Part1 Part2 Part3...
Tense
na tense si Charito habang mabilis niyang tinatapos ang ipinapagawa sa kaniyang
Compilation ng Sales Report ni Sir Benedict dahil sa presence ng Mommy nito't talaga
namang walang ka-ide-ideya itong si Charito na ang inakala nilang matandang
customer nila kanina ay isa sa mga big bosses ng Shu Eumura Philippines.
"Impressive..." Ang
naririnig ni Charito mula sa matandang babae habang nag-eEncode siya ng mga
numbers sa laptop ni Sir Benedict.
"Ano nga pala ang name mo
iha?"
"Ahm... Charito po Ma'am...
Chai nalang po for Short." Ang kinakabahang sagot naman ni Charito habang
patuloy pa din siya sa pagtaType.
"Kaya ka siguro inutusan ng
anak kong gumawa ng compilations eh napakaProfessional ng mga sales report
mo." Ang sunod na sinabi naman ng Mommy ni Sir Benedict habang binubuklat
niya ang mga ginawang sales report noon ni Charito na siya ding tininignan noon
ni Sir Benedict.
"Anong natapos mong
course?"
"Ahm... Vocational
lang po... Secretarial."
"Hmmm...
Kaya pala..." Ang naiimpress na sambit naman ng matandang babae.
Napapangiti
itong si Mrs. Chavez habang pinagmamasdan niya ang nagtaType na SalesLady.
Humahanga talaga siya sa ipinakitang pag-aasikaso sa kaniya ni Charito kaninang
nagpanggap siyang Customer kanina.
Hindi
naman talaga ginagawa ng kanilang Company ang pagpapadala ng secret consumer
upang itest ang kanilang mga sales represebnntative ngunit naisipan lamang ni
Mrs. Chavez na subukan ang mga Representative ng kanilang Companysa SM San
Lazaro at hindi nga siya nadismaya dito kay Charito.
Ang
talagang ikinadismaya ng matanda ay nang mapag-alamanan niyang nagLakwatsa na
naman sa gitna ng trabaho ang kaniyang Spoiled Brat na Anak. Ang buong katotohanan
ng pagpunta ni Mrs. Chavez sa SM San Lazaro'y upang personal niyang kamustahin
at sorpresahin ang kaniyang anak at tignan ang kalagayan nito.
Medyo
nakokonsensya ang matanda dahil sa ginawa niyang pagpapadala kay Sir Benedict
sa SM San Lazaro bilang kaparusahan nito sa hindi nito pagseseryoso sa trabaho
ngunit batid din ng matanda na kinakailangang gawin niya ito kay Benedict upang
maging Mature na ito sa pagtratrabaho.
Nagsisisi
naman si Mrs. Chavez dahil sa matinding pagsunod niya sa layaw ng kaniyang
unico iho simula sa pagkabata nito at lumaki itong si Sir Benedict na nakukuha
ang mga gusto nito ng hindi pinaghihirapan.
"Kailangan
mo bang tapusin yan ngayon?" Ang tanong ni Mrs. Chavez kay Charito.
"Yes
Ma'am..."
"Huwag
mo nang tapusin yan... Yan lang naman ang gagawin ng anak ko dito..."
"Naku
hindi po puwede!!!"
"Bakit
naman? Tinakot ka ba niya iha?"
"Ahm...
Kasi po... Eh..."
"Huwag
kang matakot iha... Sabihin mo sa akin..."
"Ano
po kasi... Eh... Pag may nasimulan po kasi akong gawin eh dapat po na tinatapos
ko... Ayokong may trabaho po akong nakatengga!" Ang mabilis na sagot ni
Charito sa Mommy ni Sir Benedict.
"Ganun
ba iha..."
"Opo...
Ganyan po ako magtrabaho... Malapit na naman pong matapos ito eh..." Ang
pagsisinungaling ni Charito sa matanda. Ang buong katotohana'y hinahabol talaga
ni Charito ang P1,500.00 na ibabayad sa kaniya ni Sir Benedict kapalit ng
pagGawa niya ng Sales Report Compilation.
Kinalauna'y
naging abala si Mrs.Chavez sa pagtingin ng mga Sales Report at ito namang si
Charito'y naging abala din sa pagtapos ng ipinagagawa sa kaniya ni Sir
Benedict.
"Ma'am
tapos na po ako... May ipapagawa po ba kayo?"
"Wala
naman iha..." Ang nakangiting sambit ni Mrs. Chavez sa dalaga at
pagkatapos ay tumingin ito sa suot nitong Gold Plated na ladies Watch.
"Samahan
mo na lang ako magLunch at pasado alas dose na pala..."
"Hindi
ko na mahihintay si Benedict..." Ang anyaya ng matanda kay Charito.
"Sige
po..." Ang excited na sambit naman ng dalaga at alam niyang sa isang
bigtime na resto sila manananghalian.
********************************
"Eto
ang Senior Citizen ID ko... Sayang naman ang discount..." Ang sambit ni
Mrs. Chavez sa Cashier ng Jollibee pagkatapos nitong mag-Order.
Nakangangang
pinagmamasdan lamang niCharito ang matanda dahil hindi talaga siya
makapaniwalang sa Jollibee lang sila manananghalian ni Mrs. Chavez at inaakala talaga
niyang bigatin ang matanda't hindi ito kakain sa isang Fast Food.
Hindi
na din nagulat si Charitong malamang dala ng matanda ang Senior Citizen ID nito
at kutob niya'y tinitesting lang sila nito kanina. Ang talaga't lalo pang
ikinagulat ni Charito'y mayaman sina Mrs. Chavez ngunit kumukuha pa din ito ng
discount at kumakain sa Jollibee.
"Hello..."
Ang bati ni Mrs. Chavez sa kaniyang kausap sa phone habang nakaupo na silang
dalawa ni Charito sa mesa.
"Dito
kami sa Jollibee..."
"Si
Benedict... Tinatanong kung nasaan tayo..." Ang natatawang sambit ni Mrs.
Chavez sa nakatingin sa kaniyang si Charito matapos niyang iEnd ang kaniyang
call sa anak.
"Sige
na kumain na tayo..." Ang muling sinabi ni Mrs. Chavez sa kaharap dahil naalibadbaran
siyang bigla dito dahil sa expression sa mukha ni Charito.
Sanay
na sanay na si Mrs. Chavez na makakuha ng ganoong mga expression sa mga taong
hindi pa siya lubusang kilala. Ang karaniwang iniisip kasi ng maraming mga tao
na kapag mayama'y sosyal na at talaga namang nagugulat ang iba sa kaniya sa
tuwing nakikita nila sa kauna-unahang pagkakataong nagpapakaPractical siya't
nagtitipid.
********************************
Pagkababang-pagkababa
ni sir Benedict sa kaniyang kotse'y naghihikahos niyang pinuntahan ang kaniyang
Mommy sa Jollibee at nang makapasok na siya sa store ay kaagad niyang hinanap ito
sa napakaraming customer na nanananghalian sa Jollibee.
Napalunok
ng laway itong si Benedict nang makita niya ang likod ng kaniyang Mommy at
kaagad niyang nilapitan ito ngunit makailang hakbang pa lamang siya'y bigla
siyang natigilan nang makita niyang kasama ng kaniyang Mommy itong si Charito.
Kahit
na gumamit ng Rexona si Benedict ay hindi maiwasang pagpawisan ang dalawa
niyang kili-kili bukod sa matatabang pawis niyang tumutulo sa kaniyang noo't
leeg. Pakiwari ni Benedict na close na close na ang kaniyang Mommy at itong si
Charito dahil kitang-kita niya ang mapuputing ngipin ni Charito dahil sa
pagtawa nito na tila nasa kalagitnaan ito ng masayang pakikipag-usap sa
kaniyang Mommy.
Nag-inhale
at nag-exhale muna si Benedict bago siya muling kumilos patungo sa mesang
kinakaupuan ng kaniyang Mommy at ni Charito.
Habang
papaplapit siya'y nireRehearse niya ang kaniyang sasabihing pagsisinungaling sa
kaniyang Mommy sakaling usisain siya nito kung saan siya galing.
Habang
naiipit kasi si Benedict sa traffic kanina nang pabalik na siya sa SM San
Lazaro'y nakaisip na siya ng magandang Alibi para sa kaniyang Mommy.
Magkukunwari
na lamang siyang parang wala doon si Charito.
"Hi
Ma!" Ang masayang bati ni Benedict sabay kiss sa cheek ng kaniyang Mommy.
"Sana
po'y nagpasabi kayo na bibisita po kayo dito." Ang sunod na sinabi ni
Benedict sa kaniyang Mommy while ignoring and not looking at Charito.
"Saan
ka galing?" Ang bungad kaagad ni Mrs Chavez sa anak.
"Tinignan
ko po yung puwestong gustong bilhin ni Paul. Biglang tumawag kasi at nagpasama
eh." Ang cool na cool na sagot ni Benedict sa kaniyang Mommy.
"Ganun
ba? Kamusta naman..."
"Medyo
naliliitan si Paul at nagdadalawang isip na bilhin yung property." Ang
sagot naman ni Benedict. Tahimik lang si Charitong nakikinig sa usapan ng
Mag-ina.
"Hmmm...
San ka talaga nagpunta?"
"Sinamahan
ko nga po si Paul..." Hindi na napigilang maging defensive agad nitong si
Sir Benedict.
"Mamaya
na tayo mag-usap at magsi-CR lang ako... Excuse me Chai..." Ang paghingi
ng paumanhin ni Mrs. Chavez bago ito tumayo't umalis sa kanilang mesa.
Pagkaalis
na pagkaalis ni Mrs. Chavez ay kaagad na dinukot ni Benedict ang kaniyang phone
sa kaniyang bulsa.
"FUCK!!!"
Ang naiinis na sambit ni Sir Benedict nang mapag-alamanan niyang wala sa
kaniyang bulsa ang kaniyang phone.
Sa
sobrang kamamadali kasi ni Sir Benedict ay naiwan niya sa kaniyang kotse ang
kaniyang telepono.
"Pwedeng
pahiram niyang Phone mo..." Ang mabilis na sambit ni Sir Benedict kay
Charito kasabay ng pagturo niya sa nakakuwintas sa leeg na fake na iPhone ni
Charito na siya namang biglang ikinagulat ng dalaga.
"Bakit?"
Ang tanong naman ni Charito.
"Mag-e-FB
lang ako." Ang paliwanag naman ni Sir Benedict.
"Sige
na Please..." Ang pagmamakaawa ni Sir Benedict kay Charito na wala namang
nagawa kungdi'y pahiramin na lang niya ito ng kaniyang fake na iPhone.
Mabuti
na lamang at mabilis-bilis ang WiFi ng SM San Lazaro't nakapagLog-in kaagad si
Sir Benedict sa FB nito't mabilis na nakapagPM sa kaniyang kaibigang si Paul
upang abisuhan ito na baka tawagan ito ng kaniyang Mommy. NagRequest si Sir
Benedict sa kaniyang kaibigan na sakali mang usisain ito ng kaniyang Mommy kung
talaga bang nagpasama ito sa kaniya'y magsinungaling na lamang ito para sa
kaniya.
Napangiti
kaagad itong si Sir Benedict nang nagReply kaagad at walang tanong-tanong sa
kaniya ang kaniyang kaibigang si Paul ng 'Ok'.
"Parang
masaya ka ata..." Ang biglang tanong ni Mrs. Chavez sa anak nang makabalik
na ito galing sa CR na siya namang ikinagulat ni Sir Benedict.
"Bakit
ang bilis po ninyo?" Ang nagtatakang tanong naman ni Benedict sa kaniyang
Mommy habang iniabot niya kay Charito ng palihim sa ilalim ng mesa ang iPhone
nito.
"Nakapila
ang mga tao sa Rest Room dito... doon na lang ako magsiCR sa Opisina nyo sa
taas." Ang maikling sagot lamang ni Mrs. Chavez sa kaniyang anak.
Tahimik
na itinuloy na lamang ni Charito ang kaniyang pagkain habang nakikinig siya kay
Mrs. Chavez na inuusisa si Sir Benedict kung saan nga ba ito talaga galing.
NaGets na kaagad ni Charito ang situation ng mag-ina't nanatili na lamang
siyang tahimik hanggang sa makabalik na ulit silang tatlo sa opisina ni Sir Benedict.
"Punta
ka naman sa Burger King and buy me a big whopper with regular fries... diet
coke ang drinks... Salamat." Ang utos kaagad ni Sir Benedict kay Charito
nang makapasok na sila sa loob ng kaniyang office.
"Nasa
Jollibee na tayo kanina eh hindi ka pa kumain?!" Ang naiinis na sambit ni
Mrs. Chavez sa kaniyang anak.
"Ayoko
po talaga sa Jollibee..." Ang sagot naman agad ni Sir Benedict sa kaniyang
Mommy. Napabuntong hininga na lamang si Mrs. Chavez sa anak habang
pinagmamasdan nitong iniaabot ang pera kay Charito.
"Huwag
ka munang babalik... I'll text you..." Ang bulong ni Sir Benedict kay
Charito habang marahang tinutulak niya ito palabas sa kaniyang office.
"I
do hope that you're doing your job responsibly!" Ang sinabi ni Mrs. Chavez
nang makalabas na si Charito't maisarado na ni Sir Benedict ang pintuan ng
office.
"Why
did you assume naman Ma na i'm playing hookie again..."
"Naabutan
ko lang naman ang saleslady nating nagkoCompile ng Sales Report natin."
"Eh
mommy naman... Siya ang gumawa ng mga past reports kaya siguro naman eh siya
ang karapat dapat na gumawa ng compilation... Tignan n'yo po ang mga ginawa
niyang mga Sales report..." Ang palusot ni Benedict sa kaniyang Mommy.
"There's
no need... I already saw it... And by the way... NapakaProfessional niyang
magtrabaho..."
"You
get my point Ma... Mas maganda talaga kung si Chai ang gumawa ng
compilataion..."
"
And I already promised na naman to you that i'll be serious na talaga sa
trabaho..."
"Much
Better... It's for your own good naman anak..."
"You're
such a lucky person Benedict... Hindi mo dinanas ang pinagdaanang hirap namin
ng sumalangit mong Ama..." Ang pagsisimula ng pangangaral ni Mrs. Chavez
sa anak.
"Blah...
blah... blah..."
"Nakikinig
ka ba Benedict???"
"Blah...
blah... blah..." Ang sunod-sunod na rachada ni Mrs. Chavez sa anak.
Halos
mapurga na ang dalawang tainga nitong si Sir Benedict sa litanya sa kaniya ng
kaniyang Mommy dahil paulit-ulit na lang ang lagi nitong pag-papaalala sa
kaniya na napakaSuwerte niya't lumaki siyang may SilverSpoon sa mouth at hindi na
niya naExperience ang mga hardship ng kaniyang Parents bago nila narating ang
current status nila Financially.
Maagang
naulila sa Ama itong si Benedict at ang tanging nagtaguyod na lamang sa kaniya
ay ang kaniyang Mommy sa tulong ng kaniyang mga Grand Parents on both sides.
Nagbunga naman ang pagsusumikap at pagtitiyaga ni Mrs. Chavez sa buhay dahil
from the lowest position nito nang makapasok sa Shu Eumura Philippines ay unti-unting
na promote siya hanggang sa marating nga
niya at magkaroon siya ng established na position sa nasabing company.
"And
by the way Benedict..."
"What's
that Ma?"
"You
need to a new saleslady in this branch..."
"Two
is enough Ma... There's no room for another one..."
"I
know... The position of Chai will be Vacant tomorrow since I will make her my
Personal Secretary and Assistant..."
"WHAT???"
Ang gulat na tanong ni Sir Benedict sa kaniyang Mommy.
"You
heard me..."
"Di
ba you already have one... Si Naomi?"
"She's
planning to take a vacation at gusto na nilang magkaBaby ng kaniyang
husband."
"Mommy
naman!!!" Ang naiinis na sambit ni Sir Benedict.
"Naku
matutuwa niyan si Naomi at makakapagbakasyon na siya!" Ang masayang sambit
naman ni Mrs. Chavez while ignoring her Son dahil talaga namang kinukulit na
siya ng kaniyang Secretary na si Naomi kung pupuwede bang makapagbaksyon or
magResign na lamang ito.
Hindi
pumayag si Mrs. Chavez sa request sa kaniya ng kaniyang secretary at binigyan
na lamang niya ito ng Condition na papayagan niya itong magVacation kapag may
nakita na siyang pupuwedeng punan pansamantala ang position nito.
At
ngayon nga'y nakita na ni Mrs. Chavez ang pansamantalang kapalit ni Naomi at
ito'y walang iba kungdi itong si Charito.
"Bahala
na nga po kayo..." Ang talunang sambit na lamang ni Sir Benedict sa
kaniyang patawa-tawang Mommy.
Alam
ni Mrs. Chavez na uutus-utusan lang ng kanyang anak itong si Charito upang
gawin ang trabaho nito at hindi talaga niya mapapayagang mangyari ito.
"Ang
tagal namang bumalik ni Chai..." Ang sambit ni Mrs.Chavez nang mapansin
niyang hindi pa bumabalik si Charito galing Burger King.
"I'll
text her..." Ang upset na nasambit naman nitong si Sir Benedict sa
kaniyang Mommy.
Hindi
nga nagkamali itong si Mrs. Chavez sa kaniyang ginawang decision at talaga
namang ikinaUpset iyon ni Sir Benedict.
Ang
akala talaga ni Sir Benedict ay magiging petiks na siya habang nasa SM San
Lazaro siya't makakapaglakwatsa na siya dahil ipapagawa niya ang lahat ng
kaniyang trabaho kay Charito.
********************************
Halos
hindi maipinta ang mukha ni Charito kinagabihan dahil sa sobrang saya niya nang
ipaalam sa kaniya ni Mrs. Chavez na gagawin siya nitong Personal Assistant and
Secretary for two months na kaniya namang sinungGaban kaagad-agad.
Lalo
pang napangisi itong si Charito habang nakahiga siya sa kaniyang kama nang muli
niyang inalala ang pagbabayad sa kaniya kanina ni Sir Benedict. Iniabot ni Sir
Benedict ang P1,500.00 na napagkasunduan nilang kabayaran para sa ginawa niyang
Data Encoding at Compilation ng Sales Reports kanina bago siya umuwi.
"Ano
ka ngayon Kalbo?!" Ang masayang nasambit ni Charito habang tinitignan niya
ang Shirtless na DP ni Sir Benedict sa FB nito sa kaniyang fake na iPhone.
NakikiWifi
lamang itong si Charito sa kanilang kapitbahay at laking gulat talaga ng dalaga
nang maisipan niyang iCheck ang FB niya at talaga namang para siyang
nakaJackPot nang makita niyang hindi nakapagLogOut sa FB itong si Sir Benedict.
Nawala
na sa isip ni Sir Benedict kanina na magLogOut sa FB account nito nang ibinalik
niya kay Charito ang hiniram niyang iPhone dito.
Nag-Enjoy
talaga itong si Charito sa pag-Invade niya sa privacy ng FB ni Sir Benedict at
talaga namang halos sumakit ang tiyan niya sa kakatawa nang mabistong
napakapalikero pala ng kaniyang Boss dahil binasang lahat ni Charito ang mga PM
ni Sir Benedict sa FB at doon niya napag-alamanang maraming nililigawan at
pinapaasa itong si Sir Benedict.
Lalo
pang napangisi itong si Charito nang may biglang pumasok na idea sa kaniyang
isipan at mabilis pa sa alas kuwatrong nagtype siya sa status box ng FB ni Sir
Benedict.
Halos
maduling na sa kakatawa si Charito habang binabasa niya ang nakalagay sa
ipinost niyang status ni Sir Benedict.
'ANG
YABANG-YABANG NG KALBONG ITO! KALA MO MAYAMAN PERO HINDI MAN LANG MARUNONG
MAGLOG-OUT PAG NAKIKIGAMIT NG PHONE PARA MAKAPAG FB!'
"Goodnight
Kalbo..." Ang masaya't malanding sinambit ni Charito habang nakatingin
siya sa Sexy half body na image ni Sir Benedict sa FB nito bago niya tuluyang
ini-Log-Out na ang account ni Sir Benedict at tuluyan nang matulog.
Kung
gaano kasaya ng gabing iyon si Charito'y ganoon din ang sayang nararamdaman
nitong si Sir Benedict habang binabasa niya ang lahat ng PM sa FB ni Charito.
Dahil sa pagiging tense ni Charito sa presence ni Mrs. Chavez ay nawaglit din
sa isipan nitong makapagLog-out sa FB sa laptop ni Sir Benedict. NagFB kasi
itong si Charito nang gumagawa siya kanina ng Sales Report Compilation.
Halos
mabaliw sa kakatawa itong si Sir Benedict habang tinitignan niya ang mga photoshopped
na mga DP ni Charito sa FB nito dahil talaga namang napakalayo ng mga ito sa
kung anong kulay talaga ng balat ni Charito sa personal.
Dito
din nalaman ni Sir Benedict na nakikipagFlirt sa mga handsome at poser sa FB
itong si Charito na saiya namang napakaPoser din.
Humalakhak
talaga ng malakas si Sir Benedict nang mabasa niya ang isang status ni
Charitong nagsasabing nagWeekend vacation ito sa Palawan gayun namang may
trabaho ito sa nasabing date.
Naging
pilyo ang mga ngisi ni Sir Benedict nang biglang may pumasok din na idea sa kaniyang
isipan.
Halos
nakangising ipinost ni Sir Benedict sa status ni Charito sa FB ang kaniyang
naisipang idea at talaga namang para na siyang nakaganti sa mataas na siningil
sa kaniya ni Charito kanina.
Halos
hindi maipinta ang pagmumukha ni Sir Benedict at halos sumakit na ang dalawa
nitong pisngi habang binabasa niya ang status ni Charito sa FB na kaniyang
inilagay.
'BUNTIS
AKO AT DI KO ALAM KUNG KANINO!'
To
Be Continued
bwahahaha... gustong gusto ko tlga ang story mo. always makes me laugh... sana lang maging mas mabilis ang updates dhil talagang nakakabitin...
ReplyDeleteafter kong maPost yung Finale ng 'Ang RnB' magiging regular na ito :)
Deletetnx ponse.., sinusubaybayan ko din ung RnB... tnx for your hard work... wag k sanang magsawa...
Deletemore power to you and to all the writters here at MSOB...
hahahaha ang dami ng tawa ko sa chapter nato...... tnx sa adik na author kasi pinasaya mo ang aking gabi hahahahaha .. kamusta ang byahe? :-)
ReplyDeleteAng ganda naman. I like charitos character.very confident parati.
ReplyDeletevery funny. Inaabangan ko na sya.
ReplyDeleteAng cute talaga ng story n ito kuya ponse naiiba...parang beauty and the beast na baligtad...tnx. Kelan update ng RNB?
ReplyDeleteRandzmesia
Next please
ReplyDeletetawa ako ng tawang mag isa habang binabasa ko ang kwentong to. Ang galing mo Mr author! nakakawala ng stress! God Bless you!
ReplyDeleteBen