Part1 Part2 Part3 Part4 Part5
Labis ang pagtataka ni Eric habang
naglalakad siya papuntang San Lazaro Hospital upang dalhin kay Charito ang mga
ibinilin sa kaniya nitong mga gamit.
Sa loob ng dalawang linggong pagStay
ni Charito sa San Lazaro Hospital ay hindi pumalya itong triCycle driver na si
Eric sa pagbisita niya kay Charito Everyday sa nakaraang unang linggo at kahit
na masuka-suka siya sa inaagnas na hitsura ng kanyang crush ay lakas loob pa
din siyang dumadalaw dito.
Ikinagulat nitong si Eric nang sinabihan
siya nitong si Charito na hindi na siya pupuwedeng dumalaw sa hospital dahil
ito ang mahigpit na bilin ni Mrs. Chavez.
Labis din ang pagtataka ni Eric
nang mabalitaan niyang pati ang pamilya ni Charito'y pinagbawalan na ding
bisitahin ang dalaga ngunit ngayon nga'y tuwang-tuwa itong si Eric dahil
nakatanggap siya ng Text message mula kay Charito kagabi at nagpapadala ito ng
kaniyang mga personal items.
Hindi na din sumama kay Eric ang
mga Parent's ni Charito dahil hihintayin na lamang nila ang dalaga kapag nakauwi
na ito't kampante naman sila na hindi pinababayaan ni Mrs. Chavez ang kanilang
anak.
Miss na miss na talaga ni Eric ang
kasungitan nitong si Charito dahil isang linggong hindi siya nakadalaw kaya
nama'y bukod sa pinadadala sa kaniyang mga personal na gamit ng dalaga'y binilhan
pa niya ito ng Isang Dosenang mga Rosas.
"Sir, Saan po kayo?" Ang
bati ng guard on duty nang nakapasok na si Eric sa lobby ng Hospital.
"Sa Room 306 Bossing."
Ang masayang reply naman ni Eric.
"Sorry po sir at mahigpit
pong pinagbabawal ang mga bisita ngayon doon."
"Ha?" Ang namamanghang
tanong ni Eric sa Guard.
"Pasensya na po talaga."
"Bakit naman Manong?"
"Hindi ko din po alam Sir.
Kilala nyo po ba ang Pasyente?"
"Oo naman. Mag-Kapitbahay kami."
"Swerte nyo naman at may
Artista kayong kapitbahay!" Ang masaya't naiinggit na sambit naman ng
guard kay Eric.
"Artista? Hindi kaya yun
Artista!" Ang nagtataka't natatawang sagot naman ni Eric.
Nag-iisip-isip itong si Eric dahil
kagabi lamang ay nagText sa kaniya itong si Charito at nagsabing lalabas na nga
ito ngayong araw kaya nama'y nagpapadala ito ng mga gamit sa kaniya.
"Malayong maging Artista ang
kapitbahay ko Bossing. Baka iba naman ang sinasabi ninyo." Ang sunod na
sinabi naman ni Eric sa guard kasabay ng pagpunta niya sa information desk ng
Hospital Lobby.
"Ahm... Miss... Lumabas na ba
yung pasyente sa 306?" Tanong ni Eric sa personnel.
"Ano pong name?"
"Charito Solitas." Ang
sambit ni Eric.
"Bakit ka natatawa
Miss?"
"Ang baho po kasi ng
name." Ang hindi mapigilang sambit ng dalagang empleyado sa biglang
napangiting si Eric.
"BAD KA ATE! HA HA
HA!!!" Ang bulalas ni Eric na ikinatawa din ng personnel.
"Ngayon po ang labas niya Kuya."
Ang sagot ng dalaga sa TriCycle Driver pagkatapos niyang makita ang info sa
kaniyang PC about sa room 306 patient.
"Thank You Miss!" Ang
paalam ni Eric sa personel sabay lakad niya papuntang staircase ng Hospital.
Hindi na makapaghintay talaga itong si Eric na makita si Charito kaya nama'y maghahagdanan
na lamang siya instead of using the elevator.
"Sir Bawal po ang bisita
doon!" Ang pahabol ng Information Personnel kay Eric na ikinakunot naman
ng noo ng isa. Agad na dinukot ni Eric ang kaniyang cellphone sa kaniyang
bulsa't kaagad na tinawagan iong si Charito.
"Nasan ka na?" Ang
bungad ni Charito kay Eric.
"Nandito ako sa lobby Chai!
Bakit bawal ang bisita d'yan sa room mo? Isang linggo ka na naming hindi
nakikita?"
"Hintayin mo na lang kami
diyan sa Lobby! Hi hi hi..." Ang malanding sambit na lamang ni Charito kay
Eric na ikinangiti naman ng TriCycle Driver.
Naghintay na lamang si Eric sa
lobby at hindi niya mapigilang mag-isip dahil medyo nahihiwagaan siya sa tono
nitong si Charito.
Last week lang nang huli niya
itong makita't maka-usap ay halos nagbabanta na itong magpapakamatay dahil sa
nangyari sa hitsura nito at laking gulat talaga nitong si Eric dahil isang
linggo lang niya itong hindi nakita't naka-usap ay ibang-iba na ang mood nito
ngayon.
******************************
"Ready ka na ba iha?"
Ang masayang tanong ni Mrs. Chavez sa kay Charito. Hanggang ngayo'y hindi pa
rin talaga makapaniwala ito sa kinalabasan ng pagkakaAgnas ng kaniyang
Sekretarya.
"READY NA MADAM! KAHAPON
PA!" Ang outburst ng excited na si Charito dahil gustong-gusto na niyang
makita kung ano ang magiging reaction nitong si Eric kapag nakita na siya nito.
"Este iho... Ano nga pala ang
name mo?" Ang tanong naman ni Mrs. Chavez sa binatang nakatulala kay
Charito.
"HOY!!!" Ang malakas na
pagpukaw ulit ni Mrs. Chavez sa binatang nakaluwa ang mata.
"Ah... Eh... Dennis po
Tita!" Ang nagulat na sambit naman ng kaibigan ni Sir Benedict sa Mommy
nito.
Ang usapan kasi ng mag-inang Mrs.
Chavez at Sir Benedict ay sila ang susundo mismo kay Charito paglabas nito ng
Hospital. Hindi na din inusisa ni Mrs. Chavez ang kaniyang anak nang isinama
nito ang Musician na kaibigan nitong si Dennis ng araw na iyon.
Muling tinignan ni Charito ang
kaniyang reflection sa salamin kasabay ng pag-guhit ng isang napakatamis na
ngiti sa kaniyang mga labi.
Impress na impress talaga ang
dalaga sa kaniyang suot-suot na skimpy red small red na dress at talaga namang
hubog na hubog dito ang kaniyang curve.
Maganda din ang kaniyang
pagkakaMake-Up gamit ang kanilang Sariling Brand na Shu Eumura Cosmetics at
maayos na maayos ang nakalugay niyang kulot na buhok.
"EXCITED NA AKO MADAM!!!
LET'S GO NA!!!" Ang muling outburst ni Charito at talaga namang excited na
siyang makita itong si Eric.
Kahit ayaw mang aminin ni Charito
sa kaniyang sarili na kahit papaano'y naTouch siya sa pagbisita sa kaniya ni
Eric last-last week. Medyo naMiss lang niya ng kaunti ang nagpapaPansin sa
kaniyang triCycle driver nang pinagbawalan siyang magkaroon ng bisita during
her final week sa kaniyang pagStay sa San Lazaro Hospital.
"Sige na Dennis! Talukbungan
mo na yang si Chai!" Ang utos ni Mrs. Chavez sa kaibigan ni Sir Benedict.
"HA???!!!" Ang gulat na
naiusal ng dalawa kay Mrs. Chavez.
"Bawal na makita in Public
itong si Chai until the day of her launching bilang Endorser ng Whitening
Products ng Shu Eumura." Ang malumanay na explain na lamang ni Mrs. Chavez
sa dalawa.
"Ganoon po ba." Ang
nasambit na lamang ni Dennis habang tinatalukbungan na niya ng kumot ang
dalaga.
"Bakit ganyan ang mukha mo
iha?" Ang nagtatakang sambit ni Mrs. Chavez sa biglang sumimangot na si Charito.
"Sayang naman po kasi ang
pagpapaganda ko eh." Ang nahihiyang explanation ni Charito sa kaniyang
amo.
"Baka pupuwede namang
magpakita ako sa kapitbahay ko? Nasa lobby siya kasi. May pinakuha po kasi akong
gamit Madam." Ang sunod-sunod na sinabi ni Charito upang magRequest kay
Mrs. Chavez.
"Iha, Sa unveiling na lang ng
Billboard mo sa EDSA. Your family, even your neighbors and the Public will see
the new you." Ang nakangiting sambit lamang muli ni Mrs. Chavez sa
malungkot na si Charito.
"Hala sige! Takpan mo na
siya!" Ang sunod na sambit muli ni Mrs. Chavez kay Dennis at wala nang
nagawa pa ang dalawa kungdi'y sundin na lang ito.
******************************
Pagkaparadang-pagkaparada ni Sir Benedict ng 2013 BMW 7 Series ng
kaniyang Mommy sa harapan ng Entrance ng Lobby ng San Lazaro'y agad siyang
bumaba sa kotse't pumasok na kaagad sa Lobby.
Napangiti itong si Sir Benedict ng
may nakita siyang lalaking naka-upo sa Lobby ng Hospital.
"May naka-upo ba dito
Dre?" Ang tanong ni Sir Benedict sa lalaking kaLook-a-like ni Cesar
Montano ng lumapit siya dito.
"Wala Dre." Ang maiksing
sagot lamang ng lalaki kay Sir Benedict na agad-agad namang naupo sa tabi nito.
Kaagad namang nagsuot itong si Sir
Benedict ng kaniyang LiteForce Aviator Tech 4180 From Ray-Ban at pagkatapos ay
ininspection niya ang kaniyang katabing hunk from head to Toe.
Ganito ang style ng Bisexual na si
Sir Benedict sa tuwing may i-che-Check-out siyang babae o lalaki.
NaImpressed naman siya sa kaniyang
nakita dahil kahit na naka Plain White Semi Fit na local shirt at faded sure
fit na maong with matching laspag na Fake na black low cut na Converse ang
lalaki'y ang lakas-lakas pa din ng sex appeal nito para sa kaniya.
Habang naghihintay itong si Eric
sa paglabas ni Charito'y wala itong kamalay-malay na nagpipiyesta na pala sa
kakatingin sa kaniyang katawan ang dalawang mata ng kaniyang katabing semi-kalbong
Mestizo.
Sabay na tumingin sina Sir Benedict
at Eric nang bumukas ang elevator sa Lobby at magkasabay din silang tumayo nang
makita nilang lumabas mula dito ang mga nakasakay.
Nakita kasi ni Sir Benedict ang
kaniyang Mommy at ang kaniyang Kaibigang si Dennis na may kasamang taong nakatalukbong
ng kumot at 100% sure siyang si Charito iyon.
Nakita naman ni Eric ang isang pasaherong
lumabas sa Elevator na nakatalukbong ng Blanket at sure na sure din siyang si
Charito iyon. Hindi naiwasang labis siyang mag-aalala para sa dalaga at baka
inaagnas pa din ito.
Agad na lumapit sabay sina Sir
Benedict at Eric sa tatlo.
"Ma... Nandoon na ang
Kotse." Ang bati ni Sir Benedict.
"Chai?" Ang sambit naman
ni Eric sa nakatalukbong na tao.
"ERIC???!!! IS THAT
YOU???!!!" Ang malakas at Conyong naiusal ni Charito under the Blanket.
"Nandito na ang pinadadala
mo." Ang sagot naman ng nagtatakang si Eric sa dalaga sabay tingin niya sa
matandang babaeng katabi ni Charito.
Nagulat din itong si Sir Benedict
at magkakilala pala itong si Charito at ang Guy na nakursunadahan niya.
"Kaya naman pala nagpaganda
itong si Chai eh!" Ang nakangiting sambit ni Mrs. Chavez after niyang
tignan mula ulo hanggang paa ang kaharap na hunky Morenong si Eric at mapansin
ng matandang babae ang Bouquet of Roses na hawak nito.
"Ang gwapo pala ng boyfriend
mo Iha!" Ang sunod na sambit ni Mrs. Chavez na ikinapula ng mukha ni Eric
pero sa totoo lang ay pumapalakpak ang kaniyang dalawang tainga sa tuwa dahil
sa nasambit ng matandang babae.
"EXCUSE ME MADAM! HI HI HI!!!
KAPITBAHAY LANG KAMI KAYA!!!' Ang malakas at malanding sambit ni Charito sa
kaniyang amo.
"Sige na nga! Payag na akong
magpakita ka sa kaniya! Ano pala ang name iho?" Ang sambit ni Mrs. Chavez.
"Eric po Ma'am." Ang
magalang na tugon naman ni Eric kay Mrs. Chavez.
"Sa Kotse na!" Ang mabilis
na saway ni Mrs. Chavez nang makita niya itong si Charito na inaalis na ang
nakatalukbong na kumot nito.
******************************
"Akala ko talaga eh katapusan
na ng buhay ko... Blah... blah... blah...."
"Ano kaya ang gagawin ko kung
ganoon na lang ang peg ng beauty ko..."
"Buhay pa ako eh inaagnas na
ako..."
"Buti na lang at nagbak-bak
ang old skin ko..."
"BLAH... BLAH...
BLAH..."
Ang sunod-sunod na animated na
kuwento nitong si Charito na ikinabingi ng lahat ng kaniyang mga kasama sa loob
ng kotse.
Charito can't help it at talaga
namang hindi siya makapaniwala na after the nakakatakot na effect sa kaniya ng
ininom niyang pinaghalo-halong whitening pills ay magbabak-bak din pala ang
kaniyang namaga't natuyong super morenang skin.
"GANDANG HINDI MO INAKALA!"
Ang outburst ni Charito sa lahat na ikinatawa ni Mrs. Chavez.
"AND INSTANT P5,000.00 MULA
KAY KALBO!!!" Ang sunod na patama ni Charito sa nagDriDrive na si Sir
Benedict.
Napailing na lamang itong si Sir
Benedict at napatingin siya sa katabi niyang si Dennis. Kinindatan na lamang siya
ng kaibigan dahil alam ni Dennis na nagantsohan na naman ang kaniyang kaibigan.
"Ayos lang yun Tol!" Ang
masayang sambit ni Dennis sabay tapik niya't pisil sa balikat ni Sir Benedict.
"KAANO-ANO MO BA YANG SI SIR
BENEDICT?" Ang hindi pinalagpas na tanong ni Charito kay Dennis nang
makita niya ang ginawa nito kay Sir Benedict. Agad namang namula ang mukha ni
Sir Benedict sa tanong ng maEpal na si Charito.
"BestFriend lang kami!"
Ang defensive na sambit ni Sir Benedict to answer Charito's question in behalf
of Dennis.
"Kung magkaibigan kayo eh
bakit ang layo ng ugali nyo?" Ang banat naman ni Charito kay Kalbo.
Sumumpa talaga itong dalagang
reresbakan niya itong si Sir Benedict dahil noong panahong mukhang inaagnas na
siokoy pa siya'y lagi siya nitong inaalaska't inaasar sa harapan ni Dennis. Sa
tuwing dumadalaw kasi itong si Sir Benedict kay Charito sa Hospital ay palaging
kasama niya si Dennis.
Napansin din ni Charito na mabait
itong si Dennis at ipinagtatanggol siya nito kapag inaalaska siya ni Sir
Benedict.
"Baka naman Mommy eh pupuwede
nating talukbungan ulit ng kumot yang si Chai at nakakaasar na!" Ang bawi
naman ni Sir Benedict.
Naging at Ease na sa kanilang
pag-aasaran itong sina Sir Benedict at Charito na ikinasanay na rin ni Mrs. Chavez.
"Teka lang! Bakit wala kang
imik dyan?" Ang segway naman ni Charito sa katabi niyang si Eric dahil
kanina pa ito nananahimik since nang makasakay na sila sa kotse't makita na siya
nito.
"Ah... Eh..." Ang walang
masabing usal ni Eric dahil Shocked pa din siya dahil mas maputi na kay Anne
Curtis itong si Charito't lalong gumanda ito sa kaniyang paningin.
"Ako pala si Benedict Pare!
Ben na lang." Ang biglaang sambit ni Sir Benedict kay Eric.
"Eric Pare." Ang pagpapakilala
naman ni Eric kay Kalbo.
"Ito si Dennis." Ang
banggit naman ni Sir Benedict upang ipakilala nito kay Eric ang kaniyang
kaibigan.
"Si Mommy. Boss ng Girlfriend
mo." Ang sunod na sinabi ni Sir Benedict kay Eric to acknowledge his
Mommy.
"Hello po Ma'am." Ang
magalang na sambit muli ni Eric kay Mrs. Chavez.
"Matagal na ba kayo ni
Chai?" Ang tanong agad ni Mrs. Chavez kay Eric.
"Naku po. Hindo po Ma'am.
Kapitbahay lang po kami." Ang sambit naman ni Eric.
"MADAM NAMAN! NAKAKAINIS
EH!" Ang malanding sambit naman ni Charito kay Mrs. Chavez.
Although Amo nitong si Charito si
Mrs. Chavez ay naging para na niya itong Second Mother when she was still in
the Hospital kaya nama'y nakakaarte na siya dito ng natural at okay na okay naman
din ito kay Mrs. Chavez.
"That's Good!" Ang
sambit na lamang ni Mrs. Chavez mula sa kaniyang narinig from Eric and Charito.
"Hindi kasi maganda sa
magiging image ni Chai kapag may Boyfriend siya." Ang sunod na explain ni
Mrs. Chavez na siyang ikinabagsak ng mukha ni Eric. Mabuti na lamang at hindi
siya nahalata ng mga ito.
"Ibahin na natin ang name mo
kapag humarap ka na sa Media." Ang sambit ni Mrs. Chavez kay Charito.
"Bakit naman po?" Ang
tanong kaagad ni Charito.
"Ang baho kasi ng Charito
Solitas eh." Ang straight to the point na sinabi ni Mrs. Chavez.
Pinigilang matawa nina Dennis at
Eric sa kanilang narinig na siyang kabaligtaran naman sa malakas na paghalakhak
ni Sir Benedict. Hindi na lamang iyon pinasin ni Charito.
"Para pala akong artista!
AHAHAHAHA!!!" Ang flirty na sambit ni Charito.
"Mag-iisip tayo ng magandang
screen name mo Chai and Please huwag ka masyadong loud sa pagsasalita!"
Ang pakiusap nitong si Mrs. Chavez sa dalaga at talaga namang hindi bagay ang
pagiging palengkera nitong si Charito sa hitsura nito ngayon.
"Mag-e-Enroll ka sa Charm
School!" Ang biglang nasabi ni Mrs. Chavez sa Dalaga sabay ngiti nito.
Bigla na lamang naisip iyon ni Mrs. Chavez dahil kahit siya'y naaasiwa sa
pag-iinarte nitong kaniyang secretary.
"Ano po yung Charm School
Madam?" Ang clueless na tanong ni Charito sa Amo.
"Para maging mahinhin ka at
pleasant." Ang sagot na lamang ni Mrs. Chavez na lalong nagpangiti pa sa
dalaga.
"AY BET KO YAN MADAM!!!"
ANg excited na tili ni Charito.
"Partida Ma! Hindi kayang
baguhin ng Charm School yan!" Ang epal nitong si Sir Benedict.
"NAGSALITA KA NA NAMANG KALBO
KA! PUSTAHAN ANO?!" Ang mabilis na naibulalas ni Charito na ikinatahimik
kaagad ni Sir Benedict dahil nadala na ito sa pagkatalo niya sa recent nilang
pustahan.
"Para sa akin ba yan?"
Ang sunod na sambit naman ni Charito sa tahimik na si Eric sabay turo sa hawak
nitong Bouquet of Red Roses.
"Para pala sa iyo..."
Ang nahihiyang sambit naman ni Eric sa dalaga sabay bigay nito ng binili niyang
mga roses para sa dalaga. Nawala na sa isipan itong si Eric dahil kay Charito.
Hinding-hindi talaga siya
makapaniwala sa nangyari sa dalaga na para bang nagbalat ito ng katulad ng sa
pagbabalat ng isang ahas kaso nga lang ay hindi na katulad ng dati ang kulay ng
balat ni Charito.
"Andito na tayo!" Ang
masayang sambit ni Sir Benedict nang ipinasok na niya sa isang napakataas na
Condo Building ang kotse ng kaniyang Mommy.
"Hindi ka ba uuwi?" Ang
gulat na tanong ni Eric kay Charito.
"Hindi Eric. Hindi ako
pupuwedeng makita ng mga tao." Ang sagot lamang ni Charito sa nagulat na si
Eric.
"Hintayin mo na lang sina
Mama dito at ipapasundo sila ni Madam para makita ako." Ang sunod na
explain ni Charito sa natamemeng si Eric.
******************************
"HUWAW NAMAN ATE! BIGATIN KA
NA! MAGIGING COMMERCIAL MODEL KA NA ATE CHAI!!!" Ang hindi makapaniwalang
sambit ni Jun-jun sa kaniyang kapatid.
Hindi pa din makapagsalita sina
Aling Celia at Mang Kardo at katulad din ni Eric ay nakanganga't nakatulala
silang dalawa sa hitsura ng kanilang anak.
"Para kayong nakakita ng
multo?!" Ang mayabang na usal ni Charito sa kaniyang Parents.
"Ha... Ah... Eh... Ang ganda
mo na kasi Chai." Ang usal na lamang ni Aling Celia sa anak na
sinang-ayunan naman ni Mang Kardo.
"BAKET MOMMY???!!!"
"PANGET BA AKO NOON MOMMY???!!!"
"DADDY!!! PANGET BA AKO
NOON???!!!" Ang nagimgimbal na tanong ni Charito. Hindi naman
nakapagsalita dahil sa kaniyang pagkakadulas itong si Aling Celia.
"Pasensya na misis at
talagang kailangan naming itago itong si Charito upang ihanda siya sa paglabas
niya sa mga Commercial at Magazine." Ang mabilis na explain kaagad ni Mrs.
Chavez kay Aling Celia upang mawala ang nangyaring biglaang akward na moment.
"Maraming-maraming salamat
talaga Ma'am at pangarap talaga ng anak naming Pumuti!" Ang naiusal naman
ni Mang Kardo kay Mrs. Chavez.
"DADDY NAMAN! HINDI MO PA
SINASAGOT ANG TANONG KO???!!!" Ang sambit naman ni Charito dahil hindi
niya nagustuhan ang panglalaglag sa kaniya ng kaniyang Tatay Kardo.
"Maganda ka na noon
Ate!" Angs segway naman ni Jun-jun.
"Dito ka na titira?" Ang
tanong ulit ni Jun-jun sa kaniyang Ate Charito. Nakangiting tinunguhan ni
Charito ang kaniyang bunsong kapatid.
"Pupuwede naman kayong tumira
din dito." Ang nakangiting sambit ulit ni Mrs. Chavez.
"TALAGA PO MA'AM???!!!"
Ang hindi makapaniwalang sambit ni Jun-jun na tinunguhan lamang ni Mrs. Chavez.
"YEHEEEY!!!" Ang
tuwang-tuwang outburst ni Jun-jun at talaga namang masaya siya't makakatira na
siya sa Condo.
"Naku Jun-jun! Huwag mo
munang istorbohin ang Ate mo!"
"Doon tayo sa bahay at malayo
ang school mo dito!" Ang saway naman ni Aling Celia na ikinasimangot naman
nitong si Jun-jun.
"Kayo naman Misis!" Ang
kantiyaw ni Mrs. Chavez kay Aling Celia.
"Pagwala ka nalang pasok eh pumunta't
matulog ka dito." Ang bawi ni Mrs. Chavez kay Jun-jun na talaga namang
ikinatuwa ng bata.
Maluwag ang paghinga ng lahat
habang nagkukuwentuhan sila sa itinalagang pansamantalang tirahan ni Charito at
ang buong pamilya nitong si Charito'y walang sawa sa pagpasalamat sa kabutihang
loob ni Mrs. Chavez at sa magandang kapalarang ibinigay ng Panginoon para kay
Charito.
Kung gaano ang labis na kasiyahan
nina Charito'y kabaligtaran naman ang nararamdaman nitong si Eric...
Hindi maiwasan nitong pag-isipan
at ikumpara niya ang kaniyang katayuan sa kasalukuyang katayuan ni Charito...
Alam ni Eric na isang hamak na
TriCycle Driver lamang siya...
Kahit na matagal na siyang
nagpapaPansin sa dalaga'y hindi siya nakakaramdam dati ng hiya dito...
Ngayo'y bigatin na itong si
Charito'y nagdadalawang isip itong si Eric kung itutuloy pa ba niya ang
pagpapaPorma dito...
Napabugtong hininga na lamang
itong si Eric nang maalala niya ang binitawang salita noon nitong si Charito sa
kaniya na gusto nitong magkaroon ng Foreigner na BoyFriend...
Naiintindihan at nauunawaan ni
Eric na mataas ang pangarap ng dalaga...
At ngayon nga'y nanlulumo itong si
Eric dahil bigatin na itong si Charito at alam niya ang ugali nito...
Talunang tinanggap ni Eric sa
kaniyang sarili na wala na siyang magiging papel at espasyo sa buhay ng
dalaga...
******************************
Halos manginig na ang dalawang
tuhod ni Charito habang naghihintay siya sa loob ng Kotse ng kaniyang Among si
Mrs. Chavez.
Binilinan kasi siya nito kanina na
ipapatawag na lamang siya nito sa kaniyang anak na si Sir Benedict kapag
kinakailangan na niyang lumabas at magpakita sa mga tao.
Isang linggong sumailalim sa Charm
School Training itong si Charito at sa kabutihang palad nama'y natutunan ng
dalagang maging Finesse at bukod dito'y talagang sumailalim pa siya sa modeling
training at make-over na courtesy of Shu Eumura Philippines.
Naging All Out and nationwide ang
promotion ng Whitening Products ng Shu Eumura at nag-invest talaga sila sa
kanilang Model na si Charito.
Naging parang preso ang buhay ni
Charito noong nakaraang linggo dahil hindi siya makagala't pinagbawalan siyang
makapagFB at kahit na magtext ay hindi rin siya pinayagan. Kinumpiska ni Mrs.
Chavez ang kaniyang Fake na iPhone at baka madulas itong si Charito sa kaniyang
mga kaibigan about the Plans of their Company.
Naging worth naman ang sakripisyo
ni Charito dahil ngayo'y lahat ng kaniyang mga ward robe ay mga original na at
bukod dito'y malaki ang kaniyang kikitaain sa Talent Fee niya bilang product
Endorser ng Shu Eumura.
Unti-unting naRelax ang kaninang
kinakabahang si Charito habang iniisip niya noon ang dati niyang buhay bilang
Saleslady at hindi pa din siya talagang makapaniwalang magiging model na siya
at higit sa lahat ay makikita na niya sa mga pages ng mga magazine ang kaniyang
mga litrato. NakapagPictorial na din kasi itong si Charito.
TOK TOK TOK
Biglang bumalik sa daigdig ang
lumilipad na diwa ni Charito nang kumatok itong si Sir Benedict sa salamin ng
bintana ng Kotse.
"Are you ready 'Ritz Soler'?"
Ang nakaSmile na tanong ni Sir Benedict habang inaalalayan niyang bumaba ng
kotse itong si Charito. 'Ritz Soler' ang naging Screen Name ng Dalaga upang
ipalit sa kaniyang mabahong pangalan. Si Dennis ang nakaisip ng name na iyon na
sinang-ayunan naman ng lahat.
"Matutuwa ka talaga sa
billboard mo sa EDSA!" Ang excited na sambit muli ni Sir Benedict na
ikinasimangot naman ng dalaga.
"SIGURADO KA KALBO???!!!"
Ang nauunsyaming sambit na lamang ni Charito dito.
Wala pa din siyang tiwala sa anak
ng kaniyang amo dahil kahit anong pamimilit niya ditong ipakita sa kaniya ang DP
ng magging Billboard niya sa EDSA ay palagi na lamang nitong isinasagot na 'surprise'
ito sa kaniya.
Pagkaakyat na pagkaakyat sa portable
stage ni Charito'y nagpalakpakan kaagad ang lahat ng mga tao't manghang-mangha sila
sa kaputian, kakinisan, kaSexy-han at kagandahan niya.
Agad na tumabi siya kay Mrs.
Chavez habang kinakawayan at nginingitian niya ang lahat ng mga nandoroon.
NaOverwhelemed talaga si Charito
mula sa mga flashes ng mga Camera at laking tuwa niya na may Video Coverage pa
ang event.
"Ate! Ate! Ate!" Ang biglang
narinig niyang boses ni Jun-jun at nang makita niya ang puwesto ng kaniyang bihis
na bihis na family sa crowd ay masaya niyang kinawayan ito't pagkatapos ay
kaniyang inilibot ang kaniyang paningin upang hanapin si Eric.
Nadismaya ng bigtime itong si
Charito nang hindi niya makita itong si Eric...
Aminado itong si Charito na naMiss
niya ng Bigtime ang pumoporma sa kaniyang TriCycle Driver...
Hindi maipaliwanag ni Charito sa
kaniyang sarili kung bakit niya hinahanap-hanap sa mga sandaling iyon si
Eric...
Talagang naguguluhan itong si
Charito kung bakit para bang kinukurot ang kaniyang puso dahil wala si Eric sa
Event at talaga namang binilinan niya itong si Jun-jun na isama itong si
Eric...
"LADIES AND
GENTLEMEN..." Ang bungad ng Emcee sa public.
"OUR MODEL..." Ang
pagpapatuloy nito sa pag-iintroduce kay Charito sa madlang bayan.
"MS. RITZ SOLER!!!"
Kasabay ng pagsasambit ng Emcee ng
Screen name ni Charito'y inalis ang malaking telang nakaCover sa malaking
Billboard ni 'Ritz Soler' na biglang tinapatan ng maliwanag na maliwanag na
SpotLight!
"WHOAH!!! AWESOME!!!"
"FANTASTIC! I CAN'T
BELIEVE!!!"
"THE POWER OF SCIENCE!!!"
"NICE!!!"
"PERFECT!!!"
Ang sunod-sunod na narinig ni
Charito mula sa Public at hindi naiwasang maging proud sa sarili itong si
Charito dahil parang musika sa kaniyang tainga ang tunog ng pagpapalakpakan ng
mga tao.
"Sana nandito ka
Eric..." Ang nasambit na lamang ni Charito for Eric and after that ay
tumingala na siya upang makita na niya ang kaniyang Billboard.
10 secs...
20 secs...
30 secs...
40 secs...
50 secs...
1 minute...
2 minutes...
3 minutes...
4 minutes...
5 minutes...
Tumagal ng limang minutong
nakatingala si Charitong tinitignan ang kaniyang Billboard...
"Di ba sabi ko sa iyo
Surprise!!!" Ang biglang bulong sa kaniya ni Sir Benedict na ikinagulat
niya.
Halos hindi maipinta ang
pagmumukha nitong si Charito habang tinitignan niya ng masama itong si Sir
Benedict...
Kasabay ng lalo pang pagNgisi ni
Sir Benedict ay siya namang panlalaki ng dalawang butas ng ilong ni Charito...
Ibibigay ni Charito ang lahat para
lang pahintulutan siyang sakalin hanggang mamatay ang kalbong anak ng kaniyang
amo...
"Humanda ka sa akin
Kalbo!!!" Ang naiusal na lamang ni Charito na lalo pang ikinatawa nitong
malokong si Sir Benedict.
Kahit na malakas ang pagpapalakpakan
ng mga tao dahil sa labis nilang paghangga sa Billboard ni 'Ritz Soler' ay
hindi ito napawi ang naglalagablab na galit ng dalaga sa kalbong Yuppie...
"Kailangan bang 'Before And
After' ang Billboard ko???!!!" Ang galit na galit na tanong ni Charito sa parang
batang dumidilang si Sir Benedict.
To Be Continued
wow chai ha from ugly duckling turn into beautiful peacock hehehehehe...... oi nag reveal rin si ben peg lang si charice hehehehehe ok na ako ponse kina chai at eric hahahah
ReplyDeletePwede naman sa Chics and sa Boys si Sir Benedict kaya Kuya PJ :))) NYAHAHAHAHA!!!
DeleteGwapo din naman si Eric ah :))) Cesar Montano lang :))) HAHAHA!!!
pwede nga dual sim lang hahahaha...... oo ang gwapo ni eric lalaking lalake hahahaha
DeleteBasta Kuya PJ... 'The Yuppie Is My Papi' HAHAHA :)))
Deleteikaw bahala ikaw ang author eh... hahahahahhaahaha
DeleteHahaha gustong gusto ko ang chapter nato ponse....
ReplyDeleteSalamat sa update ....
Salamat din Kuya Richie at nagustuhan mo ang Kwento ni Miss Ritz Soler :)))
DeleteGOD BLESS KUYA RICHIE :)))
Ang galing talaga ni ponse...nakakadala bawat eksena parang nandun ako sa actual na event. Sabi ko n nga ba bi c kalbo. Bka mkaagaw p ni chai ke eric...
ReplyDeleteRandzmesia
Hindi po magaling si Ponse kuya Randz :))) Adik po si Ponse :)))
DeleteGOD BLESS PO ANG REGARDS SENYONG FAMILY !!!
hahhahahaha ben and den... ritz/chai and eric ba yan manong? sorry ngayon lng nakapagcomment.. ang sayang basahin! kakawala ng antok! nice one manong! teka teka ano nga ba ang "yuppie is my papi"? hahaha
ReplyDeleteHindi pa sure To :))) Hahaha!!! Malapit na :)))
DeleteNice chapter.unpredictable kong sino ang magkakatuluyan sa kanila.
ReplyDeleteSalamuch sa pagsama kay Chai Kuyang Anon :))) See you sa Part 7 :)))
DeleteGOD BLESS!!!
Laugh trip! Ang galing mo talaga Mr. Ponse. BTW, no offence ah, pero tunog bold star nung 90's yung screen name nyang Ritz Soler. Pero imba pa rin! :)
ReplyDelete--BOOM
Yun yun Kuya BOOM!!! :))) PangBoldStar talaga :))) NYAHAHAHA!!!
Deletemay bahid si Sir
ReplyDeleteNICE story gling m tlga kuya ponse
ReplyDelete