A story inspired by the Chinese series "Addicted (Heroin)"
By: Michael Juha
Fb: Michael Juha Full
********************
Tila hindi ako makahinga
sa sobrang sakit na nadarama at halos hindi gumana ang aking isip kung ano ang
aking gagawin sa sandaling iyon. Ang tanging sumagi sa aking isip ay ang
tawagan si John.
Nag-iiyak akong
nagtatakbo habang tinungo ang pinakamalapit na kapitbahay. Doon ako nanghingi
ng tulong. Nanghiram din ako ng cell phone.
Nang narinig ko ang
boses ni John, doon na lalo pang bumuhos ang aking emosyon. Feeling ko kasi ay
siya lang ang puwede kong malalapitan sa panahong iyon, siya lang ang aking
masasandalan, siya lang ang makakatulong sa akin. Mistula akong isang
kaawa-awang batang paslit na nagsusumbong. “John... wala na ang inay! Hindi na
siya nagising kanina.” Ang sambit ko. At hindi ko na napigilan pa ang sariling
humagulgol.
“Ha???” ang sagot ni
John. Matagal siya bago nagsalitang muli. Hinayaan niya akong umiyak nang
umiyak.
“Hindi ko alam ang
gagawin ko, John.” Ang sunod kong nasabi.
“Okay Tok... pupunta ako
riyan ngayon na. Hahabol ako ng flight, mag chance passenger na lang ako...”
yun lang ang sabi niya at pinatay na niya agad ang kanyang cell phone.
Ala-1 ng hapon ay
nakarating din si John. Pagdating na pagdating niya ay kaagad niaya akong
niyakap. “Sorry sa nangyari sa iyong inay. Nakikiramay ako.” Ang sambit niya.
Doon na naman ako napaiyak. Hinaplos-haplos niya ang aking likod.
Dahil may mga tao na na
tumulong sa pag-asikaso sa bangkay, at may mga lalaking gumawa na rin ng
kabaong gamit ang mga tira-tirang piraso ng kahoy na bigay rin nila, sinabihan
sila ni John na huwag nang ituloy at balak niyang sa fueneral parlor na lang daw
iburol ang inay.
“Huwag na lang sigurong
iburol ang inay John... Nang buhay pa ang inay, palagi iyong nagpaparinig sa
akin na kung sakaling may mangyari sa kanya, gusto niyang ilibing kaagad.
Naalala ko pa nang pabiro niyang sinabi sa akin iyon, hindi ako natuwa. Nagalit
ako. Tapos sa gabi hindi na ako nakatulog nag-iiyak na lang ako. Isa pa, malayo
ang funeral parlor, hindi makapunta ang mga kapitbahay at mga kakilala ng inay.”
Ang sambit ko.
“O sige... pero siguro
naman ay bigyan natin siya ng kahit kabaong na hindi kamahalan pero may dating
naman. Iyong dignified naman ang pagkalibing sa kanya. Tapos, pagawan natin
siya ng nitso, hindi iyong sa lupa lang ilibing.”
“I-ikaw ang bahala.” Ang
sagot ko na lang.
Pinakisuyuan ni John ang
mga lalaki na imbes gumawa ng ataul, bumili na lang ng semento at gumawa ng
nitso sa sementeryo. Binigyan sila ng pera ni John upang makapagsimula sila
agad.
Lumuwas kami ng lungsod
upang bumili ng kabaong. Kasama naman namin ang isang kapitbahay na nagkusa na
magprocess ng death certifiacte ng inay. Dahil malayo ang lugar namin,
pina-deliver na lang namin ang kabaong. Bumili rin kami ng mga bulaklak, at mga
pagkain para sa mga maglalamay.
Dahil walang koryente sa
aming lugar, bumili rin si John ng generator upang may pang-ilaw. Bumili na rin
siya ng mga baraha para magamit sa laro.
Tinext din ni John si
Joy at pinakisuyuan na sabihn sa aming guro na mag-absent muna ako ng mga
tatlong araw dahil sa pagkamatay ng inay.
“Alam mo John, ang laki
na ng gastos mo. Di ko alam kung paano kita mababayaran.” Ang sambit ko.
“Hayaan mo na Tok...”
nahinto siya. “Actually, may kasalanan din ako eh. Marahil ay kung ipinacheck
up muna natin siya bago ako umalis, siguradong buhay pa ang inay mo. May kasalanan
din ako sa kanya.”
“Huwag mong sisihin ang
sarili mo, John. Siguro ay talagang oras na ng inay. At dapat na rin siguro
siyang magpahinga. Wala tayong dapat sisihin.” Ang sambit ko.
Kinagabihan sa lamay,
dumating ang mga kaklase ko. Kanya-kanya silang dala ng mga pagkain at juice.
May nagdala rin ng mga disposable na kutsara, tinidor, plastic cups, paper
plates.
Nang makita nila si
John, nagulat sila, lalo na’t abalang-abala siya sa pagtulong sa mga bisita at pangasiwa
sa mga gawain. Sa pagkakita nilang abala si John, tumulong na rin ang iba. May
naglagay ng sandwich sa sliced bread, may nagbalot ng mga pagkain, may
nagtimpla ng juice, kanya-kanyang pagtulong.
“Tok... mabuti naman at
nandito si John kasama mo.” Ang sambit ni Joy.
“Oo Joy. Hindi ko talaga
alam kung paano na lang kung hindi siya dumating. Walang-wala ako, walang
kamag-anak, walang makakatulong.” Ang sagot ko.
“Hindi natin akalain na
kahit ganoon si John noong una, ang bait pala niya ano?” ang pagsingit naman ni
Jeff.
“Oo nga eh. Halos wala
pa iyang pahinga. Galing pa iyan sa Baguio, dumeretso lang dito, tapos sabak
agad sa pag-asikaso sa mga kailangang gawin namin.”
Kahit papaano ay naibsan
ang bigat ng aking damdamin nang makita at makausap ang aking mga kaklase at
kaibigan. Kahit papaano ay napangiti nila ako. At sa lamay, sila rin ang nag
nag-initiate ng mga palaro, kagaya ng kapag natalo sa baraha, lalagyan ng uling
ang mukha, o di kaya ay kapag nakatulog.
Kinabukasan, alas 3 ng
hapon ay inilibing na ang inay. Halos ang lahat ng mga kaklase ko ay nakilibing
din. Bago ipinasok ang kanyang kabaong sa nitso, hindi ko na naman mapigilan
ang aking sarili na humagulgol. Nasa gilid ko lang si John, inaakbayan ako.
Pinipisil-pisil ang aking balikat.
Nang nagsiuwian na ang
mga tao, kaming dalawa na lang ang natira. “Nay... sana kahit nariyan ka kabilang
buhay, patuloy mo pa rin akong gabayan. Mahal na mahal po kita, nay. Hindi ko
alam kung ano ang gagawin ko ngayong wala ka na. Wala nang maghihintay sa akin
sa galing sa eskuwelahan o sa aking mga lakad. Wala na akong kaharutan at
kabiruan sa bahay. Wala nang magbibigay sa akin ng payo, wala na rin akong
mapagsabihan sa mga problema ko. Ma-miss kita, Nay... Huwag po kayong mag-alala
Nay, pipilitin ko pa ring ituloy ang buhay. Kahit wala ka na, na siyang aking inspirasyon
Nay, pipilitin ko pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral upang makamit ko ang
pinapangarap mo para sa akin na makapagtapos ng pag-aaral. At kapag naabot ko
na iyon, iaalay ko ito sa iyo, Nay. Paalam, Nay.. Rest in peace po..” ang bulong
ko.
Tatalikod na sana ako
upang umuwi na nang nanatili si John na nakatayo. Hinawakan niya ang aking
kamay at nagsalita... “Tita... huwag po kayong mag-alala. Sa iyong paglisan,
ako po ang magpapatuloy sa naputol ninyong tungkulin para kay Tok. Ipangako ko
po sa inyo na nariyan lang ako para sa kanya... Gawin ko po ang lahat na
makakaya ko upang hindi siya malungkot. Tutulungan ko po siya upang makamit niy
ang kanyang pangarap. Salamat po Tita sa pagtitiwala ninyo sa akin, sa pagpayag
po ninyo na maging kaibigan ako ni Tok. Sa pagtitiwala niyo po sa akin na
maging kaibigan niya. Hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo. Maraming salamat
po. May you rest in peace po Tita.”
Sa pagkarinig ko sa
kanyang sinabi sa harap ng puntod ng aking Inay, napatitig ako sa kanya. Naalala
ko kasi ang sinabi ng Inay. “...hindi ka na makakahanap pa ng kaibigan na kasing-bait
ni John. Huwag mong pabayaan na mawala siya, lalo na... kapag isang araw na
wala na ako, may isang kaibigan kang nariyan para sa iyo at hindi ka iiwan.”
Naputol ang pagtitig ko
sa kanya nang inakbayan niya ako.
Nang nakarating na kami
ng bahay. Doon ko naramdaman ang nakakabagot na katahimikan. Mistulang nagluksa
din ang ang lahat sa paligid. Dumeretso ako sa kuwarto ng inay at inikot ng
aking mga mata ang kabuuan nito. Tila naroon pa rin ang inay sa ibabaw ng
kanyang higaan, natutulog.
Muli na namang dumaloy
ang aking mga luha. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. “Nay...
kahit wala ka na rito ay aalagaan ko pa rin itong kuwarto mo, na parang narito
ka pa rin. Hindi ko ito gagamitin o ipapagamit nino man.” Ang bulong ko. Iniligpit
ko ang mga gamit ng inay, inayos sa pagkalagay ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas
ako at kinuha ang ekstrang padlock na itinago ko sa aking kuwarto. Bumalik ako
sa kuwarto ng inay at ipinadlock ko ang pinto nito.
Alas 8 pa lamang ay
natapos na ang padasal sa gabing iyon. Nakiusap kasi ang nag-handle sa padasal
na agahan palagi ang schedule gawa ng malayo ang bahay namin. Nang nakaalis na
ang mga taong dumalo, nagpaalam si John na umalis sandali at may bibilhin siya.
Pumayag ako. Nang nakabalik na siya, dala-dala niya ang isang case ng beer, may
isang bote ng alak, isang malaking balot ng barbecue at isang plastic ng kanin.
“Mag-inom tayo, Tok. Alam kong gusto mong makalimot.” Ang sambit niya.
Dumeretso siya sa kusina
at kumuha ng pambukas. Dinala niya ang beer at mga pagkain sa labas ng bahay.
Bilog ang buwan at maganda ang ambiance sa labas. Kaya naisipan ni John na sa
labas na lang kami. Tumalima ako. Presko at malamig ang hangin, tahimik ang
paligid gawa nang kami lang ang nakatira sa lugar, maliban na lang sa ingay ng mga
kuliglig at panggabing hayop.
Marami kaming
pinag-usapan ni John. Mga plano sa buhay. Kagaya nang hindi raw kami
maghihiwalay kahit ano ang mangyayari, na hanggang sa pagtanda namin ay
aalagaan at ipagtanggol pa rin niya ako, na palagi siyang nariyan para sa akin.
Nagplano rin siya na ang kursong kunin namin ay pareho, Business Administration
ang gusto niya.
Halos hindi ako umiimik.
Hindi ko binigyang pansin ang kanyang mga sinabi. Hinayaan ko na lang siyang
magsasalita. Ang isip ko kasi ay nababalot pa sa lungkot at hindi ko pa rin
matanggap ang nangyari sa aking inay. Tila lumulutang pa ako sa kawalan.
Matinding sakit at lungkot pa rin ang aking naramdaman.
Nang malasing na kami,
inalalayan niya ako upang bumalik na ng bahay. Hindi ko na kasi kayang tumayo
at maglakad. “Gusto ko doon sa pampang, John. Dalhin mo ako sa pampang...” ang
sambit ko.
Walang imik na kinarga niya
ako sa kanyang likuran. Tinumbok niya ang ilog. Habang kinakarga niya ako, walang
humpay ang aking pag-iyak. Nang narating na namin ang ilog, pinaupo niya ako sa
gilid ng pampang. Naupo rin siya sa tabi ko. Ngunit dahil lasing ako, hindi ko
magawang umupo ng tuwid. Isinandal ko ang aking katawan sa katawan niya.
Inakbayan niya ako.
“Unang gabi ko ngayon na
wala nang inay...” ang sambit ko. “...at labing-walong taon na rin ako sa
mundong ito na walang itay.” Dugtong kong pautal-utal dahil sa pag-iyak. “Ang
saklap lang talaga ng buhay. Bakit hindi ako kagaya sa iba na may mga magulang?
Na masaya sa buhay nila? Na may mga magulang na nagmamahal? Kahit mahirap lang
kami, wala akong reklamo basta may mga magulang lang sana ako.”
Naramdaman kong hinaplos
niya ang aking buhok at idinampi ang kanyang bibig sa ulo ko. Hinalikan niya
ito. “Huwag kang mag-alala, Tok. Nandito naman ako, eh. Di ba nag-promise ako
harap ng puntod ng inay mo na hindi kita pababayaan. Narito lang ako para sa
iyo.”
“Wala nang paalala sa
akin kapag may ginawa akong mali. Wala nang magagalit sa akin kapag matagal
akong umuwi sa gabi, wala nang mang-ookray sa akin kapag kumakanta ako nang
wala sa tono, wala nang pupunas sa aking katawan kapag may lagnat ako o di kaya
ay malasing, wala nang mag-utos sa akin na mag-igib ng tubig o ayusin ang
bubong... wala na akong mapagsabihan sa mga problema ko, sa mga sikreto ko,
wala nang maglalaba ng mga brief ko..”
“Ako ang magpaalala sa
iyo, Tok... pagagalitan kita kapag matagal kang umuwi sa gabi, ookrayin kita
kapag kakanta ka ng wala sa tono, ako ang pupunas sa iyong katawan kapag may
lagnat ka o malasing ka, uutusan kitang mag-igib ng tubig o mag-ayos ng bubong,
makinig ako kapag may problema ka, o sikreto, at ako ang maglalaba ng mga brief
mo.”
Patuloy pa rin ako sa
pag-iyak.
“Simula ngayon, ako na ang
nanay mo, tatay mo, kapatid mo, pamilya mo. At kung may mas higit pa roon, ako
pa rin iyon...”
Iyon na ang huli kong
natandaan. Nakatulog akong sumasandal sa bisig ni John habang inaakbayan niya
ako at hinahalikhalikan ang aking buhok. Nang magising ako kinabukasan, nasa
kuwarto na ako, nakatakip ang buong katawan ko ng kumot habang sa gilid ko
naman ay si John, naka-boxer short lang, ang isa niyang braso ay nakapatong sa
aking dibdib habang ang aking ulo naman ay nakapatong sa isa rin niyang braso.
Hinawi ko ang kanyang
kamay sa aking dibdib, pati na rin ang braso niyang ginawa kong unan. Dali-dali
akong bumalikwas sa kama bagamat masakit pa ang aking ulo. Tumayo ako at ginising
si John. “John... gising na.”
Nakita kong kinuskos
niya ang kanyang mga mata at inaninag ang paligid. “Uhmmm.” Iniunat niya sa
kanyang katawan.
Napatingin ako sa gitna
niyng katawan habang umunat siya. Napansn ko ang malaking bukol sa ilalim ng
kanyang boxer. Hindi ko na pinansin iyon. Normal lang naman iyon. Ganoon din
kasi ako lalo na sa umaga. Tinumbok ko ang isang sulok at naupo sa may bintana
at ibinaling ang paningin sa kawalan.
“Umaga na pala. Ang
sarap ng tulog ko. “Anong gusto mong kainin Tok...” ang tanong ni John.
Nilignon ko siya. “Wala
akong gana, eh. Bahala ka na lang d’yan.” Ang sagot ko.
Tumalikod siya at
tinumbok ang kusina, naghanda ng almusal. Nang matapos na siya, dala-dala niy
ang isang plato na may kanin, may scrambled na itlog, at may kape rin. “Kain na
Tok... Gusto mo subuan kita.” Ang sambit niya.
“Wala akong gana talaga
eh...”
“Pilitin mo ang sarili
mo, Tok. Para rin ito sa iyong kapakanan. Para hindi ka gugutumin. Kung
nakatingin sa iyo ang inay mo ngayon, sigurado akong malulungkot siyang
nakikita kang ganyan. Kain na...” ang panunuyo niya.
Nang tiningnan ko siya,
nakahanda na pala ang isang kutsara na may lamang pagkain at dali-dali niyng isinubo
ito sa aking bibig. Sa bilis ng kanyang pagsubo sa akin ay hindi na ako
nakatanggi. Wala na akong nagawa. Mistula akong isang batang hindi marunong
kumain at kailangang subuan pa. Nang naka apat na subo na siya, kinuha ko ang
plato. “Ako na John.” Ang sambit ko. Ngunit inilagay ko lang iyon sa sahig at
ang kinuha ko ang ay ang baso ng kape at ipinatong iyon sa gilid ng bintana.
Sa gabing iyon ay
nag-inom uli kami. Walong beer lang ang kanyang binili. Tama na raw iyon dahil
ayaw niyang gabi-gabi kaming mag-inom. Baka masanay daw ako at magiging
lasenggero. Doon pa rin kami sa pampang nag-inom.
“Dito sa ilog na ito ay palaging
naglalaba ang inay. Noong bata pa ako, ang saya-saya ko kapag naglalaba siya at
dinadala niya ako rito. Naglalaro ako sa tubig. Kapag nagutom na, kakainin
namin ang aming baon na balinghoy at ang kapares noon ay bagoong.”
Tahimik. Nakinig lang
siya sa akin.
“Minsan may isang
insidente na inanod ako sa malalim na bahagi ng tubig. Muntik na akong malunod,
nakainom ako ng maraming tubig. Mabuti na lang at napansin ako ng inay. Agad
niya akong sinagip. Simula noon, tinuruan na niya akong lumangoy kahit ang
liit-liit ko pa.”
“Gusto mo, maligo tayo
sa ilog?” ang sambit niya.
Napangiti ako sa kanyang
sinabi. Tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha nang makita
niyang nakangiti ako. Dali-daling inilatag niya ang kanyang bote ng beer sa
damuhan, tumayo at naghubad ng pantalon at T-shirt atsaka mag-dive. “Habulin mo
ako Tok!” ang sigaw niya.
Naghubad na rin ako ng
short at t-shirt at nag-dive. Hinabol ko siya. Naghabulan kami sa ilog.
Sa gabing iyon ay kahit
papano, napangiti niya ako, napasaya. Panandalian kong nalimutan ang sakit ng
pagkawala ng aking inay.
Kinabukasan ay halos
ganoon pa rin ang aming setup. Malungkot pa rin ako. Si John pa rin ang naghanda
ng agahan.
Alas 10 ng umaga, nakita
kong tumungo siya sa likod ng bahay, dala-dala ang balde at itak. “Saan ka?”
ang tanong ko.
“Nakita ko ang balinghoy
sa likuran ng bahay, puwede na sigurong mag-harvest.”
Hinayaan ko na lang
siya. Maya-maya bumalik uli siya sa loob ng bahay. May laman na ang balde na
kanyang dala. Dumeretso siya sa kusina.
Alas 11 ng mapansin ko
na naman siyang hinalungkat ang mga labahin namin. Ipinasok niya ang mga iyon
sa palanggana.
“Anong gagawin mo?” ang tanong
ko.
“Maglaba tayo sa ilog.
Dalhin natin ang balinghoy na niluto ko.” Ang sagot niya.
Napatitig na lang ako sa
kanya. “Hindi mo naman kailangang gawin ito eh. Puwede naman akong maglaba.
Gulong-gulo pa lang ang isip ko kung kaya ay halos hindi pa gumana iyong normal
na takbo ng aking utak. Parang bangag ba...”
Natawa siya. “Okay lang
iyan. Normal lang ang iyong naramdaman. Kaya nga narito ako upang damayan ka,
gabayan ka, tulungan ka.” Ang sambit niya sabay bitbit sa palanggana, balde.
“Tara na! Dalhin mo iyong kaldero ng balinghoy. May bagoong na rin sa baso at
inilagay ko sa loob ng kaldero.” Ang nakangiting sabi niya.
Tumalima na lang ako.
Nang nasa ilog na kami, tinulungan ko siyang maglaba. “Nasaan ang brief ko?
Dalawa iyon na nasa labahan?” ang tanong ko.
“Heto o... nilabhan ko.”
Sabay angat sa brief na kasalukuyang kinuskos niya. “Ang isa ay tapos na.”
Sabay turo rin sa isang nakalatag na sa ibabaw ng bato kasama sa iba pang nasabon
na.
Napatingin ako sa kanya.
“Ba’t ikaw ang naglaba niyan?” ang tanong ko. Syempre, nahiya ako. Personal na
gamit iyon at hindi pa mga bago, iyong harapan ay nag-iba na ang kulay.
“Hayaan mo na, Nak. O,
baka gusto mong maglaro sa tubig, mag-ingat ka lang. Tuturuan kitang lumangoy
mamaya.” Ang biro niya.
Natawa na lang akong
napatingin sa kanya. “Tarantado!”
HULING ARAW na iyon ng
suspension ni John. Huling araw rin iyon ng hiniling kong pag-absent sa klase
dahil sa pagkamatay ng inay. “Papasok na ako bukas, John...” ang sambit ko.
“Ako rin papasok na
bukas...” ang sagot niya. “Tapos na ang suspension ko.”
“At doon ka na rin
matutulog sa apartment mo?”
Tiningnan niya ako.
Binitiwan ang isang matipid na ngiti. “Ano sa tingin mo?”
Binitiwan ko ang isang
malalim na buntong-hininga. “Syempre, sa apartment mo. Hinahanap ka na ng
guardian mo.”
Binitiwa niya ang isang
ngiti. “Dito na ako titira sa iyo, Tok.” Ang sambit niya. Ngunit may pahabol.
“Kung papayag ka.”
“Ha? P-paano ang
apartment mo? Iyong mga kasama mo doon?”
“Nagpaalam na ako sa
kanila. Okay lang sa kanila.”
“Eh... buti’t pumayag
sila. Okay lang sa akin.” Ang sagot ko.
“Alam mo naman, di ba?
Walang pakialam sa akin ang papa ko. Binibigyan lang niya ako ng pera. Para sa
kanya, pera lang ang katapat ng lahat. Ang mama ko naman, hindi ko alam kung
nasaan siya, at wala rin siyang pakialam sa akin. Kahit magpalaboy-laboy pa ako
sa lansangan, okay lang.” Ang sambit niya.
“K-kawawa ka rin pala,
John. Halos pareho tayo ng kapalaran.”
“Siguro nga. Baka
itinadhana talaga tayo para sa isa’t-isa.” Sabay tawa.
“Ngek!” ang sagot ko. Itatanong
ko pa sana ang tungkol sa aksidenteng narinig kong usapan nila ng girlfriend
niya sa may highway, sa gilid ng eskwelahan. Ngunit hindi ko na itinuloy pa ang
tanong. Baka kasi masyadong personal na.
“Basta okay lang sa iyo
na dito ako tumira, ha?” ang tanong niya. “Baka makulitan ka sa akin.”
“Oo naman! Ikaw pa!” ang
sagot ko rin.
“Gusto ko... Tok na rin
ang tawag mo sa akin.” Ang sambit niya sabay katok sa dinding na kawayan,
nagpatawa.
“Kilalanin muna kita.”
Ang sagot ko rin.
Kaya iyon ang naging
arrangement namin. Nagsama kaming dalawa sa bahay. At dahil nakapagbitiw ako ng
pangako sa aking inay na ang ila-lock ko ang kuwarto niya at hindi ko pakikialaman
o gagamitin ito para lagi ko siyang maalaala, sa kuwarto ko natutulog si John,
sa kama ko, magkatabi kami.
Napakalaking tulong ang
naibigay sa akin ni John sa pagtira niya sa bahay namin. Siguro kung ako lang
mag-isa, mahihirapan ako. Bagamat may maliit na manukan naman ako at nagtatanim
ng mga gulay at kamoteng-kahoy. Kung iyon lang ang aking aasahan, hindi ko
mabibili ang iba pang mga pangangailangan ko. O baka maghahanap ako ng mag-extra
na na trabaho. Ngunit dahil naroon si John, natulungan niya ako sa financial na
pangangailangan. Nakakahiya ngunit sabi nga niya ay kagustuhan niya iyon at
wala siyang hinihiling na kapalit.
May mga pinaayos din
siyang mga parte ng bahay na sira na, kagay ng bubong at dinding na butas-butas
na, ang balon ay pinagawang de-bomba, at marami pang iba. Gusto ko sanag
imungkahi sa kanya na bumili ng kama para tig-iisa na kami kasi malikot ako
kapag natutulog ngunit nahiya na ako. Mahal din kasi ang kama.
Sa mga gawaing bahay
naman ay hati kami sa trabaho. Pero kadalasan, siya ang gumagawa. Ayaw kasing
paawat. Nakakahiya na ang isang mayaman na kagaya ni John ay nagtiis na samahan
ako, natulungan ako, at halos magpaalipin na lang sa akin.
Lumipas pa ang ilang
araw at halos tanggap na sa aking isip na wala na ang inay. Marahil ay kung
wala si John, mahihirapan akong tanggapin ang lahat. O baka tuluyan pa akong
mababaliw. Malaki ang naitulong ni John upang matanggap ko ang lahat, at mabilis
na maka-recover. Nanumbalik na ang pagiging masayahin ko, ang pagiging positive
ko sa buhay.
Sa ilang araw na nagsama
kami ni John ay unti-unti ko na rin siyang nakilala. Iyong impression ko sa
kanya dati na tahimik na tao, nagmamanman sa isang sulok, hindi masalita ngunit
kapag nagsalita naman ay straight to the point, tapos hindi mahilig sa dada o
kuwento, lahat ay ipinapakita sa gawa. Kapag galit, impulsive, walang takot at
kapag may sinabi ay gagawin kahit may magalit pa. Napagkakamalang masungit o
snob ngunit mabait pala. Tahimik na tao ngunit may kulo rin sa loob at marunong
ding magbiro, mang-okray, at makipagharutan. Iyon ang mga nakita ko sa aming
pagsasama, ang isang side niya na masayahin, makulit, mahilig magbiro, may
pagka-pilyo ngunit maaalalahanin, din, sweet, at mapagmahal. Marahil ay kung babae
lang ako at manligaw siya sa akin, siguradong sasagutin ko siya. Masuwerte ang
taong mamahalin niya.
Ngunit syempre, habang
lumalalim ang pagkakakilanlan mo sa isang tao, may madiskubre ka ring mga bagay
na nakaka-inis, o nakaka bad trip. Sa akin ay iyong sobrang pagka-sweet niya na
parang ang turing niya sa akin ay syota niya. Hindi naman sa ayaw ko noon, naiilang
lang siguro ako. Hindi kasi ako sanay na kapwa lalaki ay ganoon ang turing sa
akin. Parang ano iyon? Kagaya nang sa kainan, gusto niyang subuan ako.
Nilalagyan ng ulam ang plato ko. Pinapakialaman ang mga gamit ko at kapag ayaw
niya ay sasabihin sa akin na itapon na ito, o heto ang isuot mong T-shirt. Ayaw
ko ng ganoon. Ang inay nga hindi ako pinapakailaman kasi, alam ng inay ko na
nagagalit ako kapag pinapakialaman ako.
At ang pinaka-ayaw ko sa
lahat ay iyong sa pagtulog namin sa gabi. Kung sa unang mga gabi na nagsama
kami sa isang higaan ay wala akong napansin, iyon ay either lasing ako o, iyong
sobrang lungkot dahil sa pagkamatay ng aking inay. Kaya okay lang iyon. Ngunit
habang tumatagal ang pagsasama namin sa iisang kama, naiirita na ako kapag
ganyang ipatong niya ang kanyng hita sa aking harapan, yayakapin ako, o isingit
sa ilalim ng aking ulo ang kanyang braso. Naiinitan na nga ako, nakakabalisa pati
ang ganoon. Para kaming mag-asawa. At lalo na kapag magising ka na lang na
tumitigas ang ari mo, tapos nakita mong tulog siya ngunit ang kanyang kamay ay
nakapatong sa ibabaw ng ari mo mismo. Eww.
Ngunit ang isang
kagandahan din kapag malalim na ang inyong pagkakakilanlan sa isa’t-isa ay
iyong hindi na kayo masyadong naiilang na gawin o sabihin ang mga bagay na dati
ay di mo magawa o masabi sa harap niya. Di ka na rin nahihiyang sawayin siya, o
sigawan, o makikipagharutan o makikipaglokohan. Nawala na iyong hiya at
pagkailang.
Kaya sa oras ng tulugan
ay parang aso’t pusa kami sa ibabaw ng kama. “Ano ba John! Umusog ka nga roon!
Ang liit-liit na nga ng kama, nasa gitna ka pa pumuwesto! Wala na akong
ispasiyo!” ang bulyaw ko.
“Ikaw ang umusog rito.”
Ang sagot din niya.
“Bakit ako uusog sa iyo?
Ang init-init eh.”
“Gusto kong yakapin ka.”
“Yakapin? Bakit
mag-asawa ba tayo?”
“Kahit di tayo
mag-asawa, puwede naman tayong mag-sex, di ba?” ang biro niya at matatawa.
“Ewwwww!”
“Usog na roon!
Tatadyakan kita kapag di ka umusog.”
Kapag ganoong naggalit
na ako, uusog na siya. Ngunit kapag tulog na ako, di ko na alam. Magigising na
lang kasi ako na minsan, naging unan ko na ang bisig niya. Minsan naman,
nakalingkis na ang kanyang braso sa aking katawan o kaya, ang hita niya ang
nakapatong sa aking pagkalalaki. Ang matindi ay minsan ang kamay talaga niya
ang nasa ibabaw ng aking bukol. Magulat na lang ako niyan pagkagising ko.
Kaya isang araw, di ko
na talaga natiis ang pagka bad trip ko kapag natutulog kami. May naisip akong
paraan. Umalis noon si John, nagunta sa apartment niya, may kukuhaning gamit at
may mga bibilhin daw. Doon ko na isinagawa ang aking plano. Hapon na nang
nakabalik siya kaya wala siyang kaalam-alam sa ginawa ko. Pagdating na
pagdating niya ay kumain kaagad kami. May binili kasi siyang pagkain kaya iyon
na ang aming hapunan.
Oras ng tulugan, nagulat
na lang siya nang pumasok sa aming kuwarto. “Ba’t dalawa na ang kama riyan? Ang
tanong niya.
“Ba’t di ka ba masaya na
ginawan kita ng kama? Nag-effort ako ako na mamumutol at maglagari ng kawayan, ,
napagod ako sa kakamartilyo para mabuo iyan, nagutom... at ako lang mag-isa ang
gumawa niyan, wala ka man lang thank you?”
“Ba’t ako mag thank you.
Di ko naman hiniling ito? At ang pangit ng pagkagawa! Ang sakit sa likod! Paano
ako makakatulog nito?”
“Paano makakatulog.
Nasanay ka na ngang mahiga sa kawayan na kama ko eh. Ngayon ka lang magreklamo?
Kung gusto mo, palit tayo, ako d’yan.”
“Bakit ka ba gumawa ng
isa pang kama? Wala naman tayogn problema sa isang kama ah!”
“Walang problema? Ang
init-init, tapos minsan pa ay sinasakop mo an gbuong kama at nasa dulo na ako.
Tapos nangyayakap ka pa!”
“Ano daw? E ikaw nga
itong yumayakap sa akin at hindi makatulog kung hindi ko niyatakap eh! Ang
himbing-himbing mo nga! Kapag tumalikod naman sako sa iyo, ikaw naman itong
tatagilid paharap sa akin at ililingkis mo pa ang braso mo sa katawan ko, di
ako halos makakilos! Himbing na himbing ka. Tapos ipapatong mo ang hita mo sa harapan
ko.”
“Ano? Niyayakap kita?
Tsura mo!”
“D’yan na lang tayo kasi!”
sabay sampa sa kama ko at niyakap ako.
Nakipagbunuan ako. “Ano
baaaaa! Lumipat ka na roon! Letse!”
Ngunit hindi pa rin siya
lumipat, nanatiling nakayakap sa akin. Nagpambuno kami. Ngunit dahil mas malaki
ang katawan niya, talo ako. Sa inis ko ay tumayo ako at pumunta ng kusina. Nang
bumalik na ako ng kuwarto ay dala-dala ko ang itak. Doon ako humiga sa kama
niya dahil ang kama ko ay hinigaan niya. Inilagay ko ang itak sa aking
tagiliran. Panakot sa kanya. “Kapag ikaw ay lumipat dito, iitakin talaga kita.”
Ang pagbabanta ko pa.
Tumingin siya sa akin.
“Kapag may naputol na bahagi ng aking katawan bukas... Walang akong ibang pagbebentangan
kundi ikaw!” ang sambit niya.
“Iyan ay kung buhay ka
pa niyan!” Ang sagot ko rin.
Kaya hayun, wala na
siyang nagawa. Kaso, halos hindi rin ako makatulog dahil sinadya niyang
magdadaldal. Kesyo ang sakit-sakit ng likod niya, kesyo hindi siya makatulog
kung walang kayakap o patungan ng kanyang paa, kesyo takot siya sa dilim... sobrang
laki talaga ng problema niya sa gabing iyon, parang mas malaki pa kaysa
problema ng global warming.
Pero kahit papaano,
nakahinga ako ng maluwag. Habang nagmamaktol sya, ang sarap-sarap naman ng
pakiramdam ko na solo ko ang aking kama. Nakangiti pa ako habang nagtalukbong
ng kumot. “Ang sarap talagang nag-iisa sa kama.” Ang parinig ko sa kanya.
“Mabuti ka pa. Ako rito hindi makatulog!” ang sagot
din niya.
SABADO IYON, wala kaming
pasok ngunit may practice ang aming grupo sa English na subject. Requirement
kasi iyon para sa aming grado sa mid-term. Kaya obligado akong pumunta sa
eskuwelahan. Hindi sumama ni John. Himala dahil kahit saan ako nagpupunta ay
palagi siyang nakabuntot. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya sumama.
Alas 2 na ng hapon nang
matapos ang aming practice. Nang nakarating na ako ng bahay, laking gulat ko
nang nasa labas ng bahay si John, sa harap ng malaking kawa na puno ng tubig at
nakapatong sa pugon na nag-aapoy pa. Bigla akong kinabahan dahil nakakakita
lang ako ng ganyan kapag may kakataying baboy. Iyong baboy na alaga ko pa naman
ay maliit pa, hindi pa puwedeng katayin.
“Anong ginagawa mo?” ang
tanong ko.
“Nagpakulo ng tubig.”
“Para saan?”
“Wala lang, gusto ko
lang.” Ang sagot niya.
“Gusto mo lang? May
sayad ka? Nagpakulo ka ng tubig d’yan sa malaking kawa dahil gusto mo lang?”
“Oo...”
Ngunit nang napansin ko sa
isang gilid ang pira-pirasong kawayan na ginamit niyang panggatong. Iyong iba
ay may nakakabit pang pako. Naghinala na ako. “Iyan ba iyong kama na ginawa ko
para sa iyo???”
“Oo...” ang kalmanteng
sagot niya habang ang malaking sandok ay inilubog niya sa tubig na nasa kawa at
pinaikot ang tubig na para talagang may niluluto siya.
Doon na tumaas ang boses
ko. “Diyoskopooooooo! Bakit naman Johnnnnn! Bakit mo ginawang panggatong ang
kama na ginawa ko! Hayop ka!!!” sabay hila sa isang pirasong kawayan na nakasalang
pa sa apoy at nag-aapoy pa. Dali-dali kong hinabol si John na mabilis ding
kumaripas, hawak-hawak ang malaking panandok. “Kapag naabutan kita ikaw ang
ilublob ko d’yan sa kawa ng pinakulua mong tubig, tangina mo!!!”
“Wala akong panggatong
eh!” ang sagot niya habang tumatakbo.
“Walang panggatong,
nagpakulo ka lang ng tubig na hindi ko alam kung para saan hayop ka, buong kama
talaga ang kailangang panggatong!!!”
Wala na akong nagawa.
Sunog na sunog na ang kama na pinaghirapan ko.
Kinagabihan, balik uli
kaming nagtabi sa iisang kama. Habang sarap na sarap siya sa pagyayakap sa
akin, ako naman itong nag-alburoto.

Anong ginagawa mo?” ang tanong ko.
ReplyDelete“Nagpakulo ng tubig.”
“Para saan?”
“Wala lang, gusto ko lang.” Ang sagot niya.
“Gusto mo lang? May sayad ka? Nagpakulo ka ng tubig d’yan sa malaking kawa dahil gusto mo lang?”
“Oo...”
Ngunit nang napansin ko sa isang gilid ang pira-pirasong kawayan na ginamit niyang panggatong. Iyong iba ay may nakakabit pang pako. Naghinala na ako. “Iyan ba iyong kama na ginawa ko para sa iyo???”
“Oo...” ang kalmanteng sagot niya habang ang malaking sandok ay inilubog niya sa tubig na nasa kawa at pinaikot ang tubig na para talagang may niluluto siya.
Doon na tumaas ang boses ko. “Diyoskopooooooo! Bakit naman Johnnnnn! Bakit mo ginawang panggatong ang kama na ginawa ko! Hayop ka!!!” sabay hila sa isang pirasong kawayan na nakasalang pa sa apoy at nag-aapoy pa. Dali-dali kong hinabol si John na mabilis ding kumaripas, hawak-hawak ang malaking panandok. “Kapag naabutan kita ikaw ang ilublob ko d’yan sa kawa ng pinakulua mong tubig, tangina mo!!!”
tHAHAHA PISTI di matigil tawa ko dalawang ito susme. GALING talaga sana untill the end.. sila parip
Ang dami Kong tawa dun sa kamang ginawang panggatong! 😂😂😂
ReplyDelete