Followers

Friday, March 13, 2015

Loving You... Again Chapter 6 - Simple Plan





  



Author's note...

Happy Friday the 13th guys! Haha! Sa araw na ito balak ko talagang i-post ito. Hindi ko ito sinasama sa kanina haha. Salamat nga po pala sa mga nag-comment at patuloy pa rin nagbabasa nito. Pasensya na po pala and thank you kay Sir Allan at kay Sir Juha sa pag-popost ko na naman ng wala sa oras. Pambawi ko lang sa isang linggo na nawala ako. So guys, IHANDA NA ANG MGA GITARA! Wait, mata pala. Meron nga po pala itong... ano... alam niyo na. May mga tao kasi na hindi nababasa iyung sa spoiler kaya hindi ko na nilagyan. So have fun sa Chapter 6.











Chapter 6:
Simple Plan
























Ren's POV



          「3 years from now...



          Wow. Ang ganda ng performance niyo guys," puri ko sa kanila. Sige guys, break na muna tayo."



          Nagsimula naman silang bumaba sa maliit na stage at bumaba para magpahinga habang ako ay kumuha ng mga inumin saka isa-isa silang binigyan.



          Yeah Ren. Break naman tayo," mahinang saad ni Joseph na may sarkastikong tono. May nakatagong bang joke sa sinasabi niya?



          Tumigil ka nga Joseph!" inis na saad ko habang inaabot sa kaniya ang inumin.



          Pabagsak na lang akong umupo sa sofa para magpahinga... kahit walang masyadong ginagawa.



          Malapit na ang first performance natin," saad ni Paul.



          Oo nga. Hindi ako makapaghintay," dagdag ni Thomas.



          Tumawa naman ng malakas si Joseph. Yeah right. First performance ng Pulsar."



          Grabe ka naman makatawa Joseph," reaksyon ni Chris.



          Inis na bumaling ito kay Chris. Haixt! Hayaan mo akong tumawa. I laugh for a reason." Bumaling naman ito sa akin na may nakakalokong ngiti. Ano na naman kaya ang iniisip nito?



          Ganyanan talaga Joseph?"



          Wala pa akong sinasabi." Tumayo naman ito sa kinauupuan saka lumapit sa akin at saka niyakap ako. Kawawa ka naman Ren. Ang gulo-gulo ng lovelife mo. Okay lang iyan. Malay mo, sa first performance natin at pagkatapos noon, merong mangyayaring ganoon."



          Niyakap ko naman pabalik si Joseph. Kita ko naman na kumunot ang noo ni Chris.



          Hoy, ano to? Selos test?" bulong ko kay Joseph.



          Kumunot ba ang noo ni Chris?" bulong na tanong niya.



          Tumigil ka Joseph. Huwag mo akong gawin lab rat," inis na bulong ko.



          Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Aktong ilalapit nito ang mukha niya ng tinuhod ko ang tiyan niya. Alam kong hindi ako hahalikan ni Joseph dahil ginagawa niya lang naman iyun para asarin ako.



          OUCH! IKAW!" sigaw niya habang nasapo nito ang tiyan saka napaupo sa sahig.



          Huwag ako pwede ba! Your jokes are going too far Joseph!" inis na saad ko na nagpatayo sa aking kinauupuan.



          Aktong tatayo naman si Chris nang pinigilan ito ni Paul. Hayaan mo sila Chris. Ganyan lang talaga iyan sila," remark ni Paul. At ikaw Joseph, tama na iyang pang-aasar mo kay Ren. Parang dati ehh, ako iyung gumagawa niyan."



          Inis na umupo na lang ako sa sofa. Grabe. Pinaparusahan ata ako. Lumapit naman Chris kay Joseph para itayo. Aixt! Isa pa ang dalawang ito.



          Nagliwanag naman ang mukha ni Paul. Ahh! Alam ko na ang tinutukoy mo Joseph. Ngayon ko lang naalala."



          Di ba nga," natatawang saad ni Joseph at nakipag-apir kay Paul.



          Ano ba iyung pinag-uusapan ninyong dalawa? Hindi ako maka-relate," si Thomas.



          Wala ka pa nun Justin. Ang first ever performance ng banda naming The Antagonist'."



          Thomas sabi!" inis na saad nito.



          Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Chris.



          Sabay na lang tumingin sa akin sila Joseph at Paul habang nakangisi na parang mga demonyo. Wala naman," natatawang sabi ng dalawa.



          Kumunot naman ang natitirang dalawa dahil hindi sila makaka-relate sa alam ng mga dati kong kaibigan.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Pakiusap. Change topic na Joseph. Malinaw ko naman naaalala iyun kaya pwede ba?"



          Akala ko nga ehh nakalimutan mo na," wika ni Joseph habang kasabay umupo si Chris.



          How I wish na makalimutan ko. Ngayon, anyare?"



          Sa mga hindi nakaka-relate, love life ni Ren ang pinag-uusapan namin!" anunsyo pa ni Joseph.



          CHANGE THE GODDAMN TOPIC ALREADY!"



          Patuloy naman natatawa sila Joseph at Paul.



          Parang kelan lang ba nangyari iyun para sa kanila? Sa akin kasi, ewan ko. Marami kasing nangyari. Haa!



          Kasalukuyan kaming nagpa-praktis para sa debut concert ng PULSAR. Akala ko ehh hindi maaalala nila Joseph at Paul iyun. Ito kasing si Joseph. Pinapaalala talaga sa akin. Sila na ni Chris!



          Pambihira! Ginagantihan niya ba ako sa nangyari noon? Kasalanan ko ba iyun? Grabe talaga aixt!」



          Eksaktong 7pm na nang nakarating na ako sa bahay. Nadatnan ko naman na naglalaro si Kei ng League of Legends.



          Magandang gabi Ren," bati nito na hindi nakatingin sa akin. Nakahanda na ang pagkain mo sa mesa."



          Dumako naman ako sa mesa at kumain. Pagkatapos ay paakyat na ako sa taas ng may mapansin ako kay Kei. Lumapit ako at nakita ko naman kung gaano kabano ito maglaro.



          Kei, anong rank mo?" tanong ko dito.



          Huh? Rank? Bronze III," sagot nito. Wow. Kawawa. Impyerno ang buhay.



          Paakyat naman ako ulit ako sa hagdanan ng may pumasok sa isip ko ang isang pangyayari. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noon sa convention. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad papasok sa venue. Pero ni isang segundo noon ay hindi ko naisip na bumitaw. The feeling that time is so nostalgic. Alam kong sinabi niya na namatay na ang kababata niya. Pero paano kung ako iyun? Pero, hindi ko alam! Parang may mali dito.



          Nagpatuloy na lang akong umakyat sa kwarto ko. Palagay ko ehh may maliit akong problema na lumalaki...



          Nagbihis na muna ako pagkatapos ay bumaba ulit para tingnan si Kei kung gaano kabano maglaro ng League of Legends. Gamit kasi nito ang isa sa mga paborito kong champion. Si Veigar. Sakto naman pagkababa ko ehh natalo na siya. DEFEAT!



          BANO!" sigaw ko saka tumawa ng payak.



          Humarap naman ito na nakasimangot. Bakit ikaw? Magaling maglaro? Ikaw na!" asik nito. Umirap naman siya at humarap ulit sa monitor.



          Tingin nga ng mga build mo?" Lumapit naman ako dito para tingnan ang mga ginamit ng Veigar niya. Potang ina talaga. Bano! Galawang Bronze na, utak Bronze pa."



          Bakit? Anong rank mo?" nakasimangot na tanong niya.



          Platinum V," proud kong sagot.



          Hindi nga?" gulat na saad nito.



          Tumayo ka nga diyan at papakitaan kita ng galawang Platinum."



          Tumayo naman siya at ako naman ay umupo sa harap ng monitor. Inusisa ko naman lahat ng masteries at runes niya.



          Ay! Bano talaga! Anong klaseng runes to? Lahat FLAT AP. Tapos iyung masteries para sa AP, mali talaga. Bano!" pagpintas ko.



          Ikaw na!" sigaw niya.



          Hoy bano! Panoorin mo akong maglaro para makita mo kung gaano ako kagaling."



          Nagsimula naman ang laro at swerte ko dahil napili ko si Veigar ng walang kahirap-hirap. Buti na lang at ako ang naging captain. Habang naglalaro ay sinesermunan ko kung ano ang dapat na gamit ng paborito kong champion. Hangang-hanga naman ito sa ginagawa ko. Pero Bronze ang kalaban ko.



          Sa kalagitnaan ng laro, tumayo siya sa likod at nilagay ang kamay niya sa magkabilang braso ko. Hoy teka Kei! Anong ginagawa mo? Gusto kong magreklamo pero huwag na lang. Basta Ren, keep your damn composure.



          Ilang minuto naman ang nakalipas ay nanalo na ako. Wow. Surrender at 20 ang kalaban sa galing ko. Bigla na lang akong niyakap ni Kei mula sa likod.



          Ang galing mo Ren! Paturo?!" tuwang-tuwa niyang wika.



          Isa sa mga never list ko iyan kaya-" Naputol naman ang sasabihin ko dahil nag-angat ako ng tingin at na-realize ko kung gaano kalapit ang mukha niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko?



          「“Opon! Opon!" sigaw ng barker.



          Kasama ng mga kaibigan ko at si kuya Lars, pupunta kami sa isang mall. Umupo naman si kuya Lars sa isa sa upuan ng multicab.



          Harry? Dito ka na kumandong sa akin," yaya ni kuya Lars sa kaniya.



          Pero gusto kong kandungin si Ren," reklamo ni Harry.



          Huwag ka ng magreklamo Harry," ani Kei na nakaupo na din. Ren, dito ka na kumandong."



          Lumapit naman ako kay Kei at kumandong. Nakasimangot naman na kumandong si Harry kay kuya Lars. Habang nakakandong kay Kei, pasimple naman akong niyakap nito.



          Huwag kang mag-alala Ren. Safe ka sa akin," wika nito.



          Ginantihan ko naman ito ng ngiti. Binaling ko naman ang tingin ko kay Harry. Hindi ko alam pero bakit nanlilisik ang mga mata niya kung tingnan kami ni Kei?」



          Namilipit naman ako sa sakit ng ulo ko. Argh! Isang alaala na naman.



          Ren, okay ka lang?" alalang tono ni Kei.



          A-Ang s-sakit!" ungol ko.



          Pinaharap naman ako nito at niyakap habang hinahagod ang ulo. Okay lang iyan. Okay lang iyan."



          Maya-maya ay nawala na ang sakit. Kumalas naman siya sa pagkakayakap.



          O-Okay ka na ba? May naalala ka bang bago?" usisa niya. Umiling na lang ako. Sigurado ka ha? Matulog na kaya tayo para makapagpahinga ka? Siguradong napagod ka na ngayong araw na ito dahil sa Music Club."



          Kei? Napagod? Napagod umupo?" sarkastikong wika ko.



          So okay ka na nga."



          Umupo naman ako sa pang-isahan na sofa at inaalala ang mga naalala ko kanina. Umupo naman ulit si Kei sa harap ng monitor. Ang malinaw lang sa akin ay ang pangalan ng mga kaibigan kong bata ay Kei and Harry. At ano ba iyung sinisigaw ng barker? Upon? Huh?



          Kei, iyung kababata mo, kababata din ba ni Harry?" tanong ko.



          Ahh... hindi. Sa bahay lang lagi si Harry noong mga bata pa kami," sagot ni Kei. Nagsasabi siya ng totoo. Bakit mo naman naitanong?"



          Just a random question in my head. Sige Kei. Matutulog na ako at may practice pa kami bukas. Magandang gabi."



          Sige. Magandang gabi din."



          Tumayo naman ako at umakyat ulit sa kwarto. Bakit ko ba tinatanong iyun kay Kei? At isa pa, patay na ang kababata niya. Imposibleng iyung Kei sa alaala ko ay si Kei iyung ngayon na kaibigan ko. Pero may isa pa akong problema. Kanina talaga noong niyakap ako ni Kei, I really feel safe. At kapag hinahawakan niya ako ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Ugh! Ano bang pakiramdam ito?



          Binaling ko naman ng tingin ang life-size na stuffed toy na binigay ni Mr. Lion.



          Mr. Lion, tulong at baka bumigay na ako dito. Kung ikaw talaga si Kei, sabihin mo lang," wika ko.



          Bakit ko ba kinakausap ang stuffed toy? Iniisiip ko na may parang may bug sa loob ng stuffed toy na ito. Sabi kasi niya na isa siyang uri ng real deal na stalker. O baka naman si Kei talaga si Mr. Lion? Pero wala pa talaga akong pruweba... pa naman.



          Apat na araw na ang nakalipas. 11am na ng umaga at nakahiga ako sa sofa dito sa sala ko. I'm just taking my sweet time kasi bukas, may first actual performance ang The Antagonist' sa school gym namin. Itong araw na ito na malayo ako sa banda. Galing naman si Kei sa kusina at umupo sa pang-isahan na sofa.



          Pagod na pagod ka talaga ahh," bungad ni Kei sa akin.



          Nako Kei. Kung alam mo lang ang mga nangyayari sa club lately," sagot ko.



          Bakit? Ano ba ang mga nangyari?"



          Lately kasi, naasar sa akin si kuya Paul dahil tinawag ko siyang virgin. Ehh totoo naman kasi na virgin siya. Pinagmamayabang pa niya ang sex experience niya kay ate Sarah ehh ang totoo naman talaga ehh wala siyang experience. Tapos nire-rapeplay niya ako. Okay lang kung siya lang ehh sumali pa talaga si kuya Aldred. Si kuya Blue naman ay hindi pinipigilan si kuya Aldred. Tawa lang ito ng tawa sa amin," kwento ko.



          Grabe naman ang mga topic niyo sa Music Club. Bakit sex ang topic niyo?"



          Ugh! Ano ba ang nangyari?



          Don't ask," sagot ko.



          Nagkibit naman ito ng balikat. Well okay. Tara na at handa na ang pagkain."



          Natapos na kaming kumain. Maya-maya ay gumala ako sa game room at baka may iba pang pwedeng paglibangan. Kailangan kong i-distract ang sarili ko. May nakita naman akong... maskara, fencing jacket, plastron at breeches. Hmm... May nakita naman akong dalawang fencing foil.



          Kei, marunong ka bang mag-fencing?!" sigaw ko para marinig niya kung asaan man siya.



          Wala naman akong nakuhang sagot. Ibig sabihin ay nasa kwarto siya. Kinuha ko naman ang mga gamit na pang-fencing at nilagay sa sofa.



          Umakyat naman ako sa 2nd floor at binuksan ang kwarto niya. Naabutan ko naman itong nakatalikod sa akin at sinusuot ang brief niya. Nagulat siya sa pagpasok ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. I looked on his body na buffed ng konti and the bad news ay wala naman akong unnecessary reactions upon seeing it. Abnormal ata ako dahil hindi naman ako natuwa o kung ano. Wala lang talaga. Hindi ko naman sinasabi na walang maipagmamalaki itong si Kei pero... it's just me.



          Ren, bakit?" tanong niya saka pinagpatuloy ang pagbibihis.



          I was just asking kung pwede tayong mag-fencing since malilim naman sa labas."



          Well yeah. Sige. Isa ba ito sa mga laro na kung saan matatalo ako?"



          It's natural," ngiting sagot ko. Sa isang laro, every side can lose. Tara na."



          Umalis na ako ng kwarto at bumaba na sa sala para suutin ang mga fencing equipment. Haha! Parang sa inasal ko ehh hindi kagandahan ang pangangatawan niya. Ang totoo, maganda naman ito. Pero ewan ko ba kung bakit parang wala lang namang epekto sa akin? Nakita ko naman iyun... sa panaginip ko... na sa tingin ko ay hindi counted. Tch! Bakit ba? Ako lang naman siguro iyun. I'm unique.



          Nag-antay naman ako sa likod-bahay at ilang segundo naman ang nakalipas ay lumabas din siya na suot ang aparato.



          Game?" Tumango naman siya ng isang beses.



          Nagsimula na ang aming laban.



          「Kasalukuyan naman kaming nagfefencing ni Mr. Lion. Pambihira! Ang hirap niyang kalaban. Sabi ni kuya, kung gusto kong malaman kung sino ang tao sa likod ng maskara, kailangan ko siyang talunin. Nakatanggap naman ako ng isang sundot sa katawan ko. Ugh! Natalo na naman ako!」



          Nakatanggap naman ako ng sundot sa katawan ko hudyat na natalo ako ni Kei. BAD TIMING!



          YES!" sigaw niya saka nagtatatalon dahil sa wakas ay ito ang unang beses na nauna siyang nanalo.



          Ugh! Grabe. Naalala ko pa talaga iyung nakaraan.



          Maya-maya ay tumigil siya. Ren, partida ba iyun?" tanong niya.



          Hindi. Nanalo ka talaga," sagot ko.



          Parang ayokong maniwala sa sinasabi mo. You were in a daze for a moment there... ang again gaya nung nangyari sa convention."



          Ganoon ba? Well sa tingin ko ay maghanda ka na. I will give my all now." Lumayo naman ako sa kaniya at pumorma. Game?"



          Pumorma din naman ito. Sige. Susiguraduhin kong matatalo kita."



          Ilang oras na ang nakalipas, nagpahinga naman kami saglit. Ang resulta, lagi akong panalo. Pumasok naman si Kei para magtimpla ng juice na iinumin namin. Para kaming baliw. Summer na nga tapos nagpapainit kami. Hinubad ko naman ang t-shirt ko. Grabe. Medyo magaling si Kei pero mas mabilis ako.



          Habang naghihintay, inaalala ko iyung naalala ko kanina habang naglalaban kami ni Kei. Malinaw sa aking isipan ang isang maskara ng leyon pero hindi ito nakasuot ng suit at gloves. So may nakaraan talaga kami ni Mr. Lion.



          「“By chance, nagkita na ba tayo dati Mr. Lion?" tanong ko.



          Natahimik naman siya ng ilang segundo. Oo at hindi," sagot niya.」



          Pero bakit ganoon ang sagot niya? May kahulugan ba ang sagot  niya? Tapos ang pangalan pa ng mga kalaro kong bata ay Harry at Kei. Coincidence kaya iyun na magkapangalan sila ng mga kaibigan kong mga bata noon?



          Maya-maya ay bumalik na si Kei dala-dala ang isang pitsel ng ice tea at inilagay sa maliit na table. Kumuha naman ako ng isang baso at tinungga lahat pagkasalin niya. Uhaw na uhaw ako. Habang umiinom, pansin ko ang lagkit ng tingin niya sa akin. Baka kung ako si Professor X at pinasok ang utak niya, mamamatay ata ako sa mga iniisip niya.



          Tigilan mo iyan Kei. Huwag mo akong titigan ng ganyan," wika ko.



          Siguro naman, aware ka na may gusto ako sa iyo tapos naka-topless ka pa. Are you tempting me to make a sweet mistake?" makahulugang sabi niya.



          Tiningnan ko naman ang kabuuan ng itaas na katawan ko. Bakit kaya attractive si Kei sa akin? Wala naman kasi akong notable features- ohh. Naalala ko na kung bakit gusto ako ng taong ito.



          Kei, matanong ko lang? Naglalaro ba kayo ng kababata mo ng fencing?" tanong ko dito para maiba ang usapan.



          Kumuha din siya ng isang baso at gaya ko, tinungga lahat pagkasalin. Yeah. Pero lagi akong nananalo sa kaniya." Bigla naman lumungkot ang ekpresyon ng mukha niya. Teka nga? Bakit napunta ang usapan natin sa kababata ko?"



          Pasensya na. I was just wondering. Actually, magaling ka naman sa fencing," pamumuri ko. Bakit hindi ka sumali sa Fencing Club instead sa Journalism Club?"



          I could also ask the same question to you."



          Wala akong tiwala sa stamina ko kaya ayokong sumali sa club na iyun," pagdadahilan ko.



          Tumango siya. Aside from that, dragging my dead childhood friend in our conversation is not cool. I'm still mourning knowing na iyung isa pang hinahabol ko ehh mas matigas pa kesa bato," malungkot na wika niya.



          My bad. Sorry," paghingi ko ng tawad.



          Dapat pala ehh hindi na ako nagtanong tungkol sa kababata niya. Napaka-insensitive ko naman ata. Nagkaroon naman ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Dumako naman siya malapit sa pool at nakatingin sa tubig.



          Sabihin mo nga Kei? Do you like me?"



          Dahan-dahan naman itong humarap sa akin and he looked me in the eye. Sa ginawa niyang iyun, bumilis ang tibok ng puso.



          Yes Ren. I like you so much," he answered with a painful expression. The fact that you accidentally knew my intentions tapos sinara mo agad ang puso mo sa akin, it hurts me. I was ignorant that time. Akala ko ehh sa sex lang maipapakita ang aking pagmamahal sa iyo. I realized na hindi lang iyun ang way para maipakita ang pagmamahal ko. Kaya gumagawa ako ng ibang paraan. Hoping na... makapasok ako diyan sa puso mo."



          Sa sinabi niyang iyun, nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. Bakit ba ako nasasaktan? Mahal lang talaga ako ni Kei. Ako lang talaga. Pero pinipigilan ko pa talaga ang sarili ko. Bakit ba? Ugh! Nakakaasar!



          「“Ano ba ang gusto mong sabihin? Paghinalaan ko lagi ang mga kaibigan ko?" tanong ko kay Mr. Lion.



          Parang ganoon na nga. Hindi mo alam isa sa kanila ang magtatangka na patayin ka. Baka isang araw ehh matulog ka na ng habang buhay."」



          Dahil ba sa sinabi ni Mr. Lion ang mga salitang iyun? Pero naghihinala ako na si Kei si Mr. Lion. Kung magiging kami, ehh di safe ang choice ko. But doing this, does it mean na si Harry ang masamang tao na tinutukoy ni Mr. Lion? Ugh! Ayokong alalahanin ang mga bagay na wala sa harap ko.



          Alam ko na. Tumayo naman ako at isinuot lang ang maskara. Inabot ko naman ang phone at isinet na ang countdown timer ng 11 minutes.



          Tara Kei. Last round," panimula ko. Kapag nanalo ka sa huling round na ito, papayagan kita sa kung anong bagay ang sasabihin mo at gagawin ko."



          Nakita ko naman na nabuhayan ito sa narinig. Kung anong bagay ang sasabihin ko?"



          Oo. Iyan ay kung matalo mo ako," I said with great confidence.



          Sinuot naman nito ang maskara, fencing jacket, plastron at breeches.



          Hindi ka ba magsusuot nito?"



          Kinuha ko lang ang foil para sa laban namin. Hindi na kailangan. Ni hindi mo ako matatamaan," pagmamayabang ko. Ganito ang rules. Puro dipensa lang ang gagawin ko. Kapag nakatama ka sa akin ng isa, panalo ka. Pero kapag hindi mo ako natamaan sa loob ng sampung minuto, panalo ako."



          Pumorma naman ako at ganoon din siya. At nagsimula na ang duelo namin.



          Lumipas na ang siyam na minuto at hindi pa rin siya nakakatama ng isa. Pero nahihirapan na ako. Napapagod. Nawawala na ako sa konsentrasyon. Kailangan manalo ako. Malapit na itong matapos.



          「Napapagod na akong makipaglaro ng fencing kay Mr. Lion. Kailangan matalo ko siya para malaman ko kung sino ang tao sa likod ng maskara.



          Anong problema Ren? Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?" pang-aasar niya sa akin habang dinidipensa ang mga atake ko.



          Siyam na minuto na ang nakalipas at may time limit kami na sampung minuto. Kailangan matalo ko siya bago matapos ang oras. Didipensa lang siya at hindi aatake.



          Sige Ren. Kaya mo iyan!" cheer sa akin ni kuya Lars.



          Kailangan bilisan ko pa. Bilisan ko pa. Tumunog na ang alarm hudyat na tapos na ang sampung minutong time limit. Nakatama ako. Nanalo ako!」



          Tumunog na ang alarm hudyat na tapos na ang sampung minutong time limit. Natamaan ako ni Kei sa dibdib! Natalo ako. Ibinaba naman niya ang foil at ang maskara niya. Nakita ko naman na nakangising demonyo ito. Hinahabol ko naman ang hininga ko at napaupo sa damuhan. Pambihira.



          Sabi ko na nga ba. Sa unang siyam na minuto, puro mahihinang atake lang ang pinakawalan niya. Pero pagdating ng mga huling segundo, binigay na niya ang lahat ng makakaya niya. Nawala ako sa focus dahil sa alaalang nag-flash na naman sa isip ko. This time, natalo ko si Mr. Lion.



          Sex, sex, sex, sex," rinig kong bulong niya. Teka, bulong ba iyun?



          Pambihira. Ayoko na kay Kei. Mamaya ehh hindi na ako virgin. Dumako naman ako sa maliit na mesa kung saan nakalagay ang inumin namin at tinungga ko ang laman ng pitsel.



          Nanalo ka. Good for you. Congratulations," bati ko saka humarap sa kaniya.



          Oi Ren, sabi mo na papayagan mo ako sa kung anong bagay ang sasabihin ko at gagawin mo. Right?" tanong niya na may pilyong tono. MUKHANG SEX TALAGA ANG HIHILINGIN NIYA?!



          Oo."



          Kita ko pa rin na hindi nawawala ang demonyong ngiti niya. He's going to ask for it I'm sure. Maya-maya ay nawala ito at humugot ng buntong-hininga.



          Then Ren, pwede bang alisin mo sa Bronze Division at dalhin mo sa Gold Division ang account ko sa League of Legends?" natutuwang request niya.



          I was shocked by his request. His priorities are quite different. Sigurado ka ba?" paniniguro ko.



          Oo naman. Sa tingin mo ata ay sex ang hihingin ko sa iyo," diretso nitong sabi. Ren, naniniwala ka ba sa parallel worlds? Iyung sa mundong iyun ay yung mga choices na hindi natin pinili, nangyayari doon?" Binigyan ko naman ito ng isang tango. Somewhere in those worlds, hahayaan ko na lang na masiyahan ang Kei na iyun sa makamundong hangarin dito sa labas. Outdoor sex is not that bad though. Pero in this reality, no."



          What's with his straightforward attitude? It's kinda annoying. But to think na naniniwala siya sa parallel worlds, we are kinda matched... huh.



          Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya at tintingnan ako ng mariin. Say Ren, are you testing me?"



          Yeah. Something like that."



          Iniisiip mo ata na kapag nakahalf-naked kang nakikipaglaban sa akin, mawawala ako sa focus at mananalo ka tama?" Ugh! Alam niya ang iniisip ko. Pero I hate it knowing na nanalo na naman ako dahil wala ka na naman sa sarili mo," nakasimangot niyang wika.



          Ma-pride ka pala."



          Oo. Kaya nga mas gusto ko na ikaw ang kusang ma-fall sa akin. Itong bet na ito, kahit wala. Before this day ends, you'll fall for me," he said while smiling.



          Just now on what he said, mas lalong bumilis pa ang tibok ng puso ko. This guy. He'll make me fall for him. Idiot!



          Pumasok na tayo Ren. Gusto ko makita ang platinum moves mo since ayaw mong magturo. At tsaka magsuot ka na rin ng damit. Baka matukso ako at magbago ng desisyon ko," nakangiti nitong saad saka pumasok ng bahay.



          Ang bilis tumibok ng puso ko. Kapag ginahasa niya kaya ako, hahayaan ko siya? Ehh hindi na rape iyun kapag walang signs of struggle. Ugh!



          That guy... I might really fall for him... or I'm already. Lately, I ate every breakfast na siya ang nagluto, every lunch na siya ang nagluto, every dinner na siya ang nagluto. I realized, hinahanap-hanap ko na ang luto niya. Simula nung nanggaling kami sa convention, mas lalong sumarap siya magluto. Mukhang ako ata ang type ng tao na nai-inlove dahil sa pagkain. Tapos sa baunan ko, naglalagay talaga siya ng decorative figures na may korteng puso sa gitna ng kanin. Kahit sa karne na ulam ko, nakakalagay. Kinukulit na nga ako nila kuya Jonas na sagutin ko na si Kei. Then kapag uuwi na ako, wala na akong gagawin kung hindi kumain at magpahinga. Most of all, naniniwala siya sa parallel worlds. Ang mundo na kung saan nangyayari ang mga hindi natin pinili. Ang naniniwala sa parallel worlds ay hindi naniniwala sa destiny... or is it? One of the reasons kung bakit ayaw ko kay Harry kasi naniniwala siya sa destiny. Ugh! Am I a terrible person no? I'm biased. Mamahalin ko lang ang taong kapareha ng pinapaniwalaan. At least naman, qualified naman siya. Pero paano kapag nalaman ito ninong?



          6pm na at kakatapos lang namin maghapunan. Nasa harap ako ng kompyuter at sinisikap na alisin sa Bronze Division ang account ni Kei. nakaupo naman siya sa sofa at nagbabasa ng iilang manga collection ko.



          Napansin niya kaya? Kanina pa ako hindi makatingin ng maayos sa kaniya. Sinusubukan ko naman siyang tingnan pero umiiwas agad ang mata ko. May kakaiba pang nangyayari. Hindi ko na mabasa ang iniisip niya. Pero siya, palagay ko nababasa na niya. Kahit hindi ako magsalita, alam na niya. I already fall in love with him. Ang kailangan na lang ay ang mag-confess ako. Pero parang ayoko.



          Maya-maya ay naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa likod ko.



          B-Bakit ka nakayakap?" tanong ko.



          Para makita ko ang Platinum Moves mo sa malapitan." Pasimple pa Kei. Ugh! Kanina, hindi mo ata nakikita ang sarili mo sa salamin kung gaano kapula ang mukha mo sa tuwing ninanakawan mo ako ng tingin. Wala ka namang sakit so isa lang ang ibig sabihin niyan," aniya. Umamin ka na," bulong pa nito.



          Ramdam ko ang init ng hininga niya sa tenga ko at nagkaroon ng kung anong epekto sa akin. Narinig ko naman lahat ang sinasabi niya. Pero kahit ganoon, naka-focus ako sa laro.



          Sa wakas at wala pang 20 minutes ang game at natapos ko na agad. Hindi pa rin siya nagbabago ng posisyon. Inikot naman niya ang upuan ko at umupo sa kandungan ko saka nakahawak sa dalawang balikat ko. How daring! Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Siguro oras na para sabihin ko ang gusto niyang marinig.



          Gus-" Naputol naman ang sasabihin ko dahil tumunog ang phone. Kei, iyung phone." Tatayo na sana ako pero hindi siya umaalis.



          Maya na iyan. Mas importante ang sasabihin mo Ren," tugon niya.



          Hindi na talaga siya nagsayang ng pagkakataon. Papaaminin na niya talaga ako ngayon. Transparent at halatang-halata na ata ako pagdating sa kaniya.



          Aaminin ko na Kei. I hate you," tahasang pagtanggi ko.



          Ngumiti naman ito ng nakakaloko at hinalikan ako. This feeling... Ito ang unang beses na may aktwal na taong humalik sa labi ko. Iyung panaginip, hindi counted. Naramdaman ko naman na hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.



          「Natapos naman akong bigyan ni kuya Villaflores ng isang... halik ba iyun sa labi? Bakit ginawa niya iyun?



          Kuya Villaflores?"



          Ren, isipin mo ako palagi ha. Alam kong aalis na kayo patungong Maynila. Pero isipin mo pa rin ako palagi. Huwag na huwag mo akong kakalimutan. Tandaan mo. Kapag nakasunod ako sa iyo doon at nasa tamang edad na tayo, itutuloy natin ang pagmamahalan natin. Okay? I will love you again Ren. It's a promise and don't ever dare to forget that," saad niya. Dami namang alam ng batang ito.



          Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo kuya. Ang naaiintindihan ko lang sa sinabi mo ay love and promise. Pwede bang i-explain mo kung bakit?" tanong ko.



          Napatawa naman ito ng payak at ginulo ang buhok ko. Sabi ko na nga ba. Hindi mo maiintindihan. Okay lang Ren. Pero balang araw..."



          Ren!" tawag ng isang boses sa akin. Si kuya Lars.



          Paalam na kuya Villaflores. Hanggang sa muli!" paalam ko dito saka kumaway paalis. Gumanti rin ito ng kaway sa akin.」



          Natigil ang paghahalikan namin at agad akong namilipit sa sakit ng ulo ko dahil na naman sa isang alaala. Niyakap naman ako ni Kei at hinaplos-haplos ang ulo ko.



          Okay lang iyan Ren. Kaya mo iyan," aniya.



          Maya-maya ay humupa na ang sakit ng ulo ko. Isa na namang alaala pero hindi gaanong malinaw. Ang malinaw lang sa akin ay may tao nang unang nakahalik sa akin at ang taong iyun ay si... kuya Villaflores? Imposible! Si Harry ba iyun? Si Harry kaya? Kumalas naman si Kei sa pagkakayakap ng mahigpit sa akin.



          Kei, may naalala ako. May unang tao ng nakahalik sa akin. Hindi ikaw ang first kiss ko," pangungumpisal ko.



          Kita ko naman na hindi ito natinag sa narinig. Okay lang. Kahit na biglang maalala mo na may unang tao ng nakahalik sa iyo, kahit may unang taong nangako sa iyo o kahit ano, wala akong pakialam. Ako ang nasa harapan mo ngayon. Ako ang poproblemahin mo ngayon. Hindi sa kung sino ang nasa nakaraan mo. Kung totoong nagmamahal sa iyo ang taong iyun, dapat kinuha ka na niya bago ka pa maging akin. But no one claimed you," paliwanag niya. May tao din akong minahal sa nakaraan. Pero dahil wala na siya, ang kasalukuyan ang iintindihin ko. Ren, sana ganoon ka din. Ako lang ang intindihin mo sa oras na ito. Ako lang."



          Umirap naman ako. Makapagsalita itong taong ito, akala mo ehh tayo na. Wala pa nga akong sinabi na tayo na."



          Tsundere effect ka pa. Hindi gagana sa akin iyan. Marahil ay nag-aalangan ka ngayon dahil sa mga naalala mo." Hinawakan niya ang aking baba at ihinarap ang mukha ko sa kaniya. So aamin ka, or I'll let your body do the talking?"



          Dami mong alam!" nguso ko.



          Kinabig naman niya ako papalapit sa kanya at hinalikan. Ramdam ko naman ang dila niya sa loob ng bibig ko. Mas lalo siyang mapusok humalik kesa kanina.



          Natigil naman siya nang may narinig kaming may tumikhim. Tiningnan naman namin kung sino ang tumikhim. Si kuya Jasper. Dahan-dahan pala itong pumasok sa pintuan at nagtatago sa gilid ng halamanan.



          Shit!" bulong nito sa sarili... at narinig ko iyun. Nako, huwag niyo akong intindihin. Ituloy niyo lang. Isipin niyo na wala ako dito. Maganda and interesante iyung setting ehh. Sa tapat ng PC tapos nagse-sex sa upuan. Manunuod na lang ako dito kung paano ninyo gagawin. Magpaparaos na rin ako. Maganda iyung may live show habang ganoon," diretsong paliwanag ni kuya Jasper... na tonong sarkastiko?



          Bumaling naman ulit sa akin si Kei at nakangiti. Tulo- ugh!"



          Bago pa matapos ang sasabihin nito, binigyan ko siya ng isang suntok sa sikmura. Agad naman nitong nakuha ang ibig kong iparating. Tumayo si Kei at inayos ang sarili saka dumiretso sa banyo. Lumapit naman sa sofa si kuya Jasper at umupo.



          Hey kuya Jasper. What's up?" bati ko sa kaniya.



          Not you probably. Bakit nasa taas iyun. Ikaw dapat ang nasa posisyon na iyun," sagot ni kuya Jasper.



          Hindi ko alam kung anong lingwahe iyan. Wait, nagsasalita ka ba sa wikang Portugayse?" I retorted.



          Nilibot naman ni kuya Jasper ang paningin niya sa bahay. Grabe. Parang kelan lang. Kapag pumapasok ako sa bahay na ito, nakikita kita diyan sa harapan ng PC, o hindi naman kaya nanunuod ng TV, o hindi naman kaya ehh nasa game room. Ngayon, nadatnan kita ngayon na may lalaking nakapatong sa iyo at naghahalikan pa kayo. Wait, si Kei ba iyun?"



          Hindi naman ako makatingin sa mata ni kuya Jasper at tumango.



          Napapalakpak naman ito sa tuwa. Congratulations!" natutuwang wika nito.



          Teka nga pala kuya Jasper, paano ka nakapasok?" bigla kong tanong dito.



          I believe na kalalagay mo lang iyung override command ng lock sa gate mo. Huwag kang mag-alala. Walang ibang tao nakakita sa akin noong ginawa ko iyun."



          Agad ko namang naalala na may ganoong secret command iyung lock ng gate ko. Ugh! Kapag sabay-sabay pinindot ang mga numerong 1 at 3, simbolong * at # sa keypad ng labas ng bahay ko, awtomatikong matatanggal ang lock ng gate. Then mano-notify din ang cellphone ko kung may pumasok. Kinonsider ko na rin na sa ganoong paraan pumapasok si Mr. Lion pero hindi ko pa rin alam kung paano. Naalala ko naman na kalalagay ko lang iyun last year. Nangyari ito pagkatapos mawala ang phone ko at nahanap naman ito ni Harry. Sa sinasadyang pagkakataon, nasabihan ko si kuya Jasper tungkol dito habang nasa Amerika.



          Lumabas naman si Kei galing sa banyo at basang-basa ang buhok. Palagay ko ehh naghilamos.



          Muli ay tumikhim si kuya Jasper. Ren, hindi mo ba ako ipapakilala sa bisita mo?" nakangiting request ni kuya Jasper.



          Kuya Jasper, si Kei," pakilala ko dito. Kei, si Jasper Schoneberg. Ang aking-" Teka, anong magandang palusot para dito? Siya ang aking... secret partners-in-crime," palusot ko kahit alam kong nag-iimbento na ako ng mga salita.



          Oh my god!" gulat na reaksyon ni Kei. Lumapit naman ito kay kuya Jasper at nakipagkamay. Keifer Salvador po. You can call me Kei." Tumingin naman ito ng makahulugan sa akin na wari'y sinasabi ay may big time pala ako na kaibigan.



          Hi Kei," bati ni kuya Jasper dito. Would you mind if I borrow Ren for some hours? May pribadong bagay lang kaming pag-uusapan. Naiintindihan ko naman ang frustration mo na hindi matuloy ang pagse-sex ninyo ni Ren kaya-"



          Kei!" pagputol ko sa sasabihin ni kuya Jasper para umakyat na si Kei agad.



          Tumalima naman ito at umakyat na agad sa kwarto.



          Kuya naman. Naging talkative ka bigla ahh."



          Why Ren? Sino ang magiging talkative dahil doon? This is a big news for us!"



          Bakit ka nga pala naparito kuya?"



          Inutusan ako ni daddy to check on you. Also a good reason to surprise you... and to my susprise, ako ang na-surprise. Surpriseception," nag-angat naman ito ng tingin sa hagdanan. I bet maraming beses na ata akong namatay sa utak ng taong iyun."



          Sa mga oras na ito, nag-aalala ako dahil sa nakita ni kuya Jasper. May hihilingin kasi ako sa kanya at hindi ko alam kung papayag ba siya sa sasabihin ko.



          Kuya Jasper, hindi mo naman ata sasabihin iyung nakita mo hindi ba?"



          Tumingin naman ito ng maayos sa akin. Ano ang ibig mong sabihin?"



          Alam kong kanina ka pa nakapasok. Ibig sabihin, nakita mo iyung mga bagay bago doon. Tama ba?"



          Gusto mo bang itago ko kay daddy na dahan-dahan ng bumabalik ang mga alaala mo?" Binigyan ko naman ito ng isang tango. Bakit Ren? Against ba si daddy sa bagay na iyan? Na bumabalik na ang alaala mo?" Muli ay isa pang tango. Wow. Ito pa lang ang unang beses na susuway ka sa gusto ni daddy. Sige. Payag ako. Tutal tinago mo naman ang sikreto ko sa kanila."



          Pasensya na kuya Jasper at nadamay ka pa," nalulungkot kong wika.



          Lumapit naman ito sa akin at ginulo ang buhok ko. Ano ka ba Ren? Okay lang iyan. Pasensya na din at naging masamang stepbrother mo ako noon. Sana Ren, mahanap mo ang hinahanap mo."



          Nag-angat naman ako ng tingin at niyakap agad siya. Kuya, Salamat sa pag-iintindi sa akin. Salamat sa suporta. Salamat talaga. Sala-"



          Tuluyan namang bumuhos ang luha ko at humagulhol. Ang saya-saya ko. Buti naman at sinosuportahan ako ng taong ayaw sa akin noon. Naalala ko na...



          「5 years ago...



          Sa mansyon ng pamilya Schoneberg, kasalukuyan naman akong nasa loob ng kwarto ko at abala sa binigay sa akin na bagong HIGH-SPECS kompyuter ni ninong. Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa nito si kuya Jasper. Nakita naman nito ang bago kong kompyuter at lumapit sa akin saka agad na kinwelyuhan.



          Hoy bastardo! Ganda ng bagong kompyuter mo ah! Swerte mo naman kay daddy! Binibigay niya ang nanaisin mo!" nanggagalaiti nitong saad sa akin.



          Binigyan naman niya ako ng isang suntok sa mukha dahilan na matumba ako. Ang sakit. Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si ninong.



          Jasper! Ano iyang ginagawa mo?!" sigaw nito sa kaniya.



          Lumapit naman ito kay kuya Jasper at hinawakan.



          Bitawan niyo ako daddy!" pagpupumiglas ni kuya Jasper.



          Matagumpay naman nitong iwinaksi ang pagkakahawak ni ninong dito. Dahan-dahan naman akong tumayo. Heto na naman sila. Nag-aaway dahil sa akin.



          Daddy, bakit ganito?! Kami ang mga tunay niyong anak pero mas tinuturing niyo siyang tunay na anak kesa sa amin! Dad, kami ang tunay niyong anak! Kami! Hindi ang bastardong iyan!" sabay turo nito sa akin. Kinamumuhian namin siya! Sana mama-"



          Natigil naman siya sa pagsigaw nang nasampal siya sa mukha ni ninong. Binigyan naman nito ng hindi makapaniwalang tingin si ninong.



          W-Wow dad. I-Ito ang unang beses na p-pinagbuhatan mo ako ng kamay. Nagtataka na kami. Baka hindi naman talaga siya ampon. BAKA TUNAY NIYO PO SIYANG ANAK MULA SA IBANG BABAE AT ISA TALAGA SIYANG TUNAY NA BASTARDO!"



          JASPER WALA KANG ALAM!" sigaw rito ni ninong.



          Dad, I HATE YOU!" sigaw niya saka lumabas ng kwarto.



          Nasapo ko naman ang pisngi ko na nasuntok ni kuya Jasper. Lumapit naman sa akin si ninong at inusisa ako kung okay lang ako. Tumango lang ako. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.



          Ren, tandaan mo. Kahit ganoon ang ugali ng kuya Jasper mo, mahal ka nun. Hindi ka lang nila naaiintindihan. Huwag kang magtanim ng galit sa kanila ha," wika ni ninong.



          Kumalas naman ako sa pagkakayakap. Ninong, pwede po ba akong magtanong?"



          Ren, kung magtatanong ka kung bakit ganito ka namin tinatrato, huwag ka ng magtanong. At tsaka normal lang na mag-away ang mga magulang at anak. Pero hindi normal ang sigaw-sigawan mo ang magulang mo Ren. Okay?" Tinugon ko naman ang sinabi niya ng isang tango.」



          Tama na iyan Ren. Huwag ka ng umiyak. Grabe. Iyakin ka pala," reaksyon ni kuya Jasper habang hinahagod ang ulo ko.



          「Nakayakap ako kay kuya Lars. Nadapa kasi ako habang naglalaro. Iyak ako ng iyak. Ang sakit kasi ehh.



          Tama na iyan Ren. Huwag ka ng umiyak," reaksyon ni kuya Lars habang hinahagod ang ulo ko.」



          Agad naman ako kumalas sa pagkakayakap kay kuya Jasper. Isa na namang alaala. Pinunasan ko naman agad ang luha ko.



          Now Ren, tama na iyang pag-iyak. Tara and let's have some fun! Time Crisis 4 tayo! Tapusin natin ngayong gabi," yaya ni kuya Jasper.



          Sige. Akyat lang ako sa taas para utusan si Kei na gawan tayo ng miryenda... or nag-dinner ka na ba kuya?"



          Maganda iyan. Teka, baka kapag umakyat ka ehh hindi ka na makabalik?"



          Huwag kang mag-alala kuya. Babalik ako," nakangiti kong saad.



          Umakyat naman ako sa taas at kumatok sa kwarto ni Kei. Pinagbuksan naman niya ako.



          Can we now?" tanong nito



          Stop that. Nandyan pa siya. Pwede ka ng bumaba."



          Ano ba iyan," simangot niya. Hindi ko alam na kaibigan mo pala si Jasper Schoneberg."



          Yeah. Also, magluto ka ng french fries para sa amin."



          Paalis naman ako ng binigyan na naman niya ako ng isang yakap sa likod. Ren, hindi ka pa rin ba magco-confess?" tanong niya.



          Itong taong ito. Gusto niya talaga marinig ang mga salitang iyun ha. Humarap naman ako dito at ngumiti.



          Kei, I love you very much."



          Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Teka? Tama ba? Ano ba dapat? I like you or I love you? Does it matter? Ohh well. Binigyan naman niya agad ako ng isang halik sa labi at kumalas. Sinundan ko naman siya ng tingin. He looks happy. Pagkababa ko, nadatnan ko naman si kuya Jasper na nakaupo sa sofa na pang-isahan.



          Anong nangyari doon? Mukhang tuwang-tuwa siya ahh?" tanong nito.



          I just confessed to him kanina sa taas. Iyun na lang kasi ang hinihintay niya ehh."



          Congratulations Ren. By the  way, wala bang karibal sa puso mo iyung taong iyan?"



          Wala naman."



          Buti ka pa. Solong solo ka ni Kei. Si Daryll, ewan ko ba." Huh? Bakit?



          Bakit kuya Jasper?"



          Naalala ko naman na hindi pala pinili nung Franz si Daryll kung hindi si kuya Joseph ang pinili nito. Naalala ko din na paano kung bumalik si Harry? Pero saka ko na poproblemahin ang bagay na iyun.



          Ren, I wish na maging masaya ang love life mo. I'm sure na hindi ka basta-basta magco-confess kay Kei kung hindi ka din niya mahal. Sana magtagal kayo at hindi magkaroon ng problema ang relasyon ninyo. And if ever magkaroon, which is hindi naman talaga maiiwasan, sana ma-overcome niyo. Hindi gaya ni Daryll na may problema talaga."



          Sana nga. At saka, ano po ba ang problema ni kuya Daryll?" naitanong ko.



          Come on. Huwag natin problemahin ang mga bagay na hindi dapat natin problemahin. Let's play."



          Masayang-masaya ako noong gabing iyun na nakikipaglaro kay kuya Jasper. Naniniwala talaga ako sa sinabi ni ninong na mahal na mahal ako ni kuya Jasper. Natapos namin ang Time Crisis 4 at pauwi na si kuya Jasper. Kasama ni Kei ay hinatid namin siya palabas. Binigyan ko ulit siya ng isang yakap at maya-maya'y kumalas din.



          Ingat ka kuya Jasper."



          Oo naman. Wait, can I talk to Kei?"



          Yeah. Sure," pagpayag ko.



          Lumapit naman dito si Kei at inakbayan ni kuya Jasper. Lumayo naman sila sa akin. Bakit kaya? Maya-maya ay kumalas sila at sumakay na si kuya Jasper sa motor niya at umalis. Sinundan ko naman ito ng tingin paalis at kumaway.



          Ano iyung sinabi niya sa iyo Kei?" tanong ko.



          Patay daw ako kapag niloko daw kita. Papakidnap niya ako sabay isusunog ang katawan ko sa incinerator na nasa mansyon ng bahay nila," sagot niya. Incinerator? Meron ba sila nun?



          Hinawakan naman niya ang kamay ko at nagsimula ng maglakad. Sumunod lang ako kung saan niya ako dadalhin. Nakarating naman kami sa tapat ng kwarto ko.



          Matulog ka na. Bukas na iyung performance ng banda niyo. Hindi na kita papagurin ngayon," nag-aalalang wika ni Kei. Aba ang taong ito. Mas inaalala talaga ako.



          Sige Kei. Matutulog na ako."



          Good night. Ren, I love you too very much."



          Mas lalong bumilis pa ang tibok ng puso ko noong sinabi niya iyun. Tama nga ang desisyon ko. Hahayaan ko siyang mahalin ako. Binigyan naman niya ako ng isang sweet na halik sa labi, sabay sa noo, sabay sa leeg, sabay sa uto- TEKA! naitaas na pala niya ang damit ko ng hindi ko namamalayan.



          Kei, ano ba talaga?" walang emosyon kong tanong.



          Agad naman siyang tumigil sa paghalik, inayos ang damit ko at tumawa ng hilaw. Sige Ren, good night na. I love you ulit."



          I love you too Kei."



          Dahan-dahan ko namang sinara ang pintuan ko. Pagkatapos ay dumiretso naman akong humiga sa kama ko. Kei's face looks brighter than before. He looks really happy. This day, ang daming nangyari. Maraming bagay akong naalala sa nakaraan ko, I confessed to Kei at nag-sorry si kuya Jasper sa pagiging masamang stepbrother. Ano pa kaya ang mangyayari bukas?



Keifer's POV



          Masayang-masaya ako ngayong gabi. Finally, nag-confess na rin sa akin si Ren. Parehas kaya kami ng iniisiip ngayon?



          Dahan-dahan naman niyang sinara ang pintuan ng kwarto niya. Bumalik naman ako kwarto ko at humiga. Iyun pala ang relasyon nila. Ampon pala siya ng pamilya Schoneberg? Pero bakit hindi niya ka-apelyido ang mga ito? O baka sila ang benefactor ni Ren? Hindi ko alam kung ano ang nakaraan nila. Pero iyung mga ngiting iyun ni Ren. I will protect his smile... if it's necessary.



          Maraming nangyari ngayong araw na ito para sa akin. Nag-confess sa akin si Ren. Still hindi ako maka-move on sa sinabi niya kanina. I love you agad? Grabe.



          「Some minutes ago...



          Oo naman. Wait, can I talk to Kei?" naitanong ni Jasper.



          Yeah. Sure," pagpayag ni Ren.



          Lumapit naman ako dito at inakbayan ni Jasper. Lumayo naman kami kay Ren. Bakit kaya?



          Hoi, alam ko na alam mo ang relasyon naming dalawa ni Ren. Huwag na huwag kang magkakamali na ipagkalat ang bagay na ito sa ibang tao maliwanag? Swerte ka at sinagot ka niyan," saad nito at binigyan ko ng isang tango. Kapag niloko mo ang stepbrother ko, patay ka sa amin. Papakidnap ka namin at susunugin namin ang katawan mo sa incinerator ng bahay namin maliwanag?" Muli ay binigyan ko siya ng isang tango. May kinuha naman itong kung anong bagay sa bulsa niya at inilagay sa kamay ko. Binigyan niya ako ng isang... condom. Safety first okay?" Tinago ko naman ang condom sa bulsa ko.



          Maya-maya ay kumalas kami at sumakay na si Jasper sa motor niya at umalis. Sinundan naman ito ng tingin ni Ren paalis at kumaway.」



          Para naman akong tanga na gumulong-gulong sa higaan ko... at nahulog. ARAY! Maya-maya ay tumunog ang phone ko... ng matagal. May tumatawag. Agad ko naman kinuha ang phone mula sa bulsa ko at sinagot.



          Hello?"



          Hello din Kei," si Alexa.



          Napatawag ka?"



          Balita ko, may performance daw bukas ang The Antagonist'. Uuwi na kami ni Martin ngayon din para mapanood namin. Saka pinapa-cover ni Katya iyung first performance nila sa school natin since umuwi siya sa probinsya. At isa pa, para makilala lalo si Ren."



          Para makilala si Ren? Bakit?" tanong ko.



          Ehh di ba nga, Naimpluwensyahan ata iyung utak niya na tinatawag nating FICTION kaya nga hindi ka niya sinasagot." Ay. Oo nga pala.



          Too late Alexa."



          Natahimik naman ito ng ilang segundo sa narinig. WHAT?! GINAHASA MO NA SIYA?!" sigaw nito dahilan para ilayo ko sa tenga ang phone ko. HOI KEI! GAGO KA TALAGA!" dagdag pa niya.



          Ibinalik ko naman sa tenga ang phone ko. Oo. Ginahasa ko siya. Magsasampung beses na ata akong nilabasan sa loob niya. Grabe. Ang sikip talaga ng butas niya kaya lagi ko siyang pinapasok. Sarap ehh," sarkastiko kong paliwanag. As if Alexa na gagawin ko nga ang mga bagay na iyun."



          Umm... oo? Ano ba talaga? Sabihin mo na."



          Kami na."



          Pagkasabi ko ay binaba ko na agad ang phone. Maya-maya ay tumawag siya ulit. Tapos na kaya siyang tumili? Sinagot ko naman ito ulit.



          How? Kung ako si Ren, hinding-hindi talaga kita sasagutin," wika nito.



          Nagbago ako ng mga plano. I mean binago ko ang mga paraan ko. I just happened to know na paborito ni Ren ang mga ginagawa kong baon para sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Nagpapasalamat ako sa taong nag-tip sa akin."



          Nag-tip? Sino?" curious na tanong niya.



          Iyung vocalist ng The Antagonist', si Johny Celerez. Tinutulungan niya ako."



          Wow. Paano mo naging tropa iyun?"



          Hindi ba iyung sa convention sa Mall of Asia? Bago nun, nakasalubong namin sila nung partner niyang si Nicko tapos nag-double date kami."



          Swerte naman. May insider ka para malaman ang mga gusto ni Ren."



          And then lastly, this day, he confessed to me... that he loves me very much. I'm very close to him Alexa. I'm really close to him."



          Well, how about Harry?"



          Hindi ko na poproblemahin iyan. I'm sure na maiintindihan niya. Hindi sa oras na ito."



          Pero kung kayo na pala, hindi ko pipigilan ang sarili ko na makilala iyang boyfriend mo. Kita na lang tayo bukas."



          Okay. Bahala ka. Good night na. Gusto ko ng matulog ng maaga para pagsilbihan ko si Ren."



          Kinarir talaga ang pagiging house husband ha. Sige. Good night na din."



          Binaba ko naman ang phone. Excited na ako para bukas. Ang first day na naging kami ni Ren.



Ren's POV



          Tumunog naman ang phone ko hudyat na kailangan ko ng magising. 8am. THIS IS THE DAY! Inayos ko naman ang sarili ko saka bumaba. Naabutan ko naman si Kei sa kusina na nagluluto... ng spaghetti. Umupo naman ako sa isa sa upuan ng hapag-kainan.



          Kei, nag-spaghetti ka? Anong meron?" kunot noong tanong ko saka ihiniga ko ang ulo ko sa mesa.



          I need to celebrate. Kaya nga spaghetti ang niluto ko." Napatigil naman ito sa ginagawa. Hindi ka naman siguro kontra na magluluto ako ng spaghetti right?"



          Nag-angat naman ako ng tingin. Not at all. Although kung matatandaan ko, that one is for my birthday."



          Umm..."



          Sige na. Ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo. Bibili na lang ako mamaya o bukas kapag mag-grocery tayo."



          Okay." Ipinagpatuloy naman nito ang pagluluto. By the way, kelan ang birthday mo?"



          July 31."



          Wow. Leo right? What a coincidence. Ako naman, August 1. Leo din ang sign ko."



          Pero wala naman sigurong kinalaman ang sign natin sa mga pag-uugali natin, mga taong dapat mahalin natin o kung anong pang bagay ang dapat nating gawin right?" Although the fact na baka nga ikaw si Mr. Lion.



          Pero sa mga hula ng isang random na manghuhula, naapektuhan ka," makahulugan wika niya.



          Natahimik naman ako sa sinabi niya. Alam niya? Nilagay na niya ang pasta sa isang lalagyan sa mesa at sinimulan ng lagyan ng sauce at keso ang pasta.



          I'm sorry. Noong isang araw kasi, naiwan mong bukas ang kompyuter mo sa sala. Naka-standby kasi iyun kaya binuksan ko and nakita iyung... alam mo na. Then naisip ko na baka maapektuhan iyung pagtingin mo sa akin dahil sa isang part doon na ginawang siyang sex slave ng boyfriend niya and this and that," paliwanag niya. You see, nahanap ko na si Lady Manghuhula at makikipagkita daw siya sa iyo mamaya pagkatapos ng performance ng The Antagonist'. Mabuti na iyun para magkalinawan na hindi mangyayari sa iyo iyung nangyari doon sa novel."



          Hinanap mo siya? For me?" tanong ko.



          Yeah. Para malinawan ka ng tuluyan," sagot niya.



          Thank you Kei," ngiting pasasalamat ko. Although huli na ang lahat para diyan. Nalinawan na ako. Sinampal ako ni kuya Jonas para magising sa katotohanan and... nagising ako."



          Still, I insist na makita mo si Lady Manghuhula. Sa mundong ito, hindi mo basta-basta magigising ang isang tao sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsampal sa kaniya. Kung totoo iyan, bakit may taong katulad ni Christian Castillo sa mundong ito? Siguradong alam naman natin na hindi siya ang pinili ni Blue. Sigurado akong napakinggan mo ang kanta niya noong pumunta tayo sa Maysha Acoustic Bar. Yes nagmahal siya. Pero hindi pa rin niya tanggap ang nangyari. Sabihin na nating nakaraming boyfriend or girlfriend siya. Pero sigurado ako na nakipag-break din ang mga iyun sa kaniya at binigyan siya ng isang sampal sa mukha. Bakit sige pa rin siya ng sige?" mahabang paliwanag niya.



          Alam mo Kei, unang-una sa lahat, hindi ako si Christian Castillo at mas lalong hindi ko kamag-anak iyun."



          Wala akong sinabi," kibit-balikat niya.



          Parang iyun din ang sinasabi mo," walang emosyon kong saad.



          Still, makipagkita ka kay Lady Manghuhula. Para wala na akong problema when I started banging you."



          Kumuha naman ako ng mansanas sa lalagyan ng mga prutas na nasa mesa at aktong ibabato sa kaniya. Dumipensa naman ito. Ibinalik ko naman ang mansanas sa basket.



          Nagbago na ang isip ko Kei. Mag-break na tayo," mabilis kong wika.



          Binitawan naman nito ang hawak niyang keso at grater saka pumunta sa likod ko para bigyan ng yakap.



          Sorry na. Sorry na," nguso niya. Gusto ko lang naman kasi na... alam mo na. Baka kapag may masamang mangyari sa iyo tapos tumugma pa doon sa binabasa mo ehh hiwalayan mo agad ako. Ayoko naman ng ganoon."



          Okay. Okay. Makikipagkita ako. Also Kei, pwede bang baguhin... I mean limitahin mo ang pagiging direct sa pananalita mo? Tama na iyung sex jokes ehh sa mga napapanood ko na sitcom sa ibang bansa."



          Ay. Meron pa ehh," reklamo niya.



          Ano naman?"



          Virgin pa naman siguro iyang buta- ugh!"



          Siniko ko naman ito agad. Yeah. Last mo na iyan?"



          Kumalas naman siya sa pagkakayakap. Okay," natutuwang saad niya.



          Ipinagpatuloy naman ni Kei ang ginagawa niya. Wow. I feel diaappointed na kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ilang minuto naman ang nakalipas ay natapos na rin siya sa paghahalo ng spaghetti ang nagsimula naman kaming kumain. Umupo naman siya sa kabilang mesa.



          Okay. Sa tingin ko ehh kaya naman natin itong ubusin Ren right?" tanong ni Kei sabay abot niya ng isang tinidor sa akin.



          Yeah sure."



          Nagsimula naman kaming kainin ang spaghetti. May mga parte na iisang pasta lang ang hinihigop namin pero agad ko lang itong pinuputol. Kita ko naman ang lungkot sa mukha niya sa tuwing ginagawa ko iyun. Pagkatapos naming kumain ay nagtawag na ako ng driver para ihatid kami sa school.



          Teka Ren, paano ang mga hugasan?" alalang tanong niya.



          Iwan mo na lang iyan. Darating dito mamaya iyung mga katulong ni ninong para maglinis."



          Paakyat na ako ng kwarto ng magtanong pa siya.



          Pwede na bang-"



          No!" pagputol ko sa itatanong ni Kei.



          Okay," malunglot niyang wika.



          Naghanda na agad kaming dalawa. Pagkababa namin, aktong kukunin niya ang kamay ko pero umiwas ako.



          Bakit?" nguso niya.



          Can we please na hindi muna gawing public ang relasyon natin sa school?" pakiusap ko. Bigla ko kasing naisip na baka I broke a rule or two."



          Ayaw mo bang ipalam ito lalung-lalo na sa benefactor mo na si Mr. and Mrs. Schoneberg?"



          Nagulat naman ako sa tanong niya. Paano mo nalaman?"



          Secret partners in crime is a lame excuse Ren. Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman ipagkakalat iyun."



          Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Thank you. Well about that, umm... kasi alam mo naman na may mga mata si ninong sa loob ng school... and not just sa school. Hindi rin pwede sa Music Room. Lately kasi ehh laging nasa Music Room din si ate Erika na alam mo naman na tito niya si ninong."



          Kita ko naman ang lungkot sa mukha ni Kei. Okay. Pero dapat hayaan mo na lang ako sa mga gusto kong gawin sa iyo sa school. At hayaan mong mabisto tayo. Like everybody does."



          Baliw!"



          Pumunta na kami sa labas at pumasok sa sasakyan. Hindi naman ito tumitingin sa akin. Mukhang nagtampo ata. Ang hirap palang magka-boyfriend. May kinakain ba sila? Ilang beses ba silang ilalakad sa labas? Bakit ginawa ko namang hayop ang boyfriend ko? Nako naman.



          Pasimple ko naman kinuha ang kamay ni Kei at hinawakan ang pulsohan niya. Humarap ang mukha niya sa akin at nagkatinginan kami. I can't believe na boyfriend ko na ang taong ito. What's with this fast development all of a sudden? Binitawan ko naman ang kamay niya at hinawakan niya ang palad ko. His hands... are slightly cold... dahil sa aircon ng sasakyan. Pero gusto ko ang pakiramdam na iyun. Pero mas gusto ko na niyayakap niya.



          Nakarating naman kami sa school. Kumalas naman siya sa pagkakahawak ng kamay ko pero nakangiti na siya. Sabay naman kaming naglalakad sa hallway.



          May binulong naman si Kei sa akin habang naglalakad. Gusto kitang i-pin down sa isa sa mga pader dito sa school at bibigyan kita ng isang torrid kiss tapos- ugh!"



          Siniko ko naman agad ito dahil sa mga narinig. Namilipit naman si Kei sa sakit. Hindi ko dapat talaga hayaan ang taong ito. Unstable iyung utak. Malapit na kami sa Music Room at pansamantalang tumigil.



          Hanggang dito na lang Kei," panimula ko.



          Sige. Kita na lang tayo mamaya," masayang wika niya. I love you very much Ren."



          Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ito talaga si Kei. I love you too Kei," sagot ko.



          Paalis na ako nang hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kaniya sabay bigay ng isang mabilis na halik. Agad naman itong kumaripas ng takbo papalayo sa akin. Ano ba ang ginagawa ng taong ito? Lumingon-lingon naman ako kung may nakakita sa amin. Wala maliban sa CCTV ng school. Gagawan ko na lang ng paraan. Kukunin ko na sana ang phone ko pero nagbago ang isip ko. Oo nga no. Let's get caught like everybody does.



          Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko at nakita ko si kuya Jonas na nakaporma at nakatayo malapit sa akin. Teka? Napatigil naman ako.



          Kanina ka pa ba diyan kuya Jonas?" tanong ko.



          Binigyan naman ako nito ng isang tango. Nagpakiramdaman naman kaming dalawa. Ano kaya ang gagawin ng taong ito? Bigla naman itong kumaripas ng takbo papasok sa Music Room at hindi naman ako nagpahuli. Binuksan naman nito ang pintuan ng Music Room pero nabigyan ko naman ito ng isang headbutt sa likod niya dahilan para matumba kami ni kuya Jonas. Nasa loob na rin pala ang iba at nakaporma din... pati si ate Erika. Bakit nandito na naman to?



          Ano ba ang ginagawa niyo? Tama na nga yang paglalaro ninyo!" asik sa amin ni kuya Blue. Tumayo nga kayo agad!"



          Agad naman akong tumayo pati si kuya Jonas. Nilagay ko naman agad ang mga gamit ko sa sofa ng Music Room.



          Ugh! Ang damit ko," reklamo ni kuya Jonas. Tumayo naman ito at inayos ang sarili.



          Ano ba kasi ang nangyari sa labas at naglalaro kayo ni Jonas?" tanong ni kuya Ethan.



          May nalaman ka ba Jonas?" tanong din ni kuya Paul.



          Kasi kanin-"



          Agad ko naman kinuha agad ang kamay ni kuya Jonas bago pa ito makasagot sa mga tanong ng dalawa at dinala sa banyo. Hinarang ko naman ang sarili ko sa pintuan.



          So kayo na nga?" panimula ni kuya Jonas.



          Oo nga."



          Ehh bakit ayaw mong sabihin ko? Big news to."



          Kasi kuya Jonas, ayoko na muna na may makaalam kasi may problema pa ako na hinaharap so huwag muna ngayon kuya Jonas. Hindi ko na pahahabain ang salitang pagsasabi ko ng no. Not a hint, not a trivia, not a trailer, not a word, in other words, no talaga," paliwanag ko.



          Grabe naman ito makapagsabi ng no. Hindi daw mahaba. Hindi ka ginigisa sa senado Ren," he retorted. At tsaka ang damit ko, tingnan mo. May dumi na tuloy." Tinuro pa ni Jonas ang damit niya.



          Yeah. Hindi nga ito Senado. Pero obviously, nasa Music Room tayo at magigisa pa rin ako kahit wala tayo sa senado. Sa balitang ihahatid niyo kuya Jonas, baka paglabas ko ay tustado na ako."



          Binasa naman ni kuya Jonas ang parte na may dumi sa damit niya at kinusot-kusot. Masanay ka na Ren. Magkakaibigan tayo dito sa club. Trust us. Tanggap ka naman namin kung ano ka. Kahit sila Joseph, Paul at Ethan, lalong-lalo na si Erika."



          Iyun nga ang problema kuya Jonas. Si ate Erika. Napapansin ko na lagi-lagi na siyang nandito."



          Ano ba ang problema? May alitan ba kayong dalawa?"



          Wala naman kuya Jonas. Pero huwag na muna talaga ngayon. Please. It's either ako mismo ang magsabi or mahuli nga kami. Like everybody does," pagdadahilan ko.



          May kumatok naman sa pintuan. Jonas, Ren, kung ano ang ginagawa niyo diyan, lumabas na kayo. Mag-rehearse na muna tayo bago ang actual performance natin," si kuya Blue.



          Tumigil naman si kuya Jonas sa pagkukusot. Hay nako. Wala pa rin. Wala na akong magagawa," reklamo niya dahil hindi maalis ng tuluyan ang dumi sa damit niya. Sige Ren. Hayaan na lang kita na ikaw ang magsabi sa kanila... o mahuli gaya ng ibang tao diyan."



          Salamat kuya Jonas," ngiting wika ko. At pasensya na pala sa damit mo. Don't worry. Gwapo pa rin kayo," pamumuri ko.



          Don't worry. Hindi ko nga sasabihin," assurance pa nito.



          Lumabas naman kami ng banyo at sinundan ko ng tingin si kuya Jonas. Umupo naman ako sa sofa at tumungo naman siya doon sa stage.



          Oi Jonas. May lihim kayo ni Ren ha. Isusumbong kita kay Nicko," pabirong wika ni kuya Paul.



          Tumigil ka nga!" asik ni kuya Jonas.



          Guys, tama na iyang asaran ninyo," saway ni kuya Blue. May performance pa tayong gagawin kaya umayos kayo. Ito ang magiging una nating actual performance sa banda. Hindi pa counted iyung sa party." Tumingin naman si kuya Blue sa relo niyang pambisig. May isang oras na lang tayong natitira bago ang aktwal na performance. Kaya guys, ipakita niyo sa amin ang bunga ng praktis niyo."



          Para mas lalo kayong ganahan, bibili ako mamaya ng ilang box ng pizza at sagot ko na rin ang mga drinks na bibilhin niyo," sabat ko.



          Wow. Daming pera ahh. Kanino galing?" sarkastikong tanong ni ate Erika.



          Ate Erika, meron din tayong tinatawag na personal money," sagot ko sa kaniya.



          Iyun!" sigaw ni kuya Paul at napapalakpak.



          Bumaling naman ng tingin si kuya Blue sa akin at tiningnan ako ng masama. Sorry. For motivational purpose lang naman," wika ko.



          Basta guys ha. Galingan niyo okay. Simulan niyo na ang rehearsals."



          Nagsimula naman ang last rehearsal ng banda. Umupo naman din si kuya Blue sa sofa. Kinuha ko naman ang mga gamit ko.



          Sige kuya Blue, ate Erika. Aalis na ako. Check ko lang iyung stage kung ready na," paalam ko. Good luck to us."



          Sige Ren. Good luck to us," nakangiti ding wika ni kuya Blue.



          Bye Ren," paalam din ni ate Erika.



          Agad ko naman tinungo ang stage kung may problema. Mabuti naman at wala. Okay! Handa na ang stage!



          Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan kaya pumunta na ako sa pinakamalapit na banyo. May naabutan naman akong naghihilamos ng mukha sa banyo... at si mangongopya pala ito. Si Allan Mercer. Nag-angat naman ito ng tingin at nakita ako sa repleksyon ng salamin.



          Hi Ren," bati nito sa akin.



          Hindi ko naman ito pinansin at dali-daling pumunta sa isang cubicle para umihi.



          Suplado," rinig kong sabi niya at palagay ko ay umalis na rin.



          Bakit ba kinakausap ako ng taong iyun? Ayoko nga siyang kausapin ehh.



          Lumabas naman ako ng cubicle at sa wakas ay wala na siya. Mabuhay! Palabas na ako ng cubicle ng pumasok si Kei... at sinara agad ang pintuan ng comfort room... Patay.



          Pwede na ba dito?" tanong pa nito.



          Ano ka ba Kei? Buksan mo nga iyang pintuan."



          Not until you give me a hug," demand niya. Ha!



          Agad ko naman itong niyakap para matigil na at niyakap din naman niya ako. Maya-maya ay hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya ang Death Hug... pero masyado akong mahina para gawin iyun. Kumalas naman kami sa pagkakayakap at binigyan na naman niya ako ng isang halik sa labi. Napangiti naman ako sa ginawa niya.



          Ikaw talaga Kei. Buksan mo na iyan. Marahil dito sa school ay magtatago tayo. Marami pa naman tayong oras sa bahay."



          Pero hindi sapat para sa akin ang isang buwan. Sa pasukan, andyan na naman si Harry. Magiging busy na tayo sa mga school activity natin," nguso niya.



          Don't count the days. Make the days count," ngiting wika ko.



          I love you very much Ren," sabay patong ng noo niya sa noo ko.



          I love you very much too Kei."



          Sa mga oras na iyun, parang gusto kong patigilin ang mundo. Having a power to freeze the clock from ticking ain't that bad. Masayang-masaya talaga ako sa tuwing nagpapalitan kami ng mga salitang I love you ni Kei. Bumibilis ang tibok ng puso ko. He really loves me. Am I lucky? I think so. Kei may be my first love... in this moment. Bakit ba kasi iyung letse kong alaala ehh nag-reveal pa na may nauna nang taong nag-promise sa akin na susundan niya ako dito sa Maynila... or Rizal rather para ituloy ang pagmamahalan namin? Well sorry na lang siya. Si Kei ang ngayon ko at nasa past na lang siya. What trials will the two of us face? At dito na po nagtatapos ang... JOKE! Yes. I mean the joke.



          Kumalas naman kami sa isa't isa at binuksan na niya ang pintuan ng comfort room. Sabay naman kaming lumabas na nakangiti sa isa't isa. Tumunog naman ang phone ko hudyat na magpeperform na ang banda. Tiningnan ko pa ito para makasigurado at baka mamaya ehh si Mr. Lion pala na unang beses na pumalpak sa pagpasok ng hindi ko nalalaman sa bahay ko. Kahit sabihin niyang nag-bakasyon siya, hindi ako naniniwala. Baka nga si Kei si Mr. Lion ehh.



          Sige na Kei. Pupunta pa ako sa backstage para i-check ulit ang mga bagay doon para wala ng aberya. At baka masisi pa ako na sinabutahe ko dahil alam mo na. Nakakabit sa pangalan ko ang Castillo," paalam ko.



          Mamaya nga pala. Saan tayo magkikita para magkita kayo ni Lady Manghuhula?" naitanong ni Kei.



          Pagkatapos ng performance ng banda, katok na lang kayo sa Music Room. I'm sure na kayo lang naman ang kakatok doon... pagkatapos pagkaguluhan ang banda."



          Okay sige. See you ulit Ren. I love you very much."



          Nako si Kei. Nakarami na. I love you very much too Kei," sagot ko.



Keifer's POV



          Nakaupo naman ako ngayon sa hindi kalayuan ng gym at tinitingnan si Ren mula dito. Ugh! Shit! Nakarami na talaga si Ren. Napansin kaya niya na tigas na tigas ako? Di bale kasi mamaya...



          Oi Kei!" tapik sa akin ng isang lalaki. Nilingon ko naman kung sino. Sila Martin at Alexa pala.



          Umupo naman ang mga ito sa tabi. Hey Martin, Alexa. Kelan ang kasal?" bati ko dito.



          Agad naman akong binatukan ni Martin sa itinanong ko pero natawa na lang ako sa mga reaksyon nila. Hindi pa rin maalis sa mata ko ang tingin kay Ren na inuusisa ang stage. Napatingin naman ang dalawa kung saan ako nakatingin.



          So, iyan pala si Ren. Congratulations," bati ni Martin.



          Yeah I know."



          So kelan ba ako magpapakilala Kei?" tanong ni Alexa.



          Mamaya daw pagkatapos ng performance ng banda nila. Katok na lang daw tayo sa Music Room," sagot ko habang nakatulala kay Ren.



          Lakas ng tama pare ahh." May kinuha naman na kung ano si Martin sa bulsa niya pero pinigilan ko ito.



          Kung condom iyang ibibigay mo Martin, meron na ako."



          Laging handa ahh. Ilang anak na ang meron sa utak mo?" tanong ni Alexa.



          I don't know. Nagbibilang pa rin ako hanggang ngayon," sagot ko.



          And paano si Harry?" si Martin naman.



          Huwag na ang taong iyun. May sumpa ang taong iyun ehh. Well hindi ko naman masasabi na sumpa pero, it's just my past experience. Ayokong matulad si Ren sa kababata ko. Mag-isa na nga siya... well technically hindi tapos... ugh! I don't wanna talk about it really. Ayoko ng alalahanin ang trahedya ng kababata ko," paliwanag ko.



          May balita ka na sa kababata mo? Ano daw ang nangyari?"



          May taong nakaaway ata. Nagalit, sinunog, ayun. Hindi na makilala. Grabe. Na cremate na nga iyung bangkay. Buti na lang at ang bait nung nag-aalagang mayaman sa kababata ko at ginawa nila iyun."



          Condolence," malungkot na wika ng dalawa.



          Kaya si Ren, kay Harry, no. Not ever. Ayokong mangyari kay Ren ang nangyari sa kababata ko," I said with full resolve.



          I see," wika ni Alexa. Maalala ko nga pala. Martin, samahan mo ako. Kumustahin natin sila Marcaux at Keith."



          Iiwanan natin si Kei dito?" tanong ni Martin.



          Okay lang guys. Spread the news of your upcoming wedding sa kanila."



          Natawa ng payak si Alexa. Yeah right. Tara na nga Martin."



Harry's POV



          Kasalukuyan naman akong nagpapalaki ng katawan dito sa gym na nasa bahay namin. Maya-maya ay nagpahinga ako. Siguro tama na muna para sa araw na ito. Tinuturuan kasi ako ni YouTube kung ano ang mabisang paraan para magpalaki ng katawan. Naka-save naman ito sa phone ko. Nakakapagtaka naman para sa akin kung bakit hindi pa umuuwi si Kei. Saan na kaya napunta iyun? Baka kasama niya ang mga kaibigan niyang sila Alexa at Martin. Pero wala daw siya sa kanila. Nasa Parañaque daw sila Alexa at hindi nila ito kasama. Baka kila Ren? Sinubukan ko naman itong tawagan pero... tumatak sa utak ko ang mga sinabi niya.



          「“Alam kong nakakabigla pero matapos kong malaman ang dahilan kung bakit lumungkot ka nung pumasok sa haunted house, nagkaroon ako ng pag-asa. Gusto ko na ako ang taong iyun. Tadhana ito," wika ko na puno ng kumpyansa.



          Ano Harry, pasensya na," nakatungo niyang saad sabay kalas ng kamay niya sa akin.



          Hindi pa ako nagtatanong. Pero iyun ba ang magiging sagot mo kung tatanungin kita ng... pwede ka bang ligawan?" Binigyan naman niya ako ng isang tango. Wow. Bakit nagkaganito. Pambihira. Tumalikod naman ako paharap sa kotse. Naiintindihan ko Ren."



          Pasensya na talaga Harry," walang emosyon niyang wika.



          Humarap naman ulit ako sa kaniya habang nakatingin sa ibang direksyon. Okay lang. Siguro hindi ka lang handa. Baka nga hindi talaga ngayon ang tamang panahon."



          Alam mo kasi Harry, napaisip ako sa sinabi ko na oras na para magkaroon ako ng love life. Actually, I don't really mean it. Also, I think I'm incapable of loving someone right now in my current state. I'm really sorry."



          Hinawakan ko naman ang magkabilang balikat ko. Hindi pwede ito. Hindi ako susuko. Pero Ren, nandito ako. Tutulungan kita!" pangungumbinsi ko.



          No Harry. Please respect my decision," pagmamatigas niya at hindi na nakatingin sa mukha ko.」



          Hindi ko talaga siya magawang tawagan kapag naiisip ko iyung mga sinabi niya. Pero hindi ako basta-basta susuko. Hindi ko pa naman ka-level si Christian Castillo kasi wala pa namang boyfriend or girlfriend si Ren.



          Lumabas na ako para dumiretso sa kwarto ko. Pagbukas ko lang nito ay naabutan ko na naman... si mama. Pumasok naman ako saka sinara ang pintuan.



          Hi ma," sarkastiko kong bati. Ano ang gusto mong pag-usapan natin? Ang dahilan ng pagkamatay ni Garen o ang dahilan ng pagkamatay ni Garen? Ay, walang ibang choice? Sorry ma. Iyan lang kasi ang natatandaan kong mga kasalanan mo."



          Anak, huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan. Magulang mo pa rin ako," sagot niya.



          Magulang? HA! Such a word."



          Lumapit naman ito sa akin saka hinawakan ang mga kamay ko at hinahaplos-haplos niya. Anak, hindi ko naman inaasahan iyun. Hindi ko akalain na magiging ganoon ang kahihinatnan niya. Maniwala ka," mangiyak-ngiyak niyang wika.



          Like I said ma, it's too late already. Alam niyo ba ma, nag-iisip na ako na sumali sa Witch Hunt ni Kei one of these days."



          Anak, huwag. Huwag mong pagkatiwalaan si Kei anak. Maniwala ka sa akin. Isa sa mga araw na ito, lolokohin ka niya. Pagsisisihan mo na pinagkatiwalaan mo siya."



          Kinalas ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak. You know ma, kahit ano pa ang sabihin ninyo, hinding-hindi ko na kayo pakikinggan. Si Kei, mahal na mahal niya ako bilang pinsan. Kahit na iyung magulang ko ang dahilan ng pagiging miserable niya, tinuring niya pa rin akong pinsan. Hindi nagbago iyun kahit ngayon. Mas nagtitiwala pa ako kay Kei kesa sa mga tao dito sa bahay na ito." Binuksan ko naman ang pintuan ng kwarto ko. Alam niyo na po kung ano ang ipinaparating ko."



          Humugot naman ito ng isang buntong-hininga. Balang araw Harry, masasabi mo na tama ako, na dapat nakinig ka sa akin. Mother knows best sabi nga nila. Kahit na ginaganito mo ako, tatanggapin pa rin kita. Aantayin ko ang pagbabalik mo sa amin."



          Nagsimula naman si mama na maglakad paalis ng kwarto ko. Hindi ako maniniwala sa kaniya. Hinding-hindi.



          Pagkalabas niya ay sinara ko na agad ang pintuan. Binuksan ko naman ang PC sa kwarto ko at nang makapag-FB. Ang daming notifications pagkabukas ko. Kelan nga pala ako huling nakapag-Facebook? Nitong Disyembre ata last year. Wala na kasi akong oras na makapagbukas ng Facebook dahil sa mga school activities... at dahil kay Ren. Oo nga pala? May Facebook kaya si Ren? Hindi ko pa siya naa-add. Di bale na. Hindi naman importante iyun. May mga kaibigan naman tayo sa tunay na mundo na hindi naka-add sa mga FB natin no.



          Nakaagaw atensyon naman sa akin ang isang post galing sa Schoneberg Academe. The Antagonist's First Ever Performance'. Kumusta na kaya si Ren? Miss ko na siya. Sana bumilis ang takbo ng oras para naman pasukan na. Humanda talaga siya sa akin pagbalik ko. Sisiguraduhin ko na magiging akin siya.



          Pero asaan na kaya si Kei? Ang boring naman kasi dito sa bahay kapag wala siya. Alam na kaya niya ang balita tungkol kay Garen? Siguradong malulungkot siya kapag nalaman niya. Kasalanan ko. Tumulo na naman ang luha ko sa tuwing maalala ang kababata ko na si Garen. I'm really sorry Garen. Kung hindi lang dahil sa akin... ehh di sana... nandito ka pa rin. Kasama ko.



          Tumayo naman ako saka naghalungkat sa aparador ko. Kinuha ko naman ang isang greeting card na ibibigay sana sa kaniya... kung makita ko siya. Sa cover ng greeting card ay ang signature icon ko. Isang drawing ng isang cute na ulo ng isang leyon. Favorite kasi ni Garen ang mga leyon. Binuksan ko naman ang laman para basahin ang isinulat ko dito.



          Hi Ren. Pasensya na at hindi na muna ako magpapakilala sa iyo kung sino ako. Pero sa tingin ko na it will ring a bell kapag nalaman mo kung sino ako. Pasensya na sa ginawa ng mga magulang ko sa iyo. Alam mo na. Sa pagpatay nila sa mga magulang mo kaya nag-iisa ka lang. Pasensya na kung direkta kong sinabi. Well bakit ba? Alam kong galit ka na sa akin dahil doon at hinding-hindi mo na ako mapapatawad. Pero I hope na isang araw, mapatawad mo ako. Alam mo, kahit noong mga bata pa tayo, love na love na kita. Not just a friend but more than that. To be direct, gusto kong sabihin sa iyo na I love you. I won't expect na you will love me back. Pero kung ako ang pipiliin mo, I will give you all my love na aabot sa punto na makakalimutan mo ang galit mo sa mga magulang ko. Pero alam ko na imposible iyun. Sa ibang salita, I'm serious that I love you very much. Siguro hindi sapat ang mga salitang ito para maipakita ang pagmamahal ko kaya gagawin ko. Get ready. Loving You... Again, Mr. Lion."



          Kumuha naman ako ng suit at itim na pantalon sa aparador. Pagkatapos ay naghalungkat pa ako saka kinuha ang pares ng mga kamay na katulad ng isang leyon. Naghalungkat pa ako at nakita ang nakasabit na maskara na natatakpan ang buong ulo. Sinuot ko naman ang maskara.



          Hello. Ako si Mr. Lion," wika ko pero ibang boses ang lumabas.



          Parang computer-generated ba? Ganoon na nga. Gawa kasi ito ng kapatid ni Garen na si Lars. May nilagay siyang kung ano sa bibig ng leyon para mag-iba ang boses. Siguro base ito sa konsepto ng pag-iiba ng boses na ginagawa ni Detective Conan. Hindi ko na rin inalam kung paano basta, ganito na iyun. Ayoko kasing masira ang maskara at iniingatan ko ito dahil iyung gumawa nito ay patay na at hindi na makakagawa ng isa pa. Siguradong iingatan ko ito. Ang persona ni Mr. Lion.



Ren's POV



          Isang magandang hapon sa inyo Schoneberg Academe!" masiglang bati ni kuya Jonas na nagpatili sa maraming tao. Salamat sa pagpunta niyo dito ngayong hapon na ito para saksihan ang first ever performance ng banda namin. We are The Antagonist'!"



          Mas lalo pang nag-ingay ang nga estudyante. Buti na lang at maraming tao ang pumunta para mapanuod ang banda. At buti na lang ay maayos ang boses ni kuya Jonas ngayon.



          Let me introduce my bandmates. Joseph, lead guitar. Ethan para sa bass. And Paul para sa drums. And me, Johny or you can call me Jonas for vocal."



          Nag-sample ang bawat isa habang tinatawag ang pangalan nila... maliban kay kuya Joseph na tumango lang. Well, ganoon talaga siya. Nagsimula naman ang performance nila.



What time is it where you are?
I miss you more than anything
And back at home you feel so far
Waitin' for the phone to ring
It's gettin lonely livin upside down
I don't even wanna be in this town
Tryin' to figure out the time zones makin' me crazy

You say good morning
When it's midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it's driving me mad
I miss you so bad
And my heart, heart, heart is so jet-lagged
Heart, heart, heart is so jet-lagged
Heart, heart, heart is so jet-lagged, is so jet-lagged

What time is it where you are?
Five more days and I'll be home
I keep your picture in my car
I hate the thought of you alone
I've been keepin' busy all the time
Just to try to keep you off my mind
Tryin' to figure out the time zones makin me crazy

You say good morning
When it's midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it's drivin' me mad
I miss you so bad
And my heart, heart, heart is so jet-lagged
Heart, heart, heart is so jet-lagged
Heart, heart, heart is so jet-lagged, is so jet-lagged



          Yes! Hindi pumalya ang boses ni kuya Jonas. Habang kumakanta ang banda, sumasabay din sa pagkanta ang mga tao. Magandang sign ba ito? Nakailang kanta naman sila pero naging notable naman sa akin ang huling kanta ng banda kasi kumanta na din si kuya Joseph. Naging si kuya Joseph tuloy iyung main at si kuya Jonas iyung sa backup.



I'm trying to forget that
I'm addicted to you
But I want it and I need it
I'm addicted to you

I'm trying to forget that
I'm addicted to you
But I want it and I need it
I'm addicted to you

Now it's over
Can't forget what you said
And I never wanna do this again
Heartbreaker

Heartbreaker
I'm addicted to you
Heartbreaker
I'm addicted to you
Heartbreaker
I'm addicted to you
Heartbreaker
I'm addicted to you
Heartbreaker



          Ewan ko pero feeling ko ehh may hugot iyung kanta ni kuya Joseph. Parang kay-Chris noong kumanta siya sa Maysha Acoustic Bar. At tsaka pang brokenhearted lang iyung kantang Addicted... hindi ba? Nag-break na sila Franz agad? Grabe. I'm jumping to conclusions.



          Mas lalo pang nagsisigaw ang mga tao nang natapos na nilang kantahin ang kanta at nagre-request pa nga sila ng encore.



          Natapos na ang performance ng banda at bumalik na kami sa Music Room.



          Good job everyone!" masayang wika ni kuya Blue. He then raised a glass. For Our first performance! It was a success everyone! Una, ang Schoneberg Academe. Bukas ang buong Rizal. Susunod ang buong mundo. Cheers!"



          Cheers!" we all shouted and then raise a glass.



          Gandang speech naman iyun. Pangkontrabida. Naalala ko tuloy si Dr. Doofinsmirch ng Phineas and Ferb. Nagsimula na din nilang kainin ang mgs binili kong Pizza na in-order ko kanina. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pintuan.



          Tumayo naman ako agad. Ako na."



          Binuksan ko naman pintuan at sila Kei nga ito at si... Lady Manghuhula.



          Hi! Pasok kayo," paanyaya ko at pinaunlakan naman ako nung dalawa. Ohh... gusto niyo ba ng Pizza, Mountain Dew, Coke..."



          Ikaw!" si Kei saka tumikhim.



          Lumapit naman si kuya Blue sa amin. Teka, ikaw iyung sa Journalism Club hindi ba? Alexandria Absalon tama?"



          Nagulat naman ako sa narinig. Magkakilala sila ni Lady Manghuhula?



          Yes. Ren, Alexandria Absalon. Member ng Journalism Club and I'm taking BS Education. Second year na ngayong taon. You can call me Alexa." Inilahad naman niya ang kanyang kamay at nakipagkamay naman ako sa kaniya.



          Ohh. So dito ka rin pala sa Schoneberg Academe nag-aaral... Alexa... and magkaibigan kayo ni Kei."



          Yeah. Kinukulit nga ako nitong boyfriend mo na-"



          Ha?!" Natigil naman sa pagpapaliwanag ni Alexa nang sumabat si ate Erika. Tumayo naman ito sa kinauupuan at lumapit sa amin. May boyfriend ka na Ren?"



          Aixt!" nasabi na lang ni Alexa.



          Grabe. Isang araw pa nga lang ehh buko na agad kami. Hindi bale. May tinatago pa naman akong alas... that is kung tama ang sinasabi ng intuition ko sa mga bagay-bagay.



          Lumapit naman si Kei sa akin at inakbayan. Yes Ms. Erika. Kami na ni Ren," Kei proudly announced.



          Binigyan naman ako ni ate Erika ng hindi makapaniwalang tingin at nag-silent talk, Alam ba ni tito to?"



          Kumalas naman ako kay Kei saka hinawakan ang kamay ni ate Erika para mag-usap kami sa CR.



          Ren, alam ba ni tito na may boyfriend ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya.



          Hindi at tutulungan mo ako na itago ang sikretong ito," sagot ko.



          Ha? Bakit naman ako tutulong? For the first time in the history, ito iyung unang beses na hindi alam ni ninong. Na may boyfriend ka na."



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Wala akong magagawa. Kailangan ko itong gawin kay ate Erika.



          Ate Erika, bago mo isipin na magsumbong kay ninong, may napansin lang akong ilang bagay. Magsimula tayo kung bakit nandito ka palagi sa Music Room."



          At ano naman ang kaso doon?" paghahamon niya.



          These late 5 days, palagi kang nandito sa Music Room. May isang tao sa banda na kapag lumabas ay lalabas ka din. Kapag nandito ay nandito ka din. Kulang na lang ehh kung iihi ay iihi ka din," nag-iba naman ito ng tingin. Mukhang tama ako. Naalala mo ba noong mga bata pa tayo? Noong sa mansyon pa ako nakatira? May science project noon si kuya Jasper at nasira mo ito. Ang kaso, ako iyung nasisi kasi umalis ka agad sa eksena dahilan para ako ang mapagalitan ni kuya Jasper. Pagkatapos noon ay sunod ka na ng sunod kay kuya Jasper hanggang sa malaman niya ang totoo kasi umamin ka. Ngayon, parang naulit na naman ang senaryo. Kapag nakadikit ka sa isang tao, isang bagay lang iyun. May ginawa kang kasalanan sa taong ito. Ngayon ang tanong, anong kasalanan ang ginawa mo kay kuya Joseph?"



          Binigyan naman niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. Tama nga ako. May ginawa siyang kasalanan kay kuya Joseph.



          Kapag sinabi ko ba sa iyo Ren, hindi mo ito sasabihin sa ibang tao?" Tumango naman ako sa tanong niya. Humugot naman siya ng isang buntong-hininga. May ginawa akong kasalanan kay Joseph. Ako ang dahilan kaya hindi sila nagkatuluyan ni Franz."



          Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ang alam ko ehh si kuya Joseph ang pinili nung Franz na iyun. Wow. Nasapo ko naman Ang ulo ko sa narinig.



          Paano nangyari iyun? Narinig ko ang pag-uusap ninyo sa school gate. Si kuya Joseph ang pinili niya."



          No Ren. Hindi na ako magsasalita about that. I will keep your secret, you will keep my secret. Kuha mo?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Tara. Labas na tayo."



          Lumabas naman kami pareho ng CR. Sila Alexa naman at Kei ay nakikikain ng pizza. Tumayo naman si Kei at nilapitan ako samantalang si ate Erika ay tumabi ulit kay kuya Joseph.



          Ren, okay ka lang?" untag sa akin ni Kei.



          Yeah. Okay lang ako."



          Upo ka Ren."



          Pinaupo naman ako ni Kei sa sofa. Kita ko naman na pumunta siya kay kuya Blue at may ibunulong dito. Sinagot naman siya ng isang tango. Dumako naman si Kei sa mga gitara at kumuha ng isa. Ano ba gagawin niya?



          Pumunta naman siya sa maliit na stage at umupo sa upuan na nandoon. Ti-nest naman nito ang mic kung gumagana.



          Umm... hello guys. Keifer Salvador here. You can call me Kei. Pasensya na at gagamitin ko ang ilan sa mga kagamitan niyo. Unang-una, salamat sa president niyo na si Alexander Blue Sebastian sa pag-unlak sa aking request na alayan ng isang kanta ang boyfriend ko na si Ren Castillo Severin. Ren, para sa iyo ang kantang ito," wika niya habang tinitipa ang gitara.



Sometimes I feel like everybody's got a problem
Sometimes I feel like nobody wants to solve them
I know that people say we're never gonna make it
But I know we're gonna get through this

Close your eyes and please don't let me go
Don't, don't, don't, don't let me go now
Close your eyes, don't let me let you go
Don't, don't, don't

Take my hand tonight, let's not think about tomorrow
Take my hand tonight, we can find some place to go
'Cause our hearts are locked forever and our love will never die
Take my hand tonight one last time

The city sleeps and we're lost in the moment
Another kiss as we're lying on the pavement
If they could see us they would tell us that we're crazy
But I know they just don't understand
Close your eyes and please don't let me go
Don't, don't, don't, don't let me go now
Close your eyes, don't let me let you go
Don't, don't, don't



          Ramdam ko naman na inaalay talaga sa akin ni Kei ang kanta. It makes my heart beats faster than before. Habang kumakanta si Kei, nag-flash na naman sa akin... ang isang alaala. Pinikit ko naman ang mata ko ng ilang segundo at dinilat muli. Nagulat na lang ako dahil iba nang tao ang nakaupo doon. Ito iyung taong humalik sa akin... pero hindi malinaw para sa akin kung sino ito. Pumikit naman ako ulit ng ilang segundo at si Kei na ang pinakita nito.



Take my hand tonight, let's not think about tomorrow
Take my hand tonight, we can find some place to go
'Cause our hearts are locked forever and our love will never die
Take my hand tonight one last time

The rain drops and the tears keep falling
I see your face and it keeps me going
If I get lost your light's gonna guide me
And I know that you can take me home
You can take me home

Take my hand tonight, let's not think about tomorrow
Take my hand tonight, we can find some place to go
'Cause our hearts are locked forever and our love will never die
Take my hand tonight one last time



          Natapos na ang kanta na dedicated ni Kei para sa akin. Ako lang ba pero magkasinggaling si Kei at kuya Joseph. Nako. Biased opinion ko lang ata iyun.



          Nagpalakpakan naman ang lahat. Ako naman ay tumayo at nilapitan si Kei saka niyakap. Damn! Kahit siguro tumingin ako sa salamin ngayon, siguradong namumula ako.



          Itinaas naman ni kuya Paul ang hawak niyang bote. Para sa bagong magsyota! Cheers!"



          Cheers!"     



          Lumipas na ang gabi at nasa loob na kami ng bahay at agad naman akong inatake ni Kei sa labas pa lang ng kwarto ko. Mapusok kung makahalik siya sa akin. Nakakaganti na rin ako ng halik sa kaniya. I know that he is holding up for too long. Nang mabuksan ko ang pintuan sa kwarto, ihiniga naman niya ako sa kama at pinatungan. Huminto naman siya sa paghalik at nagkatinginan kami. But then, he looked at me with a painful expression.



          Bakit?" tanong ko.



          Naalala mo na naman ba?" balik tanong niya.



          Napatingin naman ako sa ibang direksyon. Alam ko ang tinutukoy niya. Pasensya na."



          Humugot naman siya ng isang buntong-hininga. Dapat pala pinalitan ko ang ilang lyrics ng kanta. Let's not think about the past dapat," he chuckled. Well wala akong magagawa doon."



          Nagsimula naman niyang hubarin ang damit niya at tinapon niya lang ito sa likod niya. Tiningnan ko naman siya. Bumungad sa akin ang katawan niya. He is sexy though hindi masyadong buffed ang katawan. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero pangalawang beses ko naman itong nakita. Hindi counted iyung panaginip.



          Ren, do you prefer na mas buffed pa kesa dito ang katawan ko?" tanong niya habang hinuhubaran ako saka tinapon na naman ito sa sahig.



          Huh? Bakit naman? Your body is fine."



          May ilang bagay lang akong nalaman sa iyo. For instance noong nagsuntukan kayo ni Brax sa Acoustic Maysha Bar, and iyung nag-fencing tayo. Siguro didipensa ka lang hanggang sa huli. Wait, fencing is a different one. Mabilis ka naman. Pero nag-aalala ako sa iyo. Paano kung may mga taong hahamak sa iyo? Dapat matuto ka ng self-defence at saka Close Quarter Combat. May kilala akong tao na pwedeng magturo sa iyo. While ako, magpapalaki ng katawan just in case. Para maprotektahan kita," paliwanag niya.



          Sa sinasabi niya, ramdam ko naman na hindi talaga iyun ang gusto niyang pag-usapan. Kahit ang intuition ko ay ganoon din ang sinasabi.



          Kei, hindi iyan ang gusto mong sabihin tama?"



          Half-truth. Half-lie." Hinawakan naman niya ang labi ko. I really mean what I said na matuto ka ng self-defence at magpapalaki ako ng katawan. Tama ka din. Hindi iyun ang gusto kong pag-usapan. Napaisip ako, paano nawala ang mga alaala mo?"



          Ugh... hindi ko alam. Sabi ng ninong ko, huwag ko na daw alalahanin."



          Then I'm worried. Paano kung isang araw, paggising ko ehh nawala na ang alaala mo? Hindi mo na ako kilala? And then lalayo ka sa akin?" sunod-sunod niyang tanong



          Hindi ko alam. Ipaalala mo?" sagot na patanong ko.



          Madaling sabihin. Mahirap gawin."



          Umm Kei, hindi ba dapat sa mga scene na ganito ehh wild ka dapat? May problema ba?"



          Yeah. What if kapag nag-sex na tayo tapos may naalala ka na naman? Frankly speaking, nagseselos na agad ako sa taong iyun kung sino man siya sa alaala mo. Gusto ko ako na lang ang maalala mo, ng utak mo, at ng puso mo."



          Muli ay inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ulit ng mapusok. Hindi ko naman namalayan na nakayakap na ako ng mahigpit sa kaniya. Ramdam ko naman ang mga kamay niya sa likod ko. Ang isa ay nasa bandang ulo at ang isa ay sa bandang pwet ko na. Ang init ng pakiramdam ko. Bumaba naman ang paghalik niya papunta sa leeg, hanggang sa dumako siya sa utong ko at nilalaro iyun ng dila niya. Ang isang kamay sa pwetan ko ay dumako naman sa kabilang utong ko. Naramdaman ko naman ang tigas ng ari sa ibaba niya at palagay ko ehh ramdam niya ang sa akin. Gustong-gusto ko ang ginagawa niya. Napapikit ang mata ko sa sarap at gumagalaw ng kusa ang katawan ko sa ginagawa niya.



          Kei. Shit!" ungol ko.



          Naramdaman ko naman ang ngipin niya na bumabaon sa utong ko. Napadilat ako sa sakit. Pinipigilan ko naman ang mga kamay ko na itulak siya.



          Kei, a-ang s-sakit ng ginagawa m-mo," pautal-utal kong sabi habang iniinda ang sakit na nadarama.



          Tumigil naman siya sa ginagawa. Nagmarka ang ginawa niyang iyun. Nagkatinginan naman ulit kami. Bakit ginawa niya iyun? Naghabol naman ako ng hininga.



          Lumawak naman ang ngiti sa labi niya. So wala. Ako pala talaga ang una," ngiti niyang wika. Pasensya na Ren. Ang totoo, dito pa lang magsisimula akong maging wild. Ang saya-saya ko."



          A-Ano ang ibig mong sabihin?"



          Ren, pasensya na ulit kung magiging unromantic ang unang sex scene natin. Hayaan mo ako sa gagawin ko. Siguradong hinding-hindi mo makakalimutan ang kaganapang ito sa buhay mo."



          Sinimulan naman niyang hubarin ang pantalon niya at ang pantalon ko hanggang sa brief na lang ang natitirang saplot namin.



          Anong ibig mong sabihin Kei? Kakainin mo ako?" nag-aalala kong tanong.



          Parang ganoon ata ang tamang word. Bakit Ren? Ayaw mo ba?"



          G-Gusto. Kung iyan ang gusto mo."



          Relax ka lang. Hindi naman kita papatayin. It's just, para ako ang maalala mo ngayong gabi. Hindi iyung pesteng tao na kumuha ng unang halik mo, at iyung taong inalayan ka ng kanta. At isa pa, para maramdaman mo ngayon na buhay ka. Kapag nasasaktan ang isang tao, patunay lang iyun na buhay siya."



          Ang taong ito. Grabe. Kaninong puso ba ang naririnig kong tumitibok ng malakas? Sa akin? Sa kaniya? Sa Kenya? Grabe. Ang layo ng Kenya sa Pilipinas para marinig ko ang tibok ng puso nun.



          Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya. Alam mo ba Kei, bago tayo pumunta sa convention, nanaginip ako. Nandito ka daw sa kwarto ko. Nagse-sex daw tayo. Sa panaginip na iyun, parang totoo. Sabi mo nga sa akin..."



          「“Ren, mahal na mahal kita," wika ni Kei sa akin.



          Kei, mahal na mahal din kita nasabi ko din.」



          Kaya huwag ka ng magselos pa. Technically, ikaw ang kauna-unahan Kei. Mahal na mahal kita."



          Kita ko naman sa mukha nito na natuwa sa narinig. Ako din Ren. Mahal na mahal din kita. Sana Ren, maintindihan mo ang mga paparating na bagay na gagawin ko. Hindi ko masasabi sa ngayon kung ano ang mga iyun pero balang araw, maiintindihan mo."



          Ramdam ko naman na may tumulong luha mula sa mga mata niya. Nagulat naman ako sa mga sinasabi ni Kei at... umiyak ba siya kanina.



          Kei," tawag ko sa kaniya ng may pagsuyo.



          Ngumiti naman ito ng maluwang. I will try to balance the pain and pleasure Ren. Trust me okay? Relax lang."



          Muli ay pinagpatuloy niya ang paghalik sa labi ko. Mas mapusok pa ito kesa kanina. Nararamdaman ko na ang dila sa loob ng bibig niya. Napapaungol ako at napapapikit sa sarap. Nagdulot ito ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko. It's much intense than before. Nahubad na niya ang natitira naming saplot. Pinatuwad naman niya ako. Nako heto na. Nag-antay naman ako ng ilang segundo pero wala pa siyang ginagawa. Tiningnan ko naman siya... at mukhang may sinasabi. Hindi ko naman halos marinig ang sinasabi niya at binabasa ko na lang ang sinasabi ng labi niya.



          “… pasensya na. Hindi ako umabot huli ako... tandaan mo na mahal kita dumating si Ren ibabaon na kita sa limot sorry... pasensya na kahit ako ang nauna nagsabi nito iyo na siya talaga nauna hindi ko tanggap nangyari na pero sasabihin rin ang gusto mong marinig... sa akin..."



          Muli ay may nakita na naman akong luha na tumulo mula sa mukha niya. Sinimulan naman niyang ipasok ang ari niya sa akin at... Ugh! A-ang sakit! Pakiramdam ko ehh nahahati ako s-sa ginagawa niya. I grit my teeth and clench my fist to at least ease the pain that I am feeling. Ang sakit talaga! Para kay Kei. Ramdam ko naman na nasa gilid na siya ng ulo ko at hinalikan ang leeg ko.



          “… You... Again, Mr," paputol-putol na pagkakarinig ko sa sinasabi niya.



          Agh!" sigaw ko.



          Nagsimula naman siyang umayuda sa akin. Ang sakit talaga. Hindi ko na narinig iyung sinabi niya kanina. Ramdam ko naman na humahalik siya sa likod ko at ang mga kamay niya ay sa ari ko at ang isa ay sa utong ko.



          Ren," malambing niyang pagtawag sa pangalan ko.



          Ke- Agh!" sigaw ko.



          Ang sakit-sakit talaga ng ginagawa niya. Pakiramdam ko talaga ay mahahati ako. Tinatawag lang niya ang pangalan ko ng paulit-ulit. He gave me a painful with pleasure experience at sa tingin ko ay hindi na maalis sa utak ko ang marahas niyang ginawa sa akin. Pero gusto ko iyun. Kung iyun ang magpapaalis sa selos niya tungkol sa nauna sa akin. Gagawin ko.



          Ren, sabay labasan malapit ako," narinig ko na lang.



          Pambihira. Hindi ko na marinig ng maayos ang sinasabi niya. Paputol-putol na ang naririnig ko. Nanghihina na ako.



          I love you Kei," wika ko.



          “… love Ren," mga tanging salita na narinig ko kay Kei.



          Pakiramdam ko naman na may bagay na lumabas sa puson at sa loob ko. Ang init. Hinabol ko naman ang hininga ko. Pero maya-maya, wala na akong nakita... kung hindi kadiliman na lang.



Allan's POV



          Hinatid naman ako ng kaibigan ko pauwi gamit ang motor niya.



          Salamat Alexis ha," natutuwang saad ko habang hinuhubad ko ang helmet saka binigay ito sa kaniya.



          Alam mo Allan, bakit hindi ka matutong mag-motor?" suhestyon nia. At saka asaan ba iyung driver ninyo?



          Ewan ko ba sa taong iyun. Pero kukunin ko iyang suggestion mo. Bibilhan daw ako ni mama ng motor."



          Mabuti naman kung ganoon. Sige, aallis na ako."



          Salamat ulit sa paghatid."



          Humarurot naman ito paalis. Galing kasi kami sa Internet Shop na pag-aari namin at naglaro.



          Humarap ako sa bahay at dire-diretsong pumasok dito. Pagkapasok sa sala, nakita ko ang maskara ng leyon at ang suit na kapares nito. Si Mr. Lion.



ITUTULOY...

6 comments:

  1. Wow. lol Pero Agad agad? wala man lang oral. ? hahaha

    BTW the flow. Grabe... I still have some doubts about it. Ang gulo naman nun. Naasar na ako sa Ulo ng leon na yan hahaha.

    :D May BS na rin sa wakas LUL!

    ReplyDelete
  2. Grabe kilig na kilig ako sa halikan nila sa sofa at nahuli pa sila ni Kuya Jasper haha!!! Pero mas nagustuhan ko ung sex scene nila ang wild! Grabe ang sarap hahaha pero bitin walang oral haha pero ok lang matigas na eh daretso pasok na haha..

    Mr. Author last mo na yung "sa Kenya" ah hahaha !! Joke lang

    Si Harry pala si mr.lion akala ko naman si Kei na. Pero boto ako kay Kei no matter what!! Hahaha

    Thank you mr.author sa mabili at magandang update na to!!! Take care :))

    -44

    ReplyDelete
  3. Alam mo author simula umpisa ng story mo sinusubaybayan ko na, hindi nga ko nagkamali dahil habang tumatagal o may update gumaganda yung takbo ng istorya meanwhile sa wakas nakilala na din si Mr. Lion tho sana si Kei nalang and palagay ko si Mr. Lion pa rin ang makakatuluyan ni Ren dahil sa letter na binasa ni Harry, bakit ko nasabi? Simple lang dahil sa title ng istorya na nakasaad sa sulat nya para kay Ren pwera nalang kung ibahin ni Author. Lol
    That's for now.. Ang galing mo Author! :))



    Chris

    ReplyDelete
  4. Naku po Harry, nasulot na ni Kei si Ren. Ang bagal mo kasi nagbakasyon ka pa..haha..di bale be Ren's protector na lang at pag may chance win him back. Team Harry pa din..hehe. Anyway, nice update author.

    - Lantis

    ReplyDelete
  5. Unti unti ko ng naintindihan pero malabo pa rin. I'll understand it more as the story unfolds. Thanks sa update. Take care.

    ReplyDelete
  6. ganda ng story. One thing na pumukaw sa attention ko ay ung full name ni alexa.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails