Part1 Part2
6:00am palang ay
nakaReady na si Wax at habang nagkoCoffee siya ay nanonood siya ng news sa T.V.
Kahapon pa malakas ang
hanggin at nasabi sa kaniya ng kanilang drummer na may paparating na Bagyo kaya
nama'y tutok na tutok si Wax sa harap ng T.V. at inaabangan ang Weather
Forecast.
"Signal number one
lang pala." Ang mayabang na nasambit ni Wax nang mapakinggan niya ang
sinabi ng PAGASA representative sa T.V.
Kaagad na pinatay ni Wax
ang T.V. at mabusising nagDouble Check ulit siya sa loob ng bahay at nang
makasigurado siyang nakaLock na ang lahat ng Pintuan at Bintana sa bahay ay
pumunta siya sa pinakaMain Switch ng apartment. Pinatay ni Wax ang main Switch
at pagkatapos ay naglakad na siya papuntang salas.
NagText si Wax sa
kaniyang mga kaBand Mates at sinabi niyang may pupuntahan lang siya.
Bago lumabas ng Apartment
si Wax ay tinignan muna niya ulit ang loob ng kaniyang dadalhing 'The North Face' na backpack para iDouble
Check niya ang mga dala-dala niyang mga gamit.
3 T-Shirts ü
1 Cargo Short ü
2 pairs of Briefs ü
1 pair of Islander
Flip-Flops ü
Charger ü
Towel ü
"Ayos na siguro
ito." Ang mahinang sambit ni Wax sa kaniyang sarili habang isinasara
niyang ulit ang kaniyang backpack.
Pagkalagay ni Wax sa
kaniyang likod ng kaniyang bag ay huminga siya ng malalim at hindi niya
mapigilang mapaSmile dahil ito ang first time na mag-aOut of Town na mag-isa
lang siya. Hindi naman masyadong gala si Wax at mas gusto pa niyang magStay na
lamang sa bahay kaysa lumabas-labas at mamasyal. May pagkaOA na HomeBuddy si
Wax.
"Are you
ready?" Ang parang batang sinabi ni Wax sa kaniyang lumang Accoustic
Guitar.
Pinagkakagastusan talaga
ni Wax ang pagmeMaintain ng kaniyang Guitara dahil may Sentimental value ito sa
kaniya. Ito ang kauna-unahan niyang Guitarang ibinigay sa kaniya ng kaniyang Parents
noong matuto siyang tumugtog ng guitara noong nag-aaral pa siya sa Music
Studio. Hindi pangbatang size na guitara ang binili ng Parents ni Wax kungdi'y
Standard size kaya nama'y tuwang-tuwa si Wax that time nang iniabot ito sa
kaniya ng Parents niya.
Talo pa sa GirlFriend kung
ituring niya ang kainyang guitara kaya
nama'y dadalhin niya ito sa pagpunta niya sa Quezon. Itinuturing din ni Wax na
Lucky Charm niya ito at kahit na Electric Guitar na ang kaniyang ginagamit sa
kanilang mga Gig ay dala-dala pa rin niya ito.
"Let's Go!"
Ang masaya't excited na sinabi ni Wax nang binitbit niya ang kaniyang Guitara
at excited siyang lumabas na ng apartment.
Walang pakialam si Wax
kahit na napakalakas ng haging sumasalubong sa kaniya habang papasakay siya sa
kaniyang Revo. Ang tanging nasa isipan lamanng ni Wax ay ang katanungan sa
kaniyang isip na kung ano ang magiging reaction ni Josh kapag kumatok siya sa
kanilang bahay.
Sinugurado muna ni Wax
kagabi kung nasa saan si Josh at baka na naman maging sablay kagaya kagabi ang
kaniyang planong pag-sunod sa kaniyang bestFriend sa Province. Late ng
nakaPagReply si Josh sa mga text ni Wax at kagabi lang niya sinabi kay Wax na
umuwi nga siya ng Quezon dahil na din sa Request ng kaniyang nanay.
Hindi na inusisa pa ni
Wax si Josh kung ano yung niRequest ng nanay nito basta ang importante'y nasa
Calauag si Josh at higit sa lahat ay hindi ito makakaalis sa kanila dahil may
Bagyo. Ayon sa PAGASA representative na nasa T.V. kanina'y Signal No.1 lang
naman sa CALABARZON kaya ngiNgisi-ngisi itong si Wax at talaga namang wala nang
palya pa ang kaniyang naisip na plano para makita niyang muli si Josh.
"Don't fail
me!" Ang naiusal ni Wax habang iniStart na niya ang kaniyang Revo.
Bukod sa kaniyang lumang
guitara'y parang tao din ang turing niya sa kaniyang sasakyan. Halos lahat ng
Gig nila'y ito ang ginagamit nina Wax at kasa-kasama niya ang kaniyang Revo sa
anumang lakad nila ng buong Band and sa mga lakad niya with his Parents noong
nasa Pinas pa ang mga ito't kasama niya kaya nama'y naging Part na ng Family ni
Wax ang kanilang Revo.
************************
Makalipas ang Dalawang
oras ng pagdra-Drive ni Wax ay saka lang siya nagDecide na magStop Over sa
isang Gasoline Station at doon lang niya napansing pasungit ng pasungit ang Panahon.
Lumalakas na ang hangin ngunit walang patak ng ulan. Tinignan ni Wax ang Oras
sa kaniyang WristWatch at pasado 8:30am na ngunit madilim pa din pero hindi na
nakabawas ang masamang panahon sa Good mood nitong si Wax.
Pagkatapos niyang
magpaGasolina't ilang minuto lang ang kaniyang itinagal sa ExpressWay ay
huminto siya sa isang Stop Over ng mga Bus at pumasok siya sa Jollibee upang
Jumingle at magTakeOut ng BreakFast.
Pagkakuha ni Wax ng
kaniyang Order ay wala siyang inaksayang sandali't bumalik na siya sa kaniyang
Revo upang ipagpatuloy na ang more than 4 hours niyang pagdriDrive papuntang
Calauag.
************************
Medyo slight na nag-alala
si Wax nang mapansin niyang malakas ang pagGalaw ng mga puno na nasa tabi ng HighWay kaya nama'y binuksan niya ang
Radio ng Sasakyan upang makabalita kung ano na ang update sa weather forecast.
Ikinataas ng dalawang
kilay ni Wax nang marinig niyang nasa Signal No.1 pa din ang CALABARZON kaya
nama'y medyo nagLieLow ang pangangamba niya sa kaniyang biyahe.
Ang Normal na 4 hours and
30 minutes na drive ni Wax papuntang Calauag ay nabawasan dahil sa tulong ng
Sungit ng panahon. Naging Smooth Sailing ang pagbabagtas ng Revo ni Wax papunta
kina Josh dahil wala siyang naEncounter na traffic sa daan.
************************
Nang makarating na si
Wax sa Town Proper ng Calauag ay para bang automatic na nagFlashBack ang lahat
ng kaniyang childhood memories na lalo pang ikinatuwa at ikinaExcite ni Wax.
Kasabay ng pag-ala-ala
ni Wax ng mga nangyari sa kaniya noong bata pa siya sa Calauag na kasama si
Josh ay inaalala din niya ang daan papunta sa Yaganak, Ang baranggay na dating
tinirhan nina Wax at kung nasa saan ngayon si Josh kasama ang Nanay at Ate nito.
Hindi na nagdalawang
isip pa si Wax na magtanong sa unang taong kaniyang nakita sa daan at laking
gulat ni Josh nang ibaba niya ang salamin ng sasakyan sa driver's seat dahil
para siyang binugahan sa mukha ng 20 na industrial fan dahil sa sobrang tindi
ng hanggin.
Nahirapang intindihin ni
Wax ang sinasabing direction ng taong napagtanungan niya kaya nama'y tinandaan
na lamang niya ang mga keywords sa sinabi nito. Hindi din naman kasalanan ni
Wax kung bakit nagmamadaling magsalita ang napagtanunggan niya dahil nga'y
nagmamadali ito't pasama ng pasama ang panahon.
Habang binabagtas ni Wax
ang daan at tinitignan niyang mabuti ang mga LandMarks na sinabi sa kaniya ng
napagtanungan niya'y unti-unting nagdiDilim ang paligid na para bang magtatakip
silim na kaya nama'y binuksan niya ang radyo ulit at binuksan na din niya ang headlights
ng Revo.
"OH COME ON!"
Ang naiinis na naibulalas ni Wax nang sinabi muli sa Radio na Signal No.1 pa
din sa CALABARZON.
"MANIWALA
AKO!" Ang sunod na iniusal ni Wax kasabay ng kanyang pagbuntong hininga.
Hindi naiwasan ni Wax na mapapikit nang napahikab siya at nanlaki ang kaniyang
mga mata sa pagkabigla kasabay ng mabilis at madiin niyang pag-apak sa brake.
SCREEEETTTTCCCCHHHHH!!!
Tumama ang dibdib ni Wax
sa manibela dahil sa kaniyang biglaang pagbreBreak. Hindi kasi nakaugalian ni
Wax na magsuot ng SeatBealt sa PagDriDrive. NagngiNgitngit na binosinahan ni
Wax ang Askal na bigla na lamang na tumawid sa kalsada.
"Aba!" Ang
hindi makapaniwalang nasambit ni Wax nang hindi umalis sa kalye ang pasaway na
Askal.
POT!
POT! POT! POT! POT!
"ARF!
ARF! GROOOWWWL! ARF! ARF!"
Hindi talaga nagpatalo
ang Askal sa malakas na pagBosina ni Wax at sinasabayan din niya ito ng kaniyang
galit at malalakas na kahol.
"Mga siga talaga
ang mga aso dito." Ang galit na nasambit ni Wax.
5 seconds...
10 seconds...
15 seconds...
20 seconds...
"NANDITO NA NGA AKO!" Ang masayang naibulalas ni Wax nang makita niya ang isang sign na
may nakalagay na 'BRGY YAGANAK' at pagkatapos ay biglang naalala ni Wax ang
time na una niyang nakaEncounter si Josh noon.
"ADIK!" Ang masayang
naibulalas ni Wax patungkol sa Askal na nakaharang sa daan dahil naala-ala niya
ang Askal na umaway sa kanilang dalawa noon ni Josh.
Marahang pinaandar ni
Wax ang kaniyang Sasakyan upang takutin ang sigang Askal sa kalye pero hindi pa
din ito natitinag sa pagkakatayo. Lumingon-lingon si Wax sa paligid pero wala
siyang makitang mga tao na pupuwedeng bumugaw sa sigang Askal. Takot din na
bumaba si Wax sa kaniyang sasakyan at baka sugudin siya ng Askal.
NapaBuntong hininga ulit
si Wax at nag-isip na lamang siya ng paraan para mapalayas ang Askal sa
dadaanan ng kaniyang sasakyan.
Sa hindi maipaliwanag na
dahila'y walang pasabing biglang nagtatakbo ng mabilis ang Askal na siyang
ikinagulat naman ni Wax at makailang segundo'y narinig na niya mula sa bubong
ng kaniyang kotse ang tunog ng malalaking patak ng ulan.
Nakangiting pinaandar na
muli ni Wax ang kaniyang sasakyan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Dahan-dahang binagtas ni Wax ang kalyeng patungo sa bahay nina Josh. Kahit na
hindi masyadong makita ang daan dahil sa lakas ng ulan ay hindi naman
nahirapang matunton ni Wax ang daan papunta sa bahay nina Josh.
************************
"HOY JOSH! TIGNAN
MO KUNG SINO YUNG TUMATAWAG SA GATE!" Ang malakas na sigaw ni Aling Myrna
sa kaniyang bunsong anak.
"Wala yun Nay! Sino
bang sira ang mangangapitbahay sa ganitong panahon." Ang sagot naman ni
Josh kay Aling Myrna.
"MERONG TAO SA
LABAS!" Ang galit na sinabi naman ni Aling Myrna.
"Wala nga po
eh!" Ang hindi papatalong reply naman ni Josh habang naglilipat siya ng
channel sa T.V.
"Hindi mo pa nga
tinitignan!" Ang biglang sambit naman ni Helen sa kaniyang kapatid habang
naghahain siya sa Mesa. Magtatanghalian na sa mga oras na iyon.
"Wala nga eh!"
Ang hirit muli ni Josh.
"Pano kung meron!"
Ang banggit naman ni Helen.
"BAKA GUSTO MONG
TUKTUKAN KITA!" Ang banta ni Aling Myrna sa kaniyang anak sabay amba ng
hawak-hawak niyang mahabang sandok na ginagamit niya na panghalo sa Filling ng
Buko Pie nila.
"Gusto pang masaktan
bago sumunod!" Ang nakaNgiting sambit ni Helen sa bunso niyang kapatid.
"Sino naman kayang
sira ang susugod sa bagyo?" Ang mahinang nasambit lang ni Aling Myrna
habang isinasabit na niyang muli ang mahabang sandok sa lagayan nito.
************************
"TAO PO? TAO
PO?" Ang malakas na pagtawag ni Wax habang nakatayo siya sa harapan ng
gate nina Josh at kahit na may hawak siyang payong ay hindi siya nito
naprotektahan mula sa pagkabasa ng ulan. Mas matindi at malakas ang bagsak ng
ulan at hangin ngayon kaysa kanina.
Habang hinihintay ni Wax
na may lumabas sa pintuan ng bahay nina Josh ay magiliw niyang pinagmasdan ang
bahay nito at matagal niyang tinignan ang bubungan nito na kung saa'y dati silang
tumatambay ni Josh sa tuwing nagpapalipas sila ng Oras pagkatapos ng klase o
kaya nama'y walang pasok. Hindi mapigilang mapaSmile ni Wax nang maalala niyang
dyaan sila huling nag-usap ng kaniyang BestFriend bago sila magkahiwalay.
"SINO YAN!"
Ang malakas na boses ni Josh mula sa pintuan ng bahay nila na ikinapukaw naman
ng attention ni Wax. Kung gaano kaSungit ang kasalukuyang panaho'y kabaligtaran
naman ng biglang naramdaman ni Wax nang makita niya si Josh.
"JOSH! SI
WAX!" Ang malakas na tawag naman ni Wax sa kaniyang kaibigan.
"SINONG WAX?"
Ang sigaw naman ni Josh mula sa pintuan na siyang ikinatigil bigla ni Wax.
"SIGAW KA NG SIGAW!
PUNTAHAN MO KASI!" Ang malakas na boses ng isang babaeng narinig naman ni
Wax mula sa loob ng bahay.
"ARAY!" Ang
naisal ni Josh. Kitang-kita ni Wax sa kaniyang dalawang mata ang paghampas ng
matandang babae ng hawak nitong payong sa ulo ni Josh.
"NAGSISISIGAW KA PA
DYAN EH KUNG PAPASUKIN MO KAYA!" Ang sermon pa ng matandang babae kay
Josh. Matagal na pinagmasdan ni Wax ang hubog ng matabang pangangatawan ng
babaeng nanenermon kay Josh at nang makatiyak siyang ito ang Nanay ni Josh ay
walang kasing tamis ang ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi.
"ALING MYRNA! ALING
MYRNA! SI JOAQUIN PO ITO! ANAK PO NI TETANG AT JOSE!" Ang masaya't malakas
na pagtawag ni Wax mula sa labas ng gate na siya namang ikinatigil ng
panenermon ni Aling Myrna kay Josh.
"Joaquin...???"
Ang nasambit lamang ni Aling Myrna't hindi niya talaga inakalang makikita pa
niya ang anak ng kaniyang kaibigan.
"AY PUTRES!
PAPASUKIN MO NGA ANG KAIBIGAN MONG BATA KA!" Ang masayang bulyaw ni Aling
Myrna kay Josh kasabay ng malakas na pagtulak niya sa anak para kumilos na.
Nakalimutan na ni Aling Myrnang ibigay ang kaniyang hawak na payong sa anak.
Hindi maiwasang tignan
ni Wax ang mga muscles ni Josh lalo na ang Shoulders at ang abs nito habang
pinagbubuksan siya nito ng gate. NakaBasketball shorts lang kasi si Josh at
walang pang-itaas. Hindi na rin niya naiwasang maImpress sa kanyang kaibigan
dahil nagDoble pang lalo ang level ng kaGwapuhan ni Josh sa pagkakaroon nito ng
Wet Look.
Biglang nag-init ang mga
pisngi ni Wax nang walang pasabing inakbayan siya ng matitikas na braso ni Josh
para makisilong sa hawak niyang payong habang naglalakad sila mula sa gate
papunta sa kinatatayuan ni Aling Myrna.
"SUSME KANG BATA
KA! SANG LUPALOP KA NANGGALING! ANG LAKING DAMULAG MO NA DIN!" Ang sobrang
tuwa't hindi maiwasang maibulalas ni Aling Myrna kay Wax nang makaharap na niya
sa kanilang Terrace ito. Nangiti lamang si Wax sa sinabi ni Aling Myrna.
"HOY! HINDI MO BA
SIYA NATATANDAAN?" Ang malakas na tanong ni Aling Myrna kay Josh dahil
napansin niya na tahimik lang na pinagmamasdan sila ng anak. Labis din na
nagtaka si Wax dahil hindi katulad ni Josh si Aling Myrna at natatandaan siya
nito. Walang imik lang na tumango si Josh sa kaniyang nanay.
"EH PARANG HINDI KA
NATUTUWANG MAKITA SI JOAQUIN HA?!" Ang sunod na sinabi naman ni Aling
Myrna sa kaniyang anak.
"Ikaw na ba yan
Joaquin?" Ang biglang singit naman ni Helen.
Hindi ito nakatiis na
hindi pumunta sa terrace dahil akala niya'y kung ano ng Commotion ang
nangyayari sa labas. Tinanguan lang siya ni Wax. Lalo pang nagtaka si Wax dahil
kahit ang Ate Helen ni Josh ay naaalala pa siya.
"Damulag na damulag
na kayong dalawa!" Ang hindi mapigilang nasambit ni Helen dahil kahit
siya'y natutuwang makita itong si Wax.
"Pumasok na muna
tayo. Tamang-tama't manananghalian na!" Ang masayang sambit naman ni Aling
Myrna sa lahat. Excited na excited talaga ang nanay ni Josh na makibalita sa
kung ano na ang nangyrai kina Wax simula nang lumuwas ang buong pamilya nito
paManila.
************************
Itinuro ni Aling Myrna
ang kuwarto ni Josh at doon niya ipinalagay kay Wax ang dala nitong 'The
NorthFace' na Backpack. Tahimik namang pumasok si Wax sa silid at pagkatapos ay
sumunod naman itong si Josh.
"Oist! Bigyan mo ng
tuwalya yang kaibigan mo para makapagpunas." Ang masungit na utos ni Aling
Myrna kay Josh.
"Magpatuyo ka anak
at magpalit para pagkatapos ay sabay-sabay na tayong makapagtanghalian."
Ang sweet na sinabi naman ni Aling Myrna kay Wax bago nito isinara ang pinto ng
silid ni Josh. NgiNgisi-ngisi lang itong si Josh dahil sa pagiging Imba ng
kaniyang Nanay.
"Eto ang gamitin mo
Tol." Ang masayang sambit ni Josh kasabay ng pagbibigay niya kay Wax ng
towel. Nahihiyang nginitian lamang siya ni Wax nang kinuha nito ang iniaalok
niyang towel.
"Thank you."
Ang nahihiyang sinabi ni Wax kay Josh. Hindi maintindihan ni Wax ang kaniyang
sarili dahil pakiramdam niya'y para siyang batang nasa sa harap ang Crush.
"Hindi talaga kita
maalala Tol." Ang sunod na sinabi ni Josh kay Wax habang siya naman ang
kumukuha sa cabinet ng tuwalya. Hindi niya narinig ang sinabing 'Thank You' ni
Wax.
"Nakakatuwa
naman!" Ang nabigkas sunod ni Josh habang nagpupunas siya ng kaniyang
upper body. Titig na titig si Wax kay Josh. Napalunok ng laway si Wax kasabay
ng pag-init ng kaniyang pisngi nang walang pasabing magkasabay na biglang ibinaba't
hinubad ni Josh ang suot nitong BasketBall shorts at Brief. NagPanic si Wax
sabay talikod niya sa nakaBold na kaibigan. Parang inukit sa memorya ni Wax ang
makinis at maumbok na puwitan ng kaibigan.
"Kilalang-kilala ka
nina Nanay at Ate." Ang namamanghang sambit muli ni Josh kay Wax habang
wala itong pakialam na nagpupunas ng kaniyang maputi't hunky na katawan.
"Talo pa ako. Ha ha
ha!" Ang masayang pagpapatuloy ni Josh at natawa na lamang siya sa sarili.
"Magpalit ka na ng
damit! May dala ka ba? Gusto mo bang pahiramin kita?" Ang sunod na sinabi
ni Josh kay Wax ng mapansin niya itong hindi kumikilos na ikinaPanic naman ng
isa.
"Ah... Eh..
Meron..." Ang naiusal lamang ni Wax.
Nakatalikod pa din siya
kay Josh. Kahit na nahihiya si Wax kay Josh ay naghubad na din siya ng kanyang
basang damit at brief at pagkatapos ay nagpunas na din siya.
Concious na concious si
Wax sa kaniyang sarili dahil pareho na silang nakaBold ng kaniyang kaibigan.
Hindi naman magpapatalo sa katawan itong si Wax kaya lang ay mas lamang ang
pagiging maMuscle ni Josh sa kaniya. Lean and fit lang ang katawan nitong si
Wax pero pareho silang makinis at maputi.
"Tara na!" Ang
yaya ni Josh kay Wax nang makapagbihis na sila lumabas na at pakapagPananghalian
na.
Kinuha na ni Josh ang
mga basang damit at underwear ni Wax at dinala sa kusina habang pinaupo na ni
Aling Myrna si Wax sa lamesa.
"Mabuti nalang at
marami tayong bahaw! Dalawang barako ang kasabay natin." Ang natutuwang
sambit ni Aling Myrna habang panay ang lagay niya ng kanin sa Plato ni Wax.
Tuwang-tuwa talaga siya dahil bulinggit pa si Wax nang huli niya itong makita.
Hindi mawala-wala ang
ngiti sa mga labi ni Wax habang kumakain silang apat dahil sa sunod-sunod na
pagtatanong sa kaniya ni Aling Myrna tungkol sa Whereabouts ng kaniyang
Parents.
Labis na ikinagalak ni
Aling Myrnang mabalitaan na nasa abroad na ang kaniyang kaibigan at ganundin
naman ang tuwa ni Wax nang mapag-alamanan niya na kaya umuwi si Josh from Manila
ay kakailanganin kasi ni Aling Myrna ng tulong mula sa kaniyang anak dahil
medyo naging madami na ang Order ng kanilang Buko Pie at lumaki na din ang
demand sa kanila.
"HA?! HINDI MO
NAAALALA NA MAY BESTFRIEND KA?!" Ang laking gulat na naibulalas ni Helen
kay Josh nang maikuwento ni Wax kung papaano sila muling nagkita ni Josh.
"HINDI NGA ATE! ANG
KULIT!" Ang naiinis na sambit naman ni Josh dahil nakukulitan na siya sa
same reaction ng kaniyang Nanay at Ate.
"Hindi nga kayo
mapaghiwalay niyang si Wax noong bata pa kayo." Ang nasabi naman ni Aling
Myrna sa anak.
"Talaga ho?"
Ang nagtatakang tanong naman ni Josh sa Nanay niya. Hindi talaga makapaniwala si Josh sa sinasabi sa kaniya ng
tatlong kaharap sa Mesa.
"Bakit ba ayaw mong
maniwala!" Ang sinambit naman ni Helen sa kapatid.
Nakangiti lang si Wax na
nakikinig sa tatlo habang kumakain siya. Madami siyang nakain dahil ngayon lang
sya ulit nakatikim ng tinolang may SeaWeeds. Kilala kasi ang lugar nila sa main
product nitong 'SeaWeeds'. Ang last na kain ni Wax ng ulam na may SeaWeeds ay
noong bata pa siya't nakatira sa Calauag bago sila lumipat sa Manila.
"AY ANO BA YAN!
SIGNAL NO.1 LANG EH NAGBROWNOUT PA!" Ang biglang naibulalas ni Aling Myrna
sa mesa nang namatay bigla ang ilaw.
Automatic namang tumayo
si Josh para kumuha ng kandila at habang nagsisindi ito'y kinausap naman ni
Aling Myrna si Wax.
"Ay teka anak. Dito
ka na magpalipas ng gabi. O kung gusto mo hanggang sa magPiyesta na lang!"
Ang natutuwang alok ni Aling Myrna kay Wax. Halos pumalakpak ang dalawang
tainga ni Wax sa narinig niya mula sa Nanay ni Josh at hindi niya iyon
tinanggihan.
Habang nagbibiyahe kasi
kanina itong si Wax ay nag-iisip siya ng magandang rason na sasabihin niya na
kung pupuwede'y makitulog na lamang siya kina Josh. Nagkaroon din ng back up
plan si Wax kapag nahiya siya kina Josh ay magmoMotel na lamang siya. Kagabi pa
nakapagCheck si Wax sa internet ng mga available na pupuwedeng mapagStay-an sa
Calauag.
"Nakakahiya naman
ho." Ang pagpapakipot ni Wax.
"Para na kitang
anak at alam ko namang gusto ninyong magkamustahan ni Joshua." Ang
masayang sambit lang ng Nanay ni Josh.
"Mga damulag na kayo.
Dati'y ang liliit nyo pa noong nakikitulog pa kayo sa bahay ng isa't-isa. Ang
hilig ninyo noong makipag-away!" Ang birit naman ni Helen kay Wax.
Hindi maipaliwanag ang
labis na kasiyahan ni Wax that time pero may kumukurot pa din sa kaniyang puso
dahil sa pagkakalimot sa kaniya ng kaniyang BestFriend na si Josh.
************************
Maghapong walang
kuryente sa buong Calauag at habang gumagabi'y lalong pasama ng pasama ang
panahon. Laking pasasalamat naman ni Wax at hindi pa siya naloLowBatt at
malakas ang signal ng Globe kaya nama'y nakapagCheck siya ng News at
pare-pareho silang apat na nadismaya dahil ang Weather ForeCast ay Signal No.1
pa din sa Quezon.
Maghapong kinamusta ni
Aling Myrna't Helen itong si Wax at si Josh nama'y nililinis ang kaniyang
kuwarto't doon muna kasi matutulog si Wax hanggang sa Fiesta. Hinayaan muna ni
Josh na masolo ng kaniyang Ate't Nanay si Wax at pagnakahiga na sila ay doon
niya ito tatanungin ng tatanungin tungkol sa sinasabi nilang magBestFriend sila
dahil curious na curious talaga si Josh sa mga kuwento ng kaniyang Ate't Nanay
tungkol kay pinagsamahan nila ni Wax noong mga bata pa sila.
************************
Matapos na maghapuna'y nagkape
lang silang apat at makalipas ng kalahating oras ng pagkukuwentuha'y nagpaalam
na sina Aling Myrna't Helen kina Josh at Wax na magpapahinga na sila dahil
BrownOut at hindi naman sila makakapanood ng mga sinusubaybayan nilang mga
teleNovela sa T.V.
"Pasok ka na Tol sa
kwarto't magtatarangka lang ako." Ang bilin ni Josh kay Wax na kaagad
namang sinunod ng isa.
Sa katunaya'y
patang-pata na ang katawan ni Wax nang gabing iyon dahil sa pagod niya dahil sa
mahabang pagdriDrive at mabigat na din ang kaniyang ulo't pakiramdam kaya naman
nang lumapat ang kaniyang likod sa kama ni Josh ay wala pang ilang minuto'y
nakatulog na siya agad.
Laking gulat naman ni
Josh nang makita niyang parang mantika ng natutulog si Wax kaya nama'y tahimik
na lamang siyang nahiga't tumabi dito. Matagal ding pinagmasdan ni Josh ang
natutulog na maamong mukha ni Wax dahil napakadami niyang gustong itanong at
malaman dito.
Ang pakiramdam ni Josh
habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Wax ay napakalaki ng bahagi nito sa
kaniyang buhay na gusto niyang matuklasan. Ito ang laman ng isip ni Josh
hanggang sa makatulog na din siya.
************************
"ATE! ATE!
ATE!"
TOK! TOK! TOK!
"NAY! NAY!
NAY!" Ang malalakas na pagtawag at pagkatok ni Josh sa pintuan ng silid ng
kaniyang Ate't Nanay.
"PROBLEMA MO BA?!"
Ang galit na bungad ng nanay ni Josh nang buksan nito pintuan ng kanilang kuwarto.
"Alas Dos na ng
madaling araw Josh! Ano ka ba?!" Ang reklamo naman ng kanyang Ate Helen.
"Mataas po ang
lagnat ni Wax!" Ang nagpaPanick na sambit lang ni Josh sa kaniyang Nanay
at Ate.
************************
Tahimik lang na
tinitignan nina Josh at Helen si Aling Myrna habang nilalagyan nito ng basang
bimpo ang noo ni Wax. Napainom na nila ng BioFlu si Wax at bumaba na ang
temperature nito.
"Sana wala na
siyang lagnat mamaya." Ang nasambit lang ni Helen habang nakatingin siya
sa natutulog na si Wax.
"Hindi na nagbago
ang batang ire. Lampa pa din!" Ang sambit naman ni Aling Myrna.
"Huwag kang
mag-alala Helen at gagaling na si Wax kaya tuloy pa din ang plano." Ang
sunod na sinabi ni Aling Myrna sa kaniyang anak na babae.
"Anong plano?"
Ang clueless na naitanong naman ni Josh sa kaniyang Nanay at Ate. Lalong
ikinaCurious ni Josh at ikinakunot ng kaniyang noo nang mapansin niyang may
pilyang mga ngiti sa labi ang kaniyang Ate't Nanay.
"Ipapakita namin
siya kay Banessa!" Ang masayang sambit lang ni Helen na ikinaPanic bigla ni
Josh.
"Ba't ganyan ang
hitsura mo? Sabi naman ni Joaquin eh hanggang sa Fiesta siya dito. Sa Sabado na
ang Sagala!" Ang iniusal naman ni Aling Myrna kay Josh.
"Matutuwa niyan si
Banessa at may mga gwapo na naman siyang Escort sa kaniyang Sta.Cruzan!"
Ang hindi mapigilang maibulalas ni Helen.
"Sino kaya sa inyo
ni Joaquin ang mapipiling Escort ng Reyna Elena?" Ang nanunuksong sambit
ni Aling Myrna kay Josh.
"HUWAG N'YO NGA AKONG
ISAMA SA KALOKOHAN N'YO NINA BANESSA!" Ang naiinis na sambit ni Josh sa
kaniyang Nanay at Ate habang nagdadabog itong lumabas ng kuwarto.
Inis na inis si Josh habang
nadidinig niya ang masayang usapan at hagikhikan ng kaniyang Ate't Nanay dahil
sa pagiging Excited ng mga ito sa darating na Fiesta't Sta.Cruzan ni Banessa.
Kahit na malaki't
matanda na si Josh ay hindi pa din nawawala ang kaniyang galit sa kaniyang
kaklaseng si Banessa dahil sa malaking atraso nito sa kaniya noong Elementary pa
sila.
Naging Classmate din
nila ni Wax si Banessa noong elementary.
To Be Continued
Embedded Music Comes From Noel Cabangon's
ReplyDeleteTuwing Umuulan At Kapiling Ka
One of the Many OPMs na Kinikilig ako sa tuwing pinakikinggan ko :)))
GoodEvening Sa inyong Lahat :)))
Take Care Everyone :)))
P.S. I'll be serious na sa Story Telling at Simula na :))) Hahaha! Ingatz ulit kayo parati :)))
ayos to manong ah! sayo pala to.. hihihi Bisayang-bisaya naman ang BANESSA LOL
ReplyDeleteTo Makki :))) ayos talaga yang si Banessa :))) Promise :)))
DeleteKakexcite naman. Kuya Ponse kinikilig ako sa kwento mo hehehe. Ingat ka palage :)
ReplyDeleteLagi na laang kasing sa City ang setting kasi natin Mr.Stan :))) hahaha! Sa probinsya naman para maiba :))) Ingat ka din palage ♥ :)))
Deletei love the song lalo na kay regine v. na version :-)
ReplyDeletei love globe also hahahahaha
May song ako ni Regine na iiEmbed sa RnB :)))
DeleteTake Care ka plage Mr.PjBerdz :)))
Globe din ang gamit ni Ponse :)))
♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥
ay un pla ung baby gitara hahaha eukulele :p
ReplyDeletemay santa cruzan! wee gs2 q manuod! x3
Oo Mr.Lawfer :))) Masayang magpaSta.Cruzan si Banessa :))) Nood ka :))) ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥
Deletekaw mag reyna elena aq konsorte mo :))
DeleteSi Banessa ang nag-aayos ng mga ganyan Lawfer :))) Doon ka sa kaniya magpalista :)))
Deleted kmi close eh, d q kc kilala haha
Deletekaka excite nga ang next chapter ponz .
ReplyDeletePara po talaga yaan sa inyong lahat Mr.Mendoza :))) take care po palage :))) Regards po senyong Pamili :)))
Delete♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥
Kakakilig po. More hehe. :p
ReplyDelete-tomas
Every Three days na po Kuya Tomas :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) Take Care :)))
DeleteWow i love the story... Excited na ako para sa next chapter
ReplyDeleteI love the story... Excited na ako sa next chapter...
ReplyDeleteNice to meet you po Kuya Richie :))) Salamuch po sa pagbasa't pagComment :))) Para sa inyo po talaga yaang mga ikinukuwento naamin :))) GOD BLESS :)))
DeleteHmmm, excited na ko sa next chapter alps..
ReplyDelete-unosalas
Regular na siyang after 3 days posting Kuya Uno Salas :))) Salamuch po palage sa pagsama kina Wax and Josh :)))
Deleteang ganda nmn
ReplyDeleteSalamuch po sa pagbasa't pagComment Kuyang Anon :))) Next time po eh lagay ka po ng Name para masaya sa Finale :)))
DeleteKuya Ponse gling m tlga gumawa ng story thanks and miss u :)
ReplyDeleteAlways Take Care,
:)
NaMIIIISSS Din kita ng bigtime Kuya Vhin :))) HUGZ :))) INGATZ KA DIYAN PALAGE :)))
DeleteBannessa....nakankacurious tuloy ano mayroon sa kanya...anlandi na pakipot naman ni Wax...haha
ReplyDeleteDiba Mr.LoveDoctor :))) Hindi na Predictable :))) Sabi mo kasi Eh :))) Hahaha!
DeleteHabang tumatagal lalo yatang gumaganda ang istorya.
ReplyDeletePanget po ba sa simula kuyang anon :))) Joke laang :))) paAdik ng paAdik ang Term po :))) Nice to meet you po :)))
Deletesan n next chapter???
ReplyDeleteHindi ko pa po nasisimulan kuyang Anon... Wait wait lang po... :))) TC palage :)))
DeleteMeron na pla 2
ReplyDeleteMatagal na kaya Mhi Mhiko :))) hahaha :)))
ReplyDelete