Followers

Monday, November 10, 2014

Playful Jokes -Chptr10



Athr'sNote-

Guys, maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pag-iwan ng mga comments :))

(
-Eros, huwag gawin ang alin? :)
-44, don't worry.. bibilisan naman natin ang mga pangyayari.
-nagtatagongGeo, so you're from HAU, tsktsk.. maputi ka noh? mga tisoy at tisay nandun eh.. haha.
-AlfredTO, huwag po kayong mag-alala, kahit gaano kabigat problema ko ay hindi ako nagpapadala sa mga masasamang bagay, haha, salamat po.
-Jhay05, nakasave na number mo :)) minsan baka bigla kitang matext, be ready haha.
-Marvs, goodluck talaga sa #JaSh mo :))
-Tiunggo, speechless. Hehe.
-Tyler, be ready :))
-

Guys, huwag papalito sa mga dadaang eksena ha?
)


Sa mga may ideya na sa mga pwedeng mangyari, isa lang ang masasabi ko.

 "Basta maniwala lang kayo sa salitang "Hindi kapanipaniwala." :))

Kaya guys, be ready!


Happy reading :))



--


Point Of View

 - K a s h -



 "Kaarawan mo nun nang mangyari ang tagpong iyon."

Halos wala akong masabi o reaksyon sa mga sinabi ni itay.

Kaarawan ko, yun pala ang araw kung saan namatay si lolo.

Abala daw ang lahat sa paghahanda, si itay at si inay ay abala naman sa pagbibihis sa akin sa kwarto namin nang may narinig silang ingay sa labas.

Lalabas na sana raw si itay nang harangin siya ni lolo at sinabihan raw siya na huwag daw niya kaming iiwanan ni inay sa loob ng kwarto.

 "LUCIO..!!" ang sigaw raw na nagpatigil sa lahat ng taong nasa loob ng bahay.

(
flashback

Point Of View

 - M a r i a - (Kash's 'Lola)



 "Lucio, anong nangyayari?" tarantang tanong ko sa aking asawa.

 "Mga matatakaw talaga sa kayaman." nahihirapan niyang sabi habang nakatingin lang sa mga taong kasalukuyang naglalakad papunta sa amin.

Mahina na ang asawa ko, may dinaramdam na ito na talaga namang nagpapahina sakanya.

 "Maria, magtago kana. Ako na ang bahala sakanila, sasabihan ko na rin si Gabbo na huwag hahayaang makalabas ang asawa't anak niya."

Dala ng takot at pagkagulo, ay nakuha ko pang mablanko at maglipat-lipat ng tingin. Mula sa kwarto kung nasaan ang aking anak at apo, sa aking asawa at sa mga taong papalapit sa amin, dahan-dahan.

Ang aming mga kasambahay, nagkakagulo narin. Pilit nila kaming itinatago mula sa mga papalapit. Ganito kami kamahal, ng aming mga kasama sa bahay.

 "Paparating na ang mga pulis, huwag kang mag-alala."

Rinig kong sabi pa ng aking asawa at agad na nga akong nagtago at agad ring tinungo ng asawa ko ang kwarto kung nasaan sila Malia at apo ko.

Hanggang sa narinig ko na lang na nagkakagulo na, sigawan.

Tama, hindi ko kayang manuod lang, hindi ko kayang hayaan na mamatay o mabugbog ang aming mga katiwala sa bahay.

Hanggang sa nakita ko na lang na mismong mga babaeng kasambahay namin ay hindi nila pinalagpas, ang aming mga guwardya sa bahay ay ngayon at nakahilatay.

Nang makita kong papalapit na ang mga masasamang tao sa aking asawa ay wala sa sarili akong napatakbo sa gawi ng aming guwardya.

 "Ma'am.. p-patawad po, h-hindi ko kayo naipagtanggol ni sir Lucio...."

 "Asan ang baril mo, asan?" agad na pagputol ko sa sinasabi niya, maski ako'y hindi na napigilan ang pag-iyak.

Pagkakuha ko sa baril ay agad kong tinignan ang mga taong nanloob. Papalapit na sila sa asawa ko na nasa harapan na ng kwarto nila Malia.

Hanggang sa..

 "LUCIO..!!!" napakalakas na pagsigaw ko at pagbaril ko sa aking asawa.

Halos nanlambot ako sa aking ginawa, tila isang napakalakas na katahimikan ang nangibabaw sa loob ng bahay matapos ng aking ginawa.

Nanghihina, nanlalambot, natulala... yan ang resulta ko sa aking ginawa.


end
)

 "B-ba't po binaril ni lola si lolo?" naguguluhang tanong ko.

 "Nakita kasi ng lola mo na sasaksakin na ng mga nanloob si lolo mo, maging ako'y nakita ko iyon at nasa punto na ako kung saan haharangin ko na ang nagbabalak na patayin ang lolo mo nang makarinig kami ng isang napakalakas na sigaw at kasunod nun ay ang pagputok ng baril.. na hawak pala ng lola mo."

Bawat salitang binibitawan ni itay ay talagang tumatatak sa akin. Naguguluhan kasi ako, at ang gusto kong marinig ay ang rason ni lola kung bakit niya binaril si lolo.

 "Bakit niya po raw binaril si lolo? Anong rason niya?" naitanong ko na lang.

 "Nung makikita na raw kasi ni lola mo na sasaksakin na si lolo mo.. ay agad na niyang binaril ang lolo mo. Alam mo ba kung bakit?"

Sabi niya at nanatili lang akong nakatingin sakanya, naghihintay ng sagot.

 "Kaya raw ginawa ng lola mo iyon ay dahil sa gusto niya raw mabigyan ng hustisya ang magiging pagkamatay ng lolo mo. Kung yung mga taong nanloob raw ang gagawa nun, hindi daw sapat ang hustisyang maibibigay nila. At kung siya naman, handa raw siyang makulong habang-buhay at i-alay ang sarili.. mapagbayaran at mabigyan lang ng sapat na hustisya ang pagkamatay ng lolo mo."

Naguluhan man ng konti, napatango na lang ako. Nakuha ko yung nais ipunto ni itay.

(
Athr'sNote-

Guys, nakuha niyo ba yung rason ng lola ni Kash? Pasensya na, magulo talaga ako magsulat eh.. haha.

)

 "P-pero kayo po? Paano po kayo nakulong? A-anong nangyari?" malungkot kong tanong kay itay, halos sampung taon na kasi siyang nagtitiis rito.

 "Ako ang umako." simpeng sabi niya.

 "Akala ko po ba si lola? At nasan po si lola?" agad na reaksyon ko.

 "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iyo ito. Masyadong magulo ang mga nangyari Karlo anak, siguro.. si lola mo ang makasasagot niyan." seryosong sabi ni itay.

 "B-bakit po? Asan po ba si lola?" tanong ko, umiling lang si itay.

 "Hindi namin alam ng inay mo, walang nakakaalam."

Sa sinabing iyon ni itay ay muli.. napaiyak nanaman ako.

Nasaan si lola? Kamusta na siya? Si inay, hindi ba niya hinahanap si lola?

Ang gulo. Ang gulo-gulo. Masayahin kaming pinalaki ni inay, nguni't heto pala at masyadong nakakatakot at trahedya talaga ang nangyari sa aming pamilya.

Siguro'y, pinipilitan nalang ngumiti ni inay, para maitago ang sakit na nararamdaman niya lalo pa't nasa kulungan si itay.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Halos isang oras na ang nakalilipas at sa wakas ay nakita ko narin si Kash, palabas.. naglalakad papalapit sa akin.

 "Nakangiti?" agad na sabi ko nang makalapit siya.

Akala ko pa naman umiiyak na siya paglabas niya, inihanda ko na pamo yung dibdib ko para pag-iyakan niya.

 "Iba pala talaga kapag nalaman natin ang katotohanan mula sa nakikita o naiisip natin." tonong kagalakan at pagkaproud niya.

 "Talaga lang ah?" nasabi ko na lang.

Mukhang natatamaan ako? Ewan?

Hanggang sa..

 "Teka, ba't may ganun pa? Ayos nga ako." agad na sabi niya.

Niyakap ko kasi siya. Yun lang. Yakap lang.

 "Naninigurado lang, baka sakaling bigla kang umiyak, pero hindi naman pala. Kaya naman.. tara na..." natatawang sabi ko at agad nang pag-upo sa motor.

 "Naka-ilang yosi ka?" tanong naman niya habang papaupo.

 "Tatlo ata, nainip ako eh." simpleng sabi ko naman.

 "Tsk. Pero, salamat talaga sa pagsama ah? Wala kasi talaga akong alam dito sa lugar niyo, pero.. dahil sa'yo.. ayun."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Proud ako eh, sarap sa pakiramdam.. haha.

 "Diba sabi mo mag-uusap tayo?" biglang tanong niya.

Oo nga pala.

 "Pwede kaba?" agad na tanong ko.

Naisip ko na lang bigla na oo nga pala't may pinoproblema ako ngayon, si Marvs.

Iba talaga si Kash kapag kasama mo. Kanina habang hinihintay ko siya ay hindi ako mapakali, na kung ayos ba siya? na kung umiiyak ba siya?

Yung bang, na kay Kash talaga ang pokus ko.

 "Hmm.. try natin mamayang gabi. May aasikasuhin kasi ako sa bahay eh. Ayos lang?" rinig kong sabi naman ni Kash.

 "Sure, basta text moko kagad." balik ko at umalis na nga kami.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ay may bigla akong naalala.

 "Kash.." agad na sabi ko.

 "Hmm.." rinig kong balik naman niya.

 "Hindi pala ako pwede mamaya, may lakad kami nila Alex at Vince eh."

Tsk, oo nga pala at makikiparty kami mamaya.

 "Ganun ba? Edi bukas na lang, ayos lang sa'yo?"

Sa narinig kong sabi ni Kash ay pagtango-tango na lang ang itinugon ko.

Sayang, para sana maikwento ko kay Kash yung sa amin ni Marvs at matulungan niya ako kung ano ang dapat gawin, pero bukas na lang.

Tapos si Vince at Alex naman.. si Kash ang itinutulak nila sa akin, ayaw na kasi nila si Marvs para sa akin.

....

 "Salamat, maraming salamat." nakangiting sabi ni Kash pagbaba niya ng motor.

 "Wala yun, basta ikaw." ngiti ko rin.

 "Gusto mo ng yakap?"

Napa..

 "Hah?" na lang ako sa sinabi niya.

Nakita ko naman na tumatango-tango lang siya.

 "Hm.. next time na lang, kapag pwedeng-pwede na." tonong nakakaloko ko at pagtawa pa.

 "Adik, pero.. salamat talaga ah? Basta kapag kailangan mo ako, text ka lang. Yung sasabihin mo, alam ko seryoso yan kaya bukas na lang para talagang free yung umiikot sa utak nating dalawa, abala tayo ngayong araw eh.." pagtawa pa niya, tumango lang ako.

 "Osige na, alis na.. baka hindi mo matiis magpayakap kapa." muli, pagtawa niya, ang cute lang ng dating ni Kash ngayon.

 "Wow ah? Ginaganyan mo na ako." sabi ko na lang, kunwari'y nagtatampo.

 "Joke." ngiti naman niya. "Ingat sa pag-uwi kahit malapit lang." pagturo niya pa sa gawi kung saan papunta ang sa amin.

Hanggang sa umalis na nga ako.

Bakit ba kasi hindi sa akin nagkagusto si Kash eh?


-----



Point Of View

 - K a s h -



Pagkapasok ko ng bahay ay hindi ko pinahalata kay inay na may alam na ako patungkol sa pamilya namin.

Nakiusap rin si itay na huwag ko na munang ipaalam kay inay.

Kanina bago ko iniwanan si itay ay nakuha pa naming magbiruan, magkwentuhan at magtawanan.

Nakikita ko talaga kay itay ang aking sarili, napakasarap sa pakiramdam.

 "Karlo, pakilinis yung sa may sofa.. mga bata kasi ang gugulo eh." nakangiting sabi ni tita, mommy ni Seven.

 "Opo." agad na sabi ko at pagsunod sa sinabi niya.

Habang naglilinis ay dalawa ang umiikot sa aking isipan.

Ang problema ni Jacob at si Seven.

Yung problema ng pamilya namin ay masasabi kong ayos na.

Nang biglang maalala kong aalis nga pala sila Seven ay nakaramdam nanaman ako ng kalungkutan.

Aalis sila, si Seven. Nalulungkot ako dahil malalayo kami sa isa't-isa tapos mamimiss ko pa siya.

Nang matapos ko nang asikasuhin ang sofa ay agad na akong pumunta sa kwarto namin.

Yung dalawang bata tulog, milagro at napagod sa kalalaro. Nakita ko rin yung chokolitos na dala ni Jacob, mukhang pinagsaluhan ng dalawang bata.

Matapos ko sa kwarto namin ay agad ko namang pinuntahan si Seven, miss ko na siya kagad.. haha.

Pagkapasok ko ay siyang kagad kong pagtakbo papunta sakanya.

 "Ba't ka umiiyak? Uyy.." agad na sabi ko nang malipitan siya at mahawakan ang kamay niya.

 "Aalis kasi kami eh, matagal yun. Tapos, wala ka nanaman ngayon, hindi tuloy tayo nakapag-usap patungkol dito."

Agad akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Tama nga naman siya.

 "Pasensya na importante lang yung inasikaso ko, sorry." paghingi ko ng tawad sakanya, pinunasan ko rin yung mga luha niya.

 "Seven babalik pa naman kayo eh, saglit lang naman kayo dun. Tsaka, hihintayin naman kita." tonong paninigurado ko.

Isinandal ko siya sa akin, at inakbayan.. na parang nakayakap narin ako sakanya.

 "Kash, may sasabihin ako.." rinig kong sabi niya.

Hindi ko alam pero nakaramdam na lang ako bigla ng takot, nag-init rin yung dibdib ko sa nerbyos.

 "Kapag balik ko sana nandyan ka parin ah?"

Sa narinig ko'y mas lalo kong hinigpitan ang aking yakap sakanya.

 "Oo naman, ang swerte ko kaya sa'yo." nakangiting sabi ko.

Oo hindi pa kami ganun katagal. Pero masasabi kong swerte ako dahil ganito kami ni Seven.

Dating ni Seven, tapos gwapo siya, maputi, mabait, laging mabango, malinis na malinis, at isama mo pa na matangkad siya at talaga namang kagugustuhan ng lahat.

 "Pagbalik ko bibigyan kita ng isang minuto, yung 'the gifted minute." biglang sabi niya.

 "Nge? Eh tayo na diba? Para saan pa?" agad na sabi ko.

 "Gusto ko parin marinig lahat ng sasabihin mo, kung gaano mo ako kamahal. Gusto kong makita kung gaano mo ako kamahal, mula sa aking mga paningin."

Agad ko siyang tinignan sa sinabi niya, seryoso pero nakangiti.

At sa hinalikan ko siya sa noo, ilang segundo.. na habang nakahalik ako sa noo niya'y..

 "Mamimiss kita.. babalik ka ha? maghihintay ako.." sabi ko mula sa aking isipan.

At niyakap ko na nga siya.

Nagyakapan kami, mahigpit, napakahigpit.. na tila ayaw naming bitawan ang isa't-isa.


 "Anong ginagawa niyo?"

Isang nakakatakot na boses na nagpatigil sa amin.


-----



Point Of View

 - J a c o b -

6:30pm



 "Sigurado ba kayong pupunta rin siya mamaya?" pagtatanong ko ulit sa dalawa.

Nakaready na kami sa pag-alis, maya-maya lang ay aalis narin kami.

 "Tinanong ko si Ivan, tapos oo daw." sabi naman ni Vince.

 "Tutuloy paba tayo?" tanong bigla ni Alex.

Saglit akong napaisip.

 "Oo sige, nakakahiya kay Gerald kung hindi tayo pupunta." sabi ko na lang.

 "Isasama mo ba si Kash? Diba ang alam ni Marvs ay mag-boyfriend kayo?" tanong ni Vince.

 "Hindi, busy si Kash at ayaw ko na muna siyang istorbohin." agad na sabi ko.

Nakakahiya naman kasi kay Kash.


-----



Point Of View

 - M a r v s -



 "Ready kana ba talaga para mamaya? Tandaan mo Marvs ah? Kausapin mo ng maayos." sabi ni Ivan.

 "Oo, wish me luck." nakangiting sabi ko habang nag-aayos ng buhok.

Mamaya, balak kong lapitan at kausapin si Jacob.

Alam kong hindi ako matitiis nun, magbestfriend kaya kami dati at sa aming dalawa, ako ang isip bata at siya ang nanunuyo.

Hindi niya ako natitiis, kaya naman lagi akong nagpapakipot noon. Haha.

...

 "Happy birthday.." masiglang sabi ko kay Gerald nang makalapit siya sa pwesto namin ni Ivan.

Nasa may isa kaming pabilog na lamesa, bale pang-limahan lang.

 "Thanks par.. masaya ako at nakauwi kana rito, masaya rin niyan si mommy mo for sure." ngiti niya at pagtabi pa sa amin.

 "Oo eh, may kailangan rin akong ayusin dito." balik ko.

 "Kaya mo yan, hindi ka matitiis nun." tonong naninigurado niya, ngumiti naman ako, tama siya.

 "Anyway, Ivan salamat sa sisig na niluto mo ah?, nako.. sabi ko pulutan kaso ginawa nilang ulam, ang sarap naman kasi eh." pagharap niya kay Gerald.

Hindi naman kumibo 'tong kasama ko. Lagi kasi siyang inaasar ni Gerald eh, pero sige naman siya ng sige kapag nakikisuyo yung isa.

 "Alam niyo, kung hindi ko lang alam na straight kayong dalawa.. malamang nilakad ko na kayo sa isa't-isa." nakakalokong sabi ko.

Tinignan naman ako ng masama ni Ivan kaya agad akong umiba ng tingin, haha.

 "Happy birthday sa lasinggero naming kaibigan."

Pare-pareho kaming napabaling sa nagsalita.

Sila Vince na pala.

 "Akala ko hindi na kayo pupunta, salamat.." agad na sabi at pagtayo ni Gerald.

 "Dito na kayo umupo, mga special kong bisita." pagtawa pa nito.

Nanatili lang akong tahimik, galit sa akin ang dalawa, at alam ko kung bakit.

 "Asan si Jacob?" sa wakas at naitanong rin ni Gerald ang kanina ko pang hinahanap at hinihintay.

 "Syempre nandito, nagyosi lang ako saglit sa labas." masayang sabi naman ng biglang nagsalita. "Happy birthday." ngiti pa nito.

Pinagmasdan ko lang siya, alam kong alam niyang nakatitig lang ako sakanya.

Miss ko na talaga siya. Gusto ko talaga siyang yakapin.

Buti pa siya nakakangiti at masaya, samantalang ako.. heto at hindi ko alam kung magkakaayos pa kami.

 "Salamat, adik ka parin talaga sa yosi." sabi naman ni Gerald.

Nagtataas taas baba lang ng kilay si Jacob at pangiti-ngiti.

Lalo tuloy akong nasabik na mayakap siya, makulit kasi talaga yang si Jacob eh.

 "Well guys.. chill lang muna ah? Maya-maya, start na ang party. And bear with it, yung mga OA kong tita ang hahawak ng mic, kaya lam niyo na ang kalalabasan." natatawang sabi ni Gerald, tumango na lang kami.

 "Bye Ivan, balik rin ako mamaya." pang-aasar at pagtapik pa nito sa kasama ko.

At nang wala na si Gerald ay naiwan kaming tahimik.

Si Vince, Alex at Ivan.. yan medyo magkakaayos pa ang tatlo. Talagang sa akin lang galit ang dalawa, maging si Jacob.

 "Vince Alex, samahan sa labas? Yosi lang ako saglit? Tara?" biglang sabi ni Ivan.

Nice, kasama sa plano yan haha. Pati yung pagsasama-sama namin sa iisang lamesa, kanina ko lang sinabi kay Gerald, at heto at tagumpay haha.

At sa nakita kong tumayo na nga ang tatlo at daliang lumabas.

Bale magkaharap niyan kami ni Jacob, abala lang siya sa cellphone niya.

At naisipan ko nga itong itext.

Message: I miss you :((

Simpleng text ko, dito ko rin malalaman kung nagpalit nga siya ng number.

Pagkasend ko ng text ay tinitigan ko siya, kung ano ang magiging reaksyon niya pero.. pero wala, wala siyang reaksyon.

Hayys, mukhang nagpalit nga talaga siya ng number.

Nanatili lang akong nakatingin sakanya, ni hindi man lang niya ako tignan, kahit mabilisan lang, tapunan ba.

Hanggang sa nagsimula na ang malakas na soundtrip sa birthday ni Gerald.


-----



Point Of View

 - Third Person's -



Napakalakas, napakaingay na tugtugin na talaga namang nagdadala ng kasiyahan o kaganahan sa mga nasa loob, sa mga bisita.

 "Jacob." agad na sabi ni Marvs.

Tila mismong ang soundtrip na ang nakiayon sa kanya, dahil kasi rito'y nagkaroon siya ng laya na makapagsalita.

Alam ni Marvs na hindi siya maririnig ni Jacob kahit na anong sabihin niya.

Pero, taliwas ito sa inaakala niya.

Si Jacob, narinig niya ang pagtawag sakanya ni Marvs, nabasa rin nito ang text sakanya ni Marvs.

Nang mabasa ni Jacob ang text sakanya ni Marvs ay halos gusto niya itong replayan, gusto rin niya itong lapitan at yakapin.

Nguni't, ayaw nang masaktan ni Jacob, katulad ng dati.

 "Jacob, miss na miss na kita." medyo malakas pang sabi ni Marvs.

 "Bakit ba kasi hindi mo ako kausapin?"

 "Bakit ba natitiis mo na ako ngayon?"

 "Diba dati, kapag nag-aaway tayo ay ikaw yung sumusuko? Tapos susuyuin mo ako."

 "Akala ko ba mahal mo ako?"

 "Akala ko ba ako lang?"

 "H-hindi mo na ba ako mahal?"

Mga binibitawang salita ni Marvs mula sa kalagitnaan ng napakalakas na tugtugin.

Si Jacob, naririnig niya ang mga ito. Gustong-gusto niyang harapin ngayon o tignan man lang sa mukha si Marvs, ang kaso ay alam niya na sa oras na tignan niya ito.. ay tuluyan na ngang bubuhos ang mga emosyon na kanina pa niya itinatago.

 "Miss na miss na kita, sobra."

 "Gustong-gusto na kitang kausapin, ang kaso ay natatakot talaga ako."

 "Oo natitis na kita, iniwan mo kasi ako."

 "Gusto na kitang yakapin ngayon, mahal kita eh."

 "Kaso Marvs, ayoko na.. ayaw ko nang masaktan pa."

 "Patawad."

 "Marvs, ba.. b-bakit ba kasi bumalik kapa?"

Mahihinang sabi ni Jacob, habang nakayuko lang.

Hindi alam ng dalawa na pareho na silang lumuluha, pareho narin silang nakayuko, at ngayon ay.. pareho nilang gustong mahagkan ang isa't-isa.




Itutuloy


Maraming salamat sa pagbabasa :))

#teamSeven
#teamJacob
#7natics
#teamhakob
#KashVen
#JaSh
#KashSevenIsHartHart

Ano paba? :))

-Playful Jokes

12 comments:

  1. Medyo magulo nga pero sino kaya ang nakahuli Kila Kash at Seven? Next update na agad.

    ReplyDelete
  2. Is it me or the story? Para yatang maikli pero baka naman dahil sa excited ako sobra. Thanks sa update. Ok ka talaga. Salamat sa pag mention mo sa akin. God Bless.

    ReplyDelete
  3. Short and sweet. Grabe wala na ba talaga pag-asa si Jacob at Kash? Nakakalungkot naman, pero di parin ako susuko! Haha There are things that just aren't meant to be. Kaya wag nang ipagpilitan. On the other hand, there are things that you should try and give a chance at. Gaya ng #JASH!! Hahahaha

    PS: May isa pa akong comment, sa previous chapter. Pabasa po. Hehe

    Marvs

    ReplyDelete
  4. Hala nahuli sila #KashVen patay... Haha wala masyadong kilig moments ngayon ah mr author. Sana kay Marvz nalang si Jacob hahaha!!

    -44

    ReplyDelete
  5. Hehehe.. joke lang yun... ano pa ba gusto patunayan ni jacob at marvs..? Hehehe.. hai.. pag nasaktan nga naman... go marvs.. ! Hai bitin ako author!! Iintayin ko next update! Galing!

    ReplyDelete
  6. _eros pala! Hehehe nalimutan ko...

    ReplyDelete
  7. Yung pagbaril ng Lola ni Kash sa lolo nya,... Joke yun ano? Nakakatawa kasi!

    ReplyDelete
  8. Cge text ka lng nu problem..... nice update tuloy mo na love story ni jacob at marvs nakarelate ako.....

    Jhars05

    ReplyDelete
  9. "always expext the unexpected"

    Team Seven tlga ako!!! expected na ang tatay un ni Seven ang nagsalita... tas di niya un tanggap ang ngyayari sa dlwa. usually gnyan naman tlaga..ang unexpected ay ung mangyayari, may saltik kasi si Mr. Author ehh. XD.

    TeamJoMarvz? hmmm. angkyut nila pareho sarap na nilang pag untugin eh noh? nako Jacob, go go kalng okay, si marvz siya ang bagay sau!. Marvz, wag nading paligoy2 ikaw na naman ang manuyo kaya... abuso ahh si Jacob lng Lage? may kasalanan ka kaya.. start explaining na kasi!!! :),

    .tska alam nio Guys, may weirdo akong nakachat.. meron din ba sa inyo?? sa FB?. sia lang naman daw si Mr. Author. hmm. di ko sure kong sia..

    hmmm skinny siang tao, un bang okay lng ang katwan.. tas ang daldal grabeh! na persuade nia nga akong sabihin na baduy ang story nato... alam ko naman sa sarili ko na hindi , pero saBi nia kasi baduy daw tong story nato! so nag-agree ako para malaman ung intention nia.un pala parang tinest nia ako, para maka-alam ng feedback! at sia nga si Mr. Author, wow..may maipagmamalaki sia. May itsura(siems lahat naman ng tao meron), tas guys sobrang kulit! ibang klase din tong mokong nato. mgpapakilala na siya sa atin lahat.. kaya be ready guys..

    -jex

    p.s: Mr Author, wag mo kaming buguin ahh..babangasan ka namin pagnagkataon! XD :).

    ReplyDelete
  10. #BaduyNaMagsulatNaAuthor...

    -ang daldal pla tlga ng author ng story nato, super as in super. - ikaw na tlga ang baduy ever :), para sa mga readerss...hmm guys hindi yan lait believe me... ang word na 'baduy' nakakainspire yan. XD. kaya Push mo pa toh..Mr. Author. galing galing!

    -AlamsMoNa :)

    ReplyDelete
  11. .Kuya how I wish na maputi a ko -.- hahaaha
    .Ako po ay tangkad din na me pagka negneg pero chocolate color lang hahaaha
    .Kuya lahat na ng nakikita kong lalaking matangkad ikaw ang naiisip ko. lol
    .I won't give up #KashVen di matitibag hahaha

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  12. Hala. Eto na ang malunkot na part. :( sino kaya naka huli sakanila. ;(
    Makakakita na si Seven. Excited na ako sa mga susunod na mangyayari sa kanila.

    Jacob... Kay Marvs ka nalang. Thank youu.

    Longer story please
    -RRR

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails