Part1 Part2 Part3 Part4
"Good Morning!!!" Ang masayang-masayang
pag-Greet ni Josh nang makita niyang iminulat na ni Wax ang mga mata nito.
Talagang inabangan ni Josh na magising talaga ang kaniyang BestFriend. Hindi
alam ni Josh kung bakit niya gustong abangang magising itong si Wax pero
bigla-bigla na lamang kasing pumasok sa kaniyang isipan na para bang trip
niyang gawin iyon.
Halos kasabay ng masayang pagGreet ni Josh ng Good
Morning ang pagGuhit ng isang matamis na ngiti sa mga labi ng bagong gising na
si Wax.
"OUCH!!!" Ang malakas na naiusal ni Wax nang
biglang sumirit ang matinding pagsakit ng kaniyang ulo.
"Sabi ko na nga ba!!!" Ang hindi mapigilang
maibulalas ng masayang-masayang si Josh sabay pag-alalay niya sa kaniyang kaibigan
upang paupuin ito sa kama.
NapaNgisi lamang si Wax nang maalala niyang nag-inuman
pala sila ni Josh kasama ng mga Classmate nila noong Elementary.
NakaSmile na iniabot ni Josh ang isang Pitcher ng Cold
Water at Baso kay Wax na siya namang kaagad na kinuha ng isa't wala pang ilang
sagli't ay naka-Apat na basong tubig ang nalagok ni Wax dahil sa tindi ng
pagkatuyo ng kaniyang lalamunan.
"Paano tayo naka-uwi?" Ang tanong ni Wax kay
Josh nang maSatisfy na niya ang kaniyang pagka-uhaw.
"Kinarga kita!" Ang proud na sambit naman
agad ni Josh na parang bata.
"Weh?" Ang hindi makapaniwalang tanong ulit
ni Wax.
"Bakit ano bang naalala mo?" Ang nakaSmile na
paghamon ni Josh kay Wax.
Napakunot ng noo si Wax habang inaalala niya kung
naglakad ba sila papauwi kagabi o sumakay ng TriCycle but to his dismay ay ang
kaniya lamang na natatandaan ay ang kaniyang pagsusuka sa tindahan ni Tandang
Sora.
"NagBlack Out ka kaya! HA HA HA!" Ang
natatawang sambit lamang ni Josh kay Wax nang mapansin niya ang nakangusot na
pagmumukha nito.
"Salamat ha!" Ang mahina't nahihiyang reply
naman ni Wax. Hindi siya makatingin sa Cute na mukha ng nakaSmile na si Josh.
"Wala yun! Lam ko namang ganoon din ang gagawin mo
pag-ako naman ang nabangenge!" Ang confident na sinabi naman ni Josh kay
Wax at walang pasabing hinawakan niya ng kaniyang isang kamay ang Shoulder ni
Wax at marahang pinisil ito.
"Mag-ayos ka na't ready na ang Breakfast."
Ang mahinahong sambit ni Josh kay Wax.
Napangiti lang si Wax kay Josh nang magkasalubong ang kanilang paningin.
Tahimik lang na tumango si Wax sa kaibigan dahil para
bang umurong ang kaniyang dila dahil sa nararamdaman niyang parang kuryente mula
sa pagpisil-pisil ng kamay ni Josh sa kaniyang balikat.
Tahimik lang na tinignan ni Wax ang kaniyang BestFriend
nang kinuha muli nito sa kaniya ang hawak niyang Pitcher at Baso. Halos
mag-init muli ang dalawang pisngi ni Wax nang mapako ang kaniyang mga paningin
sa maumbok na puwitan ni Josh habang masayang lumabas na ito sa kwarto.
"FUCK NAMAN!!!" Ang naibulalas ni Wax nang
muli niyang ibagsak ang kaniyang katawan sa kama kasabay nang paglapirot niya
ng pillow sa kaniyang mukha. Hindi talaga niya maipaliwanag pero talagang
aminado si Wax sa kaniyang sariling malakas ang kaniyang Feelings of Attraction
sa kaniyang BestFriend na si Josh.
"Hindi talaga pwede!" Ang muling naisambulat
ni Wax sa kaniyang isip dahil alam niyang malaki ang chances na mag-iba ang kaniyang
pakikitungo kay Josh sakali mang tanggapin niya sa kaniyang sarili na may Gusto
siya sa kaniyang BestFriend.
"Hanggang BestFriend lang! PERIOD!" Ang
makulit na isinermon ni Wax sa kaniyang sarili habang para siyang butiking
paikot-ikot sa ibabaw ng kama. Naalala kasi ni Wax ang pagkakaAkbay sa kaniya
ni Josh at ang kaniyang pagkakadikit sa katawan ng kaibigan kahapon nang
pumasyal sila sa Capaluhan Beach.
Kung gaano kalabis ang pagiging Good ng Morning ni Wax
ay ganoon din ang Level ng pagiging Good ng Morning ni Josh.
Hindi alam ni Josh kung ano bang meron sa kaniyang
kaibigan pero kasing linaw ng sikat ng araw na masaya siyang pagmasdan ang
mukha ni Josh at ang higit sa lahat ay masayang-masaya siya na kasama itong si
Wax.
*********************************
"HINDI KA TALAGA NAG-IISIP JOSHUA!!!"
"EH KUNG MAPAHAMAK KAYO NI WAX!!!"
"ANONG SASABIHIN SA ATIN NI KUMARE!!!"
"PASAWAY KA PA DING BATA KA!!!" Ang
sunod-sunod na sermon ni Aling Myrna kay Josh habang gumagawa sila ng Buko Pie
para sa order sa araw na iyon. Ang akala ni Josh ay tapos na ang panenermon sa
kaniya ng kaniyang Nanay kagabi dahil sa pakikipag-inuman nila ni Wax pero
hindi inakala talaga ni Josh na may Continuation pa pala.
"Hayaan mo sila Wax. Eto tikman mo. Strawberry Jam
lang ang inihalo namin tapos etong isa eh Hinog na mangga at Peach Flavoring lang!"
Ang sambit naman ni Ate Helen kay Wax habang inihahain niya dito ang kanilang
mga naimbentong Pies na ititinda nila sa kanilang bubuksang Store.
"Kumain ka ng mabuti ha at may bisita tayo
ngayon!" Ang hindi mapigilang masabi ni Helen kay Wax habang maganang
kumakain ng Pie itong si Wax.
Walang pakialam si Ate Helen sa bangayan ng kaniyang
Nanay at ni Josh. Matamis ang mga ngiti nitong si Ate Helen habang tinitignan
niya itong si Wax na kumakain at talaga namang proud na proud siya dahil
nagugustuhan ni Wax ang kanilang mga inimbentong Pies.
Katulad ng kaniyang Ate Helen ay para bang walang
naririnig itong si Josh mula sa panenermon ng kaniyang Nanay. Masaya't
sinisipag sa paggawa ng Buko Pie itong si Josh.
Hindi niya maiwasang tignan din ang masayang mukha ni
Wax habang kumakain at kapag nagkakasalubong muli ang paningin nilang dalawa'y
hindi niya pinalalagpas na ngitian ang kaniyang BestFriend.
Aliw na aliw talaga itong si Josh kay Wax. Napapailing
kung minsan si Josh sa tuwing iniisip niya na sayang at hindi niya naaala-ala
ang mga panahong magkasama sila ni Wax noong mga bata pa sila.
Kung gaano kasaya itong si Josh ay ganoon din kataas
ang level ng pagiging Conscious nitong si Wax.
Hindi din niya mapigilang sumimpleng tignan ang
kaniyang BestFriend kaya lamang ay nagtataka itong si Wax at pakiramdam niyang
nararamdaman ni Josh na tinitignan niya ito dahil ilang ulit na siya nitong
nahuhuling tumitinggin.
Hindi din maipaliwanag ni Wax kung bakit siya kinikilig
na parang HighSchool student sa tuwing magkakasalubong sila ng tingin ni Josh
at pagkatapos ay ngingitian siya nito. Pakiramdam ngayon tuloy ni Wax na para
bang lalo pang gwumapo at mas naging charming pa ang smile ng kaniyang
BestFriend.
"Bakit ka ngumingiti?" Ang biglang natanong
ni Ate Helen kay Wax nang mapansin niya ang napakatamis na smile sa mga lips ni
Wax.
Kaagad namang naConscious itong si Wax at medyo slight
na namula ang pisngi dahil hindi talaga niya mapigilang mangiti sa tuwing
titignan niya si Josh. Lalong kinabahan itong si Wax nang makita niyang tumigil
bigla si Josh sa kaniyang ginagawa at tumingin sa kaniya. Gayundin naman si
Aling Myrna na nagbreak muna sa panenermon kay Josh.
Nanliit itong si Wax at biglang namula dahil tahimik na
nakatingin ang tatlo sa kaniya at naghihintay ng kaniyang isasagot kung bakit
siya nakaSmile. Mabilis na nagBrainstorming si Wax that time upang makaisip ng
convincing na alibi.
"Para po kasing nasa Heaven ako dahil sa Sarap ng
Pie n'yo." Ang mabilis na naiusal agad ni Wax na ikinatuwa naman ng
bigtime ni Ate Helen.
Natawa din si Wax sa kaniyang palusot. Alam ni Wax na
katotohanan ang kaniyang sinabi dahil pakiramdam niya'y nasa Heaven siya at in
the middle of day dreaming habang nakatingin siya kay Wax at ang second niyang
sinabing talagang masarap ang Pies na pinatikim sa kaniya.
"Naku Nay! Josh! Excited na akong simulan ang
store natin!" Ang masayang sambit ni Ate Helen dahil sa positive feedback
na sinabi ni Wax.
"Saan ka excited Mare?" Ang biglang singit ng
boses ng isang babae na ikinagulat ng lahat.
"Kapitana!" Ang masayang bati ni Aling Myrna kay
Banessa.
"Mare! Nandyan ka na pala!" Ang masyang
sambit naman ni Ate Helen.
"Ang bastos mo naman! Basta-basta ka na lang pumapasok
sa bahay ng may bahay!" Ang snobbish na sinabi naman ni Josh kay Banessa.
"Excuse me Josh! Si Queen Mother mo ang nagsabi na
pwede akong pumasok anytime!" Ang sagot naman ni Banessa kay Josh. Para na
din kasing anak ang turing ni Aling Myrna kay Banessa at kaibigan din ito ni
Helen.
"Umayos ka nga!" Ang saway naman ni Ate Helen
kay Josh.
Clueless na clueless naman ang nakaupo sa mesang si Wax
sa biglaang pangyayari. Nakita na niya sa wakas itong magandang si Banessa kaya
lang ay hindi niya maiwasang magtaka kung bakit napakaHostile ng kaniyang
BestFriend dito.
"Ikaw na ba yan Joaquin?" Ang biglang sambit
naman ni Banessa nang mapansin niya ang lalaking nakasalamin na tahimik na
nakaupo sa mesa sa kusina. Tahimik lang
na tumungo si Wax kay Banessa. Medyo kasi naConscious si Wax dahil sa sobrang
ganda ni Banessa.
"JOAQUIN!!! AMISHU!!!" Ang malakas at nakakabinging
tili ni Banessa kasabay ng paglapit niya kay Wax at pag-upo sa bakanteng upuan na
nasa sa tabi ng kinauupuan ni Wax.
Kaagad-agad na namula ang buong mukha ni Wax dahil
bigla siyang niyakap ni Banessa. Ganoon ang normal na reaction ni Wax sa mga
babae lalo na't napakaganda't napakaSexy ng mga ito.
"GRABEH! ANG GWAPO-GWAPO MO NA! ADD MO AKO SA
FB!" Ang malanding sambit ni Banessa kay Wax na siyang ikinatawa ng
mag-inang Aling Myrna't Helen.
"ANG LANDI-LANDI MO TALAGA! UMAYOS KA NGA
DYAN!" Ang galit na sinambit ni Josh nang makita niyang parang Anacondang
pumulupot si Banessa sa kaniyang BestFriend.
"BAKET!? NAGSESELOS KA BA?!" Ang straight to
the point na biglang sinagot ni Banessa kay Josh. Lalo pa niyang hinigpitan ang
pagkakalingkis niya sa isang braso ni Wax. Bigla namang namula ng matindi ang
buong mukha ni Josh sa sinabi ni Banessa.
"FOR YOUR INFORMATION JOSH! BESTFRIEND MO LANG
SIYA! HINDI MO NAMAN SIYA BOYFRIEND KAYA FREE SI JOAQUIN!" Ang sunod na
sinabi agad ni Banessa sa natamemeng si Josh.
"AY! Wait lang Joaquin. Baka naman taken ka na at
magalit sa akin ang syota mo! May GirlFriend ka na ba?" Ang pagapatuloy na
sinambit ni Banessa. Ninenerbiyos na umiling na lamang si Wax na siya namang
wagas na ikinatuwa ni Banessa.
"SINGLE DIN AKO!" Ang malakas at malanding
sambit ni Banessa sabay biglang yakap niya ulit kay Wax. Hindi na nakatiis
itong si Josh kaya nama'y lumapit ito sa dalawa't galit na galit na inialis ang
pagkakalingkis ni Banessa kay Wax.
"Ano ka ba Josh?! Joke lang yun! Hindi ko aagawin
si Wax sa'yo! Taken na kaya ako!" Ang explain agad ni Banessa kay Josh.
Lalong lumaki ang question mark na nasa mukha nitong si Wax habang tahimik
niyang pinagmamasdan na pinanlilisikan ng mata ni Josh si Banessa.
"Talaga Mare?" Ang tanong naman agad ni Ate
Helen kay Banessa.
"AY MARE GRABEH!" Ang sagot naman ni Banessa
at wala pang ilang seconds ay hinila na agad ni Ate Helen itong si Banessa
upang makipagChikahan. Iiling-iling lang si Josh habang pinagmamasdan ang mabilis
na pag-alis ng kaniyang ate at ni Banessa sa kusina.
"Bakit galit na galit ka doon sa babae este kay
Banessa?" Ang hindi mapigilang maitanong ni Wax sa kaniyang BestFriend.
"Natatandaan mo pa ba noon ang isa nating
Classmate noong Elementary? Si Bryan." Ang balik tanong ni Josh kay Wax.
"Hay naku Wax! Ako na ang magkukuwento sa'yo kung
bakit parang aso't pusa yang dalawang iyan! Ikukuwento ko sa'yo ng
buong-buo." Ang mabilis na sabat naman ni Aling Myrna na siyang ikinaPanic
ni Josh.
Halos mangliit itong si Josh habang detalyadong
ikinuwento ni Aling Myrna kay Josh ang nangyaring pagtae niya sa salawal noong
grade four at ang aksidenteng pagkakaDiscover ni Bryan dito. Halos lumaki ang
dalawang mata ni Wax nang ipaalam ni Aling Myrna na ang Banessang yumakap-yakap
sa kaniya kanina'y si Bryan.
Biglang natawa si Wax dahil sa sinabing iyon ni Aling
Myrna. Lalo pang natawa si Wax nang malaman niyang hindi pa din pala
mapatawad-tawad ni Josh ang ginawang pangbubuking sa kaniya ni Bryan aka Banessa
noong mga bata pa sila.
*********************************
"May dumi ba ako sa mukha?" Ang malanding
tanong ni Banessa kay Wax nang mahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Doon na
nananghalian si Banessa sa Bahay nina Josh.
"Wa-wala naman po Kapitana." Ang naihiyang
sambit ni Wax. Hindi talaga makapaniwala si Wax na lalaki pala noon si Banessa.
"Just call me Banessa. Baka naman may Gusto ka sa
akin?" Ang sunod na panunukso ni Banessa kay Wax na ikinapula naman agad
ng mukha ng isa.
"Huwag kang magmaganda!" Ang masungit namang
sinambit ni Josh kay Banessa. Inirapan lamang siya ni Banessa.
"Well anyways. I'm happy to see you again Joaquin
este Wax. Ano ba yan napunta lang sa Manila't naging sosyal na ang name!"
Ang sunod-sunod na sambit ni Banessa sa lahat sa mesa.
"Pwede ka bang maging Consorte ng isa sa mga Reyna
ko sa Santa Cruzan at kumanta sa palabas natin sa Fiesta?" Ang tanong ni
Banessa kay Wax na ikinabigla naman ng isa. Naikuwento na kasi ni Ate Helen kay
Banessa na singer si Wax. Tahimik lang na nakikinig si Josh.
"Ang BestFriend mo eh ang Escort na ng Reyna Elena
kaya mas masaya kung sasali ka. Ano payag ka na?!" Ang sunod na sinambit
ni Banessa.
"Oist Kapitana! Hindi nyo pa ako tinatanong!"
Ang usal naman ni Josh.
"Pumayag na ang nanay at ang ate mo kaya tapos na
ang usapan!" Ang maikling sagot lamang ni Banessa kay Josh. Hindi naman makatingin
sina Aling Myrna at Ate Helen ng direcho nang tignan sila ng masama ni Josh.
"Don't worry Josh! Babae ang Reyna Elena natin
ngayon. Galing sa ibang Baranggay!" Ang habol naman ni Banessa sa masungit
na si Josh.
Ipinaalam ni Banessa kay Wax na dahil medyo nakukulangan
ng magagandang Dalaga ang kaniyang Santa Cruzan ay may isinasali siyang mga kagaya
niyang TranSexual. NagPromise naman din si Banessa na sa babae niya ipaPartner
si Wax pero sinabihan siya ni Wax na hindi niya minamasa kung maPartner man siya
sa isang TranSexual. Ang tanging concern lang ni Wax ay wala siyang isusuot kapag
nagConsorte siya.
"AY WALANG PROBLEMA! Madami tayo nyan sa bahay!
Mga bago pang deliver galing kay Mayor na nasa Baranggay Hall ngayon!" Ang
masayang sambit ni Banessa dahil natuwa siyang hindi nangdiDiscriminate itong
si Wax ng mga Transexuals.
"PAYAG KA NA HA! WALANG BAWIAN YAN!" Ang
malanding sambit at pagkoConfirm ni Banessa kay Wax. Masayang tumungo lang si
Wax kay Banessa.
Masaya si Wax at pareho sila nitong si Josh na
magkoConsorte at nang aksidenteng mapatingin siya kay Josh ay laking gulat niya
dahil nakaBusangot ito. Napansin naman agad ito ni Banessa.
"Huwag mong pansinin yang BestFriend mo! Galit yan
sa Bakla!" Ang sambit naman ni Banessa kay Wax. Walang kibo naman itong si
Josh at nanatiling nakabusangot pa rin ang pagmuMukha nito.
Nginitian na lamang ni Wax ng bahagya itong si Josh
upang ikubli sa lahat ang kaniyang malaking pagkadismaya mula sa narinig niya
from Banessa na ugali ng kaniyang BestFriend.
*********************************
Ipinagpaalam muna ni Banessa itong sina Josh at Wax kay
Aling Myrna na kung pupuwedeng isama ang mga ito sa kanilang Baranggay Hall
dahil nandoon ang mga bagong Barong Tagalog at ilang mga slacks na nangGaling
mula sa Munispyo.
Kilala ang paSanta Cruzan ni Banessa sa buong Calauag
kaya nama'y malaki ang pagSuporta ng kanilang Mayor dito tuwing nagpiFiesta.
Matapos na makapili ang dalawang magkaibigan ng Barong
Tagalog at naipili na din sila ng babagay na Slacks ni Banessa para sa kanilang
Barong Tagalog ay niyaya sila ng kanilang Baranggay Captain na magHalo-halo sa
Plaza.
"Ewan ko ba dyan sa BestFriend mo at galit na galit
sa akin! Nagulat lang naman talaga ako't amoy tae siya noong nakasalubong ko!"
Ang natatawang explain ni Banessa kay Wax habang kumakain sila ng halo-halo. Tahimik
pa ding inuupakan ni Josh ang pangalawang baso niya ng Halo-halo.
"Actually Frenemies kami ni Josh. Kung talagang
galit yan sa akin eh hindi nya kakainin yang halo-halong treat ko!" Ang
sunod namang inExplain ni Banessa kay Wax.
"Magtigil ka nga! NaTrauma kaya ako!" Ang
mabangis na sambit naman ni Josh kay Banessa.
Nangingiti na lamang si Wax habang masaya niyang
pinapanood ang pagpapalitan ng asaran ng Dalawa.
"Don't forget ha! After ng Fireworks at the end of
the procession eh may Night Swimming tayong magkakaClasmate sa Capaluhan Beach
ha!" Ang habilin ni Banessa kina Wax and Josh bago sila maghiwa-hiwalay.
"Wow! Exciting yun Cap!" Ang masayang sambit
ni Wax kay Banessa. Tahimik na tinunguhan lang siya ni Josh sabay akbay nito
kay Wax at akay dito papaalis.
Tahimik na tinignan lang ni Banessa ang naglalakad
niyang magBestFriend na Classmate.
"Hmmm..." Ang nasambit na lamang ni Banessa
sa kaniyang sarili dahil may naaamoy siyang slight na malansa kay Josh.
*********************************
Lumipas ang mga araw at naging lalo pang close na close
sina Josh at Wax sa isa't-isa.
Lalong nag-enjoy sa kaniyang pagStay sa Calauag itong
si Wax at wala siyang sinayang na mga pagkakataon na laging kasama ang kaniyang
BestFriend na si Josh.
Naging masaya din ang bawat umaga habang tinutulungan
niya sa paggawa ng Buko Pie sina Aling Myrna.
Sa pagsapit naman ng Hapo'y sumasama sina Ate Helen,
Josh at Wax sa kanilang mga kaBaranggay upang tumulong magDekorasyon para sa
darating na Fiesta't paSanta Cruzan ni Banessa.
Nawaglit na sa isipan ni Wax ang kaniyang Band at ang
kanilang nalalapit na pag-aAbroad dahil habang papalapit na ng papalapit ang
Santa Cruzan ay paBusy ng paBusy ang buong Baranggay hanggang sa pagdating ng
Bisperas ng Fiesta.
"Oist eto na ang iyong Reyna Elena! Josh meet
Nhinzy! Tourism student sya. Taga kabilang Baranggay! Huwag kang mag-alala at
tunay na babae yan!" Ang mataray na sambit ni Banessa kay Josh nang isang
hapon ay pinuntahan niya ang pagdedecorate ng mga tao sa mga Arc sa procession.
Timing din naman na nadoon sina Ate Helen at ang magBestFriend.
Halos mamula naman itong si Nhinzy nang kamayan siya ni
Josh. Hindi pinahalata ni Josh sa kaniyang magiging Partner na iniinspect niya
ito kung tunay nga itong babae.
"Eto naman ang iyong Reyna Justicia. Wax, this is
Jai Cyrus. Little sister ni Nhinzy!" Ang sambit naman ni Banessa kay Wax
nang ipinakilala niya dito ang magiging partner nito.
Same lang ang reaction ni Jai Cyrus sa kaniyang kapatid
nang kinamayan siya ni Wax.
"Get to know each other para comfy kayo sa
Prusisyon! UMAYOS KAYO!" Ang masungit na bilin ni Banessa sa kaniyang mga
Reyna sa Santa Cruzan.
Halos umulan ng magaganda noong kinahapunang iyon dahil
isinama ni Banessa ang kaniyang mga Girls sa Santa Cruzan upang tumulong na din
sa pagdeDecorate.
Nanlaki talaga ang mga mata nina Wax and Josh nang
masilayan nila ang mixed gender na mga Reyna sa Santa Cruzan. Hindi talaga nila
maDistinguish kung sino ang tunay na Girl at Transexual.
Natapos ang hapong iyon sa pagpapaMerienda ni Aling
Myrna sa lahat ng mga taong tumulong ng kanilang ginawang Buko Pie. Every Bisperas
ng paSanta Cruzan ay panata na ni Aling Myrna na magpaMerienda sa mga taong
tumutulong sa pag-aayos sa Plaza't simbahan.
Kahit na ipinapakita ni Josh kay Banessa ang kaniyang
pagka-KJ ay hindi nito maiwasang maging parang bata dahil sa masayang
atmosphere of excitement ng buong Baranggay.
Matapos umAttend sina Aling Myrna, Ate Helen, Josh and
Wax ng panghuling Evening Novena Mass ay naglalakd-lakad muna silang apat sa
Plaza upang pagmasdan ang mga dekorasyon at ang pagbababa ng mga maraming inOrder
na mga Bulaklak ni Banessa para bukas.
Hindi tinanggal ni Josh ang kaniyang pagkakaAkbay sa
kaniyang bestFriend na si Wax. Masayang-masaya itong si Josh at hindi niya
mapigilang pisil-pisilin ang balikat ni Wax.
Tahimik lamang na nakangiti si Wax habang naglalakad
silang apat sa Plaza. Hindi maExpress ni Wax ang kaniyang kasiyahan dahil sa
ginagawa sa kaniya ni Josh that time ngunit hindi din maiwasang pumasok sa isip
ni Wax ang sinabi ni Banessang galit sa bakla ang kaniyang BestFriend na si
Josh.
*********************************
"ANG GWAGWAPO NYO!" ANg proud na proud na
sinambit ng mag-inang Aling Myrna't Ate Helen nang bumaba na sina Josh at Wax.
Bihis na bihis na ang mga ito at Reading-Ready na sa Santa Cruzan.
"Picture picture muna tayo!" Ang masayang pagyaya
ni Ate Helen kina Wax at Josh.
"Last na lang! Umayos kayong dalawa! 1... 2...
3... SMILE..." Ang sambit ni Ate Helen nang kinunan niya ng Picture sina
Wax at Josh.
"Patingin!" Ang excited na sinambit ni Josh
sabay kuha niya ng DigiCam sa kaniyang Ate Helen. Kaagad niyang hinila sa
kaniyang tabi si Wax at inakbayan at nagShare silang dalawang tignan ang kuhang
picture sa kanila ni Ate Helen.
Parehong nakaSmile sina Wax at Josh dahil satisfied na
satisfied sila at maganda ang pagkakakuha sa kanila ni Ate Helen.
"Ang Gwapo talaga natin Tol!" Ang proud na
proud na sinabi ni Josh kay Wax habang nasa harapan siya ng salamin at walang
sawa niyang inaayos ang kaniyang suot-suot na barong tagalog. Napangiti lang si
Wax sa sinabi ni Josh habang iniuukit niya sa kaniyang isipan ang masayang larawan
nilang magBestFriend.
"MADALI KAYO'T BAKA MAHULI TAYO!" Ang malakas
at excited na bulyaw ni Aling Myrna sa tatlo habang nauna na siyang lumabas ng
bahay.
*********************************
Hindi na namalayan ni Wax na naging mahaba ang kanilang
naging Procession dahil aliw na aliw siya't iyon ang first time niyang makasali
sa Santa Cruzan.
Mahigit isang oras din ang itinagal ng Procession at
nang makabalik na muli sila sa Plaza'y kaagad na iniwan ni Josh ang kaniyang
Reyna Elena upang puntahan si Wax.
Mamanghang-mangha talaga si Wax nang nagbigay ng Speech
itong si Banessa upang magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kaniyang
paSanta Cruzan. Kung hindi mo kilala itong si Banessa'y hindi mo talaga ito
mapapagkamalang operada dahil napaganda't sexy ng suot-suot nito.
"Thank you din sa ating Mahal na Mayor! Palakpakan
po natin siya!" Ang pagtatapos ng speech ni Banessa kasabay ng malalakas
na putukan at pagkislap ng makukulay na liwanag sa kalangitan.
Katulad ng ibang mga tao'y napatingala sina Josh at
Wax. Hindi napigilang akbayan ni Josh si Wax at habang ineEnjoy nila ang
pagtingin sa mga nagsasayaw na mga FireWorks sa kalangitan na courtesy ng
kanilang Mayor ay lalong humigpit ang pagkaka-akbay ni Josh sa kaniyang
BestFriend.
Katulad ng malilikot na pagkislap at sunod-sunod na
pagsabog ng mga Fireworks sa kalangitan ng Calauag ay ganoon din ang pagsasayaw
ng damdamin sa puso ni Wax ng mga sandaling iyon. Halos sumakit ang kaniyang
dalawang cheeks dahil sa labis at wagas niyang pagSmile dahil napakasaya talaga
niya at that moment.
Masaya siyang kasama't kapiling niya si Josh sa mga
sandaling iyon. Wala na siyang nanaisin pang ano pa man.
Ipinikit ni Wax ang kaniyang mga mata't nagWish na
sana'y hindi na matapos ang gabing iyon.
*********************************
"HABULIN NYO KO!!!" Ang malanding sambit ni
Banessa sa mga lalaki niyang Classmate kasabay ng pagtakbo niya ng mabilis
papuntang dagat. Nagtawanan lang ang lahat dahil wala ni isa man sa kanila o
kahit anino lamang ng alimango ang humabol kay Banessa.
Nagbihis lang sina Josh at Wax pagka-uwi nila matapos
ang Santa Cruzan at nagpaalam sila kina Aling Myrna at Ate Helen na may night
swimming silang magkakaClasmate. Ilang minutong hinabilinan ni Aling Myrna si
Josh na huwag pababayaan si Wax. NagPromise naman itong si Josh sa kaniyang
Nanay at Ate na aalagaan niyang mabuti at babantayan si Wax.
"MGA KJ TALAGA KAYO!!! MAGDAMAG NA LANG BA KAYONG
TITINGIN DYAN SA BONFIRE!!! KAYA NGA TAYO NAGPUNTA DITO EH PARA MAGSWIMMING!!!"
Ang tili ni Banessa sa kaniyang mga classmate.
Naka Two-Piece swimsuit ito at sa malayo'y makakapagkamalang itong si
Anne Curtis na Six Footer.
Pasimpleng tinitignan ni Wax kanina kung talagang
operada itong si Banessa dahil hindi talaga siya makapaniwala. Sa bandang
huli'y sumuko na itong si Wax nang wala siyang makitang bakas ng bukol sa suot
na bikini ng Classmate nila.
"TARA DOON TAYO SA MALALIM!" Ang masayang
yaya ni Josh kay Wax dahil kanina pa sila na nasa mababaw na parte ng Capaluhan
beach.
"Hindi ako marunong lumangoy!" Ang natatawang
sambit lamang ni Wax sa kaniyang BestFriend.
"Tuturuan kita! Trust me." Ang masaya namang
reply ni Josh sabay hawak niya sa isang kamay ni Wax at malakas niyang hinila
ito papunta sa malalim na bahagi ng Capaluhan Beach. Gustuhin mang tumangi ni
Wax ay hindi niya ito nagawa dahil sa pangungulit sa kaniya ni Josh.
"UMAYOS KA NGA JOSH!" Ang saway ni Banessa
kay Josh nang makita niyang papalayo na ang dalawa sa grupo at takot na takot
si Wax.
"LECHE!" Ang malakas na sigaw lamang ni Josh
kay Banessa.
"Humawak kang mabuti ha!" Ang masayang sambit
ni Josh sa takot na takot na si Wax. Halos pigain na ni Wax ang maskulado't
well-formed na torso ng kaniyang BestFriend sa kaniyang pagkakayakap.
Hindi mabura-bura ang Smile ni Josh habang lumalangoy
siya sa malalim na part ng dagat.
"Balik na tayo please..." Ang pakiusap ni Wax
sa kaniyang kaibigan.
"Mga 5 minutes..." Ang makulit na sambit lang
ni Joshua at talaga namang aliw na aliw siya kay Wax.
Walang pasabing lumakas bigla ang hangin kasabay ng
paghampas sa kanilang dalawa ng isang malakas na alon na siyang naging dahilan
upang dumulas ang pagkakayakap ni Wax kay Joshua.
"Sige na please... Nangangalay na ako.. Please...
JOSH!!!" Ang naibulalas bigla ni Wax kay Josh habang nagmamakaawa siyang bumalik
na sila sa dalampasigan ngunit hindi sinassadyang nakabitiw si Wax kay Josh.
"WAAAAX!!!" Ang sigaw naman ni Josh nang maramdaman
niyang nakabitiw sa kaniya si Josh.
"EEEEHHHHH!!!" Ang sigaw ni Banessa nang
marinig niya ang sigaw ng dalawa at makita niyang mag-isa na lamang sa dagat si
Josh.
"PUNTAHAN NYO SILA DALI!!!" Ang tili muli ng
nagpaPanic na si Banessa sa kaniyang mga Classmate na kaagad namang mabilis na
lumangoy papunta sa kinaroroonan nina Josh.
Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ni Josh ay
sumisid siyang bigla at wala siyang inaksayang sandali upang hanapin si Wax...
Kahit na anong klaseng pagkampay ng kamay at pagsipa ni
Wax ng kaniyang mga binti ay tila ba walang epekto dahil patuloy siyang
lumulubog...
Nabalot ng pagkatakot ang buong katawan ni Wax dahil
nararamdaman niyang palalim na ng palalim ang kaniyang paglubog at pagkatapos
ay naibuga niyang bigla ang naipon niyang hangin sa kaniyang dibdib...
"LORD..." Ang isip-isp ni Wax nang mga
sandaling iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa ngunit bigla niyang naramdaman
ang dalawang maskulado't malalakas na mga bisig na biglang yumakap sa kaniyang
katawan at iniangat siya paibabaw.
"GWUAARRKKK..." Ang naririnig lamang ni Josh kay
Wax habang yakap-yakap niya ito. Isinusuka ni Wax ang nalagok niyang tubig
dagat nang kinapos siya ng hininga.
"Sorry Wax... Sorry talaga..." Ang sunod-sunod
na nasambit lamang ni Josh sa kaniyang BestFriend. Takot na takot pa din silang
dalawa sa mga sandaling iyon.
"ANDITO KAMI!!!" Ang malakas na sigaw ni Josh
sa kaniyang mga Classmates na hinahanap din si Wax. Nang marinig nila ang
pagtawag ni Josh ay kaagad namang pinuntahan nila ang mga ito.
Umiyak na ng tuluyan itong si Wax dahil sa sobrang
pagkatakot niya.
"Sorry talaga..." Ang mahinang sambit ni Josh
sabay yakap niyang muli ng mahigpit sa katawan ni Wax at pagbibigay ng isang
Smack sa lips nito. Ang akala talaga ni Josh ay tuluyang malulunod na ang
kaniyang BestFriend na si Wax.
*********************************
Nakiusap si Josh sa kaniyang mga Classmate na huwag na
sanang may iba pang makaka-alam sa nangyari at nanghingi siya ng paumanhin sa
lahat.
"Baka naman pupuwede mo kaming maihatid
Bentong." Ang pakiusap niya sa kaniyang Classmate na TriCycle Driver.
"Tara!" Ang mabilis na reply naman ni Bentong
kay Josh. Lahat ay Shock pa din sa pangyayari.
Inakbayan ni Josh papunta sa Tricycle ni Bentong.
Tahimik lang na humihikbing parang bata si Wax ng mga samdaling iyon. Kahit ang
loud na si Banessa'y walang masabi dahil sa pagkagulat.
Hindi nag-iimikan sina Josh at Wax habang sakay sila ng
TriCycle ni Bentong hanggang sa maihatid na sila nito sa bahay.
*********************************
Pagkauwing-pagkauwi ay tahimik lang nag-anlaw ng
katawan ang dalawa at nagpalit ng tuyong damit at pagkatapos ay niyaya ni Josh
si Wax na tumambay muna sa kanilang bubungan.
Tahimik lamang na nakaupo sa bubong ng bahay sina Josh
at Wax. Sariwang-sariwa pa sa kanila ang pangyayari kanina sa Capaluhan Beach.
"Sorry Talaga..." Ang mahinang nasambit
lamang ni Josh kay Wax. Talagang pinapatay siya ng kaniyang konsensya sa mga
sandaling iyon.
"Salamat..." Ang sagot lamang ni Wax kay
Josh.
"Ha???" Ang nagtatakang biglang tanong ni
Josh sa kaniyang BestFriend. Lalo pa siyang nagtaka nang makita niyang
nakaSmile ito sa kaniya.
"Kung hindi mo ako sinagip eh deadbol na
ako..."
"At siguradong DeadBol ka sa nanay mo!" Ang
mahinang sambit ni Wax sa kaniyang nagtatakang BestFriend.
"Natakot talaga ako..." Ang reply naman ni
Josh. Tahimik lamang na tinignan siya ni Wax.
"Kala ko mawawala ka na sa akin..." Ang
pagtatapos ni Josh na siya namang ikinagulat ni Wax.
Napakabilis ng mga pangyayari at naramdaman na lamang
ni Wax na inakbayan siya ni Josh...
Walang inaksayang sandali si Josh at kaagad niyang
inilapat ang kaniyang lips sa lips ni Wax...
Ipinikit ni Wax ang kaniyang mga mata...
Halos tumigil ang pagtakbo ng oras sa pagitan ng dalawa
nang naglapat ang kanilang mga malalambot na labi...
"Bakit?" Ang nagtatakang tanong ni Josh kay
Wax nang biglang kumalas ito sa kanilang pagkiKiss. Lalong nagtaka si Josh nang
biglang takpan ni Wax ang kaniyang mouth gamit ang isa niyang kamay at
nanlalaki ang dalawa nitong mata.
"Ipinasok mo kasi ang Dila mo!" Ang
natatawang explain lang ni Wax. Napatawa din si Josh sa sinabi ng kaniyang
bestfriend.
"Teka sagutin ko lang." Ang biglang naiusal
ni Wax nang magRing bigla ang kaniyang iPhone na nasa kaniyang bulsa.
"Oist! Musta?" Ang masayang sagot ni Wax sa
kabilang linya. Tumawag sa kaniya ang kanilang drummer na si Dennis.
"Dre, Tumawag yung may-ari ng Agency at nagRequest
na tumugtog tayo. Sabi ko may pinuntahan kang malayo kaso mapilit at okay lang
daw dahil may kakilala siyang singer na pwedeng magSub muna sa'yo." Ang
sunod-sunod na sinabi ni Dennis.
"Ganun ba? Kailan ba yan?" Ang tanong ni Wax
kay Dennis.
"Bukas. Fiesta kasi sa kanila kaya nangangailangan
ng Band." Ang explain naman ni Dennis. Laking pasasalamat naman ni Wax at
hindi na siya kinakailangan ng Band niya.
"Ingat na lang kayo. Balitaan nyo ako." Ang
pagtatapos ni Wax over the phone.
"Drummer namin." Ang explain ni Wax kay Josh.
"San na ba tayo?" Ang nakangiting pilyong
tanong ni Wax na ikinangiti naman ng
wagas na wagas ni Josh.
Wala na silang inaksayang sandali't itinuloy na nila agad
ang kanilang matamis na paghahalikan kasabay ng pagbuhos ng labis na kaligayan sa
kanilang mga puso...
And this time ay hindi na nabigla si Wax nang ipasok
ulit ni Josh ang kaniyang Tongue sa loob ng kaniyang mouth...
Embeded music comes from Nikki Valdez's
ReplyDeleteMERON Ba?
Thank you po sa walang sawang pagsama ninyo sa inyong kuya Josh and kuya Wax :)))
Nangangahalati na tayo sa ating Kwento :)))
GoodEvening Po Senyong lahat :))) Take Care everyone :)))
Ayeeeeee kinilig talaga ako sa last part hahahaha parang highschool lang din hahahahaha
ReplyDeleteNaman kuya PjBerdz :))) hahaha :))) Tenchu po sa pagbasa'y pagComment :))) Teke Care palage :)))
DeletePonse... Thanks sa update (^_^) sana hindi matagalan ang next chapter :-)
ReplyDeleteThank you din po Kuya Richie sa pagsama kina kuya Josh at kuya Wax palage :))) See you after three days ulit :))) TC Palage :)))
DeleteKilig much..
ReplyDeleteYaan naman po kasi ang gusto nyo kuya Uno :))) hahaha! Tenchu po sa pagbasa't pag-iwan ng Comment :))) Take Care :)))
DeleteWow grabe ka ALPOnse di ko un ineexpect na ngaun na pala ang big revelation ha. Umiiba ka na ng style ha ayaw na talaga pahulaan ang susunod na mangyayari. Tipong abangan ang susunod na kabanata ang peg.
ReplyDeleteIn fairness din naramdaman ko ung eksenang nalunod. Whew! And the kissing scene wow intense. Saludo ako sayo kuya ponseng adik hehehe
Hindi pa po yaan ang revelation Mr.Stan :))) Hahaha! Take care palage and Regards senyong Pamili Mr.Stan :))) HUGZ :)))
DeleteWaaaaaaaah. Ambilis naman ng mga pangyayari!!!! Pero gusto ko yun :))
ReplyDelete-- gavi :)
Mabilis ba kuya Gavi :))) Nasa kalagitnaan na tayo :))) hahaha :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) Take care palage :)))
Deletehahaha...cute tlg ng kwento,,very light ..pero kilig
ReplyDeleteGanyan po talaga si Ponse :))) mababaw lang magkwento :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment Kuya MarkXander :))) Take Care :)))
Deleteweee!! kinikilig ako sobra kuya Ponse! ikaw na ang adik pero hindi maitatangging may natatanging galing two thumbs up to you
ReplyDelete--arthur--
Hindi po ako magaling kuya Arthur :))) Adik po ako :))) See you po sa next installment :)))
DeleteExcited na para sa susunod na chapter.very funny.
ReplyDeleteSee you po kuyang Anon after three days :))) Salamuch po sa pagabasa't pagComment :))) TC palage :)))
DeleteLagay po kayo ng name next time para masaya po sa Finale ng 'Ang RnB' :)))
ang ganda ng story next n poh please hehehehe
ReplyDeleteAfter 3 days mr.Vhin :))) Promise :)))
DeleteGanda na ng kwento ... sunod n po pls.
ReplyDelete-mitch
After 3 days po :))) Mr.Mitch :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) TC palage :)))
DeleteNice story..thanks!
ReplyDeleteRandz of QC
Salamuch din po kuya Randz :))) Para po senyong lahat yaan :))) TC po palage :)))
Deleteang ganda pero nakakakilig sarap ma inlove
ReplyDeleteMasarap po talagang maInlove kuyng anon :))) tenchu po sa pagsama po ninyo kina kuya Josh at kuya Wax :))) TC palage :)))
DeleteWeeeeew sobrang kakakilig ng mgaeksena...sarap lng..wahaahah
ReplyDeleteWagas na wagas ka kuya JMFab sa weew :))) Hahaha! See you after 3 days :)))
DeleteXempre galing kxe weh..sigh! Cant wait to read the next chapter....sana mapaaga ang nxt chptr..hehehehe
Deletenahdidilaan pa oh! dami kong tawa dun manong! nice one!
ReplyDeletesyempre naman :))) To Makki :))) French kiss kung french kiss :))) hahaha!
DeleteAww nabibilisan ako ngayon sa turn of events though ang sweet :)
ReplyDeleteOne week ang time frame nyaan Mr.LoveDoctor... Nilagyan ko ng bracket na...
Delete********
Lumipas ang mga araw...
Hanggang sa dumating ang bisperas ng paSanta Cruzan...
********
And nagkaAmnesia lang si Josh... Nawala sa memory nyaa si Wax but yung feelings inside his heart na bestfriend and close sila nung mga bata pa sila hindi... :)))
it will be discuss pag inilabas ko na ang twist sa kwento :))) hahaha :)))
nice story! ^.^ thumbs up! thanks Ponse. :)
ReplyDeleteSalamuch din po kuyang anon sa pagbasa't pagComment :))) See you po sa next installment :)))
Deletegs2 q dn ng kiss sa bubungan! :3
ReplyDeleteayaw mo ng Ultima or Limit Break Lawfer :)))
ReplyDeletekiss sa bubong ang gs2 q alpy
Delete..huh? baket me kissing scene na nangyari? di man lang nagpakipot si Wax, at etong si Josh, anong iniisip nya at kiniss nya ang bestfriend nya? at sa bubungan pa talaga, pano pag nakita sila ni Banessa? tsk tsk!
ReplyDelete..ahrael
IKAW NA ANG DALAGANG FLIPINA JEC :))) NYAHAHAHA! :)))
Delete..hehehe. eh syempre naman kuya ponse, "STRAIGHT TO THE POINT" talaga sila. wala man lang pakyeme kyeme.
Delete..ahrael
ahhhhh love your story talaga ponse from "coffee" to bed scene na hehehe... Si alex goot model mo right?! nice choice ponse kakaadik stories mo :)
ReplyDeleteSyempre :))) CUTE KASI NI ALEX GOOT :))) HAHAHA! Nerdy nerdy pero pag kumanta't kumalabit ng Guitara eh nakakabaliw :))) NYAHAHAHA!
Delete