A story inspired by the Chinese series "Addicted (Heroin)"
By: Michael Juha
Fb: Michael Juha Full
Simula nang ginawa
niyang panggatong ang pinaghirapan kong kong kama para sa kanya, sa isang kama
na lang kami natutulog. At palagi, sa kama rin kami nag-aaway dahil igigiit
niya palagi ang pagyakap sa akin. Marahil ay kung babae lang ako, iisipin kong
gusto niyang maka-chansing sa akin. Ngunit dahil pareho naman kaming lalaki,
wala lang sa akin iyon. Iyon nga lang, nakukulitan ako, naiirita.
Ngunit sa kabuuan naman,
masaya ako dahil may kasama ako sa bahay, may kaharutan, may kakuwentuhan, may
masasabihan kung may problema. Higit sa lahat, may nakakatulog sa mga pangangailangan,
may nakakaintindi sa aking kalagayan.
Hanggang sa napansin
kong imbes yakap lang at patong ng kanyang hita sa aking hita o aking harapan
ay nagpupumilit na rin siyang humalik sa pisngi ko o di kaya ay sa bibig ko.
Minsan pa ay hihipuin niya ang aking pagkalalaki.
Kadalasan ay iyan ang
aming hindi pagkakasunduan kapag natutulog na kami.
“John ano baaaaa!!!” ang
sigaw ko sa kanya isang beses na dinaganan niya ako at inipit ang aking mga
kamay. Halos hindi ako makagalaw. Nahalikan niya ang aking bibig bago ko pa man
maipihit ang aking ulo upang maiwasan ang kanyang bibig. “Bakit mo ba ako
hinahalikan! Tangina na yan!” ang sigaw ko nang naka-alpas ako sa kanyang
pagdagan sa akin at nakatayo na sa gilid ng kama. “Kapag palagi kang ganyan, sa
sahig na ako matuutlog. Kahit walang kulambo titiisin ko basta hindi lang kita
makatabi.”
“Sorry na. Sorry na...”
ang sambit niya. “Hindi ko na uulitin. Basta magtabi lang tayo.” Tapos nang
humiga na ako ay parang nagtatampo at tumalikod sa akin.
Syempre, nakonsiyensya
naman ako kaya tumagilid ako paharap sa kanya, inilingkis ko ang aking bisig sa
kanyang katawan. Alam ko naman na iyon ang weakness niya eh, ang yakapin ko
siya. “Sorry na rin. Ikaw kasi. Alam mo namang ayaw ko ng ganyan eh.” Ang
paliwanag ko.
Hindi siya kumibo ng
ilang minuto bagamat hinawakan niya ang kamay ko na nakalingkis sa katawan
niya, hinaplos iyon.
Hinayaaan ko lang siya. “Bakit
mo ako hinahalikan?” ang tanong ko.
“Wala... nalilibugan
lang ako. Ikaw ba ay hindi nalilibugan?” ang tanong niya. “Hindi pa kita
nakitang nagparaos.”
“Bakit ko ipapakita sa
iyo kapag nagparaos ako?”
“Hindi mo pa ba
naranasan na magparaos may kasabay?”
“Hindi ah! Hindi ko
gusto. Naiilang ako.”
“Hindi mo talaga gusto,
kahit subukan natin?”
“Ayoko nga, eh! Kulit
mo. Matulog ka na nga!” sabay tagilid patalikod sa kanya.
Iyon... siya na nman
itong tatagilid sa akin at yayakapin ako.
Tahimik.
“May nahalikan ka na ba,
Tok?”
“Wala pa...” ang sagot
ko.
“Talaga?”
“Oo naman. Sino ba ang
hahalikan ko. Wala naman akong girlfriend.”
“O e di tama. Practice
tayo ng halikan. Sige na!”
“Gago!”
“Alam mo, kapag nalaman
ko, o makikita na may kahalikan ka, magtatampo ako, magagalit magseselos,
sasama ang loob sa iyo.”
“Bakit sasama ang loob
mo? Hindi naman tayo magjowa?”
Narinig kong binitiwan
niya ang isang malalim na buntong hininga. “Basta...”
Minsan, nag-iinuman kami
sa bahay, nalasing siya. “Tok... Naranasan mo na bang magmahal?” ang tanong
niya.
“Hindi pa... Siguro
crush lang. Ayoko kasing pumasok sa ganyan habang nag-aaral pa. Dagdag sakit sa
ulo lang iyan, lalo na kapag nagseselos, hindi ka libreng gumalaw kasi,
kailangan mo pang ihatid, sunduin, at kung hindi mo magawa iyan dahil may iba
kang gagawin, mag-aaway kayo. Tapos may date-date, walang pera. Kaya mas mabuti
pa na ang oras ko ay igugugol ko sa pag-aaral o sa pag-aalaga ng hayop o
pananim ng gulay, Atsaka, noong buhay pa ang inay, kailangan kong nasa bahay
palagi dahil nahihirapan siya.” At baling kay John. “Bakit mo naitanong?”
“Wala. Masarap kasing
magmahal. Ngunit masakit din kapag nabigo.”
“Mabigo? Paano ka
mabigo, may girlfriend ka na!”
“Minsan kasi, nalilito
rin ang puso eh. Minsan din, nababaliw. Kaya di mo alam kung ano ang iyong
gagawin.”
“A-anong ibig mong
sabihin?”
“Halimbawa, mahal mo
iyong pusa. Naging kayo. Akala mo, kayo na talaga ang itinadhana. Marami na
kayong plano sa buhay, malalim na ang inyong pinagsamahan, Tapos habang
kampante ka na relasyon ninyo, sa hindi mo naman inaasahang pagkakataon ay biglang
pumasok sa buhay mo si aso. Unti-unting nahulog ang loob mo sa kanya hanggang sa
namalayan mo na lang na mahal mo rin pala siya. At hindi lang mahal... mas
mahal mo pa kaysa kay pusa.”
Napangiti ako sa ginamit
niyang simbolismo “Huwaaww! Ang lalim! Pero ikaw, ano ka ba? Aso o pusa?” ang
tanong ko.
“Aso.”
Doon na ako natawa. “E,
dapat doon ka sa aso. Aso ka pala eh!”
Ngunit hindi siya
natawa. Seryoso siyang tinitigan ako. “E, paano kung ikaw iyong aso?”
Nahinto ang aking
pagtatawa. Sa gulat ko sa kanyang sinabi ay bigla ko siyang itinulak.
“Tarantado!” Sa isip ko ay nagbibiro lang siya. “Huwag ka ngang magbiro ng
ganyan! Naiilang na ako sa iyo eh!”
“Okay, okay. Sorry.” Ang
sagot niya.
Tahimik.
“Gusto mo na ako, Tok?”
“Gusto?”
“Gusto. Iyong kapag di
mo nakita ay mami-miss mo.”
“Paano kita ma-miss, e
24 hours kang buntot nang buntot sa akin.”
“Sagutin mo lang ang
tanong ko kung gusto mo ako.”
“Ba’t kailangan ko pang
sagutin. Alam mo naman ang sagot niyan.”
“Gusto ko lang marinig.”
“Matulog ka na!”
“Ah, hindi mo ako
gusto.”
“Gago!”
“Ay gusto pala.”
“Ulol!”
Isang araw na galing
kami ng school at puro putik ang daan. May bigla siyang naisip. “Bibili tayo ng
kabayo Tok? Mahilig ka naman sa hayop eh.”
“Anong gagawin natin sa
kabayo?”
“Kagaya ngayon, maputik.
At di naman nakakadaan dito ang sasakyan na de gulong. E di kabayo ang gamitin
nating sasakyan para hindi na nga tayo maputikan, mas mabilis pa ang pagpunta natin
ng school o bayan.”
“Ang mahal ng kabayo,
John. At ipagpalagay natin na bibili ka, eh kung nasa school tayo, sino ang
mag-aalaga noon?”
“Kapag nakauwi na tayo,
tayo ang magpapakain. Ang daming damo rito. Ngayon kapag tayo naman ang pupunta
ng school, sasakyan natin siya hanggang sa baba lang, tapos maghanap tayo ng
tao na siyang maghandle naman habang nasa eskuwelahan tayo. Babayaran natin
siya. Maraming papayag niyan dahil magkapera ba naman na tinitingnan lang ang
kabayo.”
‘Gagastos ka na naman.”
“Okay lang sa akin. Para
sa atin din naman iyan. At alam ko, hindi ka pa nakarana na mag-alaga ng kabayo.
Siguradong ma attach ka sa kabayo, Tok. Para rin silang aso, nakakakilala ng
mag-ari...”
“Talaga? Saan naman tayo
maghahanap ng kabayo?”
“May pinapahanap na
ako...”
“Bahala ka...” ang sagot
ko na lang.
Kay hayun, nakabili
talaga kami ng kabayo. Sobrang tuwa ko nang nasa amin na siya. “Aong
ipapangalan natin sa kanya? Ang tanong ko? “Tok-John” ang sagot niya.
Nag-isip ako. “Tok-Hang”
na lang.
“Bakit Tok-Hang”?
“Di ba, iyan na ang
tawag nila sa atin sa klase simula nang palagi na tayong nagsabay. At ngayon na
alam niyang dito ka na tumira sa akin, “Tok-Hang” na talaga ang official na
tawag nila.”
Napangiti siya. “Paano
pala nangyari na ‘Hang’ na ang tawag nila sa akin?”
Doon ko ikinuwento kung
paano nagsimulang “Hang” ang tawag ng mga kaklase sa kanya. Hindi naman siya
nagalit. Alam naman kasi ng lahat na crush siya ni Joy, at alam din niya ito. “Kay
Joy pala nagsimula iyan.” Ang sambit niyang nakangiti.
“Oo. Siya ang pasimuno
niyan. At crush na crush ka niya...”
“Malas niya. Sa aso na
ako nagmahal.”
Tawaan.
Sobrang saya namin
simula na nang dumating ang kabayong ipinabili niya. Ang amo ng kabayo at ang
ganda ng kanyang kulay na dark brown. Nag-enjoy din kami aming pagpa-practice
na sumakay, sa mismong pagpapatakbo nito, sa pagpapakain. Nariyan iyong
nalaglag kaming dalawa, nariyan iyong hindi malaman kung paano pahintuin o
palikuin an gkabayo. At lalo na kapag kaming dalawa ang sakay, ako ang nasa
harap, siya ang nasa likod, yayakap talaga siya sa akin. Tuwang-tuwa naman si
John ng ganoong nakayakap ako sa kanya. At upang hihigpitan ko pa ang pagyakap,
patatakbuhin niya ito nang mabilis. O kapang siya naman ang nasa likuran at ako
ang nasa harap, sasadyainkong biglang patakbuhin ang kabayo o kaya ay biglang
pahintuan. Sobrang enjoy kami. Hanggang sa natuto kaming sumakay at magmaneho.
Hindi pa rin nagbago si
John sa kanyang pagiging sweet sa akin. Ganoon pa rin sa gabi, hindi kami
magkasundo dahil gusto niyang yumakap at humalik sa akin o di kaya ay gusto
niyang laruin ang ari ko.
“John ano ba!”
“Ba’t ano ba ang ginawa
ko?”
“Yang kamay mo, bat
hinihipuan mo ako?”
“Anong masama?”
“Anong masama, pareho
tayonglalaki!”
“Kaya nga, walang
masama. Walang mawawala. Pareho tayong lalaki.”
“Ewan ko sa iyo. Laruin
mo iyang sa iyo! Mayroon ka naman. Huwag itong sa akin.”
“Nanggigigil kasi ako sa
iyo eh. Sarap lapirutin ang pisngi” sabay lapirot sa pisngi ko.
“Tangina naman John!
Ayaw na ayaw kong kurutin ang pisngi ko!”
“O sige, smile ka muna
para di na kita kulitin. Smile!”
Pag napikon na talaga
ako ay sigawan ko siya ng “Tanginaaaaaaa!” at sabay harap sa kanya at ipakita
ang pinilit na ngiti. “Hayan nag smile na ako!”
Naging sweet naman din siya.
Iyon lang, to the point na parang ang trato niya sa akin ay karelasyon na niya.
Halimbawa sa klase, sa pagdadala ni Emily sa akin ng tinapay hindi ko alam kung
ano ang kakainin dahil binibilhan din niya ako ng empanada. Kapag nakita niyang
ang tinapay ni Emilie ang kakainin ko, nagtatampo na siya at nagmamaktol. Kapag
ang empanada naman ang kakainin ko,
syempre, nasasaktan din si Emily. Kaya minsan ang ginagawa ko ay hindi na ako
kumakain. Pag dinala ko naman sa bahay ang tinapay, siya ang kakain, ayaw niya
akong pakainin. Kapag mag kumakausap sa akin, nariyan siya palagi, nakikinig,
minsan ay sumisingit sa usapan.
Peor ang sabi niya
nagseselos daw siya kay Emily. Pero bale-wala lang naman sa akin iyon dahil
alam ko naman na lalaki iyong tao at may girlfriend pa. Ang pabirong sabi nga
niya isang beses, “Kapag naging kayo ni Emily... hindi na ako magpapakita pa sa
iyo.” Sabay tawa. Pagtatawanan ko na lang din siya. Tapos bibiruin ko rin siya
kay Joy.
Dahil sa ipinakita nya, naguguluhan
na rin ako kay John. Wala naman akong iniisip na masama talaga sa kanya. Hindi
ko siya itinuturing na bakla. Lalaki siya. Nagkakagusto ng babae. Lalaki kung
magsalita at kumilos. Magaling sa sports at malaki ang katawan. Ni minsan ay
hindi ko pinagdududahan ang kanyang seksuwalidad.
Isang gabi kung saan ay
may party ang eskuwelahan namin, nag-attend kaming pareho ni John. Siya pa ang
bumili ng mga isusuot namin. Terno kami.
Nang nasa party na, kaming
dalawa ang magpartner. Kahit sa sayawan. Ngunit nang mag sweet music na, biglang
nag-dim light ang paligid. Syempre, di naman kami puwedeng magsayaw ng sweet ni
John. Nakita ko si Joy na tinumbok ang kinaroroonan ni John kaya alam ko na ang
balak ni Joy – isayaw niya si John. Lumingon ako kay Emily dahil gusto ko rin
na siya ang makapareha ko. Ngunit laking gulat ko nang may biglang humawak sa
aking kamay.
Nang tiningnan ko kung
sino, si John! Nang nakita niya sa mukha ko na tila papalag ako, hinigpitan
niya ang paghawak sa aking kamay sabay hila sa akin upang tumayo at sumayaw
kami. “John ano ba! Nakakahiya!”
“Anong nakakahiya? Anong
problema?” ang sagot din niya habang patuloy sa paghila sa kain.
Nang makita ng mga
barkada naming lalaki ang ginawa ni John, nag-cheer pa ang mga gago. “Pagbigyan
mo na si Hang! Pagbigyan mo na Tok!” tapos may sumigaw din ng “Tok-Hang!
Tok-Hang! Tok-Hang!”
“Sige na, sayang ang
tugtog! Daliii!” ang sabi ni John.
Nang tiningnan ko sina
Jeff, at iba pang mga officers na lalaki, “Tok, sige na. Okay na okay lang iyan.”
Wala na akong nagawa
kundi ang sumang-ayon. Baka kasi sabihin nilang KJ ako. At sa gitna pa talaga
ako dinala ni John. Nang nakita kami ng mga estudyante, lahat sila ay
nagpalakpakan.
“See? Lahat sila ay boto
sa akin para sa iyo.” Ang sambit ni John.
“Fuck you!” ang galit ko
ring sagot.
At habang nagsayaw kami
ni John, talagang inilingkis niya ang kanyang bisig sa aking katawan. Walang
kiyeme, kagaya pa rin sa mga ginagawa nya kapag natutulog kami na yayapusin ako
ng mahigpit, iyong mistulang nangigigil.
“Tangina mo! ‘Wag mo
namang higpitan ang pagyapos sa akin. Di ako makahinga!”
“Yaan mo na. Nangigigil
ako sa iyo eh!” ang sambit niyang nakangiti pa. Talagang masaya siya.
Maya-maya lang ay
nagsisunuran namang ang mga barkada kong lalaki sa dance floor. Ang kapartner
ni Jeff ay si Daniel. Si Tony ay isang ka-klase naming lalaki, at may iba pang
mga lalaki na ang kapareha ay lalaki rin sa sweet music na iyon. Parang moral
support nila sa amin. Marahil ay nakita nilang nakasimangot ako at halatang
nahiya.
Maya-maya ay sumunod
naman ang mga babae.Babae sa babae rin. Tawanan silang lahat. Pati ang mga
lalaki ay nagtatawanan din.
“Tingnan mo, ang sweet
din nila no” ang sambit ni John.
“Sweet ba iyan? Ang
layo-layo ng mga katawan nila sa isa’t-isa. Naghahawakan lang sa kamay,
puwedeng madaanan ng trak ang gitna samantalang ikaw, sa puwet ko talaga ang
kamay mo? Di ka na nahiya niyan?” ang pagmamaktol ko. Ayoko namang tanggalin
ang kamay niya sa pwet dahil siguradong ibabalik din nia at lalong mapansin pa
at pagtatawanan kami.
“Ah... tayo lang pala
ang sweet. Sweet ko no?” sabay bitiw ng ngiting pang-aasar.
“Tarantado!”
Nang matapos ang tugtog,
dali dali akong nagpunta ng CR upang makalayo lang kay John. Nang nakalabas na
ako ng CR, timing namang sweet music uli ang pinatugtog. Dali-dali kong
tinumbok ang kinauupuan ni Emily at niyaya ko siyang sumayaw. Sumang-ayon naman
si Emily. Nang nagsayaw na kami, “Baka magalit si John.” Ang sabi niya.
“Bakit mo naman nasabi
iyan?”
“Sobrang
pagka-protective niya sa iyo eh. Parang kuya na hindi mo maintindihan.”
“Huwag mo siyang
pansinin.” Ang sagot ko na lang. Habang sumasayaw kami ni Emily, may sumagi
naman sa aking likuran.
Nang tiningnan ko kung
sino, si John pala, at magkapareha sina Joy. Kumaway si Joy sa amin, “Hi!” ang
sambit na bakas sa mukha ang tuwa. Nang tiningnan ko si John, kinindatan niya
ako sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. “Binigyan ko siya ng dirty-finger sign.
Nasa ganoon kaming
pag-eenjoy nang sa hindi inaasahan ay may nagsisigaw na babae. Noong una ay
hindi ko ito pinansin dahil malakas ang music at medyo madilim pa. Ngunit nang
biglang may humablot sa buhok ni Joy atsaka inupakan siya ng sampal, doon na
nagkagulo ang mga estudyante. Agad kong minuwestrahan si Tony na i-full ang
ilaw at ihinto ang music.
“Walang hiya ka! Ikaw
pala ang dahilan kung bakit hindi na sumasagot ni John sa mga tawag ko? Kung
bakit pinapatay niya ang cell phone niya! Dahil sa iyo!!” ang sigaw ng babae.
Nang tiningnan ko ang kanyang
mukha, si Yeng.
Bitiwan mo ako, bitiwan
mo akooo!” ang sigaw ni Joy. Natumba kasi siya sa dance floor at dinaganan ni Yeng.
“Walanghiya ka! Sinira
mo ang aming relasyon ni John. Papatayin kitaaaa!” ang sigaw ni Yeng.
Dali-daling pumagitna si
John. Hinila niya ang kamay ni Yeng at halos pakaladkad na dinala sa labas ng student
hall. “Huwag kang mag-eskandalo rito!”
Habang nandoon sina John
sa labas, tinulungan naman namin si Joy. Umiiyak siya. Inayos ng mga babae ang
damit niyang nadumihan. Nagpunta sila ng CR.
Habang naroon sina Joy
sa CR, muling itinuloy ang sayawan. Sinilip ko naman sina John sa labas ng
hall. Nakita ko silang nag-uusap ni Yeng. Hindi ko na nilapitan pa sila. Naisip
ko na baka magkabalikan din silang dalawa. Muli akong bumalik sa loob ng hall.
Maya-maya lang ay
bumalik na uli ang mga babae, kasama si Joy na nanumbalik na ang ayos. Nakapag-up
na, at naayos na rin ang kanyang buhok na sinambunutan ni Yeng.
“Kumusta ka na Joy?” ang
tanong ko kay Joy.
“Ayos lang, Tok. Ang
sama pala ng ugali ng girlfriend ni John!”
“Oo nga Joy. Nakasama
namin siya sandali, medyo may pagka-matapobre. Hayaan mo na, alam naman naming
lahat na inosente ka, nadamay ka lang kung ano man ang kanilang mga personal na
pinagdaanan. Tara, sayaw na lang tayo!” ang pag-anyaya ko kay Joy upang mawala
ang stress niya.
Ngunit tumanggi si Joy
dahil gusto raw muna niyang umupo muna. Nanginginig pa raw siya sa nirbiyos. Kumuha
na lang ako ng sandwich at soft drink at dinalhan siya.
Nang tumugtog muli ang
sweet music, nilapitan ko si Emily at niyayang sumayaw. Nang matapos ang
tugtog, kami pa rin ni Emily ang partner, walang iwanan kumbaga. At dahil
dimlight naman, niyakap ko nang mahigpit si Emily. Hindi siya pumalag. Niyakap
din niya ako nang mahigpit. Marahil ay dahil sa higpit ng aming yakap, dagdagan
pa sa dimlight na paligid, ewan ko ba, sumingit sa aking isip na marahil ay
nag-date na rin sina John at girlfriend niya kaya nagawa kong haplusin ang mukha ni Emily habang patuloy
kaming umindayog sa tugtog at nakayakap siya nang mahigpit sa akin. At kahit
ako ay hindi makapaniwala sa sunod kong ginawa. Siniil ko ng halik ang bibig ni
Emily!
Gumanti rin siya ng
halik. Wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid. Matagal kaming naghalikan.
Nang nahinto na ang aming halikan, doon ko nalaman na wala na palang tugtog at
kami na lang ang natira sa gitna ng dance hall. Siguro ay sinadya rin ng
operator na tagalan ang pagpatugtog sa sunod na tugtog nang nakita kami ni
Emily na naghahalikan at walang pakialam sa paligid. Doon ko na napansin na
nagtinginan na pala ang mga estudyante sa amin. Nang ibinaling ko ang aking
paningin sa isang sulok, naroon si John na tila natulalang nakatingin sa akin,
bakas sa mukha ang ibayong lungkot.
Bigla siyang tumalikod
at tumakbo palabas ng hall nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya.
“Excuse me, Emily...”
ang sambit ko. Hinabol ko si John sa labas. Ngunit hindi ko na siya makita.
Tiningnan ko ang kalsada, ang highway, binalikan ko ang gate at tiningnan ang
CR sa guard house. Wala. Nagtanong din ako sa gate guard kung dumaan si John
ngunit hindi rin daw niya napansin.
Malungkot na bumalik ako
sa hall. Simula noon, hindi na ako sumayaw. Tinitingnan-tingan ko kung bumalik
na si John. Ngunit hanggang natapos na lang ang party ay hindi na nagpakita pa
si John.
Hindi ko alam ang aking
tunay na naramdaman sa sandaling iyon. Pakiwari ko ay nasaktan ko siya at may
guilt akong nadarama.
Malungkot akong umuwing
mag-isa. Nang narating ko na ang bahay kung saan namin iniwan ang aming kabayong
si Tok-Hang, naroon pa rin ito. Kinuha ko na lang siya at sinakyan pabalik sa
bahay. Sa isip ko ay sa apartment niya si John umuwi.
Nang nasa bahay na ako,
madilim ito. Naka lock pa. Pumasok ako at sinindihan ang lampara. Dahil sa
lungkot ko sa gabing iyon, naisipan kong pumunta ng pampang.
Ngunit laking gulat ko
nang nakita ko roon si John. May bonfire sa kanyang likuran. Habang patuloy na
nag-aapoy ang malalaking kahoy, siya naman ay tila isang tuod na nakaupo lang
sa pampang, pinanuod ang pag-agos ng tubig. At sa kanyang kamay ay hawak-hawak
ang isang malaking bote ng alak.
“John... kanina ka pa
rito?” ang tanong ko.
Hindi siya sumagot.
Nanatili lang siyang naka-tingin sa tubig sa ilog.
“G-galit ka sa akin,
John?” ang tanong ko habang dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Inakbayan ko siya. Hindi siya pumalag. Nang inaninag ko ang kanyang mukha,
napansin kong basa ang kanyang pisngi. Umiiyak siya.
Maya-maya ay nagsalita
siya. “Alam mo, napunta ako rito sa bayan ninyo dahil nakapatay ako, aksidente.
Lasing kaming magkabarkada noon nang ang isang kaibigan ko ay nagyayabang na
may baril siya. Tinanggalan niya ng mga bala atsaka pinahawakan sa akin at ang
sabi ay itutok at iputok ko raw sa kanyang ulo, habang lilitratuhan ng aming
kasama. Nang hinaltak ko na ang gatilyo, doon ako nagulat dahil may bala pa
palang natira at tumama sa ulo ng aking kaibigan. Bumulagta siya sa semento,
nagkalat ang dugo mula sa kanyang ulo. Kahit mayaman ang aking ama, mayaman din
ang pamilya ng aking kaibigang napatay. Dahil dito, napagdesisyunan ng aking
ama na dito na ako mag-aaral dahil may banta sa aking buhay. Isinama niya sa
akin ang isang kamag-anak namin na siyang guardian ko rito at isang ang
driver-bodyguard. Inaamin ko na sa amin ay nagda-drugs ako. Nagbabarkada.
Naninigarilyo, lahat ng bisyo ay naranasan ko. Spoiled brat ako sa amin,
basagulero, abusado. Nang dumating ako sa bayan na ito, masama ang loob ko.
Hindi ko kasi matanggap na mapalayo ako sa amin. Hindi ko matanggap na mapalayo
sa mga barkada, sa mga nakasanayan. Ang balak ko ay gagawa ng kabulastugan sa
eskuwelahan upang mapatalsik at mapunta sa syudad. Kahit hindi sa amin basta
malalaking syudad kung saan ay puwede ko pa ring gawin ang aking mga nakasanayan.
Noong unang araw na pumasok ako sa eskuwelahan, napansin na kita. Alam ko ikaw
ang leader ng section na iyon. Alam ko rin na ikaw ang pinakamatalino sa batch
na iyon. Kaya ikaw ang gusto kong gawing target, aasarin, makikipag-away sa iyo
upang mapatalsik ako, makabalik sa syudad. Ngunit nagbago ang lahat nang
malaman ko ang kuwento ng buhay mo. Bigla akong naawa sa iyo at ewan... pati
ugali ko ay nagbago. Hindi na ako naninigarilyo, mas responsable na ako ngayon,
mas positibo ang pananaw sa buhay, natutong magsaing, maglaba, umakyat ng
niyog, magtanim ng kamoteng-kahoy dahil sa iyo. Tinitingala kita, iniidolo,
hinahangaan...” nahinto siya at binitiwan ang ngiting hilaw. “...hindi ko
maintindihan ang aking sarili... Iyong awa ko sa iyo ay naging gusto na kita. Hanggang
sa hindi na kita mawaglit sa isip ko. Palagi na kitang hnahanap. Kahit minuto
lang na di kita makikita ay nagpapanic na ako. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi
ko matanggap ang sarili na may naramdaan ako sa iyo. Hindi ko maipaliwanag kung
bakit nararamdaman ko ito sa kapwa lalaki. Kung nakikita mo akong masaya na
kasama ka, nakikipag-harutan ako sa iyo, kabaligtaran naman ito kapag ako lang
mag-isa. O kaya ay habang tulog ka, naiiyak ako habang pinagmasdan kitang
himbing na himbing, napaka-inosente at walang kaalam-alam sa naramdaman ko.
Habang ganyang tulog ka, at pinagmasdan, tinatanong ko ang aking sarili ko kung
bakit ako nakaramdam ng ganito para sa iyo. Pinapangarp ko na sana ay ganoon na
langn tayo palagi. Na sana ay wala nang taong sisira sa ating pagsasama. Ngunit
may bahagi rin sa aking isip na hindi puwede. Bawal. Kaya noong na suspend ako,
minabuti kong umalis na lang muna upang bigyan ng distansya ang aking sarili,
makapag-isip nang mabuti, makapagdesisyun kung babalik pa ba ako rito o hindi.
Sabi ko, kapag tumawag ka, siguradong babalik ako. Iyan ang sign na hinahanap
ko. At tumawag ka. Kaya dali-dali akong pumunta rito. Hindi kita matiis na
nag-iisa at nagdurusa. Alam mo bang dahil doon ay nag-away kami ni Yeng? Dahil
ayaw niya akong bumalik dito. Ngunit nagpumilit ako, at dahil hindi siya
pumayag, hiniwalayan ko siya...” Nahinto siya nang sandali, pinahid niya ang
mga luhang patuloy na dumaloy sa kanyang mga mata. “Ngunit huwag kang mag-alala
Tok dahil tanggap ko naman na hindi tayo puwede eh. Alam ko naman na kaibigan
at kapatid lang talaga ang turing mo sa akin. Nang makita ko kanina naghalikan
kayo ni Emily, alam ko na kung saan ako lulugar. Gumuho man ang aking mundo sa
nakita, okay lang ako. Kaya huwag kang mag-alala, Tok. Kung sinabi ko man ito
sa iyo ang naramdaman ko, ito’y hindi dahil kaawaan mo ako o pilitin mo ang
sarili mong suklian ang pagmamahal ko. Gusto ko lang malaman mo ang saloobin
ko. Upang hindi mo ako sisihin na may itinagong lihim. Para sa akin, okay lang
na mahalin kita... at okay lang din na iba ang iyong mamahalin.”
Mistulang pinutol ang
aking dila sa narinig at hindi na makapagsalita. Hindi ko lubos maisalarawan
ang aking nadarama. Naawa ako sa kanya, na-guilty, nahiya na sa dami nang
naitulong niya sa akin, sa amin ng inay ay masama pala ang kalooban niya sa
akin. Niyakap ko siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Doon ko napansin na may
dugo ang kamao niya. “Ba’t dumudugo iyan?”
“Wala...” ang sagot
niya.
Hindi na ako nagtanong
pa. Alam kong marahil ay sa nakita niya sa halikan namin ni Emily ay may
sinuntok siyang matigas na bagay.
“S-sorry John. Sorry.
Sorry talaga...” Ang nasambit ko na lang.
“Huwag kang mag-sorry.
Hindi mo naman kagustuhan ang lahat, di ba?”
Tahimik.
“Alam mo, sa amin, siga
ako, takot ang lahat sa akin, maliban sa papa ko. Pero dito, takot na takot ako
sa iyo.” Ang sambit niya sabay bitiw ng isang pilit na ngiti, napailing.
Hindi ko sinagot ang
sinabi niya. “Tara, uwi na tayo... naubos mo na ata ang laman niyang alak ah.
Ikaw lang mag-isang uminon niyan.” ang sambit ko.
“Sanay naman ako.” ang
sagot niya.
Nang hinila ko na siya
upang tumayo, halos hindi na niya magawang maglakad nang deretso. Kaya kinarga
ko na siya.
“Ikaw dapat ang
kakargahin o eh.” Ang sambit niya habang nakaangkas na sa aking likuran.
“Paano ka makakarga sa
akin... di mo nga kaya ang sarili mo.”
Tahimik.
“Mahal na mahal kita...”
ang sambit niya.
Hindi ko na sinagot ang
sinabi niyang iyon.
Nang nakarating na kami
sa bahay ay agad ko siyang pinahiga sa kama. Tulog na siya at ako naman, dahil
sa pagod ay deretso ring nakatulog
Alas 9 ng umaga nang
magising ako. Wala naman kasing pasok kung kaya ay sinadya kong hindi gumising
ng maaga. Nang tiningnan ko ang aking tabi, wala si John. “John! John!” ang sigaw
ko. Bumalikwas ako ng higaan. Nang napadaan ako ng kusina, nakita kong
nakahanda na ang aming agahan. May mga takip ang mga ito. “John! John!” ang
sigaw ko uli.
Ngunit walang John ang
sumagot. Lalabas na sana ako ng bahay nang may napansin naman akong papel na
nakatupi sa ibabaw ng cabinet ng mga damit namin. Binuksan ko ito. Sulat ni
John.
“Dear Tok. N-nakapagdesisyon
na ako na hihinto na lang ng pag-aaral. Huwag mo na akong hanapin o tawagan
upang mas matulungan mo akong limutin ka. Ma-miss kita pero kakayanin ko.
Masasaktan ako ngunit masaya na rin dahil maging malaya ako, at ikaw... malaya
ring magmahal kay Emily. Good luck sa inyong dalawa. Hangad ko ang inyong
kaligayahan. PS. Alagaan mo si Tok-Hang. Siya lang ang buhay na alaalang
maibibigay ko sa iyo. Love, Johnny”
Tiningnan ko ang kanyang
kabinet. Wala na itong laman. Dinala na niya ang kanyang mga damit, kasama na
ang kanyang mga gamit sa eskuwelahan.
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment