Followers

Friday, November 22, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 08]



Teaser | 1234 | 5 | 67

Note

1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 8. Abot-langit pa rin ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng mga komento dito sa mga kabanata ng kwento na ginawa ko. Pati na rin sa mga silent readers, salamat po talaga! (Sorry po kung hindi ako tumutugon o nagrereply sa mga comments tsaka hindi ko po kayo na special mention kasi puputol-putol ang internet namin, parang tanga lang, nakakawarla.)

2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3 


3. Ang updates ko po ay every Tuesday at Friday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito. Dahil kung type niyo ako, e di type ko rin kayo. Dejk hahahahahahaha.

Enjoy!

Disclaimer:


1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.

3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!

---


Chapter 8




Bakit nangyayari ito? Akala ko Mr. and Ms. Freshman? Bakit wala si Laurel? At bakit andito si...

...Dimitri?


"SOUTH EAST ASIA UNIVERSITY, WE HAVE FOUR OF THE HOTTEST LOVE TEAMS IN THE HISTORY OF EVER!! WELCOME TO THE STUDENT'S NIGHT LOVE TALK!!" Sigaw ng host.

Teka! Hindi naman ito Mr. and Ms. Freshman ah! Nasaan si Laurel? Hinahanap ni Angelo si Laurel ngunit hindi niya ito makita sa stage. Lumingon siya sa audience at nakita niya sa front row si Laurel, patalon-talon. Tingnan mo nga itong gaga, akala ko sumali siya? Hindi pala. Kainis! Pinakitaan ni Angelo si Laurel ng kamao habang nakatunganga siya sa stage.

"WELCOME TO THE STUDENT'S NIGHT SOUTH EAST ASIA UNIVERSITY!" Bati ng host. Naghiyawan ang mga tao at mas lumalagaspak pa ang palakpakan at ingay.

"Mr. Montemayor? Mr. Montemayor? You may not take your seat." Pagtawag ng host kay Angelo. Hindi gumalaw si Angelo. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuang hydraulics simula nang nakatungtong siya sa stage. Gulat na gulat pa rin siya sa takbo ng mga pangyayari. Naloko ako! Argh! Nagdabog si Angelo sa harap ng stage na kinatawa naman ng mga tao.

"Angelo? Are you alright?" Tanong ng host. Nagtawanan ang mga tao. Tiningnan ni Angelo ang mga taong nakaupo, tiningnan din niya ang audience. Nakatawag ng pansin ang pagtawa ni Dimitri - ang taong iniiwas-iwasan niya ngunit umaasa pa rin na pwedeng maging sila.

"I think someone here needs a little applause?" Nagpalakpakan ang mga tao. Dahan-dahan nang gumalaw ang mga paa ni Angelo patungo sa upuang bakante, sa tabi ni Dimitri.

"EVERYONE! WE HAVE MIRANDA AND CLYDE, GAB AND CORINA, RICHARD AND KRISTA, AND ANGELO AND DIMITRI! And this is... Love Talk!"

Kinabahan si Angelo. Bakit ba naman kasing ganito?

"Akala ko po Mr. and Ms. Freshman ang event ngayon?" Tanong ni Angelo habang naka-on ang microphone. Nagtawanan ang mga tao. Tinitignan pa rin ni Angelo ang mukha ni Laurel na may halong pagtataka at pagkainis. Kung tama ang hinala niya, pinagtitripan siya ni Laurel.

"No, Angelo. This is Love Talk. We do this every year to open Student's Night. You may now sit down beside your handsome man, Dimitri."

"WE'RE NOT A COUPLE!" Sigaw ni Angelo. Tumawa ang mga tao at ang iba ay kinantyawan pa sila. "AYEEEEEEEEEEEEEEEE!!" Sigaw ng audience.

"Okay, calm down now Angelo. And now let's start." Ang host. Hindi mapakali si Angelo kasi feeling niya ay naloko siya. Hindi siya makapagsalita at naiilang siyang katabi si Dimitri na ilang araw niyang hindi niya pinakikitunguhan dahil sa selos. Nang naupo na si Angelo, nilingon niya si Dimitri sa kanyang gilid na ngumingiti pabalik sa kanya habang nakalahad ang palad na may lamang snickers bar. At may nararamdamang kiliti si Angelo sa katawan... kinikilig siya. Hanggang ngayon, si Dimitri pa rin pala. Ang mukha ni Angelo ay puno pa rin ng gulat at sa segundong iyon, gusto na niyang tumalon pababa ng stage.

"Chocolates?" Alok ni Dimitri.

"No thanks. Pakibigay na lang iyan sa Maryanne mo." Mataray na sagot ni Angelo.

"What? What's with Maryanne?" Gulat na tanong ni Dimitri.

"E di ba kayo na?" Kinakabahang tanong ni Angelo habang mataray pa rin ang tono. Pilit niyang pinapakita kay Dimitri na wala na sa kanya lahat pero sa kaloob-looban niya ay hinihiling niya na sana sumimangot si Dimitri at sabihing 'Wala na kami'.

At tama ang hinala ni Angelo. Sumimangot nga si Dimitri. Nabuhayan ang loob ni Angelo at alam niyang good sign na ito. Nararamdaman na niya rin ang sunod na sasabihin ni Dimitri... na hindi naging sila ni Maryanne. Paulit-ulit naman sa kanyang tenga ang huli nilang pagsasagutan bago magkailangan sa mga nagdaang araw.

"I'm sorry Angelo. I like Maryanne now. And not just that. I like her better than I liked you. Nakakainis lang kung bakit hindi ako maka-move on sa'yo. And honestly, nilalabanan ko. But undeniably, you are really special to me. I just hope na walang mamumuong pag-ibig sa amin ni Maryanne... Dating stage pa naman. Maybe you can wait for me? I'm sorry... I'm still looking for a reason to like you again. But I just can't. Maybe in the right time. Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."

"...Maybe in the right time. Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."

"...Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."

"...Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."

"...Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."


"Kamusta na pala kayo ni Maryanne?" Pag-follow up ni Angelo upang makumpirma ang gusto niyang marinig. Nagsimula na ang talk show at tinatanong na sina Miranda at Clyde ngunit hindi sila nakinig sa usapan at gumawa sila ng sariling conversation. Patay-malisya kumbaga.

"Nakakalungkot lang eh.. We all have hard times, di ba Angelo?" Sumimangot si Dimitri at dahan-dahan nang nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa luha. Alam ni Angelo ang ibig sabihin nun. YES! Hindi naging sila!! Sigaw ni Angelo sa isip.

"...Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."

"...Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."

"...Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better."


Eto na ba iyon Lord? Eto na ba ang 'next time' Dimitri? Is it this time? Is this the next time? Bahala na, papatusin ko na talaga 'to! Sigaw ni Angelo sa kanyang masayang isip sa mga oras na iyon.

"I-It's okay Dimitri... We do." Ngumiti si Angelo ngunit alam niya sa sarili niya na in denila pa rin siya. Hinaplos ni Dimitri ang mukha ni Angelo na labis namang ikinakilig ni Angelo. At dahil gusto niyang magpahabol muna sandali, pinalo niya ang kamay ni Dimitri at umarteng parang hindi niya nagugustuhan.

"Aray naman!" Sigaw ni Dimitri sabay kirot sa pisngi ni Angelo. "I told you I'll be back, di ba?" Ngumiti si Dimitri at inakbayan si Angelo. "Isn't this fun? I missed you." Bulong ni Dimitri kay Angelo, dahil awkward level 99999 silang dalawa, nilayo ni Angelo ang kanyang mukha mula kay Dimtri dahil pinaninindigan niya talaga ang "pavirgin" drama niya. Ngunit bumabalik naman sa kanyang isipan ang pagseselos kay Maryanne sa mga nagdaang araw kaya parang hindi niya ramdam ang makipag-touchy kay Dimitri ngayon. Nagtatampo siya.

"No, stay away from me. And alam mo 'to? This event?" Tanong ni Angelo. Ngunit ngumiti lang si Dimitri at binalatan ang snickers bar. Itinutok niya sa bibig ni Angelo ang snickers ngunit nagmatigas si Angelo at hindi binuksan ang bibig.

"What's that for?" Masama ang tingin ni Angelo. Ayaw niyang pahalata na alam ni Dimitri na gusto niya ito.

"Eat. I know hindi ka na naman nag-lunch. Miss pa naman kita baby ko. Pumayat ang honeybunch ko oh." Sumandal palapit kay Angelo si Dimitri at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Inakbayan ni Dimitri si Angelo. At dahil malakas si Dimitri at kahit anong pagpupumiglas ni Angelo ay hindi siya makakawala, binuksan na lang niya ang kanyang bibig at hinayaang subuan siya ni Dimitri. Nginuya niya ang snickers bar at masamang tiningnan si Dimitri na para bang batang nagtatampo.

"Bakit ang bait-bait mo ngayon Dimitri? Tapos noon, halos di mo ako pinapansin at nakakunot palagi iyang noo mo sa akin? Bugbugin kita diyan eh." At pinakitaan niya ng kamao si Dimitri na labis na ikinatawa ni Angelo.

"Ano ka ba! Hahahahaha, I was never mad at you. I just got busy. You know I can never stand my love partner. Alam ko rin naman na namiss mo ako eh. Pakiss nga." Inakbayan niya si Angelo at hahalikan niya sana sa leeg si Angelo ngunit mabilis na nakawala si Angelo sa akbay ni Dimitri. Walang nagawa si Dimitri kaya ngumiti na lang at hinahaplos-haplos ang mukha ni  Angelo na nagustuhan naman ng huli. Patuloy niyang sinusubuan si Angelo ng snickers at para silang magsyota sa ganoong lagay.

So wala na talaga sila ni Maryanne? Kasi nagawa niyang makipagsweet-sweetan sa akin. This is it! This is the next time na sinasabi niya! Tumatawa si Angelo sa kanyang isip dahil sa tuwa at kilig. But Angelo, keep your guards up. Huwag magpaloko. Pinaselos ka niya di ba? Magalit ka sa kanya! Sabi ng kabilang parte ng isip niya na siya namang sinunod ni Angelo.

Isa-isang tinanong ang mga couple tungkol sa kanilang mga buhay buhay, sa kanilang "real score", sa kanilang academics, at kung ano-ano pa. Matapos tanungin ang unang tatlong couples, silang Angelo ang huling tinanong.

"AND NOW, LET'S MOVE ON TO THE HOTTEST, SMARTEST, AND CUTEST COUPLE EVER IN SEAU HISTORY ANGELO AND DIMITRI!"

Ngiti ngiti lang si Angelo na pagkaplastik-plastik. Si Dimitri naman, abot langit ang saya. Sa apat na couples na inintroduce, kanila Angelo ang pinakamahiyaw, pinakamaingay, at pinaka-lively.

"Angelo." Tawag ng host.

"Yes?" Kinakabahan si Angelo. Hindi naman niya kasi inexpect na ganitong event pala ang pupuntahan niya. Kung nalaman niya beforehand na kalandian lang pala ang matutunghayan niya, sana di na lang siya pumunta. Dahil una, naiilang pa rin siya kay Dimitri dahil hanggang ngayon, nagseselos siya kay Maryanne. Pangalawa, dahil

"How does it feel to win a national contest with the person you love?"

"No! I don't love him!" Sumigaw si Angelo. Hindi pa niyang magawang umamin kasi una, in denial pa siya sa totoong kasarian niya. Pangalawa, dahil nagtatampo pa siya dito dahil sa pinaselos siya. At pangatlo, dahil totoong mahal niya si Dimitri.

"Oooooooooooooh!" Bulyaw ng mga tao.

"What? You don't love me?" Sumigaw si Dimitri sa microphone na parang natalo sa sabong ang mukha.

"I-I mean, it's not that I don't lo-love him." Humina ang boses ni Angelo at yumuko.

"AYEEEEEEEEEEEEEE!" Ang audience.

"I love him too actually." Sabi ni Dimitri sabay pulupot ng kanyang braso sa tagiliran ni Angelo na siya namang ikinakilig ng mga tao.

"Tumahimik nga kayo! Tokwa naman oh, sabat ng sabat! Pagsisipain ko kaya kayo, leche! At ikaw, tanggalin mo nga iyang kamay mo!" Sunod sunod na expression ni Angelo sa galit. Nagtawanan ang mga tao. Ang dating naman kasi sa mga tao ay parang pagbibirong sarkasmo ang ginawa ni Angelo.

"Pero asawa ko, napag-usapan na natin ito di ba?" Malungkot na tanong ni Dimitri habang naka-on ang mic. Hiyaw ng hiyaw ang mga tao. Si Angelo, dahil guilty pa, siniko niya si Dimitri. Tawa ng tawa ang mga tao dahil para silang mga aso't-pusa.

"Ah, sorry guys. Masumpungin lang talaga to si baby boo." Sabi ni Dimitri sabay patong ng kamay niya sa hita ni Angelo.

"Take your hand off my leg, Dimitri." Matigas na utos ni Angelo sabay hampas sa kamay ni Dimitri.

"KUYA Dimitri, di ba Angelo?" Sabi ni Dimitri sabay ngiti sa audience. Nagtitigan naman ang dalawa.

"O siya, tama na muna yang LQ niyo. Answer my question Angelo." utos ng host.

"Winning the championship was great. That was one hell of a ride that I didn't expect. More than 350 teams have competed, most of them are in their senior years, masteral, or second degree takes, and it just feels great winning against them." Sabi ni Angelo. Kinakabahan siya at nanlalamig ang kanyang mga kamay.

"Okay... But you didn't answer my question." Panunukso ng host na ikinatawa naman ng audience.

"I did." Matipid na sagot ni Angelo.

"Okay, I actually like Angelo guys kasi hindi siya plastik. Masarap kausap at prangka." Wika ng host.

"Kaya nga mahal ko iyan eh!" Sabat ni Dimitri na labis na ikinakilig ng mga audience.

"I'm sorry, hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito." Sagot ni Angelo na ikinatawa ng mga tao sabay tapon ng awkward na ngiti.

"I'll help you refresh your memory Angelo. I'll show you guys a proof, why it feels good winning with the one you love. Take a look at the screen." Sabi ng host sabay lingon sa malaking screen sa kanilang likuran. Tinignan nila ang screen. Nandoon ang picture nila kung saan magkahawak kamay silang nagsolve ng equation during competition, merong nakasandal si Angelo sa balikat ni Dimitri habang intertwined ang kanilang mga daliri, andoon ang nakadapa ang mukha ni Angelo sa gilid ng leeg ni Dimitri habang umiiyak at nagyayakapan pa silang dalawa, andoon din ang magkatabi sila sa gilid ng auditorium habang kumakain ng pizza at hinila ni Dimitri palapit si Angelo hawak ang kanyang beywang, andoon din ang tinanggap nila ang tropeyo habang magkahawak ang kanilang kamay

"N-no! Ah, eh, I mean, yeah, no!" Pag-uutal ni Angelo. Dahan-dahan nang namumula ang kanyang mukha.

"What do you mean "no", Angelo?" Tanong ng host sabay tapon ng nanunuksong ngiti.

"T-Those, ah, eh, those... were involuntary reflexes ng uhmm, kaba at saya. N-None of those really meant anything, erm, sentimental." Umiiling si Angelo habang nagdadahilan.

"Oooooooooooooooh, ouch!" Sigaw ng mga audience.

"Last na lang kayo matatamaan talaga kayo saken isa isa!" Pagbabanta ni Angelo sa audience.

"Baby boo, huwag ka namang bayolente please, paano tayo magpapakasal niyan? Tinatakwil mo ako eh!" Pag-aalo ni Dimitri habang inakbayan si Angelo na nagpadala ng kilig at hiyaw sa mga tao. Kitang-kita ni Angelo si Laurel na nangingisay sa kilig.

Agad namang tinanggal ni Angelo ang pagkakaakbay ni Dimitri kay Angelo. Nilingon niya si Dimitri at tinignan ito ng masama. "Matatamaan ka rin sa akin putang ina ka!" Bulong ni Angelo kay Dimitri.

"Okay lang boo, sarapan mo ha?" Sabi ni Dimitri sabay plastar ng pilyo niyang ngiti. Tumawa ang audience dahil sa kapilyuhan ni Dimitri. Alam ni Angelo na may halong ibang kahulugan ang "sarap" na sinasabi ni Dimitri.

"Manyak mo, grabe!" Sigaw ni Angelo ngunit hindi niya pinaandar ang microphone.

"Angelo, I don't think you're getting the picture that I want you to see. I'll give one more picture and try to deny kung hindi ikaw ang matatamaan sa akin!" Wika ng host, ginagaya ang pagbabanta ni Angelo.

Tinignan nila ang screen at nakita nila ang litratong nakahalik si Dimitri sa pisngi ni Angelo. Ang litratong ito ay kuha matapos silang nanalo sa NMC at nagcelebrate sa kanilang pagkapanalo. Nanigas ang buong katawan ni Angelo sa hiya at gusto na niya talagang tumalon mula sa stage dahil sa sobrang ilang ng mga litratong pinapakita ng host.

"Sweet, right?" Tanong ni Dimitri sabay haplos sa baba ni Angelo. Iniwasan naman ni Angelo ang haplos ni Dimitri ngunit ginapos siya ni Dimitri at mukha na tuloy silang naghaharutan sa harap ng stage.

"Uy, mamaya na yan guys! Baka ano pang gawin niyo rito, hoy!" Pag-aawat ng host sa dalawa. Pinamulahan tuloy si Angelo sa mukha. Ang guhit ng mukha ay hindi maipinta.

"Uhm, erm.. Ah.. f-friendly kiss lang naman iyan? Di ba kuya?" Sabay baling kay Dimitri.

"Is that true Dimitri?"

"Excuse me, pinagbibintangan mo ba akong sinungaling miss?" Sarkastikong tanong ni Angelo sa host sabay kunot ng noo. Hindi pa rin nawawala ang pamumula sa kanyang mukha.

"No! Kino-confirm ko lang Angelo, ano ka ba! Para humaba ang oras, talk show tayo ngayon, remember? At sabihin na nating hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, bakit ka namumula?"

"AYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE" Ani ng audience.

"Kuya, sumagot ka naman!" Pag-aaya ni Angelo habang inaalog si Dimitri na hindi sumasagot at ngumingiti lang. Ngiti lang kay Angelo ang kanyang binigay. Walang nagawa si Angelo kung hindi ang hampasin sa dibdib itong si Dimitri.

"I think you're right. Bakit nga naman pala mamumula si Angelo kung "friendly" ang kiss namin?" Panunukso ni Dimitri kay Angelo. Mas nangisay pa sa kilig ang mga tao sa narinig.

"Okay, let's move on. Let's recall your first public appearance. I'll show you something. Screen, please." Lumingon silang lahat sa malaking screen sa kanilang likuran.

"ANGELO, PLEASE! I'M SORRY! HINDI KO NA GAGAWIN ULIT YUN!" Nagsisisigaw si Dimitri sa lobby.

"DIMITRI, NO! NAGKASALA TAYO! WAG NA NATING DAGDAGAN!" Pasigaw na sagot ni Angelo na di man lang nililingon si Dimitri.

Sa puntong iyon ay pinagtitinginan na sila ng mga tao sa lobby. Una, dahil si Dimitri nakatapis lang ng tuwalya. Ikalawa, dahil nagsisigawan na sila.

"ANGELO! HUMARAP KA NGA SA AKIN!" Hinila ni Dimitri si Angelo para tumalikod. Nagtagumpay si Dimitri sa paghila kay Angelo. Buong lakas niyang pinatalikod si Angelo, at ngayon magkaharap na sila.

"I'M SORRY OKAY?! NORMAL LANG IYON SA ATIN. ANO KA BA?" Ang dalawang kamay ni Dimitri ay nasa magkabilang balikat ni Angelo.

"NORMAL? FOR YOU YES. PERO SINAYANG MO LANG ANG TRUST KO DIMITRI. HINDI PA NGA AKO HANDA, BINUKSAN MO NA AGAD? WOW LANG! BINASTOS MO AKO! UGH!" Sigaw ni Angelo habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Dimitri sa kanyang balikat.

Lumapit na ang babae sa information desk sa kanila.

"Mga sir, baka pwedeng sa ibang lugar niyo na lang po pag-usapan ang love quarrel niyo..." Mahinang pag-aalo ng babae sa dalawa.

Nilingon ni Angelo ang babae. "Miss? LOVE QUARREL? Ano bang iniisip mo miss ha?"

"Baka sir hindi mo pinagbigyan si sir sa'yo ngayong gabi kasi hindi ka pa... handa? Sabi mo lang kanina? Naku sir mga babata pa kayo, gumaganyan na kayong dalawa ni Dimitri. Sana naman po nagbihis kayo kahit papaano! Naka-boxer shorts ka lang tapos iyong kasama niyo nakatuwalya lang. May room naman po kayo sir eh." Nahihiyang pakiusap ng babaeng taga information desk.

"NO ATE! THAT'S NOT THE CASE!" Sigaw ni Angelo sa babae.

"SO WHAT IS? MY GOD ANGELO, HINDI NAMAN TAYO MAG-IILANGAN SA MGA BAGAY KAGAYA NOON, SIYEMPRE ROOMMATES TAYO. THINGS LIKE THOSE HAPPEN!" Sigaw ni Dimitri kay Angelo.

Patuloy sa pagsisigawan ang dalawa.

Dahil malilikot ang kanilang kamay at nagtuturuan na sila, nadaplisan ni Dimitri ang kanyang tuwalya. Nalaglag ang kanyang tuwalya at tumambad ang boxer shorts na kanyang suot. Natigilan silang dalawa. Hindi na pinulot pang muli ni Dimitri ang tuwalya upang ibalik sa pagkakapulupot nito dahil busy siya sa pakikipagsigawan kay Angelo.

Bumaba ang tingin ni Angelo sa gitnaang bahagi ni Dimitri. Nagulat siya hindi dahil sa nalaglag ang tuwalya. Kundi...

"DIMITRI NAMAN OH BOXER SHORTS KO YAN!" Sigaw ni Angelo.
"Aaaand, stop! Now tell me Dimitri, pwede ba naming malaman kung ano ang iyong "hindi na gagawin ulit?" Tanong ng host.

"A-ah, eh... Wala lang naman iyon actually. N-Nabuksan ko lang ang kurtina ng shower room habang umiihi pa pala si Angelo sa toilet." Nahihiyang sagot ni Dimitri.

Tumawa ang audience.

"Wait... Angelo, paano ka naman nakapasok sa CR ng dorm kung nasa shower room pa si Dimitri?"

"W-What are you trying to imply?" Mabilis na tanong ni Angelo habang galit na galit ang mukha.

"Now that's what I like about Angelo! Prangka. No, not trying to imply anything Angelo. Just answer the question."

"Seriously, I didn't realize he was in the shower room. I thought walang tao. Late ko nang napansin na naka-on ang shower habang nagsisimula na akong umihi. Does that answer your question?"

"Okay. So nag-LQ kayo just because you saw each other's "secret agent"?" Tanong ng host sabay turo sa kanyang sariling singit.

"No! It wasn't an LQ!" Bulyaw ni Angelo.

"But yes, that was why we had a short fight. But we made out, este made up afterwards." Pag-amin ni Dimitri.

"Next question. Dimitri, bakit mo naman sinuot ang boxer shorts ni Angelo?"

"What's wrong with that? He's a man, I'm a man, we both have penises, so what?" Honest na sagot ni Dimitri na ikinatawa at ipinapalakpak ng mga audience.

"So are you trying to say that you guys share personal belongings?"

"Even friends do that. I trust him so much that I love him. And besides we're roommates. I don't think there's anything wrong with that. I believe Angelo is not sickly, wearing his underwear wouldn't give me AIDS. I'm confident about that, he doesn't even know how to jack off-"

"I know how to jack off!" Pag-insert ni Angelo. Tumawa na naman ang audience.

"You do?" Pang-aasar na tanong ni Dimitri habang pinatong niya ang kamay niya sa hita ni Angelo.

"Minomolestiya mo na ako Dimitri ha. Tanggalin mo iyang kamay mo or else mahirap magjakol gamit ang kaliwang kamay. People!! I'm 14 and I'm a boy, I jack off! Nagjajakol ako!!" Defensive na sagot ni Angelo habang nakaharap kay Dimitri na labis ikinatawa ng mga tao.

"No, bottom line is that, he's clean, I'm confident, we're close. Nothing wrong. He loves me back and I love him even more" Sagot ni Dimitri sabay tango at lapit sa mukha ni Angelo.

"But we're not close. And no, we'll never gonna be closer" Dugtong ni Angelo sabay tapon ng plastic na ngiti. Nilayo niya ang mukha niya mula kay Dimitri na labis na ikinatawa ng mga tao.

"He doesn't want us to be close. Angelo wants more than that." Pilyong sagot ni Dimitri at nakatanggap siya ng malakas na suntok kay Angelo sa braso. Tumawa lang si Dimitri at tinignan niya si Angelo na nagkakasalubong na ang mga kilay at nakasimangot na ang mukha.

"Next question, we have noticed na noong first sem, Dimitri was known to be "the bully" and Angelo "the bullied". Tell me how exactly did you revert that."

"Actually, that was one of my biggest mistake." Sagot ni Dimitri. Naghiyawan ang mga tao. Kinikilig ang mga babae.

"What was, Dimitri?" Pag-aassure ng host.

"To hurt Angelo." Diretsong sagot ni Angelo.

"AYEEEEEEEEEEEEEEE" Nagtitili na naman ang mga babae at binabae at lalake sa narinig nila. Pati ang mga kasama nila sa stage ay kinilig ng husto. Si Angelo ay pinamulahan na sa mukha. Sa narinig niya, hindi niya maipaliwanag ang ibayong kilig na nararamadaman sa sinabi ni Dimitri. Ah, no. He's trying to turn me on. No. No. Angelo, no. Pag-aalo ni Angelo sa sarili.

"I just did that because I... wanted his attention. Nothing more." Sagot ni Dimitri.

"What exactly happened?"

"It was when Angelo was so busy with his love life that he forgot about me. I felt so bad about it, and I thought about getting his attention whatever it may take. I was so shocked na wala siyang ginawa kung hindi ang intindihin ako sa aking mga ginagawa. That was so sweet of him. Even my brothers and sisters in Fine Arts Society knew about how my bullying never really meant anything. And I felt bad that it was interpreted in a different manner. And I was sorry, so sorry. Masakit din palang saktan mo ang taong mahal mo." Maiyak na sagot ni Dimitri.

"Angelo, napapansin din ng buong campus na wala kang ginawa when Dimitri bullied you. Why?"

Huminga nang malalim si Angelo at pumikit. Handa na ba talaga siyang sagutin ang tanong? Pagbukas niya ng kanyang mga mata, nagsalita na siya.

"It's because I know him better than anyone of you. I may not know him yet entirely, but I certainly know how to get along with him. Honestly, I also felt bad as well. Who would have thought that your only available friend, in times of disaster, would even help you pull down, right? It would be devastating, and it happened to me."

"I realized na siguro hindi lang iyon sinasadya ni Dimitri or what, pero I only had one mindset that time... everything will be all over soon. I was thinking one day, Dimitri will forget all his shit on me even though I don't know what those shit were. And when I had the time to save him from an angry group of guys, he told me that he was completely sorry. Naramdaman na raw niya ang pakiramdam ng isang naaapi." Tuloy tuloy na sabi ni Angelo.

"Actually, Angelo was my knight and shining armor. I almost passed out when he helped me from 7 strong guys. Galing niya pala makipag-buno. I wouldn't advise you guys messing with my asawa." Sabay akap kay Angelo. Nagpavirgin naman si Angelo at nanlaban sa pagtangkang pagyakap ni Dimitri sa kanya. Ngunit maya maya ay nagpaubaya na lang siya at ngumiti na lang ng pagkahilaw-hilaw sa audience. Nanigas si Angelo sa ginawa ni Dimitri. Gusto niyang kumalas ngunit bahagi ng kanyang isipan ang nagsasabing nagugustuhan niya ang ginawa ni Dimitri. Ganon pa rin ang mga audience. Hiyawan pa rin sa kanilang kilig na nararamdaman.

"Sige na Dimitri, tama na. Hehe." Sabi ni Angelo. Plastik na pagtawa ni Angelo.

"Now let's talk about your standing. I heard sa Institute of Liberal Arts, you guys are still together sa dean's list. Angelo is first, and Dimitri is second."

"There's no competition between us. Angelo is way more intelligent than I am. And besides, effortless ang pagiging matalino ni Angelo. He doesn't have to do his best." Sabi ni Dimitri sabay hawak sa kamay ni Angelo. Gustong iwasan ni Angelo ang kamay ni Dimitri ngunit hindi niya magawa. Hindi pa man nakasarado ang kamay ni Dimitri sa kanya, agad nang tiniklop ni Angelo ang mga kamay niya sa mga daliri ni Dimitri. Siya ang unang nakipagholding hands. Nagulat si Dimitri at tinignan niya si Angelo. Nakita rin ito ni Angelo at nagkatinginan sila.

"Ahmm, ermmm. Guys. Nakakaharass na kayo ha. Naiinggit na ako sa sobrang kilig sa inyong dalawa. Trivia lang guys, don't you know that Angelo is a world debate champion and Dimitri is a renowned world artist? Angelo had already won a lot of championships in debate around Singapore, UK, Hong Kong, Germany, etc. While Dimitri had expos and gallery showcase in Europe, in Prague, Berlin, Paris, Geneva. Next question, are you guys really together now? What's your real score?"

Nagkatinginan sila Angelo at Dimitri. Si Angelo ay natigilan, hindi niya gustong sagutin ang tanong dahil kung sasagot lang siya, alam na niya ang tunay niyang nararamdaman para kay Dimitri. But is the feeling mutual? If not, then that's where Angelo is afraid in voicing out how he truly feels about Dimitri.

"I'm hoping." Diretsong sagot ni Dimitri. Parang nabuhusan ng langis si Angelo sa narinig. It can be yes, or no. Pero if the feeling is mutual, bakit pa siya magdadahilan? So nagtataka siya!! Pwede pa talaga kami!!  Nasiyahan si Angelo sa narinig. He went all this far para pakisamahan si Dimitri, and even ngayon na una niyang hinolding hands si Dimitri and 'I'm hoping' lang ang isasagot ni Dimitri? That's wonderful! May chance!

"I don't know." Sagot din ni Angelo. Napilitang sumagot si Angelo. Nalulungkot siya at napayuko na lang siya. Hindi pa talaga siya handa dahil naiilang pa siya kay Dimitri hanggang ngayon, sa pagseselos nila sa isa't-isa.

"Okay? Next question, let's be deeper this time. If ever you guys will come to a point wherein you guys will love each other, what will you say about people who aren't convinced about same-sex relationships?"

"I really don't know where these feelings would take me and Dimitri, pero one thing is for sure, we are taking things easily. I sure hope we come to a point where hindi kami huhusgahan. I mean, we all love people regardless of whatever and whoever they are, right? Hindi naman kasi siguro lahat ng straight, maayos di ba? Take it from me, whatever you think my sexual preference is, I don't care. Pero minsan din akong nasangkot sa straight relationship, my first actually." Tinignan niya si Corina na nasa taas ng stage kasama nila. Natanggap ni Corina ang masamang titig ni Angelo kaya umiwas ng tingin si Corina.

"I loved this girl with all my heart. We almost had our 6th monthsary, but little I know may kalandian pala siyang iba. The worst, she never loved me in the first place. I got hurt, and I started thinking, ganito na ba talaga lahat ng tao ngayon? From that time on, I felt lost. Dalawa lang naman ang gusto ko eh, to love and to be loved. Until then, I never respected that girl and whenever I look at her, she's nothing but a trash bitch." Tinignan niya ang mga kasama niya sa stage, ngunit mas matalas ang titig niya kay Corina. Nanggalaiti, nanunudyok.

"I believe ,Angelo, na when it comes to love, sexuality doesn't count. When you love, that's it. That's when you know it. You just feel it. Tradition lang siguro ng mga tao na ang babae mainlove sa lalaki at lalaki mainlove sa babae, kasi kailangan nating magparami di ba? Let's face it, maybe that's why kailangan heterosexual ang relationship, kasi kailangan ng reproduction. Pero kung production na lang ang kailangan, modern naman ang technology ngayon, we can just reproduce. But the point of reproduction should never hinder the power of love, even if same-sex pa. That's my point of view." Sabi ng host. Nagpalakpakan naman ang mga audience.

"Pero anyways, I believe straight naman talaga kayo. Dimitri and Angelo. It's just that nagmeet ang landas niyo. I hope kung hindi maging kayo, straight pa rin po kayo." Sabi ng host. Natamaan si Angelo sa sinabi ng host, kasi pagbabaligbaligtarin man ang mundo, alam niyang mahirap na ang pagmove on mula kay Dimitri.

"Of course, straight naman kami. Pero if ever maging kami, it's because dahil that's love and hindi dahil sa lalaki ang gusto namin. Which is malapit na akong sagutin ni Angelo." Sabi ni Dimitri.

"A-and, ahmmm. Ah, eh, Dimitri and I aren't actually together. We're just enjoying each other's company." Sabay kalas ni Angelo sa pagkakahawak ng kamay nila ni Dimitri. Nagulat si Dimitri sa pagkalas ni Angelo kaya hinawakan niyang muli ang kamay ni Angelo nangpagkahigpit-higpit. Lumapit si Dimitri sa tenga ni Angelo at bumulong: "Don't ever leave me again." Boltaheng kurente ang dumaloy sa katawan ni Angelo.

"For now, we're friends. And we don't want to lose it just because of what we feel, that would be unfair. Frankly, this is what the people want, this is what we are going to give you. And we'll never feel awkward about it. But I'm open to settle a relationship with him." Dugtong ni Dimitri. Nasaktan naman si Angelo sa sinabi ni Dimitri kahit na may pambawi.

This is what the people want, this is what we are going to give you.

This is what the people want, this is what we are going to give you.

This is what the people want, this is what we are going to give you.


Ito ang mga salita na pumapalibot sa utak ni Angelo. So none of this was true? Am I falling for the same lie again? Ugh!! So none was sincere, and he was just doing all of these para sa mga fans niya? Nakakainis!! Pero bakit may 'open for relationship' pa siyang sinasabi? Totoo ba ito o hindi? Ano ba talaga? Sabi ni Angelo sa kanyang isip at hindi siya mapakali. Nasasaktan siya sa kanyang hinala at naiiyak na talaga siya. Yumuko na lang siya upang hindi masyadong obvious ang pagdaloy ng luha. Natatakot siya na baka hindi pala totoo ang lahat... na baka hindi pa ito ang 'next time'.

"Thank you very much for your honesty Angelo and Dimitri. I must say, sa 7 years ko nang paghohost ng event dito sa SEAU, this is by far the most honest one. Don't you know na this is the first time may same sex as couple? This is definitely a breakthrough. Now let's have an open forum. May microphone sa harap and if you have any questions to any couple, you may do so now. Lapit lang kayo sa microphone and wait to be acknowledged."

Nagbubulungan ang mga tao. Sweet lahat ng couples except kina Angelo. Ang ibang mga couples ay may physical contact, maliban sa kanila ni Angelo. Sina Gab at Corina ay magkaakbay. Sina Richard at Krista ay magkahawak ng hita. Sina Miranda at Clyde magkahawak kamay.

May isang lalaking lumapit sa mic stand sa harap at nagtanong. Nagulat si Angelo. Nanlaki ang kanyang mga mata. Nanlalamig ang kanyang pakiramdam. Kinakabahan siya at parang mababara ang kanyang lalamunan. Kinuha ng lalaki ang microphone at nagsalita.

"Hi. My name is Gio, I'm Angelo's bestfriend. I just want to address my question to Angelo. Angelo, bakit naman ayaw mo maging kayo ni Dimitri?" Tanong ni Gio mula sa podium habang masama ang tingin kay Angelo.

Shit! Shit! Bulyaw niya sa kanyang isip. At may naalala siyang pag-uusap nila ni Gio.

"Wala, sa tingin ko sa bromance bromance niyo ay hanggang trip lang. Kung magiging bakla ka Angelo, magagalit ako sa'yo. Itatakwil talaga kita."

"...Itatakwil talaga kita."

"...Itatakwil talaga kita."


Hindi makapagsalita si Angelo. Mistulang nalimutan niya paano ang magsalita ngayo't kaharap na niya si Gio, na anumang oras ay pwedeng mabunyag ang kanyang totoong nararamdaman para kay Dimitri, na pwedeng ikagalit ng bestfriend niya sa kanya, at itakwil siya. Kinakabahan siya. Tila gusto niyang maglamon sa lupa at wag nang bumalik pa. Ilang sandaling natahimik si Angelo at hindi umimik.

"Angelo? You may now answer." Sabi ng host.

"G-Gio... I-I don't know. It's just that I still feel weir-"

"Do you love Dimitri? If given a chance, would you want to be in a relationship with him? Are you gay? Are you still the Angelo that I used to know?" Mabilis na pagfollow up ni Gio. Matigas ang kanyang boses at may halong dabog ang pagsasalita. Tinignan niya ang mukha ni Gio, nakakunot ang noo nito at nagagalit. Nakakatusok ng kaluluwa ang mga tingin ni Gio.

Natigilan si Angelo. Hindi niya inaasahan ang mga tanong ni Gio, ang mga tanong na 'Oo' lahat ang sagot. Nagflashback ulit ang kanyang mga ala-ala noong kumain sila ni Gio. Shit! Shit! Here we are! Heto na ang tanong. Ang nakakagimbal na tanong na iniiwas-iwasan mo Angelo. Sa isip niya. Nawawalan siya ng lakas habang dumadaan ang bawat segundong tinutusok ang kanyang kaluluwa sa mga titig ni Gio.. Naiiyak na talaga siya at tinignan niya ang mga audience. Nagbubulungan ito. Kita niya si Laurel sa harap na naka-senyas ng: Sagutin mo iyan! Kayang-kaya mo iyan!

"Wala, sa tingin ko sa bromance bromance niyo ay hanggang trip lang. Kung magiging bakla ka Angelo, magagalit ako sa'yo. Itatakwil talaga kita."

"...Itatakwil talaga kita."

"...Itatakwil talaga kita."


"I think that is an offensive question dude-" Pag butt in ni Dimitri.

"Shut up! You transformed him into a faggot, you jerk. You changed him, and whatever Angelo and I would talk about right now is none of your business! So tell me Angelo, are you gay?" Pag-uulit ni Gio habang naluluha.

Nanlalabo na ang mata ni Angelo dahil sa mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. I can't belileve my bestfriend is accusing me! Gio? Why are you doing this to me? Bakit mo ako pinapahiya? Ang mga tanong sa isip ni Angelo na gusto niyang sabihan over the microphone ngunit hindi niya magawa dahil sa build up ng mga overwhelming na mga emosyon.

"Gio. I think you have to stop-" Tumayo si Dimitri habang tinuturo-turo si Gio. Tumawa lang si Gio nang pagkalakas-lakas, may halong pang-iinsulto ang kanyang tawa.

"Me? I have to shut up? No! Fuck you Dimitri! Simula noong dumating ka sa buhay ni Angelo, all you did was make him question of his sexuality. Fuck you for that! Inagaw mo sa akin ang bestfriend ko, binago mo siya! He's the only one I got, inagaw mo pa! Putang ina mo! Palibhasa walang nagmamahal sa'yo! Pinipilit mo ang sarili mo kay Angelo! Another middle finger for that you douchebag!" Pagalit na sigaw ni Gio habang pinapakita ang kanyang middle finger. Nagulat lahat ng tao at mas lalong umalingasaw ang mga bulong-bulungan. Natigilan si Dimitri at susugod na sana siya kay Gio sa baba ng stage ngunit mabilis siyang napigilan nila Clyde at Gab.

"Next question please? I think it's getting intense in here-" Naiilang na sabi ng matabang host habang pinapaypayan ang sarili.

"Yes, I'll make it intense you fat bitch." Sarkastikong tono ni Gio sabay turo sa host. Nagulat naman ang host at hindi nakapagsalita.

"So what's on right now Angelo. Gay or not? If yes, is it Dimitri? Answer my fucking question! Nakalimutan mo na ba ako?" Sumigaw na si Gio at nararamdaman na ni Angelo ang matinding galit at pagpapahiya ni Gio kay Angelo.

Natahimik si Gio. Hinihintay niya ang sagot ni Angelo. Hindi na rin nagsalita pa si Angelo pagkatapos niyang maopen ang topic muli tungkol sa bromance.

"Pero hindi mo pa rin nasagot ang tanong ko. Gusto mo ba si Dimitri bilang... syota?" Pagbalik ni Gio.

Natigilan si Angelo.

"Hindi. Pero aaminin ko nag-eenjoy ako sa kanya. Masaya pala siyang kasama. Pero hindi ko siya magugustuhan. Hindi ako bakla. Gusto mo maging bakla ako Gio?"

"Siyempre, hindi Angelo!"


Tinignan ni Angelo ang mukha ni Gio. Nakasimangot ito, galit na galit ang mukha at nagsasabong ang kanyang mga kilay, makunot ang kanyang noo.

"Siyempre, hindi Angelo!"

"Siyempre, hindi Angelo!"

"Siyempre, hindi Angelo!"

"Siyempre, hindi Angelo!"


"Wala, sa tingin ko sa bromance bromance niyo ay hanggang trip lang. Kung magiging bakla ka Angelo, magagalit ako sa'yo. Itatakwil talaga kita."

"...Itatakwil talaga kita."

"...Itatakwil talaga kita."


Pabalik balik na narinig ni Angelo habang tinigtignan si Gio. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib; kinakabahan siya. Hindi niya inaasahan ang tanong ni Gio. Hindi niya alam kung sasagot ba siya. Ngunit siguro kahit anong sabi niya sa katotohanan at pagiging out niya, si Gio naman ang kapalit. Ipagpapalit niya ba ang kanyang bestfriend para sa pagiging totoo sa sarili habang hindi naman talaga siguradong mutual ang nararamdaman ni Dimitri? I know what to do. And I'll stand by it. Pagpapalakas ni Angelo sa sarili.

"Gio, you're my bestfriend. I know you know na hindi ako magiging bakla."

"SAGUTIN MO AKO!" Pasigaw ni Gio. Dahil sa lakas ng boses ni Gio at nakamikropono pa, pinagtinginan siya ng mga tao.

"No! And actually, ayoko!! Does that answer your question?!" Mahinang sagot ni Angelo habang tumtulo ang mga luha. Hindi siya makapaniniwala na pinapahiya siya... ng sariling bestfriend niya.

Hindi na nagsalita si Gio at bumalik sa pagkakaupo niya sa audience. Ramdam na ramdam ng mga tao ang tensyon sa mga panahon na iyon at hindi mapigilan nila na ma-awkward sa mga pangyayari. Agad naman siyang niyakap ni Dimitri at hinalikan sa ulo habang sinusubsob ni Angelo ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.

"It's alright baby. It's alright." Pag-aalo ni Dimitri kay Angelo habang magkayakap pa rin sila.

Hindi nakayanan ni Angelo ang tensyon at nagwalk out siya sa stage. Naglakad na siya patungong dorm room at hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Alam niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao, at alam niyang pinag-uusapan siya, at mas lalong alam niyang pag-uusapan siya nang masama. Bukas, headlines na siguro siya ulit dahil sa kanyang pag-walk out.

Umiyak si Angelo. Bakit nga ba siya umiiyak? Dahil sa na-conclude niya sa kanyang sarili na niyang bakla talaga siya? Na may gusto siya sa lalaki? O di kaya'y sa takot na alam niyang kahit kailan ay hindi siya matatanggap ng kababata niya? Naguguluhan si Angelo. Nasasaktan siya.

Nakarating na siya sa kwarto nila ni Dimitri at walang anu-ano ay humiga at umiyak. Nilabas niya lahat ng hinanakit, takot, at galit sa kanyang puso.

"BAKIT NAMAN LORD?! HINDI KO NAMAN GINUSTO MAGING BAKLA!! HINDI KO NAMAN GINUSTO ANG MAGKAGUSTO SA LALAKI!! BAKIT LORD, BAKIT MO TO GINAGAWA SA AKIN!! ANONG KASALANAN KO SA'YO?!"

"NAHIHIYA AKO SA SARILI KO LORD. BAKIT MO NAMAN AKO HINAYAANG MAGKAGANITO. GUSTO MO BANG PARIWARA AKO?! AT ANG BESTFRIEND KO PA ANG COLLATERAL MO? MASAYA KA NA LORD?? AYAW KONG MAWALA ANG BESTFRIEND KO!! SANA HINDI NA LANG AKO NAGING BAKLA!!"

Sunod-sunod na sigaw ni Angelo habang nagwawala sa kwarto. Pinagtatapon niya ang unan at sinusuntok-suntok ang dingding.

"LORD. BAWIIN MO NA LANG AKO KUNG MAGKAKAGANITO AKO. KUNIN MO NA LANG AKO!! HUWAG LANG ANG BESTFRIEND KO!! BAKIT NIYA AKO GINAGANITO!! NAGAGALIT SIYA SA AKIN DAHIL BA BAKLA AKO?! PUTA! WALANG HIYA SIYA!! IBALIK MO NA AKO SA PAGKALALAKI LORD!!"

Nag-iiiyak siya at sinisipa sipa ang cabinet niya. Nang mapagod. Naupo sa isang tabi si Angelo at tinuloy ang pag-iyak niya. Nasa pag-iiyak siya nang bumukas ang pintuan. Nakita niya si Dimitri, nag-aalala ang mukha. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinauupuan ni Angelo sa sahig.

"Angelo..."

"DIMITRI! STOP!" Sigaw ni  Angelo kay Dimitri.

"Angelo, I can't help but feel-" Hindi nagpatinag si Dimitri at lumapit kay Angelo.

"What? Sorry? Pity? Dahil kinahiya ako ng bestfriend ko?"

"No, I feel worried for you." Niyakap ni Dimitri si Angelo at hinalikan sa ulo. Nagpumiglas naman si Angelo at tinulak si Dimitri.

"Well, don't be. I'm not asking for that!" Tumayo si Angelo at umupo sa kanyang kama. Nararamdaman nilang dalawa ang matinding emosyon ni Angelo.

"Angelo..." Lumapit si Dimitri at niyakap ulit niya si Angelo. Pilit na kumakalas si Angelo sa pagkakayakap ni Dimitri, pero sadyang mas malakas si Dimitri kaysa kay Angelo. Walang nagawa si Angelo kung hindi ang magpaubaya na lamang. Umiiyak siya sa mga braso ni Dimitri habang hinahaplos ni Dimitri ang kanyang ulo.

"Angelo. I'm worrying about you. Don't question your identity. I love you... as a friend. I have always loved you as a friend. Susuportahan kita. Don't worry, I don't mean anything sa mga pinaggagawa ko kanina. It was all for show."

"It was all for show..."

"It was all for show..."

"It was all for show..."


Pabalik balik na nag-eecho sa tenga ni Angelo. "It was all for show..."

Hindi makapaniwala si Angelo sa narinig. After all sa ginagawa ni Dimitri kay Angelo at sa nararamdaman ni Angelo, it was all for show? Huli na ang lahat, mahal na ni Angelo si Dimitri, ngunit kagaya ng ibang straight, takot siyang maging bakla. Maaaring tatanggapin siya ng school nila, ngunit hindi siya tatanggapin ng ibang tao agad agad. Ngunit mas nangangamba siya kung tatanggapin ba siya ng bestfriend niya.

"I know you don't want that event Angelo. I know Laurel would understand. Even Maryanne understood our show, na you know, just for the people. Not really meaning anything. It was nothing serious. We were like acting."

"We were like acting"

"We were like acting"

"We were like acting"

"We were like acting"


At mistulang sinampal ng ilang milyong beses si Angelo sa kanyang narinig, na none of them were true. Tama ako kanina! He didn't mean any of these! Shit! Nagmukha akong baklang tanga sa lahat! Ugh! Sigaw niya sa kanyang isip habang sinusuntok suntok ang sarili.

"Bakit mo sinabi kaninang nakakalungkot ang relasyon niyo noong tinanong kita? Bakit mo sinabing may hard times ang lahat?" Tanong ni Angelo habang parang Maria Cristina Falls kung tumalon ang kanyang mga luha.

"I meant... you, us. Mahirap eh. Nakakalungkot na we have to be all awkward like this para lang sa isang bagay. I know na medyo naiinis ka sa pagiging maharot ko, sa kalandian ko. I meant, nahihirapan na ako sa lagay nating ganito. I missed you. Maryanne missed you. Maryanne understands na show lang lahat ng ginagawa natin." Mahinang pag-explain ni Dimitri habang niyayakap si Angelo.

"Why would Maryanne have to understand?" Nagtataka si Angelo. May kutob si Angelo. Gusto niya lang marinig ito mula sa bibig ni Dimitri, sa taong mahal niya ngunit hindi siya mahal.

Kumalas si Dimitri sa pagyakap kay Angelo at hinawakan si Angelo sa magkabilang balikat.

"Angelo, we are in a relationship..."

"...we are in relationship..."

"...we are in relationship..."

"...we are in relationship..."

"...we are in relationship..."


In a relationship? ANG TANGA MO ANGELO!! Bulyaw ni Angelo sa sarili. Bakla na nga ako, wala pa akong chance? SHIT! So this isn't 'next time'? Hindi na pala darating ang 'next time'?
"But don't worry about Maryanne. Nakakaintindi naman siya. Actually, natutuwa nga siya sa show na pinut-up natin. Cute daw. Hehe. Cute ni Maryanne na macute-an sa atin ano?" Ngumiti si Dimitri kay Angelo na para bang wala lang kay Angelo lahat lahat ng maling akala. Niyakap muli siya ni Dimitri ngunit kumalas kaagad si Angelo at isang malakas na suntok ang tinapon niya kay Dimitri.

"PINAASA MO AKO! GAGO KA! DI MO BA ALAM MINAHAL KITA? NAHULOG AKO SA'YO! SABI MO, NEXT TIME YOU WILL MAKE ME FEEL BETTER. YOU DID. I FELT BETTER A WHILE AGO. ANG SARAP NG MGA HAPLOS MO DIMITRI, NO DOUBT! BUT ALL THESE... ARE FAKE. NOTHING WAS TRUE! NAPAHIYA PA AKO SA BESTFRIEND KO! YOU DON'T KNOW HOW MUCH I HAVE TO GET LOOSE OF MY BESTFRIEND PARA LANG PINILI KO ANG NARARAMDAMAN SA'YO!! ARGH!" Inuntog ni Angelo ang ulo sa pader at nataranta naman si Dimitri. Kaagad siyang hinila ni Dimitri at hinalikan sa labi.

"Ummnngggh!" Ungol ni Angelo habang pilit na tinutulak palayo si Dimitri, ngunit pinilit ni Dimitri na halikan si Angelo.

"I'm sorry Angelo pinaasa kita... It's all Maryanne. She's my everything now." Umiiyak na si Dimitri at niyayakap si Angelo.

PUTANG INA MO DIMITRI! PINAGLALARUAN MO BA AKO??
Patuloy sa pag-iyak si Angelo. Hinugot niya lahat ng natitirang lakas meron siya at kumalas sa yakap ni Dimitri.

"I'm sorry for what happened." Sumeryoso muli ang mukha ni Dimitri.

"Don't be sorry Dimitri. I'll be okay." Pilit na ngumiti si Angelo habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Are you sure pare? Bromance pa rin tayo di ba? Maybe we can fake this?" Ngumiti si Dimitri habang nilahad ang kanyang kamay kay Angelo para makipagkamayan. Ngunit hindi ito tinanggap ni Angelo. Nasasaktan siya sa lahat ng mga rebelasyon ngayong gabi. Napapagod na siya. Ang akala niya'y masaya at puno ng pag-asang araw ay humantong sa rebelasyon ng katotohanan at totoong nararamdaman.

NO!! MASAKIT NA MALAMAN NA PINAGLALARUAN MO LANG PALA AKO ALL THIS TIME!! AKALA KO TOTOO!!

"Yes... I guess. We can work that out. I'll try to fake this. And I guess I'll try to forget my feelings for you. I'm sleeping Dimitri. I'm tired. Good night." Mapaklang sagot ni Angelo. Naghubad si Angelo ng damit at boxers lang ang iniwan. Natulog na siya dahil sa sobrang sakit ng mata, ng damdamin, at ng katawan.

Nakatayo lang si Dimitri sa isang gilid, nakokonsensiya sa kanyang ginawa. Naaawa siya kay Angelo ngunit sa isip niya, si Maryanne na talaga ang taong nakatadhana para sa kanya.

-----------------------

Malapit na mag-christmas vacation, okay naman ang academics ni Angelo. Magaganda ang feedback na natatatanggap niya mula sa kanyang mga guro regarding sa kanyang performance.

Sa kanila ni Dimitri? Ganoon pa rin ang set-up. Pinag-uusapan pa rin sila at tinitingala pa rin silang top love team ng paaralan. Sa totoo nga pala, sila ang nanalo ng SWEETEST COUPLE AWARD noong gabi ng celebration ng student's night, pero dahil sa matinding emosyon na natanggap ni Angelo, nagwalk out siya, hinabol ni Dimitri, at walang kumuha ng premyo nila. Pero ang award, will always be theirs.

Hindi naman kinikibo ni Angelo si Dimitri. Nasasaktan kasi siyang kada segundong nakikita niya si Dimitri na magkasama sila ni Maryanne. Si Maryanne naman, kinakaibigan si Angelo. Ramdam naman ni Angelo na hindi plastik si Maryanne sa kanya. Mabait naman si Maryanne kay Angelo. Mahinhin, palakaibigan, at palatawa. Ngunit sa oras na pag-uusapan nilang dalawa ang tungkol kay Dimitri, hindi na tumutugon si Angelo. Gusto na niyang kalimutan si Dimitri at ang kanyang nararamdaman para kay Dimitri. Sa huli, kagaya lang siya ni Corina, nagpaasa. At sa ikalawang pagkakataon, nabigo na naman siya. Iyong tipong bibisatihin ni Maryanne si Angelo sa dorm, kakausapin, ililibre. Masaya naman si Angelo na naging kaibigan niya si Maryanne, nararamdaman niyang nagkakalapit ang kanilang mga loob. Kahit girlfriend siya ni Dimitri, okay lang naman siguro at least may true friend siya.

"Angelo?" Tanong ni Maryanne habang pumasok sa kwarto nila. Dahil kaibigan naman talaga sila, pinapasok ni Angelo si Maryanne at nginitian. Matamlay si Angelo at parang walang lakas.

"Kumain ka na ba Angelo? Bakit mag-isa ka lang dito?" Nag-aalalang tanong ni Maryanne habang hinahagod ang likod ni Angelo.

"A-Ah? W-Wala... May project kasi..." Pagdadahilan ni Angelo. Ngunit ang totoo, nakatunganga na naman siya at nakatutok sa kawalan. Hindi pa rin siya makamove on sa pangloloko ni Dimitri sa kanya, ang pagpapaasa ni Dimitri sa kanya. Wala na kasi siyang luhang kayang iiyak pa. Feeling niya naubos na lahat.

"Alam ko Angelo... May problema ka. Sabihin mo na sa akin. Kaibigan mo naman ako eh?" Paglalambing ni Maryanne kay Angelo. Ngunit malungkot pa rin ang mukha ni Angelo at parang walang lakas.

"S-Si Dimitri kasi-" Natigilan si Angelo. Nakalimutan niya palang boyfriend ni Maryanne si Dimitri. Nagulat naman si Maryanne. Wala kasi siyang ideya sa namamagitan sa dalawa.

"H-Ha? Inaway ka ba ni Dimitri?" Tanong ni Maryanne.

"A-Ah! H-Hindi... What I mean is that he left. I thought he was with you?" Mabilis na paglihis ni Angelo sa paksa.

"He wasn't. Sabi niya sa akin, he'll be in his room 2 hours ago until maggagabi." Nagtatakang tanong ni Maryanne.

"I don't care Maryanne. Gusto ko talagang mapag-isa. Please?" Mahinang pakiusap ni Angelo kay Maryanne.

"Sige. I'll be downstairs. Call me if you need a friend." Ngumiti si Maryanne at lumabas ng silid.

Naisipang humiga ni Angelo. Ilang minuto ang dumaan ay bumukas ang pintuan. Sa pag-aakalang si Dimitri iyon, hindi na siya lumingon pa. Masama ang kanyang pakiramdam dito. Maya maya ay may naramdaman siyang humiga sa kanyang tabi sabay yakap. Sa sobrang gulat niya tumalikod siya at aalisin niya sana ang sarili kung si Dimitri man iyon.. ngunit...

"Gab? This isn't your room. Naliligaw ka ata. And don't hug me. Baka mapatay ako ni Corina niyan." Matigas na utos ni Angelo. Hindi gumalaw si Gabby at patuloy sa pagtulog at paghilik. Nakalingkis pa rin ang kanyang mga kamay sa gilid ni Angelo. Tatanggalin sana ni Angelo ang mga braso ni Gabby ngunit binalik ito ni Gabby at nagsalita habang nakapikit.

"Wala siya, umalis siya. Magkikita sana kami ngayon eh pero di sumipot. Huwag mo na tanggalin please. Namiss lang kita." Sabi ni Gab. Pagkatapos ay humilik na ito. Hindi na nanlaban si Angelo at hindi niya na lang ito binigyan ng kulay. Nakatulog si Angelo na nakayakap si Gab sa kanya.

Ilang araw ding naulit ang pagtulog ni Gab sa kwarto ni Angelo ngunit parang wala lang ito kay Gab at casual pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.

Sa mga sumunod na araw, hindi talaga kaya ni Angelo na harapin si Dimitri. Nasasaktan siya. Andiyan ang mag-uusap sila ni Maryanne, at kusang darating si Dimitri para ihatid si Maryanne dahil sa may lakad sila somewhere, kesyo may date, kesyo weeksary, etc., magpapaalam na lang si Angelo na aalis na, o di kaya'y may gagawin pa. Lahat ng excuse nagamit niya na siguro para maiwasan lang si Dimitri.

Andiyan naman ang aayain ni Dimitri si Angelo na gumala sa kung kahit saan, ngunit hindi sumasama si Angelo dahil palagi naman silang kasama ni Maryanne, sa isip niya, masasaktan lang siya kung sasama pa siya.

Sa totoo lang, dumadaan ang araw, namimiss niya si Dimitri. Kaso alam niyang mabibigo lang siya. Hindi niya inaakala na mabibigo na naman siya sa ikalawang pagkakataon sa pag-ibig. First love niya si Corina, pero initiation lang pala ang lahat. Sunod si Dimitri, show lang pala ang lahat. Hindi pa nakaramdam si Angelo ng tunay na pag-ibig, at hindi na siguro siya maghihintay.

Sa madaling salita, madalas na umiiwas si Angelo kay Dimitri. Hindi naman ito pansin ni Dimitri kasi pansin niyang enjoy na enjoy naman siya kay Maryanne. Sa isip ni Angelo, hindi na siguro niya guguluhin pa ang totoong nagmamahalan na masaya sa kanilang pag-iibigan. Okay na sigurong hanggang kaibigan lang sila ni Dimitri. Hindi, hanggang roommates lang talaga sila, no strings attached, not even friendship, nasasaktan siya eh.

At dahil sa iniiwasan niya si Dimitri, palagi na siyang gumigising ng maaga, iyong hindi pa nakagising si Dimitri. Maliligo, at aalis nang natutulog pa si Dimitri. Pagdating naman sa gabi, tatambay muna siya sa coffee shop malapit sa dorm nila, mag-aaral o di kaya'y magfe-facebook, tapos aantayin niyang mapansin na dumating na ang sasakyan ni Dimitri. Siguro lalabas na sila ni Maryanne at magpapaalam na sa isa't isa. Hihintayin niyang hanggang makatulog na si Dimitri. Kung nakatulog na si Dimitri, doon lang siya aakyat sa room nila at matutulog. Mailap, iyong hindi siya mapapansin ni Dimitri. Ayaw niyang magkaroon ng kahit ano mang contact kay Dimitri.

Ngunit minsan ay mapapansin siya ni Dimitri, magigising, at magtatanong ng kung ano-ano. Kaya minsan naman ay maagang natutulog si Angelo upang hindi na siya aabalahin pa ni Dimitri.

Ganoon ang set-up nila hanggang sa nasa kalagitnaan na ng Disyembre.

Sila ni Gio naman, ay hindi na muling nag-usap. May minsang nagkakasalubong sila ngunit wala ng lakas si Angelo na batiin si Gio simula nang Student's night. Wala siyang mukhang ihaharap kay Gio at alam niyang nandidiri si Gio sa kanya dahil sa kanyang nararamdaman. Alam niyang alam ni Gio ang nararamdaman niya para kay Dimitri. Para saan pang magbestfriends sila? Basang-basa ni Gio ang galaw ni Angelo, kaya kahit hindi man sabihin ni Angelo na nababakla siya kay Dimitri, alam na ni Gio. At dahil ayaw ni Gio sa mga bakla, alam ni Angelo na ayaw na ni Gio sa kanya, kahit kaibigan. Kaya lalakeng-lalake man siya sa paningin ng iba, alam niyang sa paningin ni Gio ay nakakadiri siya. Upang hindi na sila mag-away, siya na lang ang umiiwas sa gulo. Hindi na siya nagpaparamdam kay Gio upang hindi na siya sumbatan pa. Okay na siya sa ganitong lagay. Nanghihina siya kapag makikita o maiisip man lang si Gio. Medyo mabigat ang kalooban niya kay Gio kasi pinahiya niya si Angelo sa harap ng maraming tao, sinubukan niyang iladlad si Angelo, at iyan ang pinakaayaw ni Angelo, ang pangunahan siya. Kaya ikakaila man niya, alam niyang deep down galit siya kay Gio.

May mga sandali namang nakikita ni Angelo na nakitingin si Gio sa kanya na may halong lungkot at awa. Gusto niya itong lapitan at kausapin ngunit nangangatog ang tuhod ni Angelo at hindi niya kayang kausapin si Gio. Malamang iniisip niya na nagagalit pa rin ito sa kanya.

Isang araw, gumagawa siya ng paper sa coffee shop na malapit sa dorm nang may umupo sa kanyang harap.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Angelo sa taong nakaupo. Hindi na niya tinignan ang tao at patuloy siya sa pagtatype ng paper.

"Friend! Nakakaloka ka! Alam kong drama mo friend, catch me if you can ang peg mong lalake ka!" Sabi ni Laurel.

"Hindi naman Laurel. Ayaw ko lang talagang magkagulo-gulo pa ang buhay ko. Tsaka, putang ina naman. Naaalala ko na pala tuloy kung bakit ako narito, upang mag-aral. Hindi upang lumandi. Kaya okay na ako." Diretsong sagot ni Angelo kay Laurel.

"Gusto mo Angelo, quickie tayo nang masarapan ka naman sa akin at ibaling mo na lang sa aking ang pagmamahal mo? Magaling naman akong sumubo eh." Sabay aksyon ni Laurel ng blowjob.

"Seryoso? I will take the deal." Tumaas ang kilay ni Angelo at sinakyan ang biro ni Laurel.

"Joke lang. Honestly lang noh, virgin pa kaya ang lola mo! Maraming nagkakandarapa rito, pero excuse me, hindi ko sila pinapansin. N-O, ang katas ko ay para sa lalaking mamahalin ko ng buong-buo na mas mataas pa sa langit ang pagtingin ko. Pa-virgin lang teh!" Tumawa si Laurel nang pagkalakas-lakas.

"Ikaw talaga Laurel, puro ka biro." Type pa rin ng type si Angelo.

"I've heard from Papa Gio, hindi ka pa raw marunong mag up and down. Hmmm."

"Up and down? Nag-uusap pala kayo ha." Tumigil sa pagtype si Angelo at nilingon si Laurel. Nagtataka siya kung ano ang gusto iparating ni Laurel.

"Alam mo na, iyong pagkakatas? At siyempre oo! Palagi ka ngang kinakamusta ni Gio at ni Dimitri sa akin. Pero siyempre dahil friend kita, sinabi kong okay lang si Papa Angie at masarap pala siya."

"Loka!"

"Nakakaloka friend! Alam mo, nagalit sila sa akin dahil akala nila tinira mo ako. Hahahaha!"

"Huwag ka nga Laurel. Nakakalibog. Puro ka biro. At anong pagkakatas naman iyang sinasabi mo?"

"Virgin ka pa nga talaga. Pagjajakol! Bastusan tayo friend?" Binatukan ni Laurel si Angelo.

"Ay, iyon pala. Oo, hahahahaha. Hindi pa talaga ako marunong. Nagsinungaling lang ako noong student's night." Nahihiyang tawa ni Angelo sabay balik sa pagtatype.

"Mas nakakaturn on ang lalaking hindi manyak kagaya mo. Pero... kay Dimitri ka na yata eh. Benta ang bromance niyo nakakaloka. Wala man lang akong puwang sa puso mo. Gusto mo kahit sa titi mo may puwang naman ako?"

"Laurel, nagpapatawa ka ba o nanglalandi?" Sarkastikong tanong ni Angelo.

"Hindi pwedeng both?" Hinagod ni Laurel ang dibdib ni Angelo.

"Ugok. Baka patulan kita diyan." Hindi nagpagambala si Angelo at panay pa rin sa pagtatype.

"Sorry. Actually, nagpapatawa. Kung nalalandian ka sa akin at gusto mo naman, call mo na yon. Bonus na siguro. Mahirap ba mag-alam mo na?" Malanding tanong ni Laurel.

"Ewan. Tinitigasan naman ako." Diretsong sagot ni Angelo.

"Manyak mo lalake ka!" Sinampal ni Laurel si Angelo sabay tawa. Natigilan si Angelo at hinilot ang parteng sinampal ni Laurel. Tawa-tawa naman ang bruha.

"Totoo naman eh! Kung tinitigasan ako, sinusubukan kong magjakol. Nakakakiliti pero ang sarap. Pero parang naiihi ako at parang nanginginig ang buong katawan ko. Kaya ayon. Tinigilan ko." Nagtype ulit si Angelo.

"Gago ka! Paano naman lalabas ang tamod mo kung titigalan mo?"

"Tamod?" Tinignan sandali ni Angelo si Laurel tapos bumalik sa pagtatype.

"Semen! Sosyal mo naman, kailangan pa talagang englishin ang kahalayan mo nang lubusan mong maunawaan?"

"Ahh, iyon na pala iyong maputing likido?"

"Oo. Nanonood ka ba ng bold o porn Angelo?"

"Hindi. Saan naman ako manonood wala akong computer sa amin? Wala rin akong pera para sa bold magazine. At saka, wala akong panahon kasi kailangan kong mag-aral at rumacket."

"Talo mo pang lola ko sa pagkalosyang mo lalake ka! Oo, iyon na iyon. Yung maputing likido. Try mo magsalsal tapos wag mong pigilan."

"Okay na ideya iyon Laurel ha, isipin kita mamaya try ko baka lumabas na." Tumawa si Angelo.

"Pwede namang gawin natin eh para hindi ka na mahirapan sa pag-iimagine." Pambanat ni Laurel sabay kagat ng labi.

"Landi pa girl." Tawa tawa silang dalawa.

"Wag na po! May Dimitri ka na! Laki-laki kaya ng katawan noon, baka isang pitik lang ako, bungkig ang katawan ko! Feeling ko nakatry na si Papa Dimitri sa'yo."

Natahimik si Angelo. Nawala ang ngiti niya.

"Gelo, Gelo, sila ba yun?" Tanong ni Laurel sabay turo sa likuran ni Angelo, kay Dimitri at Maryanne sa parking lot. Lumingon si Angelo at nakita niyang naghahalikan ang dalawa sa loob ng sasakyan.

Nasasaktan siya. Parang may bombang sumabog sa kanyang dibdib sa sakit na kanyang nararamdaman niya. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang mga luha niya.

"Friend? Akala ko ba just for show lang ang bromance niyo?" Tanong ni Laurel sabay alog kay Angelo.

Humarap si Angelo kay Laurel at nagsalita: "Sa kanya friend oo, sa akin..." At napapikit si Angelo habang tumutulo ang kanyang mga luha.

Niyakap siya nang mahigpit ni Laurel. "Iiyak mo lang iyan Angelo. Ganyan ang totoong pag-ibig."

"Akala ko ba tapos na ako kay Corina? Bakit may kasunod pa? Palpak pa talaga! Ang sakit Laurel, hindi ko kakayanin!" Umiiyak si Angelo habang niyayakap siya ni Laurel.

"May sasabihin ka sa akin Angelo. Alam ko." Seryosong sagot ni Laurel.

Dahil basang-basa na rin ni Laurel si Angelo, walang nagawa si Angelo kung hindi ang aminin kay Laurel ang kada segundong nararamdaman niya kapag nakikita niya si Maryanne at Dimitri na magkasama. Inamin na niya kay Laurel ang lahat-lahat. Natahimik si Laurel pagkatapos magkuwento ni Angelo.

"Alam mo Angelo" Pagsalita ni Laurel.

"Suportado kita, just do what you think is right. Decisions suck. You may come up with a right decision, or wrong decision. But what's important is that you do a decision which you will never regret in your whole life, in another life time, or to eternity."

"Thank you Laurel." Ngumiti si Angelo habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"You're welcome friend! Pwede pa request? Kausapin mo na si Papa Gio please? Ang kulit niya talaga!"

"Bakit anong sinabi niya?"

"Palagi ka nga niyang kinakamusta sa akin. Ang kulit ha! Nagga-galit-galitan nga ako kasi ang bastos ng ginawa niya sa'yo noong student's night ano! Inakusahan ka niyang bakla! Nakakaloka talaga, sus kung hindi ko lang siya crush dahil ang sarap niya, di ko talaga siya kakausapin. Si Papa Dimitri naman, text ng text. Wala ba siyang girlfriend? Nakakaloka siya, kung ako ang palagi niyang bombahan ng text, aasawahin ko siya-"

Natigilan si Angelo sa mukha ni Laurel. Nakalampas ang tingin nito sa likuran ni Angelo at nakabagsak ang panga.

"Ano ka ba Laurel! Kausapin mo ako! Bakit para kang tanga diyan?" Pagtaas ng boses ni Angelo kay Laurel na nakanganga pa rin at nanlaki ang mata.

"Hi Angelo. Will you forgive me?" Pag-insert ng isang tao sa usapan nila. Ang tao nila ay nasa likod ni Angelo, kaharap ni Laurel. Natigilan naman si Laurel at hindi alam kung paano gumalaw.

Nagulat si Angelo paglingon niya sa lalaking gustong kumausap. Pinunasan niya ang kanyang luha at bumalik sa pagtatype ng paper.

"Oh okay. I'm sorry Laurel. May gusto palang kumausap sa iyo. Doon kayo sa kabilang table mag-usap please? Gumagawa pa kasi ako ng paper." Panunuyo ni Angelo sa dalawa na may kasamang respeto.

"That's so convenient of dodging your way from me Angelo. Alam kong alam mo na hindi si Laurel ang gusto kong kausapin, I want to talk to you Angelo." Sabi ng lalaki sa likod ni Angelo na hindi man lang tinignan ni Angelo.

"Laurel can stay." Matigas na sabi ni Angelo habang hindi makagalaw si Laurel dahil sa pagka-awkward ng mga pangyayari.

"Laurel isn't even involved, Angelo. We have to talk. She is not concerned with our topic. It would probably take so long." Pagdahilan ng lalaki kay Angelo.

"Then start." Pabalang na sabi ni Angelo habang patuloy sa pagtatype.

"A-Ah.. Ange-gelo? Lipat na lang ako ng table ha?" Tumayo si Laurel at nag-aalangan sa ikikilos.

"No, you stay there Laurel." Utos ni Angelo kay Laurel.

"Yes, please leave us alone for a moment Laurel." Sabat ng lalaki na kanina pa nakatayo at nagsasalita sa likod ni Angelo.

Napuno si Laurel. Hindi niya alam kung anong gagawin. "AALIS NA LANG AKO!! NALILITO AKO SA INYONG DALAWA NAKAKAINIS!! GINAWA NIYO PA AKONG ASO! CHE!" Nagdabog si Laurel habang naglakad palayo sa kanila.

Bakit ba? What do you want now? Bad trip! After what you have done? Sabi ni Angelo sa kanyang isip. Nalilito si Angelo. Ano na naman ang gusto ng lalaking ito?

"Angelo, I want to settle things once and for all. I'm so sorry sa lahat ng ginawa ko. Kamusta ka na pala? Ilang araw nang hindi ako mapakali na hindi mo ako kinaukasap, na hanggang tinginan na lang tayo." Mahina ngunit matigas panimula ng lalaki. Nakaplaster naman sa mukha ng lalake ang isang ngiti na totoo. Nainis si Angelo. Tumigil sandali sa pagtatype si Angelo at napasandal sa upuan sabay higop ng kape. Tinignan niya ang mukha ng lalake at nawala ang ngiti nito. Galit na galit ang mukha nito. Andiyan ang nagkadikit ang mga kilay at nakasimangot pa with matching kunot noo effect.

"Bakit ka nagagalit? Go straight to the point, Gio." Mataray na sagot ni Angelo. Nagbago naman ang mukha ni Gio na parang naiihi at hindi alam ang gagawin. Nababahag ang kanyang buntot at hinawakan niya sa kamay si Angelo. Hindi gumalaw si Angelo para ipahiwatig ang kanyang pagkainis kay Gio. Kinuha ni Gio ang kamay ni Angelo at hinahaplos-haplos ito.

"I missed you Angelo. So much. Hindi ako makatulog nang maayos simula nang may nagawa akong mali sa'yo. I-I think... I'm starting to love........."

Itutuloy....

Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

23 comments:

  1. aaanngggggg hhhaaaaaaabbbbbbbaaaaaa...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHA... it's ok.. dont worry.. enjoy namang basahin.. keep up the good flow of the story para di maging boring...

      -arejay kerisawa

      Delete
  2. Nakakainis si dimitri
    Si gio na lang angelo hehe

    ReplyDelete
  3. Potek! Pabitin! Hahaha ugh! Auper gusto ko tong story na to..... <3

    - gavi :)

    ReplyDelete
  4. Shit! Sabi na nga ba! May gusto si Gio Kay Gelo! Tangina! -Ken

    ReplyDelete
  5. sarap basahin eh.

    thanks alot Mr. Author

    ReplyDelete
  6. wow ang haba ng hair ni angelo

    ReplyDelete
  7. parang laro lang ang lahat kay dim at gio. Bagay na bagay kay angelo ang title ng kwentong ito. Medyo ay pagkaOA lang yung student's night. Ang mga bidang lalaki, mga BI para tapos ang usapan. Pero sa BI mas nananaig yung pagkagusto sa boys.

    bharu

    ReplyDelete
  8. Kaabang abang talaga, at sulit dahil sa haba ng bawat chapter heheee, magaling din ang pagkakasulat at unpredictable talaga ang mgapangyayari, d parin mawari kung sino sino ang ganap nila sa buhay ni angelo hehhee, ala pa masyado sa eksena si gab at gio, si dimi palang ang exposed pero di parin mawari kung ano talaga ang papel nya kay angelo hehehe. Kudos mr author!
    MicG

    ReplyDelete
  9. bravo! paganda ng paganda ang story! sana everyday ang update hehe



    tonix

    ReplyDelete
  10. i love reading this talagang nakakadala bawat eksena parang movie lang.tnx author.

    randzmesia

    ReplyDelete
  11. Ayeeeeee cgurp may asungot jan para d matuloy ang starting to love

    ReplyDelete
  12. Ganda! Sana lng khit 3 days update per week. Please?! :)

    ReplyDelete
  13. Nakakabwisit lang si dimitri. Nararamdaman ko din ang nararamdaman ni angelo. Haaay. Grabe ka author. I really like gio for angelo. At the first place sila talaga ang bagay. They know each other since mga bata pa sila at I think sila lang magkakaintindihan. Please wag ka na makialam dimitri. Hayaan mo na si angelo. Can't wait for the next chapter. Galing mo mr. Author.

    ReplyDelete
  14. Yan tayo sa paBITIN ee. XD
    My heart was shattered into pieces, I can't believe that Gio could ever do that to his bestfriend. At eto namang si Dmitri badtrip! pakamatay na cya. Immature forever. User. FVCK!

    Di ko na lam kung anong magagawa ko sa BWCT na Dmitri na un. -_-

    ReplyDelete
  15. Ohmergerd this is my new favorite love et

    ReplyDelete
  16. kelan po chapter 9??

    ReplyDelete
  17. putek!!! alisin mo na si GIO at DIMITRI mga paasa!! nabubusit din ako kay angelo genius tas di makapag isip ng tama nakaksuya yung ugali ng mga character kung kaibigan ko lang yang mga yan na sapak ko na mga yaan ehh!!!
    pero reaksyon ko lang kela angelo,gio,at dimitri yun
    ANG GANDA NG STORYA EH NADADALA AKO..
    paborito ko si laurel wahaha kati!!
    -DIno

    ReplyDelete
  18. "It's just for a show". Npakasakit na katotohanan. Hndi madaling tangapin un! Malalim na sugat un at matagal gumaling. At kung gumaling man ay laging magpapaalala ang pilat ng katotohanan, "It's just for a show". P.I.!

    ReplyDelete
  19. Nag start ako badahin ito kaso sa sobrang haba ng bawat chapter nakakabagot. Pero may mga story na kahit sobrang haba parang ayaw ko matapos kasi sa simula palang interesting na

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails