By Michael Juha
getmybox@hotmail.com.
***
Kupal, Langib, At Kulangot
Sobrang pagkagulat ko sa pagsisigaw ni Jerome na iyon. Bakas sa
kanyang mukha ang matinding galit. Bagamat naka-sling ang kanang braso niya,
sinutok-suntok ng kaliwang kamay niya ang dingding na semento.
Nilapitan ko siya. “Bakit? Anong nangyari?” ang tanong ko.
Ngunit hindi siya sumagot. Huminto siya sa pagsusuntok sa dingding
at hindi na umimik. Halatang tinimpi niya ang kanyang nararamdaman.
Nagngangalit ang kanyang mga ngipin.
Hinayaan ko na lang siya.
Halatang tuliro ang kanyang utak at ang kanyang tingin ay mistulang tumatagos
sa dingding ng kuwarto.
Nang magtanghalian na, tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang
kainin. Sabado kasi iyon kaya wala kaming pasok.
“Wala akong gana.” Ang sagot niya.
“Gusto mo sa labas tayo kakain?”
“Kakargahin mo ako?”
“May wheel chair naman eh.”
“Ipamukha mo sa mga tao na baldado ako? Para pagtawanan?”
Natahimik na lang ako. Halatang mainit ang ulo niya. “Okay bibili
na lang ako ng pagkain sa labas. Anong gusto mo?”
Nilingon lang niya ako. Tinitigan ng matulis na para bang ang
pahiwatig ay, “Ano ba ang gusto mong kainin? Iyan ang bilhin mo!” Kaya lumabas
na lang ako ng kuwarto. Tila nagbago na naman ang kanyang character sa sandaling
iyon.
Kaya lumabas ako at bumili ng pagkain. Barbecue na manok at
nilagang baboy ang binili kong ulam. Bumili rin ako ng maruya at dalawang soft
drinks.
Nang nakabalik na ako, dumaan ako sa mess hall at nanghiram ng
plato. Inilipat ko roon ang aming pagkain. Ipinatong ko ito sa isang maliit na
mesa at ipinuwesto sa sa gilid lang ng kanyang kama. Umupo rin ako sa gilid ng
kanyang kama. Nagsandok ako ng kaunting kanin sa isang plato, nilagyan ko riin
ito ng ulam at sabaw ng nilagang baboy.
“Kain na tayo.” Ang sambit ko habang humarap sa kanya hawak-hawak
sa aking kamay ang kutsara at handang subuan siya.
“Sinabi nang ayoko eh!” Ang bulyaw niya.
“Kumain ka naman, Jerome. Para manumbalik ang lakas mo at mabilis
kang gumaling!” ang sigaw ko rin na iginiit talaga na kumain siya, inilapit ang
kutsara na may pagkain sa kanyang bibig.
“Sinabi nang ayoko eh!” ang sigaw niya uli sabay siko sa plato na
hinawakan ko.
Nalaglag ang plato na hinawakan ko at nabasa ang aking damit sa
ulam. Napatingin na lang ako sa kanya.
“Ang kulit mo kasi eh! Ang tigas ng ulo mo! Pag ganitong mainit
ang ulo ko ay hayaan mo ako! Masasaktan ka lang! Tanginang buhay naman ‘to, o!”
ang sigaw niyang paninisi sa akin.
“Walang imik na tumayo ako at tinungo ang banyo. Naintindihan ko
naman siya dahil sa inis niya sa kung ano mang issue mayroon siya sa kanyang
pamilya. Alam kong nadamay lang ako. Marahil, kung ibang tao siguro iyon,
bugbog-sarado na sa kanya.
Sa banyo ay ay naghalf-bath ako upang mawala ang amoy ng sinigang
na baboy na dumikit sa aking balat. Pagkatapos ay nagbihis atsaka bumalik sa gilid
ng kanyang kama upang ilipat ang pagkain sa mesa ko.
“Sinabi nang ayoko… ang kulit-kulit!” ang paninisi niya uli.
Hindi ko na lang siya sinagot. Hindi ko pinatulang bagamat sinimangutan
ko siya, itinuloy ko na lang ang paglipat ng mga pagkain sa mesa ako.
“Hali ka nga rito!”
Napatingin ako sa kanya. “Bakit?”
“Sige, subuan mo na lang ako kung iyan ang gusto mo.”
Hindi na ako nagsalita. Ibinalik ko na naman ang isang plato ng pagkain
sa gilid ng kama niya. Ramdam ko iyong nanalo ka sa isang argumento at
nagpakumbaba ang katunggali mo. Para sa isan gsiga na katulad ni Jerome,
malaking kahihiyan iyon para sa kanya. Ngunit ewan kung bakit niya ibinaba ang
kanyang pride. Hindi ko na pinalaki ang issue na iyon. Sinubuan ko na lang
siya.
Marahil ay naka sampung subo lang ako sa kanya. Umayaw na siya. Hindi
ko na siya pinilit. Ang importante lang para sa akin ay iyong may laman ang
kanyang tiyan. Ako na ang umubos sa natirang pagkain sa kanyang plato. Ginamit
ko ang kanyang kutsara. Wala siyang reaksyon nang makita niyang ang kutsara
niya ang ginamit ko. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako.
Pagkatapos kong kumain ay nilinis ko ang kuwarto. Sa pagkakataong
iyon ay isinali ko na sa paglinis ang buong kauwarto, kasama na ang mga gamit
niya. Itinapon ko rin sa labas ang mga basura namin. Doon ko na naalala ang
sulat na ibinigay ng kanyagn kapatid sa kanya na itinapon niya sa basurahan.
Hinanap ko ito at nang mahagilap ko, itinago ko ito sa aking bulsa.
Nang nakabalik na ako sa kuwarto, kinalkal ko ang mga marurumi niyang
damit sa cabinet. Ang mga mababahong medyas at ang pinakapaborito ko – mga
brief niya. Itinambak ko ang mga iyon sa lagayan ng mga labahan. Sa isip ko,
“Mamaya lang kayo sa banyo, isa-isahin ko kayong amuyin lahat.”
“Hey! Hey! Hey! Anong gagawin mo riyan sa mga brief ko?” ang
tarantang sigaw ni Jerome nang makitang pinakialamn ko ang mga brief niya.
“Lalabhan! Bakit?”
“Ako na ang maglalaba sa mga iyan!” ang sigaw niya.
“Bakit? Kaya ko namang labhan ang mga ito eh!”
“Labhan? Sa itsura mong iyan ay kaya mong maglaba? Nung hindi ka
nga baldado ay hindi ka nakakapaglaba, ngayon pa?”
“Basta ako na!” ang giit niya.
Pinilit niya ang sariling tumayo at nang naabot niya ang lagayan, talagang
dinampot niya ang mga brief niya mula sa lagayan at inihagis ang mga ito
pabalik sa kanyang kabinet. Ako naman, takbo uli sa kanyang kabinet at
pinulot ang mga brief niya.
“Ano ka ba Jerome! Mangangamoy tayo kung hindi natin lalabhan
ito!”
Paika-ikang nilapitan niya ako at hinablot uli ang brief niya na
hawak ko.
Naghablutan kami. “At bakit mo naman gustong labhan ang mga damit
ko?” ang tanong niya.
Napatitig ako sa kanya. “Gusto mo sampalin kita? Dahil baldado ka!
Dahil ka-kwarto kita! Dahil nangangamoy at nangangati ang kuwarto kapag hindi
nalalabhan iyang mga damit mo, lalo na iyang medyas at brief mo! Ewww! Hindi ka ba nangangati riyan? Kung gusto mong
napapaligiran ng marurumi at nangangamoy na basura, doon ka sa basurahan
tumira, kaibiganin mo ang mga taong grasa at kayo ang magroommate. Huwag ako
ang idamay mo. Isa pa, ano ba ang ikinatakot mo sa brief mo, Jerome! Naamoy ko
na iyan lahat ano ka ba? Balewala na sa akin iyan!” At ipinakita ko pa talaga sa
kanya na idinampi ko sa aking mukha ang isang brief niyang labahan at inamoy ko
ito. “Ayan, parang inalmerol at may amoy na ewan. Ipinunas mo ba ito sa tamod
mo?” ang sambit ko. ”At ito namang isa, alam mo ba kung anong kamukhang mapa ng
bansa ang naporma sa dagta mong dumikit dito?”
Hindi na siya naka-imik pa. Tiningnan na lang niya ako, iyong
tingin na bagamat may pagtutol sa kanyang isip dahil sa hiya ngunit dahil sa
kakulitan ko kaya ipagkatiwala na lang niya sa akin ang kung ano man ang gusto
kong gawin sa mga damit at brief niya. Nakatitig na lang siya sa akin, ang
bibig ay nakabuka, namangha ngunit tila nagmamaktol ang isip. “Ang dami namang
satsat nito!”
“Wala ka nang iisipin pang kahihiyan sa akin, Jerome. Kung amoy
lang ng brief mo, at porma ng dagta na dumikit d’yan, kabisado ko na. Crush
kita, Jerome. Alam mo iyan. Kaya lahat ng bagay sa iyo – mabaho man o mabango,
love ko iyan.”
Doon na siya napangiti sa sinabi kong iyon. “Asa ka pa!” ang
sambit niya.
Nahinto ako sa pagkarinig sa sinabi niyang iyon. Bumalik ako sa
higaan niya. “Anong sabi mo? Ulitin mo nga?”
“ASA KA PA!” ang pag-ulit niya na medyo inimphasize pa talaga,
nilakasan ang pagkasabi.
“Asa ka pa ha... asa ka pa...” ang sambit ko at bigla ko na lang
siyang itinulak sa ibabaw ng kanyang kama at dinaganan. Tapos sinakal ng dalawa
kong daliri ang kanyang leeg. “Ngayong baldado ka, ako ang bully dito! Naintindihan
mo? Ako ang dapat maghari-harian dito! At kung gugustuhin kong i-rape kita,
i-rape kita! Walang tanong-tanong! Gusto mo ba iyon?” At iginapang ko ang isa
kong kamay patungo sa kanyang harapan at bigla kong dinakma ang kanyang
pagkalalaki. Lapat na lapat naman ang malaking umbok niya sa aking palad gawa
nang naka-boxers lang siya. Enjoy na enjoy ang aking pakiramdam. Parang
nakakain ako ng Rebisco. Ang sarap ng feeling.
“PUTANGINA MO! TANGALIN MO ANG KAMAY MOOO. PUTANGINAAAA!!!” Ang
sigaw niya na napaigting at ang mukha ay hindi ma-drawing sa sobrang galit at pagkabigla.
Feeling niya talaga ay ni-rape siya.
Ngunit hindi ko binitiwan ang paghawak sa ari niya. Talagang
kapit-tuko ang aking palad sa bukol niya habang siya naman ay hindi magakamayaw
sa pagmumura at pagpupumilit na makaalpas sa aking pagpatong sa katawan niya. Hanggang
sa nahawakan niya ang kanyang saklay at ito ang hinataw niya sa aking ulo
dahilan upang malaglag ako mula sa kanyang kama.
Walang humpay ang pagtatwa ko kahit natamaan ang ulo ko ng saklay
niya. Mistula akong nanalo ng lotto na natsansingan ko siya. “Ka OA naman nito!
Kala mo ay nabigtal ang hymen! Kung wala lang iyang saklay mo, talagang i-rape
na kita!” ang pang-iinis ko pa.
“Baliw!” ang sigaw niyang nakasimangot. “Gawin mo iyan at dadanak
ang dugo rito sa kuwarto na to! Magkakamatayan tayo!” Dugtong niya.
Dumeretso ako sa banyo upang simulang maglaba ng mga damit namin.
Inuna ko ang brief niya. Bago ko binasa iyon ng tubig, syempre, inamoy-amoy ko.
Na-miss ko kaya ang amoy noon. Para lang noong bata pa ako, noong supot pa ako,
iyong kupal sa ilalim ng balat ng aking ari ay inaamoy-amoy ko iyon kapag
nag-iisa lang ako sa aking kuwarto. Ganoon din kapag nagkaroon ako ng sugat at halos
pagaling na, tatanggalin ko ang langib at amoy-amoyin ko ito sa aking kamay.
Iyong amoy ng laman na nabulok. Feeling mo ay nandidiri ka at ayaw mong amuyin.
Ang laway mo ay tila tutulo dahil naalibadbaran at nasusuka ka ngunit gusto mo
pa rin siyang amuyin. O kahit iyong kulangot, ang sarap kaya noon
pabilog-bilugin sa daliri tapos kapag walang nakatingin, singhot-singhutin. Nakaka-excite
pati. Ganoon din iyong dumi sa kuku. Iyan ang isa sa pinakamasarap na amoy sa
balat ng lupa. Mapapa-eww ka kapag maraming tao ang nakatingin. Pero kapag ikaw
lang mag-isa, ang sarap din kayang pabilog-bilugin iyon sa daliri at
amoy-amuyin. Puwede ring lawayan ngunit hindi ko kaya iyon. Nalasahan niyo na
ba ang tutuli? Ah huwag na lang baka isipin ninyong natikman ko na. Alam ko,
advanced ang mga utak ng iba riyan.
Anyway, nasa punto na akong inamoy-amoy ko ang brief ni Jerome
bago ko ibabad sa tubig nang may lumanding sa aking ulo na matigas na bagay. At
may tunog pa! “Tok!”
Bigla naman akong napahaplos sa ulo kong nahataw. Nang nilingon ko
ang aking likuran, si Jerome. Hinampas pala niya ang aking ulo gamit ang
kanyang saklay. “Bakit mo inamoy-amoy ang brief ko?! Ha???” ang tanong niya,
ang kanyang mga mata ay lumaki.
“Ba’t ka ba nakialam sa paglalaba ko?” ang bulyaw ko habang patuloy
na hinahaplos ang ulong natamaan ng kanyang saklay. Nakadalawang hataw ka na
niyang saklay mo sa ulo ko ah! Babaliin ko na iyan eh! At hindi mo ba alam na
nakakabawas ng talino kapag palagi mong pinapalo ang ulo ng isang tao? Scholar
ako Jerome!”
“Pakialam ko kung scholar ka! Ba’t mo pinagdiskitahan iyang brief
ko?” ang giit niya.
“Amf! Lalabhan ko iyan, tanga! Paano ko malalaman kung gaano
karami ang sabon at downy ang ilalagay kung hindi ko maamoy! Atsaka
ipinagkatiwala mo na sa akin ang mga damit mo na labhan ko. Wala ka nang paki
kung paano ko ito lalabhan! Kahit ngunguyain ko pa ito basta malinis lang, wala
ka na roon!” ang sagot ko sabay tulak sa kanya ng mabilisan palabas ng banyo
atsaka dali-daling inilock ang pinto upang huwag siyang makapasok.
“Bakla papasukin mo ako! Tangina mo!!!” ang sigaw niya habang
pinopokpok ang pinto.
“Manigas ka! Kung gusto mo, palakulin mo iyang door knob para
makapasok ka. Siga ka di ba?” ang sagot ko na pigil ang pagtatawa sa loob ng
banyo.
Maya-maya ay bigla akong nagulantang nang narinig ko ang malakas
na kalampag sa pinto. “Jerome anong ginagawa mo!!!”
Hindi siya sumagot.
Dali-dali kong binuksan ang pinto ngunit huli na ang lahat. Hindi
palakol ang ginamit niya kundi martilyo. Minartilyo ng hayop ang door knob ng
pinto!
“Diyos ko, Jerome! Pagagalitan tayo ng may-ari ng boarding house
na to! Ba’t mo sinira iyan?!”
“Sabi mo kasi na palakulin eh! Walang palakol e. Di martilyo na
lang.” ang sigaw niya.
“Biro lang iyon, tanga! Sinong magbabayad niyan ngayon?”
“Bakit babayaran? Sasabihin mo ba?”
Hindi na ako umimik. Sa isip ko lang, tutal aalis na rin naman ako
sa boarding house na iyon kaya bahala na siya sa buhay niya. Wala na akong
nagawa kundi ang hayaan siyang bantayan ako habang naglalaba. Nakaupo siya sa
isang silya, walang saplot kundi boxer’s short lang, lantad na lantad ang
walang kataba-tabang tiyan na may abs at ang magandang hugis ng hita at
pang-itaas na katawan. Bakat na bakat ang bukol na nasa gitna ng kanyang hita.
In fairness din naman, simula nang nakita niya ang paghihirap ko
sa paglilinis ng kuwarto at paglaba ng mga damit namin, hindi ko na nakita pang
nagburara si Jerome. Ang mga basura niya ay sa basurahan niya itinatapon, ang
mga labahan ay sa lagayan na ng mga labahan niya inilalagay. Pati sa paninigarilyo,
tila madalang na lang ito at kapag naninigarilyo naman, nasa ash tray ang
kanyang mga upos at abo. Sabagay, dapat talagang gawin niya ang mga ganoon
dahil may itinago akong patpat na pamalo kapag di niya ilalagay sa basurahan
ang dumi o kung may nakikita akong basura o upos ng sigarilyo kung kahit saan.
Isang araway nagsidatingan naman ang tatlong kaibigan niyang mga
bully rin. Nagdala ng dalawang case na beer at pulutan.
“Wow! Ang sinop naman ng kuwarto mo partner! Ang linis, at ang
bango!!! Anong milagro ang humambalos sa sa lugar na ito pare!” ang sigaw ni Archie,
tinaguriang pangalawang leader sa grupo nila. Nakahiga kasi ako sa kama noon,
may pinanuod sa aking cell phone. “Nasaksak ka lang at nagbago na ang lahat!” Tumayo
siya at binuksan ang aparador ni Jerome kung saan naroon ang kanyang mga damit.
“Putangina! Maayos na pagkatupi, malinis, mabango, lahat ay nasa ayos.
Imposible! Paano mo nagawa ito, pare? Tsk tsk… Nakakapagduda!!” ang biro ni
Archie kay Jerome.
“Tarantado!!! Huwag mong pakialaman iyang mga gamit ko!” ang sagot
naman ni Jerome.
“Mukhang may lihim ka ah! Nagpupunta ba rito si Ressa?”
“Hindi marunong magligpit ng mga gamit iyon. Burara rin iyon!” ang
sagot naman ng isang kasaman nila.
Tawanan ang grupo.
“O baka naman may bagong babae…” ang dugtong ng isang kasama rin
nila.
“Mga gago!!!” ang sagot lang ni Jerome.
Hinila ang maliit na mesa patungo sa gilid ng kama niya, inilagay
ang dala nilang beer sa sahig, sa gilid ng mesa atsaka umupo ang dalawa sa
sahig. Ang dalawa naman ay umupo sa gilid ng kanyang kama. Nakinig lang talaga
ako sa mga biruan at lokohan nila. Hindi ako umimik.
“Roommate! Mag-iinom kami sa kuwarto ninyo, okay lang ba?” ang
sambit ni Archie sa akin nang napansin niya ako.
“Okay lang.” ang sambit ko.
“Sali ka na lang kaya sa amin? Umiinom k aba?”
Nakita kong lumingon sa akin si Jerome. “Huwag, hindi umiinom
iyan.” Siya na ang sumagot sa grupo.
Nagkatinginan sila, na animoy tatawa ngunit pinigilan. Hindi ko
lang alam kung bakit. Kung dahil ba sa sinabing hindi ako umiinom o dahil si
Jerome ang sumagot para sa akin. Parang nagkaisa ang mga isip nila sa
pagsasabing, “Wow, over-protective! Ganyan sila ka close!” Baka rin malisyoso
lang ang isip ko, o sadyang sila talaga ang malisyoso.
Nagsimula silang mag-inuman. Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga
activities sa school, mga taong binubully nila, at iyong kinaiinisan nila.
Nagkuwentuhan din sila tungkol sa mga professor na galit sa kanila, at sa mga
estudyanteng nayayabangan sila na plano nilang bugbugin, kung paano, kung saang
lugar aabangan. Nag-usap din sila sa mga pinaghinalaan nilang bumugbog kay
Jerome at isa-isahin nilang bigyan ng leksyosn ang mga pinaghinalaan nila.
Maya-maya lang ay tumayo ako at tinungo ang banyo. Hindi ko alam
na naroon pala si Archie, umihi. Kaya naghintay na lang muna ako sa
labas. Nang natapos na siya at nagkasalubong ang aming mga tingin, bigla siyang
nahinto at tinitigan ako. Iyon bang parang nakakita ng multo. Napatingin din ako
sa kanya at nginitian siya. Hindi ko lang alam kung bakit niya ako tinitigan. Marahl
ay may kaparehong mukha ako na kakilala niya, or nagulat lang siya na may tao
pala sa likuran niya.
In fairness, malakas ang appeal ng Archie. Iyon bang lalaking-lalaki
kung kumilos, dark-skinned, makinis, at may manyak-appeal. Iyon bang kapang
tiningnan ka ay parang libog na libog siya sa iyo at ang sinasabi ng mga mata
ay, “Tara, magpaparaos tayo, tinitigasan ako sa iyo!” Parang ganoon.
Nang nasa loob na ako ng CR, habang nakaupo ako sa inodoro, doon
ko na narinig ang mga kumento nila tungkol sa akin.
“Bakla ba iyang roommate mo? Iba kung makatingin ah!” ang narinig
kong boses noong Archie. Nagulat naman ako sa kumento niyang iyon. “Hala!
Binaligtad! Siya nga itong kung lulunukin na lang ako eh!” ang bulong ko sa
sarili.
“Sa tingin ko rin nga. Parang bakla.” Ang pagsang-ayon din sa isa
pang kasama.
“Siya ba iyong naglinis ng kuwarto at mga damit mo pare? Mukhang
may kakaiba sa inyo ah! Tinakot mo ba? O may reward sa kama?” ang biro uli ng
Archie sabay tawa.
Nagtawanan silang apat.
“Mga tarantado!” ang sambit ni Jerome.
“Eh bakit ang linis-linis ng kuwarto mo, pati ng mga damit mo ay
maayos na maayos. At ang babango pa!”
Sumagot si Jerome na medyo hininaan ang boses. “Dating gawi.
Idinaan sa pananakot.”
“O baka idinaan sa gandang lalaki!”
Tawanan.
“Sabagay, pare, kung ganyang kagandang lalaki ang roommate ko ay
mababakla din ako. O kahit damitan mo ng pambabaeng damit iyan, ang gandang
babae niyan!” ang pabulong din na sabi ng isa pang kasama nila.”
“Tangina! Hindi ko papatulan iyan! Mas papatulan ko pa ang babaeng
unggoy kesa riyan!” ang sambit naman ni Jerome.
“Babaeng unggoy talaga, pare? Baka mamaya ay laspag na pala ang
tumbong niyan dahil sa kagagamit mo gabi-gabi.”
Tawanan.
“Eh, kung gusto ninyong patunayan na bakla nga iyan, di ligawan
ninyo? Malay ninyo, baka papatol iyan!” ang sambit ni Jerome. “O kung gusto
ninyo ay ibalato ko na iyan sa inyo. Bahala kayo kung saan ninyo yayariin
iyan.”
“Sure ka ba na hindi ka masasaktan?” ang sagot naman ng isang
kasama nila.
Tawanan.
“Hayop talaga ‘tong tao na to!” ang bulong ko sa sarili. “Mamaya
ka lang...”
Mga pare, i-hinto na natin ang topic na iyan. Alam naman ninyo na
anti-bakla ako. At kaya kayo barkada ko ay ganoon din kayo, di ba?” ang sambit
ni Jerome.
“Oo naman, pare. Biro lang iyang sa amin.”
“Biro nga. Pero paano kung isang araw ay magkasalubong na lang
tayo sa lansangan at ang kaakbay ninyo o kaabre-syete ay bakla? Ang bakla ay
parang droga, pare. Once kumapit sa sistema mo, sisirain niya ang buhay mo.
Masisira ang lahat sa iyo. Mag-iba ang tingin ng mga tao sa iyo. Dahil ang mga
bakla ay palipat-lipat ng lalaki. Titikman ang lahat ng guwapo. Kahit na guwapo
ka’t may malaking kargada ka, titikim at titikim pa rin iyan ng iba. May
nakikita ba kayong bakla na sineryoso sa relasyon? Wala. Dahil ang role nila ay
paninira lang sa buhay.”
“Tama ka riyan, pareng Jerome. Agree kami sa iyo. Hands down.” Ang
sagot naman ng mga barkada niya.
Mistulang binatukan naman ako sa aking narinig. Tila may sibat na
tumusok sa aking puso at bigla akong na-depressed, hindi dahil nag-ambisyon
akong makarelasyon siya kundi para sa mga taong kagaya ko na hinuhusgahan ng
mga taong katulad ni Jerome. Para sa kagaya ko na hindi pa naranasan ang
magkaroon ng karelasyon, para bang isa itong babala para sa akin. “Ganyan ba
talaga ang tingin ng mga tao sa bakla? Panggulo lang?” Tila gusto kong magtampo
kay Jerome. Parang gusto ko ring umiyak dahil sa naramdamang pagkahabag sa
sarili.
Nang lumabas na ako ng banyo ay bigla silang natahimik at iniba
ang topic. Napunta sila topic ng magagandang babae sa campus, mga gurong
magaganda na pinagpapantasyahan nila. Tawanan. Kunyari ay wala akong narinig sa
mga pinag-uusapan nila. Playing innocent ako habang nahiga sa aking kama at
nanuod ng video sa aking cell phone.
“Tol... sulatan pala natin ang semento mo sa paa! Sinadya ko
talagang magdala na pentel pen para katuwaan.” ang mungkahe naman ng isang
kasama nila.
Pumayag si Jerome. Simulan na sanang sulatan nila ang semento sa
paa ni Jerome nang biglang humagalpak ng tawa ang isang nakatingin doon sa
susulatan sana.
“Bat ka natawa???” ang sigaw ni Jerome.
“Naunahan na pala kami ng pagsulat ah!”
“Bakit? Ano ba ang nakasulat?”
Doon ko natandaan sinulatan ko pala iyon nang gabing natulog ako
sa ospital kasama siya. Nakatulog na siya noon at naisip kong sulatan ang
semento niya, bagamat itinago ko iyon sa parte na hindi niya mapansin, at niliitan
ko talaga ang pagkasulat, para huwag niyang mabasa. Inis na inis ako sa kanyan
noon.
Binasa ng kasama nila ang nakasulat. “Asshole! Hudas! Kupal!
Ungas! Hayop! Ulol! Putang-ina! Tarantado! Gago! Fuck You! Sana ay di na
matanggal tong semento na to sa paa mo!”
“Sino ba ang sumulat niyan sa iyo, pare?”
Lihim na tiningnan ako ni Jerome, galit ang kanyang tingin. “Isa
sa mga nurse, pare.” Ang sagot niya.
“Mukhang may tama sa iyo ah! Binasted mo ba? O inisnab.” Ang
sambit ni Archie.
“Kahit saan talaga magtungo itong boss natin ay maraming
magkakagusto, ma-bakla man o ma-babae.” Dugtong naman ng isang kasama.
Tawanan uli sila. Niloloko nila si Jerome sa mga nakasulat sa mura
sa kanyang sinementong binti.
Nang matapos na sila sa kanilang inuman ay umuwi na ang kanyang
mga bisita. Agad kong inilock ang pinto. Malakas ang pagsara ko sa pinto, dahilan
upang gumawa ito ng malakas na kalabog. Nang tinumbok ko uli ang aking kama,
nagdadabog ako. Kinuha ko ang remote na nasa ibabaw ng akin gmesa at itinodo
ang volume ng TV.
“Anong nangyari?” ang tanong niya nang.
“Wala kang paki!” ang bulyaw ko.
“Okay. Wala akong paki. Hinaan mo ang volume ng TV! Nakakabingi,
tangina!”
“Di tumayo ka, damputin mo ang remote at pahinaan mo!”
Bumalikwan naman siya mula sa kanyang kama. Kahit nahirapan ay
tumayo at tinumbok ang remote at pinahinaan ito. “Ano bang problema mo?”
Doon na ako sumagot. “Anong sabi mo? Paliligawan mo ako? Ibalato
mo ako sa kanila?”
“Ito naman. Liligawan naman eh. Nasa iyo na iyan kung papayag ka.”
“Eh bakit mo sinabing ibalato? Ano ako napanalunan mo? Ibalato
mo?”
“Iyon na nga iyon. Kung liligawan ka at papayag ka, balato ko na
sa kanila iyon. Bahala na kayo.”
“E di kung i-rape ako ng mga iyon, gago?”
“E di congratulations! Ano bang sasabihin ko. At least nakatikim
ka uli.”
“Anong nakatikim uli? Gago ka ah!”
“E di ba may Tyler ka naman?”
“Tangina mo! Best friend ko lang iyon! Hindi kami magjowa!” at
pinagpapalo ko uli siya ng kanyang saklay.
“Okay, best friend kung best friend.”
“Tapos sabi mo, ang role naming mga bakla ay panggulo lang sa
buhay ninyo? Na ang mga bakla ay tumitikin ng kung sinong lalaki? Bakit ang mga
lalaki, malinis ba kayong lahat? Wala bang nambabae sa inyo? Wala bang
pamilyang winasak ninyo? Wala ba kayong mga babaeng sinaktan?”
“Lalaki at babae lang ang puwedeng magsama, July. Ang bakla...
para saan? Ikaw crush mo ako, kung papatulan kita, ano ang mangyayari sa atin?
Puwede ba tayong magpakasal? Puwede ba tayong magkaanak? Puwede bang maging
normal ang buhay natin?”
“Hindi naman kasal at anak ang punto ng pagmamahalan Jerome eh. Kapag
nagmamahalan ang dalawang tao, iyon na iyon. Walang kinalaman ang kasal sa
pagmamahalan ng dalawang tao. Kung may kasal bonus na. Maraming lalaki at
babeng nagmamahalan na walang kasal at walang anak. Tuloy pa rin ba ang
kanilang pagmamahalan? Oo! Dahil ang pagmamahal ay damdamin, hindi citizenship
na kailangang sumunod sa alituntunin ng isang bansa. Ang mga bakla ay tao! At lahat
ng tao ay may damdamin!
“Bakit? Tao ka ba? Ang bakla at tao ay magkaiba!”
Bigla kong hinawakan ang saklay niya at ito naman ang ipinalo ko
sa kanyang ulo. “Salbahe ka talaga! Demonyo!”
Tinakpan naman niya ang kanyang ulo ng kanyang kamay kaya kamay
niya ang napalo ko. “Tangina ang sakit!” nahinto siya sandali. “At bakit mo sinusulatan
ang semento ko ng mga mura!” ang sambit niya habang itinakip niya ang kanyang
kamay sa palo ko.
“Mabuti nga at mura lang iyon d’yan sa semento mo eh!” sabay palo
ng saklay niya sa kanyang semento. “Sa susunod ay lalasunin na kita, tandaan mo,
iyan! Hindi pala ako tao ha? Palibhasa, baluktot iyang argumento mo tungkol sa
mga bakla kaya iyan na lang ang palusot mo! Palibhasa, puro galit ang laman
niyang puso mo at walang ni katiting na pagmamahal!”
Napaismid lang si Jerome.
Isang gabi na galing akong eskuwelahan, nagulat naman ako nang sa
pagpasok ko ay nakita ko si Jerome na nakatihaya sa kanyang kama, at may
babaeng nakaupo sa kanyang pagkalalaki at kinakabayo si Jerome! Nakababa lang
ng kaunti ang kanyang puting boxers at ang babae ay hubo’t hubad nilamutak pa
ng mga kamay ni Jerome ang kanyang dibdib. Kahit may semento pa ang kanyang
binti, may bendahe ang kanyang mga saksak, nagtatalik sila!
Bigla akong lumabas nang nakita nila ako. Isinara ko ang pinto at
nanatiling nakatayo sa harap nito. Hindi ko lubos maintindihan ang aking
naramdaman. Naghalo ang sobrang sakit at poot. Tila gusto kong umiyak. Tila
gusto kong sabuyan sila ng gasolina at sindihan habang nagtatalik. Doon ko
nai-relate ang sinabi ni Jerome na babae ant babae lang daw ang may karapatan
na magmahalan, na ayaw niya sa bakla dahil panggulo lang.
“Panggulo pala ha! Sige, tinggnan natin!” ang pagmamaktol ng isip
ko. Ang ginawa ko ay muli kong binuksan ang kuwarto at parang wala lang akong
nakita. Inilagay ko ang aking bag at laptop sa mesa atsaka nagbihis habang sila
naman ay patuloy sa pagtatalik at parehong umuungol.
Pagkatapos ay humiga ako sa kama, binuksan ang TV at nanuod
kunyari.
Lihim kong nilingon si Jerome. Nang magkasalubong ang aming
paningin, hindi na siya gumalaw at hinayaan na lang ang babaeng habang umuungol
ay walang humpay ang pagtaas-baba ng kanyang pagkababae kung saan ay nakapasok
pa rin ang ari ni Jerome.
Nakasimangot akong nakatingin sa kanya. Siya naman ay nakatingin
na seryoso ang mukha na mistulang may naramdamang guilt.
Nang biglang huminto ang babae, tumagilid ako agad patalikod sa
kanila.
“Ano bang nangyari sa iyo, Jerome!” ang sambit ng babae. Kanina
lang ay sarap na sarap ka pero ngayon ay bigla kang nahinto? Hindi ka naman
ganyan dati ah! Kahit may ka-kuwarto ka pa, wala kang pakialam. Halos imbitahin
mo na nga lang ang kakuwarto mo na mag three-some tayo! Bakit ngayon ay bigla
kang nawalan ng gana?”
Hindi ko narinig na sumagot si Jerome.
“Hoy, ikaw!” sigaw ng babae sa akin. “Puwede bang lumasan ka muna?
Nabibitin ako. Nabibitin kami! Wala ka bang respeto?”
At sa galit ko ay talagang sumagot ako. “Respeto? Di ba dapat kayo
ang rumespeto sa akin? Boarding house po ito, hindi motel. Doon kayo sa motel!
Nalilibugan kayo wala pala kayong perang pang-motel? Kung irereport ko kaya
kayo sa may-ari ng boarding house na ito? Gusto niyo?” ang mataray kong sabi.
“Jerome! Bakit ba ganyan kung makapagsalita itong roommate mo!
Bugbugin mo nga iyan! Hindi pa siguro nakatikim ng bugbog iyang kutong lupa na
iyan para matuto!” ang sambit ng babae na tumayo mula sa kanyang pag-upo sa
kandungan ni Jerome.
Kitang-kita ko ang mataba at mahabang pagkalalaki ni Jerome nang
natanggal na ito sa ari ng babae. Basang-basa ito na parang nababalot ng dagta.
Napalunok ako ng laway. Sa buong buhay ko ay nuon lang ako nakakita ng ari ng
lalaking tigas na tigas at basang-basa. Ramdam ko ang paggapang ng kakaibang
kiliti sa aking kalamnan. Ramdam ko ang pagtigas ng aking pagkalalaki. Ngunit
hindi ko ipinahalata iyon.
“Jeromeeeee! Hatawin mo iyang kakuwarto mo!” ang sambit ng babae
habang pinulot ang kanyang panty sa sahig at isinuot ito.
“Huwag na. Umuwi ka na...” ang mahinahong sabi ni Jerome.
“Umuwi??? Ganoon na lang? Bakit sino ba itong ka-warto mo na tila
takot kang saktan iyan?”
“Basta, kapag magaling na ako saka tayo lalabas. Magmomotel tayo.”
“Hindi puwede Jerome! Tayo ang mag-adjust sa kanya. Bugbugin mo!”
ang mataas na boses ng babae.
“Hindi nga puwede. Sige alis na, ihahatid kita sa pintuan.”
“Hoy!” ang tawag sa akin ng babae. “Umalis ka nga rito!”
“Bakit ako aalis? Kuwarto ko ito.” Ang sagot ko.
“Hindi ako aalis hanggang hindi mo sinaktan iyan!” ang turo ng
babae sa akin.
Doon na sumigaw si Jerome. “ALIS NA! TANGINAAAAAAAAA!!!”
Dali-dali ring nagbihis ang babae at nangmatapos, lumabas ng
kuwarto na inihambalos ang pintuan.
Nang kami na lang dalawa ang naiwan, tumagilid siya paharap sa
akin. Ako naman ay tumagilid patalikod sa kanya.
“Sorry.” Ang sambit niya.
“Bakit ka nagso-sorry?”
“Sa pagdala ko ng babae rito.”
“Di ba gawain mo iyan dati pa? Halos imbitahin mo nga iyong ka-kwarto
mo na mag-threesome kayo ng babae mo?”
“Sorry na...”
Hindi na ako umimik. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Wala
naman kaming relasyon, hindi ko siya kasintahan ngunit sobrang sakit ang aking
naramdaman. Kung maaari pa lang sanang laslasin ko ang leeg ko dahil sa sobrang
galit ko sa aking sarili sa di maintindihang sakit na nakita siya na may babae
ay ginawa ko na.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Nang sa
pakiramdam ko ay nakatulog na siya, tumagilid akong paharap sa kanya.
Nakatuhaya siya, ipinatong ang kanyang paa na may semento sa ibabaw ng dalawang
unan. Naka-itim na boxers lang siya. Kahit sa aninag ko lang siya nakikita ay tanda
ko ang anyo ng kanyang katawan, ang kanyang abs, ang kanyang bukol sa
gitnang-katawan, ang mala-inosente niyang mukha. Nang sumagi naman sa isip ko
ang dugo ko na inabuno sa kanya, napangiti ako. Tumayo ako mula sa aking higaan
at lumakad na patiyad patungo sa kanyang kama. Umupo ako sa gilid nito at
pinagmasdan ang anyo ni Jerome. Habang nakaupo ako sa kama niya, pinagmasdan ko
ang kanyan mukha. Nakatihaya kasi siya sa paghiga. Inilapit ko pa ang aking ulo
sa mukha niya at inaninag kong maigi ang maliliit na detalye sa kanyang mukha. “Malapit ka nang gumaling. Mala[pit na rin kitang
iwan, Jerome. Alam mo, mami-miss kita. Mahirap kasi ang kalagayan ko. Heto ako
crush na crush kita... hindi nga lang crush eh. Mahal na kita. Ngunit sino ba
ako, di ba? Sabi mo nga, hindi ako tao. Panggulo lang kami sa bihay ninyo. Walang
puwang ang puso mo sa mga katulad ako. Hindi ang isang kagaya ko ang
pinapangarap mo sa buhay. Sobrang sakit ngunit walang choice eh. Kaya aalis na
lang ako. Ayaw kong magdusa na nakikita kang may dinadalang babae sa kuwarto
mo. Ayaw kong manatili rito dahil alam kong habang tumatagal akong kasama ka,
lalo lang akong mai-in love sa iyo. At masakit iyon dahil wala naman talagang patutunguhan
ang aking naramdaman para sa iyo, di ba? Sana lang ay maintindihan mo na ang
pagiging bakla ay hindi namin ginusto. Hindi ko ginusto ang maging ganito. Hindi
kami naglalaro sa buhay. Sobrang masakit ang pagiging bakla. Alam mo ba? Kasi
katulad ngayon, mahal kita. Sino ba ang nagturo sa akin na mahalin ang katulad
mo? Kung may gamot lang sana upang mapawi ang pagmamahal ko, bumili na ako.
Ngunit wala. Kaya ako na lang ang aalis... Pero alam mo, an gpa-konsuwelo ko na
lang sa sarili ay iyong dugo ko na inabuno sa iyo. Kahit papaano ay kasama ang
dugo ko sa dugo mo na nananalaytay sa iyong kaugatan. Kahit sa pamamagitan man
lang nila ay nagkasama tayo, nagkaisa... Sana Jerome ay huwag ka nang mambugbog
ng mga bakla. Nasasaktan din ako...”
Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa kanya ng pabulong nang hindi
ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha, at nagsilaglagan ang mga ito
sa mukha ni Jerome. At nakita ko na lang ang biglang pagmulat niya sa kanyang
mga mata!
Dali-dali akong tumakbo patungo sa kama ko na misutlang lumpid
lang at lumanding na deretsong flat ang katawan sa kama. Nagkunaring tulog, Nang
palihim na nilingon ko si Jerome, nakatagilid siya paharap sa akin, mistulang
nakamulat ang kanyang mga mata. Hindi lang ako sigurado. Iyon ang huli kong
natandaan at nakatulog na ako.
Lumipas pa ang dalawang araw at halos magaling na si Jerome noon. Wala
na ang semento sa kanyang binti at mas mabilis na siyang nakakakilos gamit ang
kanyang saklay. Plano na rin niyang pumasok sa eskuwelahan kinabukasan. Sa
katapusan ng linggo na iyon na rin ang aking pag-alis. Kinundisyon ko na rin
ang aking sarili na iwanan na si Jerome at ang boarding house. Sa araw na iyon
ay bumalik si Allan.
Nang sinabi ko kay Jerome na si Allan ang nasa may pintuan,
sinagot niya ako na huwag papasukin at kunin na lang uli ang mensahe. Ngunit
sinuway ko siya. Ang pagkakaalam ko kasi, kung may alitan man silang magkapatid
o pamilya ay dapat mag-usap sila. Ayokong maging kasawbwat sa desisyon niyang
mali na hindi makikipag-usap ng maayos at hanapan ng solusyon ang kung ano man
ang gusot sa pamilya nila.
Kaya pinapasok ko si Allan at ako ang lumabas. Ngunit sa labas ng
kuwarto lang ako nakinig sa kanilang usapan.
“Julyyyyy! Bat mo pinapasok ang tao na to!!! Tangina naman o!” ang
narinig kong sigaw ni Jerome sa loob ng kuwarto.
Hindi ko na sinagot pa iyon. Sa isip ko, bahaa silang mag-usap.
“Tol... ano ba ang nangyari sa iyo?”
“Wala kang palialam! Kahit mamatay man ako, get lost! Okay!”
“Hinahanap ka na ni Daddy! Pati na rin ng girlfriend mong si Trixia. Tinatanong nila kung bakit ‘di
mo sinasagot ang mga texts nila.”
“Hoy unggoy! Huwag mong matawag-tawag na daddy ang ama ko! Hindi
kita kaano-ano, alam mo iyan! Sampid ka lang! Di mo pa rin ba alam na dahil sa
iyo kung kaya ay ayoko nang tumanggap ng kahit ano mang pera mula sa tanginang ‘DADDY’
mo?! Naintindihan mo ba??? Buwesit ka sa buhay ko! At kung gaano mo ipagpipilitan
ang sarili mo na tanggapin kita, sorry, hindi kita matatanggap!”
“Tol.. kahit iyong hiling na lang ni Daddy na kausapin mo nang maayos
si Trixia...”
HUWAG MO NGANG MATAWAG-TAWAD NA DADDY ANG AMA KOOOOO! PUTANGINA MO!!!”
“O-okay... iyong kay Trixia na lang. G-gusto niyang mag-usap kayo...”
“Sabihin mong ako na lang ang tatawag sa kanya. Sabihin mong busy
ako at maghintay siya kung kailan ako libre.”
“O-okay. H-eto pala, may ipinabibigay si D-daddy mo...”
“Ibalik mo sa kanya iyan! Kahit magnakaw pa ako rito basta ayokong
tumanggap ng pera galing sa kanya. Makapag-aral ako kahit wala kayong maitututong
sa akin! Mabubuhay ako nang hindi umaasa sa inyo! Alis na!!!”
(Itutuloy)
Excited napo ako sa part 6
ReplyDeletemay update na po bah sa part six nito? please update poh
ReplyDeletesalamat sa update! katulad parin ng dati, bitin n nmn sa pagbabasa hehe. pero oky=ey narin, nalibang naman ako at nabawasan ang stress ko.
ReplyDeleteOC
It hurts...
ReplyDelete