Followers

Sunday, September 6, 2015

Love, Stranger (Chapter 11)

AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )

=====================================================

BY: White_Pal


FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com



silent sanctuary sayo

Music player by mp3skull
CHAPTER ELEVEN
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Unti-unti siyang pumikit. Pumikit din ako.
Biglang tumunog ang elevator. Sabay kaming lumayo sa isa't-isa. Bahagya akong tumalikod sa kanya. Bumukas ang elevator. Napansin ko na nasa palapag na ito na pala ako bababa.
"Una na ako Rome. See you tomorrow." Mabilis akong naglakad palabas ng elevator.
Pagkarating sa hallway ng hotel ay mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan ng aking kwarto. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang key card. Nang makita ko na ito at ipapasok sa susian ay nahulog ito sa brown carpet na lapag ng hotel.
Kukunin ko na ang key card nang mapansin kong may isang kamay ang kumuha nito, tiningnan ko ang nagmamay-ari ng kamay at nakita ko siya. Nagtama ang aming mga mata.
"Anong ginagawa mo rito?" pautal-utal kong sabi. Kinuha ko ang susi.
"Ah, I forgot to tell you, magkatapat ang room natin." Bakas ang panginginig sa kanyang boses.
Tumango lang ako at tumalikod. Binuksan ko ang pinto. Narinig kong bumukas din ang pintuan ng kwarto niya.
"Ray." Tawag niya sa akin.
Lumingon ako.
"Good night." sabi niyang nakangiti.
"Good night din Rome." Sagot ko. Mabilis akong pumasok sa kwarto.
Nakangiti kong linapat ang pinto ng aking kwarto. Hinilig ko ang aking likuran sa kulay brown na pintuang gawa sa mahogany.
Unti-unting nag sink-in sa aking utak ang mga nangyari buong araw. Tumakbo ako at tumalon na parang nag-dive sa puting kama. Nagsisisigaw ako. Nagpagulong-gulong. Nanginig na parang wala ng bukas. Tumayo ako, nagtatatalon habang nagsisisigaw, muli kong binagsak ang katawan sa kama. Para akong gago.
"Best day ever!!!" sigaw ko. "Oh my god Rome, ano ba itong ginawa mo sa akin!!!" sigaw ko ulit habang ginugulo ang aking buhok at binubura ang aking mukha.
Napansin ko na lang na nakahiga ako ulit sa kama. Nakatingin ako sa kisame. Muling pumasok sa aking utak ang kanyang imahe. Napangiti ako. Yinakap ko ang sarili, bumaluktot at muli ay nagpagulong-gulong. Hindi ma-contain ng katawan ko ang kilig at saya na nararamdaman ko.
Ilang saglit pa'y narinig kong tumunog ang aking iPad-Mini na nakapataong sa ibabaw ng varnished desk. Tumayo ako. Tiningnan ko ito. Nag-chat ang isang matalik kong kaibigan. Binuksan ko ang messenger.
"Kamusta ang Japan? Napag-isipan mo na ba yung suggestion ko sa iyo?" bungad niya.
"Dude, alam mo naman yung stress natin sa OJT dati 'di ba? Hindi ko kaya ang magmanage ng travel agency, lalo na dito sa ibang bansa pa." sagot ko.
"Sayang naman kasi. May pera ka naman, bakit hindi mo iinvest sa mga negosyo?"
"Nag-invest na ako sa ibang bagay dude. Sapat na ang income ko para mabuhay ako at ang pamilya ko. Money is no longer a problem dude. Tingnan mo nga, I can travel na hindi iniisip ang pera."
"Ah, oo nga naman Don Ray. Bukod pa sa okay ka na, ay mayroon kang big time na tatay-tatayan na hapon. Hahaha. Joke lang!"
"Hoy tumigil ka. Kahit kailan hindi ako umasa kay Chichi. Alam mo iyan, siya ang nagmentor sa akin kung papaano ayusin ang buhay ko noon." Mabilis kong sagot. Chichi ang ginagamit na salita dito sa Japan pag tinatawag mo ang sarili mong ama. Iba kasi ang tawag pag tatay ng iba ang binabanggit mo. Kahit hindi ko tunay na ama si Chichi ay tunay na anak ang turing niya sa akin.
"Sige, nasabi mo na 'di mo problem ang pera, career and business okay ka naman, eh ang lovelife kamusta? Hahahahaha."
Napakamot ako ng ulo.
"Nah. Masakit sa ulo isipin. Pero dude may kwento ako sa iyo." sabi kong nakangiti.
Kinuwento ko sa kanya si Rome at lahat ng nangyari sa loob ng dalawang araw na magkasama kami.
"Hala!? Seryoso ka ba 'dyan teh?"
"Dude, parehas tayong Pro-Love kaya alam kong maintindihan mo."
Nasa ganoon akong pakikipag-chat sa kanya nang marinig kong may nagdoorbell sa labas ng aking kwarto. Tumayo ako habang hawak-hawak ang aking iPad-Mini. Sinilip ko sa peephole ng pinto para makita ko kung sino ang nagdoorbell.
Nagulat ako sa nakita. Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay ng pagngiti ko ay nagising ang mga katutulog pa lang na kilig sa aking katawan. Agad kong binuksan ang pinto.
Ngumiti siya.
"Yes?"
"Uhm..." para siyang batang natameme na hindi makasagot. 'Di ko napigilang matawa.
"Rome anong sadya?"
Nagkamot siya ng ulo.
"Gusto sana kitang ayain na manood ng movie."
"Saan?"
"Sa kwarto ko. Pinatulog mo naman ako sa kwarto mo kagabi eh, so hayaan mo sanang sa ganitong paraan kita pasalamatan."
Para akong naging bato. Gusto ko magtatatalon sa saya. Ano ito, movie date? Hihihi!
"Huy bro." Sigaw niya na gumising sa lutang kong sarili.
"Ah sure sige-sige." Nauutal kong sabi.
"Parang ayaw mo naman." Sabi niya sabay ngiwi.
"Hindi Rome... Kasi, uhm... May pagkain ba 'dyan? Nagugutom kasi ako eh."
Bigla siyang humalakhak.
"Tara sa baba, sa Family Mart. Bili tayo ng lalamutakin mo. Treat ko." Nakangiti niyang sabi sabay kamot ng ulo.
"Yes, libre! Haha. Wait, bihis lang ako dude."
"Ah oo nga, ako rin." Sabi niya sabay tawa. Parang lutang si gago at nalimutang magbihis.
Agad siyang pumasok sa kabilang kwarto. Sinarado ko naman ang pinto ng kwarto ko at nagbihis. Siniksik ko sa maliit na bag ang ilang mga gamit kasama ang iPad-Mini. Hindi pa kami magtapos mag-usap ng kaibigan ko at mukhang kaabot-abot na sermon ang maririnig ko dahil sa mga nangyari sa amin ni Rome. Hehe.

***

"Alam mo ba ang background niya? Like saan siya nag-aral? Ano course niya? Ilang taon na siya? May asawa na ba? May anak? Teh, hindi mo kilala ang kasama mo ngayon. Kilalanin mo kaya muna?" mahabang chat ng babaeng kaibigan ko.
"Kim, kalma dude. Alam ko naman ang sinasabi mo. Well, wala siyang asawa at anak, 'di ba ka-bebreak nga lang niya last year sa GF niya?"
"'Di mo gets ang point ko Ray, ang point ko ay sumasama ka sa taong hindi mo pa naman gaano kilala. Look, pinatulog mo siya kagabi sa kwarto mo, tapos ngayon ay papasok ka sa kwarto niya. Teh umayos ka nga. Hindi ko sinasabing layuan mo siya o 'wag kang makipagkaibigan sa kanya, ang sinasabi ko lang ay mag-ingat ka kasi balibaligtarin natin ang mundo, stranger pa rin siya."
Pasimple akong tumingin kay Rome na noo'y kumukuha ng chichiriya, cup noodles, at biscuits sa shelf ng Family Mart.
"He's not a stranger. Nasabi ko na sa iyo ang nangyari sa ex niya, parehas kaming mahilig sa manga at anime, parehas kaming mahilig kumain, parehas kaming adventurous."
"Sige, saan siya nag-aral? Taga-saan siya sa atin? Ano trabaho niya o negosyo niya? Interest, hobby, personality, favorite na ganito at ganyan, view in life, dreams?"
Wala akong naisagot. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga.
"See. Natameme ka. Admit it teh, he's a stranger."
Pumikit ako. Naisip ko na may point ang kaibigan ko. Para akong blankong nakatingin sa aking itim na iPad-Mini. Tiningnan ko si Rome, nakita kong kumuha siya ng ilang juice sa fridge sinara niya ito. Tumingin siya sa akin, ngumiti ako. Gumanti rin ako ng ngiti.
Muling tinuon ng mga mata ko ang iPad. Nag-umpisa akong mag-type.
"Dude, mahal ko na siya." reply ko sa kaibigan. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga.
"Kung iyan ang totoo, edi sige bilang kaibigan mo ay susuportahan kita. Pero Ray, babalaan kita..."
Tahimik. Tanging naririnig ko lang ay ang tunog mula sa cashier at ang pagbukas at sara sa katabi kong pinto. Ilang saglit pa'y nag-chat siya.
"Mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sayo, lalo na yung mga taong hindi mo pa gaanong kilala. Mukha ka pa naman madaling maloko, alam naman natin na hindi pa fully accepted ang mga gay/bi sa society, kaya minsan mag-ingat ka at maging aware sa paligid mo."
Para akong hinampas ng realidad sa nabasa. Bumigat ang dibdib ko. May point siya, tama lahat ng sinasabi niya sa akin. Muli akong tumingin kay Rome. Nakapila siya sa cashier haabng nakatingin sa akin. Inangat niya ang kanang kamay sabay senyas ng okay sign. Tumango ako at nagbitiw ng isang pilit na ngiti.
Ang hirap naman ng sitwasyon ko... Ang gusto ko lang naman ay may taong magmahal sa akin ng totoo. Gusto ko lang naman ng taong tatanggap sa akin at sa nakaraan ko. Gusto ko lang naman ng taong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Napakasimpleng bagay ng gusto ko pero napakahirap ding makuha.
Muli akong nagbitiw ng malalim na hinga. Tinitigan ko siya na noo'y nakapila na sa cashier.
"Mahal na kita eh, nandito na ako. It's too late to turn back now. Maybe this tour is a dream come true kung saan posible ang happily ever after, galing nga tayo sa lugar kung saan mayroon noon eh. Oo umaasa na nga siguro ako na pwede tayo, kaya kahit hinahampas na ako ng realidad ay sige pa rin ako sa pagmamahal ko sa iyo. Pero ganun talaga eh, I can't help it, mahal kita at 'yun ang totoo. Mas gugustuhin kong magpakatotoo at masaktan kaysa lokohin ang sarili ko at sa huli ay pagsisihan ko ang mga bagay na pwede ko sanang maibigay sa iyo. Buo na ang desisyon ko, mamahalin kita Rome sa paraang alam ko, ipaparamdam at ipapakita ko sa iyo kung papaano magmahal ang isang kagaya ko." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya na para itong kinakausap.
Napansin kong nabalot ng luha ang aking mga mata. Mabilis ko itong pinunasan.
Sumugal ako sa isang pagmamahal na malaki ang chance na matalo ako, na hindi masusuklian ang pagmamahal ko. Pero ganoon ata talaga kapag totoong nagmamahal, hindi ka hihingi o maghihintay ng kapalit. At kagaya ng sabi ko sa kanya, hindi mahalaga kung suklian ang pagmamahal na binagay mo, ang mahalaga ay nagmahal ka. Panalo ka pa rin. Because love always wins.
Pinikit ko ang mga mata ko, siya ang huli kong nakita. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. This is it, tumalon ako sa isang bangin na hindi ko alam kung mayroong sasalo sa akin.

***

"Pasok ka." nakangiti niyang sabi habang hawak-hawak ang mga binili niyang pagkain at inumin sa dalawang puting supot.
Pumasok ako. Linapag ko ang aking maliit na gray bodybag sa makintab na desk. Napansin kong masmalaki ang kwarto niya kaysa sa akin, at dahil malaki ang kwarto niya ay masmalaki rin ang kama ng kwartong ito kumpara sa kwarto ko.
"Ito pala yung suite at ikaw ang natutulog dito. Kaya pala hindi ko ma-book dahil inagawan mo ako!" sigaw at biro ko sa kanya.
Tumawa siya. Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. Nag-umpisa siyang maglipat-lipat ng channel.
"Joke lang. Kuripot ako kaya okay na yung room ko. Sa pagkain lang ako magastos."
"'Di mo na kailangang ipagsigawan ang obvious."
Napakamot ako ng ulo sa narinig. Ilang saglit pa'y nakita kong nakahanap na siya ng panonoorin namin; Transformers: Age of Extinction, patapos na ang palabas. Buti na lang at may nahanap siya sa cable. Karaniwan kasi ay naka-japanese dubbed ang mga english movies sa cable.
Lumapit siya sa thermos, kanina pa pala bukas ito. Kinuha niya ang dalawang cup noodles mula sa supot at linagyan ng mainit na tubig ito. Linagay niya ang cup noodles namin sa itim na end table, katabi ng queen size bed.
Humiga si Rome sa kama. Inayos niya ang dalawang unan, humilig siya.
"Tara." sabi niya sabay tapik sa tabi niya, senyales na doon ako humiga.
Umupo ako sa gilid ng kama. Naiilang akong isipin na hihiga ako sa tabi niya. Tangina palibhasa may malisya na sa utak ko eh. Tsk. Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman kong yinakap niya ang katawan ko at pwersa akong hiniga sa kanyang kama.
"'Wag ka na mahiya. Pahihirapan mo pa iyang scoliosis mo eh, medyo malaki na nga ang curve niyan tapos ayaw mo pang ipahinga. Tsk." Sabi niya habang inaayos ang pagkakahiga at pagkakahilig ko sa kanyang kama.
Napatingin ako sa kanya. Para akong hinampas ng kung anong bagay. Papaano niya nalaman na mayroon akong nun?
"Wait, how did you know?" sambit ko.
"Know what?" sabi niya sabay umayos ng higa sa kanyang pwesto, kinuha niya ang isang cup noodles kasama ang chopsticks at inabot sa akin. Umuusok pa ito.
"Yung scolio ko." Sabi ko sabay kuha ng cup noodles. Kinuha niya rin ang kanya.
Tumingin siya sa akin.
"Obvious kaya. Hindi pantay likuran mo, naka-angat ng kaunti yung upper right back mo, ganun din ang lower left mo. Ilang degrees na ba iyan?"
"50 degrees sa upper right, then 35 degrees sa lower left. Technically inooperahan na dapat ito but since flexible raw ako at hindi naman lumalala ay hinayaan na lang na ganito. Delikado rin kasing operahan dahil kapag may nagalaw na hindi dapat ay pupwede akong ma-paralyze."
Tumango siya. Nag-umpisa kaming kumain habang ang mga mata'y nakatutok sa screen ng TV.
"Rome." Sabi ko habang ngumunguya ng mainit na noodles.
"Ano?" bakas sa boses niyang may nginungiya rin ito.
"Alam mo bang masasaksak si Optimus Prime 'dyan?" sabi ko sabay ngiti.
Narinig kong binagsak niya ang chopstick na hawak niya. Tumingin ako sa kanya, ang tulis at sama ng tingin niya sa akin. 'Di ko napigilang humalakhak. Ilang segundo pa at nangyari ang sinabi ko sa kanya.
"Tae naman spoiler." Irita niyang sabi.
"Sorry dude."
Lumapit ako sa kanya. Tiningnan ko siya. Bad trip si mokong.
"Sorry na, kain ka na." Nakangiti kong sabi sabay tapat ng noodles sa bibig niya.
Tumingin siya sa akin. Ang tulis ng tingin niya, nakakatakot.
"Seryoso kang ibibigay mo iyan sa akin?" sabi niya in a cold tone.
"Oo."
"Kulang pa sa iyo 'yan eh." unti-unting nagbago ang timple ng boses niya.
"Okay lang. 'Wag ka na magalit. Akala ko naman kasi napanood mo na 'yan."
Nagkamot siya ng ulo. Ilang saglit pa'y sinubo niya ang noodles at chopsticks na katapat ng kanyang bibig. Habang ngumunguya ay bahagya itong ngumiti. Ang cute niya. Natawa ako. Gusto pa sinusubuan.
"Ano sa hapon ang matakaw?" random question ko.
"Ano?"
"Ang taba mo!" pinalaki ko ang tono ng boses ko.
Nabulunan siya at humalakhak. Corny ng joke ko pero sa palagay ko'y 'di niya inexpect na babanatan ko siya ng joke.
"Okay ka lang? Wait kuha ako ng tubig."
Akmang tatayo na ako ay mariin niyang hinawakan ang aking braso. Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
"Okay lang ako."
Bumalik ako sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang pagkain, ganoon din siya. Tinutok ko ang mga mata sa TV.
"Ano sa hapon ang speechless?" tanong niya.
"Ano?"
"Wasabe."
Napangiti ako.
"Ano sa hapon ang makati ang ulo?" sabat niya ulit.
"Ano?"
"Marami kuto!" sabi niya sabay kamot sa ulo ko.
"Baka ikaw!" sigaw ko sa kanya.
Tumawa siya. Hinigop ko ang cup noodles. Sarap! Ang bilis kong naubos. Linapag ko ito sa katabi kong end table.
Inabot niya ang puting supot sa end table na katabi ng kama. Kumuha siya ng chichirya, inabot ito sa akin. Binuksan ko ang inabot niyang chichirya.
"Hoy hati tayo 'dyan ah. Mas masarap kasi ang may kahati." sabi niya sabay kindat.
"Wala naman akong balak ubusin ito."
"Ikaw pa, kulang sa iyo 'yan."
"Bugok." sabi ko sabay kuha at nguya ng chichirya.
Tahimik. Napansin kong tapos na ang Transformers. Kinuha niya ang remote at nag-umpisang maglipat ng channel, naghahanap ng magandang palabas.
"Anong isda ang makapal?" tanong ko sabay lapat ng likuran sa kama.
"Ano?"
"Eh 'di maniFISH."
"Weh? Haha. Oh sige anong fish ang mahilig mangbola?" tanong niya sabay kuha sa chichirya na hawak ko, sinubo niya ito.
"Ano?"
"Eh 'di Fish ball." Ngumunguya niyang sabi.
"Isa ka pa eh, corny mo." sabi ko sabay pitik sa tenga niya.
"Anong sabi ng isda nang hahatiin na siya sa gitna?" tanong ko.
"I'm tuna." confident niyang sagot.
"Aba! Alam ah. Sige, anong sabi ng bangus nang mamamatay na siya?"
"I'm daing." presko niyang sagot sabay kindat.
"Gusto mo tuluyan na kita?"
"Gawa!" sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko. Gumanti ako. Hinawakan niya ako sa braso upang pigilan ang pangingiliti ko sa kanya. Pilit akong umusod palapit sa kanya, kailangan kong makaganti.
Napuno ng tawanan ang buong kwarto.
"Hoy tae ito, nagkakalat ka sa kama ko!" sigaw niya. Napansin kong natapon ang ilang chichirya sa kama niya. Kinuha ko ang ilan dito at kinain.
"Takaw mo talaga. Pati 'yan kinakain mo pa." sabi niya sabay kuha sa ilang chichirya mula sa kama at pagkatapos ay kinain ito.
"Ikaw rin eh. Sipain kita 'dyan eh."
"Nahawa na sa iyo." ngumiti siya sabay dila.
"Kagatin ko 'yan gusto mo?"
"Gawa."
"Sige ilabas mo ulit." Hamon ko sa kanya.
Linabas niya ang dila niya. Linapit ko ang ulo ko sa kanyang mukha at ngumanga. Linayo niya ang mukha niya sa akin. Muli niyang kinuha ang remote ng TV.
"Pinagnanasaan mo ako ano?"
"Ulul gago, baka ikaw." Sigaw ko sa kanya sabay bato ng isang chichirya sa kanyang mukha.
"Hoy sayang 'yan! Ang mahal-mahal eh tinatapon mo lang."
"Oh sige." Kinuha ko ang tinapon kong chichirya at tinapat ito sa kanyang bibig. "Kain na baby Rome." sabi ko sabay ngiti.
Tumingin siya sa akin. Ilang saglit pa'y kinain niya ang chichirya na hawak ng daliri ko. Muli akong hinampas ni pareng kilig sa puso ko. Tangina, ano ba itong ginagawa namin. Para kaming mag-syota. Tsk.
"Ay sus gusto pa sinusubuan siya." Sabi ko na lang.
Tumingin ako sa TV, napansin ko ang isang pamilyar na palabas na nadaanan niya.
"Notting hill." sabi niya.
"Ang ganda niyan."
"Yeah. Napanood ko na dati."
Nagulat ako sa narinig. Nanonood pala siya ng mga romantic movies.
"Saan mo napanood?"
"Pinanood 'yan ng parents ko noon."
Tumango ako. Nabalot kami ng katahimikan. Seryoso kaming nanonood sa pelikula. Ilang saglit pa'y hinalikan ng bidang babae ang lalaki. Nag-umpisang tumugtog ang When You Say Nothing At All, by Ronan Keating. Napatingin ako kay Rome, nakita kong nakatingin din siya, nagtama ang aming mga mata. Muli akong binalot ng kuryente sa aking katawan, sa human language ito ay tinatawag na kilig. Tinuon ko ang mga mata sa TV. Sinubukan kong iwasan ang nararamdaman ko dahil baka makahalata na siya.
"Come and sit with me." sabi ng bidang babae. Umupo ang bidang lalaki sa tabi niya. Patuloy na nag-play ang kanta.
"Narinig mo sabi?" si Rome.
"Ha?" sabi ko.
Hinawakan niya ang braso ko at hinatak palapit sa kanya. Napahiga ako sa tabi niya habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng TV. Naramdaman ng braso ko ang mainit niyang braso. Walang nagsasalita.
Naisip ko, sa tinatakbo ng istorya ngayon ay wala pang pag-amin na naganap sa dalawang bida, pero kahit ganoon ay mahahalata mong gustong-gusto nila ang isa't-isa. Parang ako sa kanya, hindi ko inaamin na gusto ko siya, ewan ko lang kung gusto niya rin ako. Hay, nahihilo ako kakaisip sa bagay na ito. Tsk.
Patuloy kaming nanood. Tanging ingay mula sa TV lang ang aming naririnig. Unti-unting inintroduce sa amin ang conflict ng pelikula.
"Alam mo ang arte ng bidang babae. Kasi alam naman niyang artista siya, so dapat iexpect niya na parte na ng buhay niya ang mga scandals. She should just move on and live her life." biglang sabi ni Rome. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi siya maarte, ikaw ba pagpiyestahan ang buhay mo ng ibang tao hindi ka madedepress? Para siyang nakakulong sa isang kulungan na may nakatutok sa kanyang mga camera. Lahat ng galaw niya tinitingnan, hinuhusgahan, kung naexperience mo na iyan, maiintindihan mo siya." naiirita kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
"Naranasan mo na ba 'yun?"
Hindi ako kumibo. Parang nag-echo ng paulit-ulit ang tanong niya sa aking tenga, para itong kampana na paulit-ulit na kinakalampag ang aking utak. Muling pumasok ang isang eksena sa aking nakaraan.

***

"I thought you're my friend! Linandi mo ang boyfriend ko bakla ka!" sabi niyang nakapamewang habang kinukunan kami ng video ng mga kaibigan niya sa kanyang likuran.
"He's just my friend Gel, 'wag mo namang..." she cut me.
"Talaga? Nagkasama lang kayo sa Beijing for four days friend na agad? Ang sabihin mo patay na patay ka sa kanya! At dahil 'di mo mapigilan ang kalandian mo, sinubukan mong mang-agaw ng pagmamay-ari na ng iba, malandi ka!" sigaw niya.
Isang malakas na sampal ang bumagsak sa mukha ko. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit pinagtulungan ako ng iba niyang mga kasama. Wala akong kalaban-laban, gusto kong depensahan ang sarili ko sa mga paratang niya ngunit wala akong nagawa. Naramdaman ko ang sampal, hampas, suntok at sabunot ng kung sinu-sino ng oras na iyon.
Isang lalaki ang pumigil sa kanila at umawat sa dati kong kaibigan.
"Tama na ano ba! Layuan niyo siya."
"See! Nakita niyo na? Pinagtatanggol niya pa ang baklang 'yan!" sigaw ni Gel.
"Tigilan niyo siya... wala siyang..." 'di niya tinapos dahil kinut siya ng girlfriend niya.
"He's claiming na friends lang kayo. Ngayon, sabihin mo in front of us, friends ba talaga kayo?"
"Kagaya ng sabi ko sa iyo..."
"Friends ba kayo!?" sigaw niya na umalingawngaw sa buong lugar.
"He's someone na nakasama ko sa tour..."
"Friends ba kayo!? O may gusto ka rin sa kanya?" sigaw niya ulit.
"Stop it Gel! He's... He's just a stranger!" sigaw niya.
Para akong sinabugan ng bomba sa narinig. Umalingawngaw ang kanyang boses sa aking tenga na parang isang nakamamatay na bomba. Hindi ako nakakilos. Lumabo ang paningin ko, nagdilim ang paligid ko, kasama ang pagkatao ko. Sa pangalawang pagkakataon ay namatay ako dahil sa taong ito.

***

RAY:
"Ray?" tapik sa akin ni Rome na gumising sa natutulog kong utak. Tumingin ako sa kanya.
"Okay ka lang?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Okay lang ako. May naalala lang." sabi ko. Nagbitiw ako ng isang buntong hininga.
Tiningnan ko siya. Nakatingin ang mga mata niya sa screen. Ilang saglit pa'y tiningnan niya ako. Nagtama ang aming mga mata.
"Ano 'yun?" bigla niyang tanong.
"Salamat Rome."
"Bakit?"
"Basta, salamat."
Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Masaya akong kasama siya, masaya akong nandito siya. Siya ang rason kung bakit hindi na ako gaano nagiging emosyonal at hindi masyado nasasaktan sa tuwing naaalala ko ang madilim kong nakaraan.
Few years ago, nabura sa utak ko ang mukha ng mga taong involve sa naging issue ko, siguro that is my way to cope and move on sa nangyari. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon ay hindi ko mapigilang maiyak, naaawa ako sa sarili ko, wala naman akong ginawang masama pero sobra-sobra ang pag-apak na ginawa nila sa akin, hinusgahan nila ako nang hindi man lang pinapakinggan ang side ng kwento ko. Wala man lang akong nagawa.
Pero iba ngayon, oo nalungkot ako, pero nang makita ko si Rome ay napawi lahat ng sakit sa nakaraan ko. Napangiti ako. Everything about him is right, parang siya ang taong nakatadhana na gagamot sa sugat sa aking nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom. Am I crazy? Delusional? Ewan ko, hindi ko na alam.
Tinuon ko ang mata ko sa pelikula.
"I'm just a girl, standing in front of a boy, asking him to love her." sabi ng bidang babae. Famous line ito ng pelikula.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Inalis ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Nakaramdam ako ng pagkailang. Parang nakita ko ang sarili ko na sinasabi sa kanya ang linyang iyon. Napakagat ako ng labi.
"Ray."
"Ano?" gulat kong sagot.
"Use associate in a sentence."
"Ano?"
"I look in the road and associate."
Tahimik. Tumingin ako sa kanya. 'Di ko napigilang humalakhak. Tumawa rin siya.
"Kadiri ka."
"Okay lang, at least tumawa ka."
Natameme ako sa narinig. Napangiti. Kinilig.
"Use curtain, kitchen in a sentence."
"Use it."
"Aray! 'Wag mo akong curtain, masa-kitchen." Sabi niyang umaarte.
Muli akong tumawa ng malakas. Ilang saglit pa'y tinuon ang mata ko sa TV.
"Oh, mamaya na ang banat matatapos na ito." sabi ko sabay hikab. Bigla akong dinalaw ng antok.
"Antok na si Ray?" malambing niyang sabi.
"Sakto lang, napagod ako ngayong araw sa Disneyland." Muli akong humikab.

ROME:
Inaantok na ata siya. Sobrang ligalig niya kasi, lalo na ngayong araw dahil ito ang pinakahihintay niya, Disneyland day. Pasimple akong tumingin sa kanya. Unti-unting bumabagsak ang mga mata nito.
"Ano sa hapon ang ugly?" tanong niya
"Kamukamo!" sigaw ko sabay hawak sa panga niya at alog dito.
Bahagya siyang ngumiti at nagkamot ng ulo. I want to end this night na masaya siya.
"Ano sa hapon ang pogi?" tanong niya.
"Kamukako!" sigaw ko.
"Ang kapal mo!" sabi niya sabay pitik sa tenga ko. Tumawa ako.
"Anong hayop ang tumatahol?" banat ko para hindi siya makatulog. Gusto ko siyang pasayahin, mukhang hindi maganda ang iniisip niya kanina.
"Ano?" unti-unting nagbago ang kanyang boses.
"Eh 'di wolf-wolf!"
"Corny." Lalong bumigat ang boses at paghinga niya.
Tahimik. Tiningnan ko siya, nakapikit na ito. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing tinitingnan ko siya.
"'Di ba galing tayong Tokyo Tower kahapon?"
"Yes." Pabulong niyang sagot.
"Kamukha niya ang Eiffel Tower sa Paris nuh?"
"Mmm..." mahina na ang boses niya.
"Eiffel ka ba?"
"Mmm..." lalong humina ang boses niya.
"Kasi... Eiffel for you?"
Tahimik. Napatakip ako sa aking bibig. Hala, tangina saan nanggaling 'yun? Wait, joke lang yun, at benta ang banat na 'yun! Hehe.
"Ray?" Tiningnan ko siya, nakaharap ito sa akin.
'Di na siya sumagot. Nasa dreamland na. Tumayo ako at kumuha ng jacket sa maleta. Lumapit ako sa kanya. Binalutan ko ng jacket ang kanyang katawan, tinaas ko ang comforter hanggang sa kanyang leeg. Alam kong lamigin siya at baka magkasakit pa. Tumabi ako sa kanya. Pinanood ko ang mahimbing niyang pagtulog.
Yinakap ko siya. Dahan-dahan kong linapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Parang may kung anong mahika ang taglay niya at 'di ko mapigilang mamangha o mabighani sa taong ito. Napakabuti ng kanyang puso. Napakagaan niyang kasama. Everything is perfect kapag kasama ko siya.
Napansin ko na lang na nakahilig ang noo ko sa kanyang noo, sobrang magkalapit ang aming mukha. What am I doing? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Inusod ko ang mukha ko, dahan-dahang linapit ito sa kanya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga. Pumikit ako.

***

Maliwanag ang kapaligiran. Naglalakad ako sa isang malapad na kalsada. Yumuko ako, hindi ko makita ang kalsada dahil nababalot ito ng petals ng Cherry Blossom, whitish-pink ang kulay ng petals nito habang ang gitna namang bahagi ay mapula. Tumingala ako. Napansin ko ang dahan-dahang pagbagsak ng petals mula sa Sakura Tree. Inikot ko ang aking mga mata. Napangiti. Para akong nasa paraiso.
Malalimakong huminga. Inhale, exhale. Ilang saglit pa'y isang lalaki ang umakbay saakin, binalot ng kanyang braso ang likurang bahagi ng aking balikat, hinawakanng kanyang palad ang aking braso. Tumingin ako sa kanya. Tinatamaan ngmaliwanag na sinag ng araw ang kanyang mukha. Patuloy kaming naglakad,unti-unti ay naging malinaw ang imahe ng lalaki.    

ITUTULOY
(SORRY SA LATE UPDATE, MAY EXAMS PO KASI AKO THIS COMING WEEK, KAILANGAN MAGREVIEW)


20 comments:

  1. Comments and feedback are appreciated. Lalo na po kung makakatulong para mapaganda ang ebook / book version nito. Magrereply po ako agad once ma-approve ang comment niyo ng admin at mabasa ko ito.

    Happy reading! Kailangan ko pa magreview at malapit na exam, inuna ko pa ito. Hahaha. Have a nice day! Take care!

    ReplyDelete
  2. bitin!!!
    ahahaha nice author!
    lakas makastranger ah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paanong lakas makastranger? Haha.
      Thanks for reading!

      Delete
  3. Grabe sobrang kinilig ako dito author!!! Ngiti ako ng ngiti ngalay na panga ang sarap basahin. Ang ganda ng development ng story. Patapos na ba o gitna pa lang? Sana mahaba pa kasi marami pa puwedeng mangyari.

    Yham

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lahat ng tanong mo ito po sagot ko... ABANGAN! ^_^

      Delete
  4. Maganda ung chapter nato. kakakilig lang he he he.. Good luck idol lalo na sa exam mo. :)

    -jerome-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks JeROME. May kapangalan ka sa story ko dude. Hahaha. :D
      Salamat sa pagbabasa.

      Delete
  5. Curious talaga ako sa past ni Ray. Unti-unti na nabubunyag pero may kulang pa na hindi natin alam. Malaki siguro ang part nito sa story. Sana hindi na bumalik ang lalaki at babae sa past ni Ray pati ex ni Rome. Malaking problema kung mangyari yon. Gab stick ka lang kay Ray at Rome kasi kahit sila lang ay solve na kami sa kilig at ganda ng takbo ng story nila.

    - Zefyr

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lahat ng sagot mo, masasagot din sa tamang panahon. :-)
      Anyway, I'll try to finish writing this story this week. Sana matapos ko bago mag-umpisa klase ko sa Monday.
      Salamat sa patuloy na pagsuporta sa mga gawa ko. ^_^

      Delete
  6. Replies
    1. "Japan pala"???
      May nauna po ba kayong comment na hindi na-approve?
      Thanks for reading! :-)

      Delete
  7. Ganda ng story author. Keep it up!

    ReplyDelete
  8. No need for sex scenes. Story lang ng dalawa solve na. Cool and the best story!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal ko na pong pinaubaya sa ibang writers 'yun. Hahaha.
      Thanks po sa pagbabasa. ^_^

      Delete
  9. hello bebe gab ang galing mo talaga hayzz... paki bilis lang po ang update salay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bukas po or sa Saturday. Pasensya na po, everyday po ang intensive nihongo class ko ngayon and midterms namin. Sana po maintindihan niyo.

      Delete
    2. cge lang po bebe gab take ur time .. intay intay din kami pag may time hahahaha :D

      Delete
  10. Bkit wala pa update nito.. ? 2 weeks na ata.? Pa update naman po author please

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bukas po or sa Saturday. Pasensya na po, everyday po ang intensive nihongo class ko ngayon and midterms namin. Sana po maintindihan niyo.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails