A story inspired by the Chinese series, "Addicted (Heroin)"
Part 1
By: Mikejuha
fb: getmybox@yahoo.com
“Class, welcome to Grade 12!” ang paunang salita ng aming teacher-adviser
na si Mr. Cervantes. Nakatayo siya sa klase, suot ang kulay asul na polo
barong na uniporme ng mga guro, halatang bagong pinalantsa. Ang kanyang pang-ibabang
suot naman ay itim na sedang pantalon, at ang kanyang itim na sapatos ay
mistulang hindi malapagan ng langaw dahil sa kinis nito. Si Mr. Cervantes na
nasa edad 50 ay ang pinaka-istriktong guro sa aming municipal high school. Bagamat
first time ko siyang maging guro, kilala siya sa buong campus na mabagsik,
tyrant at walang awa sa mga estudyante.
“Since this is our first meeting, I need you to introduce
yourselves.” Ang dugtong niya. Isa-isa niya kaming tinawag. Dahil nasa may likuran
ako, ako ang halos pinakahuling nag self-introduce.
“My name is Timmy. Timmy Suarez. My mother and some
very close friends call me Toktok. They call me that name because when I was a
kid, I liked to knock on woods and anything that sounds especially bamboo.” Ang
pagpapakilala ko.
Nagtawanan ang mga ka-klase ko.
“I live near the bank of Daungan River, an hour’s
walk from here. I am 18 years old.” Dugtong ko.
Narinig ko namang naghiyawan ang mga babae at nakatingin
kay Emily, panunukso nila dahil alam ng lahat na ako ang crush niya. At
syempre, crush ko rin siya ngunit ayaw ko lang ligawan gawa nang nag-aaral pa
kami at may sakit pa ang inay. Ayaw kong dagdagan ang aming problema kung
papasok pa ako sa isang relasyon.
Napangiti na lang ako sa hiyawan ng mga kaklase. May kilig
akong nadarama. Gusto ko rin naman talaga si Emily kasi maganda na nga, mabait
pa. Palagi niya akong tinutulungan.
Pagkatapos ng self-introduction, nag-discuss ang aming
guro sa mga expectations, rules, guidelines, mga dapat gawin at hindi gagawin
sa klase, mga requirements na dapat i-comply. Nang wala nang tanong, nagsalita
uli ang si Mr. Cervantes. “We will now proceed with the election of class
officers. The table is now now open for the nomination of class president”
Tumaas ng kamay si Emily, “I nominate Mr. Timmy Suarez for
president.”
Naghiyawan naman ang aming mga ka-klase. Ako naman ay
tumingin kay Emily na disppointed ang mukha. Ayaw ko na kasing maging leader at
masakit din sa ulo, lalo na at graduating students kami. Simula pa noong Grade
7 kami, ako na ang naging class president nila. Nakakasawa na.
Nakita pala ni Joy ang expression ko na iyon kay Emily.
“Tanggapin mo na iyan. Ikaw lang ang tanging leader namin simula’t-sapul.
Ngayon pa ba kami maghahanap ng iba?” ang bulong ni Joy na nilapitan ako.
Wala na akong nagawa kundi ang padabog na tanggapin ang
nomination.
“Timmy Suarez is nominated. Any other nominations?” ang
tanong uli ng guro.
Pagkatapos ng nomination sa akin ay may dalawa pang na-nominate.
At ang lumabas, as expected, ako ang nanalo.
Tinawag ako ng guro sa harap ng klase upang ipagpatuloy ko
ang nominations process sa mga posisyon mula sa pagka-vice president hanggang
sa Sgt.-at-arms. At ang resulta, sa pagka Vice President ay nanalo si si Joy, ang Secretary naman ay si Fe, ang Treasurer ay si Jane, ang Auditor ay si Daniel, ang PIO ay si Jeff at ang Sgt.-at-Arms ay si Tony.
Babalik na sana ako sa aking upuan dahil tapos na ang
election ng class officers. Ngunit nahinto ako nang biglang may pumasok. Ang
pintuan kasi ng aming silid-aralan ay nasa gilid sa may harapan mismo ng class
room. Kaya kapag late ang isang estudyante, kitang-kita naming lahat ang
pagpasok niya.
Nagkasalubong ang aming tingin. Napatitig siya sandali sa akin,
marahil ay nagulat na isang naka-unipormeng estudyante ang nasa harap ng klase imbes
na ang guro. Noon ko lang nakita ang estudyanteng iyon. Kilala ko ang mga
estudyanteng kabatch ko sa paaralan namin dahil hindi naman ito kalakihan. Tinitigan
ko rin ang nasabing estudyante. Matangkad, may hitsura, malakas ang dating, bagamat
sa tingin pa lang ay mukhang suplado at mayabang. Kahit nginitian ko siya,
hindi niya ito pinansin. Nakasimangot. Naka-suot ng estudyanteng uniporme, puting
polo at khaki na pantalon.
Nakakatulalang katahimikan ang bumati sa kanya sa kanyang pagpasok na
iyon. Mistulang may biglang dumaan na anghel, (o demonyo ba?) at natigilan
kaming lahat na nakatingin lang sa kanya. Iyon bang parang ang nasa isip ng
lahat ay, “Uy… may bago!” samantalang ang nasa isip ng mga babae, “Uy, may
bago! Guwapo! Single pa kaya siya?” Ngunit wala siyang pakialam. Tuloy-tuloy lang
siya sa pagtumbok sa bakanteng upuan na nasa may likuran ng classroom.
“Hey! Hey! What is your name?” ang sigaw ni Mr. Cervantes
na ang boses ay dumadagundong.
Mistulang biglang nagising mula sa malalim na pagkahimbing
ang mga estudyante sa sigaw ni Mr. Cervantes. Nagulat. Nilingon namin siya.
Nang tiningnan ko naman ang bagong salta na estudyante, inilatag
niya ang kanyang dalang itim na knapsack sa ibabaw ng arm ng upuan. “John.” Ang
maiksi at kalmante niyang sagot sabay upo.
“John the Baptist? John Paul the II, or John Cena?” ang
sigaw ng guro habang pilit na pinigilan naman ng mga ka-klase ko ang kanilang
pagtawa.
Hindi sumagot si John. Nanatili lamang itong nakaupo.
“We don’t accept student in this class without introducing
himself first. So come in front and say something about yourself!” ang utos ng
guro.
Nag-aalangang tumayo si John at nang nasa harap na ako
naman ang pumuwesto sa isang tabi, nanatiling nakatayo malapit sa mga nakaupong
estudyante. Sa gilid na aking kinatatayuan ay may naririnig akong mga babae na
nagbubulungan, “Pogiiiii! Cute, Ayiiiiii! Ang ganda ng mata! Ang ganda ng lips.
Ang tangos ng ilong! Flawless! OMG!” mga ganyang paghanga.
“I’m Johnny Iglesias, John for short. I’m 19 years
old.” Ang maiksi niyang pagpakilala. Nakasimangot pa rin siya.
Hiyawan ang mga babae.
“Ok class, you can ask him questions.” Ang sabi ni Mr.
Cervantes.
Tumaas ng kamay si Joy, ang kahahalal pa lamang na
class vice president na may pagka-kumedyante.
“Go ahead Joy, ask your questions.” Ang sabi ni Mr.
Cervantes.
“Where do you love? I mean… live?” ang tanong ni Joy,
Tawanan ang mga babae.
“I am from Manila…”
“Ay lumipat ka na pala?” ang pagfollow up ni Joy.
“Excuse me?” ang sagot ni John na halata sa kanyang mukha
na naguluhan siya.
“Lumipat ka na pala ng address ang sabi ko”. Pagfollow up
ni Joy.
“Ba’t mo nasabi? Kilala mo ako?”
“Oo… kilala kita. Di ba ang dati mong address ay sa puso
ko? Ba’t ka lumipat? Hindi ako na-inform!” Ang pagpapatawa ni Joy na sinabayan
pa ng pagpapakita ng malungkot na mukha.
Tawanan ang buong klase.
Napangiti na rin si John. In fairness, mas lalong lumitaw
ang kapogian niya. Kahit ako na lalaki ay napahanga. Artistahin kasi ang dating
niya. Nakakabighaning tingnan ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin na match
na match naman sa kanyang magagandang labi. Maputi at makinis pati ang balat,
lalo na ang mukha. Sa ganyang klaseng balat, alam kong galing siya sa isang
mayamang pamilya.
“Hang-cute! Hang-guwapo! Hang-ganda ng ngiti! Hang-ganda
ng katawan! Lahat ng ‘Hang’ ay nasa kanya na. Siya na ang aking pinapangarap na
‘super-Hang’ ng buhay ko! Hang-sarap niya!” ang narinig kong bulong ni Joy sa
kanyang katabing kaibigan. Napalingon na lang akong natawa kay Joy kung saan ay
nang makita niyang nakatingin ako sa kanya na nakangiti ay binigyan ako ng
dalawang thumbs up sign. Nang nasa Grade 11 pa kasi kami, may nakakaaliw na
karanasan kami kay Joy. Habang nagkaklase noon ang aming guro sa Filipino
subject, siya naman ay di maawat sa pakikipagkuwentuhan sa katabi niya. Hindi
niya namalayang tinawag na pala siya ng guro na pinapa-recite siya ng
pangungusap gamit ang salitang “Nang”. Dahil hindi pa rin siya tumayo kahit
naka-dalawang tawag na ang guro, kinalabit siya ng isang malokong estudyanteng
nakaupo sa may likuran niya. Binulungan siya, “Sabi ni teacher gamitin mo raw sa
pangungusap ang salitang ‘Hang’!” “Hang???” ang nalilitong pagbulong din ni Joy
sa ka-klase, kina-klaro kung tama ba ang kanyang narinig. Ngunit dahil tinawag
na uli siya ng guro upang tumayo, wala na siyang time para ma-klaro ang tanong.
Kaya kahit naguluhan, dali-dali siyang tumayo at sumagot. “Hang-pogi po ng
aming kapitbahay. Hang-tangkad, hang-kinis ng mukha, hang-ganda ng katawan.
Hang-sarap!” Doon ma pumutok sa tawa ang buong klase. Iyon ang isa sa mga
katatawanang expereince na hindi namin malilimutan sa Grade 11. Kaya kapag may
guwapo na nakikita ang magbabarkada, bibiruin na nila si Joy ng, “’Hang’ Joy
o!” na sasagutin naman ni Joy ng “Oo nga! Hang-ganda ng kilay, Hang-cute ng
mata, Hang-tangkad, Hang-amo ng mukha!” Tapos magtatawanan.
“Silence! Ang iingay ninyo! Ang lalandi ng mga babae sa
klase na to! Unahin ninyo ang pagtapos ng pag-aaral bago lumandi! Kawawa ang
mga magulang ninyo! Nagsakripisyo sila upang makapag-aral kayo, mabigyan ng
magandang bukas tapos nandito kayo, naglalandi! Kung ganyan lang ang mga
itatanong ninyo, wala nang puwedeng magtanong pa.” At baling niya kay John, “Go
to your seat!” ang galit na utos ni Mr. Cervantes kay John.
Tumalima si John habang ramdam ko naman ang pagmamaktol ng
mga babae. “KJ!” ang narinig kong bulong ni Joy.
“And by the way, John, I’ve already finished giving orientation
to the class regarding the rules, regulations, and requirements. You can ask
Timmy, our class president to orient you or to give you some information,
especially that you are a transferee. There are many things to learn here.” ang
dugtong ni Mr. Cervantes.
Tumango lang si John na parang wala sa isip ang sinabi ni
Mr. Cervantes.
“Now, let us proceed with the election of your Class Muse
and Prince Charming.” Ang dugtong ng guro.
Nagulat naman ang lahat. Nang nasa lower years pa kasi
kami ay appointed lamang ng teacher adviser ng muse at prince charming. Kasi
kadalasan ay ginagawa lang itong katuwaan namin. Puro na lang kasi kabalbalan
ang karamihan sa aking mga classmates. Iyon bang kahit sino na lang basta
mukhang kenkoy sa klase, ginagawa na kaagad naming muse o prince charming. Tapos
pagtatawanan, lokohin. Kaya sa puntong iyon ay tuwang-tuwa ang lahat na may
chance silang pumili. Syempre, mga dalaga’t binata na kaya alam na...
“I nominate Emily Reyes for muse.” Ang pagnominate
ng isang kaibigan kay Emily.
“I nominate Marrie….”
“I nominate Cherry Anne…”
Nang magproceed na sa botohan, si Emily ang nanalo.
Palakpakan ang mga estudyante.
“Now, let’s proceed with the election of Prince Charming.
The table is now open for the nomination of “Prince Charming”
“I nominate John Iglesisas!” ang sigaw ni Joy.
Nagpalakpakan ang buong klase. Tiningnan ko ang reaksyon
ni John kung payag siya sa nomination ngunit wala siyang pakialam. Disconnected
sa activity, tila pagod, nakadukdok lang sa kanyang desk. Tulog.
At dahil wala naman siyang reaksyon, itinuloy ko ang
nomination process. “Any other nominations?” ang tanong ko.
“I move to close the nomination!” ang mabilis na sambit ni
Joy.
“I second the motion.” Ang pagsegunda naman ng kaibigan ni
Joy.
Halos hindi ako makakibo sa bilis nila. “Grabe naman! Isa
lang ang nominee natin?” ang tanong ko sa klase.
“Wala nang tatalo sa jan sa Hang ni Joy Tok!” ang sigaw
naman ni Jeff. “Kahit maligo pa kami oras-oras sa isang araw, ‘di na
kami makahabol sa gandang lalaki niya. Sobrang guwapo eh. Nababakla na nga rin
ako d’yan. Baka nga liligawan ko pa yan, eh.”
Tawanan ang buong klase. Nang nakita ng klase na gumalaw
si John at inangat saglit ang kanyang ulo, marahil ay nagising sa ingay, bigla
ring natahimik ang lahat.
“Okay, let’s proceed wth the voting.”
“Wala na tayong pagbobotohan Tok!” ang sigaw uli ni Jeff.”
Natawa na naman ang lahat.
“For formality na lang.”
Kaya hayun, sa 48 ka estudyante ng Grade 12 Class
Masugid, 44 ang tumaas ng kanilang kamay. “Mr. John Iglesias is hereby declared
elected as the class’ Prince Charming.” Ang pag-confirm ko.
Palakpakan ang lahat.
Nakumpleto rin ang set of officers ng Class Masugid. Nang
mag-ring ang bell para sa uwian, nagsimulang magsitayuan ang mga estudyante upang
lumabas ng kuwarto. Naunang lumabas ang aming guro, sumunod ang iba pang mga ka-klase
namin. Habang inayos ko ang laman ng aking bag upang tatayo na rin, nakita ko
si Jeff na kinuwelyuhan ni John.
“Anong sabi mo? Liligawan mo ako? Anong palagay mo sa
akin, bakla?!” ang narinig kong sigaw ni John kay Jeff.
“P-pare, sorry, sorry na. Nagbibiro lang ako. Ganyan
talaga ako, pare, pala-biro lalo na sa klase!” ang paliwanag ni Jeff na
halatang nataranta.
“Nagbibiro ka? Natawa sa biro mo ang klase? Tapos ako ang
pinagtatwanan nila?” ang sagot ni John na mistulang nanlilisik ang mga matang
nakatingin kay Jeff.
“S-sory na… sory na...”
“Hindi puwede sa akin ang ganyang biro. Hindi kita
kaibigan para biruin mo ako ng ganyan. Naintindihan mo?!”
“Okay pare. Hindi na mauulit. Sorry!”
“Pakawalan mo siya, John. Ganyan talaga si Jeff sa klase.”
Ang pagsingit ko.
Pinakawalan ni John si Jeff atsaka ako ang hinarap, bakas
pa rin sa kanyang mukha ang galit. “Isa ka pa, no?” ang sambit niya habang
bumaling siya sa akin.
“Ha? A-anong kasalanan ko?” ang sagot kong nabigla sa
kanyang sinabi.
“Anong kasalanan mo?” ang pagtutok pa sa aking mukha ng
kanyang hintuturo at idiniin iyon. “Bakit ka pumayag na gawin akong Prince
Charming?”
“Huh!” ang reaksyon ko dahil sa hindi inaasahang tanong.
“Malay ko bang ayaw mo pala.” Ang sagot ko sabay din salag sa kanyang hintutro
na sumagi sa mukha ko.
“E di sana ay tinanong mo muna ako kung papayag ako o
hindi! Hindi iyong nagdesisyon ka para sa akin!” ang sambit niyang tumaasang
boses.
“Eh, tulog ka eh!” Ang sagot kong tumaas rin ang boses.
“E, sana ay ginising mo ako! Mahirap bang gawin iyan?!!”
ang mas lalo pang tumaas niyang boses.
Napatitig na lang ako sa kanya sa napaka-irrational na
sagot niya. “Arghhh!” ang gigil kong bulong sa sarili sabay talikod at tumbok
sa aking upuan upang kunin ang aking knapsack.
“Hoy! Kahit presidente ka pa ng Pilipinas, hindi mo ako mapasunod
kung ano man ang gusto mong ipagawa sa akin.”
Hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Hindi ko na pinatulan.
Hindi ko naman kasi alam ang talagang ugali niya. Baka magkasuntukan lang kami
kung papatulan ko.
Nang nasa labas na ako nakita kong nag-uumpukan ang mga
estudyante sa klase namin. Nang mapadaan ako sa umpukan nina Joy, narinig ko
ang mga kumento nila. “Gash! Hang-bagsik. Hang-tapang! Hang-macho! Kung kanina
ay siya ang aking campus Hang, ngayon ay itinaas ko na ang ranggo niya sa
pambansang ‘Hang’!” ang sabi ni Joy. “Psst. Atin-atin lang, ang tawag natin sa
kanya ay ‘Hang’ na ha? Type ko kasi siya, ayiiiiii! At para rin hindi niya malaman
na siya ang pinag-uusapan natin! Ang bagsik kasi niya kapag nagagalit eh. At
Nakakatakot!”
“Narinig ko iyon!” ang pagsingit ko.
Napalingon silang lahat sa akin. “Huwag mo kaming isumbong
ah!” ang sagot ni Joy.
“Paano ko sasabihin iyan. May uwang ata sa ulo iyong
‘Hang’ mo eh. Parang adik. Pati ba naman ako pinagalitan. Hindi naman ako ang
nag-nominate sa kanya. Anong kasalanan ko?” Ang pagpaparining ko kay Joy na
siyang nagnominate kay John.
“Ako ang pinaparinggan mo eh!” ang sagot naman ni Joy.
“Oo… dahil noon, ako ang crush mo pero napadayo lang ang
taong iyon, crush mo na kaagad!” ang biro ko pa rin habang dire-diretso na ako
sa paglalakad pauwi.
“Ito naman. Marami kasi akong karibal sa iyo eh! Kainis
ka! Ayoko namang saktan ang muse natin na love ka… At least d’yan kay
super-Hang, ako ang nakadiskubre!” Ang sigaw din ni Joy na nakatingin sa akin habang
naglalakad na palayo.
Tumawa na lang ako.
(Itutuloy)

unang basa palang hehe ganda ahh
ReplyDelete