Previous
Chapters:
A/N: Sorry ulet :)
talagang full force na kasi kami sa thesis hehehe kaya sinisingit ko na lang sa
schedule ko ang pagsusulat nito. Maraming salamat po :)
Para saiyo: Akala ko nung una simpleng chatmates lang tayo pero somehow
through our 1 month and 6 days nating magkakilala mas naging malalim na ang
ating pagkakaibigan nagkita pa nga tayo eh. You are my Kuya and I’m your Bunso
at masaya ako doon. Kapag kapatid FOREVER XD #PushMoYan #KapatidZoned wahahaha XD Love naman daw niya ako eh hahaha ayaw ko papigil.
Muntikan na pero hahaha tumigil ka na sabi eh!(Kausap ang sarili) Kulit kulit
:D
(Parang hindi ako nagtype nito eh)
Sa mga naging kaibigan ko maraming salamat :)
Hi naitsihC,
Alexander, Joey, Paulo at sa iba hindi ko nabanggit sorry XD
- g!o Yu
PLUG
KO DIN SANA YUNG BAGO KONG STORY ENTITLED CHATMATE
NA HANGO PO SA BUHAY KO AT NG ISA KO PONG KAIBIGAN NA TAGASUBAYBAY.
You can also give your
comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Ito po ang unang story na ginawa ko sana
magustuhan nyo :)
Final
Requirement 18
Matapos ang napakasayang New Year ay simula naman ng kalbaryo naming mga graduating students, ang Final Defense. Ito ang magiging basihan kung makakamit namin ang pinapangarap na graduation, oh mananatili na lang itong isang pangarap. Kung iiyak ba kami sa stage oh iiyak sa loob ng kwarto. Bakit ba habang lumalapit ang graduation lalo ako nappresure? Pakiramdam ko kasi ay kulang pa din ang nalalaman ko, hindi pa sapat para humarap sa tunay na hamon ng buhay pagkatapos ng kolehiyo.
Nagsimula agad ang
klase ng ika-2 ng Enero, aminado ako na wala pa sa wisyo ang utak ko para
mag-aral muli pwede ba i-move na lang next week oh kaya next year ang pasukan?
Syempre kahit tamad
na tamad akong pumasok ay pinilit pakilusin ang sarili at pumunta sa banyo,
wala naman choice hindi ba?
.
. .
Late na ako ng
dumating ako sa School, at agang aga napagalitan ako ng professor, ang dami
dami agad sinabi eh 5 minutes lang naman ako nahuli.
Wala pa din si
Chard tinatamad din yun pumasok panigurado.
Bigla bumukas ang
pinto.
"Sir, good
morning sorry for being late, may dinaanan po kasi ako"
"Anong
dinaanan mo sa MCDO? Tell me Mr.Alvarez" < --- Prof
"Ah eh kasi po
uhm sa totoo lang kasi . . ." < --- Chard
"Ah never mind
just seat down" < --- prof
Badtrip yun hindi
manlang pinagalitan si Chard, samantalang ako na mas maaga ang dami daming
sermon ang inabot? Nasaan ang matinong hustisya sa Pilipinas?
Umupo si Chard sa
tabi ko.
"Babe?"
< --- Chard
"Bakit naman
hindi ka pa kumain sa inyo" < --- Ako
"It's for you
Babe, here" < --- Chard
"T-thank you
ikaw talaga, may Jollibee naman sa harap dapat doon ka na lang bumili na late
ka tuloy" < --- Ako
"Sus ok lang
yun teka alam mo ba kung bakit MCDO binili ko? " < --- Chard
"Ah kasi mas
masarap ang fries?" < --- Ako
"Hindi, kasi
LOVE KO TO" < --- Chard
"hah. . . May
banat ka agad ah" < --- Ako
Inilapit ko ang
muka ko sa muka niya, nagtitigan . . . palapit ng palapit.
Balak ko sanang
halikan si Babe pero bigla akong kinulbit ni Alexa.
"Hoy Andrei
mahiya naman diba?" < --- Alexa
"Alam mo?
Panira ka ng moment" < --- Ako
"Gagi, tingnan
mo kaya si Sir kanina pa nakatingin sa inyo" < --- Alexa
O___O
Hindi ko napansin,
nakakahiya lahat sila nakatingin sa amin, gusto ko na maglaho ngayon na.
Napayuko na lang ako
at nanatiling nakatingin sahig.
Awkward (-____-)
Tahimik
"Are you done
with your sweet talk? People these days kung sino pa yung LATE sila pa yung may
ganang hindi makinig" < --- Prof
Aaaargh gusto ko na
lumubog sa ilalim ng lupa sagad naman kasi sa buto kung manghiya to si sir New
year na New year parang nireregla kaagad.
Nagpatuloy pa ang
mga klase namin hanggang alas dos ng hapon. Mabuti naman ay good vibes ang mga
teacher, kinukuwento ang mga masayang araw nila noong new year. Yung totoo? Yan
ba ang ituturo ngayon? Tss tapos may nagpagawa pa ng journal, anu daw ba ang
mga ginawa namin nung new year in 300 words, nakakatamad kayang magbilang ayaw
na lang sabihin na yellow pad baliktaran. Sng kinainis ko pa ang kasunod din na
prof ay ganoon din ang pinagawa and this time 500 words.
Isa lang ang
isinisigaw ng isip ko “Hindi po kami elementary!”
.
. .
Ilang araw na rin
ako hindi mapakale paano ba naman kasi malapit na ang B-day ni Chard eh hindi
naman niya nababanggit sa akin kung hindi ko pa makita sa Facebook. Wala ako
maisip bakit ganun? Gusto ko kasi yung hindi niya malilimutan. Sabi naman nila
kahit simple lang ok na eh kasi kahit anung gawin ko panigurado ay maapreciate
ni Chard yun.
R i c
h a r d --- >>>
Nakakatamad nang
mag-ayos ng thesis eh, nawawalan ka na ng social life, napapabayaan mo pa ang
love life.
Speaking of love
life Babe is acting so strange, May mga times na bigla na lang siya natutulala
at madalas tumatanggi siya kapag niyayaya ko kumain. Madalas hawak ang phone at
hindi mapakali sa kakapipindot. May times na naiinis ako pero baka stress lang
siya sa thesis kaya hinahayaan ko na.
"Babe bakit ba
lagi kang tulala?" < --- Ako
"Ah wala to
Babe, wag mo ako alalahanin" < --- Andrei
"Anong wag
alalahanin Babe? Boyfriend mo kaya ako kaya nga nababahala ako sa mga kinikilos
mo" < --- Ako
"Sorry"
"Ayaw mo ngang
sabihin sa akin kung ano yang nasa isip mo, nakakatampo kaya kung sino man yang
iniisip mo humahati pa sa oras natin" < --- Pagtatampo ko
"Sorry
Babe" < --- Andrei
"Sige ka na
tulog ka na uuwi na ako" < --- Ako
"Akala ko dito
ka matutulog Babe?" < --- Andrei
"Doon na lang
sa amin, Gusto ko ok ka na bukas ah, yung hindi ka na natutulala ok?" <
--- Ako
"Ok po, sige
Babe ingat ka ah" < --- Andrei
Hmm . . . Ano kaya
ang problema ni Babe ayaw naman sabihin sa akin, madalas may ka-text kung hindi
naman may kausap sa phone. I don't like the idea that there is someone making
him happy and that someone is not me. Aaaaargh! Why am I thinking mahal ako ni
Babe. But if that day comes, can I set him free? Kaya ko ba siyang pakawalan
para sumaya siya sa taong nagpapasaya sa kanya? I just don't know what to do if
that day ugh! What am I thinking?
Hindi ko narealize
nasa harap na pala ako ng bahay namin, masyado akong madaming iniisip. I'm just
acting too paranoid.
Pagkapark ko ng
Kotse ay dumerecho na ako sa kwarto at natulog. Bakit ko ba iniisip ang mga
ganyang bagay? You’re just overthinking Chard.
.
. .
Akala ko
kinabukasan ay magiging maayos na si Babe, oo tumatawa siya just like before
pero palagi may katext at katawagan at palagi siyang lumalayo sa akin when
someone is calling him. Ako naman na walang kaalam-alam ay hindi ko maiwasan
magduda.
Isang araw napuno
na ako maghapon kami magkasama pero may kausap siya sa phone niya. Hindi ko
alam kung anung meron ng hapin na iyon at bigla na lang ako nagalit.
"Sige kausapin
mo na lang kung sino man yang kausap mo aalis na ako"
"B-Babe teka
lang" < --- Andrei
Hinabol ako ni Babe
at niyakap mula sa likod.
"Babe kung
alam mo lang kasi . . . Kaso hindi ko pwede sabihin" < --- Andrei
"Why? Are you
having an affair?" < --- Ako
"H-hindi Babe
saan mo naman nakuha yang ganyang balita?" < --- Andrei
"Eh sino ba
yang kausap mo ha?" < --- Ako
"Eh kasi . . .
" < --- Andrei
“Sabihin mo na kasi
Babe” < --- Ako
“Babe . . . kasi .
. .” < --- Andrei
"That's
it" < --- Ayan na lang ang nasabi ko. Paano ba naman sino ba ang
matutuwa na pinaglilihiman ka ng taong mahal mo.
Punung puno na ako
sa paglilihim niya may hangganan din naman ang pag-intindi ko. Iniwan ko siya
sa Canteen at dumerecho na ako sa Classroom at nakita ko doon si Alexa
natutulog sa arm chair.
Ginising ko si
Alexa upang itanong kung may alam siya kung sino ang palaging kausap ni Andrei
sa phone pero maging siya ay walang kaalam-alam kung sino.
"Intindihin mo
na lang muna Papa Chard, siguro naman may malalim na dahilan kung bakit
nililihim sayo ni Papa Andrei ang lahat" < --- Alexa
"Hindi ko alam
Alexa, naiinis na kasi ako eh, kung sino man yun lagi kong kaagaw sa oras niya.
Minsan tuloy iniisip ko na may Mmmp." < --- Hindi ko na
naipagpatuloy
ang sasabihin ko, biglang tinakpan ni Alexa ang bibig ko.
"Wag kang
mag-iisip ng ganyan Papa Chard, napakaloyal sayo ni Papa Andrei kung alam mo
lang" < --- Inis na tugon ni Alexa, bigla siyang tumayo at iniwan ako.
Kailangan kong
malaman kung sino ng kausap niya. Doon lang matatahimik ang isip ko.
Pinakalma ko ang
sarili ko bago bumalik sa Canteen kung saan ko iniwan si Andrei, alam ko ang
sama ng ginawa ko pero hindi na rin ako natutuwa sa ginagawa niyang paglilihim.
Pero come to think of it Babe has always been an obedient boyfriend, oo
nakakagawa siya ng mga bagay na kinagagalit ko minsan pero alam ko na hindi
niya ako magagawang saktan; ako nga lagi ang dahilan kung bakit siya umiiyak
eh.
Pagdating ko sa
Canteen nakita ko na kasama ni Babe si Alexa at Jet, malungkot si Babe. May
sinasabi si Andrei sa kanila pero hindi ko marinig kaya lumapit na ako.
"Babe . . .”
< --- Andrei
"Tell me Babe
sino ang kausap mo palagi sa phone?" < --- Ako
"Babe wala
yun. . . Sorry na po" < --- Andrei
"Sino?"
< --- Ako
"Wala nga yun
Babe. . . Wa . ." < --- Andrei
"JUST TELL ME
WHO YOU ARE TALKING TO, SO THAT I CAN UNDERSTAND AND I DON'T GET JEALOUS WHEN
YOU’RE GOD DAMN PHONE RING!!!" < --- Ako habang hawak ko sa magkabilang
braso si Andrei
Shit.
What did I just
say?
Did I just shout on
him?
I didn't mean to
shout.
"S-sorry I-i
did'nt mean to shout p-please" < --- Ako, But Andrei hurriedly walk
away from me. I saw his tears run down again, thanks to me.
"B-babe!"
Hahabulin ko na
sana siya ng may biglang humila sa akin pabalik sabay sampal.
Ouch
"Wag na wag
kang makalalapit kay Papa Andrei. Kung alam mo lang Chard" < --- Alexa
sabay bangga sa akin at tumakbo para habulin si Andrei
Sinubukan kong
habulin ulit si Andrei pero hinarang ako ni Insan.
"Insan anu
yon? Hindi mo siya kailangang sigawan" < --- Jet
"Hindi ko
sinadya insan nabigla lang ako" < --- Ako
"Sige sige
kami na muna ni Alexa ang bahala kay Andrei" < --- Jet
.
. .
Balik klase kami.
Hindi ko katabi si
Babe.
Nagpalit sila ng
upuan ni Alexa kaya si Alexa ang katabi ko.
Ayun si Babe
malungkot, nakatingin sa kawalan.
:(
Bakit ko ba kasi
nagawa ang bagay na yon.
I feel so bad.
Pagkatapos naman ng
klase nagmadali siyang umuwi sana sinigawan niya na lang ako eh, sinuntok,
tinadyakan hinampas sa braso (waaah namiss ko tuloy ako hahaha
anyways masaya na siya sa buhay niya)
Umuwi akong
malungkot, umakyat agad sa kwarto at nahiga sa kama. Napakamalas naman ng araw
ng to yung gusto ko siyang kausapin pero ang sabi ni Jet at Alexa ay sa ibang
araw na lang.
.
. .
Habang kumakain
kami ng hapunan lahat sila masaya, ako? Eto nakatingin sa soup habang hinahalo
gamit ang kutsara.
"May problema
anak?" < --- Mommy
"Mali mommy
may problema talaga, at mukang alam ko na kung ano" < --- Kuya Adam
"It's about
Andrei" < --- Ako
"What about
it?" < --- Dad
"It's my fault
naiinis lang kasi ako may palagi siyang kausap sa phone niya. Kapag tinatanong
ko naman wala daw yun. Ok nagselos ako ayoko lang mawala siya. I just can't
afford to lose him" < --- Ako
“Anu nga ang ginawa
mo” < --- Dad
“Nasigawan ko siya
Dad, habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya” < --- Ako
“What? How rude
anak” < --- Mom
“I know that but I
can’t help it” < --- Ako
“Well anak try to
understand him, everything has a reason, for sure may paliwanag si Andrei sayo”
< --- Mom
“I hope matapos na
to, birthday ko pa naman bukas tapos magka-away pa kami ang saklap lang” <
--- Ako
“Kasalanan mo naman
tol eh” < --- Kuya Adam
“I know” < ---
Ako
After that dinner
umakyat na lang ulit ako sa kwarto at sinubukang kontakin si Babe but his phone
just keep on ringing and ringing mukang wala siyang balak na sagutin ang tawag
ko. Look what have you’ve done Chard, kasalanan mo yan. Wala naman akong choice
but to call him again and again and again. Ayoko paabutin ng bukas ang away
namin.
After 2 hours of
non-stop dialing his number, sinagot din niya rin ang tawag ko.
“Babe?” < ---
Ako
“Babe, speak up ok
I know kasalanan ko, pero nagseselos na kasi ako sa kausap mo eh tapos ayaw mo
pang sabihin sa akin” < --- Ako
“Sorry po kasi
nasigawan kita kanina, hindi ko po sinasadya yun, H-hindi ko na yun uulitin ”
< --- Ako
“Babe, birthday ko
na bukas oh ayoko naman mag-celebrate ng mag-kaaway tayo please? Will you
forgive me?” < --- Ako
Call
ended
Sinagot niya nga
yung tawag ko hindi naman siya nagsalita wala din. Humiga na lang ako sa kama
ko at nag-isip ng paraan para mawala ang tampo sa akin ni Babe. Ang hirap pa
naman paamuhin nun; Yeah you deserve this Chard you really deserve this.
.
. .
Kinabukasan, yes
it’s my Birthday but who cares? Wala akong ganang mag-celebrate hindi pa kasi
kami ayos na Andrei.
Bumaba ako hoping
na may makakasama ako for breakfast pero I saw a note on the fridge.
“ Happy Birthday Richard, 20 yrs old ka na! you
are really a grown up now hope magkaayos na kayo ni Andrei. Oh by the way aalis
kami ng Daddy mo may meeting kami sa Bicol kasama namin si Adam at Simon”
Love Mom and Dad
Great! Just great
lahat sila iniwanan ako sino ba naman gaganahan. Sabagay may pasok naman kami
so may chance na makausap ko si Andrei.
Happy Birthday
Chard :(
Hindi ako
makapagconcentrate sa klase namin ngayon paano ba naman absent si Babe wala
naman siya nagsabi sa akin. Nakailang text na tawag na rin ako pero walang
sagot at hindi niya sinasagot ang tawag ko.
“Insan alam mo ba
kung nasaan si Andrei? < --- Ako
“Nako hinde insan
hindi nga nagtetext sa akin yun eh” < --- Jet
“Ikaw Alexa? Baka
alam mo kung nasaan si Andrei?” < --- Ako
“Hindi eh” < ---
Alexa
“Hai kasalanan ko
ito” < --- Ako
“Talagang kasalanan
mo! Ang bait bait sayo ni Andrei tapos sisigawan mo lang ng ganun?< ---
Alexa
“Sorry na hindi ko
naman sinasadya yun eh sige puntahan ko na lang sa bahay nila” < --- Ako
“Wag mo nang
sisigawan si Papa Andrei lagot ka sa akin” < --- Pagbabanta ni Alexa
.
. .
Pagkatapos ng klase
namin ay nagtungo ako agad sa aking sasakyan at tinahak ang daan papunta kila
Babe.
Sana naman
magkabati na kami. Malungkot ang buhay ko kapag wala siya, tahimik, yung parang
may nawala sa pang-araw araw mong sistema sa pumumuhay, may “kulang” sa parte
ng pagkatao mo na hindi mo maintindihan.
Ang buhay pala parang puzzle, ang mga tao sa
paligid mo, magulang, pamilya, kaibigan at mga minamahal; mawala lang ang isa
dyan parang hindi na kumpleto ang buhay mo. Ngayong wala si Babe sa tabi ko ang
laking puzzle piece ang nawawala sa pagkatao.
“Anung ginagawa mo
dito?”
“Ah kuya nandiyan
po ba si Andrei?” < --- Ako
“Oo pero ayaw
niyang magpakita sayo” < --- Kuya Kian
“Kuya pasabi naman
sorry sa ginawa ko hindi ko naman talaga sinadya yun eh” < --- Ako
“Oo alam ko naman
hindi mo sinasadya kasi kung sinadya mo yon? May bangas ka sa akin ngayon” <
--- Kuya Kian
“Kuya naman, alam
mo namang mahal ko si Andrei eh” < --- Ako
“Alam ko kaya nga
pasalamat ka. Sige na ayaw kang makita ng kapatid ko umuwi kana” < --- Kuya
Kian
“Pabigay naman po
nito” < --- Ako binili ko ng Fries si Babe
Tumingin ako sa
bintina ng kwarto niya at natyempuhan ko siya na nakatingin sa akin pagkatapos
bigla niyang hinarang ang kurtina.
:(
Sumakay ulit ako sa
kotse at nag-isip isip. Ang saya talaga ng birthday ko. Tumambay muna ako sa
pinagparkingan ko sa sasakyan wala din naman ako gagawin ngayon.
Maya maya biglang
lumabas si Andrei at samakay sa tricycle. Saan naman kaya pupunta to?
Lihim kong siyang
sinundan nacucurious ako kung saan siya pupunta.
. . .
Pagkarating ko ay
sinubukan kong tawagan si Babe pero hindi niya ito sinasagot. Hindi ako
magkandaugaga sa paglingon kung saan saan para lang makita siya. Department
store, super market, MCDO, Jollibee, KFC aarrgh where are you?
Pag-akyat ko sa
second floor tumingin ako sa mga restaurant, kahit imposible ay magbabakasakali
na rin ako.
Natigilan ako.
Nanlamig ang buong
katawan.
Si Andrei :(
Lumapit ako.
Nanlaki naman ang
mata niya.
“B-babe?” < ---
Andrei
“Sino yan ha! Siya
ba ang pinalit mo sa akin? Sumagot ka!” < --- Ako
“N-no Babe please
makinig ka” < --- Ako
“I’m setting you
free, kung siya na ang nagpapasaya sayo sino ba naman ako para humadlang?” <
--- Ako sabay talikod sa kanya at takbo pababa.
“B-babe!” < ---
Andrei
Bumaba ako sa may
escalator, hinabol ako ni Andrei.
Niyakap niya ako sa
likod. Hindi ko namalayan na kanina pa ako umiiyak. Ang sakit kaya, you’ll see
someone na ka-holding hands ng taong mahal mo. OA na kung OA pero masakit eh.
Pagkababa namin sa
escalator ay nagtatakbo na ako papunta sa parking lot. I look so miserable
right at this moment tumutulo na nga ata ang uhog ko habang tumatakbo kanina.
Pero alam ko
sinundan ako ni Andrei eh.
“Baaaaabe
tulummmmmp!” < --- Andrei
“Baaaabe!” < ---
Ako
“MmmmmMMMP!!!” <
--- Andrei
Pero hindi ko na sila
nahabol, mabilis nilang isinakay sa van si Babe, habang tinatakpan ng panyo ang
bibig niya.
“Baaaabe! Ibalik
niyo siya mga hayop kayo!!!”
Wala akong nagawa
masyado silang mabilis kumilos kaya dali dali akong bumalik sa kotse ko at
pinaharurot ko.
I’ll do everything
to save you Babe.
Sinundan ko ang
kotse kahit alam kong pwede ko itong ikapahamak ang nasa-isip ko lang ay
mailigtas si Andrei. Tinatawagan ko sila Ronie pero out of reach silang lahat,
WTF? When the time you need them the most.
.
. .
Ilang oras ko na
silang sinusundan, hindi ko alam kung saang lugar na to medyo nagdidilim na
kasi ang paligid.
Mukang napansin
nila na sinusundan ko sila, biglang bumilis ang pag-takbo at nag-overtake sa
ibang sasakyan. Wala akong nagawa hindi pa ako ganoon kagaling mag-drive pero
nakikita ko pa naman sila.
.
. .
Halos pagabi ng
lumiko sila sa malubak na kalye at tumigil.
Bumaba sila sa
kotse at dali daling ipinasok si Andrei sa isang bahay na mukang tambakan ng
metal craft.
Kinuha ko yung pocket
knife ko sa loob ng kotse.
Lumabas ako para
pumasok sa loob ng gate.
Dahan dahan,
kailangan walang ingay akong gagawin kung hindi patay ako at mapapahamak si
Babe.
Ang dilim sa loob
wala akong makita.
Kinakabahan ako sa
maaring mangyari. What if pareho kami makuha? Or what if naman mapatay ako, oh
siya? aaarrrgh! Gagawin ko lahat just to save him.
Narating ako sa may
gitna at wala pa din akong makita sa sobrang dilim.
Biglang bumukas ang
ilaw.
“HAPPY BIRTHDAY
CHARD!!!”
Huh?
May malaking banner
na nakalagay ang pangalan ko, nandoon din silang lahat. Si Mom and Dad na nasa
Bicol daw. Si Kuya Adam at Baby Simon kasama ang pinsan kong si Agatha. Sila
Ronie, Jim, Ted, Nick at Jerick. Si Tito, Tita, Kuya Kian kasama sila Alexa,
insan Jet. Kasama ang napakadaming pagkain at inumin, mga lobo at ribbons
“Happy Birthday
anak” < --- Mom
“W-what’s this h-hindi
ba ako nananaginip?” < --- Ako
“Hindi anak,
nasupresa ka ba?” < --- Dad
"So all this
time?” < --- Ako
“Oo planado ang
lahat, at si Andrei ang may pakana nito” < --- Tito Athan
“kumausap siya ng
mga pwedeng kasabwat para masupresa ka niya, kaya siya lagi tulala at may
katext at kausap sa phone” < --- Kuya Kian
“Oh bakit ka
naiyak?” < --- Tita
“M-masaya lang po.
Nasaan po si Andrei?” < --- Ako
“Bakit mo ako
hinahanap?” < --- Si Andrei nasa likod ko
“Babe, I just want
to apologize sa lahat ng ginawa ko sayo” < --- Ako
“Aaaah. . . tapos?”
< --- Andrei
“Anung tapos? Ok na
tayo ah” < --- Ako
“Nakipagbreak ka na
kaya sa akin kaninang tanghali” < --- Andrei
“Binabawi ko na,
tayo na ulit” < --- Ako
“Aba it’s not for
you to decide” < --- Andrei
“Babe naman eh”
< --- Ako
“Hehehe Biro lang
happy birthday Babe!” < --- Andrei
Pagkatapos ng lahat
ng ginawa ko kay Babe eto pa rin siya nanatili sa tabi ko and he even make my
21st B-day so memorable, yung hindi talaga makakalimutan. Yung mga
kausap niya at katext noong mga nakaraang araw kung bakit siya tulala ay para
lahat dito, actually resort pala itong inakala kong bodega, nilagyan lang nila
ng mga drum sa labas para magmukang bodega, talino ni Babe sa ganitong gawain
eh.
“Oh bakit ka
naiyak?” < --- Andrei
“Pinag-alala mo
kaya ako, may paholdap holdap ka pang nalalaman ah” < --- Ako
“Hehehe tara na
kain na tayo Babe” < --- Andrei
“Gutom ka na no?” < --- Ako
“Oo ang hirap kaya
magplano ng ganito” < --- Andrei
“Babe, thankyou ah
napakasaya ko ngayon, akala ko kasi hindi ka na masaya sa akin kaya
nagkakaganoon ka noong mga nakaraang araw. But I was wrong sorry if nagduda ako
sayo Babe forgive me” < --- Ako
“Dami sinabi eh
tara gutom na ako eh” < --- Andrei
“Aaaah badtrip eh
ayun lang sinabi hahaha tara na nga” < --- Ako
.
. .
Masayang kainan ang
naganap, at syempre ako ang main topic nila nakakahiya nga eh paano ba naman
sila mommy at Daddy kung anu-ano ang pinagsasabi pati ba naman yung mga
ginagawa ko noong mga bata naikwento aaargh.
“Cut it out Dad!
Nakakahiya” < --- Ako
“Hahaha ok lang yan
anak” < --- Mom
“At eto pa si Chard
ay takot na takot magpatuli kasi akala niya puputulin lahat hahaha!” < ---
Kuya Adam
“Aaargh! Curse
you!” < --- Ako
“Hahahaha!” <
--- Andrei
“Taw aka dyam
halikan kita eh!” < --- Ako
“Hahaha eto naman
kalma Babe, anu pinutol ba lahat?” < --- Andrei
“Tss ok tamana yang
mga kalokohan niyo” < --- Ako
“Ok guys ngayon ay
papanuorin natin ang Video Presentation specially dedicated to Chard” < ---
Kuya Adam
“Oh my sino ang
gumawa nan?” < --- Ako
“Ako tol may
problema?” < --- Kuya Adam
Ok this is the end,
na kay kuya lahat ng mga pictures lagot ako nito.
Ayan na nagplay na.
. . .
“Hahahahaha!” < --- Silang lahat paano ba naman pinakita yung Baby picture ko na hubad tss.
“Babe gifted ka
talaga” < --- Andrei
“Stop mo nga Babe
nahihiya na ako eh” < --- Ako
“Ok lang yan anu ka
ba ang kj mo eh” < --- Andrei
Nagpatuloy ang
halos 8 minute video presentation nila tungkol sa akin at may mga pagkakaton na
sinisingitan pa rin ito ng mga picture na kahiya hiyang ipakita sa iba.
“Haahahahaa!” <
--- Andrei
“Babe kanina ka oa
tawa ng tawa ah” < --- Ako
“Sorry hindi ko
mapigilan eh” < --- Andrei
Nagpatuloy lang ang
masayang celebration ng birthday ko, pagkatapos naman ng video presentation ko
na kulang na lang ay lumubog ako sa hiya sa kinauupuan ko ay puro kasiyahan
naman ang nangyari, may mga mini games na inihanda si Babe at ang premyo ay
candy na nakalagay sa supot ng pang bata hahaha lakas nito na Babe eh.
Pagkatapos noon ay
kailangan ko daw mag bigay ng message kaya tumayo ako sa harap.
“Ah eh paano ba ito
simulan? Hehehe hai akala ko talaga kanina ay nasa bingit nan g kamatayan ang
buhay ko paano ba naman may nalalaman pa kayong hold-ap. Halos mamatay ako sa kaba kanina kasi akala
ko nasa piligro na ang buhay ng Babe. Babe, salamat sa lahat kahit sa hindi
sinasadyang pagkakataon ay nasigawan kita, pinagdudahan at nainis I just want
to say I’m sorry all this time kasi ito palang birthday ko ang pinaghahandaan
mo (Bummuhos na ang luha ko) S-sorry talaga pangako ko sayo, i-ikaw lang ang
mamahalin ko kahit ipag tabuyan mo ako lalapit at lalapit ako sayo maibalik
lang ang dati. Mahal kita hindi sa kung anung meron ka kung hindi sa kung anung
wala ka; nagtataka ka ba kung anu yun? Yun ay ang apelyido ko sa pangalan mo”
< --- ang mahaba kong speech
“yiiiieeeeeee!”
“Hindi pa ako
tapos, maraming salamat sa mga naging kasabwat ni Babe, kasi kung hindi dahil
sa inyo hindi naman ito magiging possible. Sa mga mgulang ko at ni Babe maraming
salamat, kuya Adam may araw ka din sa akin, kuya Kain pangako hindi nay un
mauulit, sa mga tropa ko Hayop kayo kung makatawa kanina hahaha may araw din
kayo sa akin at sa inyo insan Jet at Alexa maraming salamat sa pag-aalaga kay
Babe” < --- Ako
Marami pang
nangyari nung Birthday ko, kahit malalim na ang gabi ay talaga namang masaya pa
rin, nag-iinuman sila Daddy at Tito Athan, todo naman sa pagkukwentuhan si
mommy at Tita. Kami kasama ang mga kaibigan at pinsan ko at syempre kasama ang
dalawa naming kuya at si Babe. Inuman ang huling nangyari nung gabing iyon, at
dahil mahina ng sa inuman si Babe ay nakatulog na ito sa braso ko kaya naman
inakyat ko na siya sa kwarto ng resort at pareho kaming nahiga sa kama.
Tumingin ako sa
kanya.
Inilapit ko ang
labi ko sa kanya.
“I love you Babe,
salamat sa lahat promise babawi ako” < --- Ako
*Kiss
Babe mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko, ibibigay ang
lahat ng gusto mo. Sana tayo na pang habang buhay. Gusto ko dito ka lang sa
tabi ko palagi para hindi ka maagaw ng kahit na sino.
. . .
Andrei
--- >>>
Pagkatapos
ng preparation ko sa Birthday ni Chard ay nagsimula naman ako mag focus sa
thesis naming, kahit minor changes na lang ang gagawin ay syempre dapat alam mo
kung paano mo ito ipaglalaban.
“Anu ka ba naman babe, ako nga kalma lang eh tapos ikaw? Kung kabahan ka wagas parang ikaw ang sasalang sa defense ah” < --- Chard
"Ewan, masama
bang mag-alala?" < --- Ako
"Babe, bukod
sa gwapo na ang boyfriend mo, matalino pa" < --- Chard
"Yabang! Push mo
yan" < --- Ako
"Naman!
Pengeng gudluck kiss babe" < --- Chard
"Ayaw"
< --- Ako
Pero bigla niya
akong hinablot at yinakap ng mahigpit sabay kiss sa harap ng madaming tao.
"Yie!!!"
Pagkatapos nun ay
namula ako ng wagas, kasi naman pinagtitinginan na kami
“Bwiset ka tingnan
mo sa atin sila nakatingin” < --- Ako
"Salamat babe,
para sayo ito, para sa ating future, sige bye"
Pumasok na sila
babe kasama ang kagrupo niya, kawawa kasi sila, ang panelist nila yung terror,
kaya kinakabahan ako para sa kanila.
Lord sana naman po
pumasa kami at ang grupo ni Chard ginawa naman po namin ang lahat para makaabot
sa 4th year sana po putnubayan niyo kami.
.
. .
Pumunta ako kay sir
Jake para magpacheck ng final manuscript, para bukas ay defense na lang ang
problema. kahit medyo asiwa man akong lumapit sa kanya ay wala akong choice
kailangan ko kasi ng tulong para sa manuscript namin.
"Good morning
po sir Jake" < --- Ako
"Mr. de Dios,
may kailangan ka?" < --- Jake
"Papacheck po
sana sa inyo itong Manuscript namin, ok lang po?" < --- Ako
"Sure akin
na" < --- Jake
Binigay ko sa kanya
ang USB flashdisk at sinimulan na niyang tingnan ang manuscript namin. Kapag naman
nasa school ay he look and act as a professional.
"Ah, Mr. de
Dios labas ka muna, bawal kasi estudyante dito sa loob" < --- Jake
"Ok po sir,
balikan ko na lang po salamat" < --- Ako
“Balikan mo within
an hour ok?” < --- Sir Jake
“Ok po salamat”
< --- Ako
Sana naman wala na
masyadong mali yun, ang hirap kayang mag-english buwis buhay eh, hindi mo rin
naman maasahan si Google translate.
.
. .
Ang tagal naman
nila Babe, anu na kaya ang nangyari? Aaargh! Bakit ba pakiramdam ko may hindi
magandang mangyayari? Nakakainis naman ayoko ng ganitong pakiramdam kasi huling
nangyari sa akin to nagkatotoo.
Makalipas ang 1
oras ay lumabas na sila Babe mula sa COM Lab.
Bakit malungkot
sila?
"Babe?"
< --- Ako
"Babe wala eh,
ginawa naman namin ang lahat pero . . ." < --- Chard
"Pero
ano?" < --- Ako
“Kasi” < ---
Ronie
“Paano kaya?” <
--- Nik
“Naman eh anu nga
ang nangyari?” < --- Ako
" pinalabas
kami kasi . . . Kasi pwede na daw kami makagraduate!!! Hahaha yeah!" <
--- Chard
"Timang ka
talaga! At kayong dalawa? Sumakay pa kayo sa trip nito, kabang kaba na nga ako
dito tss" < --- Ako
"Yes! Babe
pumasa kami woohooo!" < --- Chard
"Congrats
babe!" < --- Ako
"Salamat babe!
Ok na yung pinacheck mo dun sa Lover mo?" < --- Chard
“Lover ka dyan adik
ka talaga eh” < --- Ako
“Nakuha mo na?”
< --- Chard
"Ay teka kunin
ko lang sandali" < --- Ako
"Samahan na
kita baka ano pang gawin nun sayo" < --- Chard
“Ikaw talaga
masyado protective” < --- Ako
“Ayoko lang ng may
maka-agaw sayo. Akin ka lang hahaha tara na?” < --- Chard
"Tara, ui babe
di na ako sasama sa inyo ah" < --- Ako
"bakit hindi
ka sasama?" < --- Chard
"Bukas na kaya
Final defense namin" < --- Ako
"Sayang naman,
sige hatid ka na lang namin ha" < --- Chard
.
. .
"Ok na
manuscript nyo Mr. de Dios, Oh Mr. Alvarez kamusta defense?" < --- Jake
"Ok lang po
sir, thank god pumasa" < --- Chard
"Good to
hear" < --- Sir James
"Ah sige po
Sir Jake una na po kami, salamat" < --- Chard
“Uuuy may Date yan
pumasa eh” < --- Sir Jake
Nakita ko na medyo
nainis si Chard sa sinabi ni Sir Jake na may halong pang-aasar na tono. Tatalikod
pa sana ulit si Chard pero hinawakan ko ang kamay niya kaya napatinign siya sa
akin, binigyan ko siya ng masamang tingin at mukang nakuha naman niya ang ibig
kong ipahiwatig.
.
. .
Pagkalabas namin ng
Office ay narinig namin na tumawa si Jake, anu kayang trip nun? Eh siya na lang
naman tao dun.
"Babe, Alam mo
bang Trip ka nan ni sir Jake" < --- Chard
"Ha? Di ah
mabait naman yan si Sir eh" < --- Ako
"Alam kong may
gusto yun sayo, nahuli ko yang pinagtatanong ka sa mga classmate mo" <
--- Chard
"Ah talaga?
Bayaan mo na yan, ikaw naman love ko eh" < --- Ako
“Talaga?” < ---
Chard
“Opo, kaya wag kang
paranoid ha Ilove you” < --- Ako
"I love you
too babe" < --- Chard
.
. .
Pagkahatid sa akin
ni Chard ay agad akong umakyat sa kwarto at nag-aral para sa Final defense
namin, mahirap kasing wala kaming masagot baka bumaba ang grade at higit sa
lahat kailangan paghandaan ang mga dapat sabihin, matalino ang mga panelist
kung hindi mo lam ang ginawa mo papaikutin ka nila sa mga kamay nila.
Sayang gusto ko pa
naman sumama kila Babe, miss ko na din mag night out, pero kailangan munang
unahin to para sa kinabukasan.
May tiwala naman
ako kay babe, hindi yun gagawa ng kahit anung bagay na pwedeng makasira sa amin.
Lam ko na natuto ni siya nung huling club niya kaya naman tiwala na ako sa
kanya.
R i c
h a r d --- >>>
Ang saya naman!
Nakapasa kami ni Nik at Ronie sa defense wooo! Syempre binigyan ako ng goodluck
kiss ng babe ko eh, ako nga pala humalik sa kanya sa harap ng maraming tao
hehe! Pilyo eh.
Nandito kami sa
Club Techno beat, ako at ang kagrupo ko na si Nick at Ronie. Sayang lang at
hindi sumama si babe kasi defense nila bukas.
Syempre kasama dito
ang pag inum ng San mig lights para mas lalong maging masaya ang gabi but at the
same time mag-ingat, ayoko na mulit ang nangyari noong huli.
"Congrats mga
pre! Gagraduate na tayo!" < --- Ronie
"Pasalamat
kayo sa Akin! Kasi nadaan ko sa pagpapacute ang mga panelist" < --- Nik
"Hangin mo
pre! Hahaha" < --- Ako
Somehow sa tingin
ko ngwapuhan sa amin yung mga panelist eh, tapos panay pa ang pa-cute nitong si
Nik.
nagyaya si Ronie na
sumayaw.
"Tara mga
pre!" < --- Ronie
Nagsayaw na nga
kami at dahil may sapi na ng alak todo bigay kaming tatlo.
"Hey you wanna
have fun with we?" < --- Tanung ng babaeng nasa harap ko
"No thanks,
loyal ako sa mahal ko" < --- Ako
Dahil mukang wala
siyang balak tantanan ako kaya pumunta ako sa banyo. Naghilamos ako ng muka
para mawala ang init kasi naman tinatablan ako dun sa pangseseduce nung babae.
Pagkatingin ko sa
salamin ay muli kong naaninag ang babaeng kanina pa ako pinagkakainteresan, sa
isang iglap lumapit siya sa akin at hinalikan ako.
"Mmp teka
mmmp" < --- Ako
"Masyado kang
pa hard to get!" < --- Babae
Aaargh! Di ako
makabitaw init na init na din ako, pero lumitaw ang imahe ni Andrei sa aking
isip, naiyak at may galit sa mata. Doon ako natauhan.
Tinulak ko yung
babae.
“Go away!” < ---
Ako sabay labas ng banyo
Bakit lagi na lang
angyayari sa akin to tss.
Nawalan na ako ng
gana pang magsasayaw, kaya naman nagpaalam na alng ako kila Nik na uuwi naa
lang ako.
“Pre! Ang aga naman”
< --- Ronie
“Wala eh, baka anu
pa mangyari kapag nagtagal pa ako dito ayoko magkasala kay Andrei” < --- Ako
“Sige Pards ingat,
tara Ronie attack!” < --- Nik
Baliw talaga itong
dalawang to eh.
.
. .
A n d
r e i --- >>>
Ngayon ay malapit
na kaming pumasok sa COM lab para sa Final defense, bakas ang labis na kaba sa
mga muka namin. Kahit anung gawin kong pagpapakalma sa sarili ko ay wala,
walang naitutulong.
Sakto dumating si
Chard bago kami pumasok.
"Babe wag kang
kabahan, kaya nyu yan, nandito lang ako ha? Iintayin ko paglabas nyo" <
--- Chard
"Hey, kaya mo yan alam kong makakapasa ka ok, oh ayan kayo na" < --- Chard
"Sama ka sa loob babe" < --- Ako
"Haha kung pwede lang babe" < --- Chard
Eto na! Papasok na kami Aaaargh! Di ko ma compose ang sarili ko! Bakit ba hindi ako makapagconcentrate tsk!
"Looking so tense Mr. de Dios" < --- Sir Jake
"Uhm I-im ok sir thankyou" < --- Ako
"Ok so let's start" < --- Coordinator
"A pleasant afternoon to you Mr. Coordinator and to you panelist now please head to www.simulate-sys.com to see our website" < --- Alexa
Napakadaming tinanung sa amin, simulan natin sa Privacy, kapag ba daw pinatay ang browser automatic maglologout ang website namin. Kapag daw ba nawalan ng internet gagana? Malamang hinde! Naiirita ako sa mga tanong eh tss. may mga tanong naman na mahirap pero tulong tulong naman kami para masagot ang mga pamatay na tanong ng mga panelist. Pero sa lahat mga tinanung isa ang kumuha ng pansin ko hindi ko alam iba pakiramdam ko eh.
"Mr. de Dios, lets compare your log-in to a Zip file, do you think kaya ko itong i hack using such software?" < --- Sir Jake
"Uhm well sir our website is constructed using ASP.Net And this tool has the best security compare to other. Zip file can be hacked but our website? I don't think so" < --- Ako
"Nice" < --- mahinang sabi ni Jet
"Ok Ms. Alexa your the designer of the website, don't you think it's too feminine in color?" < --- Panelist 2
"Well sir, I choosing color sky blue because it is very really pleasingly cold in our eyes" < --- Alexa
Anu daw sabi? Mas nakakadugo to ng ilong eh kaysa kay Baby Simon.
Nganga ang tatlong panelist sa maka-internal hemorrhage na sagot ni Alexa. Dapat pala siya na pinagsalita namin nung una palang.
Ok nag-uusap usap na sila sa verdict ng aming thesis, sana pumasa
Sana pumasa
Sana po pumasa
magpapamisa ako.
Magpapakabait na rin.
Magppray na ako every night.
Hindi nap o ako magsasayang ng kanin.
Basta lahat gagawin ko pumasa lang kami.
Tumayo na yung coordinator.
Malungkot ang mga tingin sa amin.
Kinakabahan talaga ako tsk.
“Ngayon ay nalulungkot ako sa para inyo, alam niyo kung bakit?” < --- coordinator
“B-bakit po sir?” < --- Jet
“Well I hate ti inform you thid but you’ll ni longer stay in this school congratulations” < --- Coordinator
"Yes!" < --- Ako at Jet
“Sir drop po kami?” < --- Alexa
“Adik to, syempre ga-graduate tayo kaya aalis na tayo sa school na to” < --- Ako
"Oh my goshness thankyou sir's we godbless you" < --- Alexa
Nga nga kami pati ang Panelist
"Last mo na yan tara na Alexa" < --- Ako
"Haha dapat par si Alexa na pinagsalita natin una pa lang eh" < --- Jet
"Tama ka jan Par" < --- Ako
"Tse!!! Kayo na magaling sa English!" < --- Alexa
"Eto naman maramdamin" < --- Jet
"It's hurt you know' < --- Alexa
"Gutom lang yan tara na hinihintay na ako ni Chard" < --- Ako
Grabe talaga to si Alexa "It's hurt'" daw dapat "It hurt's" di ba?. Paglabas namin ay tatakbo ako at hinanap si Chard.
Nakita ko siya nakashade at nakaupo sa lobby tulog.
"Baaaaaaaaaabe!" < --- Ako
Kita ko kung paano tumalima si Chard at nahulog sa upuan.
"Hahaha! Babe ok ka lang?" < --- Ako
"Makasigaw ka naman kasi nahulog tuloy ako" < --- Chard
"Pasa kami babe!" < --- Ako
"Pansin nga, yey! Congrats Babe!" < --- Chard
"Galing kasi ni Alexa, walang masabi ang mga panelist" < --- Ako
"Oo nga kung narinig mo lang Insan" < --- Jet
"Ang sasama ng ugali niyo! Papa Chard oh! Inaaway ako ng boyfriend mo" < --- Alexa
"Kaw naman Alexa di ka pa nasanay kay Babe at Insan" < --- Chard
"Tara na! Iniintay na tayo sa amin" < --- Ako
Imbes na kung saan saan kami pumunta napagpasyahan na lang namin na doon na lang sa Bahay mag-celebrate, ako kasama ang kagrupo pati si Agatha at syempre Chard at ang kagrupo niya.
.
. .
"Congratulations Andrei Jet and Alexa!". Syempre ang sarap sa pakiramdam ng ganun kasi sa lahat ng hirap na pinagdaanan, mga pagsubok na dumating heto at ang sasalubong sayo, manalo man oh matalo.
"Waaaah! Salamat! Tara kain na tayo gutom na ako" < --- Ako
"Kailan ka ba nabusog babe?" < --- Chard
"Nay oh! Inaaway ako" < --- Ako
"Totoo naman eh" < --- Nanay
"Tay oh. . . " < --- Ako
"Tama naman siya anak" < --- Tatay
"Wow! Nasaan ang hustisya dito?! Wala akong kakampe, ni sarili kong magulang tss" < --- Ako
.
. .
"Mother earth ang sarap nyo talaga magluto" < --- Alexa
"Tama ka dyan girl!" < --- Agatha
"Ang sarap naman tumira dito pards Andrei" < --- Nik
"Ah maa'm ipapahanda ko na po yung Adoption papers ko magapply po akong Ampon niyo" < --- Ronie
Ang lakas ng mga to eh, lalo na to si Ronie, mag-aaply daw ng Ampon ah . . . Adik talaga.
"Athan Kumpare!" < --- Tito Sam
"Sam! Mabuti naman nakapunta ka!"
"Dad?! Anun ginagawa nyu dito" < --- Chard
"Aba anak?! Nakita din kita, I was about to report na nawawala ka, di na kita nakikita sa bahay eh" < --- Tito Sam
"Kuya Adam pasok ka! Hndii mo kasama si Baby Simon?" < --- Ako
"Naku hinde ko sinama iniwan ko kay mommy" < --- Kuya Adam
Nakasabay namin si Tito Sam at Kuya Adam sa kainan. Panay ang kwentuhan ni Tatay at ni Tito Sam, magbestfriend nga sila na pinaghiwalay ng panahon at muling nagkita sa pamamagitan namin ni Chard.
"Waah late na ba ako sa Kainan?" < --- Kuya Kian
.
. .
Nandito kaming lahat sa Garden kasi nagyaya mag-inuman si Tito Sam, syempre hindi patatalo ang mga kabataan, at ito ang rason kung bakit hinde sinama ni Kuya Adam si Baby Simon.
Dahil alam ni tatay na magaling akong kumanta pinalabas niya yung Videoke namin sa Stockroom.
"Andrei andrei andrei!"
"Hindi po ako marunong kumanta"
"Utot mo babe, ako ang #1 fan mo noon pa man" < --- Chard
"Galing mo talaga papa Andrei!" < --- Alexa
"Nice kaya inlove na inlove sayo si Chard eh" < --- Nik
"Kahit sintunado pa yan si Babe, mamahalin ko pa rin siya" < --- Chard
"Masyadong pumupuso ang gago hahaha" < --- Ronie
"Babe! Ikaw naman" < --- Ako
"Di ako magaling babe" < --- Chard
"Nako kapag nasa bahay kung makakanta sa Banyo" < --- Kuya Adam
"Wag ka nga Kuya!" < --- Chard
"Ahaha aba lumalabas ang talent sa banyo" < --- Kuya Kian
Katuwa tong si Kuya Adam at Kuya Kian magkasundo kapag aasarin kami ni Chard.
Nang dahil sa sulsol ng barkada napakanta din si Chard.
kumanta siya ng Alipin, ayun medyo ayos naman kaso halatang kinabahan ang babe ko.
"Kahit sintunado ka man nandito ako para sabayan kang kumanta" < --- Ako
"Sweet eh!" < --- Ronie
"Ronie ronie ronie!" < --- Ako
"Aba hinahamon mo ang kawpyon?! Sige Andrei nang magsisi ka" < --- Ronie
at kumanta na nga si Ronie ng kanyang all time favorite Pusong bato
O___O < --- Kaming lahat
Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob itong si Ronie eh, talagang hindi tumutugma sa tono.
"Pards last mo na yan" < --- Nik
Ang saya talaga ng gabing ito kasama ang tropa, puro kasiyahan lang at lalong sumaya nang kumanta si Alexa
Halos atakihin sa kakatawa si Kuya Adam at Kuya Kian sa kakatawa.
"Ayoko na nga! Ang hard hard nyu sa akin" < --- Alexa
"It's hurt ba?" < --- Jet
"Hahaha!" < --- Ako
Buong gabi walang ginawa si Tatay at Tito Sam kung hindi magkwentuhan ng magkwentuhan "Catching up" kumbaga, samantalang si Kuya Adam at Kuya Kian ay mukang nagkakasundo sa usapan nila tungkol sa negosyo.
Kami? Eto tuloy tuloy sa pagkanta habang umiinom ng alak mabuti nga at hindi kami pinabarangay ng kapitbahay namin eh.
.
. .
Syempre, sa akin tumabi si Chard. Ito pa lagi kahalayan ang laman ng utak kapag nasa kwarto kami.
Naglalaro ako ng Flappy Bird.
"Babe halika na gagawa na tayo ng mga anak natin" < --- Chard
"Ayoko nga!" < --- Ako
Bigla niyang dinutdot yung screen
Booog!
“Ay lintek! Ang taas nan g score ko eh nakakainis ka!” < --- Ako
“Sorry eh ayaw mo akong pansinin eh” < --- Chard
“Mag biro ka na sa bagong gising wag lang sa taong naglalaro ng FLAPPY BIRD!” < --- Ako
“Hahaha anung kasabihan yan?” < --- Chard
“Tss ayan ang baba tuloy” < --- Ako
“Tara yung bird ko na lang dutdutin mo” < --- Chard
“Ayoko”
"Babe kada na lang gagawa tayo ng baby pakipot ka masyado" < --- Chard
"Kasi Manyak ka po masyado" < --- Ako
"Ikaw lang naman ang dahilan ng pagtigas nito" < --- Chard
“Kwento mo” < --- Ako
"halika na hiyaaaah!" < --- Chard
"Aaargh! Wag ka nga dumagan sa akin" < --- Ako
"Sa susunod magdadala na ako ng tali nang di ka makapalag, tulad ng ginawa mo sa akin" < --- Chard
"Wag! Magpapakabait na ako next time haha!" < --- Ako
"Good" < --- Chard
Wala na akong nagawa, unti unti na akong nagiinit sa ginagawang paghalik sa akin ni Chard. Naghubad na siya ng pang itaas niya at muli kong nakita ang kanyang katawan. Ang kanyang katawan na medyo mabuhok sa bandang pusod, ang kanyang Abs ang medyo matambok na dibdib.
"Toot" < --- Cellphone ko
“Babe saglit may nagtext”
“Mamaya na yan” < --- Chard
“Eh saglit lang to” < --- Ako
Binasa ko
Unknown number: Makipagkita ka sa akin bukas kung ayaw mong lumabas ang mga to. At wag ka magsasama ng kahit na sino.
May kasama itong 2 picture
Nanlaki ang mata ko. Namutla, nanlamig. Hindi ko alam kung papaano to nakalabas, papaano? Sino ang naglabas? At papaano niya nakuha.
"Babe?" < --- Chard
"Ba-babe" < --- Ako
Kinuha ni Chard ang phone ko at nakita niya ang mga litrato.
"Pa-papaanong?!"
Itutuloy >>>
ganda ng story...nakakaexcite bawat tagpo.kaabang abang ang sunod n chapter...abangan ko rin ung bago ung story n gagawin u...makagawa ka pa ng mga magagandang story na nakakainsperado sa iyong mga mambabasa..
ReplyDeleteGod bless...more power
Thank you :)
DeleteCurious ako dun sa mga Picture na nakita ni Andrei at Chard . . . anu kaya yun . . . update pls.
ReplyDelete_L
Hula ko 'yon 'yong scandal nila... haha
ReplyDeletenaaaliw akong magbasa nito.
-casPer-
Thank you Casper :)
Delete- Gio
hey mr. author,,para sa kin lang ha,, di ko maramdaman ang story mo..matagal n aq ngbbsa dto sa msob,,kaya di ko rin maiwasn n icompare yung work mo sa iba..sorry..
ReplyDeletepara skin kc masyadong mabilis ang kwento,,tuloy ndi cia mgsink in sa utak o sa puso ng mambabasa..ayos sana yung concept kaso yung way ng pagkasulat sa story ay mabilis..
-paul jhon
Dear Author maraming salamat sa yong story nakakaaliw basahin, ang ganda ng kwento. at higit sa lahat hindi ko pa nararamdamn na matorture. Yung ibang kwento kasi nakakatorture dun sa mga nagbabasa, yun bang nakakainis na. At yung way mo ng paglalahad ng kwento, di lang namin nababasa kundi napifeel namin talaga yung mga karakter ng kwento. Congrats Gio! God Bless you.
ReplyDeleteBen
Sabi ko na nga ba eh kaya tumawa si sir. Jake kase may plano sya mang blackmail kay andrei pano yan nakaka asar naman inisip ko na rin na ang ibinigay ni andrei nung pina check nya ung manuscript nandoon ung scandal nila eh kase naman bakit kelang videohan
ReplyDelete