Author's note...
Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin sa suporta... pati sa BS last chapter dahil... HINDI KO FORTE IYUN! Also nga pala sa mga readers ko na si Ashigawa, Alfred of T. O., Gilrex, Jharz, 44, Marc Abellera, Summer Rain mga silent readers and loud, black or white, orange or blue, what color is that dress? Hehe. Halata namang waley ang joke.
So yeah. Sa mga taong may question po about sa story kasi alam ko naman na medyo magulo ito, feel free to ask po sa comments and I'll try to answer it... pero iyung mga may kinalaman sa mga future... chapters, no.
Sa mga kaibigan ko pala sa Facebook na sinasabi kong... ida-drop ko ito, bear in mind na... hindi ko gagawin iyun... I hope. Kung sakaling na-drop na ang series na ito, malalaman niyo muna ito mula kay kuya Blue at... kuya Alvin. Please bear with my attitude kasi... wala lang. Gusto ko lang ganoon. Negative person ako pero... I won't... let anything... or anyone think that I am not a man of words. TATAPUSIN KO ITO! And hindi nga lang ako sure kung isasama ko pa talaga iyung PULSAR ARCH kasi... baka... ayoko... ng ituloy... so baka iyun na nga ang ending... na alam natin... Ang sad nu. Pero paano nangyari iyun? Well... haha.
Confession, as you read kanina, hindi ako talaga sanay sa BS... I mean love scene. Fail na fail nga... sa tingin ko. So para matapos na ang paghihirap ko, pinagsabay ko na para matapos na nga ang lahat. And that's why... medyo tinagalan ko ang pag-update... iyun lang. And meron pa nga pala. Another... semi-plagiarized na naman... doon sa... simula ng kwento ni Blue na obra po ni kuya Carlos... ang... hmm... and yeah... may consent na po ito galing sa kaniya... ABA EWAN!
So support din po natin ang ibang gawa dito sa BLOG... kasi alam ko naman na binabasa niyo pero... sinasabi ko lang. Enjoy!
Chapter 7:
Bliss
Keifer's POV
“Agh!" sigaw ni Ren.
Nagsimula
naman akong gumalaw. Sigurado akong nasasaktan siya sa ginawa ko pero tiniis
niya ang lahat ng iyun. Ginantihan ko naman siya ng halik sa likod habang ang
kaliwang kamay ko ay sa ari niya at ang kanan ay sa utong niya. Kailangan
maibalanse ang sakit at sarap na nadarama niya.
“Ren," malambing na pagtawag sa
pangalan niya.
“Ke- Agh!" sigaw niya.
Paulit-ulit
ko lang tinatawag ang pangalan niya. I just hope that this night is the night
that he won't ever forget. This eased me up a little from the jealousy. Sino ba
kasi iyung tao na nasa alaala niya? Na nauna sa akin? Grabe. Day 1 pa nga lang
na naging kami... wala pa nga to be exact. May pagseselosan agad ako. Akala ko
si Harry lang.
“Ahh... Shit!" ungol ni Ren.
Tama
iyan. Tama nga ang ginagawa ko. Kahit first time ko lang na gawin ito, nakuha
ko na agad ang kiliti niya. Iiwanan kita ng maraming marka, Ren. Akin ka lang.
Hindi na ako makakapayag.
Ramdam
ko naman na malapit ko ng maabot ang rurok ng kaligayahan.
“I love you Kei," nasabi niya.
“I love you very much Ren," ganti
ko.
Parehas
namin hinahabol ang aming mga hininga dahil sa nangyari. Bigla na lang siyang
bumagsak sa kama. Patay! Nawalan ata siya ng malay sa nangyari.
Agad
naman akong tumayo saka pumunta sa banyo ng kwarto niya para linisin ang mga
kamay ko. May naisip kasi ako bigla na gusto kong gawin pero for the sake of
reader's, gagawin k- I mean NO! I will not do anything lewd beyond that.
Bumalik
ako sa kama niya at humiga. Inayos ko naman ang paghiga niya. Pasensya talaga
Ren.
Binigyan
ko naman ito ng isang masuyong halik sa noo. Pagkatapos ay tiningnan ang
kisame. Iniisip ang mga dapat kong isipin. Ano kaya ang dapat kong gawin bukas?
Kailangan ehh alagaan ko at pagsilbihan si Ren. Buti na lang at wala silang
praktis sa Music Club.
Teka,
may naisip talaga akong gawin kanina. Hindi iyung bagay na iyun kanina. Tumayo
agad ako saka dumiretso sa kwarto ko sa kabila kung saan ako pansamantalang
naninirahan sa bahay niya. Nagsuot naman ako ng shorts na pambahay saka kinuha
ang cellphone ko na may camera at sinuot iyung kyut na lion hat na binili ko
din sa convention. Bumalik naman ako sa kwarto niya saka inilagay sa camera
mode ang phone. Kung sakaling makalimutan ako ni Ren, at least may ebidensya
ako. Muli ay tiningnan ko ang likod ni Ren. Napakaraming marka ang iniwan ko.
Kinuhaan
ko naman ito ng litrato. Ipapa-frame ko pa ito saka ilalagay sa wall.
Kinuha
ko naman ang brief na tinapon ko at isinuot sa kaniya. Kinuha ko naman ang lion
hat niya na nakalagay sa side table at isinuot sa kaniya. Muli ay nahiga na
lang ako. Hay nako. Kung sino iyung tao sa alaala niya, wala ka ng pag-asa.
Sisiguraduhin ko na everything will fall into place.
Ipinatong
ko na lang ang katawan niya sa katawan ko saka niyakap. Napansin ko naman iyung
life-sized na stuffed toy ng isang leyon na nasa gilid ng kama. Sinikap ko
naman itong abutin at inilagay sa ibabaw ni Ren.
“Hey kid, we are having a
threesome," I jokingly said to the stuffed toy.
Bigla
na lang akong may naalala. And in the end, hindi ko nga pala nagamit iyung
condom na bigay ni Jasper. Next time na lang haha.
Ren's POV
Dinilat
ko naman ang mga mata ko. Ugh! Ang bigat ng pakiramdam ko. Iginala ko- no need.
“Good morning Ren," bati ni Kei.
“Good morning din Kei," bati ko
din. “Teka, ano itong
nakapatong sa likod ko?"
“Iyung life-sized na stuffed toy na
leyon mo. You see, we are having a threesome. Gagawa tayo ng maraming
cub," natatawang wika niya. Napansin ko naman na suot namin ni Kei ang
lion hat na binili namin sa convention.
Bwisit!
Kinilig ako sa sinabi niya ahh. Gagawa daw kami ng maraming cub. Tapos
tinigasan pa ako sa sinabi niya.
“Umm... Ren, na-realize mo ba na nasa
ibabaw kita at ramdam ko iyang ari mo na matigas? Tara at mag-round 2
tayo," pilyong saad niya.
Naramdaman
ko naman na ganoon din siya. “Teka nga, ang
sakit kaya ng ginawa mo tapos round 2? Pwedeng timeout na muna?"
“Well let's have a little aftersex
talk shall we? Nahimatay ka kasi pagkatapos ehh."
“May ganoon? Then ano ang gusto mong
pag-usapan natin?"
“Hmmm... Teka... Ahh... Gusto kong
pag-usapan kung paano mo na-install iyung mga CCTV at iyung lock systen ng
bahay mo. Iyung mga complicated stuffs."
“Nako Kei. Hindi ako ang gumawa ng
lahat ng ito. Ang totoo, iyung mga tauhan ni ninong ang gumawa nitong
lahat," pagsisinungaling ko.
“Sinungaling ka," agad niyang
sabi. Wow. Nabuko niya ako. “Sige na Ren,
sabihin mo na. Boyfriend mo na ako kaya gusto kong malaman ang ilan pang bagay
tungkol sa iyo."
Nag-aalangan
naman ako kung sasabihin ko kay Kei ang isa sa mga sikreto ko. Saka hindi pa
rin nawawala ang suspetsa ko na siya si Mr. Lion. Magpapakita pa kaya si Mr.
Lion? Well boyfriend ko naman siya so ano ang masama? Pasensya na po talaga
ninong at masusuway ko na naman ang isa sa mga pangako ko na huwag ipagkalat
ang sikreto ko.
“Mangangako ka ba na hindi mo ito
ipagkakalat?" paniniguro ko.
“Mukhang mabigat. Sure."
“So paano ko ba sisimulan. I'm a
genius actually. Iyung mga CCTV at iyung lock system sa labas, ako lang ang may
gawa nun."
“Ahh... ahh... Nalaman naman ni Mr.
Schoneberg ang angking katalinuhan mo sa mga bagay-bagay na ganito at... at...
pinatago sa iyo ang kakayahang iyun? Hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit
naman?"
“Delikado kasi ang mga kakayahan na
ganito. Alam mo na. Alam kong exaggerated, pero beyond comparison kasi ang
kakayahan ko kaya pinapatago ni ninong. Naintindihan ko naman kung bakit. Tapos
ito pang kakayahan na magaling mag-hack ng mga kompyuter. Gaya ng ginawa ko
noon sa hacker ng Saint Ambrose University. Nagpadala ako ng virus para burahin
ang mga files at applications sa hard drive niya para masira ang operation
system," paliwanag ko na pinasinungalingan ang ibang parte. Ang totoo kasi
niyan ay common pa lang iyung ginawa kong iyun. Hindi ko na kasi idinetalye
masyado dahil... alam kong hindi naman niya maiintindihan.
“Wow! Siguradong ang malas naman ng
taong iyun."
“Yeah. Malas talaga. I just hope na
iyung hacker na nagtangka sa akin ay hindi ko na makasalamuha o kahit anong uri
ng komunikasyon."
“Sinasabi mo ba Ren na kaya mong
sakupin ang mundo kung gugustuhin mo?"
“Parang ganoon na nga. Close to that.
Pero hindi na lang ako dadagdag sa problema ng mundo. Marami na nga ehh
dadagdag pa ako. Para lang akong naghanap ng atensyon kung gagawin ko iyun. At
saka kapag sinakop mo kasi ang mundo, problema mo pa kung paano pamahalaan. The
fact na buong mundo ehh masakit na sa ulo. Tayo pa nga dito sa Pilipinas ehh
nagrereklamo na kung paano pinapamahalaan ng presidente ang bansa natin.
Naghanap ka lang ng mas maraming sakit ng ulo kapag sinakop mo ang buong mundo.
Tapos sa iyo pa ipapasa ang nga problema," paliwanag ko.
“Hmm... pero ako, sasakupin ko na lang
ang buong mundo," nakangiting wika niya.
“Hindi ako papayag!" balik ko
agad.
“Nako Ren. Tapos na. Nasa ibabaw ko
lang ang sasakupin kong mundo."
Agh!
Ako pala ang mundong tinutukoy niya. Hindi ko nakita ang isang iyun ahh. “Dami mong alam!"
Tumawa
naman siya ng payak. “Namumula ka. At
saka sino kaya sa atin ang literal na maraming alam?"
“Ako na. Kakahiya naman."
“Pero Ren, iyung sinabi ko kagabi,
seryoso ako. Iyung mag-aral ka ng self-defense, para sa sarili mo iyun at para
sa akin din," wika niya habang ginugulo ang buhok ko.
“Magbabasa na lang ako kung paano sa
Google. Magaling magturo si Google lalo na at halos compatible kami."
“Nako Ren. Iba pa rin kapag aktwal
para at least may ideya ka." Napaisip naman siya saglit. “Hindi naman sa aktwal talaga."
“Ganoon ba?"
Nakatitig
na naman ako ng matagal sa mukha niya. Hindi ko talaga alam pero bakit...
parang may nararamdaman akong kakaiba kay Kei. Alam ko naman na umiibig ako sa
kaniya. Pero… iniisip ko
kung para saan ba iyung sinasabi niya kagabi.
「“…
You... Again, Mr," paputol-putol na pagkakarinig ko sa sinasabi niya.」
Ano
kaya iyun? Hindi ko maintindihan pero parang narinig o nabasa ko ang nga
salitang nagmula kay Kei noong gabing iyun. Saka nakita ko siya kagabi na
tumulo ang luha niya.
“Anong problema Ren?" untag ni
Kei.
“Umm... Kei, kagabi, nakita kita o
narinig na may sinasabi. Para saan iyun?" tanong ko.
“Parang official farewell statement sa
kababata ko. Ikaw na ang mundo ko ngayon sabi ko kanina hindi ba? Kahit na hindi
na matutuloy iyung gusto ng tatay ko na matuloy ang pagmamahalan ng best friend
niya sa pamamagitan naming dalawa..."
Hindi
na niya naituloy ang sasabihin niya. Inilapit naman ako ni Kei sa kaniya at
masuyong hinalikan. Bago ako napapikit, may nakita na naman akong patak ng luha
na nagmumula sa mata niya. Ang halik niya. Ramdam ko ang lungkot pero ramdam ko
din ang saya sa halik niya.
Maya-maya
ay naramdaman ko ang isa sa mga kamay niya na pinisil ang puwet ko. Ramdam ko
naman na lumaki ulit ang tarugo niya at pati nang sa akin. Tumigil naman siya
sa paghalik at ngumiti ng maluwang.
“Ren, alam kong masakit ang unang
beses mo sa akin. Pero gusto ko ng isa pa kung okay lang?" tanong niya. “Pramis. Hindi na ito masakit kesa
kagabi. Tama na iyun. Gusto ko maalala mo na pagkatapos ng sakit na naranasan
mo, maranasan mo din ang sarap."
“Sige ba," pagpayag ko.
Pinahiga
naman niya ako ngayon at siya na ang umibabaw sa akin. Nagtaka ako sa ginawa
niya.
“Huh? Gagawin ko ang ginawa mo? Ako
ang papasok ngayon ng marahas sa iyo?" tanong ko.
Tumawa
na lang siya ng payak. “Basta."
Muli
ay hinalikan niya ako. Banayad pero puno ng pagmamahal. Bumaba naman ang halik
niya sa leeg ko. Wow grabe. Kulang na lang ehh copy-paste na ang part na ito sa
sinabi ko kanina. Ang kaso, hindi na gaya ng dati. Nagtatagal siya sa isang
parte saka pababa ito ng pababa. Bakit kaya?
Finally,
sa isa sa mga utong na siya. Pagkatapos ay doon sa isa. Lumipat naman siya sa
ibang parte ng katawan ko. Hindi ko talaga alam kung bakit niya pinapatagal
pero hinahayaan ko lang siya.
Maya-maya
ay may naramdaman ako na may pumasok sa loob ko. Daliri niya ata iyun.
Naglabas-pasok ito sa loob. Kasabay nun ay sinubo niya ang aking pagkalalaki.
Nagulat ako sa ginawa niya at napahawak ako sa ulo niya habang nagpataas-baba
si Kei.
“Kei... Shit! Ahh! Fuck!" ungol
ko. Ang sarap ng ginagawa niya sa ari ko na napapapikit ako. Ito kaya iyung
masarap na pakiramdam na nararamdaman ni Nicko kaya pinapagawa niya ito kay
kuya Jonas minsan?
Ilang
sandali lang ay tumigil siya at naramdaman ko naman na ang ari na niya ang
pumasok sa akin. Medyo masakit pero hindi na ito gaya ng dati. Maya-maya ay
niyakap niya ako.
“Ayos ba?" agad na tanong niya.
Hindi na lang ako nakaimik at tumingin sa ibang direksyon. Tumawa na naman siya
ulit ng payak. “Gusto mo ba ng
madalian? Nako. Alam mo kung bakit? Parang kapag kinakain mo ang fried chicken.
Sinisimot mo iyung bawat parte na nakakain. Ganoon iyun. Gusto ko nga na pati
sa kamay mo kaso iyun nga. Naiinip ka na."
“Ay shit! Bwisit ka!" Ramdam ko
naman na lumaki iyung kanya sa loob ko. “Kei shit!" ungol ko.
“Grabe Ren. Kapag namumula ka sa mga
ganitong pangyayari, alam mo na. Naramdaman mo lang kanina ehh,"
nakakalokong wika niya. Ugh! Ano ba? “Gagalaw na ako," paalam niya.
Nagsimula
na naman kaming magniig sa pagitan naming dalawa. Tama nga siya. Hindi na
masakit gaya ng dati.
Napayakap
naman ako sa kaniya ng mahigpit dahil sa ginawa niya. Puro mura at ungol ang
maririnig mula sa amin. Hinahalikan na naman niya ang leeg ko dahilan na lalo
akong masarapan sa ginagawa niya. At gaya nang nauna, naramdaman ko na lang na
may mainit na bagay ang nasa loob ko.
Naghabol
naman kami pareho ng hininga. Maya-maya ay nagkatinginan na naman kami.
“Ren, I love you very much,"
ngiting wika niya.
Shit!
Heto na naman. Ilang beses na niya bang nasabi ang mga salitang iyun na ako
lang ang nasa isip niya?
“I love you too very much Kei,"
sagot ko.
Maya-maya
ay binuhat niya ako at sabay kaming naligong dalawa. Nagbabad kami sa bathtub.
Siya na ang nagsabon sa akin. Napansin ko naman na may mga marka ako sa
katawan. Ano kaya ang mga ito?
“Kei, ano itong mga marka na nakikita
ko sa katawan ko?" tanong ko.
“Wala iyan. Huwag mong alalahanin
iyan," sagot niya.
Nagpaubaya
na lang ako sa kaniya. Kahit ramdam ko na gusto niya ng isa pang round, sinikap
niyang pigilan ang sarili.
“Palitan ko kaya ang title para pwede.
Gaya ng Nasibak ni Kei," suhestyon niya.
“Ano?" kunot-noong tanong ko.
Tumawa
na naman siya ng payak. “Wala."
Nagbabad
kami ng ilang minuto. Gumagawa naman ako ng bula habang nagpapahinga kami.
Maya-maya ay umahon na kami at binuhat na naman niya ako.
“Nakaraming buhat ka na ahh. Hindi to
League of Legends Kei," reaksyon ko.
“Ang lamya naman ng joke mo. Hayaan mo
ako. Bumabawi lang ako sa sakit na ginawa ko sa iyo kagabi. Ako ang magiging
paa mo ngayon. At saka hindi ka naman mabigat. Kaya kitang buhatin. Kahit buong
araw pa," pagmamayabang niya.
Pagkatapos
naming magbihis ay bumaba na kami. Inihiga naman niya ako sa sofa.
“Huwag kang umupo, tumayo at maglakad.
Siguradong paika-ika ka kung maglakad. Siya nga pala, ano ang gusto mong...
agahan?" tanong niya.
“Agahan?"
Napatingin
naman siya sa wall clock ng sala. Pasado alas dose na pala. “I mean tanghalian."
“Kahit ano basta galing sa iyo. Sure
ako na masarap iyun." Naghubad naman siya ng damit. “Anong ginagawa mo?"
“Ako na lang," wika niya sabay
nakalabas ang dila. Ano daw? Kinuha ko naman ang isa sa higaan ng sofa at
akmang ibabato ko sa kaniya. Ibinalik naman niya ang kanyang damit. “Joke lang."
“Ilang sex jokes pa ba Kei?"
tanong ko.
“More to come," pilyong sagot
niya. Ay pota. Double entendre joke ata iyun ahh.
Umalis
naman siya at pumunta sa kusina para magluto.
“Paano mo pala ako susubuan?"
pasigaw na tanong ko.
“Ay oo nga pala," rinig kong
reklamo niya... at narinig ko nga iyun. “Sigurado naman ako na hindi subo iyung
iniisip ko ang iniisip mo. Susubuan na lang kita diyan sa sofa."
“Pero baka madumihan ang sofa."
“Okay lang iyun. Hindi naman ikaw ang
naglalaba."
“Technically, sa isang buwan,
oo."
“I mean ako ang maglalaba just in case
na madumihan?"
Ohh.
Marunong pala siya ng ibang gawaing bahay. Maya-maya ay tumunog ang phone ko.
Tiningnan ko naman kung anong meron.
“Lagot," nasabi ko na lang.
“May problema ba?" pasigaw na
tanong niya galing sa kusina.
“Umm... yeah. Malaki in fact. Isang
Epic Boss Grade actually?" pagsasalaysay ko.
“Anong ibig mong sabihin?"
“Nasa labas ng gate si ninang."
“Ohh..."
“Umm Kei, lagot ako nito. Anong
gagawin natin?" nag-aalala kong wika.
Dumako
naman siya dito sa sala habang nagpupunas ng kamay. Parang papatay lang ng tao
ahh.
“Well papasukin mo siya. Ninang mo
siya kaya papasukin mo siya. Bring it on," matapang na wika niya.
Wow.
Kinakabahan ako sa gagawin ko. Tinanggal ko naman sa pagkaka-lock ang gate
gamit ang phone ko.
Keifer's POV
Humugot
na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Siguradong hindi ito inaasahan
ni Ren na mangyayari. Kahit ako. Lagot. Ano kaya ang magiging reaksyon ng
guardian niya kapag nalaman nila ang kalagayan ni Ren? Marami akong iniwan na
kiss marks sa katawan niya... lalung-lalo na sa mga lugar kung saan madali
itong makita... at hindi alam iyun ni Ren. Siguradong masakit pa ang puwet niya
ngayon kaya mahihirapan siyang maglakad at hindi siya magiging komportable
kapag umupo. Dapat kasi nagdala ako ng ointment para sa puwet niya. Patay
talaga kami nito. Kung ako ang guardian niya at nalaman ko na ganito ang
kalagayan ni Ren, ano ang gagawin ko? Natural hayaan ko na lang siya. Kaso ako
iyun. Hindi ko alam ang ugali ng asawa ni Mrs. Schoneberg. Ni hindi ko pa nga
ito nakikita. Malaki ang tyansa na ipaglalayo kami ng guardian niya kapag
nalaman nila. Lagot. Bahala na.
May
pumasok namang... isang babae... na halimaw... wow. Ito ang unang impresyon ko
sa ninang ni Ren. Ito ba talaga ang nanay ng mga magkapatid na Schoneberg?
Hindi ako makapaniwala. Baka adopted lang sila? At ang pananamit niya... baka
ito ang nanay ni Lady Gaga? Hindi ko mai-describe sa sarili ko kung ano ang
suot niya. Basta ang alam ko ehh kapag dumating dito ang fashion police ay
diretso bilibid ang taong ito... o kaya Alcatraz, at hahatulan ng Reclusion
Perpetua. Tawagan ko na kaya ang fashion police?
Lumapit
naman ito sa sofa na pang-isahan at umupo. Nilibot naman nito ang mata at
pabalik-balik ang tingin sa amin ni Ren.
“Magandang tanghali po ninang,"
bati ni Ren.
“Magandang tanghali din po," bati
ko din.
“Magandang tanghali din sa inyo. Sino
to Ren?" tanong na nito.
“Ako nga po pala si Keifer Salvador.
You can call me Kei. Kinagagalak ko po kayong makilala," pagpapakilala ko.
“Please. Tawagin mo na lang akong
Madame Veronica," pagpapakilala sa sarili niya. Ugh... hindi bagay.
Tiningnan
naman ako nito ng masama. Mukhang nababasa ata nito ang iniisip ko. Kailangan
kong magpa-impress kasi anytime ay malalaman niya na may relasyon kami ni Ren.
“Madame Veronica. Napakaganda ng suot
ninyo po ngayon. Naalala ko po tuloy ang isang produkto ng isang sikat na
kumpanya sa suot po ninyo," pamumuri ko.
“At anong sikat na kumpanya iyan
aber?" tanong niya.
“Umm... Victoria's secret po?"
sagot ko.
“Victoria's Secret? Hindi ba puro
lingerie lang iyung produkto nila?"
“Hindi lang po iyun ang mga sikreto
nila Madame Veronica. Ang totoo po, marami pa po silang mga sikreto at hindi
lang po ito lingerie," pagdadahilan ko na puno ng kumbiksyon sa sinabi ko.
“Ganoon ba?" Halata naman sa
mukha nito na nakumbinsi sa sinabi ko. “Okay. Well Ren, bakit ka nga pala nakahiga
diyan? Tinatamad ka ngayon araw na ito?"
“Yeah. Mukhang maganda ang araw na ito
para magpahinga," sagot ni Ren. Tumunog naman ang sikmura ni Ren.
“Kumain ka na ba Ren? Tara at kain na
tayo," yaya ng ninang niya.
“Madam Veronica, mauna na po kayong
kumain?" sabat ko.
“Ay Ren. Magtatampo ako niyan sa iyo
kapag hindi tayo sabay kumain," nguso nito. Wala kaming magagawa.
Nagkatinginan
naman kami ni Ren. “Sige po ninang.
Kei, ihanda mo na ang mesa," utos niya.
“Okay lang ba?" bulong ko.
Tumango naman ito.
Pumunta
naman ako sa kusina at inayos na ang mesa. Nakita ko na tumayo ang ninang niya
at umupo sa isa sa mga upuan. Tumayo si Ren at sinikap nitong maglakad ng
tuwid. Umupo siya sa tabi ko. Inihain ko naman ang ulam namin para sa araw na
ito. Afritada. Umupo na rin ako sa hapag-kainan.
“Wow. Paborito mo ito Ren hindi
ba?" reaksyon ng ninang niya.
“Yeah," sagot ni Ren.
“Naalala ko. Kei, ikaw ba iyung
nagluto ng pagkain para kay Ren? Iyung miswa na may mga gulay?"
Huh?
Tumungo naman si Ren pero nanlilisik ang mata niya na nakatingin sa baba. Ano
kaya iyun? “Ahh. Opo. Ako
po ang nagluto nun," pagtatakip ko.
Nag-angat
naman ng tingin si Ren at tiningnan ako. Kinindatan ko naman siya.
“Salamat nga pala sa pag-aalaga mo kay
Ren. Alam mo namang loner itong taong ito. Siya nga pala, kilala mo ba
ako?" wika nito na may pagtataray sa boses.
“Ang totoo po niyan, hindi po. Maliban
po sa pangalan ninyo Madam Veronica?" maang ko.
“Better. Keep it that way. Let's
eat."
Nagsimula
naman kaming kumain. Pero something is weird. Sigurado naman ako na by now,
nakita na niya ang mga tsikinini ni Ren sa leeg niya. Ano ang binabalak niya?
Hahayaan niya lang? O baka naman pag naghiwalay kami ni Ren ay doon niya ako
susugurin at tatapusin? Ano kaya ang pinaplano ng bruhang ito? At isa pa, anong
miswa na niluto ko daw para kay Ren? Sa mga oras na ito, dapat maging kalmado
ako. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kapag hindi ako kalmado.
Natapos
naman kaming kumain at dumako kaming lahat sa sala. Nakaupo naman ang ninang
niya sa pang-isahan na sofa. Humiga naman si Ren ulit sa mahabang sofa. Umupo
ako sa gilid ng hinihigaan niya.
“Sabihin niyo, kelan kayo aamin kung
ano ang relasyon niyo sa isa't isa?" seryosong pagtanong nito. Hindi na
ako nagulat.
Kita
ko naman na hindi mapakali si Ren at naguguluhan. “Umm... ninang, ang totoo po niyan
ehh."
Tumayo
naman ang ninang niya at lumapit sa kaniya. Inangat naman nito ang t-shirt ni
Ren. “JESUS MARIA
JOSEPH! OH MY GOD! SANTISIMA TRINIDAD! ANG DAMING TSIKININI NAMAN NIYAN!"
reaksyon nito sa nakita. Dapat nagtawag na siya ng santo... para sa sarili
niya. Ang OA ha.
“Ano pong tsikinini?" inosenteng
tanong ni Ren.
“Hoi ikaw! Ano ang binabalak mo kay
Ren? Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong pa nito sa akin na may halong
pagbabanta. “Sagutin mo ng
maayos ang tanong ko at huwag mong idadaan sa mabulaklak na salita."
“Nagniig po kami ni Ren kanina,"
direktang sagot ko. “At hindi lang
po basta sex. With love pa po," dagdag ko. Huwag daw idaan sa mabulaklak
na salita ehh. Sinuntok naman ako ni Ren sa tagiliran ko.
Tumalikod
naman ang ninang niya sa amin at sinasabunutan ang sarili. Nabaliw na ba ito sa
nalaman niya? Humarap naman ito sa amin habang nakahawak sa ulo. “So ano ang relasyon ninyo?"
“Ang totoo po niyan ninang, boyfriend
ko na po si Kei," sabat ni Ren. “Huwag niyo po kaming ipaglayo,"
mangiyak-ngiyak nitong pagkakasabi.
“Alam na ba ito ng ninong mo?"
tanong ng ninang niya. Binigyan naman nito si Ren ng isang iling. “Nako Ren. Huwag ganito. Bakit mo
itinago ito sa amin? Kapag nalaman ito ng ninong mo, siguradong-"
“Hindi niyo naman po ito sasabihin
ninang hindi ba?" pagputol ni Ren.
“Alam mo naman ang kaso kung bakit
kailangan malaman ng ninong mo ang mga bagay-bagay hindi ba? Sandali nga Ren,
meron ka pa bang hindi sinasabi sa amin?"
“Ninang, sinabi ko na ang lahat kay
Kei."
Muli
ay tumalikod ulit ito at nasapo ang ulo sa mga narinig. Humarap naman ulit ulo
at tumingin naman ang ninang niya sa akin ng mariin. “Kei, usap tayo," wika nito sabay
turo sa labas ng bahay.
Nauna
naman itong lumakad papunta sa labas ng bahay. Tumayo naman ako at lumuhod sa
gilid ni Ren.
“Grabe ka. Hindi talaga dinaan sa
mabulaklak na salita? Literal?" ismid niya.
“Kung ako sa iyo, huwag mo na akong
pagalitan. Baka hindi na tayo magkita pagkatapos nito," wika ko habang
hinihimas ang ulo niya.
“Kei naman. Iniisip ko pa lang,"
mangiyak-ngiyak nitong sabi.
“Huwag kang mag-alala. Kung ito ang
huli nating pagkikita, gagawa ako at gagawa ng paraan para magkita pa rin
tayo."
“Bakit ka kalmado sa mga oras na ito?
Hindi ba dapat nagpa-panik ka na?"
“Hindi makakatulong ang pagpapanik. At
isa pa, hindi bagay sa ugali ko ang umiyak sa mga ganitong pagkakataon. Hindi
ka naman namatay or whatsoever. Bakit ako iiyak? Aside na goodbye na ako sa sex
life ko for some reasons, at least naman Ren, iyang puso mo, akin na. Sigurado
akong walang makakaagaw niyan kasi ako na ang nilalaman niyan tama?"
Sinikap
naman ako nitong yakapin sa kabila ng pagkakahiga niya sa sofa.
“I love you Kei," mangiyak-ngiyak
nitong sabi.
Gumanti
naman ako ng yakap dito. “I love you din
Ren. Huwag ka ng umiyak. Hindi pa ako patay."
Kumalas
naman ako sa pagkakayakap at binigyan siya ng isang halik sa noo. Kung ito ang
huling araw natin ngayong bakasyon, hindi ko ito pinagsisisihan. Mahal na mahal
kita Ren. Maaring pagkatapos nito ay ilalayo ka nila. Pero gagawa at gagawa ako
ng paraan. Kahit magsuot pa ako ng maskara ng isang leyon.
Tumayo
na ako at tumungo na sa labas ng bahay. Pagkalabas ko sa gate ay may nakita
lang akong van na naka parada at lumapit ako. Bumukas naman ito at pumasok ako.
Sinara ko naman ang pintuan ng van.
Wow.
Parang masama ang pakiramdam ko sa setting na ito ahh. Isang halimaw at isang
normal na bata sa isang sasakyan. Nasa Taken movie na ba ako? Take note.
Halimaw edition.
“Bakit ang tagal mo makarating dito?
May trapik?" matapang na tanong nito. “Kung sinabi na sa iyo ni Ren ang lahat,
hanggang saan lang ang nalalaman mo?"
“Everything."
“Then alam mo ba ang tungkol sa sakit
niya?"
“A-Anong sakit?" pautal-utal kong
tanong.
“Mukhang mahal na mahal ka ata ng
inaanak ko. Kapag nalaman mo ba ang sakit niya, mamahalin mo pa kaya
siya?"
“Bakit niyo po sinasabi sa akin ang
mga bagay na ito Madam Veronica? Gusto niyo bang layuan ko siya?" kalmado
kong saad.
“Hindi sa ganoon. Sinasabi ko ang mga
bagay na ito dahil mahal ko ang inaanak ko. Kahit hindi ko tunay na anak si Ren
o kadugo, itinuring na namin siya bilang isa sa amin. Kaya kung mahal mo talaga
ang anak ko, kailangan malaman mo ang lahat sa kaniya."
“Maari niyo po bang sabihin sa akin
kung anong sakit ang kinakaharap niya? Baka sabihin niyo pong AIDS o kaya
Cancer?"
“Mental illness to be exact hijo.
Hindi pa ito alam ni Ren."
“Kaya po ba dito tayo sa labas
nag-uusap dahil maririnig niya po ang pag-uusapan natin kapag nasa loob po
tayo?"
“Tama ka hijo. Kapag nasa loob ka ng
teritoryo ng inaanak ko, lahat maririnig niya. Kahit nasaan ka. Salamat na lang
sa mga CCTV niya."
“Then ano po ba ang meron sa mental
illness niya?
Humugot
naman ito ng isang malalim na buntong-hininga. “May kakaibang mental illness si Ren. Hindi ko
alam kung ano ang tawag sa sakit niya. Basta ito lang ang alam ko. Kapag
nagkaroon ng isang masakit na pangyayari sa buhay niya at hindi niya ito
matanggap, may tyansa na kapag nakatulog siya o hinimatay, sa susunod na araw o
paggising niya, makakalimutan niya ang lahat-lahat ng mga alaala niya."
Nanlaki
naman ang mata ko sa sinabi niya. Anong klaseng sakit iyun? May ganoon ba na
mag-eexist sa mundo natin? Naalala ko naman ang kakayahan ni Ren pagdating sa
mga kompyuter. Hindi kaya sa sobrang katalinuhan ni Ren, ang kapalit nito ehh
magiging mababa ang mental na kapasidad niya? Sa bagay. Para sa akin, hindi na
bago ang mga ganitong kaso. Halos lahat ng mga matatalinong tao na nababasa
natin sa mga libro ay may mga topak din naman sa ulo. Pero itong kaso ni Ren,
bakit ganito ang kaso pagdating sa kanya? Makakalimutan niya lahat ng mga
alaala niya.
“Huhulaan ko po. Defence mechanism po
ito ng utak niya dahilan na magkaroon po siya ng retrogade amnesia?"
tanong ko.
“Oo. Tama ka. Kaya Kei, huwag na huwag
mong sasaktan ang inaanak ko kung hindi..."
“Kikidnapin niyo po ako at itatapon sa
incinerator ng bahay ninyo?" pagputol ko sa sinasabi niya.
Kumunot
naman ang noo niya sa narinig. “Paano mo
nalaman na iyun ang sasabihin ko?"
Confirmed
nga. Nanay nga ito ni Jasper. “Hula ko lang
po," ngiti ko.
“Napansin ko Kei, kalmado ka kung
makipag-usap sa akin. Hindi gaya nung isa sa akin dati. Si Daryll iyung anak
ko, gagawin niya daw ang lahat malayo lang sa akin, makasama lang iyung mahal
niya na si Franz. Hindi ba umakto ka dapat ng ganoon? Magmakaawa na hindi ko
ilayo si Ren sa iyo?"
“Please po... pwede po bang tita na
lang-"
“Madam Veronica," pagputol nito
sa sinasabi ko. Hindi po bagay kung alam niyo lang.
“Please po Madam Veronica. Sa totoo
lang po, handa po ako sa magiging desisyon ninyo kung ilalayo niyo sa akin si
Ren. Fine. Pero kapag ginawa niyo po iyun, baka back to zero na naman po kayo.
Pero kung hindi, gagawa at gagawa po ako ng paraan. Marami na po akong plano na
nakahanda po dito sa utak ko. At isa pa po, nagmamahalan po talaga kami.
Makakagawa ako ng makakagawa ng paraan para lang masundan ko siya,"
kalmado kong paliwanag.
Nagkaroon
naman ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Kinuha ni Madam Veronica ang
phone at palagay ko ay tumingin sa orasan ng phone niya.
“Wala akong magagawa. Grabeng mga
kabataan kayo. Kapag umibig ehh sobra-sobra. Kung hindi tatakas sa pamamagitan
ng bintana, meron namang boy scout dito na handa sa maaring mangyari,"
wika niya.
“Ganoon lang po talaga kami kapag
umibig. Salamat din po sa pagtitiwala sa akin ng mga bagay tungkol po kay Ren.
Nagkaroon po ako ng isa pang dahilan para po hindi siya ipamigay kanino pa man.
Hinding-hindi ko na po siya bibitawan."
“Siya nga pala, sa Academe ka din ba
nag-aaral?" biglang tanong nito.
“Opo. Medicine po ang kinukuha
ko," sagot ko.
“Maghahanap ka ba ng gamot para sa
sakit ng inaanak ko?"
“Nako po. Mahirap po ang mga bagay na
ganoon. Hindi po kami magkasingtalino. Ang masisiguro ko lang ay gagawin ko ang
lahat para lang sa kaniya."
Natapos
naman kaming mag-usap at bumalik na ako sa sala kung nasaan si Ren. Uuwi na daw
si Madam Veronica at hindi na daw ito magpapaalam kay Ren. Nakatulog na pala
ito sa kahihintay sa amin. Ngayon, alam ko na.
Naisip
ko naman bigla kung paano isang araw ay mawala lahat ang alaala niya? At isa
pa, kung sino daw ang madalas iniisip ng isang tao bago siya magkaroon ng
Amnesia, iyun daw ang mahirap... alalahanin. Pambihira.
Dahil
sa mga nalaman ko, parang may nag-iba sa akin. Masuyo ko naman hinalikan sa
labi si Ren kahit natutulog siya. Gusto kong mag-iwan ng maraming marka sa
kaniya. Maraming-marami. Ang pagnanasa ko kay Ren, mas lalong lumalala. Bumaba
naman ako ng halik dito at naririnig ko na siyang umuungol.
“Ha! Kei."
Natigil
naman ako sa paghalik. Pambihira. Dapat pigilan ko ang sarili ko. Pero hanggang
kailan?
Dinilat
naman nito ang kanyang mata at nilibot ni Ren saglit ang paningin niya sa
paligid. Namumula siya.
“Kei, seryoso? Parang gusto mo pa ng
isang round ahh?" nahihiyang tanong nito.
Oo.
Gustong-gusto ko pa. Ang totoo, gusto ko pa ng maraming beses. Tatlong beses sa
isang araw? Hindi. Apat. Lima. Bakit kasi nalaman ko pa ang katotohanang iyun
na ganoon pala tunay niyang kalagayan? Hindi dapat ganito. Alalahanin mo Kei.
Hindi Nasibak ni Kei ang title nito. Umayos ka!
“Hindi naman. At tsaka nakadalawa na
ako kanina. Hindi naman ako abusadong tao," pagsisinungaling ko.
“Si ninang?" tanong niya.
Umiling
na lang ako at naglakad papunta sa kusina para maghugas ng pinagkainan. “Hindi na siya nagpaalam kasi nadatnan
ka na namin na natutulog. At saka wala namang problema kay Madam Veronica ang
relasyon natin. Isa pa, hindi na niya muna sasabihin kay ninong since nasa Hong
Kong pa ito," sagot ko sa tanong niya.
“Anong meron at umiling ka bago mo
sinagot ang tanong ko? At saka komportable ka na ata na tawagin si ninang na
Madam Veronica ha."
“Baka kapag hindi ko siya tinawag na
ganoon ehh hindi niya ma-feel ang role niya... bilang isang naiibang
kontrabida?" nakakalokong wika ko. Natawa naman kami pareho ng payak. “Maiba ako, ano iyung sinabi niya na
ako daw ang nagluto ng misua?"
Wala
naman akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Nanahimik siya bigla? Nakatulog kaya
ulit siya? Nagsimula naman akong maghugas ng pinagkainan.
“Umm... Kei, paano ko ba ito
sasabihin," wika niya na may tono ng pag-aalangan.
“Ayaw mo bang pag-usapan natin?"
naitanong ko.
“Yeah."
“Hindi naman siguro iyan nakakasira ng
relasyon natin hindi ba?" natatawa kong tanong.
“Not at all. It's just... me... and
me... for sure," paputol-putol niyang sabi.
“Ren, pwede mo naman i-share sa akin
iyan. Hindi sa inaabuso ko ang kapangyarihan ko bilang boyfriend mo... na
ginawa ko na ata pala kanina, pero... well if you want. Sigurado ka ba na hindi
naman iyan masyadong mabigat?"
“Huwag kang mag-alala Kei. Hindi
naman," wika niya at palagay ko ay nakangiti siya sa tono ng pananalita
niya. “Hindi naman
kasingbigat mo pagdating sa ranked game."
“Wow ha. Pinamukha talaga. Sige na. Ako
na ang Bronze Forever," pagbibiro ko.
Hmm...
ano kaya ang tinatago ngayon sa akin ni Ren? Sabi naman niya na hindi mabigat.
Pero parang...
Ren's POV
Iniisip
ko, paano kung mali ang hinala ko. Baka kapag sinabi ko kay Kei ang bagay
tungkol kay Mr. Lion... Ugh! Ang sakit sa ulo. May mga bagay pa akong kailangan
malaman kay Mr. Lion. Sa tingin ko ehh tatanggalin ko na sa listahan na si Kei
ay si Mr. Lion.
“Ren, napapansin ko iyang tsikinini sa
leeg mo noong isang araw. At noong isang araw pa. At noong isang araw pa. Mali.
Araw-araw?" salaysay ni kuya Blue.
Hindi
naman ako makasagot sa sinasabi sa akin ni kuya Blue. Nalaman ko na din sa
wakas ang depinisyon ng tsikinini. Tanga lang.
Ilang
araw na ang nakalipas simula nang bumisita si ninang sa bahay ko. Kasalukuyan
naman kaming nasa Music Room.
“Bakit nga pala itong tsikinini sa
leeg ko ang pinag-uusapan natin? Gayahin niyo kaya si kuya Joseph na hindi ako
pinapansin at nagtitipa lang ng gitara sa isang sulok? Makita lang ako ehh
magagalit na," sabay turo ko dito.
Tumingin
naman sa relong pambisig si kuya Jonas. “Sabihin mo iyan kay Paul. Hindi siya maagang
pumunta ngayon. Hindi naman dating ganoon iyung taong iyun ahh? Bakit
kaya?"
“Hindi niyo pa ba alam? Break na sila
ni Sarah," sabat ni kuya Ethan na nagtitipa ng gitara sa hindi namin
kalayuan.
“Hindi magandang balita iyan para sa
akin," agad na reaksyon ko sa narinig.
“Bakit naman?" tanong ni kuya
Jonas.
“Kung natatandaan niyo noong
Valentine's Day, parang sinumpa ko ata siya."
「“Nako
kuya Paul. Huwag kang magsalita ng tapos. Sabihin na nating may girlfriend ka.
Sa tingin mo ba ehh hindi darating ang araw na magkakaroon kayo ng problema sa
inyong relasyon na magiging dahilan ng paghihiwalay niyo?" matapang kong
saad. “Tapos biglang
malalaman na lang namin na may boyfriend ka na or may gusto ka sa isang lalaki.
Good thing. Kinain mo ang mga sinasabi mo, may bonus pang ice cream."
Hinawakan
naman ako ni kuya Paul sa kwelyo ng aking uniform at inambahan. Pipigilan sana
siya nila kuya Ethan at kuya Jonas kaya lang, sumenyas ako na okay lang. Teka,
lasing na kaya ito si kuya Paul?
“I'm just stating the possible facts.
Bakit ka nagagalit?" tanong ko rito.
“Ewan!" singhag nito saka ako
binitawan. Lumayo naman ito sa akin.」
“So naging propeta ka na rin pala Ren?
Ngayon, sinong lalaki kaya ang maswerteng tao na makakatuluyan ni Paul?"
tanong ni kuya Jonas.
“Ako, may bet na ako kung sino. Kaso
hindi pa ako sigurado. At lalaki siya. Palagay ko ehh napana na siya ni
kupido," sagot ni kuya Blue.
“Kuya Blue, hindi po nakakatulong ang
sinasabi ninyo," reaksyon ko agad matapos malaman na lalake pala ang ang
bet ni kuya Blue na magkakagusto kay kuya Paul. “Baka mamaya, kung ano ang sabihin ko ngayon
ehh magkakatotoo in the future."
“Sampal Ren. Gusto mo?" banta ni
kuya Jonas.
“Sandali nga lang, lumalayo na tayo sa
topic. Bumalik tayo kay Ren at ang araw-araw na tsikinini sa leeg niya,"
pagbabalik ni kuya Blue sa topic.
“Hindi ito tsikinini kuya Blue. Kagat
lang ito ng isang insekto," sarkasmo kong wika.
“Ingat-ingat din Ren. Mamaya ehh
mabuntis ka niyan," natatawang biro ni kuya Jonas. “Selosong tao ba si Kei? Sobra naman
ata ang pagka-possessive niya. Huhulaan ko. Sa ilalim ng mga tela ng damit mo,
may tsikinini ka pa diyan."
Nahiya
naman ako sa sinabi ni kuya Jonas. Tama kasi siya. May tsikinini ako sa ilalim
ng mga damit ko. Sa tuwing nagniniig kami ni Kei, lagi siyang nag-iiwan ng
marka sa katawan ko. Hinahayaan ko naman siya sa mga gusto niya mangangyari.
Bakit kaya naging ganoon si Kei? Dahil kaya doon sa nagsinungaling lang ako ng
isang beses tungkol sa misua?
“Seryoso? Itaas mo nga Jonas,"
utos ni kuya Blue.
Sumunod
naman kuya Jonas at itinaas ang suot kong damit. Agad ko itong ibinaba agad.
“Ano ba kayo? May mga boyfriend naman
kayo ahh. Magpalagay din kayo kung gusto niyo!" asik ko.
“Hindi mo ba alam Ren na may ibig
sabihin ang mga halik sa iba't ibang parte ng katawan?" wika ni kuya
Jonas.
“Sabihin mo nga? Ano ang ibig sabihin
kapag sa ari humalik?" biro ko agad dito. Agad naman akong binatukan ni
kuya Jonas. “Aray!"
Hinimas-himas ko naman ang ulo na binatukan niya.
“Oo Ren. Seryoso. May ibig sabihin ang
mga halik sa iba't ibang parte ng katawan," pagsang-ayon ni kuya Blue. “Sa lips, pagmamahal. Sa neck,
attachment. Sa lalamunan, craving. Sa hips means pag-aari. Sa kamao,
pagtitiwala. Sa pulsohan, kagustuhan."
“Iyun pala ang sayo Blue. Sa akin
kasi, may katapat na sinasabi. Sa labi, mahal kita. Sa balikat, gusto kita. Sa
kamay, hinahangaan kita na may pagmamahal. Sa pisngi, ang kyut mo. Sa noo,
habang buhay akin ka. Sa leeg, tayo lang para sa isa't isa. Sa tenga,
nalilibugan ako. Sa bandang tyan, kay susan tayo," paliwanag ni kuya
Jonas.
“Kay susan? Ahh," nasabi ko na
lang. “Kapag naglagay
pa siya ng marka sa tyan, bewang at leeg, ehh may extreme ba na ibig sabihin
iyun?" Nagkibit-balikat naman sila kuya Blue at kuya Jonas.
“Isang bagay lang ang sigurado. Isa sa
mga araw na ito, mabubuntis ka," biro ni kuya Jonas. Tumawa naman silang
tatlo ng payak.
“Ano ba ang ginagawa niyo ni Kei sa
bahay mo?" tanong ni kuya Blue.
“Ahh... ano nga ba. Naglalaro kami ng
arcade games, pinagluluto niya ako ng pagkain, tapos kapag matutulog, magkatabi
kami. Then kapag naliligo, sabay kami. Tapos kapag papunta na ako dito,
yayakapin niya muna ako at hahalikan sa leeg," sagot ko.
“Iba talaga kapag namumuhay ka ng
mag-isa hindi ba Ren?" makahulugang wika ni kuya Jonas.
“Siya nga pala. Bakit walang nagsabi
sa akin iyung tungkol sa..." Ngumuso naman ako kay kuya Joseph.
“Ha? Akala ko sinabi na sa iyo ni
Jonas?" Si kuya Ethan.
“Akala ko naman sinabi na sa iyo ni
Blue," pagpasa ni kuya Jonas.
“Akala ko sinabi ni Jonas," wika
ni kuya Blue.
“Banda moments," wika naming
apat. Natawa na lang kami ng payak saglit.
“Bakit Ren? Ano ba ang alam mo?"
tanong ni kuya Blue.
Umiling
na lang ako bilang pagtugon. Ayoko magsalita haha. Baka magulo ko pa ang mundo
kapag ginawa ko iyun. Siguro hayaan ko na lang ang tadhana ng mga taong ito.
Doon naman sila naniniwala ehh.
Bumukas
naman ang pintuan at niluwa nito si kuya Paul. Ibinaba naman nito ang mga gamit
niya at tumungo agad sa drum set.
“Nandito na pala si Paul," wika
ni kuya Jonas.
“Paul, musta ang lakad mo
kagabi?" tanong ni kuya Blue.
“Okay lang naman," sagot ni kuya
Paul. “Tama nga ang
sinabi niyo ni Ren. Mukhang magagaling iyung ‘The Gravity'. Pero exaggerated naman si Ren
noong sinabi niya na magaling iyung drummer nila. Mas magaling pa ako doon.
Ulol!"
“Sinabi ko ba kung saan magaling ang
drummer nila? Sabi ko lang magaling. Naputol kasi noon ang sasabihin ko na
magaling ang drummer nila... sa pakikipag-away," ganti ko.
“Paano mo nasabi? Nakipag-away ka ba
sa drummer nila?" gulat na tanong ni kuya Jonas.
“Parang ganoon na nga. Pero hindi
naman iyung tipong nakipagsapakan ako sa taong iyun. Counted ba iyun? Basta.
Nasa Acoustic Maysha Bar kami ng mga kaibigan ko. Papunta ako noon sa CR nang
bigla kong nasarhan ang kaibigan niya. Lumabas ako para humingi ng dispensa
doon sa kaibigan niya sabay sinugod na niya ako. Bumitaw siya ng isang suntok
sa akin at buti na lang, nailagan ko iyun. Tilapon ako kung tumama sa akin
iyun. Laki pa naman ng katawan ng taong iyun," paliwanag ko.
“Hindi ka pinagtanggol ng kamag-anak
mo?" biro ni kuya Ethan.
“Blue, pwede bang half-day lang tayo
ngayon? May kailangan kasi akong puntahan ehh," pakiusap ni kuya Paul.
“Tamang-tama. Ako din. May pupuntahan
kami ni Nicko," dagdag ni kuya Jonas.
“Apat na boto sa oo. Majority
wins," saad ko.
“Saan galing ang isa?" tanong ni
kuya Blue. Tinuro ko naman si kuya Joseph sa isang sulok.
Tumingin
naman ito sa akin saka tiningnan ako ng masama. “May sinabi na ba ako? Pumayag na ba ako?
Bigwasan kita diyan!" asik ni kuya Joseph sa akin.
“Oo daw," deklara ko.
“Joseph, huwag mong pag-initan itong
si Ren. Nakita mo lang iyung tsikinini niya sa leeg," pagdipensa sa akin
ni kuya Jonas.
“Ako din Ren. Huwag mo nga ako
kausapin ni lapitan. Bad trip ako tuwing nakikita kita. Dagdag pa iyang
tsikinini sa leeg mo," dagdag ni kuya Paul.
“Tumahimik kayo mga bitter. Wala lang
kayong sex life ehh," ani kuya Jonas.
Bumukas
naman ulit at pintuan at niluwa nito si ate Erika.
“Hi guys," bati ni ate Erika sa
amin sabay upo sa sofa.
“Ayan. May audience na tayo. Magsimula
na tayo guys. Half-day lang tayo," deklara ni kuya Blue.
Pasado
2 o'clock na ng hapon ng pinauwi na kami ni kuya Blue. Ugh! Ang init. Uuwi pa
ba ako?
Kinuha
ko naman ang bike saka nagsimula ng tahakin ang daan pauwi sa bahay. Ugh! Ang
init talaga. Bakit hindi humahangin? Kung hindi ako kasali sa Music Club,
panigurado na nasa loob lang ako ng bahay, nagpapahinga, chill lang. Pero enjoy
naman ako simula ng sumali ako sa Music Club. Kahit na may dalawa na ayaw sa
akin. Pero at least...
Nakauwi
naman ako sa bahay. Sa wakas! Nauuhaw na ako. Naliligo na ata ako sa pawis
kanina pero bakit wala ng pawis sa buong katawan ko ngayon? Kinuha ko ang phone
sa bulsa ko. Ay! Tinatamad ako.
Ibinalik
ko naman ang phone. Lumingon-lingon muna ako sa paligid para siguraduhin na
walang tao sa paligid. Okay. Sabay-sabay ko naman pinindot ang mga numerong 1
at 3, at ang mga simbolong * at #. Override command. Natanggal sa pagkaka-lock
ang maliit na gate. Agad naman akong pumasok sa loob.
“Andito na ako Kei!" sigaw ko.
Keifer's POV
“Nandito ka na pala Ren!" sigaw
ko matapos marinig ang boses ni Ren.
Bumaba
naman ako galing sa pangalawang palapag ng bahay ni Ren. Nakita ko na lang siya
na sinasapo ang ulo at... parang... Nakita ko naman pabagsak na siya. Buti na
lang at lumapit ako at sinalo siya. Naramdaman ko naman ang init ng katawan ni
Ren.
“Ay grabe bumagsak ka. Hindi ko
akalain na magseselos ako sa init," pagbibiro ko.
“Enough with the jokes Kei.
Just," nasabi niya lang.
Agad
ko naman siyang binuhat papunta sa kwarto niya. Pagkatapos ay nilagay sa higaan
niya. Inilagay ko naman ang kamay ko sa noo niya. Nilagnat siya.
“Well that escalated very quickly.
Akala ko ehh tinamaan ka lang ng heatstroke. Nilagnat ka na pala Ren,"
wika ko.
“Kei, ang init. Mamamatay na ba
ako?" mangiyak-ngiyak niyang wika.
“Huwag kang over acting. Hindi ka pa
mamamatay."
Hinawakan
naman niya ang kamay ko. “Ayoko pang
mamatay. Kei, huwag mo akong iiwan," pakiusap niya.
“Oo Ren. Pero kailangan kong umalis
para kumuha ng mga gamot at mga ilang bagay para gumaling ka agad."
“Pakiusap Kei. Huwag na huwag mo akong
iwan," muli pa niyang pakiusap.
Mahigpit
ko naman na hinawakan ang kamay niya. “Tandaan mo Ren na magiging isa akong doktor
pagdating ng panahon. Magtiwala ka sa akin."
Naramdaman
ko naman na lumuwag ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Sa buong araw
na iyun, inasikaso ko siya. Tinawagan ko naman si Blue mula sa cellphone niya
na hindi ito makakapunta sa rehearsals nila dahil sa lagnat nito. Palagay ko
ehh hindi uminom ng maraming tubig si Ren.
Isang
araw na ang nakalipas at umaayos na ang kondisyon ni Ren. Nasa kwarto niya ako
nang tumunog ang phone ko.
Ren's POV
Isang
araw na ang nakalipas at umaayos ang kondisyon ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng
tunog ng isang phone. Sa akin ba iyun?
“Kei, kaninong phone iyun?"
tanong ko.
“Phone ko iyun," sagot niya. “Umaayos na ba talaga ang pakiramdam
mo?"
“Oo Kei. Salamat sa pag-aalaga sa akin
Dr. Keifer."
“Mabuti naman Ren. Matulog ka
na."
Inilapit
niya ang kanyang mukha at binigyan ako ng isang masuyong halik sa noo. Ipinikit
ko ang aking mga mata at maya-maya'y nakatulog.
Idinilat
ko ang aking mga mata at iginala ang tingin. Tuluyan na akong gumaling mula sa
sakit ko. Kei? Asaan siya? Hindi ko siya katabi. Lumabas siya?
Bumangon
naman ako at bumaba sa sala at nang may nakitang papel na nakalagay sa lamesa.
“Ren, kung nagtataka ka na wala ako sa
tabi mo, umalis ako. Pasensya na at wala ako sa tabi mo sa oras na gumaling ka.
Sana maintindihan mo. May kailangan lang talaga akong puntahan. Alam kong ikaw
dapat ang priority ko pero itong pupuntahan ko is in a different level sorry.
Sana maintindihan mo. Isa pa, baka nasa labas pa rin ako at natutulog.
Pakibuksan naman ako. Pasensya na talaga at babawi ako sa iyo. Keifer,"
saad ng sulat.
Tumingin
ako sa wall clock at 2:55 am na pala. Lumabas naman ako ng bahay at binuksan
ang gate. Wala akong nadatnan. Ano kaya ang pinuntahan ni Kei?
Naalala
ko naman ang kiniwento sa akin ni kuya Blue. Tungkol sa simula ng love story
nila kuya Aldred. First ever heartbreak niya daw iyun sa una niyang karelasyon
at nag-eemo siya sa gilid ng daan. Tumingala siya sa mga bituwin para buuin ang
imahe nung ex niya. Tapos may nakita daw siyang falling star at humiling siya
na magmahal at mahalin. Tumayo naman si kuya Blue sa gitna ng daan at muntik na
daw siyang masagasaan ni kuya Aldred. How unromantic pero nakakatawa. Ma-try
nga. Pero may Kei na ako? Ma-try ko nga.
Tumingala
naman ako sa mga bituwin at binuo ang imahe... ni... sino ba dapat? Kay Kei?
Bahala na. Binuo ko naman ang imahe ng mukha ni Kei sa mga bituwin. Sakto naman
na may nahagip akong shooting star. Ipinikit ko ang aking mga mata at humiling
kunyare...
“To love and be loved," winika
ko.
Natawa
na lang ako sa sarili. Baka magsalita ang mga bituwin sa akin at sabihing
invalid na ang hiling ko dahil minahal na ako ni Kei at nagmamahal ako ngayon
kay Kei haha.
Pagkatapos
ay napansin ko naman ang lata ng Cali sa gitna ng daan. Sino kayang tarantadong
tao ang nagtatapon ng basura sa daan?
Lumapit
naman ako dito at kinuha ang lata para itapon sa pinakamalapit na basurahan. Sa
gitna ng daan, lumingon-lingon lang ako sa kaliwa at sa kanan. Baka mamaya ehh
may babangga sa akin sa gitna ng daan. At ano ba? Unholy hour na. Sino ang
babangga sa akin sa gitna ng daan? Mamamatay-tao, rapist, tao na may masamang
dugo, kuya Aldred?
Natawa
na lang ako ng payak sa naiisip ko. Iba-iba ang love story ng mga tao.
Makikigaya pa ako.
“TABI!" rinig kong sigaw ng isang
tao.
Hindi
ko namalayan na may motor na malapit nang bumangga sa akin kung saan ako
nakatayo. Hindi na ako nakagalaw sa oras. Iniliko na lang ito ng driver dahilan
para bumangga sa basurahan na nasa gilid ng gate ko. Agad ko naman itong
nilapitan.
“Sasabihin ko pa ba ang obvious na
tanong?" tanong ko.
Itinayo
naman nito ang kanyang sasakyan. “Tarantado! Magtanong ka!" asik nito saka
tinanggal ang helmet.
Natigilan
naman ako dahil sa boses ng taong ito. At ang tabas ng mukha at buhok. Hindi
maaari. Sa lahat ng taong makakasalamuha ko sa oras na ito, si MANGONGOPYA PA
TALAGA!
Itinayo
naman nito ang kanyang motor. Sa mga mga taong hindi kilala ang taong ito,
kopyahin ko muna iyung galing sa Chapter 1. Siya si Allan Mercer. Top 1 ng
klase namin. Katabi ko siya ng upuan. Kaya naman naging top 1 ito sa klase
dahil kumukopya ito sa mga sagot ko tuwing magkakaroon kami ng pagsusulit. Oo.
Isa akong matalinong tao. Hindi sa nagmamayabang ako pero totoo. Tuwing
magkakaroon kami ng pagsusulit, nape-perfect ko kasi ang mga pagsusulit namin.
Sinusulat ko lagi sa test paper ko ang tamang sagot at hinahayaan ko siya na
kumopya. Hindi naman siya masyadong nagpapahalata pero kumukopya talaga siya.
Kapag nakopya na niya, binubura ko ang ibang tamang sagot at pinapalitan ng
maling sagot. Palagi naman niyang ginagawa iyun pero hinahayaan ko lang siya.
Para sa kabutihan ko at kabutihan niya. Well hindi naman ito nagtatanong sa
akin kung bakit ginagawa ko iyun but it's great. Pero ngayon na kinokompronta
na ako ngayon, hindi na.
“Teka, teka? Ren, ikaw ba iyan?"
nakakaloko nitong tanong.
Napansin
ko naman iyung gasgas sa braso niya. May tumutulong dugo. “Mamamatay ka na ba sa sugat na iyan?
Pwedeng ngayon na?" sarkastiko kong tanong.
Tiningnan
naman nito ang braso niya. “Wala ito.
Normal naman ang masugatan. Pwera lang kung hindi mo ako gagamutin. Ibubunyag
ko ang sikreto mo kapag hindi mo ako ginamot. May death wish ako Ren at
siguradong hindi mo gugustuhin ang mangyayari," banta niya.
Wala
naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa sinasabi niya. Alam ko kasi ang
tinutukoy niya.
Bumalik
ako sa loob saka kumuha ng first-aid kit. Pagkalabas ko, nakaupo lang siya
habang nilalagyan ng pressure ang sugat niya. Agad ko naman binihisan ang sugat
niya. Napansin ko naman na hindi siya umaaray sa ginagawa ko at nakangiting
nakatingin sa akin.
“Bakit ka hindi umaaray? At bakit
nakangiti kang nakatingin sa akin?" tanong ko.
“Isa kang naglalakad na anesthesia
Ren. Ikaw lang, naalis na ang sakit ko," sagot niya. Hinigpitan ko naman
ang pagkakatali ng sugat niya. Napapikit siya ng ilang segundo sa ginagawa ko. “Binabawi ko na ang mga sinabi
ko."
“Good."
Lumingon
siya sandali sa likod. “So dito ka pala
nakatira?" tanong nito. Hindi ako umimik. “Potang ina magsalita ka or ibubunyag ko
talaga ang sikreto mo!" asik niya.
“Pwede bang tumahimik ka na lang?
Nakikinabang ka naman sa ginagawa ko ehh."
“So ano ang status natin? Not friends
with benefits?"
“Anong klaseng term iyun?" kunot
noong tanong ko. “Ayan. Okay na
iyang sugat mo."
“Salamat not-my-best-friend,"
ngiti niya.
“Tigilan mo iyan Allan. Ni hindi nga
kita kaibigan."
“Pero may nakaraan tayo," nguso
nito.
“Gago! Wala!" asik ko.
Tumawa
siya ng payak. Tinapik naman nito ang konkretong lupa. “Pwede bang mag-usap naman tayo?
Masaya ka palang kausap kapag nagsasalita. Isnabero ka kasi ehh."
“Iyung mga taong ayokong makausap,
iniisip kong hindi nage-exist. At kasama ka doon."
“You just did Ren," seryosong
wika niya.
Ugh!
Talo ako kapag nakipag-argumento ako sa taong ito.
Tinapik
na naman niya ulit ang konkreto. “Come on. Sit. Tandaan mong ikaw ang may
kasalanan kung bakit ako nadisgrasya."
Wala
naman akong nagawa kung hindi umupo. Dumaan ang ilang minuto at hindi kami
nagsasalita. Tumingin kami sa isa't isa at parehas naman kaming tumawa ng
payak.
“Ano iyung tinatawa-tawa mo diyan?
Huwag mong sabihin na parehas tayo ng iniisip? Hindi tayo soulmates,"
natatawa niyang wika.
“Tanga! Hindi!" asik ko dito na
natatawa. “Naisip ko,
napaka-unromantic naman nung love story nung kaibigan ko na si kuya Blue. Para
sa akin ha. Ganito daw iyung una nilang pagkikita ni kuya Aldred."
“Ahh. Iyung baklang iyun."
Nawala
naman iyung ngiti sa labi ko. “Kailangan
talaga na bakla ang term? Sounds insulting alam mo ba iyun? Wala pa naman akong
kaibigan na kinukutya ang kaibigan ko."
“Pero hindi naman tayo magkaibigan
ehh," wika niya saka tumawa ng payak.
“Oo nga pala. Maiwan na nga kita dito,"
saka tumayo.
“Kapag nag-report ako sa mga-"
Bago matapos ang sasabihin niya ay umupo ulit ako. “Yan. Good boy. So kumusta kayo ng
syota mo?"
“P-Paano mo nalaman?"
“Kung matatandaan mo noong first
performance ng banda ninyo, kinausap kita pero hindi mo ako pinansin. Lumabas
ako at nakasalubong iyung syota mo. Paano ko nalaman na syota mo iyun? Sa
Convention. Kasama mo siya. Sa hindi kalayuan, nakita ko naman na sinara niya
ang pintuan ng comfort room. Kahina-hinala. Akala ko ehh may dumating na tao
para patayin ka. Alam mo na sa mga movie. May isang tao na papatayin ang isang
matalinong tao para matupad ang binabalak nila. Pero lumabas ka ng buo at...
tuwang-tuwa," paliwanag niya. “Sabihin mo, nag-sex kayo doon sa CR?"
diretso niyang tanong.
“At kung nag-sex kami, ano naman sa
iyo?"
“Interesting," ngiti niya. “Alam mo naman na may mga kumakalat na
sex video ng mga tao na gumagawa ng ganoon."
“Nag-iingat naman kami ano."
“So nag-sex talaga kayo?" gulat
niyang tanong.
“Ehh ano nga sayo kung ginawa nga
namin?!" asik ko.
“Wow. Anong meron sa iyo Ren? Ganoon
ka ba ka-hot para magniig kayo sa lugar na ganoon? Hindi ka naman nakaayos gaya
noong Valentine's Day."
Nagulat
naman ako sa sinabi nito. Iyung Valentine's Day disaster na naman. “Alam mo din iyun?"
“May slot pa ba sa harem mo? Pwede
bang sumali?"
“Harem? Kelan pa ako nagkaroon ng
harem?"
“Huh? Si Harry? Kasama siya sa harem
mo hindi ba? May gusto iyun sa iyo ahh."
Nagugulat
na talaga ako sa alam ng taong ito. Baka ito si Mr. Lion?
“Paano mo nalaman na may gusto sa akin
iyun?"
“Kung ikaw Ren ay isang silent
observer, ako naman, isang loud observer. Kahit nakikipagdaldalan ako sa mga
kaibigan ko, napapansin ko ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Kaya nga magaling
ako mangopya sa mga pagsusulit natin," paliwanag niya.
“Parang wala atang kinalaman ang bagay
na iyun." Naalala ko naman kung ano ang ginagawa ko dito sa labas.
Kailangan ko pa bang itanong? “Sandali nga,
nag-aaral ka bang gumamit ng motor?"
“Ahh... oo. Nag-aaral ako. Hindi sana
ako madidisgrasya kung tumabi ka lang," simangot niya. “Sandali lang, nandito ka sa labas
para i-reenactment iyung pagkikita ni Blue at Aldred? Pasensya ka. Ang nakuha
mo ay ang taong kinaayawan mo."
“Huwag kang mag-aalala Allan.
Hinding-hindi kita papatulan," ngiting saad ko.
“Balang araw, kakainin mo iyang
sinasabi mo sabay isusubo mo ito." Tinuro pa nito sa pundilyo ng shorts
niya.
“Paano mo nasabi iyun? Pasensya ka.
May Kei na ako. Hindi na ako maghahanap ng iba. Ehh di ba nga, homophobe
ka?"
Nag-iwas
naman ito ng tingin at tumingala sa langit. “Hindi natin masasabi ang panahon. Ang mga
mangyayari sa hinaharap, hindi natin masasabi. Love can change everything. It's
great thing that can make crazy things happen. May mga taong dating magkaaway,
pumagitna si love sa kanila, naging sila."
Tumingala
din ako sa langit. Oo nga pala. Naalala ko ang nangyari kay kuya Paul.
Naghiwalay na sila ni ate Sarah.
“Kung tinutukoy mo ehh tayo, hindi.
May Kei na ako. Wala atang love story na may boyfriend ka na nga tapos
makikipaglandian... sandali nga? May gusto ka ba sa akin Allan?"
“Wala. Bored lang ako kaya kung
ano-anong bagay na ang nasasabi ko." Ibinaba niya ang kanyang tingin at
ibinaling sa akin. “Siya nga pala
Ren, marunong ka bang mag-motor?"
Ibinaling
ko din ang tingin ko sa kaniya. “Hindi. Sa bike
lang ako. At isa pa, hindi ako magaling at ayaw kong magturo."
“Ang sabihin mo ehh ayaw mo
lang!" asik niya.
“No really. Hindi pa ako nakakasakay
ng motor sa buong buhay ko," ngiwi ko.
Humugot
na lang siya ng malalim na buntong-hininga. “I guess wala akong magagawa kung hindi
magpaalaga sa iyo?"
“HINDI PWEDE!" sigaw ng isang
boses sa hindi kalayuan.
Lumingon
kami para makita kung sino ang sumigaw. Si Kei. Naka-jacket siya at may hawak
na plastic.
“Kei." Tumayo naman ako at
lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang yakap. “Saan ka galing?"
“May pinuntahan lang ako. At saka
bumili ako ng mga bangus para sa kakainin natin ngayon," kumalas siya
sabay angat ng supot na hawak niya. “Magtatanong pa ba ako kung magaling ka
na?" Umiling na lang ako bilang pagtugon. “Sino siya?" turo nito kay Allan.
“Hi. You must be Keifer Salvador? Ang
author ng Top 10 Mysteries ng Schoneberg Academe am I right?" Tumango si
Kei. Inilahad naman ni Allan ang kamay niya. “Again, hi. I'm Allan Mercer. Seatmate,
kaklase, oportunista at may relasyon din kami ni Ren."
Ramdam
ko na kinuyom ni Kei ang kamay niya. “Anong sabi mo?" kalmado niyang tanong.
“Well ang relasyon namin Kei ay It's
Complicated," sagot ko.
“Tama ka Ren. It's complicated,"
si Allan. Tumawa na lang ito ng payak. “Umm... nakakangalay itong ginagawa ko kaya
pwede ka bang lumapit sa akin kung gusto mong makipagkamay?"
“Pwede bang ipaliwanag mo sa akin Ren
kung ano ang complicated sa relasyon niyo?" tanong sa akin ni Kei.
“Ohh please. Hindi niya masasagot iyan
so let me," sabat ni Allan. “Alam ko lang naman ang katalinuhan ng
boyfriend mo. Isa ako sa mga nagtatago ng sikreto niya. Na matalino talaga
siya. At ako iyung seatmate niya na ginagawang top 1 sa klase para matabunan
siya. What a complicated relationship isn't it?" ngiting paliwanag niya. “So ang relasyon namin sa isa't isa ay
not friends with benefits. So hindi ka pa rin ba lalapit para kamayan ako?
Nakakangalay itong ginagawa ko."
“Ang alam ko lang sa friends with
benefits ay sex na walang emosyon na nararamdaman para sa isa't isa."
Lumapit si Kei dito at kinamayan niya si Allan. “Komplikado nga indeed. Nice to meet
you." Bumitaw naman si Kei sa pakikipagkamay. Nagkatinginan naman ang
dalawa saglit. “For some odd
reasons, nagkakilala na ba tayo Allan?" tanong ni Kei.
“Lahat ba ng tao ehh may amnesia? Yes.
Kung naaalala mo, nandoon din ako sa convention last April," sagot ni
Allan.
“Paalisin mo na siya," nayayamot
na sabi ni Kei.
“Wow. Bahay mo? Boyfriend ka lang pero
umaasta kang may-ari dito?" sarkastikong wika ni Allan.
“Kei, ako na ang bahala dito,"
pagpapakalma ko kay Kei.
Ramdam
ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Si Allan kasi ehh.
“Look Kei. Me and Ren, hindi magiging
kami. Kung magtatanong ka kung magiging balakit ako sa pagmamahalan ninyo, ehh
di wow," malumanay na paliwanag ni Allan. “Just so you know, I hate gays. I'm a
homophobic person. But Ren is an exception kasi kailangan niya akong gamitin.
At isa pa, hindi kami magkaibigan okay," seryosong paliwanag niya.
“Ren, magiging okay ka ba sa taong
ito?" Tumango na lang ako sa tanong ni Kei. “Kung ganoon, ano pa ba ang ginagawa
mo dito?"
“Sa nakikita mo, may motor ako pero
hindi ako siguradong makakapag-drive ng maayos. Gusto ko sana na magpahatid sa
bahay ko. Kaso, hindi naman marunong daw mag-motor si Ren. So ang ending, dito
muna ako magpalipas ng magdamag hanggang sa malaman ng mga kasama ko sa bahay
na nawawala ako at hanapin ako," paliwanag ni Allan. “Ay bakit pa ba ako nagdadahilan?
Gusto ko lang magpahatid kay Ren kung okay lang sa iyo Kei? By foot
actually."
Ramdam
ko naman ang animosidad ng dalawa. Teka? Mukhang mag-aaway ang dalawa kapag
hindi ako pumagitna.
“Umm... Allan, pwede bang magpraktis
muna ako? Then iuuwi kita sa inyo," sabat ko.
“Sure. Magpraktis kang mag-motor. Pero
huwag mong sisirain ang motor ko. Kabibili ko pa lang niyan," pagpayag ni
Allan.
“Sure ka Ren ha?" tanong ni Kei.
“Oo naman. Kaya kong matutunan
mag-motor ng wala pang isang oras," sabi ko na puno ng kumpyansa sa
sarili.
“Aba. Magaling," natutuwang wika
ni Allan.
“Sige Ren. Papasok muna ako sa loob
para ilagay sa freezer ang mga isda," wika ni Kei.
“Okay."
Pumasok
na sa loob si Kei. Pagkasakay ko, tinuro ni Allan sa akin ang mga parte ng
motor at kung paano ito gumagana.
“Sigurado ka bang magagawa mo
ito?" nag-aalangan na tanong ni Allan.
“Oo naman. Ako pa."
“Sige nga? Pakita mo sa akin ang
galing mo," paghahamon niya.
Pinaharurot
ko naman ng takbo ang motor.
Keifer's POV
Dumiretso
ako sa kusina ng bahay at agad nilagay ang mga isda na binili ko sa freezer.
Papalabas ay nilagay ko naman ang bag ko sa sofa. Lumabas ako ng bahay ni Ren
para usisain ang ginagawa niyang pagsasanay sa pagsakay sa motor. Nakarinig na
lang ako ng isang harurot ng motor. Si Ren ba iyun? Nilapitan ko na lang si
Allan na nakaupo sa konkretong lupa.
“Galing ng boyfriend mo ahh. Natuto
agad?" pamumuri nito. “Sabihin mo? May
motor ba si Ren sa bahay niya?"
“Wala. Kahit ako nagulat. Ang alam ko
lang ehh bike ang sinasakyan niya."
“Mukhang mabilis akong magpapaalam sa
buhay ko ahh? Mabilis siyang magpatakbo ng motor."
Humugot
na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga. “Pagpasensyahan mo na ako sa inasal ko
kanina Allan," dispensa ko.
“Wala iyun. Naiintindihan naman
kita."
“Matanong ko lang, bakit ka naging
isang homophobic na tao? May ginawa ba silang masama sa iyo?" naitanong
ko.
Tiningnan
na lang ako nito ng mariin. “Paano kung
isagot ko ehh wala namang rason?"
“Ang ganda ng sagot mo ahh. Binibigyan
mo ba ako ng rason para-" seryoso kong wika.
“Hold it!" pagpatlang niya. “Ikaw naman hindi mabiro. Siyempre may
rason ako. Masyado kang seryoso," natatawa niyang sabi. “Kaya ako naging isang homophobic na
tao ay dahil may hinihintay ako mula sa nakaraan. Maliit pa kami noon at lalaki
siya. Sinumpa ko sa sarili ko na hihintayin ko siya at siya lang ang iibigin
ko."
“Ohh. On purpose din. Asaan na itong
taong pinag-uusapan natin?" Sandali lang? Familiar ang ganitong setup na
on purpose ginagawa ang isang bagay.
Tumingin
ulit ito sa kalye. “Masaya na siya
kasama ng minamahal niya. Hulaan mo kung sino. Kilala mo siya. Ang pangalan ng
minamahal niya ay nagsisimula sa mga letrang K, E, at I.
Nagulat
ako sa sinabi niya. “S-Si Ren?"
Napatingin
ulit siya sa akin. “Okay ka lang?
Sa tingin mo ba ehh ikaw lang ang tao sa mundo na may pangalan na nagsisimula
sa letrang K-E-I? Sa bagay. HINDI TANGA!" asik niya. “Miyembro ka ba talaga ng Journalism
Club? Hindi mo kilala si Keith Bernardo? Iyung Vice President ng club
ninyo?"
Keith
Bernardo... huh? Ang Vice President ng Journalism Club. Sa bagay. Hindi lang
naman ako ang tao sa mundo na nagsisimula ang pangalan sa mga letrang K-E-I.
“Pasensya na ulit. Akala ko lang
kasi-"
“NAH~! Okay lang," pagputol niya.
“May suspetya ka
pa rin sa akin na aagawin ko sa iyo si Ren. Get a life would you? Hindi naman
lahat ng lalaki sa kwento ng isang love story ehh may balak na agawin ang
minamahal mo. May ibang tao na may cameo appearance sa isang storya pero wala
naman. Ekstra lang kung baga."
May
point siya. Tama nga naman. Puro lalaki ang mga kasama ni Ren sa Music Club. Ni
isa nga doon ay walang may gusto si Ren... at dahil may sarili silang mga
kwento.
“Naiintindihan ko ang sinasabi
mo."
Nakarinig
kami ng harurot ng isang motor. Tumigil ito sa harapan ni Allan.
“Wow! Ang saya!" natutuwang wika
ni Ren.
“Hoy! Tandaan mo na motor ko
iyan!" asik ni Allan.
“Ang galing mo naman Ren. Marunong ka
agad gumamit ng motor," pamumuri ko.
“Salamat Kei. Ano Allan? Iuuwi na
kita?" tanong ni Ren kay Allan.
“Tumigil ka Ren! Nandito tayo sa tapat
ng bahay mo tapos iuuwi mo ako? Mahiya ka naman sa boyfriend mo," biro ni
Allan.
“Huwag ka ngang mangarap. Iyung motor
mo ang iuuwi ko at hindi ikaw."
“Bumili ka ng sarili mo!"
Tumingin
ako sa relong pambisig. 4am na pala. “Guys, mag-aaway na lang ba kayo diyan?"
sabat ko.
Lumingon
sa akin si Allan. “Tumahimik ka
Kei. Hindi ko kayo kaibigan kaya huwag kayong magsalita sa akin ng
ganyan."
“Oo nga Kei. Hindi naman natin
kaibigan si Allan," dagdag pa ni Ren.
Isinuot
ni Allan ang helmet niya at tumayo saka umangkas sa motor niya. Yumakap naman
ito ng mahigpit kay Ren. Umm... dapat ba akong magselos sa ginagawa niya? Ang
sinasabi ng boyfriend intuition ko ay paghiwalayin sila.
“Makayakap ka ahh," reklamo ni
Ren.
“Nakita kita kung paano magpatakbo
kanina Ren. Mukhang diretso impyerno tayo kapag nagmaneho ka," kumento ni
Allan.
“Sandali lang Ren. Kuha lang ako ng
helmet."
Bumalik
ulit ako sa loob ng bahay at kinuha ang bag ko. Kumuha ako ng asul na helmet
mula dito saka lumabas ulit. Ibinigay ko ito kay Ren na pinapainit na ang
motor.
“M-May helmet ka pala?"
nagtatakang tanong ni Ren.
“Safety first."
Bago
pa niya sinuot ang helmet, kinabig ko naman ang mukha niya papalapit sa akin
saka binigyan ng halik sa labi.
“Umm... guys, nandito ako sa likod
ninyo tapos naghahalikan kayo sa harapan ko," reklamo ni Allan. Kumalas
kami ni Ren. “Alam niyo ba na
ang mga boxers ay bawal makipag-sex bago ang laban nila kasi manghihina sila?
Alam niyo rin ba na may mga tao na nadidisgrasya sa daan dahil nakipaghalikan
sila bago umalis?"
“Hindi tayo magkaibigan Allan kaya
manigas ka. At tsaka ihahatid ka ni Ren kaya huwag ka ng magreklamo. Dami mong
alam Allan. Umalis na nga kayo," mahinahon kong wika. Umirap na lang ito. “Ren, mag-iingat ka."
Sinuot
naman ni Ren ang helmet niya. “Yeah."
Kumuha
naman ako ng P200 sa bulsa ko.
“Hindi na iyan kailangan Kei. Ihahatid
na lang siya ng kapatid ko," wika ni Allan.
“Sige Kei. Aalis na ako. Bye."
Humarurot
naman ng takbo ang motor na minamaneho ni Ren. Sinundan ko na lang ito ng
tingin. Iyung Allan na iyun. Kinuha pa ang konting oras na natitira namin ni
Ren. Sana umuwi agad siya. Umuwi ka ng ligtas Ren.
Ren's POV
Nakarating
naman ako sa bahay ni Allan na tinuro niya at napunta kami sa isang
subdibisyon. Bumaba agad siya sa motor at nag-door bell na agad sa gate. Ang
laki din ng bahay nila.
Nakarinig
naman ako ng motor na huminto sa isang kanto. Nilingon ko ito at nakita ko na
may dalawang tao na nakasakay. Teka? Pamilyar sa akin ang mga taong iyun ahh?
Inayos ko naman ang stand ng motor ni Allan saka nilapitan ang mga taong ito.
Hinubad naman ng mga taong ito ang helmet nila.
“Kuya Blue? Kuya Aldred?" tawag
ko dito.
Nagulat
naman ang dalawa. “Ren?"
sabay nilang wika.
“Naparito ka?" tanong ni kuya
Aldred.
“May hinatid lang akong tao."
Tinuro ko pa ang kabilang kanto kung saan hinatid si Allan.
“Ganoon ba? So okay ka na ba
ngayon?"
“Oo kuya Aldred."
“Ren, ihahatid ka ni," wika ni
Allan habang lumalapit sa amin. Hindi naman ito natuloy magsalita.
“Kilala kita," simangot ni kuya
Blue. “Dito ka pala
nakatira ha.
“M-Magkakilala kayo?" tanong ko.
“Yeah," sagot ni kuya Blue. “Akala mo ba na hindi ko iyun
narinig?"
「“Iyan
iyung sinasabi ko na bakla," rinig kong pangungutya ni Allan kay kuya Blue
noon.」
Pinatunog
naman ni kuya Aldred ang mga kamao niya. “Ano ang gusto mong gawin natin Blue?"
“Teka nga Ren. Magkaibigan ba
kayo?" tanong pa ni kuya Blue.
“Oo," sagot ni Allan.
“Hindi," sagot ko.
“Teka lang Ren. Nagbago na ang isip
ko. From hereon, magkaibigan na tayo," pagbabago ng isip ni Allan.
“Ayoko nga," pagtanggi ko.
“Maging magkaibigan tayo o-"
“Yes kuya Aldred. Magkaibigan
kami," pagbabago ko agad ng isip dahil alam ko na babantaan na naman niya
ako.
“Anong meron at nagbago ka ng isip Ren?"
kunot noong tanong ni kuya Blue.
“Bina-black mail ka niya ata ehh.
Halika at bugbugin na natin," wika ni kuya Aldred habang sinusuntok-suntok
ang sariling kamao.
“Kuya Aldred, kuya Blue, palampasin
niyo na muna ang taong ito. Humihingi na rin ako ng tawad para sa taong
ito," pakiusap ko. “Kapag pumayag
kasi ako sa kondisyon niya, parehas kaming may makakakuha."
“Sabi mo ehh," simangot ni kuya
Blue. “Pero ngayong
alam ko na magkatapat tayo ng bahay, humanda ka talaga sa akin kapag inulit mo
iyun."
“Ren, magpahatid ka na nga lang sa
kanila. Tulog na daw ang kuya ko," irap ni Allan saka tumakbo papasok sa
loob ng gate ng bahay nila kasama ang motor niya.
“Umm... paano ako uuwi?!" sigaw
ko. Aba't ang taong ito?
“Ang sama talaga ng ugali ng taong
iyun," simangot ni kuya Blue.
“Ren, ako na ang maghahatid sa
iyo," pagprisinta ni kuya Aldred.
“Okay lang ba kuya Aldred? Kuya
Blue?" baling ko sa kanila.
“Sige na. Pasado ala-singko na ng
umaga," pagpayag ni kuya Blue.
Sinuot
ulit ni kuya Aldred ang helmet niya at sumakay sa motor niya. Ganoon din ang
ginawa ko. Humawak na lang ako sa likod ng motor.
“Ganda ng helmet ah. Kulay Blue,"
pagpansin ni kuya Blue sa helmet ko. “Sa iyo ba iyan?"
“Kay Kei ito. At saka gusto ko din
itong kulay blue na helmet."
“Ren, kumapit ka. Mabilis ako
magpatakbo," babala ni kuya Aldred.
“Red, huwag mo na siyang
lokohin," nakangiting wika ni kuya Blue. “Ingat kayo Red, Ren."
“Geh Blue. Bukas na lang," paalam
ni kuya Aldred.
Allan's POV
Pumasok
na agad ako sa bahay kasama ang motor ko. Ay pambihira! Magkapitbahay kami ni
Blue. May atraso pa naman ako doon.
Bumukas
naman ang pintuan at niluwa nito si kuya Larson ko. Technically, hindi ko siya
kuya pero kuya na rin ang turing ko dito. Mas matanda ito sa akin ng anim na
taon.
“Ohh Allan. Asaan na ang ihahatid
ko?" bungad na tanong niya.
“Pinauwi ko na," sagot ko. “Pambihira! Nalaman ko tuloy na iyung
kinukutyang kong bakla ehh kapitbahay ko lang. Si mama?"
“Natutulog na. At isa pa, tigilan mo
na iyang front mo na ayaw mo sa mga bakla kung ikaw din naman ehh ganoon,"
ismid niya saka ngumiti.
“Isa ka pa Larson."
“Sino ba iyung naghatid sa iyo?"
“Iyung nakakabata mong kapatid."
Nawala
naman ang ngiti sa labi niya. “Dapat sinabi mo
agad para hindi na ako nag-abala pa. Okay lang ba siya?" tanong niya.
“Sobrang okay Larson. Masaya nga siya
ehh," sagot ko. “So ano? Naging
concern ka? Kelan ka ba magpapakita sa tanging nakababata mong kapatid?"
Ngumiti
ito. “Kahit hindi na.
Hindi na siya importante sa akin. Hindi rin naman ako importante sa kaniya. At
saka tama ang desisyon mo na pauwiin na lang iyun mag-isa."
“Hinatid na lang siya ng kaibigan
niya. Iyung nasa tapat ng bahay natin, kaibigan niya. So galit ka pa rin sa
kapatid mo?"
“Wala ka na doon kung bakit hanggang
ngayon ehh galit pa rin ako sa kaniya. Hindi mo alam ang nangyari sa pagitan
namin. Tama na iyang mga tanong mo Allan. Matulog ka na."
Pumasok
na lang ito sa bahay. Bumunot na lang ako ng isang buntong-hininga at pumasok
sa loob ng bahay. Mukhang galit pa rin si Larson sa kapatid niya. Ano ba kasi
ang nakaraan ng dalawang iyun at galit pa rin ito? Dapat magkasundo na sila.
Sila-sila na nga lang ang natitira sa pamilya nila tapos magkagalit pa sila.
“Maalala ko nga pala. Kararating mo
lang ba? Ang alam ko ehh galing ka sa isang lakad sa Parañaque?" tanong ko.
Dire-diretso
naman itong pumunta sa kusina at binuksan ang ref saka kumuha ng dalawang
litrong bote ng Sprite. “Oo. Naayos na
ang naayos," sagot niya.
Sumunod
naman ako sa kusina. “So okay na pala
ang lahat then. Great."
Kumuha
naman siya ng dalawang baso at sinalinan ang mga ito. “Kaya nga bukas na bukas, dapat tayong
mag-celebrate. At last. Tapos na."
Kumuha
ako ng baso and then raised the glass. “Cheers then."
“Cheers!"
Tinungga
namin sabay ang inumin. Ahh!
“Maalala ko Larson. Asaan na nga pala
iyung... Mr. Lion costume mo na hihiramin ko?" naitanong ko.
“Na naman? Bakit trip mo iyun?"
pasagot na tanong niya.
“Basta! Ang astig! Balak kong gamitin
sa... susunod na cosplay event. Alam mo iyung Kuroshitsuji na anime? Iyung
nagsuot si Sebastian Michaelis ng ulo ng isang usa? Balak ko sana kung leyon
naman."
“Okay lang naman sa akin,"
kibit-balikat niya. “Pero ayaw mong
gawan na lang kita? Bakit iyun pa talaga ehh ginagamit ko din iyun?"
“Para saan?"
Nagsalin
na naman siya ulit sa baso. “Para sa nga
pansariling bagay na ako lang ang makikinabang."
“Wow. Pansariling bagay huh?"
kumento ko. “Sinusuot mo ba
iyun tuwing nakikipagkita ka sa kapatid mo?"
Natawa
siya ng payak. “Ano ka ba
Allan? Huwag ka ng maghukay. Hindi bagay sa iyo maging isang digger."
“Tanong lang naman. Ang galing kasi ng
pamilya mo. Pamilya kayo ng mga matatalino. Kaya lang, kayong dalawa na lang ni
Ren ang natitira. Nagulat nga ako na nabiyayaan pa si Ren ng katalinuhan. Akala
ko nga ehh naubos mo at ng kambal mo ang ang natitirang maibibigay na
katalinuhan."
“Sisihin mo ang genes. And besides,
hindi katalinuhan ang pinag-aagawan ng mga magkakambal kung hindi ay
lakas."
“Yeah right."
Muli
ay napainom na lang kami parehas sa baso.
“Matanong ko lang. Ano ba talaga ang
ginagawa mo sa bahay ni Ren?" seryosong tanong ni Larson.
“Nag-aaral magmotor?" sagot ko.
“Hindi ko bibilhin iyang palusot mo.
Pwede naman dito sa loob ng subdivision? Layo naman ng praktis mo. Walang
bibili ng palusot mong iyan."
“May presyo ba iyung statement ko?
Kung totoo iyun ehh siguradong mayaman na ako. Tumigil ka Larson!" asik
ko. “At saka sa tono
ng pananalita mo ehh alam mo kung saan siya nakatira. Stalker lang?"
“Parang ganoon na nga,"
kibit-balikat niya. “Umayos ka lang
Allan. So ibig sabihin pala nito ehh nakilala ka na niya."
“Ayos ka lang? Malamang. Classmate ko
siya," sarkastikong saad ko.
“Talaga lang ha."
“Sige na. Ako, hindi makikialam diyan.
Basta iyung Lion costume, pahiram na lang."
“Nagbago na ang isip ko. Gagamitin ko
na iyun sa mga susunod na araw," saad nito habang naglalakad pabalik
marahil sa kwarto nito.
“HOY! PAHIRAM! NAGDADAHILAN KA LANG
EHH!" sigaw ko.
Harry's POV
Dala-dala
ang asul na helmet ko na pumasok ako sa bahay. Pasado ala-singko na ng umaga.
Pagpasok ko sa sala ay nadatnan ko sila mama, papa at si Gerard.
“Harry, saan ka galing?" tanong
ni mama.
“Gumala. Ano ba ang magandang
gawin?" sagot ko.
“Kaninang hapon ka pa daw wala
dito."
Umiling
na lang ako. “So anong meron
at nandito si Gerard?"
“Gerard, magsalita ka na," utos
ni papa.
“Opo. Nitong hating-gabi lang,
nagkaroon po ng mga usap-usapan na namatay na po ang isa sa mga kandidato para
mamuno sa pamilya natin. Balita ko po na ang pinagtataguan na lugar ay nasa
Parañaque. Ayon sa
nakuha kong impormasyon, pinasok daw sila ng isang tao. Hindi nila nalaman kung
sino ang taong ito. Ang alam lang nila ay nakasuot daw ito ng asul na
helmet."
Binigyan
na lang ako ng mariin na tingin nila mama at papa. Wari'y iniisip na ako ang
may gawa.
“Isang magandang balita iyan
Gerard," nakangiti kong wika.
“Ikaw ba ang may gawa nito
Harry?" seryosong tanong ni papa.
“Ano naman kung ako? Hindi ba ito ay
isang magandang balita para sa atin? Ngayon ang natitira na lang ay kami ni
Kei. At sigurado na iyun na ako ang mapipili."
“Sa kasamaang palad, magsasagawa ng
imbestigasyon ang dating pinuno natin ukol sa usapin na ito," dagdag pa ni
Gerard.
“Wow. Magsasagawa pa ng imbestigasyon?
Hindi ba dapat matuwa si lolo dahil nagpapatayan ang mga apo niya?"
sarkastiko kong saad. “Ang business ng
pamilya natin involves threatening people, killing people at kung ano-ano pa.
He should be proud of us no?" Hindi naman makatingin sa akin si papa at
mama. “Come on people.
You wished this kind of monster. You build this monster pero hindi man lang
kayo proud?"
“Harry, hindi namin-"
“Well that's bullshit!" pagputol
ko sa sasabihin ni mama. “Dapat nga
mag-party tayo kasi sure na ako ang susunod na mamumuno. Why ma? Ito naman ang
gusto niyo hindi ba? Ngayon people, bear with it!"
Nagsimula
na lang ako maglakad papunta sa kwarto ko. “Sandali lang!" pagpapatigil sa akin ni
papa. Tumigil naman ako. “Gerard,
matutuloy ka ba sa Schoneberg Academe?" tanong ni papa dito.
Ngumiti
naman si Gerard. “Kung hindi niyo
po ako paalisin bukas para po mag-enroll, hindi po ako matutuloy,"
pabirong sagot nito.
“Harry, bakante iyung katabi niyong
apartment hindi ba?" Tumango na lang ako bilang pagtugon. “Kung ganoon Harry, Gerard, bukas,
sasama sa inyo si Janice."
Napapitlag
na lang ako sa narinig. “Pa, seryoso? Si
Janice?"
“Oo. Nakapagdesisyon na ako. Doon na
rin mag-aaral ng medisina si Janice. Gerard, doon ka na din manirahan sa
apartment kung saan maninirahan si Janice para may kasama ito. At isa pa, kapag
nakita niyo si Kei, sabihan niyo na kakausapin ko siya. Hindi ko talaga siya
makontak sa phone niya. Nagpalit marahil ng sim card," mga utos ni papa sa
amin.
“Masusunod po. Uuwi na po ako agad
para maghanda," wika ni Gerard saka umalis palabas ng bahay.
Hindi
na lang ako umimik at tumuloy na sa kwarto ko. Nako naman. Mukhang magiging
impyerno ang buhay namin sa pangalawang taon namin sa Schoneberg Academe. Pero
ngayon na babalik na ako, hindi na ako magpapapigil. Ren, humanda ka ngayon.
Pagkapasok
sa kwarto ko, kinuha ko ang bag ko at inilagay ang Mr. Lion set dito. Humarap
naman ako sa salamin at hinubad ang pang-itaas ko. Nakita ko na lang ang bunga
ng pagwo-workout ko. Medyo lumaki ang katawan ko. Aakitin ko si Ren.
Pero
bigla kong naisip. Ganoong klaseng tao ba si Ren? Magkakagusto ba siya sa akin
kapag lumaki ang katawan ko? Sa totoo lang, hindi ko alam. Paano kung mali ang
ginagawa ko? Ano naman ang silbi ng malaking katawan ko? Ahh. Maipagtatanggol
ko si Ren kung may gagawa dito ng masama. Pero iyun ang problema. Sinong tao
kaya ang gagawa ng masama sa kaniya? Sigurado kasi ako na gagawin nito ang
lahat para makaiwas sa gulo. Hmm... Pero bahala na. Papatunayan ko sa kaniya na
nararapat ako sa kaniya.
Muli
ay sumagi na naman sa aking isip ang kababata ko at ang mga sinabi ni Kei sa
akin. Hindi ko na haayaan mangyari ulit ang nakaraan. Hindi-hindi na.
Ren's POV
Humarurot
na kami ng takbo. Tinuro ko naman kay kuya Aldred ang daan papunta sa bahay ko.
Pasado 5:30am na nang makarating kami sa bahay ko. Naabutan namin si Kei na
naghihintay sa labas at sinalubong kami. Bumaba na ako sa motor.
“Siya nga pala kuya Aldred. Si Kei
pala ang boyfriend ko," pagpapakilala ko dito. “Kei, kuya Aldred. Boyfriend ni kuya
Blue."
Nakipagkamay
naman ang dalawa sa isa't isa.
“Nice to meet you pre," si kuya
Aldred.
“Nice to meet you din," si Kei.
Kinalas
naman ni kuya Aldred ang kamay niya. “So ikaw pala talaga ang nakatuluyan ni Ren.
At ikaw din ang dahilan kaya nagpapalagay ng tsikinini sa akin si Blue,"
salaysay ni kuya Aldred.
Natigil
naman ako sa narinig. “Ano daw?"
Ginala
na lang ni kuya Aldred ang tingin sa bahay ko. “Laki ng bahay ahh. Hindi halatang isa o
dalawang tao ang nakatira," manghang wika ni kuya Aldred.
“Kuya Aldred, salamat sa paghatid sa
akin ha."
“Si Allan? Hindi ka hinatid?"
tanong ni Kei. Umiling na lang ako. “Gago talaga iyung taong iyun."
“Alam niya ba iyung tungkol sa sikreto
mo Ren kaya bina-blackmail ka niya kanina?" tanong ni kuya Aldred.
“Yeah," sagot ko. “Pagpasensyahan niyo na. Kapag gumawa
naman siya ng kabalbalan, humanda talaga iyun kay ninong."
“Sige Ren. Uwi na ako," paalam ni
kuya Aldred saka humarurot ng takbo paalis.
“Ingat kuya Aldred."
Sabay
naman kaming pumasok si Kei sa loob ng bahay at dumiretso sa sala. Nilagay ko
muna sa maliit na mesa ang asul na helmet niya. Umupo na lang ako sa sofa na
pang-isahan. Si Kei naman ay dumiretso sa kusina.
“Kei, bakit may asul na helmet
ka?" tanong ko.
“Para laging handa?!" pasigaw na
sagot niya sa kusina.
“Nagmomotor ka ba?"
“Yeah. Marunong ako. Nag-aral ako
mag-motor noong 14 ako at natuto ako, 16 na ako."
Napakunot
ang noo ko sa sinabi niya. “Bakit kailangan
mo pa sabihin sa akin kung ilang taon ka nagsimula at matuto? Naiingit ka ba sa
akin?"
“Yup! I'm envious. Ako, inabot ng
dalawang taon. Ikaw, isang minuto?"
“Umm... nakikinig kasi ako sa sinasabi
ni Allan kanina kung para saan ang mga parte ng motor?" Dumako naman si
Kei sa harapan ko at niyakap ako. “Handa na ang agahan?" tanong ko.
“Sinong agahan ang tinutukoy mo? Ako o
ako?" nakakaloko niyang wika.
“Wala bang ibang choice?"
natatawa kong saad.
Shit!
Ano ba iyung sinasabi ng taong ito? Kumalas siya ng yakap sa akin saka naghubad
ng pang-itaas niya. Seryoso siya!
Muli
ay yumakap siya sa akin at masuyo akong hinalikan. Inihiga niya ako sa sofa at
pinatungan. Ramdam ko naman ang kamay niya sa likuran ko na sinisikap hubarin
ang pang-itaas ko.
“Mmm... Kei," ungol ko.
Tumigil
siya sa paghalik at nagkatinginan kami. Teka? Parang may nag-iba sa kaniya? He
looked at me with a painful expression. Ramdam ko na may mabigat siyang
dinadala. Ramdam ko din ang panginginig ng mga kamay niya. Anong nangyari sa
kaniya?
“Ren, mahal na mahal kita," wika
niya.
Parang
may mali. Hindi iyun ang gusto niyang sabihin sa mga oras na ito. Parang may
mali talaga. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tumahimik
siya. Naririnig ko na lang ang malakas na pagtibok ng puso namin. Pero teka?
Hindi ito ang puso ko. Sa kaniya ito. Mabilis at malakas. Kinakabahan siya?
Pero bakit?
Hinagkan
ko na lang ang mukha niya. “Kei, bakit ang
bilis ng tibok ng puso mo? May nangyari bang masama?"
Umiling
siya. “Ano namang
klaseng tanong iyan? Porke't mabilis tumibok ang puso ko, may masama na agad na
nangyari? Mali ka. Kaya mabilis at malakas ang pagtibok ng puso ko ay dahil
nandito na ako at nahahawakan mo. Akala ko ehh hinding-hindi na kita
makikita."
“Anong pinagsasabi mo?" kunot
noong tanong ko.
Lumungkot
naman ang mukha ni Kei. Kinuha na lang niya ang isang kamay ko at hinalikan
niya ang pulsohan ko. Naalala ko naman ang sinabi ni kuya Blue sa akin tungkol
sa mga ibig sabihin ng halik sa iba't ibang parte ng katawan.
「“Oo
Ren. Seryoso. May ibig sabihin ang mga halik sa iba't ibang parte ng
katawan," pagsang-ayon ni kuya Blue sa sinasabi ni kuya Jonas. “Sa lips, pagmamahal. Sa neck,
attachment. Sa lalamunan, craving. Sa hips means pag-aari. Sa kamao,
pagtitiwala. Sa pulsohan, kagustuhan."」
“Ren, pakiusap. Mamaya na iyan.
Nababasa ko sa mga mata mo na marami kang mga tanong na gustong itanong sa
akin. Hindi pa ako handang sagutin ang mga tanong mo. Pero pakiusap Ren,"
pakiusap niya.
Naramdaman
ko naman na malungkot na malungkot si Kei. Kulang na lang ay umiyak siya.
Pamilyar ang nararamdaman niyang lungkot sa akin. Ito iyung nalaman niya na
patay na ang kababata niya. Hindi kaya... Tama ba ang iniisip ko? Magkakaroon
na ng mga pagsubok sa relasyon namin at alam na niya iyun? Pero ano? Hindi ko alam.
Pinakuyom
naman ni Kei ang kamao ko at hinalikan. Pagtitiwala.
“Sige Kei," pagpayag ko.
Matapos
niya iyun marinig, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hinubad na lang
niya ang damit ko. Nagpatuloy ulit siya paghalik sa labi ko. Pumasok ang dila
niya sa labi ko at parang hinihigop niya ang kaluluwa ko sa ginagawa niya.
Ramdam ko din na tinitigasan na siya at ganoon din sa akin. Bumaba ang halik
niya sa leeg ko. Pasimple naman siyang kumagat sa leeg ko.
“Kei! Ugh! Aray!" ungol ko.
Kahit
na masakit ang ginagawa niya, gusto ko iyun tuwing ginagawa niya. Hindi niya
kasi ginagawa iyun ng madalas sa tuwing magniniig kami.
Napahawak
na lang ako sa ulo niya para kahit papaano ay maibsan ko ang sakit na nadarama.
Ramdam ko na lang na hinuhubad niya ang pang-ibaba ko. Hinubad na rin niya ang
sa kaniya dahilan para ang pangloob na saplot na lang ang natira sa amin.
Bumaba naman siya ng halik sa utong ko at gaya ng una, pasimple siyang kumagat
dito habang ang isang kamay niya ay nilalaro ang isang utong ko. Napapikit na
lang ako sa ginagawa niya.
“Kei! Ugh! Shit!"
Dumako
na naman siya sa ari ko. Ramdam ko na hinahalik-halikan niya ito. Mukhang
gagawin na naman niya.
“K-Kei? G-Gagawin mo na naman?"
nahihiya kong tanong
Nagsimula
na lang niyang dilaan ang ari ko. Shit! Ang sarap sa pakiramdam.
“Alam mo ba na kapag hinahayaan mo ang
partner mo na gawin ang bagay na ito... ibig sabihin nun, nagtitiwala ka sa
kaniya... na hindi kagatin ang ari mo," winika pa niya habang dinidilaan
ito.
May
ganoon pa? Ehh di ibig sabihin pala, nagtitiwala si kuya Jonas kay Nicko na
hindi niya ito kagatin. Ugh! Shit!
Ang
init ng bibig niya. Pataas-baba naman ang mukha ni Kei at minsan, tumitigil
siya habang nasa loob ng bibig niya ang ari ko. Naramdaman ko na lang na may
pumapasok sa loob ko. Mga daliri niya iyun.
“Shit Kei! Ang sarap ng ginagawa
mo!" ungol ko.
Naramdaman
ko na lang na may lumabas sa puson ko. Hindi inalis ni Kei ang bibig niya sa
ari ko... at sumisipsip ba siya?
Nang
makasigurado, inuluwa niya ang ari ko. Nakita ko naman na napalunok si Kei.
Teka? Nilunok niya iyun? Pero galing sa ari ko iyun...
“Anong problema Ren? Ngayon ka lang
nakasaksi ng ganoong pangyayari?" tanong niya habang pinupunasan ang labi.
“Ang sarap
grabe. Baka bukas o makalawa, tumalino ako dahil doon."
Naguguluhan
pa rin ako sa ginawa niya at binigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin. “Nakakadiri," reaksyon ko.
“Ahh... ganoon ba? Nakakadiri na kung
nakakadiri. Alam mo ba na bawat sperm ay may data mula sa kanyang
pinanggalingan? Not to mention na masustansya ito para sa katawan." Kuya
Kim? Ulat kaalaman?
“Dami mong alam."
“Siyempre Ren. Magiging isa akong
magaling na doktor balang araw."
Ibinuka
naman niya ang mga hita ko at ipinosisyon ang sarili niya. Nang nakapasok na
siya, lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Muli ay nagkatinginan kami. Nawala
ang lungkot sa mukha niya. Napalitan iyun ng kasiyahan.
“Ren, mahal na mahal kita. Tandaan mo
iyan," wika niya.
“Kei, ako din. Mahal na mahal
kita," sagot ko.
Nagsimula
na lang siyang gumalaw. Napayakap ako ng mahigpit sa ginagawa niya.
“Sige pa Kei. Ah! Shit!"
pag-uudyok ko.
Bumilis
pa siya. Yumakap din siya ng mahigpit sa akin. Ayaw niya akong pakawalan sa
pagkakayakap niya sa akin. Ramdam ko iyun. Ang tibok ng puso niya. Kumalma na
ito. Hinahalik-halik pa niya ang leeg ko. Ugh! Shit! Siguradong magmamarka na
naman iyun sa leeg ko. Pero okay lang iyun.
Tumigil
siya sa paghalik sa leeg ko at dumako sa labi ko. Ginalugad ng dila niya ang
kabuuan ng labi ko. At sa tingin ko ay kaya ginagawa niya iyun ay para hindi
niya ito malimutan.
Nakaramdam
na lang ako ng sakit ng kinagat niya ang ibabang parte ng labi ko.
“Kei! Ahh! Ang sa-" ungol ko.
Pero
nawala bigla ang sakit na iyun. Dumaan lang ito na tila hindi niya ginawa ang
bagay na iyun. Na tila hindi niya ako sinaktan. Sinipsip pa niya ang dugo na
lumalabas dito.
Naramdaman
ko na lang na mas lalo pa siyang mabilis gumalaw. Malapit na siya. At sinakop
na niya ulit ang buong labi ko. Nakipag-espadahan naman din ako sa kaniya. Huli
ay hinigop namin ang isa't isa. Kasabay noon ay naramdaman ko na lang na may
bagay na mainit akong naramdaman sa loob ko maliban sa ari niya.
Natapos
na kaming magniig. 7am na ng umaga. Nakahiga siya sa sofa habang ako ay
nakapatong din sa kaniyang mga dibdib. Ang dalawang kamay niya ay nakayakap sa
akin. Suot na rin namin ang mga damit namin sa ibaba pero hindi pa namin
sinusuot ang pang-itaas namin.
“Pwede na ba akong magtanong?"
panimula ko.
“Sasagutin ko na ba iyan agad kahit
hindi mo na itanong?" pabirong tanong niya.
“Bakit? Alam mo ba ang itatanong
ko?"
“Oo."
“Sige nga. Sige nga. Ano ang itatanong
ko?"
Nag-isip
naman siya. “Hmm... bakit
nagniig tayo dito sa sofa?"
“Not even close."
“Ulol ka ba? Ang... hindi masyadong...
eksakto mong tanong ay bakit bigla tayong nagniig dito sa sala."
“Ang tinutukoy ko ehh bakit...
malungkot ka kanina? Kulang na lang ay may luha na lumabas sa iyo."
Hindi
naman ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya ng ilang minuto.
“Ren, konting oras na lang ang
nalalabi nating oras... na tayo lang," sagot niya. “Sa pasukan, nandito na si Harry. May
asungot na. Hindi na tayo magkakaroon ng oras na gumanito. Hindi naman pwedeng
bumagito moves tayo sa Academe."
“Bumagito moves? Ano iyun?"
kunot-noong tanong ko. Bigla ko naman naalala na may ganoon sa news feed ng
Facebook ko. “Okay. Alam ko
pala iyun."
“Ren, pwede bang huwag mo munang
sabihin kay Harry ang tungkol sa relasyon natin?" pakiusap niya.
“Huh? At ano naman? Hayaan na naman
natin na mabisto niya tayo? Gaya ng ginagawa ng iba? At gaya ng ginagawa natin
noon?"
“Yeah. Parang ganoon. Pero this time,
huwag tayong magpahalata."
Naisip
ko na naman ulit ang tungkol kay Harry. Noong nagtapat ito ng tunay na
nararamdaman sa akin. Sa bagay. Pero bakit ayaw ipaalam ni Kei? Anong dahilan?
“May iba pa bang rason?" muling
tanong ko.
Humugot
na lang si Kei ng isang malalim na buntong-hininga. “Nabalitaan ko kasi na ang fiancee ko
ay dito na din mag-aaral sa Schoneberg Academe. Hindi lang si Harry ang asungot
na poproblemahin natin. Pati iyun. Makulit siyang babae. Didikit iyun na parang
linta. Niloko ko lang iyun na doon sa eskwelahan sa amin ako magkokolehiyo para malayo lang sa kaniya.
Pero ngayong alam na niya na dito ako mag-aaral, dito na rin siya. Medisina din
ang kinukuha niyang kurso. At isa pa Ren, magiging delikado para sa iyo kapag
nahuli nila na may relasyon tayo. Alam mo naman iyung kwento na nangyari sa
pamilya ko hindi ba?"
Naalala
ko naman ang kwento tungkol sa pamilya niya. Naisip ko bigla sila ninong,
ninang, kuya Jasper at Daryll. Pati na rin iyung Franz at si kuya Joseph. (At
pati iyung author ng mga character nila at baka mamaya ehh may lumipad na
kutsilyo sa likod ko.)
“Yeah. Naalala ko."
Ito
pa lang ang bagay na bumabagabag sa kaniya. Ito pala ang bagyo na darating sa
amin. Malakas na kapag hindi kami nag-ingat ay maraming madadamay. Kaya pala
malungkot siya.
“Sabihin mo nga Kei? Malulungkot ka ba
dahil hindi na tayo masyadong magniniig ngayong pasukan?" diretsong tanong
ko.
“Oo naman. May benefits kaya ang
pagniniig. Kaya nga may term na friends with benefits. Sex na walang
pagmamahal. Just sex," proud na sagot niya. “Pero kahit ganoon, okay lang naman sa
iyo iyun hindi ba? Na magkita lang tayo? Siguro may mga oras na sisimple ako ng
halik sa iyo."
“Kung para sa kaligtasan ng mga taong
involved sa akin, bakit hindi?" sagot ko sa tanong niya. “Pero paano ngayong Christmas Break?
Uuwi ka ba sa inyo?"
“Hmm... hindi ko lang alam. Baka nga."
Naramdaman ko na lang na humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. “Kaya nga ngayong araw na ito, sulitin
natin ito habang hindi pa pasukan. Bukas kasi, babalik na ako sa apartment ko
at baka tuluyan nilang galugarin ang buong syudad sa paghahanap sa akin."
Gumanti
din ako ng isang mahigpit sa kaniya. “Oo Kei."
Hinawakan
ko ang kamay niya ng mahigpit. Wari'y ito ang huling beses na gagawin namin
ito. Wari'y hindi na ito mauulit pa. Pero sana, maulit pa ito.
Lumipas
ang araw na iyun at sinulit namin ang araw na kaming dalawa lang. Walang ibang
tao kung hindi kami lang. Naglaro, naligo sa pool, naglaro ulit. We make
everything memorable. Sabay namin tinapos ang ilang arcade games na hindi
natatapos kapag sila Harry ang naglalaro.
Dumating
na naman ang gabi at nangyari na naman ang nangyari kaninang umaga. Pero ngayon
ay katulad na sa casual na ginagawa namin.
Kinabukasan,
pumunta kami sa Schoneberg Academe para sabay mag-enroll. Natapos naman kami ni
Kei mag-enroll sa Academe.
“Tara Ren. Labas na tayo agad at
kumain tayo sa labas," yaya ni Kei.
“Yeah."
Palabas
na kami ng Academe na may makasalubong kaming dalawang tao. Napahinto kami sa
aming nakita. Pamilyar sa akin ang isang lalaki at may kasama itong isang
babae. Mukhang napaaga ata na maputol ang maliligayang araw namin.
ITUTULOY…
OMG!!!! Ang daming bagong ganap ngayon buhay pa pala si Larson!! Di ko kinaya. Lalo na yung mga sex scenes nila Ren at Kei at yung mga tsikinini mi Ren hahaha!!!! Grabe ang ganda at haba ng update na to maraming salamat mr.author dito!!
ReplyDeleteDi ko na mahintay yung next update kung anong sunod na mangyayare!! Waaaaahhhhhhhh!!! Pero nalulungkot din ako forRen at Kei di na sila masyadong magsasama :( less sex scenes pero sana wag naman hahahahaha!!!
-44
Sa sobrang haba nag simula ako ng 3:19am natapos ako ng 4:28am!!!!! Sulit ang pagpupuyat ko dahil dito haha pahabol lang!! :))
ReplyDelete-44
Ohhhh my,,,,, buhay pala si larson bakit sha galit kai ren,,,,, hindi nya ba alam na retrograde amnesia si ren,, sha ba si mr.lion author o si allan?... wooooh interisting ang sunod na update,,, tnx author
ReplyDeleteAno ba eto? Si Allan ay para kay Kei at si Kei ay para kay Allan?
ReplyDeleteSi Harry ay para din kay Ren? pano ngyari na nakikanila Allan si Lars? nyari?
aba matindi eto., salamat sa author sana may update agad..
daming maki twister heheheh
-Joey
Thanks sa mahabang update.
ReplyDeleteMarami na paa ang nakaalam sa secret ni Garen. Bakit maraming blue na helmet at Mr Lion masks?
Naku po. Mystery ito. Sino kala Harry, Kei at Larson ang pumatay. Tatlo silang wala nung namatay yung isa pang candidate sa pagka-pinuno ng angkan. Si Harry at Kei parehong may blue helmet. Si Larson naman ay galing sa Paranaque kung saan natagpuan yung isa pang apo. Sino ang tunay na Mr. Lion kala Harry, Allan at Larson na nagpapakita kay Ren? Paano napunta si Larson kala Allan at bakit siya galit kay Ren?.. Grabe naman ang kwento na to. Puno ng misteryo.
ReplyDeleteTeam HaRen pa din kahit naka-ilang base na si kei...haha
- Lantis
Akala ko patay na kuya ni ren bkit buhay pa si larson?cnu kakambal nito? Ngaun tatlo na ang mr lion ang ngpapapkilala whos the real one?
ReplyDeleteNicr update ito author nakka excite xa at kaabang abang ang detalye sa mga susunod na chapter
Jharz
Akala ko hindi ka na mag uupdate. :) Anyways, keep up the stuffs and I have a huge hint sa mangyayari. Prediction powers again.
ReplyDeleteTindi ng BS ah? Kailan naman si Ren ang mag bibigay ng oral sex? hahaha
sana mas maging fluid pa iyong mga ungol. lolz.
I'm still waiting for Harry. Tagal yata? :) Sure ako nandiya na siya next chapter. Update na!