Note:
1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 5. Abot-langit pa rin ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng mga komento dito sa mga kabanata ng kwento na ginawa ko. Pati na rin sa mga silent readers, salamat po talaga! (Sorry po kung hindi ako tumutugon o nagrereply sa mga comments tsaka hindi ko po kayo na special mention kasi puputol-putol ang internet namin, parang tanga lang, nakakawarla.)
2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3
3. Ang updates ko po ay every Saturday, Sunday, Tuesday, at Thursday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito. Dahil kung type niyo ako, e di type ko rin kayo. Dejk hahahahahahaha.
Enjoy!
Disclaimer:
1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.
3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)
---
Chapter 5
Natigilan sandali si Angelo sa pakikipagsapakan sa mga tambay. Kilala niya ang taong sumigaw. Pamilyar sa kanya ang register at timbre ng boses na iyon. Hinding-hindi siya nagkakamali. Pagkarinig niya sa boses na iyon, may isang tao na pumasok sa isip niya.
Hinablot ni Angelo ang isa sa mga tambay at hinampas sa sasakyan ni Dimitri at iniuntog ang ulo nito sa trunk. Nang may lalaking umaatake mula sa kanyang likuran ay agad niyang kinuha ang tambay na kanyang hinahawakan at inuntog ang ulo ng mga tambay na aatake sa kanya mula sa likod. Natakot ang dalawa at tumakbo. Ngunit hindi nagpatinag ang lima. Kumuha ng bakal na baton si Angelo at pinaghahampas sa mga tambay. Ang isa ay natamaan sa pwet at natapon sa bakal na barrel na pinagtatapunan ng mga basura. Tumigil ang lalake sa pakikipag-buno at natigilan din ang tatlong lalake.
"Di ba kayo yung triplets ni kapitan?" Tanong ni Angelo habang tinuturo ang tatlong lalake na magkakahawig.
"Oo, kami nga." Nagtinginan ang mga lalaki. Nagulat sila kung papaanong kilala sila ni Angelo.
"Tol, pambihira naman kayo. Pito kayo tapos pinagtutulungan ninyo ang isa!" Sigaw ni Angelo sabay tulong kay Dimitri na makatayo. Inakbayan siya ni Dimitri habang pa-ika-ika at nagnanakaw ng balanse.
"E bat mo ba kinakampihan yan, di mo ba alam na arsonist yan! Baka may imbak na gasolina yan sa trunk niyan. Malay natin!" Sigaw ng lider ng mga tambay habang tumatakbo na ang ilang mga kasama nila. Pati mga katriplets niya ay iniwan na siya at kumaripas na nang takbo. Siya na lang ang naiwan at nanginginig na siya sa takot dahil sa tindig at lakas ni Angelo.
"O siya, ako na bahala rito. Kung masamang damo to irereport ko to kay kapitan. Umalis na kayo!" Pagtataboy ni Angelo habang inalalayan si Dimitri na makapasok sa sasakyan. May tama si Dimitri sa buong katawan, lalong-lalo na sa kanyang binti at hita na pinagtutulungang pagsisipain ng mga tambay. Ang tambay naman ay naglakad na paalis at hinihimas-himas pa ang tama na kanyang natamo galing kay Angelo.
"O, ikaw, balik ka na sa sasakyan mo at umuwi ka na. Baka mabugbog ka na naman." Sabi ni Angelo habang pinapapaupo si Dimitri sa driver's seat. Hindi sumagot si Dimitri at tinitignan niya lamang si Angelo. Nakaupo na siya sa driver's seat at maluha-luha ang kanyang mga mata na nakatuon kay Angelo. Pumatak ang kanyang luha at ngumiti kay Angelo. Hinaplos niya ang pisngi nito. Si Angelo naman ay ngumiti pabalik at hindi ginantihan pa ng hawak ang mga palad ni Dimitri na nakabalot sa kanyang mga pisngi.
"Salamat ha?" Dahan-dahan nilalapit ni Dimitri ang kanyang mukha kay Angelo. Hindi maipaliwanag ni Angelo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Alam niyang parang may mali, pero nahuhumaling siya sa mukha ni Dimitri - isang mukha ng batang nagpapasalamat. Naawa siya.
Malapit na malapit na ang kanilang mukha. Hindi na kinaya ni Angelo ang kabog ng dibdib kaya napapikit siya. Ngunit dumaan ang mga limang segundo, hindi pa rin siya nakaramdam ng dampi sa labi.
"Hoy! Napano ka? Bakit ka napapikit?" Tanong ni Dimitri habang inaalog ang mga balikat ni Angelo.
Niyakap lang pala siya ni Dimitri nang saglit. Nahiya naman siya kasi akala niya'y hahalikan siya, at nagpaubaya na sana siya. At dahil sa hiya, tinanggal niya ang mga kamay ni Dimitri at nagbago ang guhit ng mukha. Sumimangot ito at pinilit tinatago ang hiya na kanyang nararamdaman.
"H-Ha? O? Anong drama na naman iyan? Pasok ka na nga!" Pagalit na tono ni Angelo habang tinulak si Dimitri sa driver's seat. Hindi matitigan ni Angelo si Dimitri nang diretso kaya paiwas-iwas siya nang tingin.
Nabigla naman si Dimitri sa pagbago ng expression ni Angelo, mula sa isang ngiting nakaka-in love, hanggang sa simangot na naiinis, naiirita. Nang matauhan naman si Dimitri sa kanyang ginawa, nakaramdam na rin siya ng pagkahiya. Sino namang lalaki ang gustong yumakap sa kapwa lalaki? Ugh! Sambit ni Dimitri sa kanyang isip. Pinilit niya ring umastang naiinis upang hindi magmukhang tanga kay Angelo. Kumunot ang kanyang noo.
"Ano ka ba Angelo, nakakainis ka! Kanina pa ako naghahanap sa bahay mo!" Pasimangot ni Dimitri ngunit hindi nakaligtas ang kanyang mga luha. Tumulo ang mga ito sa magkabilang mata. Para hindi obvious ang pagkukubli niya sa hiya, tinulak niya si Angelo palabas ng sasakyan.
"Bakit sino ba naman kasing nagsabi na hanapin mo ako Dimitri? At bakit mo ako hinahanap? Naku naman, ang laki ng katawan mo. Nag-gi-gym ka, pero hindi ka man lang makasuntok? Umiiyak ka pa! Hahahahaha" Patawang biro ni Angelo. Naconscious naman si Dimitri. Sinarado niya ang kanyang pintuan at umupo nang matuwid sa driver's seat. Pinapahid niya ang kanyang mga luha at pinilit na sumimangot para hindi kahiya-hiya kay Angelo. Sumandal si Angelo sa bintana ng pintuan ni Dimitri.
"Pinapasundo ka ni daddy, makikipagkita raw siya. At papaanong nabigkas mo ang tungkol sa katawan ko? Pinagnanasasahan mo siguro ako ano? At anong umiiyak? Hindi ha!" Umiwas ng tingin si Dimitri habang umaacting na may hinahanap sa backseat.
"H-Ha? Ano namang problema sa pagpansin ko sa katawan mo? Mag-roommates kaya tayo! Hindi kita pagnanasahan ha! Hahahaha, kahit mas maganda ang katawan mo-"
"Ows, see? Nagagandahan ka pa! Tara na nga! Sakay ka na." Tumawa si Dimitri. Nagsalubong naman ang magkabilang kilay ni Angelo sa narinig. Ang kapal naman! Lakas ng confidence!
"Alas-dyis ng gabi? Ewan ko kung papayag pa ba si inay niyan." Pag-aalangan ni Angelo sabay kamot sa ulo.
"Bakit kailangan mo bang palagi nagpapaalam sa nanay mo? Ang laki mo na Angelo! Pasok ka na kasi eh! Malamig sa labas. Alam mo naman ang dapat gawin basta't malamig ang klima."
"Dimitri, katorse lang ako, okay? Baka magulat si nanay niyan. At oo, kami, sinisindihan namin ang mga ipong gatong para hindi kami lamigin! Dumi-dumi ng fishtank diyang sa utak mo. Tsaka bakit ngayon pinapansin mo na ako? Sa eskwelahan, halos ipahiya mo na lang ako sa ginawa mong pang-bubully sa akin. Naheadline ka nga sa student lounge website. Nabasa mo ba? Tapos andito ka, hahatid hatid kuno sa akin, as if pinapapasundo ni Tito Jun. E malay ko bang bagong trip mo na naman iyan! Ikaw lalaki ha, isang semester kitang tiniis!" Tuloy-tuloy si Angelo.
"Hindi ako naheadline, tayong dalawa. Bakit ang dami mo pa kasing arte? Pasok ka na sabi eh para mapag-usapan natin iyan. Para kang babae diyan, gusto mo pagbuksan pa kita ng pintuan para sumama ka sa prinsipe mo?" Mataray na sagot ni Dimitri.
"Ngayon, ako pa ang ginawa mong bakla? Hahahaha, nakakatawa ka nga hindi ka marunong sumuntok. Hoy kahit hindi kasing laki at kasing ganda ng katawan ko ang katawan mo, nakasuntok ako!" Tawa-tawa si Angelo sabay gawa ng tindig na parang boxer.
"Inuulit mo na naman ang pagnanasa sa katawan ko. Mamayang gabi na kasi sabi loves eh!" Si Dimitri habang hinihila si Angelo mula sa loob ng sasakyan. Nanlaban naman si Angelo at pumipiglas sa panghihila ni Dimitri.
"Ano ba!! Saan ba kasi tayo?" Sigaw ni Dimitri sabay waksi sa mga braso ni Dimitri.
"Pumasok ka na lang muna sa sasakyan sa inyo tayo mag-usap." Pang-aalo ni Dimitri.
"Dimitri, ngayon na." Nagmatigas si Angelo at dinabog ang kanyang kanang paa.
"Anong gusto mo ngayon? Wow sabik ka pala ha! Mamaya na ang kakatihan. Pasok sa sasakyan!" Sigaw ni Dimitri habang ginantihan ang titig ni Angelo.
"Ano ba Dimitri, deretsuhin mo nga ako? Uuwi na ako, gulo mo kausap." Naglakad na si Angelo sa direksyon patungo sa kanila at sinundan naman siya ni Dimitri. Nang magkatapat na sila ay binaba ni Dimitri ang window shield at parang tuta ni Angelo si Dimitri na buntot nang buntot sa kanya.
"Mabuti iyon susundan kita hanggang sa makabisado ko ang bahay mo."
"Grabe ka sa tanda mong yan, hina ka pala sa memorization?" Pambara ni Angelo at hindi tinignan si Dimitri.
"Bakit ba? Ano namang problema doon? Di mo ba alam ang mukha mo lang ang kaya kong mamemorize?" Naguluhan si Dimitri at napa-isip habang bumubuntot pa rin kay Angelo. Ngunit nagawa pa rin niyang bumanat.
"Hay. Nakakapagod na. Hatid mo na lang nga ako." Sumuko na si Angelo at lumapit sa sasakyan. Ang mukha niya ay parang taong hindi nakamit ang one million jackpot.
"Yan ang gusto ko sa asawa ko!" Sambit ni Dimitri habang malawak ang ngiti sa mukha.
"Asawahin mo iyang bayag mo." Pagmamaktol ni Angelo. Binuksan niya ang backseat door at nagulat si Dimitri sa ginawa ni Angelo.
"Hoy! Dito ka sa harap." Matigas na utos ni Dimitri kay Angelo. Tumigil sa paggalaw si Angelo at humarap kay Dimitri.
"Ano ba kasi ang kaibahan niyan?"
"Ginawa mo pa akong driver. Di ba asawa kita? Dito ka sa harap? Nasaan ang snickers na binigay ko sa'yo? Kinain mo ba?" Mabilis na sunod-sunod na tanong ni Dimitri.
Nabigla si Angelo sa bilis na pagtanong ni Dimitri sa kanya. Napalingon siya kay Dimitri.
"Dami mo pong tanong, parang girlfriend lang kita?" Reklamo ni Angelo. Hinay-hinay na siyang naglakad patungo sa front seat at binuksan niya ito. Tinignan lamang siya ni Dimitri hanggang sa naupo na ito at sinarado ang pintuan.
"Siyempre... Di ba sabi ko sa'yo, liligawan kita?" Seryosong usal ni Dimitri sabay hagod sa hita ni Angelo. Nagulat si Angelo kaya tinanggal niya ang kamay ni Dimitri.
"Huwag ka ngang magbiro nang ganyan! Drive ka na! Minomolestiya mo pa ako ha!" Binatukan ni Angelo si Dimitri. Tawa-tawa naman si Dimitri sa gulat sa mukha ni Angelo. Naaaliw siya sa inasta ni Angelo. Tinuro muli ni Angelo ang daan papunta sa kanila upang mas maalala pa ni Dimitri at hindi pa niya makakalimutan. Habang nagdadrive si Dimitri ay hindi kumikibo si Angelo dahil sa kiliting naramdaman niya nang dumapo ang kamay ni Dimitri sa kanyang hita. Palihim naman na ngumingisi si Dimitri kapag ninanakawan niya ng tingin si Angelo. Natatawa siya sa mukha ni Angelo kapag nagugulat ito. Yes, siguro dagdag pogi points naman iyon! Sambit ni Dimitri sa sarili habang pinagmamasdan si Angelo na nahahalata niyang umiiwas ng tingin sa kanya. Matapos ang sampung minuto, nakaabot na sila sa bahay nina Angelo.
"O dito na tayo." Mahina at nahihiyang tugon ni Angelo.
"Wow, gusto ko dito tumira mga anak natin wifey." Masayang sabi ni Dimitri sabay akbay kay Angelo. Naiilang si Angelo sa mga touch moves ni Dimitri kaya hindi na niya lang ito pinaunlakan at bumaba na ng sasakyan. Alam ni Dimitri na naiilang na si Angelo at sa kada hawak niya kay Angelo ay mas nag-eenjoy siya.
Hindi na ito pinansin ni Angelo at pumasok na siya sa kanila.
"Nay! Andito na po ako!!" Sigaw ni Angelo nang makapasok siya sa bahay. Pinilit niyang tanggalin ang ilang moments nila ni Dimitri kanina sa loob ng sasakyan.
Lumabas ang kanyang inay at nagsenyas na manahimik kasi natutulog na si Angela.
"Bakit ba ang lakas lakas ng boses mo? Halika sa kusina tayo mag-usap."
Lumakad sila papunta sa kusina at naupo sa mga upuan. Pansin ni Aling Martil ang kasama ni Angelo at masama ang tingin niya rito. Alam kasi ni Aling Martil ang mga pambubully ni Dimitri kay Angelo. Si Dimitri naman ay hindi magawang tingnan si Aling Martil nang diretso, ni hindi nga niya kayang mag-angat ng ulo kasi matalas ang pagtitig ni Aling Martil sa kanya. Malamang alam na ni Aling Martil ang ginawa ko kay Angelo noong nakaraang sem... Patay? Isip-isip ni Angelo habang nakayuko sa harap ni Aling Martil..
"Nay, si Dimitri nga po pala. Anak ni Sir Jun Valiejo, roommate ko po." Pagpapakilala ni Angelo kay Dimitri sabay hawak sa balikat nito. Nakaramdam na naman siya ng pagkailang, ngunit hindi na niya ito pinansin pa.
"M-Magandang gabi po sa inyo A-Aling Martil." Utal utal na bati ni Dimitri kay Aling Martil. Hindi kumibo si Aling Martil at nasa kanyang mga mata pa rin ang matatalas na pagtingin na mas lalong nagpapailang kay Dimitri.
"Sa'yo rin hijo. Bakit nandito ka? Anong sadya mo rito?" Matigas na tanong ni Aling Martil. Hindi na nga nagustuhan ni Aling Martil ang pinaggagawa ni Dimitri kay Angelo... Ang makita pa niya kaya?
"A-Ah, pinapunta po kasi ako ni daddy rito upang sunduin si Angelo. Kasi sembreak naman daw po, gustong makita ni daddy si Angelo."
"Ganoon ba? Ngunit gabi na hijo. Anong oras sa tingin mo makakauwi si Angelo? Makakauwi pa ba siya sa palagay mo?" Mahina ang boses ni Aling Martil ngunit diretso ang pagkakabigkas. Obvious ang galit sa kanyang boses na dahan-dahang hinihigop ang lakas ng loob ni Dimitri. Si Angelo naman ay naiwang nakatayo. Patay! Nakuwento ko nga pala kay nanay ang ginawa ni Dimitri sa akin. Lagot!! Sigaw ni Angelo sa kanyang isip habang napapapikit sa frustration.
"Baka siguro po doon na matutulog si Angelo. Ayos lang po ba iyon sa iyo?"
"Hindi ayos para kay Angelo iyon. Sa akin Dimitri, ayos lang si Angelo na maglakwatsa kahit hindi na iyan umuwi walang problema. Pero sa'yo meron. Gabi na, hindi kita kaano-ano at baka mapatay pa ako ng daddy mo kapag nalaman niyang pinaalis kita sa kalaliman ng gabi. Hindi ako nagtitiwala sa'yo dahil alam na alam ko ang mga pinaggagagawa mo. Tsaka hindi sigurado at safe ang magdrive sa highway lalong-lalo na pag papuntang hatinggabi na, alam mo naman ang mga aksidente ng mga lasing at mga tutulog-tulog sa daan. Kaya papayagan ko si Angelo, ngunit ikaw hindi. Dito ka na matulog, sa kama ni Angelo. Tabi kayo. Bukas na kayo ng umaga pumaroon. Huwag lang kayong lumakad basta't maghahatinggabi na. Ayos ba iyon?"
"Okay po, walang problema!" May sayang mukha ni Dimitri. Ang kanyang ilang na naramdaman kanina ay nagbago. Naging excitement at halata ang kanyang kasiyahan. Nilingon naman siya ni Angelo. Bakit naman kaya naging masaya ang mokong? Sa isip ni Angelo.
"At saka may isa pa akong problema sa iyo Dimitri." Pahabol ni Aling Martil.
Kinabahan si Dimitri, humingang malalim at yumuko. Parang alam na niya ang sunod na sasabihin ng nanay ni Angelo.
"Kinuwento sa akin ni Angelo ang mga pinaggagawa mo sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Hindi kita pangangaralan para lamang sa kapakanan ni Angelo, ngunit pangangaralan kita bilang isang nakakatanda at mas nakakararamdam bilang ina, bilang tao, at bilang matanda. Una, bilang ina, hindi ko nagustuhan ang mga pinaggagawa mo, napakabastos. Hindi ko pinalaki ang anak ko para hamakin mo ang kanyang pagkatao. Pinalaki ko iyang maayos at salamat sa Diyos, lumaking marangal, palaban, at matalino iyang anak ko. Sana naman kung may galit ka kay Angelo, ayusin niyo sa pag-uusap, hindi sa puntong magkakasakitan kayo, lalong-lalo na't mataas ang tingin ni Angelo sa'yo at hinding-hindi ka niya makakayang gantihan."
"Nay, please lang po. Tama na..." Lumuha na si Angelo habang yumuyuko.
"Hindi anak, hindi ko aawayin ang kaibigan mo. Pagsasabihan ko lang." Pag-aassure kay Angelo.
"Ikalawa, bilang tao, isipin mo kung anong maaring tingin ng mga tao sa'yo? Brusko, walang pinag-aralan, marahas, at kung anu-ano pa. Sabihin na nating may matutuwa sa pinaggagagawa mo kay Angelo, pero hindi mo maikakaila na may iilan o karamihan na hindi magugustuhan ang ginawa mo. Alam ng mga tao kung ano ang tama, at kung ano ang mali. Siguro may natutuwa sa'yo, pero sigurado akong meron ding hindi natuwa sa iyong pang-aapi? Ano na lang ang tingin ng tao sa'yo? Sa tatay mo? Na hindi ka pinalaki nang maayos? Gusto mo ba bababa ang tingin nila sa'yo dahil sa iyong pinaggagagawa? Hindi lang reputasyoni ni Angelo ang binaba mo Dimitri, pati na rin sa'yo. At kung bababa ang reputasyon mo, ayaw kong mabastos ka rin ng ibang tao kagaya ng pagbastos mo kay Angelo."
Sa puntong ito ay hindi na talaga nakayanan ni Angelo ang mga sinasabi. Bawat bigkas ng nanay niya sa mga problema at hinanakit ay bumabalik at bumibigat ang mga ala-ala ng pang-aapi ni Dimitri sa kanya. Itong mga ala-ala na ayaw na niya sanang isipin pa ngunit pilit inuungkat. Kung saan naiyak na niya lahat ng problema niya ay diyan na babalik at dadami pa. Ngayon, mas doble pa. Kasi andiyan si Dimitri, kausap nila.
Tumayo si Angelo at tumakbo sa kanyang kwarto.
"Angelo!" Tumayo na rin si Dimitri at akmang hahabulin si Angelo.
"Dimitri, maupo ka. Hindi pa ako tapos." Mahinahon ngunit mariin na pagkakasabi ni Aling Martil na parang nag-iimply ng authority at disiplina.
Walang nagawa si Dimitri kung hindi ang sumunod kay Aling Martil. Nasasaktan siya sa bawat sumbat na binabato ni Aling Martil sa kanya, ngunit gusto niyang makinig. Gusto niyang pakinggan ang pagpuna ng ibang tao sa kanyang pagkakamali, gusto niyang mapangaralan. Gusto niyang malaman ang kanyang ginagawa sa reaksyon ng ibang tao. Dahil hindi na niya ito mahahanap sa kanyang pamilya. Nangungulila siya sa pamilya. Gusto niyang mapagsabihan, ang pakiramdam ng may nag-aalala sa'yo.
Naupo si Dimitri at nanatiling nakayuko. Nangingiyak-iyak na rin si Dimitri at alam niya na ilang saglit na lang ay maaari na rin siyang umiyak.
"Pangatlo Dimitri, bilang matanda, hindi ko sasabihin sa'yo kung ano ang tama at ano ang mali. Maaaring nagkakaiba ang ating pananaw sa mga bagay-bagay. Pero sasabihin ko sa'yo na tumanda akong matatag upang huwag maapi ang aking mga inaalagaan: Si Angelo at Angela. Tumatanda akong palaban upang magaya nila ako. Sa paraang ito gusto ko matutunan nila ang halaga ng pagpapakamatatag. Kagaya ng ginawa mo kay Angelo, nangyari na rin sa akin yan noon. Ako ang inaapi, maraming beses. Itinakwil, ikinahiya, at alam ko ang damdamin ng taong walang panghahawakan kung hindi lakas ng loob. Nasaktan ko rin ang iba't-ibang tao, ang nanay ko, ang tatay ko, marami na akong nasaktan... Kahit si Jun na bago ko lang nakilala. Alam ko rin ang nararamdaman ng isang taong walang pag-asa, at pagpapatiwakal na lang ang kulang. Pero Dimitri, ayaw kong mapunta pa sa ganyang punto si Angelo na iisipin niya ang pagpapatiwakal. Tawagin mo man akong makasarili, ayaw kong wala siyang pag-asa, ayaw kong wala siyang pinanghahawakan. Gusto kong malayo siya sa bingit ng kamatayan. Kaya maaari lang, bilang magulang niya nagmamakaawa ako, wag mo sanang itulak si Angelo sa puntong pipiliin niya ang pagpapatiwakal dahil sa walang pag-aasa." At nag-crack na ang boses ni Aling Martila at humihikbi na ito.
Hindi na napigilan ni Dimitri at bumuhos at bumuhos at bumuhos na ang kanyang mga luha. Nasasaktan siya sa bawat salitang sinasabi ni Aling Martil ngunit nagugustuhan niya ito.
Matapos magsalita ni Aling Martil nang mahinahon at kalmado, tahimik naman ang dalawa na magkaharap na nakaupo sa mesa. Si Dimitri nakayuko at patuloy sa pag-iyak at ang pagtulo ng kanyang luha habang si Aling Martil ay nakatingin sa kanya gamit ang kanyang blankong ekspresyon.
"Anong masasabi mo tungkol dito Dimitri?"
"Sa iyo po, bilang isang nanay at tagapag-aruga kay Angelo, humihingi po ako ng kapatawaran sa paglapastangan ko sa pagkatao na pilit niyong pinapatatag. Pinagsisihan ko po lahat ng mga ginawa ko sa kanyang pang-aapi at pambabastos. Sa totoo lang po nasasaktan din po kasi ako. May dahilan naman po ako kung bakit ginagawa ko ito. Hindi ko naman talaga gustong saktan siya."
"Hindi mo gustong saktan siya, ngunit nasaktan mo na siya? At may dahilan ka? Anong dahilan?"
"Kasi po... Mahal ko na yata ang anak niyo." Pinahid ni Dimitri ang kanyang luha.
Mahina at nahihiyang pagdahilan ni Dimitri. Nakayuko siya at maliit ang kanyang tingin sa sarili kapag kaharap na niya si Aling Martil. Idol na niya ito.
Nagulat si Aling Martil sa narinig. Parang mananagutan siya ng hininga. Natutunugan ito ni Dimitri kaya nagpaliwanag ito sa matanda at hindi makapaniwala si Aling Martil sa narinig.
"Magsorry ka sa kanya. Pasensiya na Dimitri, matutulog na ako. Hindi ko kakayanin 'to. Bahala na kayong mag-usap. Juskolord!" Sigaw ni Aling Martil habang kinakapa ang kanyang dibdib at naghahabol ng hininga. Agad na lumakad si Aling Martil sa kwarto nila ni Angela nang hindi mapakali. Iniiwag-iwag niya pa ang kanyang mukha na parang hindi nakapaniwala sa mga pangyayaring narinig.
Naiwan si Dimitri sa mesa na nag-iiyak. Pumasok siya sa kwarto ni Angelo at nakita niya si Angelo na humahagulgol at humihikbi na nakadapa sa kama. Kitang-kita ni Dimitri ang daloy ng luha na bumasa sa unan ni Angelo mula sa kanyang mga mata. Dahil malapad naman ang kama ni Angelo, tumabi si Dimitri sa kanya at dumapa na rin. Niyakap niya si Angelo nang mahigpit.
"Sorry Angelo, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Mas humigpit ang kanyang yakap kay Angelo. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Angelo at ganoon pa rin ang kanilang pusisyon, si Angelo nakadapa sa kama at si Dimitri nakadapa sa kanya. Nasa taas ni Angelo si Dimitri.
"Sana naman mapatawad mo pa ako Angelo. Hindi ko kakayaning magalit ka sa akin. Please, sumagot ka. Gusto kong malaman mula sa'yo ang iyong mga hinaing. Magsalita ka, please..." Inaalog niya si Angelo na nakahiga habang tulo nang tulo ang kanyang luha sa likod ni Angelo.
Kumalas si Angelo sa pagkakayakap sa kanya at naupo sa kama, ang ulo ay nakasandal sa dingding. Si Dimitri naman, nang makita niyang kakalas na si Angelo ay kumuha ng bangko, dinala sa gilid ng kama at naupo. Hinila niya si Angelo sa gilid ng kama na malayo sa dingding.
Kitang-kita ni Angelo ang pag-iyak ni Dimitri.
Limang minuto na lang ang nakalipas ngunit mga hikbi at iyak lang ang umingay sa silid, walang umimik at walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Pawang mga tingin lang ang kinalakal ng dalawa sa isa't-isa hanggang sa humupa na ang mga emosyon.
"Sorry..." Pambasag ni Dimitri sa katahimikan.
"Alam mo Dimitri, matagal naman kitang napatawad eh. Hindi naman ako galit sa'yo tol eh. Galit ako sa sarili ko. Alam mo, gusto kong magalit sa'yo dahil sa ginawa mo sa akin, ngunit mas nangibabaw ang pag-aalala ko sa iyo na umabot sa puntong wala na akong oras upang magalit sa'yo. Anong ginawa ko, kinonsinti kita sa ginawa mo sa akin, tiniis ko, inintindi kita. Alam mo kung bakit? Kasi di ko alam tol! Hindi ko alam bakit hindi ko magawang magalit sa'yo. Gusto ko. Oo! Gustong-gusto kitang paghahampasin, pero hindi ko magawa... Sa mga panahong naghiwalay kami ni Corina, nagalit ako, ngunit hindi sa'yo, kasi hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko. Wala ka, wala na rin si Gio. May konting tampo siguro dahil sa pagkawala mo sa akin, gusto ko ng taong makakausap, pero wala ka. May kanya kanya na kayong buhay. Pati sa mga classmates ko, hindi ako makapag-open kasi di nila ako lubusang kilala kagaya ng pagkakakilala niyo sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit kita pinabayaan, alam kong sa panahon na kasama ko si Corina gusto mo rin makipagbonding ngunit hindi kita nabigyan ng atensyon. Nagalit ako kung bakit si Corina pa ang pinili ko kaysa sa inyo ni Gio! Naiwan tuloy kita! NAKAKAINIS! ANG BOBO KO!" Sinusuntok ni Angelo ang kanyang sarili dahil nadala na siya sa matinding emosyon na kanyang nararamdaman.
Pilit siya pinipigilan ni Dimitri sa pananakit sa sarili. Ngunit kumpara kay Angelo, ay mas malakas si Dimitri. Walang nagawa si Angelo kung hindi ang magpaubaya. Niyakap siya ni Dimitri at nagpayakap na lang din siya. Matapos ang tatlong minuto ay kumalas na si Dimitri.
"Tama na Angelo. Ang importante, narito na ako. Sorry, I was a douchebag. I'm deeply sorry."
"Salamat Dimitri, bumalik ka. Hindi mo alam kung gaano nagdilim ang pananaw ko sa isang semestre nang walang makakausap. Wala lahat."
"Ayos na Angelo. Andito na ako. Hindi na kita iiwan kahit kailan."
"Kahit kailan?"
"Oo."
Nagtitigan sila. Tinitigan ni Angelo nang mata sa mata si Dimitri, samantalang si Dimitri ay minememorize ang mukha ni Angelo. Doon napansin ni Angelo na gwapo pala si Dimitri, maputi, medyo may pagkasingkit ngunit may pagkabilog pa rin ang mga mata, ang maninipis na labi, ang malapad na panga. Ang inosenteng mukha ni Dimitri ay nagpabago sa pananaw ni Angelo. Hindi pala talaga masamang tao si Dimitri... Sa isip ni Angelo.
"O tama na Dimitri, baka mababakla ka na sa akin niyan." Pagdahilan ni Angelo habang kino-compose ang sarili.
"Gago ka! Okay na ba tayo Angelo?" Tumabi si Dimitri kay Angelo sa kama at inakbayan ito.
"Okay naman talaga tayo Dimitri eh. Ikaw lang iyong umaway sa akin ah! Hahahahah!" Siniko ni Angelo si Dimitri.
"Eh lumayo ka naman sa akin eh! Di mo ako kinakausap. Nagkikita lang tayo kung kakain na. Tapos kung kakain pa tayo, andiyan pa iyang girlfriend mo. Kainis!"
"Wala ka namang magagawa tol eh kapag puso na ang nagdikta. Makakalimutan mo lahat, pati mga kaibigan mo. Ang mahalaga, dapat compact pa rin kayo."
Natigilan si Dimitri sa sinabi ni Angelo.
"Sorry nga pala doon sa dinner date mo noon ha? Ayaw ko naman kasi mapunta ka sa maling tao..." Mahinang sabi ni Dimitri habang hinay-hinay na yumuko. Nahihiya siya.
"Ayos lang naman iyon. Hindi rin niya pala ako minahal. Initiation lang pala lahat. Mabuti at sinabi mo iyon." Blangkong tono ni Angelo habang nakangiti.
"Gagang babaeng iyon ah!" Inangat ni Dimitri ang kanyang ulo at umastang sinusuntok suntok si Corina.
"Wag na, babae iyon. Hulaan mo sinong bagong boyfriend niya?"
"Di ko alam, ang alam ko tinotwo-time ka niya. Sino ba?"
"Si Gab."
"HA?" Nanlaki ang mga mata ni Dimitri sa narinig. Nagulat siya. Hindi rin naman kasi inakala ni Dimitri na malilink pa ng tadhana si Gab sa kanila.
"Totoo ba yang sinasabi mo tol? Abay gagong lalaki iyon ha! Gusto mo resbakan natin?" Napakagat-labi si Dimitri habang ineencourage si Angelo. Tawa-tawa naman si Angelo at natutuwa siyang nakita ang isang side ni Dimitri na hindi niya pa nakita kailanman.
"Oo. Nakita ko sila sa library. Huwag ka nang umastang malakas ka kasi hindi ka nga nakasuntok sa pitong lalaki eh! Hahahahahaha" Pambara ni Angelo habang binatukan si Dimitri. Nakaakbay pa rin si Dimitri sa kanya. Hindi nila namalayan na dahan-dahan na pala silang napahiga sa kama habang magkaakbay.
"Sayang crush na crush ko pa naman iyang si Corina tapos ganyan lang pala. Siguro kung magiging akin si Corina, okay na hindi ko siya hihiwalayan."
"Bahala ka." Matipid na sagot ni Angelo.
"Nga pala tol, galing mo kanina ha. Pitong lalake naupakan mo!"
"Apat lang naman sila eh. Mababait naman iyong mga iyon eh. Lalo na iyong triplets? Barkada ko noong elementary iyon. Ewan bakit hindi na nila ako kilala. Dumadaan ako minsan sa tambayan nila at inaalok ako ng tagay, pero tinatanggihan ko kasi hindi kasi ako umiinom."
"Mabait tapos nanapak lang? Siguro mabait sa'yo kasi tropa mo noon! Teka... Hindi ka pa nakainom?"
"Hindi pa... At paninindigan ko iyan. Nakasasama kasi sa katawan. Kaya ikaw Dimitri, tumigil ka na. Bar ka lang daw ng bar sabi ng tatay mo."
"Ah! Basta. At bakit mo pinakikialaman ang pag-inom ko? Enjoy iyon noh! Ayaw ko sa mga tropa mo noong musmos ka pa. Kainis. Pumutok nga labi ko oh! Dilaan mo nga para mang-init naman ako." Utos ni Dimitri sabay turo sa kanyang labi.
"Baka naman kasi siguro nakakaduda ka rin. Sigain iyon sila eh. Kahit mga tambay iyong mga iyon, sila ang nagbabantay sa buong barangay. Walang inaatrasan iyong mga iyon. Hindi naman kasi iyong nambubugbog kung hindi nakakaduda ang isang tao. At wag kang malibog diyan. Makakatikim ka talaga sa akin. Dagdagan ko pa iyang putok mo sa labi eh?"
"Yan kasi talaga ang pakay ko sa'yo ngayong gabi eh, iyong tikman ka." Pang-iinis ni Dimitri. Seryoso ang kanyang tono at hindi nagpakita ng guhit sa mukha. Lumingon si Angelo sa kanya at sinuntok nito si Dimitri sa dibdib.
"Trippan mo pa ako. Langya ka." Nahiga si Angelo at nakaharap sa dingding, talikod mula kay Dimitri.
Nahiga na rin si Dimitri sa tabi ni Angelo.
"Parang mas pinapaburan mo naman sila eh." Pagmamaktol ni Dimitri habang tumalikod naman mula kay Angelo.
Nagulat si Angelo at humarap kay Dimitri. "Uy hindi ha! Siyempre ikaw pinaburan ko. Kung sila pinaburan ko edi sana tapos ka na ngayon kasi tinulungan ko silang upakan ka? Ikaw din naman kasi eh nakikipagsuntukan ka tapos ikaw lang mag-isa. Ano ka ba? Sana tinawag mo man lang ako."
"Di naman kailangan kasi alam mo naman kung nasaan ako. Ganyan di ba basta't mahal mo ang isang tao? Alam mo palagi kung nasaan siya? Siguro alam mo kung nasaan ako noh..." Sabay kiliti sa gilid ni Angelo.
"Angas mo rin noh? Napadaan lang ako kasi namasyal kami ng pinsan ko at nawala ang wallet ko! Mabuti nga't ako ang napadaan. Kung ibang tao pa iyon, sus ending ka na. Baka siguro ako ang mahal mo kasi alam mo talaga kung saan barangay ako nakatira... Bakla ka siguro sa akin noh?"
"Ang pogi mo naman Angelo. Sige pwede punasan mo mga pasa ko? Putok kasi tong labi ko, ang hirap magsalita. May mga tuyong dugo na kasi."
Tumayo si Angelo. "O sige diyan ka lang. Nakikita mo lang kapogian ko kung magpapapunas ka."
Masaya si Dimitri sa mga pangyayari. Nasettle na niya ang kanyang issue at pambubully kay Angelo, at nalaman niya pang hinding-hindi magagalit si Angelo sa kanya. Iyon nga lang, hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin ang sinabi niya sa nanay nito. Baka hindi pa ako handa. Sabi niya sa sarili.
Medyo kinakabahan siya para sa bukas, sa mga sumusunod na araw. Inamin na niya kasi sa nanay ni Angelo na parang love na niya ito. Ito lang ang tumatak sa isip niya kahit nakatulog pa siya. Angelo... Bigay ka ng langit!
Dahil sa kaiisip niya sa mga pangyayari, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
---------------------
Kinabukasan, nararamdaman ni Dimitri ang sakit ng mga pasa sa kanyang katawan. Naramdaman niya na ring hindi na masyadong mahirap igalaw ang kanyang mukha dahil wala ng natuyong dugo. Paggising niya rin, nakahubad siya at boxers lang ang naiwan sa kanya, tayong tayo pa ang pagkalalaki niya. Kinapa niya sa gilid kung andoon si Angelo, ngunit wala ito. Siya lang mag-isa sa kama. Baka naunang nagising. Sambit niya. Medyo frustrated siya kasi hindi sila magkatabi ni Angelo na natulog. Napasimangot siya.
Napansin niya ring hindi na masyadong madugo ang kanyang mga pasa sa katawan at nangingitim na ang mga ito. Lumabas siya ng kwarto at nakita si Angelo na natutulog sa sahig ng sala nila.
"Uy, Angelo. Gising na." Kalabit ni Dimitri kay Angelo. Nangisay si Angelo sa gulat at tinignan si Dimitri. Kumunat at kinusot ang mata.
"Ha? Uy, gising ka na pala. Nagluto si mama ng isda, almusal daw. Kumain ka na. Tapos na ako." Sabay turo ni Angelo sa kahoy na mesa na hindi kalayuan mula sa sala nilang maliit.
"Magbaon ka na lang ng isda please. Gusto na kitang iuw- este gusto ko nang umuwi kasi magagalit si daddy pag hindi ka pa niya nakita." Pagmamadali ni Dimitri sabay hila kay Angelo patayo.
"Naku naman iyang daddy mo oh. Ang bilis niya namang maka-miss. Ako nga pala ang nagpunas sa'yo. Grabe dumudugo ang mga sugat at pasa mo kagabi. Nataranta ako baka kailangan kang mapadala sa ospital. Mabuti naman at wala lang." Tinanggap ni Angelo ang kamay ni Dimitri at nagpahila. Natigilan siya nang nakita niya si Dimitri na nakaboxers lang.
"Salamat ha. Make sure hindi mo ako tinikman?" Pabirong tinuro ni Dimitri si Angelo.
"Wow naman Dimitri, ang pogi mo talaga." Sarkastikong banat ni Angelo.
"O ano? Nagpaalam ka na ba kay Tita Martil? Halika na. Malelate na tayo. Kung makatingin ka naman sa akin, ang lagkit. Sa bahay mo na kasi ako pagnasahan." Pinitik ni Dimitri ang pisngi ni Angelo na mas lalong nagpapapula sa kanyang mukha.
Si Angelo naman ay nakaramdam ng hiya. Bakit nakikiliti ako kapag nakikita ko si Dimitri? Ang gulo! ARGH!!
"O nakapag-paalam na ako sa kanya. Ready na ako, ikaw gusto mo umalis tayo nang nakaboxers ka lang? Hindi kita pinagnanasahan ah! Ano ako, bakla?" Pagmamaktol ni Angelo habang umiiwas ng tingin kay Dimitri. Pinilit niyang pagalitan si Dimitri para mawaksi ang pagka-obvious ng kanyang hiya. Dumiretso siya ng kusina at nagbalot ng pritong isda.
"O halika na. Nahihiya ka pa diyan eh. Ang sarap ko noh?" Napakagat si Dimitri sa kanyang labi sabay hagod sa kanyang dibdib at abs hanggang sa pinasok ang kanyang kamay sa loob ng boxers niya. Nakita ito ni Angelo at pinamulahan siya ng mukha. Napatawa naman si Dimitri kay Angelo kasi alam niyang napapansin ito ni Angelo at naiilang ito sa panunuksong ginawa niya.
Namangha si Angelo sa hubog ng katawan ni Dimitri. Malaki, matambok, at mahubog. Siguro ilang buwan din iyong pinagtatrabahuan ni Dimitri. Tinitignan pa rin iyon ni Angelo hanggang sa makapasok na sila sa sasakyan. Nakatingin pa rin siya sa katawan ni Dimitri, at sa buhok nito na mahahalata mong bagong gising pa siya.
Tinitigan niya ang mukha ni Dimitri. Gwapo naman talaga si Dimitri. Parang amerikano na pinoy. Ewan. Maputi. Ang gwapo niya pala talaga. Teka? Bakit ako namangha sa kanya, hindi kaya...? Pagmuni-muni ni Angelo.
Kinuha na lang ni Dimitri ang kanyang pantalon at damit at isinablay sa kanyang balikat at lumabas na ng bahay, naglakad papuntang sasakyan.
"Ano ba yan asawa ko, hindi pa nga tayo kasal pinagnanasahan mo na ako. Masarap ba?" Nakita ni Angelo si Dimitri na ngiting aso. Kanina pa pala tinitignan ni Dimitri si Angelo na nakatingin sa kanya.
Yumuko si Angelo at hindi makatingin nang diretso kay Dimitri.
"Ano ka ba kasi Dimitri, magsuot ka nga kasi ng damit eh!" Hiyang sigaw ni Angelo habang mabilis na umiwas ng tingin. Nilingon niya ang bintana at nag-aarteng patingin-tingin at mistulang ineenjoy ang init ng umaga.
"Ahhhh, so pinagnanasahan mo talaga ako, asawa ko?" Sabay kirot sa tagiliran ni Angelo.
"H-hindi no! Anong "asawa ko"? Magdrive ka na nga!" Padabog na sambit ni Angelo habang hinambalos ang manubela.
"Defensive ka eh! Hindi na lang ako magdadamit para alam kong sa akin lang iyang atensyon mo at hindi sa ibang babae diyan. Hehe." Tumawa si Dimitri sabay kirot sa pisngi ni Angelo. Mas lalong tumindi ang kiliti na kanyang nararamdaman. Walang magawa si Angelo kundi ang ipagsalubong ang kanyang mga kilay at umarteng hindi defensive, kung saan hindi talaga umuubra.
"Engot lang eh." Umirap si Angelo.
Nagsimula nang magdrive si Dimitri papuntang bahay nila sa probinsya. Tahimik lang sila sa buong kahabaan ng highway nang magsalita si Dimitri. Namumutawi ang ilang sa dalawa.
"Alam mo ba kung bakit kita binubully Angelo?" Seryosong panimula ni Dimitri. Para siyang naiiyak at nalulungkot ang kanyang kaloob-looban.
"Hindi. Ewan. Gusto mo lang siguro akong pagtripan eh. Okay na sanay na ako sa'yo, nasanay na ako kay Gio. Mas marami pang mas malala na ginawa si Gio sa aki-"
Hininto ni Dimitri ang sasakyan sa gilid ng kalsada at pinatay ang engine ng sasakyan para makausap si Angelo.
"Kasi, gusto ko kunin ang atensyon mo. Gusto kong pansinin mo naman ako."
Nakaramdam ng hiya si Angelo, parang kilig na kuryente. Hindi niya maipaliwanag at nanlamig ang kanyang katawan. Hindi siya makagalaw at hindi siya makapagsalita. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi niya alam kung paano lulusutan ang awkwardness na pumapalibot sa mga panahong iyon.
"H-ha? KSP ka siguro ano!" Hilaw na pambara ni Angelo upang hindi mahalata na hindi siya kumportable.
"Hindi naman. Wala akong pakialam kung hindi ako pansinin ng mga tao. Basta gusto ko na ikaw, pansinin mo ako. Yun lang." Yumuko si Dimitri.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin Dimitri." Natahimik si Angelo at napapikit. Alam niya kasing may pagkukulang din siya kay Dimitri. Hindi niya kasi ito pinapansin simula nang inakala niyang may something sila ni Corina. Nararamdaman niya ang paghihinagpis ni Dimitri. Kahit paanong pambubully ni Dimitri kay Angelo, naguiguilty si Angelo. Gusto na niyang umiyak at magsorry na rin kay Dimitri.
"Nagseselos kasi ako na bagong babae lang ang dahilan na hindi mo na ako pinapansin bilang kaibigan. Nakakainis. Parang hindi tayo magkaibigan. Kaya ayun, kinuntsaba ko ang mga kakilala ko sa Fine Arts Society. Gusto kong dahasan nila as much as possible upang sumbatan mo ako, kausapin mo ako, pansinin mo ako. Ngunit nabigo ako, inintindi mo pa rin. Masyado kang mabait, hindi mo ako inaway! Nakakainis!" Sinuntok ni Dimitri ang sarili habang tumutulo ang kanyang mga luha.
Pinatigil siya ni Angelo. Nang napaamo na siya ni Angelo ay iyak pa rin ng iyak si Dimitri. Hindi siya nagsalita at tinignan lamang siya ni Angelo.
"Hindi ko pa talaga alam kung anong sasabihin ngayon Dimitri."
"Okay lang hindi ko naman hiniling na sumagot ka. Gusto ko lang malaman mo kung bakit ko iyon nagawa. Hindi dahil sa ayaw ko sa'yo bilang kaibigan, ngunit kahit konting pag-uusap lang okay na ako. Sana kinausap mo ako Angelo! Bakit hindi mo man lang ako mapansin! Nakakainis ka! Ang sarap magalit sa'yo pero di ko magawa. Bakit?! ARGH!" Sinuntok ni Dimitri ang bintana ng kanyang sasakyan at niyakap si Angelo. Hinalikan niya sa ulo si Angelo.
Si Angelo naman ay bumigay na rin at umiyak. Bawat patak ng luha ay mas lalong bumibigat sa kanyang damdamin.
"I'm sorry Dimitri..." At sinubsob ni Angelo ang sariling mukha sa kanyang mga palad.
Niyakap ni Dimitri si Angelo.
"I'm sorry Dimitri, naging pabaya ako dahil sa'yo. Naging bihag ako sa pag-ibig kaya bully ka sa paningin ng ibang tao, isang taong marahas at walang awa. Sorry talaga tol..."
"Huwag ka na ngang umiyak. Wala na iyon! Wala akong pakialam anong sabihin ng iba. Swak na ako dito sa pag-amin ko sa'yo sa totoong dahilan. Ako naman talaga kasi ang may kasalanan eh. Sorry na Angelo please?" Kumalas si Dimitri sa pagyakap kay Angelo at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Alam mo naman sigurong matagal na kitang pinatawad. Patatawarin ba kita kung pinabayaan lang kitang mabugbog ng mga tambay? Hindi ah! Okay na iyon." Pinunasan ni Angelo ang kanyang mga luha at ngumiti. Nilahad niya ang kanyang palad at aakmang makikipagkamayan kay Dimitri.
Tinanggap naman ito ni Dimitri at kinamayan niya si Angelo. Nagyakapan sila at tinatapik nila ang likuran ng isa't-isa. Inaalo nila ang isa't-isa at pinaparamdam nila na wala nang problema, ayos na ang lahat. Nang kumalas na ang dalawa. Kiniliti ni Dimitri si Angelo sa tagiliran. Para namang hayop na gala itong si Angelo at parang bulate kung makapag-react.
Kiniliti naman ni Angelo si Dimitri ngunit hindi tinatablan si Dimitri. Tumigil sa pagkiliti si Dimitri at nilingon si Angelo.
"Nananantsing ka eh! Gusto mo lang hawakan ang hubad na katawan ko Angelo noh? Ayeee okay lang, kinikilig tuloy ako sa tuwing iniisip ko na nananantsing ka. Hindi mo na kailangang mag-segway, I'm all yours." Panunukso ni Dimitri kay Angelo sabay kagat sa kanyang sariling daliri. Natigilan naman si Angelo at nahiya sa sinabi ni Dimitri. Kaya umupo ito nang maayos at tinanggal ang barang laway sa kanyang lalamunan.
"O sige... magdrive ka na nga! Leche ka pinapaiyak mo ako eh. Halika na miss na ako ng papa mo sigurado ako."
"Kumag lang? Okay na po. Tsaka di lang si papa ang namimiss ka.." At pinaandar na ni Dimitri ang sasakyan at binaybay na naman nilang muli ang daan.
May mahigit kinse minuto at nakaabot na sila sa bahay nila Tito Jun. Sinalubong sila ni Tito Jun ng isang malaking breakfast sa garden.
"Napadalaw ata ang manugang ko?" Tumatawa si Tito Jun habang akmang yayakapin si Angelo.
Nagulat si Angelo sa sinabi ni Tito Jun. Parang hindi kasi inaanticipate ni Tito Jun ang pagdating ni Angelo. Natigilan siya sandali at nag-isip. Hilaw na niyakap si Tito Jun at nagtanong maya-maya.
"Akala ko po ba pinapakuha niyo ako kay Dimitri kagabi?" Nagtatakang tanong ni Angelo habang tinitigan nang diretso si Tito Jun. Mabilis naman na pumwesto si Dimitri sa likod ni Angelo at nagsenyas kay Tito Jun: Sabihin niyo kayo nag-imbita!
Tinignan lamang ni Tito Jun si Angelo tapos si Dimitri. "A-Ah, eh... O-Oo! Oo, ako nga. Hahahaha, nakalimutan ko pala. Sige diretso ka na sa loob Angelo, baka pinagod ka ni Dimitri kagabi sa kama." Pagsisinungaling ni Tito Jun.
"Tito ayan na naman tayo." Matalas ang titig ni Angelo kay Tito Jun.
"Oh siya sige, sorry na. Teka, bakit ka nakahubad Dimitri? Bakit boxers lang ang suot mo? At bakit basa ang sa tapat ng iyong harapan? Kayong mga bata kayo! Hindi na kayo nahiya! Lalo ka na Dimitri, hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo!" Sabay batok sa kanyang anak.
"Paano kung mabuntis si Angelo! Gago ka ba!" Tawa-tawa ang mag-ama sa biro nila.
"Tito last na lang talaga, tatakbuhan ko talaga kayo!"
"Angelo, bakit ang seryoso mo?" Sabi ni Tito Jun.
"Meron ka bang regla ngayon? Nako lagot hindi pa pala ako magkakaapo!" Dugtong ni Tito Jun sabay takip ng mukha na parang nafrufrustrate.
Tumalikod si Angelo at nagsimulang maglakad patungo sa gate nila Tito Jun.
"Sige kung lalabas ka Angelo, ipapahanap kita at ipakakasal ko kayo ni Dimitri ano mang mangyari. Ako ang subukan mo!" Banta ni Tito Jun.
Walang nagawa si Angelo kung hindi ang maglakad pabalik sa kinatatayuan ng mag-ama. Mabigat ang kanyang mga yapak at parang napipilitan lamang lumapit sa mag-ama.
"Kung hindi ko lang kayo idol Tito Jun hindi ko kayo pakikisamahan sa kabila ng mga biro niyo. Argh!" Usal ni Angelo habang umiirap.
Tumawa lang si Jun.
"Hali na kayo, nakahanda na ang pagkain natin sa garden. Dun tayo kumain kasi presko ang hangin." Imbita ni Jun habang pinauna niya si Angelo maglakad. Sumunod naman si Angelo sa tulak ni Tito Jun. Nang nakalayo na si Angelo ay bumulong si Tito Jun kay Dimitri.
"Ano ba tong kalokohan mo Dimitri? Bakit di mo sinabing pupunta si Angelo ngayon?" Mahina ngunit may diin ang pagsasalita ni Tito Jun.
"Sorry dad. I'm sorry na naging sinungaling ka pa. I have to invite him here. May kasalanan ako sa kanya. Malaki. Kaya please?"
"Next time, magsabi ka! Hindi tuloy ako nakapagsabi sa maid natin na dagdagan ang pagkain. Nakakahiya sa manugang ko. Ano ka ba!" Binatukan ni Tito Jun si Dimitri. Nagtawanan ang mag-ama habang magkaakbay.
Pagkaabot nila sa mesa ay agad naupo ang tatlo at nagdasal. Pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.
"Ay, Tito Jun, may dala po pala akong isda. Prito ni inay."
"Oh sige, nasan na? Kainin natin." Excited na tugon ni Tito Jun. Binuksan ni Angelo ang dahon ng saging at umalingasaw ang bango ng preskong isda sa hapag. Sinunggaban ni Tito Jun ang isda at sarap na sarap siya dito.
"NAKU ANGELO! HINDI TALAGA NAGBAGO ANG LASA NG LUTO NI MARTIL! MASARAP TALAGA NOON PA!" Sigaw ni Tito Jun habang kain siya ng kain ng pritong isda. Tumawa lamang si Angelo at natutuwa siyang may ibang taong nasasarapan sa luto ng nanay niya.
"Angelo, thank you ha?" Pasasalamat ni Dimitri sabay hawak sa kamay ni Angelo. Kuryente ang dumiretso sa kalamnan ni Angelo. Natigilan siya at hindi siya makagalaw habang naiisip niya na nakapatong ang kamay ni Dimitri sa kanyang mga kamay.
"O-Oo! S-Siyempre!! Hehe." Nauutal at naiilang na balik ni Angelo.
------------------------
Sa nagdaang sembreak ay halos si Angelo at si Dimitri na ang magkasama. Palagi silang nagbobonding sa bahay nila Dimitri. Minsan naman ay sinasamahan ni Dimitri si Angelo sa pangangalakal at pamamasura. Walang kyeme naman itong si Dimitri at game na game sa kanilang mga ginawa. Minsan naman, kasama si Dimitri sa pag-tutor ni Angelo sa pinsan nitong si Angela. At kung minsan, kina Angelo na nakikitulog si Dimitri. Wala naman daw kasing ibang kasama si Dimitri sa bahay nila ni Tito Jun, kaya mas mabuti na iyong may kasama siya sa pang-araw araw. Wala naman si Tito Jun sa probinsya kasi naghahandle siya ng mga reports at mga reporters na rin sa NGC Broadcasting Corp., kaya solong-solo nila kung minsan ang bahay ng isa't-isa.
Nararamdaman na rin ni Angelo na nawawala ang pagkailang na nararamdaman niya kay Dimitri. Ayos din naman palang pakisamahan si Dimitri, walang arte sa katawan. Minsan sabay na silang naliligo, wala lang naman din ito kay Dimitri, at mas lalong wala lang ito kay Angelo. Maliban na lang sa mga biro ni Dimitri na kung minsan ay naririndi na si Angelo. Palagi naman nilang ginagawa ni Gio ito noon eh. Teka si Gio?
Si Dimitri na ba talaga ang bagong Gio sa buhay ni Angelo?
Habang nagkasama ang dalawa ay hindi maiwasang mapangiti ni Aling Martil. Alam niyang hindi bakla si Angelo, pero masaya siyang nakikitang masaya ang kanyang anak sa taong dating nanakit sa kanya. Ibang klase ang saya ni Angelo na hindi pa kailanman nakita ni Aling Martil. Siguro napatawad na ni Angelo si Dimitri. Kung saan man ito mapunta, ang Diyos nawa'y ang gumabay. Sa isip ni Aling Martil. Wala na siyang pakialam kung saan mapunta ang pagkakaibigan ni Dimitri at ng anak niya.
Mabilis dumaan ang sembreak at nakabalik na naman si Angelo sa SEAU. Ngayon, sinamahan na siya ni Dimitri at masaya na silang dalawa sa pagkakaibigan nila. Roommates pa rin sila. Nakapag-enrol na rin sila ng maaga kaya nakakapagpahinga pa rin ang dalawa kahit papaano.
Nagsimula na ang pasukan at nagulat ang lahat sa pagiging close ni Dimitri at Angelo. Nabansagan kasing pambansang bully itong si Dimitri at nabansagan namang wonder bullied kid itong si Angelo. Ang tingin ng mga tao sa kanila ay aso't pusa. Ngunit ngayon nagtataka sila kung bakit magkasama sila every vacant time, o kahit may klase ang isa ay nakikisit-in ang isa.
Kaya dahil sa kakaibang closeness ng dalawa, sa bagong edition ng school paper para sa ikalawang semestre ay silang dalawa na naman ang headline: FROM ENEMIES TO FRIENDS (or lovers?)
Hindi na ito pinapansin ng dalawa dahil pakulo lang siguro iyong ng school press upang makapag-display ng maraming copies. Pero actually, natutuwa naman ang dalawa na napapansin na ng tao ang pagiging close nila. Sa side ni Angelo, at least hindi na masama ang tingin nila kay Dimitri. Sa side naman kay Dimitri, at least nakikita ng mga tao na pinapahalagahan niya si Angelo.
Pati ang Fine Arts Society ay hindi na rin naging ignorante. Alam naman kasi nilang gustong makipagkaibigan talaga ni Dimitri kay Angelo, alam nila ang kuwento sa likod ng bullying. Kaya hindi na nagulat ang mga tiga-fine arts society at sila pa ang official fans club umano ng "Dimi-Gelo”.
Nagsimula na lang ang pasukan ay wala pa ring personal na balita si Angelo kay Gio, maliban sa mga kuwentong naririnig niya mula sa mga tao tungkol sa dahan-dahang pagkalie-low ng banda nila. Balita kasi ng mga tao, isang miyembro kasi ng banda ay napabalitaang nagpapabenefactor sa isang mayamang fashion designer na openly gay. Ito daw di umano ang naging dahilan kung bakit walang masyadong kumukuha sa banda at kahit maliliit na gig ay pinapatos ng banda.
Si Angelo naman ay tumaas ang kompyansa sa sarili. Natutunan na niyang tanggapin ang tao sa paligid kaya nagkakaroon siya ng mga bagong kaibigan. Sa lahat ng kaibigan niya, may isang bukod tangi sa iba.
Meron siyang kaibigang babae na nagiging close niya, si Laurel. Si Laurel ay maganda, morena, parang Lovi Poe ang dating ng mukha. Kasama lang sila kung magkasama rin ang buong block nila sa Mass Comm. Ngunit kumpara sa ibang kaklase ni Angelo, ay kakaiba ang closeness nilang si Laurel. Hindi naman ito nakakapantay sa closeness nila ni Dimitri, pero napapansin ito ni Dimitri. Hindi maiwasang kumunot ang noo ni Dimitri every time na nakikita niyang magkatabi o magkakulitan itong si Angelo at Laurel.
Sa isang subject, hindi na nagtaka si Dimitri na magkatabi sila Angelo at Laurel. Parang may kirot ang puso ni Dimitri sa tuwing nakikita niyang magkasama ang dalawa. Kaya para maging malapit kay Angelo, pinili niyang umupo sa likod ni Angelo, kumuha ng upuan at wala nang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga kaklase ni Angelo. Nakikisit-in lang kasi siya para makasama lang talaga si Angelo. Habang naglelecture ang professor ay panay ang harutan at kulitan ni Angelo at Laurel.
Kiniliti ni Laurel ang tagiliran ni Angelo. Gumanti rin naman si Angelo. Habang nasa ganoon silang posisyon ay tinitignan lang sila ni Dimitri mula sa likod.
"Pssst! Wag nga kayong magulo. Nag-didiscuss ang professor oh. Ang landi niyo!" Bulong ni Dimitri sa dalawa. Nahiya naman ang dalawa at tumigil sa pangungulit sa isa't-isa.
Maya-maya, sumandal si Laurel sa balikat ni Angelo. Nanlaki ang mata ni Dimitri. Naku naman! Ang kati naman ng putang inang ito. Sigaw ng isip niya. Hinawi niya ang ulo ni Laurel. Nagulat naman si Laurel at bumagsak nang bahagya ang kanyang ulo. Nang makawala na ang balikat ni Angelo sa ulo ni Laurel, tinapik ni Dimitri ito. Tumalikod si Angelo at tinignan si Dimitri.
"Ano bang problema mo tol?" Bulong ni Angelo kay Dimitri.
"Wala! Makinig ka kasi! At ikaw naman Laura, Loro, Lawrence, Labandera, Laurel, whatever the fuck your name is, makinig ka please? Wag kang matulog diyan. Sa balikat ng tao ka pa talaga natutulog, di ka na nahiya sa tao." Mataray na bulong ni Dimitri sa dalawa. Tumango lang si Laurel at nagsorry kay Dimitri. Si Angelo naman ay hindi na pinaunalakan pa si Dimitri. Baka sinumpong na naman ng bad mood itong si Dimitri, oo. Umiling na lang si Angelo.
Nagseselos ba ako? Teka, may karapatan ba akong magselos? Tanong ni Dimitri sa sarili habang nagpapanggap na nakikinig sa professor. Ngunit ang totoo ay binabantayan niya si Laurel na huwag maging maharot kay Angelo.
Nang matapos na ang subject, nagsiuwian na. Naunang lumakad si Dimitri at hindi na hinintay pa si Angelo kagaya nang nakasanayan.
“Uy, salamat Angelo ha? Ingat ka palagi.” Nakangiti si Laurel kay Angelo at kaagad na umalis. Ngumiti lang si Angelo at kumaway.
Hinabol ni Angelo si Dimitri na mabilis at mabigat ang paglalakad. Pinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ni Dimitri at sumabay sa bilis ng paglalakad. Nakangisi ito at masayang-masaya sa gilid ni Dimitri.
“Maganda ba?” Mapaklang tanong ni Dimitri kay Angelo.
“Oo. Ganda niya grabe! Ang sarap ng katawan.” Sabay guhit ng parang hugis gitara sa hangin, si Angelo.
“Landi mo rin Angelo eh, noh?” Nagwalk out si Dimitri at mas binilisan pa ang paglalakad.
“Hoy Dimitri hintayin mo naman ako!” Hinabol ni Angelo si Dimitri.
“Bahala ka nga diyan!” Dali-daling tumakbo si Dimitri patungong dorm at pumasok sa kwarto nila ni Angelo. Humiga siya sa kama at tinabunan ang sarili.
Nagulat naman si Angelo kung bakit nagtatampo na naman sa kanya si Dimitri. Hindi naman palatampo ang batang ito, at nagulat siya kasi hindi pa nagawang nagwalk out nitong si Dimitri sa kanya sa buong pagkakaibigan nila. Minabuti niyang sundan ito sa kanilang dorm at kausapin. Ano na naman ba ang nagawa ko? Shit naman oh. Andito na naman tayo. Tsk. Nalungkot si Angelo at napabuntong hininga. Nakapasok na siya sa room nila ni Dimitri at nakitang nakahiga na itong patalikod mula sa pintuan.
“Tol, Dimitri, ano bang problema?” Umupo si Angelo sa kama ni Dimitri at hinagod ang likod nito.
“KUYA Dimitri.” Hindi gumalaw si Dimitri.
“Ano ba ang problema KUYA Dimitri?”
“Wala, lipat ka nga sa kama mo. Naiinis ako sa’yo.” Masungit na utos ni Dimitri kay Angelo.
“Bakit nga? Sabihin mo nga sabi eh! Di kita naiintindihan kuya!" Sumigaw si Angelo kay Dimitri.
“Aalis muna ako. Bahala ka na sa buhay mo. Huwag mo akong kausapin magpakailanman. Maghanap ka ng kausap mo. Magsama kayo ng Laurel mo.” Bumangon si Dimitri mula sa kama at padabog na naglakad palabas ng dorm room nila. Nakakunot ang noo nito at galit na galit ang mukha. Nagulat naman si Angelo sa inasta ni Dimitri. Ang weird? Hindi naman matampuhin si Dimitri noon eh? Argh, sana wag naman siyang mawala sa akin muli oh! Siya na lang nga ang kaibigan ko, tapos mawawala pa siya? Argh! Ano ba ang nagawa ko? Argh!! Hindi ko kayang hindi ko siya makakausap. Sigaw niya sa kanyang isip.
Nagulat si Angelo sa inasal ng kanyang kaibigan. Bakit? Huwag Mo namang ilayo si Dimitri mula sa akin Lord oh. Nilayo Mo na nga si Gio, si Dimitri naman ngayon? Umiiyak si Angelo at nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan nila ni Dimitri. Tensyon na hindi niya man lang alam kung saan nagmula. Bakit ba naman kasi nagalit si Dimitri? Saan ba naman ako nagkamali? Ano na naman ba katarantaduhan ko? Mga tangis lang ni Angelo ang namutawi sa silid.
Buong magdamag hindi kumain si Angelo. Nag-iisip lang siya at nagmumukmok sa nangyari sa kanila ni Dimitri. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto nila.
“Sino po sila?” Sigaw ni Angelo habang pinupunasan ang luha.
“Si Dean to Angelo.” Sumigaw pabalik si Dean Realoso.
“Sandali lang po.” Kumaripas ng pagpunas si Angelo dahil alam niyang mangungumusta na naman ito para sa National Math Competition. Nang ma-compose na niya ang kanyang sarili, pinagbuksan niya si dean.
“Pasok po kayo.” Pinilit na ngumiti ni Angelo.
“Salamat. Ikaw lang ba? Nasaan ang kasama mo? Balita ko okay na raw kayo. Ang plastik ng smile mo ngayon ha.”
“Kayo naman dean oh, ang tanda niyo na, nakikichismis pa talaga kayo. Okay naman talaga po kami eh, wala namang kung anong tensyon.”
“Ganoon ba, o bakit ka umiiyak?”
“Ha? Hindi ah! Kagigising ko lang po.”
“Hindi naman siguro lumalaki ang bags sa ibaba ng mata kung natutulog di ba?”
“E, basta po! Kayo naman po oh kinukulit niyo pa talaga ako. Diretso na po. Bakit po kayo nandito?”
At nagpahayag si dean na naroon siya upang ibriefing si Angelo sa nalalapit na kumpitisyon. Bukas na pala, sa auditorium lang ng paaralan igaganap. Malaki naman ang auditorium, kasya buong malacañang.
Nang makaalis na si dean ay siya namang pagkatulog ni Angelo. Hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa kanyang pag-iisip. Inaanticipate niya na lang na magkikita silang muli ng kanyang bestfriend sa competition bukas. Kinumpirma ni dean na si Gio ang magiging partner niya sa competition. Excited na si Angelo na makasama si Gio muli dahil matagal-tagal na niyang hindi ito nakikita.
------------------------------
Araw ng kumpitisyon. Kahit mabigat ang kalooban ni Angelo dahil sa panimula na naman ng iringan nila ni Dimitri, pinilit niya pa ring maaga pumunta sa auditorium. Maraming tao na sa auditorium, kita niya ang mga iba’t-ibang lahi at iba’t-ibang kulay. May purong pinoy, may maputi, may brown, may maitim, may instik, may kulot ang buhok, may straight ang buhok, may parang miyembro ng super juniors, may magaganda, at kung sinu-sino pa. Lahat ng mga nakikita niya ay busy sa pagrereview, pagmememorize ng formula, o di kayay pagsosolve.
Wala siyang ganang makipagbakbakan sa palaisipan ngayon dahil sa bigat ng kanyang damdamin. Gusto niyang kausapin si Dimitri. Ngunit alam niyang nagagalit ito sa kanya, at gusto niyang malaman ang totoong dahilan ng pinagmulan ng galit ni Dimitri. Kahit papaano, kaibigan niya pa rin si Dimitri. Pagkatapos nitong competition, kakausapin ko siya. Hihingi ako ng patawad kay Dimitri. Pinilit niyang huwag munang umiyak at magpakatatag. Mamaya, kakausapin ko si Dimitri.
Napansin niyang 8:30 na wala pa rin si Gio. Nagsimula na ang orientation. Nagsalita na ang organizer at sa eksaktong alas 9 ay magsisimula na ang team test. May exam na kailangan sagutin ng magkapares sa loob ng tatlumpung minuto. May team test dahil sa dami ng teams na lumahok. 309 ka pares ang lumahok, lahat nagmula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Pagkatapos ng team test, ilalabas ang results gamit ang electronic checker at irarank ng staff ang top one-fourth teams. Nasa 77 teams lang ang makakapasok sa next level.
Ang next level naman ay solution test. Ang top 77 teams na makakapasok ay kailangang sagutan ang isang problem. Walang time limit, ngunit ang unang 33 teams lamang na tama ang solution at sagot ang makakapasok sa susunod na level.
Sa susunod na level naman ay inverse exam. Provided na ang sagot at equation na gagamitin. Gamit ang mga ito ay isosolve ng mga manlalahok ang pabaligtad hanggang sa makuha nila ang given figures. Iilan sa mga given figures ay ibibigay na para mas madali sa mga manlalahok. Top 11 teams lamang ang makakapasok sa next level kung saan gaganapin ang supreme quiz bowl, kung saan susuriin ang the best three teams among the pool of three hundred nine.
Matapos na sa pag-eexplain ang organizer at tinignan ni Angelo ang orasan, 8:50 na wala pa rin si Gio. Nagaalala na siya, kasi kung by 9 PM, ang team na hindi makakapagregister ay automatic disqualified.
8:58 na, wala pa ring Gio na dumating. Dalawang minuto na lang. Naiihi na si Angelo at natataranta na siyang naghihintay sa registration booth.
8:59 na, ang nakita lang ni Angelo ay ang kanyang guro. Isang minuto na lang at hindi niya pa rin nakikita si Gio na pumasok. Dahil hindi na niya kaya ang tensyon at taranta sa kaloob-looban niya, tinanong niya si dean tungkol kay Gio.
“Ma’am dean! Nasan na ang partner ko? Kanina pa ako naghihintay. Hindi pa po siya nakapagregister? Magsisimula na po at hindi na po talaga ako mapakali, baka madisqualify kami.” Dire-diretsong sambit ni Angelo dahil nag-aalala na talaga siya. Naprepressure kasi siya. Una dahil hindi siya magaling sa math. Pangalawa, dahil kahit nakakasolve siya ng iilang problems, kay Gio lang talaga siya kumpurtable basta't Math. Pangatlo, dahil Mass Comm major siya. Medyo may pagkatanga siya sa numero. Pang-apat, dahil hindi talaga siya nakapagreview at alam niyang magaling talaga si Gio.
“Ha? May partner ka na Angelo, kanina pa! Nasa loob pa siya at kanina pa siya nakaupo.” Mahinahong sabi ni dean kay Angelo sabay tapik sa balikat nito.
“Andun na po ba pala si Gio?”
“Oo. Ano ka ba! Baka nag-aalala ka nang masyado at hindi mo siya napansin. Lakad ka na!" Tinulak ng matandang dean si Angelo at nagsimula nang lumakad si Angelo.
“Sige po! Punta na ako!” Tumakbo si Angelo sa loob at hinahanap ang pangalan ng school niya sa pool ng maraming mesa na nakasentro sa kanilang auditorium.
Nakita niya ang likuran ni Gio sa tapat ng pangalan ng paaralan niya. Hindi naka-uniform, baka si Gio na iyon! Sa kanyang isip. Wala naman kasing uniform ang SEAU eh. Agad na tinakbo ni Angelo ang pwestong iyon, naupo sa tabi ni Gio.
“Ano ka ba, kanina pa ako naghihintay sa’yo!” Pag-aalala ng partner ni Angelo.
"Ano ka ba! Hinahanap din kita kanina pero hindi ka man lang pumirma sa registration she-" Naputol si Angelo sa pagsasalita. Biglang tumayo ang balahibo ni Angelo. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Pinaglalaruan ba ako ng Panginoon?
"O? Bakit hindi ka makagalaw diyan? Upo ka na!" Paghila ng partner ni Angelo kay Angelo. Nanatiling nakatayo si Angelo at nanlaki ang mata sa gulat.
Dahil una, binigyan siya ng partner niya ng dalawang bars ng snickers.
At pangalawa... hindi si Gio ang kanyang kapartner para sa kumpitisyon.
"Dimitri?" Tanong ni Angelo sa lalaking kaharap niya. Para siyang matatakasan ng kaluluwa.
Itutuloy.
Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

Myghad! Hagalpak ako sa tawa dito! Siyempre kilig din! Favorite talaga to!
ReplyDeletenakakatawa nga eh...
DeleteGanda ng flow ng story.
ReplyDeletePara akong baliw habang nagbabasa nito. lols
galeeeeng mo author
-kevin
I knew it. C dimitri and partner nya. At may gusto nga tong c dimitri kay angelo. Kilig much!
ReplyDelete-hardname-
Grabe astig inaabangan ko talaga to best love story na nabasa ko hehe
ReplyDeletegood job sa author
kudos keep up the good work
thanks sa update. mamaya nalang ako magcomment. antok na po ako. salamat.
ReplyDeletebharu
Huh? Kakagulat.. ang galing mo mr. Author. Ang sarap basahin. Pero palaisipan pa rin na ang partner ni gelo sa competition ay mula sa mechanical engineering department pero kung si dimi talaga yun, e di ba fine arts sya? Hehe.. natanong lang. Sino kaya sa member ng band ang gumawa nun. Wag naman sana si gio. Kasi i like gio for gelo. Iba kasi dating nya. Thanks po ulit.
ReplyDeleteMlamang si Gio!
DeleteMlamang si Gio!
DeleteAng tamiissss !!
ReplyDeleteHAHAHAHAH! Grabe ba talaga tooo. wooooooooooohh!~
ReplyDeletesuper kilig lang naman. HAHA!
anlakas ng trip ng mag-ama.
kung ako si Angelo, kikiligin din ako for sure. Aw. <33 XD
Cute nman ng chap na ito. Landi lng ng mga peg!
ReplyDelete