Followers

Friday, December 5, 2014

Playful Jokes -Chptr14




Athr'sNote-


Guys, malapit na ang pasko.. anong balak niyo? Dapat lahat maging masaya, kahit na madaming problema ang pumapasok.. matatapos rin yang mga yan. Ingat sa lahat :))

Maraming Salamat sa lahat! Sa mga nagbabasa, sa mga nagpapalakas ng loob ko, sa mga sumusuporta, sa mga naghihintay, sa mga nagkocomment, sa mga napapa-iyak at napapangiti dahil sa storyang ito!(kung meron? Haha) Maraming Salamat po talaga :))



Happy Reading!



--



Point Of View

 - K a s h -




 "Ba't hindi mo agad sinabi?" napakahinang tanong ko habang nakaharap kay Seven.

Natutulog siya, habang ako ay heto at nasa gilid at pinagmamasdan lang siya.

Patuloy lang ako sa pag-iyak, napakahina.

Ang sakit, may nalaman ako na talaga namang nagpahina sa akin.

Alas-kwatro kanina ng madaling araw nang sinadya ako ng mommy niya dito sa kwarto ni Seven.

 "Seven naman eh.." nahihirapang sabi ko pa.

Ang sakit kasi eh. Mahal daw niya ako? Ganun ba ang klase ng pagmamahal na sinasabi niya?

 "Kash? U-umiiyak ka?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa narinig.

Si Seven, gising na pala. Saglit akong napatigil sa gulat.

Hanggang sa nakita ko na lang siya na lumapit sa akin at pinunasan ang aking mga luha.

Hindi ko alam ang gagawin. Nahuli niya ako. Anong irarason ko?

 "Ba't ka umiiyak? Kash?" sabi pa niya at mabilisang bumaba ng kama at marahang ipinuwesto ang aking ulo sa kanyang dibdib.

Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong magbigay ng rason.

Hindi niya dapat malaman ang rason kung bakit ako umiiyak.

 "Kash? Uy.. may problema ba?" rinig kong tanong pa niya.

Bahala na..

 "Hindi kasi ako makapaniwala na magiging ganito tayo, kasi nga diba dahil sa ginawa ko sa'yo dati?" ang nasabi ko.

 "Kash naman, diba sabi ko ayos na yun?" rinig kong sabi naman niya.

Nakahinga naman ako ng maayos. Salamat at naniwala siya.

 "Mahal mo ba talaga ako?" mahinang sabi ko pagkaharap ko sakanya.

Hindi siya sumagot, nakipagtitigan lang siya.

Ngumiti na lang ako.

 "Tara? Almusal na tayo? Tapos date?" nakangiting sabi ko.

Naluluha ako pero pinipigilan ko lang, kailangan eh.. kahit mahirap.

Inayos ko narin ang sarili, ang mukha.. kailangan kong iiba ang topic, para narin sa akin ito.

 "Date? Magde-date tayo? talaga Kash?" balik niya, tonong hindi makapaniwala at hindi na makapaghintay pa.

 "Excited ah? Oo nga.. ayaw mo ba?" agad na sabi ko.

Mula sa kaninang matamlay na tono ay masigla na ngayon, kailangan naming magpakasaya.


 "Ako paba tatanggi sa isang maitim na katulad mo?" tonong nakakaloko niya.

 "Insulto ba yan o papuri?" kunot ko.

At sa tumawa siya kaya naman natawa narin ako.

Salamat at naiba ko kagad ang pinag-uusapan, kahit na pansin kong nag-aalala parin siya.. marahil ay ganun rin ang ginagawa niya para maalis ang malungkot kong ekspresyon kanina lamang.



----

 "Gising na pala kayo, sabay na kayo sa amin ni Seven.. kakain narin kami ng almusal." pagpansin ko sa mga pinsan niya na nasa may kusina.

Pagkalabas namin ni Seven ay pinaupo ko na siya kaagad sa hapag, gusto ko siyang pagsilbihan.

Mula sa pagkuha ng tubig sa may ref ay napatigil ako.

Nagtaka kasi ako kung bakit hindi sila tumugon.

Nakatingin lang sila sa akin, yung iba naman ay tila nakangiti na parang proud.

Napakunot ako.

 "Guys, may problema ba? M-may nangyari bang hindi niyo gusto?" tanong ko.

 "Napakaswerte talaga sa'yo ng pinsan namin." sabi nung isang babae.

 "Hah?" naguguluhang tanong ko.

 "Alam namin yung totoo Kash."
 "Pasensya na kung hindi mo agad nalaman."

Dahil sa mga sinabi nila ay wala sa sarili akong napaluha.

 "Ako lang ba ang hindi nakakaalam?" tanong ko, pilit ko ring pinupunasan ang aking mga luha.

Mas lalo akong naluha nang makita ang ilan sakanila na naluha narin.

 "Basta gawin mo ang lahat ah? Simula't-simula'y ipinagmamalaki kana niya, bago pa siya makauwi ay ibinibida kana niya sa amin... kaya sana, mapagbigyan mo yung hiling ni tita Myrna." sabi ng isa.

 "Bakit ba ganyan sinasabi niyo? Tsaka, anong pagbigyan? Kahit hindi niyo naman sabihin ay mamahalin ko si Seven eh. Mahal ko siya, ba't ganyan naman kayo makapagsalita?" umiiyak ko nang sabi, hindi ko na kasi pinigilan pa yung pagbagsak ng aking mga luha.. talagang ibinigay ko na.

 "Iniwan mo kasi siya diba?"

Sa sinagot ng isa'y wala na nga akong nasabi. Oo alam ko mali yung ginawa ko, pero hindi nila alam kung gusto ko talaga yung ginawa ko dati.

 "Mahal ko yung pinsan niyo, hwag naman kayong magsalita ng ganyan." pamimilit ko.

Nagulat  na lang ako ng lumapit ang isa sakanila at niyakap ako.

 "Alam namin yun, naikwento sa amin ang lahat ni Seven." sabi niya. "Ang ibig lang naming sabihin ay sana.. katulad ng gusto namin ay mas mapasaya mo pa siya, paramdam mo na walang problema."

Tumango na lang ako.

Bakit kung makapagsalita sila ay ganyan? Oo alam ko na, pero tila sobra naman ang kanilang mga sinasabi kumpara sa nalaman ko.

 "Kashhhhhh!!! Gutom nako!..."

Mula sa napakaseryosong tagpo namin ng mga pinsan niya'y wala sa sarili akong napailing at napangiti.

Mahilig talaga sumingit si Seven.

Tila nagkaintindihan kaming lahat sa pamamagitan ng aming mga paningin.

Binilisan na namin, baka mahuli kami ni Seven.

...

fastforward na natin..

..


Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa may footbridge ng SM.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay kung anu-ano na ang mga sinasabi at kinukwento niya.

Nakikinig lang ako, natutuwa.. dahil heto at parang nagde-date nga kami, parang normal na walang problema.

 "Kash, ang sarap pala talaga kapag nakakakita kana noh?"

Rinig kong sabi niya habang nakatingin sa may baba.

 "Ang sarap pagmasdan nung mga bagay-bagay sa baba." dagdag pa niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

 "Mas masarap talagang pagmasdan ang mga magagandang bagay.. lalo na kapag kasama mo yung taong mahal mo." tonong pagmamalaki ko.

Mula sa paglalakad ay pinigilan ko siya at marahang ipinuwesto paharap sa may gilid, sa may baba, na kung saan ay sabay naming pinagmamasdan ang bawat taonh naglalakad, mga kotse at kung anu-ano pa.

Ako naman ay pumwesto sa may likod niya, niyakap ko siya sa may balikat niya.

Wala na akong pakialam sa mga makakakita, basta ang mahalaga ay masaya ako at ayaw ko nang sayangin pa ang pagkakataon.

Kanina bago kami umalis, sinabihan ako ni inay na asikasuhin ko daw si Seven, magpakasaya lang daw kami.

Nanatili kami sa ganung pwesto, sabay na pinagmamasdan ang mga bagay-bagay.

 "Salamat pala dito sa damit ah?" biglang sabi niya, ngumiti lang ako.

Magkapareho kami ng damit na suot ngayon, kumbaga'y parang naka-couple shirt narin kami. Eto kasi yung dalawang damit na binili namin nung magkasama kami.

 "Bukod sa damit na suot natin ngayon, ano pang alam mong hindi ko alam?" nakangiting sabi niya, bahagya rin siyang humarap sa akin, patagilid.

 "Hmm.." pag-iisip ko.

Alam ko ibig sabihin niya, medyo mahilig rin kasi ako sa pakulo :))

Pero sa totoo lang, tinamaan ako sa tanong niya.

'Double meaning ang dating sa akin eh.

Katulad ng sinabi ko'y may alam na ako sakanya, galing sa mommy niya.. na talagang nagpaiyak sa akin.

 "Hoy? Sabi ko ano pang pakulo ang mayroon ka?" marahang pagbangga pa niya ng noo niya sa noo ko.

Ngumiti ako kaagad. Saglit ko ring tinignan ang gawi ng mga naglalakad malapit sa amin.

 "Pakulo?" nakangiting sabi ko.

Muli kong binalingan si Seven, magkaharap ang aming mukha at konti na lang.. yun na.

 "Tignan mo sila." sabi ko, sumunod naman siya sa sinabi ko, at nang nakatingin na siya sa gawi ng mga taong naglalakad...

 "Ngayon, ako naman tignan mo." nakangiti ko nang sabi.

Siyang pagbaling niya sa akin ay siyang paghalik ko sakanya, yung medyo mapusok.. yung bang mapangahas na pag-sunggab.. yung bang parang talagang inangkin ko yung labi niya.

Isa...

Dalawa....

Tatlo......


 "Yan, tara?" agad na sabi ko pagkakawala ko at mabilis nang tumakbo palayo sakanya.

Saglit akong tumigil nang medyo makalayo at humarap sa gawi niya.

 "I love you Seven! I love you!! Mahal na mahal kita Seven, mahal na mahal kita!!" malakas na pagsigaw ko pa na siya talagang naging dahilan ng pagkuha namin ng atensyon ng mga naglalakad.

Nakita ko naman siya na saglit na napatigil, lumingon siya sa mga taong naglalakad na ngayon ay sa amin ang atensyon at halatang nagulat.. kalaunan ay nakita kong ngumiti na siya, yung matamis, yung abot sa mata.. yung bang magbibigay sa'yo ng isang napakagandang rason para yakapin siya ng napakahigpit.

Mas lalo akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam, parang kami lang dalawa ang naririto at nagpapakasaya.

Na para bang.. Walang problema.

....

 "Hindi kaba nahiya sa ginawa ko?" agad na tanong ko nang makuha na namin yung binili naming Zagu.

 "Ako paba ang mahihiya? Proud nga ako eh." sabi naman niya.

 "Mas proud ako dahil akin ka, kanina pa maraming tumitingin sa'yo.. pagpasok nila ng entrance ay ikaw kagad ang napapansin nila." sabi ko.

Pagkatapak namin sa escalator ay siyang paglingon niya sa mga papasok sa may entrance.

Pagharap naman niya sa akin ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.

 "Naaalala mo paba nung hindi mo ako kinahiya nung dinala mo ako dito? mga panahong hindi pa ako nakakakita?"

Tumango ako.

 "Syempre naman. Hindi kita ikakahiya, mahal kita eh." pagngiti ko.

 "Salamat. Kaya ngayon, hayaan mong ako naman ang magpakasweet." pagngiti rin niya.

Nahihiya man sakanya'y muli ko siyang hinalikan, sa noo.

Ang sarap kasing pagmasdan ng taong mahal ko, lalo pa't heto at ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya.

Nagtitigan kami habang nakangisi, tila nangungusap ang aming mga mata.

Bago pa kami tuluyang makaalis ng escalator ay bumaling kami sa mga nasa likod.

Nginitian namin sila, mga katulad namin silang teenager kaya naman palihim kaming natawa sa reaksyon nila.

.

 "Saan mo pala gustong kumain?" tanong niya bigla nang naglilibot na kami.

Ubos na yung Zagu namin, nakuha kasi naming mag-unahan sa pag-ubos, loko-loko eh.

 "Sa dati, kung saan mo ako pinakain ng maraming fries." agad na sagot niya.

 "Ge." ngiti ko, nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Magkahawak kamay, agaw pansin man ay wala kaming pakialam.. basta masaya kami.

 "Seven, kapag mag-ampon tayo gusto ko marami ah?" ang nasabi ko bigla nang madaanan namin yung mga palaruang pambata.

 "Kash."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig yung seryosong tono ni Seven, tumingin kaagad ako sakanya.

 "Basta gusto ko ako lang ha?" medyo mahinang sabi niya, tonong nangungumbinsi rin.. parang napakalungkot rin ng ekspresyon niya ngayon, bigla.

 "Ano ba yang sinasabi mo? Syempre naman ikaw lang.. mahal kita eh." mahinang pagsagot ko at paghawak pa sa dalawang kamay niya.

 "Sorry kung makasarili ang dating ko Kash.. pero, gusto ko talaga na ako lang ang nandyan sa puso mo ah?"

Nang magsalita pa siya'y niyakap ko na siya.

 "Hindi paba sapat 'tong pagyakap ko sa'yo sa harap ng maraming tao para lang maiparating ko sa iyo na ikaw lang, na ikaw at ako lang.. na mahal kita." sabi ko.

 "Maraming salamat Kash.. salamat."

Agad akong kumawala nang matunugan ang boses niya.

 "Seven naman.. bakit ka umiiyak?" agad na sabi ko at pagpunas sa mga luha niya.

 "Sorry.. sorry.."

Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

 "Bakit ka humihingi ng tawad? Seven naman eh.. tinatakot mo ako." naguguluhang sabi ko na.

Ewan ko pero maski ako'y naiiyak narin.

Ganito pala yung pakiramdam, yung bang nahihirapan ka dahil nakikita mong umiiyak yung taong mahal na mahal mo.

Habang yakap-yakap ko siya'y pasimple kong kinuha ang aking panyo sa may bulsa.

 "Diba sabi ko hwag kanang iiyak?" mahinang sabi ko pagkaharap niya sa akin at pinunasan ko narin yung mga luha niya.

  "Ba't pati ikaw umiiyak?" sabi niya at pagpunas niya rin sa aking mga luha.

 "Hindi ko kasi alam kung bakit bigla-bigla kang umiiyak, tapos nahihirapan rin ako kapag nakikita kitang umiiyak." pagsabi ko ng totoo.

Ngumiti naman siya at niyakap ako.

 "Sorry na, hindi na ako iiyak.. pramis." rinig kong sabi niya, tumango lang ako.

Maya-maya'y nagpatuloy na kami sa paglalakad, simula kaninang pagkabukas hanggang ngayon.. marami na ang nakakapansin sa amin.

Wala akong pakialam, proud ako sa taong kasama ko.. kaya naman hindi ko na binitawan pa ang kanyang kamay.

Ang tagal na naming naglalakad, paturo-turo, tawanan, kwentuhan, minsan ay nakukuha pa naming magtulakan.

 "Hindi kaba napapagod?" tanong ko sakanya nang mapadako ang aking tingin sa may mga upuan.

 "Paano ako mapapagod.. eh kasama ko yung lakas ko."

Hindi ko na siya nagawang tignan, pakiramdam ko kasi ay namumula ako dahil sa sinabi niya.

 "Nahiya kapa."

Rinig kong sabi niya nang pilit ko siyang hindi tinitignan.

 "Tara nga, kain na lang tayo." nasabi ko na lang saka siya mabilisang hinila.

 "Ang pangit mo pala kapag nahihiya ka."

Rinig kong sabi niya habang hila-hila ko siya.

 "Haha." sarkatismo kong tugon. "Ang gwapo mo." tonong pamumusit ko pa nang hindi ko siya nililingunan.

 "Talaga! Kaya nga nagustuhan mo ako diba?" rinig kong sabi pa niya.

Tinignan ko siya. Nariyan yung ekspresyon niyang nagmamalaki.

 "Oo na.." pagtawa ko na at patalong pag-akbay ko pa sakanya.

 "Tara na bilis, nagugutom na ako." dagdag ko pa at yun na nga.

....

 "Baby say Aaaaaa.."

Napa-angat ako ng tingin mula sa pagkain nang marinig ko siyang magsalita.

Ginagawa niya talaga akong bata.

Nakangiti lang siya, tila ipinagmamalaki yung kasweetan niya, nariyan kasi yung pagtaas-baba niya sa kanyang mga kilay.

Napa-iling na lang ako saka nag..

 "Aaaaaa.." pagsakay ko sa trip niya.

 "Kash pwede bang ituring natin ang isa't-isa bilang mag-asawa?" tanong pa niya matapos niya akong subuan.

 "Ano ba tawag sa ginagawa natin ngayon?" kunot ko.

Obvious naman kasi na parang mag-asawa na kami eh, obvious nga ba?

 "Landian." natatawang sabi niya, natawa narin ako.

Landian daw ang tawag sa ginagawa namin? Haha, adik talaga 'to.

Kanina pa kami pinagtitinginan dito sa loob ng fastfood, kung hindi tawanan ay kulitan naman kami.. eh sa masaya kami eh.

 "Landian talaga eh noh?" sabi ko at muling nagpatuloy sa pagkain.

Nakuha pa naming magsubuan, nakuha rin naming ihagis yung price pataas at pareho namin itong sasaluhin sa gitna ng lamesa gamit ang aming bibig.

Kapag siya ang nakakakuha, pinipitik ko yung leeg niya.

Kapag ako naman ang nakakakuha, hinahalikan niya ako, mabilisan.. smack ba.

Wala kaming pakialam sa mga nanunuod sa amin, basta masaya kami na para bang kaming dalawa lang ang naririto.

 "Oh eto, last one." nakangiti kong sabi patukoy sa huling fries.

Pagkahagis ko ay agad kaming nag-unahan.


 "Mukhang totoo nga yung sinabi mo sa text.."

Pareho kaming napatingin sa nagsalita.

Nang makita ko ay si Jacob pala.

 "Jacob kaw pala." agad na sabi ko.

Nagkwentuhan na nga pala kami sa text. Ayos na ako, at ayos narin pala siya.

 "Nga pala Kash, si Marvs... and Marvs si Kash, yung lagi kong ikinukwento sayo." pagpapakilala ni Jacob.

Ngumiti at tinanguan ko lang yung kasama niya, ganun rin siya.

 "Guys, si Seven.. asawa ko." pagtaas-baba ko pa ng kilay sa dalawa.

 "Seven, si Jacob nga pala at si Marvs, mag-asawa din." pagpapakilala ko pa sa dalawa.

Nagkamayan naman sila, nakisali narin ako.. haha.

Parang mga baliw lang kami na nagkakaintindihan rito. Haha.

 "Dito na kayo maupo.. tapos narin kami." pagtayo ko pa, kita kong tumayo narin si Seven.

 "Ge ge, salamat.. tol Seven, mabuti at nakakakita kana, araw-araw na ipinagdarasal ni Kash yan." sabi ni Jacob.

Tinignan ko si Seven, nakangiti ito.

 "Talaga? Akala ko nga pagbalik ko wala parin siya eh, kaso naamoy ko siya." natatawang sabi naman ni Seven, napangiti narin ako.

Akala ko kasi ay magsusuplado siya, paano ba naman.. kanina bago kami umalis ay si Jacob ang topic namin, nagseselos siya eh.. yung sa mga texts ko daw kasi. Agad ko naman siyang pinaliwanagan, sinamahan ko na ng halik.. ayun nadala naman siya haha.

 "Ikaw pala si Kash." napatingin kaming tatlo kay Marvs.

Napatango na lang ako, ng pilit.

 "Maraming salamat ah? Sabi nila Vince at Alex ay isa ka raw sa mga  nag-alis sa tornilyo ni Jacob sa utak." nakangiting sabi niya, marahan niyang inilahad yung kanang kamay niya.

 "Wala yun, basta hwag mo na lang ulit siya iiwan... iiyak yan." nakangiti ko ring sabi at pag-abot sa nakalahad niyang kamay.

 "Subukan lang niya, hindi na niya ako makikita." sabi naman ni Jacob.

 "Osiya, mauna na kami.. may pupuntahan pa kami nito eh." pagnguso ko pa kay Seven.

 "Ge,.. tol ingat kayo." pagbaling ni Jacob kay Seven. "Kash, salamat ulit." pagngiti naman sa akin ni Jacob.

At sa nagpaalam narin kami at umalis na nga.

..


 "San ba tayo pupunta?" agad na sabi ko pagkalabas namin ng SM.

 "Alam mo ba kung saan tayo unang nagkatagpo? Diba sa simbahan? Gusto ko sana dun, punta tayo?"

Agad akong tumango nang marinig ang sinabi niya.


-----

Please welcome.. third person :)) haha.

-----




Point Of View

 - Third Person's -



Ngayon, ay kasalukuyang nasa harap ng simbahan ang dalawa, si Kash at si Seven.

Ngayon rin ay tila isang seryosong atmospera ang pumapalibot sa dalawa, lalo na kay Seven.

At sa dahan-dahan na nga silang naglalakad papasok, isa lang naman ang pakay ni Seven, ang lumikha.. pinagmamasdan niya ito na tila siya'y nakikipag-usap rito.


Nang nasa gitna na ang dalawa'y tumigil na sa paglalakad si Seven na siya ring pagtigil ni Kash.

 "Kash."

Biglang sabi ni Seven, nilingon naman siya ni Kash.

 "Naniniwala kaba saKanya? sa langit? sa kabilang buhay?"

Sa tanong nito'y wala sa sariling napabaling si Kash sa lumikha.

'Saglit na namayani ang katahimikan.

 "Oo naman." pagbasag ni Kash sa katahimikan, nakangiti.

 "Gaano?" tanong uli ni Seven, sa lumikha lang ang tingin.

 "Hindi ko alam eh, basta ako.. naniniwala ako at alam kong alam Niya yun." medyo tonong pagmamalaki naman ni Kash.

 "Kabilang buhay, may ganun nga kaya?"

Muling napalingon si Kash kay Seven dahil sa sinabi nito.

 "Oo naman, kalangitan.. isang napakalawak na lugar." simpleng sabi ni Kash.

Si Seven ay nanatili lang nakatingin sa harap, sa lumikha.

 "Kash, kapag ba may naiwan kang tao ay masasabi mo bang masama kana?" seryosong tanong pa nito.

Saglit na nag-isip si Kash, medyo nahihiwagaan kasi siya sa mga itinatanong ni Seven.

 "Kapag may naiwan ka? Hindi ko masabi eh? pero siguro.. dedepende yan sa intensyon mo." balik ni Kash.

Hinawakan niya ang kamay ni Seven, at muli.. hinarap nito ang may lumikha.

 "Kash, kung may naiwan ka ngang tao at dahil doon.. kung sakali man na masasabi mo ngang masama kang tao.. mapupunta ka kaya sa taas? sa Kanya? sa langit?" muling pagtatanong ni Seven.

Kanina pa pilit na pinipigilan ni Seven ang pagbagsak ng kanyang mga luha, alam niya kasi na paniguradong iiyak rin si Kash at mag-aalala.


 "Iba-iba tayo ng paniniwala eh, pero ako? alam kong sa taas lahat napupunta, masamang tao ka man o mabuti.. Siya at Siya parin ang siyang makakasama mo." sagot ni Kash.

Naguguluhan man si Kash dahil sa tila kakaiba ang mga itinatanong ni Seven ay sinasagot na lamang niya ang mga ito, masaya rin siya dahil nasasabi niya ang sa alam niya'y tama.

 "Masaya na ako, panatag na ako." 

Nakangiti nang sabi ni Seven, hinarap narin niya si Kash.

 "Bakit naman?" pagkunot ng isa.

 "Kasi sabi mo na lahat ay napupunta sa taas, sa Kanya.. masamang tao ka man o mabuti."

Sagot ni Seven at pagkuha pa niya sa dalawang kamay ni Kash.

 "Kash gusto ko sana na habang buhay.. ay tayo lang? Ayos lang ba yun?" tonong nangungumbinsi ni Seven.

Marahang tumango si Kash.

 "Basta gusto ko, magpakasal tayo." tonong nagbibiro ni Kash, saglit rin itong napa-isip dahil sa kanyang sinabi.. "Oo pakasal nga tayo, oo tama.." nakangiting nang sabi ni Kash, excited.

Dahil sa sinabi nito'y hindi na nga napigilan ni Seven, tuluyan na siyang napaluha.

Dala ng pag-iyak ay marahan nitong idinikit ang kanyang noo sa noo ni Kash, hinawakan niya rin ang magkabilang pisngi nito.


 "Basta mahal na mahal kita Kash, mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan.. mahal na mahal kita.. Kash mahal na mahal kita."

Paghagulgol na ni Seven at tuluyan na nga itong napaluhod.

Kumapit ito kay Kash, sa hita, sa tuhod.. na tila humihingi siya rito ng kapatawaran.

Si Kash, si Kash na tila napako naman sakanyang kinatatayuan. Hindi na nito napansin na maging siya'y umiiyak narin.

Tanging nangingibabaw sa kanya ngayon ay puro katanungan.

Bakit nagkakaganito si Seven? Bakit ito bigla-bigla nalang umiiyak? Bakit rin ito laging humihingi ng tawad? Higit sa lahat, bakit nito palaging sinasabi na gusto niya ay siya lang, wala ba itong tiwala sakanya para masabi iyon?

Hanggang sa nakita na lang niya ang sarili na niyakap si Seven ng napakahigpit, sobra.

Tanging mga yakap niya ang ipinan-tugon niya sa mga sinabi ni Seven.


-----

Again.

-----



Point Of View

 - Third Person's -



 "Hindi ko sinabi yung totoo, nagsinungaling ako sa bata."

Umiiyak na sabi ng mommy ni Seven.

Nasa sala ang lahat. Mga pinsan, tita't tito, daddy't mommy ni Seven, inay ni Kash.

 "Pero ba't ganun na lang kung makaiyak sa akin ang anak ko? Kung yun ang alam niya, ba't ganun?" reaksyon kaagad ng inay ni Kash.

 "Syempre po tita Malia, mahal niya po yung pinsan namin eh." pagsingit ng isa sa mga pinsan ni Seven.

....

(
flashback (noong nasa ibang bansa pa sila)


 "Anak naman, hindi pwede yang sinasabi mo.. makinig ka naman sa amin oh?"

Pakikiusap ng mommy ni Seven, umiiyak ito pati narin ang daddy nito.

Sa ginawang pag-oobserba ng naging doktor ni Seven, may isang bagay silang natuklasan na talaga namang nagpablanko ng ilang sandali sa isipan ng mga magulang ni Seven.

 "Mommy si Kash, siya.. siya po ang gusto kong makita, siya po mommy, please." seryosong sabi ni Kash.

Kung ang mga magulang ni Seven ay nagulat sa nalaman, kabaligtaran naman nito ang naging reaksyon ni Seven.. plain, wala.. walang ka emo-emosyon pagka't una palang ay may ideya na siya at nararamdaman na niya ito.

 "Paano nga natin gagawin yun Seven? May sakit ka anak, bakit hindi mo kami maintindihan ng mommy mo?" paglapit pa paharap sakanya ng kanyang daddy.

 "Basta po si Kash, siya po ang gusto kong makita, yun lang po." pagpipilit ni Seven.

Habang nagsasalita si Seven ay nakayuko lang ito, ang dating tuloy nito ay isang batang napakatigas ang ulo na kung saan.. ang tanging gusto lamang ay makuha ang nais.

 "Sa tingin mo ba.. magugustuhan ni Kash yang mga sinasabi mo? Na pinapabayaan mo yang sarili mo?" tanong ng mommy niya.

Ilang saglit ay inangat ni Seven ang kanyang tingin, sa kanyang daddy.. huli'y sakanyang mommy.

 "Osige po, gagawin ko po ang gusto niyo.. pero hayaan niyo na po muna na makasama ko si Kash kahit ilang araw lang." pakikiusap na ni Seven.

Hindi na nag-alangan pa ang mag-asawa at pumayag na nga sila kaagad, kaysa naman sa si Seven ang hindi pumayag sa kanilang gusto.

end
)

-----



Point Of View

 - K a s h -





 "Hwag kanang iiyak ulit ha? Ako yung mas nahihirapan eh."

Napakahinang sabi ko habang hinahaplos-haplos ko yung noo ni Seven, kami'y narito sakanyang kwarto, natutulog siya.

Bago ako tuluyang tumayo ay hinalikan ko muna siya sa noo.

At naglakad na nga ako palabas ng kwarto.

Pagkalabas ko'y nginitian ko yung mga pinsan niya, sakto kasing pagkalabas ko'y sa akin sila napatingin.

 "Tara Kash dito, kain.." pagpansin sa akin nung isa.

 "Ge salamat, magpapahinga na muna ako." pagbigay ko ng pilit na ngiti.

At sa nagpaalam na nga ako. Pinuntahan ko muna si inay sa kusina.

 "Nay." sabi ko nang makita siya.

 "Oh Karlo anak.." gulat na sabi ni inay.

Agad akong dumeretso sa ref para kumuha ng tubig.

 "Ang tamlay mo ata?" rinig kong sabi pa ni inay.

 "Malapit na po kasing umalis si Seven niyan nay eh." pagbigay ko ng pilit na ngiti.

Naiiyak nanaman kasi ako, gusto ko mang magtampo kay Seven pero hindi ko magawa.. ayaw ko kasi na mahirapan siyang umalis dahil sa akin.

 "Ganyan talaga anak, basta ang gusto ko Karlo anak ay.. magpakatatag ka lang." paglapit at paghaplos pa ni inay sa likod ko.

At sa tuluyan na nga akong napaiyak.

Agad akong yumakap kay inay, heto at umiiyak nanaman ako.

Ang mas masakit pa ay hindi binabanggit ni Seven iyon, na tila balak niya talaga akong iwanan na lang.. biglaan, ng wala akong kaalam-alam.

 "Wala tayong magagawa anak, minsan may mga bagay talagang napakahirap intindihin." rinig kong sabi pa ni inay.

Kapag naka-alis na si Seven? Paano nanaman ako? Iiyak nanaman ako? Malulungkot nanaman ako?


.....

-----

'


 "Kaaashh.... Kash.."

Mula sa pinagkakaabalahan kong pagtingin sa mga iba't-ibang klase ng maliliit na halaman ay wala sa sarili akong napalingon sa tumawag.

Nakangiti ito sa akin, pansin ko rin yung napakasayang ekspresyon niya.

Wala sa sarili narin tuloy akong napangiti, nandito na siya? Siya ba talaga 'to?


 "Seven? K-kamusta kana? I-ikaw naba talaga yan?" tuwang-tuwa kong sabi, hindi ako makapaniwala.

Hindi ito kumibo, tinitigan niya lang ako.. nakangiti, yung ngiting napakasarap pagmasdan.

Hanggang sa mabilisan ko na nga siyang nilapitan.

Nang magkaharap na kami ay saglit ko siyang pinagmasdan, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.. isa lang ang masasabi ko, napakasaya ko.

At sa niyakap ko na nga siya ng napakahigpit.

Isa..

Dalawa...

Tatlo....


Hanggang sa napakatagal ko na siyang yakap-yakap, namiss ko 'to.. yung pagyakap ko sakanya, yung init ng katawan niya, yung napakasarap na pakiramdam kapag yakap-yakap ko siya.

Kakawala na sana ako nang mapansin yung kaliwang kamay kong naka-kapit sa may likod niya.

Pula? D-dugo?

Hindi ko alam pero sadyang napakabilis na nag-init ang aking dibdib, natatakot ako, h-hindi ko alam kung bakit, bigla rin akong nanginig.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may parang kung anong bumagsak sa aking kanang balikat.

Na siya talagang mas lalo kong ikinatakot.

Isa..

Dalawa...

Tatlo....


Ilang segundo akong napatigil, nablangko..

Hindi ko alam kung ano ang gagawin, masyado akong natatakot..

Hanggang sa dahan-dahan kong itinataas ang aking kanang kamay upang kapain ang kung anong nakapatong sa aking balikat.. si.. si


 "Seven?" ang wala sa sarili kong nasabi.





Itutuloy



(
-Eros, -Tyler, -44, -Jex, -Angel, -NagtatagongGeo
 maraming salamat sa inyo, sa pagcomment niyo sa chapter13 :D

-GilrexL, -Marlon, -ReaganH, -Simba87, -MarkC, -JeffersonC, -khym213
 pati sa mga bagong pangalan.. natutuwa ako at nagkakaroon ng mga bagong commentators :)

 sana ay patuloy pang dumami ang mga bagong pangalan :]
)

Maraming Salamat sa pagbabasa :)) #Kashhhh

- Playful Jokes

9 comments:

  1. Mag-iingat po yung mga madadaanan ng bagyo. Keep on praying :)) Ingat guys! #Kashhh

    ReplyDelete
  2. Napaiyak nanaman ako :'( hayy may sakit pa pala si Seven. Kawawa naman si Kash! Pero alam kong gagaling pa si Seven para masaya na silang dalawa ni Kash! Team #KashVen yata 'to!!

    -44

    ReplyDelete
  3. Anong misteryo tong nangyari ke
    Seven. What's going to happen to him?
    Btw, sana walang masalanta sa bagyo. Kawawa naman.
    Thanks sa update. Take care.

    ReplyDelete
  4. Ang bigat nmn nang chapter na ito,,, so sad sumasabay kang #ruby... sana happy na sa next chapter,, tnx author...

    ReplyDelete
  5. .YES Nabasa rin haahaha. hintayin ko na lang yung kasunod.. pero pero
    hahhaa. ay bastat hintay na nga lang.. hindi dapat negative

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  6. Nosebled nga... nganga sobra akong nakarelate sa chApter na ito
    -Marlon

    ReplyDelete
  7. Hi sir author.. Ang cute po ng story.. Nyo.. ..malapit na po ba itong matapos?? - dave

    ReplyDelete
  8. Boss Prince Justin Dizon . Nakiki usap ako wag mo pong patayin ung character ni SEVEN... Happy ending dapat.. Kilig to the balls ako sa story mo..
    I'm newbie here.. Seven must still alive ha! Hehehe

    ReplyDelete
  9. Puro Iyakan na lang yung chapter na to... Parang napakababaw ng mga dahilan ng pag iyak nila. tas yung story line hindi maayos. parang andae bglang naganap. ambilis ng pacing ng istorya. author next time make it more detailed yung hindi kung saan saan napupunta yung takbo ng kaganapan ng bawat character



    --she

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails