A story inspired by the Chinese series "Addicted (Heroin)"
By: Michael Juha
Fb: Michael Juha Full
Kinabukasan sa loob ng classroom, isuot ko na sana ang
tagpi-tagpi kong uniporme bago magsimula ang klase. Ngunit Bago ko pa man
maisuot ito, nakita ko ang isang karton na nakalagay sa gilid ng aking desk.
Kinuha ko muna ito at binuksan. Laking gulat ko nang makita ang laman nito. Knapsack
na itim na may stripe sa gilid na dilaw at asul, at puting polo na may
naka-bordang pangalan ko. Puro bago. “Wow!” Sabi ko sa sarili!
Nang nilingon ko ang upuan ni Emily. Wala siya, marahil ay
nagtungo ng CR kaya ang ginawa ko ay isinuot ko na lang ang bagong uniporme sa
karton at ang aking mga gamit ay inilagay sa bagong knapsack. Nang matapos,
kinapa ko ang ilalim ng aking desk. May tinapay ring dala si Emily. Hinugot ko
ang plastic at tinanggal ang nakabalot. Ngunit laking tuwa ko dahil isang box ito
na may anim na laman na empanada. Tapos may nakalagay ring dalawang juice na
de-bote. Kinuha ko ang dalawang empanada at kinain ito. Ininom ko rin ang isang
bote ng juice.
Nang natapos na akong kumain, nasa upuan na niya si Emily.
Nginitian ko na lang siya dahil naroon na rin ang aming guro at nagsimula na sa
kanyang klase.
Breaktime at nilapitan ako ni Emily. Mangiyak-ngiyak.
“Tim... sorry talaga dahil iyong pinaglumaan ng kuya na uniporme niya at
knapsak ay naipamigay na pala nina mama kasama ang iba pang mga lumang damit
namin sa mga biktima ng nagdaang bagyo. Kaya na-late ako kanina kasi akala ko
naroon pa ang damit ng kuya, hinahanap ko nang hinahanap. Saka ko nalaman na
wala na pala. Kainis.” Ang paliwanag ni Emily na mangiyak-ngiyak.
Sobrang nagulat ako sa aking narinig. Halos matameme. “Eh...
k-kaninong uniporme pala itong suot ko? At may knapsack pang kasama at inilagay
sa ibaba ng desk ko?”
“M-may nagbigay sa iyo?” ang gulat ding tanong sa akin ni
Emily.
“Hindi ko alam kung bigay iyan sa akin o napagkamalan ko
lang eh. Akala ko kasi ay sa iyo.” At dali-dali kong tinanggal ang polo.
“Para sa iyo iyan ah!” ang giit ni Emily. “May borda kasi
ng pangalan mo ang polo!”
“Pero bakit sabi mo hindi galing sa iyo?”
“Baka ibang estudyante.”
“Tsk. Hindi… Dapat ay kung para sa akin ito ay ibigay sa
aking nang maayos. Hindi kagaya nito. Nakakahiya.” Ang sabi ko. Tinanggal ko
rin ang mga gamit kong nasa loob na ng bagong knapsak.
Ilalagay ko na sana ang mga iyon pabalik sa loob ng karton
nang, “Ako ang nagbigay niyan.” Ang pagsingit ni John.
Saglit akong nahinto at natulala at napatitig sa kanya. At
bigla ko ring sinagot “No. Hindi ko matatanggap iyan, John.” At itinuloy ko sa
pagbalik sa karton ang uniporme at ang knapsack.
“Sa iyo na iyan. Kung ayaw mong tanggapin iyan, susunugin
ko iyan.” Ang banta niya.
“No. Salamat na lang. Pero hindi ko talaga matatanggap iyan.
Pasensya na.” ang sagot ko rin.
“Bakit? Dahil iniisip mong ako ang sumira sa mga gamit mo
kahapon?”
Doon na tumaas ang boses ko. Tumayo ako. “Oo! Ikaw ang
number 1 suspect! Kaya hindi ako puwedeng tumanggap ng ganyan mula sa iyo.”
“Bakit?” ang mataas ding boses na sagot niya sabay tayo. Nausog
ang kanyang desk at upuan at gumawa ang mga ito ng ingay, dahilan upang magtinginan
ang buong klase sa amin.
“Anong bakit? Gago ka ba? Di ka ba nakakaintindi?” ang
sigaw ko.
“Tama ka. Hindi ako nakakaintindi. At talagang hindi kita
maintindihan. Presidente ka eh. Matalino at mataas ang pride. Pero tatanungin
kita...” idiniin niya ang kanyang hintuturo sa aking ulo “...dito ba sa isip mo
ay ako talaga ang iyong suspect?” tapos ibinaba naman niya ang kanyang hintuturo
at idiniin iyon sa aking dibdib, “...dito ba sa puso mo ay ako rin ang
itinuturong suspect? Sasadyain ko bang sirain ang mga gamit mo upang bibilhan
kita ng bago? Ganyan ba karumi ang iyong pagtingin sa akin?” ang sambit niya.
Doon ako mistulang sinabuyan ng malamig na tubig. Sa totoo
lang, hindi rin ako halos makatulog sa buong magdamag sa kaiisip kung siya ba
talaga ang gumawa noon. Mistulang may naghilaan ang oo at hindi sa aking diwa.
“S-sorry pare... ngunit hanggang hindi lumabas ang katotohanang hindi ikaw ang
gumawa noon, hindi ako makikipag-usap sa iyo tungkol d’yan.” Sabay sa paglatag
ko sa karton sa ibabaw ng desk niya. Muli akong umupo.
Umupo na rin siya. “Okay, fine. Pag-isipan mong mabuti.
Kapag sa buong araw na ito ay hindi mo siya tatanggapin, susunugin ko siya dito
mismo sa silid-aralan natin.” ang sambit niya.
“Bahala ka. Pera mo naman ang ipinagbili niyan. May
karapatang kang gawin ang kung ano man ang gusto mo d’yan.”
“Ah... tama na iyan! Tama na iyan!” ang pagsingit ni Emily.
“Ay... oo nga pala, Tim! Muntik ko nang malimutan.” Ang dugtong ni Emily habang
nagtatakbo patungo sa kanyang upuan at may kinuha sa ilalim ng desk.
“Ang alin?” ang tanong ko.
“Itong tinapay mo! Sensya na late ako!” ang sagot ni Emily
na hawak-hawak sa kamay ang supot ng tinapay at dali-dali ring bumalik sa aking
kinauupuan.
Doon na naman ako nagulat. Napatingin ako kay John.
“I-ikaw ang nagbigay ng empanada?” ang galit kong tanong.
Tinitigan ako ni John. Iyong titig na nanggalaiti. “Oo. At
akin na nga rin iyan!” ang bulalas niya sabay abot sa box ng empanada sa ilalim
ng aking desk. Kahit nakaharang ang desk niya at upuan ko, pinilit talaga
niyang abutin iyon. Nang mahawakan ang plastic, biglang hinablot niya ito at
inilagay sa ilalim ng kanyang desk. Pagkatapos, nanatili lang siyang naka-upo,
hindi gumalaw, hindi umimik, nakasimangot at nakatutok ang mga mata sa
blackboard na parang walang ibang taong nakita.
Nagkatinginan kami ni Emily. Napangiwi ang kanyang bibig.
“T-tara... s-sa canteen na lang tayo kumain.” Ang sabi niyang mistulang may
kinatatakutan.
Kaya sumaglit na lang kami sa canteen upang kainin ang
dalang tinapay ni Emily.
15 minutos bago magsimula ang unang klase namin sa hapon,
habang nakaupo lang ako sa aking puwesto, sumugod naman sina Joy, Jeff, Tony,
at Fe sa aking puwesto. Pati ang iba pang mga officers ay pumalibot din. “Tok!
Alam na namin kung sino ang salarin!” ang sambit ni Jeff.
“Ha? Alam niyo na? Sa meeting room na tayo mag-usap?” ang mungkahi
ko. Baka kasi sensitive ang kanlang nadiskubre at hindi maganda kung marinig ng
iba, lalo na kay John na nasa likuran ko lang.
“Dito na. Okay lang.” ang pagtiyak ni Joy na lumingon pa
kay John, ngumiti at isiningit pa talaga ang “Hi!” sabay kaway. Nang tingnan ko
si John, kumaway din siya kay Joy ngunit iyong dry ang facial expression na
parang kaway-respeto lang.
“O-okay...” ang pag-aalangan kong ibinaling muli ang
paningin sa committee. “S-sino?”
“May nakakita sa buong pangyayari at na-videohan pa niya
ng lihim ang lahat. At ang may pakana ay ang Class Presidente ng kabilang
section na si Enchong. Natandaan mo last year nang may inter-section
academic contest tayo? At naka-tie natin ang kabilang section sa first place?
Tapos, dahil ang rules ng contest ay i-break ang tie, at kayong mga class
presidents ang mag break nito, binigyan kayo ng limang questions sa general
information at nasagot mo lahat ang tanong samantalang ang class president ng
kabilang section ay isa lang ang tamang sagot? Malaki pala ang himotok niya sa
iyo kasi raw, ang ipinapalabas niya ay may nag cheat ka, may nagbigay daw sa
iyo sa mga hinandang questions kung kaya na perfect mo ang mga sagot.” Ang
paliwanag ni Jeff.
“Waaaah! Sobra naman iyon. Halos hindi nga ako natutulog
noon sa kaka-research tapos nag-cheat pala ako?”
“Iyan ang nasa isip niya kung kaya ay galit na galit siya
sa iyo.” Ang sambit naman ni Fe.
“Hindi na lang aminin na talo talaga sila, ano?” ang
sambit ko.
“Naman!” ang sagot ni Fe.
“A-ano ang recommendation ninyo sa next move natin?” ang
tanong ko.
“Si Tony ang maghandle sa video, nakopya na niya. Si Fe
naman ang bahala sa report. I-review ko ito bukas at pag okay na, need na lang
pirmahan natin para i-forward sa Principal para magawan ng formal na
imbestigasyon at mapanagot iyan siya sa kanysng ginawa.” Ang pag-explain ni
Joy. “See? Tama ang hinala ko, di ba?” ang pahabol ni Joy sabay kindat naman sa
akin. Kinindatan din niya si John. Nang tiningnan ko si John, nakangiti na siya
kay Joy at kumaway pa.
“Inspired ah! Dahil kay Hang?” ang sagot ko.
Tawanan ang lahat.
“Okay good job sa inyo! I’m proud sa teamwork ninyo!” ang
pagpuri ko sa kanila.
“Kami pa! Basta ikaw ang leader, Tok... full support kami
sa iyo- ever!” ang sabi ni Jeff.
“O sya magsimula na ang klase. Thank you very much sa accomplished
mission!” ang sambit kong nakangiti habang sila naman ay bumalik na sa
kanya-kanyang mga upuan.
Hinintay na lang namin na pumasok ang guro sa silid-aralan nang
naramdaman ko naman na may kumalabit sa aking likod. Nang nilingon ko, si John
at hawak-hawak niya ang karton kung saan niya inilagay ang uniporme at knapsack
na ibibigay niya sana sa akin. Nakangiti siya. Iyon ang pinakaunang ngiti na
nakita ko sa kanyang mga labi. Ramdam kong taos-puso ang ngiti niyang iyon.
Ngunit may isang bahagi ng aking utak na nagmamatigas pa rin. “Sorry
pare... hindi ko matanggap iyan. Salamat na lang.”
“Ang labo mo naman. Sabi mo kapag nalaman mong hindi ako ang sumira sa
mga gamit mo ay tatanggapin mo na ang bigay ko sa iyo. Wala kang isang salita!”
“Wala akong sinabing ganyan!”
“Sinabi mo iyan!”
“Hindi!”
“Sinabi mo!”
“Hindi. At kung sinabi ko man iyan, hindi ko pa rin matatanggap iyan
dahil wala akong tiwala sa iyo!”
Hindi na umimik si John. Hanggang sa natapos ang huling subject namin
sa araw na iyon ay wala siyang imik. Nang magsimula nang magsilabasan ang mga
estudyante, napansin ko si John na binitbit ang kahon na ibibigay sana niya sa
akin at inilatag ito sa gilid ng silid aralan. Pagkatapos ay hinugot niya mula
sa kanyang bulsa ang lighter at sinindihan ang karton. Nagsimula nang umapoy
ang karton nang dali-dali ko itong hinablot at idiniin sa sementong dingding
ang nag-aapoy nang parte ng karton hanggang sa namatay ang apoy.
“Gago ka ba? Gusto mo bang masunog itong eskuwelahan natin?” ang sigaw
ko kay John, hawak-hawak ko pa rin ang karton.
“OA mo naman. Paano masunog iyan, puro kaya semento itong building.
Isa pa, alam ko namang hindi mo papayagang masunog iyan eh.” Sabay turo sa
karton.
Lalo akong nag-init ang aking tainga sa narinig. Bigla kong ibinato
ang karton sa harap niya.
“Susunugin ko uli iyan kapag hindi mo tinanggap.” Ang sagot ni John.
Nakita kong nagsilapitan na sa amin ang mga ka-klase ko. Pumagitna
naman ang ibang officers. “Tama na iyan pre.” Ang sabi ni Jeff at Tony.
Nakita ko namang pinulot ni Joy ang karton at lumapit siya kay John.
“Okay, okay... kaming mga officers na ang bahala rito Hang... este John ha?
Kami na ang magbibigay nito kay Tim, okay ba?” at baling niya kay Emily,
“Hawakan mo muna Emily, samahan ko si John sa labas” at bumulong, “Para lumamig
ang ulo. Sa ganda ko ba namang ito… Kainis!”
Napangiti naman si Emily at ibang mga officers na nakarinig. Tinanggap
ni Emily ang karton. “Sige Sis, gamitan mo ng ganda-power.” Ang sagot ni Emily.
Sumama si John kay Joy, hawak-hawak pa ni Joy sa braso si John. Nang
nasa pintuan na sila, lumingon pa si Joy sa amin, binitiwan ang isang
nakakalokang ngiti. Iyong ngiti na nang-iinggit. Kumindat.
“Tok... tanggapin mo na lang itong bigay ni John. Para wala nang gulo.
Para matahimik na siya.” Ang sambit ni Tony na sinegundahan naman ng iba pang
mga officers.
Hindi ako umimik. Nanatili akong nakasimangot, inayos ko ang aking mga
gamit at tuloy-tuloy na sa paglabas ng classroom. Sinabayan naman ako ng mga
officers. Si Emily ang nagdala ng karton.
Nang nasa gate na kami, iniwan kaming dalawa ni Emily ng mga officers.
“Tanggapin mo na ang uniporme, Tok, okay. Wala naman sigurong masamang
hangarin iyong tao sa iyo. Heto pala, gamitin mo muna ang bag ko.”
“Huwag na Emily. Sobrang perwisyo na ang ibinigay ko sa iyo.
Nakakahiya na.”
“Ito naman. Ngayon ka lang ba mahihiya sa akin? Kailangan mo ang bag,
Tok dahil malayo ang lalakarin mo, bukid pa iyon samantalang ako, makakasakay
na ng tricycle at nasa bahay na wala pang limang minuto. Sige na tanggapin mo
na.” sabay tanggal sa mga gamit niya sa bag.
Nagdadalawang-isip man, tinanggap ko rin ang alok ni Emily. Tinulungan
niya akong ipasok ang mga gamit ko sa bag niya. Nang naipasok na ang mga gamit
ko roon, binuksan niya ang karton na dala-dala rin, tinanggal ang laman noon at
ipinasok rin sa bag.
“Woi! Ba’t mo ipinasok iyan?” ang sambit ko.
Tiningnan ako ni Emily. Ang mga mata ay nakikiusap. “Tok... ibaba mo
naman paminsan-minsan ang pride mo. Presidente ka Tok, dapat ikaw ang magpakita
sa amin ng mga values ng pagpakumbaba, pasensya, respeto, pang-unawa,
kagandahang-loob, pakikipagkaisa sa mga kasama, pakikipagkaibigan, mga ganyang
values. Mataas ang respeto namin sa iyo Tok. Hindi ka naman ganyan dati eh.
Hindi ka ganyan sa mga estudyante at sa ibang tao. Kaya, please... ipakita mong
hindi ka nagbago, okay? Gustong tumulong noong tao sa iyo. Buksan mo ang puso
mo.” Ang mahinahong sabi ni Emily.
Mistulang nag-freeze ang aking dila sa mga sinabing iyon ni Emily.
Hindi ako makapagsalita. Para rin akong sinampal ng maraming beses.
“O hayan.” Ang sambit ni Emily nang tuluyan na niyang naipasok ang
lahat ng gamit ko pati na ang bagong uniporme at tinupi na knapsack na bigay ni
John.
Binitiwan ko ang isang ngiting hilaw. “Para sa iyo, tatanggapin ko na
ang mga bagay na bigay ni John.” Ang sambit ko.
“Yeheey!” ang sambit ni Emily. “O sya, aalis na ako. Ingat ka sa
paglalakad mo pauwi, Tok.” Ang sabi ni Emily.
“S-sige. Bye... Ingat ka rin!” ang sagot ko.
Nang napadaan ako sa basketball court, nakita kong naroon si John,
naglalaro ng basketball. Eksakto namang nang tiningnan ko siya ay siya ring
pagtingin niya sa akin. Nagkasalubong ang aming mga tingin. Nang nilay-up niya
ang bola, siguro pagpapakitang gilas, eksakto namang pina-foul siya ng kalaban.
Pareho silang bumagsak sa court. At nang tumayo siya, hayun, paika-ika na.
Napangiti na lang ako sa sarili. “Ang yabang kasi.” Sa isip ko
lang.
Bago ako dumiretso ng bahay, naghanap muna ako ng ka-deal upang bumili
ng mga manok na dadalhin ko kinabukasan. Naalala ko kasing matagal nang walang
gamot ang inay at kailangan ko na uling bumili nito. At kapag may sobra pa sa pera,
ibibili ko naman ito ng uniporme at bag.
Kinabukasan, med’yo late si John sa klase. Halata pang may kaunting
paika-ika siya nang pumasok ng classroom. Nang makita niyang nakatingin ako sa
kanya kaya agad kong ibinaling ang aking paningin sa harap ng klase.
Akala ko ay matatapos ang araw namin sa eskuwelahan na walang eksena
si John. Ngunit nang huling subject na namin kung saan ang aming
teacher-adviser ang aming guro, nakarating din pala sa kanya ang ginawang
paninigarilyo ni John sa loob ng classroom pati na ang tangka niyang pagsunog
sa karton sa loob ng klase. “I have already told you that if you violate rules
in this class again, you have to face a harsher punishment. Alam mo na siguro
kung sino ka, STAND UP!!!” ang sigaw ni Mr. Cervantes na ang boses ay tila
isang malakas na kulog at halos makikita namin ang usok sa kanyang mga mata na
tila nagbabaga sa sobrang galit.
Biglang tumayo si John. Walang imik na tiningnan lang si Mr.
Cervantes.
Sa pagkakita kong tumayo si John, tumayo rin ako. May tila
sumundot sa aking konsiyensya na bahagi rin ako sa sisi. “Sir, if you may allow,
let me explain that I am partly to blame because I had been remiss in my
responsibility as a leader. I did not find time to orient him regarding the
rules of this class. Also, that burning of the box inside the room was my
fault…”
“Mr. Timmy Suarez, smoking inside the room is not a
classroom policy. It is the whole school’s policy. Ang laki ng ‘No Smoking
Inside the Building’ sign sa labas ng building, hindi niya nababasa? Doesn’t he
know how to read? Ano iyan, bata? And about that box which he wanted to give
you, yes, that is personal between you. Pero ano ba kayo? Magsyota ba kayo na
kapag nag-aaway ay nagiging irrational? Ba’t ayaw mong tanggapin ang ibinigay
niya kung bukas naman sa kalooban niya ang pagbibigay?” ang sambit ng
professor. At baling kay John, “At ikaw naman, ganyan mo ba talaga ka-love
itong si Timmy na patay na patay kang bigyan siya ng uniporme at bag?” ang sarkastikong
sabi ni Mr. Cervantes.
Ramdam ko naman ang pigil na pagtatawa ng aking mga ka-klase.
Ngunit ako ay nakaramdam ng pagkainsulto. Pakiwari ko ay nag-init at namula ang
aking mukha at tainga. Yumuko na lang ako.
“And yes, you are remiss in your responsibility for not
telling this to me, Timmy. What went wrong? I trusted you so much!”
Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Mr. Cervantes.
Kaya ang naisagot ko na lang ay, “I’m sorry Sir...”
“Don’t do it again Timmy or else I will lose my trust and
respect for you!”
“I promise Sir.”
“Now, for your punishment, Mr. Johnny Iglesias, give me 10
rounds at the track and field. I want you to finish it today!” Napatingin ako
kay John. Ang isang round kasi sa oval na iyon ay 800 meters at kung 10 rounds
ay bale 8 kilometers na tatakbuhin iyon.
Tumaas ng kamay si Joy. “Isn’t that too harsh, Sir?” ang
pag-angal niya. “ang paa niya po ay may spr---”
Hindi na naituloy ni Joy ang sasabihin gawa ng pagputol ni
Mr. Cervantes sa kanyang sinabi. “No punishment is too harsh for someone who
doesn’t learn his lesson.” Ang sagot ni Mr. Cervantes. At baling sa akin. “And
for you, stay with him.” Turo niya kay John. “You have to keep a close eye on
him and see to it that he completes the 10 rounds I required. Don’t leave him
until he is done. As a leader you should be responsible for your members. Do
you understand???”
“Yes Sir!” ang sagot ko na lang.
“Now MOVE!!!” ang pagsigaw niya uli.
Agad kaming lumabas. Nagtatakbo kami hanggang maabot namin ang oval.
Nang naroon na kami, agad ding tumakbo si John. Naupo ako sa isang gilid. May
inis pa rin ako sa kanya. Nasira ang plano ko sa araw na iyon, ang bumili ng
uniporme at bag nang dahil sa kanya.
Patuloy lang ang pagtakbo ni John, pansin ko ring paika-ika siya.
Kapag dumaan sa tabi kung saan ako naupo, hindi siya lumilingon sa akin.
Kitang kita ko ang unti-unting panghihina ni John lalo na nang
nakaabot na siya ng limang round. Tila naawa naman ako sa kanya. Tumayo ako at
sinabayan siya sa pagtakbo. “Ako na ang tatapos sa natirang limang round” ang
sambit ko sa kanya.
Ngunit hindi siya nakinig. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Itinuloy
ko pa rin ang pagtakbo. Nang nakabuo na ako ng mahigit isang round, naabutan ko
siya. “Magpahinga ka na!” ang sambit ko.
“Huwag ka ngang umepal! Punishment ko to, ba’t ka nakisawsaw?”
“Gago ka ba?! Lalala iyang paa mo!” ang sagot ko.
“Wala kang pakialam!”
“At gusto mo naman dahil ako na naman ang masisisi sa katarantaduhan
mo? At kokonsyensyahin mo ako na mapuputol na ang paa mo dahil hindi kita
inawat? Dahil isinumbong kita kaya ka naparusahan ka at kaya iyang paa mo ay
lumala? Ganyan ba?”
“Dami mo namang satsat.”
Huminto ako at hinarangan siya. “Pare, hindi ako papayag na lalala ang
kalagayan mo. May pilay ka sa paa. Nakita kitang bumagsak sa basketbolan
kahapon. Aminin mo.”
Ngunit itinulak niya ako. “Huwag mo nga akong pakialaman! Punishment
ko ito at ayokong tulungang mo ako! Wala akong tiwala sa iyo!” ang sagot niya.
Nahinto ako sa sinabi niyang iyon. Naalala kong sinabi ko rin iyon sa kanya.
“Hindi kita papayagang tumakbo! Magsuntukan muna tayo bago ka
tumakbo.” Ang sambit ko.
Ngunit tumakbo pa rin siya. Pinakawalan ko ang isang suntok sa kanyang
braso, sinadya kong hindi lakasan dahil alam kong pagod siya. Hindi pa rin siya
huminto. Sinuntok ko ang kanyang likod. Ganoon pa rin. Dahil sa galit ko na
hindi pa rin siya huminto, sinipa ko nang malakas ang kanyang likuran dahilan
upang masubsob siya sa lupa. Tumayo siyang muli. Nang susuntukin ko na naman sana
siya, doon na niya pinakawalan ang dalawang malalakas at magkasunod na suntok.
Tumama ang mga ito sa aking mukha. Ang isa ay sa aking ilong at bibig at ang
isa naman ay sa aking mata. At naramdaman ko na lang ang pag-ikot ng aking
paligid. Natumba ako.
Hilong-hilo ako na halos hindi ako makatayo. Nang iabot niya ang
kanyang kamay upang batakin ako at makatayo, tinanggap ko ito.
“S-sorry.” Ang sambit niya.
Hindi ko sinagot ang kanyang sorry. Itinuloy ko ang aking pagtakbo.
Nang hinipo ko ang aking ilong at bibig, nakita ko sa aking mga kamay ang dugo.
Pumutok pala ito ang aking ilong at bibig sa lakas ng suntok niya. Itinuloy ko
pa rin ang pagtakbo, hinayaan lang ang dugo sa aking ilong at bibig.
Nang nilingon ko si John sa kanyang kinaroroonan, hindi ko na nakita
pa ito. Itinuloy ko na lang ang pagtakbo hanggang sa nabuo ko rin ang limang
rounds. Hindi naman ako masyadong napagod. Sanay din kasi ako sa pagtatakbo sa
bukid.
Nang akmang aalis na ako, nakita ko si John na nasa isang kanto lang
pala. Hinarangan niya ako, dala-dala ang yelo na nakasilid sa plastic. Nilapitan
niya ako. Huminto ako. Walang imikan. Walang nagsasalita. Hinawakan niya ang
aking baba at inusisa ang aking tama sa mukha. Pagkatapos, binalot niya sa
kanyang panyo ang yelo at inilapat iyon sa aking bibig at ilong, Hinawakan ko
iyon habang ang isang balot naman ng ice ay diretsong itinilapat niya sa aking
mata na natamaan din. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa. Ako ang naghawak
sa yelo na nakamdpi sa aking ilong at bibig, siya naman ang humawak sa yelo sa
aking mata.
Nang nakita niyang patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa aking
ilong, pinaupo niya ako sa sementong bangko sa ilalim ng grandstand. Tumabi siya
sa akin sa pag-upo. Hinawakan niya ang aking noo at itinulak niya patungo sa
kanya. Napahiga ako sa kanyang kandungan. Nanatili kami sa ganoong posisyon
nang may 15 minutos. Wala pa rin kaming imikan. Hanggang sa naalala ko ang inay
na naghintay sa akin, at sa gamot na bibilhin ko.
Bumalikwas ako. “Alis na ako.” Ang sambit ko.
Nakita kong tumango siya.
Dumaan muna ako sa botika bago tumuloy sa pag-uwi. Nang nasa bahay na ako,
tinanong ako ng aking inay kung bakit putok ang aking bibig at namaga ang kanan
kong mata. Nag-alibi na lang ako na nagpintura kami sa silid aralan at nabali
ang hagdanan kaya nasubsob ako sa mga desks at natamaan ang aking mata at ilong
at bibig.
Kinabukasan, nagulat ang aking mga ka-klase sa nakita sa mukha ko.
Halata pa kasi ang pumutok kong bibig, at klaro na ang black eye sa aking kanang
mata. Dahil nauna si John sa akin, nakatingin lang siya habang nakaupo sa
kanyang puwesto. Tila isa siyang maamong tupa sa paningin ko sa umagang iyon. Diretso
lang ako patungo sa aking upuan sa harapan ng desk niya. Hindi ko siya
pinansin. Nang nakaupo na ako, isinuot ko ang aking lumang uniporme na
tagpi-tagpi.
Nagsilapitan ang mg aka-klase ko sa akin at ang mga officers.
Nakiusyoso kung anong nangyari sa aking mukha. Pero syempre, hindi ko sinabing
si John ang may kagagawan nito. Ang alibi ko na lang sa kanila ay nalaglag ako
sa kalabaw at nasubsob ang mukha sa malalaking bato.
Nang may napansin naman si Emily. “Bakit di mo isinuot ang polo?” Ang
tanong niya.
Tiningnan ko si John. Naroon lang kasi siya sa aking likuran at
nakinig sa aming usapan. Nakita kong yumuko siya.
“Malinis pa naman itong aking lumang uniporme eh.” Ang sagot ko na
lang.
Nanatiling wala kaming imikan ni John sa buong umaga na iyon. Hanggang
naglunch-break kami.
Sa student center, habang isang grupo kaming mga officers na kumakain,
nakita ko naman sa isang kanto si John. Nag-iisang kumain at tila malungkot. Para
naman akong naawa. Ngunit hindi ko na lang siya pinansin.
Nang bumalik na ako sa silid-aralan. Nagtaka ako dahil nawala na naman
ang aking uniporme, iyong tinahi kong halos tagpi-tagpi na. “Sino ang kumuha sa
aking uniporme?” ang tanong ko sa mga kaklaseng naroon na rin.
Walang sumagot. Nataranta na ako sa kahahanap na kung saan-saang upuan
ako nagtungo. Pati ang mga gamit ni John na sa pagkakataong iyon ay hindi pa
pumasok, ay pinapakialaman ko rin. Ngunit walang uniporme akong nakita.
Nang pumasok na ang mga officers, sinabi ko sa kanila na nawala na
naman ang aking uniporme.
“Hindi kaya itinago ni John?” ang sabi ni Tony.
“Hindi yan magagawa ni John!” ang biglang pagsingit naman ni Joy.
“Natandaan ninyo noong sinira ang mga gamit ni Tim, ang sabi ninyo ay si John?
Pero mali kayo. Kaya sigurado ako na iyong president na naman sa kabilang
section ang may kagagawan nito. Hindi na siya natuto ah! Talagang sinusubukan
niya tayo!” ang sabi ni Joy na dali-daling lumabas.
“Hoy! Saan ka pupunta?” ang tanong ng mga officers.
“Pagsabihan ko iyong walanghiyang president ng kabilang section.”
“Woi! Huwag na Joy!” ang sigaw ko.
Ngunit hindi nagpaawat si Joy. Hinabol siya ng mga officers.
Maya-maya ay nakabalik sin sila. “Anong nangyari? Ang tanong ko kay
Emily.
“Hayun… nagtatalak si Joy sa kabilang section. Ngunit napigilan din
namin. Mabuti na lang at wala doon ang presidente ng classroom nila na si Enchong.
“Kainis!” ang pagdadabog pa ni Joy.
Maya-maya lang ay sumulpot na si John. Biglang natahimik ang lahat
lalo na’t kasunod lang niya sa pagpasok ang sunod na guro ng subject.
Breaktime sa hapon, nagulat na lang kami nang pumasok sa aming klase
ang president sa kabilang klase. Nagsisigaw sa galit. “Hinahamon kita ng
suntukan, Timmy, walang bayag! Akala mo kung sino ka? Cheater! Alam kong ako
ang pinagdiskitahan mong sumira sa mga gamit mo at ngayon, ito namang uniporme
mo na ako ang nagtago? Ano ang gagawin ko sa uniporme mo? Di hamak na mas
marami naman akong uniporme kaysa iyo! Huwag kang masyadong mapagmataas pare.
Hindi ka mayaman. At lalong hindi ka malinis. Alam ko ang baho ng pamilya mo!
At ang inay mo? Alam ko kung ano siya!” hindi niya itinuloy pa ang sasabihin.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nag-init ang aking tainga sa kanyang
sinabi.“Bakit? Ano ba ang nanay ko?”
“Sigurado kang gusto mong sabihin ko rito sa harap ng mga ka-klase mo?
Baka magsisi ka! Baka magbigti ka kapag nalaman ng lahat kung ano ang nanay
mo!” ang sigaw niya.
“Sige sabihin mo!” ang sigaw ko rin.
“Puta ang nanay mo! Iniwanan siya ng tatay mo dahil mukhang pera ang
nanay mo, nagbebenta ng katawan at kung sinu-sinong lalaki ang nakatikim!”
Doon na nagdilim ang aking paningin. Paulanan ko na sana siya ng
suntok ngunit sa di ko inaasahan, naunahan na ako ni John. Nakita ko na lang
ang paglapag ng kanyang kamao sa ulo, sa mukha, sa dibdib, at sa tiyan ni
Enghong. Bumagsak sa sahig si Enchong nang hindi man lang nakapagsalita o
nakaporma. Duguan ang kanyang ilong at bibig habang nakahandusay siya sa sahig
na semento.

shet.. eto na exciting listugas
ReplyDeletena enhong yan.kakainis