Followers

Sunday, November 23, 2014

Playful Jokes -Chptr12



Athr'sNote-

Guys, sana hanggang sa huli ay nandyan parin kayo ah? Samahan natin si Kash, hanggang sa katapusan :))

Maraming Salamat sa lahat!

Birthday ni Rye? Kung oo, sige na lang.. Happy Birthday!, -Red :)) (napilitan) haha.

Guys, wag kayong magcomment or magpost sa RealAcc ko ng tungkol sa story, hindi po nila alam na bi ako. Wag po kayong maingay, hehe.


Add niyo na lang 'tong dummy acc ko.

https://m.facebook.com/edgard.lacxamana

Diyan tayo magkwentuhan, Salamat!

Happy reading :)


--



Point Of View

 - J a c o b -



 "Araaaaaaaayyy..."

Isang napakalakas na pagsigaw ang nagawa ko, nabigla kasi ako.

 "Kash naman eh, parang sinasadya mo na talaga yung pananakit sakin.. sinaktan mo na nga ako dati.." pasimpleng banat ko habang nakahawak sa may kaliwa kong tainga.

 "Diba sabi ko sa'yo, kapag ako ang nambutas niyan.. paiiyakin talaga kita." simangot naman niya. "Dali na, para tapos na." pagsusungit pa niya.

Kaya't muli akong pumikit at kumapit sa may binti niya.

Masakit kasi talaga eh. Akala ko easy easy lang, hindi pala.. tapos parang lalo pa akong pinapahirapan nitong balugang ito.

 "Tuloy mo na yung kwento mo.." biglang sabi naman niya.

Kinukwento ko kasi yung nangyari sa amin ni Marvs.

 "Yun nga, iniwan ko siya tapos.. ARRAAAAAAYYYY!"

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang muli akong mapasigaw.

 "Kash naman eh, masakit na talaga pramis." pagbubusit ko na.

 "Iniwan mo? Tanga ka talaga Jacob, ba't mo iniwan? Ay.." pag-iling pa niya.

 "Kash, ang sakit nung ginawa niya sa akin dati.. tapos ano? tapos masasaktan nanaman ako? ganun?" inis na sabi ko at pag-iwas ko pa ng tingin.

 "Hindi ba't ikaw na nga ang nagsabi na.. mahal mo parin siya? Diba narinig mo naman yung mga sinabi niya sa party? nasulyapan mo rin yung pag-iyak niya. Hindi paba sapat yun na patunay na talagang may dahilan siya?" seryosong sabi ni Kash.

Napatingin naman ako sakanya.

 "Natatakot ako eh, niloko niya ako. Tapos ngayon heto at bumalik siya, Kash ayoko na.. hindi mo alam, ay mali.. hindi niyo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko, Kash.. ang sakit, ang sakit sakit. Pakiramdam ko nun parang sirang-sira ako, yung pagkalalaki ko, yung sarili ko.. yung.."

Hindi ko na tinapos, kung iisa-isahin ko ay mapapahaba lang, ayaw ko ring umiyak, kagagaling ko lang sa pag-iyak kagabi bago ako matulog.h

 "Sorry." mahinang sabi niya. "Edi anong plano mo niyan?" dagdag pa niya at pag-akbay pa sa akin.

 "Ewan. Ang hirap eh, kung magtitiwala ba ako ulit o ano.." pag-iling ko pa.

 "Pero, napatawad mo naba siya?"

 "Hindi? Ewan?" mahinang sagot ko at pagharap ko pa sakanya.

Bakit ba kasi hindi na lang ako ang mahal ni Kash? May ideya na ako kung sino ang mahal niya, isa lang naman ang posibleng tao eh.

 "Jacob, sa sitwasyon mo ngayon.. dalawa lang yan eh. Ang mabuhay ka na puno ng sama ng loob, dahil hindi ka nagpatawad. O ang mabuhay ka ng panatag dahil nagpatawad ka." napakagaang sabi ni Kash.

Saglit akong napaisip sa sinabi ni Kash.

Mabuhay na puno ng sama ng loob? O mabuhay ng panatag dahil nagpatawad ka?

 "Marvs." wala sa sarili kong nasabi.

Dapat ko bang pagbigyan yung sa amin ni Marvs?

 "Jacob alam mo.. maswerte si Marvs, kasi.. nung bumalik siya rito ay may nabalikan siya, yung bang sa paglayo niya sa'yo at sa muling pagbalik niya.. nandyan ka parin."

Nakangiting sabi ni Kash, deretso lang ang tingin sa kung saan.

 "Kash, sa tingin mo.. dapat bang subukan ko ulit? kailangan ko bang sumugal ulit?" mahina at seryosong tanong ko kay Kash.

Marahan lang siyang tumango, nakangiti.. sa kung saan ang tingin.

 "Huwag mong sasayangin, Jacob. Ang pagkakataon.. hindi darating yan kung walang dahilan, kaya.. gawin mo na yung sa tingin mong dapat mong gawin." tonong pagmamalaki pa niya.

May problema ba si Kash? Bakit nasasabi niya ang mga ganitong bagay.

 "Tol, nandyan nanay ni Kash."

Agad na sabi ni Alex pagkapasok niya.

 "Si inay?" hindi makapaniwalang sabi ni Kash.

...


 "Oh tita, kayo po pala.." pagngiti ko pagkalabas ng bahay.

 "Mabuti at nakita ko 'tong bahay niyo.. pasensya na sa istorbo ah? tanong ko lang sana si Karlo, nakita niyo ba?" tanong niya.

Nakokonsensya ako sa pinapagawa ni Kash eh.

 "Ahm, hindi po eh. Bakit po ba? Umalis po ba siya bigla?" maang ko.

 "Ganun ba? Oo eh, hinahanap kasi siya ni Seven, yung amo ko. Paalis na kasi, biglaan." balik ng inay ni Kash.

 "Ah eh, pasensya na po.. hindi ko rin po alam eh.. gusto niyo po itext ko?" sabi ko at paglabas pa ng cellphone ko.

 "Ay hindi na.. ayos na.. hintayin na lang namin, baka pauwi na yun. Salamat Jacob ah?" agad na sabi ng inay ni Kash, napatango na lang ako.

 "Sige po, salamat din po." pilit na pagngiti ko.

At umalis na nga ang inay niya.

Nang mawala na ito sa aking paningin ay agad na akong pumasok.

 "Kash, ano yun?" agad na sabi ko pagkapasok.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Kash, tama na.." mahinang sabi ni Jacob at paghaplos-haplos pa sa likod ko.

Naikwento ko na sakanya, maging kina Vince at Alex.

Umiiyak nanaman ako.

Paalis na pala sila Seven, siguro'y natuloy nga yung sinasabi ng mommy ni Seven na baka mapaaga sila.

Maganda narin yun. Para matapos na ang lahat.

 "Kash wala akong masabi, ang hirap naman kasi ng ginawa mong desisyon." rinig kong sabi ni Vince.

 "Pasensya na ah? Kung nandito ako sa inyo, wala naman kasi akong malalapitan eh." pagtingin ko sakanila. "Nahihiya na nga ako sa inyo eh.." sabi ko pa saka na mabilisang pinunasan ang aking mga luha.

Tama na, napapadrama nanaman ako.

 "Wala yun, pwede ka naman magstay dito, kaibigan ka naman namin." biglang sabi ni Alex.

Napatingin naman ako kay Jacob na nasa tabi ko.

Nakatingin lang rin siya sa akin.

 "Ba't ka nakatingin?" pagngiti ko na at masiglang tono.

Tama na ang kadramahan.

 "Kash, sana mapatawad ka ni Seven. Parang ikaw rin lang niyan si Marvs." sabi niya, seryoso.


Katahimikan



Wala akong masabi.

Masama naba ako?

Saglit kong tinitigan sa mata si Jacob, seryoso nga siya sa sinabi niya.

 "Sana katulad mo rin si Seven, mukhang napatawad mo kasi si Marvs." seryosong sabi ko, pero nakangiti.

Siya naman ang tila walang nasabi. Umiba na ito ng tingin.

 "Hindi lahat katulad ko, siguro Kash kaya napatawad ko si Marvs ay dahil minahal ko talaga siya. Pero, hindi parin ako sigurado kung napatawad ko na nga ba siya." biglang sabi niya.


Muli, napaisip ako.

Kung mahal nga talaga ako ni Seven, maaaring mapatawad niya ako.

Pero kung ano man ang kahihinatnan ng gagawin ko, ay handa ako.


.....


After 15 days.


 "Grabe." manghang sabi ko habang hinihingal.

Alas-siete na ng gabi at heto at isa na kami sa mga may pang-paskong dekorasyon.

Katulad ng sinabi ko ay ako ang totoka sa mga halaman.

December 1. Unang gabi ng desyembre.

 "Karlo ang galing mo naman pala." sabi pa ng isa sa mga katulong.

Ngayon lahat kami ay nakatingin sa kabuuan ng bahay, mula sa labas.

Ang sarap sa paningin nitong mga gawa namin, kaninang hapon pa namin ito ginagawa at ngayon lang kami natapos.

Agad akong naupo sa may damuhan saka nilabas ang aking cellphone upang magtext.

Message: Good evening! December 1, unang araw na nagkaroon ng palamuti sa bahay ng aking mahal. Siguro'y mas magiging masaya ang gabi kung nariyan siya. Para sakanya 'to, itong gawa ko :))

Pagsend ko sa isang number.

Si yaya Cindy, isa sa mga katulong ng bahay. Binigyan niya ako ng number na kung saan malaya akong makapagsesend ng iba't-ibang klaseng mensahe.


(
flashback


 "Karlo, miss mo na si sir noh?"

Agad kong pinunasan ang aking mga luha nang marinig na may biglang nagsalita.

 "Ate Cindy kayo pala." pilit na pagngiti ko.

 "Sabi ni mam.. mga dalawang araw bago ang pasko ay narito na sila.. malapit na." sabi niya at pag-upo sa tabi ko.

Hindi ako makakibo, nahihiya kasi ako at nahuli niya akong umiiyak.

 "Kamusta na kaya si sir Seven? Nakakakita na kaya siya?" nakangiting sabi nito.

Napangiti narin ako.

Sa mga oras na ito, may paningin na kaya si Seven?


Katahimikan


 "Oh..."

Napatingin ako sa inabot niya.

Isang maliit na papel.

 "Ano 'to?" kunot ko.

 "Number yan." simpleng sabi niya.

 "Number?" naguguluhang tanong ko.

 "Bigay sa akin ni lola yan, mga kaedaran pa kita nun nang nagtetext ako sa number na yan.

 Sabi kasi ni lola, kung ano yung gusto mong sabihin, gusto mong i-share o kaya naman ay kapag gusto mong maglabas ng sama ng loob..

 Pwede mong gamitin yan. Pwede mong ilabas diyan lahat, pwede kang magdrama diyan at pwede mo ring i-share diyan yung mga bagay na nagpapasaya sa'yo.

Yang labing-isang numero na yan, pwede mo raw maging kaibigan.

 Ganun lang kasimple, basta magtext ka lang ng magtext hanggang gusto ko."

Napakahabang sabi ni yaya Cindy.

Napakunot naman ako.

 "Ano yun? May makakareceive ba sa mga itetext ko?" agad na tanong ko.

 "Wala eh, basta yan lang ang hula ni lola.. si lola ko kasi ay mahilig manghula.. tapos raw swerte yang labing-isang numero na yan.. kaya ayan ginawa niyang parang numero.. nasakto pang 0905...." nakangiting sabi ni yaya Cindy.

Naguguluhan man ay patango-tango ko paring kinuha yung papel, naniniwala ako sa mga hula-hula kaya naman mukhang magandang bagay ito.

end
)

 "Kakain na, dali masarap ang ulam!.." rinig kong sigaw pa ng isang katulong.

At nagsipasok na nga kami.

Nang nasa hapag na kaming lahat ay kitang-kita ko ang saya sa mukha ng bawat isa.

Magpapasko na nga, napakasarap talaga na marami kayong naghihintay.. na pamilya kayo.

 "Paniguradong matutuwa niyan ang mga amo natin pagkauwi nila, sana'y magustuhan nila ang ating gawa." rinig kong sabi ng isa sa mga katulong.

Si inay naman, abala sa pag-aasikaso sa lahat.. lalo na sa dalawang bata.

Habang kumakain ay muli kong naalala yung number na ibinigay sa akin ni yaya Cindy.

Ilang araw na rin ang nakalilipas nang ibigay niya iyon at hindi narin mabilang ang mga mensaheng ipinadala ko sa numerong iyon.

Mula sa masasayang bagay na nakikita ko, nakuha ko ring magkwento roon tungkol sa mga problema ko.. at syempre, doon narin ako humingi ng tawad patungkol sa nagawa ko kay Seven.

Sabi ni yaya Cindy na kahit ano raw ay pwede kong sabihin doon, kaya naman talagang ginawa ko na nga.. parang isang kaibigan na masasandalan na nga rin ang maituturing ko sa labing-isang numerong iyon.


 "Sayang wala si sir Seven, paborito pa naman niya ang mga ito."

Wala sa sarili akong napa-angat ng tingin sa narinig.

Si yaya Cindy pala ang nagsalita.

 "Lalo na 'tong pinakbet.. paboritong-paborito niya, sobra." pagngiti ko habang paturo-turo pa sa gulay.

Miss ko na talaga siya.. masakit man sa akin ay nakapagdesisyon na ako.

Hindi ako papakilala sakanya, iiwasan kong marinig niya ang boses ko, iiwasan ko siya, kung maaari ay dadalasan ko ang paglagi kila Jacob makalayo lang kay Seven.

......


 "Tenten.. Chan, matulog na.. magpahinga na kayo." pagpansin ko sa dalawa nang makapasok sa kwarto namin.

Sa amin natutulog si Chan, habang wala sila mommy niya.

 "Good night po kuya.."

Sabi pa ng dalawa at sumunod na nga sa sinabi ko.
Katabi nanaman nila yung mga robot nila. Mga bata talaga.

Pagkahiga ko sa kama ay tila kusa nang nangibabaw ang katahimikan.


Message: Naiiyak nanaman ako :( Miss ko na yung taong mahal na mahal ko.

Pagtext ko sa numero.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na muli.. tahimik na umiiyak.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Ilang araw na rin ang nakalilipas at heto at Desyembre na nga.

Kasabay noon ay.. ilang araw naring hindi nagpaparamdam sa amin si Kash, though nakakakwentuhan ko parin siya sa text.

Naaawa ako kay Kash, kapag minsan na napadadaan kami sa harap ng bahay nila ay nakikita namin siyang naka-upo lang sa napakalawak na damuhan at nakatingin lang sa kung saan.

Mas pinili rin naming tatlo na huwag na muna siyang lapitan, marahil ay gusto niya talaga ng katahimikan.

 "Jacob, nagtext si Ivan." rinig kong sabi ni Alex.

Napatingin ako kagad sakanya.

 "Ano daw?" agad na pagtayo ko.

 "As usual, sinusumbong nanaman niya sa'yo si Marvs.. nasa bar nanaman." simpleng sabi ni Vince.

At sa napatakbo na nga ako palabas ng bahay, at tuloy-tuloy nang tumakbo pasakayan.

...

Nang makarating ako sa harap ng bar na laging pinupuntahan ni Marvs kapag naglalasing siya ay saglit akong bumulong na sana'y makinig siya sa akin.

Taranta akong tumakbo papasok sa loob. Ako kasi ang rason ng paglalasing ni Marvs.

Ilang beses na itong nangyari, ilang beses ko na siyang pinuntahan rito at hinila papauwi.

 "Marvs." agad na nasabi ko nang makita siya sakanyang pwesto, alak nanaman talaga.

Habang papalapit ay napa-iling na lang ako.. base sa nakikita ko.. lasing na siya kaagad.


Hindi naman kasi talaga umiinom 'to eh.. nung magbestfriend pa kami.. ayaw na ayaw niya ang alak.


 "Tama na." medyo matigas kong sabi sa gumagawa ng alak nang aabutan na sana nito ng alak si Marvs.

Agad ko nang hinila palabas si Marvs, pwersahan.

Kung titignan ngayon, kami lang ang bata sa loob ng bar.

Hindi na ako magtataka kung bakit siya lagi ang pinagtitinginan sa loob.

 "Kaw nanaman.." biglang sabi ni Marvs nang saktong makalabas na kami.

 "Marvs bakit ba kasi naglalasing ka? Hindi ka naman umiinom dati ah?" agad na sabi ko pagkaharap ko sakanya.

 "Paki mo ba?" agad rin na sabi niya, ekspresyong naiinis.


Speechless



Nang titigan niya ako'y agad akong nag-iwas. Wala.. talo nanaman ako.

 "Marvs uwi kana, magpahinga kana." sabi ko.

 "Coby.."

Muli akong napatingin sakanya sa kanyang sinabi, nag-iba narin ang kanyang tono.

Coby, yan ang tawag niya sa akin noong magbestfriend pa kami.

 "Bakit ganyan ka? Pinapahirapan mo lang ako lalo sa ginagawa mo eh, hindi ko alam kung concern kaba kaya mo ginagawa 'to o pinagtitripan mo lang talaga ako." sunud-sunod na sabi niya.

Mas lalo akong nahirapan sapagka't habang nagsasalita ito'y umiiyak siya.

Ang daming nakatingin sa amin, hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Mahal ko parin si Marvs eh, kaya ako'y narito dahil mahal ko siya.. dahil ayaw ko siyang mapahamak.

Pero, hindi ko maipakita dahil sa nahihiya akong aminin sa sarili ko at lalong-lalo na sakanya na gusto ko siyang bumalik sa akin, na gusto ko na magkaroon ulit ng kami.. matapos ko siyang itaboy.

 "Coby ano? Hindi ka nanaman magsasalita?" muling pagsasalita niya at paghawak sa magkabilang balikat ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit na malaman na may iba kana? Na akala ko, pagbalik ko ay ako parin?"

Nguni't hindi parin ako nakapagsalita, tanging nagawa ko ay ang yumuko.

Saglit na namayani ang katahimikan. Wala, wala akong masabi, hindi ko rin magawang tignan siya.. ng deretso.

 "Yan tayo eh."

Rinig kong sabi niya at hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na nakatayong mag-isa.

Iniwan niya ako.

Iyak, umiiyak? Yan ata ako ngayon?


-----



Point Of View

 - K a s h -



Naputol ako sa pagdadrama nang biglang tumunog yung cellphone ko.

Napailing pa ako, nagdadrama ako eh tapos may iistorbo.

Message: Kash? Gising kapa? Samahan naman oh? :(

Agad akong napatayo sa nabasa.


......


Nang maitext sa akin ni Jacob kung nasaan siya ay agad na nga akong umalis ng bahay, hindi narin ako nakapagpaalam.

Astro, narito ako ngayon sa park. Naglalakad ng mabilis, tumatakbo.

Hindi kasi niya sinabi kung nasaan siya banda eh, kaya heto at hinahanap ko siya.

Hanggang sa may napansin akong tao sa may mga magkakasunod na bench, gawa sa bato.

Nang mapansing naninigarilyo ang taong nakikita ko ay tumakbo na nga ako, siya na nga.. panigurado.

Nang medyo makalapit na ako'y tumigil na ako sa pagtakbo, pansin ko na may mga bote pa ng alak.

 "Kulang paba? Gusto mo ibili pa kita?" agad na sabi ko nang tuluyan na akong makalapit sakanya, tumabi narin ako sakanya.

Nakatingin lang ako sakanya at dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin, paharap sa akin.

Namumula, galing sa pag-iyak, bagsak na ekspresyon.. 

Napa-iling na lang ako saka siya marahang niyakap.

 "Galit nanaman siya sa akin." rinig kong sabi niya.

At yun na nga, muli.. umiiyak nanaman siya.

 "Tanga mo naman kasi eh." inis na sabi ko at pagharap sakanya. "Ayusin mo nga sarili mo. Jacob." agad na sabi ko at paghawak pa sa magkabilang braso niya.

 "Pati ba ikaw galit sa akin?" sabi naman niya.

 "Alam mo base sa mga kinukwento mo, ikaw talaga yung tanga." balik ko.

 "Kash naman.." mahinang sabi niya.

 "Ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan kung bakit siya nagagalit sa'yo eh. Bakit ba kasi mas pinapairal mo pa yung dati.. ba't hindi mo asikasuhin yung sa ngayon?" sabi ko na parang bang may pilit na ipinapa-intindi sakanya.

 "Natatakot kasi ako na baka.."

 "Jacob tumigil ka nga. Naririnig mo ba mga sinasabi mo?" agad na pagputol ko sa mga sinasabi niya.

 "Hindi niyo kasi ako maintindihan Kash eh, hindi.." medyo napalakas na niyang sabi.

 "G-gusto ko na ngang bumalik kami sa dati eh, gustong-gusto ko na." sabi pa niya, naaawa talaga ako sa kanya ngayon, lalo pa't umiiyak siya ngayon at halatang hirap na hirap na.

 "Kung talagang gusto mong bumalik kayo sa dati, gawin mo na yung dapat mong gawin.. kumbaga sa outing ng barkada, ikaw na lang yung kulang. At dahil wala ka.. hindi sila matuloy-tuloy, walang nangyayari." sabi ko habang hawak parin yung magkabilang braso niya.

 "Jacob, makinig ka.. kung gusto mo talagang maayos pa kayo nung Marvs na sinasabi mo, kausapin mo na siya." seryoso kong sabi.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na tila napaisip dahil sa mga sinabi ko.

 "Paano kung siya naman ang hindi maniwala sa akin?" tanong na niya.

Paano nga ba?

 "Pakita mong seryoso ka?.. Iparamdam mo sa yakap?.. Hawakan mo yung kamay?.. Huwag mo nang pakawalan pa?" alanganin kong sabi habang,. na tila pati ako'y napapaisip at hindi alam kung paano nga ba.

Saglit na namayani ang katahimikan, mukhang napapaisip siya.

Natutuwa rin ako't tumigil narin siya sa pag-iyak, kumbaga'y parang napasnawan na siya.

 "Bestfriends kayo dati diba? Tapos parang lovers pa?" natatawa ko nang sabi, sa wakas.. mukhang wala na ang madramang atmospera.

Tumango naman siya.

Mukhang nakapagdesisyon na siya at mukhang handa na siyang ayusin yung problema niya.

Sa ngayon, kailangan na muna niyang magpahinga. Umuwi at matulog. Nang sa gayon, mas lalo pa siyang maging handa.

 "Trust me, hindi ka mahihirapan.. hindi kayo mahihirapan, pramis." tonong paninigurado ko at medyo lumalayo na sakanya ng konti, dahan-dahan.

May naiisip akong magandang paraan para maka-uwi na siya.

Hanggang sa dahan-dahan kong inilalapit ang aking daliri sa may kamay niya at..


 "KAAAASSSSSSSHHHHH!!"

Isang napakalakas na pagsigaw ang aking narinig habang ako'y mabilis na tumatakbo.

Pinitik ko lang naman yung daliri niya, kaya ayan at parang may isang loud speaker na sumabog.

Habang patakbo'y saglit akong humarap sa gawi niya.

 "Uwi na tayo!! Kailangan mo nang magpahinga para kapag kakausapin mo siya bukas, fully-charged ka." pagsigaw ko rin at pagtuloy na sa pagtakbo.

Maya-maya'y..

 "Kash! Salamat!" rinig kong pagsigaw pa niya na nagpangiti sa akin.

Tinaas ko na lang yung isang kamay ko bilang pagtugon.

Mukhang nawala pagkalasing niya ah? Haha.

.....

 "Basta yung mga sinabi ko ah? Kung maaari, halikan mo kagad." pagtawa ko.

 "Ge ge, salamat ulit Kash." ngiti niya, tumango lang ako.

 "Ingat." pagpapaalam ko narin at pagpasok na sa loob.

Habang naglalakad papasok ay agad ko nang kinuha ang aking cellphone.

Message: Yung malungkot kong gabi'y naging masaya dahil sa isang kaibigan. Maswerte talaga ako sakanya, kay Jacob.

Nakangiting pagsend ko sa message na aking ginawa.

Message: Goodnight labing-isang numero :))

Pagtext ko pa ulit.



.....


Kinabukasan, 3:00pm


Nagising ako dahil sa mga kwentuhang aking naririnig.

Pagkatapos ko nga palang maglinis matapos kaming kumain ng tanghalian kanina ay nakatulog ako.

At heto at alas-tres na ng hapon.

Medyo maingay sa labas, pero natutunugan ko sila ng kasiyahan.

Pagkatayo ko'y agad akong sumilip sa may pintuan.

Binuksan ko ito ng konti at..

 "Sino sila?" wala sa sarili kong nasabi.

At sa nagulat na lang ako nang biglang dumating si inay.

 "Gising kana pala anak, tara't tulungan mo ako sa labas." masayang sabi ni inay, napakunot naman ako.

Ano bang meron?

 "Nay sino sila?" tanong ko kagad nang muling malingunan yung mga tao sa labas.

May mga itsurang sadyang mayayaman, may mga kaedaran rin ako.

 "Mga pinsan ni Seven yan, tapos yung iba mga tito't tita niya." balik ni inay.

Napatango-tango na lang ako.  Buti at narito sila?

 "Magpapasko kaya ayan at narito sila, hanggang pasko sila dito." sabi pa ni inay.

Masaya nga talaga ang pamilya nila, magkakasundo at masayahin pa. Hindi ko lang maintindihan yung lola ni Seven, sa side ng daddy niya.

 "Maghilamos kana tapos tulungan mo ako sa labas na asikasuhin sila. Huwag kang mag-alala, mababait mga yan." sabi pa ni inay at lumabas na nga ito.

.....

 "Good afternoon po.." ngiti ko nang makasalubong yung isang babae, tita niya panigurado, nakatingin kasi sa akin kaya binati ko na.

Nang ipagpatuloy ko ang paglalakad patungo kusina ay halos gusto ko na lang na mag-invisible.

Bakit ba kasi nila ako pinagtitinginan?

 "Kash."

Napatigil ako nang marinig ang aking pangalan, kilala nila ako?

Nilingon ko yung gawi ng tumawag.

Nakita ko naman na kausap nila si yaya Cindy, baka nabanggit lang siguro ni yaya Cindy yung pangalan ko.

 "Ikaw pala si Kash?" sabi naman nung isang babae.

Tumango at ngumiti lang ako, nakakahiya eh.. ang puputi nilang magpipinsan, baka ipatapon nila ako.

At muli na akong naglakad patungo sa kusina.

Nakita ko rin yung mga pinsang lalaki ni Seven, mga sadyang may ipagmalalaki silang lahat.

Pero! Si Seven parin ang dabest para sa akin :))

Wala sa sarili akong napangiti nang makita yung mga pagkaing nakahanda sa may kusina, parang gumaan bigla yung pakiramdam ko.

 "Nay, paborito po ito lahat ni Seven ah?" nakangiti ko pang sabi.

 "Pauwi na kasi sila."

Napatigil ako sa narinig, parang may tila kuryenteng nagpanginig at nagpakilabot sa akin.

(Senya na, kabaduyan yung eksplanasyon ko. Haha)

Bigla ata akong pinagpawisan sa narinig? Yung malamig? Yung bang alam mong ang init-init ng kaloob-looban mo pero ramdam mo na nanlalamig ka?

 "Pauwi na po?" agad na tanong ko sa isang katulong.

 "Kanina pa umalis yung driver kaya panigurado na nasa byahe na niyan sila pauwi rito." sagot ng isa pang katulong.

Teka.. teka..

H-hindi ko alam kung paano magre-react. Ang gulo, n-naguguluhan ako. Pauwi na sila? Si Seven?

 "Oh ba't ganyan ekspresyon mo? Pinagpapawisan ka?"

Agad akong napa-iling nang magsalita si inay.

 "Bakit Kash? Hindi kaba natutuwa? Close kayo ni sir diba?"

Napatingin ako sa isa pang nagsalita, si yaya Cindy at kasama niya yung isang pinsan ni Seven, yung kanina.

Napa..

 "H-huh?" wala sa sarili kong nasabi.

Katahimikan? Yan ata ang kasalukuyang nangingibabaw, silang lahat ay nakatingin lang sa akin na tila naghihintay ng sagot ko.

 "Nandyan na sila!!!"

Lahat kami'y napatingin sa gawi ng sumigaw.

At sa nakita ko na lang silang lahat na nagsitungo sa may labasan.

 "Bago umalis yang kaibigan mo ay ikaw ang hinahanap.. kaya't paniguradong ikaw pa rin ang hinahanap niyan ngayong nakabalik na siya."

Napatingin ako kay inay nang magsalita siya, tinapik-tapik pa niya ang aking balikat.

Hindi ko alam pero parang may ideya siya sa tungkol sa amin ni Seven.

 "Nay, pasok po muna ako sa kwarto." sabi ko, tumango naman siya at patakbo na akong pumunta sa kwarto.

Hindi ko talaga alam ang gagawin. Natatakot ako.

Miss na miss ko na si Seven. Gusto ko nga siyang makita eh, kaso baka dahil sa ginawa ko dati ay hindi na niya ako gustong makita pa.

 "Seven.. Seven..." hindi mapakaling sabi ko.

Hindi ko alam kung uupo o tatayo ba ako.

At sa nakita ko ang aking cellphone.

Message: Alam mo ba yung kinukwento kong taong mahal ko? Nandyan siya, bumalik na siya. Anong gagawin ko? Magpapakita ba ako? Magpapakilala ba ako?

Pagtext at pagkausap ko muli sa labing-isang numero na binigay ni yaya Cindy.


Hanggang sa napatigil na lang ako nang biglang mawala yung ingay na nagmumula sa labas.

Anong nangyari? Tila napakatahimik ata bigla?

At dahil sa naku-curious ako'y dahan-dahan kong binuksan yung pinto sakto para makasilip.

Nang makita na kung ano ang nangyayari ay tila kusang bumagsak ang aking mga luha.

Nakita ko kasing may mga umiiyak sa mga pinsan ni Seven, hindi ko alam kung bakit at hanggang sa napansin ko na lang na inaalalayan ni tita Myrna si Seven.

Ibig lang sabihin ay..

 "Seven." wala sa sarili kong nasabi at mas lalo pa akong napaiyak.

Hindi parin siya nakakakita, ganun parin at inaaalalayan parin siya.

At sa nakita ko na lang ang sariling nakadapa sa higaan at patuloy lang sa pag-iyak.

Bilang taong nagmamahal kay Seven, ang sakit.. ang sakit malaman na hindi natupad yung pangarap ng taong mahal mo.

.....


..


Pagkalingon ko sa kabilang higaan ay wala sa sarili akong napabalikwas.

 "Nakatulog pala ako." ang nasabi ko.

Nakita ko ring tulog na ang dalawang bata.

Tumingin ako sa may orasan, alas-diyes na pala ng gabi.

 "Seven." ang nasabi ko pa nang maalalang nariyan na nga pala siya.

Muli rin akong nalungkot dahil hindi parin nga pala nakakakita si Seven.

Saglit akong naghilamos bago lumabas.

Pagkalabas ko'y naisip ko na baka tulog na ang mga pinsan ni Seven, ang tahimik kasi eh, siguro'y napagod.

Agad akong pumunta ng kusina, doon lang naman kasi si inay panigurado.

 "Nay pasensya na nakatulog ako." agad na sabi ko pagkalapit.

 "Hindi na kita ginising nung kakain na, mukha kasing pagod na pagod yung itsura mo kaninang nakita kitang natutulog." balik ni inay, nahiya tuloy ako.

 "Osiya kumain kana diyan." sabi pa ni inay.

 "Maya na po." balik ko.

At naglakad ako patungo sa ref.

 "Nay kamusta po si Seven?" nasabi ko na lang habang kumukuha ng tubig.

 "Ayun, tahimik lang siya kanina. Kawawa nga yung batang yun eh, mukhang nagkaproblema pa sila sa ibang bansa."

Rinig kong sabi ni inay, nalungkot nanaman ako.

Gustong-gusto ko na siyang puntahan, kausapin, yakapin. Pero, nahihiya ako sakanya, dahil sa ginawa ko.

At sa nakita ko na lang ang sariling naglalakad palabas, mukhang kailangan ko nanaman ang malawak na damuhan at maliliit na halaman para damayan ako, naiiyak nanaman kasi ako.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng bahay ay may napansin na kaagad akong naka-upo sa may damuhan.

 "Seven?" ang wala sa sarili kong nasabi.

Agad na nag-init ang aking dibdib sa nerbyos, gusto ko siyang lapitan at yakapin pero.. pero natatakot ako, anong sasabihin ko?



Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na dahan-dahang naglalakad papalapit sakanya.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili na lumuha, naglalakad.. dahan-dahan, umiiyak.. habang sakanya lang ang atensyon.

 "Seven sorry.. sorry."

Ang paulit-ulit na pagbulong ko mula sa aking isipan.

Napakatahimik.

At nang makalapit na ako sakanya'y napatigil ako sa paglalakad at napapikit.

Bakit ba kasi hindi ko siya magawang yakapin? Gustong-gusto ko na talaga eh, b-bakit ko ba kasi siya iniwan? Bakit ba kasi hindi ko pinilit ang sarili na huwag makinig sa lola niya at sana'y nakasama ko pa siya bago sila umalis?

At sana'y ngayon.. hindi ako nagkakasya sa ganitong patagong paglapit sakanya.

Ngayon ay kaharap ko siya, ilang hakbang na lang ay tuluyan ko na siyang mayayakap.

Ang sama ko, ang sama-sama ko.

Lagi kong ipinagdarasal na sana'y walang magsamantala sakanya gayong hindi siya nakakakita.. na sana'y walang mang-aabuso sakanya.. na sana'y walang manloloko sakanya.. na sana'y hindi gagamitin yung diperensya niya ng mga taong sarili lang ang iniisip.

Pero..

Pero eto ako ngayon, heto at patago siyang pinagmamasdan. Ginagamit ang pagkakataong hindi siya nakakakita, para lang malaya siyang mapagmasdan.. na kung tutuusin ay hindi dapat, na kung saan ay nagiging mapagsamantala narin ako, katulad ng iba.

Ang sama ko. Ang sama-sama ko.

 "Seven."

Sabi ko mula sa aking isipan.

 "I love you." bulong ko pa.


-----



Point Of View

 - Third Person's -



Tila isang napakatahimik na atmospera ang sa kasalukuyang pumapagitna sa dalawa.

Tahimik, napakatahimik.

Hindi na sinayang ni Kash ang pagkakataon at dahan-dahan pa siyang lumapit kay Seven, siyang paglapit niya ay siyang mas lalo pang pag-iyak niya.

Isang napakatahimik na pag-iyak ang ginagawa ni Kash, ngayon ay ang mahagkan si Seven ang tanging bagay na gusto niyang gawin.

Katulad ng dati, tila isang normal na taong nakakakita si Seven, dahil sa ngayon ay parang magkatitigan ang dalawa, si Kash at si Seven.

Nagulat na lang si Kash nang makita ang marahang pagbagsak ng iilang butil ng luha mula sa mga mata ng taong kaharap niya.

At ang sumunod na nangyari ay ang siya talagang nagpatigil sakanya.

 "Tititigan mo na lang ba ako? Hindi mo man lang ba ako yayakapin? gaya ng gusto kong gawin ngayon?"




Itutuloy


Feel free to comment.
Hihintayin ko mga comment niyo :))



- Playful Jokes

18 comments:

  1. Ahhhhhhhh nakakita naba sa seven... na excite aku se next chapter....

    ReplyDelete
  2. Waaaaaaa nakakakita na pala
    -Marlon

    ReplyDelete
  3. At last! Tanggap ko na at natutunan ko nang mahalin ang aking sarili haha. Para sakin si Jacob haha. Happy ako for Karlo at Seven. Sana bumalik na talaga vision ni Seven pra perfect na. :D

    PS: seenzoned T_T

    Marvs

    ReplyDelete
  4. yie yie yie yie ahahahaha.. kinikilig ako para sa #KashVen..
    wala muna sanang panira ng moment. kuya dahil dyan lilibre kita ng putubumbong
    sa may tabi ng museo HAHAHAHA

    nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  5. Naks. Kakakilig. Galing. Sabi na nga ba. Plano lahat yun. Nakakakita na talaga si Seven. Gusto kong maimagine hitsura ni Seven. Kaka excite ang sunod na chapter. Thanks mr. Author.

    -tyler

    ReplyDelete
  6. Galinh galinh talaga ni author. Ang galing mangbitin. Cant wait for the nrxt chapter to be released.

    Reagan hambog of ilocos sur

    ReplyDelete
  7. Nakapangigil ang scene na to. Salamat sa update. Take care

    ReplyDelete
  8. Wah!! Bitin!! Ultra kilig!
    _eros

    ReplyDelete
  9. Ang bilis nmn ng pgbalik nila seven......next chapter na ulit author.....

    Sorry po pla sa pag msg ko sa account mo

    Jharz05

    ReplyDelete
  10. First time to comment sa story na 'to. I particularly like the ending of this chapter. Keep it up, Mr. Author - simba87

    ReplyDelete
  11. AYIIEEEEHHH #KASHVEN FOREVER!!!

    NAKAKAKITA NA SI SEVEN!!! HUWAAAAWWW! BUSET, UPDATE NA AGAD AWTOR!!! BUTI NLNG MAGNDA TONG UPDATE NATO NAWALA PAGKA ASAR KO SAYO!!! AYIEEH SALAMAT DITO AHH!!! YIEEE.. SEVEN DAMOVES OH!!!
    KAY HAKOB NAMAN!!! GO GO GO GO NA KAY MARVS PLS... ANG KYUT2 NIONG DLWA SARAP NIO NG UNTUGIN!! TSSSK, ANG GONDO NG UPDATE.. KINILIG AKO DUN SA KASHVEN SCENE, YIEEEEEE!!!



    -Jex

    ReplyDelete
  12. OMG nakakakita na si Seven!!!!! Ngayon palang kinikilig na ako sa next chapter. Haha sana madaming #KashVen moments sa next chapter. Can't wait!!

    -44

    ReplyDelete
  13. Naku Kash lagot ka! Saka author ilang chapters pa to?

    ReplyDelete
  14. waaaaaaaa!! ang saya naman nito. halo-halo ang emotions! medyo exciting ang next chapter aah! good job mr author!

    ReplyDelete
  15. Kakakilig ang last part tsaka damang.dama ko talaga yung emosyon nilang dalawa,,, sana may update na...

    ReplyDelete
  16. Kilig to the bone sabi,
     "Tititigan mo na lang ba ako? Hindi mo man lang ba ako yayakapin? gaya ng gusto kong gawin ngayon?"

    -mark

    ReplyDelete
  17. wahhhhhhhhhhh nakaka-kilig! i love you mr.author !

    ReplyDelete
  18. Bambarabambambam!
    Gulantang much si Kash :D

    - Lee Shi Hae

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails