Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
- Hindi
makakakuha ng anumang uri ng sagot mula kay Chong si Alfonse sa
assignments, quizzes at exams. Maliban na lamang kung magpapaturo ang
huli.
- Hindi
pwedeng mangaliwa si Alfonse. Hindi siya pwedeng magkaroon ng girlfriend,
bromance, at gay relationship.
- Bawal ang
encounter na lalagpas sa public zone for one month. Bawal ang dikitan ng
balat for two months. Bawal ang yakapan at akbayan ng tatlong buwan. Ang
holding hands, bawal ng anim na buwan, habang ang kiss naman ay isang
taon. Hindi pwede ang sex throughout the relationship.
- Walang
labeling sa relayon. Hindi pwedeng ituring na babae si Chong maski si
Alfonse. Kung meron mang matatawag na kanila, ‘yun ay dalawa silang
lalaking nagmamahalan.
- Si Chong
ang masusunod kung kailan tatapusin ang relayon pwera na lamang kung si
Alfonse na mismo ang aayaw.
------------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 24
Lumingon siyang muli nang nakangiti at nilapitan ang binatang
naka-classic suit. Hinawakan niya sa dalawang braso si Chong. “Ano ‘yun? May
sasabihin ka eh…”
Unti-unting nag-angat ng tingin si Chong. Nagtama ang
kanilang mga tingin. Tila nakangiti ang mga singkit na mata ni Fonse, habang
puno ng pag-aalala ang sa kanya. “…Fonse…”
Ngumiti lamang ang kanyang kaharap.
“…Fonse… Maghiwalay na tayo…”
Lumuwag ang yapos ng mga kamay ni Fonse sa braso ni Chong.
Dumausdos itong pababa kasabay ng masaya niyang ngiting unti-unting nawala sa
kanyang mukha. Ang mga labi niya’y nakabukang tila naghahanap ng salita.
“…Cho…Chong?”
Bakas ang takot at pag-aalala sa mukha ni Chong. Mataman
niyang tiningnan si Alfonse at saka kumurap-kurap na tila naguguluminahan. Inipon
niya ang kanyang lakas at pineke ang isang ngiti. “Ah, ah? Sandali, ano ba
‘yung nasabi ko sa’yo?”
Kumunot ang kilay ni Alfonse. “Chong, may problema ba tayo?
Bakit ka nakikipaghiwalay?” Hinigpitan niyang muli ang hawak sa mga braso ng
kanyang kaharap habang lalong lumalapit sa kanya.
“Ah? Wala, wala naman akong problema ah? Bakit ikaw meron
ba?”Humalakhak ng marahan si Chong sabay tapik sa braso ng binata. “…Grabe
‘yung reaksiyon mo. Nagjojoke lang ako, tinitingnan ko lang kung anong
sasabihin mo. Daig mo pa ‘yung mga artista, pero subtle ‘yung acting mo ah…”
Bumagsak ang mga balikat ni Fonse, ngunit nananatiling bakas
sa mukha niya ang pag-aalala.
Tumawang muli si Chong na halatang pilit. “…Para kang nawalan
ng buhay, ganoon ba talaga ako kaha… Aray!” Hindi maipinta ang kanyang mukha ng
hawakan niya ang tagiliran niyang kinurot ni Alfonse. Wala siyang nagawa kundi
angilan ng nangunguba ang kaharap. “Bakit ka nangungurot!!!”
“Gago ka! ‘Wag kang nag-jojoke tungkol sa ganyang bagay!” Nanlalaki
ang kanyang mga mata. Ang mukha ni Fonse ay hindi rin maipinta kahit na hindi
siya nasaktan. Pumikit siya at humingang malalim. “ ‘Wag mo nang uulitin ‘yun
ah!”
Ang pag-angil sa mukha ni Chong ay unti-unting nawala kasama
ng naglahong pagkunot ng kanyang kilay. Ang mata niya’y hindi niya alam kung
saan ibabaling, tila pag-iwas na tumama sa mga seryoso’t nangangaral na mata ni
Fonse. Itinuwid niya ang kanyang tindig. “Oo, na po…”
Humingang malalim si Fonse at saka niyakap ang kaharap.
Nanlaki ang mga mata ni Chong ngunit wala siyang nagawa. “I’m sorry. Sigurado
ka walang problema ah. I’m sorry uli…”
“Oo nga. Grabe ka naman. Walang problema. Bitawan mo na ako
at baka may makakita sa’tin.”
Hinawakan niya sa braso si Chong pagkatapos niya siyang
yakapin. “Wala talagang problema ah?”
“Oo nga, ang kulit mo! Umalis ka na at naghihintay si Ronnie,
siya ang makakastigo niyan…”
Saka naman naalala ni Fonse na mayroon pa pala siyang
pupuntahan. “Oo nga pala. Pero, bago ‘ko umalis, hindi mo man lang ba…”
Natigilan siyang saglit at kinagat ang mga labi.
Kumunot ang kilay ni Chong. “Ano?”
“Uhmmm…” Hindi makatingin ng diretso sa kanya si Fonse.
“…Hindi mo man lang ba ako sasabihan ng ‘I Love You’…”
Tiningnan ng mabuti ni Chong ang kaharap. Naging maamo ang
kanyang mukha, kasabay nito ang unti-unting pagbuka ng kanyang bibig. Maya’t
maya ang kanyang pagkurap. Ang kanyang mga mata ay kumikinang sa tama ng
liwanag ng buwan. “…Hindi…”
Tinangka uling kurutin ni Fonse si Chong ngunit nasalag niya
ito. “Sige, kurutin mo ako. Sisipain kita…”
“Oh, sige na, aalis na ako. Late na talaga ako niyan.” Inayos
ni Fonse ang kanyang coat. “Wala talagang ‘I Love You’?”
Ikrinus ni Chong ang kanyang braso. “Kapag may dementia na
ako, sige…”
Lalong lumiit ang mata ni Fonse. “Sige na, aalis na ako…”
Naglakad siya patungo sa van.
“Fonse…”
Lumingon muli si Alfonse. “Bakit? Maghihiwalay na naman
tayo?”
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Chong. “Hindi, uhmmm, Aloha.”
Saka niya iwinagayway ang kanyang kamay. Kumunot ang kilay ni Alfonse, tila
nagtatanong. Ngumiti uli siya. “Aloha. Sayonara. Goodbye…”
Umaliwalas muli ang mukha ni Fonse. “Ah okay. Aloha!” Sumakay
siya sa van. Sa bintana’y tinanaw niyang muli si Chong na nananatiling nakatayo
sa gate ng bahay. Paglingon niya’y nakita niya si Ronnie may kinaki-usap sa
cellphone. Sa pag-iisip sa lahat ng nangyari’y ‘di na niya napansin ang boses
nitong puno ng pagpipigil.
“…sige po Ma’am, nakasakay na po siya, aalis na po kami…”
“Ronnie, pasensiya na. Ikaw tuloy ang sumasalo sa galit nila
Mama.” Nahihiyang sabi niya.
Ngumiti si Ronnie. “Okay lang ‘yun Ser.”
“Anong sabi nila Mama? Nagtatanong ba? Galit na ba?”
“Medyo galit na Ser, pero hindi pa naman ako nasisigawan. Lagpas
trenta minutes ka na daw late at saan ka daw nagpupupunta…” napapangiting sagot
ng driver.
Naaligagang napatingin si Fonse. “Anong…sinabi mo?”
Napangisi ang driver na tila nakuha ang pag-aalala sa tono ng
binata. “Sabi ko Ser, may ka-date kang babae…”
Biglang lumuwag ang hininga ng binata. “Ron, alam mo naman
kung ano ko si Chong, ‘di ba?” Tumango si Ronnie. “…Sana, sikreto na lang natin
‘yun…”
Tiningnan ni Ronnie ang amo sa front mirror. Nakita niya ang
mga mata nitong puno ng pag-aalala. “No problem Ser. Kapag nagtanong sila
Ma’am, sasabihin ko na lang may kadate kang BABAE…”
Napangiti si Fonse sa pagdidiin ni Ronnie sa salitang babae. “Ronnie,
medyo kilala mo na rin naman si Chong ‘di ba?”
“Oho, ser…”
“Kanina kasi, sabi niya, maghiwalay na daw kami. Tapos bigla
niyang binawi, joke lang daw. Sa tingin mo makakapagbiro siya ng ganoon?”
Tumingin uli si Ronnie sa front mirror. Bakas ang pagtatanong
sa mukha ng kanyang amo. “Ser, hindi ko po alam eh. Hirap basahin ‘yung tao.
Hindi ko ho alam kung galit o ano?”
Napalitan ng pag-aalala ang ekpresyon sa mukha ni Fonse. Dahan-dahan
siyang sumandal sa malambot na upuan at itinukod ang siko sa bintana. Dahan-dahan
at tila nag-iisip niyang kinalong sa kanyang braso ang kanyang ulo. Sa labas ng
binata’y tanaw niyang tila walang laman ang daan. Sa langit ay unti-unti nang
ikinukubli ng mga ulap ang kanina’y makikinang na bituin.
“…Aloha….Goodbye…”
Mga sampung minuto ang nagdaan at narating nila ang lugar ng
salo-salong dapat niyang puntahan. Eleganteng-eleganteng pagmasdan ang lugar sa
Ancient Greek nitong architecture. Sa gate ay may Greek soldier statue na may
anim na kabayong napipinturahan ng ginto. May mga puting istatwa ng babaeng
kita ang dibdib na may kalong na basket na puno ng prutas at may mga columns na
mas mataas pa sa tao at marka ng mga Greko-Romano. Bricks ang nasa walkways ng
lugar na may decorative na bakod.
“Ronnie, ano daw bang meron? Anong okasyon? Nakapagclose ba
ng deal?” tanong ni Fonse habang sinisipat ang parking space na puno ng luxury
cars. Nakita rin niya ang itim na limousine na siyang dapat nilang gagamitin ni
Chong, datapwa’t kinuha ni Alfred.
Nagmani-obra ang driver upang magpark. “Ser, hindi ko po
alam. Kayo pa lang po ihahatid ko dito eh…” Pinatay ni Ronnie ang makina.
“…Pero sabi ni Toto, may ipinasundo daw sa kanyang Ferdinand Chua ang
pangalan…”
Kumunot ang kilay ni Alfonse. “…Ferdinand…Chua?”
Inakyat niya ang marble stairs papunta sa entrance ng
function hall. Sa itaas ay may nag-aabang na dalawang naka-tuxedong guwardiya
na nagbubukas ng isa sa tatlong pintong kulay kamagong at napaka-ornate. “…Chua…Ferdinand Chua…” Ibinutones ni
Alfonse ang kanyang coat.
“Good evening, Sir…” bati sa kanya ng isang lalaking may tail
ang itim na coat.
Kung anong gara ng lugar sa labas ay mas mamamangha ka sa
kariktang taglay nito sa loob. Mistula kang nasa loob ng isang palasyo. May
malalaking portraits ng mga hari ng Inglaterang napapaloob sa gintong frames.
Sa ilalim ng mga ito’y mga mesang nakukulayan din ng ginto, kinalalagyan ng mga
plorerang porselana na may mga lamang bulaklak na kulay-rosas. Natatanglawan
ang foyer ng isang napakalaking chandelier na nakasabit sa ikalawang palapag ng
hall. Ang bawat kristal na nakasabit dito’y kumikinang ng walang hanggan.
“This way, Sir…” Ikinumpas ng butler ang kanyang kamay sa
isang pintong may silipang salamin na kasinlaki halos ng isang plato. Mula sa
labas ay natanaw ni Fonse ang nasa loob, mga mesang nasasapinan ng bulaklaking
tela na kulay-rosas, mga bisitang may hawak na kopita at posturang-postura, at
ang napakalaking kwarto na napakarangyang tingnan. Binuksan ng dalawang
lalaking nasa gilid ang pinto.
At sa pandinig ni Alfonse ay sumalubong ang malamyos ng tunog
ng biyolin, ang kalansingan ng mga kopita’t kubyertos, at ang ilang
katotohanang tinakasan niya.
“…Masama raw ang lagay ng kumpanya. Hindi raw natuloy ‘yung
deal sa foreign investors kaya nawawalan ng tiwala ang board. Baka sa
stockholder’s meeting niyan ay palitan sa si Carlos bilang president…” ani ng
isang may katandaan at matabang babae sa green na evening attire. Ingat na
ingat ang babae sa paghiwa ng steak at sa pagkuha ng kopitang may lamang alak.
Mayamang-mayamang tingnan, dangan lamang at para siyang aso kung ngumuya ng
laman.
“Masama ang lagay
ng…business?”
“Kumpanyero, my loyalty is with Mr. Carlos Santiago…” Nagpunas
ng bibig ang matandang lalaki. Ang kanyang puting buhok ay kumikinang sa tama
ng liwanag ng chandelier. “…pero what can do we in this times? Ayaw ko rin
namang masayang ang dalawag dekadang pinaghirapan ng mga Santiagos. I’ve known
his father, he’s been a great friend of mine. At ninong ko ang lolo niya, such
a great man. But I think it’s about time for Mr. Ramos to lead the compa…”
Natigil ang matanda ng makitang nakatingin sa kanya si Alfonse. Maski ang mga
kasama niya sa mesa’y nahiwagaan at natigil ng makita ang binata. Umubo-ubo ng
lamang ang matanda.
“Mapapalitan si papa?”
“My God, have you seen Mylene? She’s such a beautiful child.
Manang-mana sa ina. Napakaganda na at napakagalang. If just circumstances bid
it, ipinagkasundo ko na sana siya kay Art. They would be a wonderful couple,
‘di ba anak…” sabi ng isang babaeng payat sa kanyang anak at mga kasalo sa
mesa. “Of course, Ma!” Tugon ng kanyang anak na ‘di-katangkaran at
‘di-kagwapuhan. Walang naging tugon ang mga kasama nila sa mesa. “…Duh, mas gusto ko ‘yung kuya ni Mylene.
Yummy!!!” ang sabi sa sarili ng lalaki habang sumusubo ng pasta.
“Mylene….Chua? Mylene
Chua!” Nagpaikot-ikot
ang tingin ni Fonse sa paligid na tila naguguluhan. At sa gitna ng silid na
iyon, habang nakatayo kapiling ang mga taong ngayon lamang niya nakita at
kumakain sa piging na handa ng kanyang ama, nakita niya ang isang babaeng nagpatigil
sa magulo niyang isipan.
“…We were just very thrilled with the
concept. Napaka-pure. Napaka-immaculate.
Napaka-ideal.Cheeks blushing.…”
Nakatulala siya habang tinitingnan ang dalagang naka-pulang
gown na gawa sa lace. Sa bawat mahinhing galaw ng babae’y kumikinang ang bawat
diyamanteng nakadikit sa kanyang trahe. Unti-unting bumubuka ang mga labi ni
Alfonse. Ramdam niya ang init na dumadaloy sa kanyang katawan, maski sa kanyang
mga pisngi. Unti-unting ngumingiti ang napakagandang dilag. Maski ang mga
bilugang mata ng babae’y nagiging singkit, tila puno ng saya.
“…Hands shaking…”
Hindi pansin ni Alfonse ang tila hindi niya mapakaling kamay.
Nakatuon pa rin sa dalaga ang kanyang mga mata. Kumikinang sa tama ng liwanag
ang kinulot na buhok na babae na naka-ayos sa kanyang kanang balikat. Tila
napakalambot, napakasarap haplusin. Napakaputi ng mga ngipin at napakalambot ng
mga labi.
“…Hearts throbbing. Parang tumitigil ang mabilis na ikot ng mundo…”
Hindi bumagal ang pagkain ng mga tao sa kanyang paligid.
Ngunit hindi iyon pansin ni Fonse, tanging nasa babae ang kanyang atensiyon.
Naikubli ng tibok ng puso ang musika ng mga biyolin. Napakaganda ng hubog ng
katawan ng dilag sa suot nito. Hapit na hapit iyon sa kanyang balakang. Humuhulma
at lumilipad ng malaya ang tela ng kanyang trahe pababa na tila isang lasong
nililipad ng hangin, dahan-dahan, may pag-galang, at buong pag-iingat. Unti-unting
itinuon ng dalaga ang kanyang mga mata kay Alfonse at nagtama ang kanilang mga
tingin.
“…Then the next thing we know,
there would be penile erection and redness of the female genitalia…”
“Alfonse! Where have you been!” Sinabulong siya ng kanyang
ina nang nakakunot ang kilay. “…You’re late. Pinabilin ko kay Manang na
7:30 ka pumunta. It’s already 8:05, my
God! Pinaghihintay mo ‘yung mga bisita…” Galit man ang kanyang ina’y hindi
maikakaila ang ganda niya sa suot na kulay pink na gown. Lalo siyang nagmukhang
bata sa kulay ng kanyang suot. Hapit ang gown pababa. Ang buhok niya’y
diretsong-diretso.
“Ma, sinabi nga sa akin ni Manang na pumunta dito ng 7:30,
but…but I’ve been to somewhere. I’m sorry…"
Napangiwi ang kanyang ina na tila hindi sanay na nakakarinig
ng ‘Sorry’ mula kay Alfonse. “…Tsaka bakit nag-white ka, pinabilin ko kay
Manang na mag-tux ka ‘di ba?” Biglang umasim ang kanyang mukha habang inaayos
ang tie ng navy blue na tie ng anak. “…And what’s that smell? Nagsuka ka ba?”
Bumuntung hininga si Alfonse habang pinapagpagan ng kanyang
ina ang suot niya. “Hindi na ako umuwi kasi I know I’m already late. I’m really
sorry. At hindi ko in-expext na ganito kalaki ‘tong pupuntuhan ko…” Ang kanyang
palad ay nasa kanyang noo na tila sumasakit. “…And ma, before anything else,
pwede bang…paki-ex…” Napapapikit na siyang tila napapagod sa pag-iisip. “…Anong
nangyayari dito?”
Natigil ang kanyang ina sa pag-aayos ng kanyang suot.
“…Basta. Mamaya malalaman mo rin. Go to the room near the bar. May tux doon,
magpalit at pagbango ka…”
Lumabas si Alfonse si Alfonse sa kwartong iba na ang suot,
katulad ng bilin ng kanyang ina. Naka-classic suit na siya, black slacks and
coat, white dress shirt at black bow tie. Pagkalabas niya’y tumayo ang isang
lalaking naka-tux din at may hawak na kopita sa kanyang kamay. Kahit na may
katandaan ang lalaki’y matikas pa rin ang tindig niya. Ipinalo niya ang tinidor
sa kopita na tila sinasadyang lumikha ng ingay. Buong tikas at respetadong
kinuha ng lalaki ang atensiyon ng bawat panauhin.
Iyon ay ang ama ni Alfonse na si Carlos Santiago.
“Ladies and Gentlemen, I am really thankful…” Sinisikap
niyang tingnan ang bawat bisitang nakatingin sa kanya. “…na sinamahan niyo kami
ngayong gabi, to celebrate a very special day, hindi lang sa aming mga
Santiagos, kundi maski sa mga Chua…”
“…a very special day…?”
Nagpalakpakan ang lahat ng bisita, maski ang iilang naringgan
ni Alfonse ng mga hindi kagandahang salita. Nakangiti silang lahat na tila
nagsasaya.
“…Napakasaya ng aming mga pamilya, lalo na kaming dalawa ni Pareng
Ferdinand, na sa wakas ang aming dalawang pamilya ay magsasama. This evening is
not just about the love that our children share, but also the official union of
two families long binded by tradition, comradeship, and charity…” Ibinaba ng
ama ni Alfonse ang hawak nitong kopita at itinaas ang kanyang kamay sa
direksiyon ni Alfonse. “…Once again, ladies and gentlemen, I present to you, my
son, that I’m really proud of, Carl Alfonse Santiago…”
Natigil si Alfonse sa gitna ng palakpakan. Alam niyang
tinawag ang kanyang pangalan ngunit hindi niya batid ang gagawin. Tiningnan
niya ang kanyang ama. Sinenyasan siya nitong lumapit sa gitna ng silid. Ito rin
ang ginawa ng kanyang ina na nananatiling naka-upo. Sa ginta ng mga mata at
ilaw nakatutok sa kanya, inihakbang niya ng dahan-dahan ang kanyang mga paang
hindi alam kung saan pupunta, hanggang sa marating niya ang kanyang ama.
“…And also…” Inakbayan si Fonse ng kanyang ama. Halos
magkasing-tangkad lamang sila. “…ang napakagandang anak ni Mr. Ferdinand Chua, si
Ms. Mylene Chua…”
Masigabong palakpakan muli ang pumuno sa silid. Mula sa
kawalan ay lumitaw ang isang babae na naka-red na lace gown na may mga
nakadikit na diyamante. Nakangiti ang babaeng tila napakasaya, kasabay ng
pag-singkit ng mga bilugan niyang mata. Narating ng dilag ang gitna ng silid at
tumabi kay Alfonse. Sinundan lamang siya ng tingin ng binata.
Siya ang babaeng umagaw sa atensiyon niya kanina.
“…And I’m proud and honored to announce, that they are
engaged…”
Napatingin bigla si Alfonse sa kanyang ama nang nanlalaki ang
mga mata. Tiningnan rin siya nito ngunit nang nakangiti. Naramdaman niya ang
unti-unting pag-yapos ng braso ni Mylene sa kanyang braso. Sa kalayuan ay
tananaw niya ang kanyang kambal na si Alfred na pumapalakpak ngunit nakangisi,
nakangiting nang-iinsulto. Ngunit hindi ang mga iyon ang kanyang inaalala.
Mistulang wala roon ang babaeng kanina’y tinititigan niya, maski ang kakambal
niyang kanina’t binuwisit siya. Unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang lahat
ng bagay ng gumugulo sa kanya.
Patuloy ang palakpakan ng mga taong ngayon lamang niya
nakilala. Unti-unting bumuka ang kanyang mga labi at napatanga.
“Pasensiya na ha, naabala pa kita…” bumaba mula sa itim na
limousine si Mylene. Sinundan naman siya ni Alfonse na tila nanlalata. “…Sila
lolo naman kasi, nagpa-una nang umuwi. Hindi naman sila pumayag na sumabay
ako…”
Ngumiti si Alfonse, isang ngiting pilit. “…Okay lang ‘yun. Sa
tingin ko sinadya nila iyon para magkasama tayo…” Napangiti naman nang matamis
si Mylene sa mga tinuran niyang iyon na tila nagbablush pa.
“Uhmmm, sige, mauna na ako, pakikumusta na lang ako sa tito
Ferdinand…” saka siya tumalikod at hinarap ang sasakyan. “Alfonse…” biglaang
tawag ni Mylene sa kanya. Muli niyang nilingon ang dalaga. Tiningnan niya ang napaka-among
mga mata ng dalaga, ang napaka-lambot at mapupulang mga labi, at ang
napakagandang mukha ng kaharap. Sa tuwing gagawin niya ito’y wala siyang magawa
kundi manigas at tinitigan si Mylene. “Pwede bang…samahan mo ako hanggang sa
garden?” pagmamaka-awa ng dalaga.
Pinagbigyan siya ni Alfonse.
Lahat ng mga halaman sa hardin ay namumulaklak, at bawat
isa’y may samyong napakatamis. May mga sari-saring kulay ng rosas at carnation
kasama ang mga halamang sadyang ginupitan upang magkaroon ng kakaibang hugis. May
iilan ring punong napakataas sa sumasayaw sa hampas ng malamig sa hangin.
Nasa kanyang bulsa ang mga kamay ni Alfonse habang si Mylene
naman ay unti-unting ibinalabal sa kanyang ang kanyang alampay na seda. Naglalakad
ng dahan-dahan ang huli na tila napakahinhin, habang ang una nama’y tila
lumilipad ang isip. Sandaling tumigil si Mylene at lumingon sa likod, na siya
namang napansin ni Alfonse.
Lumapit si Mylene kay Alfonse at yinakap ang braso ng binata.
Unti-unting dumidilim ang langit na tila nagbabadya ng isang ulan. Gayunpaman,
naglakad silang mabagal na parang magkasintahan.
“Alfonse, anong naramdamam mo kanina nung nalaman mong
engaged na tayo?” Nakasandal ang ulo ni Mylene sa braso ng binata habang
nakangiti ng napakatamis at napaka-inosente.
Tiningnan siya ni Alfonse nang naguguluhan. “…Masaya,
tuwang-tuwa ako…” Lalong tumamis ang ngiti ng dalaga sa sagot niya. “…Ikaw,
hmmm, kailan mo pa nalaman na ikakasal tayo?”
Si Mylene naman ang napatingin kay Alfonse. Nakakunot ang
mukha ng huli na tila nagtatanong. “…Simula nung six years old pa lang ako,
simula ng makita ko si ateng umiiyak sa kwarto niyang mag-isa matapos nilang
mag-away ni Papa bago siya ikasal, alam ko ng ganito ang mangyayari. Pero noong
nakaraang taon ko lang nalaman na ikaw pala, kaya alam ko, hindi ako matutulad
kay ate. Katulad mo, napakasaya ko rin….” Ngumiti siya ng buo na parang
napaka-inosenteng bata. Malamyos ang kanyang tinig at napakasayang pakinggan.
Ang kanyang mga bilugan at mapupungay na mga mata’y tila ngumingiti rin.
Iniwasan ni Alfonse ang kanyang mga tingin.
“Sige, Alfonse, dito na lang, nakakahiya na talaga sa’yo…” Kumalas
si Mylene mula kay Alfonse at hinarap ang binata. Tinitigan lamang siya ni
Alfonse nang may malamlam na mga mata, kabaligtaran sa siglang taglay ng sa kanya.
Ngumiti siya’t tumingkayad at inabot ang mukha ni Alfonse.
Hinalikan niya sa pisngi ang binata.
Namula si Mylene sa kanya ginawa. Hinawi niya ang kanyang
buhok at itinabi sa kanyang tainga. Muli’y nabakas sa mukha niya ang isang
ngiti. Nanlaki ang mga mata ni Alfonse sa kanyang ginawa. Tinitigan na lamang
ng binata ang napakaganda niyang mukha.
“…Sige, Thank you. Tsaka see you tomorrow…” Muli ngumiti si
Mylene at saka tumalikod. Tinungo niya ang kanilang mansiyon.
“…Mayroong nagkakalakas ng loob na suwagin
ang sinasabi ng tradisyon, moralidad, kultura,
kalikasan at ng ibang tao.
May ilang nagtatagumpay pero kakaunti lang iyon,
napakahina natin para suwagin lahat ng iyan,
dahil kailangan nating ibigin nila tayo…”
Nanatiling nakatayo si Alfonse sa hardin. Tuluyang tinakpan
ng mga ulap ang maliwanag na buwan at mga bituin. Tinitigan lamang niya si
Mylene habang patuloy na tinutungo ang pintuan, ngunit wala sa dalaga ang
kanyang isip. Hindi niya maigalaw ang kanyang paa, ni maisara ang kanyang
nakabukang mga labi.
Itinuon na lamang niya ang kanyang mga malamlam na mga mata
sa kawalan.
-----------------------------------------------------
Ang kuwentong nagsimula sa aminan...
-----------------------------------------------------
”Chong...bakit ...bakit mo ba ako
iniiwasan? Ah...oo... tama, bakit mo nga ba ako iniiwasan? ”
”Gusto mo talagang malaman kung bakit
kita iniiwasan?”
”Kasi gusto kita...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse sa
kanyang narinig. Maski ang igalaw ang kanyang katawa’y hindi niya magawa. Pinagmasdan
lamang niya si Chong habang naglalakad ito nang buong pag-iingat. Kailangan ko siyang pigilan, naisip
niya. At isang paraan lamang ang alam niya...
“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”
-----------------------------------------------------------------------------
…Na napunta sa subukan at out-of-this-world na
katanungan...
-----------------------------------------------------------------------------
"Bakit mo ako gusto?"
“Ah, kase, ano eh...uhmmm...”
“Pwede, walang mga dahilan na
‘Because you made me smile everyday and you made me feel all the
happiness in life there is,’ na ‘Because you showed me the real meaning of LOVE
and you made me feel it,’ at lalo nang ‘Your presence in my life gave a new
dimension to my existence.’ Ha, pwede?”
“Ah kase...”
“Kase ano?”
“Uhmmmm...”
“Kasi...wala...”
Biglang nagdilim ang paningin ni
Chong.
“HINDI PWEDENG WALA!!! PAANO MO
SOSOLUSYUNAN ANG ISANG BAGAY NANG HINDI MO NALALAMAN ANG DAHILAN!!!
-----------------------------------------------------------------------------
…Na nauwi sa isang kasunduan...
-----------------------------------------------------------------------------
“Oh, edi...tayo na...” sambit ni
Chong habang nakatingin sa langit.
“...Ser...yoso...ka...ba....?”
“...Sa limang kondisyon...”
“Unang-una, hindi ka makakakuha sa
akin ng kahit anong uri ng sagot sa assignments, sa quizzes, at sa mga major
examinations. Pangalawa, hindi ka pwede magkaroon ng kahit anong uri ng
romantic relationship na labas ng sa atin. Mali, I doubt kung magiging romantic
‘tong relationship natin. Uhmm, erotic? Hindi rin. Uhmm, relationship na lang.
In short, hindi ka pwedeng mangaliwa...”
Saka unti-unting lumapit si Fonse at
tinangkang akbayan si Chong. Pakiramdam niya kasi’y nagseselos ang kanyang
girlfriend.
“Walang yakapan, walang holding
hands, walang halikan, walang dikitan ng balat, walang encounters na lalagpas
ng public zone...”
“Ha?”
“…At walang sexual intercourse...”
saka siya tumingin kay Alfonse nang patagilid at nang may mababang kilay.
Nasa harap na naman niya ang Chong na
palagi siyang tinitikis, ang Chong na palagi siyang pinapahiya, ang Chong
na umaming may gusto sa akin.
“’Yan ang pangatlo kong kondisyon...”
“Tayo...talaga ...niyan...?”
-----------------------------------------------------------------------------
At patuloy na sinusubok...
-----------------------------------------------------------------------------
...Lalong humigpit ang hawak ni Chong
sa aking bewang, humigpit ng may pagmamahal...
Magkadikit ang aming mga katawan, ang
aming mga mata, ang aming kaluluwa, mga labi na lamang ang hindi nagdidikit sa
amin...
Unti-unti, may pag-iingat,
dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Marahan, kitang-kita
ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagkalito, pero bakas din ang
pagpapa-ubayang angkinin ko ang labi niya...
Sa kanyang mga mata lang ako
nakatingin. Unti-unti. Maski mga mata niya’y sa akin lang nakatuon.
Dahan-dahan. Ang mga labi nami’y magsasalo na. May pag-iingat. Hindi namin
maipaliwanag ang aming nadarama...
At ngayon...nagdikit...
“Okay, tapos na ‘yung sayaw...”
saka niya binitawan ang pagkakahawak sa aking bewang maski sa akin kamay.
Nahulog ako. Nauntog ang ulo ko sa sahig, habang ‘yung mga binti ko ay
nakabaluktot na natumba.
“ARAY!!!”
-----------------------------------------------------------------------------
At patuloy na sinusubok...
-----------------------------------------------------------------------------
“Siguro nga tama si Christie, tama
siya na pinaglalaruan mo lang ako, na GINAGAGO mo lang ako!”
Tumaas ang kilay ni Chong. Tiningnan
niyang patagilid ang kanyang katabi, at saka dahan-dahan at buong pag-iingat
niyang isinunod ang kanyang ulo. Ibinuka niya ng dahan-dahan ang kanyang mga
nakatikom na labi. “Alam mo, tama talaga
siya. Tama talaga si Christie na it takes one to know TWO, kahit na one talaga
‘yan. Kasi, alam mo, sa ating dalawa, ikaw ang mas eksperto sa panggagago. At
hindi mo masasabing pangagagago lahat ng ginagawa ko, kung hindi mo alam ang
lahat ng ginagawa ng mga nanggagago, na siyang gawain mo…” ngumiti siyang
mistulang inaangilan si Fonse. “…Mas matatanggap ko pang sabihan mo akong
NANGGAGAGO kung nagpapabili ako sa’yo ng mga mamahaling gamit, ng house and
lot, at ng kung ano-anong pangmayamang SHIT! Tutal naman eh GINAGAGO kita sa
tingin mo, edi ituloy-tuloy ko na...” Saka niya pinihit at binuksan ang pinto
sa gilid niya.
Napalingon si Fonse. Naalis ang
pagkakapatong ng kanyang ulo sa kanyang kamao.
Hinablot ni Chong ang plastic ng mga
librong binili ni Fonse para sa kanya at buong lakas niya itong itinapon sa
damuhan.
Tinangkang pigilan ni Fonse ang
kanyang mga braso ngunit siya’y nahuli. “ANONG GINAGAWA MO?” buong lakas niyang
sigaw.
“GINAGAGO kita. Hindi ba’t GINAGAGO
kita?” Nakangiting sagot ni Chong. Saka niya iniabot ang kanyang kamay sa
compartment at inihagis ang kanyang bagay na naabot.
Lumulutang sa hangin ang hindi
kaliitang kahon na nababalot ng velvet na tela. Dahil sa hindi kabigatan,
lumapag ito ng malayo mula kila Chong.
Iyon ang 24-karat Gold necklace na
ipinagawa niya para kay Chong.
-----------------------------------------------------------------------------
…Ng ikalimang salinlahi ng buhay na dugo ng mabunying si
Adolf Hitler...
-----------------------------------------------------------------------------
”Chong, sino ’yung bagong babae ng
mokong na ’to? Kilala ba namin? Si Jenilyn ba?”
“Hindi mo pa ba alam...” ang sabi ni
Chong na nakangiti kay Lemuel.
Wala ’yan. Syempre kailangan lang
niyang magdahilan para maloko sila Lemuel. Eh ang galing kaya niyang mag-isip
ng dahilan. Halos isang iglap nga lang naisip niyang idahilan kay Jenilyn na
nagwala si Grace kaya andoon ako. Ang galing diba, kaya wala akong dapat
ipag-alala. Ililigtas pa nga ako ng taong ito eh.
”...Kami na ni Fonse...” ang sabi
niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni
Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na hindi mawari.
”...don’t worry, I forgive..."
Biglang napalingon sa akin si Fred.
At ngayon, lalong tumulis ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto
na niya na kong patayin sa mga tingin niya.
”...but I don’t forget, and the best
part is...”
Dahan-dahang itinuon sa akin ni Chong
ang kanyang tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla
niyang inituon sa akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin. Nakakatakot.
Parang mas dapat pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
“...I get even...”
-----------------------------------------------------------------------------
Saan tutungo ang napaka-sweet na love story na ito?
Magkakaroon ba ng happy ending para kila Chong at Fonse? Abangan sa huling
SIYAM NA KABANATA ng...
sn po mkkita ung chapter 1 ng story na to i just wanted to read this from the start. tnx
ReplyDeleteHello, ito po 'yung first chapter: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2012/09/a-dilemma-of-love-chapter-1_27.html
ReplyDeleteMixed emotions.
ReplyDeleteJames
DROPPED.JAW!!!
ReplyDeleteNapanganga.na.lang.ako...super.ganda.ng.story!.:D
curios.lang.po.ako.kung.anong.namamagitan.kay.Chong.At.Fred.at.sa.recording?..
:))
-Kio...
Malalaman sa mga susunod na kabanata...XD
Delete