Followers

Friday, April 12, 2013

Look at me with Love Part 10 – A Friend


Look at me with Love Part 10 – A Friend
By: simonusimon
                “Good morning ma” bati ni John sa mama nya habang nasa hapag. Madaling araw palang ay ginawa na ni John ang report na pinapahanda ng kanyang mama sa kanya. Hindi pa agad makausap ni John ang kanyang mama dahil may kausap ito sa telepono.
                Habang kumakain ang mag-ina ay pumapailanlang pa rin ang katahimikan sa buong hapag. Walang lakas ng loob na magsalita si john dahil alam nya na ang dahilan ng pag-uwi ng kanyang ina. Kitang kita ang lungkot at kaba sa mukha ni John. Isang disappointment na naman, yan ang pumapasok sa isipan ni John dagdag pa ang eksena nila kagabi.
                Natapos kumain ang mag-ina, may kausap na naman ang kanyang ina sa telepono habang binubuklat ang gabundok na mga papeles.
                “John anung nangyari?”
                “Ma, napainom lang po kagabi”
                “hindi un gang tinatanong ko, anung nangyari sa kompanya?”
                “Ma nagkaroon lang po ng konting problema” kabadong sagot ni John.
                “John ipinagkatiwala ng papa mo ang kompanya sayo. Kung hindi mo kaya sabihin mo. Hindi biro to.” Wika ng kanyang ina habang patuloy ang pagbuklat ng mga papeles. “Uuwi ang papa mo sa makalawa, gusto nyang Makita ung report mo” dagdag pa ng mama nya.
                “Ma, nahanda ko nap o yung report”
                “No anak, ang papa mo na ang titingin nyan, aalis na ako after kong mareview tong mga papeles, may emergency meeting ako. Kailangan kong bumalik agad.” Tuloy tuloy na pahayag ng kanyang ina. “sige aalis na ako. Manang nandyan na ba yung driver” pagtawag ng kanyang ina sa kanilang kasambahay.
                “Opo ma’am” sagot naman nito.
                Buong pag-uusap ng mag-ina ay di man lang nagtagpo ang kanilang mata na lalong nagpapalayo sa kanyang ina. Dumating at ngayon ay aalis ang kanyang ina ng walang nangyari       . Nakayuko lang si John habang nakaupo pa rin sa hapag nang Makita nya ang isang folder ng mga papeles na naiwanan ng kanyang ina.
                “Anak, nakita nmo ba yung… ayun. Sige aalis na ako” sabay kuha sa folder “Anak, ayoko na nga palang maulit ung pakikibarkada mo kung kani-kanino, kilalanin mo muna. Tingnan mo ang nagiging impluwensya sayo.”
                Napayuko na lamang si John sa sinabi ng kanyang ina. Hanggang ngayon pala ay naaalala pa nila ang nakaraan. Noong napabarkada si John noon na bumaba ang grade nya, dahil sa nagkasakit sya ngunit ang lagging sinisisi ng kanyang mga magulang ay kanyang mga kalaro na nagging dahilan para pagbawalan syang lumabas at makipaglaro muli.
                Nakaalis na ang mama ni John at sya naman ay naghahanda na sa pagpasok sa opisina. Habang sa bahay naman nila simon ay masayang naghahapunan ang buong pamilya.
                “mon” pagtawag ng mommy ni simon matapos maligo ni Simon, yan na rin ang sinabii ni Simon sa kanila na itawag sa kanya kaysa sa pagkabahobaho kong palayaw, bagamat nakakapanibago at nakakatawang isipin. “nasan na ung polo mong suot kagabi at maisama ko ng malabhan mamaya”
                “ahhhm nalagay ko na ata sa marumihan kagabi” pero sa totoo lang ay wala ito sa bag nya kagabi at naiwan nya kung saan. “Mommy papasok na ako” sabi ni Simon matapos magbihis.
                Simple lang magbihis si Simon sa school. V-neck na shirt, minsan nakapantalon minsan nakashort depende sa schedule nya. Kapag isang subject lang ay nakashort lang sya at tsinelas. Pero tuwing may lakad naman siya kasama ang mga kaibigan ay lagi naman syang todo porma.
                Isa pang lagging pinaghahandaan ni Simon ay tuwing may report sya sa school, ngayon ay nakapolo na naman sya, naka pants at pagkatulis tulis na sapatos. Gusto nya kasi lagging presentable sya sa tuwing magrereport sya. Last requirement to sa isa nilang subject, ang maghanap ng software na magagamit nila bilang IE, bawat isa ay may 15minute time para maexplain ang kanilang software. At naasign sa kanya ang topic na forecasting. Habang nagrereport sya ay talaga namang bilib hanga ang kanilang babaeng professor sa kanya bukod sa itsura palang nya ay makikita mo talaga ang galling nya sa pagdidiscuss ng topic nya.
                “Very good! Yan ang report. Alam nyo kita ko na talaga sa ilan sa inyo ang pagiging professional. Alam nyu yon kita na agad na handa na kayo. And that’s good!” wika ng kanilang professor at syempre palakpak naman ang tenga ni Simon. Likas na kasi talaga sa kanya ang pagiging magaling magsalita at talaga namang napakaganda ng kanyang boses dahil na rin sa organization nya. Lagi nga niyang nakukuha ang lead role because he got the looks, the voice and the height.
                “Nice galling ahhhh” papuri ng isa nyang classmate. Tahimik lang kasi si Simon sa klase pero kapag nagpakitang gilas ay sigurado namang walang mintis.
                “Ano k aba? Binola ko lang si ma’am, alam mo naman yan makakita lang ng ibong lumilipad humahanga na” pahumble nyang sagot sa papuri ng kanyang classmate…
                Lumipas pa ang oras at natapos na ang mga klase ni Simon sa school. Pupunta na sya sa fastfood na kanyang pinagtatrabahuhan. Alas singko nan g hapon ng makarating si Simon sa fastfood. Nagging smooth naman ang lahat
                Mag-aalasais na ng gabi ng Makita ni Simon na pumasok ang isang kilalang lalaki, si John, napakakisig sa suot nitong long sleeves na violet,silver necktie at black slacks.
                Dirediretso si John sa counter na kinatatayuan ni Simon.
                “Good morning sir’ may I take your order?” bungad ni Simon sa kaharap nyang si John.
                “I believe it’s good evening” nakangising sabi ni John na ginantihan na lamang ni Simon ng ngiti. ‘gumaganti to ah…’ sa loob loob ni Simon
                Nakuha ni Simon ang order ni John, paalis na ito ng muling nagsalita. “Ahhhm free k aba after ng shift mo?”
                “Ata bakit?” si Simon
                “Babawi sana ako kagabi” wika ni John, ngunit sa kabila nito ang totong pakay ni John ay magkaroon ng kaibigang malalabasan nya ng kanyang mga problema at hinaing…
                Itutuloy…
               

               
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon

3 comments:

  1. Nice one Simon. Thanks sa update lahit alam namin busy nagpost ka pa din. Maikli lang pero ok na. Wait for the next update. Good luck!

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. ahahay tipikal sa isang loner yn. ung pg minsang my nalabasan xa ng loob, bgla bgla hnahnap hanap nia ung taong un. lolz

    ReplyDelete
  3. EXCITED FOR THE NEXT UPDATE....
    KAILAN NMN KAYA HAIZT....SANA UNG DERE DERETSO NA TILL END DAHIL NAKAKABITIN TOINGKZ.....THANK YOU FOR THE NICE STORY AND MORE POWER...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails