By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
Stupid
Gay!
Pati ang mga barkada nina Timmy at John na kasabay
nilang nag-enroll, dahil napag-usapan nilang magsabay-sabay sa pag-enrol ay
hindi makapaniwala na hinarangan ng kanilang Dean ang pag-enrol nila.
Agad na tinungo ng dalawa ang Dean’s office. Sinamahan
pa sila ng mga barkada.
“I recommended banning the two of you from enrolling
in this university because of the video scandal.” Ang paliwanag ng Dean.
“Sir, isn’t it unfair? We are not the ones doing sex in
the video! We did not do anything like that in the toilet. We admit teasing and
joking around. But having sex? I can’t take it! I can’t do it!” ang sagot naman
ni Timmy.
“I’m sorry. But in my findings, it’s the two of you.
Of course you will deny that. I can understand taht. It is normal for accused
persons to deny. It alway happens.”
“Sir, we are not liars!” ang pagtaas ng boses ni John.
“Mr. Iglesias, this is an office. You don’t have to
shout at me.” ang sagot naman ng Dean.
“Then why don’t you investigate again, or create a
committee composed of Faculty members and even student council officials, give
that committee a guideline and a time frame so that there will be a thorough
and impartial investigation.” Ang mungkahi ni Timmy.
“Are you implying that I’m not impartial?” ang sagot
naman ng Dean.
“I did not say that, Sir. What I’m trying to suggest
is that the whole story should come out! The truth can’t be established by
watching that video only. There may be stories behind that video. Is the video
authentic?”
“There is no need for that. I know what I’m doing and
I know, it’s the two of you who are in that video.”
Natahimik si Timmy at John. Hindi sila halos
makapaniwala sa sobrang pagka-unreasonable ng Dean.
Maya-maya ay tinitigan ni John ang Dean. “Sir, tell me
honestly. Are you angry with us? Is there anything in us which you are angry
with? Did we do something bad to you?”
“Mr. Iglesias, I am not angry with anyone. I just
happen to be the Dean and I have the responsibility to impose the rules, and to
see to it that the students follow rules, are trained with the right values,
guided with the right moral and ethical standards.”
“And who decides this moral and ethical standards,
Sir? You?” ang tanong ni John.
“Everyone knows that homosexuality is an immoral act,
Mr. Iglesias. And I know that Mr. Suarez and you have an immoral, homosexual
relationship. It’s a fact, right? Although you don’t admit it, it’s known by
many Freshmen students. And for a fact that you admitted that part in the video
with your faces and you are hugging, what is there to investigate? The rest of
the video must be the two of you! The two of you are doing immoral acts!”
“Sir, do you know that you are unfair, biased, bigot,
and homophobic? And who in the world appointed you to be the authority and guardian
of morality? You are not even a religious person to preach us about morality.
You don’t have the moral high ground to tell us we are immoral persons.” ang
sambit ni Timmy.
“I am the Dean of this department so I know how to
implement the rules!” ang sagot ng Dean.
“Then implement the rules but don’t tell us what is
moral and immoral! The job of the religious people.”
“So you won’t allow us to enroll because of your belief?”
ang pagsingit ni John.
“That is correct. People like you have no place in
this university! You are a bad example to other youths!”
Dismayadong lumabas ng office ang dalawa. Sa isip nila
ay wala silang laban sa pagka irrational ng kanilang Dean lalo’t hinusgahan na
sila.
“Ano ang nangyari, Tok?” ang tanong kaagad ng mga
barkada na naghintay sa labas ng opisina ng dean.
“Talagang idiniin ng Dean na kami iyong nasa video!”
ang galit na sabi ni Timmy.
“OMG! Paano na iyan? Hindi na talaga kayo
makapag-enrol?” ang tanong ni Joy.
“Sabihin mo lang, Tok kung kailangang mag-rally kami
to support you, sasabihin ko sa mga Freshmen. Baka pati ibang level ay may
susuport rin dahil balita ko ay marami ring galit sa bagong Dean natin na iyan
eh.”
“Huwag.” Ang sagot ni John. “Ako na lang muna ang
maghanap ng paraan.”
“Nariyan na naman iyang ikaw na lang ang maghahanap ng
paraan, eh.” Ang tila pagmamaktol naman ni Timmy.
Napalingon ang mga barkada kay Timmy. “Oo nga Hang.
Dapat ay sabihin mo sa amin ang plano mo. Malay mo ay may maidagdag kami o maitutulong.”
“Oo sasabihin ko rin sa inyo kung ano ang plano ko.”
Sabay akbay niya kay Timmy, “Wag ka na ngang magtampo Tok… tayong dalawa na ang
magplano.”
“Uyyyy! Ka-sweet!” ang biro naman ng barkada.
“Umlais ka nga riyan! Mamaya mavideohan naman tayo!”
ang sambit ni Timmy.
Tawanan.
So iyon ang napagkasunduan nila. Napagdesisyunan nila
na ituloy na lang ang pagpa-enrol ng mga barkada habang hinanapan pa nila ng
paraan ang kaso nina Timmy at John.
“Doon muna tayo matutulog sa apartment ko, Tok.” Ang
mungkahi ni John.
“Bakit?”
“Magresearch ako tungkol sa rules ng school, tungkol
sa Dept of Education kung saan tayo maaaring dumulog sa porblema natin.” Ang
sagot ni John.
“Ah sige. Okay lang sa akin.” Ang sagot ni Timmy.
Sa gabing iyon ay halos magdamag na nakatutok si John
sa kanyang laptop. Maya-maya, “Tok… kakausapin ko na lang muli ang Dean bukas. Ito
ang plan A natin. Kapag di pa rin siya madaan sa magandang pakiusap, sa Plan B
na tayo. Ang plan B ay hikayatin natin na mag-rally ang mga barkada natin.
Magpost tayo sa social media ipaalam ang rally natin against sa Dean habang
ilalakad natin ang reklamo sa Dept of Education or kahit saang sangay ng
gobyerno tungkol sa Dean na iyan.
“May nahanap ka ba sa research mo?”
“Mayroon naman, mga sangay ng gobyerno kung saan ay
puwede tayong magreport. Ngunit mas maganda siguro kung makisuyo muna ako,
magmakaawa sa kanya. Idaan muna natin sa pagpakumbaba. Medyo tough kasi ang
pagra-rally. Maliban sa maperwisyo natin ang ibang estudyante at klase, baka lalabas
na masama din tayo. Atsaka, hindi tayo sure kung may papanig sa atin. Baka
kahit sa ibang school ay mahirapan tayong mag-enrol kapag nalaman nilang pasimuno
tayo ng rally…”
Nag-isip si Timmy. “S-sige, Subukan mo, Hang.”
Tinitigan niya si Timmy. “Gagwin ko talaga iyan, Tok. Hindi
ako papayag na mahinto ka sa pag-aaral. Kahit ako na lang ang mahinto, okay
lang sa akin. Pero ikaw… alam kong iyan ang pinakapangarap mo sa buhay. Kaya pipilitin
kong gawin ang lahat na kaya kong gawin upang maabot ang pangarap mong iyan.”
“Tange! Dapat tayong dalawa ang makapag-enrol. Hindi tin
ako papayag na ako lang. Kung ako lang ang mag-enrol, maghanap na lang tayo ng
ibang unibersidad. Iyong magkasama pa rin tayo.”
“Alam ko namang mas mahal mo ang unibersidad na ito,
eh. Nandito ang lugar mo, nandito ang buong barkada na nagpapasaya sa atin, sa
lugar na ito nabuo ang pagmamahalan natin, at higit sa lahat, nandito ang
himlayan ng inay mo.
“Basta, kung ako lang din ang puwedeng mag-enrol,
huwag na. Dapat ay kasama ka.”
Napangiti si John. Malaswa ang nasa utak. “Hmmm. Ayaw
mo lang talagang mahiwalay sa akin eh. Mami-miss mo ito” sabay turo niya sa
kanyang harapan na halatang tinigasan na.
“Baliw! Umalis ka nga riyan!” ang sambit ni Timmy nang
tinangka ni John na yakapin siya at halikan ang kanyang bibig.
Nagpambuno sila. Ngunit dahil gusto rin naman talaga
ni Timmy, bumigay rin siya. Naglapat ang kanilang mga labi. Matagal. Mapusok.
Sa gabing iyon ay sinamsam nila ang tamis ng kanilang
pagmamahalan.
KINABUKASAN ay muling bumalik si John sa unibersidad.
Siya lang mag-isa ang nagpunta. Dumeretso siya sa office ng Dean.
“Ano ang nangyari?” ang tanong kaagad ni Timmy nang
nakabalik na si John sa apartment.
“Hayun… nanghingi ako ng tawad sa mga sinabi natin sa
kanya. Nag-explain ako na noong high school pa lang ako ay wala akong ganang
mag-aral, na bale-wala lang sa akin ang lahat, walang pakialam kung
makapag-aral o hindi. Ngunit nang na-meet kita, ikaw ang dahilan kung bakit ako
nagpursige ng pag-aaral, dahil na-inspired sa iyo. Tinanong ko siya kung bilang
Dean ay wala bang puwang sa kanyang puso ang pagtulong sa mga kagaya ko na na
from bad boy ay na-enlightened at na-encourage na mag-aral ngunit dahil sa
nangyari ay hayaan na lang niya sa kanyang mga kamay na ang isang katulad ko ay
mapariwara, masayang ang buhay, masadlak sa kasamaan. Sinabi ko rin sa kanya na
kung gusto niya ay siya ang magiging personal na mentor ko… natin. Sinabi ko
rin sa kanya na sayang ang talent at talino mo, ang promising na kinabukasan
mo. Tapos sinabi ko na bigyan tayo ng chance kasi, kung ang Diyos ay nagbibigay
ng chance, bakit siya ay hindi. Halos basahan ko na nga lang ng bible eh.”
“Tapos? Iyong issue tungkol sa atin?”
“Sinabi ko sa kanya na hindi totoo.”
Doon ay napatingin si Timmy kay John. Na-touched siya
sa sinabi niyang iyon. Nag-iba kasi ang takbo ng isip ni John sa puntong iyon.
Kung dati ay siya itong pursigido na ipaglaban at panindigan sa pamamagitan ng
pag-out nila sa kanilang relasyon to the point na nagplano na nga siya para
i-announce ang status nila, na kaya niyang ipagsigawan pa sa buong mundo ang
relasyon nila ay gagawin niya. Si Timmy lang naman kasi ang umaayaw dahil hindi
pa siya handa. Ngunit dahil lang sa gusto niyang makapag-aral sila at maabot ni
Timmy ang kanyang papangarap kaya niya binago ang kanyang paninidigan at
ipinagkaila na niya ito sa kanyang Dean.
“Anong desisyon niya?” ang tanong ni Timmy.
“Pag-isipan daw niya. Babalik ako bukas.” Ang sagot ni
John.
“Sa tingin mo ba ay bibigay din siya?”
“Sa tingin ko ay malaki ang chance Tok.”
“Sana papayag siya, Hang… Ayoko talagang mahinto sa
pag-aaral. Ayoko ring lumipat sa ibang school kung maaari.”
“I’ll try my best, Tok. Para sa iyo.”
Sa gabing iyon ay hindi mapakali si John. Hindi siya
makatulog at malalim ang iniisip. Hindi niya kasi alam kung magbago niya ang
isip ng kanilang Dean at payagan na silang mag-enrol. At kung hindi man, hindi
na rin niya alam pa kung paano i-convince ang kanyang Dean.
Kinabukasan, muling bumalik si John sa Dean’s office
at sa pgkakataong iyon ay nakuha niya ang matamis na “oo” ng Dean.
Agad niya itong ibinalita kay Timmy na tuwang-tuwa
naman nang malaman ang magandang balita.
“Tok… may problema lang sa pagpayag ng Dean na
mag-enroll muli tayo.”
“Ano?”
“Kailangang patunayan daw natin na wala tayong
relasyon. At hindi tayo magsama sa school, dapat ay malayo tayo sa isa’t-isa. Paghiwalayin
daw niya tayo. Binigyan niya ako ng mga schedules para sa klase mo, at klase
ko. Ang klase ko ay panggabi mula alas 2:30 ng hapon hanggang alas 9:30 ng gabi
samantalang ang sa iyo naman ay sa mula alas 7 ng umaga hanggang alas 2:30 ng
hapon.”
Ipinakita ni John ang schedule na ibinigay ng Dean sa
kanila. Tiningnan ito ni Timmy.
“So paano iyan? Hindi tayo magsama sa school?” ang
tanong ni Timmy.
“Iyon na nga. Kahit daw sa labas ay kailangang huwag
tayong makita na nagsama.”
“Grabe naman iyan!” ang sambit ni Timmy.
“Kaya mo?” ang tanong ni John.
“Kung iyan lang ang paraan ay sige. Magkikita pa naman
tayo sa bahay, di ba? Ang importante ay tuloy pa rin ang pag-aaral natin.”
Niyakap ni John si Timmy. Nagyakapan sila.
Kinabukasan ay nag-enrol silang dalawa. Nang naroon na
sila sa registrar’s office, ramdam nina Timmy at John na kakaiba ang tingin ng
mga staffs sa kanila. Ang iba ay nagtatawanan, ang iba ay nagbubulungan.
Balewala lang iyon kay John. Si Timmy naman ay
naiilang. Hindi siya sanay na ganoon ang trato sa kanya ng mga tao. Ayaw niyang
kinikondena, minamaliit ang pagkatao, kinukutya.
Nang pina-process na ang kanilang class cards, hindi
man nila sinabi ang kanilang mga schedules, automatic na alam na agad ito ng
registrar. Panggabi si John at pang umaga naman si Timmy.
Nang nagsimula na ang klase, sina Timmy at mga barkada
ang magkasama. Si John naman ay nag-iisa sa panggabi. Bagamat kasama ang mga
barkada, malungkot pa rin si Timmy at syempre, ang buong barkada dahil hindi na
nila nakakasama si John sa kanilang umpukan, harutan, tawanan. Kahit sa kanilang
inuuwian, sa apartment na sila dahil mas malapit iyon sa eskuwelahan. Gabi na
kasi kapag umuuwi si John. Mahirap umuwi sa bukid kapag gabi, at malayo pati.
Kaya doon na rin si Timmy. Ngunit kahit nasa isang bahay lang sila, halos hindi
sila magpang-abot. Gabing-gabi na kapag umuuwi si John at halos matutulog na si
Timmy kapag dumating na si John sa apartment. Sa umaga naman ay maagang
gigising si Timmy gawa nang alas 7 ang pasok niya. Si John naman ay tulog pa.
Limitado ang oras nila na magsama. Tanging Sabado at Linggo lang ang mga araw
na full day silang nagkakasama, maliban na lang kung may activity si Timmy sa
school, na hindi naman puwedeng sumama si John dahil bawal nga silang magkita
na magsama. At pinakamalungkot sa kanilang bagong arrangemt ay hindi na nila
alam ang bawat galaw ng isa’t-isa sa eskuwelahan.
Tapos, heto pumasok na naman sa eksena si Julie. “Hi
friendships!” ang sambit ni Julie habang lumalapit ito sa umpukan ng magbarkada
sa student center.
Napangiwi naman sina Joy at iba pang mga babae.
“Nandito na naman ang ahas!” ang bulong ni Joy sa mga
kasamang babae.
“Oh mg God! Napanuod ko ang video ninyo ni John.” Ang
sigaw ni Julie kay Timmy nang nakaupo na sa kanilang umpukan. “In fairness
nakakaturn-on. Babae ako pero now, kinikilig na ako sa tambalang boyxboy! Love
wins talaga! Kaya ngayon, tanggap ko na kaibigan na lang talaga kami ni Timmy.
No chance na kumbaga”
“At wala ka namang kinalaman sa paglabas ng video na
iyon?” ang sambit ni Joy kay Julie.
“Oh my God! Hindi ko magagawa iyan, Joy! Alam mo
namang love ko iyang si Timmy!”
“O bakit si Felix Alberto, iyong gustong i-confiscate
ang lupain nina Timmy ay inimbento mo!” ang dugtong ni Joy.
“Wala akong kinalaman d’yan, Joy! Hindi ko magagawa
iyan. Baka iyong Bell at ex ni John din ang may pakana!”
“Eh bakit mukhang tuwang-tuwa ka sa paglabas ng video?”
“Hindi ako natuwa dahil sa video, Joy! Natuwa ako
dahil narealize ko na tama lang pala na tapusin ko na ang kahibangan ko sa
kanya dahil bakla nga siya, di ba?”
Nagkatinginan naman ang magbarkada sa pagkarinig ng
salitang bakla. Tapos ay tiningnan nila si Timmy na hindi nagsalita at yumuko
na lang, halatang nasaktan. “Iyong bibig mo kung ayaw mong busalan kita, isara
mo!” ang sigaw ni Joy kay Julie.
“Bakit? Hindi naman talaga natin mapipilit ang bakla
na magpakalalaki, di ba?” ang sagot din ni Julie na lumaki pa ang mga mata sa
pagbibigay-diin sa kanyang punto.
“Aba! At talagang gusto mong ilampaso ko iyang mukha
mo sa semento, ha! Umalis ka rito!!!” Ang sigaw ni Joy na lumapit sa likuran ni
Julie at doon ay tumayo, galit na galit ang mukha at nakapamaywang.
Sumunod din ang ibang mga babae, sina Jane, Fe, Emily,
at dalawa pang mga babaeng kaibigan din nila. Tumayo rin sila katabi ni Joy sa
likuran ni Jane.
“Kayo naman… gusto ko lang namang makipag-kaibigan sa
inyo eh.” Ang bigla ring pagbaba ng boses ni Joy.
“Makipagkaibigan? O manlait! At tandaan mo, hindi kami
naniniwala na wala kang kinalaman dito! Baka ikaw ang gumawa ng video at ikaw
rin ang tagatsutsu sa halimaw.” Ang pahiwatig ni Joy sa Dean. “At kung bakit ka
nandito ay dahil gusto mong making sa usapan namin para ireport mo, ano!”
“Hindi ah! Wala akong kinalaman d’yan, Joy. Gusto ko
lang talagang maging kaibigan kayo!”
“Alis! Kung ayaw mong masaktan!” ang pananakot ni Joy.
Tiningnan ni Julie ang iba pang mga babae na nasa tabi
ni Joy at lahat sila ay matulis ang titig kay Julie. Kaya wala nang nagawa si
Julie kundi ang umalis.
Bagamat napaalis nina Joy si Julie, malaking impact naman
ang eksenang iyon para kay Timmy. Nakaramdam siya ng lungkot. Hindi niya ito
ipinahalata. Tahimik lang siya at kinimkim niya ang lahat. Malungkot siya na hinid
niya kasa-kasama si John, ang damage pa ng video scandal sa kanya ay masakit at
malalim.
Isang araw, may ipinatawag na meeting ang student
council. At dahil si Timmy ang Chairman ng Freshmen ng Business Management
Department kung kaya ay obligado siyang mag-attend bilang representative ng mga
freshmen ng Business Management sa student council.
Nang nasa loob na si Timmy, pinili niya ang upuan sa
pinakadulo ng room, malayo sa ibang mga council members. Syempre, may video
scandal siya at alam ni Timmy na napanuod na iyon ng mga kapwa niya
representatives. Nahiya siya.
Pagkatapos ng roll call, bago sinimulan ang
discussions ng main agenda, nagsalita ang President ng student council. “I’m
sorry to inform the studint council that Mr. Timmy Suarez will be expelled from
this body as per a memo by the Dean’s office with the approval of the President
of the university.”
Gulat na gulat si Timmy sa narinig. Ang lahat ng mga
miyembro ng student council ay nagulat din, nilingon nila ang kinaroroonan ni
Timmy.
“Point of clarification, Mr. President.” Ang biglang pagsingit
ng chairman-representative ng 2nd year Business Management.
“Yes Mr. Retanan. What is your point of
clarification?” ang tanong ng president ng council.
Tumayo ang Chairman ng 2nd year Business
Management. “I just want to clarify if it is stipulated in the bylaws of this
student council that a Dean or any of the Administrators can simply expel from
this body any representative or officer of the council?”
Doon ay nagbubulungan ang mga miyembro ng student
council. Ang iba ay tumango-tango. Ang tanong na iyon ay nakapagbukas sa kanilang
isipan tungkol sa ganoong issue.
“Because we have to remember that we are here because
we were elected by our constituencies. And I think that only our constituencies
can remove us from this position, or if it is our voluntary act of stepping
down. Why does a Dean have the power to expel us?” ang pagpapatuloy ng representative.
“Actually, our bylaws is silent on any provision
regarding removal of any member from this council by any Administrator of the
university. However… since this student council is under the tutelage and
administration of the university, we are then covered under the rules of the university.”
“So Mr. President, we are not really independent.”
“Ah… we are independent, provided that we don’t go
against the rules of the university.”
May isang representative na tumaas ang kamay. “Mr.
President, on what ground was Mr. Suarez expelled?”
“Have you not seen the video? That is the ground.” Ang
sagot ng president.
“And was that really investigated – thoroughly? I’ve
heard it’s not them in the video.” Ang dugtong ng representative.
“The Dean has already decided on the issue. We have to
trust the wisdom of the Dean.”
“When it comes to issues that may ruin reputation f
the innocent, I don’t think we can entrust the whole process of finding the
truth to the wisdom and judgment of only one person, Mr. President, unless that
person is omnipotent, omnipresent, or God.”
“I have answered that question already. The Dean has
decided.” Ang sagot ng presidente.
“The Dean is God, Mr. President?” ang muling pagsagot
ng representative.
“I didn not say that.”
May isang representative na tumaas din ng kamay. “Then,
if this is already decided by the Dean, why would the expulsion have to be in
this manner? Why do you have to invite him and then fire him in front of us.
Isn’t it rude and inhuman? Isn’t it humiliating on the part of Mr. Suarez? Why
not just call him privately prior to this meeting and tell him that he is not welcome
to the meeting anymore because he is expelled?”
“That’s the order of the Dean of Business Management. According
to him, Mr. Suarez can explain his side in front of us.”
“What is there to explain, Mr. President when he is
already fired? It’s like shooting the person in the head and after he died, you
asked him if he has any complaint! Is that it?”
Hindi nakasagot agad ang presidente. “I guess it was
my fault. I should have let him explain his side first. I take the blame for
that. And I would like to apologize to Mr. Suarez.” Ang nasabi niya habang
tiningnan niya si Timmy.
Nag thumbs up naman si Timmy.
Tumaas ng kamay ang isa pang representative. “Can we then
ask Mr. Suarez to shed light regarding that video, if it’s okay with him? I
mean I know this is late but maybe we would like to be enlightened on what
really happened. Was it them?” ang sambit niya habang tiningnan niya si Timmy.
“No, sorry, I have nothing to say anymore.” Ang
mahinang sagot ni Timmy. “This has already been decided by the Dean and,
according to the president, we have to trust his wisdom and judgment. And as
one representative said, I was shot and already died. I can’t talk anymore.”
Ang sagot ni Timmy. Sobrang lungkot at hiya niya sa pagkakataong iyon. Kung maaari
lang na umiyak siya sa harap ng mga representatives ay ginawa na niya. Ngunit ayaw
niyang ipakitang kaawaan siya.
Napatingin silang lahat kay Timmy. Naawa. Naramdaman
nila ang kalagayan niya. Maya-maya ay may isang representative na lumipat ng
upuan sa tabi ng inuupuan ni Timmy. Sumunod ang isa pa. Tapos may isa uli.
Hanggang halos lahat na sa kanila ay nag-umpukan na sa lugar ni Timmy. Pati ang
vice president ay umupo na rin kasama sa grupo.
Tumaas ng kamay ang chairman-representative ng 3rd
year Engineering. “Okay then, can we not at least vote if we agree or not with
the memo of the Dean to expel Mr. Suarez?”
Doon na mas lalong lumakas ang boses ng mga council
members, boses ng pagsuporta. “Yes!”
“No we can’t. The memo of the Dean is final and
executory.” Ang sagot ng Presidente.
Dahil sa ingay ay nagsalita ang vice presidnet. “Mr.
President, point of order!” ang sigaw niya. “I agree with the representative
calling for a vote. Even for the sake of giving this body a little respect, or
at least to show that we have a say and we have some degree of independence in
the way our colleague here is being removed, I think it’s a redeeming value on
our part if we can just vote, regardless of the outcome, to show that we have a
voice here?”
Tumayo ang chairman-representative ng 3rd
year Engineering. “I move that we vote whether to remove Mr. Suarez from this
council or not.”
“I second the motion” ang sagot ng Vice President.
Walang nagawa ang president kundi ang i-allow ang mosyon.
Nang magbotohan na, halos lahat ng miyembro ay tumaas ng kanilang kamay.
“95% voted in favor. The motion that we vote to retain
or expel Mr. Suarez is approved.” Ang sambit ng presidente. And since you
decided that we will vote. Who will put this into a motion.” Ang dugtong niya.
“I move that we retain Mr. Suarez to this council.”
Ang sambit ng isang chairman sa Commerce Department.
“I second the motion.” Ang sagot naman ng 3rd
year chairman ng Business Management.
Nagbotohan ang council…
“85% wanted Mr. Suarez to remain a srepresentative of
this council, 5% abstained, ang 10% voted no. The affirmative wins. As per your
vote, Mr. Suarez remains to be a member of this council.” Ang sambit ng
president. “But… as I’ve said, even if this council decided to retain Mr.
Suarez as a representative, there is no more effect on that since this has
already been decided by the administration.” Ang dugtong niya.
“I disagree, Mr. President” ang sambit ng Vice
President. “We decided it. We must abide by our decision!” ang dugtong niya.
Dahil sa sinabing iyon ng vice president, nabalot sa kaguluhan
ang meeting. Halos magsigawan na ang mga representatives. Di magkarinigan.
Ngunit mas malakas ang boses ng vice president. “I
move that this council abides by the majority decision to retain Mr. Suarez to
the council.” Ang deretsahang pag mosyon ng vice president.
Biglang natahimik ang lahat.
“I second the motion.” Ang halos sabay-sabay na sigaw din
ng maraming representatives.
Palakpakan.
Tumaas ng kamay ang isang representative na panig sa
decision ng Dean. “I think we have to keep a level-headed discussion in the
light of the decision by the management. Whether we like it or not, we are
under the rules of the university. The school is here to protect us, to keep
the system in order, to give the university the best environment conducive to
growth and learning of its students. The Admininstration makes decision for the
benefit and betterment of the students, not the other way around. That is their
obligation. So, if that is the decision of the management, why not accept and
respect it? After all, it must be for the good of all.”
Na kinontra naman ng isang representative. “Even if
the decision is unjust? Even if it ruins the reputation of the wrong person? Is
that betterment for you? The school itself encourages us to speak, to question
ideas, and now here you are, telling us to bow our heads down and accept the
decision of one person as if it was the decision of God?”
Dahil hindi na natiis ni Timmy ang pag-aargumento nila
dahil sa kanya, tumaas siya ng kamay.
“Yes, Mr. Suarez.” Ang pag-acknowledge sa kanya ng
presidente.
“First I would like to ask for forgiveness for
dragging this council into the issue which some quarters tried to implicate me.
How I wish that this council be spared from the controversy. But then since
it’s already discussed here, I would like to appeal to you to please just
follow the decision of the management. Honestly, my only desire is to finish my
studies in this university. When the Dean decided that I can enrol again, I was
just so happy. It’s the best thing that he did for me. Even if I have to suffer
the humiliation of being wrongly accused, there is nothing for me to do. After all,
each one of us has our own crosses to bear, has our own struggles to surmount.
And life is full of injustice. No one is exempted. I have no complaint. I have
been to many difficulties and I think I am strong enough to face this one.
Thank you very much for your support. I deeply appreciate it. So I am pleading
you to just let me leave this room so you can go about your usual business in
peace and harmony.” Ang sambit ni Timmy.
Ngunit hindi siya pinayagan ng vice president. “Mr.
Suarez, please don’t leave. You leave when the majority of the members will
tell you to leave.” Ang sambit niya. At baling niya sa presidente. “Mr.
President, I guess you have no other option but to call for a vote.”
Bigla ring nabalot ang silid ng katahimikan habang
hinintay ang sagot ng presidente.
“Any objection to the motion?” ang tanong ng
presidente.
Tumaas ng kamay ang representative na pabor sa
desisyon ng Dean. “I object. There should be no more vote as this is just a waste
of our time discussing an issue which is already decided. We can’t override
Administration’s decision.”
Ngunit may kumontra din, isang representative galing
sa Education department. “For the sake of justice, I am willing to waste my
time. Even if we can’t override Administration’s decision if that is the case,
at least I’ve stood up for what I believe in.” Ang sambit niya.
Pinalakpakan siya ng marami.
Nasa ganoon silang pagsisigawan, pagpapataasan ng
boses at pagpapagalingan ng mga argumento nang sa hindi inaasahan ay biglang
pumasok ang Dean ng Business Management, ang dean nina Timmy.
“What is the noise about?” ang sigaw niya.
Mistula namang nataranta ang presidente ng council.
“S-sir, we were discussing about the expulsion of Mr. Suarez and the council
decided to vote for it. In that motion, the council decided to retain Mr.
Suarez as a representative and member of this council.”
“Didn’t I tell you that that memo is final, executory
and it is not within the power of this council to question or to decide
otherwise? You have no power to question, to veto, or override university management’s
decisons.”
“I told them, Sir. I even told them that even if that the
result was against Administraion memo, it wouldn’t change anything. The
management has already decided.” Ang sagot ng presidente.
“So what is the commotion about? What are you arguing
about???” ang pagtaas uli ng boses ng Dean.
Sumingit ang vice president. “Mr. President, I move
that the Dean of Business Management be notified to leave this room!”
“I second the motion!” ang sigaw ng maraming representatives.
“YOU CAN’T EVICT ME FROM THIS ROOM!!!” ang bulyaw ng
Dean, nanlilisik pa ang mga mata.
“Professor, this is a student council meeting. It is
stated in our rules and procedures of the meeting that no Administrator, unless
invited, shall attend or be inside the room where the meeting was held while
the council is in session. No one invited you here. Therefore it is a violation
of our rules. The university administrators approved these rules even before
you were here.” Ang mahinahong paliwanag ng vice president.
“IF NO ONE INVITED ME HERE, I’M INVITING MYSELF!!!”
ang sigaw muli ng Dean.
“Sir, with all due respect, you are not council member
nor an authorized representative to invite someone. Therefore, you cannot
invite yourself.” Ang sagot muli ng vice president. At baling niya sa
presidente na mistulang namutla na, “Mr. President, please proceed the vote.”
Sumigaw muli ang Dean. “I AM NOT ALLOWING THAT VOTE TO
PROCEED. YOU HAVE TO PROCEED TO DISCUSS THE MORE IMPORTANT AGENDA OF THIS
MEETING RATHER THAN TO DISCUSS THE ISSUE OF THIS-“ turo niya kay Timmy
“...HOMOSEXUAL BASTARD!”
“If that is your decision, professor, I guess there is
no reason why we have to attend this meeting any longer. It will be useless for
us to be here, only to be dictated by one person. Please excuse me.” Ang sambit
ng vice president sabay walk out.
Sumunod ang iba pang mga student leaders sa paglabas.
Hanggang ang naiwan ay si Timmy na lang, ang presidente ng student council at
iilang mga loyalist na representatives ng presidente.
Galit na tiningnan ng Dean si Timmy. “So you are
creating the commotion here? Why did you not just leave???” ang sigaw ng dean kay
Timmy.
“I was about to leave, Sir when...” Hindi na natuloy
ni Timmy ang sasabihin nang sumigaw muli ang Dean.
“THEN LEAVE YOU STUPID GAY!!!”
(Itutuloy)

Kasi ang dean ay gay din,
ReplyDeletepaksyete.. haha natapakan ang ego ni dean.. napagkaisahan siya hahaha. belat nga... buti nalang may v.p... haysss. sana lang may update si kuya mike. tapos may faces na yung mga bida natin si timmy at john. hehe.... tsaka si dean i think pogay di sya ehh.. wahahaha
ReplyDelete