Look at me with Love Part 10 – A Friend
By: simonusimon
“Good morning
ma” bati ni John sa mama nya habang nasa hapag. Madaling araw palang ay ginawa
na ni John ang report na pinapahanda ng kanyang mama sa kanya. Hindi pa agad
makausap ni John ang kanyang mama dahil may kausap ito sa telepono.
Habang
kumakain ang mag-ina ay pumapailanlang pa rin ang katahimikan sa buong hapag.
Walang lakas ng loob na magsalita si john dahil alam nya na ang dahilan ng
pag-uwi ng kanyang ina. Kitang kita ang lungkot at kaba sa mukha ni John. Isang
disappointment na naman, yan ang pumapasok sa isipan ni John dagdag pa ang
eksena nila kagabi.
Natapos
kumain ang mag-ina, may kausap na naman ang kanyang ina sa telepono habang
binubuklat ang gabundok na mga papeles.
“John
anung nangyari?”
“Ma,
napainom lang po kagabi”
“hindi
un gang tinatanong ko, anung nangyari sa kompanya?”
“Ma
nagkaroon lang po ng konting problema” kabadong sagot ni John.
“John
ipinagkatiwala ng papa mo ang kompanya sayo. Kung hindi mo kaya sabihin mo.
Hindi biro to.” Wika ng kanyang ina habang patuloy ang pagbuklat ng mga
papeles. “Uuwi ang papa mo sa makalawa, gusto nyang Makita ung report mo”
dagdag pa ng mama nya.
“Ma,
nahanda ko nap o yung report”
“No
anak, ang papa mo na ang titingin nyan, aalis na ako after kong mareview tong
mga papeles, may emergency meeting ako. Kailangan kong bumalik agad.” Tuloy
tuloy na pahayag ng kanyang ina. “sige aalis na ako. Manang nandyan na ba yung
driver” pagtawag ng kanyang ina sa kanilang kasambahay.
“Opo
ma’am” sagot naman nito.
Buong
pag-uusap ng mag-ina ay di man lang nagtagpo ang kanilang mata na lalong
nagpapalayo sa kanyang ina. Dumating at ngayon ay aalis ang kanyang ina ng
walang nangyari . Nakayuko lang si
John habang nakaupo pa rin sa hapag nang Makita nya ang isang folder ng mga
papeles na naiwanan ng kanyang ina.
“Anak,
nakita nmo ba yung… ayun. Sige aalis na ako” sabay kuha sa folder “Anak, ayoko
na nga palang maulit ung pakikibarkada mo kung kani-kanino, kilalanin mo muna.
Tingnan mo ang nagiging impluwensya sayo.”
Napayuko
na lamang si John sa sinabi ng kanyang ina. Hanggang ngayon pala ay naaalala pa
nila ang nakaraan. Noong napabarkada si John noon na bumaba ang grade nya,
dahil sa nagkasakit sya ngunit ang lagging sinisisi ng kanyang mga magulang ay
kanyang mga kalaro na nagging dahilan para pagbawalan syang lumabas at
makipaglaro muli.
Nakaalis
na ang mama ni John at sya naman ay naghahanda na sa pagpasok sa opisina.
Habang sa bahay naman nila simon ay masayang naghahapunan ang buong pamilya.
“mon”
pagtawag ng mommy ni simon matapos maligo ni Simon, yan na rin ang sinabii ni
Simon sa kanila na itawag sa kanya kaysa sa pagkabahobaho kong palayaw, bagamat
nakakapanibago at nakakatawang isipin. “nasan na ung polo mong suot kagabi at
maisama ko ng malabhan mamaya”
“ahhhm
nalagay ko na ata sa marumihan kagabi” pero sa totoo lang ay wala ito sa bag
nya kagabi at naiwan nya kung saan. “Mommy papasok na ako” sabi ni Simon
matapos magbihis.
Simple
lang magbihis si Simon sa school. V-neck na shirt, minsan nakapantalon minsan
nakashort depende sa schedule nya. Kapag isang subject lang ay nakashort lang
sya at tsinelas. Pero tuwing may lakad naman siya kasama ang mga kaibigan ay
lagi naman syang todo porma.
Isa
pang lagging pinaghahandaan ni Simon ay tuwing may report sya sa school, ngayon
ay nakapolo na naman sya, naka pants at pagkatulis tulis na sapatos. Gusto nya
kasi lagging presentable sya sa tuwing magrereport sya. Last requirement to sa
isa nilang subject, ang maghanap ng software na magagamit nila bilang IE, bawat
isa ay may 15minute time para maexplain ang kanilang software. At naasign sa
kanya ang topic na forecasting. Habang nagrereport sya ay talaga namang bilib
hanga ang kanilang babaeng professor sa kanya bukod sa itsura palang nya ay
makikita mo talaga ang galling nya sa pagdidiscuss ng topic nya.
“Very
good! Yan ang report. Alam nyo kita ko na talaga sa ilan sa inyo ang pagiging
professional. Alam nyu yon kita na agad na handa na kayo. And that’s good!”
wika ng kanilang professor at syempre palakpak naman ang tenga ni Simon. Likas
na kasi talaga sa kanya ang pagiging magaling magsalita at talaga namang
napakaganda ng kanyang boses dahil na rin sa organization nya. Lagi nga niyang
nakukuha ang lead role because he got the looks, the voice and the height.
“Nice
galling ahhhh” papuri ng isa nyang classmate. Tahimik lang kasi si Simon sa
klase pero kapag nagpakitang gilas ay sigurado namang walang mintis.
“Ano
k aba? Binola ko lang si ma’am, alam mo naman yan makakita lang ng ibong
lumilipad humahanga na” pahumble nyang sagot sa papuri ng kanyang classmate…
Lumipas
pa ang oras at natapos na ang mga klase ni Simon sa school. Pupunta na sya sa
fastfood na kanyang pinagtatrabahuhan. Alas singko nan g hapon ng makarating si
Simon sa fastfood. Nagging smooth naman ang lahat
Mag-aalasais
na ng gabi ng Makita ni Simon na pumasok ang isang kilalang lalaki, si John,
napakakisig sa suot nitong long sleeves na violet,silver necktie at black
slacks.
Dirediretso
si John sa counter na kinatatayuan ni Simon.
“Good
morning sir’ may I take your order?” bungad ni Simon sa kaharap nyang si John.
“I
believe it’s good evening” nakangising sabi ni John na ginantihan na lamang ni
Simon ng ngiti. ‘gumaganti to ah…’ sa loob loob ni Simon
Nakuha
ni Simon ang order ni John, paalis na ito ng muling nagsalita. “Ahhhm free k
aba after ng shift mo?”
“Ata
bakit?” si Simon
“Babawi
sana ako kagabi” wika ni John, ngunit sa kabila nito ang totong pakay ni John
ay magkaroon ng kaibigang malalabasan nya ng kanyang mga problema at hinaing…
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako
sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon
Nice one Simon. Thanks sa update lahit alam namin busy nagpost ka pa din. Maikli lang pero ok na. Wait for the next update. Good luck!
ReplyDeleteRandzmesia
ahahay tipikal sa isang loner yn. ung pg minsang my nalabasan xa ng loob, bgla bgla hnahnap hanap nia ung taong un. lolz
ReplyDeleteEXCITED FOR THE NEXT UPDATE....
ReplyDeleteKAILAN NMN KAYA HAIZT....SANA UNG DERE DERETSO NA TILL END DAHIL NAKAKABITIN TOINGKZ.....THANK YOU FOR THE NICE STORY AND MORE POWER...