Followers

Tuesday, March 24, 2015

Loving You... Again Chapter 8 - Catal Rhythm




  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also nga pala sa mga readers ko na si Ashigawa, Alfred of T. O., Gilrex, Jharz, 44, Marc Abellera, Summer Rain, Lantis, Joey mga silent readers and loud, black or white, orange or blue, what color is that dress? Hehe. Halata namang waley ang joke... pero ginamit ulit LOL!

And haha. So tapos na ang bakasyon. Geh geh geh! Without further ado, heto na ang Chapter 8... and I still think na bakit Loving You... Again ang title... oh well.

So support din po natin ang ibang gawa dito sa BLOG... kasi alam ko naman na binabasa niyo pero... sinasabi ko lang. Enjoy!











Chapter 8:
Catal Rhythm



























Harry's POV



          Maghahapon na nang makarating na kami ni Janice sa apartment namin. Sinalubong naman kami ni Gerard na nauna na dito.



          Magandang hapon sa inyo Harry, Janice," magalang na tonong pagbati sa amin ni Gerard habang binubuksan ang pintuan ng kotse para kay Janice.



          Lumabas naman si Janice sa kotse. Magandang hapon din Gerard," sagot ni Janice dito.



          Binuksan ko naman ang pintuan ng kotse ko at lumabas na rin. Gerard, tigilan mo nga iyan. Wala tayo sa harapan nila mama at papa. Given the fact na mas matanda ka pa sa amin," wika ko.



          Oo nga Gerard. Mag-casual mode ka na. Magkakaibigan naman tayo ehh," pag-uudyok ni Janice.



          Binuksan na lang ni Gerard ang likuran ng kotse para tulungan kami sa mga bagahe. Ganoon ba? Kung yan ang gusto niyo."



          Binuhat naman ni Gerard ang mga bagahe ni Janice at dinala sa ito sa loob ng kabilang apartment. Ako naman ay dumiretso ng pumasok sa kwarto ko. It's good to be back. Kinuha ko na lang ang board na naglalaman ng mga litrato ni Ren at isinabit ulit ito.



          Kei! Kei!" rinig kong sigaw ni Janice.



          May kulay ang juice! Lumabas ako ng kwarto ko. Janice, pakiusap naman. Huwag ka dito magsisigaw. At isa pa, wala nga dito si Kei."



          Lumapit na lang si Janice sa pintuan ng kwarto ni Kei. Kung diyan ang kwarto mo, ehh di ibig sabihin, dito ang kwarto ni Kei." Sinubukan naman niyang pihitin ang doorknob ng kwarto ni Kei. Naka lock."



          You don't say!"



          Harry, may susi ka ba sa kwarto niya?" tanong ni Janice.



          Wala akong susi ng kwarto ni Kei. At saka nasa kaniya lang ang susi ng kwarto niya. Humingi ka sa kaniya mismo," sagot ko.



          Lumungkot na lang ang mukha ni Janice saka umupo na lang sa sofa ng sala.



          Pumasok naman si Gerard. Harry, may posible ka bang alam na lugar kung saan si Kei?" tanong niya.



          Hindi ko alam pero makikita natin marahil bukas sa eskwelahan. Bukas na kasi ang enrollment," sagot ko. Siya nga pala Gerard. Pwede bang ikaw na muna ang magluto ng hapunan natin ngayon?"



          Tumango na lang ito bilang pagtugon saka dumako sa kusina. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko para ayusin ang ilang gamit ko. Tiningnan ko na lang ulit ang mga litrato ni Ren sa board. This is it. Magkikita na kami... bukas? Daanan ko kaya siya sa kanila bukas?



          Kinabukasan, paalis na ako para mag-enroll. Binuksan ko namang ang pintuan ng sasakyan ko.



          Harry, pwede bang kayo na lang ni Janice ang mag-enroll ng sabay? May kailangan lang kasi akong daanan sa dati kong tinitirhan," pakiusap ni Gerard.



          Nasapo ko na lang ang ulo ko sa narinig. Ugh! Bwisit! Bad timing! Hindi ako matutuloy na pumunta kila Ren. Kahit gusto kong tumanggi, si Gerard pa rin kasi ito. Itinuring namin siyang kapamilya dahil sa debosyon niya sa pamilya namin.



          Sige Gerard. Okay lang," pagpayag ko.



          Sige. Una na ako," paalam ni Gerard saka umalis. Sumakay naman ito sa kotse niya at pinaharurot agad paalis.



          Nakita ko na lang na lumabas si Janice galing sa apartment nila. Ano iyun? Umalis agad si Gerard? Iniwan ako?" kunot-noong tanong ni Janice.



          Sa akin ka na daw sasabay Janice," simangot ko.



          Totoo ba iyan? Nakasimangot ka kasi ehh," ngumiti naman ito na wari'y may nalaman. Nasira ko na naman ba ang plano mo ngayong araw?"



          Hay nako! Simula ng pumayag si papa na dito ka mag-aral, nasira na agad," sagot ko.



          Pumasok na lang kaming dalawa sa kotse at sinimulan na itong paandarin. Nakarating na kami sa Academe. Galing kami sa parking lot nang may nakasalubong kaming dalawang pamilyar na lalaki. Agad na lang tumakbo si Janice pagkakita doon sa isang lalaki. Teka? Bakit sila magkasama?



          Kei!" tawag niya sa pangalan nito saka niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa kaniya.



          Janice. Long time no see," wika ni Kei. Kumalas naman si Janice sa pagkakayakap sabay ankla sa isang braso ni Kei.



          Kumusta Ren?" bati ko sa kaniya. Ngiti lang ang tinugon sa akin. Bakit ngiti lang? Hindi ka ba masaya na makita ako?"



          Hindi naman sa ganoon," malumanay niyang sagot.



          Oi, ipakilala niyo naman ako sa kaibigan ninyo," sabat ni Janice.



          Hindi pwede!" sabay naming sabi ni Kei.



          Ay! Ang selfish niyo naman!" Kumalas na lang si Janice kay Kei at unangkla naman sa braso ni Ren. Narinig kong Ren ang tawag nila sa iyo. Ano ang pangalan mo?" pagtatanong ni Janice na my halong landi.



          Kita ko naman na nahihirapan sa kaniyang sitwasyon si Ren at naiirita ito... at namumula. Hindi kaya dahil nararamdaman niya ang boobs ni Janice? Sa bagay. Lalaki pa rin naman si Ren.



          P-Pasensya na p-pero p-pwede bang," pautal-utal niyang wika.



          Ako nga pala si Janice Marasol. Fiancee ni Kei. Kinagagalak kitang makilala."



          Kita ko naman na napapitlag Ren sa narinig. Bakit kaya? Ren Castillo Severin," mahinahon na pagpapakilala ni Ren sa sarili.



          Lumapit na lang si Kei sa kanila at kinalas ang pagkakahawak ni Janice kay Ren. Pinaankla na lang ni Kei ang kamay ni Janice sa kaniya. Janice, huwag ka ngang lantaran na makipaglandian sa harap ng fiance mo," nayayamot na saad niya.



          Siya nga pala Kei. Hinahanap ka ni papa. Saan ka ba daw nakikituloy?" tanong ko.



          Sa isang kaibigan," sagot ni Kei.



          Kaninong kaibigan? Wala ka daw kila Alexa at Martin. Kay Ren?"



          Hindi siya tumira sa bahay ko," agad na pagtanggi ni Ren.



          Oo. Tama siya. Nag-hotel ako ng dalawang buwan," dagdag pa ni Kei.



          Saan ka naman nakakuha ng pera pang-hotel?" tanong pa ni Janice.



          Janice, may tinatawag tayong ipon," sagot pa ni Kei.



          So kelan ka babalik sa apartment?" tanong ko.



          Bukas na bukas din. Nandito na pala si Janice." Pinisil ni Kei sa pisngi ni Janice.



          Kita ko naman sa ekspresyon ni Ren na nakangiti pero parang may mali. Nasasaktan ba siya sa nakikita niya?



          Ren, may problema ka ba?" usisa ko.



          Umiling na lang si Ren. Pagod lang ako ngayon. Alam mo na. Kapag bakasyon, ano ba ang dapat gawin sa bahay? Ehh di mag-marathon ng mga Western Shows." NAKO PO! WESTERN SHOWS!



          Kumalas na naman ulit si Janice kay Kei at umangkla na naman kay Ren. Ay! Bet ko iyang mga Western Shows. Anong series ang pinapanood mo Ren? The Vampire Diaries? The Originals? Reign? Arrow? The Flash? Pretty Little Liars? 2 Broke-"



          JANICE!" pagpatlang namin ni Kei sa mga sasabihin pang series ni Janice.



          Ano ba kayo mga KJ?! Minsan lang sa mundo ko ang mga nanunuod ng mga Western Shows!" asik ni Janice. So, Ren, magiging best friend na kita. Itong mga to..." Dinuro kami ni Kei. Hindi tayo maiintindihan. Ngayon, ipagpatuloy na natin ang ating pag-uusap. Asaan na nga tayo Ren?" Ano daw? Ni isa pa nga ata sa amin ni Kei ehh hindi pa naging best friend ni Ren?! Ito pa kaya si Janice na kakikilala lang ni Ren?!



          Nasa Schoneberg Academe tayo," tangkang pagbibiro ni Ren.



          Janice, hindi pa tayo nakakapag-enroll," pagtatangka ko na matigil ang usapan nila Ren.



          Nakita ko na lang ng humugot ng buntong-hininga si Kei. Mamamatay sila Damon at Bonnie."



          Hindi ko na-gets ang mga sinabi ni Kei pero sapat na iyun para mapanganga si Janice. SPOILER KA AHH! PAANO MO NALAMAN?!"



          Nabasa ko po sa libro," ngiwi ni Kei. Ngayon, mamili ka? Papasok na kayo at mag-eenroll o gusto mo pang makarinig ng spoiler?"



          Kumalas na si Janice kay Ren at agad na hinawakan ang kamay ko. Tara na nga Harry." Nagsimula na lang itong maglakad papasok ng Academe.



          Oi Ren, Kei, antayin niyo kami dito sa labas!" sigaw ko sa kanila.



Ren's POV



          Sinundan na lang namin ng tingin sila Harry at Janice na pumapasok ng eskwelahan.



          Humugot naman si Kei ng isang buntong-hininga. Hindi ko inaasahan iyun ahh. Nakalimutan ko na adik pala ang babaeng iyun sa Western Show. Kaya ikaw Ren, layuan mo si Janice."



          Ayaw mong maging bestfriend ko ang fiancee mo?" tanong ko.



          Hindi sa ayaw no pero baka kasi... dumikit iyun na parang linta sa iyo. Ayoko ng ganoon Ren," sagot niya. Tara na. Huwag na natin hintayin ang mga taong iyun. Sulitin na natin ang mga huling araw natin na tayo lang ang magkasama. Masakit para sa akin ang mga gagawin natin. Pero Ren, kakayanin mo naman ito hindi ba?" nag-aalala niyang tono.



          Kung para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay at para sa pag-ibig natin, kakayanin ko," nakangiti kong saad.



          Sinagot din niya ako ng ngiti. Lumakad ulit kami at tinahak ang daan papuntang parking lot. Dumiretso kami sa bahay ko. Habang pumapasok kami ng bahay, hawak-hawak niya ang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya. Wari'y parang ang isa ay mamamatay kapag bumitiw. Hindi kami nagsasalita. Kumalas na lang ang kamay namin pagpasok sa kwartong tinutuluyan niya. Tinutulungan ko siyang iligpit ang mga gamit niya. Nang maligpit na namin lahat, kinuha niya ang isang malaking bag at binuhat na niya. Wala pa ring nagsasalita sa amin. Wari'y alam namin ang iniisip ng isa't isa. Talo ang magsasalita dahil panigurado na mami-miss namin ang isa't isa agad-agad. May ganoon? Ibabaon namin sa aming mga sarili ang mga alaala ng summer break. Na kami lang dalawa. Na walang iniisip kung hindi kami lang. Well ako, iyung banda namin.



          Hoy Ren, nagna-narrate ka ba ng isang breakup scene sa utak mo?" untag sa akin ni Kei.



          Nasa sala kami at nakaupo sa sofa si Kei. Ako naman ay nakahiga sa kandungan niya. Hinihintay namin ang sasakyan na maghahatid kay kaniya.



          Hindi ahh," pagtanggi ko. Binabasa niya ba ang iniisip ko?



          Hindi ako naniniwala sa iyo dahil iyun din ang iniisip ko." Hinagod na lang niya ang aking buhok. Hindi tayo magbe-break Ren. Tandaan mo iyan. Naghiwalay lang tayo para sa kabutihan ng isa't isa."



          Alam ko. So kelan ba ulit tayo magkakasama ulit?" naitanong ko.



          Hmm... sa tingin ko, sa susunod na summer break. Panigurado na hindi pwede ngayong Christmas Break." Hinawakan naman niya ang peklat sa labi ko. Ito ang patunay na akin ka lang Ren. Tandaan mo iyan."



          Ang sakit naman nang patunay mong iyan ha."



          Mas lalo naman dito." Naramdaman ko na lang na nakahawak na siya sa puwitan ko.



          Nakarinig naman kami ng busina ng isang sasakyan. Ang sasakyan na maghahatid sa kaniya. Pagkarinig namin nun, hinalikan agad ako ni Kei sa labi. Banayad ang halik na iyun at saglit lang. Kung magtatagal siya sa paghalik ay baka magniig pa kami sa sala. Tumayo na kami at hinawakan ulit ang kamay namin ng mahigpit at naglakad papalabas na kami ng bahay. Kumalas na siya nang nasa gate na kami. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa.



          Bye Ren. Kita na lang tayo sa pasukan," paalam niya.



          Ikaw din Kei. I love you."



          I love you too Ren."



          Pumasok na siya sa sasakyan. Nagsimula na lang itong umandar. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan at kumaway sa kaniya. Kita ko din na kumaway din si Kei sa akin pabalik. At doon nagtapos ang istorya ng summer break namin ni Kei. Balang araw, makakasama ko na naman siya ulit... sana... sa susunod na summer.



          Papasok na ako ng gate nang may humintong motor sa tapat ko. Si Allan... na naman... at naiirita na ako. Hinubad naman ni Allan ang kanyang helmet.



          Naparito ka? Ipagmamayabang mo ba sa akin na marunong ka ng mag-motor?" ngiwi ko.



          Yeah."



          Congratulations," walang emosyon kong bati. Papasok na ako."



          Pumasok na ako ng gate nang naunang pumasok  ito at pumunta agad sa malaking gate para buksan.



          Anong ginagawa mo? Gate crasher ka ahh?" reklamo ko.



          Kinuha niya ang kanyang motor saka pinasok sa loob. Gate opener. Hindi crasher," mahinahon niyang wika.



          Sana naging bampira ka na lang."



          Inayos naman ni Allan ang stand ng motor niya. Para magkaroon tayo ng forever?"



          Para hindi ka makapasok sa bahay ko tanga! Ni hindi nga kita inimbita ehh!" asik ko.



          Nauna naman siyang pumasok sa bahay ko. Aba't ang taong ito. Pumasok na rin agad ako sa bahay at nadatnan siya na nakahiga sa sofa.



          Allan, magkalinawan nga tayo? Hindi tayo magkaibigan right?" tanong ko.



          Wala akong nakuhang sagot. Lumapit ako para usisain kung ano na ang nangyari sa kaniya. NAKATULOG NA PALA SIYA! Bakit ba pumunta ang taong ito dito?



          Humugot na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga at binuksan ang kompyuter ko saka umupo sa harapan nito. Habang naghihintay mag-boot ang PC, naiisip ko si Kei. Ugh! Umiling ako para maiwaksi sa utak ko na miss ko na agad si Kei.



          Naghiwalay na kayo?" biglang tanong ni Kei.



          Hindi naman ako humarap sa kaniya. Sagutin mo muna ang tanong ko kanina at sasagutin ko iyan."



          Let's not care about our status shall we?" nayayamot niyang saad.



          Basta. Sagutin mo muna ang tanong ko kanina."



          Bumuntong-hininga naman si Allan. Fine. Ano ba ulit ang tanong mo kanina? Hindi ko na-gets ehh."



          Kalimutan mo na nga lang ang unang tanong. Heto na lang. Bakit ka narito?" naasar kong tanong.



          I'm bored."



          Hi bored," malumanay kong bati. Now, get out!"



          Si Out? Wala. Tulog. Umalis."



          Ugh! Inaasar lang ata ako ng taong ito. Lumingon na lang ako rito. Magkaliwanagan nga talaga tayo? Bakit ka ba talaga narito?"



          Break na kayo?" tanong niya ulit.



          Akala ko ba isa kang homophobe?"



          Wala akong gusto sa iyo. Assuming mo ahh?!"



          Huh? Baka ikaw? Ang tinatanong ko lang ehh kung homophobe ka ba? Akala mo naman. Kung papipiliin ako, si Kei pa rin."



          So break na kayo?"



          Hindi pa."



          Natahimik na lang siya ng ilang segundo. Muli na lang akong humarap sa kompyuter ko. Makapaglaro nga ng League of Legends para naman ehh mapalipas ko ang oras na wala si Kei. Naghanap na agad ako ng ka-match sa Ranked Game.



          Hindi ko naitanong. Asaan nga pala ang mga magulang mo?" muling tanong niya.



          Patay na sila," agad kong sagot.



          Wala ka na bang ibang kamag-anak?"



          Nakahanap naman ng matched na laro ang game. Wala na."



          Pero bakit... napakadami ng gamit mo dito sa bahay? Akala ko ba mag-isa ka na lang sa buhay? Pinagtrabahuan mo?"



          Meron tayong tinatawag na benefactors."



          Benefactors? Sino?"



          Humarap na lang ako sa kaniya. Sandali nga? Bakit ba ang dami mong tanong sa akin? Hindi tayo magkaibigan pagkakatanda ko Allan."



          Hindi nga. Pero ngayong araw, kaibigan mo ako since... nag-break kayo ni Kei?"



          Hindi nga kami nag-break. At isa pa nga pala, huwag mong ipagsabi na kami ni Kei sa harap ni Harry okay?"



          You are lucky then since kaibigan mo ako ngayon. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."



          Hindi ko sasabihin kung sino."



          Iyun ba ang sinabi sa iyo?"



          Oo."



          Oi. Kanina ka pa ata pinapapili pero hindi ka pa pumipili." Tinuro niya ang PC.



          Humarap agad ako sa PC at... Ahh! Kanina pa ako pinapapili. 5 seconds na lang. Napindot ko na lang iyung random at lumabas si... Corki... at sabay tingin sa chat... Kailangan daw ng support. Argh!



          Pambihira Allan. Umuwi ka na nga lang. Gagawin kong support tuloy si Corki!" asik ko. Ugh! Paano kaya to."



          Narinig ko na lang na tumawa siya ng payak. Ano ka ba? Pwede naman ang support Corki. Sa totoo lang, kahit hindi mo sundan ang usong META ngayon sa larong iyan, mananalo at mananalo kayo. Depende na lang iyan kung paano niyo iyan laruin."



          Sa tono ng pananalita mo, parang naglalaro ka nito."



          Ano ka ba? Diamond I ako sa larong iyan." Wow. Mas mataas pa sa akin. Hindi mo ba ako sasambahin dahil Diamond I ako?"



          Sasambahin? Gago ka ba?"



          Sa South Korea nga ehh lumuluhod pa ang mga babae sa akin."



          Tandaan mo na Pilipinas to Allan. At saka nagsisimula na ang laro. Manahimik ka na pwede? Marinig ko lang ang boses mo ehh naiirita talaga ako. Kapag hindi ka pa umalis ehh palalayasin kita sa pamamahay ko."



          Hindi mo kaya," nakangiti niya sigurong wika.



          Hindi ko inaasahan pero tumahimik naman siya. Sinuot ko na lang ang headset ko. Bakit ba siya naparito? Hindi ko alam pero... parang may gusto siyang sabihin?



Harry's POV



          Natapos na lang kaming mag-enroll ni Janice at agad na lumabas. Wala kaming Kei at Ren na nadatnan.



          Asaan na ang bagong best friend ko?" agad na tanong ni Janice.



          Hoy Janice! Hindi mo best friend at hindi kahit kailan si Ren."



          Manahimik ka nga diyan Harry. Hindi bawat tao na kaibigan mo ehh pag-aari mo. Sandali nga? Alam mo ba ang bahay ng taong iyun?"



          Hindi," agad kong pagsisinungaling.



          Weh di nga? Tara at puntahan natin," yaya niya.



          Huwag na! At hindi kita hahayaan na makalapit man lang sa pamamahay niya."



          So alam mo nga?" natutuwa niyang tanong.



          Ehh kung oo, ano ngayon?"



          Nagsimula na lang itong maglakad papunta sa parking lot. Hay nako! Si Gerard na lang ang tatanungin ko tungkol sa bagay na iyan."



          Nagsimula na rin akong maglakad. Ha! Sa tingin mo ehh hahayaan kita na makakuha ng sagot mula sa kaniya?"



          Okay lang. Siguraduhin niyo lang na bakuran niyo si Ren at huwag na huwag niyo siyang palalapitin sa akin."



          Iyun ay kung makalapit ka. Tandaan mo, tatlo sa isa ang labanan."



          Binuksan na lang niya ang pintuan ng kotse at pumasok at ganoon din ang ginawa ko. Tatlo sa isa? Sino iyung isa pa sa tatlong iyun? At saka anong silbi naman ng dami kung mabilis ka?"



          Si Gerard. Masyadong matured si Gerard para makialam sa mga ganitong bagay," natawa na lang ako ng payak at sinimulan ng paandarin ang kotse.



          Hindi na siya sumagot. Makalipas ang ilang minuto ay umuwi na kami sa apartment. Nadatnan na lang namin ang kotse na ginagamit ni Gerard. Pagka-park namin, agad siyang bumaba sa kotse at pumasok agad sa kaniyang apartment para marahil magtanong kay Gerard tungkol kay Ren. Sandali nga? May impormasyon kaya si Gerard kay Ren?



          Bumaba na lang din ako ng kotse at pinuntahan ang apartment nila Janice. Hindi na ako kumatok at pumasok na ako sa apartment nila. Nadatnan ko na lang si Gerard na nagrereformat ng PC.



          Anyare diyan Gerard?" tanong ko.



          Ahh. Ito ba? May pinaglaruan kasi ako. Ayun. Gumanti. Binura pa lahat ng files sa hard drive ko tapos nasira na ang operation system ng PC ko kaya heto. Nagre-reformat," sagot niya.



          Huh? Binura lahat ng files sa hard drive mo? As in nag-break in sa apartment na tinitirhan mo tapos binura ang mga files mo ng harapan? Bakit hindi ka lumaban?" kunot-noong tanong ni Janice.



          Hindi Janice. Binura via virus. Pagkapunta ko sa Laguna, iniwan ko kasing bukas ito kasi may dina-download akong mga bagong movies. Sabay-sabay pa. Tapos pagbalik ko, nasira na pala," mahinahon na paliwanag ni Gerard kahit bakas sa mukha nito ang galit.




          May backup ka ba?" hindi ko siguradong tanong.



          Umiling siya bilang pagtugon. Nagsisinungaling ba si Gerard sa amin? Alam ko may backup pa siya sa laptop niya ahh?



          Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niyo pero kailangan ko pa bang makinig?" sabat ni Janice.



          Okay lang Janice. Unless may kailangan ka?" Si Gerard.



          Yeah. May kailangan akong impormasyon tungkol sa isang tao na nagngangalang Ren Castillo Severin."



          Tumingin na nagtatanong sa akin si Gerard. Bakit? Ano ba ang ginawa ng taong ito?"



          Gusto niyang malaman ang bahay ng taong iyan kasi siya ang magiging bagong best friend ni Janice," sagot ko.



          Unfortunately Janice, as you can see, sira ang kompyuter ko at-"



          Then gamitin mo na lang ang kompyuter ko," pagputol ni Janice kay Gerard.



          Hindi mo naiintindihan. Iyung mga kailangan ko kasing program ay nasa hard drive ko at sa pagkakarinig mo, nabura lahat ng nasa loob. Linis. At isa pa, kung schoolmate niyo lang naman ang taong ito, hindi ba mas madali na lapitan mo na lang?" paliwanag pa ni Gerard.



          Ito kasing si Harry. Ayaw sabihin. Gusto ko kasing malaman kung saan siya nakatira para naman makapag-usap pa kami ng matagal tungkol sa mga series na pinapanood namin na Western Shows," salaysay ni Janice.



          Kaibigan mo ba ang taong pinag-uusapan natin Harry?" tanong sa akin ni Gerard.



          Yeah. Kaibigan ko. At isa siyang introvert. Kaya nga sa susunod, hindi ko palalapitin si Janice sa kaniya," sagot ko.



          Fine! Whatever!" mga salita ni Janice saka pumasok ng kwarto niya.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Salamat Gerard at nagsinungaling ka para sa amin."



          Huh? Ako? Nagsinungaling para sa inyo?" maang niya.



          Alam ko naman na may backup ka pa sa laptop mo," sagot ko.



          Tumawa na lang siya ng payak. Maya-maya ay may notification na lumabas sa PC niya. DAMN!" mura niya. Hindi ma-reformat. Naglagay yata siguro ng Memory Resident Virus. Kailangan kong bumili ng bagong motherboard o kaya ng RAM. Hindi ko alam kung alin sa dalawa tumira iyung virus pero kailangan kong makasigurado," saad niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Harry, may kilala ka bang matalinong tao sa Academe? Sa klase ninyo, sino ang top 1?" sunod-sunod na niyang tanong.



          Ahh... Ang pangalan niya ay Allan Mercer. Siya ang top 1 ng klase namin," sagot ko. Huwag mong sabihin na balak mong imbestigahan ang bawat matatalinong estudyante ng IT sa eskwelahan?"



          Hindi sa ganoon. Naalala ko lang kasi si..." Hindi niya tinuloy ang sinasabi at sa halip ay umiling.



          Pasensya na," dispensa ko dahil alam ko ang dahilan.



          Okay lang Harry. Hay nako! Isa akong matandang version ni Christian Castillo grabe!" Nasapo na lang niya ang kanyang ulo.



          Kahit gusto kong sabihin na mag-move on na lang siya, wala ako sa posisyon para sabihin iyun. Nanahimik na lang ako.



          Lumabas na lang ako ng apartment at nadatnan si Kei na pumasok sa apartment namin. Pagkapasok ko, nasa harapan siya ng kanyang kwarto at pinapasok ang susi sa door knob.



          Kei, nandito ka na pala!" sigaw ko. Hindi naman ako sinagot nito at tumuloy na sa kwarto niya. May problema ba siya? Lumakad ako papunta sa kwarto niya at kumatok. Okay ka lang pinsan?" naitanong ko.



          Bumukas na lang ang pintuan ng kwarto niya at dumungaw. Yeah Harry. Salamat sa pag-aalala. Pasensya na pero pwede bang ikaw na muna ang magluto ngayon? Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon."



          Ganoon ba? Ehh di sige," pagpayag ko. Wala ka bang kailangan gaya ng gamot?"



          Umiling na lang siya. Salamat sa concern. Magpapahinga lang ako."



          Siya nga pala Kei. Bakit hindi niyo kami inantay ni Janice kanina?"



          Binigyan na lang niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. Gusto mo bang maging best friend niya ng tuluyan si Ren?"



          Ahh... Hindi naman. Buti at iyun ang ginawa mo. Salamat."



          Sige Harry. Mamaya na tayo magkwentuhan. Baka biglang dumating dito si Janice at-"



          Naputol si Kei sa sasabihin niya dahil narinig na lang namin na bumukas ang pintuan at niluwa nito si Janice. Keifer!" masiglang sigaw ni Janice saka lumapit sa amin.



          Pilit na lang ngumiti si Kei kahit bakas sa mukha niya ang pagod. Hi Janice!"



          Pwede ba akong pumasok?" tanong pa nito.



          Janice. Pagod pa si Kei. Hayaan mo muna siya magpahinga," wika ko.



          Oo Janice. Pwede bang sa susunod na lang? Medyo masama talaga ang pakiramdam ko ngayon," inaantok na saad ni Kei.



          Nag-pout na lang si Janice. Sige. Kung iyan ang gusto mo."



          Sinara na lang ni Kei ang pintuan at sa tingin ko ay nagpapahinga na ito. Si Janice naman ay malungkot na umupo sa sofa namin. Dumako na lang ako sa kusina at nagsimula ng magluto ng kakainin namin.



          Mabilis na tanong Janice. Bakit hindi mo dala iyung pangungulit mo na ugali dito?" tanong ko.



          Kapag si Kei, ibang usapan na. Kaya lang naman doon ko lang sa Laguna ginagawa iyun ehh dahil para hindi mo ma-misinterpret na may gusto ako sa iyo. Pero kung nandoon si Kei, ibang usapan na. At saka kailangan kong mapakasalan si Kei kung hindi, yari ako sa magulang mo," paliwanag niya. So ano ang binabalak mo kapag ikaw ang naging susunod na pinuno ng pamilya natin... I mean, pamilya niyo?"



          Hindi ko alam. Siguro pabagsakin ang pamilya namin? May mga makapangyarihan kasing mga tao na may hawak pa rin sa amin. Nag-iisip ako kung paano na walang dugo na dadanak. Iyung ganoon."



          Wow. Mahirap iyan good luck." Tumayo na lang siya at nag-unat. Sige. Uwi na ako."



          Lumabas na lang siya ng apartment. Naisip ko bigla iyung matalinong tao na magaling sa kompyuter na hinahanap ni Gerard. Paano kaya kung matulungan ako  ng taong iyun? Kailangan ko siyang hanapin at baka sakali ay makahanap ako ng solusyon sa problema na kinakaharap ko na walang dumadanak na dugo.



Ren's POV



          6pm na at... nandito pa rin si Allan sa bahay ko. Nasa Arcade Room kami at naglalaro ng Ghost Squad. Kakatapos lang namin ng isang buong mission.



          Uuwi ka na ba?" muling tanong ko.



          Pang-ilan na tanong mo na iyan? Hindi ba sinabi ko sa iyo na kaibigan mo ako ngayong araw na ito?"



          Iyun nga ang problema ehh. Kaibigan lang kita ngayong araw na ito. Bukas, hindi na. Baka ang mga bagay na malalaman mo sa akin ngayon ehh gamitin mo laban sa akin."



          Ano ako? Pulis na inaaresto ka? You have the right to remain silent dahil lahat ng sasabihin mo ngayon ay magagamit laban sa iyo. Hindi ako ganoon Ren," sarkastikong wika niya.



          Pwede bang sabihin mo na lang kung ano ang kailangan mo? Hindi ka naman siguro pupunta dito ng walang rason."



          Dumaan naman ang katahimikan sa pagitan namin. Pakiramdam ko talaga na may rason kung bakit siya nandito? Nagkatinginan na lang kami at tiningnan ko siya ng mariin. Alam ko na may gusto siyang sabihin.



          Ren, ang totoo ehh may gusto ako sa iyo," biglang wika niya. Bigla na lang akong naasar sa narinig ko. Inaasar lang talaga ako ng taong ito. Tumawa naman siya ng payak bigla. Joke lang!"



          Tigil-tigilan mo nga ako sa mga biro mo Allan. Naasar na talaga ako sa iyo," naiinis kong sabi.



          Sabi nga sa isang kasabihan, the more you hate, the more you love."



          May mga tao na hate ang ampalaya. Bakit hindi nila ito magawang mahalin sige nga?" pagkontra ko sa kasabihan niya.



          Tumalikod naman siya sa akin. Pero grabe iyang boyfriend mo ha. Pati labi mo, mamarkahan?"



          Hinawakan ko naman ang labi ko na kinagat ni Kei. Wala ka ng pakialam doon kung bakit minarkahan niya ako," nasabi ko na lang.



          Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa habang naglalakad papuntang sala. Tara at pakainin mo ako."



          UMUWI KA NA!" agad na sigaw ko.



          Umalis na kami ng arcade room at umupo siya ulit sa sofa ng sala habang ako ay papuntang kusina. Habang nagsisimula na akong maghanda ng hapunan, nakarinig naman ako na may tumunog na phone. Sure naman ako na hindi sa akin ang phone na tumunog dahil sa ringtone nito... at pamilyar... Katana to Saya? Palagay ko ay sa kaniya iyun.



          Maya-maya ay tumigil na ang tunog.



          K-Katanagatari?!" nahihiyang tanong ko.



          Huh? Ahh. Iyung ringtone ba? Oo. A Sword's Story," sagot niya. So napanood mo pala iyun. Anong masasabi mo sa storya?"



          Ay pasensya na Allan. Hindi ko pa kasi napapanood iyun dahil ang totoo ay fan lang ako ng Ali Project na gumawa nung kanta."



          Dapat mapanood mo. Gusto mo i-marathon natin iyun dito sa bahay mo isa sa mga araw na ito?" nakakalokong tanong niya.



          May susunod ba na pickup line iyan Allan? Gaya ng pati ang puso mo, patitibukin ko ng malakas na parang tumakbo sa isang marathon race?" hula ko.



          May naisip akong mas maganda pa kesa diyan pero dahil nanggaling sa iyo, fine." Ugh! Naiinis na ako! May lason pa ba ako para sa kaniya? Narinig ko naman na tumawa na lang siya ng payak. Sa tingin ko Ren, dito na nagtatapos ang pakikipagkaibigan ko sa iyo Ren. Aalis na ako." Tumayo siya.



          Napangiti naman ako sa narinig. Naghugas muna ako ng kamay sa kusina at dumako sa sala. Mabuti. Paalam na kaibigan kong Allan. Nawa'y hindi ka na bumalik dito."



          Yeah. Nag-enjoy din naman ako sa stay ko dito. Dito kaya ako magbakasyon sa Christmas Break o summer break?"



          HINDI PWEDE!" kunot-noong pagtanggi ko.



          Ay. Sayang naman," ngiwi pa niya. Aalis na ako."



          Binuksan ko na lang ang gate para sa kaniya at pinaharurot agad ang motor paalis. Seriously, nagbiro pa siya na may gusto sa akin. Buti na lang ay hindi ako madaling maniwala sa mga bagay na ganoon.



          Pumasok na lang ulit ako ng bahay at tiningnan ang kabuuan nito. Nakaramdam na lang ako ng lungkot sa ginawa ko. Haixt! Mukhang nasanay na talaga ako na nandito si Kei sa bahay. Kailangan kong mag-adjust.



          Pinagpatuloy ko naman ang aking paghahanda ng aking hapunan nang sumagi sa isip ko si Mr. Lion. Oo nga pala. Matatapos na ang bakasyon at babalik na siya. Kelan kaya siya ulit magpapakita?



          Sumagi rin sa isip ko ang fiancee ni Kei na si Janice. Parang ayoko sa babaeng iyun at parang gusto ko rin siya at the same time. Kung hindi lang dahil sa Western Shows ehh.



          Sabi pa ni Kei, hindi ko daw siya pwedeng i-text o tawagan. Antayin ko daw ang mga instructions niya dahil gagawan niya iyun ng paraan.



          Humugot na lang ako ng isang buntong-hininga. Tiis-tiis dapat Ren. Pamilya muna ang priority ko dahil utang ko sa kanila ang buhay ko.



          Makalipas ang ilang araw at pasukan na naman. Maaga akong umalis ng bahay. Pagkadating ko sa Academe, wala pang katao-tao. Hinanap ko agad ang classroom ng unang klase ko. Umupo na lang ako malapit sa bintana ng classroom. Seat of the Gods daw iyun ayun sa mga... Otaku... anime or manga lovers. Pero para sa akin, para sa katahimikan ng buhay ko.



          Makalipas ang ilang minuto ay may nagsidatingan ng mga estudyante. Umihip na naman ang hangin. Awtomatiko akong lumingon sa bintana at inalis ang pakialam ko sa mundo. Ano kaya ang magandang gawin pampalipas oras mamaya?



Harry's POV



          Nasa tapat na ako ng classroom kung nasaan ang unang klase ko. Ramdam ko naman ang hangin na umiihip at nakita ko na lang si Ren na nakatingin sa bintana. Wala siyang katabi. Gumunita naman sa akin ang nakaraan. Sa tuwing tumitingin siya sa labas habang humahangin, ano kaya ang iniisip niya? Nilapitan ko siya para okupahin ang upuan na nasa tabi niya nang may umupo agad dito at ang kasama nito. Ito iyung top 1 ng klase namin, si Allan Mercer.



          Alexis! Dito dali!" tawag ni Allan sa kaibigan niya at umupo na lang din ito.



          Nagulat ako. Bakit tumatabi si Allan kay Ren? Umm... excuse me. Diyan sana ako uupo."



          Binigyan naman ako ng dalawa ng hindi makapaniwalaang tingin.



          Bakit ba gusto mong umupo dito? Tumingin ka nga sa paligid. Ang dami-daming pwedeng upuan," aroganteng pagsagot ni Allan.



          Oo nga. Maghanap ka na lang ng ibang upuan pre," pagsang-ayon ng kasama nito.



          Ugh! Nakakaasar! Kung pwede lang tawagin si Ren. Ang kaso hindi ito sasagot sa iyo kapag tinawag mo. Maiirita ito at aalis pa nga agad kapag tinapik mo. Doon nanggaling ang dalawa kong subok na maging kaibigan siya. Pero kaibigan na niya ako ngayon.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at nag-isip. Tapikin ko na lang siya sa likod para pilitin siya na lumipat ng upuan sa likuran.



          Papunta na sana ako sa likod niya nang may grupo ng magkakabarkada ang umupo. Nakakaasar na talaga! Kung sa harapan naman, may busy. Ugh! Kung may paraan lang ako sa puso ng mga tao kaso wala. Bakit ba maraming ekstra na umeeksena sa love story namin ni Ren?! Tinanggal ko ang pagiging sosyal na tao para lang makipagkaibigan kay Ren.



          Naramdaman ko na lang na may tumapik sa akin. Hinarap ko ito at si Gerard pala.



          May problema ba?" tanong niya. Umiling na lang ako. Gusto mo magtabi tayo?" sabay turo niya sa isang upuan na malapit sa amin at kalinya ito sa kinauupuan ni Ren.



          Ayoko Gerard," pagtanggi ko.



          Bakit naman?" kunot-noong tanong niya.



          Nakiramdam na lang ako sa paligid. Palagay ko ehh may mga kababaihan na nakatingin sa kaniya ngayon. Kinikilig. Ang kakisigan ni Gerard ay hindi maikakaila. Matured talaga ang mukha. Dagdag pa ang buffed na katawan niya. Kahit naka-uniform pa siya, hindi ito maitatago. Tapos tatabi pa ako sa kaniya? Huwag na lang.



          Tumalikod na ako sa kaniya at umupo na lang sa likuran. Nagkibit-balikat na lang si Gerard at umupo na din sa upuan na malapit sa kaniya.



          May dalawa namang babae na lumapit dito at nakikipagkilala. Kita ko naman si Allan na nakatingin kay Gerard ng masama. Ramdam niya ba na matalino din ang tinitingnan niya?



          Pero napakasaklap naman ng kapalaran ko. Hindi ko na naman makatabi si Ren. Sisiguraduhin ko talaga sa 2nd semester. O dapat bago matapos ang semester na ito. Tama!



Keifer's POV



          Bumaba na lang kami ni Janice at Harry sa kotse. Umangkla agad sa akin si Janice.



          Mauna na ako sa inyong dalawa. Kita na lang mamaya," paalam ni Harry sabay alis agad. Bakit parang nagmamadali iyun?



          Sabay na lang kaming lumakad ni Janice sa classroom namin... dahil magkaklase pa kami.



          Sabihin mo nga sa akin Kei. Bakit ayaw niyo ni Harry na makipagkaibigan ako kay Ren? At ano ba ang course ni Ren?" tanong ni Janice.



          Kung alam mo lang ang relasyon namin. Humugot naman ako ng buntong-hininga. Palagay ko, sinabi na sa iyo ni Harry ang dahilan. Isang introvert si Ren. Ayaw niyang mapansin. Kapag dumikit ka sa kaniya ay sigurado na magiging kapansin-pansin siya at isa iyun sa mga ayaw niya. Okay lang kung kami kasi alam namin ang mga dapat gawin kasi kilala namin si Ren. Ehh ikaw? Bagong salta ka pa nga lang dito sa eskwelahan ehh," paliwanag ko.



          Bigyan niyo naman ako ng chance," pangungumbinsi niya.



          No. Iyun na ang napagdesisyunan namin ni Harry. Guguluhin mo lang ang buhay ni Ren kapag hinayaan ka namin," wika ko na may awtoridad na tono.



          Habang naglalakad ay kinukulit pa niya ako. She is really eager to befriend Ren. Kung hindi lang sana nasabi ni Ren ang salitang WESTERN SHOWS.



          Pumasok na lang kami sa classroom ng una naming klase. Napahinto ako matapos makita ang boyfriend ni Jonas. Si Nicko. Teka? Sinabi kaya ni Ren sa kanila?



          Anong problema Kei?" tanong ni Janice.



          Nakita naman ako ni Nicko at nginitian. Lumapit ito sa amin. Kei, magkaklase pala tayo. Kumusta..." Tinikum ko na lang ang bibig ko hudyat na huwag ituloy nito ang sasabihin... at wish ko lang na alam niya ang ipinapahiwatig ko. Sino siya?" turo nito kay Janice.



          Hi. I'm Janice Marasol. Nice to meet you," pagpapakilala ni Janice sa sarili sabay lahad ng kamay dito.



          John Nicko Hernandez Alcantara. Nicko for short," pagpapakilala ni Nicko saka nakipagkamay. Nice to meet you too?"



          Kumalas na lang sa pakikipagkamay si Janice. You're so handsome. Kaano-ano mo ang fiancee ko?"



          Kita ko naman na napapitlag si Nicko sa narinig. Muli ay tinikom ko ulit ang bibig ko... at sana alam din niya ang ipinapahiwatig ko. Umm... kaibigan siya ng kaibigan ko," sagot ni Nicko.



          Namangha naman si Janice. Wow. Sinong kaibigan? Si Harry? Si Ren?"



          Alam mo Janice, umupo na kaya tayo. Huwag na nating istorbohin iyung tao. Hindi ba may dadaanan ka pa Nicko?" pag-uudyok ko dito na umalis... at sana talaga, makuha niya.



          Ahh... oo. May dadaanan pa ako. Sige Kei, Janice. Nice meeting you two," si Nicko sabay lumabas ng silid-aralan. Buti na lang at nakuha niya ang mga pinapahiwatig ko.



          Tumuloy naman kami ni Janice na pumasok sa loob. Naisip ko naman si Ren. Simula nang natapos ang bakasyon namin, hindi na siya mawala sa isip ko. Miss ko na siya agad. Nako naman! Kailangan kong pagtiisan na nakadikit sa akin si Janice.



Ren's POV



          Natapos na din sa wakas ang unang klase namin. Half-day lang kami ngayong araw na ito. Nauna namang umalis sila Allan at ang kaibigan nito. Teka? Ano ba ang pakialam ko sa mga ginagawa niya?



          Nakita ko naman si Harry na nasa likuran ko at kausap... ang bagong estudyante na crush ng mga kababaihan namin sa room. Pagkaalis ng kausap niya ay tumuloy ito papunta sa akin.



          Hey Ren. Uwi ka na ba Ren?" yaya ni Harry.



          Hi Harry. Pasensya na Harry. Kailangan ko pang pumunta sa Music Room ngayon. Magre-regroup daw kami ngayong unang araw ng eskwela," saad ko habang nag-aayos ng mga gamit.



          Ay. Sayang naman," rinig kong bulong niya.



          Kita ko naman na lumungkot ang mukha nito sa nakuhang sagot. Napagmasdan ko naman ng mabuti si Harry. Teka? Ngayon ko lang ito napansin ahh.



          Nagbuhat ka Harry?" tanong ko.



          Ahh... oo. Akala ko hindi mo napansin," sagot niya. Should I? Umm Ren, about nga doon pala sa nangyari last 2 months, hindi ko pa rin nakakalimutan iyun." Nako po! Heto na.



          Harry, kung sabihin ko sa iyo na wala ka talagang pag-asa? Iyung tipong mag-aantay ka pa ng dalawang taon pa para... maging tayo?" pakumpas kong salaysay.



          Ngumiti naman siya ng maluwang. Okay lang maghintay ako. Huwag ko lang malaman na niloloko ako. Hindi ko alam ang kaya kong gawin kapag niloloko ako," makahulugan niyang wika.



          Nagulat ako sa sinabi niya. Ano na naman ito? Iyung unang araw pa lang na tinatago ang sikreto namin ehh buko na kami agad?



          Sandali nga Ren. Ngayon ko lang ito napansin. Saan mo nakuha ang... peklat sa labi mo?" tanong niya. Teka? Ano ba ang dapat na palusot ko? Ito naman kasi si Kei ehh.



          Naalala ko naman iyung alaala tungkol sa una kong halik... sa tinatawag kong kuya Villaflores. Sino kaya iyun? Magtatanong pa ba ako kay Harry? Bahala na.



          Harry, matanong ko lang. May nakakatanda ka bang kapatid?"



          Kumunot ang noo niya. Nag-iisang anak lang ako. Bakit mo naman naitanong?" Baka nagkataon lang na Villaflores ang... pangalan o apelyido? Hindi ko alam. Ang gulo.



          Sige Harry. Kita na lang tayo ulit. Kailangan ko ng pumunta sa Music Room. Bye," paalam ko.



          Bye."



          Tumayo na lang ako agad saka umalis. Paano kung alam na ni Harry agad?



          Tinahak ko naman ang daan papuntang Music Room at nakita ang isang pamilyar na tao na nagpatalikod sa akin.



          Ren!" sigaw ni Janice.



          Tumakbo na lang ako agad na wari'y hindi ko narinig na tinatawag ako. Bakit hindi niya kasama si Kei? At asaan ba si Kei?



          Humanap na lang ako ng ibang daan papunta sa Music Room. Dahil sa fiancee niya, napapatingin na ako sa kaliwa, sa kanan, sa likod at dahan-dahan na tumatakbo na akala mo'y may mga landmine sa lupa. Mamamatay ba ako kapag nakatapak ako ngayon sa isang landmine ngayon?



          Sa wakas at nakarating na din ako sa Music Room. I sighed in relief knowing na nakarating din ako sa wakas.



          Naabutan ko naman ang banda na nag-uusap sa maliit na stage. Agad na lang akong umupo sa sofa ng Music Room. Lumapit naman sa akin si Jonas at umupo din sa sofa.



          Ren, break na ba kayo ni Kei?" agad na tanong niya.



          Ay! Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Parang oo, parang hindi," magulong sagot ko.



          Nag-text kasi sa akin si Nicko kanina. May babae daw na nakaankla kay Kei at nagpapakilalang... fiancee niya?"



          Hindi ako nakasagot ng ilang segundo. Ano ba ang inaasahan ko? May nalaman akong isang bagay dito kay Kei na nangangailangan ng malalim na pang-unawa."



          Malalim na pang-unawa? Gaya ng alin?" kunot-noong tanong ni kuya Jonas.



          His family is quite dysfunctional?" hindi sigurado kong sagot.



          Dysfunctional? Bakit? Hindi tayo tanggap ng mga magulang niya?"



          Actually, walang problema sa mga magulang niya... kung buhay pa sila."



          Parehas pala kayo ni Kei then. So ano ang issue? Huwag mong sabihin na sa guardians niya? How about sa guardians mo? Alam na ba nila ang relasyon ninyo?" sunod-sunod na tanong niya.



          Umiling na lang ako. Ayun ang problema. Sa mga guardians namin lalong-lalo na sa akin. Kapag kasi nalaman ng mga guardians ko na nakikipagrelasyon na ako, magagalit talaga sa akin iyun. Hindi ko gustong suwayin ang kagustuhan nila para sa ikakabuti ko. So kesa malaman ng mga guardians ko na may relasyon kami ni Kei, itatago na lang namin muna. Sa kaso naman ni Kei, ewan ko ba," paliwanag ko.



          Speaking of guardians, sinong mga guardians ang pinag-uusapan natin?"



          Baka Guardians of the Galaxy," pabirong sagot ko.



          Ito Ren. Don't tell me na si Kei din ang nagbigay sa iyo ng peklat sa labi mo?"



          Bakit ba kapansin-pansin sa inyo iyung peklat sa labi ko?"



          Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na si kuya Blue... kasama si ate Erika. Sinabi ko na din sa kanila ang sitwasyon namin ni Kei at pumayag silang makipag-cooperate.



          Ilang minuto ang nakalipas at naisip ko naman na baka nasa cafeteria si Kei at kumakain. Wala akong sinayang na oras at pumunta sa cafeteria.



          Naabutan ko naman na nandoon nga si Kei kasama si Janice... at nagsusubuan. Ang sweet. Dapat ako ang nasa pwesto ni Janice haha.



          Naalala ko naman ang mga pagkain na luto ni Kei. Si Kei din kaya ang nagluluto sa baunan ni Janice? Nagutom na lang tuloy ako.



          Malapit ng gumabi at papunta na ako ng parking lot nang nakita ko si Kei. Hindi naman siya umimik at agad na sinunggaban ang kamay ko palabas ng eskwelahan at isinakay ako sa taxi na nakaparada. Sinabi ni Kei sa driver kung saan ang direksyon sa bahay ko. Nagsimula naman tumakbo ang sasakyan.



          Ano ba ang ginagawa mo?" agad na tanong ko.



          Dinadaya ang sarili?" pabirong sagot ni Kei. Buti na lang at interesado talaga sa iyo ang fiancee ko." Hinawakan na lang niya ang pisngi ko at pinisil-pisil. Miss na miss talaga kita Ren."



          Nakaramdam naman ako ng kagalakan sa loob ko ngayon. Gusto kong yakapin siya. Gusto kong yakapin niya ako. Mahigpit na mahigpit.



          Bigla na lang niya akong kinabig palapit sa kaniya at niyakap. Gumanti din ako ng yakap sa kaniya. Paano niya nagagawa iyun? Nababasa na niya ba ang iniisip ko? Ma-try nga.



          Ngayon, iniisip ko na gusto ko siyang halikan. Narinig na lang namin na tumikhim ang driver. Teka? Bakit tumikhim iyung driver? Kumalas na lang agad ako sa pagkakayakap sa kaniya.



          Kumusta ang unang araw?" panimula niyang tanong.



          Okay naman," sagot ko. Ikaw?"



          Well aside sa lagi akong pinepeste ng fiancee ko, okay na kasi nandito ka kasama ko," natutuwa niyang sabi. Anyway, gusto ko sana gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang boyfriend. Lalong-lalo na at tuwing pasukan lang ito mangyayari."



          Ohh. Iyung iuwi ako sa bahay I see. Romantic," ngiti ko.



          Ngumiti siya ng maluwang. Good thing na na-appreciate mo ang mga ginagawa ko ngayon."



          Bakit hindi?" kibit-balikat ko.



          Nagkwentuhan pa kami ni Kei tungkol sa araw namin ngayon. Iyung mga terror profs, iyung mga mukhang mababait na profs at iyung mga profs na commendable.



          Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na ako sa bahay.



          Ugh! Ano ba iyan! Gusto ko pang makipagkwentuhan sa iyo," reklamo ko.



          Huwag ka ng malungkot Ren. Magkakaroon at magkakaroon tayo ng time," confident na wika ni Kei.



          Okay. Sinabi mo ehh."



          Binigyan naman niya ako ng isang mabilis na halik sa labi. I love you Ren."



          I love you din Kei," ganti ko.



          Lumabas na lang ako ng taxi at umandar ito agad. Sinundan ko ito ng tingin saka kinawayan. Pumasok na lang ako ng bahay nang may napansin akong tao na nasa kusina. Ibinaba ko agad ang aking gamit saka tumungo sa kusina. Si Mr. Lion. Hindi ko alam pero natutuwa ako na nakita ko siya ulit. Miss ko na ang karaniwang attire niya kapag nagpapakita. O baka dahil kailangan ko ng tanggalin si Kei sa listahan ng mga suspek ko na nagpapanggap na Mr. Lion?



          Dumako ang tingin ko sa hapag-kainan at nakahanda na pala ang mesa. Taong kakain na lang ang kulang.



          Magandang gabi Ren," bati niya.



          Magandang gabi din," sagot sa pagbati niya. So ano ang niluto mo ngayon? Memories?"



          Narinig ko na lang ang pagtawa niya ng mahina. Sabihin mo nga. Sa mga pagkain na iniiwan ko dito sa bahay, alin doon ang nagpapaalala sa iyung nakaraan?"



          Hindi naman ako nakasagot. Tama siya. Hindi lahat ng mga pagkain na iniiwan niya ay nagpapaalala ng aking nakaraan. Iyung maanghang pa lang na tinolang manok. Ano ba ang iniisip ko?



          Umupo na lang ako sa isang upuan ng hapag-kainan. Sa totoo lang, nakakasira ka na ng utak. Iniisip ko pa rin talaga kung sino ka. Bakit may suot ka na maskara? Nabasa ko na kapag ang tao ay nagsusuot ng maskara, meron itong kinatatakutan," seryoso kong saad.



          Bago ako makipag-usap sa iyo, mas maigi na kumain ka na muna ng hapunan."



          Nagsimula na akong kumain. Pinagluto niya ako ngayon ng... ampalaya na may itlog. Wow. Naalala ko bigla. Kelan nga ba ako huling kumain ng ampalaya?



          Dumako siya sa sala at umupo sa sofa na naroon. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din akong kumain. Pagkatapos iligpit ang pinagkainan ay dumako din ako sa sala at umupo sa sofa na pang-isahan. Dumaan ang ilang segundo at wala pang nagsasalita sa amin.



          Tama ka. Natatakot ako," panimula niya. Natatakot ako na mawala ka na naman ulit. Ikaw Ren ay may importanteng papel na kailangan gampanan." Anong pinagsasabi niya? Importanteng papel na kailangan gampanan?



          At ano naman ang magiging pakinabang nito sa akin?" tanong ko.



          Ewan ko. Hindi ko alam," sagot niya. Pwedeng ito ay makakasama o makakabuti sa iyo. Dipende iyun sa iyo," kibit-balikat pa niya.



          Bakit depende sa akin?" seryosong tanong ko.



          Isipin mo Ren. Biniyayaan ka ng angking katalinuhan na wala sa iba. Kung gugustuhin mo, magiging sa iyo ang mundo. Pero sinabi mo na ayaw mo dahil mas maraming problema ang dadalhin nito sa iyo. Good choice," sagot niya. Teka? Ito iyung mga bagay na pinag-usapan namin ni Kei. Tinapik na lang niya ang sofa na kinauupuan niya. Sandali nga? Oo. Tama ang iniisip mo. Nakabantay pa rin ako sa iyo kahit nasa malayo ako. Kayo talagang mga kabataan. Nakita ko iyun lahat. Ang pagniniig niyo dito sa sofa na ito, sa kwarto mo, nakita ko iyun."



          Sandali nga? Hindi naman ito tungkol sa sex life ang pag-uusapan lang natin hindi ba?"



          Hindi at oo," magulo na naman niyang pagsagot. Hindi dahil hindi naman talaga sa sex life mo ang pag-uusapan natin. Oo dahil may kinalaman ito kay Kei."



          Bakit Mr. Lion? May problema ba kapag may relasyon kami ni Kei?" seryosong tanong ko.



          Sabihin mo. Sa ilang buwan na nagkakilala kayo ni Kei... Hmmm... Sandali nga, Keifer pala. Gaano mo siya kakilala?"



          Meron siyang pamilya na magulo na kapag nalaman na bakla ang isa ay papatayin ang pamilya ng lalaki at-"



          Naniniwala ka doon?" pagputol ni Mr. Lion.



          Oo naman."



          Paano mo nasabing totoo iyun?"



          D-Dahil naramdaman ko na totoo iyung sinasabi niya. Nag-usap kami ng masinsinan."



          Paano mo naman nasabi na totoo lahat iyun gayung wala ka doon sabihin mo nga? Hindi mo ba alam na sa korte Ren, hindi malakas na ebidensya ang mga hearsay."



          Wala kami sa korte nung nag-usap kami kaya hindi na iyun kailangan," pagdadahilan ko.



          A valid reason. Not bad. Pero paano kung sabihin ko sa iyo na hindi lahat na sinasabi ni Keifer tungkol sa pamilya niya ay totoo? Or more precisely, hindi lahat ng mga sinabi sa iyo ni Keifer ay totoo?" Ano ba ang pinagsasabi ni Mr. Lion? Balak ba niyang paghiwalayin kami ni Kei?



          Bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga bagay na ito?" Gusto ko siyang sapakin. Hindi totoo ang mga sinasabi niya.



          Alam mo, binabawi ko na ang sinabi ko sa iyo noon na kaya mong kumilatis kung ano ang totoo at hindi. Alam mo bakit? May mga kasinungalingan nang nakalampas."



          Bakit naman kita paniniwalaan sige nga? Ni hindi nga kita kilala kung sino ka. Ano ka ba talaga?" tanong ko na may diin.



          Tumayo siya at lumapit sa akin. Inilagay niya ang kanyang kamay sa baba ko saka nagpang-abot kami ng tingin... kung nasa mata ba talaga ng leyon ang mga mata niya... Ako lang naman ang magdadala sa iyo kung saan ka dapat mapunta. Iyun nga lang ay hindi ko alam kung ako ba ang susi ng kaligtasan mo, o susi ng iyung kasiraan," makahulugan niyang wika.



          Alam mo, naguguluhan na talaga ako kung sino ka," nasabi ko na lang.



          Tinanggal naman niya ang kamay sa baba ko at muli ay tumayo ng tuwid saka lumayo ng ilang metro. Okay lang na isipin mo kung sino ako. Pero wala ka ng oras Ren. Maaaring isa ako sa mga problema mo, maaari ding hindi. Kung tutuusin nga, hindi dapat ako ang priority mo." Humarap ulit ito sa akin. Siya nga pala, naalala mo na ba iyung parte na nakikipaglaro ka sa akin ng fencing?" Naalala ko naman na iyun ang isa sa mga hindi ko malilimutan na pangyayari sa buhay ko dahil natatalo ako ng dalawang beses ni Kei sa fencing.



          Yeah."



          Ahh. Those we're the days. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyun," saad niya habang gumagalaw na animo'y nakikipag-fencing at saka tumigil. Natalo mo ako sa fencing noon para malaman mo kung sino ako. Tanong. Sino ang nakita mo noong hinubad ko ang maskara?"



          Ang totoo, hindi ko nakita," sagot ko.



          Ganito, ipikit mo ang mata mo at subukan mong alalahanin iyun."



          Sinunod ko siya. Pinikit ko ang aking mata at sinubukan alalahanin iyun ang sinasabi niya.



          「Kailangan bilisan ko pa. Bilisan ko pa. Tumunog na ang alarm hudyat na tapos na ang sampung minutong time limit. Nakatama ako. Nanalo ako! Humarap naman ako kay kuya Lars na pumapalakpak sa likod ko.



          Magaling Ren," pagpuri ni kuya Lars.



          Binaling ko naman ang tingin ko sa nakamaskara na si Mr. Lion.



          Natalo ako. Hindi ko ito inaasahan pero natalo ako," malungkot na saad ni Mr. Lion.



          Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko. Mr. Lion, ipakita mo na sa amin ang mukha mo? Nag-promise ka dito sa kapatid ko na huhubarin mo ang maskara mo kapag natalo ka."



          Siyempre naman po kuya Lars," pagsang-ayon ni Mr. Lion.



          Inilagay naman ni Mr. Lion ang mga kamay niya sa kanyang maskara.」



          Wala na kung hindi kadiliman na ang nakikita ko... kasi nakapikit ako? Sinubukan ko ulit alalahanin pero hanggang doon lang talaga. Dumilat ako at nakaupo pa rin si Mr. Lion sa sofa.



          Naalala mo na ba kung sino?" Umiling naman ako. Okay lang iyan."



          Mr. Lion, ayaw mo ba na maging kami ni Kei?" seryosong tanong ko.



          Tumayo siya. Hati pa rin ang desisyon ko sa bagay na iyan. Pwedeng oo at pwede ring hindi," magulong sagot niya.



          Naiinis na ako sa kaniya. Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. Laging oo at hindi ang sagot niya. Hindi na rin ako pwedeng magtiwala sa intuition ko. Paano kung tama talaga siya? Paano kung hindi ko talaga alam kung alin ang katotohanan o hindi? Paano kung gusto niyang guluhin ang pag-iisip ko? Lagi niya itong ginagawa. Sino ba talaga ang taong ito? Nakakainis. Gusto ko siyang suntukin at hubarin ang maskara niya. Tama. Gagawin ko iyun.



          Kinuyom ko na lang ang kamay ko at agad sinugod si Mr. Lion. Ginamit ko ang kanang kamao ko para patamaan ang tiyan niya. Subalit napigilan niya ang pagsuntok ko dahil sinalo ng kanyang kaliwang kamay ang kamao ko.



          Narinig ko naman ang pagtawa niya. Nagagalit ka na? Maganda iyan," pang-aasar niya.



          Ginugulo mo lang ang pag-iisip ko Mr. Lion! Bwisit ka!" sigaw ko.



          Alam mo, bakit hindi mo kaya sundin ang sinasabi ng boyfriend mo? Matuto kang makipaglaban gamit ang iyung mga kamao at paa. Kakailanganin mo iyan balang araw."



          Pagkasabi niya iyun ay hinawakan niya ang kanang braso ko at hinatak papunta sa kanan niya. Anong gagawin niya?



          Mabilis siyang umikot saka inalis ang kaliwang gloves niya at...



Keifer's POV



          Nasa apartment ako ngayon kasama si Janice. Kasalukuyang nakaupo siya sa kandungan ko at nagpapayakap. Sana si Ren na lang ito.



          Nanunuod kami ng palabas sa TV ngayon.



          Janice, bakit wala pa si Harry hanggang ngayon?" tanong ko bigla.



          Ewan ko kung saan pumunta. Kahit si Gerard nga eh wala," sagot pa niya. Tara Allan. Mag-sex tayo habang wala sila," diretso niyang wika sa akin.



          Umm... Janice, h-hindi p-pa ako handa," pagdadahilan ko.



          Kelan ka pa ba magiging handa? Marunong ako. Tuturuan kita," nguso niya.



          Ano ka ba Janice. Nakakasira ng pagkatao ko iyun. Kalalaki kong tao ehh tapos ikaw ang gagawa ng paraan."



          Tumayo naman si Janice at humarap sa akin. Pinahiga niya ako sa sofa at pinatungan. Agad na lang niya akong hinalikan sa labi ko. Sinara ko na lang ang labi at mga mata ko. Sinusubukan niya talaga akong halikan at pinapasok ng dila niya ang labi ko.



          Tumigil siya saka pinalo ako. Ano ba iyan Kei? Bakit tinitikom mo ang bibig mo? Hayaan mo kasi ako," reklamo niya.



          Narinig ko na bumukas naman ang pintuan.



          Umm... Naistorbo ko ba kayo?" hindi siguradong tanong ng pumasok. Boses ito ni Harry. Salamat naman at dumating siya.



          Umalis naman sa pagkakapatong si Janice. Wala kang naistorbo Harry," nagagalit na sagot niya. Si Gerard ba, andyan na?"



          Oo. Andyan na. Kasabay ko nga lang ehh," sagot ni Harry.



          Umupo naman ako ng maayos sa sofa at nakita ko naman na umalis na si Janice. Padabog naman nitong isinara ang pintuan ng apartment namin.



          Saan ka galing?" agad na tanong ko sa kaniya.



          Sa Library ng school," agad na sagot din niya habang naglalakad papunta sa kwarto niya.



          Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Nag-aaral si Harry. Maya-maya ay lumabas ito ng kwarto at pumunta sa hapag-kainan para kumain.



          Bakit Kei? May problema ba kapag late akong umuuwi paminsan-minsan? Parang ikaw hindi minsan na ganoon ahh?" sagot niya sa akin.



          Umm... wala namang problema. Utos ng mga magulang mo ehh dapat sabay tayo umuwi palagi."



          Nako Kei. Parang nasusunod palagi iyun ahh. Ehh ikaw nga kanina, pinapauna mo na ako agad. At saka kelan ka pa ba sumusunod sa mga magulang ko?" naiirita niyang tono. Bakit kaya?



          May problema ba Harry? Sa tono ng pananalita mo ehh parang... naloko ka or something?" tanong ko.



          Yeah. Parang ganoon. Hindi ko alam," sagot niya. Sa tingin mo Kei, ano ang gagawin mo kung ang isang tao ay may tinatagong malaking sikreto sa iyo?" Nagulat ako sa sinasabi niya. Ano to? Unang araw pa lang ng pagtatago namin ng sikreto namin ni Ren ehh mabubuko agad kami? Mukhang nagiging love story joke na ito ahh.



          Well ang masasabi ko lang ay depende iyan sa tinatagong sikreto ng tao. Halimbawa ay gaya ng bibigyan ka ng isang malaking sumpresa para sa nalalapit mong kaarawan," palusot ko.



          Sa bagay. Pero kailangan ko pa bang i-celebrate ang kaarawan ko? Sandali lang Kei, alam mo na ba..." Nanahimik siya bigla at nagsimulang kumain.



          Alam ko na ang alin?" tanong ko.



          Mmm... Itong chop suey na niluto mo ngayon ay mas masarap kesa dati ahh. May inspirasyon?" puri niya sa kinakain.



          Wala naman. Salamat? So ano iyung sasabibin mo pala kanina na alam ko na ang alin?"



          Ang ibig kong sabihin ehh itong kinakain ko na chop suey," sagot niya.



          Okay. So ano nga pala ang balak mo bukas? Birthday mo bukas. Gusto mo bang lumabas tayo nila Ren? Punta ulit tayo sa Maysha Acoustic Bar," yaya ko.



          Paano iyung fiancee mo?"



          Hayaan mo na lang siya muna kay Gerard. Ano?"



          Well sige," pagpayag niya.



          Ikaw na ang mag-text kay Ren ha."



          Pagkarinig ng pangalan ni Ren ay nasamid si Harry. Agad lang akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig saka binigay sa kaniya. Kinuha niya ito at ininom.



          Okay ka lang?" tanong ko habang tinatapik ang likuran niya.



          Tumango naman siya. Salamat Kei." Umubo si Harry ng ilang beses.



          Umalis na ako sa tabi niya at bumalik sa sala saka naupo sa sofa.



          Siya nga pala Kei. Nakausap mo na ba si papa kung ano ang ginawa mo nitong bakasyon?" tanong ni Harry.



          Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Andyan naman si Gerard para magpaliwanag para sa akin. Tutal kapag si Gerard ang nagsalita, paniniwalaan agad. Ehh kapag ako? Lalong-lalo na iyung mama mo, anti masyado sa akin," sagot ko.



          Pero Kei, noong bakasyon, dito ka pa rin sa Rizal right? So nadadaanan mo si Ren?" Hindi lang kamo nadaanan. Pinasok ko pa.



          Ang natatandaan ko lang na pumunta ako sa bahay niya noong ay noong unang performance ng The Antagonist' sa school nila," pagsisinungaling ko. Sandali nga Harry, na-reject ka ba ni Ren?" Muli ay nasamid ito at ininom ang tubig. I'll take that as a yes?"



          Maya-maya'y nahimasmasan si Harry. Paano mo nalaman? Sinabi niya ba sa iyo?"



          Hindi naman. Napansin ko na nagpalaki ka ng katawan."



          Tiningnan pa nito ang sarili. Yeah. Nagpalaki ako ng katawan at baka sakaling... alam mo na."



          Pero Harry, ni-reject ka na niya. May mga tao pa bang ganoon na nagpagwapo lang ehh magbabago na agad ang desisyon? Si Ren ang pinag-uusapan natin dito."



          Kung makapagsalita ka Kei, parang kilalang-kilala mo na si Ren ahh." Aba Harry. Kung hindi mo alam ehh kami na.



          Sabihin na natin na ganoon si Ren. Ngayong unang araw ng pasukan, may reaksyon ba mula sa kaniya?"



          Natapos naman nito ang pinagkainan saka iniligpit. Napansin niya pero parang wala lang," kibit-balikat niya saka nagsimula ng maghugas ng sariling pinagkainan.



          Ganoon talaga. Si Ren ang pinag-uusapan natin."



          How about this Kei. Tulungan mo ako na pumayag si Ren na magpaligaw."



          Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako na boyfriend ni Ren ay tutulungan si Harry na magpaligaw si Ren para sa kaniya. Great. Hindi pwede," agad na pagtanggi ko. Tanggapin mo na kasi na ayaw sa iyo ni Ren. Maghanap ka na lang diyan ng iba Harry. At isa pa, marami ding babae na magaganda sa Schoneberg Academe. Well kapag lalake, ibang issue na iyun," paliwanag ko.



          Natapos na sa paghuhugas si Harry at pumunta dito sa sofa saka naupo. Alam mo ba Kei, pakiramdam ko talaga na parang may koneksyon kami ni Ren sa isa't isa. Nararamdaman ko sa loob ko na huwag daw akong sumuko."



          Wow. May koneksyon. Parang internet lang," biro ko.



          Tumungo siya. Parang katulad ni," rinig kong bulong niya. Nag-angat siya ng tingin saka lumingon sa akin. Kei, sabihin mo na agad kay Gerard na siya muna ang bahala kay Janice. Kahit hindi pa kami ni Ren, nagse-selos ako kapag nakadikit iyung fiancee mo sa kaniya. Ayokong kasama ang babaeng iyun kapag lumabas tayo."



          Sige ba," pagsang-ayon ko. Siya nga pala Harry. Kilala mo ba si Allan Mercer?" naitanong ko.



          Ahh. Iyung gagong iyun," agad na reaksyon niya. Kaninang umaga pagpasok ko, tatabi na sana ako kay Ren. Ang kaso, umupo siya agad sa tabi niya. Hindi ko naman matawagan si Ren kasi hindi nakatoon ang atensyon nito sa mundo," paliwanag niya.



          Hindi nakatoon ang atensyon sa mundo? Anong ibig sabihin nun? Hindi ko alam iyun."



          Kapag humahangin sa silid-aralan, titingin siya sa bintana saka lalalim ang iniisip. Kapag ginulo mo siya, bigla siyang magagalit sa iyo." Good job Allan.



          Kakampi ko rin pala ang gagong iyun. Ang problema nga lang, ipagkakalat kaya niya ang sikretong relasyon namin ni Ren? Hindi naman siguro nito papakialaman si Ren dahil may nakukuha ito sa kaniya. At sana talaga ang gagong iyun, hindi talaga magkalat hangga't maari.



          Tumayo ako saka humikab dala ng antok. Sige na Harry. Matutulog na ako. Magandang gabi," paalam ko habang tinatahak ang daan papunta sa kwarto ko.



Ren's POV



          Kriiiiing!"



          Dinilat ko ang aking mata dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bumangon ako saka nilibot ang paningin sa paligid. Nasa kwarto pala ako ng bahay ko.



          Nasapo ko naman ang batok ko dahil sa sakit. Sinubukan ko naman alalahanin ang nangyari kagabi. Binigyan pala ako ni Mr. Lion ng isang... karate chop ata iyun sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay. Dapat talaga mag-aral ako ng self-defense. Natalo lang ako ni Mr. Lion ng ganoon lang kadali.



          Tiningnan ko naman ang life-size na lion plushie na katabi kong matulog.



          Wala ka ba talagang hidden camera diyan sa loob mo ha?" tanong ko dito kahit alam ko naman na hindi ako nito sasagutin.



          Pero bakit ganoon ang sinasabi sa akin ni Mr. Lion? Huwag daw magtiwala kahit kay Kei. Pero mas nakakaasar ang pagsagot niya sa akin ng sa mga tanong ko ng oo at hindi. Dahil sa sinabi niya, nawala na ang tiwala sa sarili ko. Parang ayoko ng lumabas ng bahay. Pero kailangan ipagpatuloy ang buhay. Alam ko naman na ang buhay natin ay puno ng kasinungalingan. Lahat ng tao ay nagsusuot ng maskara at ang iba naman ay mas magaling pa kesa sa mga taong literal na may suot na maskara. Isa sa mga ayoko ay mga taong sinungaling.



          Tanungin ko kaya si Kei kung may mga bagay pa siya na tinatago mula sa akin? At kung meron nga, ano naman? Ang sagot ko sa sarili kong tanong ay depende sa tinatagong sikreto. Hindi kaya ang gustong sabihin sa akin ni Mr. Lion ay alamin ang mga sikreto ni Kei? Pero kelan ko ba siya tatanungin?



          Lumabas na ako at bumaba papunta sa kusina. Napansin ko naman na may note na nakalagay sa mesa. Kinuha ko ito at gaya ng dati, isang mukha ng leyon ang makikita sa kard. Binuklat ko kung may mensaheng nakalagay. Pero wala. Ay bwisit! Akala ko pa naman ay hihingi siya ng dispensa sa pagpapatulog niya sa akin.



          Pinansin ko naman ang suot kong pambahay. Sandali lang? Umuwi ako dito ehh naka-uniform ako. BINIHISAN NA NAMAN NIYA AKO! Hay nako! Humugot na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga saka pinagpatuloy ang buhay.



          Bihis na ako at paalis ng bahay papunta sa eskwelahan nang mapahinto ako sa sala. Sandali lang? Naalala ko kagabi na nakita din ni Mr. Lion ang pagniniig namin ni Kei sa sofa. Noong mga oras na iyun, nasa taas iyung life-size na plushie lion. At pati iyung pagfe-fencing namin ni Kei.



          Tumingala ako sa taas at tiningnan ang mga CCTV camera. Bawat sulok ng bahay ay meron nito. Ang ibig sabihin ba nito ay kahit nasa malayo siya, nakikita niya ang mga gagawin ko sa loob ng bahay ko sa pamamagitan ng mga CCTV camera dito sa bahay ko? Pero paano nangyari iyun? Hindi ko alam kung paano siya tuluyang nakapasok. Hindi kaya dahil iyun sa pag-atake ng hacker na si Leonhart96776? Pero imposible. Binura na lahat ng pinadala kong virus ang mga application. saka hindi lang binura. Nagpadala ako ng Memory Resident Virus dahilan para masira ulit ito sa kapag nire-reformat. Imposible. Pero bago dumating si Leonhart96776, nandito na si Mr. Lion. Nakakapasok na siya sa bahay ko. Ang sakit sa utak nito.



          May naisip naman akong solusyon. Kaya lang, naisip ko ang mga sinabi sa akin ni Mr. Lion.



          「Tumayo siya at lumapit sa akin. Inilagay niya ang kanyang kamay sa baba ko saka nagpang-abot kami ng tingin. Ako lang naman ang magdadala sa iyo kung saan ka dapat mapunta. Iyun nga lang ay hindi ko alam kung ako ba ang susi ng kaligtasan mo, o susi ng iyung kasiraan," makahulugan niyang wika.」



          Anong lugar ba dapat ako mapunta? Alam ko naman na metaphorical phrase ang sinabi niya. Pero naasar na talaga ako sa yes and no na sagot niya. Siguro kailangan ko talagang pakisamahan si Mr. Lion para malaman iyun.



          Natapos na din sa wakas ang klase namin ngayong araw. Pagkaalis ni Allan at ang kaibigan niya... pinansin ko na naman. Lumapit sa akin si Harry habang ako ay nagliligpit ng gamit.



          Ren, pwede ka ba ngayong gabi?" panimulang tanong niya.



          D-Depends?" hindi siguradong sagot ko. Bakit? Anong meron ngayong gabi?"



          Umm... ngayong gabi, kami ni Kei ay nagbabalak na pumunta sa Maysha Acoustic Bar. I was just hoping na kasama kita na mag-celebrate ng kaarawan ko?" Nagulat ako. Wait, hindi ko pala alam na birthday niya ngayon. Wait, kung nag-aalala ka sa drummer ng The Gravity', hindi sila tutugtog ngayong gabi dahil Martes ngayon at hindi weekend. At kung dahil naman sa nag-confess ako sa iyo, could we please take that aside?"



          Hindi sa ganoon. Hindi ako nakapaghanda ng regalo Harry. At sa confession mo sa akin? Actually, masaya ako since likeable pala akong tao. Kaya lang kasi, mahigpit na sinusunod ko ang gusto ng mga benefactor ko. Na pag-aaral muna bago ang lahat. Iyun lang," paliwanag ko.



          Ngumiti naman siya. Naiintindihan ko. Napakaswerte naman ng benefactor mo sa iyo. Sinusunod mo ang mga ninanais nila." Salamat naman.





          By the way, Happy Birthday nga pala," bati ko.



          Yeah thank you. So sasama ka ba ngayong gabi?"



          Yeah. Sure," pagpayag ko. Pero Harry, pwede bang sa bahay mo na ako sunduin?"



          Bakit? Hindi ka proud na isuot ang uniporme ng school?"



          Teritoryo ng kalaban natin iyun. Malay ba natin na baka bigla silang pumunta. Tapos baka pumunta pa ang drummer nila at nalaman na mga estudyante tayo ng Schoneberg Academe. Ayoko lang ng gulo Harry," paliwanag ko.



          Pero alam mo, miss ko iyung yumuko ka sa harapan nila para humingi ng dispensa," natatawa niyang saad.



          Siya nga pala. Sasama ba iyung... fiancée ni Kei?" biglang tanong ko.



          Hindi siya invited," nayayamot na sagot ni Harry.



          Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya. Buti naman."



          Ren, sabihin mo lang na ayaw mo talagang makita si Janice. Ako na mismo ang gagawa ng paraan."



          Hindi naman sa ganoon Harry. Hindi sa ayaw ko kay Janice."



          Huwag mong sabihin na may gusto ka kay Janice?" gulat niyang tanong.



          Imposible!" agad na reaksyon ko.



          Ikaw ha. May gusto ka sa syota ng pinsan ko ha," biro niya.



          P-Pinsan?"



          Agad na tinikom ni Harry ang bibig niya. Sige Ren. Kita na lang tayo mamaya." Agad siyang umalis.



          Naiwan naman akong nakatulala. Pinsan? Sino? Imposible namang si Kei kasi Salvador siya at si Harry ay isang Villaflores? Hindi rin naman si Janice kasi Marasol ang apelyido niya?



          Naalala ko naman ang sarili ko. Hindi nga rin pala totoo ang pangalan ko. Teka? Kung si Kei ang tinutukoy niyang pinsan, ang ibig sabihin ba nito na ang mga magulang ni Harry ang pumatay sa mga magulang ni Kei? Pero... hindi pa ako sigurado. Baka may iba pa silang kamag-anak at hindi lang si Harry ang pinsan niya? Ang mabuti kong gawin ay tanungin ko na lang si Kei mamaya.



          Dala ang bike ko na nakapasok sa loob ng bahay ko. Buti na lang at hindi ito nawala sa Academe. At hello? Puro mayayaman ang mga tao doon... karamihan. Bakit nakakalimutan ko na nag-eexist ang mga estudyante na katulad ni kuya Joseph? Sa bagay. Kahit nga ako ay nakakalimutan ni kuya Joseph na nag-eexist.



          Pagkapasok ko sa loob, wala akong nadatnan na dapat ko sanang madatnan. Si Mr. Lion sino pa. Agad lang akong dumiretso sa kwarto ko at nagbihis. Sumagi sa isip ko na kasama pala namin si Kei. Ano kaya ang magandang suutin? Gusto kong magpagwapo. Kaya lang, naisip ko na may humahabol pa sa Mystery Man ng Schoneberg Academe. Huwag na lang.



          Humugot naman ako ng isang malalim na buntong-hininga. Simula nang naisip ko na minamanmanan ako ni Mr. Lion sa pamamagitan ng mga CCTV camera ng bahay ko, parang feeling ko ehh nasa loob ako ng Bahay ni Kuya. Wala pa naman akong confession room sa bahay ko.



          Pagkababa ko ay nakarinig ako ng isang busina ng sasakyan. Lumabas agad ako at...



          Ren!" malanding salubong sa akin ni Janice sabay yapos. Bakit kasama ang babaeng ito?



          Lumabas naman sila Kei at Harry ng kotse at hindi ako magawang tingnan.



          Pasensya na Ren," dispensa ni Harry sa akin habang kinakamot ang ulo.



          Kumalas sa pagkakayapos sa akin si Janice at tiningnan ang bahay ko. Wow! Ang laki! Ngayon, alam ko na kung saan ka nakatira."



          Janice, pwede ba na huwag kang masyadong clingy kay Ren?" reklamo ni Kei.



          Hinarap naman siya ni Janice. Wow Kei. Nagseselos ka ba kay Ren?" Palagay ko ehh dahil nagseselos si Kei na dumidikit ka sa akin.



          Alam niyo tama na iyan. Tara na't umalis na tayo," udyok ni Harry saka pumasok ulit sa kotse.



          Sa likod kami ni Ren," agad na wika ni Janice.



          HINDI PWEDE!" agad na reaksyon ng dalawa.



          Pagkarating namin sa bar ay nag-celebrate kami ng birthday ni Harry. 18 years old na pala siya. At gaya ng sinabi niya, wala nga doon ang The Gravity'. Safe.



          Si Janice naman ay kinakausap ako tungkol sa mga series na napapanood niya na Western Shows. Halos parehas ang mga pinapaanood namin pero hindi pa rin mawala sa isip ko na siya ang fiancee ni Kei. Ayoko pa rin sa kaniya.



          Habang kumakain kami ay nagnanakawan kami ng tingin ni Kei. Nakuha kaya niya ang ibig kong sabihin?



          Habang ninanakawan ko siya ng tingin ay lumilingon ako sa CR ng bar. Natapos naman kaming kumain.



          Guys, CR na muna ako," paalam ko.



          Ako din. Sabay na tayo Ren," paalam din ni Kei.



          Pumasok naman kami parehas sa CR. Agad lang akong niyapos ni Kei mula sa likod.



          Kei, baka may makakita sa atin," reklamo ko... kahit gusto ko.



          Hayaan mo na ako. Hindi na nga kita mayayapos araw-araw," malambing na pagkakabulong niya. Bumulong siya? Ibig sabihin ba nito ehh alam ni Kei na may tao sa CR?



          Bumukas naman ang isang cubicle at agad na lang kumalas si Kei saka nagkunyaring naghuhugas ng kamay. Teka? Parang kilala ko ang taong lumabas sa cubicle. Nagpang-abot naman kami ng tingin ng taong ito.



          Ohh... Ikaw?" gulat niyang saad. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw iyung nakipagsuntukan kay Brax dati?"



          Umm... Yeah. Ako nga," pagkumpirma ko sa sinasabi niya.



          Umm... naalala mo pa ba ako? I'm Theo. Timotheo Perez. Bassist ng Gravity," pagpapakilala niya sa sarili saka lahad nito ng kamay.



          Umm..." Tiningnan ko na lang ang kamay niya.



          Ohh. Pasensya na," wika niya nang napansin niya na nakatingin lang ako sa kamay niya saka naghugas ng kamay. My bad. Pasensya na."



          Umm... okay lang?"



          Pagkatapos nitong maghugas, muli'y inilahad niya ang kamay niya. Pwede ko bang malaman ang buong pangalan mo? Tutal sinabi ko naman iyung sa akin. It would be rude kung hindi mo sabihin."



          Naglipat ako ng tingin lay Theo at kay Kei. Pumasok naman si Kei sa isang cubicle. Nakipagkamay naman ako. Ren Castillo Severin," pagpapakilala ko.



          Kinalas naman nito ang kamay niya. Castillo? By any chance, kamag-anak mo ba si Chris?"



          Naku Theo. Hindi talaga kami related sa vocalist ninyo. Ang totoo kasi, given name lang iyung pangalan ko," paliwanag ko.



          Ohh. Ganoon ba? By the way Ren, salamat at hindi ka rumesbak sa drummer namin."



          Wala kasing challenge para sa amin kapag ginawa ko iyun," makahulugan kong saad.



          Walang challenge sa inyo?" kunot noo niyang wika.



          Wait. Sinabi ko bang challenge? Ang ibig kong sabihin ay walang kaso sa amin kaya ginawa ko iyun. Iyung hindi resbakan ang drummer niyo," pagdadahilan ko.



          Bumukas naman ang pintuan at paglingon ko dito ay may dumungaw na isang lalaki.



          Austin," tawag ni Theo sa lalaki. Sumara na lang ulit ang pintuan ng CR. Umm... Ren, nice meeting you. Sana magkita pa ulit tayo. Bye," saka lumabas agad. Anong nangyari doon? May relasyon ba si Theo at nung... Austin na iyun? Binabase ko lang sa intuition ko ang nakikita ko... na hindi masyadong pagkatiwalaan.



          Lumabas naman ng cubicle si Kei at naghugas ulit ng kamay saka nagpunas.



          Ren, dala mo ba ang phone mo?" tanong ni Kei.



          Yeah. Bakit?" Kinuha ko naman ang phone sa bulsa ko saka binigay kay Kei.



          Ibibigay ko sa iyo iyung isa kong number. Doon ka na lang mag-text Ren," saad niya habang nire-register ang isa pa niyang phone number.



          Kei, pwede ba kitang tawagan mamaya?"



          Bakit Ren? Gusto mong mag-SOP tayo?" pagbibiro niya saka ngumiti.



          Kei, seryoso ako," saad ko na may diin.



          Nawala naman ang ngiti sa labi niya. Bakit? May problema ba?"



          May kailangan lang akong ikumpirma sa iyo."



          Naputol ang pag-uusap namin nang bumukas ulit ang pintuan ng CR. Lumingon kami at nakita si Harry na dumungaw.



          Kei, Ren, bakit ang tagal niyo?" Si Harry.



          Umm... may kinokunsulta lang ako tungkol sa mga gamot since may alam si Kei sa medicine right?" pagdadahilan ko.



          Yeah Harry. Ganoon na ba kami katagal nag-uusap? Pasensya na," pagsuporta sa akin ni Kei.



          Hay nako Kei. Kapag tungkol talaga sa gamot at cellphone. Tara na at uwi na tayo. Mag-usap na lang kayo sa sasakyan habang pauwi," saad ni Harry saka umalis.



          Gamot at cellphone?" lingon ko kay Kei.



          Sige Ren. Text na lang kita via magtxt.com tapos tawagan mo na lang ako okay."



          Okay Kei."



          Ilang minuto ang nakalipas ay naihatid na ako nila Harry sa bahay ko. Bumaba na ako sa kotse niya.



          Salamat Ren at sumama ka sa pag-celebrate ng birthday ko Ren," natutuwang wika ni Harry.



          Ako din Ren. It was nice talking to you," si Janice.



          Harry, tara na at umalis na tayo bago pa maisipan ni Janice na bumaba," si Kei. Oo nga. Alis na kayo.



          Magandang gabi sa inyo at ingat."



          Humarurot ng takbo ang sasakyan ni Harry at sinundan ko lang ito ng tingin. Pumasok na ako ng bahay at dumiretso ng kwarto saka nagbihis. Humiga na lang ako sa higaan saka inantay ang text ni Kei. Maya-maya ay natanggap ko na ang text ni Kei at agad siyang tinawagan.



          Hello Kei?"



          Hello Ren. Buti na lang at gising ka pa."



          Yeah. Buti naman at kahit papaano ay makakausap kita dito araw-araw?"



          Pwede naman. Kaso wala akong pang-load araw-araw."



          Pwede ako ang mag-sponsor."



          Huwag na," agad na pagtanggi niya. So ano nga pala ang pag-uusapan natin?"



          Umm... gusto kong pag-usapan kung may tinatago ka pang lihim sa akin."



          Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Anong lihim ko ang pag-uusapan natin?"



          Umm... lahat ba ng sinabi mo sa akin tungkol sa mga magulang mo, totoo?"



          Anong klaseng tanong iyan?" mahinahon niyang reklamo. Ren, lahat ng sinabi ko sa iyo ay totoo. Wala na akong tinatago sa iyo dahil gusto kong malaman mo lahat-lahat ang tungkol sa akin. Bakit Ren? Nagdududa ka ba sa akin?"



          Umm... yeah."



          Rinig ko na humugot siya ng buntong-hininga. Okay lang kung hindi ka maniwala sa akin Ren. Hindi kita pipilitin. Alam ko naman na medyo exaggerated ang kwento ko pero iyun kasi ang totoo." Hindi ko naman masabi kung totoo o hindi ang sinasabi ni Kei pero naniniwala ako sa sinasabi niya.



          Then ito Kei. Pinsan mo ba si Harry?"



          Muli ay hindi siya umimik ng ilang segundo. Kanino mo nalaman iyan?"



          S-So magpinsan talaga kayo?"



          Yeah. Pinsan ko si Harry. Ang mga magulang niya ang pumatay sa mga magulang ko," pag-amin niya. Nagimbal ako sa pag-amin niya. Pero please Ren. Pwede bang huwag sanang magbago ang pakikitungo mo sa kaniya? Alam ko na iisipin mo na magiging ganoon din si Harry pero Ren, hindi siya magiging katulad ng magulang niya. Give him a chance. Ako na mismo ang nagsasabi sa iyo Ren. Kapag nagbago ang pakikutungo mo kay Harry, hindi ko alam ang magiging epekto nito sa kaniya. Kaya pakiusap. At isa pa, hindi ito alam ng iba na magpinsan talaga kami. Alam mo ba na kahit ganoon ang mga magulang ni Harry, mahal na mahal ko siya bilang pinsan niya. Ayokong matulad siya sa mga magulang niya alam mo ba iyun? Kaya please Ren. Pretend na hindi mo alam ang mga kabalbalan ng magulang niya at ang katotohanan na magpinsan kami," pakiusap ni Kei. Humanga ako sa sinabi ni Kei. Gusto niya lang protektahan si Harry.



          Naiintindihan ko Kei."



          Salamat naman Ren at naiintindihan mo ako."



          Siyempre Kei. Napaka-understandable mong boyfriend ehh."



          Ikaw din Ren. O sige. Matutulog na ako. Good night Ren. I love you," paalam niya.



          Ikaw din Kei. I love you too. Tawag tayo ulit bukas."



          Sige. Basta antayin mo ang text ko bukas ha. Bye."



          Binaba ko na ang phone at nahiga sabay nakipagtitigan sa kisame. Wow. The fact na magulang ng pinsan mo ang pumatay sa magulang mo, paano nabuhay si Kei ng ganoon? Still, humahanga ako kay Kei. Minsan talaga, may rason ang mga tao kaya sila nakakapagsinungaling. Naglihim siya para protektahan si Harry... na hindi magbago ang pagtingin ko sa kaniya. At mabuti naman na makakausap ko na si Kei sa phone gabi-gabi.



ITUTULOY...

6 comments:

  1. Hai ang kulit nmn ni janice...author sin8 kaya si kuya villaflores ? Si gerald o c kei? 👏👏👏

    ReplyDelete
  2. Naiirita talaga ako kay Janice hahahaha. Bumalik na si Mr.Lion nako nako!!! Sino ba kasisya haha si Lars ba o si Harry? Gulong gulo na ako hahaha. Saka bakit palaging 3am to nag uupdate hahaha.

    Thanks mr.author sa magandang update!! At mahaba as in mahabang update!!!! :))

    -44

    ReplyDelete
  3. Nakakatakot naman yung clan na yan. Parang Mafia lang. Tas di mo alam kung sino ang tumira dahil naka"uniform". Ha ha. Rhanks sa update. Magaling kang author. You keep the best for last. Take care.

    ReplyDelete
  4. first time to comment here!!!
    first of all I would like to say...


    pakyu ka Sey!!! haahaha

    more more revelation please!!!

    truly yours

    VK Trebb

    ReplyDelete
  5. Nakakalungkot naman ang sitwasyon ni ren at kei mgulong love life nmn, tpos mkikisali pa sa eksena si janice...... Nu ang magiging papel ni gerald sa buhay ni ren, si ren kya ang susunod na pinuno ng pamilya nila harry.,

    c mr lion mas pinagugulo ang utak at pinahihirapan ang buhay ni ren sa mga informasyon n binibigy nito na plging kulang .


    Jharz

    ReplyDelete
  6. Sa wakas nabasa ko rin ang chapter na'to, hehe busy masyado eh, kaya now lang nagparamdam! ... :)

    SUMMER RAIN here!

    →ßαl∂εscσ

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails