Followers

Wednesday, December 24, 2014

Playful Jokes -Chptr17



Athr'sNote-

Hi guys :)) Advance Merry Christmas!!

Anyway,

Ang hirap palang 'humugot.. lalo na kapag wala kang pinagdadaanan xD

Siguro sa chapter na ito, medyo palpak ang pag'hugot ko, medyo magulo eh, haha. Kayo na ang bahala guys! :))


Happy reading..


--


Point Of View

 - K a s h -

2:30 in the morning!



Heto at ang aga ko nagising.

Kagabi ay hindi ko na alam kung anong oras natapos uminom ang mga katiwala sa bahay at kung anong oras rin natapos magsi-inom sila Jacob.

Maaga kasi kami natulog.

Ako, si Seven, si Tenten at si Chan.

Alas-nuwebe palang ng gabi ay niyaya ko na silang matulog, magsisimba kami ngayon, unang simba sa madaling araw.. para sa kapaskuhan.

Heto at magkakatabi kaming apat.

Sa totoo lang, hindi talaga kami maagang nakatulog ni Seven eh, kaya naman.. ay ewan.. haha.

Hanggang sa fahan-dahan na nga akong tumayo.

Agad na akong lumabas ng kwarto para maghanda ng apat na milo, sa may simbahan na lang kami kakain, mamaya.

Napangiti na lang ako nang makita sila Jacob sa may sofa, silang lima.. kanya-kanyang pwesto.

Ako lang ang gising, halatang pagod ang lahat.

Nang makita ko ang kusina ay agad kong pinigilan ang emosyong aking nararamdaman.

Si inay, dito siya palagi.. nagluluto ng pagkain, naghahanda para sa hapag at naglilinis.

Kailangan ko talagang magpakatatag. Ayaw kong makita ng kapatid ko na lagi akong umiiyak dahil sa naaalala ko si inay, ayokong masanay siya sa ganoong bagay.

Pagkatimpla ko ng apat na milo ay agad ko na itong ipinasok sa kwarto.

Pagkalapag ko sa may maliit na lamesa ay malaya kong napagmasdan ang tatlo.

Parang magkakapatid lang kaming apat.

Agad kong nilapitan si Seven na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang pagtulog.

Napangiti ako sa aking naisip, may magandang paraan para gisingin siya.

Halik sa kaliwang pisngi, sa kanang pisngi, sa noo, sa ilong, sa baba.

Nang bigo akong magising siya ay muli ko siyang pinaghahalikan.

Sa kaliwa, sa kanan, noo, ilong, baba.. nguni't wala parin.

Muli ko siyang pinaghahalik-halikan.

Sa magkabilang pisngi, noo, ilong..

Pababa na sana ako sa baba niya nang wala sa sarili akong napatigil.

Isang napaka-mapusok na pag-angkin sa labi ko ang ginawa ni Seven, gising na pala siya.

Sa sobrang pusok ay nakuha ko pang mapakapit sa higaan..

Hanggang sa..

 "Baka kung saan pa tayo mapunta, tumayo kana nga diyan."

Ang pabiro kong sabi, siya naman ay pangiti-ngiti lang.

 "Ikaw na talaga, Kash."

Rinig kong sabi niya nang dumeretso ako sa may lamesa.

 "Pero mas 'ikaw na talaga.. Seven." ngiti ko, agad naman niya akong nilapitan.

 "I love you.. I love you.. I love you.. I love you.. I love you.."

Bigkas niya sa bawat halik niya sa akin, ginaya niya yung ginagawa ko kanina.. kaliwang pisngi, kanang pisngi, noo, ilong at baba.

 "And lastly.. Mahal na mahal kita, Kash.."

Rinig kong sabi pa niya at sa nakita ko na lang na naghahalikan na nga kami.

Medyo mabagal.. yung bang ninanamnam namin ang bawat isa, pero kahit mabagal ay naroon parin yung salitang "mapusok" sa pagitan namin.



.....




4:00 in the morning.
@Simbahan


Si Tenten, si Chan, si Seven at ako.

Yan ang pagkakasunod namin, habang nakaupo.

Makikita mo palang ang simbahan mula sa labas, mararamdaman mo na kaagad yung presensya ng kapaskuhan.

Heto kami ngayon, nakaupo at nakikinig sa misa.

Ilang sandali na lang ay malalayo na sa akin si Seven.

Sabi ng daddy niya, alas-nuwebe ng umaga ang flight nila.

Si Chan maiiwan sa amin, bale dalawang bata niyan ang aalagaan ko.

Hindi ko alam kung bakit aalis si Seven, pero alam ko.. babalik siya.

....


 "Peace be with you.."

Bati namin sa isa't-isa ni Seven nang nakangiti, pasimple naman niya akong hinalikan sa noo.. nakigaya narin ako.

Yung dalawang bata, ayun at pinaghahalik-halik narin namin.

Nang magsitahimikan na ang loob ng simbahan ay marahan na akong pumikit at yumuko.

 "Panginoon ko..

 Hindi ko ho alam kung mahihirapan ba ako o ano..

 Ang dami na hong nangyari, hindi ko na ho alam kung ano bang aral ang nais niyong iparating..

 Nawala na ho si inay,

 Tapos ay aalis pa si Seven..

 Paano na ho ako niyan?"

Pakikipag-usap ko sa nasa itaas.

Totoo'y nahihirapan na talaga ako.. sadyang nagpapakatatag lang ako dahil kailangan.

Siguro naman ay maayos rin lahat ng 'to, magiging masaya rin kami ni Seven.. kalaunan.

 "Sana po bigyan ako ni Kash ng regalo.. yung hindi ko po makakalimutan, yung espesyal po tapos yung.."

Mula sa pagkakapikit ko ay napatingin ako kaagad kay Seven.

Nakapikit siya, nakangiti habang nagsasalita.

Pasimple ko naman siyang siniko.

 "Kailangan mo ba talagang iparinig sa akin?" natatawang sabi ko.

Tinignan naman niya ako.

 "Gusto ko yung bear, ganito yung size oh.." sabi niya kagad habang iminumuwestra pa niya kung gaano kalaking bear ang gusto niya.

Napa-iling na lang ako. Mabuti at nasa hulihan kami, wala masyadong nakakakita sa amin.

 "Oo na." pagsuko ko. "Tatlong dangkal?" pahabol ko pa.

Agad ko namang ipinuwesto yung kamay ko sa may dibdib niya.. tsaka nagdangkal pababa..

At nang medyo malapit na ang aking kamay sa may..

 "Kash hwag dito please..." kunwari'y tonong nagmamakaawa niya.

At sa pareho kaming natawa sa pinaggagawa namin.

 "Salamat pala kagabi ah?" pagbulong niya.

Wala sa sarili naman akong napalunok.

First time naming dalawa kagabi. Hindi ko alam kung tama ba yung pinaggagawa namin, pareho kasi kaming walang alam.

 "Bitin nga eh." pagsakay ko sa sinabi niya, lalo naman kaming natawa.

Sa maniwala kayo o hindi, puro halikan lang ang naganap kagabi, haha.

Wala kaming kaide-ideya kung paano eh, kaya ayun.. puro kiss.. whehehe.

 "Pagbalik ko, siguro magagawa na natin?" pagbulong ulit niya.

 "Oo.." pagbulong ko rin, yung sa pamamagitan ng hangin.

At nakuha pa naming magkulitan dahil sa kalokohan namin. (--,)

..


 "The father.. The son.."

Literal naman kaming napatayo nang mapansing patapos na pala ang misa.

 "Ayan kasi, ang kulit mo.." pagsiko-siko ko pa kay Seven.

 "God bless.." sabi niya at agad na paghalik niya sa noo ko.

Napangiti naman ako..

 "God bless din, Mahal ko.." balik ko at mabilisang paghalik rin sa noo niya.



-----



Point Of View

 - Third Person's -



 "Nasaan po si Seven?"

Ang naitanong ni Kash pagkalabas niya ng bahay.

Hindi alam ni Kash na siyang paglabas niya ng kwarto ay siyang patagong pagpasok naman ni Seven.

May inihandang liham si Seven para sakanya. Patago niya itong inilagay sa may likod ng picture frame sa may tabi ng higaan ni Kash, na kung saan silang dalawa ang nasa larawan sa may picture frame na iyon.

 "Pumasok eh, hindi mo ba nakita? Pinuntahan ka kaya.." ang sabi naman ni Jacob.

Muling naglakad papasok si Kash, nasa may sala na siya nang makita niyang lumabas mula sa kwarto niya si Seven.

 "Hi Kash."

Ang agad na bungad sakanya ni Seven habang nakangiti ito.

 "Hinahanap mo ata ako?" tonong pagmamalaki ni Kash habang pataas-baba taas baba pa ang mga kilay niya.

 "Ang tagal mo kasi sa loob eh, kaya sinundan na kita." balik ng isa. "Eh kaso nasa labas kana pala." palusot pa nito.

 "Payakap nga.. aalis kana lahat-lahat, ang kulit kulit mo parin." pabirong sabi ni Kash at mabilisan na nga niyang niyakap si Seven.

Isang napakahigpit na yakap ang namagitan sa dalawa.

Hindi alam ni Kash pero ninenerbyos talaga siya, kanina pa siya nag-aalala para kay Seven na siya talagang bumabagabag sakanya.

Kanina napakatahimik lang ni Seven, hindi niya alam kung bakit. Parang nanghihina rin ito, bagay na talagang nagbibigay dahilan sakanya para mag-alala.

 "Mag-iingat ka ah? Pwede ka naman sigurong magtext palagi diba?" bilin ni Kash. "Alagaan mo yang sarili mo.. para mapanatag ako ha?" dagdag pa niya.

 "Syempre naman, para sa'yo." paninigurado ni Seven. " Ikaw rin, mag-iingat ka palagi ah? Gusto ko pagbalik ko, ako parin. Kash, ako lang ha?" paghawak pa ni Seven sa magkabilang pisngi ni Kash pagkakawala niya.

 "Oo nga, ulit-ulit?" pagngiti ni Kash. "Pakiss na nga lang." sabi pa nito at mabilisan na nga niyang hinalikan si Seven.

 "Mamimiss ko yan, tsk.. hindi ko ba pwedeng baunin yang labi mo sa pag-alis ko?" pagnguso pa ni Seven.

Nakangiting napa-iling naman si Kash, pabiro niya ring binatukan si Seven.

 "Tara na nga, baka kung saan pa tayo mapunta." sabi pa niya.

At magkahawak kamay nga silang lumabas ng bahay.

Ang buong tao sa loob ng bahay at ang mga kaibigan ni Kash ang nasa labas, gusto kasi nila na makitang umalis si Seven.. para narin hindi maramdaman ni Kash na sa pag-alis ni Seven ay mag-iisa na lang siya.

...

Nakita na lang ni Kash ang sarili na kumakaway at nakatanaw sa papalayong kotse na sinasakyan ng taong mahal niya.

Kanina lang, siyang pagpasok ni Seven sa kotse ay siya nang tuluyang pagpatak na ng mga luha ni Kash, kanina niya pa ito pinipigilan. Mabuti at hindi ito napansin ni Seven.

Katulad nga ng sinabi niya ay ayaw niyang ipakita kay Seven na nahihirapan siya sa pag-alis nito, na umiiyak siya. Kaya naman simula kaninang umaga, ay ngayon niya lang nailabas ang kanina niya pang pinipigilang pag-iyak.

.....



Siyang pagpasok ni Seven sa kotse ay siyang mabilis na pagbagsak ng kanyang mga luha.

Kaya naman minabuti na niyang hindi na lingunin pa si Kash, ayaw niyang makita siya nitong umaalis na umiiyak.

Dapat talaga'y hindi pa siya aalis, pero siya sa sarili niya.. alam na niya talagang may mali na sakanya, na parang nahihilo siya ng 'di inaasahan, na parang nanghihina na siya.

Nang ma-ospital siya kamakailan ay mas lalo siyang nabahala, maging ang kanyang itay kaya naman pinakiusapan na siya nito na magpagamot na.

Hindi niya alam kung anong sunod na mangyayari, kung may magbabago ba kapag nadala na siya sa ospital.

Kay Kash, para kay Kash.. para kay Kash kaya siya magbabakasakali.

.....


Ilang araw na ang nakalilipas matapos umalis si Seven.

Totoo'y napakatahimik ng bahay, bawat isa kasi'y tila nalungkot sa pag-alis ni Seven at ng daddy nito.

Si Kash naman, laging tahimik.. walang gana, minsan ay tulala, minsan rin ay tahimik na umiiyak.

Simula nang umalis si Seven, naging tahimik at matamlay na siya. Hindi niya alam kung bakit.

Tila may nagbibigay sakanya ng rason na maging malungkot.

Hindi rin niya alam kung bakit napapadalas ang nararamdaman niyang takot, nerbyos. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalala.

Isama pa na hindi nagtetext o tumatawag man lang sakanya si Seven, bagay na talagang ikinakabahala niya.

Si Seven lang naman ang iniisip niya, si Seven na lagi niyang hinahanap.


.....



Huling araw na ng simbang gabi.

Halos dalawang oras na lang ay magpapasko na. Kung ang iba'y hinihintay ito at sabik na sabik na, kabaligtaran naman nito ng nararamdaman ni Kash.

Wala ang inay niya, wala si Seven.. para saan pa?

Pero kailangan niya paring magpakatatag, para sa mga kasama niya sa bahay, sa mga kaibigan niya.. sakanyang itay at para narin sakanyang kapatid, kay Tenten.

Ngayon ay magkakasama silang lahat, alas-diyes trenta ng gabi, ngayon ay nasa simbahan sila para sa huling simbang gabi.

Deretso lang ang tingin ni Kash sa lumikha, nakikipag-usap, nagtatanong, nagkekwento, humihiling.

Isa lang naman ang paki-usap niya eh, na sana.. ligtas ang kanyang mahal kung nasaan man ito. Na sana.. wala lang ang nararamdaman niyang kaba at takot, para rito.

Dala-dala rin niya yung Teddy Bear na binili niya para kay Seven, hindi niya alam kung kailan niya ito maibibigay, pero maghihintay siya.. dahil yun ang pangako niya.

Nang halos patapos na ang misa ay dun niya naalala yung unang engkwentro nila ni Seven.

Kahit hindi ito nakakakita ay tila masaya parin ito, kung saan kinabilib niya rito ang katatagan nito. Na kung saan, kahit wala itong kakayahan na makita ang bawat bagay.., ay positibo parin ito sa lahat ng bagay.

Dahil sa bagay na iyon, na-realize ni Kash na masyado na siyang nagiging makasarili ngayon.

Dahil sa napakatamlay na niya, hindi na siya katulad ng dati, hindi na siya palatawa, higit sa lahat ay napapabayaan na niya ang kanyang mga kaibigan lalong-lalo na ang kanyang itay at kapatid.

 "Mali ito." ang naisa-isip niya.

Hanggang sa napansin na lang niya na tapos na pala ang misa.

Mula sa pagkakatingin niya sa altar ay agad niyang nilingon ang kanyang itay at kapatid.

Walang anu-ano'y agad niyang niyakap ang kanyang itay.. sunod ang kanyang kapatid na si Tenten., niyakap narin niya ng napakahigpit si Chan.

 "Simula po ngayon, gusto ko na maging maayos na ang lahat."

Ang sabi niya sakanyang itay nang magbigay ito ng naninibago at nagtatanong na tingin.

 "Hindi po matutuwa si inay kung magiging ganito na lang ako. Hindi rin po matutuwa si Seven kung sa habang hinihintay ko siya ay ganito ako." ang nakangiti na niyang sabi.

 "Mabuti at naisip mo narin yan sa wakas anak, kaya kita hinahayaan ay gusto ko na ikaw mismo.. maisip at masabi mo ang mga bagay na yan. At, hindi nga ako nabigo."

Tonong 'proud na sabi ng kanyang itay.

 "Tama yun, dapat masaya ang kainan mamaya.. tayo-tayo na nga lang ay magdadramahan pa tayo, baka magalit si mam niyan." sabi naman ni yaya Cindy

At sa nakangiting nagsi-uwian ang magkakasama, binati narin ni Kash sa text ang mga kaibigan niya.. pati narin si Seven.


.....


 "Last one minute!.."

Ang napakalakas na pagsigaw ng kanilang guard.

Sasalubungan nila ang pagpatak ng araw ng kapaskuhan sa pamamagitan ng iilang maiilaw na paputok, katulad ng fountain.

Agad nang pumikit si Kash, nais niya sulitin ang isang minuto.

 "Seven, si Seven.. si Seven.. si Seven.. si Seven.. si Seven.. si Seven..."

Paulit-ulit na pagbulong niya na tila siya'y nagwi-wish.

Hanggang sa literal naman siyang napamulat sa narinig.

 "Si Tenten.. si Tenten po.. si Tenten.." ang bulong rin ni Chan.

 "Si Chan.. si Chan po.. si Chan po.." ang paulit-ulit ring pagbulong ni Tenten.

At sa natawa na nga siya, mahilig talagang manggaya ng trip ng may trip itong dalawang batang ito.

 "Merry Christmas sa dalawang baaaaatang makulit, mahal na mahal ko kayo.."

Ang masayang sabi niya., siyang pagsimula ng pagpapaputok ay siyang mabilisang pagyakap niya sa dalawang bata.

At sa napuno na nga ng batian ang magkakasama, puro kainan, tawanan, kulitan na ang nangyari sakanila.

Tama nga ang naisip ni Kash, mas maganda ngang maging positibo sa lahat ng bahay.. katulad ni Seven nang mga panahong hindi pa ito nakakakita






.....




After 14 days



Isang napakatahimik na kwarto ang siya ngayong kinalalagyan ng mag-ama.

Si Seven at ng kanyang daddy.

Mula sa pagtulog ay nagising na si Seven.

Matamlay na tila nanghihina..

 "Daaad.."

Agad na pagtawag niya sakanyang daddy nang makita niya ito.

 "Daddy.."

Muling pagtawag niya rito, natutulog kasi ang kanyang daddy.

 "Daddy.." pag-uulit pa niya.

Nakita naman niya na agad itong napatayo mula sa kinahihigaan nito at mabilisan siyang nilapitan.

 "Anak Seven? K-kamusta na? Kahapon pa kita hinihintay na magising.. pinag-alala mo naman ako.." agad na sabi ng kanyang itay at paghawak ng mahigpit sakanyang kamay.

Ngumiti lang si Seven bilang tugon.

 "Anak, ayos ka lang naman diba? H-hindi naman totoo yung sinabi ng doktor diba?"

Ang umiiyak nang sabi ng kanyang daddy.. may panghihikayat sa tono nito.

Hindi narinig lahat ni Seven ang pinag-usapan ng doktor at ng daddy niya. Pero isa lang ang masisiguro niya, may problema siya sa puso na siyang nagpapahina sakanya ngayon.

 "Hindi ko po alam eh.. Iba na po kasi yung nararamdaman ko... dad.." ang naluluhang sabi na ni Seven.

 "I-iba? A-anong hindi mo alam? Seven diba sabi m.."

 "Dad." pagputol kagad ni Seven. "Pwede po bang dalhin niyo dito si Chan?"

Sa huling sinabi ni Seven ay siya na ngang pagpikit at pagyuko na ng kanyang daddy.. idinala na lang nito sa pag-iyak, tila alam na niya ang nais ipunto ng kanyang anak.


'Katahimikan

Nanatili lang na nakatingin si Seven sa kanyang daddy habang patuloy lang sa pag-iyak, naaawa siya rito.. siya naman ngayon ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang daddy.


 "Daddy, nahihirapan na po talaga ako.. Daddy.." tonong pasuko na ni Seven, tonong humihingi rin ng tulong.

 "Seven.. ano ba yang mga sinasabi mo? Hindi naman sigur.."

 "Dad, please." agad na pagputol niya sa sinasabi nito.

 "Si Kash? Siya, gusto mo ba na dalhin ko rin siya rito?" maya-maya'y tanong ng daddy niya.

Marahan lang umiling si Seven, mas lalo siyang naiyak nang marinig ang pangalan ng taong mahal niya.

 "Bakit?"

 "Na.. Natatakot po ako eh, a-ayoko po na magalit siya.. na malaman niya na may itinago nanaman po ako sakanya.. ayoko rin po na mag-alala siya.."

 "Iba na yung sitwasyon ngayon anak.." agad na pagputol ng kanyang daddy.

Muli, marahang umiling si Seven, dahilan para kusa nang tumango ang kanyang daddy.

 "Hwag niyo pong ipapaalam sakanya dad ah? Paki-usap po.."

 "Oo anak.. oo." ang tanging nasabi ng isa.

 "Sunduin niyo na po si Chan dad.. hindi ko po alam kung anong mangyay.."

 "Kuya?"

Parehong napalingon sa pinanggalingan ng boses ang mag-ama.

 "Chan anak?" gulat na sabi ng daddy nila.

Pinilit rin ni Seven na maupo nguni't sadya nga ata siyang nahihirapan kaya bigo ito.

 "Paano?" sabi pa ng daddy nila.

 "Pasensya kana Rayven, hindi ko matiis. Ibinilin kayo sa akin ni Myrna." ang agad na sagot ng driver nila, halos dalawang dekada na itong naninilbihan sa pamilya nila.

 "Ayokong makitang nahihirapan kayo rito, at ang bunso niyo naman ay walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Pinakiusapan narin ako ni Seven, noong nakaraan niya pa gustong makita ang kapatid niya." dagdag pa nito.

Marahan lang yumuko ang kanilang driver bilang pagpapa-alam at lumabas na nga ito. Alam niyang kailangang mapag-isa ng mag-aama.

 "Kuya.." ang tonong nagtatanong pa ni Chan pagkalapit nito sakanila.

 "Chan..." tuwang sabi ni Seven nang mahawakan niya ang kamay ng kapatid, gusto na niya talagang makita ito, hindi niya kasi alam ang mga pwedeng mangyari.


Tila kusang nagyakapan ang magkapatid, mas lalo pang naiyak si Seven, gayun rin ang kanilang daddy na pinagmamasdan lang ang dalawa.

 "Bakit po kayo nandito? Akala ko po ba kay lolo?" tanong ng bata pagkakawala.

Alam kasi nito'y sa ibang bansa ang punta nito.

Pinagmasdan lang ni Seven ang kapatid, nakangiti kahit na may mga luha ito..

 "Daddy? B-ba't po umiiyak si kuya? K-kuya? a-anong pong nangyari sa inyo? ba't po kayo nakahiga diyan?"

Ang palipat-lipat na tingin ni Chan sa dalawa, dahil sa bata siya'y naguguluhan siya.

 "Sorry Chan ah? Basta mahal na mahal kita.. gusto ko goodboy lagi ang bunso namin ah?." ang pilit na pagnonormal ni Seven sakanyang boses.

Pasimpleng tumayo ang kanilang daddy.

Dahan-dahan itong lumabas ng kwarto at pasandal na naupo, dito na ito tuluyang napahagulgol.

Ang magkapatid naman ay naiwan sa kwarto, si Chan na nakatingin lang sakanyang kuya.. siya narin ang humawak sa kamay ng kanyang kuya, napakarami nitong gustong itanong.



Saglit na namayani ang 'katahimikan sa pagitan ng magkapatid.

Pinilit rin ni Seven na pigilan ang kanyang pag-iyak, na pakalmahin ang sarili bago kausapin ang kapatid.

Tahimik na pinagmamasdan ng bata ang mga bagay na naka-konekta kay Seven.

 "Christian?" mahinang pagpansin niya kay Chan nang maikalma na ang sarili.

 "Po?" balik nito.

 "Kamusta si kuya Kash mo?" pilit na pagngiti ni Seven.

Mahal na mahal niya si Kash, gustong-gusto na niyang balikan ito upang mahagkan at makasama.. nguni't tila masyado nga atang maramot sa kanya ang tadhana't pagkakataon.


 "Ayos lang naman po, lagi niya po kaming inaasikaso ni Tenten, siya po lagi ang kasama namin.. kinukwento niya nga po sa amin yung mga napanaginipan niya eh..." pagngiti ng bata, tila napunta ang sistema nito sa mga bagay na ginagawa ni Kash, kaya naman nakuha nitong ngumiti.

 "Talaga? A-anong kinukwento ng kuya Kash niyo?"

Matutunugan ng kainggitan at kagalakan ang tono ni Seven. Kung sigurong magkasama sila ni Kash ay siya ang kinukwentuhan nito.

 "Kayo po." simpleng sabi ng bata.

 "Ako?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Seven, napangiti ito sa narinig.

 "Opo." balik ng bata.

 "Ano ba yung napanaginipan niya? Ano yung kinukwento niya?"

Nakangiti si Seven, excited siya sa sasabihin ng kanyang kapatid.

 "Kayo pong dalawa, yung masaya raw po kayong dalawa. Tawa nga po kami ng tawa ni Tenten eh, kasi sabi ni kuya Kash nagpakasal daw po kayo." nakangiting sabi ng bata na parang binabalikan nito yung pagkakataong nagkekwento si Kash.

Unti-unti namang nabubura yung kasiyahan sa mukha ni Seven, yung kagalakan, yung mga ngiti nito'y nawawala.

Hanggang sa tuluyan na nga itong napahagulgol, yung sobrang pag-iyak, punong-puno ng sakit at panghihinayang.

Masyado itong nagi-guilty. Dahil sa sitwasyon niya ngayon ay imposible nang mangyari ang mga napanaginipan ni Kash.

 "K-kuya? b-ba't po kayo umiiyak?" ang tarantang sabi kagad ng bata.

At sa tuluyan naring napa-iyak si Chan.

Unti-unti, dahan-dahan..

Napansin na lang ng bata ang kanyang kuya na nakapikit, na hindi na gumagalaw, na hindi na umiiyak, na wala ng malay.

Sunod rin nito'y ang sunud-sunod na pagtunog ng isang bagay.. bagay na siyang ikinakatakot ng sino mang nasa ospital.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Ayoko na, baka mahulog ako."

Agad na pagtanggi ko.

Narito kami sa may Sky Ranch, Pampanga. Yung ferris wheel, grabe nakakalula.

Bonding kaming magkakaibigan, si Vince, si Alex, si Ivan, si Marvs at si Jacob.. syempre ako rin.

Treat ni Ivan, ewan kung anong meron? Nagpapalakas ata kay Alex eh, haha.

 "Ang OA mo naman Kash, game na kasi.. last na lang oh.." pamimilit pa ni Vince.

Ayoko na eh. Hindi naman sa OA, parang talagang ninenerbyos ako eh? Hindi ko alam kung bakit.

 "Ang daya." simangot ni Jacob. "Tara na nga, food trip na lang." dagdag pa ni Marvs.

At naglakad-lakad na nga kami, naghahanap ng masarap na pagkain. Kita ko naman na inis sila Vince na masyadong adik sa ferris wheel.

Halos ilang araw na kaming ganito. Palibot-libot, bonding, tawanan, kulitan.

Tuwing uuwi naman ako ng bahay galing sa paglibot, si Tenten at Chan naman ang kasama ko magdamagan, hanggang sa pagtulog ay katabi ko sila.

Ayaw kong makita nilang lahat na nahihirapan ako dahil sa wala si Seven. Ayaw ko silang mag-alala, kaya hangga't kaya ko.. ngingiti at ngingiti ako.

Yung teddy bear, gabi-gabi bago ako matulog.. kinakausap ko.

Para kay Seven yun at ipinasadya ko pa ng tahi ito sa may gilid, "Kash&Seven".

....


 "Namimiss mo nanaman noh?"

Napatingin naman ako kay Alex dahil sa sinabi niya.

 "Tulala ka nanaman, uuwi rin yun Kash.. hwag kang masyadong excited." dagdag pa ni Vince.

Napagtutulungan nanaman ako, tsk.

 "Miss ko lang kasi." ang nasabi ko.

Nasa fastfood kami, dito na lang kami kumain. Hindi ko napansin at natulala nanaman pala ako kakaisip.

 "Tara na nga, uwi na tayo.." pahabol ko pa at mabilis na pagtayo.

 "Osiya oras narin, let's go guys.." pagtayo narin ni Marvs.

 "Okay salamat sa treat ni Ivan, next time si Jacob at Marvs naman ang taya." excited na sabi naman ni Vince.

Maglalakad na sana kami paalis nang saglit akong napatigil, napatigil narin sila.

 "May tumatawag." sabi ko at mabilis na kinuha yung cellphone ko.

 "Kayo pala tay, bakit po?" agad na pagsagot ko.

 "Asan ka? Uwi kana anak.. hinahanap ka ni tito Rayven mo, dali."

Tito Rayven? Eh nasa ibang bansa sila eh.

 "P-po? Bakit po daw? Umuwi na po ba sila ni Seven?" agad na tanong ko.

 "Hindi ko alam eh tsaka siya lang mag-isa, anak umuwi kana.. may sasabihin siya, importante daw."

 "O-opo." ang tanging nasabi ko at ibinaba ko na nga ang tawag.

Agad kong tinignan ang mga kasama ko na halatang naghihintay ng aking sasabihin.

 "Guys tara dali uwi na tayo.. hinahanap daw ako ni tito Rayven." sabi ko sakanila at nakuha ko na ngang naglakad papalabas.

Hindi ko alam kung bakit nanaman ako ninenerbyos.

Tsaka, bakit mag-isa lang si tito? Ba't hindi niya kasama si Seven?


-----



Point Of View

 - Third Person's -

*After an hour



 "Ano ba yan Kash, bababa nanaman? Late na tayo, hinihintay kana nila niyan."

Naiinis nang sabi ni Jacob.

Naka-ilang baba na kasi mula sa kotse si Kash, ang daming pagkain na ang binili niya.

Sa totoo'y nararamdaman niya na baka nariyan si Seven at surpresa ito.

Kaya siya nagsibili ng mga makakain, baka mamaya'y mapuno sila ng kwentuhan kung nariyan nga si Seven.

 "Last na 'to, Zagu.. favorite niya 'to." excited na sabi ni Kash at bumaba na nga siya ng kotse.

 "Sana nandyan nga si Seven." ang nasabi ni Marvs nang makalabas na si Kash.

 "Si Kash naman kasi eh, tignan niyo.. iiyak yan kapag wala si Seven, pramis." paninigurado pa ni Vince.

 "Sama tayo sakanila? Baka mamaya umiyak nga yan, dapat nandun tayo." sabi naman ni Jacob.

....


 "Tay.."

Ang agad na pagpansin ni Kash nang makita niya ang kanyang itay sa may gate.

Pababa siya ng kotse ng tawagin niya ito.

 "Karlo anak, pwede bang manlambing ang itay mo?"

Napakunot naman siya sa sinabi ng kanyang itay.

 "Tay ah.. napapadrama tayo." biro niya nang makita niya ang ekspresyon nito.

 "Payakap nga, Karlo." pagngiti na ng itay niya at pagyakap sakanya.

 "Si tito Rayven mo nasa may pool, puntahan mo na.. mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo."

Pagbulong pa nito.

Napatango na lang siya at tila otomatiko siyang naglakad papunta sa may pool ng bahay nila Seven.

Dala-dala niya yung dalawang chocoZagu.

 "Tito Rayven.." agad na pagpansin niya sa daddy ni Seven nang makalapit na siya rito.

Isang napakadilim na tagpo ang sa ngayong pumapalibot sa dalawa.

Ekspresyon ni Rayven na siyang ikinatakot ni Kash, parang may mali.

 "Nasan po si Seven?"

Hindi na niya natiis at tinanong na nga niya kung nasaan ang taong mahal niya.

Ngunit hindi ito sumagot, nanatili lang itong nakatingin sakanya.

 "Tito, may problema po ba?" ang pilit na pagngiti na ni Kash.

Ayaw niya ang kanyang nararamdaman, katulad kanina'y ninenerbyos nanaman siya.

 "Kanino yan?" tanong na ng daddy ni Seven.

Nagulat siya nang mapansin nito ang kanyang hawak na Zagu.

Agad niyang itinaas ang kanyang hawak.

 "Kay Seven po." tonong pagmamalaki niya. "Sa aming dalawa, diba po nandyan siya? Marami po kasi kaming pagkekwentuhan niyan eh.." dagdag pa niya.

Marahan lang umiling ang daddy ni Seven, nakangiti.. kahit na may namumuo nang luha sa mga mata nito.

 "Tito.. wala naman po sigurong problema diba?"

Mula sa pagkakangiti ay unti-unti naring lumulungkot ang ekspresyon ni Kash, sa totoo'y naiiyak na siya.

Parang may mali.

 "Karlo, mahal mo yung anak ko diba?"

Marahan lang siyang tumango sa tanong nito.

 "Kung ganon, kahit ayokong mag-alala ka, sa tingin ko'y.. kailangan mo nang malaman."

Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ng daddy ni Seven, kanina niya pa ito pinipigilan.

 "Malaman ang ano po? T-tito naman.. n-nasan po ba si Seven? T-tsaka.. ba't po kayo umiiyak?" pag-aalala ni Kash, naiiyak narin ito.

 "Karlo, si Seven.. kasi.."

Hindi na natapos magsalita ang daddy ni Seven dahil sa tuluyan na nga itong napahagulgol.




Itutuloy


Guys, madi-delay yung regalo ko. Baka sa katapusan na lang :))

Salamat, commentators!


- Playful Jokes

5 comments:

  1. Nakakaiyak nanaman jusko naawa ako kay Kash sana naman gumaling na si Seven hayyy. :'( naiisip ko palang naiiyak na ako ulit.
    Merry Christmas sa napaka galing na author Prince Justin Dizon :))

    -44

    ReplyDelete
  2. Sana may heart donor para kay Seven para happily ever after na sila. Pls Mr Author, huwag patayin si Seven.

    ReplyDelete
  3. Lakes mangbitin ni author Edward..... Kaasar Naman basta my Mali sa story na Ito......

    Jharz05

    ReplyDelete
  4. Nakakaiyak naman to.. Msyadong madrama ... Sana happy ang ending - dave

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails