Followers

Friday, May 3, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 11]





Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 11]





By: Crayon




****Renz****



10:15 pm , Saturday
March 19




I knew it. He's been hanging out with Aki. He found a new playmate that's why he didn't even bother to text or call me after that night. I should've known that after all this is Kyle, everything about us was nothing other than a conivinient set up to satisfy his sexual needs. 

I'm glad that i brought Alvin, at least i have someone to focus on. Wala akong balak pansinin sila Renz at Aki magdamag. Maganda na rin na in-introduce kami ni Gelo as partners kahit hindi naman. That way maisip ni Kyle na hindi ako apektado sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Kyle ng makita niya si Alvin, hindi ko alam kung para saan yon pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon ng titigan ko siya sa mata niya.

Pilit kong hindi pinapakinggan ang munting tinig sa isip ko na nagsasabing kausapin siya at sabihing hindi kami ni Alvin.

After kami kumain ni Alvin ay sumali na kami sa inuman.

"Renz, dito na kayo umupo ni Alvin.", wika ni Gelo sa amin. Binakante nila ni Neil ang dalawang upuan sa tapat nila Kyle at Aki. Ayaw ko naman gumawa ng bagay na ikapagtataka ng barkada kaya napilitan na akong umupo kasama ni Alvin sa tapat nila Kyle.

Kapansin-pansin ang malakas na pag-inom ni Kyle ng gabing iyon. Alam kong hindi ganoon kalakas ang tolerance niya sa beer lalo na kapag Red Horse ang iniinom.

"Lakas mo nang uminom ngayon ah, akala ko ba ayaw mo ng Red Horse?.", bati ko sa kanya. Hindi ko siya dapat kakausapin ngunit naisip ko na lalo lang maghihinala ang grupo kapag ganoon ang ginawa ko. Hanggang maari ay ayaw ko na may makaalam ng nangyayari sa aming dalawa.





****Kyle****



10:45 pm, Saturday
March 19





"People change, you should know that.", yun lamang ang naisagot ko ng pansinin ni Renz ang pag-inom ko. Mula ng makita ko siyang dumating kasama si Alvin ay di ko mapigilang uminom kahit na alam kong ilang tagay na lang ay mahihilo na ako dahil ayaw ko talaga sa beer na iniinom ko ngayon. Hindi ko alam kung nag-aalala siya o kung yun lang talaga ang kaya niyang sabihin sa akin ngayon.

"Yeah, i learned that the hard way. But i'm surprised to know that you are capable of change.", malaman na sagot sa akin ni Renz.

"I don't see why i would be an exception to that", hindi na siya nagkomento pa at kinausap na lamang ang kanyang kasama.

Inubos ko ang lamang alak ng aking baso at muli itong sinalinan. Nagpapasalamat ako sa epekto ng alak dahil nagagawa kong pigilan ang mga luha ko sa pagbagsak habang tinitingnan mag-usap ang dalawa sa harap ko. Paminsan-minsan pang humahagikgik si Alvin kapag kinakausap siya ni Renz.

"You don't have to push yourself to the limit. We can go now if you want.", alalang bulong sa akin ni Aki.

"I'm good. Don't worry i can handle this."

"Ok, sabihan mo lang ako kapag di mo na kaya. Pero mas cute ka pa din kesa sa kanilang lahat."

Ikinangiti ko ang sinabi ni Aki. Buti na lang at nandoon siya para palakasin ang loob ko.






****Aki****



10:55 pm, Sunday
March 19





Alam kong makikita ni Kyle si Renz sa party ni Gelo kaya pinili kong i-postpone ang pagbalik ko ng Davao. Ayaw kong sayangin ang chance ko kay Kyle, hindi ako papayag na mawala siyang muli sa akin. More than that, i won't let the same guy have a chance to make him cry again.

Hindi ko inaasahang darating si Renz na may kasama. Ayon sa pagkakapakilala ni Gelo ay partner niya raw ito. Good news dahil hindi niya kailangang lapitan si Kyle dahil kasama niya ang partner niya. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko iyon.

Ang kapalit naman noon ay ang makita ang taong mahal mo na nasasaktan. Alam kong nahihirapan si Kyle kaya niyaya ko na siyang umuwi ngunit pinili niya na mag-stay. Hindi ko alam ang takbo ng kanyang isip. May pagka-sadista rin ang isang to. Wala din akong maisip na gawin para gumaan ang pakiramdam niya.

Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa at marahan na pinisil, para ipaalam na nandito lang ako sa tabi niya. Liningon niya ako, nginitian ko lamang siya. Hindi naman niya tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

Naiinis ako dahil parang nananadya pa si Renz dahil panay ang harutan nila ng kasama niya. Parang may sarili silang mundo at walang pakialam sa amin. Siguro ganun rin ang nararamdaman ng mga kaibigan ko dahil hindi na sila inabala pang dalawa. Kinakausap ako ng mga kaibigan ko upang alamin kung anung nangyari sa akin sa nakalipas na taon. Hindi ako makasagot ng maayos dahil inaalala ko si Kyle na walang tigil sa paginom ng alak. Alam kong pilit niyang nilulunod ang kanyang nararamdaman para mabawasan ang sakit.

Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na magbabanyo si Kyle.

"Samahan na kita.", prisenta ko dahil mukhang hindi niya na kayang lumakad ng maayos, dahil pulang pula na siya at naniningkit na ang mata.

"Kaya ko, salamat na lang.", seryosong sabi ni Kyle.  Hindi ko na siya kinulit pa dahil sa tono ng pagsagot niya sa akin.

Kakapasok lang ni Kyle sa bahay ng magpaalam din si Alvin na magbabanyo.





****Kyle****




11:55 pm, Saturday
March 19






Nahihilo na ako at ramdam ko na rin ang pamamanhid ng aking mukha, tanda na hindi ko na kaya ang uminom pa. Pero wala akong balak itigil yon. Gusto kong uminom hanggang sa wala na akong nararamdaman. Yung tipong kahit sakit ng puso ko ay di ko na pansin dahil sa epekto ng alak. Naisip kong umiyak habang nasa banyo pero ayaw ko naman makita nilang mapula ang mga mata ko.

Habang tinitignan ko sila Renz at Alvin kanina ay naisip ko na baka nga hindi seryoso si Renz sa mga sinabi niya sa akin noon. Dahil kung totoo man yon, ay pano niya nagawang magkaroon ng partner sa loob ng ilang araw. 

Maganda na sanang timing ito para kausapin siya since wala namang bahid ng katotohanan ang mga sinabi niya noon. Ngunit kung siya ay wala talagang nararamadaman para sa akin, ako naman ay kabaligtaran. Mahal ko ang aking kaibigan. Mahal na mahal, at di ko siya magawang kausapin dahil sa labis akong nasasaktan sa aking nalaman ngayon. 

Kung sa bagay tinanong niya lang naman ako nung gabing yon kung gusto ko siya maging partner o boyfriend, but he never said that he loves me. I guess that explains why he was not affected at all. Sana naisip ko agad ito. Ganun naman talaga si Renz, kaya niyang makipagrelasyon kahit walang nararamdaman sa kapareha niya.

Hindi ko na napigilan na may pumatak na luha sa isiping iyon. Ang tingin niya sa akin ay katulad ng pagtingin niya sa mga nagamit niya noon. An exclusive partner in bed. Yun ang gusto niyang gawin ko sa kanya. Not to have sex with any other guy.

Agad akong naghilamos. Gusto ko ng lumabas ng banyo para makapagyosi. Magtutuloy-tuloy lamang ang luha ko kapag nanatili pa ako sa loob ng banyo.

Nagulat ako ng buksan ang pinto dahil nakaabang sa labas si Alvin.

"Ok ka lang pre? Tagal mo sa loob eh.", tumango lamang ako at lumabas na para makapasok siya.


Hindi ko alam ang dahilan ngunit pinili kong hintayin si Alvin na makalabas. Gusto ko siya makausap kahit na hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Di naman nagtagal ay bumukas din ang pinto ng banyo. Nagkunwari akong umiinom ng tubig.

"Kyle right?", bati niya sa akin.

"Yes.", maikli kong sagot.

"Ang hot ng kasama mo ah, Aki pangalan niya di ba?", tanong sa akin ni Alvin. Di ko nagustuhan ang kanyang pinupunto ng mga sandaling iyon.

"Oo."

"Is he your boyfriend?"

"Friend."

"Great. Ilakad mo naman ako sa kanya.", nagpupuyos ang sarili ko sa galit. Makati din ang isang to. 

"What about Renz?", seryoso kong tanong.

"What about him? I mean, i just met him in a bar, we had sex but that's it. But i like Aki better."

Hindi ako nakasagot. Kumukulo na ang dugo. I'm holding onto my last thread of sanity.

Mataman lang akong tinitignan ng kaharap ko. Mukhang lasing na din siya.

"How about you let me have a night with Aki, i let you have sex with Renz.", there i snapped. Hindi ko maatim ang mga sinasabi niya sa akin.

Agad ko siyang sinugod ng suntok. Wala pa akong nasuntok sa buong buhay ko. Pero salamat ng marami sa alak dahil mukhang napuruhan ko siya dahil napaatras siya at natabig ang vase sa katabing lamesa at nahulog.

"Damn! What's wrong with you? Renz didn't tell me you're a freak!", lalo akong nainis sa sinabi niya.

Muli ko siyang sinugod ngunit nakaiwas siya sa suntok ko at ako naman ang tinamaan ng kamao niya sa panga. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa suntok na yun. Salamat sa aking adrenaline rush at nagawa kong makabawi at tinamaan ko muli siya. Maganda ang naging bwelo ko sa huli kong suntok kaya napaupo siya. Inupuan ko siya para di na siya makatayo at mabugbog ko ang mukha niya ng husto.

"Kyle, stop it!", narinig ko ang pagdating mga kaibigan ko, pakiwari ko ay tinig iyon ni Renz. Pero wala akong pakialam, muli ko na sanang susuntukin si Alvin ng may kamay na humila sa akin palayo sa kanya.

It was Renz. Hindi ako nagpaawat, sumugod uli ako palapit kay Alvin. Napatumba rin ako agad ng dumapo sa mukha ko ang kamao ni Renz. Nahilo ako sa suntok na iyon. 

Nang i-angat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga ay nakita ko si Renz na itinatayo si Alvin. I knew i lost.

Nagulat ako ng biglang hablutin ni Aki si Renz at malakas na sinapak. Napaupo si Renz sa suntok na yon. Nakita kong lalapit pa si Aki.

"Aki, no!", malakas na sigaw ko pero parang di ako narinig ni Aki. Buti na lang at dumating na sila Gelo na umawat kay Aki.

"Gago ka din talaga no?!", sigaw ni Aki kay Renz. Akma namang susugod din si Renz para makaganti, ngunit agad siyang nahawakan nila Neil.

"Mas gago yang kasama mo dahil siya ang bumubugbog sa kasama ko!", sagot ni Renz kay Aki.

"Eh tarantado ka pala talaga e,", nagpumiglas si Aki sa mga umaawat sa kanya para sugurin si Renz.

"Stop it Aki!", sigaw ko habang inaalalayan ako tumayo ni Mico. Nakuha ko naman ang atensyo ni Aki.

"Tama na please.", pilit kong pinipigilan ang paggaralgal ng boses ko habang nagsisimula ang pagpatak ng mga luhang di ko na magawang pigilin pa.

"Kyle, you're bleeding.", alalang sabi ni Aki. Nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko, malamang dumudugo ang ilong ko sa sapak ni Renz na tumama sa parteng iyon.

"I'm ok.", nilingon ko si Gelo sa nakahawak pa din kay Aki. 

"Gelo, i'm really sorry for the trouble.", matatag ang aking boses pero kabaligtaran ang sinasabi ng lumuluha kong mata.

"Wag mo isipin yon. Mico, samahan mo si Kyle may first aid kit sa banyo sa kwarto ko.", utos ni Gelo.

Umiling ako.

"Wag na Mico, ok lang ako.", nilingon ko si Renz. Wala na akong pakialam kung makita ng lahat ang pag-iyak ko.

"You know more than anyone here, that i won't start a fight for no reason.", tinitigan ko siya. Mata sa mata. 

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ang kaibigan ko. Ang taong minamahal ko. My biggest regret. Ang unang tao na minahal ko ng totoo sa kumplikadong mundong ginagalawan ko. Ang unang taong nagturo sa puso ko kung pano ang tumibok. Ang tanging taong pinangarap kong makasama habang buhay, ay ang tanging taong alam kong hindi na magiging akin. Ang taong kailangan kong matututong kalimutan. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa aking luha. 

"Thanks Renz. Thanks a lot.", yun ang huli kong sinabi habang nakatitig sa kanya. Wala na ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasalamat, kusa na lang yun lumabas sa bibig ko. Nakatitig lamang din siya sa akin. Sa huling pagkakataon ay hinayaan ko ang sarili ko na masdan siya ng may pagsinta. Katulad ng mga nakaw na tingin na ginagawa ko sa kanya noon. Last 5 seconds, sabi ko sa sarili ko. Matapos ang gabing to ay di ko na siya guguluhin pa. Tatanggapin kong hindi ka para sa akin. Isisiksik ko sa isip ko na walang magiging 'tayo'. Muli kong tuturuan ang puso ko kung pano ang hindi tumibok. Siguro sapat na yung halos isang taon na naramdaman ko kung paano ang magmahal. Lalong dumarami ang patak ng luha ko, lalong lumalalim ang sakit. Yumuko na lamang ako.

"Kyle, i'm ....", hindi ko na pinatapos pa si Renz sa sasabihin niya at pilit na akong naglakad papalayo.

Pinigilan ako ni Aki.

"I'll drive you home.", sabi niya.

"No Aki, i want to be alone."

"But...", apela ni Aki.

"Please.", garalgal ko ng sabi dahil malapit na kong magbreak down. "Please Aki, i just want to be alone.", niluwagan naman niya ang paghawak sa akin at dumiretso na ako sa paglakad palabas ng bahay nila Gelo. 

Tahimik lang ang lahat. Alam kong nakatingin sila sa akin. Isang malaking talunan ng gabing iyon.

Nang makalabas ng gate ay masuwerteng may taxi na dumaan kaya nakasakay agad ako.

"Saan tayo sir?", tanong ng driver.

"Manong mag-drive lang muna po kayo. Hindi ko pa sigurado kung saan ako pupunta.", napakamot lamang ng ulo ang driver pero hindi na muli pang nagtanong.




****Aki****




12:30 am, Sunday
March 20





Labis na pag-aalala at awa ang nararamdaman ko para kay Aki. The look on his face when he was leaving, is like a nightmare to me. He looks so hopeless. Defeated. At wala akong magawa para sa kanya. 

Napansin kong lumapit si Renz sa kasama niya. Nakaramdam na naman ako ng galit. Katulad ng galit na nararamdaman ko kanina ng makita kong dumapo ang kamao ni Renz sa mukha ni Kyle at bumagsak ang huli sa sahig. Nawala ako sa katinuan noon at sinugod ko agad si Renz.

"Does that make you happy Renz?", sarkastiko kong tanong kay Renz. Nilingon naman ako nito.

"Shut up Aki. You know nothing about this story.", sagot ni Renz habang tinitingnan ako ng masama.

"Yeah, i don't know what exactly happened between the two of you. But i was there when Kyle was crying. Andon ako ng umiiyak siya habang nababasa ng ulan at walang masilungan. Andon ako nung nagpapakalunod siya ng alak. Andon ako nung pakiramdam niya nawala lahat sa kanya, ng dahil sayo. So don't you fucking tell me that i know nothing about what's going on. You're nothing but an egoistic selfish ass-hole.", galit kong  pahayag kay Renz. Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Maaring hindi niya inaasahan na may alam ako sa nangyari sa kanila.

Tumalikod na ako dahil wala akong balak na pauwiin si Kyle mag-isa. Malapit na ako sa pinto ng muli kong lingunin si Renz.

"And one more thing Renz. My biggest mistake was to leave Kyle with you a year ago. After what happened, i am warning you Renz Angelo. Don't you ever dare go near him again, handa akong kalimutan ang pagkakaibigan natin oras na masaktan muli si Kyle dahil sayo. And i will do everything i can para ilayo siya sa isang katulad mo. He definitely doesn't deserve someone like you.", banta ko kay Renz. Matapos yun ay tinungo ko na ang kotse ko na nakaparada sa labas ng bahay nila Gelo.

Sa kasamaang palad ay wala na roon si Kyle. Marahil ay naglakad na iyon palayo at naghahanap pa ng masasakyan. Agad kong pinaandar ang kotse para mahanap si Kyle.





****Kyle****




1:45 am, Sunday
March 20




Nagpadiretso ako sa taxi sa Antipolo. Malayo ang lugar ngunit napapayag ko rin ang driver. Alam kong marami na akong nainom pero gusto ko pa ng alak. I have a thousand reasons to get drunk tonight. Dumiretso ako sa Cloud 9 sa Antipolo, suwerte dahil wala na masyadong tao ng mga oras na yon.

Nagawa ko pang umorder ng isang bucket ng beer. Perfect ang lugar para mag-inom at makapag-isip. Kita ang mga mumunting ilaw ng metro manila mula sa kinalalagyan ko. Presko ang hangin dahil sa mataas ang lugar at dahil pinili kong pumwesto malayo sa ibang umiinom ay nakuha ko ang katahimikang gusto ko.

Kung nagkataong suicidal ako ay masarap na sanang tumalon sa bangin sa harap ko. Ngunit hindi pa ganoon ka sira ang ulo ko. Alam ko pa naman ang tama sa mali.

Pinagpatuloy ko ang aking pag-inom habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Ramdam ko ang kirot sa aking mukha dahil sa natamo kong sapak kanina. Masakit ang nakuha kong suntok kanina pero walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko kung kanino nanggaling ang suntok. Muli ng tumulo ang aking luha. Walang katapusan na pag-iyak, buwiset talaga.

Alam kong galit si Renz sa akin, alam kong parausan ang tingin niya sa akin, alam kong wala na akong halaga sa kanya ngayon. Pero ang hirap pa rin tanggapin na kaya niya akong saktan. Marahil ay mali ang pagkakakilala ko sa kanya noon.

Anu ang karapatan niyang magalit kung hindi naman siya ang nasaktan sa mga nangyari. Hindi naman siya ang nawalan, katunayan napakabilis niya nga akong napalitan eh. Para lang akong isang laruang napagsawaan niya na, kaya itapon niya man, masira niya man ay wala na siyang pakialam.

Kung kaninang bago ako pumunta sa birthday ni Gelo ay umaasa akong magkakasundo kami, matapos ang mga nangyari ngayong gabe ay natuldukan na kung anu man ang namamagitan sa amin. Kaya siguro ako nagpapasalamat kanina ay dahil sa kaibuturan ko ay alam kong wala ng pag-asa, na talo na ko at kailangan ko na siyang isuko.

Halos isang taon ko din siyang minahal, hindi ako naghahanap ng kapalit. Oo, umasa akong masusuklian ang pagmamahal ko ngunit kahit kailan ay hindi ko siya pinilit o pinakiusapan na suklian ang pagmamahal na yon. Pero hindi naman ata patas na ganito ang makuha kong kapalit mula sa kanya. Sapat na yung masaktan niya ang damdamin ko, pero yung pisikal na sakit. Sobra na. Siguro ay panahon na para kaawaan ko naman ang sarili ko. Panahon na para magkaroon naman ako ng konting pride.

Muli akong uminom ng alak. Alam ko na kung anong gusto kong gawin, sa ngayon ay hahayaan ko muna ang sarili kong masaktan sa huling pagkakataon. Dahil ito na ang huli, matapos nito ay wala na ako hahayaan na kahit sino na paglaruan ako ng ganito.

Nakakapagod na din kasi na ikaw lang ang nagmamahal, dahil sa kalaunan ay ikaw lang din ang masasaktan. Habang ang taong pinagbuhusan mo ng atensyon at oras ay nagpapakasaya sa piling ng isang taong nakilala niya sa kung saan. 

I know life is not fair, but i don't expect it to be this cruel. All i wanted is to be happy with the man i love. 

Bakit nagawa ni Renz na sapakin na lang ako ng ganun? Siguro ay wala din talaga akong halaga sa kanya from the beginning. Hindi kasi naman talaga ako ang ideal partner para sa kanya, masyado ko lang pinipilit ang sarili ko. Masyado ko kinumbinsi ang sarili ko noon na may halaga ako sa kanya kaya ngayon nasasaktan ako ng ganito.

Life being a bitch + me being a fool + falling in love with a jerk = Heartache/endless tears/ emotional torture.


Lungkot.

Pagkatalo.

Galit.

Awa.

Paghihiganti.


Halo-halo na ang nararamdaman ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili na magpakalunod sa alak. By the time i was done drinking, my head was spinning. I can barely walk straight. I had to cross the street to get a ride home. I didn't notice the car coming. I just saw blinding lights. I felt something hit me. Then it was all black.







...to be cont'd...




Love. Sex. Insecurity. [Chapter 10]


Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 10]





By: Crayon





****Renz****


6:07 pm, Friday
March 18




Masakit ang ulo ko. Yun ang una kong naramdaman ng magkamalay ako. I've been drinking and partying for the past 4 days. I tried to get up of my bed, but i was surprised to see that i was naked. 


"Gising ka na din sa wakas.", muntik na akong mahulog sa higaan ko ng may marinig akong magsalitang lalaki mula sa banyo ng aking kwarto.


"I hope you don't mind, nakigamit na ako ng banyo mo.", wika muli ng lalaki.


"What are you doing here?", yun na lang ang nasabi ko habang pilit inaalala kung anu na naman ang ginawa ko kagabe.


"Hahaha, classic. Well you were so drunk last night, i had to drive you home. I kinda checked on your wallet to look for an id so i can take you home safely. Then you just started kissing me. And you know what happens after that.", sagot niya sa akin sabay ang isang mapanuksong ngiti. "Do you want me to kiss you again? Maybe that will make you remember things.", mungkahi niya ngunit di ko na yon pinatulan pa.


"What was your name again?", tanong ko sa lalaki. Hindi maipagkakailang may itsura ang aking kaharap. Halata din ang kanyang paggy-gym sa hubog ng kanyang katawan. 


"Alvin.", sagot niya matapos makapagbihis.


"Thanks for driving me home."


"Thanks for the wild night. I had fun.", sinundan niya pa iyon ng isang pilyong tawa. "Anyway, i have to go now. You have my number, you asked for it last night. Just text me if in case you want company."


Tumango lamang ako.


"Baka pwede mo kong ihatid sa baba, para naman hindi magulat ang mga kasama mo sa bahay. Ayaw kong mapagkamalang akyat bahay.", pakiusap ni Alvin sa akin.


Hindi na ako sumagot at nagbihis na lang. Hinatid ko na siya sa ibaba. Sinamahan ko na din siya mag-abang ng taxi. Hindi naman kami natagalan sa pag-aantay. Bumalik na din agad ako sa bahay dahil nakaramdam ako ng gutom. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil di ko man lang naalok si Alvin na kumain. 


"Sino yon?", tawag sa akin ng aking ina ng makapasok ako sa kusina.


"Kabarkada lang po. Nakitulog.", walang gana kong sagot habang kumukuha ng pagkain sa ref.


"Ahhh, ngayon ko lang kasi nakita. Nga pala, papuntahin mo si Kyle dito may ginawa akong cheesecake. Matagal ko na ding hindi nakakwentuhan yung batang yun, nakakamiss din.", pakiusap ni mama sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis.


"Busy po yon.", maiksi kong sagot. 


"Ah ganun ba? Dalhan mo na lang siya sa kanila."


"Ma, busy nga po yung tao.", naiinis ko ng sagot. Nang makapaglagay ng pagkain ay kumuha rin ako ng isang bote ng alak sa ref at dinala lahat ng iyon sa kwarto ko upang makaiwas na din sa tanong ng aking ina.


"Alak na naman yang hawak mo.", sita sa akin ng aking magulang. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na ako sa aking kwarto.



Nakakalungkot ang pakiramdam na kumaing mag-isa. Tumungga ako ng alak, parang tubig na lang ang iniinom ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kaapektado sa nangyari. Ginagawa kong miserable ang aking sarili. Kahit si mama napapansin ang gabi-gabi kong paginom. Iyon kasi ang ginagawa kong outlet ng mga nararamdaman ko. 


Eh kay Kyle kaya anung epekto ng nangyari? Malamang si Aki naman ang nilalandi nun. Manhid naman yun eh. Bakit nga ba siya maapektuhan. Siya na ang nagsabi na hindi siya marunong magmahal at ayaw niya. Isa lang akong malaking tanga na umasang mababago ko siya. Akala ko babalik siya para kausapin man lang ako tungkol sa mga nangyari para kahit yung pagkakaibigan namin ay maisalba. Pero hindi nangyari yun, limang araw na din ang lumipas at kahit text wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko rin alam kung pumasok man lang sa isip na baka galit o nagtatampo ako. Napaka-choosy naman niya. Napakama-pride. Akala mo kung sinong may maipagmamalaki. Tang*na niya talaga. Makakatikim din siya ng karma niya.


Isa siya sa pinaka walang kwentang taong nakilala ko. Bakit ba pinag-aksayahan ko pa siya ng oras? Madaming nagkakandarapa para pansinin ko tapos sa isang katulad niya lang ako makakakuha ng rejection. Bullsh*t!


Biglang pumasok sa isip ko si Alvin. Kelangan ko ng aaliw sa akin, and he's perfect for the job. Tiningnan ko ang phone ko at sinubukan hanapin ang number niya, nang biglang may pumasok na text.


Gelo: tol! Bukas ng gabe ha? Sa bahay sa rizal, wag kang mawawala. Isama mo din si Kyle. Salamat!




****Kyle****



7:30 pm, Friday
March 18





Last day ko na sa work tapos day off na uli. Usually nae-excite ako kapag off ko dahil madalas ay nagkikita kami ni Renz. Ngunit ngayon ay hindi ko na nararamdaman yung excitement na yon.


Kasalukuyan akong nakatanga sa harap ng counter ng isang fast food chain, wala akong ganang kumain pero kailangan ko dahil ayaw ko namang mahilo habang nagtatrabaho. Pakiramdam ko ay kaya ko ng i-recite ang bawat pagkain sa kanilang menu ng walang tinginan. Madalas kasi akong kumain dito kapag tinatamad ako magluto.


"Miss, isang cheeseburger na lang tsaka regular sprite. Salamat.", wika ko sa kahera saka bigay ng bayad. Inulit niya lang order ko at sinabing i-seserve na lang daw sa lamesa ko. 


Nakatingin lamang ako sa number na ibinigay ng kahera sa akin. Kung nandito si Renz, malamang double cheeseburger ang order nun. Isa't kalahating matakaw kasi yun, sadyang aktibo lang ang kanyang metabolism kaya hindi siya gaanong tumataba. Gustong-gusto ko na siya i-text o tawagan para magkaayos kame pero di ko alam kung anung sasabihin sa kanya. Hindi ko rin alam kung anung iniisip niya sa akin at kung gusto niya ba akong magtext o tumawag pa sa kanya. Galit nga ba siya? O baka naman biro lang sa kanya yung mga naitanong niya sa akin at masyado ko lang sineryoso. Maaring pinagtitripan niya lang ako at wala sa kanya ang anumang napagusapan namin...Haaayyy... 


"Alam mo ang cute na katulad mo di dapat mag-isa sa table", nagulat ako ng may dalawang lalaking biglang umupo sa upuan sa harap ko.


"Alam niyo ang mga bwiset na tulad niyo dapat umaalis sa harap ko kapag ganitong di maganda ang gising ko.", sagot ko sa lalaking nagsalita.


"Hahaha wala basag ka Gelo kay Kyle. Haha di mo kakayanin ang kasungitan nito.", pang-aalaska ni Neil kay Gelo. Mga kaibigan sila ni Renz. Buhat ng maging magkaibigan kami ni Renz ay madalas na din akong napapasama sa mga inuman session nila at naging ka-close ko na din ang karamihan sa kanila, katulad ng dalawang to.


"Alam mo cute ka sana kaso ang sunget mo.", banat na naman ni Gelo.


"Alam mo kailangan mo ng mag-toothbrush.", nang-aasar kong sagot.


"Tahahahaha, nakakahiya ka bro!", dagdag na alaska ni Neil.


"Sobra ka na ha, wala namang personalan. Hahaha", sagot ni Gelo. Masarap kaasaran ang dalawang ito dahil hindi mga pikon. Pero wag mong gagawin na may malaman silang sekreto mo dahil tiyak na mapapaiyak ka nila sa pang-iinis sa iyo.


"Bakit ba nandito kayong dalawa ha? Nag-cr ako kanina ok naman yung banyo nila. Hindi kailangan ng maninisid ng poso negro dito.", tanong ko sa dalawa.


"Wow! Grabe! Sa gwapo naming to, maninisid lang ng poso negro tingin mo sa amin?", wika ni Neil.


"Gelo yung totoo, kapag sumisisid ka ba sa poso negro, nakabukas ang bibig mo? Amoy na amoy eh.", biro kong muli kay Gelo.


"Nakakasakit ka na talaga. Mahirap ang buhay ngayon no di na pwedeng choosy sa trabaho. Tsaka kasalanan ko bang inaantok ako kapag nagtatrabaho? Mahirap kaya pigilin ang maghikab, Hahaha", sagot ni Gelo sa akin. Di ko na napigilang humagikgik, nun lang ako muli natawa mula ng umuwi ako ng Bulacan.


"Haha, bwiset ka talaga Gelo. Bakit ba kayo nandito?", tanong kong muli sa dalawa.


"Eh kasi nakita ka namin sa labas, at dahil espesyal ka sa amin ni Neil, gusto kitang personal na imbitahin na pumunta sa birthday ko bukas. Yehey!!!", nagulat ako ng biglang maglakas ng boses si Gelo. Ako ang nahiya sa ginawa niya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. May pagka-abno talaga ang isang to. Natawa lamang ang kasama niyang si Neil sa pinaggagawa niya.


Bigla namang pumasok sa isip ko si Renz. Malamang pupunta din siya sa inuman na yon. Siguro ito na ang pagkakataon ko na makausap siya.


"Anyare?", sarkastikong tanong sa akin ni Neil ng mapatunganga ako.


"Sige, count me in.", yun na lang ang naisagot ko.


"Nga pala maiba ako. Alam mo bang bumalik na si Aki.", tanong sa akin ni Gelo. Di agad ako nakasagot dahil sa pagdating ng waiter na may dala ng order ko. Inalok ko kumain ang dalawa, pero alam kong tatanggi sila dahil diet ang laging drama ng dalawang to. Ayaw mabawasan ang bilang ng pandesal sa tiyan.


"Nagkita na ba kayo?", dagdag na tanong ni Gelo.


"Oo at oo.", wala sa loob kong sagot habang kumakagat sa burger na inorder ko. Itinaas ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko dahil biglang natahimik ang dalawa.


Nakatitig lang sila sa akin. Mga tingin na nagsasabing "something smells fishy". Dinedma ko na lang sila, ayaw kong may masabi pa akong pagsisisihan ko. Kilala sa pagiging tsismoso at pakialamero ang dalawang to sa grupo.


"Dukutin ko kaya mata niyong dalawa at ipalaman ko sa kinakain ko, no?", banta ko sa dalawang ng hindi nila tigilan ang pagtitig sa akin.


"Kelan kayo nagkita ni Aki?"


"Anong nangyare sa inyong dalawa?"


"Paano na si Renz?"


"Di ba siya nagalit na nakipagkita ka kay Aki?"


"Love triangle na uli ganun?"


"Anong mangyayare ---"


"Ang tanong ay kung anung mangyayare sa inyong dalawa kapag hindi pa kayo lumayas sa harap ko sa loob ng sampung segundo.", pagputol ko sa dire-diretsong pagtatanong ng dalawa. Matagal na nila akong tinutukso kay Renz. Wala naman akong nasasabi na anuman sa kanila tungkol sa nararamdaman ko. Sa aking paniwala ay madalas nila ako inaasar kay Renz dahil ito ang lagi kong kasama.


"Ikaw naman Kyle masyado kang nagiging bayolente. Chill lang. Curious lang naman kami kasi mas nauna pa siyang nagpakita sa iyo kaysa sa amin na matagal niya ng kaibigan.", sagot ni Gelo.


"Kasalanan ko ba yon? Tsaka aksidente lang naman yung pagkikita namen. At wag niyo ng alamin pa ang detalye dahil di niyo naman ikaka-talino yun."


"Ouch, sakit ha. Pero di bale malalaman din namen yan. BDO!", muli sumigaw si Gelo sa pagsasabi ng BDO.


"Anong BDO?", tanong ko sa dalawa.


"Hihi, we find ways!", sagot ni Neil. "Lakas maka-Xian lim no?"


"Oo tol, sige na Kyle pagbutihin mo ang pagkain jan. Wag kang mawawala bukas ha? Magagalit ako sa'yo. Pupunta lang kami ng gym.", paalam ni Gelo.


Tumango lang ako, at pinanood ang dalawa na umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Mag-isa na naman ako. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Sana maayos na ang lahat bukas.




****Kyle****



6:38 pm, Saturday
March 19





Maaga ako nagising ng hapong iyon. Kailangan ko maghanda para sa party ni Gelo mamaya. Ilang beses ko ding prinaktis sa ulo ko ang gagawing pagkausap kay Renz. Hindi ko na dapat patagalin pa ang tampuhan namin na 'to ayaw kong lumala pa ang mga bagay-bagay, mabuti na yung magkalinawan kami.


Lahat ng alam kong makakapagpa-gwapo sa akin ay ginawa ko. Vain na kung vain basta ang gusto ko ay maging gwapo ang hitsura ko. Di ko man mapantayan ang ka-gwapuhan ni Renz yung at least close naman dun ay pwede na. 


I chose to wear  a black long sleeves, para hindi masyado halata ang taba ko. Tinernuhan ko ito ng dark blue jeans, black leather shoes, and a white wrist watch para tamang contrast lang at dahil din bigay sa akin ni Renz yung relo na yun. Siniguro ko ring mabnago ang aking amoy, kung kinakailangan na hindi ako magyosi hanggang magkita kami ni Renz ay handa kong gawin basta mapansin niya na mabango ako. Humarap ako sa salamin sa kwarto ko at nasayahan naman ako sa nakita ko. Semi-formal, minsan ng sinabi sa akin ni Renz na bagay sa akin ang ganitong ayos dahil nagmumukha daw akong tao. Napangiti naman ako sa salamin dahil sa naalala ko.


Bumaba na ako ng apartment at nagantay ng taxi. Ayaw kong mausukan sa pagco-commute.


-------


8:30 pm. Na ako dumating sa bahay nila Gelo. Sinalubong naman ako nila Gelo at Neil.


"Happy birthday abno!", nakangiti kong bati kay Gelo sabay abot ng regalo ko. 


"Salamat. Pero bakit mag-isa ka lang tsaka bakit ganyan suot mo?", takang tanong niya sa akin.


"Ha? Pangit ba?", alala kong tanong.


"Naku tol, di ata natin siya nasabihan na pool party.", biglang sabi ni Neil.


Para naman akong binuhusan ng tubig sa narinig. Overdressed ako. Magmumukha pa ata akong tanga. Gusto kong umuwi muna at magpalit ng damit.


"Joke.", nakangising sabi ni Gelo.


"Tarantado ka! Mapapatay kita sa kalokohan mo.", sigaw ko kay Gelo.


"You should've seen the shock on your face. Hahaha", pang-aasar pa ni Neil.


"Buset kayong dalawa.", natatawa ko na ding sagot.


"Tara na nga sa loob.", imbita ni Gelo. Sumunod naman ako sa kanila. "Kyle, asan si Renz?"


"Ha?", hindi ko inaasahan ang tanong na yon. Madalas kasi ay sabay kaming dumadating sa twing may ganitong pagkikita kita ang barkada. "Ah.., wala kasi siyang nabanggit na sabay kami ngayon kaya nauna na ko. Nagsabi ba siya na di siya pupunta?"


"Hindi naman. Pero tinext ko siya di din naman siya nagreply.", sagot ni Gelo. Naputol ang aming usapan ng makarating kami sa pool area ng bahay nila Gelo.



"Ayun oh! I sure would love to see Kyle's reaction when these two morons played their frank on him.", malakas na sabi ni Martin.


"It was priceless bro. Kahit sinong may sakit gagaling kapag nakita ang itsura kanina ni Kyle.", nang iinis na sagot ni Neil.


"Bakit kasi masyadong pormal ang suot mo? Nakaitim ka pa.", tanong ni Jordan.


"Akala ko kasi lamay na ni Gelo at Neil. Birthday pala ni Gelo. Pero anong malay natin baka tuluyan ko na din tong dalawang to.", sagot ko kay Jordan na ikinatawa ng lahat.


"Tulungan na kita.", sagot ni Mico na medyo nakapormal din. 
Lalo lamang tumawa ang grupo. Medyo madami na din ang nanduon nasa labinglima na siguro. Nagsisimula na din ang inuman. Inalok nila akong uminom ngunit tumanggi muna ako,ayaw kong mag-amoy alak.


Inalok akong kumain ni Gelo ngunit tumanggi ako dahil wala akong kasabay. Umupo lang ako sa umpukan ng mga nag-iinuman at nakinig sa kanilang kwentuhan. Katulad ng dati ay puro tawanan ang ginawa ng magkakabarkada. Pansamantala kong nakalimutan ang kaba sa gagawing pakikipagusap kay Renz


"Guys, may i have your attention please. I am very pleased to introduced our special guest for tonight. The very hansome and 
Elusive..."


"Siraulo ka talaga.", natigil ang pagsasalita ni Gelo ng biglang sumulpot mula sa kanyang likuran si Aki. "Kamusta mga tsong? Miss me?", nakatawang sabi ni Aki.


Naghiyawan naman ang mga kabarkada niya at lumapit sa kanya. Binati siya isa-isa ng mga ito, halatang nananabik din sila sa kaibigang matagal na nawala. Nanatili lang ako sa aking upuan, dahil ayaw ko namang makigulo sa kanila. Ilang minuto din silang nagkamustahan bago bumalik sa lamesa upang ipagpatuloy ang pag-inom.


"Hey, Kyle andyan ka pala.", tumango lamang ako kay Aki. Halata naman ang bigla nilang pananahimik. Hindi ko alam kung bakit. 


"Kumain ka na ba?", tanong sa akin ni Aki. Umiling lamang ako.



 "Tara, sabay na tayo kumain.", tumayo ako sa aking kinauupuan para makakain na kami ni Aki. Hindi ko din kasi gusto ang mga matang nakamasid sa akin habang nakikipag-usap kay Aki, para bang may hinagawa akong maling bagay.


Nang matapos kumuha ng pagkain ay pinili namin na kumain sa loob ng bahay nila Gelo upang makaiwas sa gulo ng mga nag-iinuman.


"Kamusta ang buhay?", tanong ni Aki sa kalagitnaan ng aming pagkain.


"Eto pilit humihinga para lang masabing buhay.", mapait kong sagot sa kanya. "Ikaw kamusta? May sakit ka pa ba?"


"Ok na ko, magaling ka kasi mag-alaga. Huwag ka na malungkot, try to have fun tonight."


"Right. Nga pala, akala ko ba babalik ka ng davao today, bakit andito ka pa din?"


"Hmmm, naisip ko muna i-postpone, namiss ko na kasi ang barkada."


Tumango lamang ako bilang sagot. Pabalik na kami sa poolside ni Aki ng makarinig kami ng malalakas na sigawan galing sa parteng iyon ng bahay. Madali naman kaming naglakad ni Aki upang tingnan kung anung nangyayare.


May pinagkukumpulan ang barkada mukhang may bagong dumating. Nang makalapit kami ni Aki ay agad naman tinawag ni Gelo ang aking pansin.


"Hoy Kyle! Hindi ka man lang nagkwento kahapon na may bago na palang partner si Renz!", hindi agad na proseso ng utak ko ang sinabi ni Gelo. Ang tanging tumatak lang na salita sa isip ko ay ang pangalan ni Renz. Agad kong hinanap ang maamong mukha ni Renz sa grupo. Nang makalapit na husto ay nakita ko si Renz.


Nakasuot siya ng fitted na v-neck shirt na may mga dark blue stripes. Pinatungan niya ito ng brown leather jacket at tinernuhan ng slim cut na black jeans. He looks gorgeous with what he is wearing. Parang modelo na pinaganda ang isang damit ng isinuot sa kanya. 


I tried to stare at his eyes, surprisingly he stared back at me. Ngunit blangko o walang laman ang tingin na ibinigay niya sa akin. Mukhang may tampo nga siya sa akin. 


Naputol ang pagtititigan ko sa kanya ng magsalita siya.


"Kyle, this is Alvin.", malamig niyang sabi.


Noon ko lamang napansin ang adonis na nakatayo sa kanyang tagiliran. Defined ang jaws at cheek bones ng lalaki, hot ang dating. Halos magkasingtangkad at magkasingkatawan sila ni Renz. Kasalukuyang nakangiti sa akin ang lalaki. He had a very eye-catching smile. 


"Tara na Renz pakainin mo na muna ang partner mo.", biglang singit ni Gelo.


Nun ko lang lubos naintindihan ang mga nagaganap. Nanlamig ang pakiramdam ko, parang bigla akong matutumba dahil parang lahat ng dugo ko ay umaakyat patungo sa ulo ko.


Ganoon lang kabilis yon?, yaan ang tanong na agad pumasok sa aking isip ng ma-realize ang mga nangyayare.






....to be cont'd....




The Yuppie Is My Papi 2


Thursday, May 2, 2013

Ang RnB 7


CAMPUS TRIO 18

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Kamusta na guys. Parang nababawasan na ang comments sa aking story ah. Lets see kapag pinost ko na ang continuation ng story ko kung ganito pa rin haha...

Tungkol naman po sa request ng iba na maglagay ako ng mga pictures ng mga characters dito, nung nagsisimula pa lang ako sa pagsusulat ay naisip ko na rin iyon. Pero wala kasi akong mapagkukuhanang source. Kung meron man ay hindi ko magawang kopyahin at ilagay dito baka magkaroon lang kami ng problema ng sinumang owner nun. Sa ngayon ay magtiyaga na lang po tayo sa imagination. lol!

Happy Reading!



[18]
Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makahawak nito mula sa ibang tao kaya inamoy niya. Agad siyang nagtungo ng banyo at isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.

Matapos ng ilang minuto a y bumalik na siya sa kanyang silid. Naabutan pa rin niya si Bryan na nakahiga at nakatingin sa kanya na may malokong ngiti.

"Kamusta na ang papaparaos?" ang deretsahang tanong nito na nagpabigla kay Andrew.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Naghugas lang ako ng kamay." ang pagdeny naman nito.

Napansin ni Bryan ang pag-iwas ng tingin niya kay Andrew. Nahalata naman niya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Pero hindi na niya kinompronta pa ito.

Sa totoo lang ay umasa siya na may mangyari na sa kanila sa gabing iyon. Kahit may pagkadismaya ay inunawa na lang niya si Andrew. Siguro ay hindi pa talaga ito handa na gawin ang bagay na nais niyang mangyari sa kanilang dalawa. Maghihintay na lang siya ng tamang panahon.

Inilingkis na lang niya ang kanyang mga braso sa nakatagilid na nakahigang si Andrew.
"I love you Andrew." ang mahinang bulong niya sa tenga na nakapagpangiti dito.
_________
Pagkababa pa lang ni Andrew ng jeep na sinakyan kinabukasan ay napansin na niya ang mga estudyante sa may gate na nakatingin sa kanya, hanggang sa makapasok na siya sa campus. At nang makarating siya sa lobby ay nakita niya ang kumpulan ng mga ito na nakatingin sa malaking bulletin board.

"Mga schoolmates nandito na siya!" ang pagsigaw ng isang babae. Clueless pa siya sa mga oras na iyon kaya wala siyang gaanong reaksyon.

At nalaman na lang niya na siya pala ang tinutukoy ng sumigaw nang magtinginan sa kanya ang mga estudyante.
"Ang kapal naman ng mukha mong agawin si Bryan." ang banat ng isang babaeng may katabaan ang itsura.

Nagtaka naman siya sa mga sinasabi nila kaya tinignan niya ang board. At tumambad sa kanya ang mga larawang magkasama sila ni Bryan sa mall. Sa isip niya, isang espiya ang kumuha ng mga ito dahil detalyado talaga ang pagkakakuha. At ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang litrato na kung saan ay nagkiss silang dalawa habang nakayakap ito sa kaniya. Ginuhitan siya ng sungay sa ulo gamit ang marker.

"User ka! Bakla!" ang patutsada pa ng isa pang babae.
At nagsimula nang magsigawan ang mga estudyante. Sa sobrang pagkagulat ni Andrew sa hindi inaasahang ginawa ng mga ito ay napaluha na lang siya. Sobrang masakit sa kanya ang mga salitang panlalait na lumalabas sa bibig ng mga ito.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang isang braso na humahaplos sa kanyang likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon, nalaman niyang si Dina pala.
"Tama na Andrew, tara na sa room." ang bulong nito sa kanya.

"Aba kaya naman pala, tignan mo ang kaibigan niya isa ring bakla." ang biglang pagsingit ng isa pang babae.
"Ang sasama ninyo." ang sagot ni Dina sa kanila.
"Huwag mo na silang patulan. Tara na" ang sabi ni Andrew.

Akmang lalakad na sila papunta sa kanilang classroom nang harangan sila ng mga babaeng estudyante. "Ano ba ang gusto niyong mangyari ha?" ang medyo napapataas na boses na ni Dina.
"Huwag kang makialam dito bakla, yung kaibigan mo lang ang kailangan namin." sagot ulit ng matabang babae.
"Nakita niyo namang umiiyak na, please lang tigilan niyo na siya." si Dina ulit.
"Ayos lang ako Dina." si Andrew.
"Freshman ka pa lang ganyan na asal mo. Ang galing mo namang mang gayuma." ang patutsada pa ng isa sa kanila.
"Inggit lang kayo." ang nang-iinsultong sambit ni Dina.
"Sumasabat ka pang bakla ka ha, sige boys alam niyo na ang gagawin niyo."

Nakita na lang ni Dina ang papalapit na mga matatangkad na lalaki sa kanila. Si Andrew naman ay natulala na lang sa sumunod na eksena.
Kinuwelyuhan ng isa sa kanila si Dina at tinulak papalayo kay Andrew. Sa lakas nito ay tumilapon siya sa halamanan. Ang isa naman ay lumapit sa kanya.
"Ikaw bata dapat kang bigyan ng leksyon." ang galit na sabi nito.

Akmang susuntukin  na siya nito nang biglang matigil sa pagkarinig ng isang boses.
"Anong gagawin mo sa kanya?" ang tanong ng isang lalaki. Agad nabosesan ni Andrew iyon. Nagtinginan ang lahat ng mga estudyanteng naroroon sa kaniya. Ang campus trio.

Tumigil naman sila at nang makalapit ay agad silang nagsalita.
"Dapat silang bigyan ng leksyon, masyado niyang sinaktan ang damdamin ng mga babae dito sa campus." ang pangangatwiran ng isa sa mga lalaking bubuhat sana kay Andrew.
"Bakit naman?" ang tanong ni Bryan.

Tinuro ng mga ito ang mga larawan na nakapaskil sa board. Hindi na rin siya nagtaka pa na kunan siya ng larawan nang palihim.

Napatakip na lang ng bibig at natameme ang mga babaeng estudyante sa sumunod na ginawa ni Bryan. Kinuwelyuhan niya ang lalaking nagsalita tulad ng ginawa ng kasama niya kay Dina.
"Anong sinaktan? Wala akong ginagawa sa kanila. At saka wala akong pakialam sa nararamdaman nila!" ang pagalit niyang pahayag sabay bitaw patulak.
"Binago ko na ang sarili dahil na rin sa kagustuhan ni Andrew.  At huwag niyo akong pilitin na ibalik ako sa dati."
"Lahat kayo, simula sa araw na ito, ang sinumang manakit kay Andrew ay malalagot sa akin, naiintidihan niyo ba?" ang dagdag niyang pagbabanta sa kanila.

Tinulungan ni Troy si Dina na makatayo at si Bryan ay binaling ang atensyon kay Andrew.
"Ayos ka lang ba, walang masakit sa iyo?" ang may pag-aalalang tanong nito sa kanya.
Tumango lang ito bilang pagsagot.
"Sige na deretso na kayo sa room niyo late na kayo." si Michael.

Bago umalis ang dalawa ay may pahabol na sinabi si Bryan kay Andrew.
"Doon ka na sa tambayan namin maghintay mamaya sa akin." ang sabi nito.
______
Gaya ng pinag-usapan ay doon agad dumeretso si Andrew sa tambayan nung oras ng uwian. Sinama na rin niya si Dina. Habang hinihintay sina Bryan at Troy ay nagkaroon ng maikling pag-uusap silang tatlo ni Michael.

"Anong gusto niyong meryenda?" ang tanong ni Michael sa kanila.
"Huwag ka nang mag-abala, busog pa kami." ang sagot naman ni Andrew.
"Drinks?"
"Ayos lang kami."
"Ok. Maiba ako, nasabi sa akin ni Bryan na kayo na raw dalawa. At alam niyo ba na t uwang-tuwa ang loko. Honestly ngayon ko lang namin siya naita ni Troy na ganoong kasaya. Hindi lang ako makapaniwala sa napili niyang landas." ang medyo natatawang pahayag ni Michael. "Sa bagay noon pa man kapag nagpupunta kami sa club, napansin na namin ang lamig ng pakikitungo niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Akala nga nmin nung una dahil lang ito kay..."

Agad napatigil si Michael sa kanyang pananalita na ikinataka ni Andrew.

"Ah talagang bumigay ka sa pang-aakit niya sa iyo ha." agad din nitong sinabi na tila bumabawi.
Bahagyang natawa si Dina sa sinabing iyon ni Michael.
"Hindi ko nga alam kung tama itong naging desisyon kong makipagrelasyon sa kanya. Parang naging miserable na kasi ang buhay ko simula nang makilala ko siya eh. Tulad na nga lang ng nangyari kanina." ang sabi naman ni Andrew.
"So nagsisisi ka ba?" si Michael. "Alam mo Andrew, hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang pasasalamat namin sa iyo ni Troy. Simula nang dumating ka sa buhay niya, naging masaya na yan, bumait sa kapwa, at natutong tumulong sa iba. Naglaho na nga ang pagkamaangas niyan. Kaya nang malaman namin na gusto ka niya, hindi kami makapaniwala ni Troy. Pero napagdesisyunan namin na kahit ano pa ang kanyang sexual preference ay kaibigan pa rin namin siya kaya susuportahan namin siya."
"Alam mo Andrew, naiinggit nga ako sa iyo eh. Isipin mo na lang na bihira sa buhay ng mga tulad natin ang magkaroon ng true love. Ang swerte mo nga dahil isang tulad ni Papa Bryan ang nainlove sa iyo" ang pagsingit naman ni Dina. "At napatunayan niya iyon sa pagtatanggol sa iyo kanina. How sweet!"
"Tama ang kaibigan mo Andrew." ang pagsang-ayon ni Michael. "Siyanga pala ikwento mo naman sa amin yung mga nasa picture."

"Ah yun ba? Pinasyal lang naman niya ako." ang tugon ni Andrew.
"Hindi iyon, yung naghalikan kayo."
"Smack lang iyon. Wala pa ba siyang nasasabi sa iyo?" ang balik tanong ni Andrew kay Michael.
"Oo."
"Ganoon ba. Yung halik na iyon ay nangyari ng sabihin kong mahal ko siya."
"Friend inggit na talaga ako. Pero ano yung naramdaman mo matapos ka niyang halikan."si Dina. "Alam mo naman na yun ang pinapangarap ng lahat ng mga babaeng estudyante dito sa campus."
"Masaya ako, masarap yun. First kiss ko kasi iyon." ang pag-amin ni Andrew.
"Parehas lang kayo ni Bryan." si Michael.
"Ha! ibig bang saibihin na wala pa siyang naging past relationships?" si Dina.
"Hmmm... Ah...wa... wala pa. Marami nang nagpahiwatig sa kanya ngunit hindi niya pinatulan ang mga iyon."

Muli ay nagtaka si Andrew sa paraan ng pagsagot ni Michael. Tila nag-isip muna ito ng sasabihin. Naisip tuloy niya na may tinatago ito."
"Paano ka naman niya napasagot? " ang kinikilig nang tanong ni |Dina sa kanya.
"No choice na ako, nagsisigaw na kaya siya sa harap ng maraming tao."
Natawa si Michael. "Desperado na talaga siya sa iyo. I cant believe na gagawin niya talaga ang suggestion namin Troy. Palagi na lang namin siya nakikitang nag-iisip na parang nasisiraan ng ulo at minsan naman dumadaing sa amin kung paano ka niya mapapaamin."

Hindi niya lubos maisip na ganoon na pala katindi ang nararamdaman ni Bryan sa kanya.
"Ok" ang naisagot na lang ni Andrew sa mga nalaman kay Michael.
______
Pagsapit ng weekend ay niyaya ulit ni Bryan si Andrew na bumalik ng Baguio.

"Isang araw lang tayo dito Bryan. Kailangan ko pang magreview sa exam namin bukas."
"Ayos lang sa akin..." teka wala pa pala tayong tawagang dalawa. Ano ba pwede?"
"Kahit wag na"
"Kailangan yun. Parang wala lang kasi tayo kapag nagtatawgan tayo sa mga pangalan natin. Aha kung honey kaya"
"Ang baduy mo naman."
"O sige pwede bang cutie pie, boyfie sweety pie, sweetheart..."
"Tae ka Bryan."

Nagkatawanan silang dalawa.
"Yung sinabi mo pala kanina... Ok sa akin iyon I understand. Ayoko namang bumaba ang grades mo. I dont want na mawala ka sa scholarship ni mommy dahil lang sa akin. Mamamasyal lang tayo doon tapos bibilihan ng pasalubong si nanay then babalik na tayo ng Maynila sa gabi."
"Salamat Bryan."
"Basta ikaw."

Nang marating ang resthouse ay buong pagmamalaking pinakilala ni Bryan si Andrew bilang kanyang kasintahan kina Aling Susan at sa ibang mga kasambahay.

"Sabi ko nga anak. Noon pa lang may kutob na ako sa inyong dalawa eh. Kami dito ay sumusuporta sa inyong dalawa. Payo ko lang sa inyong dalawa, hindi mawawala sa isang magkarelasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at mga pagsubok na titibay sa kanilang pagmamahalan. Sana ay hindi ito maging dahilan ng paghihiwalay ninyo. Nakikita ko kasi na masaya kayo sa isat-isa." ang mahabang pahayag ni Aling Susan sa kanila.

Inakbayan ni Bryan si Andrew." Thank you po sa payo niyo. Kahit anuman po ang mangyari ay hindi ko bibitiwan si Andrew."

Nakakataba naman ng puso ni Andrew ang narinig nito kay Bryan kaya hindi niya maiwasan ang mapangiti.
__________
Lumipas ang ilang araw na umabot ng isang buwan ay naging maayos ang relasyon ng dalawa. Sa mga panahong iyon ay mas napalapit sila sa isat-isa. May mga araw na nagpupunta pa sila sa ibat-ibang lugar para mag date.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na alam na ng ina ni Bryan ang namamagitan sa kanila. Nagduda na kasi siya sa mga umuugong na balita sa school at napapansin rin nito ang sobrang pagiging close ng dalawa kaya nang magpa-imbestiga siya ay nalaman niya ang lahat. Hindi niya matatanggap na maging ganito ang magiging duture life ng kanyang panganay na anak. Dahil dito. isang desisyon ang kanyang gagawin.

Isang araw ay pinatawag si Andrew sa opisina ng administrators ng university. Pagkapasok ay nakita niya ang nanay ni Bryan.
"Good Afternoon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa kanya.
"Good Afternoon, please take your sit." ang sagot nito. "Pinatawag kita ngayon dahil may importante tayong pag-uusapan."
"Ano po iyon Mam?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iho. Simula ngayon ay hihinto ka na sa pagtuturo mo kay Billy."
"Mam?" ang tanong niya na may pagkabigla.
"Basta...and one more thing, I want you to stay away from my son."
"B...bakit naman po?" ang nauutal nang tanong ni Andrew.
"Alam ko na ang relasyon niyo ng anak ko at bilang ina niya at administrator ng school ay hindi ko mapapayagan iyon. Ngayon pa lang ay usapan na kayo dito sa school and I dont want na masira ang image niya at reputasyon namin dito."
"Alam na po ba ito ni Bryan?"
"No need. Kilala ko ang anak ko at hindi iyon papayag dahil may katigasan ang kanyang ulo. alam ko namang maiintindihan mo kaya kita kinausap para ikaw na ang gumawa ng hakbang. So ano nagkakaintidihan ba tayo?"

Hindi agad makasagot si Andrew.
"Sana maintindihan mo iho, gusto ko lang na maging tuwid ang buhay ng anak ko, na magkaroon ng normal na buhay, ng asawa at anak na magdadala ng apleyido ng aming pamilya."
"Naiintindihan ko po mam." ang medyo naiiyak na niyang tugon.
"Alam ko ang nararamdaman mo iho, kung talagang mahal mo siya, gagawin mo ang lahat na maging tama ang landas na kanyang tatahakin di ba?"
"Sige po Mam, gagawin ko po." ang malungkot na tugon ni Andrew.
"Huwag kang mag-alala, pag-iisipan ko ang aking gagawin bilang kapalit sa paghinto mo sa pagtutor."

Hindi na inintindi pa ni Andrew ang huli nitong sinabi dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan.
Pagkalabas ni Andrew ng opisina ay nakita niya si Bryan na nakatayo na nag-aabang sa kanya.

Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails