GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 13
AUTHORS NOTE: gotcha! Monday and Friday night,, miss ko tong update days ko na to ah hehehe..babawi ako guys.. Kalma lang kayo.. Mabbawasan din yung stress ko sa katawan.. Soon! Hehe syempre super thank you sa lahat ng nagcocomment at nakakapreciate! Super thanks with a big hug. Marvs miss you na hehe salamat sa comment.. Sa BTBBC! Bitter to be better clan hehe salamat sa inyo kay Red Ian na super pauso hehe,, kay jejevoy..! Hehe kay kuya clark, ryl manalo, Ian kitoy syemps bebe stay inlove! Kay nhie.. Waiting pa sa mga arts mo.. Kay Myun na crush ni nhie na joke lang pala hehehe.. Sichem na super inlove hehe park eun jae.. Salamat din jazz Price wag magpakabusy.. Lovelife din! Bagay kayo nung nasa dp mo hehe.. King gregorio salamat sa support mo...jharz elemento Salamat mwuah.! Joshua delacruz salamat s apagtry magcomment ehhe oks lang yun.. next time.. JM perez habok na habol ka pa hehe joey dDicatoria. Salamat sa pagbabasa.. Kay yeisna di ko sur ekung tama speeling hehehe. Basta thank you. Kuya japs din! Hehe kuya dan.. Or dun ako malungkot! Dmaing name haha kay bryan lopez thanks sa mga makabuluhan mongpost sa group hehe MJ suplado.. Thanks din.
Kay nestea pala hehe hope malike niyo yung page namin. https://www.facebook.com/.../Nesti-Libres.../269963849847658 Mwuah hehe
Kay Rye Evangelista support natin story niya! Astig sya promise..BS pa more! Hehehe Kay alvin or vienne magaling ka kaya wag susuko ok.. Heheh.. The best ka.! Ikaw ang bida sayo na ang korona haha joke lang.. Sino pa ba haixt next update nalang pasensya na hehe.. Haba na ng authors note ko sensya hehe
sali kayo sa group.. More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..mwuah
Or add me sa fb
SI IRENE
Umikot ikot lang ako sa subdivision na yun saka muling bumalik sa tapat ng bahay ng boyfriend ni Geo.. Mukhang nasa loob parin sya. Haixt hindi ako naniniwala. Mas naniniwala ako kay alex. Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga saka muling pinaandar yung motor. Subukan mo lang chris guluhin si blue.. Mararanasan mo kung pano ako magalit.
Simula nung pinatawad ako ni blue sa nagawa ko sa kanila ni aldred pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na sya iiyak.. Wala namang ginawang masama sakin si blue para magalit ako sa kanya.. Sya yung nagturo sakin kung pano magmahal at mahalin yung sarili.. At pinaranas niya sakin kung pano magkaroon ng kapatid.. Kung pano mahalin ng isang tunay na kapatid.. Hindi ko na sasayangin yung binigay niyang chance sakin.. Hindi na.
Hininto ko lang yung motor sa isang di kalakihang bahay saka bumusina napangiti lang ako ng makita si alex na lumabas ng bahay.
"hi." nakangiting saad ko. Sino sya.? Si alex yung inutusan kong kumidnap kay blue nuon.. Haixt oo adik sya dati.. Or di ko sure kung totoo ba yung sinabi niya na tumigil na sya sa bisyo niya basta ang alam ko sya ang mahal ko.. Masyado lang akong natabunan ng galit kay blue dati.. OO mahal ko tong gagong to..hindi ko lang sya maipapakilala kay blue.. Alam ko makikilala sya nito kapag nakita sya.. Haixt one day.
" Irene..?" gulat na saad niya bumaba naman ako ng motor saka sya yinakap. " sabi mo next week pa.?" huimiwalay lang ako sa kanya.
" Suprise..?"
" Hindi ka man lang nagpasabi sana nasundo kita." natatawang saad niya.
" Si blue sumundo sakin kaya hindi pwede.."
" Ano plano mo dun sa chris na yun..?"
" Alex naalala mo ba si Paul Unidad..?"
" Sino..?"
" si Paul Unidad.. Ang black sheep ng mga Unidad..? Yung taong gumulpi sayo.?" ilang sandali naman syang nagisip.. Napangiti lang ako ng makita yung tingin niya sakin. " naalala mo na.?"
" Naalala ko na.. Tangina sya hindi pa ko nakakaganti sa kanya.!" gigil na saad niya.
" Oopps kalma.. Nakita ko lang sya kanina.." ngiti ko.
" Tangina nun dalawang araw ako sa ospital dahil sa kanya..kapag nagkasalubong kami nun babangasan ko sya! dudurugin ko talaga mukha niya."
" Wag mo muna sya galawin.."
" bakit..?"
"Si geo.."
" oh kinalaman sa kanya nung pinsan nung aldred na yun..?"
" syota niya daw si paul.?"
"kasinungalingan.. Nakita ko sila.. Magkaholding hands ng chris na yun.. Nagpaloko ka naman sa ugok na yun..?"
" hindi of corse.." ngiti ko. " Pero Nakikita ko gusto ni geo si paul.." natawa naman si alex.
" malabong patulan nung paul na yun si geo.."
"ows.. Nagholding hands sila sa harapan ko.?" seryosong saad ko kita ko naman yung titig niya sakin. " at mismong si paul ang nagsabi sakin na may relasyon sila." Natawa lang sya ng payak.
" seryoso..?"
" seriously.."
" pero.. Hindi.. Mali.. Mali.. Nakita ko si chris at geo, May namamagitan sa kanila. Alam ko, Hindi naman ako bulag Irene.. Nakita ko. At hindi ako tanga para hindi maniwala na walang namamagitan sa kanila.. Alam ko yung nakita ko."
" isang beses mo lang sila nakita di ba.?"
" Oo.! Sabi ko nga sayo di ba Nasa mall ako nun para bumili ng damit ng makita ko sila.. May kasama pa nga silang tomboy nun eh."
" once lang.. Malay mo mali ka lang ng nakita."
" kalokohan tama ang nakita ko at parehas natin alam na mali yung relasyon nila,"
" haixt ok.. " buntong hininga ko.. Humanda si geo sa oras na malaman ko kung ano ang totoo.
" San mo nakita si paul.?"
"Basta.. wag mo muna galawin si paul.."
" ang tapang ng hayop na yun..! Makakaganti din ako sa kanya. Pasalamat sya binayaran ng lolo niya lahat ng gastos sa ospital..kung hindi.? Nasa Ilalim na sya ng lupa.. matagal na."
" Yeah I remembered that.. Nang makita ko sya kanina Parang may nabago na sa kanya. Yung astigin niya na look wala na.. Parang ang bait niya na nga ngayon eh. I don't know if its his hair or the aura.? Basta may nagbago."
" naalala ka ba niya.. Nakilala ka.?"
" Nope.. Mas gumanda na ko ngayon kaya siguro hindi niya ko nakilala.." ngiti ko kita ko naman na napangiti sya saka hinawi yung buhok ko na napunta sa mukha.
"yeah gumanda ka nga.."
" Alex.. Nangako ka sakin na titigil ka na sa bisyo mo di ba..?" kita ko naman na umiwas sya ng tingin. Napabuntong hininga nalang ako. " alex sabi mo.? Pinagusapan na natin yun di ba.?"
" minsan nalang naman.?"
" Pero sabi mo tumigil ka na.?"
" Sunusubukan ko naman para sayo eh.. Irene wag mo ko iwan ikaw nalang yung pamilya ko eh..Sorry,"
" Alex.. Itigil mo na.?" nakatungong saad ko narinig ko naman na bumuntong hininga sya saka Tinaas ng daliri niya yung baba ko para magtapat yung mukha namin.. Napagmasdan ko lang yung mukha niya.. Gwapo sya.. Pero kita mo sa nangingitim na palibot ng mata niya yung epekto sa kanya ng bisyo niya. Nung nakilala ko sya dati alam kong ganito na sya pero tinanggap ko yun. Tinaggap ko kasi mahal ko sya.. Ganun naman ata sa love kahit alam mong may mali Mas bibigyan mo ng panahon kung ano yung tama.. Oo nagdadrugs si Alex pero tuwing matino sya nararamdaman ko yung care, yung assurance..And yung love. Yun naman ang importante di ba.
" Irene Mahal kita.."
" I know.. Pero nawawala yun.. Kapag.."
" Promise.. Iiwasan ko na talaga.."
"pangako..? Alex gusto kita ipakilala kay blue saka kay daddy.. Pero sana gusto ko nasa ayos ka."
" OK.. Pangako.. Hindi ako magbabago dahil sinabi mo.. Magbabago ako kasi mahal kita..Pipilitin ko.." seryosong saad niya napangiti naman ako nilapit ko lang yung mukha ko saka sya mabilis na hinalikan sa labi. " Mahal naman eh.. Nasa labas pa tayo oh.?" napapakamot na saad ko.. Namiss ko sya. Nung gabing naaksidente si aldred tumawag agad sya akin para ipaalam yung nangyare.. Kaya agad ako umuwi para puntahan si blue at magsorry.. Gusto pumasok ni alex sa ospital nun pero pinigilan ko sya. " nakakahiya dito..?" pilit na ngiti niya pa.
" I don't care." ngiti ko saka sya hinila papasok sa bahay niya nagpaubaya naman sya. " safe naman yung motor dito sa labas right.."
" yeah safe yan..takot lang nila sakin."
" good."
" anong gagawin mo kapag totoo yung relasyon ni geo at nung chris na yun..?" tanong niya pagpasok namin sa bahay.. Agad ko lang nilock yung pinto.
" Simple lang.. Makikita nila kung pano ako magalit..at Yung alex na nakashabu..? Yun ang ipapakilala ko sa kanila." natatawang saad ko sinimangutan naman niya ko.
" iiwasan ko na nga yun di ba.?"
" JOke lang.." ngiti ko.
" Irene sana wala ng aksidenteng mangyare.. Yung nangyare sa kapatid mo.. Sobrang guilty ko nun..lalo na yung nangyare kay aldred.. Kung hindi siguro sya nakaligtas ipapakulong ko yung sarili ko."
" I know at pinagsisihan ko din yun..pero..subukan lang nilang guluhin ung kapatid ko..hindi nila mgugustuhan ang mangyayare.."
" Irene..?"
" I'm serious alex.. Para kay blue."
" bahala na Kung yun yung way para makabawi tayo kay blue.. So be it.. Basta alam mo naman na kahit ano ipagawa mo gagawin ko di ba..?" ngiti niya.
" I know kaya mahal kita eh.." saad ko saka sya mapusok na hinalikan sinagot naman niya yung halik na yun hanggang maramdaman ko yung kamay niya sa ibang parte ng katawan ko. Dahan dahan lang akong humiwalay saka sya binigyan ng matamis na ngiti. " namiss kita"
"Mas namiss kita." ngiti niya.
SI GEO
Sinuot ko lang yung apron na nakasabit sa kusina nila paul saka hinugasan yung manok sa lababo.. Haixt kainis na paul na yun ginawa pa kong katulong.. Badtrip.. Wag lang sya magsusumbong kay kuya aldred ikacaldereta ko talaga sya.. haha.. Bahala na. Kung di lang talaga gwapo yun hindi ako magtatyaga dito.
" Kailangan mo ng help.?" untag niya napalingon naman ako saka umiling.
" diba naglalaro ka..?"
" yeah.. Pero di naman ako ganun kaadik sa online games.. Actually katatapos ko lang maglaba nung dumating kayo..first game ko palang yung kanina."
"ganun.."
" Seriously Geo.. Pwede naman tayong maging magkaibigan eh.. Kung type mo ko sorry hindi talaga kita type eh.. Babae talaga ang gusto ko." pilit na ngiti niya.
" Fine oo na.. Nagagwapuhan lang kasi ako sayo." iwas kong tingin.
" love.. Inlove ka sakin.? Kala ko ba si chris na.?"
" inlove ka jan.. Mukha mo..! Nagagwapuhan nga lang .. Magkaiba yun.. Si chris mahal ko sya.. Mahal na mahal.. Kaya wag kang umasa na yung puso ko ibibigay ko sayo."
" hoy geo wala akong sinabi na umaasa ako sa puso mo.. Hindi noh..paulit ulit ka lang eh."
" Sus.. Kunware ka pa.. Type mo ko Paul."
"kapal.. Maging magkaibigan nalang kasi tayo. Mapagtatyagaan naman kita pakisamahan eh saka friends with benefits tayo.?" natigilan lang ako sa sinabi niya.. With befenits..? Wow yun ah haha
" huh.. You mean..?"
" uhm tutulungan kita sa pagtatago mo ng relasyon niyo ni chris.. Tapos ikawTutulungan mo ko dito sa bahay.. Magluto.. Ganun.. Kaya ko naman maglinis or maglaba.. Pagluluto lang talaga ang hindi ko kaya kasi alam mo baka malason pa ko sa sarili kong luto." natatawang saad niya.
" ayt kala ko sex.?" ngiwi ko.
" di nga kita papatulan.. Sapakin kita jan eh.!"
" Oo na.. Bawasan mo kasi yung pagpapacute mo para di ako natuturn on..?" kumunot naman yung noo niya
" Hindi naman ako nagpapacute ah..?"
" ah yung mga ngiti mo.. Bakit ganun..?"
"ngiti ko..?"
" Oo.. Haixt ang gwapo mo kasi pag ngumingiti.." iwas ko ng tingin.. Natawa naman sya.
" hoy geo hindi ako nagpapacute sayo..wag ka ngang assuming.."
" owss.."
" Oo nga.. " simangot niya hindi raw nagpapacute putek bakit feeling ko para lage sakin yung smile niya..haixt talaga oh. Kinuha ko lang yung sangkalan saka umupo sa tapat ng mesa at kinuha yung patatas. " damihan mo ng potato huh.." saad niya.
" sure.."
" Geo.. Di ka mahal ni chris di ba.?"
" bakit ikaw mahal mo ko..?"
"hindi..!" tanggi niya agad.. Natawa naman ako.
" Ang defensive mo.. Kaya nahahalata na may gusto ka sakin eh."
" eh kung saksakin kaya kita ngayon.?"
" ng alin..?" ngiti ko.
"ng kutsilyo!"
" hawak ko yung kutsilyo eh.. Eh kung yung ano mo nalang kaya.?" saad kong deretsong nakatingin sa mata niya. " papasaksak ako sayo yung baon na baon pa!"
" ang baboy mo!" inis na saad niya napangiti lang ako saka tinuon yung atensyon sa ginagawa ko..
" joke lang!"
"Ang baboy ng joke mo! pero seryoso alam mo masasaktan ka lang."
" I know..Just to remind you paul.. you are not a preacher..ok.? Lahat naman ng nagmahal.. Naranasang masaktan bago sumaya.. Walang exception kaya bakit ako matatakot masaktan.. Cycle lang yan love hurt love hurt and love again..as simple as that."
" Pwede iwasan yun.."
" hindi Paul.. I think chris is worth the pain naman.. Alam mo.. Mahal ko talaga sya.."
" Or Awa..?"
" huh.? Hindi ako Employee ni charity!"
" Awa kasi Until now.. Yung sugat sa puso niya hindi pa naghihilom.."
" kaya nga willing ako maging gamot para maghilom kung ano man yung sugat sa letseng puso niya..pwede maghilom ang sugat as long as someone is willing to be a cure.. Mahal ko sya kaya gagawin ko to kahit masakit. Hindi to Awa paul.. I just love him kaya willing ako masaktan." ngiti ko habang binabalatan yung patatas..
" nadadaanan mo sa ngiti.. Pero nasasaktan ka di ba.?" saad niya napatingin naman ako sa kanya. "Wag kang magpanggap.. Hindi mo ko maloloko." ngiti niya.
" Ang plastik ko naman kung sasabihin kong hindi."
" sabi na eh." iling niya napabuntong hininga naman ako.
" alam mo tuwing babangitin niya yung pangalan ni blue.. Makikita mo sa mata niya na hindi parin niya nakalimutan yung love niya para blue.. Nandun parin. Ang sakit kaya dito." pilit na ngiti ko habang nakaturo sa dibdib.. Natawa naman sya. " tange ka masakit talaga.. Wag ka nalang maingay..!" natatawang saad ko.
" ginusto mo yan eh.."
" I know.. Hindi naman ako nagrereklamo ah.. Saksakin kita jan..!"
" Bakit kasi mahal mo sya.. Dahil gwapo sya..? Dahil maganda boses..?"
" uhmm hindi.. Basta ang alam ko mahal ko sya..basta ang alam ko gusto ko sya kasama.. Basta ang alam ko sumasaya ako pag nakikita ko syang nakangiti. Pagmamahal ang tawag dun di ba.?"
"Yeah.. Siguro.?" kibit niya ng balikat. "halos lahat ng studyante sa school niyo kilala si chris.. Dahil gwapo.. Maganda yung boses..sikat.. Pero kahit isa sa kanila walang nakakakilala kay chris.. Kung sino yung totoong sya. Kung ano yung nararamdaman niya.. Isang tao lang naman yung pinayagan niyang makapasok sa buhay niya eh."
" si blue..?"
" yeah.. Inisip ko nga bakit hindi nagawang mahalin ni blue si chris.. Ang pagkakakilala ko kasi dun sa taong yun. Mabait.. Well mayabang sya dati bago sila naging close ni blue.. Gwapong gwapo sa sarili niya yun eh."
"mas una kasing minahal ni blue si kuya aldred eh.."
" Siguro kung mas naunang umamin si chris.. I think sila ngayon.. I know mahal ni blue si chris.. Its just that mas una niyang minahal si aldred.."
" tingin mo..?"
"oo naman.. Naramdaman ni chris yun kaya hanggang ngayon hindi niya mabitawan si blue kasi umaasa sya na isang araw maghihiwalay yung dalawa.. Kasi yun yung magiging chance niya."
"malabo na maghiwalay si kuya aldred saka si blue."
" yun ang ayaw tanggapin ni chris.. Alam mo Geo.. Nakapasok ka na sa buhay niya eh.. Kilalanin mo sya hindi dahil sa gwapo sya.. Kilalanin mo yung totoong sya. Yung totoong chris na totoo magmahal.. At higit sa lahat ipakilala mo sa kanya kung sino sya.. Ibalik mo yung tiwala sya sarili." ngiti niya.. Si paul ba talaga to haha. "pakita mo na may magmamahal sa kanya.. Iparamdam mo na hindi sya second choice na pwede syang maging first choice.."
" parang ladies choice.. Ganun.?"
" eh kung sampalin kita ng mayonaise..?"
"joke.. ikaw ba yan.?" pilit na ngiti ko.
" Sapak.. ?" simangot niya natawa naman ako. Ok din pala kausap tong bwiset na to.. May sense din minsan. Nakatuon yung atensyon niya sa pagbabalat ko ng patatas kaya malaya kong napagmasdan yung mukha niya. Ang ganda nung mata niya.. Tangos talaga ng ilong.. Close to perfection tong bwiset na to eh.
" Thanks huh.." saad ko nagtama lang yung mata namin.. Ngumiti lang sya.
"Wala yun.. Basta advice lang kapag masyado ng masakit.. Sumuko ka na.. Ginawa ka ng parents mo with love.. Kaya dapat mabuhay ka .. With love.. Hindi yung nasasaktan ka."
"concern..?"
" Oo naman.. Kaibigan na kita eh.. Saka baka pag nasaktan ka at maging bitter.. Pumanget lasa ng mga lulutuin mo sakin eh."
"kapal mo talaga eh noh.. Gagawin mo talaga akong cook..?"
" Oo naman isang pribelehiyo para sayo ang ipagluto ang ganito kagwapong mukha.." ngiti niya.
" owwsss.. Sige na."
"panuod lang kung pano ka magluto.?marunong ka ba talaga.?"
" buksan mo yung tv mo dun ka manuod ng cooking lesson.."
" bakit ba ayaw mo nandito ako.. Naiilang ka.?" ngiti niya. Sobra..! Baka matatak na sa utak ko yung mukha niya haixt di ko mapigilan nakawan sya ng tingin haha.
"sige ngiti pa." simangot ko sa kanya.
" ano gagawin ko sisimangot nalang ako.?"
" uhmm.. Kasi naman.."
" ngiti palang natuturn on ka na.. Pano pa kaya pag naghubad ako baka maglupasay ka pa.!" tawa niya.
" hahaha nakakatawa..!" sarkastikong saad ko.
" Joke lang..hindi na mabiro.."
" maglaro ka na nga dun.. Kaya ko na to.. Pupunta na ko kay chris pagkaluto nito."
" oh.. Yung "can we make love" niyo pala noh.?" tawa niya. " virgin ka pa pala."
" paki mo..?"
" ienjoy mo..first time eh.!"
"umalis ka na nga sa harapn ko paul.?"
" pano kung pumayag ako.?"
"na alin.?"
" na magsex tayo..? Ok lang sayong hindi si chris ang magiging first time mo.?" saad niyang deretsong nakatingin sakin.. Napalunok naman ako. " hayop ka.. Nagisip ka talaga !"
" uhm hindi ah.. Hindi ako papayag noh..!!"
" owss.. Tagal mo sumagot eh."
" paul umalis ka na pwede..?!!"
" pano kung maghubad ako sa harap mo..?" nangaakit na saad niya.
" Alis na sabi eh. Oh hindi ko lulutuin to.. Sabi mo nga ilang streets lang bahay nila chris di ba.. Sa ginagawa mo tinatamaan ako ng libog gago ka.!" simangot ko.. Putek may kakaibang enerhiya na yung dumadaloy sa ugat ko hahaha.. Nagsisimula ng dumaloy yung init.
" maglalaro na ko.. Bilisan mo na jan." ngiti niya.
" sabing wag mo ko ngitian eh..!" inis na saad ko
" edi wag ngumiti." simangot niya saka tumalikod..pero muli lang syang lumingon saka nagbigay ng ngiti..
" haixt fuck you ka.!"
" JOke." ngiti niya saka nagpeace sign aktong babatuhin ko sya ng kutsilyo ng tumakbo sya papunta sa sala... Gigil ko lang na hiniwa yung patatas.. Ggrrrrrr! " princess sarah.. Bilisan mo ang pagbabalat ng patatas." sigaw niya.
" Cedie ang epal na prinsipe!" sigaw ko din rinig ko naman yung tawa niya.. Kainis.
SI CJ
Pagbagsak lang akong naupo sa sofa pagpasok ko ng bahay.. Haixt bakit ba ganito nararamdaman ko.! Mukhang kang ewan CJ.. Mukha ka na ngang mongoloid mukha ka pang ewan! Tengenes !.. Ginulo ko lang yung buhok ko saka tumayo at humarap sa salamin.. Pinagmasdan ko lang yung reflection ko dito.
"pogi ka hindi maganda.!" simangot ko sa sarili ko.
" CJ sino kausap mo jan.?" napalingon lang ako ng makita si mama na pumasok sa pinto.
" uhm ah eh.. Wala.." nauutal na saad ko.
" may pasok ka na bukas di ba.?"
"Oo ma.." parehas lang kaming umupo sa sofa.
"yosi gusto mo.?" alok niya sa kaha ng sigarilyong hawak niya. Humugot lang akong malalim na hininga saka umiling. " himala."
" Ma pogi ako di ba.?"
" oo naman.. Panira lang yang malaki mong dibdib eh.."
" eh kung patanggal ko kaya to.?"
" may pera ka.?" sarkastikong ngiti niya marahan naman akong umiling. " wala pala eh." iling din ni mama.
" Iutang mo naman ako ma.. Gusto ko na matanggal to.."
" bakit..?"
" wala lang..?"
"o para feeling mo lalake ka na talaga..?"
" oo ganun."
" pano yung nararamdaman mo kay chris.?" automatiko naman akong napalingon dito.
"kanino.?"
" kay chris.. Wag mo ko lolokohin Christine Joy."
" CJ ma.."
" ewan.. May gusto ka dun sa kaibigan mo.. Ayaw mo lang aminin."
" lalake kaya ako.."
" pero may gusto ka kay chris.. Bading ka pala eh!" natatawang saad ni mama.. Napakamot naman ako sa ulo. " Anak gusto mo sya.. Alam ko."
" Lalake nga ako.. Ano ba.?"
"bading ka nga eh.. Ngudngud kita sa semento jan eh.."
" aixxt.."
" hindi mo madedeny yun sakin. Ok.."
" Oo na!" simangot ko.. Humalukipkip lang ako ng marinig yung nakakainis na tawa ni mama.. Haixt. Hindi ko naman gustong magustuhan si chris eh haixt. "pero malabo naman kami eh."
" sinubukan mo na ba.?"
" hindi.. At ayoko subukan hindi ako bakla!"
" pero mahal mo sya."
" Ayoko..mama naman eh.!"
" tagay nalang tayo!" natatawang saad ni mama saka tumayo. " ang puso dapat nilalasing para nakakalimot."
" tama ma tagay nalang tayo!" simangot ko.
SI GEO
Tapos na ko magluto nun ng idial ko yung number ni chris sa cellphone ko. Hinubad ko lang yung Apron na suot ko saka tinapat sa tenga ko yung cellphone. " Chris.."
" UHm geo andito ako sa park dito nalang tayo magkita."
"sa park..?"
" Yeah..Antayin kita."
" uhm kasi chris.."
" what..? Punta ka na dito.." saad pa niya.. Haixt sasabihin ko ba nandito ako kala paul..kasi naman eh.
" Sige pupunta na ko wait mo ko jan.."
" Ok.."
" love you." saad ko habang nakangiti wala naman akong nakuhang sugat hanggang naputol na yung linya.. Wala man lang thank you buset talaga yun. Humugot lang ako ng hininga saka naglakad papunta sa sala nila.. Naabutan ko lang syang nakahiga sa sofa. " paul.?" tawag ko sa kanya pero hindi sya sumagot kaya nagpasya akong lumapit sa kanya. Nakita ko lang na mahimbing syang natutulog mukhang napagod nga sa paglalaba tong bwiset na to. " paul aalis na ko.?" yugyug ko sa kanya. Haixt ang gwapo talaga niya.. Kung una ko lang siguro sya nakilala kay chris baka sya ang minahal ko.. Minsan ang love parang restaurant lang yan eh.. First come first serve.. Hindi pwedeng baguhin yung rules at lalong hindi pwedeng mandaya.
" uhmmm.." ungot niya.
" hui aalis na ko.. Inaantay na ko ni chris..?" saad ko pa.. Ang sarap ng lips niya aixtt .. Ikiss ko kaya sya.? Aixt isa lang.. Haha.. Aktong ilalapit ko yung mukha ko ng iharang niya yung daliri niya sa labi ko.. Agad naman akong lumayo sa kanya..
" sabing friend lang tayo eh." natatawang saad niya.
" Uhm ah eh ang dry kasi ng lips mo.. Lalawayan ko lang sana..?" pilit na ngiti ko.
" fuck you ka.. Kaya kong lawayan yung sarili ko labi."
" wait ang dry nung lips ko.. Lawayan mo nga.?" ngiti ko suminagot naman sya.
" paduguin ko gusto mo.. Hindi na sya dry magmumukha ka pang naglipstick.!"
" ewan ko sayo.!"
" Luto na ba.?"
"yeah.." iwas ko ng tingin.. Kainis isa lang na kiss eh .. Ang damot eh. " ang damot mo..!" simangot ko.
"huh..?"
" wala..?"
" Umuwi ka nga..! Ay oo nga pala magmemake love pa pala kayo ng boyfriend mo noh.?" ngiti niya.
" haixxtt aalis na ko.." saad ko.
"ingat."
"napakawalang utang na loob mo pagkatapos kitang ipagluto di mo man lang ako ihahatid palabas.?"
" yun lang yung pinto..? Ang arte nito." turo niya sa pinto. " alam mo naman yung kala chris kayang kaya ng lakarin yun."
" Uhm kasi wala si chris sa bahay nila eh."
"nasaan..? Di ba may usapan kayo.?"
"yun nga eh.. Nasa park sya eh kala niya nasa bahay ako."
" ganun.. Anong gusto mong gawin ko.?"
" hatid mo ko.?"
"eh tinatamad ako!" tanggi niya agad.
" itawag mo na nga lang ako ng taxi.?!" inis na saad ko
" mas ok nga yun.." ngiti niya saka pumunta sa landline nila at nagdial. " hello manong guard this is Paul Unidad patawag naman po ako ng taxi 54 purity street po." pagkababa ng telepono ay pabagsak lang uli syang nahiga sa sofa.
" Di ka pa kakain.?" tanong ko.
" ang aga pa.. Napagod talaga ako sa paglalaba eh kaya gusto ko muna humiga.."
" ano gusto mo sa babae..?" saad ko saka umupo sa isa pang sofa. Kumunot naman yung noo niya saka lumingon sakin.
" bakit mo natanong..?"
"gusto ko lang malaman.?"
" kahit sino basta may mukha ok ako."
"ows.. Imposible."
" oo nga..tatanong tapos hindi maniniwala.?"
" straight ka ba talaga..?"
" oo nga kulit mo talaga geo.. Pag paulit ulit talaga nakakainis."
" sinisigurado ko lang." ngiti ko nakita ko naman na pumukit sya.
" kung balak mo ko halikan habang natutulog..wag mo na ituloy kasi Sinisugarado ko na durog ang mukha mo paglabas ng bahay ko." saad niya habang nakapikit natawa naman ako.
" nakakatakot naman..parang kaya mo ah."
"kaya ko kaya wag mo na subukan."
" sure ka.. Alam mo parang gusto ko lumabas sa bahay mo na durog ang mukha ko." saad ko saka tumayo sa inuupuan ko at lumapit sa kanya. Napabalikwas naman sya ng bangon.
"tangina ka hindi ako nagbibiro..?"
" bakit hinalikan ba kita.?"
" Hindi." ngiwi niya naupo naman ako sa tabi niya saka sya tinitigan habang nakangiti. " ang creepy mo..! Gusto ko matulog geo.. Alis jan.?"
" Ayoko.."ngiti ko kita ko naman yung gigil sa mukha niya kaya lalo ko syang tinitigan habang nakangiti. " ang sarap mo inisin paul.?"
" ah ok.." saad niya saka humarap sakin natigilan lang ako ng ilapit niya yung mukha nya sa pisngi ko. " gusto mo ng kiss.?" bulong niya hindi naman ako nakagalaw.. Shet ang bango niya.
"uhmm.."
" ano..?" naestatwa naman ako ng halikan niya yung pisngi ko.." you want more.?or gusto mo sa lips.?" bulong uli niya napalunok lang ako ng magtapat yung mukha namin.
" paul.." bulong ko pero ngumiti lang sya. Natigilan lang ako ng maramdaman yung kamay niya na kumakapa sa bulsa ko. " bakit..?" tanong ko hanggang makuha niya yung cellphone ko.
" tawagan mo si chris.. Ang taksil mo gago.!" sakstikong saad niya saka ako tinulak dahilan para malaglag ako sa sofa agad lang akong tumayo saka kinuha sa kamay niya yung cellphone ko.
" kala mo naman tinablan ako.. Hindi noh.!" iwas ko ng tingin pakshet..
" sabi mo eh.. abangan mo na nga yung taxi sa labas.."
" kainis ka talaga!"
"alis na." saad niya saka muling nahiga sa sofa at pumikit napalingon lang ako ng marinig yung busina sa labas.. " yan na yung taxi mo pasara ng pinto huh." saad niya parin habang nakapikit. Npaangiti lang ako saka lumapit sa kanya at mabilis syang hinalikan sa labi..kita ko naman na nanlaki yung mata niya kaya agad akong humiwalay at tumakbo papunta sa pinto.
" gotcha!!" ngiti ko saka lumabas ng pinto.
" shit ka!!" rinig kong sigaw ni paul.. Shit yung lips niya ang sarap! palabas na ko ng gate ng makita si Irene sa tapat habang nakasakay sa motor.
"Irene..?"
" may taxi na huminto dito para sayo yun di ba? Pinaalis ko since I'm here na."
" Geo..!" napalingon lang ako ng makita si paul na palabas din ng gate.
" hi paul I'm here again.." ngiti ni Irene. " uuwi na si geo.?"
" Uhm hindi pa.. Uhm may pupuntahan pa kami ni paul." agad na tanggi ko.
" babe di ba sabi mo uuwi ka na.. Tinatamad nga ako umalis.. May pasok bukas." walang emosyong saad ni paul. Shet magkikita pa nga kami ni chris eh.
" nagaway kayo..?" tanong ni Irene agad naman ako umling.
" hindi..uhm may gusto kasi akong puntahan.. Ayaw naman niya.. Paul please sige na." kindat ko sa kanya.. Umiwas naman sya ng tingin.
"uuwi ka na geo.. Ayoko umalis."
"pero paul.."
"so hindi na babe ang tawag mo sakin.?" sarkastikong saad ni paul.
"babe.. Please.. Gusto ko pumunta dun.?"
"nagaaway ata kayo.. Aalis na muna ako.?" saad ni Irene.
" no.. Uuwi na si geo.." ngiti ni paul.
" ayoko pa nga.." buset talagang paul to eh.. Inaantay ako ni chris eh.
" geo nagtext kasi sakin si blue.. Umuwi na daw tayo magdidinner daw kasi tayo sa inyo eh."
"oh may dinner pala kayo.?" sarkastikong saad ni paul.
" gusto mo sumama paul.?" alok ni Irene.
"no thanks.. Mejo pagod kasi ako eh gusto ko matulog. Sige na geo love you.." ngiti ni paul.
"paul.?" pagmamaktol ko.
"tara na geo.." saad ni Irene. Lumapit naman sakin si paul saka hinalikan yung pisngi ko.
" buti nga sayo!" gigil na saad niya saka tumalikod. " bye bae.." taas pa niya ng kamay saka tumalikod at pumasok ng gate niya..
" nagaaway kayo noh." tanong ni Irene agad naman akong umiling.
" hindi.. Kaanis.." siamngot ko saka sumakay sa likod ni Irene. " kainis ka paul!" gigil na saad ko natawa naman si Irene.
"ang cute niyo."
" panget sya ako lang ang cute.." inis na saad ko.
Halos alas onse na nun ng gabi ng pumasok ako sa kwarto.. Kanina ko pa gusto pumasok kaso si blue at kuya aldred ayaw ako payagan.. Si Irene naman wala ng ginawa kundi asarin ako kay paul badtrip talaga. Pagkalock ko ng pinto agad lang akong nagdial sa cellphone ko.. Natext ko lang kanina si chris na hindi ako makakapunta.. Haixtt galit kaya sya..
"hello geo.?" saad niya.
"uhmm.. Chris sorry kanina huh."
" Ok lang. Bakit gising ka pa.. May pasok na bukas ah."
"katatapos lang namin magkwentuhan nila kuya aldred eh.. Sorry talaga huh.."
" Ok lang talaga.. Tulog ka na.."
"hindi pa ko antok eh.. Bakit gising ka pa.?"
" hindi ako makatulog eh.. Maybe excited para bukas.. First day of school uli eh."
"oo nga pala.."
" chris.. I love you." Saad ko ilang sandali naman walamg sumagot sa kabilang linya.. Hanggang marinig ko yung pagbuntong hininga niya.. Haixt. " ok lang chris.. Ust want to say i love you lang naman eh.. Kahit hindi mo sagutin."
" uhm geo.."
" Naiimagine ko kanina yung mukha mo nung tumawag ka ..Don't worry babalik ko na yung picture bukas.. Sayo naman yun eh."
" may ipapakita ako sayo bukas geo.. Wag kang aabsent huh.."
"ano..?"
" basta.. Wag mo na muna ibalik yung picture namin ni blue."
" bakit.?"
"uhmm Kasi Simula bukas geo.... Susubukan ko ng mahalin ka.."
" huh..?" hindi naman sya nagsalita. " chris.. Ano sabi mo.?"
"bukas.. Sisimulan ko ng mahalin ka...di ko alam pero may iba na kong nararamdaman sayo.. Geo I'm not sure kung love na ba to or natutuwa lang ako sayo.. Geo susubukan ko pero promise me kapag mahal na kita.. Wag mo ko iiwan huh.. Promise me na hindi mo ko bibitawan.. Geo ayoko na masaktan.." saad niya rinig ko lang yung pagsinghot niya sa kabilang linya.
" umiiyak ka ba chris..?"
" Geo promise me..Kasi kung sasaktan mo lang din ako.. Itigil mo na..ayoko na maramdaman yung sakit.. Geo ayoko na mastan.. Geo ayoko na.. Promise me geo please." napangiti lang ako kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko.
" Promise chris."
SI PAUL
Naalimpungatan lang ako sa ng gabing yun ng marinig yung tunog ng cellphone ko., napatayo lang ako saka to kinuiha aktong sasagutin ko na ng tumigil to sa pagtunog..haixt si mommy.. Inantay ko na tumawag uli sya pero bagkus na tumawag ay isang text nalang yung natanggap ko.
I guess tulog ka na paul.
Kakamustahin lang sana kita..hope youre ok. Love you son.
Basa ko sa text.. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka nagtype din ng msg..pagkatapos isend ay tumayo na ko.. Nagwawala na yung mga bulate ko sa tyan. Tuumuloy lang ako sa kusina saka tiningnan yung niluto ni geo. Nakatulog ako kanina pagalis niya.
Napangiti lang ako ng amuyin yung nasa kaserola.. " ang bango." binuksan ko lang uli yung kalan para initin.. Nagsalang narin ako ng kanin sa rice cooker.
Nangalumbaba lang ako sa mesa habang inaantay maluto yung pagkain ko nang makitang umuusok na yung kaserola agad ko lang tong pinatay. Kumuha lang ako ng kutsara saka sumandok.
" ang sarap nga.." ngiti ko natigilan lang ako ng maalala yung paghalik sakin ni geo kanina.. That kiss. Haixt.. Bumalik lang ako sa upuan saka pinagmasdan yung ilaw ng rice cooker. " may boyfriend na eh ...nanghahalik pa ng iba.!" ginulo ko lang yung buhok ko.. Aixt bakit ba. Bakit ba.. Aixt.. Parang paulit ulit nagflaflashback sa utak ko yung paghalik niya sakin. Damn it talaga oh.! Nakakdiri.. Pwede naman sa cheeks lang bakit sa lips pa.. Kung wala lang syang boyfriend iisipin ko na patay na patay sakin yun eh.
ITUTULOY
Kay Paul ako!
ReplyDelete-EdgardLacxamana
Hows excited na mahalin ni chris si geo at nakakakilig tlga wag lng maki alam si irene....
ReplyDeleteGaling mo tlga kuya blue thank you sa update
Jharz 05
Ang astig ng mama ni CJ. "Tagay tayo!" Lol
ReplyDelete..facade lang pala ang pagiging tee-bird niya.
Infairness, ang da-moves talaga ni Geo. Can't resist temptation ang drama sa pagitan niya at ni Paul. Push mo pa, may sign na na pweseng magkagusto sa `yo si Paul..
Ang lonely ni Chris. Ayaw masaktan oero hindi maiiwasan. Anong mangyayari, if ever na main-love si Geo kay Paul? The same ba kay Blur? Hahaha
Kuya Carlos! Ikaw na talaga! Ikaw na ikaw na!! Salamat sa update :-). :-)
*pwedeng
Delete*pero
*Blue pala.. haha
This is it!! #Chreo time na. Sana ito na talaga ang realization ni Chris. Aldred is for Blue. CJ please wag ka na umekstra. Ikaw din Irene sana mabura ka na sa storya. Haha Ikaw Paul straight ka.
ReplyDeleteGeo umayos ka, para ka lang lay Chris.
P.S. miss na rin kita author, busy mo kasi lagi. Haha :P Marvs
Aixt ang ganda talqa ng story mo kuya ikaw na? Wahaha :)
ReplyDeleteGo Team PaulGeo aqu!!!
Aixt ganda po tlqa ng story mo kuya icaw na wahaha :)
ReplyDeleteTeam PaulGeo aqu?
Yun oh balik na sa 2 updates per week naku exciting na ang mga pangyayari looking forward for the next update.
ReplyDeleteHehehe kakakilig...
ReplyDeleteCool ng mama ni Christine Joy hahahaha
Go Paul !! :D
ReplyDeletePaul is <3
ReplyDeleteNakakakilig yun Paul and Geo moments hahaha!! Nice mr author!! :)
ReplyDelete-44
NICE PAKIRAMDAM KO SIXTEEN ULIT...
ReplyDeleteMr author...more po please..tgal na ako nag babasa dto..pinaka gusto ko yung twist ng mga story mo.. :)
ReplyDeleteteam #PaGe ako!!! paul, wag nang antayin si chris! bahala siya sa LoveLife nia! Paul FTW. Paul is hart hart! grabeh. kinilig ako, Geo Push mo yan! chris, GoodLuck si CJ nlng sau, pero, parang ampanget pag sila! di sla compatible... hanapan mo nlng Mr.AUTHOR ng LoveLife si CJ.. pwedeng si Erika? pls pls pls... baka maganda kasi ang kalalabasan!!! CJxERIKA!! aixt ang kyut kyut! :) :)
ReplyDelete-myunXel
p.s: Kuya Blue... ung photo... mmm ampanget ehhh.. tsk tsk tsk, baka mapatay ako ni joseph!
Ngayon ko lang binasa itong story na ito at napuyat ako walang tulog chapter 1-13 hahhaa this is so sweet. Actually much better than pinagkakaguluhang isang story dito pero payong kaibigan lang author wag naman sanang super bitin i mean huwag naman tagalan ang pag update ;) kinikilig ako sa story mo e hahaha ;)
ReplyDeleteP.s
ReplyDeleteAyon sa ibang comment may book 1 ito ano po ba ang title? Please let me know 09298847009
Galing po si geo sa story ni blue.. (blue learning to love again.)
DeleteTeam #PaGe ang cute nila eh..
ReplyDeleteyeah team # PaGE pa ren <3
ReplyDelete-yelsnA
PaulGEO ako Bluerose. AHAHA! My God!
ReplyDelete