Pagkatapos
na pagkatapos ng paPress Conference sa ShangRiLa ng Shu Eumura Philippines ay
kaagad na inihatid ni Sir Benedict itong si Charito pauwi sa Condo nito habang
sina Aling Celia't Jun-jun nama'y sumakay sa ipinapasadang taxi ni Mang Kardo
at sumunod papunta sa Condo ng kanilang anak.
"Bakit
namumula yang mga mata't ilong mo?" Ang hindi maiwasang tanong ni Charito
sa nagdriDrive na si Sir Benedict dahil hindi na nakayanan pa ng dalaga ang
katahimikan sa loob ng kotse nito.
Since
nang umalis sila sa ShangRiLa'y wala silang naging kibuang dalawa nitong si Sir
Benedict.
"Ano
bang problema mo Kalbo?!" Ang naiinis na sambit muli ng dalaga nang hindi
siya kinibo ng kausap.
"Ang
daldal mo kasi!!!" Ang naiinis na sambit ni Sir Benedict.
"Bilib
din naman ako sa'yo! Ako pa ang sinisisi mo ha!!! Ni hindi ko pa nga alam kung
bakit ganyan ang hitsura mo eh!" Ang hindi papatalong sambit naman ni
Charito.
Medyo
umiinit na din ang ulo ng dalaga dahil imbis na makapagEmote siya sa Dilema
niya kay Eric ay nakikisabay pa sa kaniya itong si Sir Benedict.
Naisin
man nitong si Charito na balewalain ang anak ng kaniyang amo'y hindi naman niya
ito matiis at kahit siya'y napansin na din ang pananamlay nito noong mga
nagdaang mga araw.
"Bakit
hindi ka na nang-aasar ha?!" Ang tanong muli ng dalaga kay Sir Benedict
dahil nasanay na kasi ang dalaga na makarinig ng pang-aalaska at pang-aasar
mula dito.
Kahit
mahirap tanggapin ay batid ng dalaga na hindi nabubuo ang kaniyang araw kung
hindi sila nag-aasaran ng anak ng kaniyang amo.
"Puwede
bang tumahimik ka na lang...PLEEEASEEE!!!" Ang pagmamaka-awa ni Sir
Benedict na ikinagulat naman ni Charito.
Now
lang na narinig ng dalaga na magPlease sa kaniya si Sir Benedict at doon na
siya biglang naConcern dito.
"Honestly
speaking..." Ang maarteng pag-uumpisa ni Chai at kahit na alam niyang may
possibility na hindi siya pakinggan nitong si Sir Benedict ay nagDecide na
lamang siya na magSpeech kaysa naman mabingi siya sa katahimikan nilang dalawa
sa loob ng Kotse.
"To
tell you the Truth Kalbo..."
"Please
naman ChaRitz..."
"Listen
to me Kalbo... Ehem..." Ang muling introduction ng dalaga.
"Hindi
naman ako mag-aaksaya ng laway kung hindi ako concern sa iyo..." Ang
mahinahong sambit ng dalaga at pagkatapos ay nagStop muna siya sa kaniyang
speech upang tignan kung magreReact pa din itong si Sir Benedict.
Nakitaan
naman niya kaagad ang mukha ni Sir Benedict ng pagSurrender kaya nama'y
nagInhale and exhale ulit siya upang magpatuloy ngunit naunahan siyang
magsalita nito.
"May
sinabi ding ganyan sa akin si Dennis..." Ang mahinang usal naman ni Sir
Benedict habang nagpapatuloy ito sa pagdriDrive na ikinatahimik naman ni
Charito.
"Si
Dennis... Problema mo ba si Dennis? Yung K-A-I-B-I-G-A-N mo???" Ang
pag-uulit ni Charito at talagang binigyan ng dalaga ng emphasis ang word na
'Kaibigan' upang maConfirm na nga niya ang kaniyang kutob sa dalawa.
"Pareho
lang tayo ng Problema ChaRitz..." Ang sambit kaagad ng malungkot na si Sir
Benedict.
"STOP
CALLING ME THAT NAME!!!" Ang maarteng sambit naman ng dalaga at kahit na
naisin mang maglulundag niya sa tuwa dahil tama nga ang kutob niya sa
kalansahan ng dalawa'y nagpigil siya dahil sa pagiging serious nitng si Sir
Benedict.
"Let
me speak first..." Ang maarte't muling usal ng dalaga.
"First
of all eh hindi tayo magkatulad ng problema ano!!!
Hindi
naman kita pupuwedeng iSnob-in at may pinagsamahan tayo..."
"Parang
bumait ka ata?" Ang hindi makapaniwalang tanong kaagad ni Sir Benedict sa
dalaga ngunit hindi na ito pinansin pa ni Charito.
"May
pinagsamahan tayo Kalbo... And I don't like to see you na nagkakaganyan ka!
Hindi
sa'yo bagay kaya!!! Alam mo bang dati eh kinaiinisan ko ang mga Yuppies na
katulad mo...
But
now I Just realized na naging Yuppie na din pala ako and naProoved ko na
pare-pareho lang pala tayong tao...
Nagkakaroon
din ng problem...
Lalo
na sa LoveLife..." Ang explain ni Charito at nakita niya na slight na
nagSmile naman itong si Sir Benedict.
"Pareho
lang tayo Kalbo... Namromroblema sa lalaki..." Ang nakangiting sambit muli
ng dalaga.
"Tama..."
Ang pag-agree naman ni Sir Benedict at unti-unti siyang nagLoosenUp ng mga
sandaling iyon dahil parang may nahugot na tinik sa kaniyang lalamunan.
Matagal
na kasing itinatago ni Sir Benedict ang pagiging bisexual niya because of his
status at talaga namang natatakot siyang may ibang makaalam ng kaniyang Secret
ngunit nang mga oras na iyo'y malaki ang naitulong ng pakikirama'y ng dalaga
para sa kaniya.
"Hindi
naman kasi kami mag-aaway ni Dennis kung hindi dahil sa iyo..." Ang next
na sinambit ni Sir Benedict.
"WHAAAT???!!!"
Ang gulat na reaction naman kaagad ni Charito sabay hampas niya sa braso ni Sir
Benedict.
"Kailangan
mo ba talagang ibuyangyang sa harapan ni Dennis na nakikipagFlirt ako sa
FB?"
"Ha....
Ah... Eh... " Ang usal na lamang ng dalaga nang maalala niya ang incident.
"Ah...
Kalbo... Nadulas lang ako at tootoo naman yung sinabi ko eh... Saka hindi ko
naman kasi alam noon na may 'Something' kayong dalawa ni Dennis..."
"Nangyari
na eh..." Ang talunang sambit naman ni Sir Benedict.
Kitang-kita
ni Charito ang pagbagsak ng dalawang well defined na balikat nito't ang
pag-Give up din sa facial expression nito.
"Alam
mo bang may magagawa ka pa?"
"Ha...
Ano???!!! Galit na galit sa akin si Dennis eh!" Ang gulat na tanong ni Sir
Benedict.
"Tampuhan
lang yan... Hindi maiiwasan yan... Why don't you say..." Ang hindi natapos
na sentence ni Charito and this time ay si Sir Benedict naman ang nakapansin sa
paglungkot bigla ng mukha ng maarteng dalaga.
"Anong
sasabihin ko?" Ang ulit ni Sir Benedict dahil nabitin siya sa sentence ng
dalaga and talagang pursigido siyang magkabalikan sila ni Dennis.
"Ahhhmmm...
Kalbo..."
"Ano
yun?" Tanong ni Sir Benedict. Nasanay na din ito sa dalagang tawagin
siyang kalbo.
"Yun
lang ba ang dahilan ng pagtatampuhan nyo?"
"Ha..."
"Ayoko
ng ulitin..." Ang sambit ng dalaga.
"Meron
pa..."
"Ano
yun..."
"Kuwan
kasi... eh... ah... Huwag nalang ChaRitz..."
"Sabihin
mo na kasi Kalbo..."
"Hindi
ko siya sinasabihan ng 'I Love You'... Kahit nag-a-'I Love You' siya sa Text or
sa FB eh hindi ko niRereplyan ng 'I Love You Too'..."
"Eh
sira ka naman pala eh..."
"Ang
babaw ano?"
"Anong
mababaw doon?!...
Ang
pinakamasakit eh yung hindi sinusuklian ang pagmamahal mo...
Kahit
labas sa ilong na 'I Love You' eh nakakapag-inspire kaya...
O
kaya nama'y hindi mo ipinapakita na na-a-Appreciate yung mga ginagawa niya
sayo..." Ang smart na sambit ni Charito dahil guilty din siya sa ganoong
kasalanan kay Eric.
"Teka
nga lang... Ano ba ang yung sinasabi mo kanina na dapat kong sabihin kay
Dennis..." Ang balik tanong naman ni Sir Benedict sa dalaga.
"Ah...
Eh... Yung ano..." Ang hindi madire-Direchong usal ng dalaga dahil
naRealized niya na ito din ang dapat niyang sabihin kay Eric at alam niyang
napakahirap nitong gawin.
"Ano
ba yun..." Ani muli ni Sir Benedict.
"Say
Sorry..." Ang malumanay na sagot ng dalaga and that moment eh sabay na
nagSigh na lamang silang dalawa.
Batid
nina Sir Benedict and Charito na madali itong sabihin ngunit mahirap gawin.
Alam
din nilang kailangan nilang lunukin ang kanilang Pride kung manghihingi sila ng
tawad sa kanilang atraso kung nais nilang maibalik muli sa kanilang buhay ang
lalaking minamahal nila.
*********************
Kasama
si Sir Benedict at ang kaniyang Family ay kinakabahang naghintay na lamang
itong si Charito sa phone call ni Mrs. Chavez dahil bago sila umalis kanina sa
ShangRiLa'y binilinan sila nito na ngayong araw din nila malalaman kung naging
positive ang feedback ng kanilang ginawang paPress Conference.
"Tignan
mo nga Jun-jun kung sino yung nagDoorBell." Ang utos ni Aling Celia sa
anak nang may nagBuzz sa labas ng pinto ng condo unit at laking gulat nila nang
pumasok itong si Mrs. Chavez.
"Ma...
I thought you're going to give us a call?" Ang nagtatakang tanong agad ni
Sir Benedict nang makita niya ang kaniyang Mommy.
"I
decided na pumunta na lang dito..." Ang explain ni Mrs. Chavez sa kaniyang
anak.
"By
The Way Chai... Positive ang naging feedback sa iyo ng press... Good
Job..." Ang next na masayang sinabi ni Mrs. Chavez sa dalaga na ikinangiti
naman nina Mang Kardo't Aling Celia.
"Kaya
next time eh ingat-ingat ka lang ha..." Ang next na ibinilin sa dalaga ng
kaniyang amo.
"Yes
Madam..." Ang reply naman ng Dalaga dito at laking pasasalamat din niya na
nalusutan niya ang issue ng kaniyang pakikipagTong-its sa lamayan.
"Kaya
lang may iba pang naging feedback... Medyo naCurious sila doon sa TriCycle
Driver..." Ang next na binanggit naman ni Mrs. Chavez sa lahat.
"Ay
naku Mommy don't mind the Press... Kapag may sumabog na namang balita eh matatabunan
na yun... Hayaan nyo na sila..." Ang usal naman ni Sir Benedict.
"I
hope so..." Ang nakaSmile na sambit lang ni Mrs. Chavez.
"Right
now eh medyo magiging slight ang pagbabantay sa iyo ng media Chai... Kaya Again...
Please be Careful palagi sa mga actions mo...
At
ikaw naman Benedict... Dobleng ingat din... Bantayan mong mabuti si Chai
hangga't hindi lumalamig ang issue..." Ang pagtatapos ni Mrs. Chavez na
sinang-ayunan naman ng dalawa.
"Mister...
Misis... Dito na lang muli si Chai ha... Hindi muna siya pupuwedeng magawi sa
lugar ninyo hangga't hindi pa humuhupa ang issue niya at marami pa siyang
Projects na nakaLine-up..." Ang sambit naman ni Mrs. Chavez sa mag-asawa.
"Naku
huwag po kayong mag-alala at naiintindihan po naman namin..." Ang reply
naman ni Aling Celia at pagkatapos ay mariin niyang niyakap itong si Chai upang
magpaalam na din sila dahil medyo late na at may pasok pa nga kasi itong si
Jun-jun kinabukasan.
Nag-paiwan
na lamang itong si Sir Benedict sa Condo upang masigurong settled na ulit itong
si Charito at bago siya tuluyang umalis ay kinausap muna niya ang dalaga.
"ChaRitz..."
"STOP
CALLING ME THAT KASI!!!"
"Sabi
mo may pinagsamahan tayo..."
"Yes!
I said that! WHY???"
"Baka
naman pwedeng humingi ng favor..."
"What
kind of favor naman?"
"Ah...
Eh... Kasi..." Ang nag-aalanganing usal ni Sir Benedict sa dalaga dahil
kinakabahan siya at baka singilin na naman siya nito't magantsohan.
"Kuwan...
Kasi eh... Samahan mo naman ako kina Dennis bukas ng umaga... Hihingi ako ng
sorry..." Ang nahihiyang sambit ni Sir Benedict at walang pasabing niyakap
kaagad siya ng dalaga.
"I'm
so proud of you Kalbo!!! Magkano ang ibabayad mo sa akin?" Ang makapal na
pagmumukhang sinabi kaagad ng tuwang-tuwang si Chai.
"SYET
NAMAN! Di ba sinusuwelduhan ka na naman ng Company natin... Hindi na
pangSalesLady ang sahod mo di ba..."
"JOKE
LANG YUN KALBO... Ako din may hihinging favor..."
"Hindi
ka na ba makatulong ng walang hinihinging kapalit..."
"Last
na ito..."
"Ano
yun..."
"Tulungan
mo naman akong umisip ng magandang way para maSolve ko na din ang problem ko
kay Eric..."
"Eh
di MagSorry ka!"
"Nagtext
na nga ako ng Sorry pero hindi siya nagreReply tapos ayaw namang sumagot kapag
tinatawagan ko...
PLEEEEAAASEEE
KALBOOOOO..." Ang paCute at maarteng usal naman ng dalaga.
"Sige...
pero bukas back up ka sa akin ha... Kapag nagmatigas pa si Dennis..."
"Promise..."
Ang nakaSmile na sambit naman ng dalaga sabay bigay niya ng smack sa cheek ni
Sir Benedict.
"Huwag
na huwag ka ding magkakamaling madulas kay Dennis na nagSex tayo..."
"Oo
naman... Huwag mo ding sasabihin yan sa iba at ayokong malaman ni Eric..."
"Promise
ha..."
"Oo...
Promise..." Ang pagtatapos ng dalaga kay Sir Benedict at talaga namang
hindi niya mapigilang maExcite dahil pakiramdam nitong si Charito na may
Pag-asa siyang muli kay Eric.
Kung
tutuusi'y napakababaw lang naman and very childish ang dahilan ng pagtatampo
nitong si Eric sa kaniya subalit dahil mahal na mahal ni Charito ito'y siya
naman ang manliligaw dito with the promised help of Sir Benedict.
*********************
Before
8:00am pa lang ay nakaPark na sina Sir Benedict at Charito sa harapan ng
apartment nina Dennis at kahit medyo makulimlim at nagsusungit ang panahon ay
tumuloy pa din sila at ngayon nga'y aligaga at medyo nagpaPanic itong si Sir
Benedict dahil yun ang first time niyang manuyo sa isang nakatampuhang nakaRelationship
niya.
Iba
ang naging relationship niya kay Dennis at talaga namang minahal niya ito dahil
wagas na wagas kung paano magmahal at mangalaga itong si Dennis at talaga
namang naUpset itong si Sir Benedict nang magalit ito sa kaniya.
"Huwag
na lang nating ituloy at baka wala sila dyan...
Wala
yung Revo nung kasama niya sa Apartment eh...
Siya
kasi ang nagdriDrive noon..." Ang panghihina ng loob nitong si Sir
Benedict.
"SIRA!!!
Sayang lang ang oras natin kung hindi natin itutuloy and nandito na tayo
ano." Ang masungit na sambit naman ng dalaga.
"ChaRitz!
SAAN KA PUPUNTA???!!!" Ang nabiglang usal ni Sir Benedict nang walang
pasabing bumaba ang dalaga sa kaniyang kotse.
Wala
nang nagawa pa itong si Sir Benedict bagkus ay lakas loob niyang sinundan ang
dalaga.
"DYAN
KA LANG!!! HUWAG KA MUNANG MAGPAKITA!!!" Ang mabangis na utos ni Charito
nang akmang lalapitan na siya ni Sir Benedict.
Kaagad
namang naGetz ni Sir Benedict ang nais na mangyari ni Charito kaya nama'y
hinayaan na lamang niya ang wisyo nito.
"DENNIS!!!
DENNIS!!!" Ang malakas na pagtawag ni Charito kasabay ng kaniyang
pagdoDoorbell sa gate ng apartment at ilang seconds lang ay lumabas na itong si
Dennis.
"CHAI!!!"
Ang gulat na sambit kaagad ni Dennis nang makita niya itong si Charito.
"May
sasabihin sa'yo si Sir Benedict kaya lang nahihiya eh..." Ang maarte't
paCute with matching smiling face pa na sinabi ni Charito sa nagulat na si
Dennis.
"Ayun
siya oh..." Ang idinagdag pa nang dalaga sabay turo niya sa nakatayong si
Sir Benedict.
Kaagad
namang nagtama ang paningin nina Dennis at Sir Benedict at kitang-kita ito ng
dalaga at on cue siyang nagsalita muli.
"Iyak
nga ng iyak eh... Miss ka na daw niya..." Ang maarteng pahabol pa ng
dalaga.
"TAKTE
KA!!!" Ang malakas na sigaw ni Sir Benedict sa kaniyang isipan patungkol
kay Charito dahil hindi niya alam na ibibenta pala siya nito ng buhay kay
Dennis.
"MIND
YOUR OWN BUSINESS!!!" Ang malakas na sigaw naman ni Charito sa dalawang
kolehiyalang nasa sa kalye nang mapansin niya itong pinapanood sila.
"PASOK
KAYO!!!" Ang nagpaPanic na sambit na lamang ni Dennis kasabay ng pamumula
ng kaniyang mukha at mabilis niyang itinarangka ang gate at nang makapasok na
sina Charito at Sir Benedict sa kaniyang apartment ay agad na isinira niya ang
pintuan at ibinababa ang kurtina ng kanilang bintana.
Medyo
nahiya kasi itong si Dennis doon sa dalawang kolekiyalang sinigawan ni Chai.
"SORRY
DENNIS..." Ang biglang usal naman ni Sir Benedict sabay walang pasabing niyakap
niya ng mahigpit si Dennis at hindi na mapigilang mapaluha nito habang
paulit-ulit itong nagsoSorry.
Wala
nang nagawa pa itong si Dennis at kaagad niyang siniuklian ng paghagod sa
maskuladong likuran ng humikhikbing si Sir Benedict gamit ang isa niyang kamay.
"I
LOVE YOU DENNIS... SORRY NA TALAGA..." Ang impit na sambit ni Sir Benedict
habang lalo pa niyang hinihigpitan ang kaniyang pagkakayakap kay Dennis.
"Sorry
na daw..." Ang pagSegunda mano nitong si Charito upang mailagay sa
alanganing position itong si Dennis.
"Ha...
Ah... Eh...
Sorry
din Ben... Sorry din...
I
love you too..." Ang sambit lamang ni Dennis at kaagad namang niyakap niya
ng mahigpit itong si Sir Benedict.
"Alam
mo bang mahal na mahal ka ni Kalbo kaya nagOut yan sa akin at
nagpasama..." Ang usal naman ng dalaga upang siguruhing wala ng kawala
itong si Dennis ng mga sandaling iyon.
"Talaga..."
Ang hindi makapaniwalang tanong ni Dennis na tinuguhan na lamang ng nakangiting
si Charito.
Matagal
na kasing iniisip ni Dennis kung ano nga ba ang standing ng kanilang
relationship ni Sir Benedict at talaga namang clueless na clueless siya kung
seryoso nga ba ito sa kaniya dahil hindi niya kasi maramdaman na mahal siya ni
Sir Benedict kahit na all out ang ipinakikita at ang ibinibigay niyang
pagmamahal dito.
"Teka...
MagKape muna kayo..." Ang nahihiyang sambit na lamang ni Dennis at lalo
pang pumula ang mukha nito sabay kalas niya sa pagkakayakap sa kaniya ni Sir
Benedict at mabilis siyang tumungo sa kusina.
Napangiti
na lamang itong si Charito nang makita niyang sinundan ni Sir Benedict itong si
Dennis sa kusina at lalong pumilya ang smile ng dalaga dahil alam niyang may
malansang gagawin ang dalawa.
Nakangiting
binuksan na lamang ni Charito ang TV sa salas at proud na proud siya ng mga
sandaling iyon sa naging accomplishment niya at the start of the day ngunit
mabilis ding nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya kung ano
ang kasalukuyang live na ibini-Broadcast ng pinapapanood niyang Early Show sa
TV.
"Nandito
po ngayon tayo sa baranggay kung saan nakatira ang Shu Eumura Cosmetics
Endorser na si Ritz Soler..." Ang sambit ng reporter sa TV na lalong
ikinalaki pa ng mata ng dalaga.
"Matagal
na kaming tumatawag sa gate ng bahay ng manliligaw ni Ritz kaya lang ay ayaw
kaming labasin nitong si Eric...
"Si
Eric ang tricycle driver na siyang binaggit ni Ritz sa kanilang Press
Conference kahapon at nanliligaw itong si Eric dati sa kaniya ngunit hindi na
nito itinuloy pa ang panliligaw nito nang naging sikat na itong si
Ritz..." Ang pagtatapos ng reporter sa TV.
Kaagad
na tinawagan ni Charito sa kaniyang fake na iPhone ang kaniyang Nanay Celia
upang makibalita ngunit kahit ilang beses niyang tawagan ito'y hindi pa din ito
sumasagot.
"Mamaya
po ay kakapanayamin natin ang mga magulang ni Ritz upang malaman natin ang
lahat-lahat at talaga namang marami ang gustong makaalam sa istorya nitong si
Ms. Ritz Soler at marami talagang naaawa sa dalaga..." Ang pagpapatuloy ng
Reporter.
Kitang-kita
din ng dalaga sa TV ang kaniyang mga kapitbahay na kumakaway sa likod ng
reporter at ang iba'y nagpupumilit na masali sa makukunan ng camera.
"Pero
sa ngayon eh kakausapin muna natin ang ilan sa mga kapitbahay ni Ritz para
magtanong-tanong..." Ang dagdag pa ng Reporter.
Halos
kabahan ang dalaga sa kung ano ang sasabihin ng kaniyang mga kapitbahay at
hindi talagang napigilang mapatayo nitong si Charito sa kaniyang kinauupuang
sofa.
"Hay
naku! Matagala nang nililigawan ni Eric yang si Chai este Ritz pala pero
napakaarte talaga... Kawawa naman si Eric..." Ang ani ng labanderang
kapitbahay ng dalaga na ikinalaki naman agad ng dalawang butas ng ilong ni Chai.
"Ang
gwapo-gwapo at ang macho-macho ni Eric... Ewan ko ba naman dyan kay Ritz kung
bakit hindi sinagot..."
"Napakabait
talaga nyang si Eric at talagang pinagtiyagaan ang kaartehan ni Ritz... Ang
itim-itim kaya dati nun..."
"Kung
ako kay Eric noon eh hahanap na lang ako ng ibang babae at hindi na ako magtitiyagang
sunduin si Ritz araw-araw para ihatid lang..."
Ang
sunod-sunod na sambit ng mga kapitbahay ng dalaga na lalo pang nagpakulo sa
dugo ni Charito at talaga namang ibinenta siya ng buhay ng mga iyon katulad sa
ginawa niya kanina kay Sir Benedict.
"ERIC!!!
AKO NA LANG ANG LIGAWAN MO AT SASAGUTIN KITA!!! AYAW NA NAMAN SAYO NI RITZ...
AKIN KA NA LANG!!!" Ang malakas at malanding sambit ng isa pang babaeng
kapitbahay ni Charito nang tinanong siya ng reporter at dito'y naputol ang pisi
ng pasensya ng dalaga.
"KALBOOOOO!!!"
Ang malakas at galit na pagtawag ni Charito kay Sir Benedict at agad namang
pinuntahan siya nito.
"Bakit?
Anyare?" Ang nagtatakang tanong ni Sir Benedict habang pinupunasan niya ng
panyo ang kaniyang bibig.
Kasalukuyang
nagli-Lips-to-Lips kasi sila nitong si Dennis sa kusina nang tumawag itong si
Charito.
"MAARTE
TALAGA YANG SI CHAI... RITZ SOLER... ANG ITIM-ITIM NAMAN NOON AT
NAGMAMAGANDA... NAAAWA NGA TALAGA KAMI KAY ERIC..." Ang narinig ni Sir
Benedict na sinabi ng isa sa mga kaToda ni Eric nang itapat ng reporter sa TV
ang microphone dito.
Halos
manlaki ang dalawang mata ni Sir Benedict nang mapagtanto niya kung ano ang
nangyayari sa nakaLive Broadcast sa Telebisyon.
"Anong
nangyari..." Ang clueless na tanong naman ni Dennis nang makalabas na ito
sa kusina at makita niyang tutok na tutok ang dalawa niyang bisita sa harapan
ng TV.
"Ako
yung nagpost sa FB ng picture ni Chai sa Lamayan..." Ang bungad ni Mariz
nang tinapatan siya ng reporter.
"Kaibigan
mo ba si Chai o Ritz Soler..." Tanong ng reporter.
"Kaibigan
ko yun... Si Chai pa... Mabait yun..." Ang sambit naman ni Mariz na
ikinatuwa ng slight ni Charito dahil may isa siyang kapitbahay na nagsabi ng
maganda tungkol sa kaniya.
"Chai
kung nanonood ka eh ibalato mo na lang sa akin si Eric at ako na ang bahala sa
kaniya...
Binasted
mo na naman siya dati diba... Akin na lang siya...." Ang malanding pagpapatuloy
ni Mariz sa harap ng camera na lalo pang ikinainis at ikinaWating ni Charito.
"SAMAHAN
NYO AKO SA AMIN!!!
MANGANGATAY
AKO NG MGA MALALANDI!!!" Ang galit na galit na sambit ni Charito kina Sir
Benedict at Dennis habang nagdadabog itong lumabas ng bahay.
"Sama
ka!" Ang anyaya ng nakangiting si Sir Benedict sabay hawak niya sa isang
kamay ni Dennis.
"Ha???"
Ang gulat na tanong naman ni Dennis.
"Mukhang
masaya ngayon doon..." Ang nakangising reply lang ni Sir Benedict sabay
patay niya ng TV.
Tahimik
lamang itong si Dennis na nakaupo sa backseat ng sasakyan habang itong si Sir
Benedict naman ay pangisi-ngising nagdriDrive dahil sa pagiging excited nito at
kitang-kita niya sa pagmumukha't hitsura ng pagbabadya ng katabing dalaga.
Halos
sumasabay ang pagkulimlim at lalo pang pagsungit ng panahon sa hindi maipinta't
galit na pagmumukha ni Charito at habang papalapit na sila sa kanilang
baranggay ay lalong kumukulot ang buhok nito at talaga namang nakahanda ang
dalaga na ipakitang siya lamang ang babaeng magiging laman lamang sa puso ng
Tricycle driver na si Eric.
See
You Sa Finale
made my night manong.. i really enjoyed it! hahaha ayun oh besprends na ang kalbo at ang negra.. ^_^V sayo din pala yung undercover? babasahin ko din yun sa susunod.. 2 thumbs up manong.. ending na pala ang susunod.. habaan mo ha.. para simut-sarap sa pagbabasa.. :))
ReplyDeleteALam mo To... Nagkakaroon ng isang silent understanding and good terms ang dalawang tao kapag nagSex... 80-90% Possibility :)))
DeleteAminan lang hehehe... Haiiissssttt finale na pala ang kasunod nito ayyyyyyyyyyy nasasad akoooo :-(
ReplyDeleteI'll finish na This one Kuya Pj para dahil nakahanda na si Ponse sa CHILLIGZ Serye Installment niya After ng 'Ang RnB' ... :)))
Deleteang saya-saya at ang ganda... = paolo miguel =
ReplyDeleteang saya-saya at ang ganda... = paolo miguel =
ReplyDeleteSalamuch sa pagbasa't pag-comment Kuya Paolo... See You Sa Finale :)))
Deleteay bakit naman the end na agad.....dapat may book two yan Kuya Ponse kundi pupunta ako sa Senado para magprotesta heheheh
ReplyDeleteSaya ng kuwentong ito..pwedeng movie ni sarah geronimo..romcom ang dating
ReplyDelete