

"Umayos ka nga diyan Laurel, baka patulan kita."

"Di mo magagawa iyon babe kasi di ka marunog magparaos. Kaya confident ako na hindi mo ako mabubuntis. Hahahahahah!"

"Hindi rin naman kita papatulan Laurel. Kaibigan kaya kita."

"Thank you. Pero alam mo, bet ko tong ganito. Ginagawa kitang jowa baby ko tapos wala naman talagang feelings, gusto ko kasi may ka-cuddle."

"Hahahahahahahaha. Cuddle ka lang diyan."

Tinignan ni Laurel ang umbok sa harapan ni Angelo.

"Friend, parang de otso yata yang sa'yo."

"De otso?"

"8 inches"

"Mahaba na ba iyon Laurel?"

"Oo, may mga natry na rin ako na 5 to 6. Pero kakaiba talaga yang 8 basta pinoy. Swerte mo friend! Pwede pa matry?"

"Loko ka talaga Laurel!"

Tawanan.

"Pero seryoso Laurel, may natry ka na pala?"

"BJ lang uy ano ka ba. May libog din naman kaming mga babae kahit papaano ano! Swerte nga kayong mga lalake pag nalilibugan pwedeng magjakol. Mga babae wala, finger finger lang ang kaya. Pero natry ko tapos nandidiri ako eh. Kaya mga past bf ko bini-bj ko na lang. Gusto ko sa man of my dreams lang tong mabango kong hiwa ano!"

Tawanan.

"Paano ba yang magjakol Laurel?"

"Sino may burat sa atin?"

"Argh! Ano ba tong pinag-uusapan natin." Kumalas si Angelo sa pagkakayakap kay Laurel at bumalik sa sala nila.

"Dito ka muna Angelo ha, maglalaba lang muna ako."

"Okay."

Bigla namang tumunog ang cellphone niya at nakita niya ang number ni Dimitri.

"Hello?" Bati ni Angelo sa kabilang linya.

"Nasaan ka? Andito ako sa inyo. Pasyal tayo?" Masaya ang tono ni Dimitri.

"Nasa Maynila ako Dim. Sorry di pwede."

"Ah, okay. Dederetso na lang ako diyan. Tawagan na lang kita kung nandiyan na ako."

"Bahala ka."

"Sige bye."

"Ge."

Nang ibinaba na niya ang tawag ni Dimitri, tumunog na namang muli ang kanyang cellphone at isang unknown number ang tumawag.

"Hello? Sino to?"

"Pambihira ka naman Angelo oh. Di mo pa talaga sinave ang number ko!" Boses ng babae ang kanyang narinig.

"Ay. Maryanne. Ikaw pala. Bakit?"

"I heard nasa Manila ka na. See you sa coffee shop sa school at 6." Mabilis na utos ni Maryanne.

"Pero-"

"I wouldn't take no for an answer. We have to talk. I missed you na rin siguro. Sige. Don't be late, bye!"

"Marya-"

Binaba na ni Maryanne ang tawag. Dahil mag-aalas sais na, nagbihis na si Angelo at nagpaalam kay Laurel na tutungo siya sa coffee shop.

Nasa harap na siya ng coffee shop nang makita niya si Maryanne. Bumabalik ang mga masasakit na damdamin pero ngumingiti na lang siya. Oo nga pala, this is the same place where I first saw Maryanne. She was with Dimitri back then. Napasmile na lang si Angelo sa thought na nahulog siya kay Dimitri, nakilala niya si Maryanne, at ngayon nakamove on na siya, may kaibigan pa!

Pumasok na siya sa coffee shop at nakita niya si Maryanne na nakatalikod. Pagbukas niya ng pintuan ay lumingon si Maryanne patalikod. Nakita siya ni Maryanne, ngumiti at kumaway ito sa kanya.

Ngumiti naman si Angelo at lumapit sa mesa ni Maryanne.

"Hi Angelo! Long time no see?" Isang sinserong ngiti ang kanyang nakita sa magandang mukha ni Maryanne.

"I suppose. Let's sit down kasi inabala mo pa talaga ang pamamahinga ko nakakainis ka." Pagmamaktol ni Angelo habang umuupo.

"Hahahaha, I'm sorry Angelo. I just heard talaga na kararating mo lang. And I badly wanted to talk to you ever since you left."

"Sige na. Naistorbo mo na ako. What do you want to talk about?" Sabay inom sa coffee na binili ni Maryanne beforehand para kay Angelo.

"About Dimitri." Naging seryoso ang tono ni Maryanne.

"Mm-hmm. What about Dimitri?" Tinanggal niya ang baso ng kape na nakaharang sa kanyang mukha. Handa na siyang makinig kung sa anuman ang gustong sabihin ni Maryanne.

Nagsalita si Maryanne sa topic nila ni Angelo para sa kanilang pag-uusapan. Natigilan si Angelo. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula kay Maryanne.

"Wait, are you serious? I won't talk about that." Pagdahilan ni Angelo habang palipat-lipat ng tingin.

"Yes. We talk about that now." May otoridad na tono ni Maryanne.

"I don't think I can." Pailing-iling si Angelo habang umaasim ang mukha.

"We have to face this. Let's settle this, now." Tinignan ni Angelo si Maryanne, diretso itong nakatitig sa kanya.

May tensyon ba na namumuo sa pagitan ng mga mabuting magkaibigan na sina Angelo at Maryanne?

Ano ba ang gustong sabihin nito? Pagsasabihan niya ba ako? Ano naman ang kasalanan ko?

Itutuloy...


Gapangin mo ako. Saktan mo ako.


 

15 comments:

  1. naku nalintikan na talaga... bugso nangdamdamin kung kaya nagawa ni Gio un...Gio sabihin mo na kaya ang feelings mo kay ANGELO... Manhid kasi si angelo...hmm...

    RAMY from Qatar

    ReplyDelete
  2. gio nainlove k nb kay angelo? bakit kc dimo pa aminin eh. si dim nmn wala parin mkuhang sagot kung mahal b nya tlga si angelo

    bharu

    ReplyDelete
  3. selos ba c gio siya yata ang bakla at may gusto ke gelo. ano nga ba pakay ni maryann ke gelo? nakakaexcite ang nx chapter. tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  4. hay naku gio! ikaw kasi! umiiyak nanaman c angelo:'( kakainis ka! pero gusto na maging kayo ni Angelo hehe

    ReplyDelete
  5. Siraulo naman talaga to c Gio. Ang g*go! Sabihin ba naman ng mga ganung salita sa Angelo. Sarap kaltukan ee. -_-

    Nyare kay Maryanne? Eksena. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naki-eksena lang daw si Maryanne kasi break na sila ni Dimitri aww kawawa ty po

      Delete
  6. Ang gulo naman ng isip ni angelo. Sinabi na nya dati na mahal niya si dmitri tapos pinipigilan nya na namang sabihin...

    Chapter 11 na pero di pa rin ma establish kung ano gusto ni angelo sa buhay nya...

    Di naman siya dapat mag react ng ganun sa sinabi ni gio dahil sa na indyan nya ito sa usapan ang hearing na si dmitri Ang dahilan sa di pagsipot...

    Angelo, aminin mo na kasi kung ano gusto mo. Dami naghihintay sau. Gab, dmitri, laurel, and gio. Selfishness ang lumalabas sa pag uugali mo

    ReplyDelete
  7. Angelo, madami na naghihintay sau. Si gab, si gio, laurel, at dmitri. At least si dmitri nagsasabi sa totoo nyang nararamdaman at alam nya kung ano gusto nya. Pero ikaw, di mo pa rin maamin sa sarili mo kung ano gusto mo. Masyado mo pini please lahat... Laging back to zero ang nararamdaman mo. Matalino ka, pero lagi ka nauuto dahil di mo talaga nirereflect kung ano gusto mo. Baka sa huli, mawala lahat sa u..

    Affected lang sa story mr author. Hehehe

    ReplyDelete
  8. Bakit hndi namalayan ni Angelo na nsa kwarto na xa ni Gio at doon na pinagpatuloy ang pagtulog? Dumating xa sa bahay nila Gio at doon na lng xa nagpaumaga sa pintuan. Pinapasok ba xa ng nanay ni Gio at doon na pinatulog sa kwarto ni Gio? Hndi nya na ginising si Gio na tulog na tulog? Bakit parang hndi nagulat si Gio na doon natulog si Angelo?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails