A/N: Sorry po sa 1 month delay tinapos ko lang po namin yung thesis
namin :) and thank god we pass
#BestThesis
Sa buhay natin
may darating na magpapaasa lang . . . ningas kugon ba, magaling lang sa simula.
Pero sabi ko nga malalaman mo ngayon ang ibig sabihin ng salitang “Sayang” and
one more thing Godbless sayo and I hope mag-bago ka na youre not getting any
younger and you should know what “Love” is.
And after that
you act like nothing happen Hilarious!
Clap Clap Clap.
Hi Kuya Sai saya ko talaga
dahil sayo :) Mwah x 100 kahit sobrang topakin ko nandiyan ka pa rin para sa
akin :) Hope to make more memories with you . . . inlove since January 02 2014.
Hi din kay Neil at Kuya Marcon, salamat sa
pagdamay sa akin lucky to have you :) Congratulation BTW Cum Laude eh! Hope to
meet this awesome couple.
Hi Llemit, Regimar, Paul, naitsihc, Alexander,
jomar :)
At sa iba na
hindi ko nabanggit sorry po next time promise
Hi K-Feds :)
Sa mga naging kaibigan ko maraming
salamat :)
- g!o Yu
PLUG KO DIN SANA YUNG BAGO KONG STORY ENTITLED CH@TMATE
You can also give your
comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio
Yu at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.
Ito po ang unang story na ginawa ko sana
magustuhan nyo :)
Final
Requirement 19
R i c
h a r d --- >>>
Masaya na sana ang
gabi namin ni Babe tigas na eh, until dumating yung lintek na MMS na yun laman
ang mga litratong hindi namin inexpect. Regalo yata sa amin kasi pumasa kami sa
defense.
"pa-paanong?!"
< --- Ako
"B-bakit sila
meron nito?" < --- Andrei
"I have no
idea where on earth did they get that eh tayo lang naman ang may copy
nito" < --- Ako
"Haist paano
siya nagkaroon nito?" < --- Andrei
"Aaaargh hindi
na lang sana natin ginawa yun" < --- Ako
"B-babe walang
may kasalanan ok? Pareho nating ginusto yun" < --- Andrei
Hindi naman ako
sira para ipamigay ang isang pribadong bagay lalo na kung alam ko na kasangkot
at masasaktan ang taong mahal ko.
I just can’t figure
out kung paano ito nakalabas. Sinigurado ko na may password ang file na yon,
hindi rin naman agad makokopya yun sa Laptop ko kasi nakalock ang mga ports.
Sino at ano ang
motibo niya para takutin kami ng ganito?
“Babe? Papaano kaya
ito lumabas?” < --- Ako
“H-hindi ko alam. .
. paano to Babe kapag kumalat to p-panigurado hindi tayo papayagan ng school na
maka-graduate. Lahat ng pinaghirapan natin ay mapupunta lang sa wala” < ---
nangangatal na tugon ni Andrei
“Hindi ako papayag
Babe hahanapin natin kung sino man ang may pakana nito at sisiguraduhin ko na
hindi siya magtatagumpay sa mga binabalak niya” < --- Ako
"Babe,
makikipagkita ako sa kanya" < --- Andrei
"Haaa?!
Nahihibang ka na ba eh kung mapahamak ka? Hindi ako papayag ayoko Babe, you’re
not gonna risk your life just to get that"
“Babe naman eh” <
--- Andrei
“Hindi Babe ayoko,
hindi ka makikipagkita sa kanya hindi mo pa nga alam kung sino yan eh. Paano
kung may gawin yang masama sayo?” < --- Ako
"Anung tingin
mo sa akin hindi kayang protektahan sa sarili ko?" < --- Andrei
“Kahit anung
sabihin mo hindi ako papayag” < --- Ako
“Kung hindi tayo
maapektuhan ng Video na yon Babe hindi ko na kukuhanin yon pero kappa kumalat
yun madaming masasaktan, at isa na doon ang pamilya natin. Gusto mo ba na
kumalat yun?” < --- Andrei
"Hindi naman
sa ganun pero ayoko lang may masamang mangyari sayo" < --- Ako
"Haist
nakalagay lang naman sa flash . . . Shit! Hindi kaya si . . ." < ---
Andrei
"Bakit
babe?" < --- Ako
"hindi ko pa
sure eh pero may hinala na ako, kung siya man yun pakikiusapan ko na lang"
< --- Andrei
“Sino Babe? Tell me
and I'll make him pay” < --- Ako
“Ayoko muna magsabi
ng pangalan hindi pa naman ako sigurado eh, kaya makikipag kita ako sa kanya,
ito na lang ang naiisip ko na paraan” < --- Andrei
"Babe
natatakot ako sa gagawin mo" < --- Ako
"Wag kang
kabahan, gagawin ko lahat para makuha yun. Baka hindi pa tayo payagang
makagraduate once kumalat ang video natin" < --- Andrei
Bakit ba ayaw
kaming lubayan ng problema? masyado kaming hinahamon ng pagkakataon pero ito
lang ang masasabi ko sa taong may kagagawan nito, hindi niya kami
mapapag-hiwalay gagawa ako ng paraan para hanapin siya at pagbayarin sa mga
ginagawa niya sa amin ni Babe.
Aaargh! Kinakabahan
talaga ako sa gagawin ni Babe pero bakit kalma lang siya? Mukang may idea na
siya eh pero ayaw niyang sabihin sa akin.
Sinabihan rin niya
ako na huwag sumunod kasi baka maging kumplikado ang sitwasyon. Pumayag na lang
ako kasi may sarili akong plano.
“Babe tulog na
tayo” < --- Andrei
“Babe malalagpasan
natin to ok? Gagawa tayo ng paraan bukas I love you” < --- Ako
“I love you more”
< --- Andrei
“hmmmmm ikaw talaga
you really know how to make me smile” < --- Ako
“Hehehe bola mo
tara na dami mo satsat” < --- Andrei
Tulad ng parati
naming posisyon, nakahiga siya sa braso ko.
Ako eto nakatingin
sa kisame pilit na iniisip kung sino at ano ang motibo niya.
"Tutulog na
daw eh dilat na dilat ka pa dyan. Wag mo na nga isipin yun" < ---
Andrei
"Eto na po
pipikit na"
“Hmmmm” < ---
Andrei
“Eton a nga oh ayan
na nakapikit na ako”
"Good" < --- Andrei
.
. .
Nauna akong
nagising kay Andrei ngayon eto siya sa tabi ko, nakanganga tulo laway hehehe
cute talaga ni Babe.
Inayos ko ang
pagkakahiga niya at kinumutan bago ako pumunta sa study table para magresearch
sa planong binabalak kong gamitin mamaya.
Pagkabukas ng laptop
niya ay nakita ko ang muka ko, tulog ako dito tapos nakakiss sa akin si Andrei.
Seriously hindi ko alam kung kailan niya to kinuha pero i like it. Ito talagang
si Babe may pabigla sa lahat ng bagay.
Medyo kinilig din
at the same time
Click, Type basa
dito basa doon nood ng tutorials at paminsang facebook, Ok mukang madali lang
naman iset up ang plano ko.
"Baaaaabe"
"Good morning
Babe" < --- Ako
"Nasaan
kaaaa?" < --- Andrei
Lakas nito ni Babe
eh ayaw na lang dumilat pagkagising para makita kung nasaan ako, habit talaga
ni babe kakaiba.
"Nandito lang
po" < --- Ako
"saan?"
< --- Andrei
"Dumilat ka
kaya" < --- Ako
.
.
.
BLAAAG!
Nahulog si Andrei
sa kama.
"Araaaay. .
."
"B-babe? Ayos
ka lang?" < --- Ako
"Muka ba akong
ok? Tulungan mo kaya ako! Kasalanan mo to eh" < --- Andrei
"What? Eh ikaw
kasi ayaw mo na lang imulat ang mata mo para makita mo agad ako"
"Sana sinabi
mo agad na wala ka sa kama at nandiyan ka sa study table ko ng hindi ako
nahulog" < --- Andrei mainet na ang ulo.
"Kung sana po
kasi dumilat na lang po diba?" < --- Ako
"Ewan bahala
ka nga dyan . . ." < --- Si Andrei sabay tayo mukang magwawalk out.
Hinabol ko siya at
niyakap sa likod.
"Sunget ee, I
love you Babe mwah"
"Ikaw ee
nagpapalambing lang naman ako kanina hmp" < --- Andrei
"Ok wag ka na
tampo Babe ah I love you mwah mwah " < --- Paglalambing ko
"Lagi mo akong
dinadaan sa kiss ah alam mo namang weakness ko yan eh" < --- Andrei
"Talaga? Mwah
mwah mwah mwah mwah!"
"Hihihi kaw
talaga halika na po kakain na tayo" < --- Andrei
"Babe eto muna
kainin mo" < --- Ako teasing
Andrei
"Eto ba?"
< --- Si Andrei dinakot si Jun jun sa shorts ko
"Aaaaaray!
Sh*t" < --- Ako piniga kasi ni Babe eh
"Ang halay mo
talaga, tara kakain na po sa baba" < --- Andrei biglang nagtatakbo
pababa.
"Aaaray wag kang
papahuli sa akin"
"Sa lagay mo
ngayon? Hindi mo ako mahahabol hahaha!" < --- Andrei
"Ah ganun?
Halika dito!" < --- Ako hinabol ko si Andrei
Naghabulan kami sa
bahay nila Andrei . . . Pababa sa hagdan, sa kusina, sa sala palabas ng bahay
hanggang umabot kami sa pool.
Tumigil si Andrei.
"Teka haha
pagod na ako Babe Time first" < --- Andrei
"Anung Time
first?! Halika dito!" < --- Ako bilis bilis takbo papunta kay Andrei
"Huli
ka!" < --- Ako pero may hindi ako napansin
O___O
Splaaaash!
Hulog kami sa Pool.
.
. .
"Bakit naman
kasi nagtampisaw kayong dalawa sa pool umagang tapat?" < --- Nanay
"Eh si Chard
po kasi Nay, hinabol po ako" < --- Andrei
"It's your
fault kung hindi mo inano yung ano eh . . ." < --- Hindi ko masabi yung dahilan kung bakit ko hinahabol si Babe nasa gitna kami ng hapag kainan kasama
sila Tito, Tita at Kuya eh.
"Anu yon
Chard?" < --- Kuya Kian
"W-wala po
kuya, kain na po tayo"
Thank god hindi na
sila nag-usisa nakahinga ako ng maluwag.
"Oh Andrei?
Saan ka pupunta?" < --- Tito Athan
"Ah Tay
pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko" < --- Andrei
"Oh hindi
kasama si Chard?" < --- Kuya Kian
"May iba yang
plano eh" < --- Andrei
"Ayaw mo lang
ako isama"
"Tumigil ka
nga napag-usapan nanatin to" < --- Andrei
"Tss"
< --- Ako
"Bakit kasi
ayaw mo isama bunso?" < --- Kuya Kian
"Hindi na ako
mahal nan eh" < --- Pagdadrama ko
"Hoy magtigil
ka dyan walang maniniwala sayo alam ng lahat kung paano kita kamahal" <
--- Andrei
“Isama mo ako” <
--- Ako
“Tss, napag-usapan
na natin ito” < --- Andrei
"Oh tamana yan
kakain na tayo mamaya nyo na pag-usapan yan" < --- Tita
"Oh by the way
Chard, sabi ng tatay mo baka daw ipadala na ang mga gamit mo dito para daw
hindi ka na mahirapan" < --- Tito Athan
"Ay naku po
Tito wag nyu po pansinin si Dad may topak po yun minsan" < --- Ako
Walang kamalay
malay ang magulang at kapatid ni Babe kung ano ang gagawin mamaya, gusto ko man
ipaalam pero baka lalo lumala ang sitwasyon.
Nauna akong
nagpaalam at umakyat sa kwarto ni Babe para kalikutin yung cellphone niya.
After 15 minutes napagana
ko din yes!
"Babe? ano
bang ginagawa mo sa phone ko?" < --- Andrei kakarating lang sa kwarto
niya
"Ah eh
maglalaro ng Flappy Bird" < --- Pagsisinungaling ko
"Asa ka naman
ma-beat mo yung 64 kong record dyan" < --- Andrei
"Ang yabang .
. . Teka laro ako ah"
Tining tining
.
. . .
Tining tining
O___O < ---
Andrei
"Madali lang
naman pala to eh" < --- Ako
"Wew!"
< --- Andrei
tining tining
tining . . . .
.
.
.
Boogsh!
score: 186
"May daya yan
no?" < --- Andrei
"Kapag
nalagpasan ang record mo may daya agad babe?" < --- Ako
“Oo kapag ikaw ang
nakakabeat ng record ko may daya” < --- Andrei
“Hindi mo lang
matanggap na natatalo ko ang mga best scores mo like sa temple run 1 at 2 at
ngayon sa Flappy Bird” < --- Ako
"Oo na ikaw na
magaling. Teka ligo lang ako anung oras na, sabay ka na hindi ka pa rin
nagbabanlaw ah . . . " < --- Andrei
"Mamaya na
Babe mauna ka na lang" < --- Ako
“Hmmmp ok bahala
ka” < --- Andrei
Pagkapasok ni Babe
sa banyo ay tinuloy ko ang pag-aayos ng extra settings sa phone niya.
.
. .
"Babe? Anu ba
yang kinakalikot mo ha at hindi ka na makausap?" < --- si Andrei tapos
na pala maligo
"Wa-wala
naman, ano babe sigurado ka na sa gagawin mo?" < --- Ako
"Oo babe wala
na itong atrasan" < --- Andrei
"Sumama na
lang kaya ako? Kinakabahan ako para sayo eh" < --- Ako
"Dito ka na
lang saglit lang ako doon at wag daw magsama ng kahit na sino eh" < ---
Andrei
"Pleeeaaaseee?"
< --- Ako
"Ay ang kulet
bawal nga daw" < --- Andrei
"Pleeeeeaaaaaseeee?"
< --- Pangungulet ko
"Hindi mo ako
madadaan sa pagpapacute mo Mr. Alvarez" < --- Andrei
"Sige na nga,
ingat ka ha" < --- Tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit
"Opo sige
aalis na ako" < --- Andrei
"Eee payakap
pa Babe mga 5 minutes pa" < --- Ako
"Aysus . . .
Minsan inaatake ka ng kakornihan eh" < --- Andrei
“Kapag nagmamahal
kahit maging corny ka sa mata ng iba, sweet naman sa mata ng mahal ko” < ---
Ako
“Hmmm Love you
Richard Alvarez” < --- Andrei
“Love you more
Andrei Alvarez” < --- Ako
“Huh… Alvarez
talaga ah” < --- Andrei
“Oo naman
pakakasalan kita no” < --- Ako
.
. .
"Kinakabahan
lang po kasi ako Babe, please let me hug you more" < --- Paglalambing
ko
"Anu ba hindi
ako makahinga babe para namang hindi na tayo magkikita" < --- Andrei
"Hatid na
kita?"
"Wag na Babe,
kaya ko na to ok? Oh lagpas ka na ng 5 minutes" < --- Andrei
"5 more
minutes" < --- Ako
"5 punches
gusto mo?" < --- Andrei
"Eto naman,
sandali ka lang doon ah, kapag may napansin kang hindi maganda tawagan mo agad
ako" < --- Ako
"Opo
Boss" < --- Andrei
Unti unti kong
niluwagan ang yakap ko sa kanya senyales na hinahayaan ko siya na umalis.
Kahit labag sa
aking kalooban eh hindi ko naman mapipigilan si Andrei kapag ginusto nun ay
talaga namang ipagpipilitan.
Wala akong nagawa
kung hindi panoorin siya maglakad palayo.
Pagkaalis ni Andrei
ay sinimulan ko nang i-set ang cellphone.
Ayos ko ang cellphone niya para kapag hinanap ko siya sa Google maps ay
makikita ko siya sa tulong ng GPS. Kaya masusundan ko siya sa pupuntahan nila
ng taong may copy ng video namin.
Matatapos din to
Babe, hindi kita hahayaan na mapahamak.
A n d
r e i --- >>>
On the way na ako
sa David's tea house, doon kami magkikita nung taong may copy ng Video namin ni
Chard. Hanggang ngayon ay di ko pa din alam ang kanyang motibo.
Nakatingin ako sa
labas ng bintana dito sa sinakyan kong buss iniisip ang mga posibleng mangyari.
Kung tama ang hinala ko, baka naman madaan sa pakiusap, pero sa tingin ko iba
ang hihingiin niya sa akin at sana mali ang hinala ko.
Kailangan kong
tibayan ang loob ko upang maipakita sa kanya na hindi ako nasisindak. Alang
alang sa sarili ko kay Chard at sa pamilya namin na maaring malagay sa
kahihiyan.
Unknown number:
Nakasuot ako ng puting longsleeve na may green tie.
Yan ang huli niyang
text sa akin.
Yung taong nasa
isip ko kaya ang makikita ko mamaya?
.
. .
Pagkadating ko sa
lugar ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Hinanap ko ang taong nakawhite
sleeve at nakagreen na tie.
Nakaupo siya sa
sulok malapit sa bintana.
Kung ganyan ang
kanyang pananamit masasabi mo na mataas ang kanyang pinag-aralan pero sa
inaasal niya ngayon? Masahol pa siya sa isang hayop.
Kahit medyo
kinabahan na ako ay kailangan ko itong harapin dahil isang tao lang talaga ang
alam kong gagawa nito at kung susumahin mo ang sitwasyon kami ni Chard ang
dehado dito.
Umupo ako sa harap
niya.
"Saan mo
nakuha ang video namin?" < --- Ako
"Sumama ka sa
akin" < --- ???
"Sino
ka?" < --- Ako
"Inutusan lang
ako kaya hindi mo na kailangan malaman pangalan ko" < --- ???
"Saan tayo
pupunta?" < --- Ako
"Sa taong
hinahanap mo" < --- ???
"Bakit hindi
siya ang pumunta dito?" < --- Ako
"Tulad ng sabi
ko inutusan lang ako sumama ka na sa akin kung gusto mo malaman ang lahat"
< --- ???
"Paano kung
hindi ako sumama?" < --- Ako
"Kakalat ang
video nyo ng boyfriend mo. Hindi kayo makakagraduate at kasabay noon ang
pagkawala ng dignidad nyo" < --- ???
"Hayop
ka" < --- Ako
"Chill bro,
katulad ng sinabi ko kanina inutusan lang ako" < --- ???
"Pagbabayaran
niyo to" < --- Ako
"Hahaha
pinapatawa mo ako" < --- ???
"Ipahuli kaya
kita sa Pulis ngayon?" < --- Ako
"Bakit anung
ginawa ko? Pwedeng itanggi ko ang mga aligasyon mo" < --- ???
"Hindi ko
mapapalagpas ang mga ginagawa nyo sa amin"
"Tandaan mo
hawak namin ang kinabukasan mo" < --- ???
"Pasalamat ka
. . . Gustong gusto kita sapakin dito" < --- Ako hindi na napigilan ang
inis na nararamdaman sa taong nasa harap ko.
"Ang dami
namang sat sat sasama ka ba o hindi?" < --- ???
Bahala na kailangan
kong sumama sa taong to para matapos na.
Gusto ko makita
kung sino ang may kopya ng video namin.
Sana po walang
mangyaring masama sa akin.
Sorry Babe.
R i c
h a r d --- >>>
Tinawagan ko sila
Jet, Nik Jim , Ted, Jeric at Ronie para back up kung sakaling may hindi
magandang mangyari ay maipagtatanggol namin si Andrei sa kamay ng taong may
hawak ng video namin. Marami kasi ang posibleng mangyari, what if madaming
kasama yung katagpo ni Babe baka may gawin silang masama.
"Pre hindi pa
rin sila naalis doon" < --- Ronie
"Mabuti naisip
mo ito Pards" < --- Nik
"Para sa mahal
ko gagawin ko ang lahat, kaya lang ako pumayag na makipagkita siya doon kasi
nagawan ko ng paraan yung sa cellphone niya na matrack ko siya atleast alam ko
kung saan siya hahanapin if ever na may masamang gawin yung kinatagpo niya"
< --- Ako
"Ang laki na
talaga ng pinagbago mo pre" < --- Ted
"Oo nga dati
hindi ka tumatagal sa relasyon, 1 week na ang pinaka-matagal. Aba ngayon 4
months" < --- Ted
"Wala eh 2nd
year pa lang tayo patay na patay na yan kay Andrei eh" < --- Ronie
"Mga sira
kayo, kapag nahanap nyo ang taong mamahalin nyo maiintindihan niyo ako"
"Wow Pards
kailan ka pa naging corny ng ganyan?" < --- Nik
“Try to find your
true love and you’ll see” < --- Ako
“Ako I finf my true
love in San Marino” < --- Ted
“Corny mo pre eto
piso hanap kang kausap mo” < --- Jim
Naging kampante ako
kasi sabi ni Ronie ay hindi pa naalis sa location si Andrei kaya naman
nag-kwentuhan muna kami ng tropa at may usapan kami na tatawag naman si Andrei
if may napansin siyang hindi maganda doon.
"Tol pakain ka
muna ang aga aga mo naman kasi mangbulabog eh" < --- Jim
"Oo nga nakain
ako kanina basta mo na lang ako hinila" < --- Ronie
"Ako nga tulog
pa eh" < --- Jeric
"Hindi ba
makakapag-intay yang mga gutom nyo?"
"Hindi"
So I have no choice
but to feed them. Mga kaibigan ko talaga uunahin pa ang pagkain.
Pumasok muna kami
sa Bahay at nagpahain ng makakain nila.
"Oh Chard kain
ka" < --- Ted
"No Thanks
kumain na ako kila Andrei"
Pansamantalang
nawala ang focus ko kay Babe. kung makikita mo lang kumain itong mga kaibigan
ko parang wala nang bukas.
Matawa tawa na lang
ako sa mga nakikita ko.
Ay shit nasaan ang
phone ko?
"Guys? Have
you seen my phone?"
"Nasa kotse mo
diba?" < --- Jim
Ay nalintikan na
nawala sa isip ko yung phone aaaargh!
Dali dali ako
pumunta sa kotse ko upang i-check sa phone kung nasaan na si Andrei.
Locating . . .
Loading Location .
. .
Shit naman ang
tagal.
palabas sila ng
Calamba? Saan naman kaya nila dadalin si Babe ko?!
"Lumabas na
kayo dyan!"
Isa isa silang
lumabas dala dala ang mga pagkain.
"Bakit
pre?" < --- Ted
"Sumakay na
kayo bilisan nyo!" < --- Ako
Kasalanan ko to eh
ang careless ko! Ngayon saglit na panahon ayan nakalayo na sila.
Babe I told you
tumawag ka if something happened.
"Pards kalma
ka lang baka tayo ang maaksidente" < --- Nik
"Eh hindi ako
mapalagay eh tingnan mo palabas sila ng Calamba" < --- Ako
"Kaya nga kami
nandito eh para tulungan ka diba?" < --- Ronie
"Ang gwapo
kasi ng Boyfriend mo eh kaya marami kang kaagaw" < --- Nik
"Bakit siya
ang kinidnap? Dapat ako diba? Ako yung gwapo eh" < --- Ako
"Kapal ng muka
mo pards" < --- Nik
"Anu ba yung
video na yon" < --- Ronie
"Sa amin ni
Andrei one time we decided to record our make love session" < --- Ako
"Adik ka
pinsan dapat hindi kayo nagrerecord" < --- Jet
"Aba Chito
ikaw ba yan, aba kailangan ko mapanood yan" < --- Ronie
"Gagew! Di ko
ipapakita sa inyo yun" < --- Ako
"Sayang naman
pards sila nakita na tapos kaming tropa mo hindi updated not fair" <
--- Nik
"Bugok kayo
hindi niyo makikita yun kahit kailan" < --- Ako
.
. .
Basi sa google maps
ay nasa Batangas na sila.
Babe sana ayos ka
lang.
Parating na ako
hindi kita pababayaan.
Subukan lang nilang
saktan ka ako ang makakaharap nila.
A n d
r e i --- >>>
Kasalukuyan ay
binabaybay namin ang daan papuntang Batangas, hindi ko alam kung saan ako
dadalin ng gagong ito, kanina ko pa tinatanung ayaw sumagot tss.
"Saan mo ba
ako dadalin?" < --- Ako
"Pwede
manahimik ka? Ingay mo ah" < --- ???
"Kung
sinasagot mo kaya yung tanong ko di mananahimik ako"
"Eh bakit ayaw
mo na lang mag-intay?" < --- ???
"Tss"
"Alam mo gwapo
ka ah" < --- ???
"Kailangan ko
bang magpasalamat sa papuri mo oh matakot?" < --- Ako
“Pasalamat ka sabi
ni Boss wag kang gagalawin eh” < --- ???
"Psssh!"
< --- May inispray siya
"Anu
yan?!" < --- Ako
"Air
freshener" < --- ???
Nakaramdam ako ng
pamamanhid sa buo kong katawan, unti-unting bumigat ang pakiramdam ko
"G-gago ka. .
. H-hindi yan air f-fresheneeer aaaargh ang bigat ng pakiramdam k-ko h-hindi ka
na talaga nakakatuwa"
"Goodnight
Andrei" < --- ???
Pilit ko man
labanan ang antok wala akong nagawa. Masyadong matapang ang kemikal na
nalanghap ko kaya mabilis umikot ang paningin ko at nawalan ng malay.
.
. .
"You are a
disgrace to this family!" < --- Tatay
"Tay h-hindi
ko po sinasadya" < --- Ako
"Anak ganyan
ka ba kita pinalaki? Ang baboy niyong dalawa!" < --- Nanay
"N-nay h-hindi
po n-namin gustong lumabas yun"
"Bunso. .
." < --- Kuya Kian
"K-kuya
p-please naman p-pakinggan mo naman ako"
Nakita ko ang awa
sa muka ni Kuya Kian, gusto niya akong tulungan. Lumapit ako sa kanya pero
hinila ni tatay ang kamay ko.
"Lumayas ka,
lumayas ka! Simula ngayon tandaan mo hindi na kita tinuturing na anak!"
< --- Tatay
"T-tay
patawarin niyo po a-ako, h-hindi ko po sinasadya . . . n-nay kuya tulungan niyo
naman ako oh" < --- Mangiyak ngiyak kong pakiusap sa kanila
"LUMAYAS
KA!"
Pinagtulakan ako ni
Tatay palabas ng gate naging tengang kawali siya sa mga paliwanag ko.
Sadya bang
napakalaki ng kasalanan na ginawa ko?
Kasalanan nga ba
ang ginawa ko?
Mabuti pa yung iba
kapag nasa ganitong sitwasyon todo suporta ang buong pamilya samantalang sa
akin, pinagtulakan sa labas ng bahay at itinakwil.
Saklap.
paglabas ko ng gate
nandoon si Chard sa kabilang parte ng kalye sa ilalim ng ilaw ng poste.
"Babe?"
"B-baaabe!"
Nagpunta ako sa
kabilang kalye at dali dali kong niyakap si Chard. Hindi ko na alam gagawin ko
kung mawawala pa siya sa buhay ko.
"Babe I have
something to tell you" < --- Chard
"Ano
yun?" < --- Ako
"B-babe naman
. . . No a-ayoko kakayanin natin to diba? Sabi mo w-walang iwanan" <
--- Ako
"Pero nag-iba
na ang lahat Andrei, hindi mo ba napapansin? Lahat sila sinuko na tayo,
tinakwil na rin ako ng magulang ko kaya I don't know if saan oh anu ang gagawin
ko sa buhay. So its better for us to stop this" < --- Chard
"Pareho lang
naman tayo Chard, h-hindi natin kailangan maghiwalay. Magtulungan tayo Babe
" < --- Ako niyakap ko si Chard sa likod.
"I don't want
you to be miserable just like me. I want you to go back there and sincerely
apologize to them" < --- Chard
"Ayoko. Sasama
na lang ako sayo Babe please?" < --- pagmamakaawa ko
"No. Its
better for us to go our separate ways" < --- Si Chard
Hinalikan nya ako
sa labi.
Napapikit na lang
ako kasabay ang pag-agos ng aking mga luha.
"B-babe h-hindi
ko kaya please n-naman oh" < --- Pagmamakaawa ko sa kanya
"Buo na ang
desisyon ko, we have to go our separate path, it’s for the better kaya please
don't make this so hard from me" < --- Chard sabay talikod sa akin at
lakad palayo
"CHAAAARD
TUMABI KA!"
BEEEEEEEEP!
.
. .
"CHAAAARD!"
Habol hininga akong
bumangon sa kama. Kasabay nito ang pagluwag ng aking paghinga dahil panaginip
lang pala ang lahat.
Naiyak din pala ako
para kasing totoo ang lahat nabunggo kasi si Chard ng kotse sa panaginip ko.
Pero hindi ko ito
paaabutin sa ganoong sitwasyon ang lahat.
Medyo hilo pa rin
ako dahil sa kemikal na pinaamoy sa akin.
Tumayo ako at
hinanap ko kung nasaan ang pintuan. Sinubukan kong buksan ngunit nakalock
pinilit ko itong sirain pero sadyang matibay ito.
"Kung sino ka
mang gago ka magpakita ka sa akin takte ka!" < --- Ako
"Wag ka ngang
maingay dyan!" < --- ???
"Pakawalan mo
nga ako dito!"
"Sabi ni boss
dyan ka lang muna hangga't hindi siya nadating" < --- ???
"Hindi naman
ako tatakas eh gusto ko makaharap yang boss mo" < --- Ako
"Mabuti na
yung sigurado" < --- ???
Mali ata na sumama
ako tss. Paano kung may mangyaring masama at hindi sapat ang lakas ko upang
ipagtanggol ang sarili ko?
Kinapa ko ang aking
cellphone ngunit wala ito. Tss planado talaga ang bawat pangyayari kinakabahan
na talaga ako.
Chard sorry hindi
ako nag-iisip ng ayos. Kasalanan ko ito.
Pumasok ang
lalaking kasama ko kanina. May dalang pagkain.
"Kumain ka daw
muna" < --- ???
"Nasaan ba
yang lintek mong amo?!" < --- Ako
"Mamaya
nandito na yun" < --- ???
"Aalis na
ako" < --- Ako
Baag!
Aaray ko.
Sinikmuraan ako
nung lalaki ang sakit letche! Di ako makagalaw ng ayos.
"Magpakabait
ka kung ayaw mong masaktan pa lalo" < --- ???
"Gago
ka!" < --- Ako at sinugod ko siya ng buong lakas, nagpangbuno kami, sinuntok ko ang muka niya pero halatang sanay sa bakbakan ang taong ito.
Nasuntok niya ako
sa tagiliran naging sanhi ito ng pagbagsak ko.
Tumayo ako at
sinikmuraan siya dahilan upang mamilipit siya sa sakit.
Tumakbo ako palabas
ng pinto pababa sa hagdanan kailangan ko nang tumakas dito.
"Hoy bumalik
ka dito!" < --- ???
Naghabulan kami sa
loob ng bahay na pinagdalhan sa akin, may kalakihan ito kaya nahirapan akong
hanapin ang daan palabas.
"Huli
ka!" < --- ???
"Aaargh
pakawalan mo nga ako!"
"Ano ako
tanga?" < --- ???
Ayaw mo ah.
"Mmp! Mmp! Eto
pa Mmp!" < --- Sinisiko ko siya
"Aray ko
tumigil ka nga! Pasalamat ka hindi ka pinabubugbog eh" < --- ???
Nasiko ko siya sa
tyan kaya nabitawan niya ako.
Nahanap ko yung
pintuan palabas ng bahay pero nung saktong pagkabukas ko ay tinakpan ng panyo
ang ilong ko at muli kong naamoy ang kemikal na dahilan ng pagkawala ng ulirat
ko kanina.
"Makulit ka
eh, ayan napapala mo" < --- ???
Namanhid ang buo
kong katawan, hindi ako makagalaw.
“C-Chard T-tulungan mo a-ako”
“Asa ka naman brad,
hindi nun alam na nandito ka at dahil pasaway ka patay ka sa akin ngayon” < --- ???
Hindi ko na alam
ang mga sumunod na nangyari.
R i c
h a r d --- >>>
Malapit na kami sa
lugar na natrace ng GPS kung nasaan si Andrei.
"Malapit na
tayo" < --- Ako
"Bukid na to
ah sana ok lang si Andrei" < --- Jeric
“Oo nga pards, sana
ayos lang si Andrei” < --- Nik
“Anu ba kayo walang
masamang mangyayari sa kanya” < --- Ted
“Tumigil na nga
kayo, basta humanda kayo mukang mapapalanan tayo nito” < --- Ako
Tumigil ang locator
sa isang matalahib lugar.
"Nandito si
Babe?" < --- Ako
“Sa talahiban?”
< --- Ronie
“Wag naman sana
please, BAAABE!” < --- Ako
Hindi ko na
napigilan ang pagbuhos ng luha ako, ayokong isipin na itinapon ang katawan ni
Babe dito Aaaargh! Ano ba itong iniisip ko?!
“Chard, kumalma ka”
< --- Ted
“P-paano ako
kakalma?! Anong gusto mong isipin ko?! Na natutulog siya sa damuhan!” < ---
Ako
Iniwan ko sila doon
at tinahak ang makapal na talahiban.
“Baaaabe!” < ---
Ako
Palapit na ako ng
palapit sa kinaroroonan ng phone ni Babe.
Please sana mali
ang hinala ko hindi ko kakayanin kung mawawala sa akin si Andrei.
Eto na sa likod ng
makapal na talhib na ito ay maari kong makita ang bagay na ayaw kong makita o
mangyari.
Pagkahawi ko ng
talahib.
“BAAAAAABE!”
.
. .
“Chard! Chard
tumayo ka nga dyan” < --- Jim
“Si Baaaabe!” <
--- Ako
“Oo tumayo ka nga
dyan pards! Dahil paniguradong malapit na si Andrei dito kung nahulog yang
phone niya” < --- Nik
“Teka bahay yun oh”
< --- Jet
Sa parteng dulo ng
talahiban ay natanaw namin ang isang malaking bahay na sa kutob ko ay doon
namin makikita si Andrei.
“Tara na” < ---
ako
.
. .
"Mukang Normal
naman mga pards tara pasukin nanatin" < --- Nik
Matapos ang
kalahating oras na paglalakad ay narrating namin ang isang malaking bahay na
nagtatago sa gitna ng talahiban.
Sana nandito si
Babe
"Gagew
magmanman muna tayo kung ilan ang bantay" < --- Ronie
"Tama si
Ronie" < --- Jet
Inikutan namin ang
buong bahay.
“Muntikan nang
makatakas” < --- ???
“Ayun pinatulog
ulit at ewan ko mukang may binabalak yung isang yon kay Andrei, sabagay kahit
ako, ang puti at ang kinis nun sarap parausan hahaha!” < --- ???
Nagpanting ang
tenga ko sa narinig ko pag-uusap ng dalawang bantay sa labas.
“Chard, alam ko
yang iniisip mo at wag mo na ituloy sabay sabay tayong aatake” < --- Jet
.
. .
“Ilan?” < ---
Ako
“Mukang 4 silang
nagbabantay Chard” < --- Ted
“Anim tayo kaya
kakayanin natin to” < --- Ako
Inakyat namin ang
bakod upang makapasok kami sa baha at dahan dahan kaming pumasok sa loob.
Pagkapasok ni Ronie
ay nakita kami agad ng mga bantay
“Hoy sino kayo?!”
< --- ???
SUUGOD!
Pinaulanan namin ng
suntok ang 4 bantay.
Hindi ko alam kung
saan ako kumukuha ng lakas nasta ang alam ko lang ay mailigtas si Babe.
Pinagtutulungan
namin yung 4 na bantay nanunahan ko suntukin sa sikmura yung isa pero dali dali
akong sinuntok sa muka ng isa pang bantay kaya naman sinugod na ng buong tropa
para makipagbakbakan. Pasalamat na lang kami at walang dalang baril o kaya
kahit anung bagay na maaring gamitin laban sa amin.
"Insan hanapin
muna si Andrei kami na bahala dito" < --- Jet
Umakyat ako sa
hagdanan.
Hinalubog ko ang
bawat kwarto
Wala dito.
“Baaaaaabe!”
Bakit ba hindi ka
nasagot.
Bukas ulit ng
pinto.
Wala pa din.
"Babe?!"
< --- Ako
Pagkabukas ko ng
kwarto sa pinakadulo ay nakita ko si Andrei walang kahit anung saplot sa
katawan at isang lalaking nagbabalak siyang pagsamantalahan.
“Hayop ka!”
Nagdilim ang
paningin ko at dali daling ko siyang sinugod ng buong lakas. Sinuntok ko siya
sikmura, at sa muka pero agad siyang
nakabawi at sinuktok ako sa pisngi.
“Alam mo wrong
timing ka eh hindi ko pa nagagalaw tong boyfriend mo” < --- ???
“Magbabayad ka!!!”
Hindi ko na alam
ang sumunod na pangyayari basta ang alam ko ay walang tigil ko siyang
pinagsusuntok.
“Chard awat na!”
< --- Ronie
“Hindi kita
mapapatawad kahit kailan ipapaakulong kita!” < --- Ako
“Insan tumigil ka
na” < --- Jet
“Hayop ka hayop ka
pasalamat ka at pinigilan nila ako kung hindi patay ka na sana ngayon!” <
--- Ako
“B-babe?”
Boses yun ni Babe
ko, nawala lahat ng galit ko sa puso, unti-unting nagliwanag ang paningin ko.
Niyakap ko siya
agad.
“Babe s-salamat at
gising ka na at ayos lang, akala ko hindi na kita makikita ulit thankyou po
lord” < --- Ako
“S-salamat Babe
a-kala ko hindi na ako makakabalik sa atin, takot na takot ako kanina” < ---
Andrei
“Nandito na ako
Babe, hinding hindi na kita iiwanan pangako yan” < --- Ako
“Hhhhhuuhhhu
salamat B-babe” < --- Andrei
“Teka bakit may mga
pasa ka sa katawan? Sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa nan” < --- Ako
“Siya din Babe”
< --- Andrei
“Humanda ka talaga
sa akin mamayang gago ka” < --- Ako
“……” < --- ???
“Teka Suotin mo to,
muntikan ka nang pagsamantalahan ng gagong yan eh” < --- Ako
"Ayos lang ako
babe, pero hindi siya ang may hawak ng video" < --- Andrei
“H-ha sino ba?”
< --- Ako
“Paaminin pa natin”
< --- Andrei
Bumaba kami bitbit
ang lalaking muntikan nang pagsamantalahan si Babe kasama ang 4 na bantay ng
itinali nila Jet sa baba.
"Ngayon
magsalita kayo sino ang nag utos sa inyo nito" < --- Ako
" . . ."
< --- ???
"Par sikmuraan
mo" < --- Ako
baaag!
"Aaargh! Kahit
saktan niyo ako hindi ko sasabihin!" < --- ???
“Ah ok Ronie
sikmuraan mo” < --- Ako
“Hindi niyo ako
mapapaimin!” < --- ???
"Kapkapan niyo
hanapan niyo ng ID" < --- Andrei
Bakit nga ba hindi
ko naisip yun?
Marahil gusto ko lang
talagang saktan itong mga to.
“Eto Pards” <
--- Nik
"Ikaw pala si
Dexter Austria, ngayon kilala mo ba ang pamilya ko? At sa tingin mo
palalampasin ko itong ginawa mo? Sinisigurado kong makukulong ka kapag hindi ka
nagsalita ngayon" < --- Andrei
Galing manakot ni
Babe.
"Shit! Oo na
oo na! Magsasalita na ako wag nyo idamay ang pamilya ko wala silang alam ditto
kailangan ko lang ng pera" < --- Dexter
"Marunong ka
palang matakot eh, oh sino Boss mo?" < --- Andrei
“Ibubulong ko sayo”
< --- Dexter
. . .
"Sabi na"
< --- Andrei
"Alam mo
babe?" < --- Ako
"Oo, kasi nung
nagpacheck ako ng manuscript binigay ko yung flashdrive ko sa kanya, eh sa
pagkakaalam ko siya lang ang pinagbigyan ko" < --- Andrei
"Aba mukang
may gusto sayo ang gagong yon ah" < --- Jet
"Oo meron
nga" < --- Andrei
"Ha? Paano mo
nalaman babe?" < --- Ako
"Siya yung
kasama ko nung nasa SM ako tapos ayun may gusto daw siya sa akin, di ko alam na
aabot ng ganito" < --- Andrei
"Anong balak
mo babe?" < --- Ako
.
. .
Bago kami umalis,
sinabi ni Andrei na wag sabihin na alam na namin ang lahat at palabasin niya na
nakatakas si Andrei kaya wala na ito doon. Kapag nagsalita si Dexter damay ang
pamilya niya.
Talino nito ni
babe.
.
. .
Pauwi na kami
ngayon at si Nik na ang pinagdrive ko, si Babe? Eto tulog! Lagi naman eh, pero
laki ng pasalamat ko at wala masyadong masamang nangyari kahit may kaunting
pasa sa braso ay masaya ako kasi hindi siya nawala sa akin.
Ang Problema ay
papaano ko ipapaliwanag kay Tito at tita kung bakit may mga pasa si Andrei at
bakit ako may bangas sa muka.
Bahala na mamaya.
Ngayong alam na namin
kung nakanino ang video, mahirap pa din itong makuha. Sana lang wag niya itong
ilabas kung hindi baka hindi kami makagraduate and if I found out na nilabas
niya yun hindi ko lama ang mangyayari sa kanya.
Lalo namang
nagsusumiksik si Andrei sa balikat ko at niyakap pa ako, alam nyu yon? Parang
walang problemang dinadala, samantalang ako ay kanina pa nag-iisip ng paraan
kung paano makukuha ang video.
"Nik liko ka
dyan kain tayo sa may Aplaya panigurado gutom na to si Babe" < --- Ako
“Ay salamat naman
napagod kaya kami sa pakikipagbugbugan sa mga yon” < --- Ronie
“Heto na nga Ronie
kakain na wag ka nang maingay natutulog ang Babe ko” < --- Ako
“Sus! Ang sweet mo
masyado Dre!” < --- Ronie
“Ilove ang gago eh”
< --- Jim
.
. .
Nandito na kami sa Aplaya,
masarap kasing sumagap ng malamig na hangin doon nakakarelax at mayroon sitong
masarap na kainan. Grabe umorder tong si Nik Ronie, Insan Jet at si Ted at Jim
parang may mga patago eh.
“Ano kayo
magbabayad?” < --- Ako
"Pards wag
kang umangal tinulungan ka namin sa search and retrieval operation ng Boyfriend
mo" < --- Nik
“Oo nga gutom na
kaya kami” < --- Ted
“Pinsan wag nang
umalma” < --- Jet
“oo nga wala naman
akong magagawa eh” < --- Ako
Ungas talaga tong
mga to.
"Babe
gising" < --- Ako
“mmmm?” < ---
Andrei
“Gising na po” <
--- Ako
"Nasaan
tayo?" < --- Andrei
"Nasa Aplaya
tayo, kakain" < --- Ako
Pagkatapos naming
umorder ng sandamakmak na pagkain ay doon kami tumambay at kumain sa may sea
wall ramdam na ramdam namin ang lamig ng simoy ng hangin.
Ika-ika siyang maglakad
marahil kagagawan to ng Dexter na yon. Pasalamat siya mabait si Babe eh, kung
ako yun.
“Ok lang ako Babe,
ikaw nga eh tingnan mo may sugat ka sa labi may pasa pa sa braso” < ---
Andrei
“Wala yan, mas
masakit kung ikaw ang mawawala sa buhay ko” < --- Ako
“Ah….. hahaha ikaw
talaga may pabiglang banat lagi eh” < --- Andrei
“Eh bakit ka
namumula?” < --- Ako tinitigan ko si Andrei
“Ah . . . wag mo
nga akong tingnan!” < --- Andrei
“Hahaha your cute
when you blush like that” < --- Ako
“Wag mo kasi akong
tingnan nakakainis naman to eh” < --- Andrei
“Hahaha oo nap o
tara doon tayo umupo” < --- Ako
Habang kumakain
kinuwento na sa amin ni Babe ang mga nangyari.
“Nasikmuraan ko si
Dexter kaya nakababa ako sa hanggang sa main entrance kaso nga lang madali niya
akong nahabol at tinakpan niya yung ilong ko ng panyong may kemikal kaya
nawalan ako ng malay ulit. Nagising ako nandoon na si Babe binubugbog si
Dexter” < --- Andrei
“Sakto ang dating
ko kasi muntikan ka nang pagsamantalahan ng gagong yon kaya ayun ang inabot
niya, tama lang yun sa kanya” < --- Ako
A n d
r e i --- >>>
Salamat at dinala
ako dito nila Chard nawala ang takot na nararamdaman ko, ang sarap kasing
tingnan ng mga alon sa gabi, lalo pa itong gumanda kasi maliwanag ang buwan.
Umiisip kami ng paraan upang makuha yung video
at kung hindi man makuha, mabura at mawalan siya ng Kopya.
Isip. Isip. Isip
>>
Flashback>>
1st year college
"Ang CS
student na hawak ko ay tinuturuan ko mang-Hack ng network. Pero since IT kayo
tuturuan ko kayo gumawa ng malupet na virus" < --- Sir Cabrera
>>
>>
2nd year college
"Lahat ng
computer ng mga Professors niyo ay connected sa isang network. To acces the
internet at for easy file sharing" < --- Sir Pacquing
>>
End >>
"Babe Alam ko
na" < --- Ako
"Paano?"
< --- Chard
"Sabi mo nga
CS kayo IT kami ni Jet" < --- Ako
"Gets na kita
Babe" < --- Chard
Ang Plano: Ihahack
nila Chard Nik at Ronie ang network ng Computer Studies Dept. Pagkatapos Kami
ni Jet ang gagawa ng Virus na ilalagay sa Laptop at mabura ang video.
"Kaya ba
natin?" < --- Chard
"Kailangan
nating kayanin" < --- Ako
"Paano yun Par
alam ng Admin ang MAC address ng laptop natin" < --- Jet
"Aysus sisiw
yan sa akin" < --- Ako
.
. .
Napakahirap ng
gagawin namin, dahil pawang propesyunal sa larangan ng computer ang kakalabanin
namin. May laban ba kami sa taong halos mas madaming alam kesa sa amin? Sapat
na ba ang natutunan namin ng 4 na taon mula sa kanila?
Parang it's us
against the world.
Pero dapat namin
kayanin.
Kakayanin namin.
Hinatid namin sila
sa kani kanilang bahay, si Chard ay doon daw ulit sa amin matutulog. Naalala ko
tuloy yung sinabi ni Tito Sam na ipapahanap na siya sa Pulis hahaha.
"Babe baka
pinapahanap ka na sa mga Pulis ng Daddy mo" < --- Ako
"Nagpaalam na
ako hahaha" < --- Chard
"Haha aba
marunong ka nang magpaalam ha" < --- Ako
"Oo naman,
kasi ipagpapaalam kita kay tito at tita" < --- Chard
"Ha?
Bakit?" < --- Ako
"Na maging
asawa mo" < --- Chard
"Buset dami pa
nating problema kung anu anu nasa isip mo" < --- Ako
"Babe
matatapos natin to bukas ha wag ka nang mag-alala" < --- Chard
J a k
e --- >>>
Ako si Jake Alcalde
23yrs old isa sa pinakabatang professor dito sa University na ito. And yes I
was so madly inlove with Mr Andrei de Dios. That day na nakasama ko siya ewan
ko ba, napaka free spirit niya. Simpleng tao, mabait and that kind of person is
the one I must have and I would do anything to have him.
Call me a freak I
don't care subukan niyo magmahal ng taong alam mong hindi mapapasayo hindi ka
gagawa ng paraan?
Papunta ako ngayon
sa resthouse sa Batangas gusto ko siyang iblackmail gamit ang video na yon.
Desperado na ako.
Alam kong may Idea
si Andrei na ako ang may hawak ng video nila nung Richard Alvarez, ang taong
mahal ni Andrei.
Nung una ko pa lang
nakita ang Zip file na yon sa flashdrive ni Andrei ay sobra akong nacurious
kung ano ang laman nun. Nung nakopya ko na, ginamit ko ang isang software na
nakakapag-alis ng Password sa isang file. Laking tuwa ko nang mabuksan ko ito.
bumulaga sa video si Andrei at Richard ay nagtatalik, ito ang labis kong
kinainggit. Nakakainis dapat ako ang nandoon.
.
. .
Nang makarating ako
sa Resthouse ko ay sinalubong ako ni Dexter, ang taong inutusan ko upang isama
si Andrei dito.
"Boss!"
< --- Dexter
"Anung
nangyari sayo?" < --- Ako
"Magaling po
sa Bakbakan yung pinahuli mo boss ayun natakasan ako" < --- Dexter
"Shit! . . .
alam ba niya na ako ang nagpadukot?" <--Ako
"Hi-hindi
boss, nagtatakbo na siya nung napatumba niya ako" < --- Dexter
“Nakakainis!” <
--- Ako
“Sorry Boss” <
--- Dexter
"Sige salamat
makakaalis na kayo" < --- Ako
Aaargh! Andrei
nakatakas ka ngayon pero sa susunod kong gagawin, Akin ka. Mapapasaakin kana bukas
bago dumilim Andrei de Dios akin kana. Akin ka lang.
R i c
h a r d --- >>>
Matapos naming
ihatid sila Ronie ay tumuloy na kami pwuwi sa kanila, ang problema ano ang
sasabihin namin dahil paniguradong magtatanong ang mga magulang ni Andrei kung bakit
kami may mga pasa.
“Hindi ko din alam
kung ano ang sasabihin natin eh” < --- Andrei
“Sabihin na lang
kaya natin ang tunay na nangyari?” < --- Ako
“Hindi pwede
magagalit si Tatay kapag nalaman niya yun, at syempre Bane lalong hindi nila
pwede makita yung video lagot tayo doon” < --- Andrei
“Bahala na mamaya
Babe ako na ang magpapaliwanag kila Tito” < --- Ako
“Ok Babe, I love
you” < --- Andrei
“I love you too
Babe ko” < --- Ako
Tahimik kaming
pumasok sa bahay bila Babe pag-kauwi naming, dahil gabi na tulog na sila Tito
at Tita kaya ligtas kami sa pagpapaliwanag kung bakit kami may mga pasa.
“Saan ka
nanggaling?”
“Ay, K-kuya doon
lang po sa bahay ng kaibigan naming” < --- Ako
“Teka eh bakit mag
mga pasa kayo?” < --- Kuya Kian
“Ah kuya bukas na
lang kami magpapaliwanag ok? Inaantok na ako eh halika na Babe” < --- Andrei
sabay hila sa akin paakyat sa kwarto niya.
Pagkapasok namin sa
loob ay seryoso naming pinag-usapan ang plano ni Baba para hindi na
maipag-kalat ni Jake yung video.
Ang galing ng plano
ni Babe, oo mahirap pero ito na lang ang paraan. Kung pwede na lang namin
hingin yung video na yun dun sa Jake na yun eh tss ang sarap bugbugin ng
lalaking iyon.
"Babe . . .
Tara dito sa Terrace malamig ang hangin" < --- Tawag ko kay Andrei na
masyadong naadik sa Plant vs Zombies 2 sa Cellphone niya.
Lumapit naman siya
umupo sa tabi ko pero hindi maalis ang atensyon sa nilalaro.
"Babe itigil
mo nga yan" < --- Ako
"Ihh hindi ko
pa tapos tirahin yung mga zombies eh" < --- Andrei
"Gusto mo ikaw
tirahin ko" < --- Ako
"Babe Plant ka
zombies ako" < --- Andrei
"Ha?
Bakit?"
"Kasi habang
tinitira mo ako, kinakain kita" < --- Andrei
"hahaha!
Nakaka angry ng bird ang banat mo babe" < --- Ako
"Tss alam mo
babe masyado ka talagang mahalay" < --- Andrei
"Aysus kasalanan
mo kasi" < --- Ako
Hindi na sumagot pa
si babe, inihilig ang ulo niya sa aking balikat at tumingin kami sa langit na
puno ng bituin, sabayan mo pa ng malamig na simoy ng hangin.
Matatapos din ito,
alam kong matatapos din lahat ng ito.
Itutuloy >>>
(Sorry po ulet sa matagal na update Comment na)
1st
ReplyDeleteButi naman at me update na ulit. Thank you po
Kelton
tnx sa update gio...
ReplyDeletehahay buhay.. kaya mo yan andrei...
er
tnx sa update gio
ReplyDeletekeep up d good work
congrats sa pagpasa sa thesis nyo at best thesis pa galinggg. haba ng buhok ni andrei dami nagkkagusto. ganda ng story. tnx gio.
ReplyDeleterandzmesia
Next please... ka bitin kasi natagalan kc ang update but we understand....
ReplyDelete***Jan Ariez***
Ako papatay kay jake nako nakaka init ng ulo masyado syan obsess kay andrei
ReplyDeleteGanda
ReplyDelete☺
ReplyDelete