Starfish
[Chapter 18]
by: crayon
****Lui****
9:32 am, Friday
September 22
I know that this is what's best for me. This is the right thing to do. This is my only escape. Only this way will I be able to set things back to normal. Pero....
Bakit hindi ako masaya?
Iyon pa ang kaninang laman ng aking isip. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na tama ang naging pasya ko, na darating ang panahon na masasabi ko na ito ang pinaka-tamang desisyong nagawa ko at kalaunan ay magiging masaya ako na ginawa ko ito. Pero....
Bakit ang hirap ngumiti?
Hindi ko magawang aminin sa sarili ko ang tunay na pinanghihinayangan ko. Iniiwasan kong isipin ang dahilan ng malungkot kong pag-alis. Pilit akong naghahabi ng mga kasinungalingan para paniwalain ang aking sarili na sila Kyle at ang mga bata ang labis kong mami-miss. Pero...
Kusang lumilitaw sa aking isip ang kanyang mukha. Ang kanyang malungkot na mukha nung magpaalam ako kaninang umaga.
Itinabi ko muna ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada para malinawan muna ang aking isip. Ayaw ko namang maaksidente o may maaksidente ng dahil sa kawalan ko sa sarili. Humihigpit ang hawak ko sa manibela habang nakapikit at pilit na inaalis sa aking isip ang taong dahilan ng aking pag-alis.
Hindi lahat ng ginagawa ko ay dahil sayo. Uuwi ako dahil alam kong wala ding patutunguhan ang ginagawa kong pagrerebelde sa mga magulang ko. Kung itutuloy nila ang aking arranged marriage ay magiging masaya na din ako dahil isang mabuting babae ang mapapangasawa ko. Magkakaroon kami ng makukulit at masisiglang mga anak. Magiging responsableng magulang ako sa kanila. Tatanda akong kasama si Jane habang pinapanood ang paglaki ng aming mga magiging apo. Mamatay ako ng masaya at hindi na kita kailanman kailangan pang makita.
Isang kasinungalingang pilit kong itinatanim sa aking utak. Sa totoo lang ay hindi naman iyon purong kasinungalingan. Maaari naman talagang mangyari ang mga iyon.
Ganoon siguro talaga ang buhay. Ang katotohanan nagiging kasinungalingan kapag hindi iyon ang gustong marinig o mangyari ng puso mo.
Tama na! Hindi na uli ako makikinig sa layaw ng puso ko. Pinagbigyan ko na ito ng minsan at napakaraming nawala sa akin. Panahon na para utak ko naman ang paganahin ko.
Muli kong pinaandar ang sasakyan at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho pauwi ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang tumawag para sabihing uuwi na ako. Hindi ko rin kasi alam kung paano kong haharapin ang mga magulang ko mamaya.
Napa-buntong hininga na lamang ako. Bahala na. Kung hindi nila ako tatanggapin ay bahala na. Bakit ba hindi ko ito naisip bago ko inempake ang aking mga gamit kela Kyle? Tsk!
Nalungkot na naman ako ng maalala ang umiiyak na si Andrei na pinipigilan akong umalis. Labis nang napalapit sa akin ang loob ng batang iyon. Masakit para sa akin ang isipin na iiwan ko silang magkapatid sa pangangalaga ni Renz.
Renz...
Damn it! Daig pa niya ang kabute! kahit saan na lang mabaling ang pag-iisip ko ay nakokonekta ko ang mga bagay sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang aking utak ng dire-diretso na nitong sariwain ang mga nangyari noong mga nakaraang araw.
Araw-araw ko bang dadanasin ang ganito? Ang maalala ang mga bagay na nangyari sa aming dalawa? Araw-araw ba akong mapapangiti sa tuwing maaalala ang mga masasaya naming sandali? Gabi-gabi ko bang iiyakan ang mga bagay na ginawa niya sa akin? Maya't-maya ko bang dapat tiisin ang malungkot ng dahil sa kanya?
Kagabi ay hindi ako lubusang nakapag-pahinga dahil sa pag-iisip kung dapat na ba akong umuwi sa amin. Lalo pang nagpagulo sa aking pag-iisip noon ang paghingi ng tawad sa akin ni Renz. Bakit niya pa kailangang humingi ng tawad? Ginusto naman niya ang ginawa niyang pambababoy sa akin. Hindi ba siya masaya na nakaganti na siya? Bakit pa siya nag-abalang magsabi ng 'sorry'?
Alam kong sa mga tanong na iyon ay sinusubukan ko lamang na bigyan ang sarili ko ng katiting na pag-asa. Kaunting dahilan para mabago ang isip ko at hindi na umalis pa. Kapirasong dahilan para makumbinsi ang sarili na baka hindi pa huli ang lahat.
Kanina bago ako umalis ay lihim kong ipinagdarasal na sana ay magising ng maaga si Renz. Alam kong isang malaking kahangalan, pero nais ko siyang makita sa huling pagkakataon bago ako umalis. Hindi naman bingi ang langit at hinayaan ako nitong makita ang malungkot na mukha ni Renz sa huling sandali. Hindi ko maunawaan kung bakit siya malungkot. Gusto ko pa sanang pagnilayan ang dahilan ng lungkot sa mga mata niya pero naisip kong gagawa lamang ako ng mga panibagong komplikasyon sa sitwasyon kung hahayaan ko ang aking puso sa gusto nitong mangyari.
Kahit anong gawin ko ay nanatiling lutang aking isipan. Ni hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay. Nang makarating sa tapat ng aming gate ay bumusina ako para pagbuksan ako ng guard. Matapos ang ilang busina ay bumukas din ang gate. Kita ko ang pagkabigla sa mukha ng aming gwardya ng mamukhaan ang sasakyang gustong pumasok sa aming bakuran. Dali-dali nitong niluwangan ang pagkakabukas ng gate. Idineretso ko naman ang sasakyan sa garahe. Sapat na sandali na siguro iyon para matimbrehan ng aming gwardya ang aking mga magulang. Ayaw ko naman na bigla na lang akong lumitaw sa pinto at panoorin ang pagkabigla sa kanilang mga mukha sa aking hindi inaasahang pagbabalik.
Pababa na ako ng aking sasakyan nang tumunog ang aking cellphone. Rumehistro ang pangalan ni Kyle. Ibinaba ko muna ang tawag ni Kyle. Marahil ay kakamustahin lamang ako nito kung nakauwi na ako at kung tinanggap pa ako sa amin. Wala pa naman akong masasabi dahil hindi ko pa nakakaharap ang aking mga magulang kaya minabuti ko na lamang na ibaba muna ang tawag.
****Renz****
7:23 am, Friday
September 22
Hindi ko inaasahan ang biglang pag-alis ni Lui. Marahil ay labis ang kanyang pagkasuklam sa akin kaya mas nanaisin na lamang niyang umuwi sa kanila at mapakasal sa kung sinong babae kesa manatili rito at makasama ako. Malinaw na ayaw na niya akong makita o makausap kailanman. Gusto niyang makalimutang nakilala niya ako, ayon na rin sa naging pag-uusap namin kagabi.
Mayroon naman siyang sapat na dahilan para gawin ang mga bagay na iyon, kaya kanina kahit na gusto ko siyang pigilan ay hindi ko nagawa ang magsalita. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa pagpigil sa kanya. Hindi ko magawang hilingin sa kanya na tiisin na lang ang araw-araw kong presensya. Alam kong kalabisan pa na ibalandra ko ang aking mukha sa kanya. Ano bang alam ako sa libu-libong bangungot na maaring ipinaalala ng aking mukha sa kanya.
Pero bakit nga ba gusto ko pa siyang pigilan? Hindi ba nga bago pa mangyari ang kademonyohang bagay na ginawa ko sa kanya ay gusto ko na siyang mawala sa poder ni Kyle? Bakit ngayon ay nais ko pa siyang manatili?
Guilt?
I thought that feeling hopeless was the worst feeling that I will ever experience. But feeling this guilty does not even compare to that. This is a lot worse. Feeling hopeless makes me feel sorry for myself alone. But this... This makes me feel sorry for someone that has honestly care for me.
Kasabay noon ay hindi ko maiwasang alalahanin yung mga panahon na maayos pa ang pakikitungo namin ni Lui sa isa't-isa. Kasabay noon ang napakaraming reyalisasyon.
First, I'm a total asshole. Ngayong naiisip ko ang mga ginawa ko kay Lui noong mga nalalabi niyang araw dito sa bahay ni Kyle ay napagtanto ko na napakalaki ko pala talagang gago. Yung hindi ko pagpansin sa kanya, yung gabi-gabi kong pagpapatulog sa kanya sa sala, yung pwersahan kong pag-angkin sa kanya. Lahat nang iyon ay ginawa ko dahil wala akong mapagbalingan ng galit at frustration ko sa walang kwenta kong buhay, I had to screw up my whole damn life and take it all out on Lui. In short ginawa ko siyang punching bag. Taga-salo ng lahat ng galit at inis ko sa araw-araw.
Second, I may have found another real friend like Kyle but I chose to let my spoiled, childlike behaviour take over. Noong magalit ako kay Lui ay pakiramdam ko napaka-valid ng dahilan ko para mamuhi ako sa kanya. Sa aking pananaw ay ako ang nasa tama at isang malaking manloloko si Lui. Pinili kong magalit sa kanya at ni kahit minsan ay hindi ko pinaglaanan ng panahon na isipin kung bakit iyon ginawa ni Lui. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Sarado ang isip ko sa kahit anong eksplenasyon o dahilan. Huli na para maisip ko na tunay palang kaibigan si Lui. Huli na nang mapagtanto ko kung paanong nagging napakabuti niya sa akin. Pinili niya akong pakisamahan sa kabila ng lahat ng masasamang bagay na ginagawa ko. Sinikap niya akong kaibiganin at ibalik sa tamang landas. Ginawa niya ang makakaya niya para damayan ako at tulungang bumangon. He was there when no one wants to be with me. He dared to make fun of me when all i felt was sadness and hopelessness just to make me feel that there's one person in the world who does not look at me with pity. When I was down, he was there not to lift me up but just to remind me that I could still go on. That it wasn't the ending yet.
I remembered one time when he urged me to tell my story and open up. He told me I could cry if I'd want to. I never realized that he wants to see through me. It never occurred to me that someone would care to know the story of a drunkard and a drug addict. I guess I never gave much importance to those details because I thought they were irrelevant. All I care to feel was my sadness and all i care to notice was Kyle. My world is a sphere of my sadness with Kyle at its center. I thought that Lui was just another bright star out of my sphere of sadness looking at me with pity like all other stars that I have long ignored.
But I was wrong. I could hardly remember a time when he looked at me with pity. He never made me feel like I need some kind of special attention because I’m broken hearted. He will just be joking around, teasing me, and be completely annoying until I snap back at him and we'll start an endless banter of our misfits, that somehow made me feel like I wasn't so miserable.
He was truly a friend, just the kind of friend I needed that time. And it is regretful that I never thanked him for that.
Third thing that I realized, I have the habit of wrecking the lives of those who love me. My mom, Kyle, and now Lui. Since last night, Ive been hearing Lui’s confession in my head. I never thought that he loves me. I was under the impression that he hates everything about me. Having me as his friend, even for a short while, is already a big surprise for me. But him liking me is completely unbelievable. I just felt sorry for him, cause I know that I coukd never return his feelings. He would just have to accept that we’re not meant for each other. Also I felt more sorry for him cause the guy he loves is the same guy who raped him.
“I’m sorry Lui, I’m so sorry.”, mahina kong sabi habang umiiyak.
Kasabay ng aking pag-iyak ay ang pag-ikot ng aking paligid. Nagdidilim ang aking paningin, sumisikip ang bawat paghinga, lalong bumibigat ang aking dibdib dahil sa halo-halong emosyon. Nakakalungkot na matatapos ang lahat ng ganito, na marami akong maiiwan na nasaktan at wala akong nagawa para itama ang mga pagkakamali ko.
“Renz? Are you there?”, tawag sa akin ni Kyle habang kumakatok pero wala akong lakas para sumagot sa kanya. Hindi ko na magawang mag-isip ng tuwid. Ang mga sumunod na pangyayari ay pawang mga malalabong alaala na.
Bumukas ang pinto at lumapit sa akin si Kyle. Narinig ko ang unti-unting pagpapanic sa boses ng aking kaibigan habang paulit-ulit niyang tinatawag ang aking pangalan.
Nasilaw ako sa kaliwanagan ng aking paligid nang magmulat akong muli ng aking mga mata. Mabigat pa din ang aking pakiramdam pero nabawasan na ang aking pagkahilo. Bumungad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinalalagyan ko. Alam kong wala ako sa kwarto ko sa unit ni Kyle.
“Renz? Do you feel anything hurting?”, bakas ang pag-aalala sa boses na iyon. Ibinaling ko ang aking tingin sa taong nagsalita. Hindi ko inaasahan na siya ang dadatnan ko sa aking paggising. Alam kong hindi niya din ako gusto at may maganda siyang dahilan para ganoon ang maging pagtingin sa akin. Umiling lang ako bilang tugon kay Aki.
“I’ll just call the doctor.”, paalam nito sa akin saka akmang tatayo mula sa kinauupuan nito sa tabi ng aking kama.
“No.”, pilit kong sabi. Mabuti naman ang aking pakiramdam kaya sa tingin ko ay hindi na kakailanganin pa na tingnan ako ng doctor. Sumunod naman sa hiling ko si Aki at bumalik sa pagkakaupo. “Where’s Kyle?”, tanong ko sa aking kaibigan.
“He just went out with the kids. Lunch na kasi, nagugutom ka na ba?”, umiling lamang ako bilang sagot. Matapos iyon ay natahimik lamang kami ni Aki. Awkward. Mula nang maging sila ng aking matalik na kaibigan ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kami nang kami lang dalawa.
Habang natutulog ako kanina ay napakaraming bagay ang pumapasok sa aking isip. Nalinawan ako sa napakaraming bagay. Parang nanood ako ng isang programa sa telebisyon, ang pinagkaiba lamang ay sa pagkakataong iyon ay buhay ko ang inilalarawan sa palabas. Buong akala ko ay mamatay na ako at pinapanood ko na ang flashback ng mga nangyari sa akin. May nakapagsabi kasi sa akin na kapag mamamatay na raw ang isang tao ay mapapanood nito ang buhay niya sa huling sandali niya sa mundo. Pero heto ako at buhay pa kasama si Aki.
“Hindi ko alam na magkapareho pala tayo ng blood type.”, nakangiting sabi ni Aki. Marahil para mawala ang pagkailang na namamayani sa aming dalawa.
“Talaga?”, medyo gulat kong sabi.
“Oo, tinawagan ako ni Kyle nung kinailangan kang salinan ng dugo kasi alam niya ang blood type ko.”, pagpapaliwanag niya. Noon ko lang napagtanto kung saan patungo ang aming usapan. Alam na niya at ni Kyle ang pagtatangka kong pagpapakamatay. Tumango lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot kay Aki.
“Pasensya na naabala ka pa nang dahil sa akin.”, nahihiya kong sabi ng mapansing naghihintay ng sagot mula sa akin si Aki.
“Wala iyon, magkaibigan pa din naman tayo di ba?”, masaya nitong sabi. Napatitig naman ako sa kanya dahil hindi ko alam kung nagloloko lang siya. “Alam kong may mga hindi magagandang bagay na nangyari sa atin pero gusto kong malaman mo na tinuturing pa din kitang kaibigan kaya kung kailangan mo ng tulong ko, nandito lang ako para sa’yo.”, dugtong pa nito. Mukha namang sinsero ito sa mga sinasabi nito.
“Salamat.”, tipid kong wika.
“Nami-miss ka na nga nila Gelo eh. Wala daw kasi silang mapagtripan. Kapag labas mo dito puntahan natin sila minsan. Inom uli tayo tulad nung dati.”, pag-iimbita ni Aki. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. Kasunod noon ay wala nang humpay pa sa pagkekwento si Aki sa mga masasayang inuman naming magba-barkada noon. Kahit ako ay napapatawa nang malakas sa mga insidenteng inaalala ni Aki.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa sarili ko habang nag-uusap kami ni Aki. Nakalimutan ko na kasi kung gaano nga pala siya kabait kaya mahal na mahal siya ni Kyle. Ngayon ko lubos naiintindihan kung bakit hindi ko magawang agawing ang atensyon ni Kyle sa lalaking ito. Karapat-dapat naman pala talaga si Aki kay Kyle. Wala na ngayong tanong doon.
“Aki,”, tawag ko sa atensyon nito habang nagke-kwento. Napatigil naman ito sa pagsasalita at napatingin sa aking seryosong mukha. “Alagaan mong mabuti si Kyle at yung mga bata ha? Ngayon alam ko na kung bakit mahal na mahal ka ni Kyle. Napaka-buti mong tao at ngayon alam kong hindi ko na magagawang mapangiti si Kyle tulad ng pagpapangiti mong ginagawa sa kanya.”, masayang sabi ko kay Aki.
Finally. Isinusuko ko na din si Kyle kay Aki. At sa pagkakataong ito ay hindi ako nalulungkot dahil alam kong magiging masaya siya sa pag-iiwanan ko sa kanya. Wala akong nararamdamang panghihinayang. Contentment. Iyon ang nanaig sa akin ng mga sandaling iyon. Kontento na ako. Nabawasan kahit papaano ang bigat sa aking dibdib. Isang napakalaking dalahin na ininda ko ng ilang taon ang malay ko nang iniaalis sa aking puso.
Hinawakan ako ni Aki sa aking balikat at marahan iyong pinisil. Napaluha na lamang ako. Hindi dahil sa malungkot ako kundi dahil masaya ako. Masaya ako dahil nagawa ko na ding mag-let go. Nagawa ko na ring palayain ang sarili ko.
Ilang saglit lamang ay bumukas na ang pinto at nagtatakbong pumasok si Andrei.
“Kuyang lasing!!!! Gising ka na!”, gulat na sabi nito ng abutan akong kausap si Aki.
“Syempre. Kumain ka na ba?”, tanong ko.
“Opo, ikaw?”
"Busog pa ako. Pwede ko bang kausapin muna ang kuya Kyle?”, paalam ko sa bata. Tumango naman ito.
“Tara Andrei, samahan niyo muna ako ni Ate Sandy sa labas.”, tawag naman ni Aki sa mga bata. Sumunod naman ang mga ito kay Aki. Nang sumara na ang pinto ay noon ko lamang napagmasdan si Kyle.
Malungkot ang kanyang mukha at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Nakabaling sa ibang direksyon ang tingin nito habang lumalapit sa upuan sa tabi ng aking kama.
“Pinakain ka na ba ni Aki?”, tanong nito habang umuupo.
“Hindi naman ako nagugutom.”
“Okay.”
“Galit ka ba jellyfish?”, alam kong kailangan ko siyang amuhin dahil halata ang tampo nito sa akin. Jellyfish. Parang ngaayon ko lang nabanggit muli ang salitang iyon ng walang halong sakit. Alam kong mula ngayon ay tatawagin ko si Kyle sa nickname na iyon dahil iyon ang tawag ko sa aking bespren. Wala nang halong anumang malisya, pananabik, o panghihinayang.
“Hindi.”
“Galit ka eh.”, pamimilit ko.
“Hindi nga.”, medyo inis nitong sabi.
“Bakit ayaw mong tumingin sa akin.”
“Porke’t ayaw lang tumingin, galit na agad?”
“Hindi. Pero alam kong galit ka.”
“Okay, galit ako. Masaya ka na?”, sumusuko nitong sabi sa akin.
“Sorry na. Anu bang ginawa ko?”, pagpapaawa kong sabi.
“Damn it! Starfish ka talaga!!!!”, bigla nitong sigaw na bahagya ko naming ikinagulat dahil kanina lamang ay kalmado ko pa itong kausap kahit na bahagyang may inis sa kanyang tono ng pagsasalita. Napakapit tuloy akong bigla sa gilid ng aking kama.
“Sinubakan mong magpakamatay! Starfish ka! Hindi mo ba yun naaalala?!”, sigaw nito sa akin. Halata ang pagpipigil nito ng luha. Lihim naman akong natuwa dahil walang kupas pa din ang pagmamalasakit sa akin ni Kyle bilang kaibigan.
“Uyyy concerned sa akin yung bestfriend kong jellyfish! Hahahahaha.”, tumatawa kong sabi. Mabilis pa sa kidlat na nag-landing sa noo ko ang kamay ni Kyle.
“Aray! Nagpapaka-bayolente ka na naman.”, reklamo ko.
“Paano mo pa nagagawang gawing katatawanan yung nangyari?! Muntik ka nang mamatay! Muntik na akong mawalan ng bestfriend! Parang wala lang sayo yung mararamdaman naming mga maiiwan mo!?! Nag-iisip ka ba Renz o nagpapaka-starfish ka na talaga?!”, sa pagkakataong iyon ay may mga kumakawala nang luha sa mata ni Kyle. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hilahin palapit sa akin ang aking bestfriend para yakapin.
Binigyan ko siya ng isang napakahigpit na yakap habang hinahayaan ko siyang umiyak sa aking balikat. Umaasa ako na sa higpit ng aking yakap ay mara,daman ni Kyle ang paghingi ko ng tawad at ang labis kong pagpapasalamat para sa lahat ng bagay na nagawa niya para sa akin.
“Pasensya ka na lagi na lang kita pinapaiyak.”, pag-aalo ko kay Kyle.
“Anu na naman ba kasi ang pumasok sa isip mo at nagawa mo iyon?”, inis pa ding bulong sa akin ni Kyle.
“Sorry na. Wag ka na umiyak please…”, pakiusap ko.
“Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling namatay ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kailanman kapag nangyari iyon.”, hagulgol nitong sabi sa akin.
“Hindi mo naman kailangan sisihin ang sarili mo. Ako nga ang dapat mahiya kasi lagi na lang kita binibigyan ng probema.”, inilayo ko ang mukha ni Kyle mula sa pagkakasubsob sa aking balikat para tingnan siya sa mata.
“Sorry sa lahat ng nagawa ko Kyle. Sa lahat ng sakit ng ulo na idinulot ko sa’yo. Pasensya ka na kung hindi ko magawang maging isang mabuting bestfriend sayo.”, paghingi ko ng paumanhin. Inilapit ko ang noo ni Kyle sa aking labi para bigyan siya ng halik doon.
“Don’t say that. Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkakaganyan. Pasensya na kung wala akong magawa para sa’yo. I am praying every night na sana dumating na yung araw na bumalik na yung dati kong kaibigan. Yung starfish na laging nakatawa, yung laging nang-aasar sa akin, yung pala-kaibigan, yung starfish na kapag naaalala ko eh napapangiti na lang ako.”, seryosong sabi ni Kyle. Maaaring kasama nga ako ni Kyle sa araw-araw pero nang mga sandaling iyon ay ramdam ko kung gaano na niya ako ka-miss, yung dating Renz na una niyang nakilala at minahal. “Ipangako mo sa akin Renz na hindi ka na lang basta susuko. Promise me.”
“I promise.”, panandalian kaming natahimik na dalawa ni Kyle. Nanatili lamang kaming nakatingin sa isa’t-isa.
“May hihilingin nga pala ako sa’yo”, maya-maya ay sabi ko kay Kyle. Nakita ko naman ang saglit na pagkunot ng noo niya.
“Anu yun?”
“Gusto ko sanang humingi ng tulong sa mga doctor para matigil ako sa mga ginagawa ko pero kinakabahan ako. Pwede mo ba akong samahan?”, kita ko ang malapad na pagngiti ni Kyle sa sinabi kong iyon.
****Lui****
9:21 am, Thursday
March 07
6 months later . . .
You may not always get what you want but that’s not an excuse to be unhappy. Sometimes you don’t get what you want because there’s something or someone else meant to make you smile.
Iyan ang natutunan ko sa nakalipas na anim na buwan. Buong akala ko ay pagdadaanan ko muli yung pinagdaanan ko noon kay Kyle pero nagkamali ako. Nagagawa kong ngumiti at tumawa sa araw-araw. Ang mga hindi ko magandang alaala kay Renz ay parang hindi nangyari, parang taon na ang nakalipas mula ng maganap ang mga iyon. Ni hindi ko na nga maalala ang pakiramdam ng mapamahal sa kanya.
Lahat ng ito ay dahil kay Jane, ang aking fiancée. Di tulad ng inaasahan ay naging napakaganda ng takbo ng mga bagay sa pagitan naming dalawa, taliwas sa inaasahan namin. Hindi namin inakala pareho na magaling pala sa match making ang aming mga magulang. Kagaya namin ay labis din ang galak ng mga ito ng makita na nagkakamabutihan kami ni Jane. Nalimutan na ng aking mga magulang ang pagrerebeldeng ginawa ko dahil sa nangyayari sa amin ni Jane. Sa katunayan ay sunod ang lahat ng luho na hilingin ko sa kanila ngayon.
Pinakiusapan namin ni Jane ang aming mga magulang na ipagpaliban muna ang aming engagement na nakatakda sana noong Disyembre ng nakaraang taon. Hindi naman tumutol ang mga ito dahil kita sa aming dalawa ang pagkahumaling sa isa’t-isa. Gusto muna kasi namin ni Jane na magkaroon ng quality time ng walang pressure pa sa pagpapakasal. Napagkasunduan namin na sa Hunyo na lamang ng taong ito gawin ang engagement na diretso sa kasalan sa katapusan rin ng taon. Hindi na namin nagawa pang kumbinsihin sila Mama na sa isang taon na lang ang kasal dahil excited na ang mga ito na maging mga lolo at lola.
Mula ng malaman ni Jane na umuwi na ako sa amin ay halos araw-araw na itong pumupunta sa amin. Dahil nag-eenjoy naman ako sa company nito nung huli akong pumunta sa condo niya ay hinayaan ko na siya sa araw-araw niyang panggugulo sa akin. Sa ganoong paraan kasi ay hindi ko nagagawang isipin si Renz. Sa dalas ng aming pagsasama ay unti-unti nang nahulog ang loob ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Sa halip na magmukmuok at maging malungkot ay nagagawa kong ngumiti, tumawa at maging masaya sa tuwing nagkukulitan kami ni Jane.
Napaka-suwerte ko sa isang katulad ni Jane. Siya ang tipo ng babae na gustong-gusto ko. Maganda at seksi pero hindi maarte, may pagka-tomboy pa nga kung minsan kaya nagkakasundo kami sa mga gusto kong gawin. Mayaman at matalino pero mapagkumbaba at responsable sa pera. Malambing at maalaga din. Pakiramdam ko ay siguradong-sigurado na ako na magiging masaya ang aming pamilya kapag nakasal na kami.
Naisip ko tuloy na minsan pointless din ang mag-plano sa buhay dahil sa bandang huli ay tadhana pa din ang nasusunod. At ipinagpapasalamat ko na itinadhana ako sa isang tulad ni Jane.
“Hoy panget! Andyan ka ba?!”, rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng aking kwarto.
“Oo, pasok ka.”, nang lumingon ako sa pinto ay bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Jane. Panget ang paborito nitong itawag sa akin dahil hobby na niya ang asarin ako araw-araw. Hindi naman na ako umaangal dahil alam kong paraan niya lamang iyon ng paglalambing sa akin.
“Bakit hindi ka pa nakabihis?”, takang tanong nito sa akin. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng khaki shorts at t-shirt ng mga sandaling iyon.
“Ito na ang isusuot ko.”, sagot ko sa kanya. Noon ko lang napansin na posturang-postura ang kanyang ayos. Lalong tumingkad ang kanyang aking kagandahan sa suot niyang navy blue na dress na talaga namang humahapit sa bawat kurba ng kanyang katawan. Batid kong hahabulin na naman siya ng tingin ng mga lalaking makakasalubong namin. Isa iyon sa mga bagay na ayaw kong nangyayari dahil pakiramdam ko ay nababastos ang girlfriend ko.
“Bakit ganyan ang suot mo?”, medyo may pagka-inis kong sabi dahil sa aking iniisip.
“Ikaw ang bakit ganyan ang suot mo?”, balik niyang tanong sa akin na may halo na ding inis.
“Bakit? Anong mali sa suot ko?”
“Magde-date tayo di ba?”, paniniguro ni Jane.
“Oo nga, di ba ganito naman lagi ang ayos ko kapag nagde-date tayo? Ikaw ang bakit naka-dress? Ang iksi-iksi pa, bakit di ka na lang kaya maghubad?”
“Maganda naman ah! Hindi ba bagay sa akin?”, nagpapa-cute nitong tanong sa akin. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
“Alam mo namang kahit na anong isuot mo ay bagay sa’yo, di ba?”, bulong ko sa kanya malapit sa kanyang tenga.
“Thank you, pero hindi ako papayag na lumabas tayo ngayon na ganyan ang suot mo. Magbihis ka na dali, gusto ko extra gwapo ka ngayon.”, pamimilit sa akin ni Jane. Hindi na ako nakipag-argumento pa at nagbihis na din kaagad.
Maghapon kaming magkasama ni Jane. Kumain kami sa restaurant, nagpamasahe sa spa at naglakad-lakad sa isang park. Mabilis na lumilipas ang oras sa tuwing magkasama kaming dalawa, parang hindi kami mauubusan ng mapag-uusapan o ng mapagtatawanan. Nang dumilim na ay hinatid ko na si Jane sa kanila at inimbitahan ako ng mga magulang nito na doon na maghapunan. Masaya ko naman itong pinaunlakan. Likas na mabait ang mga magulang ni Jane, kita ko na nagmana sa kakulitan si Jane sa mommy nito. Matapos ang isang masayang salu-salo ay dumiretso na ako ng uwi sa amin.
Nang makarating sa aking kwarto ay binuksan ko ang aking laptop. Wala pang ilang sandali ay bumungad ang mensahe sa akin ni Kyle na inuutusan ako mag-online.
“Hey!”, masaya kong bati ng lumitaw ang mukha ni Kyle sa screen ng aking laptop.
“Hey! Hey! Mo mukha mo!!!”, masungit nitong bati sa akin.
“Oh bakit galit ka na naman?”, natatawa kong tanong.
“Ang tagal mong hindi nagparamdam!”, reklamo nito sa akin. May bahid naman ng katotohanan ang hinampo niya na iyon. Kahit na wala naman akong ginagawa sa araw-araw ay wala akong ibang mapagtuunan ng pansin kundi si Jane, kaya tuloy pati si Kyle ay nakakalimutan ko na ding kamustahin.
“Eh medyo busy.”, palusot ko.
“Busy with what?”, pang-uusig nito.
“With a lot of things.”
“Mukha mo! Nakalimutan mo lang talaga ako.”, tampo nito.
“Okay, I’m sorry. Masyado lang akong nag-eenjoy ngayon. I feel like I’m in cloud nine, I tend to forget a lot of things. Sorry na.”, pang-aamo ko sa aking bestfriend.
“Seryoso ka talaga dyan sa kasalan na yan?”, hindi makapaniwalang tanong ni Kyle. Nang padalhan ko kasi siya ng mensahe sa phone na magpapakasal na ako ay tinawanan lamang ako nito. Sa tingin ko ay hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa desisyon ko.
“Of course, I’m sure of what I’m doing. Why is it so hard for you to believe that i’m finally getting married?”, curious kong tanong.
“Because everything just seems unreal. I’d rather believe that your parents really threatened you to get married and you we’re left with no choice.”
“Hahaha, I’m done with that drama. This is for real. And i’ve already told you, I’m happy with my decision. I think I’m ready now to get settled. It’s not a really bad thing you know?”, paliwanag ko.
“I know, pero di ba parang ang bilis naman. Parang last year lang naglayas ka sa inyo dahil ayaw mo pa makasal tapos umuwi ka lang sa inyo and next thing you’re telling me is you’re happily getting married. Anyare?”, eksahiradong sabi ni Kyle.
“Ang OA mo naman. Nag-iisip bata lang ako nung mga panahon na iyon. I didn’t know that my parents actually found me a perfect bride. I’m glad that I’ve made the decision to went home, if not I wouldn’t be this happy.”, masaya kong kwento sa aking bestfriend. Napangiti na lamang si Kyle sa sinabi ko. Alam ko naman na deep inside ay masaya siya sa kinahinatnan ko, sadyang nagtatampo lang siya dahil sa dalang ng aming pag-uusap.
Wala akong nakuwento kay Kyle tungkol sa anumang nangyari sa pagitan namin ni Renz. Ang alam lamang niya ay bigla na lamang akong nagdesisyon na umuwi na sa amin bigla. Mula noon ay naging madalang ang pag-uusap naming dalawa dahil naging busy ako kay Jane at dahil na rin sa umiiwas ako sa anumang bagay na maaaring makapagpaalala sa akin kay Renz. Sa ilang pagkakataong nagkakausap kami ni Kyle sa cellphone o kaya sa Skype ay sadya kong iniiwasan ang anumang paksa na patungkol kay Renz. Kapag nagbabanggit si Kyle ng anumang bagay patungkol sa isa pa niyang bestfriend ay kusang nagsasara ang aking pandinig at pilit ko inililihis ang aming usapan.
“Anyway, kamusta na pala ang mga bata? Wala atang nanggugulo sa’yo dyan? Nasa bahay ka ba?”, pag-iiba ko ng aming topic.
“Oo, nasa bahay lang ako. Nasa labas sila kasamang naglalaro si Aki ng Xbox.”
“Wala pa din ba kayong nakukuhang mag-aalaga sa kanila?”, tanong ko.
“Wala pa. Actually baka hindi na kami maghanap pa ng kasama kasi nasanay na din kami sa ganitong set up. Okay naman ang magulang ni Aki na magbantay sa mga bata kapag may pasok kami. Dinadaanan lamang namin sila kapag pauwi na kaming pareho. Pumupunta din dito sa bahay yung kapatid ko minsan tapos siya ang naiiwang magbantay. Sabi ni Aki wag na daw ako magtrabaho eh ayaw ko naman na nandito lang ako sa bahay. Tsaka masyado pa akong bata para mag-retire. Sa darating naman kasi na pasukan ay mag-aaral na din uli yung dalawa so okay lang kahit na wala munang maiwan sa bahay. Ayun.”, pagkekwento nito.
“Pumunta kaya kayo minsan dito sa bahay? Si Andrei na lang din ang kukunin kong bearer sa kasal ko tapos flowergirl si Sandy.”, suhestyon ko. Mula kasi noong umalis ako ay hindi pa ako nakadalaw sa kanila.
“Sige, pero saka na natin sabihin sa dalawa yung pagpunta sa inyo kasi aaraw-arawin na naman ako ni Andrei ng pangungulit. Miss na miss ka na kaya non. Sandali tatawagin ko lang sila.”, paalam ni Kyle saka ko narinig ang pagtawag nito sa pangalan ng mga dati kong alaga.
“Kuyang may balbas!!!!!”, rinig kong sigaw ni Andrei habang papalapit sa laptop ni Kyle. Mukhang hyper na hyper pa rin ang batang ito hanggang sa ngayon. Bahagya pa akong nagulat ng biglang bumalandra ang mukha nito sa screen ng aking laptop.
“Kamusta ka na batang makulit?”, masaya kong bati.
“Okay lang po. Malapit na ako mag-school.”, magiliw niyang pagbabalita sa akin.
“Weh? Bawal kaya ang makulit sa school.”
“Behave na ako. Kahit tanong mo pa kay Kuya Kyle. Tsaka susunduin ako nila lolo at lola kapag nagi-ischool na ako, pati si Ate.”, noon din ay dumating si Sandy at kumaway sa akin. Kapansin-pansin ang pamimilog ng dalawa, mukhang mga hiyang sa pag-aalaga ni Kyle at Aki.
“Hello kuya Lui!”, bati sa akin ni Sandy.
“Hi baby girl.”
“Keyan ka pupunta dito?”, tanong ni Andrei na halata ang excitement sa aking isasagot.
“Oo nga kuya. Mas magaling na ako sayo magluto ng hotchakes!”, napatawa na lamang ako sa sinabi ni Sandy. Naalala ko yung mga panahon na pinagtitiisan naming tatlo ang mga sunog na pancakes na gawa ko.
“Malapit na promise. Ipagluluto mo ko ng pancakes ha?”, sabi mo yan ha.
“Kamusta na pre?”, bati sa akin ni Aki na pilit isinisingit ang mukha sa camera ng laptop ni Kyle. Ino-occupy na kasi ni Andrei ang lahat ng puwang sa screen.
“Okay naman. Pupunta ka sa kasal ko ha?”, imbita ko kay Aki.
“Syempre naman.”
“Ikaw Andrei ang ring bearer namin ng Ate Jane mo ha? Tapos ikaw Sandy ang flower girl. Abay kayo pareho sa kasal namin.”, pagbabalita ko sa dalawang bata.
“Yehey!!! Kuya Kyle narinig mo ba yun? Ring bearer daw ako. Pwede ko ba isuot yung batman ko na costume kapag nag-ring bearer ako?”, inosente nitong tanong kay Kyle na ikinatawa naman naming lahat.
May isang oras din ata akong nakipagkulitan sa mga bata at kay Kyle bago ako nagpaalam sa kanila. Matutulog na din kasi ang mga bata dahil gabi na. Pag-tingin ko sa aking relo ay mag-aalas diyes na pala ng gabi. Naligo lang ako ng mabilis bago ko pinasya ang magpahinga.
Habang nakapikit ay di ko maiwasan ang mag-isip bago matulog.
Masaya nga ba ako sa gagawin kong pagpapakasal?
Pinakinggan ko ang sinasabi ng aking isip at puso. Sa pagkakataong to ay nagkasundo ang dalawa sa pagsasabi ng ‘oo’. Napangiti naman ako sa realisasyon iyon.
Handa na nga ba akong matali at i-let go ang lahat ng perks ng pagiging isang bachelor?
Muli ay iisa ang naging sagot ng aking isip at damdamin. Oo. Handa na akong gawin ang mga bagay na iyon para kay Jane at sa magiging pamilya namin.
So ibig bang sabihin ay naka-move on na ako kay Renz?
Walang prenong tanong ko sa sarili. Huli na para bawiin ang tanong na iyon dahil prinoproseso na ng aking utak at puso ang magiging sagot.
Sa pagkakataong ito ay hindi agad ako nakasagot. Madaling sabihing oo pero may isang bagay sa akin ang pumipigil para gawin iyon. Parang may isang parte ko ang kumokontra at hindi magawang sumang-ayon na okay na ako at wala na akong pakialam sa nangyari sa amin noon ni Renz.
Hindi agad lumutang ang sagot na nais kong marinig kaya wala akong nagawa kundi ang mahulog sa malalim na pag-iisip.
Paano mo nga bang masasabing naka-move on ka na?
Naka-move on na ba ako dahil nagagawa ko nang maging masaya? Nakakatawa na ako sa araw-araw at bibihira na lang akong malungkot. Kapag ganoon na ang estado mo ay masasabi mo bang naka-get over ka na sa mga nangyari?
Mahal ko na si Jane at handa ko na siyang pakasalan. Sapat na ba iyong dahilan para sabihing naka-move on na ako? Si Jane na halos ang laman ng isip ko minu-minuto. Alam kong siya na rin sa ngayon ang hinahanap-hanap ng puso ko. Kapag iniisip ko ang sarili ko habang tumatanda ay siya na ang naiisip kong kasama ko.
Sabkabila noon ay may kaiba pa din akong nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan si Renz. Hindi ko alam kung ano ang tamang itawag sa aking nararamdaman.
Sa tuwing naiisip ko siya ay may kakaibang bagay na parang pumipiga sa aking dibdib. Kapag naririnig ko ang pangalan niya ay para bang tumitigil ang aking puso sa pagtibok sa loob ng isa o dalawang Segundo. Sa tuwing naalala ko ang kanyang mukha ay parang bigla akong mawawala sa aking ulirat at wala nag tigil ang pagbalik ng mga alaala. Kapag naisip ko ang mga nangyari sa amin ay para bang may isang black hole na bigla na lang hihigop sa anumang emosyon na mayroon ako at maiiwan na lamang akong walang anumang nararamdaman.
Hindi na ako galit sa kanya. Wala na akong nararamdamang poot dahil sa mga nagawa niya. Wala na ding sakit mula sa mga sugat. Para ngang nagawa ko na din siyang patawarin sa paglipas ng panahon. Hindi ba ang ibig sabihin non ay ‘okay’ na ako. Kapag wala na yung sakit at pait di ba ibig sabihin non ay naka-move on na ako? Di ba kapag natanggap ko na na wala nang mangyayari sa amin at nagawa ko nang ibaling ang aking atensyon sa iba ay indikasyon na iyon na naka-getover ka na?
Pero bakit hindi masagot ng puso ko ang simpleng tanong ko kanina? Naka-move on na ba ako?
Hindi ko alam kung saang parte ng formula ang malabo sa akin? Hindi ko alam kung ano pa ang hindi ko nagagawa? Anu pa bang kulang para masabi ko na naka-move on na ako? Kelangan ko pa ba magka-amnesia muna at completely makalimutan siya bago masabing naka-move on na ako?
Anak ng tipaklong oh! Kaya siguro marami ang nagsasabing mahirap maka-move on kasi hindi malinaw kung ano ang pamantayang sinusunod ng puso sa eksenang move on. Masaya ka na sa piling ng iba, hindi na bitter sa mga nangyare sa’yo dati pero ayaw pa ding umamin ng damdamin mo na naka-move on ka na.
O baka ganun lang talaga kapag nagmahal ka ng totoo tapos nasaktan ka. May naiiwan siguro talagang peklat na habang buhay mong magiging kasama. Isang peklat na hindi matatanggal ng pinakamagaling na dermatologist. Peklat na magsisilbing taga-pagpaalala ng mga nangyare sa iyo noon. Peklat na may kalakip na lungkot at saya na kailangan mong matutunang dalhin sa araw-araw. At kapag nasanay ka na sigurong may peklat ka at di mo na iniinda ang anumang damdamin o alaalang dala ng peklat na iyon ay saka pa lang sasabihin ng puso mo na, OO naka-move on ka na.
****Renz****
11:32 am, Friday
March 15
Sa pakiwari ko ay napakbagal na lumipas ng kalahating taon sa aking buhay. Gayunpaman ay ipinagpapasalamat ko ang panahong iyon dahil nagawa kong mag-isip at maisayos ng paunti-unti ang aking sarili. Maraming bagay akong natutunan at napagtanto sa nagdaang kalahating taon.
Ang buhay pala ay parang isang karera ng mga sasakyan. Lahat ng kasali ay nagmamadali at nag-uunahan para makarating sa finish line. Ang mundo ang nagsisilbing isang mahabang racetrack na puno ng iba’t-ibang sasakyan, iba’t-ibang tao, lahat may iba’t-ibang pangarap. Pero ang goal ng bawat isa ay makarating sa finish line sa kahit anong paraan para matupad ang kani-kanilang pangarap.
Sa karerang ng buhay, hindi lahat ay mayroong magarang sasakyan. May mga nakasakay sa mga mamahaling Lamborghini, Porsche, simpleng Vios, karag-karag na kotseng kuba, at may mga nagtitiis sa di pedal na bisikleta. Kung ikukumpara sa tao ay may mga ipinanganak na mayaman na lahat ng gusto ay nakukuha, may katamtaman lang ang antas sa buhay at nagagawang bilhin ang lahat ng pangangailangan, meron din naman na isang kahig isang tuka ang araw-araw na pamumuhay, may ipinanganak na matalino at talentado, at mayroon ding may kapansanan. Depende sa sasakyan mo minsan masisiraan ka at kakailanganin mong tumigil pasumandali para ayusin ang iyong sasakyan. Kagaya ng tao minsan mapapagod ka at hindi mo na alam kung paano magpapatuloy pa sa buhay dahil sa problema. Pero sa bandang huli ay sisikapin mo pa ring ayusin ang sarili mo, ayusin ang sasakyan mo dahil gusto mong magtagumpay, dahil gusto mo pa ding marating ang finish line, gusto mong maging katotohanan ang iyong mga pangarap.
Katulad ng sinabi ko ang mundo ay isang mahaba at malaking racetrack, hindi pare-pareho ang mga daan na nakalaan para sa mga sasakyan. May ilang madaling makakarating sa finish line dahil ang daan na nakalapat sa kanya ay isang diretso at madaling daan. Mayroon ding ibang sadyang kailangang mahirapan sa maraming liko na kailangang gawin, maraming kurba na kailangang daanan, maraming taas at baba na kailangang lampasan bago marating ang kanilang pangarap.
Sa karerang ito, pakiramdam ko noon ay nakasakay ako sa isang magandang sasakyan. Pinanganak ako sa may kayang pamilya at sanay ako na nakukuha lahat ng gustuhin ko. Akala ko ay nasa isang tuwid lang ako na highway at masaya kong binabaybay ang daan patungo sa aking tagumpay. Hanggang sa dumating ang problema, nag-iba ang daan na aking tinatahak, nagkaroon ng maraming liko, kurba, at taas-baba. Kahit na anong ganda ng aking sasakyan ay wala itong nagawa sa malubak na daan na kailangan kong lagpasan. Kalaunan ay bumigay ang makina ng aking sasakyan, sumuko ako sa karera dahil pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa pa, na-stuck na lamang ako sa lugar na kinatirikan ng aking sasakyan.
Dahil sa iba’t-ibang uri ng sasakyan at di patas na uri ng daan na dapat baybayin, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inggit at kung minsan ay panliliit sa sarili. Inggit at panliliit na naging dahilan para gumawa ako ng hindi maganda. Inggit at panliliit na naglayo sa’yo sa akin mula sa mga taong nagpapahalaga ng lubos sa akin. Inggit at panliliit na naging dahilan para makalimutan ko ang ngumiti at maging masaya.
Iyon ang dalawang bagay na labis na nagpahirap at nagpagulo sa buhay ko sa nakalipas na dalawang taon. Hindi kalungkutan ang dahilan ng lahat ng ginawa ko. Natural sa isang tao ang makaramdam ng lungkot dahil parte ito ng buhay. Pero ang magpasakop at magpatalo ka sa inggit at panliliit sa sarili ay isang desisyon na pinili kong gawin.
Ang simpleng inggit at panliliit ko ay lumalim at naging ugat ng kalungkutan, galit, at kawalan ng pag-asa. Mga bagay na naramdaman ko nang mga nakalipas na taon at sinikap kong alisin sa aking sistema sa nakaraang anim na buwan.
Naiinggit ako noon kay Aki dahil kasama na niya si Kyle at masaya na silang dalawa. Pakiwari ko ay nasa finish line na sila ng karera samantalang ako ay nakatirik sa parehong lugar ng napakahabang panahon. Dahil sa inggit na iyon ay humanap ako ng ibang bagay na maaaring makapagpasaya rin sa akin. Noon ko natagpuan ang aking mga bisyo. Nang malulong ako sa labis na droga, sugal, at alak, at simulan akong talikuran ng mga kaibigan ko ay nagsimula na akong makaramdam ng panliliit sa aking sarili. Pakiramdam ko ay wala na akong nagawang tama, at kailanman man ay hindi ko na maisasaayos ang aking buhay. Dahil sa inggit at panliliit sa sarili ay nawalan ako ng pag-asa. Nakalimutan ko ang maging tunay na masaya. Nakalimutan kong bigyan ng importansya ang mga tao at bagay na tunay na mahalaga. Nakalimutan ko kung paano ang magmahal.
Ang daang tinatahak ko sa buhay ay maraming liko at samu’t-saring kurba, buong akala ko ay hindi patas na bigyan ako ng ganitong klaseng daan samantalang ang iba ay nagpapakasaya sa isang diretso at madaling daan. Nakalimutan kong ganito nga din pala ang daang tinahak noon ni Kyle. Nakalimutan ko ang isang importanteng bagay na kailangan ko sa aking paglalakbay.
Appreciation.
Nakalimutan ko ang isang malaking pagkakaiba ng diretso at madaling daan sa paliko-liko at kumplikadong kalsada. Sa diretsong daan kasi ay mabilis mong mararating ang nais mong patunguhan, wala masyadong pagod, wala masyadong gulo pero wala din masyadong saya at fulfillment. Sa paliku-liko namang daan, mahirap, magulo, at mapanubok pero hindi mo dapat na makalimutan ang ma-appreciate ang iyong paglalakbay. Namnamin mo ang bawat liko na kailangan mong gawin, masdan mo ang bawat kurbada na dapat mong daanan, manabik ka sa bawat taas at baba na kailangan mong lampasan.
Kung gagawin mo iyon ay makikita mo ang maraming dahilan para maging masaya. Makakakilala ka ng daan-daang tao sa bawat kurba na iyong daraanan na magbibigay sa’yo ng libu-libong dahilan para ngumiti. Kalakip ng bawat pagliko mo ang mahihirap na desisyon minsan tama, minsan mali at kasama ng mga paglikong iyon ang maraming aral na maaring hindi mo natutunan kung madali at diretso ang daan na iyong pinili. Ang bawat pag-akyat at pagbaba ay dapat mong danasin dahil nandoon ang daan na iyon para gawin kang malakas at matibay.
Aaminin kong sobra akong nahirapan at hindi lang minsan ko ginusto ang sumuko na lamang. Gayunpaman masaya ako dahil pinili ko pa rin ang umusad at magpatuloy sa karera. Mahirap man at nakakapagod ay alam kong maraming bagay naman akong natutunan, ramdam ko na mas malakas at matibay na ako sa pagkakataong ito. Kung mas mahirap pa ang daan na nasa harap ko ay alam kong kaya ko ng ngumiti dahil natutunan kong muli kung paano ang maging masaya.
Ngayon ko naiintindihan na may dalawa palang paraan para maging masaya. Ang unang paraan ay mahirap at kinsan ay mailap mangyari. Ang tao kasi minsan nakukuha lang maging masaya kapag natutupad o nakukuha nila kung anu ang gusto at nais nila. Kapag na-accomplish lang nila ang gusto nila mangyari ay saka lang nila hahayaan ang sarili nila na ngumiti. Ang komplikasyon lang ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha mo ang gusto mo.
Yung pangalawang paraan naman ng pagiging masaya ay madalang gamitin at kadalasan ay nakakalimutan ng gawin. Sa panahon na inilagi ko sa rehab ay ito lang halos ang pinagnilayan ko pero nagagawa kong maging masaya. Pwede kang maging masaya kung matutunan mong ma-appreciate ang mga bagay na mayroon ka na. Hindi mo kailangang makontento ka sa kung anu lang ang mayroon ka pero huwag mong kakalimutan na i-appreciate kung anuman ang mayroon ka na. Minsan nakakalimutan ng tao ang ngumiti dahil laging natatanim sa isip natin kung ano ang wala tayo, nakakalimutan natin ipagpasalamat yung mga bagay na nasa atin na. Kung lahat ay matutunan na gawin ito ay walang taong kailangang laging maging malungkot.
"Sigurado ka bang okay ka na? Parang hindi ka pa tapos gamutin sa loob eh?", bahagya pa akong nagulat nang magsalita si Kyle sa tabi ko. Sinundo ako ng aking bespren kanina sa rehabilitation center na pinaggugulan ko ng anim na buwan. Mula ng sumakay kami sa kotse niya ay tahimik lamang akong nag-iisip.
"Ha? Bakit?", naguguluhan kong tanong.
"Nakatingin ka sa malayo, tapos ngingiti-ngiti ka mag-isa, anung gusto mong isipin ko?", natatawang biro ng aking kaibigan. "Parang kailangan pa uli kitang ipasok sa ibang ospital eh."
"Sira, may naisip lang ako."
"Wow! Ang galing naman pala talaga ng mga gumamot sa'yo sa loob, akalain mo naturuan mag-isip ang starfish!", walang tigil pa din nitong pang-aasar na tinawanan ko lang.
"Ganun talaga! Evolve-evolve din pag may time. Starfish version 2.0 na ko ngayon.", pagyayabang ko.
"Talaga lang ha. Pero mas gumwapo ka nga ngayon eh.", napatingin naman ako kay Kyle sa papuri niyang iyon. Napasulyap din siya sa akin at makalipas ang napakahabang panahon ay nakita ko muli yung ngiti ng chubby na si Kyle na una kong minahal. Hindi ko na halos matandaan ang huling beses na nginitian niya ako ng ganoon. Ngumiti din ako dahil sa labis na tuwa.
Noong mga sandaling iyon ay alam ko na laman pa din ng aking puso si Kyle, ang pinagkaiba lang ay mahal ko na din ang aking sarili ngayon at alam ko na mas makabubuti kay Kyle na nasa pangangalaga siya ni Aki.
"I know, ikaw mukha ka na talagang tatay.", malakas na tumawa si Kyle sa aking sinabi. Shit! Ang sarap kapag ganito ang pag-uusap namin ni Kyle. Bakit ba hindi ko pa noon naisip na magpa-rehab?
"Hahahaha, si Andrei ba naman ang alagaan mo sa araw-araw eh tatanda ka talaga ng wala sa oras. Sobra ang pagka-hyper nung dalawang yun. Kagabi pa nga ako kinukulit na sumama sumundo sa'yo eh.", natatawa niyang pagkekwento.
"Eh bakit hindi mo na lang isinama? Saan mo iniwan yung dalawa?", tanong ko. Alam ko kasing wala pa siyang nakukuhang tagapag-alaga para sa dalawang bata. Sanay din kasi ako noon na kasama lagi yung dalawa kapag bumibisita si Kyle sa akin noon sa rehab na walang palyang ginagawa ng aking bespren.
"Ha? Ano kasi... ahmmm...", halata ang biglang pagka-aburido ng aking matalik na kaibigan. "May exam sila para sa pagpasok nila sa school sa June. Kaya sinamahan muna sila ni Aki.", sabi nito. Hindi na ako nag-usisa pa at ibinaling ko na lang ang tingin sa daan.
Namiss ko din kasi ang ganito. Sa loob ng anim na buwan ay nasa loob lang ako ng rehab at hindi makalabas. May mga pagkakataon na gusto ko nang tumakas o di kaya ay magpasundo na lang kay Kyle lalo na kapag umiiral ang pagnanais ko na magdroga o kaya ay uminom. Pero kapag ganoon na ang pakiramdam ko ay kusa kong maaalala si Lui at ang mga ginawa ko sa kanya at awtomatikong magkakaroon ako ng lakas para labanan ang tawag ng aking mga bisyo.
Maliban kay Kyle na binibisita ako ng dalawa o tatlong beses sa loob ng isang buwan ay si Lui ang naging kasama ko sa loob ng rehab. Hindi ko man siya physically kasama ay siya ang naging motivation ko. Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob ay naaalala ko siya at ang mga nangyari sa amin. Kasunod ng mga alaalang iyon ay ang guilt at ang pagnanais na magbago. Minsan nga ay naisip ko na kung hindi nangyari sa amin ni Lui ang mga di magagandang bagay na iyon ay hindi ko siguro magagawa ang magbago. At dahil doon ay napakalaki ng naging utang na loob ko sa kanya.
Habang nag-iisip ay napadako ang mata ko sa dashboard ng kotse ni Kyle at may nakita akong pakete ng yosi. Binuksan ko ang bintana ng kotse na kumuha ng atensyon ni Kyle. Agad kong kinuha ang pakete ng yosi saka itinapon sa labas ng bintana saka iyon sinara.
"Hoy! Isa pa lang ang bawas non!?", sigaw sa akin ni Kyle na halatang nagulat sa aking ginawa.
"So? Bawal ka na magyosi.", nakangiti kong sabi. Ang sarap pala ng feeling na ako na yung mabait at si Kyle na ang pinagbabawalan ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Ahahahahahahahaha. It might've been mistake to send you to a rehab. Hahahaha.", malakas na tawa ni Kyle.
Makalipas ang halos dalawpung minutong pagda-drive ay nakarating kami ni Kyle sa pamilyar na subdivision.
"Ah why are we here?", medyo alarma kong tanong. Iyon kasi ang aming subdivision at naisip ko na baka iuuwi na ako ni Kyle sa amin na hindi ko pa ready gawin.
"Kalma lang susunduin lang nating yung mga bata saka si Aki sa kanila.", natatawang sabi ni Kyle na marahil ay napansin ang biglang kaba ko.
Naniwala naman ako sa sinabi niya at napanatag ang kalooban ko. Maya-maya ay biglang pumasok si Kyle sa gate ng aming bahay na dalawang kanto pa ang layo mula sa bahay nila Aki. Wala na akong nagawa ng ihinto niya ang kanyang sasakyan sa aming garahe at bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay binigyan ko lamang si Kyle ng isang matulis na tingin at sabay naming tinungo ang pinto.
Parang mas at home na at home pa si Kyle kesa sa akin sa sarili kong bahay dahil hindi na ito nag-abala pang kumatok sa pinto at walang seremonyas itong binuksan. Kapag pasok ko ay nakarinig ako ng malakas na hiyawan mula sa loob.
"Welcome home!!!!!", malakas na sigaw ng mga tao sa loob ng aming bahay. Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa pagkagulat sa dami ng bisita sa bahay.
Unang rumehistro sa akin ang mukha ni Andrei na nagtatalon sa sobrang saya dahil sa mga nangyayare. Katabi niya ang kanyang Ate Sandy at ang aking sariling mga kapatid. Nandoon din ang aking ina na kay tagal kong hindi nakita. Halata ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata hindi pa man kami nagkakausap. Sa likod nila ay nakita ko si Aki na nilalapitan na ni Kyle. Nandoon din ang buong barkada. As in ang buong barkada, sila Gelo, Neil, Mico at ang mga lagi naming kasama sa inuman.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng malapad dahil sa labis na galak. Alam kong si Kyle ang pasimuno ng lahat ng ito. Mayroon pa talaga silang ginawang poster na may nakasulat na Welcome Home Renz! . Nagtatakbong lumapit sa akin si Andrei at tinalon ako. Kahit na naging masungit ako sa kanya noon ay mukhang miss na miss pa din ako nito. Kinarga ko ang bata saka lumapit sa aking magulang. Agad naman ako nitong niyakap habang nagpapahid ng luha.
"Kuyang mabait, ang super bait din ng mommy mo saka masayap din magluto.", papuri ni Andrei habang yakap ko ng isang kamay ang aking ina.
"Talaga! The best kaya 'to!", buong pagmamalaki kong sabi saka lalong hinigpitan ang yakap sa aking ina. Naalala ko yung mga panahon na lulong ako sa droga at ginawa kong bastusin ang aking sariling magulang. Inilapit ko sa akin lalo si Mama para yakapin. "I'm very sorry Ma, and please know that i love you so much.", medyo naiiyak ko na ding bulong sa aking ina. Alam kong labis ko siyang nasaktan sa mga ginawa ko at hindi sapat ang salita para pawiin ang mga sakit na iyon. But at least its a start.
"I love you too son. I'm glad you're back.", masaya nitong sabi. Noon lumapit ang mga kaibigan ko para yakapin ako. Lahat ay masaya dahil nagbalik na ako. Pero ako ang pinakamasaya dahil naibalik ko na ang dating ako.
"Renz, this calls for a drink but considering what just happened. We'll just have a tea parttteeeeyyyyyy!!!!", malakas na sabi ni Gelo. Hindi ko alam kung nagbibiro siya pero mukhang tanga siya habang nagtatatalon. Kasunod ng kanyang pagsigaw ang malakas na pagbatok ng kambal tuko nitong si Neil na nagpatawa sa lahat.
Pagkatapos ng mga yakapan at kamustahan ay masayang kumain ang lahat sa may poolside. Nasa iisang lamesa kami nila Kyle, Aki, Gelo, Neil, Mico, at ang mga bata.
"Tatay na tatay na tayo mga tsong ah.!", kantyaw ni Gelo kela Kyle at Aki na pinapakain ang mga bata. Sinusubuan ni Aki si Sandy habang si Andrei naman ay pinapakain ni Kyle. Hindi maawat nang magkasintahan ang mga bata sa paliligo sa pool kaya tayo-upo ang mga ito sa pagpapakain sa mga makukulit na bata.
"Gelo, gusto mong isalaksak ko sa bibig mo 'tong plato ng pagkain ni Andrei.", masungit na sagot ni Kyle na pinagpapawisan na sa kahahabol kay Andrei. Nagtawanan naman kami sa pambabara ni Kyle.
"Okay lang, masarap naman ang luto ni Tita eh.", sagot ni Gelo na maganang kumakain. Kahit ako ay napapadami ang kain dahil lahat ng paborito ko ang inihanda ng aking ina.
"Ako na ang magpapakain kay Andrei, ikaw na kay Sandy.", suhestyon ni Aki habang walang arteng pinupunasan ang pawis sa noo ni Kyle.
"Aba, nagsa-sub pa talaga kayong dalawa ha?", punang muli ni Gelo. Natawa na naman kami dahil karir naman talaga ang dalawa sa pagiging magulang ng mga bata.
"Naiinggit ka lang Gelo palibhasa puro am lang ang pinakain sayo nung bata ka kaya sabaw-sabaw ang utak mo eh.", hirit muli ni Kyle.
"Gwapo naman tsaka seksi.", wika ni Gelo saka pinakita ang maumbok na masel sa braso.
"Kumain ka na nga dyan ang ingay mo.", wika ni Neil.
"Saan ka pala matutulog mamaya?", baling sa akin ni Kyle.
"Bakit? Dito?", naguguluhan kong sabi.
"Okay. Nasa bahay pa kasi yung mga gamit mo. Pwede ka naman dun mag-stay kung ayaw mo pa umuwe.", suhestyon ni Kyle.
"Salamat pero dito na lang muna ako sa bahay. Matagal din ako nawala eh, namiss ko yung luto ni Mama.", sagot ko. Tumango lamang si Kyle saka muling tumayo para subuan ng pagkain si Andrei.
"Ako! Kyle! Dun muna ako sa inyo!", pahabol na sabi ni Gelo.
"Hindi ko kailangan ng maninisid ng poso negro!", sigaw ni Kyle habang lumalapit kay Andrei. Nagtawanan na lamang muli kaming magkakaibigan.
Masaya kaming nagkwentuhan pagkatapos kumain. Kahit anong pigil ang gawin naming lahat ay hindi rin namin naiwasan ang mag-inuman. Kampante naman ako na hindi na ko babalik sa dati kong pag-inom gabi-gabi dahil wala na akong dahilan para gawin pa iyon. Sa katagalan kong hindi umiinom ay mabilis akong nalasing at umani ako ng pang-aasar mula kay Gelo.
Bandang alas-otso ay nagpaalam na sila Kyle at Aki para umuwe. Inabot kami ng hanggang alas diyes sa inuman bago nagpaalam ang lahat. Masaya ko namang tinungo angaking kwarto at nahiga sa aking kama. Hindi ko na nagawang maligo dahil sa kalasingan. Gayunpaman ay natulog ako ng may malapad na ngiti sa aking labi.
****Kyle****
10:30 pm, Friday
March 15
"Uuuyyy! Happy siya.", natatawang bati sa akin ni Aki habang humihiga sa aking tabi ng kama. Mula ng umalis si Renz sa bahay at pumasok ng rehab ay halos dito na tumira sa unit ko si Aki. Wala kasi akong ibang katuwang sa pag-aalaga sa mga bata kaya nagpumilit siya na dito na tumira. Solo namin ang aking kwarto dahil nasanay nang matulog ang dalawang bata sa dating kwarto nila Renz at Lui. Kung minsan ay nagsisiksikan pa din kaming apat sa aking kama lalo na kapag umiral ang kakulitan ni Andrei.
"Haha sira. Pulang-pula ka sa kakainom mo kanina.", puna ko kay Aki. Sa totoo lang ay tama naman siya sa kanyang sinabi. Labis ang saya na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Masaya ako para sa bespren ko dahil kitang-kita ang pinagbago niya.
"Ngayon lang naman uli ako uminom nang ganun eh. Bakit ikaw di ka masyado uminom?", nakangiting tanong sa akin ni Aki habang nakatitig sa aking mukha. Ang sarap ng ganitong pakiramdam, yung wala kang inaalalang problema. At ang kasama mo sa bawat pagtulog at paggising ay ang taong mahal mo.
"Eh inassume ko na ang pagiging driver dahil nagulat ako nung ginawa mong tubig yung alak kanina.", paliwanag ko. At tama nga ang aking hinala. Nung umalis kami kanina ay pagewang-gewang na sa paglakad si Aki habang si Andrei ay tuwang-tuwa habang nagpapahabol dito.
"Haha sorry, namiss ko lang ang inuman ng barkada.", bulong nito sa akin sabay halik sa aking labi.
"I know.", tugon ko saka siya binigyan ng isang maalab na halik sa aking labi.
"I love you Kyle.", sinserong sabi ni Aki. Dati akala ko kapag matagal na kayong mag-partner ng isang tao ay unti-unti nang nawawalan ng ibig sabihin ang mga salitang 'i love you' lalo na kapag araw-araw niyo itong sinasambit sa isa't-isa. Pero iba kay Aki. He would always have those moments when he will just stare me in the eyes and say thos three beautiful words and i would start to fall in love with him all over again.
"I love you too Aki.", ngumiti siya sa aking sagot saka ako binalot sa kanyang mga bisig at binigyan ng maalab na halik. Naaalala ko nung mga panahon na pakawala pa ako at puro sex lang ang alam, wala ako nakukuhang sensation sa halikan kahit na pinangigilan na ng kapareha ko yung mga labi ko. Maybe it's one of love's magic that makes kissing a very eternal feeling. Yung tipong ayos lang sayo na maghalikan lang kayo magdamag ng taong mahal mo. Halik pa lang solve ka na.
"Shit! I love you Aki.", bulong ko habang humahabol sa paghinga. Napahagikgik naman si Aki sa aking sinabi saka muling nagtagpo ang aming mga labi. Bawat lugar na dapuan ng kanyang malalaking kamay ay nagpapaliyab sa akin. Ramdam ko ang pagnanais niya sa akin sa pagitan ng kanyang mga hita.
Riiiiiinnnngggg.... Rrrrriiiinnnnngggg...
Dinig ko ang pagtunong ng cellphone ni Aki na nasa bedside table pero hindi namin iyon pinansin at nagpatuloy lamang sa aming ginagawa.
Riiiiiinnnnggggg.... Rrrrriiiiiinnnngggg.....
"Aki sagutin mo muna yung phone.", pilit kong pagsasalita dahil ayaw pakawalan ng aking nobyo ang aking labi. "Baka magising pa yung mga bata tsaka baka importante yung tawag.", dagdag ko pa.
"Wag kang aalis dyan. Wag kang matutulog.", pagbabanta sa akin ni Aki na humihingal habang kinukuha ang kanyang phone.
"Hello Ma?", takang wika ni Aki sa kausap.
"Really? Okay i understand."
"No, it's okay. Pumunta na lang kayo don. Kami na bahala ni Kyle."
"Yes. Dadaan ako dyan sa bahay para ihatid kayo sa airport.",
"Ok, i love you. Good night! Bye!", saka muling inilapag ni Aki ang kanyang cellphone.
"Why? What happened?", tanong ko sa aking kasintahan ng pumaling ito sa akin.
"Hindi na mababantayan nila Mama yung mga bata next week. May namatay kasi kaming kamag-anak sa Cebu, eh pupunta sila dun. Gusto nila isama yung mga bata eh sabi ko wag na.", kwento niya.
"Hindi ka ba sasama? Pwede naman nating i-resched na lang yung alis natin.", mungkahi ko. Birthday ko kasi next week at napagkasunduan namin na mag-out of town dahil hindi namin iyon nagawa nung first anniversary namin.
"No, okay lang naman daw na hindi na ako pumunta sabi nila Mama. Kaso ang iniisip ko kung saan natin iiwan yung mga bata ng isang linggo."
"Shit, oo nga pala. Hindi din pwede sa bahay sa Bulacan. Susubukan ko itext si Lui. Baka pwedeng siya muna ang magbantay sa mga bata kahit dalawang araw lang. After that pwede na pumunta dito sila Mama tapos sila na ang bahala sa mga bata."
"Sana lang pumayag si Lui. Excited na ko bumalik dun sa isla nila Manang Delia.", nakangiting sabi ni Aki. Napangiti na lang din ako ng magbalik sa akin ang mga magagandang alaala na dala ng isla na iyon.
****Lui****
8:00 am, Saturday
March 16
Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Nang abutin ko ang aking phone ay rumehistro ang numero ni Kyle. Napakunot naman ako ng noo dahil sa pagtataka. Anu naman ang sadya sa akin ni Kyle ng ganito kaaga.
"Hello?", pungas-pungas kong sagot sa tawag ng aking kaibigan.
"Kuya Lui!!!!!!! Goooodddd moooorrrrniiiinnggg!!!", nakabibinging bati sa akin ni Andrei.
"Andrei pakiusap muna kay Kuya Lui.", rinig kong sabi ni Kyle sa kanyang alaga. "Hello, Lui?"
"Why in the world are you calling me this early in the morning? And why is it that your kid had to shout everytime he says my name?", reklamo ko kay Kyle dahil pakiramdam ko ay umuugong pa ang aking pandinig dahil sa lakas ng sigaw ni Andrei.
"Hahahaha sorry, namimiss ka lang nung bata.", tumatawa nitong paghingi ng paumanhin.
"Whatever. What is it about?", tanong ko dahil gusto ko nang bumalik sa aking pagtulog.
"Kuya Kyle tanong mo kay Kuya Lui kung kelan ako magriring bearer? Gusto ko na isuot yung batman costume ko.", rinig kong hiling ni Andrei kay Kyle na sa pakiwari ko aynagtatatalon pa habang nagsasalita.
"I have a favor to ask.", halatang nahihiya si Kyle na magsabi.
"Sure. You can ask me anything as long as it has nothing to do with Andrei wearing his batman costume on my wedding."
"That's not negotiable?", seryosong tanong ni Kyle.
"You can't be serious?", paniwala kong sagot.
"Well, ok that's fine i'll just talk him out of it. The other thing is...", nambibitin niyang sabi.
"Anu nga?"
"You know it's my birthday next week right? Aki and I agreed to go out of town to celebrate and the plan was to leave the kids to Aki's parents while we're gone but something happened and hi parents can't look over the kids. I was just wodering if maybe...", nahihiyang pagkekwento ni Kyle.
"How long will you be gone?", agad kong tanong. Wala naman kasing kaso sa akin na bantayan ang mga bata dahil ilang buwan ko din namang nakasama ang mga ito at nami-miss ko din naman sila.
"About a week but you don't have to babysit them that long. Maybe just for a day or two then my parents can take it from there."
"Alam mo Kyle para kang tanga. Walang kaso kung alagaan ko sila ng isang linggo. Kelan mo sila dadalhin dito?", tanong ko.
"Thank you so much Lui. You're the best. Hahaha.", pang-uuto ni Kyle.
"Whatever. Anu? Kelan nga sila pupunta dito?"
"Pwede bang dito ka nalang sa condo. Kasi may mga classes yung dalawa every Tuesday, Wednesday, at Thursday.", pakiusap ni Kyle. Bagaman hindi pa nagfu-full time schooling yung dalawa ay inenroll sila ni Kyle sa ilang klase para masanay na din ang mga ito pumasok. Si Sandy ay may piano at music classes habang si Andrei ay may art classes.
'Renz.....', parang may demonyong nagbulong sa akin ng pangalang iyon. Shit! Oo nga pala. Bakit nakalimutan ko yung tukmol na yun?! Anak ng tokwa! Makakaatras pa ba ako?! Napabangon naman ako bigla sa aking pagkakahiga dahil sa realisasyon na pinasok ko ang aking sarili sa isa na namang magulong sitwasyon.
"Wala ba dyan si Renz?", pasimple kong tanong kay Kyle para kumpirmahin ang aking kinakatakutan.
"Wala eh. Dun na sya sa kanila mag-stay eh.", kaswal niyang sagot sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. At least magiging madali ang pagbabantay ko sa mga bata.
"Okay. So kelan ako pupunta dyan?"
"Early Monday morning. Maaga kasi kami aalis ng bahay."
"Ok sige, walang problema."
"Salamat talaga Lui. Huwag kang mag-alala kukumbinsihin ko talaga si Andrei na wag na magsuot ng batman na costume sa wedding mo.", nagbibirong sabi ni Kyle.
"Ayaw! Gusto ko mag-batman costume Kuya Kyle! Please! Sabihin mo kay Kuya Lui behave naman ako eh! Please na po.", rinig kong pangungulit ni Andrei kay Kyle.
"Naku, Kyle kausapin mong mabuti yang alaga mo. You have about 8 months to do that.", natatawa ko na ding sabi dahil rinig ko ang pakiusapan nang dalawa sa kabilang linya.
"Right, sige na bye na. May pupuntahan pa kami ng mga bata eh."
"Ok, bye. I'll see you on Monday.", paalam ko na din sa aking bespren saka ko ibinaba ang tawag.
Bumalik ako sa aking pagkakahiga. Anak ng pating! muntik na ako dun ah. Kung nagkataon ay ginawan ko na naman ang sarili ko ng problema.
Bakit ba parang takot na takot ka?!
Para naman akong dinalaw ng kulto ng kahapon. Sa napakahabang panahon ay nanahimik lamang ang boses na iyon sa aking isip. Kaya ngayon ay nagulat ako ng bigla na naman itong magkomento.
Pero, oo nga naman. Bakit nga ba ako takot na takot? Kaya ko namang harapin si Renz kung tutuusin. Anong kinahihiya o kinatatakot ko?
Siguro, sadyang ayaw ko lang na magkrus ang landas namin kailanman. Pero hindi na mahalaga iyon dahil hindi rin naman kami magkikita.
Hindi na ako makabalik sa aking pagtulog kaya pinasya kong tawagan na lamang si Jane para yayain na lumabas. Sasabihin ko na din sa kanya ang pagluwas ko ng Maynila next week.
------------------------------ ------------------------------
Excited kong ibinaba ng aking sasakyan ang mga dala kong pasalubong para sa mga bata. Ilang buwan din kami hindi nagkita kaya pinasya kong bilhan sila ng pasalubong sa muli naming pagkikita. Kasama ko kahapon si Jane na nagsimba at siya na rin ang namili ng mga laruan para sa bata. Enjoy na enjoy naman siya sa pamimili. Gusto nga sana niyang sumama ngunit may lakad din silang pamilya ngayong linggo kaya sakto din ang pagpunta ko dito kela Kyle dahil isang linggo ding mawawala si Jane.
Nang marating ko ang pinto ng unit ni Kyle ay agad akong kumatok. Pinagbuksan naman ako ni Aki.
"Oy pre, salamat sa pagpunta. Tuloy ka.", imbita sa akin ni Aki saka niluwangan ang pagbukas ng pinto.
"Wala yon, wala din naman kasi ako gagawin ngayong linggo. Tsaka namiss ko din naman yung mga bata.", sagot ko saka tumuloy sa pagpasok.
"Ang dami mo namang bitbit na dala, tulungan na kita."
"Salamat, konting pasalubong lang para sa mga bata.", paliwanag ko.
"Naku, nag-abala ka pa. Kyle!!! Andito na si Lui.", sigaw ni Aki.
"Lui, tara dito sa kwarto.", tawag ni Kyle sa akin. Nilapag konlamang ang aking mga dalang gamit sa sofa saka tinungo ang kwarto ni Kyle.
"Kuyang may balbas!!!", nagtatalong sigaw ni Andrei habang pilit na binibihisan ito ni Kyle.
"Kamusta batang makulit? Namiss mo ba ako?", tanong ko habang nakangiti. Malaki na ang ginanda ng pangangatawan ng bata. Hindi na ito patpatin tulad jung unang dalin ito rito ni Kyle, mukhang busog sa pag-aalaga ng magkasintahan ang dalawang bata.
"Oo naman!", masigla nitong sagot. Matapos itong mabihisan ni Kyle ay sinugod na ako nito ng yakap. Noon naman pumasok si Sandy na mukhang katatapos lamang paliguan ni Aki.
"Kuya Lui!!!!", kaway sa akin ng bata habang tinutuyo ito ng twalya ni Aki. Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa dalawa kong kaibigan. Nakakapanibago kasing tingnan na para silang mga responsableng ,agulang ng mga bata.
"Hoy wag kang tumawa-tawa dyan ganito din ang gagawin mo kapag alis namin.", nakangiting sabi ni Kyle.
"Kuya Lui, ikaw magbabantay sa amin? Dito ka na uli matutulog? Kaw na uli ang luluto?", sunod-sunod na tanong ni Andrei.
"Oo, dun muna kayo sa labas ng Ate Sandy mo. May uwi akong pasalubong sa inyo. Kausapin ko lang si Kuya Kyle nyo.",sabi ko kay Andrei habang binababa siya mula sa pagkakakarga.
"Yeheeeeyyyy!!!!", napahawak na lang ako sa aking tenga ng sumigaw si Andrei. Matapos bihisan ni Aki ay sumunod na din si Sandy sa kapatid.
"Sure ka na ba na gusto mo silang bantayan ng isang linggo?", natatawang sabi ni Aki ng mapansin ang pagkakakunot ng noo ko habang hinihimas ang aking tenga.
"Parang gusto ko na nga ata umatras eh. Anu ba ang pinapakain nyo kay Andrei parang mas lalong humyper."
"Wala pa nga yan eh. Kalmado pa sya nyan. Hintayin mong matuwa talaga yan daig mo pa ang nag-gym pag inalagaan yang batang yan.", komento ni Kyle.
"Anung oras ba kayo aalis na dalawa?", tanong ko.
"Ngayon na. Dadaan lang kami kela Aki para kumuha ng ilang gamit tapos aalis na din kami papuntang Zambales. Baka Linggo na ng gabi kami makabalik dito. Okay lang ba?", tanong ni Kyle.
"Oo naman. Walang kaso yun, mag-enjoy lang kayong dalawa at ako na ang bahala sa mga bata.", sagot ko naman.
"Okay. Kung may emergency tawagan mo na lang ako. Tatawag din naman ako gabi-gabi para kumustahin kayo. Dito ka na lang pala matulog sa kwarto ko kasi yung mga bata sanay na na matulog ng sila lang sa kabilang kwarto. Yung drawer din na yun, walang laman dun ka na alang maglagay ng gamit mo. Nakapag-grocery na din ako ng pagkain nyo so wala na dung problema. Parang may buwaya sa tyan yang si Andrei every two hours gutom yan. Kung gusto mo pang umabot sa kasal mo, wag mo papakainin ng chocolate si Andrei. Wag na wag.", natawa pasi Aki sa mahabang litanya ni Kyle.
"Alam mo naman na may klase yung dalawa every Tuesday, Wednesday, at Thursday di ba? Alam mo na din kung saan yung pinapasukan nila di ba?", pangungumpirma ni Kyle na tinanguan ko lang. "Ahmm ano pa ba? Basta kung may tanong ka, tanungin mo lang yung dalawa. Matalino naman pareho yun alam naman nila ginagawa nila sa araw-araw eh. Tsaka eto pala ang pera para kung may iba pa kayong kailanganin, pang gas na din kapag hinahatid ko yung mga bata."
"Wag na. Okay na, ako na ang bahala.", pagtanggi ko.
"Sige na Lui kunin mo na. Nakakahiya na nga na naabala ka namin eh tapos mapapagastos ka pa.", udyok ni Aki.
"Hindi naman ako naabala. Gusto ko din naman tong ginagawa ko. Sige na umalis na kayo, malayo pa pala ang pupuntahan nyong dalawa.", pagtataboy ko sa magkasintahan. Hindi naman na sila nangulit pa at tinulungan ko na sila sa mga bitbitin nila.
"Huwag nyo na kaming ihatid sa baba.", sabi ni Kyle.
"Bye-bye Daddy Kyle, bye-bye Daddy Aki. Tatawag kayo palagi ha?", malungkot na sabi ng malambing na si Sandy habang yumayakap sa dalawa.
"Sure, baby. U hvae our number on your phone. Call us in case of emergency okay? Andyan naman si Kuya Lui nyo para bantayan kayo and we'll be back Sunday.", pag-aalo ni Aki habang niyayakap ang bata. Noon ko lang napansin ang pananahimik ni Andrei. Nang lingunin ko ito ay nakaupo lang ito sa sofa habang nakayuko at pinaglalaruan ang uwi kong pasalubong sa kanila. Napatingin ako kay Kyle at kita ko din na bagaman excited ito sa lakad nila ay may lungkot sa mata nito dahil sa maiiwang mga bata.
Lumapit si Kyle sa nakaupong si Andrei. Saka sinuklay ng kamay ang buhok ng bata. Nakita ko naman na nagpahid ng luha ang bata gamit ang kanyang braso. Pati tuloy ako ay biglang nalungkot dahil sa pinapanood ko. Kita ko kasi ang attachment nilang apat sa isa't-isa. Si Sandy ang laging binabantayan ni Aki kaya labis na malambing ang bata kay Aki. Habang si Kyle naman ang laging kinukulit ni Andrei at alam kong kahit na nahihirapan si Kyle na alagaan ito ay labis niya itong mahal.
"Huyyy. Hindi ka ba magbaba-bye sa akin?", tawag ni Kyle sa bata habang nakaluhod sa harap nito. Umiling lamang ang bata pero hindi nagsalita.
"Andito naman si Kuyang may balbas eh, magaling yan maglaro ng xbox. Pwede kayo mag-laro everyday.", pang-uuto ni Kyle pero hindi natitinag si Andrei.
"Andrei...", malambing na tawag ni Kyle sa bata.
"Waaaaahhhhhhh!!!!!!! Ayaw ko!!!!! Ang sama na lang ako sa'yo Daddy Kyle!", biglang atungal na sabi ni Andrei saka tinalon ang nakaluhod na si Kyle. Napaupo naman ang aking kaibigan habang mahigpit na nakayakap sa leeg nito si Andrei. "Ang sasama na ako pleaaasssseeeee!!!! Magbe-behave na lang po akoooo... Hindi ako kakain masyado... hindi din ako magpapabili ng toysss... Quiet lang ako...", umiiyak na pakiusap ni Andrei. Natawa naman si Kyle habang tumatayo dahil sa mga pinagsasasabi ni Andrei. Lumapit ako kay Kyle para kunin sana ang bata ng makaalis na sila pero umiling si Kyle sa akin. Hinayaan lang nitong umiyak si Andrei sa kanya habang buhat-buhat niya ito.
"Patatahanin ko na lang muna 'to bago kami umalis.", nakangiting sabi ni Kyle kahit na kita kong medyo nangingilid din ang kanyang luha. "It's the first time they called us daddy. God i feel so old.", natatawang dagdag ni Kyle habang tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. Lumapit naman sa kanya si Aki na buhat-buhat si Sandy. Niyakap naman ni Aki ang kasintahan at si Andrei gamit ang isang kamay.
Nang mga sandaling iyon ay kita ko kung gaano kasaya ang dalawa sa kanilang buhay. Alam ko din naman kasing parang nakatatandang kapatid lang ang turing ng mga bata sa kanila kaya maging ako ay nagulat nang tawagin silang daddy nung dalawa kanina. Marahil ay mahal na mahal na talaga sila ng mga bata na natutunan na ng mga puso nila na ituring sila Kyle at Aki bilang magulang. Hindi ako normally iyakin sa mga ganitong eksena pero hindi ko maiwasang pahirin ang nangingilid na luha sa sulok ng aking mga mata dahil napanood ko kung paano nagsimula ang kanilang munting pamilya at alam ko ang kwento ng bawat isa sa kanila.
Nasa kalagitnaan pa din ng pagyayakapan ang apat ng biglang bumukas ang pinto. Mula sa lungkot na may halong saya ay napalitan ang nararamdaman ko ng ibayong kaba. Kaba at may isa pa. Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa emosyon na iyon dahil tanging ang puso ko na lamang ang nakakaalala ng ganoong pakiramdam.
"Anong meron?", parang tangang sabi ni Renz.
...to be cont'd...
Waaahhhhh!!! Super tagal kong inantay to! Grabe intense sana maging si Lui at Renz hahaha. Ang ganda talaga ng story na to! Di ako nagsisising hinanap ko pa yung pinaka unang story nito. Haha
ReplyDelete-44
welcome back mr author.. saya naman bumalik ka.. :)
ReplyDeletebitin.. :)
ReplyDeleteOmg next chapter na mr author... ganda
ReplyDeleteWow nakaka excite na to.......next pls kuya kevs......
ReplyDeleteDito malalaman ang jahulugan ng move on lui
Jharz05
Magaling si Mr Author. Maganda ang update. Sulit sa paghintay. Salamat. Ingat.
ReplyDeleteThanks for the update mr. author. Im glad that you‘re back. Im so excited for the next chapter!
ReplyDeleteSulit ang paghihintay... Laging malaman ang bawat kabanata... Nakakaexcite naman ung last part... Kung pwede ko lang hilain ang oras mabasa ko lang agad-agad ang next chapter, hahaha.. Salamat po sa update Mr. Crayon...
ReplyDeleteFinally! I've been waiting for this update for so long! Thank you author! :)
ReplyDeletePS. Request ko lang na sana magkatuluyan sina Renz at Lui. ;) Bagay na bagay sila. Lol.
Whoaahh my update na sa wakas.. Mr. Crayon ang galing nyong writer. Two thumbs up ako sayo! :-)
ReplyDelete.. Realization, Friendship,Forgiveness.. Yan ang ilan sa bgay na sumasalamin sa chapter na to.. As I read this ..madami kong bgay na natutunan..
.., bawat salita ay tumatatak sa akin mr. Crayon.. You're such a brilliant writer.
. I'm newbie in reading your story and first time to comment .. :-) I can't wait for the next chapter.. :D
..
I honestly had to skim through the text because I was dead excited to see if Lui and Renz will have an encounter, but boohoo, they didn't. Anyway, this chapter is more about their realization and I think is the best prep before they'd finally meet up. I know that deep in Lui's heart resides that love and longing for Renz. As for Renz, I know it also exists, it just needs some tapping and stirring. I'm super excited on how the story will gravitate towards their unconventional love story. :D Marvs
ReplyDeletewow! ganda ng chapter na 'to worth the wait. - rizalito
ReplyDeleteyehey may STARFISH NA!!! palagi ko itong inaabangan dito... Ito na nga lng binabasa ko dito^^ sana may next chapter na agad
ReplyDeleteOMGGGGGGG UPDATE AGAD J K HAHAHA LUVIT
ReplyDeletewelcome back.. namiss k to..
ReplyDeleteggggrrreeee ang gling bumitin ng author..,ang tgal ng update pero sulit nman s hba...,pero this time sna update agadbitin nbitin eh....,
ReplyDeleteYaaaay! Antagal ko po itong inabangan! Excited na po ako sa next chapters! ~Ken
ReplyDeletewow! bumawi ng husto c author ah! he he he. so nice ang daloy ng story. madaming realization at pagbabago, so anu kaya next na mangyayare at magkakaharap na ule c Lui at Renz? he he he, another exciting part. kaabang abang ang susunod na chapter.
ReplyDeleteJusko. Nabasa ko tong starfish siguro last 2 months tapos nabasa ko naman ang love sex insecurities siguro 2 weeks ago tapos naalala ko habang binabasa ko yung lsi yung pangalan ni aki dahil sa achiles tapos naalala ko si lui at renz na mga character di ko lamg maalala kung sang story ko nabasa tapos nakita ko yung update ng starfish binuksan ko nakita ko pangalan nila lui naalala ko bigla yung lsi kaya inulit ko sa umpisa yung lsi 2 tapos inumpisahan ko yung syarfish kaya pala di ko maintindihan masyado ang starfish kasi umpisa pala ang lsi kaya ayon naiintindihan ko na. Haha. Ang daldal ko. Hahaha.
ReplyDeleteAyun ang ganda ng story mr author. Sana bilisan mo yung update kaso nakalimutan ko na yung starfish natauhan lang ako ulit kasi nabasa ko sa lsi. Hahaha.
Feeling ko magiging brokeback keme to diba ganun kwento non may asawa na yug isa yung isa naman naghihibtay. Haha.
Ang cute ni andrei. Haha. Sana kwento nalang lagi ni aki at kyle. Hahaha
That cliffhanger tho. -dilos
ReplyDeleteWoah, I'm so impressed author.. ang haba ng chapter na to.. I think this is the first time na hindi ako bitin sa story.. usually kc kpag may to be continued eh bitin ako, prang "ok ayun na un? tapos? ano sunod?" un ung mga nasasabi ko.. but this time ndi.. Wow.. and sa chapter ngumungilid na luha ko ha.. gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko.. hahaha.. :D sana maaga na lagi ung update at di na abutin ng isang buwan... I have to re-read the other chapter to keep up with this one.. :)
ReplyDelete-- kinsler --
Wow ang galing mo talaga Mr author, ang tagal ko ring inaabangan to. napakaganda ng story at di lang yun, it made me realized too about my life, yung mga pinagdaanan ko at yung mga blessing na dumating sa akin na di ko gaanong naaapreciate. God Bless you always at sana may kasunod na update kaagad.
ReplyDeleteBen
aus
Ang galing!! Ang galing galing!!! Ang galing galing galing galing!!! Wala akong ibang masabi kundi ang galing!!!! Hahahaha.
ReplyDelete-hardname-
It really is been a while kuya, nakooo andami ako nang namiss and i baback read ko pa chapters mo. Sorry kung ngayon lang ako nakavisit and nakabasa kasi busy sa duty and thesis.
ReplyDeleteTHE BEST KA PARI KUYA CRAYON!! Wohooo and alam mo naman I WILL ALWAYS BE ONE OF YOUR BEST SUPPORTERS, dont know how the story would follow through pero pano nalang si jane pag okey na si renz and lui. :)))
Then again, god bless lagi and ingat. Will post here and there sa mga past chapters moo :)) i missed these characters lalo na si kyle and akii!!
-ichigoXD
thank you so much sa update.. sulit lagi ang paghihintay ng kasunod... keep up the good work and God bless you always...
ReplyDelete-arejay kerisawa, doha qatar
Super tagal naman mag-update .. I finished reading LSI na para mas maintindihan ko to, and take note, 2 books pa yun ah! But til now wala pa ding update dito? Yung totoo??!!!
ReplyDelete--Jay
Wen yung kasunod?
ReplyDeleteupdate na pls author
ReplyDeletecrayon.. update na pls. miss ka na lui
ReplyDeleteok ilang buwan nnman ba ang aabutin bago masundan to kuya author? :) grabe.. 1 month mahigit na wla pa ding update.. ahahaah!! well I'm not surprised anymore.. ganto nman po kase lage.. hays
ReplyDeleteanyway mghhintay pa din ako s next update..
--kins
mr.author buhay pba ang STARFISH....?
ReplyDeletetagal nggbgong update...,